#pero madali naman kasi ako maiyak
Explore tagged Tumblr posts
natutulogpa · 3 months ago
Text
BITCHHHH kakatapos ko lang manood ng how to make millions before grandma dies tas eto ako ngayon maga mata hahahahuhu may soft spot talaga ako pagdating sa grandparents at syempre parents
3 notes · View notes
april-journal · 1 year ago
Text
HAPPY 1ST BIRTHDAY BABY ARGUS ❤️
To my son,
We had a blast day celebrating your first year in this world. Even though you won't remember this day, I'll make sure to describe the details of what exactly happened on this special day of yours when you grow up (but don't grow up fast ha) All the efforts, stress, pagod at puyat have paid off because the celebration became successful. It came out as what we have planned and it's all because of the certain people who helped us to make this happen. You can thank them later but we already have thanked them on your behalf so don't worry. ❤️
Hayy, I still remember the first time I saw you inside NICU. Yes, I wasn't able to see you right after you were born because I was too tired to talk and ask the doctor to see or hold you. Sobrang nagmamadali din sila na dalhin ka sa NICU because of your weight kaya hindi ka na nila naipakita sa akin. So, I just waited patiently until I could get up from C-section and visit you myself sa NICU. Hirap na hirap pa ako kasi malabo mata ko at bawal pumasok inside the intensive care unit, pero sulit naman kahit ilang segundo lang kitang makita plus maririnig ko pa sa Pedia na you're doing fine. Sobra sobrang relief yung naibibigay sakin ng mga news na yun. My heart beat raises everytime I hear the announcement na it's time for the parents to have a look of their babies from the window. At mas humigit pa yung excitement na nafeel namin ng daddy mo when we heard the news from the Pedia na pwede ka na naming maiuwi after 12 days. Grabe, gusto kong maiyak that time when I can finally embrace you with both of my arms. It felt like, you also welcomed me hindi lang kami.
At first nagaadjust pa ako, hindi madali at sobrang ingat na ingat talaga ako dahil sobrang liit mo. Pero as days pass, unti-unti, nasasanay na ako sa pag-aalaga sayo. We had our routine, from sending you outside the house early in the morning and have some sunlight, to singing you lullaby and make you sleep at night. Pero syempre hindi yun yung highlight of the day. Every two hours need kitang i-breastfeed at hindi dapat malimutan ang vitamins mo because those will help you grow and gain weight faster. And we're thankful kasi you actually did. After months and months, and now you're ONE, lumaki ka rin 🥰 altho hindi ganon kalalaki in average, we're still being patient until you grow bigger than other kids. We're happy kasi nakasabay ka pa rin sa Milestones mo. Hindi ka delayed ng one month, but not early either kaya you're not a late bloomer. But we know that every infant has their own time, we just have to wait patiently. Kaya ikaw Argus, take your time growing up and learning things, we're just here to guide you, teach you and help you discover the world. We will love you always. I hope that you could enjoy this life the way that you want to, with kindness, joy and love from people around you. xoxo
More years and blessings to come for you anak ❤️
-mommy
Tumblr media Tumblr media Tumblr media
0 notes
wanwaves · 2 years ago
Text
Lay Your Head On Me
Tumblr media
solana note: not proofread. contains typographical and grammatical errors. written in taglish. enjoy reading!
“My, g-graduate na ako.”
I stopped what I was doing when he broke the news to me. Nilingon ko siya at nakita kung nakangiti siya sa akin. Ngumiti siya ng parang bata sa harapan ko. Halata rin sa mga mata niya ang pagpipigil ng luha. 
My feelings were all over the place. I’m happy and excited when I heard him say that.
I couldn’t stop my tears from falling down. He looked at me with so much adoration. I saw different kinds of emotions in his eyes. He is proud and at the same time relieved that he finally made it. 
My emotions got into me. Hindi ko mapigilan hindi maiyak at yakapin siya ng mahigpit. He hugged me tightly as much as I hugged him. 
“Finally g-graduate na ako My.” his voice was shaking and I could feel his heavy breath on my neck. 
“Congrats dy. I know you would.” I said while sobbing. 
He laughed at me. Lumayo kami sa isa't-isa. Tumingin ako sa kanya at ganun na rin siya sa akin. My heart swells when I see his tears streaming down his cheeks. 
“I wouldn’t make it without your help. Thank you for being my source of strength.” he said lovingly. He reached and laid his palms on my cheeks. 
“Thank you so much. I love you.” 
I closed my eyes as he kissed my forehead. 
After he told me the news, we celebrated together. Kumain kami sa labas to celebrate his success. We did the things that couples normally do on dates. 
“Ikaw ang escort ko sa pagkuha sa diploma My ha.” He said in the middle of eating. I frowned, clearly not liking what he said. 
“Huh? Bakit naman ako? Diba dapat ang parents mo?” 
I noticed how his eyes changed when I mentioned his parents. His jaw clenched. 
Pinipigilan ang sarili na magmukhang malungkot sa harapan ko. But when he saw that I was looking at him bumalik ang ngiti sa labi niya. Pero kahit na nakangiti siya alam ko na hindi siya okay. 
Something is bothering him. He can never lie to me and he knows that. 
"Are you in the right state of mind to share what's bothering you?"  I ask. He stared at me for a while. Halatang iniisip kung sasabihin niya ba sa akin but nevertheless he still did. 
“Ayaw ko lang na sila sumama sakin. You know them naman diba? They wouldn't care sa'kin." 
I don't want to say something that would hurt his feelings, but I also don't want him to hold grudges against his parents. 
"How will you know if hindi mo susubukan?" 
Umiwas siya ng tingin sa akin. He tried his best to stop his tears from falling. 
Alam kung hindi siya komportable pag-usapan ang issue na'to pero hindi naman magandang iasa nalang ang lahat sa tadhana. Kahit na iwasan namin to dadating pa rin talaga ang araw kung saan kailangan namin pag-usapan ang ganitong bagay. 
"They're still your parents, Dy. Kahit man baliktarin natin ang mundo, they still have the right to know that their bunso is now graduating."
We talked about it for a while. Hindi ko alam kung ano ang tumatakbo sa isip niya. He was just staring at me. He didn’t say a word but I understand what he felt. Hindi madali ang lahat. Madali man sabihin ang lahat pero alam kung mahirap itong gawin lalo na’t he is not that close sa mga magulang niya.
I cannot force him if he really doesn’t want to. Kaya in the end hindi ko na siya pinilit. 
Two passed and nalaman ko nalang na sinabi niya na pala sa parents niya ang balita. I was happy that he finally had the courage to say it to them. But I was disappointed with how they reacted. 
They didn’t congratulate him. Instead they made fun of him. 
He came to me crying. My heart swells as I listen to him silently sobbing in my arms. I also felt bad because I was the one who encouraged him to share the news with them. 
"Sana hindi ko nalang talaga sinabi sa kanila My. Look what happened. Pinagtawanan lang ako."
"My older sister even asked kung bakit ako naka graduate. Tapos si Mama hindi naniniwala kasi hindi daw halata na pumasa ako." 
I felt bad because he had to hear all of those insults. Hearing him say all of the things they said breaks my heart. 
He didn’t deserve all of those bullshits. 
Hindi nila alam kung ano ang sacrifices na ginawa niya para lang makapagtapos siya. He did all his best kasi gusto niyang patunayan na may mararating siya. 
Ever since nakapagtapos siya ng Junior High hindi na siya pina-aral ng mga magulang niya. Hindi na siya pinaaral kasi they already pictured and image of him. They already pictured him as a tambay, bulakbol, at basag ulo.
They didn’t believe in him. 
Wala silang pag-asa sa kanya kasi daw bunso siya. His parents always believed na mas mahalaga ang mas nakakatanda nitong kapatid kasi ito mismo ang mag-aahon sa kanila sa kahirapan. 
They always believe na walang mararating si Won kasi palagi itong naglalayas sa bahay. But ang hindi nila alam naghahanap na ito ng trabaho para lang hindi siya matigil sa pag-aaral. He graduated without the help of his parents. Hindi siya humingi ng tulong sa mga magulang niya or sa kung sino man. He succeeded with his own hard work.
To be honest, I was really against sa idea niyang maging working student. Kasi I was worried na baka hindi niya magawang pagsabayin ang pag-aaral at pag trabaho. 
My parents even offered to help him kasi they also wanted him to focus on his studies and they didn't mind paying for his tuition fees pero he still declined their offer. He honestly told them that he can do it. We just need to believe and support him and he was right. He made it in the end. 
He deserves better. He deserves to be treated with respect kasi tao rin siya at may nararamdaman rin siya. I'm disappointed that his family couldn't even give it sa kanya. 
“Nobody cares and I’m all alone now.” 
Tumulo na ang luha ko. Hindi ko na ito magawa pang pigilan dahil ramdam ko ang sakit sa bawat bigkas niya sa mga salitang ‘yon. 
“Shh… I’m here. You still have me. You are not alone.” 
He cried and I just let him. Everything is new to me. Hindi ako sanay makitang umiiyak siya. This is the very first time I saw him cry. And tama nga sila. 
Tama nga sila na hindi iiyak ang mga lalaki kung hindi sila napupuno. They tend to hide their emotions kasi they want to appear strong in front of everyone but in reality they are also fragile. Para rin silang glass na kailangan ingatan at alagaan. 
They also feel pain. They have emotions and they get hurt. And that makes them strong and dependable. 
I comforted him and I let him cry in my arms. I never left his side kasi ako nalang ang meron siya. Ako nalang ang nakakaintindi sa kanya. And hindi ko gustong maramdaman niyang nag-iisa siya in his dark days. We stayed in that position until he fell asleep. 
“No one will hurt you now Dy. I’m here and I will always believe in you and I know that soon you will be healed from all the pain you've been feeling. I love you. Just hold tight my strongest soldier.” I whispered as I caressed his face with the use of my thumb.  
Graduation day. The gate to his new journey in life. 
We are all excited and happy sa achievement niya. My family was proud and happy for him. Napasobra pa nga kasi kami talaga lahat ng family members ko ang umattend sa graduation niya. 
Papa was the one who escorted him earlier. Hindi nakaligtas sa paningin namin ang masaya na may luha niyang mata kanina habang naglalakad katabi si Papa. 
Kahit hindi niya sabihin alam naming masaya siya dahil nandito pa rin kaming mga naniniwala sa kanya.
“Aries William Buenaventura.”
My heart was pounding as I watched him accept his degree diploma. Narinig ko ang pag-iyak ni Mama sa tabi ko, sinabayan naman ng pang-aasar ng kapatid ko habang si papa naman pinagtawanan lang sila. 
Hindi ko sila pinansin. I was just focused on him. I watch how he searches for us in the crowd as he faces the audience. 
A faint smile escapes into my lips as our eyes locked. 
He smiled at me as he raised his diploma. Showing that he finally made it and no words can express how proud and happy I am. 
Even without his family, I hope naramdaman niya na may nagsusuporta pa rin sa kanya. Sana maramdaman niya na nandito pa rin kami para sa kanya.
My strongest soldier finally did it. All I could wish now is for him to be happy and proud of what he achieved. He has come too far and I’m glad that I could witness him achieve all of those dreams. 
--- end.
3 notes · View notes
kimhortons · 3 years ago
Text
Tumblr media Tumblr media Tumblr media
Ako lang naman mahina sayo.
Hahahaha. Kaloka talaga ‘tong legal admin namin. Ang dali talaga kausap e. Kaya favorite ko ‘to e, kahit awkward minsan kasi lalaki siya. Sa department nila kasi sa HR and Legal puro sila lalaki at alam ko yung mga hanash nila sa mga babaeng empleyado or kahit mga customer basta maganda di magkandarapa mga yan, yung mga ganong tipo ba. Pero since ako yung permanent rnt na nilalagay lagi sa office, tas katabi pa ng ticketing yung department nila, medyo naging close ko rin sila. Tsaka lagi rin kasi akong narereport sa legal haha. Kaya mas open ako sakanya kesa sa ibang tao sa department nila. Mas kaya ko mag labas sakanya ng mga hinaing ko about sa work or kawork ko kasi nakikinig talaga siya at iniintindi yung pinang gagalingan ko. Para nga siyang therapist ko dun sa work e. Haha. Pati nung last year nung nag lockdown sakanya rin ako lumalapit para ilabas lahat ng reklamo namin sa companya haha. Kaya nga siguro wala pa akong duty ngayon e haha. Kahit ganito ako sobrang pasaway, ang lakas ko parin talaga sakanya.
So ayun na nga, binabawi ko narin tuloy yung hate ko last year sa company namin. Kailangan ko lang pala talaga lumapit sa mga tamang tao. Knowing na floating employee pa rin ako ngayon, nakakatuwa na I’m still able to get the benefits. Huhu.
Buti nalang din napalitan na yung bisor namin, kaaway ko kasi yung dati kaya di ako makaboses dun. Haha. Actually etong bagong bisor namin, inaway ko rin ‘to dati (huhu tangina bat ang toxic ko dati? laging may kaaway amp. haha) pero ngayon ko napagtanto na professional talaga siyang tao, kahit bisor na siya ngayon never niya tinake personal yung pagmamaldita ko sakanya noon, teller lang din kasi siya noon, ako pa nga nag train sakanya huehue. (tangina ng ugali ko talaga dati haha) Tapos nalipat siya sa office sa purchasing dept hanggang sa napromote siya ngayon na maging supervisor namin. Nung una medyo naasar pa ko e haha. Pero wala naman nakong hard feelings sakanya, okay naman kasi siya, naging friends naman din kami sa office nung nasa purchashing pa siya. Ang gaan niya ka-trabaho actually.
Tapos ito namang manager namin, nakakatuwa lang rin kahit mukha siyang walang pake lagi sa mga tao niya, namangha ako na pinayagan niya ako madiscount sa fare kahit alam niyang hindi pa ako nag duduty. Haha. Parang gusto ko na naman tuloy maiyak hahaha. Pero namimiss ko rin yung dati naming manager kasi yun talaga mas madali magsabi dun isa rin yun parang si sir Uly na parang therapist ko rin sa work e. Haha. Kaso yung mga driver na yung hawak niya. Hehe. And all and all, namiss ko lalo mag duty. Sana next year makabalik na talaga ako. After ng birthday ko, aawit na ko sa manager ko mismo, kasi ang hirap magpa clear sa HR nawala rin yung favorite kong head ng HR dept e, nalipat sa Victory. Huhu.
Pero di parin ako makapag relax na makakabyahe na ako kasi gulong gulo parin ako sa byahe ko, kung saan ako sasakay, kung saan ako bababa, kung ano masasakyan ko, kung makakalibre ba ko or gagastos ng medyo malaki. Huhu. Basta ang importante, magkikita na kami ni J! Pigil iyak muna haha.
1 note · View note
icarbabe · 4 years ago
Text
My Formal Goodbye.
Tumblr media
My ex husband,
Hello, kamusta ka? Its been 3 months since we last talk. And its been almost 2 years since you decided to end our relationship. Bakit ko ginagawa to? I just want to formally say goodbye to you. I met someone, (Unexpectedly) I think that someone is amazing.. Someone who is willing to accept ung wasak na ako. and luckily someone who is willing to be a father sa anak mo. Sure ka dun sa agreement natin ha? na okay lang sayo magkaron ng bagong daddy si dani. nakakagulat at ang sakit na marinig yun galing sa bibig mo. pero kailangan kong tanggapin kesa ipagpilitan ng anak ko ang sarili niya sayo. Well hindi naman super wasak kasi I’ve been working on myself two years na. Hindi kita makausap kasi wala ka naman paramdam. Kung di ako makikipagusap sayo hindi ka naman nagiinitiate man lang. Naaalala mo pa ba kami? kahit di na ako, naaalala mo pa ba anak natin? nakakalungkot lang puruntong.. I still wonder what happened sayo. Nasan na ung tatay ng anak ko? Nasaan na ung asawa kong mahal na mahal kami ng anak ko? Siguro nga tama ka, pinagtagpo lang tayo pero hindi tinadhana? or should i say tinadhana to bring dani into this world.
Thankyou Elie. :) I am happy where I am today. Masaya na ako thou alam kong napakarami ko pang pagdadaanan, kami ni dani alam ko din na hindi namin haharapin yun magisa. I still remember the days and nights na nagmamakaawa ako kay Lord na mawala na ung sakit na nararamdaman ko from our broken family and marriage. Totoo nga he’s preparing me for something bigger. I cannot speak for tom elie, I am hoping and praying na this someone is really sincere. Thou unang una palang sobrang clear ng intentions niya. ayokong pangunahan ung pagkakataon at panahon pero may tiwala ako kay Lord and sa plans niya. I hope you are happy. I really mean it. Pero sorry na, hindi ko padin kayang patawarin ung other woman mo. kahit sa totoo lang sayo lang naman ako dapat magalit kasi ikaw lang din naman nagbigay sakanya ng lakas ng loob na maging matapang sa harapan ko. pero ewan ko why I still hold so many grudges towards her. Siguro kasi siya ung naging dahilan bakit nasira tayo. Alam niya una palang na may asawa’t pamilya ka. Alam niyang special si dani at kailangan niya ng gabay natin dalawa, ng pagmamahal ng buong pamilya kasi hindi madali ung haharapin niyang mundo. Mundong mapanghusga. Binitawan mo kami kagaya ng pagbitaw mo kay mommy. I cant forget you telling me na ako lang iniwan mo at hindi kasama si dani. Iniwan mo siya elie, kahit anong deny mo iniwan mo ako kasama ang anak mo. Pero hayaan mo na. That’s just the way you are. I want to remember you as a Good husband and Father. kaya nga iniiisp ko namatay ka na diba. hahha hindi naman literal. pero ung taong minahal ko at mahal ako wala na siya. at ung Elie na nakikita ko ngayon e ibang tao na. kasi the way you talk, parang hindi mo ko minahal kahit konti. Hindi ka man lang nagtira ng katiting ng respeto sakin bilang nanay ng anak mo. Pero pipiliin kong intindihin ka from afar. Hindi ka naman naging masama lang buong pagsasama natin. Naging mabuti ka din naman asawa at ama yun nga lang hindi nagtagal. yung good memories nalang ang aalalahanin ko. :) 
Aalis na ko ha, bubuksan ko na ulit ung puso ko sa iba. Pipiliin ko na ulit maging masaya ng walang alinlangan. Alam ko maiintindihan mo ako. Diba ikaw pa nga pumipilit sakin na magmahal na ng iba. Sana totoo ung mga sinabi mo noon. Eto na yun, wala ng bawian puruntong ha. Bumitaw na ko sayo, bumitaw na ako satin. Sana makilala mo ung mamahalin mo ng totoo ung with sincerity, wag ka ng manakit ulupong ka! Kidding aside, I hope mahanap mo ung someone na mamahalin mo at mamahalin ka ng buong buo. ung taong makakapagpabago sayo ng may pagkukusa mo. Kasi puruntong.. hindi pwedeng ayaw mo pag di ka tatanggapin sa kung ano ka. Love is give and take. Isa lang hiniling ko sayo nung kinasal tayo. Maging honest ka, open communication. Na pag sumobra na ako pagsabihan mo ako. Maybe nagpalaki ka ng monster in me by tolerating me sa mga bagay na ayaw mo pala. pero wag na tayong magsisihan. Lessons learned. Alam ko pag tayo ang nagusap magkakaintindihan tayo. Eto na ung pinakahihintay mo, ung pagsuko ko. I hope this will bring you peace and happiness na. Tutulungan mo ba ko kay dani? hehe! Hindi na ako umaasa, just be a better person please, ayokong tignan ka ni dani as a bad father eh. yun nalang last na hiling ko sayo. Hindi kita pagbabawalan kay dani pero i hope you understand you have to win my trust back para malaya mo makuha si dani. pero pag laki naman niya hindi  ko siya pipigilan kung gusto ka niyang makasama. Tatay ka niya at may karapatan ka sakanya. Naisip ko bigla puruntong, sayang andami mong namimiss sa milestones ni dani. you used yo be there.. sa paggapang niya, sa paghawak ng milk bottle even sa pagkain ng solid foods diba? You were a hands on father! kung ano man nangyari sayo I am praying na kung magkakaron ka ulit ng baby wag mo na ulitin please. And yes, tama ung nababasa mo. Kung dumating ung panahon na magdecide ka magkapamilya ulit hindi na kita pipigilan. You deserve to be happy, hindi naman porket nagkamali tayo noon at ngayon e wala na tayong karapatan magbago at maging masaya ulit. Puruntongg... ang saya ko na kaya ko ng sabihin ung ganito ngayon. Huhu gusto kong maiyak sa tuwa pero naubos na talaga ung luha ko sayo. heheh. you will always have a special place in my heart daddy. pero hanggang dun nalang yun. It stops growing na. Hehehe! May namiss pa ba kong sabihin? HAHHAHA. I think i have said my peace. Sana hayaan mo nadin akong maging masaya. Maybe someday we can be friends, at malabong anytime soon yon. It takes time. we both need to heal. alam ko naman hindi lang ako ung nasaktan dito ikaw din. Maraming salamat sa memories, it wasnt as good as we expected but atleast it was somehow real that time. Ako lang ba? i dont know and it doesnt really matter anymore. Sign off na ko bilang wife mo ha? Matagal mo na akong pinag reresign so eto na po. Resignation letter ko non-negotiable. haha. I hope the best for you (former) babe, baby, my love, mahal, daddy, my puruntong. I am opening the next chapter of my life. :)
3 notes · View notes
sameeeng · 5 years ago
Text
8
Bigla ko lang naalala yung mga pinagdaanan ko sa una kong naging trabaho - HR Coordinator. Sabik na sabik ako magkatrabaho non kasi after graduation, finally natanggap na rin ako. Sobrang dami kong inapplyan na companies non, mostly walk-in talaga ginagawa ko kasi first time mag jobhunt eh. So after 6 months, eto na nagwalk-in ako sa lemon square sa meycauayan. Akala ko direct ako sa hr nag-apply. Yun pala assigned coor lang pala siya dun sa lemon square and she’s from a Manpower Agency. So dun niya ko pinapunta kinabukasan sa office nila sa Cubao. Isang buong araw lang naman ako pinaghintay sa office nila. Imagine, from 10am-6pm hinintay ko yung boss nila. Di ko rin alam kung bakit hindi ako umuwi at natiis ko yung 8 hours na paghihintay for a 20mins interview. Kabado ako syempre boss yon eh. Pero success naman ang interview dahil pinagstart din ako agad. I was assigned as HR Coordinator ng Eureka located somewhere in Marilao, Bulacan. Sobrang convenient lang kasi mura pamasahe, nakakaipon din ako. Once a week lang din ako nag-rereport sa head office which is sa cubao for reporting purposes. Sa una enjoy kasi na-enjoy ko naman ang recruitment nung nag OJT ako sa RW. Pero siguro after 4 months di na-satisfy si boss sa work ko. Dumating pa sa point na minura niya ko at pinahiya sa harap ng ka-trabaho ko. Lahat siguro ng minura nabato niya sakin. Pinilit kong di maiyak sa harapan niya para iparamdam sa kanya na strong ako. Kaso knowing me, iyakin akong tao. Wala ako nagawa, di ko napigilan yung pagiyak ko sa harap niya. Binigyan niya ko ng chance para ayusin yung trabaho ko, pero yung mga inilagi ko sa kumpanya nya, ginawa niya lang way para ipahiya ako araw araw sa mga employees niya. Dumating ako sa puntong araw-araw akong umiiyak dahil sa kanya. Hindi ko makalimutan yung mga masasakit na salitang sinabi niya sakin. Sinabi ko sa Eureka na hindi ko na kayang pumasok, na ayaw ko na. Nakakahiya kasi nakita nila akong umiiyak. Feeling ko napakahina kong tao non. Dumating din sa puntong gusto ako i-demanda nung boss ng agency na yon dahil sinabotahe ko daw siya. Hinang hina ako, di ko alam gagawin ko nun. Sobrang haba ng kwento kung pano kami napunta sa ganung sitwasyon. Ilang linggo ko pa tiniis yon hanggang sa napagdesisyunan kong magpasa na lang ng resignation thru email sa HR Manager namin. Late na niya nabasa yung email ko kaya after 2 days panay ang tawag nila sa number ko. Binlock ko lahat ng contacts ko sa kumpanya tapos di ko sila pinagpapansin. Hanggang sa nakarating na kay mama na nagresign ako at di ako sumasagot sa kahit anong tawag nila sakin. Kinwento ko sakanya lahat at sabi niya wag na nga daw ako bumalik don 8 months ang tinagal ko don, pero bumagsak mundo ko nung mga panahon na yon. Araw araw ko sinasabi sa mga kaibigan ko na ayoko na, gusto ko na mag-AWOL pero umabot pa ko nang walong buwan para tumigil. 
Nung mga panahon na yon, sukong suko na ko sa lahat. As in wala na kong gana magtrabaho, sinumpa ko na nga mag-HR non. Sabi ko sa sarili ko hinding hindi na ko mag-HR ulit. Grabe yung mga emosyon na naramdaman ko overall - excitement, contentment, takot, kaba, stress, pagod, trauma., etc. hanggang sa hindi ko na din naalagaan sarili ko. Witness si paul sa lahat, kasi siya sumasapo sa lahat ng galit at pagkalungkot ko sa nangyari. Hindi na siguro ako napagod kakaiyak non kasi kada magkikita kami lagi nalang akong naiiyak. Dati akala ko never ko na malalagpasan yung problema ko na yon, pero hindi ako pinayagan ni Lord kasi hanggang sa maghilom yung sugat sa puso ko, hindi niya ko iniwan. Bonus na lang yung pagiging sandalan ni paul sa tuwing bibigay na ko.  Kung iisipin mo, sobrang hirap mabuhay. Akala ko magiging madali lang, pero ganun pala talaga. Lahat ng tao sa mundo nakakaranas ng bad times sa buhay. Sobrang dami nang nangyari sa buhay ko na hindi ko makakalimutan at magsisilbi na lang silang isang malaking HUMPS na dinaanan ko sa malubak na daang tinatahak ko pa rin hanggang ngayon. Ang masasabi ko lang, I WILL NEVER GIVE UP. Kahit may dumating na namang unos, haharapin ko yan kasi alam kong nandyan lang si papa G at sabay naming kakalabanin yan.
Ewan ko bigla ko naisip to, fresh pa din pala lahat sa alaala ko. SIguro di na talaga to mabubura sakin. Kung sino man makabasa nito, kakilala ko man kayo o hindi, may pinagdadaanan man kayo o wala, gusto ko lang din sabihin na NEVER LOSE HOPE. Sobrang ikli lang ng buhay para sumuko agad, ika nga “live life to the fullest”. Di pa huli ang lahat. Wag mo sayangin ang buhay na pinahiram lang satin. 
05112020
4 notes · View notes
issawrites · 5 years ago
Text
Tumblr media
To the guy I thought would be my first and last,
You have once made me brave and made me believe in everything that I have never thought of giving importance in life.
You sort of made me into who I am today. Thanks to you, I realized my worth in this world full of judgemental hypocrites.
I'm done saying sorry to the things I've "done" even though I deserve to hear it more from you.
You're the kind of guy who would never ever give a chance to someone to explain their side, when you're being drawn by your anger.
You easily believe rumors from others without even knowing the truth, without even asking the person involved.
You easily shut people off for no reason.
You don't know how to say sorry without being sarcastic.
You don't know how to love wholeheartedly.
You don't know how to be loyal.
You don't know how to listen and understand.
You don't know how to consider and treasure a friendship.
Lastly, you don't know how to be real.
(sorry for being "judgemental")
Masakit mang aminin lahat yan, pero totoo. Kahit ako, hindi ko na alam kung ano pa ba yung totoo sayo. Sabihin na natin na hindi pa siguro natin buong kilala ang isa't-isa, pero wala kang karapatan para siraan ako sa ibang tao lalong lalo na sa circle of friends "natin". And don't you dare tell me na wala kang sinasabing iba sa kanila, kasi I have every proof that I could easily slap to your face.
SANA KINAUSAP MO AKO NG MAAYOS. Sana inalam mo muna lahat lahat. Ano bang nagawa ko sayo para pag bintangan mo ako, para siraan ako, para baliktarin ako, para magalit ka ng ganyan?
What you did was unforgivable. Nakakasira ka ng well-being. Naiintindihan mo ba yung mga nagawa mo?
1. Pinagbintangan mo ako sa bagay na hindi ko naman ginawa. Ako ba yung nagpakalat? For the nth time, sasabihin ko sayong hindi ako. Kung may natitira pa akong respeto sa pinagsamahan natin, ito yun. Yung hindi ko ikakalat sa iba. GO AND ASK MY FRIENDS kung may alam sila. Mapapahiya ka lang sa mga isasagot nila sayo.
Do you know the pain I felt nung nalaman ko sa iba, na yan yung sinabi mo sa iba nating kaibigan? Grabe. You almost killed me, walang halong biro. Puro absent ako noon. The reason why? Walang araw na hindi ako titigilan ng sakit ng ulo ko kakaisip ng paulit ulit sa mga nalaman ko. Muntik na rin akong mag collapse, enough para bumagsak yung ulo ko sa edge ng upuan. Alam mo ba yun? Ilang araw akong hindi nakatulog, kasi yung isip ko, pilit iniisip kung ako nga ba talaga yung nagpakalat. Ilang araw mo ring pinasakit yung ulo ko. YOU GAVE ME A REASON TO DOUBT MYSELF. Nawalan ako ng tiwala sa sarili ko. Nawalan ako ng gana na alagaan yung sarili ko, kasi sabi ko, hindi ko na ata talaga deserve mabuhay. Sabi ko rin, hindi ata siguro talaga deserve ng mga kaibigan ko na magsabi sila sakin ng mga secrets nila.
2. May "notion" kayo ni girl friend, na pinagseselosan ko kayong dalawa. Alam mo bang nakakainis kayong dalawa? Una sa lahat, kung nagseselos man ako noon, ikaw yung unang nakakaalam eh. Plus, hindi ko kakausapin si girl friend. Kung may pinagselosan ako, alam mo kung sino yun. Una at huling beses yun na nagselos ako.
Pero alam ko namang hindi mo na 'to tanda, so what's the point? Ineexplain ko yung side ko sayo. Masyado ka kasing pre-occupied na pakinggan yung iba kesa sakin na nakasama mo, na nakalandian mo for less than two months.
3. Alam ko kung kanino ko sinabi na, WAG KANG KAIBIGANIN. No need to tell it to others. Pati tuloy siya nadamay.
Do you even know the real reason why I told her that? Nakakainis ka kasi hindi mo ako binigyan ng chance to explain myself.
Sinabi ko yun para hindi ka na plastic-in. Kasi may pakialam pa ako sayo kahit hindi na tayo nag-uusap. Sana pala hindi na lang ako nagkaroon ng pakialam no? Sana pala hindi ko na lang inisip yung mga taong minsan ko na ring nakasama. Nakakainis. Alam mo kung bakit ko yun sinabi? Lahat ng taong nilalapitan mo, nakakausap mo, nakakasama mo, nakakatawanan mo, inaakala mong kaibigan mo, inaakala mong totoo sayo, may problema sayo pero hindi mo nahahalata. Una pa lang sinabi ko sayong ayoko na may nap-plastic, nam-mlastic sa paligid ko. Naranasan ko yan diba. Anyway, alam kong hindi mo na rin 'to tanda kasi nung una pa lang na nagkkwento ako, wala kang pakialam. Easily said, sinabi ko yun para tumigil na sila. Hindi lang siya, sila.
Minasama mo kasi. Kung sana open ka sa explanations, hindi aabot sa ganito lahat.
4. May mga bagay kang hindi alam nung gabing uminom ako, na nadamay si boy friend. Kung ano yung gusto kong ipaalam sayo noon, yun LANG mismo yung dumating sayo. Okay pa nung time na hindi mo nakita yung My Day niya diba? Pero nung nakita mo, dun ka na nagalit. Nagsabing bullshit yung action ko. Well inamin ko namang guilty ako don. And fyi, hindi ako nalalasing. Iba yung effect sakin ng alcohol. Mas worse pa sa mga nalalasing lang. Hindi mo na naman 'to alam kasi nga hindi mo naman inalam/inaalam yung totoo.
Funny, kasi wala kang kaalam alam sa totoong nangyari yet you still had the guts na "awayin" ako.
5. Dahil sakin, hindi pala kayo agad naging public ng bebe mo ngayon. Uhm, thank you, for still, at some point, considering my feelings. Kung talagang kinonsider mo nga. HAHAHAHAH. Hindi ko kasi alam kung matutuwa ba ako sa nalaman ko o ano eh. Gusto kong maiyak at matawa upon hearing it from your girl's friend. Hindi ko alam kung totoo 'to pero I have a voice record about this.
Sana nung una pa lang, sinabi mong wag na natin ituloy yung landian moment natin. Sana hindi ka nagsalita ng tapos na hindi ka magkakagusto sa bebe mo ngayon. Sana nagsabi ka agad. "Pinahiya" mo lang ako sa lahat eh.
Sana kung confused ka sa feelings mo, hindi mo na lang dapat ako dinamay at ginamit. Yan yung dating eh. Sana kung madali ka rin lang naman palang ma-fall sa kakaasar sayo sa isang tao, sana tinapos mo agad yung kung anong meron dati. Hindi yung magiging cold ka, mang aaway ka, tapos kinabukasan, akala mo wala lang nangyari. Nakakagago. Kung madali ka palang ma-fall dahil lang sa ginawan ka ng poems, nagsabi ka dapat. Madali naman akong kausap. Edi sana tinapos agad, hindi na pinatagal pa yung pagpapaasa at paglolokohan. Nakakasira ka ng emotional well-being.
6. Ang dali dali mong i-chat yung mga close friends ko about sa nangyari sa atin dati. Fyi, you're the one giving all the info (or may mutual friend pa tayong nagsasabi) sa kung anong totoong nangyari. Sa totoo lang, ang alam lang nila eh yung pang iiwan mo sakin sa ere. Yun lang.
Gusto mo daw pala akong makausap para may maayos pa sa dapat pang maayos? Para wala ng awkward moment? Bakit? Sino bang nagbigay sakin ng reason para layuan ka at hindi ka kausapin. Hindi ba ikaw? May dapat pa bang ayusin? Hindi ba ikaw yung sa una pa lang, hindi nagbigay ng maayos na closure? Hindi ba ikaw yung tumapos sa lahat? Nam-block ka pa nga eh. Hindi mo ako pinag explain. Hindi ka nakinig.
Nag reach out ako ng maraming beses. So, nasaan ka noong mga panahong gusto kitang makausap? Nasaan ka noong mga panahong gusto kong i-save kahit "friendship" man lang natin? Wala ka. Ayun, puro iwas ka. Like wth. Ako ba talaga yung at fault? Haha. May nagawa ba akong sobrang bigat? Sobrang makasalanan na ba ako? Haha.
Nagmukha akong kahiya-hiya. Nagmukha akong t*nga kakahanap sayo. "Nakita niyo ba siya? Pumasok ba siya? Kumusta ba siya? Iba na ba yung number niya? Anong meron sa kanya?" Lagi akong nagtatanong sa mga friends ko, na "friends" mo rin. Pero yun, laging sabi, hayaan mo na siya. Move on. Paano ako makaka-move on noon kung ang dami mo namang iniwang tanong sa isip ko diba? Haha. Sa kaka-reach out ko sayo, pati mga friends ko nakulitan na sakin eh. Tipong, "paulit ulit na lang ba yang tanong mo? Hayaan mo na nga kasi."
So dumating din naman sa point na napagod at super na-drain akong makipag-reach out sa tulad mo. Sabi ko, fckkk, ano bang pinaggagagawa ko sa buhay ko?! Ang daming lumalayo sakin. May nagawa ba akong mali? Hahahaha. Yun pala, yun yung sinabi mo sa kanila na hindi naman totoo. Na ewan ko ba talaga kung bakit sa dinami-dami ng taong napagsabihan mo about dun, BAKIT AKO PA YUNG NAISIP MONG NAGPAKALAT NUN, EH HINDI NGA AKO.
Ang tagal kong gustong makipag reach out sayo. Bakit ngayon pa, na medyo okay na ako. Bakit parang kasalanan ko na naman na hindi kita pinapansin? Ako ba yung nagsimula? Hindi ba ikaw naman?
Gusto mo akong makausap? Sige, marami namang paraan. Pero bakit parang ang lumalabas, ako na naman yung parang "dapat" maunang makipag reach out sayo?
For clarity, tanggap ko naman yung pang iiwan mo sa ere. May mga taong nang g-ghost at may mga taong nakaka-experience talaga ng pang "g-ghost". Nahirapan akong mag move on kahit walang naging "tayo". Bakit? Sarili ko mismo yung nawala dito. Ang dami mo pang iniwang tanong sakin. Oo, sobrang nag invest "lang" naman ako sayo ng feelings ko after mong i-confirm yung kung ano ba talagang meron. Kasi nga diba, "never assume unless otherwise stated". Ang pangit naman nung "walang label". Hindi naman ako ganun ka-t*nga para ibigay ko sayo agad yung feelings ko. Pero naging t*nga naman ako sa maraming bagay haha.
Pero yung hindi ko matanggap sa ginawa mo, siniraan mo ako. Gawain ba yan ng matinong lalaki? To think, lalaki ka. Hindi ko lang din talaga in-expect na gagawin mo yun without even confronting and knowing the "truth". I expected a lot from you.
Ang dali dali para sayo na mag explain at magkwento sa ibang tao, pero sakin, hindi mo nagawa.
Ang galing galing mong makinig sa sabi-sabi ng iba, pero sa akin hindi mo nagawa.
Ikaw nga siguro yung taong kahit nag explain na ako ng paulit ulit, kahit hindi mo naman na "deserve", kapag sarado yung isipan mo na tumanggap ng mga explanations, wala na lang talaga para sayo.
Sayang yung effort ko na i-save yung "friendship" natin eh.
I can't make you understand something you're not ready to accept and hear. Last na 'to. Pagod na ako sa issue na 'to, pagod na ako na mapakinggan na inaasar asar ako sayo. Mas lalong pagod na ako sa presence mo. Every time na nakikita kita, pinapaalala mo lang sakin lahat. Pinapaalala mo kung gaano ako ka-tanga at kung gaano ako kahina. Ang tagal ko rin namang tumahimik. Ang tagal kong umintindi. Ang tagal kong nagtimpi. Ang tagal kong umiwas ng umiwas. Nakakapagod. Nakaka-drain.
Kung gusto mo talaga akong makausap dati pa, marami namang paraan. Hindi mo lang talaga ginawa silently. Kailangan kasi talaga masisi mo ako eh. Kailangan, malaman ng iba na ako yung at fault. Kailangan, malaman ng iba na hindi ako trustworthy. Grabe ka. Ano ba talagang nagawa ko sayo 'no? Pero sana kasi, hindi yung magk-kwento ka pa sa iba. KASI NGA WALA SILANG ALAM.
Pero mas better "siguro" kung wala ng usapang magaganap. Hindi ko rin naman alam yung mangyayari kapag kinausap mo ako. Pwedeng kausapin mo ako in a "rude way". Pwedeng ibato mo sakin yung mga bagay na kung saan mahina ako. Pwedeng madala ka lang ng guilt mo tapos magagalit at maiinis ka na naman. "Trauma". Na-trauma ako sa ugaling ipinakita "mo/ninyo" sakin. Akala tuloy ng iba, ang plastic plastic ko na. Akala tuloy nila, sobrang sama ko. Irespeto mo na lang yung mararamdaman ng bebe mo kapag kakausapin mo ako. Kahit pa sabihin niyang okay lang, kung san ka sasaya, trust me, at some point masasaktan pa rin yan.
Kulang pa 'tong mga sinulat ko. May ibang mga bagay pa na hindi ko maisip kung bakit dahil dun, nagalit ka. Sa akin kasi yun, hindi mo man lang iningatan. Tinanong kita ng maayos pero anong sabi mo? Ang taray taray ko. Haha. Wow.
You should be happy kasi sa simula pa lang, may gusto na sayo yung bebe mo. Alam mo yan. Hindi ka mahihirapan mag assume assume ng mga bagay bagay.
You should be happy kasi hindi naman pangalan at dignity mo yung nasira. SA AKIN.
You should be happy kasi una pa lang, hindi ko na ipinagsiksikan yung sarili ko na sumama pa sa "circle of friends" natin.
You should be happy kasi ako na yung humiwalay. Ako na yung nag adjust. Ako yung nakaramdam na mag-isa lang ako. Ako yung nakaramdam na walang naniwala sakin kahit pinilit kong ipinagtanggol yung sarili ko.
You should be happy kasi hindi na ako tumatambay sa kahit anong tambayan sa school.
You should be happy kasi ako yung sobrang nahirapan na mag adjust sa lahat ng bagay. Ako yung nahirapang hanapin ulit yung sarili ko.
You should be happy kasi wala akong pinagsabihan ng buong nangyari, ng buong nararamdaman ko. HAHAHAHAH. Kinaya ko ngang itago lahat ng 'to, sana ikaw rin?
Sabagay, hindi lahat ng taong strong, magiging strong hanggang dulo.
Are these reasons enough for you to know why I don't want to talk to you?
Ah, one more thing. If ever mang nalaman mo 'tong account and post ko, don't you dare say na what I wrote here and what I did here is pure bullshit. First of all, I HAVE NOTHING BUT WORDS TO SAVE MYSELF right now.
I've been thinking these past few weeks on how to save myself from whatever I'm suffering right now. Kasi clearly, I let you trigger my a and d. Don't worry, I don't blame you for this. I blame myself because I let "it" happen.
At this point, I surrender everything to God. All my worries, including you lol -.- . I don't know, maybe I'll just go with the flow. Whatever happens, happens.
2 notes · View notes
lunerianight · 2 years ago
Text
Pwede bang magpahinga muna ako?
Sa pagpapanggap na ako'y matapang.
Sa pagtatago ng mga sugat na pilit kong pinapagaling.
Sa mga bulungan na walang tigil na sumisira sa akin.
Pahinga muna.
Huminga ng malalim sa ilalim ng buwan at mga bituin.
Isagaw lahat ng hinanakit.
Ibato ang galit papunta sa dagat gamit ang buhangin.
Lumuha hangga't sa wala ka ng maiyak pa.
Sumigaw hanggang sa wala ka ng marinig na boses na lumalabas sa iyong bibig.
Ayaw kong mapagod.
Kaya magpapahinga muna ako.
Huwag mong asahan na babalik ako.
Huwag mo akong habulin dahil mas lalayo lang ako.
Huwag mo akong yakapin dahil madudurog lang ako.
Hindi ba't ganito naman ako?
Paulit-ulit na tumatakbo kahit hindi ko na alam kung saan ba ako patungo.
Mas madali kasi kapag ganito.
Pero gusto ko ring lumaban.
Gusto kong ipaglaban.
Samahan mo naman ako?
0 notes
awkwndrr · 2 years ago
Text
halukay pera.
Nakaupo ako ngayon sa harapan ng laptop, mas madalas na nakatitig sa personalized calendar ko habang kinakatok ang utak, pinipilit ayusin ang plano ng buhay. Noong mga nakaraang linggo, halos mabaliw ako, at maiyak. Halos trenta na kasi ako, pero parang wala pa rin direksyon ang buhay ko. Pakiramdam ko, wala akong na-achieve na significant sa buhay - di tulad ng iba.
Walang asawa. Walang career. Walang ipon. Walang kwenta (?)
Noong tinanong ako ng kaibigan ko na mas bata sa akin, at mas may na-aarok sa kanyang buhay kung kamusta na ako, ang sabi ko sa kanya, nasa crossed roads ako. Mayroong kaliwa. Mayroong kanan. Hindi ko alam kung anong tatahakin kong landan. Parehas na direksyon na promising, mahirap at kailangan ng dedikasyon. Nandito ako sa punto ng buhay ko na - ang gusto ko, para makamtan ko, kailangan kong panindigan.
Tatlongpung taon na, hindi pa rin ako makapili.
Noong kausap ko ung kaibigan ko na may kahawig na journey sa akin, pinilit kong mag balik tanaw. Kung ano yung mga desisyon ko sa buhay na naghantong sa akin sa punto na ito. Sabi ko sa kanya, wala naman nakapredict ng magyayari sa akin. Good or bad. Kaya naisip ko, kahit gaano kapulido ang plano, di ko pa rin alam ang bukas.
Baka mamatay na ako makalawa.
Isa siguro sa mga success story na makukwento ko ay ang journey ko sa small business ko. Walang nakapredict na magiging path ko ito sa buhay. Sabi nga ng best friend ko, knowing me na introvert at mahiyain, di nya raw ako nakita sa sales. Kahit man ako, di ko nakita ang sarili ko dito.
Nagumpisa sa curiosity. Nagkaroon ng kaunting determinasyon. Binigyan ng langit ng mabait at supportive na mga friends para tumulong. Halos limang taon na pala mula ng nagsimula akong mag business. Sa limang taon na iyon. Ano ba ang natutunan ko? Ano ang napala ko.
Naalala ko, tuwing magpapadala ako ng order sa LBC or JRS dati, nahihiya ako kapag sinasabi nila ung pangalan ng shop ko. Nahihiya ako na malaman nila na “ay online seller lang pala ito”. Pero pagkalipas ng ilang buwan, naisip ko, bakit ako mahihiya? Eh halos lahat ng customer nila ay online seller. Kailangan din nila ako, as much as kailangan ko sila.
Pero di naman ganoon kadali mawala ang hiya.
Sabi ko nung 2018, nung nagsisimula ako. Gusto ko lang matulungan yung kaibigan ko na mag linis ng bahay nila. Sabi ko sa sarili ko, small time lang to, gusto ko lang di na humingi ng baon sa magulang ko.
Sabi ko nung 2019, pangpa-raos lang, hanggang sa makahanap ako ng totoong trabaho. Tutal naman nag aapply na ako. Magiging career woman na ako.
Sabi ko nung 2020, sandali lang ang pandemya. Okay lang matakot sa outside world, basta healthy ka. Booming ang business, mahirap iwanan kasi sayang na ung nasimulan mo. Konti na lang, Konti pa. 
Hanggang sa 2021, 2022 na.
Noong iniisip ko, kung ano ba talaga gusto kong gawin sa buhay ko. Hindi ko matapon sa isip ko ang business. Kahit na sa panaginip ko na nanalo ako ng milyones, ang una ko pa ring ginawa ay bumili ng stocks. Mag expand. Siguro, dahil sa limang taong pagsabak ko sa larangan na ito, naintindihan ko na sa business, pwede naman pala ako mabuhay. pwede naman pala akong maging masaya.
Pero bakit di maalis sa isip ko ang hiya?
Ilang taon na ang nakalipas. Naging uso na ang live selling. Kahit mga artista, sumabak na rin dito. Hindi na masyadong judgemental ang mga tao. Naging new normal ang Online Business. Halos 1/3 ng friends ko sa SNS nagtitinda na rin. Yung mga kasabayan ko dati sa Insta, malalaki ng scope at sumiklab na ang brand nila. 
Pero bakit ako?
Madali lang naman sagutin yung mga tanong ko. Alam ko naman yung sagot matagal na. Hindi ko lang inaarok. Kasi friend chicken ako. Kasi nahihiya ako. Na kahit halos 5 taon na ako dito, pwede mo ng masabing “marunong” ay nahihiya pa rin ako.
Kaya siguro mahirap mamili ng daan sa cross roads, kasi ayaw kong aminin sa sarili ko na hindi ko naman kailangan umalis. Okay ka naman sa ngayon diba? Pero bakit pinipilit ko pa rin? Pride o Pangarap?
Hindi ko alam. Hindi ko pa alam.
0 notes
illwaitforyoumylove · 3 years ago
Text
October 12
I just feel so down today. Wala akong energy para magisip at gumalaw. Parang konting kibot lang, naiiyak nako.
Kanina, nung nilalambing moko, gusto ko na maiyak nun. Di ko kasi alam kung anong nararamdaman ko. Kung masaya ba ko o nasasaktan lang akong lalo. Eto ngang sinusulat to ngayon, naiiyak na'ko.
How can you sleep at night, beside me, knowing that I am hurt? How can you reject me every time? How can you ignore my feelings?
Sabi mo nung nasa Siargao pa tayo, "mahal naman kita". Pero nakarinig din ako ng mga salitang "hindi pwede". Alam mo ba, simula nun, lalo nakong naligaw sa kawalan. Gusto ko itanong sa'yo kung ito na ba yun. Checkpoint na ba. Wala na bang pag asang maging maayos pa.
Sa araw-araw na kasama ka, sa araw araw na nakakaramdam ako ng sakit, akala ko mas magiging madali nalang kasi dapat sanay nako. Pero bakit ngayon, kailangan ko pa magkulong sa CR kasi di ko kayang pigilan na umiyak sa sobrang sakit at takot na nararamdaman ko. Idagdag mo pa yung harap-harapan at sadya mong pananakit sakin. Di kita naiintindihan.
Mamaya, kung tatanungin kita, sasagutin mo ba'ko? Di ko alam kung paano matatapos ang araw na to. O kung palilipasin ko lang nanaman at titiisin ang lahat para lang masigurado kong di ka mawawala sakin. Pero.. di ko na alam.
Totoo palang may "mahal na mahal kita pero ang sakit sakit na".
0 notes
22hrdm · 4 years ago
Text
ENJOY JOB HUNTING.
Minsan habang kumakain ako sa isang food chain, may dalawang babaeng lumapit sa akin at nagtanong kung puwede daw silang makishare ng table. Dahil wala naman akong kasama ay pumayag ako.
Habang kumakain sinabi ng isa sa mga babae sa kanyang kasama na nawawalan na siya ng pag-asa dahil halos nalibot na at napasahan na nila ng resume ang halos lahat ng company sa Ortigas pero wala pa rin silang mahanap na trabaho. Ganoon din ang nararamdaman ng kasama niyang babae.
Tahimik lang akong nakikinig sa kanila. Halata ang pagod, pagkabahala, at pagkadismaya sa mga mukha nila. Halos maiyak na ang isa sa mga babae dahil wala na daw siyang pera para pamasahe kinabukasan para maghanap muli ng trabaho. Sinabi pa ng isa na "Sana hindi na lang tayo grumaduate. Sana estudyante na lang tayo habang buhay para hindi natin nararanasan ito. Para tayong sinumpa." Nagpunas ng luha ang isa sa mga babae at sinabi nitong, "Makahanap lang talaga ako ng trabaho, pagbubutihin ko talaga. Hindi ako papayag na mawala pa 'yun. Itataga ko 'yan sa bato."
Tinignan ko silang dalawa. Aminado akong naaawa ako sa kanila pero sa ngayon hindi iyon ang kailangan nila. "Sorry po, pasensiya na po kayo kung madrama kami." sabi ng isang babae sa akin.
Tinanong ko sila, "Nahihirapan na ba kayo sa paghahanap ng trabaho?"
"Opo", sagot nila sa akin.
"That's good!" sabi ko sa kanila.
Nagulat sila sa sinabi ko at tila nainis pa.
"Paano pong naging good iyon eh pagod na pagod na nga po kami at halos ubos na ang pera?"
"Tandaan ninyo, sa dictionary lang nangyayari na nauuna ang success sa work, In reality, for you to be successful you have to work on it. Paghirapan mo. Pagsikapan mo. Kailangan ninyong daanan talaga 'yang paghihirap na 'yan dahil kung hindi mawawalan ng halaga sa inyo ang magkatrabaho. Gaya nga ng sabi mo kanina, makahanap ka lang ng trabaho, pagbubutihin mo talaga. at hindi ka papayag na mawala pa 'yun at itataga mo sa bato. Masasabi mo ba ang mga bagay na iyon kung hindi ka nakakaranas ng hirap? Malamang hindi. Aalagaan mo ba ang trabaho mo kung madali naman makahanap ng iba? Natural hindi. Kaya nga may halaga din 'yang paghihirap ninyo. Kasi dinidisiplina kayo na pahalagahan ang trabaho ninyo oras na mahanap niyo ito. Isa pa, enjoyin ninyo ang moment na nahihirapan kayong maghanap ng work. Nakabilad sa araw at nauulanan at nakikipagsiksikan sa mga saksakyan enjoy the moment. Bakit? Kasi iyan ang masarap balikan balang araw kapag matagumpay na kayo."
"Sabi ninyo kanina, sana estudytante na lang kayo habang buhay. Well technically yes estudyante parin kayo at habang buhay mananatili kayong estudyante dahil patuloy kayong matututo at lalago habang kayo ay buhay. Ang tinapos ninyo ay degree lamang. Hindi lahat ng bagay ay matututunan ninyo sa loob ng paaralan. Tinuro ba sa inyo kung gaano kahirap maghanap ng trabaho? Tinuro ba sa inyo kung ano ang advantage ninyo bilang fresh graduate kumpara sa mga may experience na? Tinuro ba sa inyo kung paano kayo mapopromote sa trabaho? Hindi di ba? Ang buhay ang magtutro ngayon sa inyo niyan. Payo ko sa inyo enjoy job hunting.Dahil hindi masarap ang tagumpay kung hindi ka nakaranas ng hirap at maraming sablay."
-HR DM
0 notes
kuwentoniluna · 4 years ago
Text
Tumblr media
Ano ang nagpapaiyak sayo?
Dahil sa pag-ibig? O hindi nangyari ang gusto mo mangyari? Madalas, umiiyak tayo dahil sa 2 rason. Saya at lungkot.
Yung tinatawag nilang tears of joy. Madalas natin ito makita sa mga babae. Kapag lalaki kasi, merong matataas ang pride.
"Lalaki ako, hindi ako umiiyak"
Hindi ko alam, bakit hindi mawala ang mindset na ganyan. Mga brad, okay lang umiyak👍
Yung isa naman, rason dahil sa lungkot. Malungkot dahil meron tayong namimiss at ang pinakamasakit, namatay ang mahal natin sa buhay.
Pero meron pang isang rason bakit tayo umiiyak .
Ito ang sibuyas🌰
Sa mga nagluluto, siguradong makaka-relate.
Madalas kong gawin kapag nagluluto ako, huli kong hinihiwa o galawin ay ang sibuyas.
Ang hirap kasi maghanda ng rekado na sinisipon ka dahil naiyak ka sa sibuyas.
Pero ano ba ang sikreto para hindi maiyak?
Sabi ng iba, mag-suot daw ng salamin pero hindi naman epektibo.
Sabi naman ng iba, dapat matalas ang kutsilyo para hindi kumatas ang sibuyas habang hinihiwa. Pero may mga sibuyas na sobrang tapang talaga.
Meron din akong nabasa na huwag daw amoyin. Pero ang hirap gawin nun, depende na lang kung kaya mong hindi huminga habang naghihiwa.
Pero may maganda akong balita, may nabahaging kaalaman ang aking asawa para maiwasan ang pag-iyak dahil sa sibuyas.
Madali lang tandaan ito, basahin ng mabuti.
Bago mo hiwain ang sibuyas. Ilagay mo muna ito sa freezer sa loob ng 5 minuto.
Makalipas ang 5 minuto. Hiwain mo, siguradong hindi ka iiyak👍
FAQ
- Ano Scientific Explanation?
Hindi ko alam, basta effective👍
- Paano kapag wala kaming ref?
Bili ka ng yelo, durogin mo, ilagay mo yung sibuyas dun. Pero di ko pa nasusubukan yun, pero tingin ko gagana yun.
1 note · View note
eskrima2020 · 4 years ago
Text
Unang Kabanata
Tumblr media
So ayun na nga, pagkatapos ‘nun. Medyo matagal tagal na ulit tayo ‘nung muli tayong nagkausap. Pero sinabi natin sa isa’t isa na magtatanungan tayo.  Ang gaganda ng mga topic natin sa buhay, at alam mo ‘yun? Kahit magkaiba tayo ng approach sa mga bagay bagay ‘e lagi tayo nagkakasundo sa huli. Na parehas lang naman pala tayo ng gusto. At dahil dito kaya ako lalo nahulog sa’yo. Hindi ka na mawala sa isip ko. 
Tumblr media
Hindi ko alam kung ano ang pwede mangyari satin, pero itataya ko lahat. 100%, Walang labis, walang kulang. Salamat dahil dumating ka, dumating ka sa hindi inaasahang pagkakataon pero ba’t gano’n? Parang sakto ang lahat. Para bang tadhana na mismo ang gumawa ng paraan para magkakilala at magkatagpo tayo. Na kung maaga o late ako dumating ay hindi tayo dadating sa kung ano meron tayo ngayon.
Hindi ako ‘yung tipo ng liwanag na nakakabulag. Hindi din ako ang nakakasilaw na ilaw na biglang nawawala’t iiwan ka sa kadiliman ng kawalan. Dahil sa liwanag na dala ko ay pagmamahal at pag gabay paalis sa madilim na nakalipas. At pagbibigay ng panibagong pag-asa sa’yong buhay.
Ako ‘yung taong hindi sinusundan ng tingin. Hindi ako ‘yung maangas na tropa pero araw-araw ipagmamayabang kita. Ako yung tipo na hinding hindi magsasawa sa kakulitan mo. Ako yung tipo ng mapapatitig sayo habang kumakain ka kasi ang takaw mo. HAHAHAHAHA! Ako yung tipo na sa’yo lang ako at walang iba. Ako ‘yung tipo na kung sino ka ikaw ‘yan. Kung may nakikita ako na may ginagawa kang mali, I’ll make sure na dapat itatama mo ito. Sasabihin ko sa’yo mga napapansin ko na mali. Pero siyempre hindi naman porket sinabi ko na mali ka, ‘e mali ka na agad. Napaguusapan naman ang mga bagay. Baka may dahilan ka, kaya mo ‘yun ginawa. Pero ayun nga, ako ‘yung tipo na totoo at gusto ko lang ng totoo. Kaya asahan mo na iintindihin kita pero pag may mali, hindi kita itotolerate diyan.
Ang sarap kaya ng feeling na may taong nanjan palagi para sayo. ‘yung pupuntahan ka kahit malayo, ngingiti kapag nakikita ka, sumasabay sa lahat ng trip mo, kahit walang wala gumagawa ng himala, gumagamit ng bagay o kahit ano makita ka lang ngumiti at maiyak sa kakatawa, ginagamit yung barkada para gumawa ng memorya kahit hindi lang para sa ating dalawa. Yayakapin ka. HAHAHAHAHAHAHA!
Inaalam ko lahat ng gusto mo’t ayaw mo mapa-kulay, damit, musika, pagkain at marami pang iba. Haharutin ka, aasarin ka, kahit magmukha na tayong mga bata ‘e ok lang. Alam ko kasi na yes, mature na tayo. Mature tayo sa mga bagay bagay. Pero we should let our inner child play with each other padin. Part padin ng relasyon ‘yun ‘e.
Babantayan kita kahit pagod na pagod ka na, kahit may sakit ka pa. Mauuna ako magising sayo, hahandaan ka ng almusal, babatiin kang magandang umaga! Titingin ngingiti, ngingiti lang kahit bagong gising ka kasi ‘yun ang pinakamasarap na pakiramdam at pinakagusto kong makita. ‘yung bagong gising? Shet.
Ang sarap isipin diba? Siguro kay lagi din kita napapaginipan ‘e. HAHAHAHAHA.
Pangarap ko kasi yun para satin dalawa. Ayoko mag madali at magassume pero dun tayo sa positibo, kaya ‘wag ka magaalala, malapit na!
Sana ay mayakap na kita, mahawakan ang iyong mga kamay, Masilayan ang iyong mga ngiti at mahagkan na kita dahil sabik na sabik na ang puso ko'y kilig na kilig kapag kausap ka. CORNY KO DIBA. HAHAHAHAHAHA.
Tumblr media
Ito na, dahil uuwi ka na. ‘e matagal na talaga kita gusto gawan ng playlist ng mga kanta. At sakto naghahanap ka ng mga bagong kanta sa kapehan. Sabi ko sa sarili ko, ‘eto na ‘yung pagkakataon na ‘yun. Na tanungin ka kung okay lang sa’yo na gawan kita ng playlist. Sinabi ko na din naman sa’yo na lahat ng maliliit na detalye nitong playlist ‘e pinagisipan mabuti, binigyan ng pansin at galing sa utak at puso.
At dahil nga tapos na ang problema, nakapagusap na at okay na. Ligawan na ulit. Mahalan na ulit.
Ilang araw nalang uuwi ka na, gustong gusto na kita makita, makasama at makausap.
0 notes
keenlightnight · 6 years ago
Text
Ayan 3pm na ko nagising tapos syempre ang tagal ko pang bumangon sa higaan. Iniisip ko kasi yung sinabi ni june nung gabi na magkakasama kami nila sj dito sa bahay. Nung nakauwi na si sj, habang naglalakad kami, nagconfess sya sakin. Hesitant pa nga sya e. Siguro natatakot pero hinayaan ko lang sya kung gusto nyang sabihin or hindi. Hindi ko naman sya pinipilit. Tapos ayon, sabi nya,wag ko na raw ipilit si sj sa kanya. Nagreact ako malala kasi grabe di ko naman sila pinipilit. Inaasar ko lang kasi natutuwa ako sa reaksyon nya HAHAHAHHAHAHAHAHA tinry ko namang magseryoso after nyang sabihin yon kahit mahirap HAHAHAHAHAHAHAH. Sabi nya rin na may sasabihin sya pero wag ko raw sasabihin kina tonga or sa kahit kaninong friends namin. Sabi ko, sige lang. Alam mo sabi nya? “siwiwngagustoko” putangina sobrang bilis HAHAHAHAHAHAHA. Alam ko nahihiya sya na iadmit yon pero pagkarinig ko tangina parang gusto kong maiyak. Parang may kumurot sa puso ko yes naman HAHAHAH de seryoso yon parang may masakit. Ewan ko kung saan galing pero ramdam na ramdam ko sya nung gabing yon. Si Mark pa rin gusto nya after all this time. Walang label pero nag invest sya ng feelings don tapos biglang inayawan. 7 buwan na mula nung nangyari yon pero hanggang ngayon alam kong dinadala nya pa rin yon. Masakit syempre kasi ang dami mong what ifs e. Nandon pa yung takot na magmahal ulit kasi nga baka sa susunod hindi nya na kayanin. Habang naglalakad kami pauwi iniisip ko yon kaya sabi nya, wag mo na kong isipin deng, kaya ko na sarili ko. Kahit naman sabihin nya yon sakin, di naman agad mawawala e. May pake ako sa kanya jusko mahal na mahal ko yong kaibigan ko na yon kahit napakakupal non. Siguro ganon nga lang talaga na kahit sino pang dumating na handa kang mahalin sa kung ano o kung sino ka, kapag hindi ka pa talaga nakakaget over, walang mangyayari. Personally, nakakarelate ako sa kanya na may isang tao ka pa rin talagang gusto no matter what. I believe si chatelynne to HAHHAHAHAHA. Nagsabi na rin ako kay sj na wag magmahal ng taong hindi pa tapos magmahal ng iba hahahah gets nya na yon. Pero grabe bilib din ako kay june ha kasi hindi sya gumamit ng ibang tao para makamove on, tipong panakip butas ba. Hinahayaan nyang magheal yung sarili nya bago lumantod. Sabi na e, magkaibigan talaga kami e HAHAHAHHAHAHA pero uy naka move on na ko ha. Sya na lang talaga. Alam ko namang kaya nya yan. It’s just a matter of time, makakausad din. Laban lang friend. I’ve been there and alam kong hindi madali pero have faith. Tignan mo, isang araw magigising ka na lang na wala na. I love you june ❤
0 notes
thelifeoflove · 7 years ago
Photo
Tumblr media Tumblr media Tumblr media Tumblr media Tumblr media
28 STREET BAMBOO CHARCOAL MASK PRODUCT REVIEW
So ayun na nga bes, sobrang na curious ako sa product na to kasi laman siya ng news feed ko sa fb. Maganda ang mga feedbacks. (Pang pakinis, pang tanggal ng pimples, pang relax). We will never know until we try kaya bumili ako. 130 pala price niya. Okay yung price kase madaming laman. At dahil gusto ko din gumanda talaga. Hahaha. Lol. 😄
First try, nakalagay sa directions mas effective pag gamit mo ay apple cider vinegar instead of water. Kaya bili naman ako sa supermarket worth 100.00. Bali 2 tsp. charcoal powder at 2 tsp. apple cider yung pag hahaluin. Eto na nga, gora naman ako. Medyo na excite pa ko kase gaganda na ko. Charot! Hahahaha.
Pag lagay ko sa mukha ko. Pak! Sobrang hapdi bes. Haha. Kinabahan ako kase baka lalong dumami pimples ko. Lol. 😂 So nag message ako sa binilhan ko. Normal lang daw yun kase nag aadjust yung skin ko. Okay. Tiis ganda ang ate niyo. 😢😄 Maya maya, di na ko makahinga bes! Hahaha. Sobrang tapang pala ng apple cider. Ang sakit sa ilong. Halos maiyak ako. 15 minutes na, napansin ko habang natutuyo sa mukha ko yung charcoal nalalaglag. Makalat pala siya. Konting galaw mo lang mahuhulog siya sa mukha mo. Kaya pag gagamit nito dapat naka black tshirt ka. At di pa nag tatapos diyan ang pag hihirap ko. Hahaha. Nung nag banlaw na ko akala ko okay na. Pag tingin ko sa salamin, what the!!!! Di siya natanggal. So message ulit kay ateng binilhan ko. Dapat daw mainit na tubig gamitin ko at gumamit daw ako bimpo. Pang punas para madali matanggal. So ayun na nga. Natanggal din siya. Pero struggle bes! Napagalitan pa ko ng mama ko kasi nag stain din siya sa lababo. Matatanggal lang pag kinuskos mo. 😣
2nd try, yes! Nag 2nd try ako. Hahaha. Kase gusto siya i try ng bf ko (3rd pic) 😂. Nag try ulit ako para relationship goals! Haha. This time tubig na lang pinanghalo ko at patak na lang ng apple cider. Pansin niyo may bimpo na pink sa bf ko kase nalalaglag talaga siya pag natuyo sa mukha. Makalat 😢. Pero this time mainit na tubig na gamit namin at may bimpo na. 😂😂
3rd try, yes akalain mo yun. May pangatlo pa. Trip ko lang mag try ulit. Pansin niyo sa 4th pic yung balikat ko may itim itim. Ganyan siya pag natuyo na. At sa 5th pic di ko na nilagyan yung sa baba ng ilong ko kase hinaluan ko ng apple cider pero konti na lang nilagay ko unlike may first try. Naamoy ko pa din kaya di na ko nag lagay sa baba ng ilong ko. 😂 😂
Kung tatanungin mo ko kung bibili pa ko nito, hindi na. 😢 Makalat kase talaga bes at pumapasok sa ilong. Mababahing ka pa. Rate is 7/10 kasi hindi ako gumanda. Hahahaha. Joke. Medyo time consuming din mag lagay. At yun na nga medyo makalat. Pero na sa inyo pa din if you wanna give it a try. 😂😂 May isa pa silang product yung “activate”. Ayun naman try ko next time. Let’s see! Hahaha.
So ayun lang, again. Own observation ko to. Hindi ko sinisiraan ang product. Go and try it yourself. Kanya kanya tayo ng opinion. 😉
Sorry mahaba yung review ko. Pero salamat sa pag basa bes! Heart heart 💕
0 notes
happiestchaaa · 7 years ago
Text
Kaibigan na lang sa Facebook.
Muni muni  ulit.
Bat ganto? Masyado agad ako magtiwala sa tao.. or sa mga tao should i say. nadudurog puso ko. Pakiramdam ko, madali lang ako kalimutan, palitan at iwasan. Minsan, naiisip ko.. bat kasi kailangan ko pa maghanap ng “pwedeng kaibiganin” kung yung mga tao’ng nag-stay sa buhay ko hanggang ngayon at palaging nandyan sa mga oras na kailangan ko ehh hinding hindi ako iniiwan. Nung high school ako, napaka-selosa ko’ng kaibigan. Yung tipong ayoko ng may ibang nakikilala yung mga kaibigan ko sa unang araw ng pasukan dahil hindi kami magkasama sa isang Section. So, yung nararamdaman ko ngayon halos parehas lang ng nararamdaman ko nung high school ako. Oooopsss! MALI!!! Nag-upgrade pa pala. Sumusobra na tong pagka-selosa ko.. HAHAHAHAHA! Actually, mas selosa akong kaibigan kesa as Jowa.. HAHAHAHA! Literal natatawa ako ngayon. HAHAHAHA! *haaaaay* Pero seriously, Hindi ko alam pano ico-comfort sarili ko ngayon. Ako yata yung tao’ng hindi mabuhay ng walang kaibigan kahit san ako i-lugar o dalhin. HAHAHAHA! Natatawa ako pero at the same time, gusto ko maiyak. May nami-miss akong mga tao pero bakit hindi ko manlang maramdaman na nami-miss rin nila ako. Kaibigan lang ba talaga ako? I mean, ordinaryong kaibigan ba.. ?? ??? ???? Hindi ba pwedeng SPECIAL, parang siopao or halo-halo, ganorn. Feeling ko “siguro wala naman talaga akong kwentang kaibigan”. Para ako’ng tanga.
Siguro, Dapat... antayin ko yung/mga tao’ng alam kong ganito rin yung mararamdaman sakin kapag nami-miss ko sila. Yung mag-eeffort pag sinabi kong miss na miss ko na sya/sila. Yung kahit gano ka-busy kahit Once every Two weeks magpa-kita sakin. Kahit once lang. Pero 1 month? Yung nasanay ka na araw-araw kayo magkasama tapos bigla’ng *swwoooosssh* parang pag kinamusta ko na “WHO YOU?” na yung itatanong sakin. HAHAHAHAHA! *haaaayyyyy*
ANG LUNGKOT!!!!
0 notes