nice2meetyouu
1K posts
Don't wanna be here? Send us removal request.
Text
Roller coaster agad 'tong August. Hahaha. Dito sa isang inapplyan ko na nasa step 3 na ako, halos patapos na ang scheduled time dumating 'yung interviewer, nasira raw computer niya. Okay naman, may one last step na lang, at 'yun ay kausapin ang CEO. Not sure if aabot ako sa part na 'yun.
On top of passing one exam last week and adding more letters after my name, natanggap ako dun sa isang scholarship. Exam Wednesday, interview Saturday. Sabi ng nanay ko, ano namang gagawin dyan? Hindi ko rin alam kaya hindi ko na lang nireplyan. It is what it is. Sabi lang, welcome to Batch XX of the YY Scholarship Program! You've made it through a highly competitive selection process—over a thousand applied, and you are one of the only ZZ chosen scholars. That's no small feat, and you should be proud!
Pero ang biggest plot twist na natatawa ako ay nagmessage si boss kagabi, sabi, nag-apply ka ba?
Dalawa inapplyan ko internally, rejected na agad sa isa, pero dun sa bigger fish nagkachance? Wala pang email or anything kaya parang hindi ako naniniwala kay boss, pero ginuide naman nya ako kung anong mga pwede kong sabihin. Inask ko nga sino ba mga nag-iinterview sa ganu'n? Akala ko baka sila-sila rin or SOM, pero sabi nya AD daw.
Hindi ko alam ilang step naman 'to, pero salamat na rin cinonsider nila ako.
Antok na ako, pero 7 hours pa ng trabaho. Hindi pa nga ako nag-eempake para sa flight.
3 notes
·
View notes
Text
Kakasabi ko lang na life is good, may bawi agad. Haha. The day started okay, nakapagworkout na, nag-almusal, kaso my mom just can't bear seeing my happily relaxing and playing mobile games, can she? Utos dito, utos doon, naglalaro lang naman daw ako. Imbis nga raw ba maglaro, dapat naglinis na lang ako ng kwarto. Andami na raw nyang nagawa, ako puro laro lang.
Some people just don't grow up, do they? Limitado lang sila sa mundo nila. Dapat ako ganito, kaya ikaw rin. Hindi raw healthy lifestyle ko, hindi raw ako natutulog sa gabi. Kesyo ganito, kesyo ganoon. Ito na nga 'yong sinasabi ng iba na maraming pangarap/plano ang iba para sa buhay mo—and I don't appreciate it.
Isa rin 'tong tatay ko, kesyo gabi na raw ako umuuwi, marami raw holdaper sa daan. Pag umuwi ba ako nang maaga, kakaunti ang holdaper sa daan?
Isa rin 'tong friend ko, nagbook ng something on a certain weekend. Sinabihan na ngang saglit lang. O ngayon ano, hindi na ako makakaapply dun sa gusto kong applyan kasi tatamaan 'yung date na dapat pumasok, 'di ba? Bakit hindi marunong makinig pag sinabing wait lang? Ang hirap din naman magsabi kasi out of good will naman, kaya lang naiipit ako sa agenda ng iba eh.
Isa pa 'tong si L, TIN lang, hindi pa maasikaso. Akala mo 18-year-old newly hatched egg sa lipunan, eh papunta na sa edad 30. Grow up naman? Sinabi na nga anong gagawin, RESUBMIT ang sabi, hindi REPLY... hopeless, hehe.
I'm trying na maging mabait, kalmado, at peace, kaso pokinanginang mga tao sa paligid 'to, hehe, oo na, aalis na ako ng bahay...
Mag-aral na nga lang ng isasagot sa interview bukas.
5 notes
·
View notes
Text








Life is good. I couldn't be prouder of myself and the friends I have made along the way.
11 notes
·
View notes
Text
At ayun na nga, gusto ko ng cookies. Randomly. On a Sunday morning. Parang 3am na ako nakatulog pero feeling ko naman energized na ako at kaya nang magpractice run. Hehe, nagsign up ako sa some marathon kasi nagandahan ako sa skort at shirt. Sa medal din. Kakaexcite!
Ang life update ko ay pumasa na ako dun sa isang mabigat na exam na dati ko pa pinoproblema. Ang bago ko nang problema eh lahat ng hiring ay naghahanap ng 2 years of experience, except sa iilan na tumatanggap ng mga baguhan, kaso dayshift sya na onsite everyday, eh mayroon nang nag-ooccupy ng timeslot na 'yan. Paano ako hindi aabsent? Haha. Sana panggabi na lang ang training para magawan ko paraan.
On a side note, nakita ko actually 'yung ticket sale pero habang inaask ko ang mga kasama kung okay sa kanila ang pinili kong date eh ayun, nawala na ang remaining seats in front of my eyes. Andami nang nangyari, antagal ko nang hindi nagpopost eh. Pero life is good naman.
Sana matanggap ako aa scholarship and sana matanggap ako sa isang work na nasa gitna na ako ng interview process. Then, saka ko iisipin 'yung dayshift onsite daily.
May gala rin pala ako sa Cebu this week until next week, so ubos na ulit ang paid time off ko. Iyak...
Hindi na ako nakaalis sa mythical honor...
4 notes
·
View notes
Text
Parang ewan talaga ang buhay. Haha. 'Yung mga tinatanggap sa buhay, palpak. Tapos may mga magpaparamdam sa 'yo ng care, concern, attention, effort, at iba pa. Kaso... hindi ko kaya magpaka-Pauleen Luna kay Vic Sotto in a world na may Vico Sotto na.
2 notes
·
View notes
Text
Pag hindi nakaharap sa tumblr, dami kong naiisip ipost pero ngayong nandito na, wala akong maalala. Good night!
8 notes
·
View notes
Text
I'm so bored. Gusto kong bumisita sa iba't ibang coffee shop at maglakad sa magandang lugar. Problema lang tutulugan sa gabi or kung saan pwede magwork na medyo tahimik, saka mabigat din sa likod ang laptop. Mura lang pala pa-Baguio galing dito, nasa ₱629 ang express.
12 notes
·
View notes
Text
Ewan ko kung may mangyayari pero nireklamo ko 'yung RCBC sa BSP, kabwisit, aalukan ka ng no annual fee tapos ichacharge ka. Ano kaya 'yon? 'Yung una kong kausap, hindi ako maintindihan, at trinansfer back ako sa queue dahil ayaw na niya akong kausap. 'Yung pangalawa, ang yabang, tapos hindi nagsend ng survey. Gaslight nya pa ako na wala silang gano'ng promo, eme eme. Tawag na lang daw ako pag zero na balance sa card. I think na ganu'n nga gagawin ko by March 2026.
'Yung last, inalukan ako ng cash loan, 0.85% p.m. or ₱60,000 spend within 60 days. Kaka-cash loan ko lang since nag-alok sila ng 0.39%, parang ewan talaga. Oh well.
1 note
·
View note
Text
Gutom na ako. Gusto ko lang ng cookies tapos higa ulit. Kaso may work.
Napagod akong mag-tour sa Vietnam for 5 days. Nagdala pa ako ng laptop kasi hindi ko alam na approved pala 'yung leave sa isang work. At nag-effort pa ako kasi may 30-minute final interview sa some company tapos hindi rin naman pumasa.
Bumili ako ng latex na mattress sa isang factory doon. May kasamang 2 unan, 1 unan na panglikod (lumbar support daw), unan para sa batok, kumot o sapin (topper daw eh) na pang-winter, at maleta. 'Yun na yata ang pinakamalaking maleta sa bahay namin.
Malamig at masarap higaan ang mattress. Hindi naman ako nagdududa na sulit 'to kahit naubos ang laman ng wallet ko. Hindi ko rin naman masabing malungkot ako dahil sa interview. Nasagot ko naman 'yung mga tanong, hindi lang nila siguro type o mas bongga 'yung iba. Andami rin nag-apply, at least 200, tapos kasali ako sa final 48, pero 19 lang daw ang kukunin.
Hindi ko rin alam bakit sobrang anxious ko sa buhay. Sabi ng ka-work ko, tama na raw, 24 oras lang daw mayroon sa isang araw, at 16 doon ginagamit ko na sa trabaho. Kahapon, nagpasa nanaman ulit ako ng CV tapos kanina, may tumawag para mag-interview.
6 notes
·
View notes
Text
Wfh is not for everyone, onsite work is not for everyone. Pero may choice ba? Puro mga onsite naman trabaho these days. Medyo napipikon ako sa mga reklamo na boring daw wfh, wala kausap, yadda yadda. Valid naman and totoo na may mga downside, pero sa dinami-rami ng trabaho na papapasukin ka sa opisina araw-araw at irerequire kang magbihis nang maayos, gusto mo naka-Filipiniana pa, bakit ka nagtitiis? Give up mo na 'yang slot para sa mga gustong magtrabaho nang remote.
10 notes
·
View notes
Text
Waiting
Maraming moment sa buhay lalo na kapag face to face na naghihintay lang. Naghihintay makasakay, tawagin, makaupo, magsimula, puntahan ng rider, etc. Kaya naman grateful ako na maraming bagay ay pwede nang gawin sa phone. Kung pwede nga lang din maging nasa dalawang lugar at once, mainam siguro, para habang naghihintay kang matapos ang pinapakuluan mo, ay may iba ka pang nagagawa.
Kagabi, ako 'yung last patient sa clinic. Medyo late na ako nagpa-schedule pero nakakatawa kasi, 4-6pm ang original schedule pero 6pm pa lang daw mag-uumpisa. Bandang 5pm ako dumating. Umuwi muna ako, andami pa namang meeting. Buong araw na akong nasa mga meeting. Kumain muna, nagpahinga, nakipag-usap sa mga kasama sa bahay. Nakaidlip, at gumising bandang 7pm para bumalik sa clinic. Habang naghihintay, nakatapos na rin ako ng ilang module dun sa nirereview ko, buti pumasa sa quiz...
Sarado na ang lahat, pati ang clinic na hanggang 8pm lang dapat, bukas pa kasi 8:15pm na kami natapos.
I wish na life was unhurried and afford kong maghintay at tumunganga lang just as I want, pero in reality, the days are long and the years are short.
4 notes
·
View notes
Text
Tagal ko nang hindi nagpopost. In reality, andaming ganap sa buhay. Sabi ng iba, happy sila for me, hindi na raw ako kagaya last year na lugmok o full of negativity. Maraming ganap sa araw-araw, andami ring picture sa gallery. Hindi na ako masyadong bored and there are things I look forward to.
8 notes
·
View notes
Text

May nagbigay lang. Salestalk salestalk, yadda yadda.
At dahil dyan, maglalagay ako ng random paragraph of thoughts. Minsan, hindi ko alam kung magiging grateful ba sa mga kumpanyang gumagawa ng gamot para sa mga chronic disease. Ang mahal eh. May natulungan ka nga pero at the end of the day, business pa rin ang lahat.
Also, all this time akala ko farxiga sya, haha. Forxiga pala ang brand name, with an O. Dati wala akong pake sa mga brand name, pero these days, mas pamilyar na ako sa identity ng mga bagay-bagay, at kasama na ang brand dun. Pero pag para sa sarili ko, sa generika naman ako bumibili.
3 notes
·
View notes
Text
Tumatanda na ang mga magulang. To celebrate, binilhan ko sila ng ticket pa-Sapporo, may extra baggage pa, tapos may hotel, tapos may budget para sa mga gusto nilang gawin.
Inayos ko na rin 'yung mga QR code. 'Yung eGov, may option naman na magset ng trip for family member lang ('yung hindi ako kasama). Sa Japan web, medyo wala, so as if kasama nila ako ang peg, hindi ko lang alam kung makakaapekto ba 'yun sa account ko or QR code nila. Whatever, kunwari may sakit ako.
Bumili rin ako nu'ng type nila na dry vacuum pero may mop na rin. May kasamang hair dryer 'yung nakuha ko. Akala ng tatay ko, mas malaking portable fan. Maganda raw, mas malakas ang buga ng hangin...
Bumili rin ako ng iba pang gamit sa bahay. Noong una, Tiger at Zojirushi talaga tinitignan ko sa ricecooker kaya lang hindi ko majustify 'yung ₱25-28,000 na price kaya nauwi sa Zolele. Tapos, inaaway ko sila kasi 'yung luma pa rin ang ginagamit. Sayang naman ang heart attack ko noong nakita ko 'yung bill ko sa credit card kung hindi rin naman gagamitin ang mga bagong gamit.
Hindi raw kasi nila alam paano gamitin.
8 notes
·
View notes
Text
Anaïs Nin, from a letter to Joaquin Nin, featured in Reunited: The Correspondence of Anais and Joaquin Nin, 1933-1940
1K notes
·
View notes
Text
May nagtatanong sa akin, okay daw ba mag-date ng mga doktor? May time daw ba sila? Haha.
Sabi ko, depende, ano ba sya? Kaso napagod na ako makipag-usap. Ang kaunti magprovide ng details eh. Fresh grad daw. Fresh grad ng ano? Med school? Residency? Iba pang training?
Saludo ako sa mga may energy magtanong at magprovide ng info pero pag kinakausap ako tapos ayaw agad ilapag mga detalye, tinatamad na talaga ako, kailangan ba i-probe ko pa isa-isa? Nasabihan pa nga ako, sige mukha namang hindi ka interesado, or busy ka yata, at kung anu-ano pa.
May nasabihan din naman ako, diretso mo na itanong, kasi naman, ang hilig sa chat, ilalagay pangalan mo, tapos wala nang kasunod. Kung pwede ko lang din sabihin 'yan sa boss ko na ganyan din ginagawa, sinabi ko na siguro. Madalas pa naman, nagpaparamdam sya pag may problema or may mali akong ginawa or may kailangan sya. May anxiety pa sa anticipation ano nanamang nagawa kong mali.
Anyway, naisip ko lang bigla, sa work din, maraming ganyan, hindi ko alam bakit sila pumunta, ayaw din nilang magvolunteer ng detalye. Ano ba ipapakonsulta? Silence. Sige, next patient na.
Dun sa isa naman na may telepono, recorded line eh tapos andami pang bastos kausap, ewan ko kung paano sila mag-isip kasi siguro andami kong mental gymnastics para lang maintindihan ano bang kailangan nila. Kung pwede lang ibaba ko na. Minsan, may sasabihin silang sitwasyon, pero hindi naman clear kung anong gusto nilang mangyari, tapos, magagalit.
6 notes
·
View notes