#Determinasyon
Explore tagged Tumblr posts
Text
Si Usman, Ang Alipin
Sa malayong lupain ng Mindanao, may isang marilag na pook kung saan naninirahan ang pamilya ni Usman. Ang mga araw ay nagdaraan nang payapa, at ang buhay ay parang isang magandang alon sa karagatan. Si Usman, isang kabataang Muslim, ay lumaki na may magandang pamilya. Sila ay may lupaing kanilang sinasaka at kanilang kinikita mula rito. Ngunit, isang umaga, biglang nagbago ang lahat. Isang…
View On WordPress
#Alipin#Determinasyon#digmaan#Diskriminasyon#Inspirasyon#kalayaan#Mindanao#Muslim#Pag-aalipin#Pag-aaral#pag-asa#Pamilya#Tagumpay#Usman
0 notes
Text
Sa buhay, hindi maiiwasan ang mga hamon at balakid. Gayunpaman, ang paraan ng pagtingin at pagharap natin sa mga ito ay maaaring magdala ng malaking pagbabago. Ang pagsasanay sa isipan na magtuon sa mga solusyon kaysa sa mga problema ay isang mahalagang kakayahan na nagpapalakas ng katatagan, pagiging malikhain, at tiwala sa sarili.
Kapag nakatuon tayo sa mga problema, nalulubog tayo sa negatibismo at kawalang-pag-asa. Pinapalaki nito ang mga hamon at ubos ang ating enerhiya, na nag-iiwan ng maliit na espasyo para sa aksyong makabuluhan. Sa kabilang banda, ang solusyon-oriented na pag-iisip ay nagbabaling ng pansin natin sa mga posibilidad at aktibong hakbang. Sa halip na tanungin ang sarili, “Bakit nangyayari ito sa akin?” mas magandang itanong, “Ano ang magagawa ko para malutas ito?”
Ang ganitong pag-iisip ay nangangailangan ng pagsasanay. Magsimula sa pamamagitan ng pagbabago ng pananaw—tingnan ang mga hamon bilang pagkakataon para sa pag-unlad. Ang bawat problema ay may dalang potensyal para sa kaalaman at inobasyon. Pangalawa, sanayin ang pagiging mausisa at kritikal na pag-iisip. Hatiin ang problema sa mas maliit na bahagi at mag-isip ng mga posibleng solusyon. Sa huli, pumili ng positibong kapaligiran—mga tao, libro, at lugar na nagbibigay-inspirasyon sa pagiging malikhain at matatag.
Ang pagtuon sa solusyon ay hindi lamang para sa iyong sarili kundi para rin sa mga nasa paligid mo. Nagtataguyod ito ng kooperasyon, dahil ang mga positibo at mapanlikhang tao ay madaling lapitan ng iba. Sa paglipas ng panahon, ang pagsasanay na ito ay nagpapalakas ng tiwala at paniniwala sa kakayahan mong harapin ang anumang pagsubok.
Sa pagsasanay sa isipan na magtuon sa mga solusyon, binibigyan mo ang sarili mo ng kapangyarihang harapin ang mga hamon sa buhay nang may pag-asa at determinasyon. Ang mga problema ay hindi na magiging hadlang, kundi mga hakbang patungo sa pag-unlad at tagumpay.
3 notes
·
View notes
Text
OPINION: Ang Pagkakaroon ng Boses Laban sa Tsina: Katahimikan ni Bise Presidente Duterte sa West Philippine Sea
Illustration by Amihan Danao
Ang West Philippine Sea ay mahalaga sa Pilipinas at sa mga kalapit-bansa nito dahil sa malaking reserba ng langis at natural gas, mahalagang lugar na pinangingisdaan, at ruta sa kalakalan at transportasyon sa buong mundo. Ito ay nagtataglay ng tinatayang 11 bilyong bariles ng langis at 190 trilyong cubic feet ng natural gas, at nagsisilbing tahanan ng humigit-kumulang 10% ng pangisdaan sa buong mundo. Sa kasamaang palad, naging sentro ito ng hidwaan dahil sa agresibong pakay ng Tsina sa pagpapalawak ng kanilang teritoryo. Halimbawa, noong 2023, nagtayo ang Tsina ng isang bagong istruktura sa Julian Felipe Reef, na bahagi ng Exclusive Economic Zone (EEZ) ng Pilipinas, na nagdulot ng malawakang protesta mula sa pamahalaan ng Pilipinas at iba pang mga bansa sa rehiyon. Ito ay karagdagan sa mga nauna nang itinayong mga istruktura, na patuloy na nagpapalawak ng kanilang presensya sa lugar. Ang Pilipinas, kasama ang iba pang bansa, ay itinataguyod ang kanilang karapatan na mamalagi sa o pakinabangan ang mga saklaw ng teritoryo nito, ayon sa mga internasyonal na batas tulad ng United Nations Convention on the Law of the Sea (UNCLOS).
Sa kabila ng mga panawagan ng ilang mga grupo, may mga opisyal ng pamahalaan ang nananatiling tahimik sa usapin. Ang katahimikan ni Bise Presidente Sara Duterte sa harap ng agresyon ng Tsina ay masaklap dahil nagpapahiwatig ito ng pagsasawalang-bahala niya sa presensya ng Tsina sa ating teritoryo at sa mga panawagan ng mga mamamayan laban dito. Ang kanyang "no comment" ay nagpapalakas ng loob ng Tsina at sumisira rin sa imahe ng Pilipinas bilang isang malakas at malayang bansa.
Maraming grupo, tulad ng AKBAYAN Citizens’ Action Party (Akbayan), ang nagpapahayag ng kanilang pagkadismaya sa mahinang pag-aksyon ni Duterte sa usaping ito. Ayon sa presidente ng Akbayan na si Rafaela David, “All that is required is a modicum of empathy and a pinch of moral backbone—qualities one might hope for from the second-highest leader in the country”. Ang pahayag na ito ay nagmumula sa kanilang kritisismo sa katahimikan ni Bise Presidente Duterte tungkol sa agresyon ng Tsina sa West Philippine Sea, na itinuturing nilang isang mahalagang isyung dapat aksyunan ng bawat lider ng bansa. Ipinagtanggol naman ni Presidente Ferdinand Marcos Jr. ang bise presidente sa pamamagitan ng pagsabing “it's not her place” nang tumanggi si Duterte na magbigay ng komento tungkol sa isyu. Ayon kay Presidente Marcos, ang mga pangunahing kumikilos sa usaping ito ay ang Department of Foreign Affairs (DFA) at Department of National Defense (DND). Gayunpaman, ang iba ay naniniwalang mahalaga ang boses ng bise presidente upang magpakita ng pagkakaisa at determinasyon laban sa agresyon ng Tsina sa West Philippine Sea.
Ipinagtanggol ni Duterte ang kanyang katahimikan sa pamamagitan ng pagsasabi na siya ay sumusunod lamang sa DFA at DND, ang mga pangunahing namamahala sa patakaran sa panlabas na relasyon at seguridad ng bansa. Sinasabi niya na ang anumang pahayag mula sa kanya ay maaaring magdulot ng panganib sa diplomasya ng bansa. Gayunpaman, sinasabi ng mga kritiko na ang katahimikang ito ay nagpapalakas lamang sa loob ng Tsina at sumisira sa imahe ng Pilipinas bilang isang malakas at malayang bansa.
May ilang opsyon ang Pilipinas sa pagtugon sa agresyon ng Tsina sa West Philippine Sea. Maaari nitong palakasin ang diplomasya upang makakuha ng suporta mula sa ibang bansa, tulad ng Vietnam, Malaysia, at Indonesia. Ang pagbuo ng isang malakas na koalisyon sa ASEAN ay makatutulong upang mapalakas ang kolektibong pagtutol sa pag-aangkin ng Tsina. Pwede rin nitong pataasin ang presensya ng militar sa lugar, tulad ng Ayungin Shoal, bagama’t hindi sapat ang puwersa ng militar ng Pilipinas upang tumapat sa hukbo ng Tsina, ang pagpapakita ng determinasyon at ang paggamit ng mga modernong kagamitan—tulad ng advanced radar systems, patrol vessels, at air defense systems—ay makapagpapahiwatig ng kahandaan sa pagdepensa ng teritoryo. Ang pagkuha ng mga makabagong kagamitan ay maaaring gawin sa pamamagitan ng mga kasunduan sa pakikipagtulungan sa mga kaalyadong bansa tulad ng Estados Unidos at Japan, at sa pamamagitan ng paglalaan ng mas malaking pondo para sa modernisasyon ng militar sa pambansang budget. Maaari ring magsampa ng panibagong kaso laban sa Tsina sa mga pandaigdigang hukuman kung saan pagtutuunan ng pansin ang epekto ng naunang kasong isinampa ng Pilipinas na naipanalo nito noong 2016. At higit sa lahat, ang rehiyonal na pakikipagtulungan ay magbibigay ng lakas sa Pilipinas at ibang bansa sa rehiyon upang tutulan ang impluwensya ng Tsina.
Ang pinakaangkop na hakbang na gagawin ay nakabatay sa mga salik na nakapaligid sa isyu tulad ng antas at epekto ng agresyon ng mga hakbang ng Tsina, ang mga kilos nito sa pagpapalakas ng militar at pagtatayo ng imprastraktura sa mga isla at bahura, at kung ang iba pang mga bansa ay handang tumindig kasama ng Pilipinas laban sa pag-angkin ng Tsina sa West Philippine Sea. Sa kontekstong ito, mahalaga ang papel ng mga pangunahing lider ng bansa, kabilang ang bise presidente, upang ipakita ang pagkakaisa at determinasyon ng pamahalaan sa pagharap sa mga isyu ng soberanya.
Bagama’t wala sa direktang hurisdiksyon ng bise presidente ang usapin ng teritoryo, ang kanyang pahayag ay may simbolikong halaga na nagpapakita ng pagkakaisa at suporta sa mga hakbang ng gobyerno. Ang kanyang katahimikan ay maaaring makita bilang kawalan ng suporta o determinasyon, na maaaring magdulot ng panghihina sa loob ng bansa at sa harap ng internasyonal na komunidad. Kaya't ang pagpapahayag ng suporta mula sa mga mataas na opisyal, tulad ni Bise Presidente Duterte, ay maaaring makatulong sa pagpapatibay ng posisyon ng Pilipinas at sa pagkuha ng suporta mula sa iba pang mga bansa.
Ang kailangan ng bansa ngayon ay isang lider na ipagtatanggol ito laban sa Tsina at poprotektahan ang soberanya nito. Dapat gamitin ni Duterte ang kanyang posisyon upang makakuha ng suporta mula sa ibang bansa at himukin ang Tsina na sumunod sa UNCLOS. Bukod dito, maaari rin siyang magtulak para sa mas malakas na koordinasyon at pakikipagtulungan sa ibang mga bansa sa ASEAN laban sa agresibong kilos ng Tsina.
Ito na ang tamang panahon para magsalita si Bise Presidente Duterte laban sa mga agresyon ng Tsina sa West Philippine Sea. Kailangan niyang papanagutin ang Tsina sa kanilang mga gawa. Dapat makipagtulungan ang Pilipinas sa ibang mga bansa sa ASEAN tulad ng Vietnam, Malaysia, at Indonesia upang labanan ang agresibong kilos ng Tsina. Mahalaga rin na iparinig ng mga Pilipino ang kanilang mga boses sa pamamagitan ng mga demonstrasyon, online petitions at pakikipag-ugnayan sa kanilang mga kinatawan sa gobyerno, at papanagutin ang kanilang mga pinuno sa kanilang mga pagkukulang sa pagprotekta sa teritoryal na integridad ng bansa.
Bilang mga estudyante, kailangan nating maging mapagmasid sa kilos at salita ng ating mga pinuno. Kailangan natin silang hingan ng pananagutan sa kanilang tungkulin bilang mga opisyal ng pamahalaan. Ang bawat isa sa atin ay may mahalagang papel na ginagampanan sa pagprotekta sa ating bansa laban sa anumang banta sa ating soberanya at teritoryo.
// ni Kela Alcantara
Mga Sanggunian:
Antonio, R. (2024, April 8). VP Duterte on Tsina’s sea aggression: ‘No comment’. https://mb.com.ph/2024/4/8/no-comment-vp-duterte-remains-silent-on-Tsina-s-sea-aggression
Argosino, F. (2024, April 9). VP Duterte maintains her silence on West Philippine Sea territorial row | Global News. INQUIRER.net. https://globalnation.inquirer.net/230944/duterte-maintains-her-silence-on-west-phillipine-sea-territorial-row
Balancio, J. (2024, April 8). VP Sara Duterte stays mum on West Philippine Sea. ABS-CBN News. https://news.abs-cbn.com/news/2024/4/8/vp-sara-duterte-stays-mum-on-west-philippine-sea-1622
GMA News Online. (2024, April 21). Marcos defends Sara on WPS silence. GMA News Online. https://www.gmanetwork.com/news/topstories/nation/903538/marcos-defends-sara-on-wps-silence/story/
Inquirer.net. (2021, May 4). Sara Duterte’s silence on China’s hostility in West Philippine Sea hit. Inquirer.net. https://newsinfo.inquirer.net/1923076/sara-dutertes-silence-on-Tsinas-hostility-in-west-philippine-sea-hit#ixzz8WmKiDoM
Lalu, G. P. (2024, March 28). Akbayan: Sara doesn’t need to be president to speak vs Tsina. INQUIRER.net. https://newsinfo.inquirer.net/1923783/fwd-akbayan-hits-back-says-sara-doesnt-need-to-be-president-to-speak-vs-China
Layson, M. (2023, December 3). PCG: Higit 135 barko ng Tsina, namataan sa Julian Felipe Reef. Philstar.com. https://www.philstar.com/pilipino-star-ngayon/bansa/2023/12/04/2316232/pcg-higit-135-barko-ng-Tsina-namataan-sa-julian-felipe-reef
Nadarajah, H., Iskandar, A., & Iskandar, A. (2024, April 16). Philippines Strengthens Alliances as Tensions with China Rise. Asia Pacific Foundation of Canada. https://www.asiapacific.ca/publication/philippines-strengthens-strategic-co-operation-allies-while
Tomacruz, S. (2022, June 10). Philippines protests China’s return to Julian Felipe Reef. RAPPLER. https://www.rappler.com/nation/philippines-protests-china-return-julian-felipe-reef-june-2022/
6 notes
·
View notes
Text
Atlantis: Alon ng Kasiyahan sa Silangan
Sa pampang ng kabigha-bighaning Arabian Golf, nagtatagpo ang langit at dagat sa kamangha-manghang lugar sa Palm Jumeirah Island sa Dubai- ang Dubai Atlantis na ipinatayo noong Setyembre 2008 na nagtataglay ng misteryoso at pag-aakit na hindi maitutumbas. Nasisilayan ang pangarap at pagnanasa ng mga turista na bumisita rito sa bawat pag-ihip ng hangin at alon ng dagat. Mula sa Aquaventure Waterpark kung saan ang mga palumpong ay nagbibigay ng kasiyahan, hanggang sa Lost Chambers Aquarium na nag-aalab sa kagandahan ng karagatan.
Ang paglalakbay sa Atlantis ay isang paglalakbay sa kaharian ng mga alaala, kultura, at kasaysayan. Ang bawat sandali rito ay isang likha ng kahanga-hangang karanasan na nag-iiwan ng hindi malilimutang marka sa puso't isipan.
Una naming dinalo ang Splashers Children Play Area. Ang init ng nagbabagang araw ay napalitan ng malamig na hangin. Ang malawak na espasyo at nakakabilib na estraktura ng mga makukulay na slide ay bumulaga sa aming mga mata. Pagkatapos ng aming unang pag-ikot sa paligid, kami ay nagpasya na tumambay pansamantala upang maranasan ang mga slides at obstacles sa playground. Isa sa aking kahinaan ay ang matataas na tanawin ngunit naisipan kong harapin ito at subukang mag-slide kasama ang aking pamilya sa Zoomerango. Sa simula ay pinapangunahan ako ng kaba sa mataas na slide na aming haharapin, ngunit ang aking determinasyon na magbahagi ng karanasan kasama ang aking pamilya ay mas matimbang. Sa aming pag-slide at sa bawat pag-ikot ng salbabida ay nagdulot saamin ng kasiglahan sa kabila ng hindi maiwasang kaba. Ang bawat tili at sigaw ay nagpapakita ng kasiyahan at tagumpay na aming nararamdaman.
Nagpasya rin akong subukang ang Poisedon's Revenge, isang nakakaakit na atraksyong puno ng takot. Bagamat mayroong iilang pag-aatubling subukan, hindi ko ito pinabayaan na humadlang sa naghihintay na karanasan at memorya. Habang ako ay umaakyat sa matarik na hagdan patungo sa tuktok, ako ay niyayakap ng kaba at pag-aalala. Ngunit sa pagsabay ng malamig na tubig sa aking takot, ito ay napalitan ng kasiyahan.
At sa huli, naisipan naming puntahan ang Lazy River. Habang kami ay lumulutang sa malamig na tubig, kami ay nagkaroon ng pagkakataon na magpahinga at magkuwentuhan bilang isang pamilya. Sa gitna ng kagandahan ng kalikasan at namumulaklak na kasiyahan, nagawa naming magtulungan na malagpasan ang kaba at takot na nagbigay lakas-loob sa isa't-isa.
Sa bawat segundong lumilipas sa Dubai Atlantis, kami ay lumalago at naging mas matatag bilang isang indibidwal at pamilya. Ang mga alaala at pangyayari na ito ay nagbigay saamin ng panibagong kaalaman at pag-unawa na nagbibigay lakas saamin at nagpapalalim ng aming samahan. Ang paglalakbay na ito ay hindi lamang nagdulot ng kasiyahan, kundi nagbigay ng matatag na pundasyon sa aming pamilya na lumalaban sa hamon ng buhay. Napakaraming alaala ang aking naipon sa paglalakbay na ito kasama ang a king mga minamahal sa buhay. Paniguradong sa susunod kong paglalakbay ay aking itatala ang bawat hakbang.
2 notes
·
View notes
Text
Pagtuklas sa Yaman ng Kasaysayan at Kultura sa Unibersidad ng Santo Tomas
Sa mapangahas na byahe patungo sa Unibersidad ng Santo Tomas, hindi ko alam kung ano ang dapat kong asahan. Marahil may mga kuwento akong narinig mula sa mga kaibigan at nabasa sa social media tungkol dito, ngunit may sariling bagay na dala ang bawat paglalakbay.
Nang huminto ang bus sa tabi ng kalsada, agad akong sinalubong ng init at usok mula sa iba't ibang sasakyan. Isang maalinsangan na umaga sa isang lugar na inakala ko lamang noon sa mga litrato.
Ang Unibersidad ng Santo Tomas, o kilala bilang "UST," ay isa sa pinakamatandang unibersidad na matatagpuan sa Pilipinas, partikular sa lungsod ng Maynila. Ito ay hindi lamang isang lugar ng pag-aaral, kundi isang saksi sa kasaganaan ng kultura at kasaysayan ng bansa.
Sa aking paglalakbay sa unibersidad, nasaksihan ko ang yaman ng mga gusali at mga tanawin na nagpapakita ng diwa nito. Isa-isa kong binisita ang mga espasyong itinuturing na mahahalagang bahagi ng institusyon. Sa bawat hakbang, marami akong natuklasan at naranasan.
Una kong pinuntahan ang Santísimo Rosario Parish Church, kung saan nadama ko ang katahimikan at kapayapaan. Ang pagtungo sa simbahan ay nagdulot sa akin ng pagkakataon na magbigay-pugay at magpahinga, na nagpapalakas sa aking pananampalataya at pananaw sa buhay.
Pagkatapos kong libutin ang buong simbahan, napadpad ako sa UST Museum of Arts and Sciences. Dito, napusuan kong masdan ang mga likhang-sining at artipakto. Nakapupukaw ang bawat eksibit dito na nagpapaalala sa akin ng kahalagahan ng pagpapahalaga at pangangalaga sa ating natatanging mga kayamanan.
Nang lumabas ako sa museo, napansin ko ang UST Plaza Mayor, kung saan matatagpuan ang UST Tiger Statue na madalas puntahan ng maraming tao. Ang pagtayo sa harap nito ay hindi lamang isang pagkilala sa simbolo ng paaralan, kundi isang pagsasalamin din ng aking sariling lakas at determinasyon na harapin ang mga hamon ng buhay.
Pagdating ko sa Arch of the Centuries, ako ay talagang bumalik sa nakaraan at naantig sa kahalagahan ng tradisyon at simbolo ng unibersidad. Para sa akin, ang arko ay nagpapakita ng tagumpay at pagpapahalaga sa kasaysayan ng paaralan.
Sa bawat lugar na aking pinuntahan sa Unibersidad ng Santo Tomas, nadama ko ang kahalagahan ng kasaysayan at kultura. Ang bawat espasyo ay nagbigay sa akin ng inspirasyon at pag-unawa sa ating yaman bilang mga Pilipino. Ang bawat gusali ay may sariling kuwento at kahalagahan, naglalarawan ng pagiging isang Pilipino, at pagtitiwala sa misyon ng paglilingkod sa bayan at sa Diyos.
Sa kabuuan ng aking paglalakbay sa unibersidad, hindi lamang ako namangha sa mga gusali at tanawin, kundi ako rin ay nabighani sa diwa at identidad ng lugar. Ang bawat hakbang ay isang paglalakbay sa kasaysayan at kultura ng Pilipinas, na nagbibigay ng inspirasyon sa bawat isa na maging bahagi ng pagpapalaganap at pagpapahalaga sa yaman ng ating kultura.
Kung naghahanap kayo ng isang lugar na hindi lamang nagbibigay ng magandang tanawin, mairerekomenda ko ang Unibersidad ng Santo Tomas bilang isa sa mga makasaysayang destinasyon na dapat puntahan. Ang mga karanasan ko rito ay hindi pangkaraniwan at nagbigay sa akin ng malalim na pag-unawa at inspirasyon.
Mga Sanggunian:
University of Santo Tomas. (2023, September 8). History - University of Santo Tomas. https://www.ust.edu.ph/university-history/
The Varsitarian. (2023, September 28). UST breaks into 2024 THE World University Rankings. The Varsitarian. https://varsitarian.net/news/20230928/ust-breaks-into-2024-the-world-university-rankings
4 notes
·
View notes
Text
Repleksyon sa Bigat ng "Ang Bigote ng Tigre"
Para sa konteksto,
nagsimula ang kwento kay Yun Ok na nag aalala sa kanyang asawa dahil parang ibang tao ito simula nang bumalik ito sa digmaan.
Si Yun Ok ay lumapit sa ermitanyo para itanong kung may lunas ba sa kakaibang ugali ng asawa niya. Ang ermitanyo ay nag aalok ng isang remedyo ngunit nangangailangan ng bigote ng isang buhay na tigre.
Nagaalala si Yun Ok kung paano niya makukuha ang bigote ng tigre. Gayunman, sa maraming oras at pagsisikap, naamo niya ang tigre at naalis ang kanyang unang takot sa hayop.
Bumalik siya sa ermitanyo na may ningning ng pagkuha ng bigote mula sa isang buhay na tigre. Inihayag ng ermitanyo na ang bigote ay walang halaga at ang remedyo ay ang kanyang determinasyon na harapin ang isang nakakatakot na sitwasyon. Handa na si Yun Ok na alagaan ang kanyang asawa.
Personal na Replektibo:
Simple lang ang aral ng kwentong ito subalit masalimuot ang subtext. Mula sa impormasyong na maidudulot sa kwento, maaari nating ipagpalagay na ang asawa ni Yun Ok ay nagdurusa sa PTSD at shellshocked nang bumalik siya mula sa digmaan.
Ipinapakita nito ang masamang epekto ng digmaan kahit nasa labas nito, kung paano natin ito makikita sa ating tahanan at sa ating kaisipan.
Si Yun Ok ay takot na takot sa kanyang asawa na mas gusto pa niya ilagay sa panganib ang kanyang buhay upang harapin ang isang tigre.
Tila hindi makatarungan, ngunit ito ay kumakatawan sa kung paano sa realidad ang mga sakit sa isip ay tinitignan na may diskriminasyon at nakakatok na maaaring maihahalintulad ito sa isang mabangis na halimaw.
Gayunpaman, tulad ng mabangis na hayop sa kwento, matututo tayong maging matiyaga at nagmamalasakit sa kanila hanggang sa mapagtanto natin ang nilalang sa likod ng takot. Isang taong dapat pagsikapan, at isang taong nangangailangan ng pasensya, pagmamahal, at tulong natin.
2 notes
·
View notes
Text
Lingid sa Aninag ng Salamin
Buod:
Dalawang dalaga ang nagtratrabaho bilang mga caregiver sa isang mayamang matandang lalaki na nakatira sa malawak at malamlam na mansyon. Ang kanilang mga araw ay puno ng katahimikan, walang ibang tunog kundi ang kanilang mahinang yabag sa makalumang sahig, at ang tila hindi namamatay na malamig na simoy ng hangin sa bawat silid. Sa simula’y wari’y simpleng trabaho lamang, ngunit sa bawat araw na lumilipas, unti-unti silang napuno ng palaisipan at pagdududa. Hanggang sa isang araw, nadiskubre nila ang isang lihim na nagpaiwan ng hilakbot sa kanilang mga kaluluwa, isang katotohanang napakahigpit na nakakapit sa dingding ng mansyon, naghihintay lamang ng tamang oras upang lumabas at magdulot ng takot na hindi nila kayang takasan.
Tauhan:
Kara - Isang maaasahan at masipag na caregiver.
Aerich - Isa pang caregiver na hindi marunong magsinungaling, mahabagin at mapagmasid.
Frederick - Matandang lalaki, mayamang negosyante, ngunit hindi makapagsalita at mahina na ang pangangatawan.
Chevy - Anak ng matanda, abalang negosyante na nag-aalala sa kalagayan ng ama.
Tagpuan:
Malaking mansyon ng mayamang matanda. Ang kanilang mansyon ay nasa liblib na lugar at walang ibang kapitbahay
Tanghalan:
Ihagdan sa gitna patungo sa pangalawang palapag kung saan makikita ang tatlong silid; kay Frederick, kina Aerich at Kara, at ang Library. Sa unang palapag naman ay makikita ang harap ng hagdan, habang sa isang sulok ay makikita ang kusina. Isang malamig at eleganteng bulwagan na may dalawang palapag, hagdan sa gitna at may chandeliers sa taas.
Nakapaligid ang mga antigong kasangkapan at mabigat na mga kurtina.
--
TAGPO 1: Nasa silid-tanggapan ng mansyon
Umaga. Tahimik ang paligid at tanging hininga lamang ni Kara ang kanyang naririnig. Nakaupo siya sa silid-tanggapan habang hinihintay si Chevy. Dumating si Chevy.
KARA: (Masiglang bumati si Kara) Magandang umaga po, sir!
CHEVY: Mabuti at nakarating ka. You are?
KARA: Ang pangalan ko po ay Kara.
CHEVY: (Habang nakatingin kay Kara) Kara, sana ay alagaan mo ng mabuti si Papa habang wala ako. Mahalaga siya sa akin, kaya sana ay handa kang gawin ang lahat para sa kapakanan niya. (GUSTO 7: Inuuna ang kapakanan ng iba bago ang sarili)
KARA: (Matatag at may determinasyon) Makakaasa ka po sa amin! Huwag po kayong mag-alala, lahat ng pangangailangan ni Sir Frederick ay uunahin namin at hindi po namin hahayaang mapabayaan siya. (GUSTO 11: Maasahan sa kahit anong bagay) (GUSTO 12: Sincere, tunay sa mga salita at gawa)
CHEVY: Salamat, Kara. Siya nga pala, nasaan ang kasama mo? Dalawa ang hinire ko para masiguro ang mabuting pag-aalaga kay Papa, hindi ba?
KARA: (Nakangiti ngunit may pag-aalala sa tono) Ah, sir, baka po na-traffic lang si Aerich. Medyo liblib din po kasi ang lugar na ‘to. Pero tiyak ko pong may dahilan siya at hindi niya ito gagawin nang walang mabigat na dahilan. (GUSTO 5: Understanding)
Biglang bumukas nang may kalabog ang pintuan, at pumasok si Aerich, humahangos at pawisan. Kita sa mukha niya ang kaba ngunit bakas din ang sinserong pagpapakumbaba sa kanyang mga mata.
AERICH: (Hingal na hingal at halatang nahihiya) Sir! Pasensya na po, nalate po ako. Alam kong mali na ngayon pa ako nalate, at inaamin ko pong kasalanan ko iyon. Wala po akong ibang idadahilan kundi ang simpleng pagkakamali ko sa oras. (GUSTO 2: Mapagkumbaba) at (AYAW 8: Palaging late)
(AYAW 4: Walang respeto sa oras ng iba)
CHEVY: (Tumitig kay Aerich, at napansin ang tunay na pagsisisi nito) Ikaw si Aerich?
AERICH: Uhm, opo, ako nga po.
CHEVY: Inaasahan kita, lalo na sa ganitong mga pagkakataon. Huwag mong hayaan ang sarili mong magkamali nang ganito muli. Ngunit naiintindihan ko rin ang sitwasyon mo. Alam kong minsan ay hindi natin kontrolado ang lahat ng bagay. (GUSTO 1: Marunong magpatawad) at (GUSTO 8: Shows maturity in thoughts and actions)
AERICH: Salamat po sa inyong pag-unawa, Sir Chevy. Pangako po, mas magiging maingat ako sa susunod at sisiguraduhin kong hindi na ito mauulit.
CHEVY: (Tumango) Anyways, mabuti at nandito kana dahil may mga bilin akong kailangan niyong tandaan.
Naglakad sila sa bulwagan at naamoy ni Kara ang malakas na pang mayamang pabango ni Chevy. (AYAW 6: Malakas ang amoy ng pabango)
KARA: (Bumahing) S-sorry po, sir.
CHEVY: Ayos lang (Ngumiti) Going back, wag niyong kakalimutan ang mga sasabihin ko. Unang-una, hindi nakakapagsalita si Papa kaya huwag na kayong magtangka na kausapin siya.
(Nagkatinginan si Aerich at Kara bago tumango)
CHEVY: Hindi rin siya pwedeng paliguan dahil yun ang sabi ng doctor niya. Hindi rin pwedeng mag sipilyo o kahit ano na in contact with water.
AERICH: (Bumulong kay Kara) So, walang personal hygiene? Hindi ba siya babaho nyan? (AYAW 9: Walang personal hygiene)
KARA: (Siniko si Aerich bago bumaling ang tingin kay Sir Chevy) Kahit uminom po ng tubig?
CHEVY: (Tiningnan lamang siya nito at nagpatuloy sa pagsasalita) Yun lang naman ang mga nais kong ibilin sa inyo. Sumunod kayo sakin at ipapakita ko ang mga kwarto niyo.
Sinabi ito ni Chevy na tumatalsik ang laway dahil sa pagsasalita kaya napaiwas sina Kara at Aerich. Nagkatinginan ang dalawa at pinigilang matawa bago sumunod patungo sa hagdan. (AYAW 7: Tumatalsik ang laway habang nagsasalita)
AERICH: Akin na ang iba mong mga dala, Kara. Mukhang mahihirapan ka sa pag-akyat. (GUSTO 7: Inuuna ang kapakanan ng iba bago ang sarili)
KARA: Maraming salamat sa iyong pagtulong!
(GUSTO 13: Laging nagpapasalamat at marunong mag appreciate sa maliliit na bagay)
TAGPO 2: Pangalawang palapag ng mansyon, kwarto nina Kara at Aerich
CHEVY: So, ito ang silid ninyong dalawa. May sariling banyo na kayo, meron ng mga basic toiletries at iba pang kagamitan na pinahanda ko para sa inyo na maaari niyong gamitin.
KARA: (Pumasok sa silid at tumingin na may gulat at pagkamangha na ekspresyon) Wow! Ang laki ng kwarto na ‘to, ang luwag pa.
CHEVY: Diba? Tanging ang pinakamahusay sa pinakamahusay lamang para sa mga tagapag-alaga ng aking Papa. Hindi ko nais na kayong dalawa ay nasa masamang kalagayan.
AERICH: Kami ay lubos na nagpapasalamat sa mga amenities na binigay niyo sa aming dalawa Sir Chevy.
CHEVY: Maari niyo munang ilapag ang mga gamit niyo at sumunod kayo sakin para makita si Papa. Huwag na natin siyang pag-hintayin.
TAGPO 3: Sa silid ng kanyang ama na si Frederick
Naglakad ang tatlo papasok sa isang maluwang at marangyang silid, kung saan naroon si Frederick, ang ama ni Chevy. Nasa wheelchair ang matandang lalaki, nakaharap sa isang malaking bintana kung saan tanaw ang labas. Tahimik ang paligid, at ang tanglaw ng umaga’y nagbigay ng malambot na liwanag sa silid ngunit kahit may liwanag ay mayroong mabigat na pakiramdam.
CHEVY: (Lumapit sa ama, may malumanay na ngiti) Papa, nandito na po ang mga mag-aalaga sa inyo. Huwag po kayong mag-alala, sila’y maaasahan at handang mag-alaga sa inyo habang wala ako.
Dahan-dahang yinakap ni Chevy ang kanyang ama, hinalikan ito sa noo, at iniayos ang wheelchair upang iharap sa mga bagong tagapag-alaga nito.
KARA: (Masiglang ngiti ang sumilay sa kanyang labi) Magandang umaga po, Sir Frederick. Kami po ang mag-aalaga sa inyo habang wala po si Sir Chevy.
Hindi kaagad nagsalita si Aerich, tila nag-aalangan. Siniko siya ni Kara bilang senyales na magsalita na ito.
AERICH: (Tumikhim muna bago ngumiti nang bahagya) Ako po si Aerich, isa po sa mga mag-aalaga sa inyo.
Habang lumalapit si Aerich sa wheelchair, bigla siyang nadapa dahil naapakan niya ang sintas ng sapatos na hindi pala nakatali. (AYAW 14: Hinahayaang di naka tie and kanilang shoe laces)
KARA: (Agad lumapit at inalalayang tumayo si Aerich) Mag-iingat ka naman! Tingnan mo tuloy… pero okay lang, walang malaking pinsala. (GUSTO 10: Maalaga)
AERICH: Pasensya na po. Aerich nga po pala.
Inilahad ni Aerich ang kanyang kamay bilang tanda ng pagbati at paggalang kay Frederick. Ngunit nanatiling nakaupo at nakatingin lamang sa kawalan ang matandang lalaki, hindi pinansin ang nakalahad na kamay ni Aerich.
CHEVY: (Lumapit kay Aerich at binigyan ng understanding look) Pasensya ka na, Aerich. Si Papa ay hindi talaga sanay makihalubilo sa mga bagong tao. Lalo na ngayon na may sakit siya, mas nahihirapan siyang makipagkilala.
AERICH: (Ngumiti ng may pag-unawa at ibinaba ang kanyang kamay) Ayos lang po, naiintindihan ko po iyon. Minsan talagang nangangailangan ng oras ang pagtanggap ng bagong tao sa buhay. (GUSTO 5: Understanding)
Tumango si Kara bilang pagsuporta sa sinabi ni Aerich, habang si Chevy ay ngumiti rin, ramdam ang kasiguruhan na ang kanyang ama ay nasa mabubuting kamay.
CHEVY: Bumaba muna kayo at pumunta sa kusina. Kakausapin ko lang si Papa at ipaghahanda ko kayo ng makakain.
TAGPO 4: Nasa kusina ng mansyon upang magtanghalian
Pumunta na sina Kara at Aerich sa kusina habang naghihintay kay Chevy. Pagkalipas ng ilang minuto, dumating na si Chevy.
CHEVY: Kumain na muna kayo. Pinaghanda ko kayo ng masarap na pagkain.
Dala ni Chevy ang iba't ibang pagkain na agad kinaaliwan nina Kara at Aerich.
KARA: Naku, maraming salamat po! p0Nag-abala pa po kayo para sa amin. (GUSTO: Laging nagpapasalamat at marunong mag-appreciate sa maliliit na bagay)
CHEVY: Maliit na bagay lamang ito. Pagkatapos niyong kumain, maaari na kayong magsimula sa pag-aalaga kay Papa.
KARA: Masusunod po. Sana nga po'y gumaan ang loob niya sa amin.
CHEVY: Sana nga. Ayaw ko rin sanang iwan si Papa, pero may kailangan akong asikasuhin.
KARA: (Napangiti) Napakabuti niyo pong anak, hindi niyo po pinapabayaan ang inyong ama. (GUSTO 4: May respeto sa lahat, bata man o matanda, at sa iba't ibang pananaw)
Ngumiti si Chevy at nagpaalam na pansamantalang aalis upang asikasuhin ang ama. Nag-umpisa nang kumain sina Kara at Aerich.
AERICH: Ang ingay mo namang kumain! Pwede bang hinay-hinay lang sa pag-nguya? (AYAW 1: Masyadong maingay kumain)
KARA: Ay, pasensya na! Na-excite lang ako. Ang sarap kasi ng pagkain eh. Ikaw nga, kanina ka pa tahimik eh.
AERICH: Sa totoo lang, may napansin ako kanina kay Sir Frederick. (GUSTO 3: Pinahahalagahan ang pagiging tapat)
KARA: (Tumigil sa pagkain at binalingan si Aerich) Ano yun?
Dahan-dahang inilapit ni Kara ang mukha kay Aerich ang mukha habang nagsasalita, tila naghihintay sa sasabihin nito. Natawa si Aerich at bahagyang tinulak ang mukha ni Kara palayo. (AYAW 3: Palapit ng palapit habang nagsasalita)
AERICH: Ano ba naman 'to, kailangan talagang lapit nang lapit?
KARA: (Natawa) Sorry naman, gusto ko lang marinig nang malinaw ang sasabihin mo.
AERICH: Parang… ewan ko, pero parang may kakaiba sa mga mata niya. Parang walang ka-buhay buhay
KARA: Hmm... siguro normal lang 'yun, lalo na kapag may dinaramdam. Tsaka naikwento ko na rin sa'yo, diba? Na may pinagdadaanan din siya sa aspeto ng mental na kalusugan.
AERICH: Oo nga pala, baka nga.
Natapos ang dalawa kumain at nag-presenta si Kara na maghugas ng mga pinggan.
KARA: Maaari mo ng puntahan si Sir Frederick at asikasuhin siya. Kaya ko na rito. (GUSTO 9: Marunong tumayo sa sariling paa at hindi umaasa sa iba)
AERICH: Okay, sunod ka, ah.
Palabas na sana si Aerich sa kusina ngunit bigla niyang nakita na bumagsak si Kara sa sahig at nawalan ng malay.
AERICH: Omg! Kara, ayos ka lang ba!?
Ngunit bago pa makalapit si Aerich ay biglang sumakit ang kanyang ulo at nawalan siya ng balanse kaya siya ay bumagsak sa sahig at nawalan di ng malay.
[MAMAMATAY ANG ILAW SA BUONG STAGE]
TAGPO 5: Kwarto nina Aerich at Kara
[Kinabukasan, ANG LAHAT NG ILAW AY NAKABUKAS NA]
Nagising si Aerich sa napaka-ingay na tunog galing sa cellphone ni Kara.
AERICH: Pahinaan mo nga volume mo! (AYAW 13: Nanonood ng naka full volume)
KARA: Buti naman nagising ka na, anong oras na kaya!
AERICH: Paano tayo napunta dito? Diba't nasa kusina tayo kagabi? (Sabay hawak sa kanyang ulo)
KARA: Yun nga din iniisip ko eh. Huli kong naaalala, yung kumain tayo.
AERICH: Hayaan nalang natin yan, lalong sumasakit ang ulo ko kakaisip. Maghanda na tayo at baka malaman pa ni Sir Chevy na di natin ginagawa ang trabaho natin.
KARA: Wait lang! Tingnan mo muna yung buhok ko, tinirintas ko kasi, bagay ba? (AYAW 15: Laging nangangailangan ng validation)
AERICH: (Natawa) Oo naman. Bagay naman sayo lahat kasi maganda ka. (GUSTO 15: Supportive)
KARA: (Napangiti) Aww, thank you! Alam kong binobola mo lang ako kaya tara na at simulan na natin ang trabaho natin.
Pagkatapos nilang maghanda at mag-ayos ng kwarto ay sabay na silang bumaba upang simulan ang kanilang araw.
TAGPO 6: Silid-tanggapan
Nung bumaba sila, agad napayakap si Kara sa sarili dahil sa lamig na naramdaman.
KARA: Brr! Ang lamig talaga dito. Parang wala nang init kahit sa loob ng bahay.
Niyayakap niya ang sarili at kinakagat ang kuko dahil sa lamig, nanginginig na tila sinasanay ang sarili sa lamig. (AYAW 12: Pagkagat ng kuko)
AERICH: (Nagulat ngunit nakangiti) Parang taglamig na rito kahit di naman uso ang snow. Pero, ayos lang! Para kay Sir Frederick, lahat kakayanin natin, ‘di ba?
Tumingin si Aerich sa lamesa at napansin ang isang listahan.
KARA: (Nag-aalalang tono) San ka pupunta, Aerich? May napansin ka ba diyan na importante?
AERICH: (Tinuturo ang papel) Oo, nandito yung daily schedule natin—may listahan ng mga kailangang gawin. Tulad ng dati, 8am ang breakfast, tapos 9:15am kailangan siyang painumin ng gamot. Pagdating ng 10am, linis na tayo sa paligid, para sigurado tayong maayos ang lahat at walang katapusang pagpainom pa ulit ng gamot.
KARA: (Habang tumitingin sa papel at tumatango-tango) Mukhang maraming kailangang gawin. Hmm, ganito na lang, ako ang gigising kay Sir Frederick. Maaga pa naman, kaya lutuan mo na lang siya ng makakain para mainit pa pagdala ko sa kanya.
AERICH: (Tumutugon nang may tiyaga) Sige, Kara. Ako na ang bahala rito sa baba. Sisimulan ko nang maghanda sa kusina at maglilinis na rin mamaya para komportable siya kahit saan siya magpunta sa bahay.
KARA: Oh sige.
AERICH: Siya nga pala, gusto mo mag bake ako ng pastries? May nakita kasi akong ingredients kahapon.
KARA: Pwede kaya yun? Namimiss ko na rin ang mga matamis na pagkain.
AERICH: (Ngumiti) Oo naman! Magbabake ako para sayo! Ako kaya ang pinaka-magaling na baker sa balat ng mundo! (GUSTO 6: Confident)
KARA: Sabi mo yan ah.
Umalis si Aerich at tumungo sa kusina sa unang palapag, naghanap ng maiinit at malasa para magising si Sir Frederick nang masaya.
TAGPO 7: Kwarto ni Frederick
Samantala, si Kara naman ay tumungo na sa kwarto ni Frederick upang gisingin na ito.
KARA: Magandang umaga po Sir Frederick-
Napatigil si Kara sa pagsasalita dahil nakita nitong nasa kaniyang wheelchair na at nasa tapat ng bintana si Sir Frederick.
KARA: (Nagulat) Gising na po pala kayo, Sir!
Lumapit siya sa matanda at napangiti siya ng tumingin ang matanda sa kanya.
KARA: Good morning, po, Sir! Gusto mo po bang ibaba ko po kayo sala para masinagan po kayo ng araw? Mas maganda ang sikat ng araw roon at makakakuha pa kayo ng Vitamin D na kailangan ng katawan niyo.
Tumango ang matanda bilang pagsang-ayon kaya napangiti si Kara.
KARA: Sige po, Sir. Pupunta po tayo doon.
Dahan-dahang itinulak ni Kara ang wheelchair ni Sir Frederick papunta sa silid-tanggapan. Habang bumababa sila, si Kara ay nagsasalita ng masayahin upang panatilihin ang maganda ang atmospera.
KARA: Naku, Sir, napakaganda ng umaga ngayon!
TAGPO 8: Silid-tanggapan
Nung nakababa sila sa silid-tanggapan, inayos ni Kara ang kurtina sa bintana at ang wheelchair ni Sir Frederick upang masinagan siya ng araw. Ilang sandali pa, dumating si Aerich na may dalang tray ng agahan.
AERICH: (Bati kay Sir Frederick) Magandang umaga po, Sir! Heto po ang almusal ninyo, mainit pa. Meron tayong champorado ngayon—alam kong gusto niyo ‘to, Sir.
Bahagyang nginitian ni Sir Frederick si Aerich bilang pagpapasalamat. Linagyan ni Aerich ng table napkin ang binti ni Sir Frederick upang hindi matapon o magkalat ang champorado habang kumakain ito bago niya sinimulang pakainin si Sir Frederick.
AERICH: Buti nakita ko kayong papunta rito, didiretso na sana ako sa kwarto ni Sir Frederick eh.
KARA: (Natawa) Oo nga, akala ko kasi ako ang kukuha ng pagkain eh.
Makalipas ang ilang sandali, may naamoy si Kara na hindi ka aya-ayang amoy.
KARA: Dito muna kayo, may ichecheck lang ako sa kusina.
TAGPO 9: Kusina
Naglakad si Kara papunta sa kusina at nung makarating siya roon, nagulat si Kara nung madatnan niya ang mamahaling oven na may laman na pastries na natutusta na. Dali daling pinatay ni Kara ang oven at nakahinga ng maluwag nung makitang hindi naman nasira ang oven. Inilabas niya ang pastries at nakitang na-overcooked na nga talaga ito.
KARA: Liligpitin ko nga muna ang mga kalat.
Napabuntong-hininga na lamang siya at nagsimulang maglinis at ayusin ang mga gamit na ginamit ni Aerich sa pagluluto.
KARA: Akala ko pa naman makaka-kain na ako ng matamis. (AYAW 10: Mahilig magpaasa)
TAGPO 10: Silid-tanggapan
Pagkatapos ng pagliligpit sa kusina ay bumalik na si Kara sa silid-tanggapan kung saan nandoon sina Frederick at Aerich.
KARA: Aerich.
Tinawag ni Kara si Aerich nung matapos niyang painumin ng gamot ang matanda.
AERICH: Oh, bakit?
KARA: Yung bine-bake mong pastries, sunog na. Yung oven, muntik mo nang masira!
AERICH: Ano? Pinatay ko naman yun, ah? Hindi ko yun kasalanan kasi sa pagkakaalala ko, pinatay ko muna yung oven bago lumabas dito. (AYAW 5: Hindi marunong mag-sorry o umamin ng pagkakamali)
KARA: Eh tayo lang naman ang tao dito. Sino pa sa tingin mo ang mago-on nun?
AERICH: Ewan ko. Baka may multo? (AYAW 11: Nagpapatawa kahit di naman nakakatawa ang sitwasyon)
KARA: Nagbibiro ka pa talaga.
TAGPO 11: Library
Lumipas ang isang linggo na parang isang kisapmata. Paulit ulit lang ang ginagawa nila at hindi naman sila napapagod dahil dalawa sila at hindi naman kailangang palaging tutok kay Sir Frederick.
Nasa loob ng tahimik na library si Aerich, may dala siyang basahan at feather duster. Pinupunasan niya ang bawat estante, tinatanggal ang alikabok sa mga libro. Sa gitna ng paglilinis, may isang libro na nahulog mula sa isang mataas na istante at bumagsak sa kanyang harapan.
AERICH: (Napatingin sa libro, bahagyang nagulat) Ano ‘to?
Pinulot niya ang libro at tinitigan ang pamagat nito.
AERICH: (Binasa ang pamagat ng libro nang mabagal) "Taxidermy : Pagpapanatili" Hmmm...
Bahagya siyang tumingin sa mga imahe ng libro, napansin ang ilang larawan ng mga pinalamutian at napreserbang mga hayop. Saglit siyang napa-kunot ng noo.
AERICH: (Bulong sa sarili, bahagyang natatawa) Grabe, ibang klase pala ang interes ng mga mayayaman. Sino ba naman ang may oras para sa ganito?
Binalik niya ang libro sa istante, ipinagkibit-balikat ito at muling nagpatuloy sa kanyang paglilinis. Tumingin siya sa paligid, siniguro niyang maayos at malinis ang mga gamit.
Patuloy siyang naglinis sa library, iniiwasang tumingin muli sa kakaibang libro tungkol sa taxidermy, at nag-focus na lamang sa kanyang trabaho.
TAGPO 12: Secret Door
AERICH: (Mahinang kumakanta habang naglilinis) Just meet me at the, APT, APT, APT…
Matapos niyang linisin ang huling estante sa library, naglakad na si Aerich palabas ng library upang ibalik ang mga ginamit sa paglilinis, ngunit bago siya makalabas, may napansin siyang kakaiba sa gilid ng pader—isang tila bahagyang nakaangat na panel na hindi karaniwan.
AERICH: (Naguguluhan, sinusuri ang pader) Ano ba ‘to? Parang may kung anong sikreto rito…
Maingat niyang hinaplos ang kahina-hinalang bahagi ng pader, at sa kanyang gulat, biglang umusog ito at bumukas na tila isang pintuan.
AERICH: (Namamangha at natatawa) Aba, ang dami talagang ka-echosan sa bahay na ‘to! Sa pelikula ko lang nakikita ‘yung mga ganitong secret door, pero eto, totoo pala?
Dahil sa kanyang kuryosidad, dahan-dahan siyang pumasok sa madilim na silid, hindi alintana ang maaaring nasa loob. Ngunit bago pa man siya makalayo, isang masangsang na amoy ng mga kemikal at medisina ang bumungad sa kanya, nagpapalalim ng takot sa kanyang dibdib.
AERICH: (Nag-uubo habang nagtatakip ng ilong) Ano ‘tong amoy na ‘to? Parang laboratory!
Inabot niya ang dingding, naghahanap ng switch ng ilaw. Pagkapindot niya, agad na nagliwanag ang silid at tumambad sa kanya ang nakakakilabot na tanawin—mga iba't ibang hayop, maayos na napreserba at naka-display sa mga istante. Ngunit ang mas kinikilabutan siya ay ang mga bahagi ng katawan ng tao—ulo, kamay, paa, at pati na ang puso—tila pawang mga exhibit na pinag-aralan nang mabuti at maingat na iniayos.
AERICH: (Nangangatal, napaatras) Oh my god… anong klaseng lugar 'to? Bakit may ganito dito?
Habang naglalakad paatras, hindi na napigilan ni Aerich ang panginginig ng kanyang katawan. Ang bawat detalye ng mga nakapreserbang katawan ay tila buhay na sumusulyap pabalik sa kanya. Sumama pa ang malamig na dampi ng hangin mula sa hindi niya alam kung saan galing, na nagpapalalim sa takot niya.
AERICH: Dapat… hindi ko na ito pinasok…
Dali-dali siyang tumalikod at patakbong lumabas ng silid, halos madapa sa pagmamadali. Habang papalayo, hindi niya maiwasang lingunin ang bukas na pinto, ang mga mata niya ay puno ng takot. Sa sandaling lumabas siya, sinigurado niyang isinara ang pinto.
TAGPO 13: Kwarto nina Aerich at Kara
Matapos ang nakakatakot na nasaksikan, dumiretso si Aerich sa kwarto na tila wala sa sarili.
KARA: Aerich!
Tinawag ni Kara si Aerich sa pangatlong beses ngunit wala itong narinig na sagot o imik galing kay Aerich.
KARA: Aerich! Ano ba? Kanina pa kita kinakausap. (GUSTO 2: Hindi marunong makinig sa kausap)
AERICH: (Natauhan) Ah, sorry, may iniisip lang ako.
KARA: Kanina ka pa tulala, ano bang bumabagabag sa isip mo? Andito naman ako, handa akong makinig ako sayo. (GUSTO 14: Good listener)
AERICH: (Kinagat ang labi at pinigilan ang luha) May... may ano…
KARA: Hmm?
AERICH: (Halos pabulong, natatakot muling maalala) Mga hayop… pinalamutian at naka-taxidermy. Pero hindi lang hayop, Kara… may mga bahagi ng katawan ng tao. Hindi ko maintindihan. Bakit may ganong klaseng silid doon?
KARA: Ano? Saan? Pano nangyari yun?
AERICH: Ewan ko, pero malamang wala namang ibang gagawa nun kundi ang pamilya nina Sir Chevy.
KARA: Maaari mo bang ipakita sakin kung saan yun? Para mas maintindihan ko ang sinasabi mo.
Walang sinabi si Aerich ngunit tumango siya kay Kara. Nagsama ang dalawa papunta sa library.
TAGPO 14: Secret Door
Si Aerich ay muling pumasok sa library kasama si Kara, ang kaba sa dibdib ay lalo pang tumindi habang dahan-dahan silang lumalapit sa kahina-hinalang pinto. Pinisil ni Aerich ang sariling kamay, nanginginig habang muling binubuksan ang lihim na pintuan
AERICH: (Mahinang boses, may halong takot) Eto na…
Nung bumukas na ang sekretong pintuan, napatakip ng baba si Kara dahil sa gulat sa mga nakitang mga naka-preserbang bagay.
KARA: Taxidermy… Sino ang gumawa nito?
Si Aerich ay hindi na kayang pumasok dahil sa takot kaya nanatili siya sa pintuan. Samantalang si Kara ay inilibot ang paningin sa buong silid hanggang sa napako ang kanyang tingin sa isang mesa na may nakalagay na Aerich sa mesa na folder na may malaking label na “Frederick Montenegro: Confidential.”
Kinakabahan siya habang nag-aalangan kung bubuksan ito, ngunit hindi siya makapigil sa kuryosidad. Dahan-dahan niyang inabot ang folder at binuksan ito, at doon niya natuklasan ang mga dokumento—isang death certificate at isang autopsy report, parehong may petsang ilang taon nang nakalipas
KARA: (Nagulat at napalunok) Ano... ano 'to?
Nakita ni Aerich ang hawak ni Kara kaya kahit takot ay lumapit siya. Napansin din niya ang nilalaman ng mga papeles. Pareho silang hindi makapaniwala sa nakikita—napatitig sila sa death certificate, sa pangalan ni Sir Frederick, at sa petsang nakalagay.
AERICH: (Pabulong) Kara... hindi ba't ibig sabihin… si Sir Frederick ay...
Hindi na niya naituloy ang sasabihin dahil tila mas sumidhi ang bigat ng kanilang paligid. Napatingin silang muli sa silid-tanggapan kung saan tanaw ang matandang si Frederick sa kanyang wheelchair sa na walang kaimik-imik, nakatingin sa kawalan.
Kasabay ng pagkabog ng kanilang mga puso, unti-unting nilang naunawaan ang katotohanan. Ang nararamdaman nilang kabigatan sa mansyon, ang kakaibang mga utos ni Chevy— lahat ng ito ay mayroong mas madilim na dahilan.
KARA: (Pabulong) Aerich… umalis na tayo.
AERICH: Natatakot ako. Ayaw ko na dito.
Nagkatinginan sila ng may puno ng takot. Tatakbo na sana sila palabas ng silid ngunit bigla nilang narinig ang dahan-dahang pagsara ng pinto at mga yabag ng paa. Na kalaunan mula sa dilim, naaninag nila ang pamilyar na anino ni Chevy na palapit sa kanila.
Nakapako ang kanilang tingin sa anino, nag-aabang sa susunod na mangyayari.
1 note
·
View note
Text
ANG PAGKA PANALO NI FYANG SA PBB
Si Ashley Sofia Dansico-Smith o Kilala bilang si fyang ay nakilala dahil sa kanyanf natatanging charisma at masiglang personalidad. Bago pumasok si fyang sa pbb siya ay isang sikat na influencer sa tiktok at mayroong 7.1 million na followers.
Pagpasok ni Fyang sa bahay ni Kuya, agad siyang nahikayat ng kanyang personalidad at galing. Bukod sa kanyang nakakamanghang boses, ipinakita niya ang pagiging mabait at approachable, na nagbigay daan para magkaroon siya ng magandang ugnayan sa iba pang housemates.
Sa kanyang journey sa PBB, siya ay sumubok sa iba't ibang pagsubok, parehong pisikal at emosyonal. Makikita ang kanyang determinasyon at sipag na malampasan ang bawat hamon. Ipinagsikapan niya ang bawat task na ipinagkaloob kay Kuya, na nagpatunay sa kanyang kakayahan at dedikasyon.
Bilang isang housemate, si Fyang ay nagsilbing inspirasyon sa mga kabataan. Ang kanyang mga kwento, pakikisalamuha, at ang kanyang pagiging totoo ay nagbigay sa mga tagahanga ng dahilan upang suportahan siya. Siya ay nagkaroon ng malaking fan base na nagbigay-diin sa kanyang popularity sa loob at labas ng bahay.
Ang pagkapanalo ni Fyang ay hindi lamang batay sa mga online votes kundi sa mga aral na natutunan niya sa kanyang karanasan. Sa kanyang storya sa buhay ay nag sasabl na mas Importante ang hope, friendship, and self-confidence sa buhay. Maraming mga tao ang na inspired kay fyang dahll sa kanyang determinasyon sa buhay. na kahit gaano pa ito kahirap wag tayong mawalan ng pag asa sa sa buhay kahit tayy ay nahihirapan na laban lang!
Sa kabuuan, ang tagumpay ni Ashley Sofia Dy Smith sa "Pinoy Big Brother" ay hindi lamang nakaugat sa kanyang galing o husay sa mga gawain kundi pati na rin sa kanyang nakaka touch na personalidad at pakikitungo sa kapwa. Ang kanyang diwa ay nagbigay ng kulay at inspirasyon sa lahat ng sumusubaybay, at ang kanyang kwento ay mananatiling bahagi ng kasaysayan ng PBB.
0 notes
Text
Ang pagtatanim ay hindi biro.
Katulad ng saad sa isang awitin, ang pagtatanim ay hindi isang biro. Mula sa proseso ng pagbubungkal ng lupa hanggang sa pagdidilig ng mga halamang nakatanim sa lupain, hindi mo masasabing madali lamang ito kung hindi mo pa nararanasan. Sa simpleng pagtatanim lamang ng maliit na hardin ay mararamdaman mo na ang butil ng pawis mula sa iyong mukha, paano pa kaya ang pagtatanim ng bawat butil ng bigas na kinakain natin sa araw-araw?
Maghapong nakayuko at hindi man lang makaupo habang namamanhid ang mga binti at braso sa magdamagang pagtatanim ng palay sa ektaryang lupain para kumita ng kakarampot na salapi—kulang pa sa puhunang inutang na hindi malaman kung kailan pa ito maibabalik dahil patuloy ang pagpatong nito na tila nagbibigay ng bigat sa puso ng bawat magsasaka. Idagdag pa ang El Niño, El Niña, mga bagyo, buhawi, lindol, at pagguho ng mga lupa na siyang nagiging dahilan ng pagkalugi ng mga magsasaka dahil kinakailangan nilang iligtas ang kanilang mga sarili kaysa isalba ang mga pananim—paano na ang kanilang mga pamilya kapag sila ay naglaho na?
Sa kabila ng dugo at pawis na inilalaan sa pagbibigay serbisyo sa pagbibigay ng produksyon ng bigas at gulay na ating kinakain sa araw-araw, sila ay walang sawa pa rin sa pagsigaw ng tulong habang ito ay parang bulong lamang sa mga taong makapangyarihan. Ano pa ang silbi ng mga platapormang ilang taon nang pinapangako sa mga mamamayan kung ni isang katiting ay wala silang maramdaman mula rito? Habang nagpapakahirap ang mga Pilipinong magsasaka, tinutumbasan ito ng mga produkto mula sa mga bansang hindi naman natin pag-aari. Kung kaya'y walang nagagawa ang mga mamamayan na babaan ang presyo ng kanilang mga produkto para lamang may mauwing salapi sa kanilang mga pamilyang buong araw nang tinitiis ang kumakalam sa sikmura dahil wala silang ibang magagawa kung hindi ang maghintay sa katas ng paghihirap ng isang magsasaka.
Bawat pawis at luha na kanilang idinadaing ay hindi pa rin nawawala ang mga ngiti sa kanilang mga labi. Sila ay umaasa pa rin na madinggin ang kanilang mga panalangin sa Poong Maykapal, ang natatanging pag-asa sa buhay na siyang nagbibigay-lakas sa pang-araw-araw nilang pamumuhay. Hindi biro ang pagtatanim dahil sa mahirap na proseso nito, ngunit ang bawat mahirap na gawain ay napapadali kung ito ay napagtutulungang wakasan na may kasamang determinasyon at inspirasyon sa pagsisikap.
0 notes
Text
Ang Pakikipagsapalaran ni Oryol
Ang “Pakikipagsapalaran ni Oryol” ay isang alamat mula sa mga katutubong naninirahan sa rehiyon ng Bikol sa Pilipinas. Ito ay tungkol sa isang mabait at matapang na si Oryol na nakaranas ng maraming pagsubok sa kanyang buhay. Si Oryol ay isang matipunong mangingisda na nagtataglay ng kakaibang lakas at galing sa paglalakbay sa karagatan. Isang araw, nagkaroon ng malaking pagsubok sa kanyang…
View On WordPress
#alamat#Bikolano#datu#Determinasyon#Hamon#mabait#mangingisda#matapang#Oryol#Pagsubok#pakikipagsapalaran#Pamilya#sakit#Tagumpay#tulong
0 notes
Text
LIWANAG SA KABILA NG INGAY
Sa isang mundo na puno ng ingay at kompetisyon, madaling mawala sa sarili at madalas nakakalimutan ang tunay na kahulugan ng pagiging tao. Ngunit sa gitna ng lahat ng ito, may mga grupo na nagsisilbing liwanag at gumabay, at para sa akin, ang “BINI” ang isa sa mga iyon.
Simula nang napanuod ko sila, namangha ako sa kanilang mga kanta, kanilang mga talento, kanilang mga personalidad, at lalo na sa kanilang kagandahan. Ang kanilang mga kanta ay hindi lang nakaka engganyo, puno rin ito ng positibong mensahe na nagpapaalala sa akin na laging magkaroon ng pananalig sa sarili, patuloy sa buhay, at huwag sumuko sa mga pangarap.
Isa sa kanilang mga kanta ang "Born To Win" itong kantang to ay isa sa mga halimbawa na huwag sumuko sa mga hamong dumaan. Ang kanta ay nagpapakita ng kanilang determinasyon at pagiging matatag. Ang mensahe nito ay simple ngunit malakas, kahit na mahirap ang daan patuloy paring lalakad, kailangan nating labanan ang mga pagsubok at patuloy na magsikap. Ang kanta na ito ay naging inspirasyon ko upang harapin ang mga hamon sa buhay at patuloy na magpursige sa aking pag-aaral.
#blogpatungkolsapagiidulo
#bini
0 notes
Text
I nodded while wiping my tears. Sapat na ang lahat, Papa... Wala na akong hinihiling sa'yo dahil nakikita ko rin naman ang determinasyon niya at ang pagbabago niya para kay Mama. It gave me hope again that falling inlove with the person who hurt you is not wrong... Wala namang mali sa pagmamahal. Ang mali lang doon ay hindi mo susundin ang gusto ng puso mo dahil lang pinairal mo ang utak mo.
Chained (NGS, #3) by Ineryss (Wattpad)
0 notes
Text
𝐀𝐧𝐠 𝐏𝐫𝐞𝐬𝐲𝐨 𝐧𝐠 𝐊𝐚𝐠𝐢𝐧𝐡𝐚𝐰𝐚𝐚𝐧: 𝐀𝐧𝐠 𝐏𝐚𝐤𝐢𝐤𝐢𝐛𝐚𝐤𝐚 𝐧𝐠 𝐌𝐚𝐭𝐚𝐧𝐝𝐚𝐧𝐠 𝐌𝐚𝐠𝐬𝐚𝐬𝐚𝐤𝐚 🌾
𝑮𝑹𝑶𝑼𝑷 3
Sa aming pagsusuring ginawa bilang isang grupo. Ang mga katangian ng matandang magsasaka ay nakasakop sa tunggalian na Tao laban sa sarili. Sa nobelang “Mga Katulong sa Bahay”. Ramdam namin ang bigat ng buhay na pinapasan ng matandang magsasaka. Sa kanyang edad at karanasan, nakita namin kung paano siya nagpupunyagi para sa kanyang pamilya, kahit na ang kapalit nito ay ang paglimot sa kanyang sariling mga pangarap. Para sa amin, ang kanyang tahimik na pakikibaka ay nagpakita ng tunay na sakripisyo at ng tunggaliang internal na hinaharap ng bawat tao—ang labanan sa loob ng sarili upang ipagpatuloy ang buhay sa kabila ng hirap at kawalan ng pag-asa.
Habang binabasa namin ang kanyang kwento, napagnilayan namin ang mga sakripisyong ginagawa niya araw-araw. Siya ay nagsilbing paalala na ang bawat isa sa atin ay may mga laban na hindi laging nakikita ng iba. Naramdaman namin na sa kabila ng kanyang katahimikan, mayroon siyang matinding lakas na pinagmumulan ng kanyang determinasyon. Ang kanyang kwento ay nagturo sa amin na ang tunay na tagumpay ay hindi nasusukat sa yaman o kapangyarihan, kundi sa kakayahan nating magpatuloy sa kabila ng lahat.
Naging mas maliwanag para sa amin ang halaga ng pagtitiis at pagsasakripisyo, hindi lamang para sa sarili kundi para sa mga mahal natin sa buhay. Sa kanyang katauhan, nakita namin ang isang bayani na, kahit hindi kilala, ay patuloy na lumalaban sa isang sistemang tila nakalimot na sa kanya. Ang kanyang pakikibaka ay hindi lamang laban sa kahirapan kundi laban din sa kanyang sariling takot at panghihina.
Ang repleksiyon na ito ay nagdala sa amin ng mas malalim na pag-unawa sa realidad ng buhay, lalo na para sa mga tulad ng matandang magsasaka. Sa bawat araw na siya ay nagpapatuloy, natututo kaming pahalagahan ang bawat sakripisyo na ginagawa namin sa aming sariling buhay. Nagsilbing inspirasyon sa amin ang kanyang kwento upang maging mas matatag at mas mapagpasalamat sa mga biyaya, gaano man kaliit o kalaki.
Sa nobelang "Mga Katulong sa Bahay", Ang matandang magsasaka ay kumakatawan sa mga taong nagtitiis at nagsasakripisyo nang labis upang magbigay ng mabuting kinabukasan para sa kanilang mga pamilya, kahit na ito ay nangangahulugan ng paglimot sa kanilang sariling pangarap at kagustuhan. Sa kanyang edad, makikita ang kanyang pagod at hirap, hindi lamang sa pisikal na anyo kundi pati na rin sa kanyang damdamin at isipan. Ang kanyang pangarap na umangat sa buhay ay tila naging imposibleng abutin dahil sa patuloy na pang-aapi at kakulangan ng oportunidad.
Ang kanyang pakikibaka ay isang tahimik ngunit malalim na "tao laban sa sarili." Bagaman alam niyang wala nang malaking pagbabago sa kanyang kalagayan, patuloy siyang kumakayod dahil sa kanyang tungkulin bilang isang ama at tagapagtaguyod ng kanyang pamilya. Nariyan ang pakiramdam ng pagkatalo at kawalan ng pag-asa, ngunit sa kabila nito, pinipili niyang magpatuloy.
Kung ikukumpara sa aming sariling mga karanasan, maaaring nakikita namin ang ilan sa mga hamon na naranasan ng matandang magsasaka sa nobelang. Maaring tulad niya, naranasan rin namin ang pakiramdam ng pagod at sakripisyo, lalo na kung kami ay nagtatrabaho ng mabigat para maitaguyod ang sarili o ang pamilya.
Naramdaman rin namin ang bigat ng responsibilidad—mga oras na kahit pagod na kami, kailangan pa rin naming magpatuloy dahil may mga umaasa sa amin. Katulad ng matandang magsasaka, marahil ay naranasan namin ang kakulangan ng mga mapagkukunan o mga pagkakataon, na nagdudulot ng pakiramdam ng pagka-bigo o kawalan ng pag-asa.
Gayundin, maaaring may mga pagkakataon na naramdaman naming walang katiyakan ang aming hinaharap, tulad ng nararanasan ng matandang magsasaka. Ang kanyang buhay ay puno ng hirap, ngunit siya ay patuloy na nagtataguyod, at marahil ganito rin ang aming nararamdaman—ang patuloy na pakikibaka sa kabila ng mga hamon.
1 note
·
View note
Text
isang pagpupugay sa mga atletang filipino na ibinuhos ang lahat ng diwa't lakas upang makamit ang tagumpay ng kanilang sarili't bayan.
bigo man o wagi, ang diwa ng pilipino'y walang katulad... hanggang sa huli'y lalaban pa rin.
nawa ang medalya'y magsilbing sagisag at produkto ng tyagang hindi sumusuko sa bawat hamon gawa ng determinasyon.
umaasa ako na ang mga kabataang filipino sa bawat bagong henerasyon ay mahumaling sila sa iba't ibang larangan ng palakasan (at hindi sa tipikal o tanyag na uri lamang) upang mapangalagaan ang kanilang kalusugan, kabuhayan, kaalaman at mapairal ang pagkamakabayan para karangalan ng bayan.
mabuhay ang mga atletang filipino!
(image:
©ABS-CBN News)
0 notes
Text
Ang Lakas ng Loob ng Isang Ama: Isang Alay sa Tatay Ko
Sa araw na ito, ika-12 ng Hulyo, taon 2024, nagluluksa tayo sa pagpanaw ng isang taong mahalaga sa ating buhay – ang ating ama. Hindi sapat ang mga salita upang ilarawan ang kanyang kabayanihan at pagmamahal. Sa kabila ng mga hamon at pagsubok na dumaan sa kanyang buhay, nanatili siyang matatag at tapat sa kanyang tungkulin bilang ama. Siya ay isang halimbawa ng lakas ng loob at determinasyon sa…
0 notes
Text
Mga Munting Tinig 🎬
Nabuhayan ako ng loob na muling pintahan ang namamatay kong pangarap. Muling sigaan ang kamakailang nabasang kahoy na nakaara'y hindi na makapaapoy.
Muli akong kiniliti. Muli akong kinalabit. Muli sa aking ipinaalala kung saan ako nararapat. Muli sa aking ipinaalala na sundin ang tinig ng aking puso 'mula pa man.
Malapit sa loob ko ang ganitong mga tagpo at usapin, mala pelikula mang hango sa totoong buhay o pelikulang likha lamang ng imahinasyon. Sa aking panunuod nito, pumukaw lamang ng aking atensyon ang determinasyon at tapang ng isang baguhang guro sa kabila ng maraming balakid. Marami siyang sistemang hindi maintindihan, sistemang taliwas sa kanyang paniniwala sa kung ano ang tama. Kaya niyang makinig ngunit hindi niya kayang magsawalang-bahala at pumikit sa tuwing makakakita ng mali. Kaya niyang makinig ngunit nung una'y wala naman ni sino ang gusto siyang pakinggan. Nakakalungkot lamang din na aminin pero karamihan sa mga magulang sa malalayong lugar ay mahihina ang loob—takot silang mangarap. Hindi ko malilimutan ang isinambit ng isang ginang sa kanyang anak na babae, "Itigil mo na yang pag-aaral mo dahil mag-aasawa ka lang din naman at mag-aanak. Ang pag-aralan mo kung paano ang gawaing bahay." Naitatak na nila sa kanilang isipan na kapag babae kahit hindi na mag-aral kasi 'di kalaunan nama'y mag-aasawa, mag-aanak at magiging alipin lamang ng bahay. Gayunpaman, nakakatuwa pa rin na punung-puno ang mga bata ng inspirasyon, gusto nilang maiba naman. Gusto nilang umahon kahit papaano. Ang mga guro, hindi naman talaga sila ang nagpapatagumpay sa mga estudyanteng kanilang tinuturuan, ilaw at daan lamang sila kung papaano maabot ng mga bata ang tagumpay na kanilang inaasam.
Sa totoo lang, napapaisip na rin ako, sa sitwasyon ng mga guro ngayon parang hindi ko na kayang ituloy at kulayan pa ang pangarap na ito. Ngunit napag-isip-isip ko rin, kung hindi ko itutuloy, paano na bubuo at guguhit ang mga bata ng kanilang pangarap? Nakatakda akong magbigay-aral. Nakatakda akong maging inspirasyon. Sa mga bata, sa kanila ako itinakda.
[ I am a Teacher, I belong to the children.]
0 notes