#solanawrites
Explore tagged Tumblr posts
wanwaves · 11 months ago
Text
Tumblr media
Gusto ko ibigay — wonmina fic.
solana note: not proofread. might contain typographical and grammatical errors. written in tagalog. enjoy reading! :)
Madilim
Makipot
Mainit
Magulo
Apat na salitang nababagay upang ipaliwanag ang buhay ni William. Tulala lang si William habang nakatingin sa ngayong sira na kisame sa ibabaw ng munting apartment na inuupahan niya.
Hindi makatulog kakaisip kung ano ba dapat ang gagawin. Bibitaw o ipagpatuloy kung ano man ang namamagitan sa kanila ng kasintahan niyang si Maureen. Litong lito na siya. Hindi niya na alam kung ano ang tama. Kung ano ang dapat mas manaig. Ang ipagpatuloy o ang bumitaw?
Gusto niya kumapit, pero alam niya na kapag ipagpapatuloy niya ang kung ano man ang meron sila, silang dalawa lang rin ang mahihirapan.
Maririnig mula sa labas ng bintana niya ang ingay na galing sa mga dumadaan na tricycle at tao. Ipinikit ni William ang mga mata niya. Tahimik na pinapakinggan ang bawat ingay na galing sa magulo niyang mundo.
Mundong ayaw niya maranasan ng minamahal niya.
“Gusto ko ang ganitong simpleng buhay.”
Sabi ni Maureen habang nakahiga sa braso ni William. May magandang ngiti sa labi. Kumikislap rin ang mga mata nito habang nakatingin sa kisame na nilagyan nila kanina ng mga umiilaw na bituin.
Mapait na ngumiti si William sa tuwing naalala niya ang sinabi ng nobya tuwing bumibisita ito sa munting bahay na inuupahan niya.
Sa totoo lang hindi niya gets kung bakit nasabi iyon ng nobya niya. Hindi niya gets kung bakit gugustuhin nito maranasan ang simpleng buhay kung sa gayon okay naman ang buhay na meron siya. Hindi naman sa hinuhusgahan niya ang nobya niya, ang hindi niya lang talaga maintindihan ay kung bakit gusto nito maranasan ang paghihirap.
Kasi sa totoo lang kung si William ang tatanungin, gusto niya ibigay ang buhay na nararapat para kay Maureen. Buhay na malayo sa kung ano man ang meron kay William.
Nanliliit si William sa sarili lalo na noong napagtanto niya na sobrang layo nila sa isa't-isa. Para sa kanya nasa langit si Maureen, habang siya nasa lupa.
Sobrang layo at higit sa lahat hindi sila bagay.
Sino ba naman kasi ang mag-aakala na magkakagusto siya sa anak ng amo niya. Hindi niya naman ito pinagplanohan at higit sa lahat hindi niya rin inakala na matatamaan siya ni cupido.
Hindi naman problema ni William ang estados niya sa buhay noon. Hindi niya naman dinidibdib kung bakit ganito lang ang kaya niyang abutin sa buhay. Hindi niya naman hinahangad ang magarbong buhay. Gusto niya lang ang mapayapa at masaya na buhay.
Alam niya na hindi nila kasalanan kung bakit ganito lang ang kaya nilang maabot sa buhay. Ginawa naman nila ang lahat upang maiangat ang mga sarili nila sa kahirapan. Hindi nagkulang ang mga magulang niya sa pagbibigay sa mga bagay na gusto niya. Pinaaral pa nga siya sa magarbong eskwelahan kahit na sobrang wala na sila.
Para kay William hindi naman sila ang rason kung bakit mahirap lang sila kasi binigay naman nila ang lahat ng makakaya nila upang bumangon para sa kinabukasan nila. Pero kahit na anong bangon nila kung wala talagang supporta galing sa mas nakakataas, lulubog parin ang lahat.
Kuntento na siya sa kung ano man ang meron siya. Pero lahat ng ito gumuho noong harap-harapan siyang tinanong ng mga magulang nito noong umakyat siya ng ligaw.
“Ano kaya mong ibigay sa anak namin bukod sa bulaklak na halata namang pinitas mo lang sa tabi?”
Sa mga oras na yun hindi maiwasan ni William manliit sa sarili. Nahihiya siya. Hanggang ngayon naalala niya parin kung paano niya hawakan ng mahigpit ang bulaklak na binili niya sa kanto ng inuupahan niya gamit ang konting pera na natitira sa bulsa.
"Hindi pa ba sapat ang pagmamahal? Kung sa iyon lang ang kaya niyang ibigay sa ngayon?" Tanong ni William sa sarili.
Aminado siyang nabastos siya sa mga oras na yun. Kung hindi lang nagsalita si Maureen sa mga oras na yun siguradong umalis na si William sa bahay nila.
Hindi lang ito ang unang beses na nakatanggap siya ng mga masasakit na salita galing sa mga magulang ni Maureen. Sa tuwing dumadalo siya sa bahay ng nobya niya hindi nakakaligtas sa pandinig niya ang mga panlalait na lumalabas sa bibig ng mga magulang ni Maureen.
Actually, hindi niya naman ito pinapansin noon. Determinado naman siya na ipakita sa mga magulang ni Maureen na may ikakabuga siya. Na kaya niya naman panindigan si Maureen at kaya niya ibigay ang buhay na nararapat para kay Maureen.
Pero dumating ang araw kung saan nawawalan na siya ng pag-asa sa sarili. Sunod-sunod ang naging problema ni William. Hindi niya inakala na kukunin ng maaga ang Tatay niya. Ang tatay niya ang isa sa rason kung bakit patuloy parin siyang lumalaban sa buhay. Ang taong inspirasyon niya.
Nalunod sila ng pamilya niya sa utang. Nagkasakit pa ang nanay niya at bilang nag-iisang anak. Kailangan ni William tumayo bilang sandigan ng nanay niya. Pero sa kabila ng lahat ng yun napapabayaan na rin William ang sarili niya. Pati ang relasyon na meron siya.
Gaya ng pagkagusto niya kay Maureen, wala rin sa plano niya ang bumitaw.
Gaya ng sabi niya kanina hindi niya gusto bitawan ang taong mahal niya.
Masakit isipin na humantong siya sa ganito klaseng desisyon. Pero masisi mo ba William kung siya mismo, hindi niya na rin alam kung ano pa ba ang kaya niyang ibigay kay Maureen, kung gayon wala na nga rin siyang maiibigay para sa sarili niya?
Kahit na masakit kailangan niya bumitaw.
Nakapikit niyang kinapa sa gilid ng kama niya ang cellphone. Noong makahawakan niya na ito idinilat niya ang mata at bumungad sa kanya ang larawan ni Maureen sa lockscreen.
Hindi ko pa pala napalitan. Tanging sabi ni William sa sarili.
Tinitigan niya ang larawan ni Maureen. Nakapikit ang mga mata nito habang nakayakap sa teddy bear na nabunot ni William sa peryahan.
Malungkot na napangiti si William noong maalala niya kung paano pinapahalagahan ni Maureen ang teddy bear na yun. Pasensya na mahal kung hanggang yan lang kaya kung ibigay sa'yo.
Wala sa sarili niyang binuksan ang gallery. Tumambad sa kanya ang mga litrato at videos nila. Habang pinapanood ang lahat ng laman sa gallery hindi niya na namalayan umiiyak na siya. Tinakpan niya ang mukha gamit ang palad. Pinipigilan ang sarili sa paghikbi pero kahit anong pigil niya hindi parin nito napipigilan ang sakit na nararamdaman niya sa ngayon.
Bumalik ang tingin niya sa litrato ni Maureen na nakangiti. Napakalawak ng ngiti nito. Ito ang klaseng ngiti na gusto niya makita araw-araw. Ngiti na gusto niya makita tuwing umaga hanggang gabi. Napabuntong hininga siya at niyakap ang sarili.
“Pasensya na, hal. Pangako ko balang araw maibibigay ko sa'yo ang lahat ng gusto mo. Mapa simpleng buhay na puno ng pagmamahal at tiwala man gaya ng gusto mo.”
Doon lang napagtanto ni William ang lahat.
Ngayon niya lang naiintindihan kung bakit hinihiling ni Maureen ang simpleng buhay. Lumaki nga si Maureen sa luho pero hindi naman nito naramdaman ang pagmamahal at tiwala galing sa magulang.
Malungkot ito pero simula nang makilala niya si William naging masayahing tao na ito. A person full of love and too much love to give.
Maureen,
A perfect definition of someone who Williams wants to love and cherish habang buhay.
“Magiging madali rin ang lahat. Hintayin mo ako. Ibibigay ko sa'yo ang buhay na nararapat sa'yo. Kasi gusto kong ibigay ang buhay na gusto mo kaya sana hintayin mo ako.”
4 notes · View notes
wanwaves · 2 years ago
Text
Lay Your Head On Me
Tumblr media
solana note: not proofread. contains typographical and grammatical errors. written in taglish. enjoy reading!
“My, g-graduate na ako.”
I stopped what I was doing when he broke the news to me. Nilingon ko siya at nakita kung nakangiti siya sa akin. Ngumiti siya ng parang bata sa harapan ko. Halata rin sa mga mata niya ang pagpipigil ng luha. 
My feelings were all over the place. I’m happy and excited when I heard him say that.
I couldn’t stop my tears from falling down. He looked at me with so much adoration. I saw different kinds of emotions in his eyes. He is proud and at the same time relieved that he finally made it. 
My emotions got into me. Hindi ko mapigilan hindi maiyak at yakapin siya ng mahigpit. He hugged me tightly as much as I hugged him. 
“Finally g-graduate na ako My.” his voice was shaking and I could feel his heavy breath on my neck. 
“Congrats dy. I know you would.” I said while sobbing. 
He laughed at me. Lumayo kami sa isa't-isa. Tumingin ako sa kanya at ganun na rin siya sa akin. My heart swells when I see his tears streaming down his cheeks. 
“I wouldn’t make it without your help. Thank you for being my source of strength.” he said lovingly. He reached and laid his palms on my cheeks. 
“Thank you so much. I love you.” 
I closed my eyes as he kissed my forehead. 
After he told me the news, we celebrated together. Kumain kami sa labas to celebrate his success. We did the things that couples normally do on dates. 
“Ikaw ang escort ko sa pagkuha sa diploma My ha.” He said in the middle of eating. I frowned, clearly not liking what he said. 
“Huh? Bakit naman ako? Diba dapat ang parents mo?” 
I noticed how his eyes changed when I mentioned his parents. His jaw clenched. 
Pinipigilan ang sarili na magmukhang malungkot sa harapan ko. But when he saw that I was looking at him bumalik ang ngiti sa labi niya. Pero kahit na nakangiti siya alam ko na hindi siya okay. 
Something is bothering him. He can never lie to me and he knows that. 
"Are you in the right state of mind to share what's bothering you?"  I ask. He stared at me for a while. Halatang iniisip kung sasabihin niya ba sa akin but nevertheless he still did. 
“Ayaw ko lang na sila sumama sakin. You know them naman diba? They wouldn't care sa'kin." 
I don't want to say something that would hurt his feelings, but I also don't want him to hold grudges against his parents. 
"How will you know if hindi mo susubukan?" 
Umiwas siya ng tingin sa akin. He tried his best to stop his tears from falling. 
Alam kung hindi siya komportable pag-usapan ang issue na'to pero hindi naman magandang iasa nalang ang lahat sa tadhana. Kahit na iwasan namin to dadating pa rin talaga ang araw kung saan kailangan namin pag-usapan ang ganitong bagay. 
"They're still your parents, Dy. Kahit man baliktarin natin ang mundo, they still have the right to know that their bunso is now graduating."
We talked about it for a while. Hindi ko alam kung ano ang tumatakbo sa isip niya. He was just staring at me. He didn’t say a word but I understand what he felt. Hindi madali ang lahat. Madali man sabihin ang lahat pero alam kung mahirap itong gawin lalo na’t he is not that close sa mga magulang niya.
I cannot force him if he really doesn’t want to. Kaya in the end hindi ko na siya pinilit. 
Two passed and nalaman ko nalang na sinabi niya na pala sa parents niya ang balita. I was happy that he finally had the courage to say it to them. But I was disappointed with how they reacted. 
They didn’t congratulate him. Instead they made fun of him. 
He came to me crying. My heart swells as I listen to him silently sobbing in my arms. I also felt bad because I was the one who encouraged him to share the news with them. 
"Sana hindi ko nalang talaga sinabi sa kanila My. Look what happened. Pinagtawanan lang ako."
"My older sister even asked kung bakit ako naka graduate. Tapos si Mama hindi naniniwala kasi hindi daw halata na pumasa ako." 
I felt bad because he had to hear all of those insults. Hearing him say all of the things they said breaks my heart. 
He didn’t deserve all of those bullshits. 
Hindi nila alam kung ano ang sacrifices na ginawa niya para lang makapagtapos siya. He did all his best kasi gusto niyang patunayan na may mararating siya. 
Ever since nakapagtapos siya ng Junior High hindi na siya pina-aral ng mga magulang niya. Hindi na siya pinaaral kasi they already pictured and image of him. They already pictured him as a tambay, bulakbol, at basag ulo.
They didn’t believe in him. 
Wala silang pag-asa sa kanya kasi daw bunso siya. His parents always believed na mas mahalaga ang mas nakakatanda nitong kapatid kasi ito mismo ang mag-aahon sa kanila sa kahirapan. 
They always believe na walang mararating si Won kasi palagi itong naglalayas sa bahay. But ang hindi nila alam naghahanap na ito ng trabaho para lang hindi siya matigil sa pag-aaral. He graduated without the help of his parents. Hindi siya humingi ng tulong sa mga magulang niya or sa kung sino man. He succeeded with his own hard work.
To be honest, I was really against sa idea niyang maging working student. Kasi I was worried na baka hindi niya magawang pagsabayin ang pag-aaral at pag trabaho. 
My parents even offered to help him kasi they also wanted him to focus on his studies and they didn't mind paying for his tuition fees pero he still declined their offer. He honestly told them that he can do it. We just need to believe and support him and he was right. He made it in the end. 
He deserves better. He deserves to be treated with respect kasi tao rin siya at may nararamdaman rin siya. I'm disappointed that his family couldn't even give it sa kanya. 
“Nobody cares and I’m all alone now.” 
Tumulo na ang luha ko. Hindi ko na ito magawa pang pigilan dahil ramdam ko ang sakit sa bawat bigkas niya sa mga salitang ‘yon. 
“Shh… I’m here. You still have me. You are not alone.” 
He cried and I just let him. Everything is new to me. Hindi ako sanay makitang umiiyak siya. This is the very first time I saw him cry. And tama nga sila. 
Tama nga sila na hindi iiyak ang mga lalaki kung hindi sila napupuno. They tend to hide their emotions kasi they want to appear strong in front of everyone but in reality they are also fragile. Para rin silang glass na kailangan ingatan at alagaan. 
They also feel pain. They have emotions and they get hurt. And that makes them strong and dependable. 
I comforted him and I let him cry in my arms. I never left his side kasi ako nalang ang meron siya. Ako nalang ang nakakaintindi sa kanya. And hindi ko gustong maramdaman niyang nag-iisa siya in his dark days. We stayed in that position until he fell asleep. 
“No one will hurt you now Dy. I’m here and I will always believe in you and I know that soon you will be healed from all the pain you've been feeling. I love you. Just hold tight my strongest soldier.” I whispered as I caressed his face with the use of my thumb.  
Graduation day. The gate to his new journey in life. 
We are all excited and happy sa achievement niya. My family was proud and happy for him. Napasobra pa nga kasi kami talaga lahat ng family members ko ang umattend sa graduation niya. 
Papa was the one who escorted him earlier. Hindi nakaligtas sa paningin namin ang masaya na may luha niyang mata kanina habang naglalakad katabi si Papa. 
Kahit hindi niya sabihin alam naming masaya siya dahil nandito pa rin kaming mga naniniwala sa kanya.
“Aries William Buenaventura.”
My heart was pounding as I watched him accept his degree diploma. Narinig ko ang pag-iyak ni Mama sa tabi ko, sinabayan naman ng pang-aasar ng kapatid ko habang si papa naman pinagtawanan lang sila. 
Hindi ko sila pinansin. I was just focused on him. I watch how he searches for us in the crowd as he faces the audience. 
A faint smile escapes into my lips as our eyes locked. 
He smiled at me as he raised his diploma. Showing that he finally made it and no words can express how proud and happy I am. 
Even without his family, I hope naramdaman niya na may nagsusuporta pa rin sa kanya. Sana maramdaman niya na nandito pa rin kami para sa kanya.
My strongest soldier finally did it. All I could wish now is for him to be happy and proud of what he achieved. He has come too far and I’m glad that I could witness him achieve all of those dreams. 
--- end.
3 notes · View notes
wanwaves · 3 years ago
Text
Tumblr media
Backyard Boy — wonmina fic
solana note: not proofread. contains typographical and grammatical errors. enjoy reading!
I’ve been staring at him for about thirty minutes already. He is just reading a book beside the pool side, but I can’t deny that he is attractive. Mas lalo pa siyang naging pogi sa paningin ko ng makita ko siyang nagbabasa. Dagdag pogi points pa naman sa akin ang mga lalaking nagbabasa. Bonus nalang na mukha siyang matalino. 
Hindi siya pamilyar sa akin. Siguro bagong salta lang siya dito sa subdivision. Malabo naman na anak siya ni Tita Anne lalo na’t hindi niya naman kahawig si Tita. 
Siguro pamangkin niya ito or kasambahay niya lang. Ilang araw ko na siyang nakikita sa poolside na nakatambay mag-isa. 
Wala naman itong ibang ginawa kundi magbasa at magpa music ng malakas. Minsan nga nagigising ako dahil sa lakas ng music niya. Nakakainis minsan pero humuhupa naman ang galit ko kasi pogi siya. 
Pasalamat nalang talaga siya na napopogian ako sa kanya kasi kung hindi, siguro matagal ko na siyang na report kay kapitan. 
Pabor naman sa akin ang pagtambay niya sa poolside kasi Mas lalo lang akong ginaganahan mag-aral kapag tinititigan ko siya e'.  
Para siyang blessing na hinulog ni Lord galing sa langit. 
Muntik ko ng mabato ang hawak kung ballpen ng marinig kung may kumatok sa pintuan ko.  Nagpanggap agad akong nag-aaral sa mga notes na nasa harap ko. 
Patay ako kay Benjamin kapag nahuli niya akong nakatingin sa kapitbahay naming pogi! 
Malakas pa naman mang-asar yon. 
"Nari?"
Napalingon agad ako ng marinig ko ang boses ni Mommy. I sighed in relief. 
Ngumiti siya at naglakad papalapit sa akin. Nilapag niya sa table ko ang dala niyang bowl na may lamang mga prutas.  
"I prepared this for you. Eat that while you're answering." nakangiting alok nito sa akin. Ngumiti naman ako sabay pasalamat sa kanya. 
"Thank you My." 
Binalik ko na ang tingin ko sa libro. Binabasa ko lang ito kahit na wala akong maintindihan. She gently caress my hair. 
"Ang hardworking naman ng Dalaga ko." 
Gusto kung matawa ng malakas dahil sa sinabi ni Mommy. 
Di ka sure My. Baka nakaupo lang ako dito para masulyapan si Kuyang pogi sa may poolside. Charot.
Nakipag kwentuhan pa si Mommy sa akin. After namin mag-usap lumabas na ito ng kwarto ko. Nagmamadali ko namang tinignan ulit ang poolside. Nagbabakasakali na masulyapan pa si Kuyang pogi. 
Napanguso ako at dismaya na napaupo ng hindi ko na makita pa si Kuyang pogi. 
"Nawala na siya. Aish! Ang tagal kasi ni My lumabas. Huhu." Dismayado kung bulong sa sarili. 
Sumapit ang gabi ng hindi ko na ulit siya nakita. Maghapon lang akong nakaupo sa study table. Paminsan-minsan tumitingin ako sa backyard nila na kaharap lang rin ng bintana ko. 
"Hoy Senyora, May iuutos raw si Mommy sa'yo." 
Walang hiyang diretsong pumasok ni Benjamin sa bedroom ko. Umagang-umaga namba-badtrip na naman ang loko. 
"Don't you know how to knock ha?" asar kung tanong. He rolled his eyes at me. 
"Hindi applicable sa akin ang katok. Baka masira ko pa yang pintuan mo kapag kakatok ako. Ang lakas ko pa naman." 
He flexed his arms in front of me. Kaya binato ko siya ng unan. Napakahambog niya na kasi. 
Ang payat nga ng muscles niya. Wala siyang binatbat sa muscles ni Kuyang pogi. Walang kalaman-laman ang braso. 
Tumawa lang siya. Humiga ito sa kama ko at nag cellphone. Tinulak niya pa ako paalis sa kama ko. Kaya asar akong napatayo at iniwan ko na siya sa loob ng bedroom ko. 
Sinalubong ako ng mabangong amoy na galing sa kusina noong makababa na ako. 
Nag b-bake si Mommy! Omg. Sana carrot cake ginawa niya. Fave ko pa naman ang carrot cake. 
Pumasok ako sa kusina namin ng may mga ngiti. Nakita kung busy si Mommy sa counter table. Inaayos ang mga niluto niya. 
"Nari, Come here quickly." 
Lumapit ako agad kay Mommy. At inabot naman niya sa akin ang hawak niyang baked pie. 
"Pakibigay ito kila Tita Anne mo. Marami kasi ang nagawa ko. Sayang naman kung itatapon lang natin."
I frowned. Tumingin ako sa labas ng bintana. Mas lalo lang nalukot ang mukha ko ng makita ko kung gaano kainit sa labas. 
"Ayaw ko My. Ang init lumabas." Maktol ko habang nakanguso. 
"Si Benjamin nalang My." Segunda ko pa. Nailagay ni Mommy sa bewang niya ang dalawang kamay niya at tinaasan ako ng kilay. 
"Edi mag payong ka"
Ilang beses pa akong umalma pero hindi nakinig si Mommy sa akin. 
"Go na.. Make sure to bring back the pan ha—"
Hindi na ako nakapalag pa kasi pinagtutulakan niya na ako palabas ng kusina. Labag sa loob akong lumabas ng bahay. 
Hindi na ako nagpayong pa kasi hindi ko na ito kaya pang hawakan lalo na't mabigat pa ang Pie na hawak ko. 
Para akong naglalakad ngayon sa impyerno dahil sa sobrang init.
Sobrang tirik ng araw lalo na't 11AM palang. Wala akong makikita sa dinadaanan ko dahil sa sobrang init. Mabuti nalang talaga at hindi gaano kalayo ang nilakad ko. 
Pinindot ko ang doorbell ng nakarating na ako sa harapan ng gate nila Tita Anne. Hindi ako nakontento sa isang pindot kaya tatlong beses ko itong pinindot.  
"Tagal naman." Bulong ko sa sarili. 
Para akong pineprito dahil sa sobrang init. 
Napaayos ako sa pagtayo ng bumukas ang gate. Nagsikahulan ang mga aso na inaalagan nila. 
"Tit—" 
Hindi ko na natuloy ang sasabihin ko kasi napasigaw na ako ng bigla nalang tumakbo palabas ang alaga nilang aso. 
“Ahh!!” Tumatalon-talon kung sigaw. Tumakbo palayo ang aso sa bahay. Kinabahan pa ako kasi muntik ng mahulog ang hawak ko! Napahawak ako sa gate nila dahil nanghihina ako dahil sa biglaang pagkagulat. 
“Ruru!” May humabol sa golden retriever nilang aso. Nanlaki ang mga mata ko ng makita kung si kuya pogi iyon! 
OMG! Nakalimutan kung nakatira pala siya dito. 
Nakatitig lang ako sa kanya habang hinahabol niya ang aso. Tila parang nag slow mo pa nga ang paligid ko. 
Umiwas ako ng tingin. Dahil ramdam ko ang pag-init ng pisngi ko. Nakakahiya sumigaw pa naman ako kanina. Mukha pa naman akong ewan tuwing sumisigaw. 
Nakatayo lang ako sa labas. Hinintay siyang makabalik. Hindi ko na sila matanaw na naghahabulan. Siguro umabot na sila sa gate ng subdivision namin. Hindi ko na rin dama ang init ngayon kasi mas pinapangunahan na ako ng nerbyos. 
After a while of waiting nakita ko ng pabalik na sila. Nakakunot ang noo niya habang nakasunod sa alaga nila. Umayos ako sa pagtayo ng dumako ang tingin niya sa akin. 
Gumuhit sa mukha niya ang pagkalito. Probably wondering kung sino ako. 
“U-Ummm…..” 
Hindi ko alam kung ano ang sasabihin ko ng makalapit na siya sa akin. Tila tinakasan ako ng sarili kung boses. Tinitigan ko lang siya. 
Ang pogi niya sa malapitan. Walang ka pores pores sa mukha. Makinis pa ang balat niya kaysa sa’kin. Tapos mas lalo siyang pomogi sa suot niyang glasses. 
Tinaasan niya ako sa kilay. Kumahol ang aso nila kaya sinuway niya ito at doon lang ako natauhan. 
What the hell Nari! Fix yourself kasi si Kuya Pogi na ang nasa harapan mo!
Kung pwede lang iuntog ang sarili ko sa pader siguro kanina ko pa ginawa. 
“Hello po. Magandang tanghali po.”
“May pinapabigay po si Mommy kay Tita Anne.” 
Inabot ko sa kanya ang hawak ko. Tinanggap niya naman ito. Kumahol pa ang aso nila ng lumapit ako sa kanya. 
'Ano ba naman yan doggy! Ang damot mo naman. Ishare mo naman sa akin ang amo mo. hmp!'
“Thanks but Mama is not here right now.” saad niya habang nakangiti ng matamis sa akin. 
Kuya sinasabi ko sa'yo. Bawal ka ngumiti ng ganyan sa akin! Marupok ako sa mga ganyang ngiti. Jusko! 
"Ganun ba? Hahaha sige, okay lang. Pakisabi nalang na may binigay si Mommy hehe. Sige, bye!" 
Tumalikod na ako at nagmamadali na bumalik sa bahay. 
Delikado ako. Kailangan ko na siya iwan kasi baka makagat ko siya. Sensitive pa naman ako sa mga pogi. 
"Miss!" 
Hindi ako lumingon. Nagpanggap akong walang narinig. Diretso lang akong pumasok sa bahay namin. Pabagsak kung sinirado ang pintuan.  Sumandal ako doon at napahawak sa dibdib ko.
Ano nangyayari? Bakit ang lakas ng tibok ng puso ko?! Nababaliw na yata ako. 
"Jusmeyo Marimar! Anong nangyari sa'yo?" 
Mommy exclaimed noong makita niya akong humahangos. "Nasaan ang pan?" 
Napakurap ako ng ilang beses bago napatingin sa kamay ko. 
Tangina. Kaya pala tinawag rin ako ni Kuya pogi kanina. Dahil sa pagmamadali ko nakalimutan ko na ang pan na pinaglalagyan ng pie!  
Pinagalitan ako ni Mommy at inutusan na kunin pabalik ang pan pero hindi na ako nagpatinag. Kaya at the end si Benjamin na ang kumuha. 
Days passed. Hindi ako lumalabas ng bahay. At hindi ko na rin siya sinisipatan mula sa bintana ko. Nahihiya na kasi ako! 
Pakiramdam ko sasabog ang mukha ko dahil sa kaba at takot tuwing nakakaharap ko siya.  
I busied myself in studying. Malapit na kasi ang college entrance test ko. And right now, I'm currently on break time kaya inutusan rin ako ni Mommy na mag grocery. 
Naubusan na kasi kami ng stocks sa bahay. Mag-isa lang ako ngayon kasi ang magaling kung kapatid iniwan ako. Ewan ko kung nasaan na siya. Siguro may kinuha na naman 'yung mga hindi kailangan gamit. 
I'm stuck here sa oil section. Hindi ko alam kung anong klaseng oil ang gusto ni Mommy na bilihin ko. Hindi niya kasi nilagay kung what brand ang oil na bibilhin. 
I'm undecided on what I should buy between the two. Ang palm oil ba or ang coconut oil. In the end I called Mommy. Baka kasi pagalitan ako non kapag hindi niya gusto ang bibilhin ko. 
Madali pa naman 'yon magalit.
When she answered my call I immediately ask her kung ano ang gusto niya. After niya sumagot nilagay ko pabalik sa lalagyan ang hawak kung coconut oil at ang palm oil ang nilagay ko sa trolley. 
Naglibot pa ako at nagkita na kami ni Benjamin. Marami na rin siyang hawak and karamihan sa hawak niya puro junk foods! 
Grabe nakakahaba ng lifespan ang mga dala niya. 
We checkout and palabas na sana kami sa grocery ng bigla nalang may tinawag si Benjamin. 
"Kuya Pare!" 
He waved his arms kaya nagmumukha itong bata. 
Sinundan ko ang tingin niya. 
Shuta! 
Bakit kilala niya si Kuyang Pogi?! What kind of information is this? Why did he called him Kuya Pare? What the hell.
Tumigil sa paglalakad si Kuya Pogi kaya tumakbo papalapit si Benjamin sa kanya. 
Walang hiya 'tong si Benjamin! Hindi man lang sinabi sa akin na close sila. 
Kahit na maraming dala si Benjamin na eco bag niyakap niya pa rin si Kuya pogi. Napakapal ng mukha! Naunahan ako sa pag-yakap. 
"Ano ginagawa mo dito kuya pare?" Masayang tanong ni Benjamin kay Kuyang pogi. 
"May binili lang ako. Ikaw? Bakit ka nandito?" 
"Nag grocery kami ng ate ko. Teka nasaan na ba ate ko….” Lumingon si Benjamin sa likuran niya. “Uy nasa likuran ko lang pala ate ko. ‘Di ko makita kasi ang liit hehe." 
Tanginamo kung sakalin kaya kita dyan ngayon, Benj. Sumosobra ka ng chanak ka. Hindi naman ako ganun ka liit. Sadyang matangkad lang talaga siya kaya nagmumukha akong maliit. 
Tinuro ako ni Benjamin kaya tumingin sa akin si Kuya pogi. Tinaasan niya ako ng kilay at bahagyang umangat ang gilid ng labi niya. 
Did he just smirked at me?
"Hello. Good afternoon Miss penguin." 
Natawa si Benjamin sa sinabi niya. Nangunot naman ang noo ko dahil sa pagkalito. 
Penguin? The fuck. Pinagsasabi mo dyan kuyang pogi?
"What do you mean penguin?" 
"Oh sorry… Did I offend you? I don't know your name kasi tsaka you walk like a penguin noong tumakbo ka palayo sa akin after mo ibigay ang pie." May binulong siya sa huli pero hindi na namin ito narinig pa. Tumawa siya ng mahina. Tila natatawa sa ginawang kagagahan ko noon. 
Para akong tinakasan ng dugo sa mukha. Kuya pogi grabe ka naman sa akin. Mas cute kaya ako sa penguin. 
"Payag ka niyan ate. Tawag sa'yo sa bahay madam tapos pagdating kay Kuya Pare penguin ka lang hahaha." Asar ni Benjamin sa akin. 
Umirap lang ako.
"Penguin pa 'yan ngayon. Tignan mo sa susunod baby na tawag niyan sa akin." Bulong ko sa sarili. 
"Anyway, pauwi na kayo?" Kuyang pogi asked. Tumango naman kami ni Benjamin.
"Yep. Pauwi na kami. Ikaw ba?" pabibong sagot ni Benjamin.
"Pauwi na rin. Sabay nalang kayo sa akin." Nakangiting alok ni Kuyang pogi.
“Uy hindi namin yan hihindian. Tara na let’s go.” Nauna na maglakad si Benjamin at hinila niya pa si Kuyang pogi.
Kinakahiya ko talaga ang lalaking to. Napaka walang hiya niya talaga. 
Iniwan sa akin ang ibang dadalhin! Isusumbong ko talaga siya mamaya kay Mommy.
“Tulungan na kita Miss Penguin” I came back to my senses when I heard kuya pogi’s voice. 
Napahinto ako ng marinig kung tinawag niya ako. I clenched my fist ng lumingon ako sa kanya. 
“Pogi ka sana pero sinasagad mo pasensya ko.” sabi ko. Natawa naman siya at napailing. Kinuha niya ang mga bitbit ko at naglakad na kami papuntang parking lot. Tahimik lang ako buong byahe kasi sinolo na ni Benjamin si Kuyang Pogi. 
Alam ko na rin pangalan niya. Nabanggit kasi ito ni Benjamin kanina. 
‘Wono’ 
Bagay sa kanya. Ang cute lang. 
Nasa passenger seat ako nakaupo. 
Bwesit kasi si Benjamin. Tinulak ako sa passenger seat and worst pa nakita ni Wono ang pagtulak niya. 
Nakakahiya sobra and at the same time nakakainis kasi itutulak niya na nga lang ako bakit hindi pa kay Wono. 
“Salamat Kuya Pare. Sa susunod ulit.” Iniwan na kami ni Benjamin sa harap ng gate. Kumaway ito kay Wono at tumingin sa akin. Binigyan niya ako ng mapang-asar na tingin.
Mamaya ka talaga sa akin Benjamin.
Tumikhim si Wono kaya napatingin ako sa kanya. Bahagya pa akong napa-atras kasi nakatingin na pala siya sa akin. 
“Di ka pa papasok?” He nodded his head towards our gate habang nakatingin sa akin. 
“Thank you sa pagsabay sa amin,” Nakangiti kung pasalamat. 
He tilts his head sideways as he stares at me. Nakipagtitigan rin ako pero kalaunan nakaramdam rin ako ng hiya at ilang sa paraan ng pagtitig niya. 
“You have a nice smile.” 
He mumbled. 
My cheek heats up as he says those words. 
Wag kang ganyan. Mahina ako sa mga mabulaklak na salita.
“Anyway, I’ve been meaning to ask you about something.”
He took a step forward kaya mas lalo akong nailang kasi amoy na amoy ko na ang pabango niya.
“Why do you keep on staring at me?” 
I blink a couple of times. I can’t process what he said. 
“I’m really curious cause I can really feel you staring lalo na kapag nagbabasa ako. Do you,” 
Napaatras ako ng yumuko siya. Sobrang lapit ng mukha namin. Ramdam ko na ang pagtama ng hininga niya sa mukha ko. 
“Do you have a crush on me?” he asked while staring deeply in my eyes. 
Hindi ko alam ang isasagot ko. Tila tinakasan ako ng sariling kaluluwa dahil hindi ko na alam kung ano ang gagawin ko. I swallow the lump on my throat. Napansin niya naman ang paglunok ko kaya natawa siya ng mahina.
“You don’t have to stare at me ng palihim na. Okay lang naman sa akin na titigan mo ako. Ako pa mismo ang magpapakita sa’yo para hindi ka na mahirapan kakatago sa kurina mo.”
“Hmmm. Okay Nari?” Umangat ulit ang gilid ng labi niya. Tila natutuwa sa epekto niya sa akin. 
After that he left me. Sumakay na siya sa sasakyan niya at pinark niya na sa garahi nila ang sasakyan niya. 
Nakatingin lang ako sa kanya. Pakiramdam ko bibigay na ang tuhod ko dahil sa sobrang kaba. Kaya bago pa man ito mangyari tumakbo na ako papasok sa bahay at nagkulong ako sa silid ko. 
Sumigaw agad ako at hindi ako lumabas hanggang gumabi. Nakahiga lang ako sa kama ko. Hanggang ngayon hindi pa rin talaga ako makapaniwala na alam niyang palihim ko siyang tinitignan. Like I made sure naman na hindi halata ang palihim kung pagtitig sa kanya pero bakit nalaman niya pa rin?
May super powers ba siya ha? Lakas naman yata ang radar niya. 
Napatingin ako sa bintana ko ng may marinig akong ingay. Napatayo ako at dahan-dahan na naglakad palapit sa bintana. 
Sinong tanga ang magkakainteres na batohin ang bintana ko ngayon?! Pasado alas dose na tapos may mantritrip pang batohin ang bintana ko. Huwag naman sila manakot ng ganyan noh. 
May bumato ulit kaya naman sinilip ko na ito.
“Pst! Nari” 
I frowned when I heard my name being called. Sumilip ako at wala naman akong nakitang tao. 
Minumulto na yata ako. Oras na siguro para matulog ako. 
Babalik na sana ako sa kama ko pero may bumato na naman ulit. Kaya padabog kung binuksan ang bintana ko. 
"Sa wakas at binuksan mo na rin." 
Napatingin ako sa pinanggalingan ng boses. Bwesit si Wono lang pala. 
"What the hell do you need? Bakit mo binabato ang bintana ko?" 
Singhal ko sa kay Wono. 
"Are you up for a late night drive?" 
Huh? Bakit niya naman ako aayain? 
We barely know each other. Hindi ko pa siya gaano kakilala at ganun na rin siya sa akin. 
"Hey Nari. G ka ba?" Tanong niya ulit sa akin. Tinaasan ko siya ng kilay. 
"Bakit mo naman ako aayain? For your information hindi tayo close. May binabalak ka bang masama sa akin?" 
He snorted. 
"Kaya nga inaya kita kasi gusto ko maging close tayo. Bawal ba ‘yon? Psh. For your information rin wala akong binabalak na masama sa'yo. Di ko pinapangarap makulong sa presento noh." 
"Tara na kasi. Sama ka na. Wala akong kasama eh. Gusto ko lang puntahan 'yon lugar na nakita ko kanina." 
Pinilit niya pa ako ng humindi ako kaya in the end sumama na lang rin ako. 
Mapilit siya ha. What if jowain ko agad siya kasi makulit siya? Charot. 
Tahimik lang akong nakaupo sa passenger seat. Hindi ko alam kung saan kami pupunta. Wala kasi siyang sinabi sa akin. Nahihiya rin ulit akong magtanong sa kanya baka masabihan pa akong makulit.  
Pakiramdam ko nag deja vu lang ang nangyari kanina. Kasi kanina ng pauwi palang kami ganito rin ang eksena ang kaibahan lang wala na si Benjamin at tanging mahinang musika lang ang naririnig sa paligid. 
That i've got all that I need,
Right here in the passenger seat.
Habang nagmamaneho siya sinabayan niya rin ang kanta. I swallowed the lump on my throat as I glanced at him. 
Shuta na talaga. Kinikilig ako dito. Heto ba ang sinasabi nilang naabot mo ang langit tuwing masaya ka? Nambibigla naman siya! 
Hindi ko man lang napaghandaan ang biglaang pagkanta niya. Ang ganda rin pala ng boses niya. Hindi halata sa porma niya na may tinatago rin siyang talent sa katawan. 
Oh, and I can't keep my eyes on the road
Knowing that she's inches from me
Umiwas ako ng tingin ng lumingon siya sa akin. Naramdaman ko ang pag-init ng pisngi ko. 
Pwede bang tumalon nalang ako sa sasakyan? Hiyang-hiya na ako sa sarili ko ha. Grabe na talaga ‘to. Na conscious tulou ako bigla sa mukha ko. Baka may muta na ako at nakita niya pa 'yun.
Narinig ko siyang natawa. 
May sayad yata to sa utak. 
“Tinatawa mo diyan?” imbes na maging tunog mataray ito iba ang kinalabasan nito. 
Nag stutter ako! Gusto ko nalang ilibing sarili ko. 
“Wala,” 
Hindi ko na siya pinilit pang magkwento. Baka kasi mas lalo ko pang ipahiya ang sarili ko. Tumahimik ulit kaming dalawa. Nagpaalam ako sa kanya na bubuksan ko ang bintana and luckily he agreed.
Gusto ko humigop ng fresh air kasi baka hindi ko kayanin ang tension dito sa loob ng sasakyan. 
“You know—”
“Wala akong alam.” Pamputol ko sa kanya. Akala ko may irerebat siya pero napailing nalang siya sa sarili at natawa. 
"I really love this song—" 
Mas lalong lumawak ang ngiti niya. 
"This song holds a special place in my heart kasi my childhood sweetheart likes this song. She always plays this song whenever we hang out or study together." He looked at me as he softly smiled at me. 
Hindi ko alam kung ano ang sasabihin ko. I remained silent as he reminisced about his past memories with his childhood sweetheart.
We're the same. I also love this song. 
Then the moon peeks from the clouds
I hear my heart, it beats so loud
Try to tell her simply
I listen to him humming. 
I don't know why but my heart feels so warm as I listen to him. I feel safe and happy even though alam ko na hindi naman para sa akin ang kanta. 
Hindi ko alam kung ano ang rason pero normal lang naman to diba? Siguro nga…
Hindi ko na namalayan na nakatulog na ako sa byahe. Nagising nalang ako noong ginising na ako ni Wono. Nagulat pa ako kasi sobrang lapit ng mukha niya sa akin. 
"Nandito na tayo." Sabi niya habang nakangiti. Inabot niya ang buhok ko at bahagya niya itong hinaplos. 
Lumayo na siya sa akin kaya doon ko lang nakita ang labas. 
"Umaga na?!" Sigaw ko noong makita kung maliwanag na sa labas. 
Lumabas ako ng sasakyan at sumunod naman siya. Nasaan kami? Bakit parang pamilyar sa akin ang lugar na'to? 
I can hear the birds chirping. Sobrang tahimik ng paligid at ang lawak rin ng lake. Walang ibang tao sa paligid. Isang maliit na bahay lang ang nakikita ko malapit sa tinatayuan namin.
The place is so familiar to me. The memories flashes as I scan the place. 
Walang pinagbago. The place is still the same as before. The only difference is ako nalang ang bumalik dito at iba na ang kasama ko. I smile sadly as I remember the most painful yet beautiful memories me and my childhood friend made here. 
The last time I visited this place was when me and my childhood friend separated. I don’t know where he went. Nagbakasyon lang naman kami dito tapos kinabukasan wala na kaming balita sa kanya at family niya.
They just vanished. 
They vanished without saying any goodbyes. 
Napangiti ako ng mapait as I remember the promises we made here. He promise me that he would court me kapag nag college na ako. He promised me that he will wait for me. But where is he?
He is nowhere to be found. Kahit anino niya hindi ko makita. 
Okay lang naman sa akin ang umalis siya pero sana naman magpaalam diba? Sana naman binalaan ako na aalis siya para hindi ako maghintay ng ganito katagal. Umaasa lang kasi ako sa wala. Nakakapagod din maghintay lalo na kapag walang kasiguraduhan na babalik pa ba siya. 
"Hindi mo ba na miss ang lugar na’to?” 
Kumunot ang noo ko sa sinabi niya. Lumingon ako sa kanya at tinignan siya. 
“What do you mean hindi na miss?” 
Tumingin rin siya sa akin at sa paraan ng pagtingin niya parang may pinapahiwatig ito. We stare at each other for a minute. Walang nagsalita sa amin. Nakatitig lang kami sa isa’t-isa tila pina pakiramdaman ang bawat isa. 
“I miss you, Riri.” 
As he called me with that name. I already knew who he was. 
Nobody ever called me with that name. Only my childhood friend slash sweetheart calls me by that name. 
Siya ba talaga ‘to?
Hindi na ba ako pinaglalaruan ng tadhana?
Is he real?
My tears swell up as I stare at him. Humarap siya sa akin at inabot ang pisngi ko gamit ang dalawa niyang kamay. He wiped my tears aways with the use of his thumb. 
I don’t know what happened to me but all I ever did was cry in front of him. I cried like a baby in front of him. He didn’t say anything. Niyakap niya lang ako at hinayaan na umiyak sa dibdib niya. 
“Shh… I’m sorry for making you wait.”
“I’m sorry for leaving you without saying goodbyes… I have reasons rin kasi.”
Hinaplos niya ang likod ko habang pinapatahan ako sa pag-iyak. 
“I don’t want to say goodbye cause goodbyes are sad—”
“Goodbyes means going away, and going away means forgetting.” He softly said as he patted my head. I cried even more as he said that. Napahawak na rin ako sa laylayan ng damit niya. I hold it tightly like my life depends on it. 
“I don’t want to forget you kaya I choose to leave you without saying anything. And I regret it cause I realized that I’m being selfish. I didn’t consider your feelings. I realized that I’m such a jerk— a selfish jerk to be exact. I’m sorry, riri.”
“I know that saying sorry wouldn’t change the fact that I left you for years. I also know that I  give you so much pain, however I promise you that I will make it up to you. But riri…..” lumayo siya sa akin kaya naman magkaharap na kami. 
“Will you let me start all over again?”
— end.
2 notes · View notes