#kwentong buhay
Explore tagged Tumblr posts
idun-haveone · 2 years ago
Text
Tawagin mo'kong Lucia,
ang babaeng umiibig sayo ng palihim.
At ikaw naman si ador,
ang minamahal ko mula sa malayo.
Hindi ito isang kwento ng pagmamahalan,
sapagkat niminsan ay hindi mo naman ako nakilala.
Bagkus isa itong kwento nang patagong pag-ibig.
Mula sa simula hanggang sa kung paano ito nagwakas.
Buwan ng Mayo noon,
katirikan ng araw bandang alas-dos ng hapon.
Nakapila ako sa loob ng isang paaralan para mag-enroll.
Hindi ko naman talaga gusto mag-aral doon, ngunit yun lang ang pinakamalapit sa bayan namin.
Ngunit hindi ko, inaakala na makikilala ko ang taong magiging dahil para gustuhin kong makapasok sa paaralan na 'yon.
Tahimik akong nagbabasa ng e-book sa cellphone ko,
nang may biglang bumunggo sa akin at naging dahilan para malaglag ang cellphone ko.
Hindi ikaw 'yon huwag kang mag-alala pero isa sa mga kaharutan mo noon.
Kung tama ang tanda ko si Roy yun.
Nag-sorry naman s'ya, at tinanggap ko iyon kasama ang pag-abot nya sa cellphone kong nalaglag.
At sa pag-abot ko, ay siya rin na pagkahagip ng paningin ko sa gwapo mong mukha.
Oo, gwapo ka. Mestiso na may mamula-mulang mga labi, mapupungay na mga mata at matangos na ilong.
Kinikilig ako noon, pero syemper hindi ako nagpahalata.
Magpapasalamat sana ako at magpapakilala na rin,
ngunit noon ako'y mahimasmasan wala na kayo sa harap ko.
Naglalakad na kayo palayo.
Napapaisip ka na siguro kung kaylan 'yon nangyari.
Year 2008, magse-second year college ka na noon sa kursong Engineering. At ako naman, ay in-coming 1st year sa kursong Accountancy.
Lumipas ang dalawang buwan pagkatapos ng mga pangyayari noong enrollment, at nakita ko kayong muli na magkakaibigan.
Nakaupo sa pinakasulok ng Canteen at mga nagtatawanan.
Mag-isa lang ako noon, kahit ayaw ko sa ma-ingay at pinili kong umupo malapit sa inyo.
Pinili ko yung parteng malaya kitang mapagmamasdan,
na walang ibang taong makakakita sa ginagawa ko,
kahit kayo mismo ay hindi ninyo ako napapansin.
At simula noon ay naging ganoon na ang naging routine ko sa araw-araw ang panoorin ka, hindi lang sa loob ng canteen kundi sa kahit saan na lugar na maaari kitang tanawin mula sa malayo.
Ang panoorin ka mula sa bulwagan ng paaralan,
tuwing hinihintay mo ang kung sino man na bago mong kasintahan.
Hanggang sa mag-uwian ay pinapanood kita, at hinahatid ng tanaw ang papalayo mong saksakayan.
Sa loob ng apat na taon ay gano'n ang naging takbo ng buhay ko,
nagawa kong mahalin ka ng lihim, panoorin ng tahimik.
At samahan sa bawat masasaya at malulungkot na tagpo ng buhay mo.
Nakita kong paano ka naging masaya sa tuwing napapasagot mo,
ang bawat naging kasintahan mo. At kung paano ka nadudurog sa tuwing na tatapos ang mga naging relasyong mo.
Dahil sa iba't ibang dahilan.
Nagiging masaya,malungkot at paulit-ulit akong nadudurog noon.
Masaya para sa kaligayahan mo, ngunit malungkot at durog para sa kabiguan ko.
At mas lalong nalulungkot at nadudurog para sa mga kabiguan mo.
Hanggang sa dumating ang araw ng pagtatapos,
magkasunod ang araw ng graduation natin.
Kaya naman noon araw na nakuha ko ang Diploma ko,
ay s'ya rin na araw na nag-desisyon akong umamin sayo.
Sa araw ng graduation mo, ngunit sadyang mapaglaro ang tadhana.
Sa pag-uwi ko sa aming tahanan kasama ang akin mga magulan,
ay laking gulat ko na andoon ka.
Nakatayo sa sulok ng bahay namin at katabi ang nakakatanda kong kapatid.
Magkahawak ang inyong mga kamay, at masayang nag-uusap.
Napatingin kayo sa kinaroroonan, lumapit kayo sa akin.
At para akong nawawalan ng buhay nang ipakilala ng ate bilang kasintahan nya.
Ngumiti at nag-Hi laman ako sa iyo, at dali-daling nagpaalam na ako ay papasok na sa kwarto ko. Dahil, biglang sumakit ang ulo ko.
Pero ang totoo, yung puso ko ang masakit.
Tila nadudurog ito, nang ilang libong beses.
Oo, na andiyan dito ka ngayon sa tahanan namin.
Kilala mo na ako, ngunit hindi biglang babaeng nagmamahal sayo.
Kundi biglang nakakabatang kapatid ng bago mong kasintahan.
8 notes · View notes
hugoteros · 2 years ago
Text
Sana ganito tayo lagi. Pag may mali, nakikinig. Hindi yung mali ka na, pinapanindigan mo pa.
4 notes · View notes
noonebutmeeee · 2 years ago
Text
WORK ELO #2
Ang funny, dami kong work bigla. (Online shopping, open social media accounts, at mag-pacute lang sa upuan) hahaha.
Nag-message pala sa whatsapp yung isa kong officemate na pangalanan nating si Alchohol, girl siya. May uminom daw ng gatas niya sa ref. Tinapon pa yung box ng milk sa mismong basurahan niya. Tapos sabi ko naman na, yon yung cute na na guy na pinag-uusapan namin nung nakaraan. Ang sabi niya "chaka, dahil ininom nya gatas ko, chaka sya." R.I.P sa milk mo Alchohol, bawi next time.
PS: Pati pala mga Chekwa, malalagkit ang tingin.
4:38 pm
5/25/23
0 notes
monieckdriezi · 2 years ago
Text
PITX
- Isinulat noong Pebrero 27, 2022 - Height of the Pandemic.
Nakaka-miss rin pala iyong init ng araw sa labas. Iyong nasa lilim ka, para makatakas sa araw o ng ultra-violet rays. Iyung mga kwento sa jeepney, iba't ibang taong nakakasalamuha. Yung tunog ng makina ng mga lumang pampasaherong jeep na parang sumisigaw na parang halimaw na nagsisimula palang humanap ng kakainin niyang pasahero. Iyong sigaw ng tsuper kapag papaalis na yung jeep, tapos nangongolekta pa-unti-unti para safe sa mga 123. Iyong tunog ng brakes ng mga bus na nagsisiikutan sa station. Iyong mga tunog ng bakal sa pagpitik sa iba't ibang parte ng jeep o pag
"Oh Magallanes, Magallanes!" sabi niya.
Nakaka-miss.
0 notes
jezawitha-z · 9 months ago
Text
Tumblr media Tumblr media Tumblr media Tumblr media Tumblr media Tumblr media
May 18, 2024 | Tarlac City
Monasterio de Tarlac • Sitio Baag View Deck • Cafétana PH
There's really no dull moments when I'm with these folks. I'm beyond grateful to have them in my life and this is something that I'll treasure forever.
This was my second time in Sitio Baag at nakakatuwa lang na lahat pala kami may kanya kanyang kwento sa lugar na 'to. We're just like "so anong kwentong Baag mo?" hahaha. Sobrang busog na busog na naman yung mga mata ko sa mga tanawin kahapon and gosh I'm still in awe. Pati puso ko tuwang tuwa talaga for some reason and I can't even explain.
Lord, sobra sobra na po ito for this year and I'm really thankful. Deserve ko naman pala yung sobra sobra 😭 Thank you for this ppl, for this friendships, salamat ng marami sa buhay na pinagkaloob mo sa 'min. Pls continue to bless their good heart.
11 notes · View notes
soliveneka · 10 months ago
Text
AKALA
Flash Fiction
Siya si Jing, isang dalagang makulit, masiyahin, pala-kaibigan, at higit sa lahat, mapagmahal. Mapagmahal sa kanyang mga magulang pati na sa kanyang mga kaibigan. Siya’y may mataas na pangarap para sa kanyang pamilya pati na sa sarili. Kung tutuusin ay maswerte siya dahil kahit simple lang ang kanilang buhay, nakakakain pa rin sila ng tatlong beses sa isang araw hindi pa kasama ang meryenda sa hapon. Naibibigay rin ng kanyang mga magulang ang kanyang pangangailangan sa paaralan. Sa kaibigan naman, may tatlo siyang matatalik na kaibigan mula pagkabata na talaga namang nagiging sandalan niya sa mga pagkakataong napanghihinaan siya ng loob. Kaya’t masasabing maswerte siya sa mga taong nakapaligid sa kanya. Kung kwentong pag-ibig ang pag-uusapan, ewan ko na lang kung maswerte pa rin siya dahil hindi siya gusto ng taong gusto niya. Maganda naman siya, masipag at mabait ngunit bakit hindi siya gusto ng gusto niya? O talaga yatang hindi pa ito ang tamang pagkakataon para sa pag-ibig.
Dahil dito, minsan napapaisip siya kung kailan darating ang taong magmamahal sa kanya nang lubos. Nawawalan na rin siya ng pag-asa dahil parang wala ng darating na matinong lalaki na iibig sa kanya. Napapa-sana all na lang siya tuwing may nakikitang magkasintahang magkahawak-kamay sa mga pampublikong lugar. “When kaya” ang laging sambit tuwing nakakakita ng babaeng may hawak na kumpol ng rosas na bigay ang kasintahan. Ngunit ang totoo ay minsan na siyang umibig nang totoo, gusto nila ang isa’t isa ngunit ayaw pa ng lalaki na mag-commit sa seryosong relasyon. Habang siya, gusto na niya. Umasa siya na magkakaroon ng sila, pero hindi pala. Kaya’t linakasan niya ang kanyang loob na wakasan kung anong meron sila kahit wala naman silang nasimulan. Pinutol niya ang kanilang komunikasyon kahit mahirap at hindi na nagparamdam pa. Sobra siyang nasaktan, dahil akala niya siya na, akala niya hindi na siya magsa-sana all at when kaya. Dahil dito, hindi niya maiwasang maging bitter lalo na kapag tinutukso siya ng kanyang mga kaibigan na masaya sa kani-kanilang relasyon. Masaya nga ba sila?
Gayunpaman, ipinagsawalang bahala niya ang tungkol sa pag-ibig at ibinuhos niya ang kanyang oras sa pag-aaral at pagiging mabuting anak. Kaya siguro wala pa siyang kasintahan ay ayaw pa ng kanyang mga magulang lalo na ang kanyang ina na pumasok sa relasyon. May mga nagiging crush pa rin naman siya ngunit hanggang doon na lamang. Kontento na siya sa pasimpleng sulyap sa tuwing naglalakad sa hallway ang kanyang crush. Dahil sa naging karanasan niya noon, parang nawalan na rin siya ng gana tungkol sa pag-ibig. Nawalan na siya ng pag-asa na may lalaking magmamahal sa kanya nang higit pa sa kanyang pagmamahal.
Ngunit akala lang pala niya. Dahil isang araw sa hindi inaasahang pagkakataon, biglang sumulpot na parang kabute ang dati niyang kaklase noong high school, si Cy. Isang binatang makulit at mapagmahal na anak. Bigla na lamang itong nag-chat kay Jing at kinukumusta ito hanggang sa araw-araw na silang magkausap. Dahil magkaklase sila noong high school, lagi nilang inaalala ang mga araw na laging inaasar at kinulit ni Cy si Jing. Lingid sa kaalaman ni Jing, may pagtingin pala si Cy noon sa kanya. Naalala rin nila kung paano naging kulay kamatis ang mukha ni Jing noong binigyan siya ni Cy ng isang pulang rosas. Siya ang kauna-unahang lalaking nagbigay sa kanya ng bulaklak.
Tuloy-tuloy pa rin ang kanilang pag-uusap hanggang sa umamin si Cy na nahuhulog ang kanyang loob kay Jing sa pangalawang pagkakataon. Gustong siya nitong ligawan pero naalala niya ang sinabi ng kanyang ina na magtapos muna siya ng kanyang pag-aaral bago makipagrelasyon. Sinabi niya na hindi pa ito handa dahil sa naging karanasan niya at ayaw niya itong maulit. Ngunit buo ang loob ni Cy na hintayin niya ito hanggang sa pwede na. Kahit na hindi pa pumayag si Jing na magpaligaw ay linigawan pa rin siya ni Cy. Kahit na nasa ibang bansa ito ay gumagawa siya ng paraan upang maipakita at maipadama niya ang kanyang pag-ibig kagaya ng pagpapadala ng bulaklak at mga tsokolate sa tulong ng kanila ring kaibigan. Kahit na magkalayo ay pinapadama ni Cy na mahalaga si Jing sa kanyang buhay, na hindi hadlang ang distansya sa kanyang pag-ibig.
Hanggang sa isang araw, ibinalita ni Cy na uuwi siya at magbabakasyon sa Pilipinas. Magkahalong reaksyon ang nadama ni Jing. Tuwa na may kasamang kaba dahil sa wakas magkikita na sila matapos ang anim na taon ng hindi pagkikita. Sinabi ni Jing sa kanyang ina na may nanliligaw sa kanya at uuwi ito at magbabakasyon.
Dumating ang araw na nasa Pilipinas na si Cy. Agad siyang nakipag-kita kay Jing at hindi matumbasan ang saya nilang dalawa. Pinakilala ni Jing si Cy sa kanyang mga magulang. Nagustuhan nila ito kaya’t lagi na itong dumadalaw sa kanilang bahay. Sinagot na rin ni Jing si Cy kaya’t sobrang saya ni Cy nang malaman ito. Minsan ay pinagpapaalam niya sa magulang ni Jing na mamamasyal sila. Naging masaya ang naging bakasyon ni Cy dahil nakasama niya si Jing at ang kanyang pamilya. Sinulit nilang ang bawat minuto na sila ay magkasama.
Hanggang sa sumapit na ang araw na babalik si Cy sa ibang bansa. Mabigat man sa kalooban ay masaya pa rin ang isa’t isa dahil sa kaunting panahon ay nagkasama sila. Bago sumakay sa bus si Cy ay niyakap niya nang mahigpit si Jing at sinabing “Babalik ako, hintayin mo ako hanggang sa magkasama na ulit tayo. Kaya natin ‘to mahal. Mahal na mahal kita”. “Hihintayin kita. Mag-iingat ka. Mahal na mahal kita”. Mangiyak-iyak na wika ni Jing. Sa ngayon ay hinihintay nila ang pagkakataon na magkikita at magkakasama silang muli. Akala ni Jing hindi na siya magmamahal pa, pero dahil kay Cy ay naniwala ulit siya na mayroon pa palang matinong lalaking magmamahal sa kanya ng higit pa sa akala niya.  
2 notes · View notes
taongwalangchoice · 1 year ago
Text
Ako naman.
Masayang makihalubilo sa kanila, lalo na 'pag ang panahon ay kakaiba. Walang hinto ang pagsabi ng "oo" kahit pagod na, itutuloy pa rin ang pagtawa kahit may pangamba. Ako naman.
Sa pagsara ng kurtina ng kaganapan, ang langit at lupa ay muli ka na naman pinagsakluban. Ang buhay na parang gulong, hindi ba maaaring magdahan-dahan? Ako naman. Oo.
Ako, ang taong pabaya, ang taong walang ibang hiniling kundi magpasaya. Wala eh, ganun talaga pag hindi mo nakasanayan isipin ang sarili kesa sa iba. Ako o sila, kayo o ako, hindi na dapat tanungin 'yan diba?
Kamusta na ba ko? Ako naman kaya? Wag na. Ganun din naman. Depresyon na pala ang aking natuluyan nang ako'y maligaw sa mga salitang "walang anuman". Ako naman.
Ako naman sana ang kamustahin, ako naman sana ang tanungin. Dahil hindi na alam kung ano pa ang dapat gawin, sa matagal na panahon na aking pasanin.
Ang aking ulo ay aking itutungo, at ang luha at lungkot ay pilit na itatago. Kasabay ng pag ngiti sa harap ng maraming tao.
Iiyak, tatawa, di ko na alam ang dapat na maramdaman pa. Sa kalungkutan na aking nadarama, gustong gusto ko na sumuko talaga. Ipipikit ang mga mata at hihintaying iwanan na ng sariling hininga, katulad ng pang iiwan na ginawa nila.
Sana sa pagkakataon na 'yon ay may makapansin. Na ginawa ko ang ang lahat upang hindi balewalain. Ginawa ang lahat para maging tunay at hindi alisin, ang mga ala-ala at ngit na aking inihain. Upang sa ganon, ako'y hihimlay at sasabay na lang sa hangin.
Salamat sa babaeng manunulat na naging basehan ko ng mga linya. Pasensya na kung may mga linyang saktong sakto sa mga kataga mo, sakto din kasi sa kwentong nais kong ihayag.
5 notes · View notes
kyvisualsph · 1 year ago
Text
It's been raining in Manila.
Tumblr media
ang tagal ko ng wala sa hometown ko. mag tatatlong taon na, minsan pag umuuwi ako ng Manila. natatakot na ako dahil unti-unti na akong na un familiarized dito. mabilis mag bago ang itsura ng Manila. parang hindi makasabay ang panahon dito. kung ano binagal minsan ng oras ganoon kabilis ang ikot dito.
Manila is where my heart is, kung ano ang iningay ng umaga dito ay siya rin ikinakulay ng gabi. marami ka mapupulot na kwento dito. kakaiba, malalim at puno ng nakakamangha na istorya. sa araw-araw mo na pag lalakad o pag byahe dito. imposibleng hindi ka makakuha ng kwento. imposibleng walang kwentong Manila. bawat sulok nito ay kakapulutan ng kung ano (tulad ng basura hehe jk). madumi man ang hangin. marami man ang masasamang loob at maraming di rin ka aya-ayang lugar. ang Manila ang sentro ng lahat ultimo sa kalakaran noong una pang panahon. 
LRT at MRT, isa rin ito sa mga nag dudugtong sa pusod ng Metro Manila. sino nga ba ang hindi nakasakay dito? na hindi naiisip minsan ang buhay nya ay parang isang pelikula o para siyang nasa isang music video. lalo na pag nakasaksak na ang earphones sa mag kabilang tenga. napaka sentimental ng lugar na ito. marami na nga ang nag pakamatay dito. medyo nakakatakot nga lang lol. pero ang mga tren na ito ang naging sandalan ng mga tao na nag tratrabaho/estudyante ng Manila. although minsan nakaka-badtrip lang kapag mahina ang aircon at siksikan. minsan pa nga ay nasisiraan sa kalagitnaan ng byahe. pero ang laking ginhawa nito lalo na sa malupit na traffic.
ang mga streets ng Manila ay hindi pare-pareho. may delikado, safe, masaya at malungkot. masarap mag lakad sa Manila. mapa umaga man o gabi. marami ka mapupuntahan na pwede mo lang lakarin hindi mo na kailangan bumyahe ng marami pang sasakyan. kahit siguro bente lang pera mo ay mabubuhay ka na dito. lahat ng cravings mo mabilis mo lang makakain dahil napaka dali lang puntahan ng mga kainan at pasyalan dito. nandito rin ang mga nag lalakihan na mga Malls. hinding hindi ka mababagot sa Manila. 
kapag umuulan naman sa Manila. nakakatakot dahil asahan mo na ang mabilisan na pag baha saan man sulok ng lugar. lagpas tuhod minsan naman ay hanggang bewang. sa loob at labas ng bahay yan. wala kang ligtas sa baha sa Manila. talaga naman nakakaawa ang mga pauwi ng kanilang mga bahay galing trabaho kapag naabutan ng ulan. 
isa din sa mamimiss mo sa Manila ay ang mga marites. mga walking CCTV. mga matang nakatitig na akala mo kung makatingin ay buklat na buklat na ang pagkatao. mas alam pa nila yung istorya mo kesa sa sarili mo. pero ang magandang dulot naman nito ay walang masyadong nagiging biktima ng mga massacre dito. dahil makarinig man sila agad ng konting sigaw ay tiyak mapapabukas na ng mga bintana yan. ang iba ay lalabas at mag uusisa talaga hanggang sa tatawag na ng barangay. 
iba ang energy ng mga taga Manila. masaya sila kasama, akala mo walang bukas kung mag walwal. akala mo walang mga problema na iniinda. Bold ang mga Manilenyo, transparent sila sa mga buhay nila. Happy go lucky at creative. dito naka imbento ng pisonet,corn dog at kung ano-ano pa. madali mag business sa Manila. walang permit yung iba lol. kaya kahit tignan mong ganyan lang sila mga naka-iphone yan, isama mo na yung mga snatcher at holdaper sa diskarte lol. 
"Simply no place like Manila" mula sa kanta ng Hotdog. totoo talaga walang katulad. para nga daw babae ang Manila, binabalik-balikan. parang babae ang manila. sa kakumplikado nito lol jk. marami rin na ngangarap ang tumira dito. at isa na rin ako doon sa gustong bumalik pag dating ng araw. 
3 notes · View notes
jon3 · 1 year ago
Text
Repleksyon sa Bigat ng "Ang Bigote ng Tigre"
Tumblr media
Para sa konteksto,
nagsimula ang kwento kay Yun Ok na nag aalala sa kanyang asawa dahil parang ibang tao ito simula nang bumalik ito sa digmaan.
Si Yun Ok ay lumapit sa ermitanyo para itanong kung may lunas ba sa kakaibang ugali ng asawa niya. Ang ermitanyo ay nag aalok ng isang remedyo ngunit nangangailangan ng bigote ng isang buhay na tigre.
Nagaalala si Yun Ok kung paano niya makukuha ang bigote ng tigre. Gayunman, sa maraming oras at pagsisikap, naamo niya ang tigre at naalis ang kanyang unang takot sa hayop.
Bumalik siya sa ermitanyo na may ningning ng pagkuha ng bigote mula sa isang buhay na tigre. Inihayag ng ermitanyo na ang bigote ay walang halaga at ang remedyo ay ang kanyang determinasyon na harapin ang isang nakakatakot na sitwasyon. Handa na si Yun Ok na alagaan ang kanyang asawa.
Personal na Replektibo:
Simple lang ang aral ng kwentong ito subalit masalimuot ang subtext. Mula sa impormasyong na maidudulot sa kwento, maaari nating ipagpalagay na ang asawa ni Yun Ok ay nagdurusa sa PTSD at shellshocked nang bumalik siya mula sa digmaan.
Ipinapakita nito ang masamang epekto ng digmaan kahit nasa labas nito, kung paano natin ito makikita sa ating tahanan at sa ating kaisipan.
Si Yun Ok ay takot na takot sa kanyang asawa na mas gusto pa niya ilagay sa panganib ang kanyang buhay upang harapin ang isang tigre.
Tila hindi makatarungan, ngunit ito ay kumakatawan sa kung paano sa realidad ang mga sakit sa isip ay tinitignan na may diskriminasyon at nakakatok na maaaring maihahalintulad ito sa isang mabangis na halimaw.
Gayunpaman, tulad ng mabangis na hayop sa kwento, matututo tayong maging matiyaga at nagmamalasakit sa kanila hanggang sa mapagtanto natin ang nilalang sa likod ng takot. Isang taong dapat pagsikapan, at isang taong nangangailangan ng pasensya, pagmamahal, at tulong natin.
Tumblr media
2 notes · View notes
upismediacenter · 1 year ago
Text
FEATURE: Atin Siyang Salubungin: “Prinsipe Bahaghari” ng Teatrong Mulat
Tumblr media
“May mga umaawit na gumamela? Mga nagsasalitang ahas at pusa? Lumilipad na papet? Niloloko mo ba ako kaibigan?” Aba’y hindi! Natunghayan namin mismo ang mahiwagang pagtatanghal ng ating mga kaibigan mula sa Teatrong Mulat ng Pilipinas.
Anong pagtatanghal? Syempre, ano pa ba kundi ang Prinsipe Bahaghari! Nais mo ba silang makilala?
SAAN TAYO PATUNGO?
Tumblr media
Hango sa klasikal na kwentong pambata na “The Little Prince” ni Antoine de Sainte-Exupery, ang kwento ng ating munting prinsipe ay muling binigyang-buhay ng Teatro Mulat. Sa halip na sa disyerto ng Sahara, dadalhin tayo ni Prinsipe Bahaghari sa Pilipinas upang pagmasdan ang mga hardin ng gumamela. Sino bang hindi masasabik na umawit kasama ang bagong kaibigang si Kwentista, ang mga tala, hari, at nilalang na namamalagi sa ating bayan?
Itinampok sa “Prinsipe Bahaghari” ang pagmamahal ng prinsipe sa kaniyang gumamela matapos maglakbay sa iba’t ibang mundo, at kilalanin ang iba’t ibang mga hari. May kabagalan man ang ilang bahagi ng dula, gaya ng pakikisalamuha sa mga hari, sila nama’y bumalik kasama ang mga tagpong nakakapagpabagabag! Paano nga ba umusbong ang produksyon ng gayong istorya at pagtatanghal?
ANG ATING MGA GABAY
Taong 2019 nang unang tinahak ng Teatrong Mulat ang unang mga hakbang sa pagbuo ng dula na isinulat ni Vladimeir Gonzales, sa ilalim ng direksyon ni Aina Ramolete at ng producer at assistant director na si Prop. Amihan Bonifacio-Ramolete. Kalaunan, ito ay nakalipad sa kauna-unahang pagkakataon sa online dulaan noong pandemya. At ngayong taon, muling sumabak sa paglalakbay si Prinsipe Bahaghari, at natunghayan na natin siya sa pisikal na entablado. Tunay na nga ito, kaibigan!
Tumblr media
NGUNIT SINO NGA BA ANG TEATRONG MULAT?
Bilang pinakaunang Teatro Papet Museo sa bansa, ibinibida ng Teatrong Mulat ng Pilipinas ang mga sining, alamat, at kwentong-bayan mula sa iba’t ibang lugar sa Asya. Kinikilala din ang kanilang galing sa paglahok sa samot-saring paligsahan sa buong mundo. Batid niyo bang ginawaran din bilang National Artist noong 2018 ang founder nito na si Amelia Lapeña-Bonifacio? Bukod pa rito, madalas din silang makikita sa mga gawaing pampamayanan kasama ang mga organisasyong tulad ng HELP Learning Center Foundation at UNICEF.
Alam mo ba na bukod sa Prinsipe Bahaghari, marami na ring isinagawang programa ang Teatrong Mulat sa mga nagdaang taon! Ang ilan sa mga ito ay ang “Dalawang Bayani” (1996) at “Ang Pagong at ang Tsonggo” (1977).
Tumblr media
MGA BAGONG KAIBIGAN
Tumblr media
Pinaliligiran ng sining at musika ang mundo ng Prinsipe Bahaghari. Bilang mga pangunahing tauhan, sa mga papet ibinuhos ng produksyon ang kanilang galing at kakayanang pansining—mula sa pagkulay at pagguhit, paglalaro ng mga ilaw, hanggang sa pagsulat ng mga dayalogo’t awit. Kaya naman, ating kilalanin ang ilan sa mga tao sa likod ng dula!
Tinampok sa dula ang mga tauhang puppeteers. Una na rito si Prinsipe Bahaghari, na siyang pinagalaw nina Arvy Dimaculangan, Jeremy Bravo, at Sig Pecho. Binuhay naman nina Shenn Apilado, Karlo Erfe, at Harvey Rebaya Sallador ang karakter na si Kuwentista. Para sa mga hayop, ang Pusa ay pinagalaw nina Mary Allen Asuncion, Ravelyn Emerald Dar Juan, at Cian Jes Avendaño, at si Mary Allen Asuncion naman sa Ahas. Hindi rin magpapahuli si Ravelyn Emerald Dar Juan sa pagbibigay-buhay sa tauhang si Gumamela.
Para naman sa grupong sining-biswal, pinangunahan ito ni Aina Ramolete, ang direktor at isang alumni ng UPIS. Isa rin siya sa mga mangguguhit at pangkalahatang production designer ng dula. Nilikha naman ni Clariz Caingat ang mga tauhan sa istorya, at binuhay ni Napoleon B. Rivera Jr. ang mga bidang papet. Si Steven Tansiongco naman ang nagsilbing graphics and video designer, habang si Gabo Tolentino ang tumayo bilang lights designer.
Sandali, mayroon pa! Hindi rin malilimutan ang mga sumulat at bumuo ng nakatutuwang awit na sina Arvy Dimaculangan, ang music and sound designer na galing ding UPIS, at si Jessamae Gabon, ang music composer. Naging boses ng batang prinsipe si Kherwind Zane Duron, habang isinatinig naman ni Ron Capinding ang Kuwentista. Ngunit, tandaan: marami pang mahuhusay na kaibigang sa likod nitong tanghalan!
Kung nais niyo pang tangkilikin ang kanilang mga proyekto, may publikasyon inilimbag ang Teatro ukol sa kanilang proseso ng pagbuo ng dula! Naku, hindi niyo ito nanaising palampasin! Ayon sa playwright, inaanyayahan nila tayong basahin ang kanilang librong pinamagatang “Ang Paglalakbay ni Prinsipe Bahaghari,” sa Philippine Writers Series ng UP Press at Likhaan: UP Institute of Creative Writing. Matatagpuan ang kanilang teatro sa Amelia-Lapeña Bonifacio Theatre sa Quezon City at maaari niyo ring bisitahin ang kanilang social media sa Instagram (@mulatpuppets) at Facebook (Teatrong Mulat ng Pilipinas).
MGA TALANG NAGNININGNING
Naramdaman sa buong dula ang kahalagahan ng mga relasyong ito at ang pagkakabuklod natin sa isa’t isa. Sa katotohanan, unang nagkaroon ng anyo ang istorya mula sa kakilala ni Gonzales na kapwa-manlilikha sa UP, at kamag-anak din pala ng isa sa kaniyang mga unofficial mentor sa sining ng dulaan.
Makikita din ang temang ito sa direksyon ni Direk Aina. Ninais niyang gawing isang pagbibigay-pugay sa ating mga mahal sa buhay ang dula. Halimbawa nito ang kaniyang lola na nagbigay ng inspirasyon para sa tauhang si Kwentista, gayundin ang kaniyang kaibigang si Edel, na isa nang talang kumikislap sa kalangitan. Bukod dito, handog din ng direktor ang kwento sa ating mga hindi malilimutang panahon ng kabataan na nananalaytay pa rin sa ating mga puso at diwa.
HALINA’T SIMULA NA NATIN ANG ATING PAGLAKBAY!
Pagdating sa mismong dula, aba, pakiramdam namin ay bumalik kami sa aming pagkabata! Hindi ito dahil sinasabi naming pambata lang ang mga papet! Kundi dahil tunay na kahanga-hanga ang mga larawan at tagpo ng mismong palabas.
Tumblr media
Maliit ang entablado ng Teatrong Mulat, gayunpaman, hindi ito naging hadlang sa mga ipinamalas na sining biswal at set design. Ang mismong tanghalan ay binubuo ng iba’t ibang hugis at istruktura na yari sa mga piraso ng katsa at kahoy. Gamit ang projector, inilapat ang mga larawan, salita, shadow puppets, at iba pang special effects na ipinakita sa teatro. Sa bandang gitna, may makikitang bilugang butas na naging sentro sa mga eksenang itinanghal. Gayundin, hindi nagmistulang maliit ang espasyo at nagawa nilang pagalawin ang mga papet habang sila’y nagbibiruan at nagsasayawan sa entablado. Ang lahat ng mga elementong ito ay nagbunga sa isang nakamamanghang pagtatanghal.
MGA PAPET NA LIKHA, NAKATUTUWA!
Tumblr media
Ay, ang mga papet! Ang ating mga bida, hindi lang sa kwento kundi sa buong dula! Gawa sa rattan ang mga papet at kadalasa’y braso, ulo, at binti lamang ang gumagalaw na parte ng kanilang katawan. At isa pa, hindi sila nakapirmi lang sa isang pwesto! Sa isang papet, tatlong papetir ang nagmamando upang maging malaya ang ating mga kaibigan sa paggamit ng buong entablado. Kaya kahit hindi nagbabago ang ekspresyon ng kanilang mukha, punong-puno pa rin ng buhay ang mga papet. Isa sa mga paborito namin ay ang Pusa dahil tunay ngang malapusa kung gumalaw ito mula sa paglalakad hanggang sa pagkamot sa sariling katawan gamit ang mga paa, hindi mo mapipigilan ang sariling mapatili sa tuwa!
Nakuha naman ang loob ng mga manonood mula sa pagsasatinig sa mga tauhan pati na ng mga orihinal na kantang pinatugtog sa dula. Ubod ng husay! Talagang bibilib ka sa mga madamdaming boses sa kanilang pagpapahayag ng mga linya ng mga karakter! Kahit na medyo makaluma ang estilo ng kanilang dayalogo, hahalakhak ka pa rin sa binibitawan nilang mga biro—lalo na sa mga biro ng Kuwentista! Masigasig ang kaniyang paglalahad ng mga kwento at punong-puno ito ng karakter. Ganoon din ang ating munting prinsipe! Tiyak na ika’y maaaliw sa usapan at kalokohang namagitan sa kanilang dalawa. Mula umpisa hanggang dulo, mapupukaw ang iyong atensyon sa magandang interaksyon ng dalawang pangunahing tauhan.
At kung ito’y kulang pa, tiyak na mapapasabay ka naman sa mga awit at alindog ng mga haring nakilala ni Prinsipe Bahaghari!
Tumblr media
ANG KANILANG MGA KWENTO
Tumblr media
Syempre, hindi magpapahuli ang mismong kwento ni Prinsipe Bahaghari. Ang kwento ng buong dula ay punong-puno ng emosyon, tulad ng pagmamahal at pangungulila, at mas pinaangat ito ng huling tagpo nang pinaalala nila sa atin na kailangan natin magparaya at huwag ibaon ang sarili sa dalamhati. Makikita sa mga papet ang kalinga ng bawat tao sa likod ng produksyon dahil nais nilang iparamdam, ika nga ng prinsipe, na binabago tayo ayon sa pagmamahal na ibinibigay sa atin. Sa huli, ang inyong samahan at oras na ginugugol para sa isa’t isa ang nagpapabukod-tangi sa inyo mula sa iba.
Pinalalim pa ito ng paggunita at dedikasyon sa wakas ng pagtatanghal—“Para Kay Edel.” Ramdam mo na ibinuhos ng Teatrong Mulat ang kanilang pagmamahal at taos-pusong pagsisikap para lamang ihandog ang dula sa isang kaibigang wala na sa ating piling. Naging malamlam man ang pagpapatuloy, hinangad nilang maipakilala sa mga tao ang mahal na kaibigan, na tulad ni Prinsipe Bahaghari, maraming naituro at binago sa kanila. Gaya nga sa dula, sila’y tumitingala sa mga bituwin sa kalangitan, hinihiling na sana’y nakauwi at nakakapagpahinga na ang kanilang kaibigan.
SA MULING PAGKIKITA, KAIBIGAN!
Tumblr media
Masasabi naming binago kami ng Teatro sa ipinamalas nilang talento at sa paghandog sa amin ng aliw at pagmamahal. Talagang nanaisin mong balikan ang mga tinahak na mga planeta at kamustahin ang mga kaibigang nabuo sa kwento ng batang prinsipe! Kaya, mga kaibigan, kayo’y aming iniimbitahan na kamustahin ang mga makata at manlilikha ng Teatrong Mulat! Hindi-hinding niyo ito pagsisisihan. Hanggang sa susunod na paglipad, paalam! // nina Zaeda Wadi at Eda White
4 notes · View notes
shunyown · 2 years ago
Note
Ikaw yung habang buhay ko na “paano kung..”
Jusko di ko alam kung deserve kita, bakit ganon andami kong takot sayo, na paano kung yung landian matuloy sa totoong love, tapos ikaw marealize mo na pang landi lang ako? Napaka bait mo sakin grabe napaka sarap mo kausap and you treat me so well, feeling ko ma o obsess ako sayo pag tinuluyan ko yung “paano kung..” natin.
Gang anon nalang talaga feelings ko na toh.
Lagi naman ganon "hindi kita deserve" dahil sa mga kaya kong ibigay at gawin. Kaya sa huli magkaibigan na lang ang pipiliin. Yung nakadate ko nitong huli kahit yung iba pang minahal, nakalandian at nakausap puro na lang ganon. Kailan na naman kaya yung "deserve kita"? Puta parang gawa gawa na lang ng illuminati yang pag-ibig na yan.
Tumblr media Tumblr media
Pagod na akong umibig lagi ko yan sinasabi pero hanggang ngayon ay nandito pa rin ako umaasa na may taong kayang umunawa at umintindi ng buong pagkatao ko, ng mga karanasan ko at ng mga kwentong hindi ko mailabas labas sa ibang nakapaligid sa akin. Napakahirap magpatuloy. Nakakapagod mag-isa.
7 notes · View notes
cesslestial · 1 year ago
Text
Our return is always a celebration to the Lord. 🤩❤️
SCRIPTURES: Luke 15: 17-24
17. ““When he came to his senses, he said, ‘How many of my father’s hired servants have food to spare, and here I am starving to death!
18. I will set out and go back to my father and say to him: Father, I have sinned against heaven and against you.
19. I am no longer worthy to be called your son; make me like one of your hired servants.’
20. So he got up and went to his father. “But while he was still a long way off, his father saw him and was filled with compassion for him; he ran to his son, threw his arms around him and kissed him.
21. “The son said to him, ‘Father, I have sinned against heaven and against you. I am no longer worthy to be called your son.’
22. “But the father said to his servants, ‘Quick! Bring the best robe and put it on him. Put a ring on his finger and sandals on his feet.
23. Bring the fattened calf and kill it. Let’s have a feast and celebrate.
24. For this son of mine was dead and is alive again; he was lost and is found.’ So they began to celebrate.”
REFLECTION 🌿
Isa sa mga pinaka sikat at magdang storya sa bibliya ang The Prodigal Son... maybe because marami sa atin ang nakaka relate dito. It's familiar, it is bitter and it is the truth.
Have you ever regret running away? Tapos nahihiya kang bumalik but you did it anyway? Today's scripture from the book of Luke is telling how the prodigal son returned to his father and how the father accepted the prodigal son....
Dito sa kwentong to, it shows how coming back is worth celebrating. Balik loob ika nga. Most of us, maraming beses na tayong nag back slide. Kilala na natin ang Panginoon, we were serving Him, pero eventually, because sa trap ng kaaway, we often times fall down and nakakalimutan natin ang Diyos. We are the prodigal son in this story. Ang titigas ng ulo natin, sinusunod natin yung gusto natin, ang rami nating gustong gawin na di naman dapat natin ginagawa... we try to control everything... we sought happiness and love in other things when in fact binigay na sa atin, di nga lang natin ma appreciate. Tulad ng prodigal son, ok na naman sana yung buhay niya, pero dahil sa tigas ng ulo, na temp ng kaaway, nadapa at nag dusa siya.
But despite being a foolish and stubborn son, mahal na mahal pa rin siya ng kanyang tatay at kahit na di pa siya nakaabot sa bahay nila, sinalubong siya ng kanyang tatay excitingly and pinag celebrate pa ang kanyang pagbabalik. And that's how God is to us! just like the father, our Father will celebrate our comeback.
Anu-ano nga ba ang dalang lessons ng kwentong ito?
Una, Luke 15:17 – “And when he came to himself, he said, How many hired servants of my father’s have bread enough and to spare, and I perish with hunger!”. Falling down will help us realize kung gaano kasarap ang manatili sa piling ni Lord. Sometimes, kailangan talaga nating magdusa in order for us to realize that it is better to be with the Father. Matigas ulo natin eh, kaya we learn it the hard way.
2nd, life humbles us down. Mismong buhay yung magpapa kita sa atin na dapat parati tayong magpakumbaba. The son learned it in a hard way. Dahil sa mga naranasan niyang paghihirap, narecognize niya yung mga kasalanan niya and he confessed his sins, Luke 15:18 – “I will arise and go to my father, and will say unto him, Father, I have sinned against heaven, and before thee.” And because of this, nahiya siya, nagsisi siya and gusto niya itong pagbayaran through being his father's servant kaya sabi niya sa Luke 15:19 – “And am no more worthy to be called thy son: make me as one of thy hired servants.”
Lastly, kahit gaano pa tayo kasama, our Father will always accept us sa oras na bumalik tayo sa kanya. Ganyan niya tayo kamahal. He celebrates our return!
MOTIVATION 🌿
Just come back to the Father. Ikaw lang yung hinihintay ni Lord. Your mistakes won't define you. As long as you humble yourself down, confess your trespasses, promise to change and never sin again.
Today, nireremind tayo ni Lord na anytime, we can come back. Kahit saan man tayong lugar mapunta, kahit kailan pa yan, basta.. God is just waiting.
APPLICATION 🌿
▫️now is the perfect time to return to the Lord's arms.
▫️be humble always.
▫️Know that our Father loves us so much.
▫️wag mahiya kay Lord.
2 notes · View notes
nawawalangtsinelas · 2 years ago
Text
Mahilig akong tumingin sa sapatos,
sapatos na humahakbang sa kalsada,
mga sapatos na di mo alam saan pupunta,
may mga sapatos na basa pa
pero alam kung paano lumakbay sa baha.
may mga sapatos naman na tuyo na
pero naglalakbay pa rin papunta sa kung saan.
Minsan may mga tsinilas na kasama,
minsan magkasama ang mga tuyong sapatos habang ang isa naman ay basa pa.
Minsan may mga kwentong dala-dala,
putik galing sa mahabang lakaran,
mga papel na sumasabit sa swelas
o di naman kaya mga ala-ala.
Ang mga sapatos sa daan minsan nakakatawa
Merong mga nilalakad kahit pagod na,
merong inilalakad na lang para guminhawa,
meron din namang mga sapatos na para sa bata,
inosente ang mga hakbang, masaya ang mga paa.
Minsan ang sapatos masayang hulaan saan galing,
kung sa masaklap na kapalaran
o kung nakaraos na ba sa kalungkutan
o kung hahakbang pa lang ba siya sa kwento ng buhay
o kung buhay na ba ang nilalakaran nila.
Ang sapatos ng mga tao, nakakatawa.
Maraming nagsasabing tama lang ang sukat para sakaniya
pero merong ipinagkakasya ang mga paa para lang makarating sa patuutunguhan nila.
Ang sapatos na basa minsan dahil sa luha,
sa galit na naipon, sa sayang matagal na hinintay
o di kaya sa bahang gustong sulungin para lang huminga.
May mga sapatos na tuyo na pero naghihintay pa rin,
Tuyo dahil sa araw, tuyo na dahil pagod na.
Ang mga sapatos ay nakakatawa,
di mo alam saan sila papunta.
Kung ano ang dahilan ng bilis ng pagtakbo o bagal sa mga hakbang na ginagawa.
Kung ang sapatos ng bawat isa'y makakapagsalita,
anong kwento sa bawat hakbang ang magagawa?
6 notes · View notes
walaumalistulog · 2 years ago
Text
Apology Letter sa Universe
Kumusta?
Pitong taon na ang nakalipas nang huling beses akong nag-Tumblr, pero parang walang nagbago—'yung Dashboard, ganoon pa rin. 'Yung mga nakikita at nababasa, halos walang pinagkaiba sa kung paano ko iniwan ang digital na mundong ito—kahambing nito ang pakiramdam na umuwi ka galing Maynila, bilang doon ka nag-aaral o 'di kaya ay nagtatrabaho ka. Nakikipagsapalaran sa gulong ng buhay. Sa bawat pagmulat, aasahan mong aayon sa iyo ang tadhana ang magsilibing bagong hudyat ng pag-asa ang iyong dadatnan sa bawat hakbang na iyong tatahakin. Sa iyong muling pagbalik, bukas-bisig kang tinatanggap ng iyong tahanan—wala mang mga galamay na kayang yakapin ang mura mong pangangatawan o walang labing hahagkan ang iyong kapayakan, ngunit ramdam mong ito ang iyong tahanan.
Sa muli kong pagbabalik sa mundong 'to, nawa'y maging salamin ito ng aking pagkatao na walang takot na ilalahad ang sarili—sa iyo, sa kanya, at sa taong may pananaw na liban sa akin.
Humihingi ako ng tawad sa aking pagkawala, sa mga kwentong sana'y dito ko napiling isulat. Sa mga sikretong dito ko na lang sana ibinulong, sa mga pagkakataong bumabalik ang pagmamahal ko sa pagsulat, at sa pagkakataong walang kayang makaunawa kundi ang pindutan ng aking keyboard ang natatangi kong kakampi.
Muli, patawad.
5 notes · View notes
alebarpendent · 2 days ago
Text
Madalas, gusto ko mapag-isa. Hindi dahil sa galit ako sa mundo, Hindi dahil may sama ako ng loob, Hindi dahil ayaw ko sa tao— Madalas, gusto ko lang mag-isip.
Gusto kong maupo sa isang sulok, Nakatingin sa kawalan, minamasdan ang kalawakan. Habang hinahayaan ang isip kong lumangoy, lumangoy sa dagat ng kung ano-anong tanong, Mga bagay na walang sagot, Mga kwentong hindi natuloy, Mga pangarap na baka hanggang panaginip lang.
Minsan, gusto ko lang mag-isip ng imposible— Paano kung marunong magsalita ang buwan? Paano kung pwede tayong lumipad sa hangin? Paano kung may mundo sa ilalim ng dagat Na hindi pa natutuklasan ng kahit sino? Paano kung ang lahat ng akala kong mali Ay tama pala sa ibang dulo ng kwento?
Minsan, gusto kong mag-isip ng magulo— Bakit may mga taong mahal mo, Pero hindi ka kayang mahalin pabalik? Bakit may mga bagay na pilit mong inaabot, Pero kahit anong pilit mo, hindi pa rin sapat? Bakit may mga tanong na kahit anong sagot Ay hindi nakakabawas sa bigat?
Minsan, gusto ko lang mag-isip ng masaya— Yung tipong parang bata ulit, Walang inaalalang bukas, Walang takot sa pagkakamali. Gusto kong isipin yung mga panahong Ang liit-liit pa ng mundo, At ang kasiyahan, natatagpuan lang sa isang yakap, Sa isang candy, sa isang laruan. Sa isang halakhak na hindi pilit.
Pero minsan din, gusto kong mag-isip ng malungkot— Yung mga bagay na pilit kong tinatakasan, Pero bumabalik sa bawat patak ng ulan. Yung mga pangungusap na hindi ko nasabi, Mga pagkakataong hinayaan kong lumipas, Mga taong akala ko habang-buhay Pero naging alaala lang pala.
Kaya kung minsan, mapapansin mong tahimik ako, Huwag mo akong tanungin kung bakit. Huwag mo akong pilitin magsalita, Huwag mo akong gisingin mula sa sarili kong mundo. Dahil minsan, gusto ko lang mapag-isa. Hindi para tumakas, hindi para lumayo— Siguro, nasanay nalang din ako na mag-isa at malayo sa lahat.
Kaya ngayon, alam ko na kung ano ang nararapat. Kung ano ang sapat at kung hanggang saan lang dapat.
0 notes
aedee · 3 months ago
Text
Malikhaing Pinoy 1: 'Pag Akda, ang Galing ng Pinoy Gumawa
youtube
Paano nga ba lubos na maipamamalas ang likas na pagkamalikhain ng isang Pilipino kung hindi sa pamamagitan ng isang malikhaing pamamaraan? Sa pagnanais na bigyang-diin ang malaking impluwensya ng ating mga alamat, epiko, kwentong bayan, at iba pang katutubong akda sa ating sikolohiya, nais kong ibahagi sa inyo ang isang tula na naglalaman ng aking mga saloobin.
Sa bawat tinta, buhay ang kultura, Sa bawat kwento, pagkatao'y yumayabong. Sikolohiya'y humahabi, Akda nama'y bumubuo. Sa bawat epiko, bayani'y nabubuhay, Nagbibigay inspirasyon sa bawat henerasyon. Sa bawat alamat, diwa'y nananahan, Nagpapaalala sa ating pinagmulan. Sa bawat kuwento, tayo'y nagkakaisa. Bayaniha'y tila nga nanatili na. Bata o matanda, Ating kuwento'y ating kayamanan. Puso ng bayan, tumatatag, Buhat ng sining na latag. Kaugalian noon at ngayon Sumasalamin sa lenteng naisulat at hinabi na ng panahon Oh, kay gandang tangkilikin, Pagkakakilanlan natin.
0 notes