#usapang buhay
Explore tagged Tumblr posts
hugoteros · 2 years ago
Text
Sana ganito tayo lagi. Pag may mali, nakikinig. Hindi yung mali ka na, pinapanindigan mo pa.
4 notes · View notes
peryodismo2425 · 26 days ago
Text
Kwelang Ugong ng Kasiyahan
Ni Jibril Abanag | Nobyembre 7, 2024
“U-nibersidad ng Pilipinas!”, “Let’s go, UP!”, “Go fight, Fighting Maroons!” — ito ang ilan sa mga maririnig nating sinisigaw ng UPIS Junior Pep Squad kada may laro ang mga junior varsity. Sa kabila ng maraming tagumpay at kabiguan ng ating koponan kada UAAP season, walang tigil pa rin na pumupunta ang grupong ito upang sumuporta sa ating mga manlalaro.
Kilalanin natin si Kyan Torres, isang bass drummer ng UPIS Junior Pep Squad, na nagsimula bilang miyembro noong Abril 23, 2023. Layunin ng Pep Squad ang magbigay ng enerhiya at mang-hype sa mga manonood at atleta sa kanilang mga kompetisyon sa pamamagitan ng pag-cheer, pagsayaw, at pagtambol.
Binubuo ang grupo ng dalawang klase ng miyembro: mga dancers at drummers. Nagsisilbing mukha ng grupo ang mga dancer, at madalas na mapapansin na sumisirko-sirko sa ere. Samantalang, narito rin ang mga drummers na walang humpay sa kakapalo ng mga beats na naririnig natin sa bawat mahalagang okasyon sa UPIS. Kung ang mga dancer ang humahataw sa sahig na madalas kayong pinapabilib at pinapanganga, ang drummers naman ang bahala sa ating magpasabik sa pamamagitan ng pagtatambol at pagpapadinig ng mga nakakaganang kanta. 
Tumblr media
Dahil sa kanyang pagiging drummer, nakilala siya sa kaniyang husay at dahil “iconic” ang kaniyang estilo ng pagpalo. Ayon sa kanyang mga kasama, siya raw ang may pinakamagandang anyo sa pagpalo, kung saan maihahalintulad mo ang kaniyang porma sa isang boxing stance na medyo patagalid at ang mga binti ay ginagamit upang pagkunan ng enerhiya sa pagtambol. Higit pa rito, ang kanyang pagiging “kwela” at masayahin sa bawat ensayo ang nakakapagbigay-aliw sa kaniyang mga kasama. Siya ang tipo ng tao na hindi nauubusan ng biro kahit gaano na katindi ang hingal sa pag-eensayo, na kahit naguguluhan na ang utak sa pagod ay mangaasar pa at bigla-biglang kakanta—ito ang maituturing na hindi malilimutang katangian ni Kyan. Matapos ang matinding pag-aaral, paniguradong stressed ang kaniyang kapwa estudyante. Kadalasan, hindi maiiwasan ang pagiging matamlay kapag nag-eensayo na nagpapahina sa diwa ng pagiging cheerleader. Kaya kung makakatulong ang kanyang mga tirada, para mapangiti ka lamang, gagawin niya ito.
Kapag tinanong siya kung ano ang pinakamagandang nangyari sa kaniya bilang isang miyembro ng Pep, paniguradong isasagot niya rito ang bawat interaksyon kasama ang kaniyang mga kagrupo. Ayon nga sa kaniya, tawagin mo na itong medyo “cliche”, ngunit ito talaga ang katotohanan. 
Katulad niya ang instrumento niyang tambol; maingay at nakakapukaw ng atensyon, ngunit masarap sabayan lalo na kapag dama mo ang tinutugtog nito. Para kasi ‘yang mga biro niya na mapapatawa ka talaga kahit anong kagustuhan mo magseryoso.
Sa nalalapit na panahon, susubukin muli ng panahon ang kanilang mga kakayanan sa pagdating ng mga bagong oportunidad. Kabilang na rin dito ang mga panibagong trainee na sasama sa karanasan ng varsity na ito. Maipapayo lang ni Kyan sa mga bagong trainee, “Kailangan po talaga ng patience, kahit yung mismong pagpunta lang kada training session”.
Sa usapang sosyalisasyon o pakikibagay, sinasabi ni Kyan na kailangan mo lang daw pumagitna sa pagiging mahiyain at pagkaroon ng malakas na loob. O kumbaga raw, dapat marunong bumalanse pagdating sa pakikisama. May mga tao raw kasi talaga na papasok sa buhay mo na minsan, sobrang hirap kausapin dahil ayaw ipakilala kung sino talaga siya, o kaya naman mahirap pakisamahan, na dapat alam mo kung paano gawin dahil kailangan dito ng teamwork, at pagkakaisa.
Tumblr media
Maging halimbawa sana ang kwento ni Kyan Torres para sa kabataan na masyadong seryoso dahil sa kaniya-kaniyang mabigat na pasanin sa buhay. Dapat ipakita mo kung sino ka talaga, lalo na kung sa ganitong paraan, nakakapagpasaya ka rin ng iba. 
2 notes · View notes
nice2meetyouu · 2 years ago
Text
Usapang J2 nanaman. May new joiner noong mid-January tapos nag-quit na siya end of March. Shookt gallore tuloy ako. Nag-thank you na lang ako at nagsabi ng words, pero gusto ko talagang malaman why so fast. Specifically, kung na-toxic-an ba siya, or sadyang ayaw na niya, or may better opportunity na dumating.
Overthinking the outcomes:
Pwedeng sabihin niya ang truth.
Pwedeng magsabi siya ng generic reasons para iwasan ang pagsasabi ng katotohanan.
Pwedeng sabihin niyang none of your business.
I felt na medyo inappropriate din i-ask kaya hindi ko na lang itinuloy. Guminhawa pa naman ang kapaligiran mula noong dumating siya. Pero tuloy lang ang buhay.
Dapat pala laging ready na magsialis ang mga kasamahan. Naku-curious talaga ako though. Andami niya kasing inayos na mga bagay-bagay like siya 'yung nag-start ng directory, siya 'yung nagkakalat ng word about hiring, and I think since walang dedicated lead gen person, siya 'yung nag-aasikaso no'n, among other coordination tasks. Nagkaroon nga rin ng monthly townhall mula noong pumasok siya. May papalit kaya sa kanya?
Ang unstable naman. Naalala ko nga, sa isang work ko before, 1 day lang tumagal 'yung isang new hire bago sinibak. Wala nga siyang output na nagawa, tumagal lang 'yung proseso for nothing. Baka time to reflect na rin bilang hindi ako komportable sa mga biglaang pagbabago, which means na 'di ako suitable sa mga start-up unless health-related or kakilala ko 'yung people involved. Siguro kasi fresh pa from school kung saan hindi naman option 'yung ayaw mo na kaya magku-quit ka. Hahahaha.
Sabi nga ng isang ka-work ko sa J1 na nag-quit early Feb (kakapasok ko lang, paalis naman sila, sad), hindi niya raw kasi kailangang tiisin 'yung work. Unlike noong residency and fellowship (yes, tuloy-tuloy siyang umakyat sa parang corporate ladder [na hindi corporate] sa world of medicine kaya tapos na siya sa fellowship at 30 years old), wala siyang choice. And since dinedicate na raw niya ang youth niya sa medicine, she wants to be able to decide this time kung ano nang gagawin niya sa buhay, at kung kailan niya gusto.
4 notes · View notes
benefits1986 · 2 months ago
Text
dey/tu/mee
Hello, love, emeeeemmmm. Tabi.
"What are your thoughts on marriage?"
"Do you see yourself getting married?"
"Syempre, gusto ko ikasal. Ikaw ba?"
Whenever I get these questions, syempre ang lala ng sagot ko.
"Marriage is a social construct."
"Kamusta mga married people sa circle mo at sa pamilya mo?"
"Anong lagay ng home life mo? 'Yung totoo."
"Why get married when you can live together and get pets? Less complicated. Less mess pa just in case, alam mo na."
"May galaw na ang divorce sa Pinas. Next question."
Red flag na red flag ako in all levels. Hahahahahaha. Shemay. But, in the spirit of Christmas and all ganaps, sige. Let's friggin' revisit this burning question. Maiba naman.
So far, pinaka interesting counter argument dito na nakuha ko ay something like:
"Alam ko na gusto ko at kaya kong ikasal at mag-pamilya. Gusto kong may makasama sa buhay. 'Di naman masama na 'yun dream ko 'di ba? Pero, puwede naman na walang kids."
OPAKKKYUSIII. Sino ka diyan kahit super basic naman ng sagot?
I went back to getting to know XY kinda late kasi akala ko nakapila na ako ng landas. 'Pag kasi XX, 'di naman 'to topic kaya for me, red flag agad 'to which is malabo 'di ba? 'Pag usapang XY talaga, iba ang tono at toyo ko. Ganun talaga e. 'Pag kasi may legalities na ang mga bagay tapos may-sa harap ng Diyos at madlang pipol, iba na ang takada. Coming from a place where na-apply ko ang concept ng "Blink" sa mga weddings na na-shoot ko na medyo marami-rami na rin naman, makikita mo talaga na marriage is but a social construct at times.
May mga weddings pa nga na solid talaga pero ayun, nagkakalat sa socmed dahil nga millennials are in their era ng level up na ang adulting that comes with shitshow szn din.
Sabi ng bestfriend ko, 'di talaga obvious 'pag may gusto akong nilalang. May mga specific examples pa ako na tingin ko talaga obvious na obvious ako. Of course, we go back to the roads na: E kasi naman you make all people feel special when they're not. Back then, isa 'to sa mga malalang sagupaan namin kasi I really felt I was slapped so hard. Na parang kasalanan ko pang I'm wired this friggin' way. These days, he tells me na ang solusyon e maging upfront ako dahil kaya ko naman talaga. Ayoko lang. Shemayyyyy.
So ayun na nga. What are my thoughts on marriage?
Ang aga pa masyado pero dahil maraming ganaps ng Q4, tara. Usap tayo. Lels. 'Yung "from this day forward, for better, for worse, for richer, for poorer, in sickness and in health, until death do us part" hay nakooooowwww. 'Di 'yan basta-basta binibitawan lalo 'pag aging millennial ka. I think kasi sa edad ko na 'to, sadly ang dami na talagang naghihiwalay which makes me question why and why not 'di ba? Listened to a podcast din na expert divorce lawyer na 'di pinayagang mag-set up ng booth sa wedding expo sa US kaya naman, mas may meat and bones na rin 'tong construct ko. Emeeemmmssss.
Mga tanong na kaya mo ba talagang itawid 'yan vow na 'yan kung ngayon palang e napaka-paepek mo na? Kasi ako, I don't tap out once I'm in. For sure 'yun. Avoidant ako, true. Pero sa mga connections ko, I really try my best kaya 'di talaga ako magse-settle lalo 'pag nakikita mo 'yung micro signs na 'di sanay 'to sa inconvenience. 'Di 'to tatagal sa hassle at hirap ng totoong buhay.
Speaking of "settling" may na-come across na "settling in" versus "settling on". PAKKK-Q malala. Decision kasi ang marriage na would end up on either divorce or death, sabi nga ni Atty. And sabi rin sa mejj fresh podcast: the most dangerous person a woman comes across with is her husband. Tatay ko: Tama naman. Hahahahahaha. PAKKKK. 'Yan din kasi isang tanong ng tatay ko lately. Kung naging mas mabuting asawa raw ba siya, sana raw andito pa mom ko. Me: Tigil mo na 'yan, huy. Isipin mo na lang na validated 'yung studies dad. At 'di ka nagiisa sa sanlaksang ulupong sa mundo. Kidding aside, mom wanted the best for you, me and her favorite child. Ganun lang 'yun. Sabi nga sa Miss Saigon, I'd give my life for you. Woohoooohuhuhuhuhu.
May takot din kasi talaga ako na either na sabi nila 'di ba, 'yung level ng pagiging nanay ng nanay mo, malaki ang chance na 'yun ang benchmark mo bilang nanay. Me: Nooooo. Sorry. 'Di ko kaya at all. Hahahaha. Kahit nga mga 50% ng performance level ng nanay ko, 'di ko talaga ma-imagine na magiging ganun grind ko just in case mapunta ako sa marriage sphere. Mom loved us too much talaga and syempre 'di ba, though toxic siya, iba 'yung pagmamahal niya na mala-Lily Potter pero Asian mother dragon version. Ganernnnn.
And another thing, syempre, with marriage comes kids. FUCK. Ang sagot ko talaga dito: Menopause be mine para tapos na. Tatay ko: 'Pag mag-asawa kayo, matic na 'yung kids, 'nak. Ganun talaga 'yun. Parang tanga naman na may asawa tapos walang anak. Pero mahirap talaga sa babae. Sa aming mga lalaki, sperm lang, oks na. Iba rin naman ngayon. Nagaalaga na rin naman mga tatay. 'Di tulad namin noon. *Sabay luha ng slight si ungas* Me: Boomers bombing.
'Di ko talaga kasi ma-imagine na may lalabas na bata sa akin. Pota. 'Yung ire, 'yung possibility ng C-section. Kakanood kasi ng Sineskwela at Discovery Channel Pro Max since the 90s kaya naman it's too graphic and kadire talaga. 'Di ko talaga ma-gets 'yung "bringing a child in the world" shitballs na 'yan at the expense of that tiny hole na ma-stretch ng malala.
'Yung hassle na 'di biro na nakikita at naririnig ko sa mga okay na okay na nanay na self-giving to the point na they gave up their career and their lives for their kiddos. Jusko. Nangingilo ako. As in. I admire them so much talaga as in. Kasi sa generation na 'to, iba na. I'm not going after validation na external ha. Pero the stories, the behind-the-scenes are just soooooo maddening. 'Di rin madaling maging tatay kasi naman apart from the funds na talaga namang 'di biro, mas may pressure na rin mag-show up and grow up sila ngayon. Pero sa babae talaga ang mas pressure. Perioddttzzz.
Forda record, I've raised kiddos but not sa infant era nila. Though honestly, 'di naman super hassle mag-alaga kasi sabi nga nung mga momshies na kilala ko, lalabas talaga 'yung maternal instincts mo sa ayaw mo at sa gusto mo. And in fairness, kahit mga legit na party girls nagiging mainam na nanay na mismong ako nangingilo sa mga linyahan na: Anything para sa anak ko. Me: Wow. May ganun. Actually, 'yung hassle part is feeling ko talaga is hindi ako good example. Tats pa lang mhiema. Piercings pa lang. At lahat ng mali ko sa buhay, wala na. May nanalo na sa pagiging palalo. Byeee.
Pero ang bubog ko talaga sa kiddos area ay eto. I don't want to risk my potential kid to take care of me at his/her/their expense. I've seen it. I've gone through it. Kaya naman, wala akong pake na mom got an autoimmune disease. 'Yung strong feeling na may 50% chance ako na may bad genes. Wala na rin akong pake sa gene pool.
Pero, natatawa ako kasi nung sinabi sa akin ang similar storyline nung friend ko na two parents are C patients malala, sabi ko: Mhie, true love knows no fear. And for sure, aalagaan ka niya. At ganun ka rin. 'Di mo naman sure kung anong meron today and tomorrow kaya I say, go. Push. --I meant this talaga saka ayoko lang din masayang ang mga engagement shoots nila. Emmeemmmssss. Madali talagang mag-payo 'pag hindi ikaw ang subject at predicate noh?
I'm at the point where in kung puwede walang marriage, mas okay for me. However, eto naaaaaa tayo. Kung may makaka-go beyond sa fears and toyo and kabaliwan ko na 'to, I'll consider. Shemayyy. And sabi ko nga, 'di kasi ako takot mag-isa. Default ko na 'yun. I still stand by that. 'Di rin ako takot na just in case I get to an old age which is still debatable, I know I'll come through. Kung paano, ako na bahala doon. And this time around, while I have a solid and stronger connections sa crazy fam and sa chosen fam ko, just in case someone comes along, I think I can consider na rin. OPAKKK. Consider! Consider settling on and not settling in. Shemayyyyuyyy.
And sige, forda standards naman... sige, we will be a bit gentler. Hahahahahaha. Eto na naman tayo. Not gonna let the basics and the core go pa rin, pero tama nga naman best friend ko, it's time to demolish my double standards, for once. LUH. I know you're happy... I know you're happy right now... something has changed within me... something is not the same... Weeked na naman pala ang takbo noh? Tapos ending: I'm flying free... defy grabe teeeh. LOL. Malapit na ang showing neto. Abangan. CHOOOZZZ.
Ang hassle mag-demolish ng inner and outer demons. Jusko. Is it even worth it? Hindi ko sure pero wala namang kasing sure sa mundo. And when you're faced with something na real and possible, naiiba rin ang takbo. 'Di siya madali. 'Di siya walk in the park. 'Di siya lullaby, pero tignan natin. No pressure pa rin pero this time around, this is me trying to give things a chance. And giving me a chance too. I'm failing at it badly since I'm on training wheels, syempre.
Note to self: 'Pag tinanong ulit ako ng ganito, mas magiging intentional na ang sagot ko. Abangan. Sana lang wala akong toyo 'pag napunta sa usapan na 'to. Try ko talaga best ko na i-challenge 'yung sarili ko na: Is this kid actually growing up? Puksaan na ba?
0 notes
healyafterdark · 8 months ago
Text
Kagitingan
April 9, 2024
Lumipas ang maraming araw at naging madalas ang pagchachat mo sa akin kahit aminado akong hindi kita masyadong napapansin. Mahilig kang magpadala ng mga larawan at video clips tungkol sa mga ginagawa at pinupuntahan mo. Noong mga panahon na 'yon, wala naman talaga akong pakialam. Dahil dala na rin siguro na okupado ni mamang pulis ang isipan ko noon. Alam ko naman na wala kaming patutunguhan dahil wala naman kami nung tinatawag na common interests. Sinasalba ko lang ang pagkakaibigan namin na umabot na ng mahigit dalawang buwan. Pero sinusubukan ko naman pansinin lahat ng mga messages mo, hindi ba?
Naalala ko nga na naitanong mo sa akin kung nagkaroon na ba ako ng boyfriend. Madalas sinasabi ko ang totoo na hindi pa ako nagkaroon ng kasintahan sa buong buhay ko. Ngunit ewan ko ba kung bakit nagsinungaling ako pagdating sa'yo. Siguro dahil ayokong tawanan mo ako at sabihin mong matanda na ako at lumipas na ang ilang taon para hindi ako magkaroon ng ni isang kasintahan.
"Isa lang," sagot ko. Hindi mo naman ako tinantanan tungkol doon. Gustung gusto mong malaman kung anong nangyari sa amin ng imahinasyon kong iyon. Ipinaliwanag ko na lang na hindi kami magtatagal dahil taga-Mindanao siya at ayaw namin pareho ng LDR. Kahit na may katotohanan ang kwento at ang taong ito, hindi naman talaga kami naging official. Oo, taga-Mindanao siya na nakilala ko sa dati kong pinasukan na kumpanya at nagustuhan naman namin ang isa't isa ngunit sagabal talaga ang distansya para sa walang kasiguraduhan. Ngayon ko napagtanto na marami pala kayong pagkakapareho.
"Isa lang pero matagal na yun." Kung hindi ba ako nagpanggap at inamin ko ang totoo, kakausapin mo pa rin ba ako pagkatapos nun? Kung ako ang tatanungin eh palagay ko'y hindi tayo magiging magkaibigan kung nalaman mo noong una palang na pihikan ako, hindi ako sumusugal kahit gusto ko ang isang tao, at madalas akong nakatali sa konserbatibong imahe sa akin ng pamilya ko. Sigurado ako na iisipin mong ekis ka na sa akin agad.
Nakikita mo lahat ng Instagram stories ko at kung may maicocomment ka ay siguradong magcocomment ka. Hindi ko naman nilagyan ng malisya ang lahat ng mga pangunguna mo na magkausap tayo kahit pautay-utay. May isa ngang beses na bigla kang nagpadala ng audio clip na naggigitara at kumakanta ka ng "Heaven Knows" ng Orange & Lemons at sinabing medyo matagal ka nang LSS sa kantang ito. Sa totoo lang, napangiti mo ako nung nagpadala ka noon at narinig kong kumanta ka. Napakarandom naman ng lalaking 'to. Pero infairness, maganda naman ang boses.
Naalala ko rin nung Araw ng Kagitingan na kailangan ko nang bumalik ng dorm kaso hindi ko naabutan ang huling byahe nung gabi kaya umuwi nalang ako ng bahay.
"Goods yan, para magkausap pa tayo. Nakakalimutan mo ako pag di na bakasyon e haha," sabi mo.
Nakonsensiya ako noong sinabi mo 'yon kasi wala pa naman talaga akong pakialam sa'yo kahit na tatlong linggo na tayong magkakilala sa social media.
"Joke lang. Sorry din, ang galing manggaslight eh haha."
Nagaslight mo nga siguro ako kasi pagkatapos ng usapang 'yon eh biglang nagbago ang ihip ng hangin. Mas naging interesado na akong kausapin at kilalanin ka. Siguro dahil hindi na rin kami nag-uusap ni mamang pulis kaya nabaling na ang atensyon ko sa'yo.
Siguro dahil nadala na rin ako sa pagiging matiyaga mo na makuha ang atensyon at oras ko, isa na naman sa nagustuhan ko na katangian mo. Yung iba kasing mga lalaki eh hindi nagtatagal ng isang linggo sa pagiging matiyaga. Pero hindi ko alam bakit naiiba ka.
"Di mo naman sinasabi sa papa mo na nakakausap mo 'ko 'no? Hahaha," tanong mo.
Ang dami kong tawa nung nagtanong ka na tungkol kay papa. "Hindi. Gusto mo ba na sabihin ko? Hahahahaha."
"Huy nakakahiya. Last week nga sinabayan ko siya mag-meryenda sa canteen eh." Sabi mo pa na baka mapagalitan ka niya at baka mailang ka sa kanya. Sana naniwala ka talaga noong sinabi ko na hindi pa kita nababanggit kay papa nung mga panahon na'to.
Nagsimula na rin akong magpadala sayo ng mga kanta, karamihan eh mga OPM indies na hindi mo pa naririnig. Nililista mo sila isa isa kasi sabi mo eh gagawan mo ng hiwalay na Spotify playlist. Pinakita mo nga rin pala ang isang parte ng journal mo tungkol sa Mt. Pulag noong March 18. Nabanggit mo sa journal mo ang pangalan ko pati na rin ang mga katagang sinabi mo sa akin.
"Ang lakas mong mag-sir sa'kin eh mas matanda ka pa sa'kin."
Ako? Nabanggit sa journal ng iba?
Bakit ba ako nagkaroon ng espasyo sa journal mo pati na rin sa isip mo? Hindi ko talaga inaasahan na mapapansin mo ako.
"Ikaw lang ang kilala kong lalaking nagjojournal," ang manghang sabi ko. Ipinaliwag mo sa akin na ito ang payo sa'yo ng doktor mo. Meron ka palang clinical depression mula 2023 na kinailangan ng maiging gamutan. Noong February 2024 ka lang din na-clear ng doktor sa sakit mo.
Nabanggit mo kasi na "fucked up" ang buhay mo noong 2018-2023 kaya ka nagkasakit. Pero ang dahilan, hindi ko pa alam. Nirerespeto ko naman kung hindi mo sasabihin dahil wala namang akong karapatang manghimasok sa mga bagay na hindi naman ako kasali.
"At saka ko na ikekwento kapag magkaibigan na tayo."
Natutuwa ako sa pagiging totoo at transparent mo pati na ang pagiging magiting mo kaya nakalimutan ko na kung ano ang unang pagkakakilala ko sa'yo. Hindi ko akalain na hahanga ako sa'yo.
Yakap by figvres
Isinulat ngayong May 5, 2024 | 5:31 PM
0 notes
starpilipinas26 · 10 months ago
Text
Ang Gusto Ko Po Sanang Mangyari Ay Itigil Na Nila Ang Paninira At Pag Gawa Ng Mga Masasamang Plano Sakin, Ibigay Na Lamang Nila Ang Pera Ko Na Galing Sa Property Ng Aking Ina, Upang Matapos Na Po Ito At Maka Pag Simula Na Po Ng Bagong Buhay, Sa iBang Lugar Na Kung Saan Alam Kong Magiging Maayos Na Ang Lahat , Para Hindi Narin Po Lumalala Pa Ang Sitwasyon Na Pati iBang Tao Ay Nakikialam Na Sa Usapang Property Na Hindi Dapat Ginagawa ito.. Dahil Kung Patuloy Na Gagawin Ang Mga Tulad Nito Lalaki Lamang Ang Gulo At Baka Mas Malalang Sitwasyon Pa  Ang Mangyari Dito Sa Lugar Ng Dagupan Tondo, Kaya Sana Ibigay Na Lang Aking Pera Para Matapos Na Ang Gulo...
Tumblr media
View On WordPress
0 notes
on-fumes · 10 months ago
Text
hindi ko alam bakit ganitong oras buhay yung gc namin na yon e tangina tapos usapang sex position like wtf?
0 notes
littleinfinitiy · 11 months ago
Text
February 7, 2024
Walang man masyadong ganap today. Kasi wala man ako pasok tapos ikaw sa bahay lang din with td. Parang buong araw lang ata tayo naglaro ngayon haahahaha well bebe time naman natin yun kaya g lang din. Me and u against bobong kakampe ganun HAHAHAHA kidding aside ayun nga nalaman na nga natin yung kay mama and yes mahal nalungkot naman talaga ako. Iniyak ko na din naman sayo kanina so medyo okay okay na ko ngayon. Knowing na nandyan ka naman mahal mas gumagaan yung mga pakiramdam na mabigat. Dumadali yung mga bagay na mahirap pag nandyan ka hehe kaya thankyou mahal ha? Sobrang grateful lang talaga ako na nandyan ka po hehe. Well bago matapos yung araw na to like the usual thing natin na nakasanayan syempre mag bebe time sa messenger HAHAHHAHA dahil nga iyakin tong asawa mo kaya ayun imbes na mangharana eh nag iiyak HAHAHAHA sorry na mahal hehe ayun tuloy sumakit naman bigla ulo ko. Kaya ihiniga ko na din mahal kasi naaskit talaga ulo ko. Hanggang sa mapunta tayo sa usapang "what if" mo
Dami mo kasing what if sa totoo lang mahal HAHAHAAHAHA tsaka yung mga what if mo ang bibigat din talaga no? Ramdam ko mahal kahit di mo sabihin na malaman mga what ifs mo, Fist of all mahal di ko jinajudge mga what if mo okay? Naiintidihan ko naman mahal. Naasbi ko na din naman sayo maraming beses na. Na naiintindihan kita. Na alam ko yung reason sa mga what if mo. Mahal kung ano't ano man mangyari satin sa huli, ipagpapasa dyos ko nalang muna. Na sana pagbinigyan nya tayo ng isang malakin pagsubok eh sana magkasama nating harapin. Kaya natin yun diba? Tayo pa ba? Total sabi mo naman kung ikaw lang maiguguhit mo ko na kasama mo sa isang bubong. Dun ka nalang mag stick mahal okay na okay na sakin yun HAHAHAHAHA de, gusto ko lang din malaman mo mahal na kung ano man mangyari satin in the near future. Pero sana wag yung hiwalayan hehe di ko lang talaga kaya mahal e. Sorry mahal ha? SOrry kung pinipilit ko yung point ko na di naman sa una lang e. Sorry kiog kinokontra ko yung mga what ifs mo minsan. Sorry kong may mga bagay akong nasasabi na malayo naman sa gusto mong mangyayari like kabaliktaran sa mga what ifs mo. As much as possible mahal ayaoko din talaga magtalk e. Gusto ko lang ipakita at iparamdam sayo kung ano ba talaga gusto kong mangyari sa buhay mo. Nagegets naman kita mahal e. Yung main reason mo bat pinipigilan mo sarili mo maging totally alam mo yun. Alam mo na yun mahal e. Ako naman eto lang naman ako mahal nag aantay sayo palagi. Nandito lang ako palagi mahal kung need mo ng kasama mag gala. Kumain. Kung need mo asawa say no more cuz i am here already hoy HAHAHAHA kidding aside mahal ung tanong mo na what if maghiwalay tayo. Like ano ba yang what if mo mahal hahahaha basta ako mahal kung san ka man gusto ko nandun ako. Gusto ko mga achievements natin ay sabay nating abutin. Sabay nating palakihin si td hehe. Sabay tayo sa lahat mahal kung pwedeng ganun hehe sa ngayon naman gusto ko lang muna patunayan din sarili ko sayo. Basta mahal wag mo ko iiwan ha? Wag kang mawala okay? Mahal na mahal kitaaaaa! Tulog kalang po dyan dahil ako tutulogg na din hehe mahal na mahal kita palagi! Kakayanin natin lahat okay? Paunti unti pero kaya yun hehe❤️
0 notes
yancieverse · 11 months ago
Text
usapang vietnamese x filipino
Noong namasyal kami ni Anna sa SM, naalala ‘kong sinabi niya na naniniwala siya sa destiny. Kapag destined kayong magtagpo, walang hahadlang sa inyong magtagpo. Kahit umabot pa ng sampung taon, ang mundo ang gagawa ng paraan para kayo’y magtagpo. At kung dumating man ang panahon na magtagpo kayo, ito’y isa sa pinakamagandang sandali sa buhay mo. Bilang INFP, hindi ako makapag-disagree (one-half…
View On WordPress
0 notes
landlthoughts · 1 year ago
Text
Tumblr media Tumblr media Tumblr media Tumblr media Tumblr media Tumblr media Tumblr media Tumblr media Tumblr media Tumblr media
Thank you for everything sa lahat ng sacrifices mo noon para sa atin. Thank you for fighting your love for me, and for building a family with me. At least, naranasan kong mahalin mo at mahalin ka.
I can still remember endless conversations i had with you, yung di matapos tapos na mga usapang masaya or malungkot, nakakatakot or nakakatawa. I will always cherish those memories. Ikaw yung pinakamasayang nangyari sa buhay ko. Kahit madami man tayong pinagdaanan na hirap, sobrang napasaya mo ko in a span of time. And dadalhin ko yun, san man ako mapunta sa mundong ito.
Siguro di ko na kaya pang magmahal gaya ng pagmamahal ko sayo. Or baka matakot na ko magmahal ulit.
You will always have a special space in my heart.
Im sorry, sa lahat lahat. Mahal na mahal kita lagi.
0 notes
zai-ganda · 1 year ago
Text
Tinig ng Laylayan
"People Forget About The Creatures Who Live In Shells." – Kya Clark
Isinulat ni Delia Owens ang nobelang “Where the Crawdads Sing” na ginawang pelikula noong taong 2022 sa direksyon ni Olivia Newman. Nakasentro ang kuwento sa mga latian o marsh sa North Carolina at umiikot sa buhay ni Kya Clark na kilala bilang “Marsh Girl”. 
Maagang naulila si Kya sa kaniyang pamilya nang iniwan siya ng mga ito mag-isa sa kasukalan ng mga latian. Sa murang edad, natuto itong tumayo sa sariling mga paa at mag-isang hinarap ang mga hamon sa buhay dulot ng matinding kahirapan at pagkakabukod nito mula sa komunidad. Higit na naghirap si Kya nang hindi ito nakatanggap ng anumang pormal na edukasyon na naghadlang sa kaniya upang magkaroon ng basic literacy at numerical skills. Bukod pa rito, ang hindi pagiging edukada ang naging sanhi upang maging biktima ito ng sosyal na stigma at diskriminasyon sa lipunan. Upang mabuhay at matugunan ang mga pangangailangan, tinuruan ni Kya ang kaniyang sarili na mangisda at maghanap ng iba’t ibang mga hayop at halaman mula sa katubigan ng latian. Sa araw-araw nitong paglilibot sa latian, marami itong natutuhan mula sa kaniyang napakalawak na tahanan. Inaral niya ang iba’t ibang uri ng halaman at hayop hanggang sa naging eksperto siya sa mga ecosystem at aghambuhay ng mga nilalang mula sa kaniyang kapaligiran.
Isang patunay ang kuwento ni Kya Clark sa pelikula at nobelang “Where the Crawdads Sing” sa kung ano ang magagawa ng katatagan at pagiging madiskarte sa pag-angat at pag-unlad ng isa. Subalit, mahalagang batid natin na bagama’t kapuri-puri ang taglay na lakas at kasanayan ni Kya, ipinapakita ng kaniyang pamumuhay ang malupit na realidad ng karamihan - ang kakulangan ng suporta at pagkalinga mula sa mga magulang, at ang hindi abot-kamay na edukasyon sa ating bansa. Nakakalungkot mang isipin ngunit maraming mga bata sa Pilipinas ang nakararanas ng kahirapan at mga hamong dinanas ni Kya Clark. Maraming mga bata ang napipilitang dumaan sa landas na puno ng pagsubok, paghihirap, at pakikibaka para lamang mabuhay. Maraming mga bata ang hindi nakakatanggap ng pormal na edukasyon sa kadahilanang wala sapat na salapi ang kanilang mga pamilya upang mapondohan ang kanilang pag-aaral. At maraming mga bata ang pipiliin na lamang maghanap-buhay upang makatulong sa mga magulang imbes na mag-enrol sa isang paaralan. 
Ayon sa isang pag-aaral na isinagawa ng Philippine Statistics Authority, humigit-kumulang 18.6% ng mga Pilipinong nasa edad lima hanggang 24 taong gulang ang hindi nakapag-aral sa taong 2022. Ang tumataas na halaga o cost ng edukasyon at mga problemang pinansyal na kinakaharap ng mga Pilipino ang isa sa mga pangunahing dahilan ng paglaki ng porsyentong ito ayon sa parehong pagsusuri. Ang Philippine Constitution na mismo ang nag-utos na gawing prayoridad ang edukasyon sa usapang badyet at pagpopondo. Subalit, sa kabila ng pagiging isa sa mga sektor na nabibigyan ng pinakamalaking pondo taon-taon, nananatiling hindi accessible o abot-kamay ang edukasyon para sa maraming Pilipino. Bukod pa rito, mayroon ding kakulangan ng mga pasilidad para sa pag-aaral, at nananatiling mababa ang sahod ng mga guro sa kabila ng kanilang pagsisikap sa pagtuturo at gabundok na mga gawain. Lubhang nakasalalay ang pagiging accessible ng edukasyon at ang antas ng kahirapan sa bansa sa pamahalaan, ang mga patakaran at proyekto nito, at kung paano nito ginagamit ang pera ng bayan.
Edukasyon ang susi patungo sa mas maliwanag na kinabukasan. Ngunit, para sa mga pamilyang nasa laylayan, isa itong bahagyang kislap na lamang - tanda ng isang pangarap na hindi kailanman magiging abot-kamay.
References
Antonio, R. (2023, January 30). VP Duterte bares lack of school facilities 'most pressing issue' in PH education. Manila Bulletin. Retrieved November 19, 2023, from https://mb.com.ph/2023/1/30/vp-duterte-bares-lack-of-school-facilities-most-pressing-issue-in-ph-education
DBM submits 2023 Budget to Congress; Education, infrastructure, health, social protection, agriculture, top budget priorities. (n.d.). DBM. Retrieved November 19, 2023, from https://www.dbm.gov.ph/index.php/management-2/430-dbm-submits-2023-budget-to-congress-education-infrastructure-health-social-protection-agriculture-top-budget-priorities
18.6 percent of ages 5-24 not attending school last year – PSA. (2023, September 26). Philippine Star. Retrieved November 19, 2023, from https://www.philstar.com/headlines/2023/09/26/2299033/186-percent-ages-5-24-not-attending-school-last-year-psaHernando, M. (2023, January 12). 92% of public school teachers receive 'unliveable' salaries; group calls gov't's pay hike a 'failure'. Manila Bulletin. Retrieved November 19, 2023, from https://mb.com.ph/2023/01/12/92-of-public-school-teachers-receive-unliveable-salaries-group-calls-govts-pay-hike-a-failure/
1 note · View note
nice2meetyouu · 2 years ago
Text
Usapang Feelings
Ang bago ko nang linyahan pag sinasabihang bitter or kung anuman ay wala akong emotional capacity for romantic relationships.
Pero actually, hindi lang doon. Isa sa dahilan siguro bakit ako nahihirapan sa patient-facing doctor work eh pakiramdam ko, kailangan mong namnamin 'yung buhay nila para makapag-suggest ka ng mga epektibong solusyon.
Kung 'yung pasyente mo may 7 anak, buntis ulit, walang trabaho, walang trabaho ang kinakasama, breastfeeding, walang makain, walang pambili ng gamot, ano pang ia-advice mo sa kanya? Paano mo isosolve 'yung ibang problema kung basic needs nga hindi ma-meet? Error 404 na ito sa utak ko.
Ayon sa mga nakasama kong expert sa pagpapasyente, may ways to bring value pa rin naman. Pero ewan ko paano magagawa 'yun in 15 minutes or less.
Well, isa 'yan. Buti nga kung maeelicit mo 'yung details ng buhay nila kaagad. Minsan, kung anu-anong irrelevant ang ikinukwento ng iba. Naubos na ang oras at gusto ko nang mag-move on sa next task.
Halimbawa ng irrelevant na kwento, sa ER, tinatanong mo kung anong masakit pero ang sagot ay tungkol sa horrible experience with a surgeon sa ibang ospital, years ago, kung saan pinaghintay siya ng 3-4 hours, nasa table na siya tapos kakagising pa lang daw ng surgeon, blah blah blah.
Therapist yarn? Sa ER mo talaga 'yan kailangan ilabas? O baka nga naman 'yun ang masakit para sa kanya. Who am I to judge?
3 notes · View notes
benefits1986 · 5 months ago
Text
hownot2blinddate.promax.superfinalish
Sa ngalan ng mga tanong na pro max, eto ka. Boogsh.
Forda mga XY and XX na ongoing ang paganaps sa dating scene, eto na po tayo sa isang checklist na wala na namang lesson. Puro pakawala lang because boredom is the key.
Paano nga ba mag-go about sa usapang blind date?
'Wag mong i-search ang name at mga nickname.
'Wag mong hingian ng photo 'yung nagrereto sa'yo.
'Wag mong tignan ang public profile.
'Wag mong tignan ang mga profile ng mga family members.
'Wag mong ukilkilin ang mga followers at kung sino mang fina-follow niya.
'Wag kang mag-deep dive sa mga posts ng followers at mga fina-follow niya.
'Wag mong i-check ang mga mas immersive feeds niya like Pinterest, Spotify, atbp.
'Wag mong gamitin ang Wayback Machine. Paki usap. Mabagal mag-load at times.
'Wag mong i-check ang mga hashtags na gamit niya.
'Wag mong i-click ang mga tao, bagay, at lugar tagged sa content niya.
'Wag mong i-scroll down ang feed niya.
'Wag mong hanapin ang mga common friends or connections n'yo.
'Wag mong i-assess ang comments and reacts lalo sa LI.
'Wag mong masyadong pinagpapaniwalaan ang mga nababasa mo at nakikita mo online.
'Wag mong i-judge kasi kaya ng blind date, dapat blind test. Blind tasting, ganern.
Bakit? Kasi, at the end of the day, ang magiging basehan niyan ay ang kung ano bang lagay ng bagyo o budol sa pagdadaupang-palad ninyong dalawa. Ke-XX or XY ang ka-ems mo. Pero syempre, hindi madali ang "how not to" na 'to. Lalo 'pag millennial or Gen Z ka.
Parang matic na siya like pag-check out ng bagong food spot or gala spot or kung ano mang matripan mo at usually based din sa algo mo which is another part of this very Black Mirror-driven universe.
Also, circling back to the life beyond the frames, the filters, and the feeds. Ganun talaga ang tunay na laban. Ganun talaga ang tunay na buhay. Oks lang naman talaga magsimula at madevelop sa dark room aka the digital road. Walang problema dun, ngunit, ang akin lang naman e before async comms actually works, magkaroon muna ng solid na solid kahit liquid at gas na ang state ng utak ng mundo. Lived experience is not gonna be replaced by any sentient AI or algo. EMS. Luh. Pinagsasabi na naman niyan? Ang aga-aga na naman po, opo. PS1: Saka mo na gawain ang pag-deep dive sa ka-blind date mo kapag may Date 002 or 003 na kayo. Safe na 'yun pero kung kaya mong Date 004 or 005, push. May certain magic (?) kasi 'pag may element ng surprise ng mga red, beige, and green flags. LOL. O baka ako na naman lang 'yan bilang gusto natin ng thicccc plot.
PS2: By safe I mean pala which is super important. Make sure na 'yung rereto sa'yo e legit ang source like friends and family na 'di utak talangka kahit magagaling mag-kubli. LOL. Seryoso ako diyan lalo na kung may mga pinagdadaanan ka. Good luck and Godspeed! Houston, ano na? Houston, do you copy? Over. PS3: Parehas lang ang rules ng dating sa XY and XX. LOL. Magkaiba lang ng nuances, ng quirks. Masyado lang strict ang naming conventions, honestly speaking.
0 notes
dearysse · 1 year ago
Text
Thursday • Aug 31, 2023 • 10:00 PM
Hi. Hello. Pa-rant lang ng konti, grabe sobrang naiinis ako tonight lang.. oo tonight as in ngayong gabi lang, kasi masaya naman ako kaninang umaga hanggang hapon.
not until dumating sila—
so meron kasi kaming mga bisita ngayong gabi mag-asawa sila, yung lalaki may anak na sa iba but sa asawa niya ngayon wala (basta long story), churchmate namin at dito sila mag-oovernight ngayong gabi. So ayun na nga, habang nagreready pa ng dinner yung asawa ko and yung kasambahay namin sa kusina. Ako muna naka-toka sa pag-eentertain sakanila… tapos napunta kami sa usapang “mga anak”
bisitang lalaki: “sa church nga naiinis ako dun sa mga bata na nasa unahan namin.. hindi kasi ako makapag-focus nagcecellphone yung mga anak niya.”
ako: “ah.. bakit maingay po ba?”
bisitang lalaki: “hindi, pero nagcecellphone kasi siya kaya syempre yung focus mo nawawala.. yung mga anak ko naman hindi ganun, tingin mo palang sumusunod na.. mga bata kasi ngayon puro cellphone na eh no.. sympre bilang mga christian at nakikinig ng preaching diba dapat disiplinahin ang mga anak nila.. blah blah blah”
and doon na nga ako na-highblood pero nagtimpi nalang ako at ngumiti..
Bakit ganun ano? may mga tao talagang feeling inferior? kala mo ang galing galing nila.. and the sad part is dinedegrade niya yung pagiging christian ng mga magulang dahil lang hindi nila ma-meet yung disiplina na gusto niya mangyari sa mga anak nung ka-churchmate niya? LIKE SERYOSO KA?
hindi ko maintindihan, bakit siya ba nagalaga sa mga anak niya 24/7 niya ba inalagaan anak niya hanggang sa lumaki sila at parang ang galing galing naman niyang tatay?
and hindi naman pala maingay yung mga bata, nanunuod lang sa tab or phone.. so hindi pa rin siya makapag-focus? nahiya naman kaming mga nasa cryroom na walang service na tumahimik dun sa loob dahil sa sigawan, iyakan at paglalaro ng mga bata pero may mga nanay pa rin na pinipilit magfocus.
hindi niya man lang na-appreciate yung mga ganung bagay?
tas sino ba siya para husgahan yung mga bata at yung mga magulang? ano bang alam niya sa buhay nila? SINO BA SIYA??? hindi niya ba naisip na baka kaya hinahayaan niya manuod yung mga anak eh dahil para tumahimik at hindi mag-wala.. baka kailangan nung nanay makinig dahil nanghihina na siya at wala siya choice?
grabe inis ko hay nakooo!!!!
0 notes
junijurokunisenyon · 2 years ago
Text
Malaking Pagbabago
Matagal-tagal na simula nang sumulat ako rito at gusto kong sabihin na marami-rami na naman ang nag bago. Masaya ako, masaya ako, masaya ako. May mga pagkakataon na malungkot ako, pero kuntento ako sa mga bagay na nasa harap ko ngayon.
Gustong-gusto ko ang ginagawa ko. Sa lahat ng bagay, mahal na mahal ko ang mga ito. Kung sa susunod na buhay, maaaring bumalik na ako sa tunay kong pinanggalingan, dahil alam ko na may malaki akong purpose na kailangan kong gampanan. Kung ito ay paraan kung paano mababago ang takbo ng mundo, pursigido akong tuparin ang lahat ng pangarap ko. Kahit sa anong sirkumstansya. Magagawan ko ng paraan ang lahat ng bagay dahil walang problema ang hindi ko nalusutan.
Noong mga nakaraan, nang magsimula ang mahal na araw nakaramdam ako ng pakiramdam na hindi ko inaasahan, ngunit nangangako akong hindi ko na ito tatakbuhan o talilikuran. Hindi na ako gagamit ng ibang paraan sa pagsalo ng mga problemang ito, lalo na sa usapang pera. Ngayon ko lang napagtanto kung gaano kalaki ang pangarap ko sa buhay. Ngayon ko lang naisip kung gaano ko gustong mag serbisyo at mag mahal.
Napatawad ko na ang isa sa mga taong sinaktan ako nang sobra. At ako’y naniniguro sa aking proseso bilang isang ganap na tao sa mundo ng mga tao. At ako ay isa sa mga ito. Naniniwala akong kailangan kong i-redeem ang sarili ko sa mga kasalanan na ginawa ko sa nakaraan kong mga buhay simula nang mapadpad ako sa lupa ng planetang ito.
0 notes
theweedsinmygarden · 2 years ago
Text
i hate that it feels more comfortable for my hometown peers to talk about others than about the self
what's worse: when about others becomes behind their back.
naalala ko si Mitch recently habang inoobserbahan yung dalawang kasama. maya't maya nagta-type yung isa. pag tumitingin o nags-scroll ako sa phone habang kasama sina Mitch at Andy no'ng senior high, mine-mention ni Mitch na wag akong mag-phone dahil: ✨friends' time✨
i didn't realize at the time that what i was doing was kinda disrespectful, whether or not i was simply scrolling occasionally or constantly talking with someone else virtually. (parang the same behavior would be disrespectful din pala 'no kahit virtually kayo magkakasama... so, wouldn't it be disrespectful for both na kasama mo sa same physical space and sa virtual space?). hindi rin mahalaga na yung reason ko na i perceived the momentary silence awkward; i could've just stared somewhere else instead na sa screen?
pero yung gusto kong sabihin ay hindi naman tungkol sa, parang:
hey, we agreed to see each other—or, you asked me to be there with you—be socially, physically, and mentally present enough naman...?
although that, too, shouldn't be disregarded. (shouldn't pa rin kaya kahit wala kayong relationship sa isa't isa?)
yung gusto kong sabihin:
i'm glad i have observed it. interesting kung pa'nong nakikita mo yung (dating) sarili mo sa behavior ng iba instead na sa 'yo mismo... pero it's undeniable: i could've corrected kung i was self-aware enough.
pero hindi pa talaga start.
yung nangyari ay: may magtatanong tungkol sa pinagkakaabalahan, may sasagot, magkakaroon ng katahimikan. yung katahimikan ay 1) pagkawala o kakulangan sa engagement dahil yung katahimikan na 2) inaabangang mapalitan ng katuloy na pag-uusap ay matagal pa palang uusbong dahil matagal pala yung magiging pag-uusap ng hinihintay na kasama with kung-sinuman-ang-kausap virtually. at dahil yung isa pang kasama ay siguro, mao-awkward-an na kaya magba-browse na rin sa phone nya. umikot lang doon hanggang lalo nang nakakaantok yung siesta time at nag-decide na kaming magsiuwi.
naging mas engaging lang in terms of conversation noong na-bring up yung buhay ng iba't ibang tao. naalala ko na maraming beses nang nagyayari yung gano'n sa kahit saang circle na nakakasama ko (pero madalang kapag isa lang ang kasama).
Tumblr media
habang nasa gano'ng cycle, naalala ko si Florisa Jaed. na-miss din siguro? natanong ko mentally, nabo-bore din kaya sya pag... yung subjects ng conversation na gustong-gusto niyang pag-usapan para o kahit hindi para marinig sa iba't ibang perspective... ay hindi nabubuksan? if we were still part of each other's life, i bet uuwi kami nang padilim na.
Tumblr media
but what was holding me back? bakit hindi ko simulang buksan yung usapang gusto ko?
pero hindi ko na dapat ipilit. o gustuhing magtanong at magkwento at makinig din tungkol sa personal life ng mga kasama kung hindi sila kumportableng buksan yon pag may kasama pang iba, kahit pa pinagkakatiwaalan din nila yung bawat isa.
Tumblr media
pero tatanggi nang mag-engage sa susunod kung yung pag-uusap about others ay pag-uusap behind their back.
0 notes