#usapang pag amin
Explore tagged Tumblr posts
whooolaanmo · 1 year ago
Text
Tumblr media
Pulitika
Pareho namin kamag anak magkabilaan side ang bagong tatakbo bilang Kapitan at yung kasalukuyan na Kapitan namin pang last term na nya kung sakali sya ulit manalo.
Kaya sa bahay nag family tree chart nanaman kung gaano kalapit yung pagiging kamag anak both tska syempre yung relasyon paano makitungo kung kamag anak din talaga yung turing sa amin kasi may iba na kahit kadugo ay di naman nagtuturing na kamaganak kaya doon dapat sa turing din sa amin ay kamag anak, tas kung usapang Brgy. doon dapat sa may nagawa talaga at may magagawa pa na maganda sa Brgy.
Kahapon nag pa motorcade yung bago tatakbo bilang Kapitan, kasama iba namin kamag anak.
Tas ngayon araw na to sa kasalukuyan Kapitan ako kasama na kamag anak nga din namin, nakakatuwa lang kasi lahat talaga bumabati sa akin na akala tatakbo din ako sa pulitika haha ay sureball daw na panalo, pero sinasabi ko naman nga na hindi po wala po balak, sa 1 oras at kalhati na pag iikot kasi parada lang kami may lakad may naka motor may mga naka kotse pero ako at ang barkadahan lakad naka 10k plus ako na steps haha na exercise.
Masaya na experience basta mapayapang Barangay Eleksyon ang hangad.
Aug. 28, 2023 04:45 pm
9 notes · View notes
healyafterdark · 7 months ago
Text
Kagitingan
April 9, 2024
Lumipas ang maraming araw at naging madalas ang pagchachat mo sa akin kahit aminado akong hindi kita masyadong napapansin. Mahilig kang magpadala ng mga larawan at video clips tungkol sa mga ginagawa at pinupuntahan mo. Noong mga panahon na 'yon, wala naman talaga akong pakialam. Dahil dala na rin siguro na okupado ni mamang pulis ang isipan ko noon. Alam ko naman na wala kaming patutunguhan dahil wala naman kami nung tinatawag na common interests. Sinasalba ko lang ang pagkakaibigan namin na umabot na ng mahigit dalawang buwan. Pero sinusubukan ko naman pansinin lahat ng mga messages mo, hindi ba?
Naalala ko nga na naitanong mo sa akin kung nagkaroon na ba ako ng boyfriend. Madalas sinasabi ko ang totoo na hindi pa ako nagkaroon ng kasintahan sa buong buhay ko. Ngunit ewan ko ba kung bakit nagsinungaling ako pagdating sa'yo. Siguro dahil ayokong tawanan mo ako at sabihin mong matanda na ako at lumipas na ang ilang taon para hindi ako magkaroon ng ni isang kasintahan.
"Isa lang," sagot ko. Hindi mo naman ako tinantanan tungkol doon. Gustung gusto mong malaman kung anong nangyari sa amin ng imahinasyon kong iyon. Ipinaliwanag ko na lang na hindi kami magtatagal dahil taga-Mindanao siya at ayaw namin pareho ng LDR. Kahit na may katotohanan ang kwento at ang taong ito, hindi naman talaga kami naging official. Oo, taga-Mindanao siya na nakilala ko sa dati kong pinasukan na kumpanya at nagustuhan naman namin ang isa't isa ngunit sagabal talaga ang distansya para sa walang kasiguraduhan. Ngayon ko napagtanto na marami pala kayong pagkakapareho.
"Isa lang pero matagal na yun." Kung hindi ba ako nagpanggap at inamin ko ang totoo, kakausapin mo pa rin ba ako pagkatapos nun? Kung ako ang tatanungin eh palagay ko'y hindi tayo magiging magkaibigan kung nalaman mo noong una palang na pihikan ako, hindi ako sumusugal kahit gusto ko ang isang tao, at madalas akong nakatali sa konserbatibong imahe sa akin ng pamilya ko. Sigurado ako na iisipin mong ekis ka na sa akin agad.
Nakikita mo lahat ng Instagram stories ko at kung may maicocomment ka ay siguradong magcocomment ka. Hindi ko naman nilagyan ng malisya ang lahat ng mga pangunguna mo na magkausap tayo kahit pautay-utay. May isa ngang beses na bigla kang nagpadala ng audio clip na naggigitara at kumakanta ka ng "Heaven Knows" ng Orange & Lemons at sinabing medyo matagal ka nang LSS sa kantang ito. Sa totoo lang, napangiti mo ako nung nagpadala ka noon at narinig kong kumanta ka. Napakarandom naman ng lalaking 'to. Pero infairness, maganda naman ang boses.
Naalala ko rin nung Araw ng Kagitingan na kailangan ko nang bumalik ng dorm kaso hindi ko naabutan ang huling byahe nung gabi kaya umuwi nalang ako ng bahay.
"Goods yan, para magkausap pa tayo. Nakakalimutan mo ako pag di na bakasyon e haha," sabi mo.
Nakonsensiya ako noong sinabi mo 'yon kasi wala pa naman talaga akong pakialam sa'yo kahit na tatlong linggo na tayong magkakilala sa social media.
"Joke lang. Sorry din, ang galing manggaslight eh haha."
Nagaslight mo nga siguro ako kasi pagkatapos ng usapang 'yon eh biglang nagbago ang ihip ng hangin. Mas naging interesado na akong kausapin at kilalanin ka. Siguro dahil hindi na rin kami nag-uusap ni mamang pulis kaya nabaling na ang atensyon ko sa'yo.
Siguro dahil nadala na rin ako sa pagiging matiyaga mo na makuha ang atensyon at oras ko, isa na naman sa nagustuhan ko na katangian mo. Yung iba kasing mga lalaki eh hindi nagtatagal ng isang linggo sa pagiging matiyaga. Pero hindi ko alam bakit naiiba ka.
"Di mo naman sinasabi sa papa mo na nakakausap mo 'ko 'no? Hahaha," tanong mo.
Ang dami kong tawa nung nagtanong ka na tungkol kay papa. "Hindi. Gusto mo ba na sabihin ko? Hahahahaha."
"Huy nakakahiya. Last week nga sinabayan ko siya mag-meryenda sa canteen eh." Sabi mo pa na baka mapagalitan ka niya at baka mailang ka sa kanya. Sana naniwala ka talaga noong sinabi ko na hindi pa kita nababanggit kay papa nung mga panahon na'to.
Nagsimula na rin akong magpadala sayo ng mga kanta, karamihan eh mga OPM indies na hindi mo pa naririnig. Nililista mo sila isa isa kasi sabi mo eh gagawan mo ng hiwalay na Spotify playlist. Pinakita mo nga rin pala ang isang parte ng journal mo tungkol sa Mt. Pulag noong March 18. Nabanggit mo sa journal mo ang pangalan ko pati na rin ang mga katagang sinabi mo sa akin.
"Ang lakas mong mag-sir sa'kin eh mas matanda ka pa sa'kin."
Ako? Nabanggit sa journal ng iba?
Bakit ba ako nagkaroon ng espasyo sa journal mo pati na rin sa isip mo? Hindi ko talaga inaasahan na mapapansin mo ako.
"Ikaw lang ang kilala kong lalaking nagjojournal," ang manghang sabi ko. Ipinaliwag mo sa akin na ito ang payo sa'yo ng doktor mo. Meron ka palang clinical depression mula 2023 na kinailangan ng maiging gamutan. Noong February 2024 ka lang din na-clear ng doktor sa sakit mo.
Nabanggit mo kasi na "fucked up" ang buhay mo noong 2018-2023 kaya ka nagkasakit. Pero ang dahilan, hindi ko pa alam. Nirerespeto ko naman kung hindi mo sasabihin dahil wala namang akong karapatang manghimasok sa mga bagay na hindi naman ako kasali.
"At saka ko na ikekwento kapag magkaibigan na tayo."
Natutuwa ako sa pagiging totoo at transparent mo pati na ang pagiging magiting mo kaya nakalimutan ko na kung ano ang unang pagkakakilala ko sa'yo. Hindi ko akalain na hahanga ako sa'yo.
Yakap by figvres
Isinulat ngayong May 5, 2024 | 5:31 PM
0 notes
makatang-manunulat · 7 years ago
Photo
Tumblr media
Tinatago
Di ko lang maamin sayo,
puso ko'y pinatibok mo.
Mula nang magtama ang ating mga mata,
Mukha mo'y di na malimutan.
Sa una itinatanggi ang nararamdaman
Piniling lumingon sa iba at kinalimutan na lamang lahat.
Bawat pikit at pagbukas ng mata
Anino mo ang aking nakikita.
Di madali sa una
Ipagsangwalang-bahala ang nakikita ng mata
Ang boses na naririnig ng mga tenga
Ang halimuyak na naamoy ng ilong.
Bawat lakad, bawat takbo
Bawat tingin sa mga nakakasalubong
Iisang mukha ang nakikita
Mukha mo lang at wala nang iba
Iniisip minsan kung ako'y nababaliw
Nawawala sa sariling pag-iisip
Naglalakad sa gilid ng kalsada
Ano ba kasi nangyari at bigla kang nawala.
Kada yuko at kada angat
Pinagdadasal na sana'y ikaw ang kaharap
Ilusyon na mas malabo pa sa mga mata ko
Mangyayari pa ba itong iniisip ko.
Isang pitik ang ginawa
Nagising ako sa katotohanan
Tumutulong luha galing sa mga mata
Isang talunan ang tingin sa akin ng lahat.
Sumobrang pagmamahal
Idinulot ay kasiraan
Babangon muli at susubukan
Aaminin na sayo ang aking nararamdaman.
2 notes · View notes
nice2meetyouu · 3 years ago
Text
Pag usapang business, puhunan, pagbebenta, pagbili, suppliers, target market, at usapang pera, inuumaga ako kaka-compute, kaka-search, kaka-chat, kaka-busisi at kakaisip.
Pero 'yung pag-aaral para sa mga karumal-dumal na exam next week, hindi pa ako nag-uumpisa, pagod na ako, inaantok na ako kaagad.
Tapos magrereklamo 'yung mga naunang magdoktor sa amin na bakit daw kami ganito, walang gana, hindi masaya. Hindi raw kami kagaya ng batch nila o ng mga dating clerk at intern na masipag, magaling, maraming alam at kayang gawin sa buhay, etc.
Bakit kaya? (Halina at magpanggap na clueless.)
6 notes · View notes
ashteron · 5 years ago
Text
TAKE A LOOK - BRGY DIOQUINO ZOBEL!
Tumblr media Tumblr media Tumblr media
DECEMBER 08, 2019 - As I am required to make an interview for my NSTP subject, umuwi ako ng cubao, at pumunta sa barangay namin doon. So mula Manila to Cubao, nakakapagod, tagal ng biyahe pero ok lang para sa grades naman eh heehe. So I have arrived at my barangay and look for barangay officials. For your information, the interview was all about the BDRRM or Barangay Disaster Risk Reduction Management, yun yung pinapagawa sakin so yan, pakapalan mukha magtanong, dejk! :P 
(Name, Section and Name of barangay is at the end of the blog)
Tumblr media
Ayun na nga, nakapunta na ko sa court na malapit sa barangay hall, at dun, nakita ko si Mr. Rolando Camba aka “Kagawad Bui-Bui”. He was the one to entertain my queries for the interview.
Tumblr media
Bago makapasok ng barangay hall kung san andun yung office ni kagawad, may madadaanan kang multi-purpose hall. (The right entrance was the way to the barangay hall)
Tumblr media
Tada! So ito yung tinutukoy kong multi-purpose hall, at dito laging may zumba. jk Laging may programs or orientations, especially the RDANA training program. We’ll talk about the RDANA later in this blog.
Tumblr media Tumblr media
Bukod sa may multi-purpose hall sila, meron din silang mga posters na naka-paskil sa entrance ng barangay hall. The posters was just about the differrent calamities such as flood and landslide.
Tumblr media
FINALLY! Natapos na din yung interview, kala mo usapang tropa lang kami ni kagawad. (In the picture, the girl on the right is the secretary of Kagawad Camba, Jormina Limoso) What we talked was just about the hazards, vulnerability and the capacity of the barangay.
Tumblr media Tumblr media Tumblr media
First, lets talk about the hazards and vulnerability of the barangay. In the vicinity, there are few, almost none, high rise buildings, so pag may lindol, walang debris or falling buildings. Bukod dun, flooding for them is not a problem, kasi bundok na halos yung lugar namin. They were even awarded as one of the top 10 safest barangays in Proj. 4 District 3, Quezon, City. The only problem on our barangay was the area of the ISM or the Illegal Settlers (di ko po alam yung meaning ng M kasi di rin po daw nila alam XD) In the ISM area, prone sila to house fire, kasi syempre dikit-dikit yung mga bahay, in addition to that, the houses were built with weak materials, tulad nalang ng plywood o kahoy na ma-gato na, tipong inaanay na. So that being said, even the roofs were just aluminim foils (jk lang po) The roofs were just galvanized iron sheets, sa tagalog yero. Sa kanila, di masyadong nakadikit yung bubong nila, so ginagawa nila pinapatungan nalang nila ng kung anu-ano tulad ng kahoy, mga bato o di kaya gulong. How does that became a hazard? We’ll if there’s a strong wind or kung may ipo-ipo, nadadala ang mga yerong ito. Nakakatakot nalang syempre kasi minsan makikita mo may lumilipad na yero o di kaya minsan buong kisame. Tapos ang bagsak pa neto ay random, kung kani-kanino nalang. So what the barangay officials did was give a free repair, in which will make their houses not only durable but also flightless (intact). In addition, the surroundings of the ISM is failed in terms of sanitation. In turn, citizens are prone to diseases. As for the barangay’s response, they offer a free medical check up for everyone. In summary, the only problem that the barangay are facing the ego and pride of the people especially to those at the ISM as kagawad said. Minsan di sila sangayon sa plano ng barangay.
Tumblr media Tumblr media Tumblr media
For the capacity of the barangay, they have these equipment for emergency purposes such as hard helmets, generator, and the manual fire alarm. (Tinesting pa ni kagawad yung fire alarm, and sobrang lakas at nakakarindi HAHAHA so super rinig sya sa buong barangay) (P.S. The barangay consists of 5 long streets)
(The upcoming pictures were taken during the community walk)
Tumblr media Tumblr media Tumblr media
They also have these fire hydrants in case of fire. Although its the only fire hydrant in the whole vicinity. They also have fire exits in every facility like the barangay hall. Lastly, they have these trashcans for recycled materials as they collect it and make use of it for many purposes. They also gather these para di sila pakalat kalat so that clogging of drainages will be prevented.
Tumblr media Tumblr media
They even have an ambulance and a service truck for emergency purposes. Oh diba san ka pa? Walang ganto sa ibang barangay jk! 
Tumblr media
Lastly, for their evacuation centers or safety areas, they have this basketball court and all the 5 long streets for such calamities.
Tumblr media
SOOOOOOO! Bago ako maginterview, nalimutan kong bumili ng apprecition gift. So after ko maginterview, I bought a pizza @ Domino’s as my appreciatioon gift. Mura lang kasi may promo or combo sila na parang buy 1 take 1 (syempre pasalubong ko sa amin yung isa) (At first they were refusing the gift, pero syempre sinong makakatanggi sa pizza? HAHHA :3) (P.S. Natanggap po nila yung gift, di nalang po napicturan kasi paalis na si kagawad, di ko po inagkin lahat ng pizza eheheeh)
For the reflection:
- I enjoyed the visit, kasi ngayon ko lang nakitang walang nagzuzumba dito jk. I enjoyed it because kahit papaano may mga barangay officials parin talaga na nagmamalasakit tumulong sa mga residents. Ginagawa padin nila yung mga responsibilities nila. Although may mga resident parin talaga na kailangan ng disiplina para maiwasan nga yung disaster, kasi para sa lahat din naman ang pagsunod. So for the comments, i can only say na masyadong konti yung equipments nila for rescue and emergency purposes. Kagawad said that they don’t have too much financial problems or they have too much budget for these, pero miski isang fire extinguisher, wala sila so ayun lang. Also the fire alarm must be upgraded din, yung tipong isang pindutan nalang sana kasi, pano kung may emergency, magpapaikot ka pa ng alarm manually bago marinig ng lahat. In addition, wala pa din silang safety map, which makes the residents prone to danger kasi they’re uninformed of where to go in times of calamities, kahit sabihin na buong kalsada ang gagamitin, iba parin yung specific. But overall, the barangay is good, because it has a good location or geography, as in lindol at sunog lang talaga yung nakakatakot, isama mo na yung lumilipad na yero. Sino ba naman di matatakot dun random yung bagsak, paswertihan nalang sa ilag XD. So ayun, there are many improvements that must be made to be really prepared for these problems. Also I forgot to mention about the RDANA. Im glad that many of the barangay officials train through this so called RDANA or Rapod Damage Assessment and Needs Analysis so that they can also teach the ones or the residents in the barangay to be prepared as well for the unexpected events. Flex ko lang din, may malapit na fire truck sa barangay, just 10 mins away so ayun, our barangay is really entitled for the top 10 safest barangay.
NAME: Jon Zayed R. Inciong
NICKNAME: “Zay” or just “Z”
SECTION: C-ARC-4
BARANGAY NAME: Brgy. Dioquino Zobel
2 notes · View notes
johnhenduks · 5 years ago
Text
Ikaw ang Wika, Wika ay Ikaw
Sa apat na mga akdang tumatalakay sa iba't-ibang mga isyung panlipunang kinakaharap ng ating bansa, gayundin ang mga sistemang umiiral sa atint bayan, na iniulat ng aking mga kamag-aral at mabusising ipinaliwanag sa amin ng aming propesor, ang "Ang Kapangyarihan ng Wika, ang Wika ng Kapangyarihan" na likha ni Conrado de Quiros na marahil ang pinakapumukaw sa aking damdamin bilang isang kabataang Pilipinong mag-aaral ng Sintang Paaralan. Hindi sa kadahilanang lubos ko itong naiintindihan noong simula, bagkus ay sa katotohanang suspek din ako sa kaso ng wika ng ating sariling kapuluan.
Mula sa pag-aaral natin sa elementarya, hindi lingid sa ating mga dunong na ang wika ay isang paraan o kasangkapan sa komunikasyon. Ito ang nagiging tulay natin upang magkaroon ng isang diskurso o talastasan, pormal man o di-pormal. Bukod pa rito, itinuro at itinatak din sa atin na ang wika ay daan upang makipagpalitan tayo ng ideya, opinyon o saloobin sa ating pamayanan. Ika nga natin sa mga takdang aralin tuwing itatanong kung ano ang wika, ang wika ay kaluluwa ng isang bansa. Paulit-ulit tayo sa pagsagot na ang wika ay ang pagkakakilanlan ng mga mamamayan sa isang bayan.
Bilang mga Pilipino, alam nating ang wikang Filipino ang itinuturing nating wikang nagpapakilala sa ating bilang mga mamamayan ng ating bansa. Subalit, kilala nga ba talaga natin ito sa paraang kaya na nga ba talaga nating isapuso, isaisip at isagawa ang pagiging mga nasyonalistikong indibidwal ng Perlas ng Silangan?
Daang taon na ang nakakaraan mula ng pasukin ng mga kolonyalistang bansa tulad ng Espanya at Estados Unidos ang Pilipinas. Dalawang imperyo na nag-iwan ng tatak sa ating kultura, tradisyon at paraan ng pamunuhay. Subalit, bukod sa iisang adhikain ng mga naturang bansa na masakop ang ating bayan, naging malayo at magkaiba ang kanilang mekanismo upang maimpluwensiyahan ang ating mga ninuno, na hindi naglaon, ay ganap nilang nagapi bilang mga kolonya. Kung ang mga Espanyol ang nagpakilala sa atin ng kamalaya sa relihiyon ng Kristiyanismo, naging matalino naman ang mga kano sa paggamit ng wika bilang kasangkapan upang tayo ay kanilang masakop. Para sa mga kastila, ang pagpapalaganap ng wikang Espanyol sa mga katutubo ay pagbibigay ng laya sa mga ito na magkaroon ng kapangyarihan upang sila ay mag-aklas at magising sa pananakop ng mga naturang dayuhan. Ngunit hindi ito ang naging mentalidad ng mga dayuhan mula sa Estados Unidos. Kagaya ng aking nabanggit, imbes na ipagkait ang pagpapalaganap ng wika sa mga Indio o katutubong Pilipino, sila mismo ang naging susi upang matutunan at maipakalat ang kanilang dayalogo sa mga Pilipino. Sa ganoong paraan, naging masunurin at mapayapa ang kolonisasyong kanilang binubuo sa Pilipinas. Samakatuwid, kung relihiyon at paniniwala ang naging kasangkapan ng mga kastila, wika naman bilang istilo ng pananakop ang prinsipyong matagumpay na naitarak ng mga Amerikano sa atin.
Kaugnay nito, masasabi natin na mula pa man noon, ang kapangyarihan ng wika ay hindi matatawaran. Ang wika ay isang punyal - isang punyal na may kakayahang hatiin ang paniniwala at idelohiya ng mga grupo sa loob ng isang komunidad. Sa madaling sabi, hindi lamang koleksyon o lupon ng mga salita at simbolo ang wika. Ito maaaring paraan din ng paglupig ng damdaming makabayan. Ang matibay na testimonya rito, ay kung bakit hanggang sa kasalukuyang panahon ay nagiging bayatan pa din ng antas ng kaalaman ang pagiging matatas sa Ingles. Dito kilala ang mga Pilipino, tayo ay mga Grammar Nazi na aktibo sa pagbibigay kritisismo o puna sa mga gumagamit ng wikang Ingles sa kanilang pakikipagtalastalan. Subalit ang masama rito, nagiging mapanuri at kritikal na tayo hinggil sa wikang Ingles pero gayon na nga bang wagas at ganap ang pagiging dalubhasa natin sa sarili nating wika?
Maging tapat na tayo, ang madalas nating pagtingin sa mga gumagamit ng wikang banyaga ay mga matatalino at sa kabilang banda, kung hindi naman, ay tila ba ang dali para sa atin na sabihing sila ay hindi gaanong marunong o maalam. Ito marahil ang pagpapatotoo sa mga katagang binitawan ng isang manunulat na si Jun Cryz Reyez. Ayon sa kanya, ang wika ay hindi lamang isang simplistikong kasangkapan ng komunikasyon, bagkus ito ay ang paggising sa ating kamalayan at sensibilidad bilang mga anak ng higit sa pitong libong isla at mga kapuluan. Oo, hindi naman talaga natin maikakaila na ang wikang Ingles ay isang dominanteng pwerso hindi lamang sa ating bansa kundi maging sa buong mundo. Pagdating sa usapang negosyo, at propesyonal na laranagan, Ingles ang una nating pupuntahan. Pero hindi ba nakakapagtaka na bakit ang ibang mga bansa katulad ng Thailand, Japan, Finland at iba pa ay mga aktibong bayan sa pangmalawakang kompetisyon sa mundo subalit nanantiling matatas sila sa pananalita gamit ang kanilang mga wikang pambansa.
Huwag na tayong magtaka. Huwag na sapagkat nakasaad na sa konstitusyon na Ingles at Filipino ang ating mga wikang pambansa. May probisyon pa nga roon na pagdating sa mga papeles, dokumento at mga proseso ay wikang Ingles ang opisyal na kasangkapang nararapat gamitin.
Kagaya ng nakararami, hindi rin naman ako matatas sa pagsasalita ng sarili nating wika - ng wikang Filipino subalit kung ang bawat isa sa atin ay magkakaroon ng kamalayang kilalanin muna ang sarili nating kaluluwas bago hayaang masapian ng banyagang kultura, hindi malabong mangyari na darating ang isang araw na higit na nating bibigyan ng kahalagahan ang wikang Filipino, bilang wika ng pagka-Pilipino.
Sa huli, sino nga ba ang magiging bayani ng bayang ating sinalangan. Hindi ang mga kastila at lalong hindi ang mga Amerikano. Kaakibat ng ating kultural na depinisyon ng pagiging mga Pilipino, tayo lamang ang may kakayahang patunayan na tayo ang lahing pili at pino. Gamit ang wika mo, kilalanin ang iyong pagkatao.
Tumblr media
Ikaw, kilala mo ba siya?
Larawan ay kuha mula sa: https://encrypted-tbn0.gstatic.com/images?q=tbn%3AANd9GcRADzyrpXDERVPUx6HWSXM-vRVJeH5a2UY0IfSKOy1eKTSYoQDH
3 notes · View notes
glisnethespadilla-blog · 5 years ago
Text
Blog #1: “Misedukasyon”
Inatasan kami ng aming guro na gumawa ng Blogs tungkol sa mga naging at magiging talakayin namin sa klase. At sa tatlong linggo kong pagpasok sa klase at sa tatlong araw kong nakilala ang asignaturang ito, masasabi kong sa kaunti pa lamang na kaalaman, ay namulat na ako tungkol sa maliit na parte ng katotohanan. Katotohanan tungkol sa bansa.
“Kalakip din nito’y pag ibig sa bayan, ang lahat ng lalong sa gunita’y mahal mula sa masaya’t gasong kasanggulan. Hanggang sa katawan ay mapasalibingan.” - Andres Bonifacio
Upang tunay na simulan ang blog na ito, aaminin ko na hindi talaga ako naging taga-hanga ng usapang politika maski ng asignaturang Filipino. Para sa akin, hindi ko naging interes ang dalawang bagay na ito. Bata pa lamang ako ay tumatak na sa aking isipan na madumi ang mundo ng mga taong politiko. Komplikado, magulo, at delikado ang mapasama sa usapang ito dahil rin sa aking mga napanood at nabasa noon. Pangalawa, maari ninyong isipin na ang taksil ng naging kaugaliang ito. Hindi ko nakahiligang sumulat sa Filipino o magbasa ng Filipino, puwera nalang kung kailangan o kapag maganda ang paksa. Pero, inisip ko kung bakit. Naisip ko, ang mali ko rin ay hindi ko rin sinubukang kilalanin.
Nang pagpasok sa PUP, napatunayan kong sobrang mali ako. Napaka-ignorante ng ganitong pagiisip.
Hindi madumi ang politika, ang madumi ay ang ginagawa ng tao. Sa simula’t sapul, tao naman talaga ang nagpapasimuno ng maraming karumaldumal sa mundo. Naisip ko ito nang ipanood sa amin ng aming guro ang isang bidyo tungkol sa edukasyong mayroon ang bansa. Ang pamagat ng pelikula ay “Misedukasyon”. Maikli lamang ito, ngunit napakahabang diskusyon ang kaya nitong idulot. Sa bidyo, tatlong salita ang ipinakita na ang tingin ko'y may malaking importansya. Kolonyal, Komersyalisado, at Elitista. Simulan natin sa salitang Kolonyal. Ang kolonyalismo ay ang tuwirang pananakop ng isang bansa sa iba pa upang mapagsamantalahan ang yaman nito o makuha rito ang iba pang pangangailangan ng mangongolonya. Bakit ito naisama sa edukasyon? Nabanggit ang isa sa mga nais ng mga Amerikano na magkaroon ang mga Pilipino ng positibong tingin sa kanila. Paano nga ba nila nakamit ito—walang iba kundi sa pamamagitan ng edukasyon. At hindi lamang iyon, paano nila naitatag ang kolonyalismo? Ito ay ang pagtuturo sa mga Pilipino ng kanilang wikang Ingles. Binigay ng mga Amerikano sa mga Pilipino kung ano ang ipinagkait ng mga Espanyol. Para sa karamihan ng Pilipino, malaking pasasalamat ito sa mga Amerikano. Dito ang naging simula ng katapusan. Nakamit ng mga dayuhan ang kanilang nais. Tuluyang nangibabaw ito kaysa sa ating sariling wika, kaya siguro maraming kabataan ang naging katulad ko dati. Ano ba ang wikang ginagamit palagi pag tayo’y pinagagawa ng mga quiz, assignments, o essay? Hindi ba Ingles? Hindi ko lubusang nakilala at kinilala ang Filipino dati, ngunit napakaganda ng wikang Filipino, lalong-lalo na ang baybayin. Sana nga, una palang sinanay na tayo gamitin ‘to.
Sunod ay Komersyalisado. Sa sobrang pagkomersiyo sa ating edukasyon, ang pag-aaral ay sumesentro na lamang sa kinikitang pera ng mga kapitalista.  Ang pagturing sa edukasyon bilang negosyo ay lalo lang naman nagsasanhi ng problema para sa mga kapwa kong estudyante. Gaya ng mga sinasabi ng apektado na napanood ko sa balita noon, hirap pa rin sila sa pagaaral dahil sobrang dami ng gastusin. Bukod sa tuition fee, pinoproblema din nila ang kanilang pagkain, dormitoryo, at araw-araw na gastusin. Hirap din ang iba na magkaroon ng iskolarsyip dahil pili lamang ang mga kurso na pinapayagan tulad na lamang ng mga kursong may kinalaman sa business kasi dito pinaka makikinabang ang mga kapitalista. Dito naman pumapasok ang ikatlo, ang Elitista. Natalakay din sa bidyo ang ibang eskuwelahan sa maynila tulad ng Ateneo de Manila, La Salle, Letran at iba pa. Dahil dito, nabanggit ng aming guro ang sumikat na pagsisiyasat tungkol sa mga estudyante ng aking paaralang pinapasukan. Sinasabi nito na isa sa mga pangunahing kinukuha ng mga taga-pagempleyo ay mga estudyanteng galing PUP, dahil sa kanilang partikular na karakter. “Dapat nga ba kayong matuwa?”, 'yan ang kanyang sinabi. Pinaliwanag niya ang kahulugan ng kaniyang tanong. Maayos nga naman na mataas ang ating employment rate kumpara sa mga galing sa Ateneo de Manila o UP, pero magkano ang sweldo? “Mas mataas ang employment rate kumpara sa Ateneo, eh 'di naman magtatrabaho mga 'yan. Sila may-ari ng mga kumpanya eh!” Oo, nakakatawa pero kung iisipin mo nang mabuti, ito’y nangayayari sa totoong buhay. 
Isa pa, maraming nabago ang pangyayaring ito. Maging sa mga produkto, musika, at syempre, sa edukasyon. Ayon sa isang babasahin—na talaga namang pasok sa mga nangyayari sa bansa—na ibinigay ng aming guro, tinalakay ang Neoliberalismong Edukasyon na mayroon ang Pilipinas. Sa madaling salita, sinabi rito na hindi magiging angkop ang edukasyon na mayroon tayo para sa ating bansa dahil ito'y nakahanay pa rin sa klase ng edukasyong mayroon sa Amerika. Paano nga ba uunlad ang Pilipinas kung ang mga ginagawa nito ay para pa rin sa interes ng ibang bansa? Tunay nga bang naging malaya ang Pilipinas?
Bago ko tapusin ang blog na ito, nabanggit din ni Sir Merdeka ang kahalagahan ng Research. Akala ko noong una, ang salitang iyan ay para lamang maghanap ng mga solusyon sa problema. Doon ako nagkamali. Aniya, “’Lagi ninyong tatandaan, ito'y para makagawa kayo ng bagong kaalaman.” Bagong kaalaman para sa bayan. Noong araw na iyon, masasabi kong nabago ang aking pananaw sa buhay. Marami akong natutunang bagong kaalaman na hindi ko aakalain ang importansya. Marami pa akong hindi alam at dapat malaman. Sa ngayon, paunti-unti kong nakikilala ang dalawang bagay na akala ko'y hinding-hindi ko kikilalanin. 
Malaki ang aking pasasalamat.
1 note · View note
piercingpages · 2 years ago
Text
pag-alaala sa mga alaala ng lomi
Sa lahat ng mga putaheng aking natikman na, hindi ko maipagkakaila na ang loming Batangas ang pinakamakabuluhang pagkain sa aking buhay. Bilang isang Batangueña, tila kakabit na ng aking probinsyal na identidad ang lomi. Pangkaraniwan nang maituturing sa akin ang matanong tungkol sa lomi oras na malaman ng mga kaibigan o ng mga bagong kakilala na ako ay nagmula sa lugar ng mga barako.
Sa totoo lang, hindi ko rin alam kung ano nga bang mayroon sa Loming Batangas at kung bakit ito laging dinadayo. Kung tutuusin, pareho lang naman ang lomi ng Batangas at ang lomi na luto sa ibang lugar bukod na lang sa katotohanang mas malapot, mas malaman, at hindi maipagkakailang mas masarap ang aming authentic Batangas lomi. Pag dating sa usapang lomi, may kaunting yabang nga talaga yata kaming mga taga-Batangas dahil bilang bahagi ng pagkakakilanlang Batangueño, karaniwan at karamihan sa amin ay pinalaki sa pagkain ng lomi. Kung ako ang tatanungin, ang tanging paliwanag na lang siguro dito ay ang magkahalong pakiramdam ng saya sa pagkilala at pananabik sa mga alaala na nagmumula sa proseso ng pagkonsumo ng lomi na nakakabit na sa isang alala. Maging ako ay hindi makatakas sa paniniwala kong loming Batangas ang pinakamasarap na pagkain dahil na lang sa mga alaala at karanasang kaakibat ng pagkain ko ng lomi buhat sa aking pagkabata na syang nagbibigay-init sa aking kalooban.
Kung pag-uusapan lang naman ang mga pangunahing pangangailangang pantao, hindi maipagkakaila na isa ang init sa mga kailangan ng mga tao para magpatuloy sa buhay. Ang apoy at ang araw ay naging malalaking tulong sa pagpapanatiling buhay ng sibilisasyon sa loob ng mga nakalipas nang mga taon ngunit hindi lamang ito ang init na aking tinutukoy. Higit pa sa usapin ng klima at temperaturang panlabas, ang init ng puso at kaluluwa ay mahalaga rin para mabuhay ang tao. Ito na siguro ang dahilan kung bakit parang may isang pwersang tumatawag sa mga indibidwal para hanapin ang tinutukoy kong init mula sa iba’t ibang mga bagay, lugar, pangyayari, mga alaala at maging mula sa ibang pang tao. Ang init sa loob na ito ang siyang nagpaparamdamsa mga ligaw na kaluluwang nakakulong sa mga kalamnan at rehas na gawasa mga buto na kahit papaano, sila ay tao – humihinga at may kakayahang makaramdam.
Para sa akin, isa ang pagkain sa mga pinakamabisang paraan upang mapunan ng init ang aking kaloob-looban. Mapalad na nga ako na ang Pilipinas ay mistulang isang malaking kainan na may mayaman at sari-saring putahe. Sa bahay na lang namin sa lungsod ng Lipa sa Batangas, samu’t saring luto ng pagkain ang nakakapagpabusog sa akin sa literal at metaporikal na paraan. Ang kakaibang pakiramdam ng pagiging at home at ang iba’t ibang alaalang naitatahi ko sa aking pagkonsumo ng mga pagkain na ito ang nagpapaalala sa akin na buhay pa ako at nandito sa mundo.
Maraming alaalang kaakibat ang salitang “lomi” para sa akin ngunit ang pinakamalinaw ay ang mga alaala ko sa lomihan ni Tatay, ang ama ni Mama. Ang lomihan ang naging hanapbuhay nina Nanay at Tatay na siyang pinagkukuhanan nila ng kanilang pantustos sa kanilang mga gastusin. Hindi naman dahil sa pinagkakaitan sila nina Mama at ng iba pa niyang mga kapatid ng pera, kung hindi ay dahil ayaw na rin daw nina Nanay at Tatay na dumagdag pa sa sinusustentuhan ng mga anak nila dahil may sari-sarili nang pamilya ang mga ito. Bukod pa dito, mahilig silang dalawang magluto kaya naman ang negosyong ito ay mistulang isang gawing pinagkakaabalahan na lang sa mag-asawa.
Noong bata pa ako, nakasanayan ko na ang tumambay sa lomihan nina Tatay at Nanay pagkalabas ko galing sa paaralan. Lagi akong iniiwan doon nina Mama at Papa para makabalik sila sa kani-kanilang mga trabaho kaya naman, nasaksihan ko na yata lahat ng pangyayari na maaaring makita ng isang bata sa loob ng lomihan.
Kakaiba ang hitsura ng lomihan nina Tatay. Sa labas, makikita ang lomihan sa tabi ng maliit na simbahan, sa harapan ng bahay nina Nanay at Tatay, doon sa ilalim ng puno ng mangga na ilang taon na rin sa kanila. Sa katunayan, natunghayan ng puno ng mangga na ito ang paglaki nina Mama at ng iba pa niyang mga kapatid at noon panahong lumipas, ang lomihan naman sa ilalim nito ang naging saksi sa paglaki naming magpipinsan. Ang lomihan ay mukhang kubo na ang mga pader ay gawa lang sa mga pinagtagpi-tagping mga yero at kahoy. Ang mga bintana nito ay may tabing na lumang tarpaulin ng politiko na marahang tinitiklop o ibinubuka ni Tatay depende na lang kung maaraw ba o maulan habang ang pintuan ng lomihan ay gawa sa mga latag ng aluminum na nabili ni Tatay sa kalapit na bentahan ng mga kalakal na basura.
Ang lomihan ay nahahati sa tatlong bahagi sa loob. Sa unang bahagi ng lomihan matatagpuan ang apat na maliliit na lamesa kung saan pangkaraniwang lumalagi ang mga taong may kumakalam na sikmura. Sa itaas ng pridyider sa may tabi ng pinutan ay nakapatong ang lumang telebisyong pansamantalang umaagaw sa atensyon ng mga kostumer habang si Tatay ay abala sa paghahalo ng mga sangkap ng lomi sa malaking talyasi sa ikalawang bahagi ng lomihan kung saan napapaloob ang kusina at lababo. Ang ikatlong bahagi naman ng lomihan ay ang maliit na sari- sari store ni Nanay na madalas na ako rin ang bantay sa tuwing nakakatulugan na niya ito tuwing oras ng siyesta.
Napanood ko kung paanong maya’t mayang naglalabas-pasok ang mga kostumer sa lomihan sa kabila ng tirik na araw at mga tumatagktak na pawis sa buwan ng Marso hanggang Mayo, kung paanong kahit sa ulan ng Hunyo hanggang Agosto ay marami pa ring patron ng lomihan ang naghihintay sa malapot at malamang lomi ni Tatay, kung paanong minsan ay hindi na magkanda-ugaga sina Tatay at Nanay sa paghahain ng lomi sa mga kumakalam ang sikmura hanggang mistula isang bundok na ng maruruming pinagkainan ang naiwan sa lababo at kung paanong kung minsan naman ay wala man lang ni isang tao ang nag-abalang maging saksi sa marahang paghahanda ni Tatay ng mga rekado ng lomi sa maliit na lamesa sa madilim na sulok ng kainan at sa paghalo niya sa mga ito sa halo ng miki bihon, itlog at iba pang pampalasa bukod na lang sa aking sarili. Hanggang ngayon ay malinaw pa rin sa aking isip ang tunog ng mga nagkikiskisang kubyertos at gamit- panluto pati na rin ang nangingibabaw na amoy ng ginisang sibuyas at bawang maging ang tunog ng marahang paglagaslas ng tubig habang naghuhugassi Nanay ng mga pinagkainan.
Pagtungtong ko sa elementarya, mistulang kabute sa tag-ulan ang bilis ng pagsulpot ng kabi-kabilang lomihan sa aming barangay. Parang isa sa bawat limang kabahayan na yata ang may lomihan doon sa amin. Kasabay ng pag-usbong ng mga kakumpitensya sa negosyo ang paghina ng lomihan ni Tatay at gayon din ang paghina ng kaniyang katawan. Dahil palagi pa rin akong naiiwan sa lomihan, minsan ay tumutulong ako sa paghuhugas ng mga pinggan at pagliligpit ng mga pinagkainan. Naobserbahan ko ang pagtumal ng patron sa lomihan nina Tatay. Hindi ko rin naman sila masisi kung bakit lumipat sila sa ibang lomihan dahil kung hindi maagang magsara ay madalas nang sarado ang kina Tatay na kainan dahil mas mabilis na siyang mapagod ngayon kaysa noong dati. Minsan, dahil sa aga magsara ni Tatay, ako at ang iba ko pang pinsan ang nagsisilbing taga-ubos ng mga hindi naitindang lomi.
Para sa akin, ang lomi ni Tatay ang pinakamasarap na loming natikman ko sa buong buhay ko. Marahil ay sanhi na rin ito ng sa tuwing sumusubo ako ng lomi ni Tatay, nalalasahan ko sa bawat paglapat nito sa aking dila ang sipag at dedikasyon na inilalagay niya sa pagluluto ng lomi. Gusto kong ihalintulad ang aming pinalawak na pamilya sa partido nina Mama sa lomi ni Tatay. Para makaluto ng lomi, kailangan ng karne, ng atay, ng sibuyas at bawang, ng mga itlog, ng patis o toyo, ng miki bihon, at ng cornstarch. Sa aming pamilya, magkakaiba man ng paniniwala, ugali, gusto at lugar na inuuwian, si Nanay ang nagsilbing bihon at si Tatay naman ang nagsilbing pampalapot na silang nagbibigkis sa aming lahat. Siguro ay gayon na nga kaya naging malabnaw ang aming samahan na parang loming walang pampalapot noong nagdesisyon ang langit na kuhanin na sa amin si Tatay.
Tandang tanda ko pa noong nagsara ang lomihan nina Tatay. Wala silang binigay na dahilan sa akin bukod sa napapagod na raw siya at kailangan na niyang magpahinga. Lingid sa kaalaman ko ay may malubhang sakit na pala si Tatay na hanggang ngayon ay hindi ko pa rin natitiyak kung ano. Prostate? Puso? Baga? Hindi ko pa rin alam kung anong komplikasyon at aling bahagi ng katawan ang tumapos sa mga araw ni Tatay sa mundo. Ang natatandaan ko lang ay ang huling pag-usap namin noong mismong araw na binawian sya ng buhay. Kadarating ko lang noong mula sa paaralan at dumaan lang ako sa bahay nina Tatay para mangamusta.
“Aba, buti napadaan ka. Dito ka titigil ngayon?” masiglang bati ni Tatay sa akin habang nagwawalis sa labas ng lomihan. “Tiningnan ko lang po kung may kasama kayo. Baka po umuwi rin ako agad,” sagot ko. Isinandal ni Tatay ang walis sa haligi ng lomihan at iniaabot ang kamay niya sa akin para magmano. “Bakit naman? Wala pa naman akong kasama dito.” “Medyo marami po kasi akong kailangan pang tapusin eh,” pagmamadali ko. Nagbuntong hininga si Tatay bago nagsalita muli, “Ah, ganoon ba? Siya, sige, manungkit ka na lang muna ng mangga tapos dalhin mo sa inyo,” “Hindi na po siguro. Okay lang po,” patuloy na tanggi ko. Sa pagod na rin niya siguro ay “Oh, sige. Basta bumalik ka mamayang hapon ha? Maglolomi ako,” na lang ang kaniyang nasabi bago ako umalis.
Hindi ko lubos na maintindihan kung bakit nga ba madaling madali akong umuwi noong araw na iyon at kung bakit ‘di pangkaraniwan ang pagiging mapilit ni Tatay sakin noon. Ang alam ko lang ay hindi na ako nakabalik kinahapunan dahil tinamad akong umalis mula sa bahay. Kinagabihan, sa kasagsagan ng miting de avance ng mga kanditdatong panlungsod, nakatanggap ng tawag si Mama mula sa kanyang ate habang nasa loob kami ng sasakyan.
“Nasaan kayo? Umuwi muna kayo sa atin… Wala na ang tatay.”
"Wala na ang Tatay.”
“Wala na ang Tatay.”
Wala na ang Tatay. Hindi maproseso ng utak ko ang apat na simpleng salitang binitawan ng tiyahin ko mula sa kabilang linya. Tulala ako buong byahe pauwi. Kung sa isang pangkaraniwang araw ay sampung minuto lang ang kailangan para makarating sa bahay nina Tatay mula sa bayan, sa gabing iyon ay para bang ilang oras nang pinatatakbo ni Papa ang aming sasakyan pero hindi pa rin naming nararating ang dapat naming puntahan. Sa labas ng kotse, mistulang nauna nang magluksa ang langit nang magtago sa likod ng ulap ang buwan. Tahimik rin ang mga lansangan at tanging ang makina na lang ng umaandar naming sasakyan ang pinanggagalingan ng ingay. Bukod dito, ramdam din ang bigat ng dibdib ng apat na taong lulan ng sasakyan - walang imik at panay pa ang hikbi’t buntong-hininga.
Ilang sandali pa, binati ng maliwanag na ilaw mula sa bahay nina Tatay ang aming pamilya. Nakapag-ayos na pala ang funeraria sa may sala. Pito na sa sampung kapatid ni Mama ang nasa bahay noong dumating kami. Ang mga matang namumugto mula sa matagal nang pag-iyak ay muli na naming lumuha noong lumapit sa kanila si Mama. Bilang isang batang labing-tatlong taong gulang, wala akong ibang nagawa kung hindi maupo sa isang sulok kasama ang mga pinsan kong katulad ko ay litong-lito rin sa bilis ng pangyayari.
Alas kuwatro na ng madaling araw nang dumating ang malamig na kabaong kung saan nakahiga si Tatay. Mula sa labas ng bahay, narinig ko ang mga hikbi ni Nanay na yakap-yakap ng bunsong tito ko. Buong magdamag gising lahat ng tao sa bahay hanggang sa lahat ng mga anak at apo nina Tatay at Nanay ay naipon sa loob ng maliit nitong espasyo. Napatanong ako sa sarili ko noong mga sandaling iyon, bakit kahit puno na ang bahay ng mga pagod at nagluluksang katawan ay ramdam na ramdam pa rin ang puwang na naiwan ng isang kaluluwang lumisan kahit kapiling naman namin ang kaniyang katawan? Parang isang loming walang cornstarch, kumpleto man ang mga sangkap ay mayroon pa ring malaking pagkukulang at pagkakaiba.
Singbilis ng pagkawala ni Tatay ang paglipas ng mga buwan ngunit sa akin, parang hindi pa rin naghihilom ang sugat na iniwan ng kaniyang paglisan. Nagdesisyon ang mga tiyuhin kong buksan muli ang lomihan. Dati kasi, nagkaroon ng usapan sa aming pamilya na ang mga anak na lalaki ang magtutuloy ng negosyo ng pamilya kung mawala man si Tatay bilang kabayaran na rin sa mga naitulong nito sa pag-aaral ng magkakapatid. Ngunit kahit ganito na nga ang napagkasunduan, para sa akin, kahit anong gawin nila, hinding hindi na ito magiging katulad ng dati. Panghihinayang at pagka-inis sa sarili ang nararamdaman ko sa tuwing naaalala ko ang mga pinagsamahan namin ni Tatay doon sa lomihan lalo na noong araw ng kaniyang kamatayan. May bahagi sa utak ko na sumisisi sa aking sarili sa nangyari sa kanya. Kung hindi ko lang sana tinanggihan si Tatay, kung hindi lang sana ako nagmadaling umuwi, kung pinagbigyan ko sana siya at sinamahan sa bahay noong araw na iyon, baka sakaling natulungan ko siya. Dahil siguro dito sa aking mga agam-agam kaya hindi ako nakakain ng lomi sa loob ng dalawang taon. Hindi ko naman ito personal na pasya, hindi lang talaga maatim ng aking kalooban ang trabaho ng muling pagpapasaya ng mga malulungkot na alaala at sandaling kaakibat ng pagkain ng lomi.
Mula noong namatay si Tatay, hindi na ako muling kumain ng lomi hanggang isang araw, niyaya ako ng mga pinakamalalapit kong kaibigan sa hayskul na magpunta sa lomihan malapit sa sakayan ng jeep namin pauwi. Ito ang unang beses na titikim ako ng ulit ng lomi, loming hindi luto ni Tatay, sa pamimimilit na rin ng mga kaibigan ko. Hindi ko itatanggi na sa unang beses kong kumain muli ng lomi ay nagbalik sa isip ko ang mga alaala ni Tatay at ng lomihan na aking kinalakihan ngunit sa tulong na rin ng mga kasama ko ay unti-unting naalis ang kalungkutang naramdaman ko. Tanda ko pa ang sabi sa akin ng mga kaibigan ko, ang pangako na gagawa kami ng bago at masasayang alaala sa lomi at sa lomihang iyon.
Bukod pa sa pangako ng masayang alaala mula sa aking mga pinakamatatalik na kaibigan, gumawa rin ng hakbang sina Mama at Papa para mapaganda muli sa aming magkakapatid ang imahe ng lomi. Isinali nina Mama at Papa ang lomi sa mga selebrasyon katulad ng mga kaarawan at pista para manumbalik ang mga magagandang alala ni Tatay. Tuwing linggo, pagkatapos sumimba, ay pumupunta kami sa lomihan na mukhang kubo. Ang paligid nito ay nagbibigay ng impresyon ng ordinaryong bahay tulad ng lomihan nina Tatay dati. Sa harap ng aming mga lomi, pinipilit namin na walang ibang mapag-usapan kung hindi mga masasayang bagay katulad halimbawa ng corny na biro na natutunan ng kapatid ko mula sakanyang mga kaibigan at ang bagong natutunan ko life hack mula sa 5-minute crafts sa Facebook.
Hindi nga nagtagal ay nanumbalik ang saya na nararamdaman ko sa tuwing kumakain ako ng lomi. Kung noong sariwa pa ang alaala ng pagkamatay ni Tatay ay kahit anong init pa ng lomi ay hindi pa rin nito matatalo ang lamig sa puwang na iniwan ni Tatay sa aking kalooban, ngayon ay walang iba kung hindi pagpupuno ng naturang puwang sa pamamagitan ng masasayang pangyayaring kaakibat ng pagkain ng lomi ang nagagawa sa akin nito.
Sa kasalukuyan, sa tuwing nababagabag ako o kaya naman ay nananabik sa aking pamilya, naging gawi ko na ang maghanap ng lomihan sa Los Baños. Sa tuwing umuulan din, wala na yata akong nagiging ibang bibig kung hindi ang lomi – ang lomi na nagpapakalma sa akin. Ito na ang nagpapasaya sa akin sa pamamagitan ng pagpaparamdam na kahit papaano ay malayo man sa ako sa Batangas ay malapit pa rin ako dahil may nagpapaalala sa akin dito.
Totoo nga ang sabi ng agham. Mahalaga ang init. Mahalaga ang init para maprotektahan natin ang ating katawan mula sa matinding lamig na hindi natin mapipigilan. Mahalaga ang init para mabigyang buhay ang ating mga kalamnan. Mahalaga ang init para maiwasan ang sipon at iba pang sakit. Mahalaga ang init para maiwasan ang sakit na bukod pa sa mga dala ng mikrobyo sa paligid. Mahalaga ang init para maibsan ang sakit ng puso at isip. Mahalaga ang init para mabuhay. Iyan ang mga natutunan ko sa pagbabalik-tanaw sa mga araw ko kasama si Tatay at ang kaniyang lomi ngunit natutunan kong mahalaga rin ang buhay para manatiling mainit ang alab ng puso at kaluluwa kahit sa mga kaluluwang nawala at lumipas na.
0 notes
db-buhay · 3 years ago
Text
Tekstong Deskriptibo | Buhay Bosco
Isiginawa ni: Juan Raphael Perez
Ang Senior High School sa Don Bosco Technical Institute of Makati ay ang kagawarang baitang na sumasang-ayon sa K-12. Makikita mo na nagiging makabago ang suotin ng mga estudyante dito, na naka polo sa kulay kayumanggi at sa pagiging matino, itim ang babang suot. Pag-daan ng alas-syete ng umaga ay nasa puwestong nakapila ang mga kamag-aral sa silangan ng daang inaalay para mahatid-sundo ang mga bata, na ginagamit ang sarili nilang I.D. para makapasok sa tarangkahang sinisigurado ang kanilang pagdalo sa bagong umaga. Minsan ay iba sa kanila ay tumatambay sa hintayang para sa mga kagarawang nasa ibaba nila para sa libreng Wi-Fi, o kaya sa aklatang minamahal nila sa matahimik na karamdaman. Pagdating ng umagang pagtatagpo, sumasama at sa oras na iyon, dumadating na sa wakas sila sa kanilang silid-aralan.
Tumblr media
Bawat tauhang sanay sa mga dako ng eskwelahan ay alam na alam ang kuliling ng mga kampana bawat lipas ng isang oras. Nagpapakilala ng pagbago ng asignatura o ng tanghalian, sinasarado ang mga prodyektor at tinataas ang mga iskrin para sa susunod na talakayan. Paglabas sa kanilang mga silid ay mayroong lugar kung saan puwede sila magsama-sama, na matunghayan ang malaking patlang na kung saan ay matatagpo ang mga naglalaro o sa mga aral para sa kanilang kabutihan. Sa dalawang kainan na buong-pusong binubusog ang mga Bosconian, isa ay nasa ilalim ng Braga Building, na gawa para sa kagawarang baitang ito. Sa bulsa na inaabot ang perang baon nila, masisiguradong sakto ito para sa malusog na kainan. Kung maglalakad ka habang nakalabas ang mga kamag-aral, maririnig kung saan-saan ang baryang pinapasa sa mga kusinero o ang usapang proyekto kasama ang mga pindot sa gadyet para sa susunod na klase. Sa umaabot na 10 na asignaturang inaasikaso ng mga binata, kilala ang mga guro bilang mababait at handang makinig sa mga problemang umaakit. Sa pangalawang lapagan lamang matatagpuan sila, na pwede pa nga makausap ng walang pormal na pangangailangan.
Tumblr media
Hindi nagkukulang ang aming institusyon sa paninindigang pananalangin o alalahaning pisikal. Palibot-libot ang mga kamag-aral para masigurado ang kalidad ng kanilang kalusugan. Matatagpuan sa kanluran ng eskwelahan ang mga pasilidad na para makakilos naman ang kung sinuman sa dyim o kaya sa timog nito ay ang languyan. Ramdam ang mahal ng mga nangangasiwa dahil linis-kintab ang palaging makikita sa maputing liguan o mga upuan sa kaliwa at kanan ng pagpasok ninyo sa dyim. Oras ng uwian ng alas kwatro ng hapon, ang mga masisipag na varsity ng bawat palakasan ay muling nag-eensayo sa susunod na paligsahan na mismo pa ang eskwelahan ay nagbabayad para mahandog ang pinaka-swabeng kakayahan nila. Mula sa basketbol o kahit man ang ahedres, bawat batang sumasabak dito ay kilalang mahusay sa paninimbang ng kanilang hilig at aral.
Tumblr media
Ayan ang aking mga nasasaksihan bawat araw sa kampus bilang Senior High School. Tunay na napapasalamat ako sa mga kakayahang ibinibigay sa amin gamit ang kanilang halaga sa tungkuling arugain kami. Sa susunod na mga araw, kung sana’y bumisita ka sa aming paaralan para malanghap ang hanging galing sa mga berdeng puno na talaga namang pinapaalam na ligtas ka rito. Alam ko, sa aking limang pandama ay matutuwa ka rin sa ngiti naming natamo sa pag-aaral dito.
1 note · View note
thestingdr · 3 years ago
Text
PAALALAY
Tumblr media
Pasensya na, Sa hatid ng aking istorya, Nagnanais lang naman ipaabot ang aking letrang, Paalala sa lahat, kahit pa ko mamalat, Bago mahuli, sa huli maitala ang lahat ng
Balita na baka di mo namamalayan, At malaman, ang naramdaman ng mga kababayan, Kahirapan na dinanas ng mga nasa laylayan, Sila din ang karamihang nasa himlayan, Diba?
Nagulat ang lahat sa bilis ng pangyayari, Pagkalat ng sakit na tila di mo na mawari, Kung san paroroon baka doon kana madali, Pag tinamaan ka, ang buhay mo ay mayayari, Kamatayan,kahirapan, Ika’y mamili, Isasalba ng marka ng iyong mga daliri, Ginagawa ng mga medikong mapili, Protektado ng mga naka-barong, nawili Silang gawin, ang ganitong eksena, Tumakbo silang, pera ang gasolina, Napako ang mga pangakong hinalina, Kasabay sa pag-upo, Sa saradong Opisina, Ito’y halimbawa ng korapsyon sa bansa, Karapatan ng mamamayan, matagal na binale wala, Nagresulta ng maraming buhay na nawala, Na kahit isigaw mo’y wala kang magawa, Kahit, ang aking hininga ay punitin man ng hangin, Patuloy lang ang laban, para lamang may masaing, Baryang inipon, Na pinamana pa sa amin, Maagang magtrabaho, Kahit pa alanganin, Pilitin mang takpan ay di na matatago, usapang kahirapan, halimuyak na mabaho, Na kahit pa ipitin, bantot ay lumalalo, Pagtuloy sa pagbuhos, ng perang pinaligo,
Hindi na makakita, Ang mata n’yong lumabo, Nasilaw, di sa ilaw, Sa ginto n’yong tumatabo, Serbisyong di dinanas, na kunwaring pinangako, Pinatay na pangarap, Tuluyan nang naglaho, Dugong pumapatak, sa kada hugas ng kamay, Lagyan ng alcohol, Haggang lahat ay mapatay, Ang mahirap sa mahirap ay di ka makasabay, Pilay na nga lumakad, tatanggalan pa ng saklay,
0 notes
beed-1e · 4 years ago
Text
Ang Aking Karanasan sa Panahon ng Pandemya
Tumblr media
Mahigit isang taon na tayong ganito. Nakakatakot mang isipin sa panahon natin ngayon, pero parang nasasanay na din ako pero hindi ako mawawalan ng pag-asa dahil alam ko na gagawa at gagawa ng paraan ang Panginoon para mabalik sa dati ang pamumuhay natin na wala ng takot at kaba na mararamdaman.
Noong Agosto 11, 2020 parang sinubok kami ng malaking problema na nagbibigay ingay at takot sa aming barangay. Dahil 'yan ang araw na nadala sa hospital ang kuya ko at na operahan dahil sa kanyang appendix. Noong dinala siya sa hospital at nag positibo siya sa rapid test at tan ang usap usapan sa aming barangay na nag positibo raw sa Covid 19 ang kuya ko, kaya 'yon hindi mawawala ang takot sa sarili ko dahil kami lang magkakapatid na nasabahay at ako ang nag-aalaga sa kanila bilang nakakatandang kapatid.
At noong Agosto 12, 2020 ay tumawag sa amin ang papa ko at nagtanong na tapos naba raw kaming kumain at wala ng iba pang sinasabi. At makalipas ang ilang oras ay tumawag naman ang tiyahin ko at sinabihan kaming wag lumabas ng bahay dahil nag positibo raw ang kuya ko, at noong narinig ko 'yon ay parang nakaramdam ako ng galit dahil wala namang sinabi ang papa ko noong tumawag siya at bakit ang dali lang nilang sabihin ang ganyan kaya sumagot ako sa tiyahin ko na bakit walang sinabi si papa tumatawag pa nga siya kanina, at umiiyak ako pagkatapos ko 'yong sabihin na kahit isang salita walang lumalabas sa bibig ko at nagsalita naman ang tiyahin ko at sinabihan ako na pagsabihan mo ang mga kapatid mo na hindi na lalabas sa bahay. Pero hindi ako naniniwala sa mga sinasabi nila kaya lumabas kami para mag igib ng tubig dahil kahit konting tubig ay wala kami kaya umalis ako sa bahay at dinala ko ang kapatid ko na lalaki at pagdating sa pinag-iigiban ng tubig ay nagalit ang kapitbahay namin dahil bakit raw kami lumalabas at hindi nag salita ang kapatid ko dahil nauuna na akong umuwi kaya hindi ko narinig at pagkarating niya sa bahay namin sinabihan ako ng ganyang pinagalitan raw siya kasi lumalabas raw kaya parang sasabog ang puso ko sa galit at umiiyak dahil hindi ko matanggap kaya tinawagan ko ang mama ko na totoo ba na nag positibo si kuya at ang sagot ni mama ay sino naman ang nagsabi niyan, hindi panga lumalabas ang resulta ng swab test ang dami ng nakakalat na tsismis diyan at sinabihan kopa ang mama ko na hindi na kami pinalabas ng bahay at inaanunsyo na sa radio na may nag positibo sa lugar namin at ang kuya ko raw at ang sinabi lang ni mama sa amin at huwag kayong maniwala dahil hindi 'yan totoo, hindi pa nga lumalabas ang resulta ng swab test ng kuya mo at dahil doon parang gumaan ang pakiramdam ko.
At makalipas ang tatlong araw ay lumabas na ang resulta ng swab at negatibo ito ang saya saya ko dahil mawawala na ang takot na nararamdaman ko pero ang galit na naramdaman ko noon ay parang gusto ng kumawala dahil sa mga usap-usapang nangunguna kahit hindi pa lumabas ang resulta kaya 'yon dahil sa galit ko ay nagpost ako sa Facebook at nilabas ang lahat ng galit at sakit na nararamdam na sa sobrang galit gusto ko ng isampal sa mukha nila ang resulta ng swab test at pagkatapos kong mag post ay nag chat ang pinsan at kaibigan ko at sinabihan ako na burahin ko raw 'yon baka lalaki pa ang gulo kaya binura ko naman at umiyak nalang.
Kaya naisip ko na hindi dapat ako nagpost ng ganon sa Facebook dapat pa nga mag pasalamat ako sa Panginoon dahil dininig niya ang dasal namin at hindi niya kami iniiwan o pinababayaan. Nandiyan siya palagi para tumulong sa mga nangangailangan. Kaya ang masasabi ko lang ay hindi dapat tayo mawawalan ng pag-asa dahil alam ko nandiyan ang Panginoon para tulungan tayo.
- Singson, Joyce
0 notes
walakangkatulad · 4 years ago
Text
Tumblr media Tumblr media Tumblr media Tumblr media Tumblr media
May 16-17, 2021 (6pm-6am) ganap with Accenture (SME) peeps!
Sobrang cool nila ka-bonding. Myra's birthday, she's from Accenture Ilocos pero working now here in Manila. She's the bff of my love and we just met last Feb, lagi ko kasi kasama ang baby ko pati bff niyang si Karlo na naging bff ko na rin pero barkada ko talaga sila nung nag-College ako sa MMSU Ilocos hehe. Then yesterday ko lang nakikila sila Ate Red and John (na maangas raw pero in person cool siya, maangas lang talaga sa chat and pag di mo talaga kilala, first impression sa kanya is presko lol). First we were at 121 but 'til 10pm lang sila dun. Then lumipat kami sa place ni Ate Red, dalawa lang sila ng partner niya dun. Dapat di kami sasama doon kaso pinagbigyan namin sj Myra, nagluto raw kasi si Ate Red. So ayun, sabi ni baby punta muna kami dun kahit 1 hour lang. Kaso it's a trap!!! Hahahahahaha. Yung dapat 11pm uwi na kami kaso inabot ng 6am. E may duty pa ako 9am. Punyeta. Monday na Monday. Hahahaha. 😂
Kala namin kakain lang kami, yun pala bumili ng 6 RH na tig-1L. Jusko! E di na ako uminom nung andun na kami. Flavored drinks nga lang ako nung sa 121 e. Haha. Ayoko kasi lasa ng RH. Haha choosy! Grabe yung mga topic. Usapang love life, ex's (nadamay yung ex ko and ex ng bf ko ganern pero wala lang samin yun alam naman ni baby story ko din and same sa story niya sa ex niya), work, personal shits, travels and marami pa. Grabe kasi umusisa 'tong si John e, from the bottom talaga then mag-share siya ng thoughts. Dun nawala antok ko ng 2am. Same with Ate Red, former Psychchurva pala siya then nagshe-share rin ng thoughts. Kami talaga ni baby ang parang nagisa. Haha. Kasi na-share namin na from friends to partners kami. So ayun pano kami nag-start as bf/gf. Cool right! 😅 Syempre nag-open kami and natuwa sila dun. Tapos yung observation nila Ate Red and John sakin, chill lang na girlfriend which is totoo as long as wala kang ginagawang kalokohan or something na ikakasakit ng feelings ko. Soft-spoken raw ako, na kahit galit ako is hindi ako ma-boka o mabunganga. Tama rin yun, mas gusto ko na lang manahimik hanggang sa umokay ako or pag lumamig ulo ko. Alam yun ng baby ko, basa na kasi niya ako. Alam niya kung tinotoyo ako, ganun. So siya pag alam niyang may toyo or moodswings na ako, mas inaasar pa niya ako and nasabi niya na natutuwa siya dun. Haha. Yes, nakita ko naman yun sa kanya, lalapitan niya ako tapos nang-aasar talaga hanggang sa matatawa na lang ako. Oh di ba, ganun rin ka-cool ang baby ko. And sarap marinig na ikukwento niya yung napakalayo ng past niya and sa akin. Yung kung ano yung gusto ng girl e dapat dun rin siya. Yung halos sa girl na siya naka-focus, bawal sa ganito bawal sa ganyan, bawal mag-inom, yosi. So nasakal siya. Pero di pa kami nag-uusap nung wala na sila, like di talaga expected na magkakausap kami ulit since may kanya kanya kaming bf/gf (dahil sa isang mobile game na naging way si Karlo na mas bff niya, mas nakakausap ko sa messenger kasi si Karlo talaga pero minsanan lang din. Like comment sa stories mga ganun lang lalo na pag usapang foodamz. At siya ang nag-invite sakin nun para sa team nila and andun ang baby ko. Haha) Then nung naging kami na. Ayun sobrang na-appreciate niya yung pag-support ko sa kanya, hindi sa kinokonsinte ko yung pag-inom and pagyosi niya ha, gusto ko lang kung san siya comfortable e okay lang sakin. Ganun rin siya sa akin, kung san ako happy and comfortable andyan siya para i-support rin ako. Kaya sobrang compatible namin sa isa't isa. Ganun rin naman ako sa past ko nun mag-support kahit di ako sinasama sa mga "officemates thingy niya" pero wala, nasa lalaki talaga yun pano i-appreciate ang mga bagay bagay maliit man o malaki kahit napaka-moody mong girl at nasa anong klaseng lalaki yan kung kaya niyang panindigan ang commitment niya sayo kahit may mga problema kayong pinagdadaanan. Nasa anong klaseng lalaki yan kung nasa genes na ang manloko talaga. Pero ang masasabi ko sa baby ko, faithful siya and yun talaga ang nararamdaman ko sa kanya. Promise, iba yung feeling. Kahit di kami every second/min/hour magkausap, andun pa rin yung bond na parang kahit magkalayo kayo e connected pa rin. Yung wala kang iisipin na negative sa kanya.
Tapos sabi pa ni Myra na bff niya. Kung selosa raw talaga ako, baka pinagselosan ko na siya. Haha. Kasi yes inaamin ko nung una, first time ko siyang makasama nag-observe muna ako. Touchy siya kay baby at first impression ko is parang ayaw niya akong kasama ganun. Parang suplada siya na parang pinapakita na mas close sila ng baby ko. So ako naman syempre bilang girlfriend kung pwede lang ayaw kong may ibang babae na madikit sa boyfriend ko di ba. Ayun, then second ito nga birthday ni My sinaman ako ni baby. Ganun pa rin may pa-hug hug pa siya kay baby. Haha. Syempre parang sakit sa mata ko char! Naisip ko na, baka ganun nga talaga siya. Ayun nag-observe na naman ako. Girl thing! Lol. Hanggang sa napag-usapan namin nila baby at Karlo separate table kasi kami nila My sa 121 need social distancing. May mga chix rin kasi sa kabilang table namin tapos nakatingin tingin sila baby at Karlo dun. Tapos tinuturo sakin yung atabs sa kabila. Haha. Napatingin ako tapos may isang girl kasi na naka-sleeveless at parang naka-bra lang ng malaki ang foam yung top niya e yung parang makikita ang cleavage pero wala raw makita at walang makapitan kaya ako napatingin. Oh di ba kasama ako pero kung ano ano tinitignan haha. Sabi pa ni Karlo baka raw may masasaktan pag-uwi namin o di kaya baka may di raw makapasok sa condo. 😂 Sabi ko bahala kayo dyan. Kahit sino pa tignan niyo wala akong pakialam. Kasi sakin alam ko na gawain nila na malakas magtingin sa ibang babae pero di yan gumagawa ng kalokohan, College pa kami wala naman issue sa kanila. Tapos na-open ni Karlo kung nagseselos daw ba ako pag ganun at naopen si My kasi nga napapansin rin kasi na touchy nga siya sa bff niya tapos kasama pa ako. Tapos tanong ni baby kung nagseselos raw ba ako? Sabi ko hindi. Ayaw ko talaga sa touchy na girl sa bf ko kako, pero okay naman si My sa nakita ko. Yes mabait siya. Dun rin kami mas nagkausap ni My, mas naging close ba. Kasi ni-hug rin ni baby si My, and dun ko nakita yung connection nila as bff talaga. Kasi pag may tinatago ang lalaki di niya yan ipapakita sa harapan ng girlfriend niya. Hindi ka niyan isasama sa mg lakad niya, magpapaalam lang ganun. Pero never ko yun naramdaman sa baby ko. Swear! Open kami sa isa't isa and dun ako mas natutuwa kasi pag may ayaw kami or kung anong hindi okay sa amin, sinasabi namin para alam kung hanggang saan lang kami at alam na namin sa susunod.
Ayun yun lang ang highlights ng post ko (haba-dami 😂). Haha. Pero super nag-enjoy ako sa usapan namin, question and answer portion talaga. Nawala talaga antok ko, 9am pasok ko e 7am na kami nakauwi. Haha. Buti nalang late dumating yung project ko. Hehe.
Ayun. Thank you, baby so so much! You the real MVP! ♥️
0 notes
phgq · 4 years ago
Text
Too early for election talks; beating pandemic priority: Go
#PHnews: Too early for election talks; beating pandemic priority: Go
MANILA – Senator Christopher “Bong” Go said anyone qualified has the right to run for the presidency but emphasized that he and President Rodrigo Duterte would rather focus on serving the Filipino people to overcome the pandemic.
“Alam n’yo, karapatan po ng bawat Pilipino ang tumakbo (You know every Filipino has the right to run). This is democracy. Karapatan po (nila) na tumakbo bilang Pangulo (They have the right to run for president),” said Go, referring to some personalities reportedly gunning for the post, during an interview right after he personally assisted typhoon victims in Legazpi City, Albay on Friday.
“Pero para sa amin ni Pangulong Duterte, ‘wag muna natin pag-usapan ang pulitika dahil nasa pandemya pa tayo. Importante malagpasan natin ang pandemyang ito. Baka wala na tayong pag-usapang pulitika ‘pag ‘di natin nalagpasan ang pandemyang ito (But for me and President Duterte, we would not rather talk about politics since we are in a pandemic. It’s important to overcome this pandemic. There might be no politics to talk about if we don’t overcome this pandemic),” he added.
As for proposals to defer the face-to-face campaigns, Go said it is the mandate of the Commission on Elections (Comelec) to decide on the matter.
He emphasized that the integrity of the elections is of utmost importance.
“Ako naman po, trabaho ng Comelec ‘yan. Mandato ng Comelec paano nila patakbuhin ang eleksyon. Importante po malinis na eleksyon at bigyan ng pagkakataon ang bawat Pilipino na makaboto (For me, it’s Comelec’s job. It is its mandate how to run the elections. What’s important is the elections are clean and give every Filipino a chance to vote),” Go said.
He also urged Comelec to always consider and prioritize the health of Filipinos while preparing for the upcoming elections.
“Dapat po balansehin muna ng Comelec — lalo na pagdating sa kalusugan. Health first, buhay po muna ng Pilipino. Dapat sigurado silang protektado laban sa Covid-19 (The Comelec must strike a balance, especially when it comes to health. Health first, the lives of the Filipinos must come first. They should ensure that they are protected against Covid-19),” he added.
Earlier, the executive department said it is still too early to decide on the ban on face-to-face campaigning as the country still has not started its vaccination program.
Presidential Spokesperson Harry Roque said the government must wait for the results of the vaccination program before deciding on the proposed ban on face-to-face elections campaign.
Go concurred, saying “Habang papalapit ng papalapit, may mga nadidiskubre naman tayo. Ito namang Covid-19, bago po ito, pinag-aaralan naman ng lahat. ‘Di lang ng gobyerno dito sa bansa, kasama na sa ibang bansa, pinag-aaralan nila habang tumatagal (While it draws near, we are discovering things. Covid-19 is new. We are studying all. Not only our government in the country but also other countries. They are studying while it becomes longer)”.
Comelec Commissioner Rowena Guanzon said face-to-face campaign activities for the upcoming 2022 elections may still be allowed, but health protocols must be observed.
Some lawmakers have suggested the conduct of physically distanced town hall meetings instead.
As for who he will vote for the president in the elections, Go said he will choose the person who can continue the legacy of Duterte and bring the country toward full recovery from the pandemic. (PR)
***
References:
* Philippine News Agency. "Too early for election talks; beating pandemic priority: Go." Philippine News Agency. https://www.pna.gov.ph/articles/1129859 (accessed February 06, 2021 at 09:54PM UTC+14).
* Philippine News Agency. "Too early for election talks; beating pandemic priority: Go." Archive Today. https://archive.ph/?run=1&url=https://www.pna.gov.ph/articles/1129859 (archived).
0 notes
trendingph · 4 years ago
Photo
Tumblr media
KC Concepcion tops Luchi Cruz-Valdes list of "surprising" artista interviews “Fan girl at 60,” ang natatawang pag-amin ng veteran newscaster na si Luchi Cruz-Valdes. Sinabi niya ito sa ginanap na zoom presscon ng TV5 para sa kanyang bagong magazine/lifestyle show, Usapang Real... https://trendingph.net/kc-concepcion-tops-luchi-cruz-valdes-list-of-surprising-artista-interviews/?feed_id=96170&_unique_id=5f619fc8bd8ad #artista #concepcion #cruzvaldes #interviews #list #luchi #philippinenews #philippinesnews #surprising #tops #trendingph
0 notes
arnsanityy · 5 years ago
Text
ON VODKA, BEERS & REGRETS (thought dump, no spoilers)
yow pare long time no react. sensya na pre kasi nalulunod tayo lately sa life pare. buti na lang nagbagsak ng bakanteng oras 'yung langit na may kasamang libreng ticket. labyu universe. here we go pare. if ever lang hinintay mo rin 'tong pinakabagong Bella x JC film, let me start by saying this movie is worth the wait pare. kung hindi mo naman 'to hinintay at wala kang pake, oks lang din naman pare. we're not here to judge pero if you don't have any plans this weekend pare, pwede mo isingit to kagaya ng pagsingit niya sayo as an option pare. pramis, no regrets. maski vodka, beer, o yakult pa trip mo, nakaka-hangover 'to figuratively. mind you pare hindi lang ito usapang pag-ibig o alak. it surely goes beyond that pre.
pero bago tayo magpatuloy, shout-out muna sa buong pinas na patuloy na nagpapatuloy pare. february na sawakas. sinubukan tayong durugin ng january pare, pero look at us, here we are. what doesn't kill us make us tired, charot. pangalawang buwan pa lang pero yung pagod ko naka-quota na hanggang ber-months pare. bago ka mainip may sasabihin na akong secret pare. sabi ko sa title no spoilers 'to diba, pero pare to be completely honest, clickbait lang 'yun. pero hindi tayo nagsisinungaling, we're doing them a favor pare. para magbasa sila ng mahaba kahit hindi required.
so let me get to the point pare, natural pa rin talaga si Bella Padilla, kala mo nagtitrip lang kapag bumibitaw ng linya. husay pare. chill lang siya, hindi pilit. which to me is great pare. kasi mukhang relax vibe while portraying a strong character with hidden insecurities and observable vulnerabilities. she completely morphed into Jane, the character she's portraying. tapos let me go to my man JC Santos pare, yung barkadang puro babae sa likod ko parang naglaway nung naglabas siya ng abs pare. i'm not that sure pero kasi natalsikan leeg ko ng dalawang patak nung tumili sila pare. pero wait lang let me say still that JC went beyond the looks and physique, binigyan niya ng lalim. siguro kaya kinikilig at napapa "sana all" 'yung mga babae sa likod kasi he portayed a character named Francis na most girls can only dream of. someone na maski hindi kayang mabigay 'yung mga materyal o makamundong luho pero makakapagbigay ng mga bagay that truly matters. kagaya ng oras, alaga, at saya pare. there were moments na dapat cringeworthy corny scenes na pero nadala pa rin niya pare. baka iba rin talaga pre kapag may abs, long hair, tapos nasa banda ka. basta they work together on a perfect level. favorite non-love team ko talaga 'tong Bella x JC pare. they exist as individuals pero couple vibe strong pre. which is what i love with Direk Irene Villamor pare. the same genius that brought us Sid & Aya at Meet Me in St. Galen pare. ginagamit yung loveteam formula pero nagbibigay ng lalim sa mga realities ng buhay. husay pare.
kung tatanungin mo ako kung anong pinakagusto ko sa pelikula pare? simple lang, alam nilang matalino tayong mga nanonood pare. habang nanonood ka, hindi pwedeng basta lang na nanonood ka. kasi magiisip ka kung bakit. pipilitin mong alamin kung bakit. susubukan mong unawain kung bakit. tapos mararating mo 'yung puntong masasagot mo 'yung mga bakit at mapapabulong kang "aaah kaya pala". hindi nila tayo binentahan ng pampakilig lang. ginamit nila yung love team formula sa pagbenta, pero ginamit nila 'yung kwento bilang pampagising. para ipaalala satin 'yung mga bagay na hindi natin madalas pagusapan, pero nangyayari sa lipunan. at dahil alam kong matalino ka pare may sasabihin ako at hindi 'to spoiler, this is me being responsible pare kaya i'm issuing a trigger warning that some people may find some parts of the content very upsetting, especially if they have experienced something similar (alcoholism, abusive relationships, etc). look, the film is beautiful, do not get me wrong pare. must watch talaga pare. i'm just issuing a trigger warning, kasi i think if i am recommending something, it is my duty to do so pare. hindi naman tayo bayad dito at wala naman tayong sponsors pare, pero kapag nahabaan ka sa thoughts ko pwede ka bumili ng San Mig Lights para sa mahabahabang kwentuhan
masyado na akong madaming sinasabi pare, at dahil nagsayang ka na rin ng oras sa kwento ko, sayangin mo na rin 'yung iba pang minuto ng buhay mo today kasi bibigyan kita ng mga realizations ko kahit hindi ka naman nanghihingi coz that's how i roll
1. Hindi lahat ng "mahal kita" ay dapat tugunan ng "mahal din kita" o kaya ng "mas mahal kita". Minsan sapat nang ipaalam mo na mahal mo siya, kahit ikaw mukhang tanga. *drops mic*
2. Meron akong sasabihin makinig kayong lahat. Importante na malaman niyo ang sikreto nilang lahat. Shout out sa lahat ng mga babae at lalakeng marunong lang magpakilig kapag lasing. Mayonnaise na nagsabi, pag laseng dun ka lang malambing.
3. Kapag nagmamahal, nakakatakot maiwan. Hindi naman dahil sa mawawala siya sa buhay mo. Pero kasi siyang taga-hawak ng buhay mo.
4. Maraming magsasabi sa'yo na alam nila ang bawat "dapat" para sa buhay mo. Pero iilan lang yung kayang makapagbigay linaw sa bawat "paano" ng mga dapat gawin mo.
5. May mga taong nabuhay para sumuporta. Laging naka-alalay. Mahirap sila mahanap, kaya kapag natagpuan mo na siguraduhin mong poprotektahan mo siya.
6. Sa konteksto ng pag-ibig: Sabi nila kapag may nagsarang pinto, may magbubukas na bintana. Hindi ko maintindihan kung paanong naging positive 'tong statement na 'to. You deserve a much better "pintuan", bakit ka magsesettle sa hirap nang pagpasok sa "bintana" papunta sa parehong tahanan. Kung ako sa'yo, kapag nagsara ang pinto, matuto kang maghintay. Either may dadating na tamang "susi" para sa parehong pintuan, o kaya may mas magandang pintuan na dadating sa'yong mismong harapan.
7. Sobrang sarap mangarap kasama 'yung taong mahal mo. Ang sarap makipagusap maski walang salita, gamit lang 'yung mga mata niyo.
8. Hindi lahat ng pagkilala may katumbas na pagtanggap. Nakakatakot 'yung pag-angat na walang kasamang pagtanggap. Mas nakakatakot 'yung kilala ka nga ng maraming tao pero hindi mo naman kilala 'yung sarili mo.
9. Dati hindi ko maintindihan kung bakit ang hirap huminga kapag nasa phase ka ng heartbreak. Syempre eventually naintindihan ko na may kinalaman yun sa emotions at physiological reactions. Pero hindi naman poetic 'yun kaya iniisip ko na lang, ang lahat ng nagpapatuloy mabuhay ay humihinga, kaya ka nahihirapan kasi 'yung utak mo gustong magpatuloy, pero 'yung puso mo gusto na sumuko. Nalilito 'yung katawan mo, thus, mahirap huminga.
10. Wala namang relasyong sobrang dali. Kaya kahit mahirap, ang mahalaga naman talaga lumalaban. Ang hirap naman kasi magmahal kapag sumusuko na 'yung kabila kahit wala pang nasisimulan.
11. Hindi naman kailangan na laging may alak para gumanda 'yung usapan. Pero kung umiinom kayo, irespeto mo naman 'yung karapatan ng lahat para sa pulutan.
12. Tandaan: Alak lang ang pinapaikot. Hindi feelings. *ooops*
13. As a general rule, ang alak habang tumatagal ay lalong sumasarap. Pero ang tuba o lambanog ay ang alak na mula sa dagta ng mga punong palma kabilang ang puno ng niyog. Kapag pinabayaan lamang itong mag-ferment o umasim, ito ay magiging suka, sabi ng Wikipedia. Ang gusto ko lang sabihin, lahat ng inaalagaan ay mas nagtatagal. Merong mga nagtatagal pero hindi naalagaan, kaya sa huli merong mga sakitan o hiwalayang biglaan. Drink responsibly. Love responsibly.
14. On Regrets: Ang pinakamalaking kasinungalingan na itinuro sa atin ng mga guro at magulang natin ay ang mga katagang "Ang pagsisisi ay laging nasa huli". Kalokohan. Ang pagsisisi ay nasa gitna, at ang pagbabago ay nasa huli. Kapag nasa punto ka ng tunay na pagsisisi, 'yun ang hudyat nang kagustuhan mong magpatuloy at magbago. Still the best lesson na napulot ko nung college.
15. Everyone deserves a second chance. NOPE. Ano 'yun, sinaktan ka na minsan tapos aabutan mo pa ng mas matalim na kutsilyo para isaksak ulit sa dibdib mo? Oo tama naman na dapat matutong magpatawad. Pero minsan kasi kailangang iparamdam mo naman sa mga taong umiikot sa buhay mo na dapat sulitin at 'wag sayangin 'yung pagkakakataon na makilala 'yung pagkatao mo.
16. Wag mong ikulong 'yung sarili mo sa bitterness o kalungkutan, maski malapit na 'yung balentayms. Kung mag-isa ka, malaki matitipid mo kaya magsaya ka. Kung may kasama ka naman, edi maging masaya ka. Kung hindi ka na masaya, edi bitaw na. Bilisan mo na habang hindi ka pa nakakabili ng regalo, para kagaya namin makatipid ka.
17. Wala namang biglaang kinakalawang, lahat dahan-dahan. Kagaya ng wala namang nalululong sa bisyo ng biglaan, lahat dahan-dahan. Kagaya rin ng wala namang relasyong nawawalan bigla ng pagmamahalan, lahat *all together now* DAHAN-DAHAN.
18. Ang alak ay iniinom, liquid. Ang yosi ay may usok, gas. Hindi lahat mukhang astig ay solid. Drink responsibly. Cigarette smoking is dangerous to your health.
19. Dahil sa nCOV cancelled 'yung book signing ni Mitch Albom. Nabanggit ko lang. Kasi sabi niya "All parents damage their children. It cannot be helped. Youth, like pristine glass, absorbs the prints of its handlers. Some parents smudge, others crack, a few shatter childhoods completely jagged little pieces, beyond repair". Hindi ko sinsasabing may karapatan kayo magrebelde kasi pumalpak sila. Hindi kayo perpekto, may mga mali ka rin kagaya nila.
20. If there is any form of violence, physical abuse, non-consensual sex. Leave. Your. Partner. Now. Maniwala ka sa amin, mas mataas ang halaga mo kesa sa kung anong inaakala mo. Mahalaga ka. Mahalaga ka. Mahalaga ka. *unli repeat*
21. Old habits die hard. But you can still kill those with sickening consistency. You are way tougher than any of those bad habits holding you back.
22. Umiinom tayo para makalimot. Umiinom para makaalala. Umiinom para magluksa. Umiinom para magsaya. May iba't ibang rason kaya tayo umiinom pero dapat tandaan na hindi naman laging alak ang solusyon.
23. LAKAS, SAKAL. Semordnilap na taglay 'yung apat na letra ng salitang alak. Reminder na we can't rely on the false sense of strength and courage na binibigay sa atin ng alak. Kasi eventually
we'll get choked up kapag ginagamit lang natin 'to para makatakbong palayo sa mga bagay na dapat sinasalubong paharap.
24. Kapag nagmahal ka, mahalin mo 'yung lahat ng parte na bumubuo sa kaniya. Mahalin mo 'yung maganda. Mahalin mo 'yung masagwa. Mahalin mo 'yung nakakatawa. Mahalin mo 'yung nakakahiya. Mahalin mo 'yung buo. Hindi lang 'yung mga bagay na pinili mo't ginusto pero bawat parte na kumukumpleto sa buo.
25. Sabi nila hindi daw tayo bibigyan ng problemang hindi natin makakaya. Pero kasi sa edad nating 'to dapat alam na natin na may mga problemang hindi natin kayang solusyunan mag-isa. Mga problemang hindi sapat 'yung "dasal lang". May mga problemang nadadaan sa usap. May mga problemang napapagaan ng pag-ibig o ng pagkakaibigan. Pero may mga problemang hindi natin kaya ng tayo-tayo lang. If needed, get professional help. Stop the stigma. A rehabilitation center is not a prison. Seek professional help. If, and when, needed.
#OnVodkaBeersAndRegrets
#BellaPadilla
#JCSantos
#VivaFilms
Tumblr media
1 note · View note
humanidades121 · 5 years ago
Text
Moondrop No. 18 | Marielle Gonzales
Ang CalataGanda! | Isang Lakbay Sanaysay
Marami sa ating mga tao ang nangagarap na makapunta sa iba't ibang lugar. Nag aasam na maikot ang ibat ibang parte ng lugar sa Pilipinas man o sa buong mundo. Ako, isang batang nangangarap na mapuntahan ang mga lugar na pinangarap ko. Mga plinano ko sa buhay na sadyang pinagsusumikapan ko. 
Hindi ko lang ito basta gusto mapuntahan dahil lang sa bakasyon bagkus gusto ko ito dahil pupunuin ko ito ng mga magagandang alala lalo na kung kasama ko ang pamilya ko.  Dahil sa mga "#TravelGoals" marami sa atin ang naiingganyo at nahihikayat na maranasan ito kung gaano ba kasarap sa pakiramdam ang mapuntahan ang mga lugar na sadyang ninanais natin. Kung papaano makakatulong ang lugar na ito upang mapaluwag at mailabas ang gusto mong iparating. Kung hanggang saan ka dadalhin ng kasiyahan na gusto mong makamtan.
Isa sa pinaghahandaan ng marami ang pagdating ng bakasyon. Bakasyon na susuliting maging masaya upang makabawi naman sa mga pinagdaan sa mga lumipas na mga araw. Liligo sa mga beach or resorts upang maginhawaan ang katawan o kaya naman ay mamamasyal sa mga dinarayo at mga sikat na lugar na patok na patok sa mga tao. Mga lugar na magpapasaya sayo sa oras ng kalungkutan. Magpapaluwag sa masikip mong nararamdaman. At sasalubong sa puso mong puno ng sumpong. Palagi kong iniisip sa una, kung magiging masaya ba ang resulta o kalalabasan kung susubukan kong pumunta sa isang lugar. Pero nung dalhin kami ng mapagbirong tadhana sa isang lugar na hindi ko maiipagkaila na kumumpleto ng bakasyon ko lalong lalo na ng buhay ko ay masasabi kong ito na, ito na ang lugar na pinapangarap kong puntahan.
Tumblr media
Isa ang Batangas sa pinakamagandang dayuhin pag sasapit ang bakasyon. Kung tatantyahin, aabot ng apat na oras ang byahe mula dito sa Manila kaya dapat aalis ka ng maaga para malubos mo ang mga magagandang tanawin doon. Napadami naming dalang gamit noon, dahil alam naming lulubusin namin ang nalalabing araw sa bakasyon. Madalas na kasi kami umuwi sa lugar na iyon siula nung nasaksihan namin ang ganda at saya kaya sanay na kami na balik balikan ang aming mga nakasanayang puntahan na lugar. Mag iimpake ng mga damit at magbabaon ng mga masasarap na pagkain para pagsalu saluhan ng pamilya man o kaibigan, pero bukod pa doon ang mga pagkain na aming titikmaan na bibilhin namin pag nasa Batangas na kami. Sa lugar din na ito aangkop ang pagsasama sama ng mga pamilya para magsaya. Galak at ligaya ang mailalarawan ko kapag nasa lugar ako ng bayan na ito.
Napakaraming magagandang lugar sa Batangas at partikular na doon ang Calatagan Batangas, na isa sa pinakapaborito kong lugar. Lugar kung saan makakalanghap ka ng sariwang hangin, malinis na mga karagatan, at makakatikim ng mga produktong masasarap. Habang nasa byahe, makakaramdam ka talaga ng pangagawit ng likod at lula dahil sa haba ng byahe, maaring may pagkakataon pang magsusuka ka kung hindi mo talaga matitiyan ang amoy ng sasakyan na sinasakyan  mo, pero pag nakarating kana, isang maaaliwalas naman na mga mukha ang sasalubong sayo. Minsan masasano pa sayo ang mga tao doon dahil sa bagong mukha na makikita nila pero lubos naman ang pagsalubong nila. Sabi nga sa kantang Himno ng Catalagan, "May tore na gagabay sa bawat manlalakbay ,ang Cape Santiago ang syang sa ati'y magbabantay" ang Cape Santiago na sinasabi ay ang tore kung saan sumisimbolo sa bayan ng Calatagan. Pagpasok na pagpasok mo sa arko ng lugar na iyon, makikita na agad namin ang "Municipality of Calatagan" na syang sumasalubong sa amin. Pagkalampas ng arkong iyon, makikita ko na ang mga malalawak na palayan, mga namemerde merde pang tanin ang nangingibabaw, mga puno ng mangga na matataas at makakasilay ka din ng mga ilang kilalang resort doon dahil karamihan ng mga beach doon ay nasa dulo pa ng bayan. Matatagpuan din doon ang Sto. Domingo De Silos Church, ang simbahang puno ng biyaya at pagmamahal.
Tumblr media
Isa sa kinatuwaan ko sa lugar na iyon, doon namin narinig ang mga kakaibang punto , may mahahaba at may malalim silang salitang ginagamit doon. At ang maganda pa doon, alam mong ligtas ka sa mga tao. Kapag naliligaw , madali lamang pakisamahan ang mga nandoon dahil sa taglay na kabaitan. Dahil sa kalayuan nga nito sa siyudad, doon din namin nasaksihan kung paano ka mabubuhay ng dahil sa mga tanim sa kanilang bakuran. Kung tutuusin napakahirap ng buhay sa probinsyang iyon, napakalayo pa ng Waltermart sa mismong lugar siguro aabutin pa ng isang oras bago ka pa makatanaw ng iba’t ibang fastfood chain. . Hindi ko maiipagkaila na kahit ganun lang ang kaya kanilang pamumuhay eh hindi pa din nawala ang pagiging mabubuting tao.  Sa aking palagay, napakasimple lamang ng pamumuhay ng nakararami doon. Bilang laang ang nakakapunta sa mga siyudad dahil sa hirap ng buhay. Bihira lamang makatikim ng mamamahaling mga pagkain dahil kalimitan ay gulay at isda ang aming inuulam nung nandun kami na sobra namang sasarap ng luto at hahanap hanapin mo. 
Napakasagana naman nila sa mga likas na yaman. Doon kami nakaranas na manunungkit na lang mangga kung gugustuhin namin, bubunot na lang ng tubo at ngangab ngabin ito at mangangawil na lang ng isda pag kulang sa pambili. Isa din sa pinagmamalaki kong pagkain doon ay ang Loming Batangas. Sadyang napakasarap, puno ng sahog ang ibabaw na nag uumapaw na, susulitin talaga ang bayad mo. Sa usapang fiesta naman, kahit napakalayo pa ng mismong kaarawan, kokontsabahin ka na agad para dumalo sa kasiyahan na iyon. Dito ko naranasan ang kakaibang handaan dahil kahit kulang sa panghanda gagawa at gawa sila ng paraan para maging magara ang kalabasan dahil dito lang nagkikita o nagkakasama sama ang mga mahal nila sa buhay. Pipiliting maghanda ng isang baboy, para may maipakain sa mga bisita. Pag gaganapin naman ang pyesta ng Kinuyog o kilala bilang “Kinuyog Festival”, hinding hindi sila nagpapatalo. Meron silang ginaganap na mga street dancing na sadyang matutuwa lalo na pag nasilayan mo o nakita ang mga maliliit na bata na nagsasayawan.. Pagdating naman sa usaping mga resort o kaya naman ay dagat, hindi magpapatalo ang bayan ng Calatagan. Sa totoo lang, ginawaran pa nga sila ng pangalawa sa pinakamalilinis na karagatan sa buong Pilipinas. Dito matatagpuan ang "Little Maldives" dahil sa napaganda at napakalinaw na tubig na matatagpuan sa isa sa dinarayong resort doon sa kung tawagin ay "Stilts". Dito pa lang, masasabi ko na napakresponsable at napakadisiplinado ng mga mamamayan dito. Wala namang perpektong tao, minsan hindi naiiwasan ang hindi pagkakaintindihan pero sa huli pagkakaisa pa din ang mamumuo sa mga puso nila.
Napakasarap lang isalaysay sa inyo kung gaano kasaya mamuhay sa isang probinsya. At ang probinsyang ito ay kung saan ako nagmula. Kahit na nandito ako sa siyudad, hindi pa rin maiipagkaila kung gaano kasarap mamuhay kung saan ako nagmula. Gigising ako sa umaga ng walang iisipin dahil kasama ko ang mga magulang ko na mag aasikaso sa amin . Hindi ka makakaranas ng lungkot, yung parang puro saya lang ang bubuo sa maghapon mo dahil sa nakikita mo sa paligid. Sariwang hangin na sasalubong sayo. Mga ngiti ng mga mahal mo sa buhay ang tatak sayo. At pamumuhay na hahanap hanapin mo. Minsan napapaisip na lang din ako kung bakit hindi na lang ako bumalik kung saan ako nagmula. Pero inisip ko din ang kinabukasan ko, dinala na ako dito ng pagkakataon, sasayangin ko pa ba? Napakaswerte ko pa din dahil kahit papaano, may nalalaman akong mga tradisyon galing sa iba't ibang lugar dito sa siyudad.
Napakahirap man pero ito na ang reyalidad. Nandito na ako ngayon sa siyudad ng Maynila. Dito na ako namumuhay, dito na ako nag aaral at naninirahan. Kahit masakit sa damdamin na minsan lamang ako makadalaw at makauwi sa aking sintang bayan, kailangang tanggapin. Kailangan kong tanggapin na meron na akong bagong lugar na dapat kasanayan. Marami na akong mga nakakasalamuha na iba’t ibang tao . Madami akong naiwan na mahahalagang tao at bagay sa bayan ng Calatagan pero patuloy ko pa din sila pahahalagahan dahil sila ang unang bumuo at patuloy na bubuo sa pagkatao ko. Pero sa puso at isipan ko hinding hindi mawawala ang pagiging Calatagueño ko dahil dito ako nagmula. Patuloy ko itong mamahalin at pagyayamanin dahil ito ang buhay ko. Maaaring pansamantala ko itong iiwan pero babalik -balikan ko ito.
0 notes