#wanwaves
Explore tagged Tumblr posts
wanwaves · 1 year ago
Text
Tumblr media
Gusto ko ibigay — wonmina fic.
solana note: not proofread. might contain typographical and grammatical errors. written in tagalog. enjoy reading! :)
Madilim
Makipot
Mainit
Magulo
Apat na salitang nababagay upang ipaliwanag ang buhay ni William. Tulala lang si William habang nakatingin sa ngayong sira na kisame sa ibabaw ng munting apartment na inuupahan niya.
Hindi makatulog kakaisip kung ano ba dapat ang gagawin. Bibitaw o ipagpatuloy kung ano man ang namamagitan sa kanila ng kasintahan niyang si Maureen. Litong lito na siya. Hindi niya na alam kung ano ang tama. Kung ano ang dapat mas manaig. Ang ipagpatuloy o ang bumitaw?
Gusto niya kumapit, pero alam niya na kapag ipagpapatuloy niya ang kung ano man ang meron sila, silang dalawa lang rin ang mahihirapan.
Maririnig mula sa labas ng bintana niya ang ingay na galing sa mga dumadaan na tricycle at tao. Ipinikit ni William ang mga mata niya. Tahimik na pinapakinggan ang bawat ingay na galing sa magulo niyang mundo.
Mundong ayaw niya maranasan ng minamahal niya.
“Gusto ko ang ganitong simpleng buhay.”
Sabi ni Maureen habang nakahiga sa braso ni William. May magandang ngiti sa labi. Kumikislap rin ang mga mata nito habang nakatingin sa kisame na nilagyan nila kanina ng mga umiilaw na bituin.
Mapait na ngumiti si William sa tuwing naalala niya ang sinabi ng nobya tuwing bumibisita ito sa munting bahay na inuupahan niya.
Sa totoo lang hindi niya gets kung bakit nasabi iyon ng nobya niya. Hindi niya gets kung bakit gugustuhin nito maranasan ang simpleng buhay kung sa gayon okay naman ang buhay na meron siya. Hindi naman sa hinuhusgahan niya ang nobya niya, ang hindi niya lang talaga maintindihan ay kung bakit gusto nito maranasan ang paghihirap.
Kasi sa totoo lang kung si William ang tatanungin, gusto niya ibigay ang buhay na nararapat para kay Maureen. Buhay na malayo sa kung ano man ang meron kay William.
Nanliliit si William sa sarili lalo na noong napagtanto niya na sobrang layo nila sa isa't-isa. Para sa kanya nasa langit si Maureen, habang siya nasa lupa.
Sobrang layo at higit sa lahat hindi sila bagay.
Sino ba naman kasi ang mag-aakala na magkakagusto siya sa anak ng amo niya. Hindi niya naman ito pinagplanohan at higit sa lahat hindi niya rin inakala na matatamaan siya ni cupido.
Hindi naman problema ni William ang estados niya sa buhay noon. Hindi niya naman dinidibdib kung bakit ganito lang ang kaya niyang abutin sa buhay. Hindi niya naman hinahangad ang magarbong buhay. Gusto niya lang ang mapayapa at masaya na buhay.
Alam niya na hindi nila kasalanan kung bakit ganito lang ang kaya nilang maabot sa buhay. Ginawa naman nila ang lahat upang maiangat ang mga sarili nila sa kahirapan. Hindi nagkulang ang mga magulang niya sa pagbibigay sa mga bagay na gusto niya. Pinaaral pa nga siya sa magarbong eskwelahan kahit na sobrang wala na sila.
Para kay William hindi naman sila ang rason kung bakit mahirap lang sila kasi binigay naman nila ang lahat ng makakaya nila upang bumangon para sa kinabukasan nila. Pero kahit na anong bangon nila kung wala talagang supporta galing sa mas nakakataas, lulubog parin ang lahat.
Kuntento na siya sa kung ano man ang meron siya. Pero lahat ng ito gumuho noong harap-harapan siyang tinanong ng mga magulang nito noong umakyat siya ng ligaw.
“Ano kaya mong ibigay sa anak namin bukod sa bulaklak na halata namang pinitas mo lang sa tabi?”
Sa mga oras na yun hindi maiwasan ni William manliit sa sarili. Nahihiya siya. Hanggang ngayon naalala niya parin kung paano niya hawakan ng mahigpit ang bulaklak na binili niya sa kanto ng inuupahan niya gamit ang konting pera na natitira sa bulsa.
"Hindi pa ba sapat ang pagmamahal? Kung sa iyon lang ang kaya niyang ibigay sa ngayon?" Tanong ni William sa sarili.
Aminado siyang nabastos siya sa mga oras na yun. Kung hindi lang nagsalita si Maureen sa mga oras na yun siguradong umalis na si William sa bahay nila.
Hindi lang ito ang unang beses na nakatanggap siya ng mga masasakit na salita galing sa mga magulang ni Maureen. Sa tuwing dumadalo siya sa bahay ng nobya niya hindi nakakaligtas sa pandinig niya ang mga panlalait na lumalabas sa bibig ng mga magulang ni Maureen.
Actually, hindi niya naman ito pinapansin noon. Determinado naman siya na ipakita sa mga magulang ni Maureen na may ikakabuga siya. Na kaya niya naman panindigan si Maureen at kaya niya ibigay ang buhay na nararapat para kay Maureen.
Pero dumating ang araw kung saan nawawalan na siya ng pag-asa sa sarili. Sunod-sunod ang naging problema ni William. Hindi niya inakala na kukunin ng maaga ang Tatay niya. Ang tatay niya ang isa sa rason kung bakit patuloy parin siyang lumalaban sa buhay. Ang taong inspirasyon niya.
Nalunod sila ng pamilya niya sa utang. Nagkasakit pa ang nanay niya at bilang nag-iisang anak. Kailangan ni William tumayo bilang sandigan ng nanay niya. Pero sa kabila ng lahat ng yun napapabayaan na rin William ang sarili niya. Pati ang relasyon na meron siya.
Gaya ng pagkagusto niya kay Maureen, wala rin sa plano niya ang bumitaw.
Gaya ng sabi niya kanina hindi niya gusto bitawan ang taong mahal niya.
Masakit isipin na humantong siya sa ganito klaseng desisyon. Pero masisi mo ba William kung siya mismo, hindi niya na rin alam kung ano pa ba ang kaya niyang ibigay kay Maureen, kung gayon wala na nga rin siyang maiibigay para sa sarili niya?
Kahit na masakit kailangan niya bumitaw.
Nakapikit niyang kinapa sa gilid ng kama niya ang cellphone. Noong makahawakan niya na ito idinilat niya ang mata at bumungad sa kanya ang larawan ni Maureen sa lockscreen.
Hindi ko pa pala napalitan. Tanging sabi ni William sa sarili.
Tinitigan niya ang larawan ni Maureen. Nakapikit ang mga mata nito habang nakayakap sa teddy bear na nabunot ni William sa peryahan.
Malungkot na napangiti si William noong maalala niya kung paano pinapahalagahan ni Maureen ang teddy bear na yun. Pasensya na mahal kung hanggang yan lang kaya kung ibigay sa'yo.
Wala sa sarili niyang binuksan ang gallery. Tumambad sa kanya ang mga litrato at videos nila. Habang pinapanood ang lahat ng laman sa gallery hindi niya na namalayan umiiyak na siya. Tinakpan niya ang mukha gamit ang palad. Pinipigilan ang sarili sa paghikbi pero kahit anong pigil niya hindi parin nito napipigilan ang sakit na nararamdaman niya sa ngayon.
Bumalik ang tingin niya sa litrato ni Maureen na nakangiti. Napakalawak ng ngiti nito. Ito ang klaseng ngiti na gusto niya makita araw-araw. Ngiti na gusto niya makita tuwing umaga hanggang gabi. Napabuntong hininga siya at niyakap ang sarili.
“Pasensya na, hal. Pangako ko balang araw maibibigay ko sa'yo ang lahat ng gusto mo. Mapa simpleng buhay na puno ng pagmamahal at tiwala man gaya ng gusto mo.”
Doon lang napagtanto ni William ang lahat.
Ngayon niya lang naiintindihan kung bakit hinihiling ni Maureen ang simpleng buhay. Lumaki nga si Maureen sa luho pero hindi naman nito naramdaman ang pagmamahal at tiwala galing sa magulang.
Malungkot ito pero simula nang makilala niya si William naging masayahing tao na ito. A person full of love and too much love to give.
Maureen,
A perfect definition of someone who Williams wants to love and cherish habang buhay.
“Magiging madali rin ang lahat. Hintayin mo ako. Ibibigay ko sa'yo ang buhay na nararapat sa'yo. Kasi gusto kong ibigay ang buhay na gusto mo kaya sana hintayin mo ako.”
4 notes · View notes
wanwaves · 3 years ago
Text
Lay Your Head On Me
Tumblr media
solana note: not proofread. contains typographical and grammatical errors. written in taglish. enjoy reading!
“My, g-graduate na ako.”
I stopped what I was doing when he broke the news to me. Nilingon ko siya at nakita kung nakangiti siya sa akin. Ngumiti siya ng parang bata sa harapan ko. Halata rin sa mga mata niya ang pagpipigil ng luha. 
My feelings were all over the place. I’m happy and excited when I heard him say that.
I couldn’t stop my tears from falling down. He looked at me with so much adoration. I saw different kinds of emotions in his eyes. He is proud and at the same time relieved that he finally made it. 
My emotions got into me. Hindi ko mapigilan hindi maiyak at yakapin siya ng mahigpit. He hugged me tightly as much as I hugged him. 
“Finally g-graduate na ako My.” his voice was shaking and I could feel his heavy breath on my neck. 
“Congrats dy. I know you would.” I said while sobbing. 
He laughed at me. Lumayo kami sa isa't-isa. Tumingin ako sa kanya at ganun na rin siya sa akin. My heart swells when I see his tears streaming down his cheeks. 
“I wouldn’t make it without your help. Thank you for being my source of strength.” he said lovingly. He reached and laid his palms on my cheeks. 
“Thank you so much. I love you.” 
I closed my eyes as he kissed my forehead. 
After he told me the news, we celebrated together. Kumain kami sa labas to celebrate his success. We did the things that couples normally do on dates. 
“Ikaw ang escort ko sa pagkuha sa diploma My ha.” He said in the middle of eating. I frowned, clearly not liking what he said. 
“Huh? Bakit naman ako? Diba dapat ang parents mo?” 
I noticed how his eyes changed when I mentioned his parents. His jaw clenched. 
Pinipigilan ang sarili na magmukhang malungkot sa harapan ko. But when he saw that I was looking at him bumalik ang ngiti sa labi niya. Pero kahit na nakangiti siya alam ko na hindi siya okay. 
Something is bothering him. He can never lie to me and he knows that. 
"Are you in the right state of mind to share what's bothering you?"  I ask. He stared at me for a while. Halatang iniisip kung sasabihin niya ba sa akin but nevertheless he still did. 
“Ayaw ko lang na sila sumama sakin. You know them naman diba? They wouldn't care sa'kin." 
I don't want to say something that would hurt his feelings, but I also don't want him to hold grudges against his parents. 
"How will you know if hindi mo susubukan?" 
Umiwas siya ng tingin sa akin. He tried his best to stop his tears from falling. 
Alam kung hindi siya komportable pag-usapan ang issue na'to pero hindi naman magandang iasa nalang ang lahat sa tadhana. Kahit na iwasan namin to dadating pa rin talaga ang araw kung saan kailangan namin pag-usapan ang ganitong bagay. 
"They're still your parents, Dy. Kahit man baliktarin natin ang mundo, they still have the right to know that their bunso is now graduating."
We talked about it for a while. Hindi ko alam kung ano ang tumatakbo sa isip niya. He was just staring at me. He didn’t say a word but I understand what he felt. Hindi madali ang lahat. Madali man sabihin ang lahat pero alam kung mahirap itong gawin lalo na’t he is not that close sa mga magulang niya.
I cannot force him if he really doesn’t want to. Kaya in the end hindi ko na siya pinilit. 
Two passed and nalaman ko nalang na sinabi niya na pala sa parents niya ang balita. I was happy that he finally had the courage to say it to them. But I was disappointed with how they reacted. 
They didn’t congratulate him. Instead they made fun of him. 
He came to me crying. My heart swells as I listen to him silently sobbing in my arms. I also felt bad because I was the one who encouraged him to share the news with them. 
"Sana hindi ko nalang talaga sinabi sa kanila My. Look what happened. Pinagtawanan lang ako."
"My older sister even asked kung bakit ako naka graduate. Tapos si Mama hindi naniniwala kasi hindi daw halata na pumasa ako." 
I felt bad because he had to hear all of those insults. Hearing him say all of the things they said breaks my heart. 
He didn’t deserve all of those bullshits. 
Hindi nila alam kung ano ang sacrifices na ginawa niya para lang makapagtapos siya. He did all his best kasi gusto niyang patunayan na may mararating siya. 
Ever since nakapagtapos siya ng Junior High hindi na siya pina-aral ng mga magulang niya. Hindi na siya pinaaral kasi they already pictured and image of him. They already pictured him as a tambay, bulakbol, at basag ulo.
They didn’t believe in him. 
Wala silang pag-asa sa kanya kasi daw bunso siya. His parents always believed na mas mahalaga ang mas nakakatanda nitong kapatid kasi ito mismo ang mag-aahon sa kanila sa kahirapan. 
They always believe na walang mararating si Won kasi palagi itong naglalayas sa bahay. But ang hindi nila alam naghahanap na ito ng trabaho para lang hindi siya matigil sa pag-aaral. He graduated without the help of his parents. Hindi siya humingi ng tulong sa mga magulang niya or sa kung sino man. He succeeded with his own hard work.
To be honest, I was really against sa idea niyang maging working student. Kasi I was worried na baka hindi niya magawang pagsabayin ang pag-aaral at pag trabaho. 
My parents even offered to help him kasi they also wanted him to focus on his studies and they didn't mind paying for his tuition fees pero he still declined their offer. He honestly told them that he can do it. We just need to believe and support him and he was right. He made it in the end. 
He deserves better. He deserves to be treated with respect kasi tao rin siya at may nararamdaman rin siya. I'm disappointed that his family couldn't even give it sa kanya. 
“Nobody cares and I’m all alone now.” 
Tumulo na ang luha ko. Hindi ko na ito magawa pang pigilan dahil ramdam ko ang sakit sa bawat bigkas niya sa mga salitang ‘yon. 
“Shh… I’m here. You still have me. You are not alone.” 
He cried and I just let him. Everything is new to me. Hindi ako sanay makitang umiiyak siya. This is the very first time I saw him cry. And tama nga sila. 
Tama nga sila na hindi iiyak ang mga lalaki kung hindi sila napupuno. They tend to hide their emotions kasi they want to appear strong in front of everyone but in reality they are also fragile. Para rin silang glass na kailangan ingatan at alagaan. 
They also feel pain. They have emotions and they get hurt. And that makes them strong and dependable. 
I comforted him and I let him cry in my arms. I never left his side kasi ako nalang ang meron siya. Ako nalang ang nakakaintindi sa kanya. And hindi ko gustong maramdaman niyang nag-iisa siya in his dark days. We stayed in that position until he fell asleep. 
“No one will hurt you now Dy. I’m here and I will always believe in you and I know that soon you will be healed from all the pain you've been feeling. I love you. Just hold tight my strongest soldier.” I whispered as I caressed his face with the use of my thumb.  
Graduation day. The gate to his new journey in life. 
We are all excited and happy sa achievement niya. My family was proud and happy for him. Napasobra pa nga kasi kami talaga lahat ng family members ko ang umattend sa graduation niya. 
Papa was the one who escorted him earlier. Hindi nakaligtas sa paningin namin ang masaya na may luha niyang mata kanina habang naglalakad katabi si Papa. 
Kahit hindi niya sabihin alam naming masaya siya dahil nandito pa rin kaming mga naniniwala sa kanya.
“Aries William Buenaventura.”
My heart was pounding as I watched him accept his degree diploma. Narinig ko ang pag-iyak ni Mama sa tabi ko, sinabayan naman ng pang-aasar ng kapatid ko habang si papa naman pinagtawanan lang sila. 
Hindi ko sila pinansin. I was just focused on him. I watch how he searches for us in the crowd as he faces the audience. 
A faint smile escapes into my lips as our eyes locked. 
He smiled at me as he raised his diploma. Showing that he finally made it and no words can express how proud and happy I am. 
Even without his family, I hope naramdaman niya na may nagsusuporta pa rin sa kanya. Sana maramdaman niya na nandito pa rin kami para sa kanya.
My strongest soldier finally did it. All I could wish now is for him to be happy and proud of what he achieved. He has come too far and I’m glad that I could witness him achieve all of those dreams. 
--- end.
3 notes · View notes
wanwaves · 3 years ago
Text
Hello, Welcome to my account.
Before you follow me please be reminded that this account is solely for 'wonmina' I created this account for entertainment and for me to showcase my writing skills and to further improve my writings.
I'm still an amateur writer and still in the process of learning. I know that I have a lot things that I need to improve in terms in writing, but I do hope that you will enjoy reading all of my works.
Disclaimers that you should read before reading my works :
My works may contains typographical, grammatical, profanities that may be sensitive to the readers eyes. I'm sorry if I may forgotten to put a warning signs on those scenes that are disturbing.
Most of my works will be written in taglish (tagalog & english)
The characters in my works are not affiliated to the portrayers in real life. Let's learn to separate fictions in real life.
If I did something wrong please don't hesitate in messaging me through dm.
Updates will depend on my mood. As much as possible please don't pressure me in making an update. I want to write at my own pace.
All likes and comments are highly appreciated by the me.
Lastly, Do NOT copy, translate or repost my works on other social media platforms. Learn to be respectful.
Thank you and have fun reading!
About me!!
Name: Wanna
Pronouns: She/her
Nationality: Filipino
Age: 20 years old
Mbti: INFJ
3 notes · View notes