#usapang pag-ibig
Explore tagged Tumblr posts
Text
Sana ganito tayo lagi. Pag may mali, nakikinig. Hindi yung mali ka na, pinapanindigan mo pa.
#hugot#usapang hugot#usapang feelings#kwentong hugot#usapang pagibig#hugot feels#quotes#usapang puso#hugots#hugotlines#kwentong buhay#usapang pag ibig
4 notes
·
View notes
Text
˚˖𓍢ִ໋🌷͙֒✧💗˚˖𓍢ִ໋🎀͙֒✧🌷˚˖𓍢ִ໋💗͙֒✧🎀˚˖𓍢ִ໋🌸
Pag-ibig na naman ang usap-usapan sa paligid ko
Ngunit kung nais mong malaman, ‘di naman ako nagrereklamo
At ang katotohana'y ‘di ko, ‘di ko mapigilang mapangiti nalang minu-minuto
Nakakabaliw na pag-ibig, sigurado nang hindi papayag aking pusong mapalayo sa’yo
Oh baby baby baby
Halika, tara na, sa’n mo ba gustong pumunta?
Sa bundok o dagat ba? Sa mga ulap kaya?
Walang problemang iisipin pa kung ikaw naman ang laging makakasama
Lagi nang umaawit, umaawit mula kusina hanggang sa sala
Lagi lagi
Lagi nang napapasabing ‘mahal kita’ mula umaga, mukhang malala na
Hanggang gabi pauwi at bago matulog nang mahimbing
Naiisip kita lagi lagi
Lagi lagi lagi lagi lagi lagi
Pag-ibig nga naman, pag ika'y tinamaan, aatras pa ba?
Kala mo'y ‘di kailangan, ngunit ngayo'y ‘di na kayang mag-isa
At t'wing wala sa’yong piling, telepono ko ay puno ng usapang mahalaga sa’tin
Tipong ‘magandang umaga’ o ‘kumain ka na ba?’
‘pag narito ka na'y hindi maalis sa’yo ang aking tingin
Oh baby baby baby
Halika, tara na, sa’n mo ba gustong pumunta?
Luzon, Visayas ba? O Mindanao kaya?
Walang problemang iisipin pa kung ikaw naman ang laging makakasama
Lagi nang umaawit, umaawit mula kusina hanggang sa sala
Lagi lagi
Lagi nang napapasabing ‘mahal kita’ mula umaga, mukhang malala na
Hanggang gabi pauwi at bago matulog nang mahimbing
Naiisip kita lagi lagi
Lagi lagi lagi lagi lagi lagi
Oohh.. Sa’yo lang naramdaman ang ‘di ko naman hinanap
Ooohh oohh.. Oh ikaw pala ang araw sa likod ng ulap
Ulap.. ulap.. ooohh oooohhhh
Lagi nang umaawit, umaawit mula kusina hanggang sa sala
Lagi lagi
Lagi nang napapasabing ‘mahal kita’ mula umaga, mukhang malala na
Hanggang gabi pauwi at bago matulog nang mahimbing
Naiisip kita lagi lagi
Lagi lagi lagi lagi lagi lagi
˚˖𓍢ִ໋🌷͙֒✧💗˚˖𓍢ִ໋🎀͙֒✧🌷˚˖𓍢ִ໋💗͙֒✧🎀˚˖𓍢ִ໋🌸
6 notes
·
View notes
Text
Ayokong bumalik sa nakaraan. Kung saan wala pa tayong natututunan —nagpapadala pa sa mga sinasabi ng karamihan. Walang sariling kumpas, aabante sabay aatras. Takot sa mga malalaking desisyon, kahit na ayaw ay sadya pa ring sasang-ayon. Kung saan ang kahulugan ng pag-ibig ay wala pang lalim. Maliligayang pagkakataon lang ang hinahangad ng damdamin. Umiiwas sa maaaring maging away, tinataguan ang dapat pag-usapang mga bagay. Ayokong bumalik sa nakaraan. Pero handa akong mag-simula muli. Handa akong isulat ang panibagong yugto. Kung saan ibang tao na tayo — iba na yung ikaw at ako. Hindi na tayo yung dalawang nagmahalan noon, bagkus ay panibagong tao na tayo sa susunod na pagkakataon. Malawak na ang naiintindihan – hindi na kumakabig sa sinasabi ng kahit na sino pa man. May lalim na sa bawat sarili, wala ng pag-aatubili. Handa nang harapin ang malalaking pagsubok, wala ng takot kahit ano pa man ang kumatok. Natuto nang umunawa at umintindi — natuto nang kumapit at manatili. Ayokong bumalik sa nakaraan, pero handa akong mag-simula muli. Ikaw yung sikulo na handang hamakin ulit. Yung dasal sa langit na hindi na ikukubli — dasal na ikaw at ako na lamang ulit ang sinasambit.
4 notes
·
View notes
Text
Usapang susi.
Nalaman ko nalang kagabi pagkagising ko na nakakabit parin pala yung susi ng kwarto ko sa labas at naka lock lang yung sa loob. Buti nalang kahit papaano masasabi ko naman na safe yung boarding house dito.
Ngayon kauwi ko, kuha agad ng susi sa bag pero yung susi na nakakabit sa ID ko yung ginamit ko at malamang hindi talaga bubukas dahil susi yun ng locker ko.
Ganito nalang ba talaga epekto sakin ng kape? Or epekto ng pagkabigo sa pag ibig -.-
I also find it weird na pangalawang beses na yung kanina na may nalaglagan (wallet, keys) at ako ang nakasunod/malapit sa incident at pumulot para ibalik sa may ari.
1st incident last week - naka motor, nalaglag ang wallet, pinulot ko at buti mabagal nagpatakbo si kuya kaya naibalik ko.
2nd incident (today) - naka motor, almost same time and same location, nalaglag yung susi, pinulot ko although aware na si kuya na nalalaglag at binalikan nya at inabot ko.
I love the way how they smile after I returned those things. It makes me feel happy too and there's something in me na parang ang gaan sa pakiramdam. Patuloy akong maglalakad na naka ngiti. Siguro gusto lang din ni Lord na maging happy ako kahit sa ganung paraan.
Pero napapaisip parin ako syempre na bakit sa pareho pa na lugar.
4 notes
·
View notes
Text
Naniniwala ako na sa ilang tama ko sa buhay ay isa ka don. Kung ako'y pagkakamali lang para sayo hahayaan na lang kita. Hahayaan kong makita mo rin na ako ang tamang tao para sayo. Dahil ang pagmamahal ko sayo ay tunay, wagas, at walang halong kasamaan.
6 notes
·
View notes
Photo
Sakit
Di ako maka-usad
Sa aking kinatatayuan
Naghihintay na ako'y iyong pigilan
At sabihing sana'y wag akong lumisan.
Lumipas ang segundo
Lumipas ang minuto
Daplis ng malamig na hangin
Tanging dumapo sa balat na nag-iinit.
Lumingon ako patalikod
ngunit wala na ang iyong anino
Nag-iisang nakatayo sa gitna
hawak ang sing-sing na iyong binalik.
Tumulo ang isang patak ng luha
Luha ng lungkot at panlulumo
Luha ng sakit at panghihinayang
Luha ng pagsisising sana'y di ka iniwan.
Inibig kita noon
at mas iniibig pa rin kita magpasa-hanggang ngayon.
Ikaw ang pinaka-magandang nangyari sa akin noon
At hindi ko nanaising maging kabaliktaran ito ngayon.
Walang pangalawa at walang pangatlo
Walang nakasabit at walang nakikisabit
Nasa akin ang problema at wala sayo
Sana maliwanag ito sayo.
Masakit magpaalam ng walang rason
Masakit magpaalam ng hindi nagsasabi ng totoo
Patawarin mo ako sa aking nagawa
Ayoko lang dumating sa puntong iwanan kita ng walang paalam.
Sasaktan kita hangga't maaga pa
Sasaktan kita hangga't may oras pa
Sasaktan kita sa paraang mas magaan
Sasaktan kita bago sa mundo ako'y tuluyang mabura.
#tula#poets on tumblr#hugot na tula#tulang pag-ibig#tulang pagmamahal#tulang pag iwan#tulang pilipino#poem#poetry#filipino poetry#filipino poem#filipino#hugot#hugot feels#usapang pag-ibig#usapang tula#usapang buhay#usapang pag ibig#usapang pagmamahal#usapang pag-iwan#kwentong tula#kwentong buhay#kwentong pagibig#kwentong pagmamahal#sakit#kwentong sakit#usapang sakit#usapang masakit#kwentong masakit#tulang masakit sa damdamin
6 notes
·
View notes
Photo
Nuggets
Madaling pakisamahan, Mahirap linlangin. Madaling lapitan, Mahirap mahalin.
Isang taong kay daming pinagdaanan, Mga bubog ng kahapon na hindi malimutan, Mga pasa at sugat na dinanas, Nag-iwan ng marka sa bawat kasulok-sulokan.
Kung nababawi lamang, Ang mga masasakit na salitang binitawan. Kung nababawi lamang, Ang bawat hampas ng aking palad sa iyong katawan.
Huli na nang ako'y bumalik sa ulirat, Huli na nang ako'y matauhan. Hindi na mababalik ang oras na nagdaan, Hindi na maibabalik sa dati ang pinagsamahan.
Nuggets ko kung bakit, Ika'y umatras at umayaw. Nuggets ko kung bakit, Ika'y bigla nalang bumitaw.
#hugot#hugot feels#hugoteros#whogoat#nuggetlove#tulang pagibig#tulang pagmamahal#filipino poetry#poem#poetry#filipino poem#makatang manunulat#kwentong tula#hugot tula#usapang pag ibig#usapang sakitan#usapang puso#kwentong puso
2 notes
·
View notes
Text
Iniwan mo akong pira-piraso sa mga panahong kinailangan kita ng buong buo.
Hindi ko maipaliwanag ang sakit o kung anong klase ng sakit ba yung naramdaman ko matapos masayang ang lahat ng pinaghirapan ko - makuha ka lamang, hindi ko malaman kung paano ko pa mabigyang halaga ang buhay ko ngayong wala ka na sa tabi ko. Alam kong binigay ko ang kalahati ng sarili ko para sayo, kalahati kasi alam kong hindi ako magiging buo kung wala ka. Tumira ako ng kalahati para sa sarili ko ngunit, ang kalahati kapag wala ang kahati nito ay hindi kailanman magiging buo. Minahal kita sa alam kong kaya ko, minahal kita sa kahit anong paraang pwede kong maipakita sayo, sa ibang tao at maipagmamalaki ko yon sa sarili ko. Ngunit bakit ba mahal? ako'y iniwan mo? Wala na akong iba pang alam na pwedeng sabihin sayo kundi mahal kita, bakit iniwan mo akong kalahati, ngayon ako'y pira-piraso na at sa pagkakataong ito, hindi ko alam kung paano bumangon dahil wala ka na.
#pinoy#tagalog#relate#love#relasyon#pag-ibig#thoughts#lalaki#babae#advice#relationships#long text post#fact#usapang relasyon#yung feeling#pagmamahal
6 notes
·
View notes
Photo
Puno (March 4, 2017 - 1:44 PM)
Sa dulo sa malayo Sa malayo sa di maabot Sa lugar kung saan katahimikan ay nahahanap Sa lugar kung saan katahimikan ang nangingibabaw.
Lugar na dating pinupuntahan Lugar na ngayo’y binabalikan Mga kahapon na natapos na Mga kahapon na nagdaan na.
Katulad ng isang dahon Nanggaling sa sanga at nagsihulog Mga tuyong dahon sa lapag Maihahalintulad sa tuyo kong laway.
Mga salitang hindi nabitawan ng maaga Mga dahon na namatay at saka nahulog Mga salitang kinimkim at tinago Mga dahon na namatay at saka nahulog.
Ako na maihahalintulad sa puno Naubusan at namatayan ng sandamak-mak na dahon Ako na maihahalintulad sa puno Ubos na ang mga dahon na aking tinuring na pag-asa.
#usapang pagibig#usapang puso#usapang buhay#kwentong buhay#kwentong pagibig#kwentong puso#poems#poem#tula#usapang tula#kwentong tula#filipino poems#filipino poetry#tulang pilipino#puno#dahon#wasak na pag-ibig#uwi nalang ako#usapang pag-asa#kwentong pag-asa
2 notes
·
View notes
Text
"Takot ako gumising na isang araw na baka mawala ka, iwan mo ko, at magsawa ka."
-iii
#kwentong hugot#kwentong puso#kwentong pagibig#kwentong buhay#usapang pag ibig#usapang hugot#usapang pagibig#usapang feelings#Usapang present#Pagibig#Hugot#hugots#tagalog hugot#pinoy hugot#hugot words#hugot quotes#hugot feels#hugot ni trigo
6 notes
·
View notes
Text
“Si Tadhana”
"Hoy!" Tawag niya sa 'kin.
Pagtingin ko sakanya ay seryoso siyang nakatingin sa 'kin.
Madalang lang maging ganito ang isang ito. Mas madalas pang umulan kesa mag-seryoso ang isang ito sa buhay.
Ano kayang nangyari?
"Ano 'yon?" Bored na tanong ko sakanya.
Huminga ito ng malalim bago nag-salita. "Sa tingin mo, kung tao si tadhana anong itsura niya?"
Natulala ako sa tanong niya. Anong sabi niya? Gusto kong matawa pero pinigilan ko ang sarili ko.
Umaandar na naman ang kabaliwan ng isang ito. Pero mas baliw yata ako dahil mas pinili kong sakyan ang trip niya.
Pero... Ano nga ba'ng itsura ni tadhana?
Tumingin ako sa kalangitan. Ang daming bituin at ang liwanang ng buwan.
Huminga ako ng malalim at nag-salita.
"Siguro, nakasuot siya ng puti at gusot-gusot na t-shirt na may naka-print na 'Tadhana', kupas na maong ang pantalon na niluma na ng panahon. Pudpod na ang suot na rubber shoes dahil sa pabalik-balik niyang pag-takbo upang pagtagpuin ang landas ng mga tao. Gulo at sabog ang buhok dahil sa sobrang stress. May malaki at maiitim na eyebags dahil hindi siya pinapatulog ng sandamakmak na mga reklamo. May ilang galos sa katawan dahil pilit niyang ipinaglalaban ang mga pagod ng lumaban. Nangangayayat na ang katawan dahil wala na siyang panahong kumain dahil sa dami ng problema. May hawak na yosi, kung minsan kape o alak. Pampatanggal ng stress dahil kung hindi niya lilibangin ang sarili niya sa oras ng maikling break time niya ay baka matagal na siyang na baliw at sumuko..."
Matapos ng mahaba kong speech ay tumingin ako sakanya pero hindi siya nakatingin sa 'kin, sa mga bituin... sa mga bituin na madalas niyang titigan.
"Ah... Ganon ba?" Mahinang bulong niya.
Hindi ko alam kung maiinis ako o ano. Sa hinaba-haba ng sinabi ko 'yon lang ang naging sagot niya.
Ano pa nga ba'ng aasahan ko sa tukmol na ito?
"Bakit? May balak ka ba'ng hunting-in siya?" Natatawang tanong ko pero na tigilan ako sa naging sagot niya.
"Oo. Tapos masinsinan kaming mag-uusap," seryosong sabi niya.
Bigla akong na tahimik. Parang alam ko na ang patutunguhan ng usapang ito.
"... itatanong ko sakanya kung may problema ba siya sa 'kin o sadyang trip lang niya akong pag-tripan? Itatanong ko kung bakit pati sa 'kin ay ibinubuhos niya ang frustrations niya sa buhay? Tapos bibigyan ko rin siya ng advice. Na usong magpahinga kasi ako? Sa totoo lang... pagod na pagod na. Gusto ko siyang sisihin kung bakit ako nagkakaganito. Gusto ko siyang sumbatan sa lahat ng paghihirap ko. And lastly, gusto kong... gusto kong mag-makaawa sakanya. Na sana... Sana kahit minsan lang ay paburan din niya ako."
Nang matapos siyang magsalita ay kasabay 'non ang pagpatak ng mga luha niya. 'Yong mga luha na madalang ko lang makita, 'yong mga luhang pilit niyang itinatago at mag-isang tinutuyo.
Lumapit ako sakanya at niyakap siya ng mahigpit at doon, don siya tulungang bumigay. Humagolgol siya na parang paslit na inaway ng kalaro o inagawan ng kendi.
Gusto kong sabihin na magiging maayos din ang lahat pero... magiging maayos nga ba? Hindi ko alam. Hindi ko na alam..
Hindi rin kasi madali ang pinagdadaanan niya. Nakakapanghina, mababasag at mababasag ka talaga. Kaya hindi ko rin siya masisisi sa inaasta niya.
Kung puwede nga lang ipasa 'yong sakit na nararamdaman niya willing akong tanggapin. Mapa-via Bluetooth man yan o via- SHAREIt. I can't bear seeing this person crying, I felt so useless.
Nanlulumo ko siyang pinagmasdan. Masakit para sa 'kin ang makita siyang ganyan.
Bakit ba wala man lang akong magawa para sakanya?
Nakakatakot na tuloy mag-mahal.
Love is a game. Si tadhana ang organizer at tayo ang players. Nasa sakanya ang magiging takbo ng laro, siya ang mag-mamanipula at tayo 'yong taga sunod.
Matira matibay. Kapag mahina ka talo ka kaagad, kaya kailangan maging manhid ka kasi habang nasa laro ka hindi mo maiiwasang hindi masaktan at masugatan. Kahit anong ingat mo madadapa at madadapa ka at kung gusto mong tumagal dapat maging matapang ka.
Gusto kong sisihin si tadhana, ng dahil sakanya naging ganito siya.
Bakit niya hinahayaang paulit-ulit na masaktan ang taong ito?
Bakit palaging sa maling tao niya ito ipinapareho? Bakit hindi na lang niya ito hayaan maging masaya?
Bakit hindi na lang kasi ako ang ibigay ni tadhana para sakanya?
Gusto kong sisihin si tadhana. Ng dahil sakanya marami ng nasasaktan. Maraming umuuwing wasak at luhaan.
Pero may karapatan ba akong sisihin si tadhana? May karapatan ba tayong magalit sakanya? Paano kung katulad natin may pinagdadaanan din siya?
Paano kung sa dinami-rami ng kailangan niyang gawin at asikasuhin katulad natin ay na papagod na rin siya?
Paano kung dahil sa bigat ng problema niya ay nahihirapan na siya? Natataranta at naguguluhan kaya minsan nagkakamali siya?
'Yong akala niyang para sa isa't isa... ay hindi pala talaga?
'Yong akala niyang dapat paghiwalayin ay 'yon pala talaga ang para sa isa't isa?
Gusto kong isipin na sana ganon nga lang 'yon. Sana nga nagkamali lang siya, at sana gumagawa rin siya ng paraan para maayos 'yon.
Hinawakan ko ang kanyang pisngi at pinunasan ang kanyang luha gamit ang aking hinlalaki.
Masakit makitang umiiyak ang taong mahal mo para sa mahal nito.
Masakit na makita siyang nasasaktan pero wala kang magawa, kasi ikaw mismo sa sarili mo hindi mo rin alam kung paano aalisin ang sakit na nararamdaman mo.
Saan ko ba puwedeng makita si tadhana?
Gusto kong sabihin sakanya na idaan na lang namin sa suntukan ang lahat. Saktan na niya ako ng pisikal wag lang emosyonal.
'Yong sugat sa katawan madaling maghilom, na gagamot. Pero 'yong sakit dito sa loob? Sa puso? Aabutin ng buwan o taon bago maghilom. Marami ka munang pag dadaanan bago maghilom 'yong sugat.
Tatawid ka pa sa bundok ng rejection, sa dagat ng heartache. May makakasalubong kang What if's? Dadaan sa gubat ng Muling aasa na kadugtong ng talon ng katangahan. Tapos aantayin mo pang umulan ng realization para matanggap mo ang reality atsaka ka lang makakarating sa destinasyon mo. After that fucking journey, doon ka pa lang siguro makaka move-on. And then you need to jump in the next level. Sa Moving-forward stage at pag na tapos mo 'yon, edi congrats! Nakagraduate ka na sa pagiging brokenhearted.
Bakit kasi may kailangan pa'ng masaktan? Hindi ba puwedeng mahal ka rin ng mahal mo? Gusto ka rin ng gusto mo?
Kung ganon lang sana edi everybody happy sana ang lahat! Wala ng umiiyak, wala ng mawawasak at magpapakamatay para sa pag-ibig.
Tumahan na siya at unti-unting kumalma.
Hinawakan ko ng mahigpit ang kamay niya na siyang ikinagulat niya. Taka niya akong pinagmasdan pero ngiti lang ang isinukli ko.
Sa ngayon hanggang dito lang ang kaya kong gawin. Ang hawakan ang kamay mo at ang manatili sa tabi mo.
"Gusto mo ba'ng hunting-in natin si tadhana? Tapos tanungin natin kung puwedeng pasapak kahit isa lang? Baka kasi nakatulog siya kaya hindi niya magawa 'yong request mo."
Natawa siya at napapailing, "Kahit kailan talaga ang brutal mo!" Nakangiting sabi niya atsaka ginulo ang buhok ko.
Tumayo siya at nag-inat. Inabot niya ang kamay niya upang alalayan akong tumayo.
"Magkasama nating hanapin si tadhana. Marami akong gustong sabihin sakanya," pinagmasdan ko ang kamay niya at ang nakangiti niyang mukha.
Tinanggap ko 'yon at sabay kaming naglakad ng makahawak ang kamay.
"Pag na kita natin si tadhana mag-mamakaawa akong... sa 'kin ka na lang niya ibigay..."
1 note
·
View note
Text
Stay or Leave
Masaya. Lungkot. Sakit. Dismaya. Mararanasan mo iyan sa pag-ibig. Teka, naranasan mo naba ang umibig? Gigising sa umaga, bubungad agad ang napakatamis niyang mensahe sayo galing sa telepono. Umaga hanggang gabii siya lang ang nasa isip mo. Pag-ibig nga naman. Ngunit, paano kung ang pag-ibig na hinahangad na magtatagal ay pag-ibig lang pala sa maikling panahon? Subay-subayan natin ang kwento ng pag-iibigan nina Miko at Eva na kung saan masusukat ang kanilang pagmamahalan. Hahantong ba sa kasalan? O mapupunta sa usapang hiwalayan? "Naku!! Nasaan na kaya ang lalaking yun? Alas otso na ng umaga, wala parin!" Bungisngis ni Eva habang nakatayo at nag hihintay ni Miko na kanyang sundo papuntang paaralan. Umaabot limang minuto pa ng paghihintay sa wakas ay nakarating narin si Miko. Bumusina siya at binuksan ang pinto ng sasakyan. Nakasimangot namang pumasok si Eva sa loob at tumawa lang ng mahina si Miko. Alam niya kasing galit na galit na ang kanyang nobya. Minuto ang lumipas habang nag mamaneho, wala paring kibo si Eva sa loob ng sasakyan. Kaya hindi natiis ni Miko at dahan dahan niyang hinawakan ang kaliwang kamay ni Eva gamit ang kanang kamay nito. Samantala ang kaliwang kamay ni Miko ay naka hawak sa manibela. "Sorry na, na late kasi ako ng gising kaya huli na nong nakarating ako" pagdadahilan ni Miko sa paghuli niya ng dating. Hindi parin kumibo si Eva at patuloy lang sa pagsisimangot. "Tsaka di narin ako naka pag text kasi naubusan ako ng load...Oi ano ba! Pansinin mo naman ako. Promise totoo yong mga sinabi ko" pagpupumilit ni Miko kay Eva. "Oo na! Naniniwala na ako. Swerte mo lang at di kita kayang matiis." wika ni Eva. "Kaya mahal kita eh!" Ani ni Miko kay Eva. Hindi naman mapigilan ni Eva ang pamumula ng kanyang mukha. Siyam na buwan nang mag karelasyon sina Miko at Eva katulad ng iba, naranasan nanila ang maga away sa mga maliliit na bagay, may mga tampohan at selosan, minsan nagka hiwalay pero nag babalikan rin naman. Typical lang na mag nobyo sila. Pero hanggang ngayon iniingatan parin nila ang kanilang relasyon na binuo. May mga pangarap narin sa isat- isa at mga pangako na binitiwan. Na sana, sana sila na ang magkatuluyan sa hinaharap. Nakarating sa paaralan at patuloy parin sa pangungulit at pang aasar si Miko, hanggang maka pasok sa silid aralan. Si Miko at Eva ay magkakaklase lang, silang dalawa ay mga Senior High School student. Araw-araw silang nag tutulungan sa klase, pati sa paggawa ng asignatura at mga proyekto. Natapos ang isang araw ng puno ng asaran sa dalawa. Habang nag hihintay si Eva sa labasan. At kinuha ni Miko ang kanyang sasakyan, biglang tumunog ang telepono neto. Sinagot niya naman ito dahil ito ay tawag galing sa kanyang ama. Masayang binati ni Miko ang kanyang ama, pero maya-maya sa kaligitnaan ng paguusap mapapansin ang pag iba ng itsura ni Miko, mistolang hindi magandang bakita ang sinabi ng kanyang ama. Maya-maya habang nag hihintay si Eva, dumating naman si Miko, pumasok na siya sa loob at pinaandar na ito at umalis. Habang sa byahe nag tataka si Eva dahil hindi na ito ang daan papuntang bahay nila. "Love, saan tayo pupunta?" Tanong ni Eva "Sa dalampasigan love." Sagot naman ni Miko. Hindi na nagtanong ulit si Eva dahil sangayon naman ito sa plano ni Miko. Matagal narin raw nang hindi siya maka punta da dalampasigan kaya itoy namimiss niya na rin. Nung silay nakarating unang lumabas si Miko at nag hintay muna si Eva ng minuto pero laking gulat niya hindi siya pinagbuksan ng pintuan ni Miko. Kaya kusa itong lumabas at tumabi sa bakanteng upuan. Pinagmasdan niya ang paligid. Iilan lang ang mga tao na tumarambay sa dalampasigan, mahinaon ang hampas ng mga alon, malamig rin ang simoy ng hangin. At palubog narin ang araw. Napakagandang tanawin nga naman. "Love, maypag uusapan tayo" wika ni Miko. Nakaramdam ng kaba si Eva sa inaasal ni Miko. Ramdam niya na seryoso ang kanilang pag uusapan kaya itinuon niya dito ang atensyon. "Tumawag si papa kanina. At may sinabi siya" ani ni Miko at hinawakan ang kamay ni Eva. Mas lalong kumaba ang kanyang nararamdaman. Hindi na siya kumibo at senyales ron na mag oatuloy si Miko sa pag sasalita. "Sabi niya, sa katapusan ng buwan, kukunin niya kami nila mama at dun na kami titira sa Canada." Bigla-biglang tumulo ang luha ni Eva ni hindi man lang niya namalayan. Matagal na, matagal na nila itong napag usapan. Tungkol sa tatay ni Miko na naninirahan sa Canada. Napag usapan narin nila ang chansang kukunin sila dito at dun na tumira sa Canada. Isa yan sa kinakatakutan ni Eva na mangyari, ang mahiwalay kay Miko. Pero nangyari na. "Love." Sabi ni Eva. Wala paring tigil ang pag buhos ng luha nito. Isa isa naman itong pinuounasan ni Miko. "Ayokong sumama love. Gusto ko kasama ka." Hindi narin napigilan ni Miko ang maiyak. Unti unti nang lumubog ang araw. Napagandang tanawin sana pero hindi nila ito kayang pansinin dahil sa sitwasyon. Huminga ng malalim si Eva at nag salita. "Napag usapan na natin yan diba? Na dapat kang sumama, kasi pamilya mo yan. Wala tayong magagawa kung aayaw tayo sa gusto nila. Kahit masakit, kailangan eh" "Love naman. Diba tayo lalaban? Ayoko. Diba sabi ko magkasama tayong tantanda. Diba? Diba sabi ko mag aaniversary pa tayo. Diba love?" Sabi ni Miko. "Kailangan mong piliin ang pamilya mo. Lalaban tayo, pero kailangan rin nating sumuko. Tantanda tayo pero siguro ngayon hindi na magkasama. Masakit pero kailangan. Wala akong laban eh. Girlfriend mo lang ako, pamilya mo sila. Talo na ako." Ani ni Eva habang umiiyak. Dito na yata magtatapos ang lahat. Lahat ng paghihirap, mga masasayang ala-ala. Dito na yata magtatapos. "Love, I'm sorry at nangyari pa ito. Sorry kasi kailangan mo pang masaktan. Babalik ako love. Pagkatapos kung mag-aaral. Mag iipon ako. At babalikan kita. Hintayin mo ako love. Please" wika ni Miko, hindi niya napigilan ay niyakap niya si Eva ng mahigpit. Baka heto na ang huli nilang pag sasama. Tumugon si Eva sa yakap ni Miko, dahan dahan itong tumango sa pagsang ayon na hihintayin niya ang pagbabalik neto. "Mahal kita Miko. Kaya hihintayin kita. Malaya kana love." Heto naba yun? Dito nalang ba magtatapos ang lahat? Siguro nga Oo. Bat ang ikli? Bat ang iksi lang ng panahon ng pagsasama namin? Dipaba sapat yung pag sasakripisyo namin at kailangan pa ng ganito? Pero talo naman talaga ako eh. Pamilya na ang pinag uusapan. Naniniwala naman ako na babalik siya. Alam kung babalik siya. At hihintayin ko siya.
2 notes
·
View notes
Text
Blog #1: “Misedukasyon”
Inatasan kami ng aming guro na gumawa ng Blogs tungkol sa mga naging at magiging talakayin namin sa klase. At sa tatlong linggo kong pagpasok sa klase at sa tatlong araw kong nakilala ang asignaturang ito, masasabi kong sa kaunti pa lamang na kaalaman, ay namulat na ako tungkol sa maliit na parte ng katotohanan. Katotohanan tungkol sa bansa.
“Kalakip din nito’y pag ibig sa bayan, ang lahat ng lalong sa gunita’y mahal mula sa masaya’t gasong kasanggulan. Hanggang sa katawan ay mapasalibingan.” - Andres Bonifacio
Upang tunay na simulan ang blog na ito, aaminin ko na hindi talaga ako naging taga-hanga ng usapang politika maski ng asignaturang Filipino. Para sa akin, hindi ko naging interes ang dalawang bagay na ito. Bata pa lamang ako ay tumatak na sa aking isipan na madumi ang mundo ng mga taong politiko. Komplikado, magulo, at delikado ang mapasama sa usapang ito dahil rin sa aking mga napanood at nabasa noon. Pangalawa, maari ninyong isipin na ang taksil ng naging kaugaliang ito. Hindi ko nakahiligang sumulat sa Filipino o magbasa ng Filipino, puwera nalang kung kailangan o kapag maganda ang paksa. Pero, inisip ko kung bakit. Naisip ko, ang mali ko rin ay hindi ko rin sinubukang kilalanin.
Nang pagpasok sa PUP, napatunayan kong sobrang mali ako. Napaka-ignorante ng ganitong pagiisip.
Hindi madumi ang politika, ang madumi ay ang ginagawa ng tao. Sa simula’t sapul, tao naman talaga ang nagpapasimuno ng maraming karumaldumal sa mundo. Naisip ko ito nang ipanood sa amin ng aming guro ang isang bidyo tungkol sa edukasyong mayroon ang bansa. Ang pamagat ng pelikula ay “Misedukasyon”. Maikli lamang ito, ngunit napakahabang diskusyon ang kaya nitong idulot. Sa bidyo, tatlong salita ang ipinakita na ang tingin ko'y may malaking importansya. Kolonyal, Komersyalisado, at Elitista. Simulan natin sa salitang Kolonyal. Ang kolonyalismo ay ang tuwirang pananakop ng isang bansa sa iba pa upang mapagsamantalahan ang yaman nito o makuha rito ang iba pang pangangailangan ng mangongolonya. Bakit ito naisama sa edukasyon? Nabanggit ang isa sa mga nais ng mga Amerikano na magkaroon ang mga Pilipino ng positibong tingin sa kanila. Paano nga ba nila nakamit ito—walang iba kundi sa pamamagitan ng edukasyon. At hindi lamang iyon, paano nila naitatag ang kolonyalismo? Ito ay ang pagtuturo sa mga Pilipino ng kanilang wikang Ingles. Binigay ng mga Amerikano sa mga Pilipino kung ano ang ipinagkait ng mga Espanyol. Para sa karamihan ng Pilipino, malaking pasasalamat ito sa mga Amerikano. Dito ang naging simula ng katapusan. Nakamit ng mga dayuhan ang kanilang nais. Tuluyang nangibabaw ito kaysa sa ating sariling wika, kaya siguro maraming kabataan ang naging katulad ko dati. Ano ba ang wikang ginagamit palagi pag tayo’y pinagagawa ng mga quiz, assignments, o essay? Hindi ba Ingles? Hindi ko lubusang nakilala at kinilala ang Filipino dati, ngunit napakaganda ng wikang Filipino, lalong-lalo na ang baybayin. Sana nga, una palang sinanay na tayo gamitin ‘to.
Sunod ay Komersyalisado. Sa sobrang pagkomersiyo sa ating edukasyon, ang pag-aaral ay sumesentro na lamang sa kinikitang pera ng mga kapitalista. Ang pagturing sa edukasyon bilang negosyo ay lalo lang naman nagsasanhi ng problema para sa mga kapwa kong estudyante. Gaya ng mga sinasabi ng apektado na napanood ko sa balita noon, hirap pa rin sila sa pagaaral dahil sobrang dami ng gastusin. Bukod sa tuition fee, pinoproblema din nila ang kanilang pagkain, dormitoryo, at araw-araw na gastusin. Hirap din ang iba na magkaroon ng iskolarsyip dahil pili lamang ang mga kurso na pinapayagan tulad na lamang ng mga kursong may kinalaman sa business kasi dito pinaka makikinabang ang mga kapitalista. Dito naman pumapasok ang ikatlo, ang Elitista. Natalakay din sa bidyo ang ibang eskuwelahan sa maynila tulad ng Ateneo de Manila, La Salle, Letran at iba pa. Dahil dito, nabanggit ng aming guro ang sumikat na pagsisiyasat tungkol sa mga estudyante ng aking paaralang pinapasukan. Sinasabi nito na isa sa mga pangunahing kinukuha ng mga taga-pagempleyo ay mga estudyanteng galing PUP, dahil sa kanilang partikular na karakter. “Dapat nga ba kayong matuwa?”, 'yan ang kanyang sinabi. Pinaliwanag niya ang kahulugan ng kaniyang tanong. Maayos nga naman na mataas ang ating employment rate kumpara sa mga galing sa Ateneo de Manila o UP, pero magkano ang sweldo? “Mas mataas ang employment rate kumpara sa Ateneo, eh 'di naman magtatrabaho mga 'yan. Sila may-ari ng mga kumpanya eh!” Oo, nakakatawa pero kung iisipin mo nang mabuti, ito’y nangayayari sa totoong buhay.
Isa pa, maraming nabago ang pangyayaring ito. Maging sa mga produkto, musika, at syempre, sa edukasyon. Ayon sa isang babasahin—na talaga namang pasok sa mga nangyayari sa bansa—na ibinigay ng aming guro, tinalakay ang Neoliberalismong Edukasyon na mayroon ang Pilipinas. Sa madaling salita, sinabi rito na hindi magiging angkop ang edukasyon na mayroon tayo para sa ating bansa dahil ito'y nakahanay pa rin sa klase ng edukasyong mayroon sa Amerika. Paano nga ba uunlad ang Pilipinas kung ang mga ginagawa nito ay para pa rin sa interes ng ibang bansa? Tunay nga bang naging malaya ang Pilipinas?
Bago ko tapusin ang blog na ito, nabanggit din ni Sir Merdeka ang kahalagahan ng Research. Akala ko noong una, ang salitang iyan ay para lamang maghanap ng mga solusyon sa problema. Doon ako nagkamali. Aniya, “’Lagi ninyong tatandaan, ito'y para makagawa kayo ng bagong kaalaman.” Bagong kaalaman para sa bayan. Noong araw na iyon, masasabi kong nabago ang aking pananaw sa buhay. Marami akong natutunang bagong kaalaman na hindi ko aakalain ang importansya. Marami pa akong hindi alam at dapat malaman. Sa ngayon, paunti-unti kong nakikilala ang dalawang bagay na akala ko'y hinding-hindi ko kikilalanin.
Malaki ang aking pasasalamat.
1 note
·
View note
Text
Syempre, magulo ulit ito. 🤷🏻♀️
In the romance books that I’ve read, falling in love is quite easy especially when you are in constant communication. What makes the love look hard is the challenge that the both of you will face along the way to settlement. Hmm.
There is a statement in one of Taylor’s song saying “And life makes love look hard. The stakes are high, the water’s rough but this love is ours.”
Maybe she wants to say that no matter how life makes love seem hard and complicated, it still depends on the both of you who are in a relationship to decide about what to do with the love that you have.
What’s my point?
Wala. Share ko lang. Napaisip lang ako. Bakit ba? 😂
Ang ipinagtataka ko lang ay bakit kapag ako na ang nag-iisip ng tungkol sa pagmamahal at relasyon, parang ang layo layo niya. No, it is not because I’m still young, maybe it is because I am not ready to give my commitments to anyone aside from myself. Gosh.
It’s nice to fall in love, to feel that extreme feeling, to have someone to share your memories with, to share your life’s happening without hearing a complain and to have someone who always have your back. Sa books na nababasa ko, maganda. Umaaliwalas ang paligid dahil in love ka, mas masaya ka, mas maayos ang disposisyon at mas kuntento ka sa tinatakbo ng buhay mo.
BUT! WHAT! ABOUT! ME!?
Bakit tuwing iniisip ko na sa akin siya mangyayari, hindi ganun ang katuwaan na nararamdaman ko? Kung sa imahinasyon lang siya at iisipin ko na hindi magkakatotoo, aba, nakakatuwa at nakakasabik. Kapag naman papairalin mo ang imahinasyon mo at iisiping magkakatotoo nga iyon sa isang punto ng buhay mo, nakakatakot.
Bakit nakakatakot? Bakit ako ganito? Bakit parang ayaw ko? Bakit mas gusto kong mag-isa? Gusto kong maranasan ang happy ending na napapanuod at nakikita ko pero bakit kapag iisipin kong mangyayari nga siya, hindi na ganun ka-happy?
Subukan ko raw dapat, sabi ng ibang tao sa paligid ko. Hindi naman ako pangit, mabait (🤮) naman daw ako, matangkad naman daw at marunong naman akong mag-alaga at mag-asikaso kaya may magkakagusto sa akin. Hindi naman sa wala, meron naman, ako lang talaga ang tumatanggi kasi... ayaw ko sa kanila. Unfair naman na gusto nila ako tapos ako walang gusto sa kanila at naawa lang or natakot mang-reject kaya nagbigay ng pag-asa. That’s mean. I think that’s mean. Last year, I rejected those who tried. Why? I don’t like them. That’s it. I don’t like them. They’re creepy, they’re corny and they’re not my type.
Naalala ko na naman tuloy ang good morning message na sinend sa akin last month. Chinat niya ako after I accepted his friend request in Facebook and I don’t want to be rude and just ignore his message. Communication student ako and to ignore a message just because you don’t want to talk is rude for me. If you don’t want to talk with that person, go and tell him or her in a nice way. Posible naman kasi ang ganyan, ang gawin ang mga bagay in a nice way, hindi ko lang alam kung bakit medyo hirap ang iba samantalang mas madali kapag ganun. Kung ang kausap ko naman ang rude, okay na akong huwag siyang kausapin basta nasabi ko na ang gusto kong sabihin at ang rason kung bakit. Bahala na siya kasi kung papatulan ko pa, maiirita lang ako at magsusuplada. Sabi pa naman ni Mommy, huwag ko raw supladahan ang may gusto sa akin. Kawawa naman daw kasi. Whatever.
I really have issues with socializing. Iniisip ko na kaya hindi ko kayang makipag-date kasi may ganun akong issue. Hahaha. Iniisip ko pa lang na magdi-date kami or lalabas, medyo nasi-stress na ako. Lalabas ako ng bahay, mag-aayos at higit sa lahat, magpapagod. Magiging sweet din dapat ako. Hindi pa naman ako sweet all the time, may time lang na bigla akong magiging sweet and cuddly pero hindi siya 24 hours... or baka depende sa taong kasama ko? Iniisip ko na kapag gigising ako, kailangan kong magchat at ganun din bago matulog. May nagsabi sa akin na hindi naman daw kailangang ganun nga ang mangyari, oh come on! Kapag kayo na, kailangang ganyan. Or kung hindi man matinding pag-a-update, kailangan mo pa ring mag-update kahit papaano kasi baka mag-alala or magtampo or whatsoever na rason ng pag-a-update. Ganun ako kay Mommy, nag-a-update pero after or before ng pupuntahan ko lalo na kapag spontaneous ang pupuntahan, minsan sa huli ko na nasasabi. Basta, iba talaga kapag jow na eh. Para siyang silent rule for me. I dunno kung ganito talaga, basta ‘yan ang nararamdaman ko eh. HAHAHA.
May mga tao pa namang game lang sa usap usap, akala mo may patutunguhan kayo sa usapan niyo araw araw at gabi gabi at madalas usapang tanghali tanghali pa. BUONG ARAW NA USAPAN NA NGA MINSAN! Magka-text at magkausap pa kayo sa video call at phone call. Jeez. Then one day, poof! This isn’t from my experiences pero I know someone who did this. Gosh, naawa ako doon sa kausap niya nung nagdesisyon siyang itigil na dahil hindi naman talaga niya gusto to the point na susugal siya. Wow wow wow! ‘Yon talaga ang grabe! At least ako, kapag alam ko na walang pag-asa sa akin, hindi ko na pinapatagal. Nagdedesisyon agad ako na ayaw ko sa kanya. Para saan pa ang pagsubok sa pamamagitan ng pag-uusap kung alam ko naman na hindi ko talaga siya magugustuhan? Sayang oras, sayang effort, sayang battery, sayang ng feelings at sayang ang pag-asa niya. Tapos magi-guilty pa ako, tapos iisipin ko pa na ang sama kong tao. Ugh, dagdag lang sa stress sa buhay. Hahahaha.
Basta bahala na si Lord kung ibibigay pa Niya sa akin ang itinadhana Niyang tao pagkatapos Niyang mabasa ang iniisip ko. Hehehe. Kung itinadhana naman naman talaga ng Diyo ang isang tao para sa isa pa, ‘di ba ibig sabihin nun nararapat sila sa isa’t isa? Tadhana nga eh. AH, MOLLA! Basta bahala ka na po Lord. Hehehe. Kahit si Park Chanyeol na LANG po Lord. 😘
3 notes
·
View notes
Text
Huwag naman sana at hindi tayo ang para sa isa't-isa ay okay lang, atleast naging tayo. Naging masaya ako at sana naging masaya ka rin. Iingatan ko ang mga ala-ala na ating binuo nang magkasama. Mamahalin pa rin kita kung tayo pa rin o kahit pa man na hindi na sa hinaharap. Ienjoy pa rin natin ang pagmamahalan natin sa kasiyahan o sa kalungkutan, sa sarap o sa sakit, sa loob o sa labas, at sa kahit ano pa man ang meron tayo. Salamat dahil natagpuan at nakasama kita sa mga taon o panahon na punong puno ng takot, duda, sakit, lungkot, lumbay at kaguluhan.
Sayo ko natagpuan ang isang ligaya at naranasan ang ginhawa na siyang kailangan ko, simula pa nung una.
8 notes
·
View notes
Photo
Preso
Matagal nang nakakulong
Sa nakaraa'y hindi ako makabangon.
Natatakot sumubok muli,
Natatakot sumugal ulit.
Sa isang pagkakamali
Nagiba ang binubuong kastilyo
Nasira na ang iilang parte
Mabuo man ngunit di na katulad ng dati.
Isa akong preso ng nakaraan
Nakatira sa kasalukuyan
Hindi na ninanais ang hinaharap
Sumuko na ako ng tuluyan.
Isa akong preso na dati'y
Punong-puno ng pagmamahal
Hindi lang sa aking sarili,
pero sa akin ding minamahal.
Isa akong preso na dati'y
Ginagawa at hinahamak ang lahat
Inilalagay ang sarili sa kapahamakan
Wag lang ako iwan ng aking minamahal
Isa akong preso na dati'y
Maya't maya'y sinasaktan
Niloloko nang harap-harapan
Pinipikit ang mata at nagpapanggap pa ring masaya.
Ngayon ako'y nakalaya na
Malaya nang gawin ang lahat-lahat
Di pa rin ako kuntento at masaya nang lubos
Puso't isipan ko'y preso pa rin ng kahapon.
#tula#poets on tumblr#hugot na tula#tulang pag-ibig#tulang pagmamahal#poem#poetry#filipino poetry#filipino poem#usapang pag-ibig#usapang tula#usapang buhay#usapang preso#usapang sakal#kwentong buhay#kwentong pagibig#kwentong tula#hugot#hugot feels#preso#tula ni trigo#trigo#poem ni trigo
4 notes
·
View notes