#kwentong pag-asa
Explore tagged Tumblr posts
Text
AKALA
Flash Fiction
Siya si Jing, isang dalagang makulit, masiyahin, pala-kaibigan, at higit sa lahat, mapagmahal. Mapagmahal sa kanyang mga magulang pati na sa kanyang mga kaibigan. Siya’y may mataas na pangarap para sa kanyang pamilya pati na sa sarili. Kung tutuusin ay maswerte siya dahil kahit simple lang ang kanilang buhay, nakakakain pa rin sila ng tatlong beses sa isang araw hindi pa kasama ang meryenda sa hapon. Naibibigay rin ng kanyang mga magulang ang kanyang pangangailangan sa paaralan. Sa kaibigan naman, may tatlo siyang matatalik na kaibigan mula pagkabata na talaga namang nagiging sandalan niya sa mga pagkakataong napanghihinaan siya ng loob. Kaya’t masasabing maswerte siya sa mga taong nakapaligid sa kanya. Kung kwentong pag-ibig ang pag-uusapan, ewan ko na lang kung maswerte pa rin siya dahil hindi siya gusto ng taong gusto niya. Maganda naman siya, masipag at mabait ngunit bakit hindi siya gusto ng gusto niya? O talaga yatang hindi pa ito ang tamang pagkakataon para sa pag-ibig.
Dahil dito, minsan napapaisip siya kung kailan darating ang taong magmamahal sa kanya nang lubos. Nawawalan na rin siya ng pag-asa dahil parang wala ng darating na matinong lalaki na iibig sa kanya. Napapa-sana all na lang siya tuwing may nakikitang magkasintahang magkahawak-kamay sa mga pampublikong lugar. “When kaya” ang laging sambit tuwing nakakakita ng babaeng may hawak na kumpol ng rosas na bigay ang kasintahan. Ngunit ang totoo ay minsan na siyang umibig nang totoo, gusto nila ang isa’t isa ngunit ayaw pa ng lalaki na mag-commit sa seryosong relasyon. Habang siya, gusto na niya. Umasa siya na magkakaroon ng sila, pero hindi pala. Kaya’t linakasan niya ang kanyang loob na wakasan kung anong meron sila kahit wala naman silang nasimulan. Pinutol niya ang kanilang komunikasyon kahit mahirap at hindi na nagparamdam pa. Sobra siyang nasaktan, dahil akala niya siya na, akala niya hindi na siya magsa-sana all at when kaya. Dahil dito, hindi niya maiwasang maging bitter lalo na kapag tinutukso siya ng kanyang mga kaibigan na masaya sa kani-kanilang relasyon. Masaya nga ba sila?
Gayunpaman, ipinagsawalang bahala niya ang tungkol sa pag-ibig at ibinuhos niya ang kanyang oras sa pag-aaral at pagiging mabuting anak. Kaya siguro wala pa siyang kasintahan ay ayaw pa ng kanyang mga magulang lalo na ang kanyang ina na pumasok sa relasyon. May mga nagiging crush pa rin naman siya ngunit hanggang doon na lamang. Kontento na siya sa pasimpleng sulyap sa tuwing naglalakad sa hallway ang kanyang crush. Dahil sa naging karanasan niya noon, parang nawalan na rin siya ng gana tungkol sa pag-ibig. Nawalan na siya ng pag-asa na may lalaking magmamahal sa kanya nang higit pa sa kanyang pagmamahal.
Ngunit akala lang pala niya. Dahil isang araw sa hindi inaasahang pagkakataon, biglang sumulpot na parang kabute ang dati niyang kaklase noong high school, si Cy. Isang binatang makulit at mapagmahal na anak. Bigla na lamang itong nag-chat kay Jing at kinukumusta ito hanggang sa araw-araw na silang magkausap. Dahil magkaklase sila noong high school, lagi nilang inaalala ang mga araw na laging inaasar at kinulit ni Cy si Jing. Lingid sa kaalaman ni Jing, may pagtingin pala si Cy noon sa kanya. Naalala rin nila kung paano naging kulay kamatis ang mukha ni Jing noong binigyan siya ni Cy ng isang pulang rosas. Siya ang kauna-unahang lalaking nagbigay sa kanya ng bulaklak.
Tuloy-tuloy pa rin ang kanilang pag-uusap hanggang sa umamin si Cy na nahuhulog ang kanyang loob kay Jing sa pangalawang pagkakataon. Gustong siya nitong ligawan pero naalala niya ang sinabi ng kanyang ina na magtapos muna siya ng kanyang pag-aaral bago makipagrelasyon. Sinabi niya na hindi pa ito handa dahil sa naging karanasan niya at ayaw niya itong maulit. Ngunit buo ang loob ni Cy na hintayin niya ito hanggang sa pwede na. Kahit na hindi pa pumayag si Jing na magpaligaw ay linigawan pa rin siya ni Cy. Kahit na nasa ibang bansa ito ay gumagawa siya ng paraan upang maipakita at maipadama niya ang kanyang pag-ibig kagaya ng pagpapadala ng bulaklak at mga tsokolate sa tulong ng kanila ring kaibigan. Kahit na magkalayo ay pinapadama ni Cy na mahalaga si Jing sa kanyang buhay, na hindi hadlang ang distansya sa kanyang pag-ibig.
Hanggang sa isang araw, ibinalita ni Cy na uuwi siya at magbabakasyon sa Pilipinas. Magkahalong reaksyon ang nadama ni Jing. Tuwa na may kasamang kaba dahil sa wakas magkikita na sila matapos ang anim na taon ng hindi pagkikita. Sinabi ni Jing sa kanyang ina na may nanliligaw sa kanya at uuwi ito at magbabakasyon.
Dumating ang araw na nasa Pilipinas na si Cy. Agad siyang nakipag-kita kay Jing at hindi matumbasan ang saya nilang dalawa. Pinakilala ni Jing si Cy sa kanyang mga magulang. Nagustuhan nila ito kaya’t lagi na itong dumadalaw sa kanilang bahay. Sinagot na rin ni Jing si Cy kaya’t sobrang saya ni Cy nang malaman ito. Minsan ay pinagpapaalam niya sa magulang ni Jing na mamamasyal sila. Naging masaya ang naging bakasyon ni Cy dahil nakasama niya si Jing at ang kanyang pamilya. Sinulit nilang ang bawat minuto na sila ay magkasama.
Hanggang sa sumapit na ang araw na babalik si Cy sa ibang bansa. Mabigat man sa kalooban ay masaya pa rin ang isa’t isa dahil sa kaunting panahon ay nagkasama sila. Bago sumakay sa bus si Cy ay niyakap niya nang mahigpit si Jing at sinabing “Babalik ako, hintayin mo ako hanggang sa magkasama na ulit tayo. Kaya natin ‘to mahal. Mahal na mahal kita”. “Hihintayin kita. Mag-iingat ka. Mahal na mahal kita”. Mangiyak-iyak na wika ni Jing. Sa ngayon ay hinihintay nila ang pagkakataon na magkikita at magkakasama silang muli. Akala ni Jing hindi na siya magmamahal pa, pero dahil kay Cy ay naniwala ulit siya na mayroon pa palang matinong lalaking magmamahal sa kanya ng higit pa sa akala niya.
2 notes
·
View notes
Text
Apology Letter sa Universe
Kumusta?
Pitong taon na ang nakalipas nang huling beses akong nag-Tumblr, pero parang walang nagbago—'yung Dashboard, ganoon pa rin. 'Yung mga nakikita at nababasa, halos walang pinagkaiba sa kung paano ko iniwan ang digital na mundong ito—kahambing nito ang pakiramdam na umuwi ka galing Maynila, bilang doon ka nag-aaral o 'di kaya ay nagtatrabaho ka. Nakikipagsapalaran sa gulong ng buhay. Sa bawat pagmulat, aasahan mong aayon sa iyo ang tadhana ang magsilibing bagong hudyat ng pag-asa ang iyong dadatnan sa bawat hakbang na iyong tatahakin. Sa iyong muling pagbalik, bukas-bisig kang tinatanggap ng iyong tahanan—wala mang mga galamay na kayang yakapin ang mura mong pangangatawan o walang labing hahagkan ang iyong kapayakan, ngunit ramdam mong ito ang iyong tahanan.
Sa muli kong pagbabalik sa mundong 'to, nawa'y maging salamin ito ng aking pagkatao na walang takot na ilalahad ang sarili—sa iyo, sa kanya, at sa taong may pananaw na liban sa akin.
Humihingi ako ng tawad sa aking pagkawala, sa mga kwentong sana'y dito ko napiling isulat. Sa mga sikretong dito ko na lang sana ibinulong, sa mga pagkakataong bumabalik ang pagmamahal ko sa pagsulat, at sa pagkakataong walang kayang makaunawa kundi ang pindutan ng aking keyboard ang natatangi kong kakampi.
Muli, patawad.
5 notes
·
View notes
Text
Tindahan Ni Aling Nena
Parang isang kwentong pampelikula–parang hihintayin nalang pitik ni direk, senyas ng nasa gilid para malaman kung maayos ang paligid; hindi maingay, tanging boses lang ng dalawang bibida sa pelikula ang maririnig ng mga tao. Ganoon ang ninais ko noong nakita ko ang anak ni Aling Nena na nakadungaw sa bintana ng tindahan. Hindi gustong sumablay sa buhay ngunit paano kung hindi ang paninda ni Aling Nena ang gusto kong masungkit at makuha mula sa tindahan niya, kundi ay ang nakadungaw sa taas–sa bintana ng kanilang tindahan? Hindi maaabot ng pera, sa panukling kendi o kaya naman sa pasambit na, “iho, pasensya na, wala kaming barya ngayon,” ang nag-iisang dalagang nakita ko. Ilang harana at tsokolate ba ang kailangan ng anak mo, Aling Nena, para tuluyang madala sa buhay na mala-pelikula ang pag-ibig na naudlot?
Oh, Diyos ko! Magmamakaawa pa ba, Aling Nena, para makilala at masambit nang tuluyan ang pangalan ko ng anak mo? Kailangan pa ba sumamba ng ilang santo, alamin ang bawat pahina ng bibliya na binabasa ninyo para sumang-ayon sa kasal na ihahandog ko sa unica hija ninyo?
Oh, Diyos ko! Ang unija hija pala ninyo ang hindi pabor sa presensya ko– ayaw sa mala-pelikulang pag-ibig ko. Ilang barya na ang nagastos, hindi pala ang bulsa ang maninikip sa sakit kundi ang puso ko. Ayos lang maubos ang laman ng bulsa huwag lang ipagkait ang katiting na pagtingin, pagsilip galing sa taas, sa bintana kung saan ka nakadungaw.
Tunay ngang isang pelikula ang pag-ibig nang siya ay bumaba at lumapit, ngunit sa pagsambit ng isang salita ay napulit bigla ang lahat ng iskrip sa isip at naiwang nakabuka ang bibig–saang linya ba nagkamali at parang sipol lang ng hangin tuwing tag-init ang pag-asa, walang hangin; “WALA!”
0 notes
Text
Halaga ng Buhay
“Have you ever wondered how much your life would be worth?”
Natural na magiging sagot ng tinatanong na hindi dapat binibigyang halaga ang buhay ng isang tao. Marahil dahil ito sa eksistensyal na tanong ng bawat indibidwal kung bakit ba tayo buhay dito sa mundo. Pwede din na dahil ito sa paraan kung paano tayo pinalaki sa ating mga bahay at nabuo ang ating mga moral na pagkakakilanlan. Subhetibo ang pagbibigay ng halaga sa buhay ng isang tao. Kung saan kanya-kanya ang krayterya kung paano nila ito matanto.
Pero kung sakali man na kung ganito ang magiging krayterya: kung gaano ka kasaya, kung gaano mo mapasaya ang iba, kung makamit mo ba ang iyong mga pinapangarap, at kung may kontribusyon ka ba sa panlipunan. Gaano nga ba tayo kahalaga?
Sumusunod ang kwentong “3 Days of Happiness” sa 19-taong-gulang na si Kusunoki na nasa kolehiyo at walang pera. Naniniwala noon si Kusunoki na nakalaan siya para sa mga dakilang bagay. Dahil sa pagiging bata, pinanghahawakan niya ang paniniwalang naghihintay sa kanya ang magandang buhay sa mga susunod na taon. Ngunit nang papalapit na siya sa edad na dalawampu't, isa na siyang ganap na katamtaman na mag-aaral sa kolehiyo na walang motibasyon, walang pangarap, at walang pera. Matapos mabigyan ng pahinga sa trabaho pagkatapos mawalan ng malay dahil sa kawalan ng pagkain sa loob ng ilang araw, nagpasya si Kusunoki na ibenta ang ilan sa kanyang mga libro at CD para subukang kumita ng pera. Narinig niya doon sa tindahan ng mga libro na maaari niyang ibenta ang kanyang mga natitira pang taon. Kahit na narinig niya kung gaano kaliit ang halaga nito-pinili niyang ibenta ang lahat ng kanyang natitirang buhay maliban sa kanyang huling tatlong buwan. Talaga bang sinira ni Kusunoki ang kanyang huling pagkakataon na makahanap ng kaligayahan…o mahahanap na ba niya ito kahit papaano?
Noong bata pa si Kusunoki lagi niyang iniisip na espesyal siya at malayo ang mararating niya sa buhay. Ngunit hindi niya naiwasan na maging isang katamtaman na estudyante pagdating niya sa kolehiyo. Maaaring dahil ito sa kawalan niya ng pangarap o sa burn-out. Nang dahil dito, lagi niyang nararamdaman ang pagkabigo niya sa buhay. At ang pagkabigong ito ang nagtulak sa kanya na mapalayo sa kanyang pamilya at kaibigan sa pag-asang espesyal siya at kaya niyang alagaan ang kanyang sarili nang hindi nangangailangan ng tulong sa ibang tao. Ngunit sa kasamaang-palad, hindi niya kinaya ang hirap at nawalan na siya ng pag-asa sa kanyang mga pangarap.
Naging desperado si Kusunoki na mapabago ang kanyang buhay. Kaya noong nalaman niya kung gaano talaga ang halaga niya, hindi niya napigilang ibenta ang karamihan sa kanyang natitirang buhay para magpakasaya nalang at mabuhay nang komportable. “What kept me bound to life thus far had been the shallow hope that something good might happen someday… That was my salvation, but it was also a trap. Which is why now that I’d been told ”Nothing good will happen in your life,” I could see it as a blessing. Now I could die at peace.” Mabibigyang kahulugan ang kilos na ito na paraan ng bida upang makatakas sa kanyang buhay at repleksyon nang kanyang depresyon at paniniwalang hindi siya mahalaga.
“The fact of the matter was, I’d always been a person who made himself difficult to save.” Mula sa simula hanggang sa kalagitnaan ng kwento, palaging iniiwasan ng bida ang pakikipagkapwa. Dahil ito sa kanyang pagiging arogante at kawalan ng atensyon at empatiya sa iba. Kaya nang naibenta na niya ang karamihan sa kanyang buhay, napagtanto niyang walang kahit isa sa kanyang pamilya at mga kaibigan ang dadalo at manatili sa kanyang tabi sa kanyang kamatayan. Dito na nabuo ang kanyang panghihinayang sa nakaraan at matinding takot sa hinaharap.
“At times like these, the quickest way to get back on your feet is to not resist the flow of your emotions, but jump into a pool of your own despair and wallow in self-pity.” Tugon ang kanyang ideya ng pagsira sa sarili sa pakiramdam na pagkakulong sa kanyang depression. Nagiging coping mechanism ng bida ang paglulok sa kanyang natirang buhay sa malingat at walang kabuluhang paraan upang malimot na niya ang kanyang pagka-kawalang halaga sa buhay. Pero sa paglaan ng oras na lagi siyang binabantayan ni MIyagi, ang kanyang nakatalagang tagamasid sa natitira niyang oras, unti-unti niyang nahaharap ang kanyang emosyon at problema sa sarili. Unti-unti din niyang nakita ang halaga ng buhay, na may mga maliliit na bagay talaga na dapat pahalagahan.
Si Miyagi ang naging anchor sa emosyon ni Kusunoki, ito din ang nagtulak sa bida na makita ang halaga ng pagkakaroon ng makabuluhang relasyon sa iba. Sa pamamagitan nito, nagbago ang pananaw ni Kusunoki sa buhay at unti-unti na siyang lumalabas at nakikipagkapwa sa iba. Na ang mapait na pagkaunawa na kahit sa pinakamadilim niyang sandali, may kahulugan ang buhay sa pamamagitan ng koneksyon sa iba.
Nagbibigay liwanag ang kuwento ni Kusunoki sa “3 Days of Happiness” sa malupit na katotohanan ng hindi naaganang depresyon. Sintoma na kadalasang nauugnay sa depresyon ang kanyang paghihiwalay, pakiramdam ng kawalang-halaga, at passive na saloobin sa buhay. Binibigyang-diin ng nobela na nangangailangan ang mga pakikibaka sa mental health ng pagkilala at suporta, hindi mga matinding hakbang tulad ng self-pity.
Isang malakas na paalala sa kahalagahan ng pananaw at koneksyon ng tao ang paglalakbay ni Kusunoki mula sa kawalan ng pag-asa tungo sa isang mapait na pag-unawa sa buhay. Nagpapakita ang kanyang kwento na kahit sa mga panahon ng malalim na kawalan ng pag-asa, may halaga sa paghahanap ng suporta at pagpapahalaga sa mga sandali meron tayo. Sa pamamagitan ng kanyang karanasan, hinihikayat ng “3 Days of Happiness” ang mga mambabasa na humanap ng layunin, bumuo ng mga relasyon, at harapin ang kanilang mga problema sa halip na tumakbo mula rito.
Sa isang mundo kung saan madaling makaramdam ng pagkawala, nagpapaalala ang kuwento ni Kusunoki sa atin na hindi masusukat sa pera ang halaga ng buhay ngunit sa mga relasyon na binuo natin at ang lakas ng loob na harapin ang ating mga hamon nang direkta.
Sanggunian:
Brizzi, F., & Shugaar, A. (2015). 100 days of happiness. Viking, Penguin Random House LLC.
1 note
·
View note
Text
Mahalaga din tong araw na ito sa akin dahil nag Year end party kami sa dagat kasama ang aking ikalawang pamilya sa simbahan.
At sumakay kami ng isang banana boat.
Sa larawan naman na ito ay nag bible study kami sa bahay ni ate Vivian sa Purok 13 Managok Malaybalay City.
laro namin ng araw na ito nakipag laro ang sumilao softball team samin. linaro namin ito sa MNHS ovall at kami ang nag wagi sa larong ito.
at hindi ko rin ito makakalimutan dahil Moving up namin ang araw na yan at with honors kami ng aking mga kaibigan.
Itong larawan na ito ay sa Casisang laro namin sa division at naka 2nd place kami.Kasama namin dito ang aming coach at isa nating guro dito sa MNHS.
Sa paglipas ng mga taon, marami akong naranasan na mga pangyayari na humubog sa aking pagkatao. Sa mga pagkakataong ito, natutunan kong ang buhay ay puno ng mga pagsubok at tagumpay, at bawat isa sa mga ito ay may aral na hatid. At sa bawat larawan, natutunan kong pahalagahan ang mga simpleng sandali. Ang mga ngiti, yakap, at tanawin ay nagsisilbing paalala na ang buhay ay puno ng magaganda at mahahalagang karanasan. Sa aking photo blog, nais kong ipakita ang mga kwentong ito at ipaalala sa lahat na sa kabila ng mga pagsubok, laging may pag-asa at pagmamahal.
Maraming salamat,Godbless!!🤍
IPINASA NI;
Cristine Jane C. Gaygay
IPINASA KAY TEACHER;
Rishel Baring Villarosa-Ares
11 NEWTON - STEM
0 notes
Text
My C.V.A.P. Week 1 Journey: Bakit ko nga ba gustong Maging Voice Artist?
Bakit ko nga ba gustong maging Voice Artist? Bakit ko nga ba gustong sumali sa CVAP? Ito ang mga tanong na paulit ulit sa aming naitatanong simula ng kami ay bago pa lamang makuhang CVAP scholar. Naitanong din muli ito sa aming Aquintance Night, maging sa Session 1 hanggang pati sa isa sa aming mga Assignment para sa unang Linggo namin sa CVAP.
Sa totoo lang, Ang una kong sagot ay gusto kong maging Voice Artist dahil ito ang aking pangarap, my first love ika nga. Simula pa man noong una, hindi naman talaga pagiging guro ang nais ko. Noon pa man gusto ko na talagang maging Radio Announcer or Dj, Anchor or Reporter sa TV or sa Radio. Ginusto kong makasali sa CVAP dahil noong una ko itong mapanood at marinig sa Episode ng Eat Bulaga na bawal Judgemental napukaw na nito ang aking interes. Nagkataon lang na hindi ko nai-push maituloy dahil wala pa akong sapat na ipon noon para mag-enroll dahil na rin nasa panahon pa ng Pandemya at madami pang inuunang mga gastusin. Kaya sobrang laking pagkakataon na makita ko ang Voice Over Challenge ni PapaLem sa Tiktok nitong August 2024. Grabe kala ko nga hindi na ako makakahabol kasi lagpas na sa deadline ang aking pagpapasa pero sa kabutihang puso ng PapaLem at dahil na din sa mala MMK kong pagsagot sa tanong niya na "gusto mo ba talagang makapasok sa scholarship?" ayun pinalad na mabigyan niya ng endorsement letter at doon na nga nagsimula ang lahat.
At ngayong Week 1 nga ng aking experience sa CVAP, grabehan agad ang Trainer na aming nakadaupang palad. Sa kanya ko narinig ang pinaka-kongkretong sagot sa mga naunang tanong sa akin noon na, bakit gusto kong maging Voice Artist at Bakit gusto kong makapasok sa CVAP? Si Trainer Navi ang nagpaalala sa amin sa #Pochology na "Someone out there needs to hear your Voice!" Itong kataga na ito ang nagparealize sa akin na kaya pala ako naririto ngayon at gustong maging VoiceArtist, hindi lang sa simpleng kagustuhan kong maging Voice Artist kundi dahil gusto kong may Makarinig ng Aking Boses! Boses na hindi tungkol sa pagandahan ng tono kundi gusto ko din marinig ang boses ko sa pagbabahagi ng kaalaman at inspirasyon sa iba.
Kagaya nga ng pagbabahagi ni Sir Navi, binigyan tayo ng boses hindi para magpasikat. Binigyan tayo ng boses para magbigay ng inspirasyon sa ibang tao. Na minsan ung mga masasama at mabibigat na pangyayari sa buhay natin ay hindi sa atin binigay ni Lord para parusahan tayo kundi para maging mas matatag tayo. Minsan kailangan nating madurog para muli tayong mabuo. Kailangan natin mapagdaanan lahat ng iyon dahil darating ang panahon ito ay magiging kwento at alaala na lamang. Mga Kwentong maaari nating maibahagi sa iba upang kapulutan din nila ng aral at inspirasyon. Na maaaring sa pagkakataon ngayon, ang sino mang makaririnig ng ating mga kwento patungkol sa pinagdaanan natin noon ay siya palang nakakaranas ng parehas na pagsubok na sa atin noo'y yumanig. At gamit ang ating mga boses at kwentong baon ngayon, maaaring palang maging inspirasyon ng iba tao upang magpatuloy din sa buhay at hindi basta basta susuko kagaya kung paano tayo naging matatag noon.
Masasabing Tunay na Makapangyarihan ang ating mga boses. Sabi nga sa isa pang Pochology ng ating Voice Master, "Don't underestimate the power of your voice."
Wag mong maliitin ang magagawa ng boses mo. Maaaring lingid sayong kaalaman, ang boses mo pala ang nagiging tulay upang maipahayag ang mga emosyon, damdamin at saloobin ng mga taong hindi kayang ihayag ang kanilang mga sarili. Na ang ating mga mumunting tinig at boses pala ang magbibigay liwanag at pag-asa sa iba upang patuloy na maniwala at manalig at lumaban sa buhay.
Sa kabilang banda, masasabi ko na napaka-swerte ko na matagpuan at makasali ako sa CVAP. Ang CVAP ang isa sa mga na nagpaalala at nagpaliyab muli ng aking mga Pangarap. Mula na nga rin sa acronym ng CVAP na; C for Choice, Tayo ang pipili ng landas na ating tatahakin sa buhay. V for Vision, nararapat lamang na mayroon tayong malinaw na vision at hangarin kung ano ba ang gusto nating mangyari at marating. A for Assess, makakatulong sa atin kung marunong nating sukatin at alamin ang ating mga sariling kalakasan, kahinaan at limitasyon. At ang huli ay P for Purpose, ang pinakamahalaga sa lahat ay dapat alam din natin ang dahilan kung bakit tayo patuloy na lumalaban at nagpapatuloy sa buhay.
Alam ko marami at malayo pa ang aking kailangan malaman at tahakin para maabot ko ang aking pangarap. Pero ngayon pa lang lubos na ang pagpapasalamat ko sa CVAP dahil muli nitong binuksan ang natutulog kong mga pangarap. Muli nitong pinaalala sa akin na hindi lamang dapat pangarap ang mayroon ako. Kinakailangan ko din ng puso sa mga bagay na gagawin ko. Na hindi lang puro sarili ko ang iisipin ko, na ang tunay na tagumpay ay matatamasa kung hindi lang ang sarili ko ang nagiging matagumpay bagkus gamit ang aking mga talento at kakayahan, nahahatak at may naisasama din akong iba pang mga nangangarap na marating ang tunay na tugatog ng Tagumpay at Kasiyahan. Isa nga si Sir Pocholo Gonzales sa buhay na patotoo ng ganitong paniniwala. Nang dahil sa kanya ito ako ngayon kasama ang iba pang mga aspiring Voice Artist na nabigyan ng pagkakataon ng CVAP upang mas linangin pa ang aming mga sarili upang maabot namin sa hinaharap ang aming mga pangarap at maging inspirasyon sa iba pang mga nangangarap at nagpupursigeng mga kabataan at indibidwal. #CVAPWeek1Experience #VoiceArtistJourney #BakitGustoKongMagingVoiceArtist #Blessed #Blog101
1 note
·
View note
Text
ANG PAGSISIKAP NG ISANG MAGSASAKA
Sa palagay ng aming pangkat ito ay tungkol sa mga hamon at mga suliranin sa kahirapan sa buhay ng mga tao sa mundo at tungkol sa maling pagpili ng mga desisyon ng mga tao sa buhay noong sila ay sobrang kumpiyansa na nauwi sa kanilang kahirapan at ang hindi patas na pagtrato sa ibang tao na may mas mababang katayuan sa pananalapi kaysa sa kanila.
Ito ay “Tao laban sa sarili” sa pamamagitan ng halimbawa na nagpapakita ng malalim na pag-iisip ukol sa personal na pag-unlad, pagsasakatuparan ng mga pangarap, at ang pagtanggap sa sarili sa kabila ng mga panlabas na hadlang.
Ang tema ng tao laban sa sarili sa Ang Mga Katulong sa Bahay ay nagbibigay sa atin ng mahalagang aral tungkol sa personal na pag-unlad at pagtanggap sa sarili. Sa ating sariling buhay, madalas tayong nakakaranas ng internal na tunggalian—ang pakikibaka sa ating mga pangarap at ang mga hadlang na inilalagay ng ating sitwasyon o lipunan. Ang repleksyon ay nagmumungkahi na mahalaga ang pagkilala sa ating sariling kahinaan at lakas upang makahanap tayo ng balanse at makamit ang tunay na pag-unlad. Ang pagtanggap sa ating sarili sa kabila ng mga limitasyon at pagsusumikap na magsikap para sa ating mga layunin ay isang mahalagang hakbang patungo sa personal na pag-unlad at kasiyahan.
Sa pagninilay namin sa kuwentong ito, natutunan kong higit pang pahalagahan ang mga magsasaka at ang kanilang kontribusyon sa ating lipunan. Naging inspirasyon sila sa akin na magbigay ng suporta sa ating mga kapwa sa abot ng aking makakaya. Napagtanto ko rin na marami pang kailangang gawin upang mapabuti ang kanilang kalagayan, kabilang na rito ang pagtulak para sa repormang agraryo, edukasyon, at mga makatarungang kondisyon sa trabaho.
Ang "Mga Katulong sa Bahay" ay hindi lamang isang kuwento ng mga magsasaka, kundi isang kwento rin ng pagkakaisa, paglaban, at pag-asa. Bilang isang indibidwal na bahagi ng mas malaking lipunan, tungkulin rin namin na kumilos at tumulong upang ang mga kwentong tulad ng kay Vei Tong Phung ay hindi na lamang manatiling kathang-isip, kundi maging isang repleksyon ng isang mas makatarungan at pantay na lipunan.
FILIPINO GROUP 1 SIERRA MADRE
1 note
·
View note
Text
"Ani ng Alaala: Kwento ng Magsasaka"
by: Christianne Alyssa Elaurza
--------------------------------- 🌾 🌾 🌾 -----------------------------------
Sa bukiring luintian kung saan sumasayaw ang mga gintong butil, matatagpuan ang makukulay na kwento ng aking lolo na naguukol sa kaniyang panahon bilang isang magsasaka. Ang mga kwentong puno ng buhay na tunay na sumasalamin sa sama-samang alaala ng mga magsasaka. Mandalas niyang maalala ang pagkakaisa niya ng kaniyang mga kapatid at pinas, ang mga kalalakihan nagtatayong taga ani ng mga palay, mga kababaihan, tagahanda ng pagkain na pagsasalu-saluhan nila. Para kay lolo, ang pagaani ay panahon ng kagalakan, isang pagdiriwang ng pagsusumikap at pagkakaisa. Iba man sa iniisip ng iba, para sa kaniya ang bukirin ay lugar ng kasiyahan, isang lugar kung saan kaya mong tumayo sa sarili mong mga paa, lugar kung saan tila ba’y di mo na kailangan alalahanin ang mga matitinding isipin ng taga Maynila. Gayunpaman, hindi perpekto ang buhay ng mga magsasaka. Puno parin ng mga problema. Ang mga bagyo, ang mabangis na mga hayop ng kalikasan, ang magpapatumba sa mga makapangyarihan puno ng niyog, iniiwang sawi ang magsasaka, iniiwang puno ng lungkot at takot, sapagka’t alam nilang ilang panahon pa ang dadaan bago mamunga muli ang mga puno. Kahit ang mga pagbubuhay ng aking lolo ay galing sa sarili niyang mga alaala, ang mga kwentong ito ang sumasalamin sa mas malawak na karanasan ng mga magsasaka; isang buhay na puno ng pagsusumikap at pagtatanggumpay, isang buhay na puno parin ng mga hamon, isang patunay ng kanilang katatagan at walang hanggang pag-asa na siya mismong nagpapabunga sa mga ani nilang sila mismo ang nagtanim.
1 note
·
View note
Text
MY IKEA STORY | INSPIRATIONAL | KWENTO KO KWENTO MO, MAY KWENTA ITO
youtube
Naging mapanlaban at mas positibo ang aking kaisipan. Hindi ako sumuko matapos iwanan ang IKEA. At ito kwento ko ngayon sa inyo.
Ipinagpatuloy ko ang aking passion, at sa vlog na ito, aking ipapahayag kung bakit mahalaga na huwag tayo mawalan ng pag-asa at paniniwala sa ating sarili.
Naiwan ko ang aking trabaho sa IKEA dahil sa aking injury at hindi na ito ang nababagay sa akin. Nagtrabaho ako ng halos pitong araw sa isang linggo, labing-tatlong oras kada araw. Bakit, tanong mo? Sa susunod na vlog nalang yan, isa pang kwento.
Minahal ko ng sobra ang kumpanya. Kaya iniyakan ko talaga ito. Dahil IKEA rin ang susi ng VoiceOver Sakura na voiceover brand name ko ngayon.
Noong una, hindi ko inaasahan na magtatagal ako roon. Subalit, ibinigay ko sa sarili ko ang oras na kinailangan. Para matutunang mahalin ang trabaho. Nagustuhan ako ng mga manager at nabigyan ng maraming oras ng trabaho sa sales at logistics na iniisip ko dati na hindi naman to para sa akin, na di naman nagtagal ay sobrang minahal ko.
Nakayanan ko ito ng walong taon, at umiyak ako nang sobrang-sobra noong aking iniwan ko ito. Subalit sa buhay lahat ay may dahilan. Bawat pintong isinasara, patnubay ng Diyos yan at sa huli mo lamang malalaman at mainintindihan ang dahilan.
Sa mga aral na aking natutunan noong unang linggo ng aking Certified Voice Artist Program, isa sa mga pinaka-mahalagang Pochology na natutunan ko ay ang "Don't chase your dreams. lead them." Hindi sapat na sundan lang ang ating mga pangarap; kailangan natin itong itaguyod.
Mahabang kwento ang aking buhay IKEA ko pero konti lang muna ang ibabahagi ko ngayon sa inyo. Ang video na Ito ay kuha noon charity day namin. IKEA is a company with a big heart. I am glad these moments were captured. Ilang taon na ito sa files ko and hindi ako nag attempt agad I post ito. Kasi sabi ko, balang araw lalapatan kita ng kwento. Gusto ko magiging espesyal ang voiceover na gagawin ko. Gusto ko magiging mas makabuluhan ang magiging mensahe nito. Kaya naman sa week 1 ng training ko sa Certified Voice Artist Program, naatasan kami na gumawa ng vlog at naisip kong ito ang ipapasa ko. Ito na yung tamang panahon, Ito na yung tamang pagkakataon. Ito na yung ganap na pagbabagi ng kwentong IKEA ko. Because someone out there needs to hear my voice.
Taong 2012 nang pumasok ako sa IKEA. Hindi ito naging madali. Dumaan ako sa maraming pagsubok bago ako naging permanenteng empleyado. Marami pa akong kuwento tungkol sa IKEA, pero ngayon, magbibigay lang ako ng maikli.
Naging mapanlaban ako at hindi sumuko. Patuloy kong kinuha ang mga oportunidad na nagbubukas, at sa bawat hakbang na aking ginawa, nadadagdagan ang aking pananampalataya sa sarili at lalo na sa Diyos. Ang buhay ay puno ng pagsubok, ngunit hindi tayo dapat mawalan ng pag-asa. Ipinakita ko sa sarili ko na kahit gaano ito kahirap, kung tunay mong inuuna ang iyong pangarap at ginagabayan mo ito, magtatagumpay ka.
Sa mga pagkakataong iniwan ko ang IKEA, natutunan kong mahalin ang aking sarili ko at sundan ang aking mga pangarap. Hindi ko lamang sinunod ang mga pangarap ko; pinanindigan ko ang mga ito nang may determinasyon. Ngayon, handa akong ibahagi ang aking kuwento at ang aking tinig sa mundo. Dahil alam ko, mayroong mga tao diyan na nangangailangan na marinig ang mensahe ng pag-asa at determinasyon. Huwag tayong mawawalan ng pag-asa. Huwag tayong mawawalan ng paniniwala sa ating sarili. Sa huli, tayo ang magpapatakbo ng ating mga pangarap. At balang araw, kwento mo rin ang maririnig ko.
At dahil nga sa trabaho naming sa IKEA, madalas kaming gumawa ng mga iba’t ibang display items at mag build ng IKEA furniture, nasanay kami na hindi na tumingin sa instruction manuals. Kaya naman dahil sa charity day namin at protocol ng kuumpanya na sundin namin ang instruction manuals sa ayaw at sa gusto namin, ang nagaganap, disaster happens!
Makaka relate ka lang sa sinasabi ko kung isa ka ring IKEA Co-worker. Napakasarap mag trabaho sa IKEA. Individuality is observed. Lahat ng personalities andun. They let you spread your wings. Lahat ng bossed naririnig. Lahat pantay pantay. Lahat napaka humble. Sobrang ganda ng culture sa IKEA. Kaya tuwang tuwa ako nung nagkaroon ng IKEA Philippines. Sobrang tuwang tuwa ako para sa mga kapwa ko Pilipino. Congratulations sa lahat ng nag ta trabaho ngayon sa IKEA Philippines Mabuhay. Naway mahalin Ninyo ang kumpanya hanggat kaya nyong manatili diyan. Dahil ang IKEA, mamahalin ka rin hanggat kaya mo. Pero sa mga panahong kailangan mo na ring mamaalam, irerespeto nila yun. Hahayaan ka nilang mamayagpag kung saan mo gustong magpunta. Hindi ka nila iipitin. Ganon ang tunay na kumpanyang may puso at suporta.
Hindi dito magtatapos ang kwento ko. Marami pa akong gustong ibahagi.
Isang napakasakit at madamdaming pamamaalam, IKEA.
Magkikita tayong muli.
© VoiceOver Sakura- All Rights Reserved. Unauthorized duplication or use of content from this site is strictly prohibited. Protected by international copyright laws."
LAARNI RIVERA 2023
1 note
·
View note
Text
Social Work
Performance Task on Disciplines and Ideas Applied in Social Science
Written by: Melonny Grahams
Ako si Arlyn at ito ang kapatid ko na si Marlon, Bata pa lang ay pilit na kami pinagta-trabaho ng aming mga guardian. Imbes na nasa eskwelahan, kami ay nasa arawan at nagbabanat ng buto. Ngunit kami ay sinagip ng mga social worker at nilagay sa foster care. Dito ay naramdaman namin ang kalinga at pag aaruga. Kalaunan ay nagkaron kami ng bagong mga guardian na tuluyang ibinigay ang lahat ng aming pangangailangan.
Ako si Robert, napariwara ako noong kabataan ko kasama si Maya Mga hindi magandang asal na nauwi sa di magandang gawain. Akala namin at ng lahat ay wala na kaming pag asa. Kami ay inilagay sa residential care. At dahil dito ay unti unting nabago ang hindi magandang asal at gawain namin, salamat sa proyektong ito ng social work.
Dito sa lugar namin ay karaniwan na ang mag-asawa ng maaga at magkaron ng malaking pamilya. Hindi karaniwan ang salitang “family planning” sa aming lugar. Kaya naman ang aming pinuntahan ang kanilang lugar. Bilang social worker ay kasama sa aming tungkulin ang gabayan ang mga tao para magkaroon ng maayos na pamumuhay. Maraming dahilan kung bakit ang family planning ay hindi nabibigyang pansin ng mga tao. Kaya naman ay nagsagawa kami ng Family services gaya ng seminars about Family life education at family planning. Salamat dito ay nalaman ng mga kapitbahay ko ang kahalagahan ng family planning at nabago ang mga maling akala nila dito.
Ang tatlong kwentong inyong narinig ay nagpapakita ng tatlong layunin ng social work Ang caring, curing and changing. Sa unang kwento ay ipinapakita ang layunin ng social work na ibigay ang kalinga at pag aaruga sa mga taong nakaranas ng hindi magagandang pangyayari o mas kilala bilang “caring” Sa ikalawang kwento naman ay makikita ang pagtulong sa tao upang mabago ang maling asal at pag uugali na nakaka apekto sa pakikihalubilo sa ibang tao. Ito ay “curing”. At huli, makikita dito ang pag educate ng mga social worker sa mga tao tungkol sa family planning upang mabago ang kanilang maling akala dito. Ito ay ang tinatawag na “changing”
Ang caring, changing at curing ay ang mga nais makamit ng mga social worker sa bawat tao, pamilya at pamayanan na kanilang tinutulungan. Maraming buhay ang nababago at natutulungan dahil sa social work.
0 notes
Photo
Puno (March 4, 2017 - 1:44 PM)
Sa dulo sa malayo Sa malayo sa di maabot Sa lugar kung saan katahimikan ay nahahanap Sa lugar kung saan katahimikan ang nangingibabaw.
Lugar na dating pinupuntahan Lugar na ngayo’y binabalikan Mga kahapon na natapos na Mga kahapon na nagdaan na.
Katulad ng isang dahon Nanggaling sa sanga at nagsihulog Mga tuyong dahon sa lapag Maihahalintulad sa tuyo kong laway.
Mga salitang hindi nabitawan ng maaga Mga dahon na namatay at saka nahulog Mga salitang kinimkim at tinago Mga dahon na namatay at saka nahulog.
Ako na maihahalintulad sa puno Naubusan at namatayan ng sandamak-mak na dahon Ako na maihahalintulad sa puno Ubos na ang mga dahon na aking tinuring na pag-asa.
#usapang pagibig#usapang puso#usapang buhay#kwentong buhay#kwentong pagibig#kwentong puso#poems#poem#tula#usapang tula#kwentong tula#filipino poems#filipino poetry#tulang pilipino#puno#dahon#wasak na pag-ibig#uwi nalang ako#usapang pag-asa#kwentong pag-asa
2 notes
·
View notes
Text
Gabi na, pero nalulungkot pa rin ako. 🌧️
There’s this student in my class na makulit, pero mabait naman. Mahilig mang-asar ng kaklase, pero maayos naman during discussions. Masayahin at palabiro.
He’s been absent for two days kasi nasa ospital ‘yung mama niya and he needs to look after his younger siblings.
Paggising ko around 4AM kahapon, may message siya na ‘di pa rin siya makakapasok. Wala na raw ‘yung mama niya. Cancer. Masyadong mahal ang mga medications, kaya, hindi naging patuloy ang gamutan.
Kanina, after ng activity sa school, dumalaw kami ng isa kong co-teacher sa kanila. Ang usapan namin ‘nong kasama ko, mabilis lang kami. Mukhang uulan kasi nang malakas.
Pero ang warm kausap ‘nong pamilya nila na inabot ata kami ng mahigit isang oras. Hanggang sa umaambon na nga.
And right there, na-realize ko na hindi pala talaga natin mababasa ang kwento ng isang tao base sa nakikita lang ng mga mata.
The things I heard and discovered broke my heart.
‘Di ko lang siguro kaya at pwedeng i-kwento lahat, pero madami talaga akong baon baon na realizations pagkatapos.
‘Yung student ko, pangalawa sa apat na magkakapatid. Dalawa sila ‘nong kuya niya na nasa high school. ‘Yung isa naman nasa elementary. Tapos ‘yung bunso, 1 year old pa lang.
‘Di rin nila kasama ‘yung father nila for reasons I can’t disclose. Maiiwan sila sa lolo at lola. Si Lola, paminsan-minsan nagtitinda ng merienda. Si Lolo, nagsisikap mag-school service sa mga estudyante kahit matanda na.
Nalungkot ako sa mga kwentong narinig ko, pero I can tell na hindi ‘yon mga kwentong humihingi ng awa o sympathy. Those were stories filled with hope and pride. ‘Yun bang mga kwentong tungkol sa hardships, pero inilalaban, ginagawan ng paraan.
Ordinaryong kwento na siguro dito sa atin ‘yung mga batang pumapasok ng pamasahe lang talaga ang baon at nilagang itlog ang ulam sa binalot o ‘yung mga hindi nakakapasok para mag-sideline at makahanap ng pambaon, pero to witness these kind of stories firsthand sa era kung saan lahat ay nakikisabay sa uso — just hits different.
Kanina, habang kausap si Lola, I can feel how she direly needs help pero malinaw rin na ‘di siya nauubusan ng pag-asa. Alam niyo ‘yung pakiramdam na parang ‘di alam ang susunod na gagawin, pero bahala na? Pero kakayanin? Pero gagawan ng paraan? Ganun.
Si Lord talaga, may mga paraan para ipa-realize sa atin na despite the pains and troubles we feel, maraming mga bagay pa rin ang dapat ipagpasalamat. ‘Yun bang mga pagkakataong nararamdaman natin na parang sablay tayo sa lahat ng aspects ng buhay, pero biglang ibubukas ang mga mata natin sa kwento ng iba — na mas nahihirapan, pero mas kinakaya.
Hay.
Ang hirap din talaga ng ganitong trabaho minsan, eh, ano? Hindi talaga natatapos ang pag-aalala sa mga bata kahit nag-time out ka na.
11 notes
·
View notes
Text
Mga Kwentong Bayan ukol sa Kababalaghan
Raigne Josephine F. Cauba, Klyne M. Codera, Happy Blanche Delos Reyes, Christian Lloyd A. Gabito, Angelo Pocong, John Phillip Y. Sarmiento at Aubrey Lynn R. Soliano.
Gng. Elsie Alvaro
BA Communication - Film Media
Setyembre 30, 2021
PANIMULA
Ayon sa nakuhang datos ni Catipay, nalaman na ang mga kwentong Sugbu-anun ay napapabilang sa apat na kategorya ayon sa gamit nito, ito ay ang Pampamilya, Pangkatakutan, Pangkalikasan, at Panrelihiyon (7). Ang pamumuhay ng mga Cebuano ay lumitaw sa pamamagitan ng pagsusuri ng iba't ibang mga tema. Ang mga sumusunod ay ang mga tema na naging gabay ng mga Cebuano para sa isang matiwasay at ligtas na pamumuhay: pakaingatan ang kalikasan, pagpapahalaga at paggalang, pagkakaroon ng masasamang pwersa sa mundo, pagiging handa, paghiling ng kapatawaran, pagpapanatili ng kabuhayan, at pagiging relihiyoso. Ang naturang likas na pag-uugali ng mga Cebuano ay nananaig din at ito ay nahahati sa anim na mga kolektibong pagpapahalaga: una, pagpapahalaga sa relasyon, pangalawa, pagpapahalagang sosyal, pangatlo, pagpapahalaga sa kalooban, pang-apat pagpapahalaga sa kabuhayan, panlima, pananampalataya at relihiyosong halaga, at pang-anim ay ang positibong pananaw. Isinaad ni Dundes na ang mga kwentong bayan ay representasyon ng imahe ng kanilang isipan, kaya palaging sumusunod na ang pag-aaral sa mga pasalitang tradisyon natin ay makatutulong upang maunawaan ang ating sarili bilang isang tao kung ito ay maipapaliwanag. Ang mga pasalitang tradisyon ay salamin ng kultura na nagbibigay ng natatanging bagay para sa maiging pagunawa sa ating sarili at pag-unawa sa iba pa.
Mahalaga ang k’wentong bayan sa paghubog ng sangkamalayan ng kabataang Pilipino. Ito ang paksang ipinunto ni Prop. Felipe P. de Leon Jr., dating Tagapangulo ng National Commission for Culture and the Arts (NCCA) at kasalukuyang propesor ng Aralin sa Sining sa Kolehiyo ng Arte at Literatura ng UP Diliman (UPD), sa “Sampaksaan sa Kwentong Bayan,” Peb. 23 sa UP NISMED Auditorium. “Maraming gamit ang mga kwentong bayan para sa mga bata: malinang ang mahusay na pagpapasya, mamulat sa ibang kultura, makapagdulot ng mabuting asal, mapahalagahan ang ibang tradisyon, tumuklas ng ibang pananaw at makaalok sa mga arketipong tunay na bukal ng kabihasnan at kadakilaan. Habang nagpasalin-salin sa maraming henerasyon, ang mga kwentong bayan ay humuhubog ng pagkatao at tumutulong sa pagbigay pag-asa tungo sa makabuluhang buhay. Naipaloob sa mga kwentong bayan ang mga magagandang katangian tulad ng malasakit, pagkamalikhain, pagtitiwala at katapangan gaya ng kwento ni Bernardo Carpio,” ani De Leon.
Sa panahon ngayon, marami pa sa atin ang wala gaanong alam tungkol sa mundo ng kababalaghan, kung kaya’y maraming bagay pa ang hindi natin natuklasan tungkol dito. Noong unang panahon pa lamang ay marami na ang nagaganap na kababalaghan dito sa Pilipinas. Naririnig natin ito sa mga kwento ng mga nakakatanda o kaya naman ay sa mga aklat o babasahin. Hindi maipagkakaila na ang Pilipinas ay likas na malakas ang paniniwala sa mga espiritu at iba’t ibang elemento ng kababalaghan tulad ng tikbalang, duwende, tiyanak, white lady, aswang, tiktik, mangkukulam at marami pang iba. May iba’t ibang pinanggagalingan ang mga paniniwala na ito, nakadepende kung saang parte sa pilipinas ito nag-mula. Pinaniniwalaan na ang mga ito ay kalimitang lumalabas tuwing sasapit na ang dilim at umaabot hanggang alas tres ng madaling araw. Sapagkat, sa pagsapit ng araw ng mga patay sinasabing ang mga ito mas mahigit na makapangyarihan kaysa sa normal na araw.
Sa kabila ng mga kwento na nakapaloob dito, marami pa rin sa mga pilipino ang hindi naniniwala sa kadahilanang ang mga ito ay nanggaling lamang sa imahinasyon ng tao at purong kathang isip lamang. Bagamat, hindi maipagkakaila na malaki ang impluwensya ng mga elemento ng kababalaghan sa buhay ng mga Pilipino. Dahil dito, lumalabas ang iba’t-ibang kwentong bayan na siyang naging libangan ng mga magkakaibigan, o kaya naman ay ginagamit na panakot ng mga nakakatanda sa anak nilang matigas ang ulo. Nauuso rin ang paggamit ng agimat na kilala rin bilang anting-anting na siyang mutya o alindog. Ang agimat ay nakakatulong sa kakaibang pakikipaglaban, kakayahang labanan ang mga sakit, o kaya naman ay labanan ang takot. Ito rin ay mabisang proteksyon o panangga sa mga masasamang elemento tulad ng kulam.
GLOSARYO NG MGA SALITANG GINAMIT
Kababalaghan - mga pangyayari na hindi maituturing na ordinaryo o bagay na hindi kayang gawin ng isang tao.
Tikbalang - mitolohiyang nilalang na may ulo ng kabayo, mahahabang binti at hita ng kabayo, katawan at mga kamay ng isang tao. Gaya ng kapre, pinaniniwalaang naninirahan ang matatangkad na tikbalang sa malalaking puno, gaya ng balete, at nakikitang nakaupo sa pinakamataas na sanga ng punong kahoy.
Duwende - ang isang duwende ay isang mala-taong pigura sa kuwentong bayan, isang maliit na tao na naninirahan sa punso. Sinasabing may angking kapilyuhan daw ang duwende at mahilig mag-laro sa mga tao.
Tiyanak - ay isang bampirang nilalang sa mitolohiya ng Pilipinas na nagmula sa isang bata o sanggol.
White Lady - sila ay pinaniniwalaang espiritu ng isang babae na naka puting damit, hindi maganda ang naging dahilan ng pagkamatay nito.
Aswang - isang mitolohiyang nilalang na pinaniniwalaang kumakain ng laman loob ng tao o hayop.
Tiktik - nilalang na kung saan may kakayahan na pahabain ang dila na di umano'y ginagamit nila para kunin ang sanggol sa loob ng tiyan ng isang nagdadalantao na babae.
Mangkukulam - isang uri ng tao na may kakayahang gumawa ng itim na mahika.
LAYUNIN NG PAG-AARAL
Layunin ng pag-aaral na ito ang malaman ang mga katangian ng mga kwentong bayan partikular na sa mga kwentong kababalaghan sa napiling lugar at paano ito nakakaapekto sa pamumuhay ng mga tao. Upang malaman rin ang mga kulturang nakapaloob dito.
Lugar ng Pag-aaral
Nakabase ang pag-aaral na ito sa mga kwento ng mga residente sa probinsya ng Cebu.
INSTRUMENTO AT KAGAMITAN NG PANANALIKSIK
Gumawa ng isang ‘one on one’ interbyu ang mga mananaliksik upang makakalap ng sapat na impormasyon ukol sa mga kwentong bayan sa kanilang lugar na ipinagtibay sa pamamagitan ng pribadong pag-mensahe gamit ang internet at malaman ang iba’t-ibang uri ng kababalaghan.
Pinagmulan ng mga Datos
Ang pag-aaral na ito ay ginawa ayon sa deskriptibong pamamaraan ng pananaliksik. Layunin ng mga mananaliksik ang suriin at mapag-alaman ang pananaw ng sampung (10) mga tagatugon o kalahok na galing sa ibat-ibang estado ng pamumuhay sa mga piling lugar ng Cebu, tungkol sa mga kwentong kababalaghan na kanilang kinalakihan.
RESULTA AT PAGTATALAKAY
Mga Tema
Sa unang talahanayan ay makikita ang mga saloobin ng mga kinakapanayam ukol sa mga kwentong bayan ng Pilipinas. May mga kinakapanayam na naniniwala sa mga kwentong bayan, mayroong nagdadalawang isip at mayroon ding hindi talaga naniniwala. Kadalasan sa mga kinakapanayam ay naniniwala sa mga kwentong bayan dahil sa kultura ng Pilipinas. Karamihan sa naniniwala ay dahil sa kanilang pagpapahalaga sa tradisyon at kultura ng Pilipinas. Nakikita nila kung ano ang kultura ng Pilipinas sa pamamagitan ng mga kwentong bayan. Marami din ang naniniwala dahil sa pinanggalingan nitong mga ninuno ng mga Pilipino na mismong nakaranas ng mga bagay na ipinapahayag sa kwentong bayan. Naniniwala rin sila dahil sa kanilang pagtangkilik sa panitikang Pilipino. Ang iba naman ay napilitang maniwala dahil may mga bagay na hindi madaling maipaliwanag sa Agham at naiidugtong nila sa mga kwentong bayan.
Sa pangalawang talahanayan makikita ang mga dahilan kung bakit binibigyang halaga ng mga kinakapanayam ang mga kwentong bayan ng Pilipinas. Pinapahalagahan ng karamihan ang kwentong bayan dahil sa kultura ng Pilipinas. Pinapahalagahan nila ito dahil ito ay nagsisilbing repleksyon ng bawat isa. Ang pagkakakilanlan ng Pilipinas ay makikita sa kwentong bayan kaya pinapahalagahan ito ng karamihan. Nakikita rin sa ikalawang talahanayan ang pagpapahalaga ng mga kinakapanayam sa kwentong bayan upang mapanatili ang kultura sa pamamagitan ng pagtuturo at pagbabahagi nito sa mga sumusunod na henerasyon o mga kabataan ng Pilipinas.
Sa huli o pangatlong talahanayan makikita kung nakakaapekto ba sa buhay ng kinapanayam ang kwentong bayan o hindi. Marami ang nagsasabi na nakakaapekto ito sa kanila sapagkat naniniwala sila sa mga ito. Nakaapekto ang kanilang paniniwala dahil isinasabuhay nila ang mga aral na kanilang nakuha nila sa mga kwentong bayan.
PATUNAY NA BABASAHIN
Ayon kay Catipay, natural na bagay na sa mga Pilipino ang mayroong maraming pinaniniwalaan(8). Ang mga paniniwalang ito ay nagmula pa sa panahon ng mga nakakatanda; gaya na lamang ng mga makapangyarihang nilalang. Ang mga paniniwalang ito ay bunga rin ng tradisyon at kultura ng mga Pilipino. Sa pagkakaroon ng limitasyon ng edukasyon noong unang panahon, kadalasan ay ginagamit ang mga paniniwalang ito ng mga matatanda upang ikwento at mabigyan ng kahulugan ang mga bagay at lalong lalo na upang may panakot sa mga bata; naging sanhi na rin ito ng paglawak at pagpapatuloy ng mga kwentong bayan sa mga sumusunod pa na henerasyon.
Ginagamit rin ng mga lokal na mamamayan ang mga kwentong bayan upang mailahad sa mga dayuhan ang kanilang mga kwento. Ang mga kwentong ito nakalakip sa isang pangyayari, bagay, lugar, tao at iba pa. Kasama na rito ang mga kwento na sa kadahilanan ng paglaki ng populasyon ay unti-unti nang nawawala ayon kay Carlos Fernandez “The Rainbow Sustainable Tourism Development Model” (nabanggit sa Rodriguez et al. 3)
Sa napakaraming panahong nakaraan, ayon kay Evasco, hindi pa rin nawawala ang ating pagkagiliw sa paggawa ng kwento (71). Ngunit, ang mga kwentong ito ay mayroon ng mga pagbabago o iba’t ibang bersyon dahil sa impluwensya ng ating mga magulang at sa kung kanino man natin ito nakuha. Maituturing na isang pamana ng mga naunang mga Pilipino ang paglikha ng kwento na ang pangunahing tema nito ay mga kababalaghan sa kalikasan.
Bukod sa kalikasan, isa rin ang mga hayop sa mga pangunahing pinagkukunan ng ideya sa pagbuo ng mga kwentong bayan. Sa mga kwentong ito ay maaaring ang hayop ay mayroong pag iisip ng isang tao. Maari ring ang hayop ay may katawan o pisikal na katangian ng tao (Thompson, 9).
Bukod naman sa pagkakaroon ng mga kakaibang mga karakter at mga iba’t ibang pinaghuhugutan nito ng mga ideya ay mayroon din itong mga naitutulong sa pagkakaroon ng mabuting asal ng mga tao. Ayon kay Hart, ang mga kwentong bayan ay mayroong kakayahang maglahad ng mga moralidad sa pamamagitan ng pagkakaroon ng parusa at ganti kalakip ng mga negatibo o positibong aksyon ng mga karakter sa mga kwentong ito (168). Sa madaling salita, ang kwentong bayan ay isang didaktikong bagay na nagtuturo ng mga asal.
KONKLUSYON
Sa kabila ng pag-unlad at unti-unting pag usbong ng teknolohiya sa mundo, mayroon pa ring iilan sa atin ang naniniwala sa mga kwentong kababalaghan. Marahil nanggaling ito sa mga taong nakaranas mismo nito. Ngunit hindi natin maitatanggi na mayroon ding kontra o hindi sumasang-ayon sa paniniwala sa ganitong mga bagay dahil na din sa kanilang sariling pananaw at opinyon sa mga kwentong bayan. Ayon sa aming mga nakalap na impormasyon pito (7) sa sampung (10) mga indibidwal na aming nakapanayam ang naniniwala pa rin sa mga kwentong kababalaghan, at iilan sa dahilan ng kanilang paniniwala ay ang kultura at tradisyon, at dahil na din sa mga kababalaghang walang makakapag paliwanag. Sa kabilang banda, tatlo (3) sa sampung (10) mga indibidwal na aming nakapanayam ang hindi naniniwala. Isa sa kanilang mga dahilan ay ang ganitong mga kwento ay gawa-gawa lamang ng mga tao na may malikot na imahinasyon.
REKOMENDASYON
Maari nating masabi na nakatulong rin ang kwentong bayan sa paghubog ng pamantayang moralidad na nagdudulot ng kapayapaan sa mga mamamayan at pagtataguyod ng kultura ng mga Pilipino. Bagaman, ang pinakamahalaga sa lahat ay ang pakikipag-intindihan at ang respeto sa paniniwala ng bawat isa.
SANGGUNIAN
Lieban, Richard Q., and Richard Warren Lieban. Cebuano sorcery; malign magic in the Philippines. Univ of California Press, 1967.
Documentary. Mga Kababalaghan, 2016, https://kababalaghanblog.wordpress.com/
Catipay, Trina Marie A. "Antolohiya ng mga Sugbu-anun’g Kwentong Bayan: Pagbabalik-tanaw sa buhay at kulturang Cebuano." Asia Pacific Journal of Multidisciplinary Research 7.1 (2019).
Jadloc, Mariamme D. “K’wentong Bayan mahalaga sa Kabataan”, 2017, https://upd.edu.ph/kwentong-bayan-mahalaga-sa-kabataan/
Rodriguez, Ma, and P. Corazon. "INTERPRETIVE STORIES (KWENTONG BAYAN) OF SARIAYA, QUEZON AND TOURISM AS A LIVED EXPERIENCE." Social Science Diliman 7.1 (2011).
Evasco, Eugene Y. "Sa Pusod ng Lungsod: Mga Alamat, Mga Kababalaghan Bilang Mitolohiyang Urban." Humanities Diliman: A Philippine Journal of Humanities 1.1 (2000).
Thompson, Stith. The folktale. Vol. 204. Univ of California Press, 1977.
Hart, Harriett E. "Collecting folktales in the Bisayas, Philippines: Purpose and method." Philippine quarterly of culture and society 8.1 (1980): 73-85.
M1-M2: Gabito at Sarmiento (tagapagpanayam)
M3-M5: Codera, Delos Santos at Soliano (manunulat/kritik)
M6: Pocong (content editor)
M7: Cauba (Tagapagtaguyod sa panlipunang midya)
#horror#folklore#kwentongbayan#philippines#kababalaghan#critiqueblog#kritikongblog#project#educational#mythology
40 notes
·
View notes
Text
UNIVERSITY SERIES: My Reaction as a Reader....
1/2
I am an avid reader of Wattpad stories since 2013, lalo na noong panahon ng mga gangster tapos nakaEbook yung mga nababasa ko noon. Lagi ako umiiyak kapag tragic yung stories then iniiwasan ko nga basahin ang mga ganun na tragedy or hindi endgame yung mga bida.
Since my fourth-year of high school, I’m really fond of teen fiction, romance, and school themes.
But them, my preferences changed, gusto ko na yung hindi puro cliches, yung may thrill, tragic, o kaya mapapaisip ano mangyayari sa susunod na kabanata. Now, I preferred Young Adult, Mystery Thrillers, Romance, and something related about Law (pero hindi ko pinangarap maging lawyer ha.) Dahil tumatanda na din ako, naiiba na din preferences lalo na kapag series binabasa ko. It started 2020, panahon ng pandemya when I discovered University Series through Twitter. Trending eh yung SSA noon eh. I was curious, akala ko Korean Drama but it was a Wattpad Story about a flight attendant and pilot. Hindi pa tapos yung story noon eh. Then I was attached to the main characters and the plot. The story line, dialogues, and unexpected events were superb. Napapacritical review naman na ako dito, pasensya na. Nasanay lang since ang career ko ay somehow related to grammar and literature (I’m an English teacher pala, skl and Taglish ang gagamitin ko here). Back to the story, langya napaiyak ako akala ko nasama sa plane crash si Hiro, naku wala nang pag-asa at hindi na sila endgame ni Yanna. Yun pala may patwists si author. I really love the storyline because it is realistic. Iyo ang hinahanap ko sa mga kwentong nababasa ko, English man or Filipino. Dream ko kasi maging Wattpad writer but I lack motivation and time na since alam niyo naman hectic din work ng teacher. Back to what I’m saying, reading SSA brought me to know more about Gwy’s other stories like The Rain in Espaňa and grabe din attachment ko din dito, inuulit ulit ko pa basahin lalo na it is related again sa law and especially architecture, my dream course. Nakakaiyak yung part na nagbreak sila and the reconciliation after 10 years and It’s still you. :) After TRIE, yung Chasing n the Wild naman, it is one of my happy pill stories since nandiyan si Sevi who never failed to make jokes in every chapter pero umiyak din ako sa story nila ah ni Elyse. Then, next one was the Avenue of Diamonds which I think isa sa mga masasakit na kwentong nabasa especially when Naomi was gone and grabe din iyak ko din sa story na to lalo na yung ilang taon na hindi nagkita sina Cy at Sam. Next one was the Golden Scenery of Tomorrow but to be honest, hindi ko pa tapos basahin due to its theme about best friends turned into lovers. I think I’m not yet ready to finish reading it pero within year, I will read it. I just read the first part and nakakarelate talaga ako between the friendship between Via and Arkin :).
To be continued.....
#UniversitySeries#4reuminct#TheRaininEspana#LunaxKalix#SafeSkiesArcher#YannaxHiro#ChasingintheWild#SevixElyse#Avenues of Diamond#SamxClyde#GoldenSceneryofTomorrow#ArkinxVia#OurYesterday'sEscape#KierraXShan#AttorneyKalixJaceMartinez#ArchitectLouisseNatashaValeria-Martinez#CaptainAkihiroLeonelJuarez#FAAshiannaKimFernadez-Juarez#EngineerSebastianVincentCamero#CEOAmoraElyseLedezma-Camero#DoctorClydenJaileRamirez#SupermodelSamanthaMaureennVera-Ramirez#ArtistLarkinOlivierSanchez#ArchitectAviannaRyeDiaz-Sanchez#ProsecutorCiandreiKyleLopez#ArchitectKierraZyleneYnares
2 notes
·
View notes
Text
Mga Personal na Kwento.
Ang mga kwento sa ibaba ay naglalaman ng personal na karanasan ng mga taong nagdanas o patuloy na nagdaranas ng mental illness at/o problema sa buhay. Ang mga kwentong ito ay nagmula sa mga taong kilala ko at hindi rin sila pwersahang nagbahagi ng kwento. Sinigurado kong gusto at kaya nilang ibahagi ang kanilang karanasan para sa blog na ito.
Gusto mo rin bang ibahagi ang iyong kwento?
Ang pagbabahagi ng iyong kuwento ay maaaring maging isang pagkakataon upang gumaan ang iyong mga pag-iisip at nararamdaman, matutulungan mo rin ang iba sa pamamagitan ng pagbibigay ng pag-asa at paghihikayat, at makatulong din na masira ang stigma ng mental illness.
Nawa’y may natutunan kayo tungkol sa mental health at nabigay sa inyo ng insipirasyon ang mga taong ito na nagbahagi ng kanilang mga karanasan sa blog na ito. Sila’y matatag at patuloy na lumalaban sa buhay, sana ay nagbigay ito ng liwanag at lakas sa mga taong pakiramdam nila’y wala nang pag-asa. Sana ay patuloy nating labanan ang delubyong ito at mabuhay ng malusog at masaya. Hindi kayo nag-iisa, tayo’y magkaisa!
Muli, salamat sa tatlong taong ito na nagbahagi sa akin ng kanilang karanasan. Mahal ko kayo!
9 notes
·
View notes
Text
UMAGA
Pagmulat ng mga mata,
Ang pagdampi ng sinag ng araw sa aking balat
ang syang nagpaalala
na ako ay buhay,
na ako ay may pag asa pa.
Sa kabila ng malamig na gabi na sa aki’y nagpaluha,
at sa kahapong sa aki’y nagpahirap.
Biyaya’t pagmamahal nya ay ihahatid nya sa umaga.
Napagtanto ko..
Na sa bawat umaga na sa aki’y ipinagkakaloob.
Hindi pa natatapos ang kwentong isinusulat nang aking Panginoon.
Ako’y magpapatuloy sa buhay
kasama ang pag-asang hatid nya sa bawat umaga. - J.S.A
11/1/2021
#christianity#christ#christian blog#jesuslovesyou#jesusiseverything#christianlife#filipino poetry#christian poems#poetry#poem#my writing#original poem#umaga
3 notes
·
View notes