#pagtitiyaga
Explore tagged Tumblr posts
Text
Ang Paglalakbay ni Sultan Kudarat
Noong mga unang panahon sa Mindanao, may isang makapangyarihang sultan na nagngangalang Sultan Kudarat. Siya ay kinikilalang isang mahusay na pinuno na kilala sa kanyang karunungan at tapang sa labanan. Isang araw, nabalitaan ni Sultan Kudarat ang isang diwang paglalakbay na naghahangad na mas lalong mapalakas ang kanyang kaharian at palawakin ang kanyang nasasakupan. Nagdesisyon siyang simulan…
View On WordPress
#Bayani#Ekspedisyon#Inspirasyon#Kaharian#kalayaan#Kasaysayan#lider#Malasakit#Mandirigma#Mindanao#pag-asa#paglalakbay#Paglilingkod#pagtitiyaga#Pamumuno#SultanKudarat#Tagumpay#Tapang#Tribo#Tunguhin
0 notes
Text
"Inaasahan ang Ginhawa, Pero Nakaharap sa Katotohanan"
Bilang pangkat batay sa aming ginawang pagsusuri, napagtanto namin na ang nobelang "Mga Katulong sa Bahay" na may Kabanata 6 "Ang Liwanag ng Kalunsuran" na isinulat ni Vei Trong Phung, ay may isang karakter na isang magsasaka na dumaranas ng pagod na kayat naituturing namin siyang may hamon o suliranin na tao labang sa sarili, sapagkat narito ang kanyan naranasan.
Sumapit ang pagod na magsasaka sa mahirap na paglalakbay patungog siyudad, dahil sa daming pasikot-sikot. Bawat kalye'y may bahay, daanan at eskinitang pare-pareho at walang katapusan. Isang magsasaka ang lakad ng lakad, napapagod at tumitigil. Nagugutom siya ngunit walang makain, dahil wala siyang pera. Nais niyang magpahinga ngunit walang matuluyan, dahil wala siyang pambayad. Pagod man siya, kailangan niyang sumulong dahil sa kagustuhan niyang magkaroon ng oportunidad na magtrabaho sa siyudad.
Sa pagsusuri ng aming pangkat ang magsasaka ay may tungaliang nilalabanan ang isang gawain. Sapagkat nilalabanan niyang gawin ang ibang bagay katulad ng gusto niyang magpahinga ngunit, wala siyang matuluyan dahil sa kakulangan ng pera. Pagod man, kinakailangan niya paring sumulong para sa kaniyang inaasahan pag asa.
Bilang mag aaral sa herenasyon ngayon, wala kaming maihahambing na sitwasyon katulad ng naranasan ng magsasaka. Hindi na kami nakaranas na katulad ng sinapit ng magsasaka. Kaya’t nagpapasalamat kami sa aming mga magulang na hindi na namin kailangang magsumikap sa maagang edad, dahil sa kanilang pagmamahal at pagsisikap.
Ang sinapit ng magsasakang ay nagpapakita ng kasalukuyang realidad ng maraming tao sa ating lipunan. Marami ang umaalis sa kanilang mga tahanan sa probinsya, dala ang pag-asa ng mas mabuting kinabukasan, ngunit pagdating sa siyudad, sila’y nauuwi sa mga maruruming lugar, napapabayaan, at napipilitang gumawa ng mga bagay na hindi nila pinangarap, tulad ng pagiging mga kasambahay na minamaltrato o nagiging biktima ng prostitusyon.
Sa huli, ang sinapit ng magsasaka ay isang paalala na sa kabila ng ating pagnanais na umunlad at umasenso, kailangan nating mag-ingat na hindi tayo madala sa mga pangakong walang kasiguraduhan. Dapat tayong manatiling kritikal at mulat sa mga kalagayan ng ating lipunan. Sa ating sariling buhay, mahalaga ang pagsisikap at pagtitiyaga, ngunit kailangan din nating tanggapin na ang realidad ay hindi palaging ayon sa ating mga inaasahan. Dapat tayong magtulungan bilang isang komunidad upang matiyak na walang maiiwan sa laylayan ng lipunan at maprotektahan ang mga karapatan ng mga pinaka-bulnerableng sektor.
2 notes
·
View notes
Text
Madalas, nakakaramdam tayo ng pagod sa buhay. Ang walang katapusang siklo ng mga responsibilidad, hamon, at di-inaasahang problema ay maaaring magpabigat sa atin. Sa mga ganitong pagkakataon, napakalakas ng tukso na sumuko. Ngunit ang sikreto ng pagtagumpay sa mga pagsubok ng buhay ay hindi ang pagsuko kundi ang matutong magpahinga.
Ang pahinga ay isang paraan ng muling pagbangon. Binibigyan tayo nito ng pagkakataong huminto, magmuni-muni, at linawin ang ating isipan. Tulad ng isang tumatakbo na humihinga nang malalim sa gitna ng marapon, ang pahinga ay nagdudulot ng lakas upang harapin ang mga darating na hamon. Ang pagsuko, sa kabilang banda, ay pagtalikod sa pagkakataong matuto at lumago mula sa mga pagsubok.
Kapag napagod ka, tandaan na ang pagpapahinga ay hindi kahinaan—ito ay isang anyo ng pangangalaga sa sarili. Ang pagpapahinga ay hindi nangangahulugang isinusuko mo ang iyong mga pangarap; ito ay paghahanda upang harapin ang mga hamon nang may bagong sigla. Maraming anyo ang pahinga: isang tahimik na lakad sa kalikasan, isang taos-pusong pag-uusap sa kaibigan, o simpleng sandali ng katahimikan upang huminga nang malalim.
Ang paglalakbay sa buhay ay mahaba, at ang pagtitiyaga ay hindi tungkol sa tuluy-tuloy na pag-usad kundi sa pag-alam kung kailan dapat huminto at magpalakas. Kaya, kung nakakaramdam ka ng bigat sa iyong kalooban, piliin mong magpahinga, hindi sumuko. Sapagkat sa pagpapahinga, pinararangalan mo ang iyong paglalakbay at binibigyan ang sarili ng pagkakataong magpatuloy nang may lakas at layunin.
0 notes
Text
Narinig Muna ba ang waiting halik ng kamikaze, na lss Ako sa kantang ito Lalo na yun chorus
Chorus]Ika'y biglang natauhan
Umalis kaagad nang hindi nagpapaalam
Ang sabi ko hindi kita mamimiss
Hanggang kailan ito matitiis?
Ika'y biglang natauhan
Umalis kaagad nang wala man lang paalam'
Pag nawala, doon lang mamimiss
Hanggang kailan ito matitiis
Alam ko na, magaling lang ako sa umpisa
Umasa ka pa sa akin
Mga pangakong nauwi lang sa wala
Nasayang lang ang 'yong pagtitiyaga
Wala kang napala at puro lang ako salita
Kaya pala paggising ko, wala ka na
Pwede bang mag reset ng tadhana. O kaya makalimutan ang lahat. Yun bagong movie ni Julia at Joshua gusto ko sana panoodin. Nyeta mga review nakakasakit ng damdamin.
Buti na lang nandyan si Akane, pag nalulungkot rides lang next pupuntahan ko nueja Ecija malagunao park nueva ecija park. Honestly I'm happy for her. Lalo na ang explore na sya sa mga bagay na di nya ginagawa dati. Mas malakas na loob nya gawin mga bagay na inaayawan nya noon. Stalk pa more.
0 notes
Text
Ang Guro sa Saudi
James C. Molina
****Short Story****
Sa ilalim ng tirik na araw ay masayang naglulundagan ang mga mag-aaral. Ang lahat ay nakasuot ng itim at lawlaw na saplot mula balikat hanggang ibaba ng tuhod. Sa kanilang ulo ay nakapatong ang itim at parisukat na saklob na kanilang hinahagis paitaas. Ito na ang araw na pinakahihintay ng lahat dahil ito na ang gantimpala sa kanilang pagtitiyaga na ginugol sa loob ng mahabang panahon. Sa wakas, ang mga mag-aaral ay magtatapos na ng kolehiyo.
“Josh, binabati kita dahil sa wakas ay magiging ganap ka naring gaya namin dahil isa ka ng guro” masayang pagbati ng instruktor niya sa Filipino.
“Ma’am, maraming salamat po. Hindi ko naman po makakamit ito kung wala ang inyong pagsusubaybay kaya maraming salamat po guro” tugon ni Josh habang abot langit ang ngiti sa kanyang mabait at matabang instruktor.
Mayamaya pa ay natanaw niya ang kanyang inang dahan-dahang lumalapit sa kanya. Litaw ang bakas ng kanyang kaligayahan sa suot nitong bulaklakang blusa, itim na pantalong kupas at sandal na natutuklap na ang paanan nito. Hindi na bago kay Josh ang ganitong suot ng kanyang ina dahil tuwing magtatapos ito ay palaging iyon ang ginagagamit ng kanyang ina, sa halip kasi na bibili pa ang kanyang ina ng maisusuot ay inilalaan na lamang niya ito upang may pangbayad ang kanyang anak sa pictorial at larawan sa pagtatapos nito.
“Anak, ako na ang pinakanagagalak na ina sa araw na ito dahil nakikita ko na ang aking anak ay nakamit na niya ang kanyang pangarap” wika ng kanyang inang maluhaluha ang mga mata. Labis ang naging pasasalamat ni Josh sa kaniyang mga magulang dahil umaapaw ang ginawa nilang pagsasakripisyo upang maitaguyod ang pag-aaral nito.
Si Josh ay pangalawa sa tatlong magkakapatid. Mataba, matangkad, maykaitiman at mahilig sa sining. Ang mga magulang nito ay parehong magsasaka. Simula’t sapol ay naranasan na niya ang hirap ng buhay kaya gayon na lang ang pagnanais niyang magkaroon ng magadang buhay –magkaroon ng magarang bahay, sasakyan, maraming salapi at malawak na lupa.
Mapalad si Josh dahil ilang buwan lang ng siya ay nakapagtapos ay agad na siyang nakapasok sa trabaho. Nagtuturo na siya ng sekondarya sa isang pribadong paaralan doon din sa kanilang probinsya. Halos maglilimang taon na rin siyang nagtuturo doon ng may ipinakilala ang kanyang kaibigan sa kanya na nag-aalaok ng trabaho sa ibang bansa. Inalok si Josh na magtrabaho sa ibang bansa. Sinabi ng lalaki na kung pupunta siya sa ibang bansa ay gayon din ang magiging trabaho nito, magtratrabaho parin siya bilang guro at masmalaki ang kanyang magiging sahod kumpara dito sa Pilipinas. Nasilaw si Josh sa mga tinuran ng lalaki kaya ilang lingo pa ang dumaan ay pumayag na ito na magtrabaho na sa ibang bansa bilang guro at iiwan na ang pagiging guro sa Pilipinas. Agad na prinoseso ni Josh ang mga dokumentong kaylangan niya sa pangingibayong bansa. Dahil sa kagustuhan niyang makapagtrabaho sa ibang bansa ay halos maubos ang ipon niya sa bangko dahil sa laki ng kinakailangan niyang salapi upang ipangbayad sa lalaking kukuha sa kaniya sa ibayong bansa.
“Anak, magiingat ka doon sa Saudi” pagpapaalam ng nagaalalang ama bago pumasok si Josh sa loob ng paliparan.
Mababakas sa mukha ni Josh ang lungkot ng pag-alis at pagdadalawang isip kung tutuloy pa ba ito o hindi dahil ito ang unang pagkakataon na mahihiwalay siya ng matagal sa kanyang pamilya. Ngunit, sa isip niya at puso ay baon ang pangarap na mabigyan ng masmaginhawang buhay ang kanyang pamilya.
Sumagot siya sa kanyang ama nang nakangit upang hindi na ito malungkot pa, “Opo papa kayo rin po dito. Saglit lang naman po ang limang taong kontrata ko sa Saudi”.
Masayang nagyakapan ang magkakapamilya sa huling pagkakataon ngunit gaya ng inaasahan ay hindi parin nila naiwasang maluha. Inihayag na ng paliparaan ang eroplanong sasakyan ni Josh kaya kailangan na niyang pumasok dahil baka maiwanan pa siya ng sasakyan niya papuntang Saudi. Tila tumigil ang mundo ng lahat habang pinagmamasdan nila ang dahan-dahang pagpasok si Josh sa loob ng paliparaan habang hila-hila nito ang bag niyang may gulong at nakabaling ang mga tingin nito sa kanila hanggang hindi na nila masilip si Josh sa loob.
Makalipas ang tatlong taon na pamamalagi ni Josh sa bansang Saudi ay tumawag siya sa kanyang pamilya. Umaga ng araw na iyon habang ang kapaligiran ay malamig, ang kanyang ina ay abala sa baglalaba ng mga damit nang biglang tumunog ang telepono nito. Nang tinignan niya ito ay nakita niya ang pangalan ni Josh na tumatawag.
“Hello, Josh kumusta ka na?” masayang bati ng ina habang ipinupunas ang mabula at masabong kamay nito sa laylayan ng kanyang daster.
“Mabuti naman po mama. Labis na po ang pagkasabik ko sa inyo, kayo nila papa at mga kapatid ko” nasasabik at malamyos na tugon ni Josh sa ina.
Agarang sumagot naman ang kanyang ina dahil sa labis na pagkasabik niya rin sa kanyang anak. Ilang sandali ay natatanaw na ng kanyang ina na parating na si Kulas buhat ang kumpol ng mga kahoy para panggatong. Si Kulas ay ang mabait, matangkad at maitim-itim na ama ni Josh.
“Patring, si Josh na ba iyang kausap mo?” pagtatanong ng ama sa kanyang ina na malayo pa lang ay nagsasalita na.
“Oo!” tugon ni Patring kay Kulas na nagmamadaling lumapit sa kanya.
Masayang nagkwentohan ang mga magkakapamilya sa telepono, hindi nila namalayang tumagal ito ng halos tatlumpong minuto.
“Sige na po mama, papa ibababa ko na po ang telepono aalis na po ako magsisimula na po ang klase, kailangan ko na pong pumasok para magturo baka pagalitan pa po ako ng aming principal kapag nahuli niya akong nakikipagtawagan habang oras ng klase” pagpapaalam ni Josh habang nag-aalinlangang tumitingin tingin sa paligid niya kung may ibang paparating.
“Sige anak mag-ingat ka diyan huwag mong pababayaan ang sarili mo, kumain ka ng sapat at matulog. Paalam…” wika ng kanyang mapagmahal na ina.
Pagkababa ni Josh sa telepono ay saktong nandiyan nang papalapit ang banyagang lalaking balot ng telang puti ang buong katawan, ang ulo ay may kaffyeh (saplot ng mga kalalakihan sa kanilang ulo), makapal ang balbas at mahahaba ang mga pilik mata. Ito ang mapobring amo ni Josh.
“Why are you here in the middle of your work? Go there and clean the floor!” pasigaw at namumutok ang galit na bigkas ng kanyang amo habang siya ay inuutusan.
Walang nagawa si Josh, nagmadali siyang lumabas ng stockroom habang hawak-hawak ang map at nanginginig ang mga kamay. Makikita sa mukha at mga braso ni Josh ang mga pasa. Matamlay din ito hindi gaya ng sigla niya kapag nakikipag-usap siya sa kanyang pamilya sa Pilipinas. Madaling araw na at sarado na nga ang bar ay nandoon parin si Josh, naglilinis ng mga kalat ng mga customer.
Dahil sa kanyang trabaho ay madaling araw na umuuwi si Josh. Ilang oras lang ang kanyang naigugugol sa pagtulog. Pagsapit ng tanghali ay umalis na naman si Josh sa masikip at hindi gaanong kalinisang apartment na kanyang inuupahan. Dumideretso siya sa isang bahay na malaki at magara sa sentro ng siyudad.
Pagpasok pa lang ni Josh sa pintuan ng bahay ay bumungad na sa kanya ang napakasamang amoy mula sa isang bukas na kwarto sa tabi ng hagdanan. Mapanghi at mabaho, maduduwal ang sino mang makakaamoy nito. Nandoon ang nakahilatang matanda na nadumuhan ang salawal. Isa lang ito sa trabaho ni Josh, ang pagiging caregiver niya mula 12:00 ng madaling araw hanggang 5:00 ng umaga.
“Why are you late, Josh?” tanong ng malupit na anak ng matandang inaalagaan niya.
“I’m very sorry ma’am for being late because I woke up late today” pagpapaliwanag at paghingi ng tawad ni Josh sa kanyang amo habang naka yuko ang ulo nito. Sa hindi inaasahan, inilublob pa ng kanyang amo ang ulo nito at sinabihan ng masakit na salita.
Kinabukasan, nagtungo ulit siya sa bahay na iyon upang alagaan ang matanda.
“I don’t want to take a bath it’s too cold, the water is cold……aahhhh!” pagsisigaw ng matanda habang pinapaliguan ni Josh.
Pagkatapos mapaliguan ni Josh ang matanda ay dinala na niya ito sa kanyang higaan ngunit, ilang sandali ay naka dumi na naman ito sa salawal niya. Walang magagawa si Josh kung hindi linisin ito nababauhan man ay kaylangan niyang linisin. Nang hindi inaasahan, habang linilinis ni Josh ang suot ng matanda ay biglang kinuha ng matanda ang dumi niya at ipinahid sa may bandang pisngi ni Josh. Duwal nang duwal si Josh sa ginawa ng matanda sa kanya. Tumangis si Josh, labis ang pagdaloy ng luha sa kanyang mga mata.
Ilang buwan ang nagdaan ay maraming paghihirap ang napagdaanan ni Josh sa kanyang trabaho. Binubuhusan siya ng kanyang amo sa bar ng tirang alak o minsan ay pinaghugas sa tuwing may hindi ito magustuhan. Dumating din sa puntong kulang ang sahod na ibinayad sa kanya. Maraming pasakit din ang napagdaanan niya sa kamay ng inaalagaan niyang matanda. Sinasaktan siya –ikinukulong sa stockroom at maraming suntok at sampal ang nakukuha niya sa ulyaning matandang kanyang inaalagaan.
Isang araw, habang siya ay nagtratrabaho sa kanyang pinapasukang bar ay nasangkot siya sa gulo. May isang magbabarkadang pumasok sa bar at natapik ang iniinom ng lalaking maangas at nalulunod na sa lasing. Nagkainitan ang mga ito, nagpalitan ng mga salita hanggang sa magkasakitan ang mga ito. Bugbog sa mukha ang inabot ng isang customer at tila hindi na ito makabangon sa tindi ng pagkakadapa. Nang akmang bubunot nang baril ang maangas na lalaki ay umawat ang naglilinis na si Josh. Ngunit, hindi nakapagpigil ang lalaki at nakalabit ang baril sa harap ng umaawat na si Josh. Nabaril si Josh. Ang unipormi niyang puti ay naging kulay pula, ang kanyang katawan ay napuno ng walang humpay na pagdaloy ng dugo. Ang duguang si Josh ay unti-unting napaluhod, umiikot ang tingin sa paligid, dumilim ang paningin hanggang sa tuluyan na itong bumagsak sa sahig ng bar at tuluyang nawalan ng malay. Agad na isinugod sa pagamutan si Josh. Sinabi ng doktor na maraming dugo ang nawala sa kanyang katawan kaya kinakailangan siyang salinan ng dugo. Agad naman itong ipinaalam sa kanyang pamilya sa Pilipinas.
Kinabukasan, habang nagluluto ang ina ni Josh ay may biglang tumawag sa telepono nito. Walang pangalang nakalagay, tanging numiro lamang ang nagpakita na maging ang ina ay hindi alam kung sino ito.
“Hello, sino po ito?” masayang pagkasagot ni Patring sa tumawag.
“Hello ma’am this is Al-Iman General Hospital…..” malugod at deretsong sambit ng kausap sa telepuno. Nagtaka si Patring kung bakit tumawag ang hospital sa kanya.
“This call is to inform you that your son, Josh, was rushed and admitted in the hospital last night because he was shot by a man in the bar” pagpapatuloy na wika ng banyagang lalaking tumawag sa kanya.
Nabigla si Patring sa kanyang mga narinig, halos mabitawan na niya ang teleponong hawak-hawak nito. Ang mga tuhod at kamay ay labis ang nginig habang unti-unting napaupo sa bangkong nasa likod lamang niya.
Ilang sandali pa ay agad na tumawag ang pamilya ni Josh sa kanya. Hindi alam ng kanyang pamilya kung ano nga ba ang tunay na kalagay ni Josh sa bansang Saudi. Habang ang katawan ni Josh ay nakahiga sa kama sa hospital, nanghihina at mababakas sa kanyang mukha ang lungkot ng kanyang mga pinagdaanan. Walang pasubali niyang ipinagtapat ang tunay na kalagay ng kanyang buhay sa Saudi habang lumuluha at nanginginig ang boses sa telepono.
Ang nag-alok sa kanya ng trabaho sa ibang bansa ay hindi na niya nahagilap mula ng lumapag ang eroplanong sinakyan niya patungong Saudi. Pinangakuan siyang susunduin siya sa paliparan pagkalapag niya doon ngunit walang sumipot. Sa mga oras na iyon ay labis ang pangambang kanyang nadarama at gulong gulo ang isip. Hindi niya mabatid kung ano ang magiging buhay na niya ngayon doon at kung paano niya ito haharapin. Sa puntong iyon naisipan niyang umuwi na lamang sa Pilipinas ngunit sinabi niya sa kanyang sarili na kapag uuwi siya ay mapapahiya lamang siya sa kanyang pamilya, kaibigan at katrabaho kaya pinili na lamang niyang manatili doon at makipagsapalaran. Gaya ng kanyang inaasahan, hindi nagaing madali ang naging buhay niya doon. Walang siyang napasukan na trabaho Saudi. Nagpalaboy-laboy siya ng mahigit isang buwan sa Saudi. Walang maayos na masisilungan at natutulog na lamang sa tabi-tabi. Maswerteng may nagalok sa kanya ng pansamantalang trabaho kaya kahit papaano ay may pinagkukunan na siya ng salapi.
Isang araw, may isang Pilipinong nakapangasawa ng taga roon ang naglakas loob na tinulungan siya. Tinulungan siyang naghanap ng trabaho hanggang sa mapadpad siya sa bar at nakahanap pa ng ibang mapagkakakitaan. Nahihiya siyang nagsabi sa kanyang pamilya na wala siyang nadatnang trabaho doon dahil ayaw niyang mag-alala sila at alam niyang mahirap ang kanilang buhay kaya kung uuwi siya ay wala silang mapagkukunan ng ikabubuhay.
“Patawad anak hindi namin alam ang pinagdaanan mo doon. Kung alam lang naming hindi n asana kami humingi nang humingi ng salapi sa iyo” ika ng umiiyak na ina kay Josh.
Agad namang sumunod na nagsalita ang kanyang nagaalalang ama, “Kaya pala matagal kang walang paramdam noon anak, patawad”.
Ang umiiyak at nanghihinang si Josh ay nakangiting tumugon sa kanyang ina, “Ma, Pa wala po kayong kasalanan, tapos na po iyon ang importante magsisimula na po ako ulit kasama po ninyo”.
Pagkalabas niya ng pagamutan ay umuwi na siya sa Pilipinas. Bumalik sa pagiging guro sa pampublikong paaralan at nagpakasal makalpas ang dalawang taon. Ngunit, sa hindi inaasahang panahon sa araw ng kanilang kasal ay nawalan siya ng malay at nadiskubreng mayroong stage 3 colon cancer si Josh.
0 notes
Text
Tamis na Ginhawa sa Pilipinas: Mula sa Kusina Hanggang sa Online Gaming
Mula sa yaman ng kanyang kulturang kulinarya hanggang sa buhay na online gaming, nag-aalok ang Pilipinas ng isang salu-salo ng mga kaligayahan para sa mga lokal at bisita. Halina't samahan natin ang paglalakbay sa mga lasa ng lutong Pilipino at sa kasiyahan ng online gaming, na sumasalamin sa esensya ng kaluguran sa arkipelago.
Ang lutong Pilipino ay isang kulturang nabuo mula sa iba't ibang impluwensya ng mga siglo ng kalakalan, kolonisasyon, at mga katutubong tradisyon. Hindi talaga maaaring masabing naranasan mo ang Pilipinas nang hindi mo nasasarapan ang mga kilalang lutuin nito tulad ng adobo, sinigang, at lechon. Bawat kagat ay nagkukuwento ng katatagan at pagiging masayahin ng mga Pilipino, na nag-aanyaya sa mga kumakain na makisama sa isang pakikipagsapalaran sa kusina na kakaiba sa iba.
Sa labas ng hapag-kainan, ang mga Pilipino rin ay nag-eenjoy sa isa pang uri ng kaluguran: ang online gaming. Sa mga nakaraang taon, ang industriya ng online gaming ay lumitaw ng may malaking pag-unlad sa Pilipinas, na pinapangunahan ng isang tech-savvy na populasyon at pagmamahal sa kompetisyon. Mula sa mga mobile na laro hanggang sa mga malalaking multiplayer online role-playing games (MMORPGs), nilulunod ng mga Pilipino ang kanilang sarili sa mga virtual na mundo kung saan sila ay nakakasalamuha, nakikipagtagisan, at sumasaliksik sa mga bagong larangan.
Tungkol sa online na pag-eentertain, halina't tuklasin natin ang isang nakaka-excite na karanasan na sumasalamin sa espiritu ng pagiging masayahin at swerte ng mga Pilipino. Isipin ang isang mahinang gabi sa Cebu, kung saan ang mga neon na ilaw ng lungsod ay nagbibigay liwanag sa kalangitan. Nakatago sa urban na tanawin na ito ay isang online na casino na puno ng aktibidad, kung saan nagtitipon ang mga manlalaro upang subukan ang kanilang swerte at kasanayan.
Isang manlalaro na gaya ni Miguel ang isa, isang batang propesyonal na may pagmamahal sa pakikipagsapalaran at paglalaro. Pagkatapos ng mahabang araw sa trabaho, nagpapahinga si Miguel sa pamamagitan ng pag-login sa kanyang paboritong online na casino, handang i-explore ang mga virtual na mesa at slot machine. Ngayong gabi, parang pabor niya ang tadhana habang nilalakbay niya ang ilang nakakapagpatibok ng puso na laro sa Panaloko, mula sa blackjack hanggang sa roulette.
Sa paglalaro ni Miguel, nakakakita siya ng iba't ibang manlalaro mula sa buong Pilipinas at maging sa buong mundo, bawat isa ay may kani-kanyang kwento. Sa gitna ng magaan na biruan at matinding paglalaro, nararanasan ni Miguel ang kasiyahan ng tagumpay at ang paminsang kabiguan, na nagpapaalala sa kanya ng hindi inaasahang likas ng buhay.
Nakalipas ang mga oras na parang bilis ng kidlat habang nakalubog si Miguel sa mundo ng online gaming, tanging inaasam ang bawat sandali ng kasiyahan at pagtitiyaga. Sa huli, nang magtunog ang orasan ng alas dose, nagpasya si Miguel na tawaging tapos na ang gabi, ang kanyang puso pa rin ay mabilis na nagtatalon sa damdamin ng laro.
Sa buod, ang Pilipinas ay isang lupain ng walang hanggang kaluguran, kung saan ang mga kahanga-hangang lutuin at mga pakikipagsapalaran sa virtual ay nagkakaisa upang lumikha ng isang larawan ng kaluguran na walang katulad. Kahit ikaw ay naglilibang sa isang masarap na tasa ng sinigang o sinusubukan ang iyong kapalaran sa isang online casino, isang bagay ang tiyak: ang paglalakbay ay may kasamang kasiyahan tulad ng patutunguhan. Kaya halina na, tamis ng Pilipinas' mga kaligayahan, mula sa kusina hanggang sa online gaming, at magtungo sa isang hindi malilimutang paglalakbay ng kaluguran at kasiyahan.
1 note
·
View note
Text
"Barya lang po sa umaga, katumbas ng baryang kinikita."
Sa mga matiyagang jeepney drivers, saludo kami sa inyong sipag at dedikasyon sa paglilingkod sa ating komunidad. Bagamat barya lamang ang inyong kinikita, ang inyong sakripisyo at pagtitiyaga ay nagbibigay liwanag sa bawat biyahe. Maraming salamat sa inyong serbisyo at pagmamahal sa trabaho.
#JEEPneyBayani
#BaryaLangPeroBayani
1 note
·
View note
Text
BIGOTE NG TIGRE
-Pinagmulan ni: Bonnie Malouf Ang Bigote
ng Tigre ay nilikha at isinulat ni Bonnie Malouf. Si Bonnie Malouf ay isang propesyonal na mananalaysay na natutuwa sa pagkukuwento sa lahat ng pangkat ng edad. Nagtuturo siya ng mga workshop sa pagkukuwento na ginawa para sa mga magulang, guro, tagapag-alaga, tinedyer, tagapayo sa kampo, at mga bata. Sa mga workshop na ito, tinutulungan ni Bonnie ang iba na makapagpahinga at masiyahan sa pagkukuwento. ito ay isang sinaunang korean folktale. Isang babaeng naghahanap ng potion para tulungan ang kanyang asawa na nagulat sa digmaan ay sinabihan na isa sa mga sangkap ay isang balbas mula sa isang buhay na tigre. Si Yun Ok ay handang ipagsapalaran ang kanyang buhay at lapitan ang tigre dahil napagpasyahan niya na ang pakikipag-ugnayan muli sa kanyang asawa ay katumbas ng panganib. Mula sa kanyang karanasan sa tigre, nalaman ni Yun Ok na sa pamamagitan ng pagtitiyaga, maaari niyang makuha ang tiwala at puso ng kanyang asawa, kung paanong nakuha niya ang tiwala ng tigre. Sa konklusyon. ang moral ay minsan hindi mo kailangan gumamit ng dahas para makuha ang gusto mo. Minsan kakailanganin mo ng kahinahunan at kabaitan, na maaaring gawing mas bukas ang isang tao sa pagbabago.
1 note
·
View note
Text
youtube
"Halik" (Kiss) by Kamikazee
Kumupas na lambing sa iyong mga mata
Nagtataka kung bakit yakap mo'y 'di na nadarama
May mali ba akong nagawa
Tila nag-iba ang mga kilos mo at salita
Bakit kaya
Parang hindi ka na masaya
The gentleness in your eyes already faded
Been wondering why I can no longer feel your embrace
Did I do something wrong?
The way you speak and act seemed to have changed
Why is it
Like you're not happy anymore
Ika'y biglang natauhan
Umalis kaagad nang hindi nagpapaalam
Ang sabi ko hindi kita mamimiss
Hanggang kailan ito matitiis
You suddenly came to your senses
You quickly left without saying goodbye
I said I wouldn't miss you
How long can I endure this?
Ika'y biglang natauhan
Umalis kaagad nang wala man lang paalam
'Pag nawala doon lang mamimiss
Hanggang kailan ito matitiis
You suddenly came to your senses
You quickly left without a farewell
When you're gone only then will be missed
How long can I endure this?
Alam ko na magaling lang ako sa umpisa
Umasa ka pa sa akin
Mga pangakong nauwi lang sa wala
Nasayang lang ang iyong pagtitiyaga
Wala kang napala at puro lang ako salita
Kaya pala paggising ko wala ka na (kaya pala)
I know that I'm only good at the start
You put your trust in me
My promises turned into nothing
Your patience came to waste
You gained nothing but my empty words
So that's why you're gone when I woke up
Ika'y biglang natauhan
Umalis kaagad ng hindi nagpapaalam
Ang sabi ko hindi kita mamimiss
Hanggang kailan ito matitiis
You suddenly came to your senses
You quickly left without saying goodbye
When you're gone only then will be missed
How long can I endure this?
Ika'y biglang natauhan
Umalis kaagad nang wala man lang paalam
'Pag nawala doon lang mamimiss
Hanggang kailan ito matitiis
You suddenly came to your senses
You quickly left without a farewell
When you're gone only then will be missed
How long can I endure this?
Ika'y biglang natauhan
Umalis kaagad ng hindi nagpapaalam
Ang sabi ko hindi kita mamimiss
Hanggang kailan ito matitiis
You suddenly came to your senses
You quickly left without saying goodbye
When you're gone only then will be missed
How long can I endure this?
Ngayon ko lang natutunan
Masubukang mabuhay nang para bang may kulang
'Pag nawala doon lang mamimiss
Paalam sa halik mong matamis
I only learned now
To try to live like there's something missing
When you're gone only then will be missed
Goodbye to your sweet kiss
#Halik#Kamikazee#OPM#song translation#filipino-english translation#did this because it's such a banger
0 notes
Text
Buhay Ko, Istorya Ko: Talambuhay ni Aira Manabo
Ang aking pangalan ay Aira D. Manabo at ako ay isinilang sa maliit na barangay ng Lun Padidu na isang maganda at tahimik na probinsya noong Agosto 23, 2004. Ang aking ina ay si Raida D. Manabo at ang aking ama naman ay si Ronnie A. Manabo. Ako ay nag-iisang anak lamang ngunit pinalaki ako na hindi kulang sa pagmamahal at aruga sapagkat palaging nasa aking tabi ang aking mga magulang upang suportahan ako sa lahat ng bagay. Mahilig akong tumuklas ng mga bagay na matatawag kong hobby at pinaka-ayaw ko sa lahat ang sobrang ingay. Sa musmos na edad, masasayang ala-ala ang aking naranasan at naikubli sa aking mumunting isipan. Natutunan kong tumakbo at maglaro kasama ang mga kaibigan sa mga gubat sa likod ng aming bahay at magtampisaw sa ulan sa tuwing uulan. Nasubukan kong madapa, masugatan, at umiyak dulot ng mga maliliit na bagay na dati ay parang mabigat na problema na para sa atin. Ang aking mga magulang ay mga masisipag, matiyaga at mapagmahal na indibidwal na nagbigay sa akin ng nagturo sa akin na sa paglaki ay dapat na unahin ang pamilya at mahalin pag-aaral.
Nang tumungtong sa elementarya ay nag-aral ako sa Lun Padidu Central Elementary School, kung saan nagkaroon ako ng marami-raming kaibigan na aking naging sandigan sa tuwing nasa loob ng silid-aralan. Sa baitang na ito ay natutunan kong magpakita ng magandang performance sa aking pag-aaral at nakapagkwekwentuhan at nakikipaglaro sa maraming kaibigan na tiyak na magtatagal sa buhay. Dito ko natuklasan ang hilig ko sa pagsusulat, pagbabasa, at radio broadcasting nang sumali ako sa journalism club sa aming paaralan. Natuto akong sumulat ng mga lathalain nang nasa ikalimang baitang na ako na nagging dahilan para manalo ako sa iba’t ibang kompetesyon tulad ng Division Schools Press Conference (DSPC) na nagdala sa akin Regional Schools Press Conference (RSPC).
Sa high school, nagsimula akong mas magpursige na matuto at maging magaling na manunulat ng lathalain. Pumasok ako sa Special Program in Journalism (SPJ) class upang mas mapagtuonan ko pa ng pansin ang aking hilig sa pagsusulat at radio broadcasting. Dito ay nagsimula akong maglaan ng aking libreng oras sa paggawa ng mga tula at maikling kuwento. Ang high school na buhay ay isang hamon ngunit kasiyahan sa akin. Mas bingyan ko ng pokus at naging aktibo ako sa pag-aaral, naging parte ng softball team at minsan ay nagsisilbing editor sa school newspaper. Sa high school na rin ako nagsimulang ma-engganyo sa mga bagay na may kinalaman sa pagsalba ng mga buhay, na nagbigay sa akin ng interes sa pagpursige ng aking karera sa medisina.
Pagkatapos ng graduation sa high school, nagpasya ako na magpa-enroll sa paaralan na alam kong mas mabibigyang pansin ang kurso na aking nais. Nagdesisyon ako na mag-aral sa General Santos Doctors' Medical School Foundation, Inc. at pumasok sa STEM strand sapagkat alam ko na magiging malaking tulong ito sa akin upang maging handa sa pagsabak sa kolehiyo. Senior high school student ako nang maging Presidente ako ng Supreme Student Government (SSG) na isang organisasyon sa paaralan na naglalayong pamunuan at maging mabuting huwaran sa mga kapwa mag-aaral. Dito ko natutunan kung paano at gaano kahalaga ang makinig at makihalubilo sa iba pang mga mag-aaral lalo na ang pagkakaroon ng pasensiya at pag-unawa.
Sa buong buhay ko, ako ay biniyayaan ng mga mapagmahal na pamilya at kaibigan, mga taong nagbibigay ng kasiyahan, at mga taong handa akong suportahan sa kahit na anong laban. Ako ay nagpapasalamat sa lahat ng ibinigay sa akin at pangako ko na mas pagbubutihin ko pa ang aking pag-aaral upang makapagtapos at masuklian ang hirap at sakripisyo na dinanas ng aking mga magulang. Sa pamamagitan ng aking pagtitiyaga at pagsisikap, naniniwala ako na maaari akong magbigay ng positibong epekto sa buhay ng mga tao at maging isang instrumento ng pagbabago sa mundo. Sa panahon na ito, patuloy ko pang hinahangad na maging isang responsible, matibay at epektibong mag-aaral na kayang panindigan lahat.
0 notes
Text
Sa aking mga mag-aaral,
Una sa lahat, pagbati sa inyong pagtatapos! Pagpupugay sa bawat isa dahil sa ilang taon na tayo ay nagkasama, nakita ko ang iyong pagsusumikap at pagtitiyaga sa pagkatuto. Aking namalas, sa maikling panahon, kung paano kayo lumago bilang mga mag-aaral at bilang mga indibidwal.
Sa bawat pagsisimula ng ating klase, binabati natin ang isa't isa ng isang mapagpalayang araw. Ito ay dahil naniniwala tayo na ang bawat araw na nadaragdagan ang ating kaalaman at kamalayan sa mga kaganapan sa ating kapaligiran ay nagbubunsod upang lumaya ang ating isipan at lumawak ang ating pagtingin sa papel na ating ginagampanan sa lipunang kinabibilangan. Ngunit sa maraming pagkakataon, ang pagpapalaya ng ating isipan at pagbukas ng ating kamalayan ay isang pagpili. Pinipili natin ang kumilos. Pinipili natin ang pagbabago. Kaya dalangin ko na piliin natin lagi na mas paunlarin ang kakayahan at kaalaman upang maisakatuparan natin ang ating mga nilalayon para sa sarili, sa pamilya, at sa bayan.
Marami pa kayong mararanasan sa susunod pang mga taon ng iyong pag-aaral, ngunit naniniwala ako na taglay ninyo ang kakayahan upang ang lahat ng ito ay inyong mapagtagumpayan. Kaya patuloy na magsumikap. Lalo pa ninyong pagbutihan. Patuloy na lumaban para sa inyong magandang kinabukasan!
Palagiang nasa aking alaala ang masasayang oras ng ating klase. Hindi mawawaglit sa aking isipan kung gaano ninyo pinagaan ang unang mga taon ng aking pagtuturo. Palagian kong baon-baon ang masaya at makabuluhang karanasan sa pagkatuto kasama kayo. Nawa ay ganoon din kayo.
Bilang pagtatapos, nais ko sanang ipaalala, gaya ng sinabi ni Gat Jose Rizal, mas makabuluhan ang buhay kung ito ay ating iuukol sa isang dakilang layunin at adhika.
Lagi't lagi, dalangin ko inyong katagumpayan!
Hanggang sa muli.
Padayon, klase.
28 notes
·
View notes
Text
Buhay 🙏🏻
Matutupad ko ang lahat ng mga pangarap at plank ko na tama sa pamamagitan ng pagtitiyaga, pagsusumikap at sa gawa na may kasamang dasal pati pagmamahal sa Lumikha. Hinding-hindi ko susukuan ang buhay dahil sasaya ako at mabubuhay ng sobrang haba. Maganda, masaya, mapayapa at masaganang buhay ang makakamit ko sa hinaharap.
6 notes
·
View notes
Text
Ang Karanasan ni Viktor sa Singapore
Ang migrasyon ay ang pag-alis o paglipat sa isang lugar patungo sa panibagong lugar. Maaring ito ay pansamantala lamang o permanente. Kadalasan sa mga Pilipino ay nagiging migrante dahil sa hirap ng buhay sa Pilipinas. Aminin man natin o sa hindi ay talaga nga namang makikita natin ang pagkakaiba ng sweldo sa Pilipinas at sa ibang mga bansa. Maraming mga dahilan kung bakit ang mga tao ay napipilitang maging migrante, isa na rito ang kahirapan. Ayon sa World Bank ang kahirapan sa Pilipinas ay tumatayang labinsiyam na porsiyento noong taon 2020. Ang sagot sa kahirapan ay ang paghahanap ng trabaho o hanapbuhay na nagsisilbing tulay sa masaganang pamumuhay. Isa pa sa mga dahilan kung bakit nagiging migrante ang isang tao ay dahil sa paghahanap ng ligtas na tirahan. Ang pagiging ligtas at malayo sa kapahamakan ang gusto ng lahat para kani-kanilang mga pamilya at mga mahal sa buhay. Ang panghihikayat ng mga kapamilya na matagal nang naninirahan sa ibang ay isa rin sa dahilan upang maging migrante. Ang pag-aaral ay isa rin sa mga dahilan upang lumipat ng tirahan upang magkaroon ng kaalaman sa partikular na bansang lilipatan.
Halina't ating tunghayan ang aking interbyu sa isa sa aking kapamilya, ang aking pinsan na Viktor. Si Viktor ay ipinanganak at lumaki sa Pilipinas, siya ay masiyahing tao at masipag. Siya ay nakapagtapos sa kurso na Bachelor of Science in Accountancy sa Unibersidad ng Santo Tomas. Maganda ang naging takbo ng pamumuhay niya ngunit noong magkasakit ang kanyang ama ay kinailangan niyang makipagsapalaran sa hirap ng buhay sa Singapore upang maitaguyod ang kanilang pamilya at para matustusan ang gamot ng kanyang ama. Ayon sa kanya ay nakaranas siya ng anxiety at home sick noong mga unang buwan niya sa ibang bansa sa kadahilanang hindi siya sanay na mawalay sa kaniyang pamilya. Ngunit ito lamang ang tanging paraan upang makatulong siya sa kanyang ama na may sakit at sa kaniyang pamilya. Inamin niya rin na noong panahon ng lockdown sa Singapore ay talaga nga namang nanibago at nahirapan siya bagamat ilang taon na rin siyang naninirahan doon. Nakaranas siya ng matinding anxiety dahil lahat ay natigil, pati kaniyang trabaho. Sinabi niya rin na ibang klase ang paghihigpit doon noong naglockdown, kaya hindi rin nakapagtataka kung bakit pagkatapos ng lockdown nila ay nagkaroon ng sero cases ng COVID-19. Ngunit kahit na mahigpit ang patakaran doon at sumunod ang mga mamamayan, ay hindi pa rin naiwasan na magkalat ang virus. Bagamat ang Singapore ay pinarangalan ng World Health Organization dahil sa maagap na contact tracing at pagswab ng 900,000 na katao noong Setyembre 2020. Ayon kay Viktor, hindi naging hadlang ang pandemya upang humanap siya ng pagkakakitaan, dahil siya ay nagbenta ng iba't ibang mga gamit sa pamamagitan ng mga online platform. Sinambit pa niya na ang lahat ay makakaya niyang gawin para lamang sa kaniyang pamilya. Isang patunay ito na pagmamahal sa pamilya ang nangingibabaw sa mga migrante kaya nila natitiis ang hirap sa ibang bansa. Maswerte rin si Viktor, dahil ang kaniyang kompanya na pinagtatrabahuhan ay hindi siya pinilit na umuwi sa Pilipinas, binigyan sila ng opsyon kung nanaisin bang umuwi o hindi. Pinili niyang hindi umuwi upang magpatuloy sa kaniyang trabaho sa Singapore.
Makikita natin ang pagtitiis at hirap ng isang migrante. Hindi madali na mawalay sa pamilya at milya milya ang layo sa kanila. Napakalaking respeto ang marapat nilang matanggap dahil pagtitiyaga at pagsusumikap na maitaguyod ang pamilya. Ang pagmamahal ang nagsisilbing lakas nila sa lahat ng hamon na haharapin sa buhay sa ibang bansa. Ang pagdadasal ang nagsisilbing gabay nila patungo sa tuwid na landas. At higit sa lahat, ang pamilya ang kanilang kayamanan na kailanman ay hindi maipagpapalit sa kahit ano mang bagay sa mundo.
1 note
·
View note
Text
Mga Makabagong Bayani
Ang kalayaan ng Pilipinas ay nakamit natin mula sa mga magigiting nating kababayan (bayani) upang maging malaya tayo sa mga dayuhang sumakop sa atin. Karamihan sa kanila ay nagbuwis ng kanilang buhay para sa ating inang bayan. Hindi man natin naabutan ang pangyayaring iyon nakakatak pa rin sa ating kasaysayan ang alaala ng digmaan. Maaari nating makita ang mga lugar na makasaysayan sa pamamagitan ng pagbisita sa mga lugar kung saan naganap ang madugong digmaan. Gaya ng Battle of Corregidor, Bataan Death March, at Battle of Manila Bay. Ilan yan sa mga digmaan kung saan marami sa mga kababayan natin ang nagbuwis ng kanilang buhay para sa ating kalayaan.
Sa panahon ngayon nakikita mo pa ba ang kalayaan na dati ay halos magpakamatay ang karamihan makamit lang ang inaasam na kalayaan? Nakikita pa ba natin ang mga pagkakaisa at pagtutulungan para labanan ang kahirapan? Batid ng artikulo na ito na magkaroon ang mga mambabasa ng kaalaman patungkol sa kabuhayan at kalayaan ng mga OFWs ng ating bansa.
Parte ng pangingibang-bansa ang pagkagulat at pagkalito sa ilang kagawian ng mga dayuhan sa kanilang bansa. Dala ito ng kaibahan ng kulturang nakasanayan ng OFW sa sariling bansa. Bilang mga “dayo,” sila ay kinakailangang mag-adjust at magbigay respeto sa ibang kultura. Mabuti na lamang at napadali na ng teknolohiya ang komunikasyon sa pagitan ng mga OFW at ng kanilang pamilya. Sa pamamagitan ng online messaging at video calls, maiibsan ang pangungulila nila. Sa pagkakataong magkaiba ang timezones ng mga OFW at ng kanilang pamilya, mainam na magtakda ng oras ng pagtawag sa isa’t isa.
OFW, iyan ang kadalasang naririnig natin sa radyo o telebisyon, sa mga balitang napapanood o nababasa sa mga dyaryo. Overseas Filipino Workers (OFW) ang tawag sa karamihan ng mga kababayan na nais mangibang bansa. Isa ito sa pinakamalaking sakripisyong binabalikat ng maraming bilang ng mga pilipino. Malinaw ang dahilan ng kanilang pangingibang bansa: Kawalan ng sapat na trabaho dito sa ating sariling bayan. Batay sa Philippines Statistics Authority, tinataya na 2.3 milyon na mamamayang Pilipino ang nangingibang bansa. Ang pinaka nangungunang dahilan ng mga OFW sa pagkakaroon ng malaking sahod ay ang makapag-pundar ng bahay at lupa para sa kanilang pamilya. Sino nga ba sa atin ang hindi gugustuhin na magkaroon ng sariling ari-arian? Para sa hinaharap ay may maipagmamalaking “sa atin ito”.
Subalit hindi lahat ng nag-aasam ng magandang buhay bilang isang OFW ay maganda ang kinahahantungan. Mayroong hindi kinakaya ang hirap ng trabaho at tinatapos na lamang ang kontrata at umuuwi nalamang sa ating bansa. May mga balita naman na ang iba ay inaabuso o minamaltrato ng kani-kanilang amo kaya hindi rin sila nagtatagal sa kanilang trabaho at mayroon ding tumatakas para masagip lamang ang kanilang mga buhay. Mayroong hindi tama ang pagpapasahod at hindi naibibigay ang mga karampatang benepisyo tulad ng kung ano ang nakasaad sa napagkasunduang kontrata.
Sa kabilang banda naman, marami pa rin sa mga OFW ay tila naka-jackpot sa pangingibang bansa.Mayroon na pinagpapala ng Diyos dahil sa pagtitiyaga at pagsisipag ay maaaring na-promote at naging boss na mula sa pagiging isang ordinaryong empleyado. Dahil dito, may pagkakataon sila na makuha ang kanilang mga mahal sa buhay sa Pilipinas at doon na manirahan. May iba naman na sa ganda ng benepisyong tinatamasa ay nakakapag-bakasyon sa ibang bansa at kasama pa ang kanilang pamilya. Nakakapag-pundar din ng iba’t ibang negosyo at ari-arian ang ibang Pilipino sa ganda ng numero ng kanilang kinikita. Hindi biro ang lahat ng ginagawa ng ating mga OFW, ang bawat pakikipagsapalaran nila ay laging may kasamang hirap at pagsubok. Kasama narin ang paninibago sa oras at klima.
Baguhan man, beterano o nagbabalak palang, lahat ay maraming haharapin kung mag a-abroad upang mag trabaho. Walang madali sa pag tatrabaho upang kumita at mas lalong hindi ito madali kung gagawin sa ibang bansa na malayo sa pamilya. Pero para sa milyun-milyon nating mga kababayan abroad, susugal sila kung kinakailangang maitaguyod lamang ang kanilang mga mahal sa buhay. Sa kabila ng pangako ng mas maginhawang buhay, may ilang mapapait na realidad na kaakibat ng pagtatrabaho sa dayuhang bansa. Pero para sa ikagaganda ng buhay ng kani-kanilang pamilya, handa silang ituloy ang laban. Maliban dito, malaki rin ang naitutulong ng mga OFW sa ekonomiya ng bansa, dala ng mga remittances na dumarating. Sila ang nagsisilbing taga-salba sa atin dahil sila ang nagpapataas ng ating “dollar reserves” na dahilan upang tayo ay hindi agad maapektuhan ng global na krisis pang-ekonomiya. Kaya naman sila ay tinaguriang mga bagong bayani.
Sa panahon ngayon nakikita mo pa ba ang kalayaan na dati ay halos magpakamatay ang karamihan makamit lang ang inaasam na kalayaan? Nakikita pa ba natin ang mga pagkakaisa at pagtutulungan para labanan ang kahirapan? Ilang milyong manggagawang pilipino ang nagtitiis sa malayong lugar para may maibigay sila sa kanilang pamilya? Hindi natin maikakaila na ang tinatawag nating kalayaan ay wala ng saysay dahil sa kahirapan na dinaranas ng ating kababayan.
Ang mga OFW ay bayani ng ating bayan sa panahon ngayon dahil sa mga inaambag nilang dolyares para sa ating ekomoniya at lalo na sa hirap at tiyaga na kanilang ginugugol para sa kani-kanilang pamilya. Hindi man sila kagaya nina Rizal, Bonifacio, del Pilar at iba pang mga bayani sa ating kasaysayan ngunit iisa lang ang kanilang hinahangad — kalayaan mula sa kahirapan. Gayunpaman, mas mainam pa ring paigtingin ng gobyerno ang pagpapaunlad ng ating bansa nang sa gayon ay hindi na mapipilitang lumayo ang bawat mamamayang pilipino upang mapakain lang at mapag-aral ang kanyang mga anak.
Isinulat nina:
Maan Marie Mae J. Francisco
Jonash Grace A. Das
Ms. Faye Pergis
Holy Cross Catholic School of Noveleta
43 notes
·
View notes
Text
Roma 5:3-4
“At hindi lamang iyan. Nagagalak din tayo sa mga parusang ating nararanasan, sapagkat alam natin ang pagdurusa ay nag bubunga ng pagtitiyaga. Ang pagtitiyaga ay nag bubunga ng katatagan, at ang katatagan ay nagdudulot ng pag-asa.”
6 notes
·
View notes
Text
"KAMAG-ARAL/PAMILYA"
May Akda:Bullet Speed P. Mercado
Naaalala ko noong unang araw ng pasok ko sa sekondarya, nakakabinging katahimikan ang bumabalot sa aming silid aralan sapagkat ni isa'y walang nangangahas na mag-ingay. Yung tipong nagpapakiramdaman ang isa't-isa sa amin, yung tila mga inosente kami at hindi makabasag pinggan, para nga kaming mga anghel ng panahong iyon. Ngunit sa paglipas ng mga araw, unti-unting lumalabas ang aming mga kalokohan, yung pupuntahan kami ng aming punong guro para pagsabihan dahil hindi na makaya ng aming mga guro ang aming mga kalokohan. Minsan pa nga, napapaiyak pa namin ang aming mga guro dahil sa katigasan ng ulo. Sa loob ng aming aming silid aralan ay makikita mo ang iba't-ibang klase ng mga estudyante. Nandiyan ang mga tinanatawag naming mga genius na may pagka wirdo (yung lahat ginagawang komplikato at dapat nakasunod sa mga formula, yung lahat dapat eksakto at kung ano-ano pa), meron ding mga pabebe o yung mahilig magpaganda (yung laging naka lip tint, makeup at kung ano-anong kolerete ang inilalagay), meron ding mga anghelito at anghelita (yung mga mababait, yung ayaw gumawa ng ingay at kalokohan), meron din yung mga lokoloko (yung puro kalokohan at ingay ang ginagawa pero kapag nagseryoso naman daig pa ang mga mababait, yung walang iwanan sa kanila, yung sama-sama silang gagawa ng kalokohan), meron din yung mga estrikto at seryoso (yung masunurin sa mga panuntunan at bawal yung gumawa ng kalokohan), meron din yung mga pabida (yung gusto sila yung magaling, sila dapat yung laging napapansin at bida), meron din yung joker (yung masaya lang palagi kahit may mga problema), meron ding mga alien(yung may sariling munod, yung takot atang makipagkaibigan), meron ding mga boyish(yung dalaga na pero dalaga rin ang gusto pero kahit boyish sila pabebe parin), meron ding mga pagirl(yung sa unang tingin mo palang alam mo na kaagad na ang hanap eh kapwa lalaki rin, yung mas babae pa sila),meron ding mga lovers(yung may sarili silang mundo, yung laging magkatabi tapos naghaharutan), meron ding mga naglalandian(yung hindi pa sila pero parang sila na, yung barkada daw pero may pahawak sa kamay), meron ding mga sawi(yung mga better na ayaw sa love at hindi naniniwala sa forever), siyempre hindi mawawala yung mga officer na pasaway at pasimuno rin ng kalokohan minsan, yung sakay lang ng sakay sa trip ng iba, para laging masaya lang. Kami yung seksyon na laging napapagalitan pero solid yung pagsasama, yung turing naming sa isa't-isa ay parang pamilya na. Naalala ko nung sinabi namin nagagawa kami ng kasaysayan, at hindi nga kami nagkamali dahil marami na kaming nagawa. Hindi sa ipinagmamayabang naming yung kalokohan namin at hindi rin naming hinihikayat na gawin ng iba pero gusto lang naming ibahagi yung mga nagawa naming pambihira sa aming paaralan. Una naming nagawa yung mapaiyak namin yung mga guro naming, simula sa ika-pitong baiting hanggang ika-labindalawang baiting marami na kaming napaiyak na guro, mapa adviser at subject teachers, meron ding mga nagwalkout. Kami rin yung kaunaunahang walang naibigay sa ikatatlong counting ng Alay sa Belen na programa ng aming paaralan. At isa sa mga pinaka matinding nagawa namin yung buong klase kaming hindi pumasok pagkatapos ng retreat namin kahit na may pahindi marunong makisama na tatlo. Pagpasok namin noon galit na galit yung punong guro namin at binigyan kami ng parusa na hindi kami magkaklase ng buong araw at bawal kaming kausapin ng kahit na sinong guro at doon kami nanatili sa gymnasium. Para sa kanila parusa yoon sa amin pero isang malaking kaligayahan yoon. May mga pagkakataon din na pinapakiusapan namin ang aming mga guro na magpanood nalang ng pelikula para masaya lahat. Sa silid aralan namin maraming nagaganap na kalokohan. Merong naglalaro ng Uno Cards tapos yung iba naman nag Mobile Legend at Dragon War. Meron ding nag ma-my day, Facebook, Messenger, Twitter, at YouTube habang nagkaklase. Kung dati nakakahiya kapag malalaman ng iba na natatae ka pero ngayon normal na lang para sa amin kapag may natatae at ang magpasamang tumae. Kapag may bagong viral videos, may source kami kaagad kaya updated kami palagi sa mga nangyayari. Meron ding nagaganap na kopyahan kapag may pagsusulit, nariyan yung mga kaklase mong nagiging magnifying glass yung mga mata o kaya naman nagiging giraffe, meron din yung mga pasimpleng tingin o kaya yung sakit ulo pose, siyempre hindi naman ibig sabihin na topnochers di na mangongopya, yung iba may paopen notebooks pa. Hindi naman kasi maaalis na hindi ka maaawa sa katabi mo kaya pakokopyahin mo nalang dahil ang gusto naming sabay sabay kaming magtatapos at tatanggap ng diploma, alam naman naming mali na hayaan silang mangopya pero ang hirap kasing tiisin kapag nakikita mo silang nahihirapan na. Hindi rin maaalis ang hindi pagkakaunawaan na magdudulot ng away, pero hindi rin naman magtatagal ay magkakaayos din naman. Hindi kami magkakamag-anak pero ang turing nami sa isa't-isa ay isang pamilya na may pagkakaisa at handang tulungan ang bawat isa. Kami yung klase na sinasabing hindi magandang ihemplo sa iba pero nag-iwan kami ng mga marka na nakatatak na sa aming mga guro, magulo man kami at maingay pero may mga puso rin kami at damdamin. Gumagawa kami ng mga bagay na nakapagbigay ng kahit na simpleng ngiti at galak sa aming mga minamahal na mga guro at nagpapasalamat kami sa pagtitiyaga nila na turuan kami, dahil kung wala sila hindi kami matututo ng mga bagong kaalaman. Kami yung klase na maingay at magulo, laging napapagalitan pero may mga pangarap sa buhay at makakapagtapos na sa darating na Abril, malapit na yung hinihintay namin na araw. Hindi man kami nakasuot ng toga dahil barong ang isusuot namin, masaya parin kami dahil malapit na naming maabot ang aming mga minimithi sa buhay.
1 note
·
View note