#Pamumuno
Explore tagged Tumblr posts
mgakwentongbayan · 2 years ago
Text
Ang Paglalakbay ni Sultan Kudarat
Noong mga unang panahon sa Mindanao, may isang makapangyarihang sultan na nagngangalang Sultan Kudarat. Siya ay kinikilalang isang mahusay na pinuno na kilala sa kanyang karunungan at tapang sa labanan. Isang araw, nabalitaan ni Sultan Kudarat ang isang diwang paglalakbay na naghahangad na mas lalong mapalakas ang kanyang kaharian at palawakin ang kanyang nasasakupan. Nagdesisyon siyang simulan…
Tumblr media
View On WordPress
0 notes
ioharcomic · 3 months ago
Text
Tumblr media
Ysinasaysay mag buhat sa arao na ito na ang manga Kapuloang ito ay humihiwalay sa Espania at walang kinikilala at kikilanling Pamumuno kung di itong Kataastaasang Katipunan. (Let it be known from this day forth that these Islands are henceforth separate from Spain and shall recognize no other authority than this Supreme Association.)
Dakuilang Kautusan (Standing Orders of the Katipunan), ~Aug. 1896
9 notes · View notes
peryodismo2425 · 2 months ago
Text
Bateryang Empatetiko: Ang Kawaning Ingat-Yaman ng PKA
Ni Maya Ozo | Nobyembre 9, 2024
Magtatatlong taon nang bahagi ng Pamunuan ng Kamag-Aral (PKA) si Jorge Angelo “Gelo” Parreño ng 10-Lauan sa UP Integrated School at nasa huli na niyang termino. Sa iilang taon niya sa pamumuno, napagtanto niya na sa kaniyang todong pagsisipag at paglilingkod sa iba, mas nawawalan siya ng lakas— parang baterya. 
  Isa si Gelo sa mga kasalukuyang miyembro ng PKA – at itinuturing niya itong pinakamahalagang gampanin niya. Kahit na taunang binabalikan ito ni Gelo, hindi ito nangangahulugang wala na siyang nararanasang paghihirap. Bilang baterya ng PKA, may mga oras na malaki ang ambag niya sa pagpapaandar ng organisasyon, ngunit may mga oras din na kinakailangan niyang magpalakas muli. 
Tumblr media
Sa kasalukuyang termino, Assistant Treasurer si Gelo – isang posisyon na ibinalik ng Senior Council (SC) ngayong akademikong taon. Sa lahat ng posisyong pinasok niya, pinakamahirap ang naging lakbay niya sa posisyong ito. Bago pa inilunsad ang halalan, hindi nakapasok si Gelo bilang kandidato. Resulta ito ng kaniyang pagliban ng ilang linggo na sanhi ng mga isyung pangkalusugan. Pagbukas muli ng paaralan sa panibagong akademikong taon, hinirang siya ng SC sa naturang posisyon upang makumpleto ang organisasyon. Ika ni Gelo, mahalaga pa rin ang kaniyang papel sa PKA pagkat maraming ginagawa ang Treasurer. Ito raw ang isa sa mga posisyong hindi talagang makakapagpasa ng trabaho dahil sa kaban na hawak nito. Dahil sa kaniya, mas nasisigurado sila sa bawat desisyong-pinansyal. Bukod pa rito, binibigyang-halaga nila ang opinyon ng isa’t isa. 
Full Charge
Nagsimulang maging student-leader si Gelo noong unang tapak niya sa hayskul. Naging Public Relations Officer siya ng Freshman Association at naimbitahang maging PKA Marshall Boy ng partidong “Tanglaw” noong 2022. Ito ang kauna-unahang taon niya sa PKA, at itinuturing niyang pinakamalaking tagumpay sa UPIS ang pagkapanalo niya rito. Ika niya, “Nagsimula siya ng chain of events,” sa kaniyang pakikilahok sa PKA. Inihayag ni Gelo na nagustuhan niya ito bilang unang posisyon na nahawakan niya sa PKA dahil nagsilbi itong introduksyon sa kabuuang sistema ng organisasyon. 
Sa sumunod na taon, nagtagumpay naman siya sa pagiging Business Manager ng partidong “Hayo”. Ang posisyong ito ang naging paborito niya dahil sa malikhaing aspeto ng trabaho. Nagkaroon siya ng pagkakataong sanayin ang kaniyang kalayaan at pagkamalikhain sa iba’t ibang paraan para makapangalap ng pondo ang PKA. Ngunit, sinigurado niya na mainam pa rin para sa mga estudyante ang mga halaga  ng kaniyang pinagdedesisyunan.
Lowbat
“There’s a likely chance na…masayang lang ‘yung effort namin… although, part ‘yun ng job, nakakapanghina pa rin.”  
Ibinahagi ni Gelo na mula sa higit dalawang taon niyang karanasan, ang huling mga panahon ng pagpaplano at pagsasalang ng mga ideya ang bahagi ng trabaho na hindi niya gaanong nagugustuhan. Nagkakaroon din ng mga pagkakataong nahihirapan ang PKA na sumulong ng panibago at progresibong ideya dahil sa nakatatag na tradisyon sa paaralan. Dito niya naunawaan na bilang PKA, kahit nasa inyo ang responsibilidad at pamumuno, may mga oras talaga na mawawalan kayo ng lakas o kapangyarihan – kapangyarihan sa sariling trabaho at kapangyarihan sa sariling oras na inilaan na lang sa pagtatrabaho. 
Tumblr media
       
Charging
“Kung ano ‘yung talagang makakabuti sa iba, kahit medyo nakakadulot ‘yun ng hirap sa akin, I do it.”
Sa halip na maging negatibo si Gelo sa lahat ng kaniyang pinagdaanan, isa sa mga pinakapinahalagahan niya ang pagkabigo. Itinuturing niya ang lahat ng kaniyang karanasan bilang oportunidad na matuto at lumago bilang lider-estudyante. Kahit na may mga sandali na nakakapanghina, dinadala niya ang bawat karanasan at pagkabigo at ginagamit ito upang mas mapabuti ang kaniyang trabaho sa hinaharap. 
Tumatakbo siya bawat taon dahil nais niyang makapag-ambag at magkaroon ng impluwensiya sa mga pagbabago sa UPIS. Naniniwala siya na pinakamahalagang aspeto ng pagiging PKA ang katunayang estudyante rin sila. Kaya nilang tugunan ang mga isyung sila mismo ang nakararanas.
Ang tanging araw kung kailan maipapakita ang lahat ng kanilang pinaghirapan at pinagplanuhan ang paboritong bahagi ni Gelo ng pagiging miyembro ng PKA. Dahil dito, makikita ng bawat estudyante ang lahat ng pinlano para sa kanila mismo, kaya may isang katuparan siya sa paglunsad ng bawat pagdiriwang. Ito naman daw ang tunay na layunin niya para sa komunidad ng UPIS– ang mabigyan ang mga mag-aaral ng kaligayahan at pagpapahinga sa kabila ng matrabahong akademikong taon. 
Ayon kay Gelo, “Nag-a-adapt kami with any situation. Kaya sana, mas ma-recognize iyon… Understand na lang din na mahirap mag-expect ng full-on perfect plan and execution, lalo na kung student din talaga kami.” Kaya naman, hinihiling niya na maunawaan ng buong komunidad na hindi sila perpekto at mas bigyang-halaga ang gawi ng organisasyon. Bukod pa rito, handa ang PKA na makinig sa anumang saloobin na mayroon ang mga estudyante. 
Recharged: Planong Kabuluhan Aaksyunan
Sa kabila ng lahat, naniniwala si Gelo na mayroong utak at puso ang bawat gawi niya. At, kung may pagkakataon, uulitin niya ang lahat ng naranasan niya dahil sa mga natutuhan niya mula dito. Bahagi na ito ng kaniyang identidad at nais hikayatin ang mga gustong sumabak sa pagiging lider-estudyante. 
Bilang huling termino niya sa PKA, tanging hangad niyang makita ang bagong henerasyon na makuha ang natutuhan mula sa kanila at bumuo ng sariling mga tangka para sa komunidad. Nais niyang makagawa ng sariling sistema at makita ang mga tagumpay ng mga sumusunod na termino dahil naniniwala siya sa kakayahan nila. 
Ika nga ni Gelo, “Although PKA is one whole unit, hindi dapat pare-pareho ‘yung mga PKA.”
Ang batang maliit na may malaking puso
Si Gelo ang nagmimistulang baterya ng PKA. Ang mindset niyang gawing masaya ang pagtatrabaho ang tanging nagpapakilos sa kaniya. Naniniwala siyang, “Everyone needs to get ‘high’ on something or someone.” Kung sa PKA, puro nasa katwiran ang kaniyang pag-iisip, sa panig ng sariling oras, tunay na namumuhay siya sa kaniyang emosyon at pagiging empatetiko. At, mataas ang pangarap niya para sa kaniyang kinabukasan– na siyang inspirasyon niya sa buhay. Ibig niyang gawing inspirasyon ang pagkakaroon ng mas maalam at mabuting buhay sa hinaharap at manatiling optimistiko. Si Gelo ang nagmimistulang baterya ng PKA– ang tunay na nagpapaliwanag at nagbibigay-halaga sa bawat sistema nito. Kahit minsan kinakailangan niya magpahinga at mag-recharge, patuloy pa rin siyang umuusad at nagtatrabaho para sa kabutihan ng lahat. 
2 notes · View notes
magfilipino · 1 year ago
Text
Talking about one's self [Part 2]
In this series of posts, I'll be posting about some declarative statements that can be used when talking about one's self in a conversations or during self-introductions.
2) Expressing Likes and Desires
Expressing something that you already like as a declarative sentence and expressing something that you like or want to do as an intention (not yet done) is often expressed as "gusto" in Tagalog. It can both mean like and want.
Gusto ko / ko(ng)
Usually followed by a pronoun or an action word, to express desire to do something or express fondness/liking for a certain hobby. If the action word is in contemplative aspect, then it might be expressing desire to do something. If the action word is in imperfect aspect that implies it is regularly being done, then it might be expressing fondness or liking for a hobby or an activity.
Examples:
Hanga ako sa pamumuno ni Lea. Gusto ko siya maging kaibigan. (Trans: I admire Lea's leadership. I want her to be my friend.) "siya" is a pronoun referring to Lea
Gusto kong kumain ng Jollibee Chickenjoy. (Trans: I want to eat Jollibee Chickenjoy.)
Gusto kong makita mag-perform nang live ang Blackpink. (Literal: I want to see Blackpink perform live.) Both the action words "kumain" (to eat) and "makita" (to see/watch) are in contemplative aspect, therefore the speakers express desire to do those activities.
Gusto kong namamasyal sa probinsya tuwing bakasyon. (Trans: I like visiting and going around the province every time I stay for a vacation.) The action word "namamasyal" (to visit and stroll -- visiting and strolling) is in imperfect aspect, meaning that it is still being done, in the process of being completed, or is regularly happening ("tuwing" (every time...)). When translated to english, it becomes a noun in function.
Gusto kong maging...
This phrase literally means, "I want to become..." and it can be followed by a noun with or without a modifier.
Examples:
Gusto kong maging matagumpay na negosyante. (Trans: I want to become a successful entrepreneur.) "negosyante" means entrepreneur, which is a noun and modified by the adjective "matagumpay" which means successful
Gusto kong maging oncologist, 'pag nakatapos na ko ng pag-aaral. (Literal: I want to become an oncologist when I finish my studies.) oncologist is a noun that is specific to people
Gusto kong magkaroon ng...
This is the combination of has/have and expressing like statements. It translates to "I want to have..."
Examples:
Gusto kong magkaroon ng bag na Chanel. (Trans: I want to have a Chanel bag.)
Gusto kong magkaroon ng maraming pera! (Trans: I want to have lots of money!)
Note: In actual conversations, sometimes "magkaroon" is dropped and simply use the "Gusto kong..." or "Gusto ko ng..." since both phrases expresses for things or events that are still yet to happen or will happen in the future, which is also being implied in "Gusto kong magkaroon..." sentences. Example: both sentences above can also be stated as "Gusto ko ng bag na Chanel," and "Gusto ko ng maraming pera!" Although the desire to possess both things are not explicitly stated, the speaker's meaning is left to be interpreted based on the context of conversation.
Gusto ko si ____ / ng ____
Usually followed by nouns. "Si" is followed by proper pronouns especially if a name of a person, while "ng" is usually followed by common or abstract nouns.
Examples:
Gusto ko si Ben dahil hindi siya nagsasabi ng mga birong sexist. (Literal: I like Ben because he doesn't tell sexist jokes.) "Ben" is a name of a person. "Si" becomes a marker for a proper noun.
Gusto ko ng sariling bahay para magkaroon na ko ng privacy. (Literal: I want my own house for me to have privacy.) "Bahay" is a common noun or object meaning house, while the word "sarili" is a modifer that means my own or mine.
Additional notes:
Most of the ko pronouns used can be substituted by other pronouns like mo, ninyo, niya, nila, natin, and namin.
Pay attention to how si and ng are used to be familiarized with these
17 notes · View notes
upismediacenter · 2 years ago
Text
OPINION: Ang Pumuna, Taya!: Ang bantang dala ng pakikibaka
Tumblr media
Photo credit: Anna Dalet at Julia Intrepido
Kamakailan lamang ay umani ng pambabatikos si Vice President at DepEd Secretary Sara Duterte-Carpio nang magbitaw ito ng red-tagging remark laban sa Alliance of Concerned Teachers (ACT) matapos itong sumuporta sa nagdaang tigil-pasada ng iba’t ibang transport groups noong Marso 6 upang tutulan ang Jeepney Phaseout. Inilarawan ng Bise Presidente bilang “communist-inspired” at walang saysay ang naging transport strike. Hindi na bago ang ganitong uri ng pahayag mula sa mga pinuno ng bansa laban sa mga kritiko nito at iba pang progresibong grupo. Gaya ng balita, kung madali para sa pamahalaan na i-redtag ang mga kaguruan, madali rin para sa kanila na gawing pangunahing biktima ang mga kabataang mag-aaral. Sa panahon kung kailan tila tinitikom ang boses ng masa, paano ito nakakaapekto sa mga kabataang nagnanais makiisa sa pagkamit ng isang makatarungang lipunan?
Sa nagdaang rehimeng Duterte hanggang sa kasalukuyang rehimeng Marcos, makikita ang pasistang pamumuno kung saan ang batas ay dinadaan sa armadong paninindak upang gawing madali para sa militar ang paniniil, pagbibigay-katwiran sa mga pang-aabuso, at panliligalig sa karapatang pantao. Kung susuriin din ang mahabang kasaysayan ng Pilipinas, naging malaki ang papel ng aktibong pagkilos ng mga kabataan, lalo na ng mga kabataan-estudyante, sa pagtataguyod ng mga progresibong ideya. Naging kaakibat na ng student activism ang brutal na pag-aantagonisa ng mga namamahala, at hanggang ngayon ay dama ang pangambang dala nito.
Mahalagang linawin na ang pag-aantagonisang nararanasan ay may mas ispesipikong ugat at termino, at ito ang tinatawag na red-tagging o red-baiting. Sa ilalim nito, hindi lamang villainized o binabansagang “terorista” ang mga kadalasang aktibista, kritiko, at mamamahayag, kundi malisosyo rin silang inuugnay sa Communist Party of the Philippines-New People's Army (NPA) bilang porma ng pag-atake. Ginagamit ang red-tagging bilang isang sandata upang pigilan ang mga mamamayan mula sa pagpupuna, pagiging kritikal, at pangangalampag para sa kanilang mga pangangailangan. Hindi na bago ang konsepto ng red-tagging, ngunit mas nabigyang-pansin ito ng mas malawak maraming mamamayan nang isabatas ang Anti-Terrorism Law (ATL).
Higit na ipinawalang-bisa ng ATL ang Human Security Act of 2007 dahil sa pagpapalawak nito ng kahulugan ng 'terorismo'. Ayon sa ATL, itinuturing na terorismo ang anumang pagkilos na maaaring magdulot ng takot sa publiko. Isinima rin bilang terrorist act ang pagsali sa mga itinuturing na 'terrorist group' at maging ang mismong aksyon na pagbanta ng paggawa ng mga kilusang terorista. Ang karagdagang panganib na dala ng batas ang pagbibigay ng labis na kapangyarihan sa iilang opisyal ng pamahalaan na masyadong magtatakda sa kung sino ang terorista sa bansa.
Bukod dito, mariin din nitong binabali ang mga konstitusyonal na karapatang pantao. Binibigyan ng ATL ng kapangyarihan ang awtoridad na ikulong ang mga pinaghihinalaang terorista sa loob ng 14 na araw kahit pa walang warrant of arrest, at kung mapatunayang iligal ang naging pagdedetina, hindi pa rin magbabayad ng multang Php 500,000 ang mga nagbintang sapagkat tinanggal na ito sa ilalim ng batas. Ayon din sa Seksyon 16 ng ATL, maaari ilagay ang mga akusado under surveillance at i-wiretap kung may basbas ng Court of Appeals. Bunga nito ay ang posibilidad na magkaroon ng abuso sa kapangyarihan dahil masyadong malawak ang paggamit sa salitang “terorista”.
Nakasaad din sa batas ang pagtatag ng Anti-Terrorism Council (ATC), na binubuo ng mga miyembrong inatasan ng ehekutibo, na may awtoridad na pangalanan at ipaaresto ang mga indibidwal o grupo na babansagang “terorista” nang walang judicial warrant. Ang mga madedetina ay maaaring abutin ng 24 araw nang walang kaso o matibay na dahilan bago pa sila maihaharap sa hudisyal. Taliwas ito sa Republic Act 9372 o “Human Security Act” na nagsasabing ang mga inaakusahan ay dapat madala sa hukom sa loob ng 3 araw. Dagdag pa sa kwestyunableng kapangyarihan ng ATC ang gampanin ng National Task Force to End Local Communist Armed Conflict o NTF-ELCAC na nakapokus sa mga kontra-komunistang aktibidad. Maging sila ay maluwag din sa paggamit o pagbitiw ng mga akusasyon laban sa mga aktibista.
Kung titingnan mula sa perspektibo natin bilang mga nabibilang sa komunidad ng isang pamantasan, ang patuloy na paghahasik ng red-tagging ay nagiging porma ng pagyurak sa academic freedom—ang kalayaang mag-isip nang kritikal, kalayaang magdiskurso, at kalayaang makibahagi sa komunidad nang walang takot. Bilang halimbawa, sa mga nagdaang taon ay mas napapadalas ang red-tagging ng iba’t ibang institusyon sa UP. Ilang mga organisasyon, guro, at institusyon sa UP Diliman, kabilang ang UP Integrated School at College of Education, ang inakusahan bilang recruitment at training grounds ng CPP-NPA noong Enero 22, 2021. Ang publikasyong Tinig ng Plaridel ng UP College of Mass Communication ay nabiktima rin ng pangrered-tag partikular ang ilan sa mga editor nito. Sa UP Visayas naman, nared-tag ang ilan nitong estudyante matapos magpahayag ng kanilang personal na saloobin at tindig sa social media tungkol sa naganap na halalan. Binansagang mga rebelde ang mga mag-aaral na mariing kinundena ng administrasyon ng pamantasan. Habang sa UP Baguio, may mga estudyanteng nakararanas ng umano’y surveillance, harassment, at pananakot mula sa Task Group Baguio na nang-akusa rin sa kanila bilang “mga potensyal na rekrut” ng mga komunistang grupo.
Bukod sa UP, lantaran na ring nired-tag ng AFP at sinabing recruitment hotspot umano ng mga komunista ang University of Santo Tomas, Ateneo de Manila University and De La Salle University, at iba pang mga unibersidad at kolehiyo sa bansa.
Sa ganitong klase ng estado, hindi natin maiwasang isipin na kung ang kabataan ay isa sa mga inaasahan bilang tagapagtaguyod ng makatarungan at maka-masang lipunan, anong klase ng kabataan kaya ang layuning ihulma nito? Mga kabataan kaya na tahimik lamang sa kabila ng laganap na korapsyon at pang-aabuso na ginagawa ng administrasyon sa ating bayan? Nananatiling isang malaking banta sa sektor ng edukasyon at sa kritikalidad ng mga mag-aaral ang panlipunang krisis na ginagawang panggigipit ng estado. Kaisa kami sa paggiit ng argumento ni House Deputy Speaker Mujiv Hataman na na sa pagtalakay at pagpapatupad ng batas na ito, malinaw na higit na prayoridad ng mga probisyon ng batas ang pagtukoy sa kung sino ang pwedeng ituring na terorista, kaysa sa paghuli sa mga totoong terorista.
Habang tumatalas ang ngipin ng pamahalaan na sumisiil sa karapatan sa pamumuna, patuloy na humihina ang proteksyon ng mamamayan. Nakapagtatakang marinig mula sa Commission on Human Rights na isa raw ang Philippine National Police (PNP) sa mga dapat na lapitan kapag nabiktima ng red-tagging. Pero ‘di ba’t mga pinuno rin naman ng mga institusyong tulad nito ang malakas magbitiw ng mga paratang? Tulad ng ilang mga pagkakataon ng pagbibintang at profiling ng PNP sa mga organizer ng community pantries noon, lumilitaw ang mga katanungan tungkol sa katapatan at integridad ng institusyon—kung kanino tunay na makakakapit ang mga nadidiin at kung sino-sino talaga ang kinakampihan ng militar.
Sinubukan naman ng ilang kinatawan sa pamahalaan na maghain ng solusyon, at isa na rito ang Senate Bill No. 2121 ni Senate Minority Leader Franklin Drilon. Nakapaloob sa panukalang ito ang pagpaparusa sa red-tagging sa pamamagitan ng pagkakulong ng sampung taon at panghabang-buhay na diskwalipikasyon sa paghawak ng pampublikong tungkulin. Ayon kay Drilon, walang sapat at ligal na tulong para sa mga biktima ng red-tagging kaya’t layunin ng bill na aksyunan ang kakulangang ito. Sa kasamaang palad, nananatiling pending sa komite ang legislative status nito mula pa noong 2021. Taliwas ito sa mabilis na pagpapatupad ng mga batas na nagbibigay ng dagdag na kapangyarihan sa mga awtoridad, gaya ng ATL. Kung magpapatuloy ang ganitong kalakaran, maaaring humantong ito sa isang sitwasyon ng tuluyang pagkawala ng kapangyarihan ng mamamayan at pagbagsak ng pundasyon ng ating demokrasya.
Gayunpaman, hindi tayo dapat na magpadala lamang sa lumalakas na pwersa ng naghaharing-uri. Ang pagsasagawa ng red-tagging ay hindi kailanman magiging katanggap-tanggap dahil wala itong ibang tunay na layunin kung hindi patahimikin ang hindi pagsang-ayon, pagpuna at pagsupil sa oposisyon at kontra-salaysay laban sa mga patakaran at aksyon ng pamahalaan. Dahil dito, nararapat lamang na ang bawat isa ay lumubog sa tunay na kalagayan ng lipunan at tumindig kontra sa panggigipit ng estado. Habang patuloy ang pag-atake sa mga lingkod-bayan, hindi tayo dapat magpasiil, magkibit-balikat o magsawalang-bahala. Bilang mga kabataan-estudyante, higit sa kritikal na pagtingin sa lagay ng mga bagay, higit sa pagsasatinig ng boses ng masa, higit sa pagiging kritiko ng pamahalaan, mahalagang tandaan na ang makatarungang lipunan ay makakamit lamang kung tayo ay titindig at kikilos. //nina Rachelle Torralba at Ria Bautista
Mga sanggunian:
[1] Inquirer [@inquirerdotnet]. (2023, March 5). ‘POINTLESS AND COMMUNIST-INSPIRED WEEKLONG STRIKE?’ This is how Vice President Sara-Duterte Carpio describes the weeklong transport strike [Tweet]. Twitter. https://twitter.com/inquirerdotnet/status/1632235617328218112
[2] Santos, F. J. (2020, November 30). Students on the Frontliners: Student Activism in the Disaster-hit Philippines. The Diplomat. https://thediplomat.com/2020/11/students-on-the-frontlines-student-activism-in-the-disaster-hit-philippines/
[3] Relativo, J. (2020, November 9). PANOORIN: ‘Red-tagging’? Ano ‘yon at bakit ito nakasasama? Pilipino Star Ngayon. https://www.philstar.com/pilipino-star-ngayon/bansa/2020/11/09/2055716/panoorin-red-tagging-ano-yon-bakit-ito-nakasasama
[4] Red-tagging an example of how anti-terror law causing harm to activists: expert. (2021, February 1). ABS-CBN News. https://news.abs-cbn.com/news/02/01/21/red-tagging-an-example-of-how-anti-terror-law-causing-harm-to-activists-expert
[5] Philippines: New Anti-Terrorism Act Endangers Rights. (2020, June 5). Human Rights Watch. https://www.hrw.org/news/2020/06/05/philippines-new-anti-terrorism-act-endangers-rights
[6] UP College of Education Student Council. (2021, January 26). The University of the Philippines College of Education (UPCEd) and the University of the Philippines Integrated School (UPIS) are blatantly being red-tagged [Facebook Post]. Facebook.https://www.facebook.com/UPCESC/posts/pfbid0GWbgXhoAMZjimFzLPyeV8w3PVMArhiFvt8bKyEuTSgc6dxtmG9XHcQoEoat8CpyZl
[7] Tinig ng Plaridel [@tinigngplaridel].(2023, April 5). TINIG NG PLARIDEL’S STATEMENT ON A BLOGGER’S ACCUSATION AGAINST THE PUBLICATION [Tweet]. Twitter. https://twitter.com/tinigngplaridel/status/1643460976170369025
[8] Camposano, C. C. (2022, May 12). STATEMENT ON THE RECENT RED-TAGGING OF UPV STUDENTS. The University of the Philippines Visayas administration strongly condemns the red-tagging of several of our students [Facebook post]. Facebook. https://www.facebook.com/clement.camposano/posts/pfbid023pXCxVz1iHr5ocF4PCbu6TCfqqViobm3y2rUiFsUWqjewtVc7Y4AfV9bheMmHvXHl
[9] Sangguniang Panlungsod ng Baguio. (2023, April 22). STUDENTS LEADERS: ‘STOP MILITARY INTIMIDATION ON YOUTH’. Officers of the University of the Philippines (UP)-Baguio Student Council called on the city officials [Facebook Post]. Facebook. https://www.facebook.com/permalink.php?story_fbid=pfbid0ftzFXbxvsC94Gjf7ffAVYfb4YJMXqTER8q7oNVF3WB6EX2XZ4pEHFtBmdwHKbf38l&id=100064636818462
[10] UP slams NTF-ELCAC for 'red-tagging' students calling for academic walkout. (2022, May 14). CNN Philippines. https://www.philstar.com/headlines/2018/10/04/1857344/afp-red-tagged-schools-using-unverified-information
[11] Cruz, R. (2020, June 3). Hataman: Anti-terror bill could be used to tag anyone as a terrorist. ABS-CBN News.https://news.abs-cbn.com/news/06/03/20/hataman-anti-terror-bill-could-be-used-to-tag-anyone-as-a-terrorist
[12] Buan, L. (2020, June 5). EXPLAINER: Comparing dangers in old law and anti-terror bill. Rappler. https://www.rappler.com/newsbreak/in-depth/262912-explainer-comparison-old-law-dangers-anti-terror-bill/
[13] Ong Ki, C. N. (2021, April 22). What is ‘red-tagging?’ What to do when ‘red-tagged’. Manila Bulletin. https://mb.com.ph/2021/04/22/what-is-red-tagging-what-to-do-when-red-tagged/
[14] Mackinnon, A. (2020, June 5). New Anti-Terrorism Law would enhance Duterte’s power. Foreign Policy. https://foreignpolicy.com/2020/06/05/philippines-new-anti-terrorism-law-enhance-duterte-power-government-critics/
[15] Makabayan bloc: Duterte’s latest red-tagging tirade a ‘desperate’ election tactic. (2022, March 30). CNN Philippines. https://www.cnnphilippines.com/news/2022/3/30/makabayan-bloc-red-tagging-duterte.html
[16] Cepeda, M. (2021, March 25) Drillon bill wants red-tagging punished with 10 years in prison. Rappler. https://www.rappler.com/nation/drilon-wants-red-tagging-punished-years-prison/
2 notes · View notes
unorthodoxica · 2 years ago
Text
Walang Aray: Isang Stream-of-Consciousness Review
Hindi ako bubuo ng seryosong essay para sa Tumblr, at alam ko na nagwakas na ang SYLD para sakin, pero hindi siya tama sa espirito ng araw.
Ang Walang Aray, galing sa utak ni Rody Vera ay isang nakakatuwa't nakakaaliw na musikal tungkol sa ika-19 siglo ng Pilipinas na nasa gitna pa ng pamumuno ng Espanol, ang kanilang simbahan at ang kolonyal administration.
Ito ay naguumpisa sa pag-ibig at natatapos sa pag-ibig, ang sentrong magkasintahan sina Julia, artista sa bayan niya at si Tenyong, isang rebeldeng Katipunan.
Ang musika, pagkakanta at matulas na pagsusulat ng lirika, kasama pa ang kanilang pagsayaw at matalinong choreo? Ako ay nahulog na. Ang paggawa ng set ay talagang nakaka-engganyo. Hindi ko kayang mabuod ang lahat na nangyari, siya'y masiyadong mabigat para sa hindi pa tatlong oras na palabas. Alam ko lang na hindi ako makakahintay sa cast recording.
Itong musikal ay nababalanse ang pagiging nakakatuwang komedya at isang trahedyang makakasira sa puso. Siya'y puno ng luha, kung ito ay dahil sa kanyang mahusay na biro o sa mga sandaling yugto na nakakakilabot at nakakalungkot. Higit sa lahat, ito ay tungkol sa rebolusyon ng Pinas, ng mga Katipunan, para sa kanilang kalayaan at sa kalayaan ng kanilang minamahal sa mga Espanol. Lahat nito ay nasa ilalim ng mga magaling na pisikal na komedya, paggamit ng tropes ng telenovela, at siyempre, ang natural na karisma ng mga nag-aarte sa ibabaw ng entablado.
Charot, seryoso, merong kanta sa youtube. Hindi siya nagkukumpara sa pagpanood ng buong musikal pero ito lang ang nahanap ko ngayon. Eh, yoon at interview kay Gio Gahol at Marynor Madamesila? Parang wala ka namang makukuha kung hindi mo pinanood, anon.
2 notes · View notes
Text
UMUTANG NA NAMAN SI BOBONG MARCOS NG 70.70 BILLION PESOS KAYA ANG UTANG NGAYON AY NASA 16.09 TRILYON
Magandang araw sa mga kababayan nating nag-aalala kung anong kinabukasan ang naghihintay sa atin. Sa mga hindi pa nakakaalam, ang ating gobyerno—sa pamumuno ni Pangulong Marcos—ay nagkaroon ng bagong record sa utang. Hindi biro, ha! Tumaas ang pambansang utang ng P70.70 bilyon mula sa P16.02 trilyon noong Oktubre, kaya ngayon, ang ating utang ay umabot na sa P16.09 trilyon. Oo, tama ang narinig…
Tumblr media
View On WordPress
0 notes
thepen37 · 2 months ago
Text
I. THE ARTHUR FAMILY!
Sa isang malayong place, may kingdom na ang naghahari ay ang ARTHUR Family. The King is si King Shawn. Mabait na hari, he loves his people. He listens all the concerns, issues or even the problems of all his citizens. He's SMART.
Maunlad ang kanyang kaharian. Lahat ng tao ay gusto at approved ang kanyang pamumuno. Mas lalo siyang sumasaya 'pag namamasdan niya ang kanyang magandang pamilya. Ang napaka beautiful niyang wife, si Queen Diane. Si Queen D. ay isang mapagmahal na asawa. Lahat ng gusto nang kanyang asawa ay alam na alam niya. She knows eveything when it comes to her husband. She's been there since the day 1 of their marriage. She is submissive. The King and Queen have 2 children, the Prince and the Princess. They are in their twenties. Most of all the time, pusa at aso ang peg ng dalawa. But they are formal when it comes sa mga events happening sa kanilang palace. They are afraid of their King and Queen so isang salita lang, tiklop agad sila.
Tumblr media
**Credits to the rightful owner of this picture**
The Arthur Family seems a very perfect family especially sa mata nang mga tao nila. They are royalty, rich and lahat ay magagawa with their power. BUT, every family has a secret. A hidden agenda. Hindi kaakibat ng kasiyahan ang kabaitan. You can't judge a person for what he/she wears, what he/she styles and the way he/she handles everything, just to pretend that everything is good and well-display.
Ano kaya ang tinatago nang Arthur Family? May masamang gawain ba ang Hari? O di kaya ang maamong mukha ni Queen D. ay may tinatagong dilim sa puso at isip niya? What if dahil sa kapabayaan ng dalawang kapatid, nakasira nang buhay ng tao?
Sino-sinu ang mga taong magiging parte nang buhay nila? At paano matutuklasan ang mga sekreto nang pamilyang Arthur?!
#THEROYALMYSTERY
#112324
1 note · View note
marianeabellera · 2 months ago
Text
"Quezon Memorial Circle: Sentro ng Kasaysayan at Kalikasan"
Gusto n'yo ba ng budget friendly pero historical at swak na pasyalan para sa pamilya, kaibigan, kasintahan o kung solong manlalakbay ka man. Umpisahan nang bisitahin ang Quezon City Memorial Cirle na matatagpuan sa gitna ng Quezon City, partikular sa intersection ng Elliptical Road at Commonwealth Avenue.
Tumblr media
Ang Quezon City Memorial Circle ay isa sa mga kilalang landmark ng Quezon City, na hindi lamang may malaking kahalagahan sa kasaysayan ng bansa, kundi pati na rin sa kultura at libangan ng mga tao. Matatagpuan sa gitna ng siyudad, ang lugar na ito ay puno ng kasaysayan, mga parke, at mga pasyalan, kaya’t naging paborito ng mga residente at turista.
Tumblr media Tumblr media Tumblr media
Sa lugar din na ito makikita ang libingan ng ikalawang Pangulo ng Pilipinas, at kauna unahang Pangulo ng Commonwealth na si Manuel L. Quezon na nanungkulan mula noong 1935 hanggang 1944. Ang monumento ay itinayo bilang pag alala sa Pangulo. Ang lugar ay unang naging isang bahagi ng kanyang pangarap na magkaroon ng isang sentro para sa mga mamamayan ng bagong itinatag na Commonwealth ng Pilipinas.
At bilang parte para sa dagdag na kaalaman:
Alam niyo ba na Noong 1940, nagsimula ang konstruksyon ng Quezon Memorial Circle bilang pagbibigay pugay sa mga kontribusyon ni Manuel L. Quezon sa kalayaan at pambansang kaunlaran ng bansa. Inilaan ang proyekto bilang isang simbolo ng kanyang pamumuno.
Ngayon, ang Quezon Memorial Circle ay hindi lamang isang monumento ng kasaysayan, kundi isa ring popular na pook-pasyalan at sentro ng iba't ibang kultura at komunidad sa Quezon City. Ang parke at ang monumento ay bukas para sa publiko ng libre kung saan mayroong mga "food stall" na nag-aalok ng iba't ibang pagkain, mula sa mga street food tulad ng barbecue, isaw, at fish balls, hanggang sa mga mas malalaking kainan na nagsisilbi ng mga lokal na pagkain at inumin. Mainam itong lugar para magtanghalian o magmeryenda habang nag-iikot sa park. Nararapat lamang bisitahin ang monumento hindi lamang para pumasyal kundi para mas maging pamilyar at matuto pa tungkol sa kasaysayan at pinagmulan ng lugar na ito.
1 note · View note
kababaemongtao · 2 months ago
Text
Tumblr media
Kung pantay ang karapatan ng lahat, bakit tila iba ang trato sa kababaihan? Ito ang paulit-ulit na tanong na bumabagabag sa isipan ng bawat kababaihan sa Pilipinas. Kung ang lahat ay may pantay na karapatan, bakit tila patuloy na pinapalabas na mas mababa ang halaga ng kababaihan?
Mula sa pagtingin sa kanila bilang mahina o hindi sapat, hanggang sa mga diskriminasyon at karahasan na kanilang nararanasan, malinaw na may mga sistemang humahadlang sa kanilang pantay na pagtrato.
Ang tanong na ito ay patuloy na nag-aalab bilang isang paalala na kailangan pa ng mas malaking pagbabago sa ating lipunan upang matamo ang tunay na katarungan para sa kababaihan.
Tumblr media
Babae, Hindi Mahina: Ang Laban ni Leni laban sa Pambansang Diskriminasyon
Si Leni Robredo ay hindi lamang isang bise presidente—siya ay isang simbolo ng tapang at pag-asa sa gitna ng mga pagsubok. Ngunit nang magpasya siyang harapin si Bongbong Marcos sa 2022 presidential race, hindi lang siya nakaranas ng malupit na pamumulitika, kundi pati na rin ng matinding panghihila pababa.
Tinangka siyang sirain ng mga pwersang kontra-bago, at pinagbintangan ng pagiging "mahina" sa kabila ng lahat ng napatunayan at nagawa niya para sa bansa. Ngunit sa kabila ng lahat ng ito, ipinakita ni Leni ang kanyang hindi matitinag na tapang at prinsipyo. Ang kanyang laban ay hindi lang laban para sa kanya, kundi laban sa paniniwala na ang kababaihan ay may limitasyon.
Sa kabila ng mga pambabastos at panghahamak, si Leni ay naging isang ilaw ng katatagan at integridad—isang matinding paalala na ang lakas ng isang babae ay hindi nasusukat sa kung paano siya tinatrato ng iba, kundi sa kung paano niya tinatanggap at pinapalakas ang sarili upang magpatuloy sa laban.
Tumblr media
Humigit-kumulang isang ikatlo ng mga kababaihan sa buong mundo (30%) ang makakaranas ng pisikal at/o sekswal na karahasan sa kanilang buhay. Ano-ano ba ang nangyayari?
Tumblr media
Karahasan sa Loob ng Tahanan (Domestic Violence) Maraming kababaihan ang nakakaranas ng pang-aabuso mula sa sariling pamilya o kinakasama, ngunit maraming biktima ang natatakot mag-report dahil sa takot at kawalan ng sapat na suporta.
Tumblr media
Kawalan ng Pantay na Pagkakataon sa Trabaho at Sahod Maraming kababaihan ang hindi nakakakuha ng pantay na oportunidad sa trabaho at madalas na mas mababa ang sahod kumpara sa kanilang lalaking katrabaho, kahit na magkapareho ang posisyon o gawain.
Tumblr media
Diskriminasyon sa Politika at Pamumuno Kahit marami ang may kakayahan, ang kababaihan ay madalas na hindi siniseryoso sa mga posisyon ng pamumuno at nahaharap sa matinding diskriminasyon at kritisismo, lalo na sa larangan ng pulitika.
Tumblr media
Kakulangan ng Access sa Reproductive Health Services Maraming kababaihan ang hindi nakakakuha ng sapat na impormasyon at serbisyo para sa kalusugan sa reproductive, kabilang ang family planning, dahil sa mga limitasyon sa access at stigma sa reproductive health.
Tumblr media
“Kababae ‘mong tao?” Huwag na magpalinlang sa makalumang pag iisip. Kaya nila? Kaya ko din. Ito ang ilang komento ng aking mga kamag-aral:
Tumblr media
Hindi dito natatapos ang laban ng mga kababaihan.
0 notes
thelittlepoetworld · 5 months ago
Text
#85 SA KANYANG PAGKAKULONG
(Paksa: Wika, wika, paano ba lumaya) Simula noong panahon ng Kastilang mapang-abuso, Wala na tayong laya sa kanilang pang-aabuso, Na istilong pamumuno nila sa atin na aba, Na mga dukha’t tanga sa kanilang paniniwala. Nang malaki na si Rizal ay maliwanag sa kanya, Ang maling pagmaltrato sa kanyang mga kababayan, Gaya ng sinasabihan sila ng mga Kastila, Na sila ay mga Indyo sa ating sariling bayan. Sa hindi katagalan ay napili niyang tumaguyod, At gumawa na ng daan para makipaglaban siya, Sa mga prayleng Espanyol na pinunong mapangmata, Habang pinapahirapan ang mga hindi susunod. Kanya nang sinimulan ang paglaban sa mga ito, Sa paraan ng pagsulat patungkol sa pang-aapi, Subalit ito’y umabot sa namumuno na pari, Kaya naman siya kinulong sa Moóg ng Santiago. Copyright © 2021 BALOCSIN *Disclaimer: May binago lang ako konti sa orihinal na ginawa at pinasa ko sa ME Publications para sa wricon ng Filipino Poets in Blossoms nung nakaraang linggo. Sa bagong edisyon na ito ay hindi ko na sinunod o inalis ko na ung ibang nasa mechanics at tinira ko na lang na nasa mechanics na andito sa bago ay ung 4 hanggang 5 na saknong lamang, na may labing-anim na pantig(syllables) at mayroong 8/8 na sesura(break or pause) kada taludtod. Ginawa ko ito baguhin para lamang hindi masayang pinaghirapan at oras ko gawin ito saka para masama sa pangatlong poetry compilations ko. Nagandahan kasi ako sa kwento laman ng tulang ginawa ko.:)
0 notes
temysimundac-blog · 8 months ago
Text
Kalayaan. Kinabukasan. Kasaysayan. 🇵🇭
Kaisa ang buong Muntinlupa sa pagdiriwang ng ika-126 na pagdiriwang ng ating Araw ng Kalayaan! Inaalala natin at pinararangalan ang ating kasaysayan, nawa'y magpasalamat at mahalin natin ang kalayaang ating tinatamasa sa pangkasalukuyan upang patuloy nating ipaglaban ang ating bansa tungo sa mas magandang kinabukasan ng bawat Pilipino.
Isang ugat. Isang pangalan. TAYO AY PILIPINO.
PARA SA ATING BANDILA, LABAN PILIPINAS!
#HappyIndependenceDay
MUNTINLUPEÑOS, Isang Mapagpalang Araw ng Kalayaan sa iyo at sa iyong mga mahal sa buhay!
MABUHAY ANG PILIPINAS!
#MuntinlupaNakakaproud
#SPMuntinlupa
#TheWorkingCityCouncil
#SangguniangPanlungsodNgMuntinlupa
#ViceMayorTemySimundac
#BisengBiseMagsilbi
#TapatAtTaosPusongSerbisyo
#LakasTalinoAtBuhay
#SerbisyongMuntinlupeño
God bless us all ❤️🤍💙💛🫰🏻🫶🏻
#ViceMayorTemySimundac
#BisengBiseMagsilbi
#TapatAtTaosPusongSerbisyo
#MuntinlupaNakakaproud
#Muntinlupa
#OneMuntinlupa
#MuntinlupaCity
Mayor Ruffy Biazon
Congressman Jimmy Fresnedi
Vice Mayor Temy Simundac Vice Mayor Muntinlupa
The Working City Council
Sangguniang Panlungsod ng Muntinlupa
City Government of Muntinlupa - OFFICIAL
Yan Ang Muntinlupa
Explore Muntinlupa
1Munti
Lingkod Bayan
Muntinlupa City
GO Muntinlupa
Sa pamumuno ng inyong lingkod, bilang Acting Mayor, tayo po ay dumalo sa Wreathlaying Ceremony para sa 126th Independence Day at pinangunahan ang programa para sa pagdiriwang. Atin ring kasama ang mga opisyales ng ating mahal na lungsod, ang Acting Vice Mayor na si Konsehal Raul Corro, at mga Konsehal: Ivee Arciaga, Metong Sevilla, Marissa Rongavilla at Jonas Abadilla. Kasama rin ang mga Department Heads at mga kawani ng bawat departamento sa pamumuno ni Engr Allan Cachuela, mga Kawani ng Ahensyang pang nasyunal kasama rito ang PNP at BFP at ang ating City Music Band. Salamat din sa presensiya ng mga Miyembro ng Free Masons. At iba pang mga panauhin.
#Kalayaan2024
#126thphilippineindependenceday
0 notes
khevingonzales · 8 months ago
Text
Tumblr media
June 12, 2024 | Sapat Nga Bang, MALAYA ang Pilipinas? O Nasa Pamumuno tayo ng isang DIKTADOR? Happy Independence Day (Kuno) Mga Kababayan... 🇵🇭
#IndependenceDay #Freedom #Pilipinas #Philippines🇵🇭
0 notes
nekonekochan · 9 months ago
Text
Tumblr media
‭Efeso 4:1-7, 11-16 ASND‬
[1] Bilang isang bilanggo dahil sa paglilingkod sa Panginoon, hinihiling kong mamuhay kayo nang karapat-dapat bilang mga tinawag ng Dios. [2] Maging mahinahon kayo, mapagpakumbaba, maunawain at mapagpaumanhin sa mga pagkukulang ng bawat isa bilang pagpapakita ng pag-ibig ninyo. [3] Pagsikapan ninyong mapanatili ang pagkakaisa nʼyo mula sa Banal na Espiritu sa pamamagitan ng mapayapa ninyong pagsasamahan. [4] Sapagkat iisang katawan lamang tayo na may iisang Banal na Espiritu, at iisa rin ang pag-asang ibinigay sa atin nang tawagin tayo ng Dios. [5] Iisa ang Panginoon natin, iisang pananampalataya, at iisang bautismo. [6] Iisa ang Dios natin at siya ang Ama nating lahat. Naghahari siya, kumikilos at nananahan sa ating lahat. [7] Ngunit kahit na bahagi tayo ng iisang katawan, binigyan ang bawat isa sa atin ng kaloob ayon sa nais ibigay ni Cristo.
[11] Ang ibaʼy ginawa niyang apostol, ang ibaʼy propeta, ang ibaʼy mangangaral ng Magandang Balita, at ang iba naman ay pastor at guro. [12] Ginawa niya ito para ihanda sa paglilingkod ang mga pinabanal, at para lumago at maging matatag sila bilang katawan ni Cristo. [13] Sa ganitong paraan, maaabot nating lahat ang pagkakaisa sa pananampalataya at pagkakilala sa Anak ng Dios, at ganap na lalago sa espiritwal nating pamumuhay hanggang maging katulad tayo ni Cristo. [14] At kapag naabot na natin ito, hindi na tayo tulad ng mga bata na pabago-bago ng isip at nadadala ng ibaʼt ibang aral ng mga taong nanlilinlang, na ang hangad ay dalhin ang mga tao sa kamalian. [15] Sa halip, mananatili tayo sa katotohanan nang may pag-ibig, upang sa lahat ng bagay ay maging katulad tayo ni Cristo na siyang ulo ng iglesya. [16] At sa pamumuno niya, ang lahat ng bahagi ng katawan, na walang iba kundi ang mga mananampalataya, ay pinag-uugnay-ugnay, at ang bawat isaʼy nagtutulungan. At sa pagganap ng bawat isa sa kani-kanilang tungkulin nang may pag-ibig, ang buong katawan ay lalago at lalakas.
https://bible.com/bible/1264/eph.4.1-16.ASND
0 notes
history-of-heidi · 10 months ago
Text
两 O1 ៚ WHO iS THiS HEiDi FORTESCUE?
Tumblr media Tumblr media
ㅤ 𒀭 ! history-of-heidi.blogspot.com ❱❭❱❭ 📰
ㅤ “MATAAS TUMALON, BENTE BAON!” 𖤐 ⤸
Tumblr media Tumblr media Tumblr media
‽‽ PREMiER ば ❱❭❱❭ PAGPAPAKILALA !
ʬʬ ☇ umamin.link/to/hiddenheidi 著者 💭
“istoryang nagmula sa ’yo, para sa inyo.”
𒀭 ! ──── 𖤐 ⤸ Ang kaniyang pangalan ay Alejandro Heidi Fortescue, mas tinatawag sa palayaw niyang “Hide”, pinanganak noong ika-4 na araw ng buwan ng Oktubre, taong 2004 sa Lucena, Quezon at lumaki sa Bacoor, Cavite. Ang kaniyang mga magulang ay sina Elena Fortescue at Karlos Fortescue na sikat sa kanilang lugar dahil sa kanilang hindi naman kalakihang negosyo sa palengke ng maliit na bayan na Pinili Village. Sila ang nagmamay-ari at nagpapatakbo ng sikat na food stall ng mga street foods at pagkaing pang-meryenda, isang malaking bakery at karinderya na pinangalanan ni Heidi na “Kahit Saan” dahil ito ang kadalasang sagot ng mga tao sa tuwing tatanungin mo ito kung saan gusto kumain. Habang ang sari-sari store naman nila ay tinawag na “Tindahan Store” na siyang kagagawan din ng kalokohan ni Heidi, kasama na rin ang kanilang car wash shop na pinangalanan na “Washiwep Washineyney”, sila ang nagma-may-ari ng pinaka malaking pwesto sa nasabing palengke, nagsimula sila sa maliit na karinderya hanggang sa lumago at lumaki ang hawak nilang pwesto sa nasabing palengke dahil gustong-gusto talaga ng mga tao sa barangay nila ang luto ni Aling Elena, tumigil sa pagpapasada ng jeepney si Mang Karlos nang magsimula itong magkaedad at humina ang katawan, napag-desiyunan nila na magsimula ng car wash shop at kung minsan din ay rumaraket ang kanilang amain na mag-ayos ng mga sira ng mga jeepney o tricycle sa kanilang lugar. Si Heidi ang panganay nila Aling Elena at siya ay may mga nakababatang kapatid na kambal na sina Alexandre Hadley at Alexandra Harley, ang dalawa ay fraternal twins at sa pangalan pa lang ay matutukoy mo na talagang kambal ang mga ito. Sila ay nasa ika-15 taong gulang pa lamang at talaga nga namang malapit sa kanilang nakatatandang kapatid na si Heidi dahil siya ang tagapag-alaga ng mga ito sa tuwing abala ang kaniyang mga magulang sa pagtatrabaho at pamamahala sa kanilang negosyo.
‽‽ SECONDE ば ❱❭❱❭ GiLAS AT GALiNG !
ʬʬ ☇ umamin.link/to/hiddenheidi 著者 💭
“istoryang nagmula sa ’yo, para sa inyo.”
𒀭 ! ──── 𖤐 ⤸ Noon pa man ay magaling na talaga si Heidi sa pamumuno ng mga grupo, madiskarte at malawak ang kaniyang pag-iisip kapag patungkol sa mga bagay-bagay. Elementary pa lamang ito ay nagpakita na ito ng kagalingan sa mga group task tuwing camping, boy scout at Physical Education activities ng kanilang paaralan. Bukod sa magaling itong mamuno ay magaling din si Heidi makihalubilo sa mga tao, hindi ito maghiyain at talaga nga namang palakaibiganin. Tuwing may mga by group activities sa klase ay sisiguraduhin niyang walang napag-iiwanan at lahat ng opinyon at suhestiyon ay napapakinggan. Hindi maikakaila na talagang magaling humawak ng responsibilidad ang binata kung kaya’t lagi itong napipiling leader sa mga group activities, pati na rin sa pagka-presidente sa kanilang klase na hindi niya rin naman tatanggihan dahil para sa kaniya masaya ang mamuno at mapagkatiwalaan ng mga tao sa paligid niya. Dahil dito, naging alalahanin ito para kina Aling Elena at Mang Karlos dahil baka hindi makapag-focus ng maayos ang kanilang anak sa pag-aaral, pero hindi rin naman nagpatalo si Heidi dahil kailanman ay hindi ito natanggal sa honor list ng kanilang klase bawat quarter ng school year. Dahil sa galing nito sa pagsulat ng mga sulatin o essay kung saan nagagawa niyang ibahagi ng maayos ang kaniyang mga nais sabihin at ang bawat nilalaman ng mga ito ay nagbibigay ng makabuluhang ideya base sa hinihinging nilalaman ng mga paksa sa anumang asignatura sa eskuwela, napansin ito ng mga guro ni Heidi kaya nakatanggap siya ng mga panghihikayat na sumali sa mga journalism club na hindi niya rin naman tinaggihan kung hindi ay ikinatuwa niya pa ito, magmula noong Grade 5 siya ay parte na siya mga journalism club sa kaniyang paaralan na pinapasukan, madalas din itong lumalaban sa mga District School Press Conference o DSPC, halos maraming beses na rin siyang nakarating ng Regionals School Press Conference o RSPC bilang isang editorial writer, featured writer o kaya naman ay sports writer, halos kada taon ay iba-iba ang kaniyang sinasalihang kumpetisyon para mas makapag-explore sa field na ito. Junior High School siya nang makarating siya ng Nationals School Press Conference o NSPC kung saan siya ay lumaban na Anchor sa Filipino Radio Broadcasting. Tandang-tanda niya pa kung gaano siya kanerbyos noong araw na iyon dahil iyon ang kaniyang unang beses na makarating siya ng Nationals at dahil na rin hindi niya inasahan na makakapasok siya sa NSPC.
‽‽ TERCiO ば ❱❭❱❭ ATBP KAALAMAN !
ʬʬ ☇ umamin.link/to/hiddenheidi 著者 💭
“istoryang nagmula sa ’yo, para sa inyo.”
𒀭 ! ──── 𖤐 ⤸ Hindi tulad ng ibang tao na madalas ay ayaw ang kanilang second name, si Heidi naman ay labis na nakakaramdam ng sobrang pagka-cringe sa tuwing may tatawag sa kaniya gamit ang kaniyang first name, para sa kaniya tunog pang-matanda na raw ito at hindi nababagay sa kaniya, kaya kung makikita mo ang lahat ng kaniyang social media accounts ay hindi mo aakalaing may first name pa ito bukod sa “Heidi” dahil ni isang beses ay hindi niya ito nabanggit o nilagay sa kaniyang profile sa kahit anong social media platform na mayroon siya. Kulang na lang ay pati sa formal Gmail account niya ay i-delete niya na rin ito. Mga magulang niya lang ang tumatawag sa kaniya nito at ginagamit lamang ang pangalan na iyon kapag may nagawang kasalanan ang binata o kapag nauubusan na ng pasensiya si Aling Elena kapag inuutusan niya ito ngunit masyadong abala sa paglalaro sa kaniyang cellphone o computer. Mahilig si Hide sa mga matatamis na pagkain, bata pa lamang siya ay ito na talaga ang mga nakahiligan niyang pagkain, tuwing may okasyon ang kanilang pamilya ay hindi mawawala ang mango graham, coffee jelly, ice cream, cake o kung ano pa mang matatamis na inihahanda tuwing may kaganapan. Paborito niyang ulam ang kaldereta lalo na kung luto ng kaniyang ina. Mahilig din si Heidi sumulat ng mga letters, love letters o diary, lahat ng mga ito ay hilig niya. Mayroon din siyang collection ng mga keychains, bracelets at plushies na kadalasang galing sa kaniyang mga admirers, kaibigan, kaklase o mga malalapit sa kaniya na binibigay sa kaniya bilang regalo. Siya ay napaka aktibo at masipag sa eskuwela, hilig niya ang pakikipag-socialize dahil na rin sa lumaki ito sa negosyo ng kaniyang mga magulang na kinakailangan na laging makipag-usap at manghikayat na bumili sa kanilang tindahan. Dahil din doon ay nahati ang kaniyang desisyon sa kung anong strand ang kaniyang gustong kuhanin sa Senior High, kung Humanities and Social Sciences ba o Accountancy, Business and Management, pero dahil malapit talaga ang kaniyang puso sa journalism ay tumuloy siya sa strand na HUMSS. Para sa kaniya dito siya magiging masaya lalo na’t may pagmamahal siya sa pagsulat, ang kaniyang laging pinaniniwalaan ay, “ang pagsulat ay mapagpalaya, nagsisilbi sa masa”, sa pamamagitan ng pagsulat, siya ay nagiging malaya at nagagawang ibigay ang kaniyang lahat ng imahinasyon, opinyon at saloobin. Hindi pa man siya ganoon kadesidido sa kung anong propesyon ang kaniyang nais kuhanin at tuparin, siya ay interesado sa mga batas at politika. Hindi niya nais maging isang politician o lawyer, ang nais niya ay maging isang kilalang journalist o news reporter na naglalahad ng buong katotohanan para sa kaalaman ng buong mundo.
‽‽ QUATRO ば ❱❭❱❭ KASALUKUYAN !
ʬʬ ☇ umamin.link/to/hiddenheidi 著者 💭
“istoryang nagmula sa ’yo, para sa inyo.”
𒀭 ! ──── 𖤐 ⤸ Nasa Grade 12 na ngayon si Heidi, huling taon niya sa Senior High bago mag-college. Halos walang pinagbago sa binate, mahilig pa rin itong makihalubilo sa mga tao. Marami itong naging kaibigan kahit kasisimula pa lamang noon ng school year noong Grade 11 siya, kinailangan lumipat ni Heidi ng eskuwelahan dahil Junior High School lamang kaniyang dating paaralan at wala pang units ang mga ito para sa Senior High, halos lahat sa kanilang batch ay lumipat sa dalawang paaralan sa kanilang lugar, ang isa ay sa Bright Horizons Academy habang ang isa naman ay ang SmartStart Learning University, kasama ang kaniyang mga kaklase, sabay-sabay silang nag-enroll sa SmartStart o SSLU, iba-iba man ang kanilang ginustong strand, ay masaya naman silang nakapasok sa iisang university. Ang iba sa mga kaklase ni Heidi noong Junior High na nag-take ng HUMSS strand ay nagging kapareho niya ng cluster at section noong Grade 11. Si Heidi rin ang napiling class president noon habang ang kaklase niyang si Chance Sincere Alcantara ang kaniyang naging vice president at crush buong school year na iyon. Sumali rin si Heidi sa The Talaarawan Publication na club para sa mga journalists sa kanilang university. Naging parte rin ng Strand Student Council o SSC ang binata at naging isa sa mga nailuklok na councilors ng kanilang strand. Ngayong Grade 12 ay siya naman ang nagging vice president ng kanilang klase at ang kaniyang nagugustuhan ang siyang naibotong presidente dahil nabago ang sistema sa SSC, kinakailangan na ang bawat representative sa student council ay hindi presidente ng kanilang mga klase dahil na rin sa mas magiging mabigat pa ang responsibilidad na kakaharapin ng mga ito sa Grade 12, at dahil nais ni Heidi tumakbo bilang strand president ay nagkasundo ang kaniyang mga kaklase na ilagay siya sa posisyon na vice president para matulungan ang kanilang kaklase sa pagtakbo sa pinaka-mataas na posisyon sa SSC. Hindi naman napunta sa wala ang kanilang efforts at pagtulong kay Heidi dahil siya nga nailuklok na Strand President para last year ng Senior High sa kanilang batch. Bukod sa SSC, si Heidi rin ang napiling Editor-in-Chief ng journalism club ng kanilang university na siyang ikinatuwa ng binata. Kahit maraming responsibilidad at gawain ang naghihintay sa lalaki ay hindi ito naging hadlang para sa kaniya na abutin ang kaniyang pangarap. Para sa kaniya, siya ay pinagkatiwalaan ng mga estudyante na mamumo dahil may tiwala ito sa kaniya at iyon ay sapat na dahilan na para sa kaniya upang ipagpatuloy ang kaniyang nasimulang kwento. At dito natin sisimulan subaybayan ang kuwento at journey ni Heidi bilang isang senior high graduating student, kasama ang mga humanista, mga manunulat at iba pang strands at clubs, sama-sama tayong tumindig at humakbang palapit sa pangarap. Padayon, Heidi! ♡
Lagi’t lagi, para sa bayan,
F., ALEJANDRO HEIDI 🎭
0 notes
Text
Krimen sa ilalim ng pamumuno ni PBBM, Dumami? - Isang Grade 10 Student, Nilalapastangan na Naman ang Karapatang Mabuhay!
Sa isang nakakagimbal na balita, isang Grade 10 student ang pinatay sa pamamagitan ng paggilit sa leeg nito sa Barangay Anonang, Mulanay, Quezon, noong Enero 3. Isang trahedya na tila hindi na natatapos sa mga balita tuwing may kasamang pangalan ni Pangulong Bongbong Marcos sa headline. Habang ang mga kabataan at kababaihan ay nagiging biktima ng mga brutal na krimen, parang ang mga kriminal ay…
Tumblr media
View On WordPress
0 notes