#usapang hugot
Explore tagged Tumblr posts
Text
Nakakatrauma yung relasyon na puro ka give tapos wala ka naman na-gagain. Ubos na self respect mo, ubos pa self confidence at nawala pa pangarap mo.
#hugot#usapang hugot#usapang feelings#kwentong hugot#usapang pagibig#hugot feels#quotes#usapang puso#hugots#hugotlines
4 notes
·
View notes
Photo
Nuggets
Madaling pakisamahan, Mahirap linlangin. Madaling lapitan, Mahirap mahalin.
Isang taong kay daming pinagdaanan, Mga bubog ng kahapon na hindi malimutan, Mga pasa at sugat na dinanas, Nag-iwan ng marka sa bawat kasulok-sulokan.
Kung nababawi lamang, Ang mga masasakit na salitang binitawan. Kung nababawi lamang, Ang bawat hampas ng aking palad sa iyong katawan.
Huli na nang ako'y bumalik sa ulirat, Huli na nang ako'y matauhan. Hindi na mababalik ang oras na nagdaan, Hindi na maibabalik sa dati ang pinagsamahan.
Nuggets ko kung bakit, Ika'y umatras at umayaw. Nuggets ko kung bakit, Ika'y bigla nalang bumitaw.
#hugot#hugot feels#hugoteros#whogoat#nuggetlove#tulang pagibig#tulang pagmamahal#filipino poetry#poem#poetry#filipino poem#makatang manunulat#kwentong tula#hugot tula#usapang pag ibig#usapang sakitan#usapang puso#kwentong puso
2 notes
·
View notes
Conversation
Him: Wala akong mahanap na babae na totoong magmamahal sa akin.
Me: Alisin mo kasi 'yang mga kamay na nakatakip sa mata mo para makita mo ako.
2 notes
·
View notes
Text
Malayo sa katotohanan
- III
0 notes
Photo
Sakit
Di ako maka-usad
Sa aking kinatatayuan
Naghihintay na ako'y iyong pigilan
At sabihing sana'y wag akong lumisan.
Lumipas ang segundo
Lumipas ang minuto
Daplis ng malamig na hangin
Tanging dumapo sa balat na nag-iinit.
Lumingon ako patalikod
ngunit wala na ang iyong anino
Nag-iisang nakatayo sa gitna
hawak ang sing-sing na iyong binalik.
Tumulo ang isang patak ng luha
Luha ng lungkot at panlulumo
Luha ng sakit at panghihinayang
Luha ng pagsisising sana'y di ka iniwan.
Inibig kita noon
at mas iniibig pa rin kita magpasa-hanggang ngayon.
Ikaw ang pinaka-magandang nangyari sa akin noon
At hindi ko nanaising maging kabaliktaran ito ngayon.
Walang pangalawa at walang pangatlo
Walang nakasabit at walang nakikisabit
Nasa akin ang problema at wala sayo
Sana maliwanag ito sayo.
Masakit magpaalam ng walang rason
Masakit magpaalam ng hindi nagsasabi ng totoo
Patawarin mo ako sa aking nagawa
Ayoko lang dumating sa puntong iwanan kita ng walang paalam.
Sasaktan kita hangga't maaga pa
Sasaktan kita hangga't may oras pa
Sasaktan kita sa paraang mas magaan
Sasaktan kita bago sa mundo ako'y tuluyang mabura.
#tula#poets on tumblr#hugot na tula#tulang pag-ibig#tulang pagmamahal#tulang pag iwan#tulang pilipino#poem#poetry#filipino poetry#filipino poem#filipino#hugot#hugot feels#usapang pag-ibig#usapang tula#usapang buhay#usapang pag ibig#usapang pagmamahal#usapang pag-iwan#kwentong tula#kwentong buhay#kwentong pagibig#kwentong pagmamahal#sakit#kwentong sakit#usapang sakit#usapang masakit#kwentong masakit#tulang masakit sa damdamin
4 notes
·
View notes
Text
11.03.2017
My hands want to hold yours so bad but I know they're not the one you want to hold.
#spilled ink#spilled thoughts#hugot feels#late night rant#usapang feelings#hugot sa gabi#sakit bes#oneliner
1 note
·
View note
Text
Mahirap talaga mafall sakin walang sasalo sayo.
11 notes
·
View notes
Text
CONVO101
JEI: Oy! Sino si Bea? CRUSH mo?Kaw ah! Bea ka pala e. 😁 lagot ka sa gf mo. AKO: Ulul! si Choy lang MAHAL ko at CRUSH ko ❤, Period! no erase! Ang Magtuloy Forever Broken Hearted! HAHAHA! 😂👊
2 notes
·
View notes
Text
"Hindi naman porket sinabihan kang mahal ka eh G ka na agad!" - Teffy, 2021
youtube
Lady's Voice Podcast | EP 001: Mahal ko o Mahal ako?
usapang puso na naman! siguradong maraming makakarelate sa episode na ito, kung saan mapapaisip ka, ano nga ba ang dapat na piliin: sigaw ng nanay mo o sigaw ng puso mo? chariz!!! tara na't makinig at maki-hugot kasama ang paborito niyong kababaihan 💅
0 notes
Text
Mga Hugot sa Pasko
Wala atang ligtas ang pasko sa mga Pinoy na mahilig mag emote. Lahat na lang ng bagay ay binibigyan ng hugot. Maaaring dahil ito ang nararamdaman ng isang tao o baka balak lang talaga nilang magpapampam. Kaya narito ang mga hugot sa pasko.
Top 5 na mga Hugot sa Pasko
5. Buti pa ang Pasko ramdam ko, ikaw HINDI!
Kailan ba sya huling nagparamdam sayo? Baka nakalimutan ka na ng jowa mo kabayan. Magpapasko na, aabot na ng bagong taon. Baka naman dedma paring sya. Kaya sa darating na bagong taon, dapat bagong jowa na rin. Baka kaya nanlalamig na sya sayo ay dahil nag iinit na sya sa iba!
4. Mahirap ang walang label, kasi para kang nakatanggap ng regalo na walang pangalan kaya hindi mo alam kung sayo ba.
Usapang label? Yung landian lang kayo pero walang commitment? Alam nyo na mahal nyo ang isat isa pero ang meron lang ay ikaw at sya pero walang tayo. WALANG KAYO! Mahirap nga naman na di nyo alam kung ano ba talaga kayo diba? Pero ang masaklap ay makakuha ng regalo na wala namang pangalan tapos mag mag ke-claim na iba kasi nga naman walang nakalagay na para sayo. Kaya naman sa kung anong meron kayo, bigyan nyo ng linaw kasi maaaring kunin sya ng iba.
3. Para ka lang ninong at ninang ko, hindi na nagparamdam.
Kailan ba ang last time na nakita mo ang ninong o ninang mo? Hanggang ngayon ba ay barat parin sila? Tinitipid ka? Pinagtataguan? Baka walang kinaibahan yan sa jowa mo na nakalimutan na ata na may jowa sya.
2. Oy! Dun ka mangaroling sa bahay ng ex mo… para marinig mo ang salitang “PATAWAD”.
Bitterness overload! Haha Ate, kuya, okay ba kayo ng ex mo? Wala bang hard feelings? In good condition ba kayong dalawa? O baka naman ay naka unfriend na kayo? O baka naman ay blocked ka na o sya sa facebook? Minsan hindi nagiging maganda ang closure kung naloko ka ng ex mo o pinagpalit ka sa iba diba.
1. Magkakilala pala kayo ni Santa? Sabi nya kasi “Hoe! Hoe! Hoe!”.
And ang top sa list natin ay ang tawa ni Santa Claus. Ito ay hugot sa pasko ng isang taong iniwanan ng kanyang jowa para sa iba. Paskong pasko diba tapos nasama ka sa SMP o Samahan ng Malalamig ang Pasko. Hayaan mo na sila. SMP rin naman sila o Samahan ng Mali ang Pinatulan.
OTHER BITES
Ex kahit mangaroling ka pa dito sa bahay di pdin kita bibigyan ng PATAWAD.
Ang lamig ng pasko… kasing lamig mo.
Christmas na pero parang naging halloween nung iniwan mo ako.
Buti pa yung mga nangangaroling pinapatawad mo.
Minsan na nga lang makatanggap ng ampao sa badjao pa.
TANONG: Ano ang Hugot mo sa Pasko?
34 notes
·
View notes
Text
Where did you meet?
College Campus. Classmates kami.
First date?
Hmmmm. Eco Park? 🤔 Eto tanda ko pero hindi pa yata kami neto 😂
How long you've been together?
6 years, 11 months, and 27 days
Who’s older?
Him. Tho 9 months lang naman pero kuya ko pa din yan 😂
Who was interested first?
Syempre Siya!!! DUHHH!! Hahaha. Aganda babae here ehhh. Proof: Lagi ako may free load 😂
Most sensitive?
Ako. Lagi naman ako ang may problema diba?
Worst temper?
Ako. Yung tipong wala kang mahihita saking kahit tuldok o hinga kapag binadtrip mo ko. Deadma to the highest level!!
Loudest?
Wala. Di bagay samin yung loudest kasi pareho kaming tahimik 😂
Funniest?
Siya siguro. Dami joke. Puro waley nga lang 😂😂
Stubborn?
Ako dati. Ngayon siya na.
Wala ehh. Sa una lang siguro talaga yung mga ganyan ganyan na kunwari nakikinig sayo.
Dami hugot ni ate ghorl 😂😂
Wakes up first?
Kapag may pasok siya.
Ayaw me pumasok ☹️
Stays up late?
Siya. Hindi DAW makatulog. Ewan lang kung ano talaga pinagkakaabalahan. Dati kasi sa iba pala busy kaya hindi makatulog 😂😂
Hahaha sorry na. Hirap kalimutan nung sakit.
Bigger Family?
Mine.
Better Driver?
Him. Pero wait mo ko magkalisensya. Magkarera pa tayo 🚗💨
Better Cook?
Dati siya. Hahahaha. Trip ko tlaga mga luto niya dati lalo na Sinigang. My fave 💕
Nicest One?
Magkaiba kami nang mga pananaw sa buhay ehh.. Siguro kasi magkaiba din kami ng faith sa maraming bagay bagay. Pero tingin ko... Siya 😂 Lalo na pag mga usapang hayop. Hahaha. Wala iba meaning yan ahh. I mean animal lover kasi siya 😂😂
Most Annoying?
Him. Alam niya yung mga bagay na kinakainisan ko pero ginagawa/sinasabi niya.. Alam nya ba? O hindi? 😂😂 O walang iyakan. 😅
Cries over a sad movie?
Ako. Haha. Not literally sad movie pero sad scenes ganyan. Hindi kami fan ng mga Dramarama eklabush na ganyan. Hahahahaha. Action yung mga trip niya tapos ko naman romcom.
Well, I hate sad movies kasi. Hindi ko kaya. Siguro kaya ko pero pag ako lang 😂😂 MMK nga ayoko manuod ehh. Kasi iniiyakan ko talaga dati nung bata pa ko.
Who’s most likely to buy clothes?
Me!!! Pero di kami maluho ahh. As in!! Tipidan to 2 d highest level. As in todo todo. Hindi kami mahilig mamili pero once na namili kami sa tiangge lang or sa uk2 😅😂
Keeps their mouth shut when they’re upset?
Ako!!!!! Akong ako. Hahaha oo. Ako nga. Hindi ko kinakaila.
Kasi nga dibaaaaa. Alam mo yung mga kinakagalit ko pero ginagawa mo pa din kaya bala ka jannnn.
(at the back of my mind: Alam niya ba talga?) 😂
O, walang iyakan sabi ehh 😅😂
Message to him:
Wala naman. Sana di mo to mabasa. Labyu!! 😘
0 notes
Text
Nakakasawa magadjust sayo at sa mga gusto mo 🙉🙉 ayaw mong sinusumbatan ka pero ikaw ang lakas mo manumbat 🙉🙉🐵🐵
#hugot#usapang hugot#usapang feelings#kwentong hugot#usapang pagibig#hugot feels#quotes#usapang puso#hugots#hugotlines
3 notes
·
View notes
Text
What do you Meme?!
Sa makabagong panahon ngayon patuloy na kumakalat ang “memes” sa mga social media sites tulad ng Facebook at Twitter. Tila bang nagiging parte na ito ng ating pang araw-araw na buhay. At sa pag-usbong nang teknolohiya at pop culture, patuloy itong kumakalat na pinakapatok sa mga millienial. Bilang isang grupong mga kabataan mula sa University of Santo Tomas - College of Fine Arts and Design, nais namin ibahagi ang aming researches tungkol sa “memes”. Sa aming papel na nilikha ay makikita at mababasa ang kahulugan, layunin, usapang pop culture, epekto nito sa ating komunidad sa kasalukuyang panahon at marami pang iba.
Ano ba ang memes? Saan nagsimula ito?
Sa pamamagitan ng mga imahen kuha sa internet o kung saan man na binibigyan kahulugan gamit ang pagdagdag ng mga salita, ang memes ay isang komunikasyong nagbunga mula sa social media na nagbibigay daan sa kulturang popular.
Nagsimula ang salitang “meme” sa aklat ni Richard Dawkins na pinamagatang, The Selfish Gene. Ang salitang ito ay binigyang kahulugan ni Dawkins bilang “Mimeme” galing sa salitang Griyego na ang ibig sabihin ay “that which is imitated.” Sinubukan ni Dawkins na alamin kung paano lumalawak ang mga ideya o kaisipan sa paglipas ng henerasyon.
Bago pa magkaroon ng internet, mayroon ng mga memes na may paksang patungkol sa politika at kultura ngunit hindi ito tumatagal hindi tulad ngayon. Sa paglipas ng panahon, sumikat na ang mga 9gag, vines, at iba pa na gumagawa ng mga memes na mayroong libo libong viewers. Dahil dito at sa tulong ng social media ay mas naging kilala ito sa karamihan.
Usaping Pop Culture
Ang kulturang popular o “pop culture” ay isang gawaing panlipunan na laganap sa ispesipikong panahon. Malawak ang saklaw na tinatalakay nito tulad ng sports, fashion, music, at iba pa. Ito ay mas laganap sa mga social media sites tulad ng Facebook, Twitter, at Instagram dahil sa panahong teknolohiya ngayon na kung saan napakalawak ang sakop ng media. Bilang mamamayan, pati ang araw araw nating pamumuhay ay sakop na rin nito. Makikita ‘di lamang sa mga social media sites kundi pati sa telebisyon at iba pang plataporma ng entertainment.
Sa panahon ngayon, marami na ang nagbibigay daan upang makapaggawa ng mga memes tulad ng memegenerator.com at knowyourmeme.com. At dahil dyan, marami rin ang nakagagawa ng mga memes na maaaring maging tagumpay at maipakalat sa iba’t ibang plataporma na maaaring lumabas sa mundo ng social media at Internet at maging isang ganap na komunikasyong may cultural reference. Ang mga memes naman na hindi nagtagumpay ay mamamatay na lamang sa kakulangan ng pagkakalat nito.
Ano epekto ng memes sa komunidad
Karamihan ng mga memes na ating makikita sa mga social media sites ay maaaring nagmula lamang sa isang simple at inosenteng biro na binuo ng mga malilikhain ang utak. Maaari din na ang mga memes na ating nakikita o nababasa ay nag-ugat mula sa mga negatibong bagay. Ang mga memes tulad ng "Wala na, finish na.", "Obvious ba?" at "Advanced ako mag-isip" ay nabuo mula sa simpleng intensyon na magdala ng katatawanan mula sa mga katagang sinabi ng mga tauhan sa orihinal na bidyo. Ngunit mayroon ding memes na nag-ugat sa mga negatibong bagay, o nagpapakita ng negatibong pananaw sa mga tao na sangkot sa memes na ito.
Isang halimbawa ay ang babaeng karumaldumal na pinaslang sa Lapu Lapu City, kung saan binalatan ang mukha ng babae hanggang sa makita na ang bungo nito. Ang mga litratong inilabas ng pagpaslang sa babae ay kinuha ng mga tao sa social media at kinabitan ng litrato ng character sa isang sikat na pelikula ng Disney na 'Coco'.
Isa pang halimbawa nito ang mga "Paano mo nasabi?" jokes, maaaring katawa tawa ito pakinggan ngunit ang pinanggagalingan nitong meme na ito ay isang lalaki na di umano'y pumatay ng isang waitress matapos itong tanggihan sa isang date. Ang mga memes ay maaaring bagay na nagdadala ng tuwa at kasiyahan sa ating pang-araw araw na buhay, lalo na't kung ito'y bago lamang at hindi natin alam ang konteskto. Ngunit ang kawalan natin ng kaalaman sa mga bagay na ito ay maaaring mag bunga sa peligrosong implikasyon dahil binibigyan natin ng plataporma ang mga taong may masasamang intensyong gawan ng biro ang mga sensitibong mga bagay.
Ayon sa librong How the World Changed Social Media nina Miller et al.(2016), mayroong mga matandang gumagamit ng Facebook na mababa ang lebel ng literacy sa dahilang madali ang pakikipag bahagi ng kanilang mga damdamin sa pamamagitan ng like and share. At sa dahilang iyon, nagiging isang importanteng moda ng komunikasyon ang memes para sa mga mababa ang karunungan sa pagbasa at may kaunting tiwala sa sarili sa pag bahagi ng mga salita sa mga pampublikong plataporma.
Konklusyon
Sa konklusyon, ang kontekso ng "memes" sa ating modernong buhay ay nakakaapekto sa ating pang-araw araw na pamumuhay lalo na sa ating komunikasyon. Naipapasok natin ito pag dating sa ating mga jokes na nagpapasaya ng buhay natin, at sa pamamagitan ng “memes”, makikita ang pagiging malikhain at pagiging masayahin ng mga tao. Dahil dito ay pwedeng ilahad ang damdamin at magpakatotoo. Sa simpleng bagay na ito, maaaring mag bigay nang positibong at negatibong konsepto sa mga tao. Maaari itong manggaling sa iba't bang social media platfrom kaya sa panahon ngayon pwede ka nang sumikat nang mabilis. Speed lang. Sa kontekso ng pop culture ang memes ay pang saglitan lang na panahon na tinatawag natin na fads and trends. Ang fads ay pangsaglitan lang ngunit ang trends ay tumatagal at umaabot ng isang dekada.
MARAMING SALAMAT!
Talasanggunian
Aldana, I. (2017, July 25). 10 Hilarious Local Memes and Where They Came From. Retrieved from https://www.spot.ph/newsfeatures/humor/70869/10-local-memes-history-a1805-20170725-lfrm.
Haney, M. R. (2015). The Community of Sanity in the Age of the Meme. In Social Media and Living Well (pp. 73–87). Lexington Books.
Jelou.galang. (2019, July 23). Memes are fun, but when is the right time to laugh? Retrieved from https://www.scoutmag.ph/opinion/stories/when-is-the-right-time-to-laugh-on-sharing-dangerous-memes-jeloug-20190401.
MEME: Funny Pinoy Meme: Funny hugot, Memes, Funny memes. (n.d.). Retrieved from https://www.pinterest.ph/pin/471259548484264050/.
Miller, D. (2016). How the World Changed Social Media. London: UCL Press. Retrieved from http://0-search.ebscohost.com.ustlib.ust.edu.ph/login.aspx?direct=true&db=nlebk&AN=1257654&site=ehost-live
WhenInManila.com Team #WIMsquad The WhenInManila.com internship program was carefully designed to be flexible. (2019, February 21). 25 Filipino Memes That Saved Our Lives This 2018. Retrieved from https://www.wheninmanila.com/25-filipino-memes-that-saved-our-lives-this-2018/.
Capacillio, J. (2018, Jun 10). No Joke: These Hilarious Memes and Catchphrases Are Based on Real News. Retrieved from https://www.spot.ph/newsfeatures/humor/74384/funny-news-report-memes-a00258-20180710
Lasin, G. (2018, Nov 18). Pvblic Life ‘Paano mo nasabi’ now has his own mobile game – and it’s messed up. Retrieved from https://wethepvblic.com/paano-mo-nasabi-mobile-game/#.XfmcPLfQHqs
Miyembro:
Dela Torre, Ayn
Quiambao, Jayvee
Raceles, Alessandra
Ramilla, Charles
Sadian, Hayley
Mamiit, Isabella
Viray, Gwen
0 notes
Photo
“Mali”/ “Ang Pag-mamahal na Hindi na muling Magkakamali Pa”
0 notes
Photo
Preso
Matagal nang nakakulong
Sa nakaraa'y hindi ako makabangon.
Natatakot sumubok muli,
Natatakot sumugal ulit.
Sa isang pagkakamali
Nagiba ang binubuong kastilyo
Nasira na ang iilang parte
Mabuo man ngunit di na katulad ng dati.
Isa akong preso ng nakaraan
Nakatira sa kasalukuyan
Hindi na ninanais ang hinaharap
Sumuko na ako ng tuluyan.
Isa akong preso na dati'y
Punong-puno ng pagmamahal
Hindi lang sa aking sarili,
pero sa akin ding minamahal.
Isa akong preso na dati'y
Ginagawa at hinahamak ang lahat
Inilalagay ang sarili sa kapahamakan
Wag lang ako iwan ng aking minamahal
Isa akong preso na dati'y
Maya't maya'y sinasaktan
Niloloko nang harap-harapan
Pinipikit ang mata at nagpapanggap pa ring masaya.
Ngayon ako'y nakalaya na
Malaya nang gawin ang lahat-lahat
Di pa rin ako kuntento at masaya nang lubos
Puso't isipan ko'y preso pa rin ng kahapon.
#tula#poets on tumblr#hugot na tula#tulang pag-ibig#tulang pagmamahal#poem#poetry#filipino poetry#filipino poem#usapang pag-ibig#usapang tula#usapang buhay#usapang preso#usapang sakal#kwentong buhay#kwentong pagibig#kwentong tula#hugot#hugot feels#preso#tula ni trigo#trigo#poem ni trigo
4 notes
·
View notes
Text
Rant101
Hindi nako naniniwala sa word na "effort".. Dahil kahit anong gawin kong effort, in the end, iba pa rin ang pipiliin. Kahit yung you went beyond your limits na for that person but your efforts aren't appreciated. Yung tipong lahat gagawin mo para lang sakanya tapos makakahanap ng iba na mas entertaining then ikaw parang wala nalang sakanya. Kilala ka nalang pag may kailangan. Nakakagago na po
1 note
·
View note