#filipino poem
Explore tagged Tumblr posts
Text
Sumuko ako nang walang nakakaalam
Habang ang lahat ay tinutulungan
Mag isa akong nahiga sa kalungkutan
Hawak ang pighating hatid nila
Sumuko ako nang walang nakakaalam
Habang nakangiti at nagpapanggap
Kasama nila sa lungkot at ligaya
Ni isang kamay ngayo'y walang hawak
Sumuko ako nang walang nakakaalam
Dahil ito nalang ang natitirang paraan
Yakap ang aking sariling katawan
Sinubukan ko naman, hindi ba?
#poetry#tula#spoken word#poem#poets on tumblr#tagalog poetry#tagalog#poems#maikling tula#tulatulaan#manunulat#makata#makalaya#poetsandwriters#poets on tumbler#filipino writers#filipino words#poetry is not dead#poetry on tumbler#filipino poetry#filipino poem
8 notes
·
View notes
Text
Bata, bata paano ka ginawa?
070723
Bata, bata paano ka ginawa? Hinubog ka kaya ng nakapalibot na madla Nilang mga nakatanga't nakatulala O kaya nama'y nilang mga nag aalala
Maaaring hindi, maaring nakilala mo ang ikaw Sa kabila ng mga turo at panuto Sa dulo ng mga pagbabago Sa likod ng salaming nakaulayaw
Nakita mo kaya ang mga liko O patuloy ka bang sumunod sa daan habang nakapikit Sinusundan ang halimuyak ng mga nagdaan, nakakasalamuha ang mga bumabalik O di kaya'y patuloy lang na nakikiramdam
Ang mahalaga'y patuloy kang naghahanap Hindi ka mawawala kung hindi ka magpapanggap Hindi mawawalang saysay ang nawala sa pagkakamali Hindi masamang manatili sandali
Kilalanin mo ang iyong sarili Hindi mo kailangang magmadali Hindi naiiwan ang nagpapahinga Nasa isip lang natin ang konsepto na may nauuna
Kaya't paulit ulit mo lamang tanungin ang iyong sarili kung paano ka nga bang ginawa Sa pamamagitan nito ay mananatili kang naghahanap Ngunit kailan ma'y di mawawala.
8 notes
·
View notes
Text
"walang papantay sa 'yo, maging sino man sila."
as long as it's you, as long as ikaw 'yung icinocompare ko sa mga taong pumapasok sa buhay ko, magiging maayos ang lahat.
sai's heart — the beginning (1.4)
#original poem#poetry#poem#poets on tumblr#poetic#quotes#spilled words#filipino poetry#filipino poem#sad thoughts#wlw yearning#sapphic yearning#words
2 notes
·
View notes
Text
Siguro nga, ang puso ang pinakamatibay na bahagi ng katawan: naghihilom kahit madalas masugatan, nagkakalamat pero hindi nababasag nang tuluyan, napapagod pero patuloy na nagmamahal.
-Jerry B. Gracio
2 notes
·
View notes
Text
01
"
Hindi pala sapat ang pagmamahalan
sa mundong mapait at gahaman.
Kung sa kasamaang palad, nawala ka sa'kin,
pati Diyos, hindi ko patatawarin.
"
10 notes
·
View notes
Text
kth.
bulkan ang dibdib sa tarok ng pagdamdam at yayanigin ng apoy ng hinagpis hanggang butas ng karayon lalawak at lahat mangagdadaloy sa ugat na ukit sa bato hanggang ang dugo ay kukulo at titila na likidong tingga
Los Baños, June 2018
#poem#poetry#original poem#spilled thoughts#spilled words#filipino poem#spilled poetry#free verse poem#free verse#poets on tumblr
2 notes
·
View notes
Text
sa labang mahirap maipanolo
ngunit, titindig hanggang dulo
sisigaw hanggang maubos ang tinig
hindi mapapagod, manantili akong nakatindig
para sa kapwa, para sa bayan
para sa bansang nais kong ipaglaban
#tagalog tula#maikling tula#filipina#filipino#filipino poem#tula#filipino poetry#post#poem#literary#literature#poem writing#short poem#spilled thoughts#philippines#pilipinas#pilipino#kakampink#my own stuff#feelings#election#memories#manunulat
8 notes
·
View notes
Text
P.O.V. (isang tula)
#my poem#filipino poetry#poem#filipino poem#poetry#poets on tumblr#love poem#maikling tula#tula#filipino
4 notes
·
View notes
Text
"Kung meron akong tatlong kahilingan, tatlong beses kitang hihilingin"
8 notes
·
View notes
Text
Sa may balay
matapos ang lahat
nakita na ang balat
.
napalalim
dumilim
makulimlim
nakalimlim
.
umaraw
aalis na raw
ngunit walang kalabaw
bukas na lang daw
.
sumapit ang bukang liwayway
iyong kamay
hihiwalay
sa aking kamay
#filipino#tula#tagalog#maikling tula#tulang filipino#tulang tagalog#manunulat#tagalog poetry#filipino poetry#filipino poem#tagalog poem#filipino writers#makata#talinhaga
8 notes
·
View notes
Text
100 Tula Papalayo Sayo: 3 out of 100
Mahal kita alam ko,
Mahal kita ramdam ko,
Pero sa kabila ng pagmamahal na sinasambit ko,
Hindi ko alam kung ito pa rin ba ay totoo.
Sanay ako na mahalin ka,
Sanay ako na sundin ka,
Pero sa pagkakataon na ito,
Dikta ng isip ang pa-iiralin ko.
(3/100)
#hugot#usapang hugot#usapang feelings#kwentong hugot#usapang pagibig#hugot feels#quotes#usapang puso#hugots#hugotlines#usapangex#usapang problema#usapang papalayo#filipino poem#poem#filipino poetry#poem ph#tula#malayang tula#usapang tula#kwentong tula
3 notes
·
View notes
Text
Sinulatan kita
020923
Bakit sa twing magsusulat ng tula ay naaalala ka? Tila laman ka ng aking mga tinta na sa t`wing ititipa sa papel ay sumasabog ang mga alaala nating dalawa Hindi ko na nga masulatan ang iba Kahit magsimula ako sa kanila ikaw at ikaw pa rin ang maipipinta
Siguro nga'y mali ang manatili sa nakaraan Ituro man palayo ng ilang nagdaan Patuloy kong idinadahilan ang hindi kahandaan Sa mga dumarating at namamaalam
Nakakapagtakang laman ka pa rin ng mga kanta sa gabi Gayong walang tono ang mga tulang naialay sa iyo Nangangamba pa ring isulat ang mga tugma sa gabi Takot na pangalan mo ang mabuo sa dulo
Sinanay mo akong nagkukwento ng araw ko Kaya nakakapanibago sa t'wing ako ang nagiging tagapakinig Nakakagulat pa rin minsan malaman ang halaga ko sa mata ng ibang tao Lalo't mas nauna ko pang makalimutan ang aking sarili kaysa sa iyong ngiti at mga titig
Sinusulatan pa rin kita, hindi sa pag-asang magbabalik ka Sinusulatan pa rin kita sa pag-aakalang mapapagod ang aking mga kamay Sinusulatan pa rin kita upang tuluyan kang pakawalan tulad ng mga luhang bumubura sa tintang bumubuo sa iyong pangalan At patuloy akong magsusulat kahit hindi na tungkol sa iyo
Isusulat ko kung paanong nabuo ako sa mga pagkakamaling naitama ko Isusulat ko kung paanong nahanap ko ang aking sarili sa dulo ng mga tugma Isusulat pa rin kita, sila, at kung may mga susunod pa sapagkat doon ay makilala nila kung sino ako Kung paano ako magsulat at magpahalaga sa mga salitang binibitawan ko.
2 notes
·
View notes
Text
kay ingon ani man jud ang kanunay nga padul'ngan sa istorya
gikulit sa bato, gihunghong sa hangin;
musaka-kanaog ang adlaw, ang oras mudagayday
sila maabot, muhunong kadyot
dayon dalikyat na pod
og kita magpabilin kuyog ang kabug-at
sa tanang nawala, sa di maatoa
nga kanunay maglingkod sa atoang dughan
hantod matun-as
ang oksihino, ang paglaum
nga may' untag kita na pod sunod
kita niya ang sunod mubiya, og dili magpabilin og timaan
#bisaya#bisaya poetry#filipino poem#poets on tumblr#poetry#this is my first bisaya poem actually so yeahhhh#spilled thoughts#filipino literature#spilled words#postmortemsynapse
2 notes
·
View notes
Text
Tamang Sawi Lamang
Sa aking tingin ang pag-ibig ay dakila
Pangalan palang ay matamis na sa aking dila.
Ngunit bakit pag ako na ang tanging kakagat
Parang kasing-alat ng nakapalibot na dagat?
Sa aking tingin ang pag-ibig ay batis
Hindi nauubos, kung magbigay ay labis.
Pero bakit pag ako na ang iinom mula sa bukal
Parang ang natira lamang ay di hihigit sa isang dangkal
Bakit ba dulot ng luha ay pag-ibig?
Ano ba ang silbi kung lagi naman nadadaig?
At ano ang karapatan mo na bigyang ginhawa ang kirot ko sa puso?
Hindi ka naman tatagal at hilig mo lang manukso.
Ano ba, awat na, wala namang madadatnan ‘to.
Pag bumalik ka ay patuloy lang ako malilito
Wag ka na maabala, ako na ang aalaga sa aking sarili
Kung ang presensya mo naman ay hindi tunay na mananatili
0 notes
Text
Tatlong araw na ang nakalipas mula nang iniwan kita, para piliin naman ang sarili ko. Bawat piraso ng pagkatao ko ay nananabik sa iyong yakap, tawa, ngiti, tingin, boses, hawak, at halik na kinabisado ko sa loob ng tatlong taon, na ngayo'y pinipilit kong bitawan at kalimutan.
Paano ko magagawa 'yon? Kung sa loob ng isang libong araw, ikaw ang tinatanaw, iniisip, kinakausap, at kinakasama. Paano ko magagawang kalimutan ang kalahati ng pagkatao ko?
2 notes
·
View notes
Text
plastic barriers on a major roadway
I can hear your voice still lens-clear uhms and giggles amidst the shrill screams of horns every pothole, small stray stones skidmarks of burnt rubber warm still is the seat-cover branded hot by the soul-memory of your thighs I should have drowned in the choking fumes of a sea of steel had I known that if I took yesterday's ride we could have sat on the same bus aisle before it became a roadside ruin. Quezon City, December 2023
#original poem#poem#poetry#spilled words#filipino poem#spilled poetry#spilled thoughts#free verse poem#free verse
3 notes
·
View notes