Photo
“SALAMAT”
Ni: Bullet Speed P. Mercado
Hindi ko alam kung kailan at kung papaano nagsimula
Kung papaano nauwi sa na gustuhan kita.
Nagsimula lang naman ito sa simpleng biruan
Biruan ng ating mga kaibigan,
Biruan na gusto kita at gusto mo rin ako
Mga panahon na tila puro biruan lang tayo
Yung sasabihin natin na magkarelasyon tayo
Kahit na wala naman talagang tayo
Natutuwa tayo kapag nasabi natin sa iba
Na ikaw ay para sa akin at ako ay para sa iyo.
Pero sa paglipas ng panahon
Tila nagbago ang lahat
Nagkalayo tayo ng damdamin
Hindi ko alam kung bakit at sa anong dahilan
Matagal ko ng naririnig na may boyfriend ka
Pero baliwala yoon sa akin
Dahil alam ko yung lugar ko
Lugar ko sa puso mo
Na magkaibigan lang tayo.
Ngunit sa hindi sinasadyang pagkakataon
Nalaman kong nahuhulog ka na sa akin
Ngunit hindi ko pinansin
Dahil mali kapag pinatulan ko
Napigilan ko naman kahit papaano
Kahit papaano napigilan ko na ipagtapat sa iyo
Pero hindi ko rin napigilan
Ang nag-aalab na damdamin
Na ikaw ay na gustuhan ko na
Sorry kung hindi ko napigilan yung nararandaman ko.
Hindi ko alam kung bakit
Pero ang alam ko lang masaya ako
Masaya ako kapag kasama kita
Yung masilayan ko lang yung mga ngiti mo
Napapasaya mo na ako.
Hindi ka naman sana camera para mapangiti mo ako
At lalong hindi ka naman drugs para maadik ako sayo
Pero kakaiba ka sa lahat.
Naalala ko nung nagdala ka ng bote
Bote ng Mountain Dew para sa cheer dance
Sabi ng Mama ko ang ganda mo
Sabi ko naman sa isip ko sobra
Hindi ko masabi na crush kita ng mga panahon na iyon.
Simula pa ng ako'y bata
Hindi ako naniniwala na ang pag-ibig ay madaling mabuo
Na isang malaking kalokohan
Ang umibig sa sandaling panahon
Pero nagbago ang lahat ng makilala kita
Na inlove ako sa'yo
Pero hanggang ngayon hindi ko parin inaamin
Dahil alam ko na may mahal ka ng iba at hindi ako yoon
Tanggap ko naman ang katotohanan
Na hindi ako yung makakasama mo sa pagtratravel
Na hindi ako yung magcocomfort sa'yo
Na hindi ako yung magpapatahan sa'yo
Na hindi ako yung yayakap sa'yo kapag kailangan mo.
Alam ko na hanggang magkaibigan lang tayo
Pero lagi mo sa nang tatandaan
Nandiyan lang ako palagi para sa'yo
Salamat at naranasan kong maging maligaya ng dahil sa iyo
Salamat sa masasayang ala-ala na magkasama tayo
Salamat sa pansamantalang kaligayahan
Salamat sa malulungkot na ala-ala
Salamat at natuto akong maging malakas ng dahil sa iyo
Salamat sa pagmamahal mo sa akin
Pagmamahal bilang kaibigan
Salamat at naging kaibigan kita
Salamat at nakilala kita.
0 notes
Text
"MAHAL BALIK KANA"
May Akda: Lovernzon Balmorez
Magkapatid tayo, Pero hindi tayo pareho. Magkamukha tayo, Pero malaki ang pag kakaiba nating dalawa. Nasasaktan ako sa tuwing nakikita kita, Mga Luhay pinipigilan ngunit di ko magawa. Hindi ko alam kong bakit ganito nararamdaman ko, Siguro nga hindi kita gusto Pero mahal parin kita kahit akoy nasasaktan mo. Sana nga dumating ang panahon , Panahon na kusa kang magbabago Upang hindi kana magtago Sa kuwarto mong ubod ang dumi’t baho. Sa pagmulat ng aking mga mata, ikaw palagi ang nangunguna. Ipinagdadasal ko sakanya, Na Sana ika’y makauwi na. Sabik na sabik na akong makasama ka , Kaya naman sanay ikay bumalik na. Hindi ko man masabi na mahal kita, Alam ng puso ko kung gaano ka kahalaga. Boses mo'y nagsisilbing musika At nagpapasaya sa lungkot na aking dinadala Sana nga marunong kang magbasa At maintindihan mo yung totoong nadarama Pati sa gabi’y, Ikaw ang nasa isip ko. Pati sa pag tulog ko , Ikaw ay kasama ko. Ito pala ako umaasa Na gustong mapansin ng iba Araw araw pinangarap kong maging katulad ka Kasi gusto ko ring maramdaman yung pagmamahal nila. Hanggang kailan ako magpapakatanga At aasa na May pagbabago pa. Simula palang kasi sa una Hindi kona ramdam ang ‘yong pagiging kuya. Kayat sanay magbago ka na kayat pakiusap ko sayo bumalik ka na Gusto na ulit kitang makasama Sa isang bubong na magkakasama tayong pamilya. Salamat nalang sa lahat kuya Dahil sayo ako'y natututo na Natututong walang magbabago Pero umaasang may pagbabago.
0 notes
Text
May Akda: Janet Antonio
Saan lumiliko ang mga spaceship? Edi, saturn 😂😂
Ang mens room ba e para sa mga babaeng may dalaw? 🤔
Magdadive sana ako sa pool kaso nakalagay 6 feet, eh dalawa lang paa ko 😔
nakahuli ako ng tipaklong kaso maliit lang, so tipakshort to? 🤔
Nakakagood shape daw ng katawan yung pagswimming, e bat yung mga balyena? 😓
Pantalon, pero pinanglalakad. Ang weird 😑
Ang lamok ba kapag natutulog, nilalamok din?
Alam nyo yung movie na "mulan"? Part four na yon. First episode, "mulog" then "midlat" tapos "mambon" saka palang "mulan". Coming soon na ang "magyo" next ang "maha", finally, "maraw". 😂😂
Paano bumili ng coke ang mga taga thailand? "pabili, meron bangkok?" 😂
Paano mangamusta ang mga taga Laguna? "hi! Ok calamba?" 😂
Anong mangyayari pag hindi mo kabisado ang Bulacan? Edi, Malolos ka. 😂😂
"she can" Diba eto yung paborito natin like, fried she can, she can adobo, saka she can curry? 🤓😂
Anong sinabi ni Jose Rizal nung nahuli sya? "NAHOLE ME TENGENE" 🔫🔫😂😂😂
Anong color ang naka stop lang? Edi indigo. 😂
Ang english ng bulak, cotton. So ang english ng bulaklak, cottontton?? 😖😂😂
Posible pala mawala ang cebu sa pilipinas... Gamitan mo lang ng joy 😂😂😂
Kaya pala sa gabi binebenta yung balot, para hindi magising yung sisiw 😭😭
Bumili ako ng buy 1 take 1 na shoes, pero apat na piraso binigay sakin. Binalik ko yung sobrang dalawa. # the good samaritan 😇
Kakain daw sa labas, pero nasa loob ng mall. 🤔😒
Nilagyan ko ng Neozep yung kanal namin, nakakatanggal daw ng bara eh 🤓
Hirap pala maging highblood, bawal ang fork. Hirap kaya kapag spoon lang. 😣
Hinagis ko yung palitaw sa tubig, pero lumubog. 💔😔
0 notes
Text
"KAMAG-ARAL/PAMILYA"
May Akda:Bullet Speed P. Mercado
Naaalala ko noong unang araw ng pasok ko sa sekondarya, nakakabinging katahimikan ang bumabalot sa aming silid aralan sapagkat ni isa'y walang nangangahas na mag-ingay. Yung tipong nagpapakiramdaman ang isa't-isa sa amin, yung tila mga inosente kami at hindi makabasag pinggan, para nga kaming mga anghel ng panahong iyon. Ngunit sa paglipas ng mga araw, unti-unting lumalabas ang aming mga kalokohan, yung pupuntahan kami ng aming punong guro para pagsabihan dahil hindi na makaya ng aming mga guro ang aming mga kalokohan. Minsan pa nga, napapaiyak pa namin ang aming mga guro dahil sa katigasan ng ulo. Sa loob ng aming aming silid aralan ay makikita mo ang iba't-ibang klase ng mga estudyante. Nandiyan ang mga tinanatawag naming mga genius na may pagka wirdo (yung lahat ginagawang komplikato at dapat nakasunod sa mga formula, yung lahat dapat eksakto at kung ano-ano pa), meron ding mga pabebe o yung mahilig magpaganda (yung laging naka lip tint, makeup at kung ano-anong kolerete ang inilalagay), meron ding mga anghelito at anghelita (yung mga mababait, yung ayaw gumawa ng ingay at kalokohan), meron din yung mga lokoloko (yung puro kalokohan at ingay ang ginagawa pero kapag nagseryoso naman daig pa ang mga mababait, yung walang iwanan sa kanila, yung sama-sama silang gagawa ng kalokohan), meron din yung mga estrikto at seryoso (yung masunurin sa mga panuntunan at bawal yung gumawa ng kalokohan), meron din yung mga pabida (yung gusto sila yung magaling, sila dapat yung laging napapansin at bida), meron din yung joker (yung masaya lang palagi kahit may mga problema), meron ding mga alien(yung may sariling munod, yung takot atang makipagkaibigan), meron ding mga boyish(yung dalaga na pero dalaga rin ang gusto pero kahit boyish sila pabebe parin), meron ding mga pagirl(yung sa unang tingin mo palang alam mo na kaagad na ang hanap eh kapwa lalaki rin, yung mas babae pa sila),meron ding mga lovers(yung may sarili silang mundo, yung laging magkatabi tapos naghaharutan), meron ding mga naglalandian(yung hindi pa sila pero parang sila na, yung barkada daw pero may pahawak sa kamay), meron ding mga sawi(yung mga better na ayaw sa love at hindi naniniwala sa forever), siyempre hindi mawawala yung mga officer na pasaway at pasimuno rin ng kalokohan minsan, yung sakay lang ng sakay sa trip ng iba, para laging masaya lang. Kami yung seksyon na laging napapagalitan pero solid yung pagsasama, yung turing naming sa isa't-isa ay parang pamilya na. Naalala ko nung sinabi namin nagagawa kami ng kasaysayan, at hindi nga kami nagkamali dahil marami na kaming nagawa. Hindi sa ipinagmamayabang naming yung kalokohan namin at hindi rin naming hinihikayat na gawin ng iba pero gusto lang naming ibahagi yung mga nagawa naming pambihira sa aming paaralan. Una naming nagawa yung mapaiyak namin yung mga guro naming, simula sa ika-pitong baiting hanggang ika-labindalawang baiting marami na kaming napaiyak na guro, mapa adviser at subject teachers, meron ding mga nagwalkout. Kami rin yung kaunaunahang walang naibigay sa ikatatlong counting ng Alay sa Belen na programa ng aming paaralan. At isa sa mga pinaka matinding nagawa namin yung buong klase kaming hindi pumasok pagkatapos ng retreat namin kahit na may pahindi marunong makisama na tatlo. Pagpasok namin noon galit na galit yung punong guro namin at binigyan kami ng parusa na hindi kami magkaklase ng buong araw at bawal kaming kausapin ng kahit na sinong guro at doon kami nanatili sa gymnasium. Para sa kanila parusa yoon sa amin pero isang malaking kaligayahan yoon. May mga pagkakataon din na pinapakiusapan namin ang aming mga guro na magpanood nalang ng pelikula para masaya lahat. Sa silid aralan namin maraming nagaganap na kalokohan. Merong naglalaro ng Uno Cards tapos yung iba naman nag Mobile Legend at Dragon War. Meron ding nag ma-my day, Facebook, Messenger, Twitter, at YouTube habang nagkaklase. Kung dati nakakahiya kapag malalaman ng iba na natatae ka pero ngayon normal na lang para sa amin kapag may natatae at ang magpasamang tumae. Kapag may bagong viral videos, may source kami kaagad kaya updated kami palagi sa mga nangyayari. Meron ding nagaganap na kopyahan kapag may pagsusulit, nariyan yung mga kaklase mong nagiging magnifying glass yung mga mata o kaya naman nagiging giraffe, meron din yung mga pasimpleng tingin o kaya yung sakit ulo pose, siyempre hindi naman ibig sabihin na topnochers di na mangongopya, yung iba may paopen notebooks pa. Hindi naman kasi maaalis na hindi ka maaawa sa katabi mo kaya pakokopyahin mo nalang dahil ang gusto naming sabay sabay kaming magtatapos at tatanggap ng diploma, alam naman naming mali na hayaan silang mangopya pero ang hirap kasing tiisin kapag nakikita mo silang nahihirapan na. Hindi rin maaalis ang hindi pagkakaunawaan na magdudulot ng away, pero hindi rin naman magtatagal ay magkakaayos din naman. Hindi kami magkakamag-anak pero ang turing nami sa isa't-isa ay isang pamilya na may pagkakaisa at handang tulungan ang bawat isa. Kami yung klase na sinasabing hindi magandang ihemplo sa iba pero nag-iwan kami ng mga marka na nakatatak na sa aming mga guro, magulo man kami at maingay pero may mga puso rin kami at damdamin. Gumagawa kami ng mga bagay na nakapagbigay ng kahit na simpleng ngiti at galak sa aming mga minamahal na mga guro at nagpapasalamat kami sa pagtitiyaga nila na turuan kami, dahil kung wala sila hindi kami matututo ng mga bagong kaalaman. Kami yung klase na maingay at magulo, laging napapagalitan pero may mga pangarap sa buhay at makakapagtapos na sa darating na Abril, malapit na yung hinihintay namin na araw. Hindi man kami nakasuot ng toga dahil barong ang isusuot namin, masaya parin kami dahil malapit na naming maabot ang aming mga minimithi sa buhay.
1 note
·
View note