makatang-manunulat
Makatang Tula
9 posts
Minsan masaya, madalas lugmok. Nararamdamang di kayang sabihin ng labi, idadaan nalang sa tula.
Don't wanna be here? Send us removal request.
makatang-manunulat · 6 years ago
Photo
Tumblr media
Paninilbihan
Ikaw ang kasama
Ikaw ang kaharap
Ikaw ang katabi
Ngunit ang puso'y iba ang nilalaman.
Nanatili nang kay tagal
Hinintay ang oras na ika'y magsawa
Bawat araw na dumadaan
Pa-sakal ng pa-sakal ang nararamdaman.
Hindi intensyon na mahulog ang loob sa iba
Hindi intensyon na mas bigyang pansin ang iba
Ang tangi ko nalang kinakapitan
Ang pangako sayong di ka iiwan.
Pasensya na sa hinantungan
Ayoko sana dahil hindi ito ang nararapat
Kung sakali man pinili ko pang isalba
Baka umabot lang tayo sa galit at sakitan.
Kung iyong iniisip na hindi kita minahal
Ako na mismo ang magsasabi, mali ka ng iniisip
Sa ilang taon na sayo ako at ika'y akin
Naging masaya ako sa piling mo ng lubusan.
Sa pag-iiba ko ng direksyon na tatahakin
Sana'y makahanap ka muli ng magpapasaya sayo ng lubusan
Hindi man tayo ang nagkatuluyan sa huli
Sana malugod mong tinatanggap ang aking pasya.
Mahirap man para sayo tanggapin
Isipin mong ito'y mabuti pa rin
Ang pagmamahal sa kaitas-taasan
Sa kanya ang panghabang-buhay kong pagsisilbi.
2 notes · View notes
makatang-manunulat · 6 years ago
Photo
Tumblr media
Alcalde
Tinitingala ng lahat
Kagalang-galang kung ituring
Sa loob ng panlabas na kaitaasan
Sa loob-loob matinding kababaan ang nararamdaman.
Nilalapitan ng lahat pag may kailangan
Inaasahan lagi sa bawat sakuna na dumarating
Siya ang punong abala sa seremonya
Lahat ng problema sa kanyang kamay dumadaan.
Salamin man ng pagtangkilik mula sa publiko
Dilim naman sa kanya'y bumabalot.
Sa bawat seremonya na kanyang babasbasan
Masasalimuot na alaala sa kanya'y bumabalik bigla.
Karaniwang tao siya noon
Masigasig, masiyahin, at mapag-bigay.
Taglay ng kanyang nakakabilib na katangian
Siya'y nakakilala ng magandang dilag.
Magandang dilag na siyang kanyang tipo
Magandang dilag na kanya ding kapareho
Magandang dilag na napaka-mahinhin
Magandang dilag na pangarap nang kahit na sino.
Kaibigan ang naging turingan
Kaibigan ang naging pundasyon ng lahat
Dumating na ang araw na siya'y aamin na sana
Ngunit sa isang iglap naglaho ang lahat.
Pinapangarap na sa kanya'y nawala
Pinapangarap na abot kamay na sana naglaho bigla
Pinapangarap na pinaubaya sa iba
Pinapangarap na naabot na ng iba.
Lumipas ang nakaraan
at ngayo'y nasa kasalukuyan
Oras na naman ng seremonya.
Basbas dito, pirma doon.
Pag-iisang dibdib ng magkasintahan
Ipinagdiwang ng mga taong nakapalibot sa inyo
Pangarap na sana'y makasal sayo
Pangarap na ngayo'y tinutupad na ng kaibigan ko.
Pinasalamatan ako sa huli
Niyakap at nakipag-kamay ng mahigpit.
Bumulong sa aking tenga at sinabing
"Ikaw sana ang kaharap kung maaga mo lang sana sinabi."
3 notes · View notes
makatang-manunulat · 6 years ago
Photo
Tumblr media
Sakit
Di ako maka-usad
Sa aking kinatatayuan
Naghihintay na ako'y iyong pigilan
At sabihing sana'y wag akong lumisan.
Lumipas ang segundo
Lumipas ang minuto
Daplis ng malamig na hangin
Tanging dumapo sa balat na nag-iinit.
Lumingon ako patalikod
ngunit wala na ang iyong anino
Nag-iisang nakatayo sa gitna
hawak ang sing-sing na iyong binalik.
Tumulo ang isang patak ng luha
Luha ng lungkot at panlulumo
Luha ng sakit at panghihinayang
Luha ng pagsisising sana'y di ka iniwan.
Inibig kita noon
at mas iniibig pa rin kita magpasa-hanggang ngayon.
Ikaw ang pinaka-magandang nangyari sa akin noon
At hindi ko nanaising maging kabaliktaran ito ngayon.
Walang pangalawa at walang pangatlo
Walang nakasabit at walang nakikisabit
Nasa akin ang problema at wala sayo
Sana maliwanag ito sayo.
Masakit magpaalam ng walang rason
Masakit magpaalam ng hindi nagsasabi ng totoo
Patawarin mo ako sa aking nagawa
Ayoko lang dumating sa puntong iwanan kita ng walang paalam.
Sasaktan kita hangga't maaga pa
Sasaktan kita hangga't may oras pa
Sasaktan kita sa paraang mas magaan
Sasaktan kita bago sa mundo ako'y tuluyang mabura.
6 notes · View notes
makatang-manunulat · 6 years ago
Photo
Tumblr media
Preso
Matagal nang nakakulong
Sa nakaraa'y hindi ako makabangon.
Natatakot sumubok muli,
Natatakot sumugal ulit.
Sa isang pagkakamali
Nagiba ang binubuong kastilyo
Nasira na ang iilang parte
Mabuo man ngunit di na katulad ng dati.
Isa akong preso ng nakaraan
Nakatira sa kasalukuyan
Hindi na ninanais ang hinaharap
Sumuko na ako ng tuluyan.
Isa akong preso na dati'y
Punong-puno ng pagmamahal
Hindi lang sa aking sarili,
pero sa akin ding minamahal.
Isa akong preso na dati'y
Ginagawa at hinahamak ang lahat
Inilalagay ang sarili sa kapahamakan
Wag lang ako iwan ng aking minamahal
Isa akong preso na dati'y
Maya't maya'y sinasaktan
Niloloko nang harap-harapan
Pinipikit ang mata at nagpapanggap pa ring masaya.
Ngayon ako'y nakalaya na
Malaya nang gawin ang lahat-lahat
Di pa rin ako kuntento at masaya nang lubos
Puso't isipan ko'y preso pa rin ng kahapon.
4 notes · View notes
makatang-manunulat · 6 years ago
Photo
Tumblr media
Tinatago
Di ko lang maamin sayo,
puso ko'y pinatibok mo.
Mula nang magtama ang ating mga mata,
Mukha mo'y di na malimutan.
Sa una itinatanggi ang nararamdaman
Piniling lumingon sa iba at kinalimutan na lamang lahat.
Bawat pikit at pagbukas ng mata
Anino mo ang aking nakikita.
Di madali sa una
Ipagsangwalang-bahala ang nakikita ng mata
Ang boses na naririnig ng mga tenga
Ang halimuyak na naamoy ng ilong.
Bawat lakad, bawat takbo
Bawat tingin sa mga nakakasalubong
Iisang mukha ang nakikita
Mukha mo lang at wala nang iba
Iniisip minsan kung ako'y nababaliw
Nawawala sa sariling pag-iisip
Naglalakad sa gilid ng kalsada
Ano ba kasi nangyari at bigla kang nawala.
Kada yuko at kada angat
Pinagdadasal na sana'y ikaw ang kaharap
Ilusyon na mas malabo pa sa mga mata ko
Mangyayari pa ba itong iniisip ko.
Isang pitik ang ginawa
Nagising ako sa katotohanan
Tumutulong luha galing sa mga mata
Isang talunan ang tingin sa akin ng lahat.
Sumobrang pagmamahal
Idinulot ay kasiraan
Babangon muli at susubukan
Aaminin na sayo ang aking nararamdaman.
2 notes · View notes
makatang-manunulat · 6 years ago
Photo
Tumblr media
Sa una, sa gitna, at sa huli
Sa una ikaw ang kasama
Sa panimulang namumukadkad pa lamang
Sa umpisang pausbong pa lamang
Sa una na sinasabi nilang laging masaya
Sa gitna ikaw pa rin ang kasama
Sa gitnang unti-unti nating nakikilala ang isa’t isa
Sa gitnang unti-unting lumalabas ang ating tunay na kulay
Sa gitnang halos hindi na natin mausadan.
Mga birong dating nakakatuwa
Ngayo'y mga birong nakakainis
Mga tawanang dati'y natural
Ngayo'y halos napipilitan na lamang.
Masayang nagumpisa
Nang tumagal ay nagkakilanlan
Iba’t ibang ugaling lumabas
Di nagustuhan ng isa’t isa.
Ngayong tayo'y nasa huli
Landas natin nagkahiwalay at di na nakakabit
Sumama ka sa iba
At ako'y piniling mag-isa
Sa huli na di natin aakalaing darating
Sa bawat umpisa ay may gitna
Sa bawat gitna ay may katapusan
Sa bawat katapusan ay may bagong simula.
3 notes · View notes
makatang-manunulat · 6 years ago
Photo
Tumblr media
Madilim na sulok
Sa sulok na kay dilim
Di maatim kung ano ang gagawin
Di makita ang paligid
Di masinagan ang tabi
Sa sulok na ka'y dilim
Nakasanayan na walang makita
Mga matang hindi mapakinabangan
Mga matang hindi makita ang magandang katotohanan
Sa sulok na ka'y dilim
Akala'y nagiisa
Akala'y mag-isang nagdudusa
Akala'y mag-isang lumalaban
Di nag-iisa
Di mag-isang nagdudusa
Di mag-isang lumalaban
Silang lahat na iyong di nakikita ay iyong kasama.
Lumayo sa dilim
Lumabas sa kinalalagyan
Tignan ang iyong buhay na tinalikuran.
3 notes · View notes
makatang-manunulat · 6 years ago
Photo
Tumblr media
Hanggang sa dulo
Nanaig ang takot
Piniling lumisan papalayo
Pusong busog sa pagmamahal
Ngayo'y nalilipasan na ng gutom.
Mga matang dating nagnining-ning
Kumikislap ng parang mga bituin
Ngayo'y lubog at nandidilim
Umaagos na luha ang sanhi.
Pag-asa'y wala na sa una
Tinanggap ang pagkatalo sa huli
Di man nagtanong para sa sagot
Pinanindigan ang hindi at itinaboy ang oo.
Walang tanong na sinambit
Kaya ang sagot ay laging hindi
Pinangunahan ng kaba at pagaalinlangan
Inaalay kong pagmamahal ay baka hindi tanggapin.
Hanggang sa dulo pinanindigan ang desisyon
Di tatanungin at iiwas na lamang palayo
Di guguluhin ang maayos
Tatapusin na lamang sa tuldok ang kabanatang sana'y may kasunod.
0 notes
makatang-manunulat · 7 years ago
Photo
Tumblr media
Huli
Kumalabog ang pinto
Ng pusong nakakandado.
Pintua'y binuksan,
Handa na muling magpapasok
Nalipasan ng oras,
Samo't saring mga ganap,
Umikot sa sarili ang mundo,
Iniwan ang madilim na kahapon.
Nagsaya mag-isa,
Diniskubre ang mga bagay na tago,
Natutong tumayo sa sariling paa,
Natutong isantabi ang takot at kaba.
Ngayon siya'y dumating na
Alam kong ako'y handa na
Susugal at magmamahal muli
Ikaw na sana ang huli.
0 notes