#Inspirasyon
Explore tagged Tumblr posts
Text
Ang dami ko na palang sinimulang tula na hindi ko matapos-tapos. Ilang taon na kong parang nakagapos—sa kawalan, sa pagkatigang, sa pagkalito, pagluluksa, pagkatamad, sa pagka-bigo, minsan sa pagkadarang. Wala na yata akong matatapos sa mga sinimulan. Lahat ng nilimbag ay dapat lumabas para malaman. Pero bakit hindi ko sa kanila maibigay ang tangi nilang karapatan? Piitan ko ang aking mga kamay at masalimoot na isipan. Hindi mapakinabangan. Ni hindi ko sila maipangalandakan. Sa dami nang sinimulan ay wala pa ni isa sa kanila ang nakasilay sa kawakasan. Akala ko ba'y maagang napipili ang mga maiinam? Bakit parang di naman. Ang dami ko nang simula, pero bakit parang walang hanggan?
Saklolo.
-WMAB
#tula#mga tula#tagalog#tagalog poem#tagalog tula#pilipino#pilipinas#tulangtagalog#tulala#maikling tula#inspiration#inspirasyon#thinking#writers block#pinoy hugot#philippines
9 notes
·
View notes
Text
🌟 Selam Tumblr Ailesi! 🌟
Bugün sizinle TEDx konferanslarının toplumsal değişime olan etkisini ele alan bir makaleyi paylaşmak istiyorum. Bu yazıda, konferansların bireyler üzerinde bıraktığı derin izler ve toplumun dönüşümündeki rolleri üzerine düşündüren bir içerik var. Okumanızı şiddetle tavsiye ederim!
📖 Makaleye göz atmak ve düşüncelerinizi paylaşmak için buraya bir göz atın: https://kenanyalcin.mystrikingly.com/blog/tedx-konferanslarinin-toplumsal-degisime-etkisi
🤔 Sizce TEDx konferansları, toplumsal değişime nasıl bir katkı sağlıyor? Görüşlerinizi merak ediyorum! 🗨️
2 notes
·
View notes
Text
Si Usman, Ang Alipin
Sa malayong lupain ng Mindanao, may isang marilag na pook kung saan naninirahan ang pamilya ni Usman. Ang mga araw ay nagdaraan nang payapa, at ang buhay ay parang isang magandang alon sa karagatan. Si Usman, isang kabataang Muslim, ay lumaki na may magandang pamilya. Sila ay may lupaing kanilang sinasaka at kanilang kinikita mula rito. Ngunit, isang umaga, biglang nagbago ang lahat. Isang…
View On WordPress
#Alipin#Determinasyon#digmaan#Diskriminasyon#Inspirasyon#kalayaan#Mindanao#Muslim#Pag-aalipin#Pag-aaral#pag-asa#Pamilya#Tagumpay#Usman
0 notes
Text
Aşkın En Karanlığı
Bir zamanlar, içi umutla dolu bir adam vardı. Adı Emre'ydi ve kalbinin en derinlerine aşkın en güzel renklerini resmeden bir kadına tutulmuştu. Onun adı Elif'ti. Elif'in gülüşü, gözlerindeki parıltı ve içten gelen samimiyeti, Emre'nin kalbini cezbetmişti. Onun için Elif, bir masal kahramanı gibiydi; hayatının anlamı ve güzelliklerle dolu bir rüyaydı.
Emre, Elif'e olan aşkıyla kalbinin en karanlık köşelerinden güneş ışığı gibi parlayan bir aşkla bağlıydı. Elif'in her sözü, her dokunuşu ve her gülüşü, onu derinden etkiliyordu. Onun için sevgi, saygı ve anlayışla dolu bir bağ vardı ve onun yanında kendini en saf, en gerçek haliyle ifade edebiliyordu.
Ancak bir gün, Emre'nin hayatı beklenmedik bir şekilde altüst oldu. Elif, onun için hayatın en karanlık anına dönüşen bir karar verdi. İhanetin soğuk eli, kalbindeki güzellikleri silip süpürdü. Elif, onun aşkı ve bağlılığına hiç değer vermemiş, onu görmezden gelmiş ve hiçe saymıştı. Emre için bu, bir felaketti. Aşkın en karanlık yüzü, kalbinin en derinlerinde iz bıraktı.
Emre, bir zamanlar içinde neşe ve umut dolu olan kalbinin kırık parçalarını toplamakta zorlanıyordu. Elif'in ihaneti, onu duygusal bir enkazın içine sürüklemişti. Kendini değersiz ve yetersiz hissediyordu. Kalbindeki güzellikleri ona sunarken hiçe sayılmanın acısı, göz yaşlarıyla karışıyordu.
Ama zamanla, Emre, aşkın en karanlık yüzünü değiştirmeyi öğrendi. Kalbinin kırık parçalarıyla baş başa kaldığında, gücü içinde hissetti. Onun için aşkın en karanlık anı, aynı zamanda kendini keşfettiği bir dönüm noktasıydı. Artık Elif'in sevgisini hak etmediğini düşünmek yerine, kendine olan inancını geri kazanmaya başladı.
Emre, hayatının akışına teslim oldu ve kendini keşfetmeye başladı. Onun için, aşkın en karanlık yüzü, daha önce fark edemediği güçlü yönlerini keşfettiği bir yolculuktu. Kendini yargılamayı bıraktı, geçmişi affetti ve geleceğe umutla baktı.
Elif'in hiçe saydığı adam, kendi içinde gücü keşfeden bir adam olmuştu. Hayatın acımasızlığına rağmen, içindeki aşk ateşi asla sönmemişti. Emre, artık geçmişin gölgesinde değil, kendine güvenen, sevgi dolu ve aydınlık bir geleceğin yolcusuydu.
Emre'nin hikayesi, aşkın en karanlık yüzünden ışığa doğru yol alan bir dönüşümün hikayesiydi. Hayatta alınan acılar ve yaşanan ihanetler, insanı güçlendiren ve içindeki güzellikleri keşfetmesini sağlayan birer ders gibiydi. Unutmayın ki, aşkın en karanlık anında bile içinizdeki güç, sizi hiçbir zaman terk etmeyecek ve sizi aydınlık yarınlara doğru taşıyacaktır.
#gölgelikalemdar#blog#yazı#hayat#dans#duygu#öykü#sanat#keşif#yaşam#duygusal#içselyolculuk#kutuplararası#hikaye#yazıatölyesi#anlatım#inspirasyon#duygular#yazmak
1 note
·
View note
Text
"MM"
Pinilit kong isatinig
ang ganda ng iyong himig,
sinabayan, sinayawan
ang huni ng ipinipintig.
Pinilit kong daanan
ang sukal ng 'yong karunungan,
lumubog, umahon sa
hukay ng 'yong kalaliman.
Pinilit kong lampasan
ang dikta ng alinlangan
na ang agwat ng aking isla't 'yong dalampasigan
ay aking matatawiran.
Pinilit kong lasapin
ang timpla ng 'yong panulaan,
ngunit bigo pa ring makamit
ang tingkad ng 'yong kakataan.
Pebrero 18, 2018 | 2:40 NU
#inspirasyon#makata#manunula#maningningmiclat#damdamin#tula#berso#mm#kuwentistangmanunulat#simplengbebeng
0 notes
Text
Andami kong gagawin 😭 pero yung katawan ko ayaw makisama, ayoko matambakan.. Penge naman ng will to live.. Or inspiration para magfunction.
1 note
·
View note
Text
ritmos de sefarad: versión extendida
🇮🇱 "ritmos de sefarad: edisión extendida" ofrese viente nuevas kantikas dedikadas a la komunita sefardí. Desde "briza del mar" asta "krepuskulo de beldat", kada kantika yeva al oyente en un vijaje ke onra la rika erensia kultural de los sefardíes. Estas komposisyones fyuzionan la atmozfera moderna del lo-fi kon las inspirasyones de la muzika sefardí, kreando una eksperyensia sonora única. Este EP amplyado celebra la istoria i la ermozura de la tradisión sefardí kon un sonido kontemporáneo i eksitante. ✡️💜
🇺🇸 "rhythms of sepharad: extended edition" offers twenty new tracks dedicated to the Sephardic community. From "sea breeze" to "twilight beauty," each song takes the listener on a journey that honors the rich cultural heritage of the Sephardim. These compositions blend the modern atmosphere of lo-fi with the inspirations of Sephardic music, creating a unique auditory experience. This expanded EP celebrates the history and beauty of Sephardic tradition with a contemporary and exciting sound. ✡️💜
youtube
#judaísmo#judaism#jewish#jumblr#ladino#judeoespañol#judezmo#judío#lofi beats#lofi#ritmos de sefarad#sefarad#beats lofi#lo fi music#music#música#ritmos#beats#🎧#sefardí#sephardic#💙#✡️#Spotify#Youtube
12 notes
·
View notes
Text
Ito ay sinadya upang maging inspirasyon ng tag system ni Omori, ngunit hindi ito nangyari
16 notes
·
View notes
Text
Finally freaking finished this drawing (´ཀ`」 ∠)
The backgrounds is what really made this take so long. I promise I tried.
The inspirasyon! ∠( ᐛ 」∠)_
+
#I'm still unsatisfied with the background but I really need to stop here and move on or I'm going to go insane ˶ᵔ ᵕ ᵔ˶#I can see so many mistakes with the hand and if you're like me#you can too ( ˶ˆᗜˆ˵ )#bradley uppercrust iii#as fun as this was I am so done#maxley#Human bradley#the extremely goofy movie
13 notes
·
View notes
Text
Ang GomBurZa ay ang mga paring marytr sa panahon ng pananakop ng mga Espanyol. Ngunit alam niyo ba na mayroong isa pang pinatay noong February 17.1872. Siya ay ang nagbintang sa GomBurZa sa pagplano ng Cavite Mutiny noong 1872. Siya ay nangangalan na Francisco Zaldua at siya rin ay nabitay noong February 17, 1872 gamit ang garrote. Ang mga paring martir na ito ay nagsilbing inspirasyon para sa ating mga bayani na magkaroon ng liberal na kaispan at lumaban para sa bayan. Naging inspirasyon ni Jose Rizal ang GomBurZa sa kanyang aklat na El Filibusterismo at naging inspirasyon rin ito ng Katipunan.
Natutunan:
Lahat ng tao ay may iba-ibang paraan upang lumaban para sa kalayaan. Tulad ni Jose Rizal o Andres Bonifacio. Lahat tayo ay may karapatan lumaban para sa sarilling bayan.
3 notes
·
View notes
Text
napapa isip ako minsan, what if mag try din ako mag aral ulit at mag LET exam. siguro one of my insecurities, yung hindi na nga na aappreciate yung mga effort ko, wala pang ka proud proud saken. yung om ko kasi parang yung magulang mo na napaka taas ng expectations.
tatlo samen LPT passer, yung isa nag resign kasi nag masters. laging proud na proud yung om namin at inaannounce sa buong cluster. masaya naman ako sa mga kateam ko, siguro naiinggit lang ako kasi ito lang ako. wala akong magandang credentials, kaya di ako nag eexpect na mapromote sa team namin kasi parang hindi naman ako deserving. parang nawawalan din ako ng gana lalo pag hindi ako yung ina-assign sa isang task, hindi ako yung incharge, feeling ko hindi ako mapagkakatiwalaan, feeling ko hindi ako magaling kaya madalas talaga tutok nalang ako sa ginagawa ko.
dati narin kasi ako inalok na kumuha ng methods of teaching, pag kagraduate ko palang ng college. kinukuha rin sana ako dati ng tita ko sa Australia, andun sana siguro ako ngayon. ilang beses ko rin binalak mag trabaho sa abroad pero laging di natutuloy. parang laging may mali sa mga desisyon ko sa buhay haha, minsan nga iniisip ko rin kung tama bang nag settle ako dito kasi feeling ko lumiit yung mundo ko dito. napapa isip parin ako kung ito ba talaga yung gusto ko sa buhay, hindi ko parin alam.
alam ko wala naman naitutulong yung pag compare ng sarili mo sa buhay ng iba, pero minsan talaga di ko maiwasan, pero madalas ginagawa ko nalang inspirasyon. kanya kanyang diskarte lang naman, di porke nag work sa iba, mag wowork din sakin kasi mag kakaiba naman tayo ng mga pinag dadaanan. basta ang mahalaga saken ngayon, wala na akong utang hahaha. chariz
7 notes
·
View notes
Text
Ang Pag-ibig ni Datu Puti
Sa Noong-unang panahon, may isang mapayapang kaharian sa Pilipinas na pinamumunuan ng isang mabuting pinuno na si Datu Puti. Kilala siya sa kanyang katapatan, kahusayan sa pagpapatakbo ng kaharian, at malasakit sa kanyang mga nasasakupan. Dahil dito, kinagigiliwan at pinagmamalaki siya ng kanyang mga tao. Isang araw, habang si Datu Puti ay naglalakbay sa mga kalapit na kaharian upang palakasin…
View On WordPress
#DatuPuti#digmaan#Giting#HuwarangMag-asawa#Inspirasyon#Kaharian#Kuwento#MapayapaKaharian#Pagibig#pagkakaisa#Pagkakaunawaan#pagmamahal#Pagsubok#Pilipinas#PrinsesaMaganda#TagalogAlamat#TagalogFiction#TagalogStory#Tapang
0 notes
Text
nakita ko post ni kuya @/kinghippolytus sa facebook and im so happy for him proud ako sa achievements niya, indeed gradWAITING na din talaga siya like me. Grateful na din na we are surrounded by supportive friends from here. tulad din ng palagi ko kay @/sinceriouslyy last time isa sila sa inspirasyon bakit andito ako/kami at para na din sa future namin. 🥹🎓
3 notes
·
View notes
Text
Marami akong bagay na ayaw sa mundo. Kabilang sa napakahabang listahan ko ay ang dilim, makikipot na daan, at mga taong may kakayahang bahiran ng dumi ang persepsyon ng isang tao sa kaniyang sarili. Nakakapangamba, na sa isang salita, maging sa simpleng kilos gaya ng pagtaas ng isang kilay at ‘di kaaya-ayang tingin, ay napupunan nito ang iyong isip ng libo-libong duda. Paanong sa ilang segundo, nawala nang parang bula ang kompiyansang nabuo mo sa mahabang panahon? Paanong hindi na kasing tingkad ng iyong pag-ngiti kahapon, maging kislap sa iyong tingin ay naglaho ngayon sa harap ng iyong repleksyon? Minsan madalas, mas madali pa sa iyo tumanggap ng kutya’t kabulaanan kaysa katotohanan. Parang kahit ilang libo man ang matanggap mong papuri sa libo-libong tao, mas tatatak pa rin sa iyo ang mga salitang nakakapagpalubog ng iyong puso.
“Ang ganda mo.”
“Parang hindi naman.”
Kung gagawaran mo ako ng pribilehiyo na hawakan ka’t mapalapit pa nang husto sa iyo, luluhod ako sa harap mo’t yuyuko para halikan ang iyong talampakan, pataas sa mga parte ng iyong katawan na iyong kinamumuhian. Imamapa ko ang pook ng mga dahilan ng iyong bawat paghikbi sa kinagabihan, pag-iwas mo ng tingin sa kamera’t maging paglaho ng iyong ngiti kapag natatapat ka sa panganinuhan.
Kung p’wede lang, kusa sanang mapunta sa akin lahat ng dahilan sa likod ng pagsimangot mo—lahat ng dahilan kung bakit mababa ang tingin mo sa iyong sarili, at ibabalik ko ito sa iyo sa anyo ng pag-ibig. Bibinyagan kita ng aking mga halik, ang bawat yapos ko’y magsisilbing pang-alis ng hindi magandang pakiramdam na nakaukit sa iyong isip. Sana alam mong sa mga mata ko’y mukha mo’y perpektong nililok—ikaw ang personipikasyon ng salitang perpekto. At kung totoo man ang Diyos, walang duda na ikaw ang kaniyang paboritong likha rito sa mundo.
Tangina, ang ganda mo.
Hindi ako magsasawang iguhit at ipinta ka sa tela ng aking kuwadro, maging sa aking mga kwaderno. Ikaw ang inspirasyon sa aking isusulat na libro, maging paksa sa tula’t mga prosa na isasatitik ko. Ikaw ang nag-iisang musa sa aking museyo.
Marami akong bagay na hindi gusto, at isang kagustuhan naman sa buhay ko. Kung bibigyan ako ng pagkakataon na humiling sa dyini, tatlong beses kong nanaisin na mahalin mo ang iyong sarili gaya ng pagmamahal ko sa iyo, tangi.
Sulat para kay Yaretzi, galing kay Sullivan.
5 notes
·
View notes
Text
Kabataang Pilipino Para sa Matatag na Kinabukasan ng Bagong Pilipinas
Sa puntong ito, nais ko munang iparating ang aking taos-pusong pasasalamat sa bumubuo ng Paaralang ito, magmula sa punong-guro, mga guro, ang aking ina, at mga katuwang sa pamamalakad upang maayos na maiparating ang edukasyon sa ating mga mag-aaral. Pasasalamat sapagkat ako ang napili ninyong makapiling ng mga mag-aaral na magsisipagtapos ngayong araw upang magbigay inspirasyon at kaunting leksyon hango sa aking mga sariling karanasan sa aking pagtahak sa karera at buhay na aking kinapapalooban.
Bago ang lahat, nais ko sanang iatas sa inyong mga magsisipagtapos na lingunin ninyo ang inyong mga katabi, ang inyong mga kaklase, mga itinangi, mga nakasamaan ng loob at mga naging kaibigan. Ngitian. Tanguan. Marahang kurutin. Tapikin sa balikat. At pasalamatan. Sa dami ng hamon gaya ng pandemya at ng pagbabago ng klima, hindi biro ang inyong naging pakikibaka upang makarating kayo rito kasama nila. Minsan lang tayong magiging bata. At sa pagiging bata natin unang matututuhan ang mga mahahalagang leksyon sa ating buhay, gaya ng pagiging mabuti, kasipagan, pakikipag kawanggawa, at pagiging magalang. At sa pagtulong humulma ng mga katangiang ito, napakalaking respeto ang sa palagay ko’y dapat igawad sa ating mga guro. Isama ninyo na ring tunghayan at batiin sila na siyang naging pangalawang magulang ninyong tumutulong pumanday sa inyo bilang tao. Higit sa pagbibiro, ngunit magmula pagkabata nang sila ay mag-aaral pa lamang, hanggang sa pagreretiro, hindi na nila iniwan ang paaralang gaya nito. Isipin nyo nalang kung gaano nila kamahal ang kanilang trabaho at kinakaya nilang pakibagayan at pagtyagaan ang iba’t ibang ugali ng mga batang kagaya ninyo. There is no better personification of passion than that of the teachers.
Simulan natin ang ating munting kwentuhan sa Pangarap. Noong panahon na ako ang magtatapos, kasama na rin ng aking mga kamag-aaral at mga kaibigan na nakikinig sa guest speaker sumagi na rin sa aking kaisipan kung ano kaya ang pakiramdam ng magtagumpay? Kaakibat din nito ang aking kagustuhang umangat kahit kaunti sa buhay. Kaming pamilya, kahit guro na ang aking ina, ay nakapisan lamang sa isang maliit na silid na halos katabi ng kanal na tuwing lumalakas ang ulan, walang pinipiling oras, pumapasok ang tubig at banlik sa aming hiram na tahanan. Ako, bilang sa sahig natutulog, hindi maiwasang magising na dinadampian na ng tubig baha ang aking katawan. Sa mga pagkakataong ganito, nabubuo sa aking gunita ang mga mumunting pangarap. Pinapatatag tayo ng mga ganitong pagsubok upang kahit ano pa mang dumating sa hinaharap kaya nating malampasan at mapagtagumpayan. Taasan at damihan natin ang ating mga pangarap, at palagiang piliting makamit ang mga ito. Pinagarap kong magkaroon kami ng sariling tahanan at hindi naman ako binigo ng tadhana. Iyan ay isa lamang yan sa aking mga pangarap na unti-unti kong tinutupad. The best part of dreaming is living in it.
Sa parehong tahanan pinapanday ng aking mga magulang lalo na ang aking ina, ang aking sarili sa pag-aaral. Sa murang edad, ipinaintindi nila sa akin ang kahalagahan ng pag-aaral. Tuwing pagsusulit, kinakailangang gumising nang madaling araw para lamang balikan ang mga napag-aralan, sauluhin ang mga pormulang gagamitin sa sipnayan at marami pang paraan upang mapanatili o mapaganda pa ang aking estado sa silid aralan. Naging kinatawan din ako sa ilang paligsahan noong ako nasa edad nyo pa lamang. Nadala ko siguro ang sipag sa pag-aaral hanggang sa pagkuha ng lisensya bilang isang Certified Public Accountant. Ang masasabi ko lamang, higit sa saya ng pagtatagumpay, ang sayang makitang ipinagmamalaki ka ng iyong mga magulang. Paunlarin ang iyong sariling kakayahan. Palaguin ang inyong kaalaman, palagiing maging mausisa sa mga bagay sa ating buhay at pagbutihin ang pag-aaral. Malayo ang mararating ng taong nagsusumikap sa buhay. Surrender yourself to the hardships of today for the betterment of your future.
Sa parehong panahon ng pagsusumikap ninyo para abutin ang inyong mga pangarap, huwag hayaang lumipas ang oras na hindi kayo nagsasaya. Magpakatotoo sa sarili at huwag hayaang kulungin ng pagtingin ng ibang tao ang iyong kakayahan. Maigsi lamang ang buhay upang punuin lamang ng panghihinayang. Palagiang ipamalas ang galing at lalo pa itong linangin. Kagaya ko, kung hindi ako masigasig sa pag-aayos ng mga proseso sa trabaho, hindi ako aangat sa posisyong kinalalagyan ko. Mataas pa ang aking pangarap, at lalo ko pang pinagbubutihan. Ang paglalakbay tungo sa tagumpay ay malimit na mahirap, mahiwaga, at hindi sigurado, gayunpaman, ito ang isa sa pinakamasayang parte ng pag-abot ng ating tagumpay, sapagkat kapag tayo ay nahihirapan, doon natin nararanasan ang pag-ibig, pagtutulungan at pagkakaibigan. Pahalagahan natin ang mga ito sapagkat maaaring minsan lang dumating sa buhay natin ang mga bagay kagaya nito. Enjoy the trail as much as you enjoy the summit.
Sa pagtatapos, nais ko sanang bigyang importansya ang ating pagiging Pilipino. Sa pagtupad natin ng ating kanya-kanyang pangarap, kasabay nito ang pag-unlad ng ating bayan. Bilang isang kawani ng pamahalaan, hanggang sa abot ng aking makakaya, pinipilit kong maisabuhay ang mga pagpapahalaga sa aming kagawaran. Dahil dito, unti-unti naisaayos ang proseso ng aming opisina, nagawaran din kami ng pagkilala dahil sa isang atas na aming nagawa. Ito ang aking munting ambag, kalakip ng mga pagtatagumpayan pa namin sa hinaharap, para sa ikauunlad ng bayan. Sama-sama tayong mangarap sa isang matatag, maginhawa at panatag na buhay bilang isang bansa. Iisa lang ang ating bayang Pilipinas. Ipagmalaki natin ito, mahalin at pangalagaan. Maraming salamat po.
3 notes
·
View notes
Text
Biyahe Patungo sa Monasterio De Tarlac
-> Pagkilala sa lugar Hindi ko lubos akalain na mayroong ganitong klase ng lugar sa Pilipinas. Bilang kasapi ng isang relihiyosong pamilya, ang lugar na ito ay isang biyaya. Kaya naman samahan ninyo akong lakbayin ang tunay na katangi-tanging ganda ng Monasterio De Tarlac. Ang Monasterio de Tarlac ay matatagpuan sa matayog na bulubunduking kagubatan sa Resurrection sa probinsya ng Tarlac, ito ay hindi lamang isang pasyalan para sa mga deboto at mga bumibisita, kundi isang lugar ng pagninilay at pananampalataya.
Ang katahimikan ng lugar ay agad na bumalot sa akin, nagbibigay-daan sa isang mas malalim na pagninilay at pananampalataya. Bago magsimula ang misa, bumungad sa akin ang napakalaking imposanteng istatwa ni Hesu Kristo na naitayo na may laking 30-foot malapit sa simbahan. Kamangha-mangha ang istatwang ito sa unang tingin sapagkat aakalaing mong hanggang langit ang tingkad.
-> Pagninilay at Pananampalataya Sa panimula ng mga kampana, indikasyon ng pagsisimula ng misa, ang banal na lugar ay nagbigay sa aking diwa ng kapanatagan at kapayapaan. Sa pag lapit ko sa loob ng simabahan, nakaramdaman ako ng presensya ng pagninilay. Ang lugar na ito ay nagbigay ng pasasalamat at kagalakan sa aking isipan. Ang bawat sandaling ito sa loob ng simbahan ng Monasterio de Tarlac ay nagdulot ng kasiyahan at kapayapaan sa aking puso at isipan, nagbibigay-lakas sa akin sa aking landas ng pananampalataya at paglilingkod.
-> Silong at litratuhan Ang Monasterio De Tarlac ay hindi lamang umiikot sa pagkakaroon ng simbahan, kung hindi ang pagkakaroon ng mga magagandang tanawin, mayroong mga bilihan ng makakain. Isa ang restaurant na ito sa pumukaw ng aking atensyon dulot ng tanawin, samahan pa ito ng masasarap na pagkain mula sa lugar.
Sa karagdagan, ang Monasterio de Tarlac ay may mga sariwang lugar na perpekto para sa pagkuha ng litrato. Isa rin ito sa pumukaw ng aking atensyon sapagkat ito ay mayroong mga upuan, ramdam ang simoy ng hangin at mapapansin ang mga nakapalibot na istatwa ng mga santo.
-> Espesyal na Araw para sa Pamilya Napakasaya ng aking experiences sa lugar dahil kasama ko ang aking pamilya lalo na at bonding namin ang pagninilay at pagsisimba. Masasabi kong nakatulong ang Monasterio De Tarlac upang mas magkaroon ako ng mga memoryang tatatak sa aking isipan magpakailanman. Isa ang araw na ito sa pinaka espesyal na nangyari sa aking buhay sapagkat kasama ko ang pinakamahalagang biyaya sa akin ng may kapal, ito ay ang aking pamilya. Kaya naman upang hindi ko makalimutan ang espesyal na araw na ito ay nagpasya ako at aking pamilya na kumuha ng mga litrato na maari naming tignan at balikan kung gusto naming maalala at bigyang empasismo ang tunay na kaakibat ng Monasterio de Tarlac.
-> Bulubunduking Tanawin Matatanaw din ang mga malalaking bundok mula sa lugar na nang-alok ng mga napakagandang tanawin, malayo man ito o malapit. Sa aking persepsyon, ang mga bundok na ito ay nagsisilbing inspirasyon sa mga bisita na nagbibigay-daan na lumapit sa kalikasan at sa kanilang sariling espiritwalidad sa pamamagitan ng mga natatanging karanasan at paglalakbay.
-> Mga Realisasyon
Sa pagtatapos ng aking paglalakbay sa Monasterio de Tarlac, ang lugar na ito ay magtatanim sa aking puso ng alaala na kailanman ay hindi ko makakalimutan. Ilan sa mga realisasyon na aking natamo sa buong paglalakbay ko sa Monasterio de Tarlac ay ang pagkakaroon ng malaking benepisyo ng paglalakbay sa ugnayan ng pamilya. Naniniwala ako na ang pagkakaroon ng malakas na pananampalata sa Panginoon ay isang paraan upang mas mapatibay ang relasyon ng isang pamilya, dahil base sa aking karanasan, isa ang pagninilay sa Panginoon ang naging daan sa aking pamilya upang patuloy na mahalin ang isa't isa. Kaya naman hinihikayat ko kayo na bisitahin ang Monasterio de Tarlac upang maranasan ang tunay na kagandahan nito.
3 notes
·
View notes