#85thpoem
Explore tagged Tumblr posts
Text
#85 SA KANYANG PAGKAKULONG
(Paksa: Wika, wika, paano ba lumaya) Simula noong panahon ng Kastilang mapang-abuso, Wala na tayong laya sa kanilang pang-aabuso, Na istilong pamumuno nila sa atin na aba, Na mga dukha’t tanga sa kanilang paniniwala. Nang malaki na si Rizal ay maliwanag sa kanya, Ang maling pagmaltrato sa kanyang mga kababayan, Gaya ng sinasabihan sila ng mga Kastila, Na sila ay mga Indyo sa ating sariling bayan. Sa hindi katagalan ay napili niyang tumaguyod, At gumawa na ng daan para makipaglaban siya, Sa mga prayleng Espanyol na pinunong mapangmata, Habang pinapahirapan ang mga hindi susunod. Kanya nang sinimulan ang paglaban sa mga ito, Sa paraan ng pagsulat patungkol sa pang-aapi, Subalit ito’y umabot sa namumuno na pari, Kaya naman siya kinulong sa Moóg ng Santiago. Copyright © 2021 BALOCSIN *Disclaimer: May binago lang ako konti sa orihinal na ginawa at pinasa ko sa ME Publications para sa wricon ng Filipino Poets in Blossoms nung nakaraang linggo. Sa bagong edisyon na ito ay hindi ko na sinunod o inalis ko na ung ibang nasa mechanics at tinira ko na lang na nasa mechanics na andito sa bago ay ung 4 hanggang 5 na saknong lamang, na may labing-anim na pantig(syllables) at mayroong 8/8 na sesura(break or pause) kada taludtod. Ginawa ko ito baguhin para lamang hindi masayang pinaghirapan at oras ko gawin ito saka para masama sa pangatlong poetry compilations ko. Nagandahan kasi ako sa kwento laman ng tulang ginawa ko.:)
0 notes
Text
Pitong Taong Paglalakbay
(Tula Ng Paglalakbay Ko Sa Piling Ng Mga Pransiskanang Misyonera ni Maria) Nagsimula sa paghahanap ng mapapasukang kumbento, Para sa unang nais na maging madre, Kung saang kongregasyon ba ako mababagay, Subalit hindi na natapos at nasundan pa, Sapagkat nagkaproblema sa pinansyal, At nang makabawi na ay nakilala naman, Ang taong wawasak pala sa aking puso. Lumipas na ang taon na iyon, Nang sinabihan ako ng kakilala kong madre, Sa kongregasyon ng mga Pransiskanang Misyonera ni Maria, Na may oryentasyon ng mga gusto mag-LAYKO sa kanila, Na aking sinubukan at pinasok, Nakumpleto ko ito at dumating ako sa pagdedesisyon, Kung itutuloy ko ba ang pagtanggap sa tawag sa akin. Nasa dulo na ako ng aming pagninilay, Hindi pa din ako makapagdesisyon, Kaya ako ay atras abante at muntikan ng umurong, Hanggang ang kasamahan ko sa kwarto nila, Sa mga panahon na iyon ay nakumbinse ako, At ipinagdasal namin ang gabay ni Mama Pasyon, Kaya aking tinanggap ang pagla-Layko sa kanila sa kinabukasan ng umaga. Bago ko narating ang aking kinalalagyan ngayon, Umabot din ako sa puntong lumabas ako, Sa pagiging layko nila pansamantala, At bumalik sa sumunod na taon, Dahil tapos na ang aking problema uli sa pinansyal, At natapos na din ang mga sagabal sa pagpunta ko doon, Kaya ngayon ay magpapanibagong pagsumpa na naman ako sa paglalayko. Copyright © 2020 BALOCSIN
0 notes