poeticpwet
poeticpwet
10 posts
Don't wanna be here? Send us removal request.
poeticpwet · 2 years ago
Text
nangungulila ako sa dating tayo— yung umiintindi, yung nakikinig, yung tumatanggap, yung nagmamahal. pero sa pag-ikot ng mundo, lahat talaga nagbabago.
ngayon, unti-unti ko silang binabaon. unti-unti kong tinatanggap na hindi ko na sila dapat hukayin at pilitin na buhayin muli.
0 notes
poeticpwet · 2 years ago
Text
hinahanap-hanap pa rin kita sa dagat ng madla.
bawat mukha ay sinusuri, nagbabakasakaling ikaw ang makita.
at ano ang sasabihin kapag ikaw ay natanaw?
ako ba ay matatameme, o sisigaw?
baka nga hindi pa itinadhana ang landas.
baka nga hindi na itinadhana ang landas.
maaaring magpatuloy ang buhay nang hindi ka na makita muli.
baka iyon ang natatangi.
0 notes
poeticpwet · 2 years ago
Text
at akala ko panghabambuhay na tayo.
1 note · View note
poeticpwet · 2 years ago
Text
Bawat parte ng pagkatao ko ay hinahanap-hanap ka. Kayang-kaya ko bumangon at puntahan ka--dalawang tricycle, isang jeep, at nand'yan na 'ko sa'yo.
Pero dapat kong tandaan, na sa bawat hakbang na tatahakin ko pabalik sa'yo, ay katumbas ng isang hakbang palayo sa paghanap ng aking sarili.
1 note · View note
poeticpwet · 2 years ago
Text
Tatlong araw na ang nakalipas mula nang iniwan kita, para piliin naman ang sarili ko. Bawat piraso ng pagkatao ko ay nananabik sa iyong yakap, tawa, ngiti, tingin, boses, hawak, at halik na kinabisado ko sa loob ng tatlong taon, na ngayo'y pinipilit kong bitawan at kalimutan.
Paano ko magagawa 'yon? Kung sa loob ng isang libong araw, ikaw ang tinatanaw, iniisip, kinakausap, at kinakasama. Paano ko magagawang kalimutan ang kalahati ng pagkatao ko?
2 notes · View notes
poeticpwet · 2 years ago
Text
ganito pala ang epekto mo sa akin--
papayag ako kung buong buhay ko'y iyong aangkinin.
ngunit, hindi mo ito pagmamay-ari.
hindi ako nabubuhay para sa'yo, kundi para sa'kin.
0 notes
poeticpwet · 2 years ago
Text
tila tuluyang lumalabo ang kinabukasan
parang kahapon, pangarap natin ay kasalan.
sa'n nga ba tayo nagkamali?
bawat segundo, ako'y nagbabakasakali
na bumalik tayo sa dati.
0 notes
poeticpwet · 2 years ago
Text
wala palang ibang magbubuo
at magtatagpi-tagpi
ng pagkatao kong pira-piraso
kundi ako.
2 notes · View notes
poeticpwet · 2 years ago
Text
bakit tila dumudulas ang hawak mo sa aking kamay?
ang dalawang taong oras, nakikita ko na ang paghumpay
ang braso mo'y puno ng sugat mula sa aking mga kuko
hindi pa ko handang lamayan ang puso
- cj
0 notes
poeticpwet · 2 years ago
Text
01
Tumblr media
"
Hindi pala sapat ang pagmamahalan
sa mundong mapait at gahaman.
Kung sa kasamaang palad, nawala ka sa'kin,
pati Diyos, hindi ko patatawarin.
"
10 notes · View notes