lunerianight
"Bright as the moonlight."
62 posts
Hi. I'm Nica Joyce Perdigon. :) Here are compilations of my writings. I hope you like it.
Don't wanna be here? Send us removal request.
lunerianight · 2 years ago
Text
#streetphotography #photography #canondslr #bnw #blackandwhite
Tumblr media
8 notes · View notes
lunerianight · 2 years ago
Text
Pwede bang magpahinga muna ako?
Sa pagpapanggap na ako'y matapang.
Sa pagtatago ng mga sugat na pilit kong pinapagaling.
Sa mga bulungan na walang tigil na sumisira sa akin.
Pahinga muna.
Huminga ng malalim sa ilalim ng buwan at mga bituin.
Isagaw lahat ng hinanakit.
Ibato ang galit papunta sa dagat gamit ang buhangin.
Lumuha hangga't sa wala ka ng maiyak pa.
Sumigaw hanggang sa wala ka ng marinig na boses na lumalabas sa iyong bibig.
Ayaw kong mapagod.
Kaya magpapahinga muna ako.
Huwag mong asahan na babalik ako.
Huwag mo akong habulin dahil mas lalayo lang ako.
Huwag mo akong yakapin dahil madudurog lang ako.
Hindi ba't ganito naman ako?
Paulit-ulit na tumatakbo kahit hindi ko na alam kung saan ba ako patungo.
Mas madali kasi kapag ganito.
Pero gusto ko ring lumaban.
Gusto kong ipaglaban.
Samahan mo naman ako?
0 notes
lunerianight · 2 years ago
Text
09/27/22
Maybe I was just a little too selfish sometimes. I only think about what I feel when I'm clouded and I never asked other people how were they doing.
0 notes
lunerianight · 2 years ago
Text
9/23/22
Hi,
I'm scared that I might kill myself someday. My suicidal thoughts are here again
#personal
0 notes
lunerianight · 2 years ago
Text
09/21/22
Maybe I just don't know what enough is..
0 notes
lunerianight · 2 years ago
Text
Posting this before my body dysmorphia kicks back in.
Tumblr media
2 notes · View notes
lunerianight · 2 years ago
Text
09/11/22
My bestfriend doesn't know that I feel like I'm a burden to the people I love.
#personal
0 notes
lunerianight · 2 years ago
Text
9/9/22
I hope you tell me you want to be with me too..
0 notes
lunerianight · 2 years ago
Text
09/09/22 6:36AM
I'm just tired of everything. If only I can lash out on people bc of this anger inside me.. #personal
0 notes
lunerianight · 3 years ago
Text
How would you know that she's fading away?
That's when you couldn't see the stars in her eyes anymore whenever she see you.
That's when she doesn't talk too much about how her day went and what's on her mind.
That's when she keep on nagging you from the little things that she notices when she's with you.
That's when she only do things for you because she's used to it.
And you wouldn't see that anymore.
You'll only see the things that you did for her and the effort that you spent to her.
Because like everyone else you'll believe on what you see without even asking her.
Are you sure that she's happy?
Are you sure that she wants to be with you?
Are you even sure that she loves you too?
She will keep on trying but everyone knows she'll get tired and she did.
You let her slip away from your hand when all that she wants is for you to hold her tighter.
You let her go away when she only wants you to push her to stay.
She was so used on being alone.
She doesn't care if you left like everyone else.
She's used to it and yet you didn't saw it.
Like everyone else you chose to close your eyes and let her do it her own way.
Let your emotions consume you, push her away and hate her because that's what she wants you to do.
She will do it all over again.
Let her trick you and leave her again.
----
05/31/18
Title: Wind
Written by Luneria
0 notes
lunerianight · 3 years ago
Text
Sa Aking mga Berso
Hayaan mong ipakilala ko ang sarili ko.
Hindi sa paraang nais mo na para bang tumatahak ka sa kalyeng liko-liko
Nais ko lamang na malaman mo,
Hindi mo ako kilala.
Oo, maaaring alam mo ang pangalan ko.
Kilala mo ba ako?
Kung ang sagot mo ay oo, nagkakamali ka.
Ako ay ang aking mga berso.
Bawat letra at salita na isinusulat ko.
Ay siyang sumasalamin sa aking pagkatao.
Bawat salita na iyong mababasa ay para bang pagtingin mo sa aking mga mata.
Kahit pa magsuot ng maskara, makikita't makikita ang aking nadarama.
Sa tuwing nababalisa at mag-isa, ballpen at papel ang aking kasama.
Ito ay naging paraan din ng pagtakas upang hindi tuluyang lamunin ng dilim at mabawasan ang pag-aalinlanga't pangamba.
Ito rin ang aking instrumento na nagbibigay buhay.
Ito rin ang nagpapaalala sa mga peklat na nakalapat sa aking balat na siyang natamo ko sa walang katapusang gera.
Dito mo makikita ang mga salitang hindi ko maisambit.
Ang mga bagay na aking isinilid.
Dito mo ako makikita.
Dito ako, ang ako na walang maskara.
Ang ako na walang suot na saplot.
Ang ako na hindi mo na kailangan pang tanungin upang malaman mo.
Ang ako na siyang sinasabi mong kilala mo na.
Para akong ibon na nakakulong sa hawla at pilit na humahanap ng butas upang makalipad at maging malaya
Para bang ako'y lumalangoy sa isang malawak na dagat.
Umuusad ngunit nalulunod na bago pa makarating sa dalampasigan.
Ngunit hindi ako titigil sa paghahanap ng labasan sa hawla na ito.
Hindi hahayaang mapagod at hindi hahayaang malunod.
Hindi ko ito tatakasan at patuloy ang paghahanap sa liwanag.
Patuloy na gagamitin ang aking instrumento.
Hahayaan kong makita mo.
Ito ako at ito ang paraan ko upang makatakas dito.
Tula nila: Nica Joyce Perdigon & Jasmine Rose De Vera
2/2/16
2 notes · View notes
lunerianight · 3 years ago
Text
Paano ba bumitaw--
ng mga litanya na nagpanatili sa sakit na nadarama?
Mga letra na bumabagabag sa pagnanais kalimutan ka.
Paano ba bumitaw--
At pilitin ang puso na kalimutan ka?
Ang pagpipilit sa sarili kahit nasasaktan na.
Paano ba bumitaw--
Sa mga bagay na ninanais ko pa ring manatili?
Ang bagay na pumunit sa akin dahil sa hindi mo pagpili.
Paano ba bumitaw--
Sa mga bagay na hindi ko naman talaga napanghawakan?
Bagay na ako lang ang nag akalang walang katapusan.
Paano ba bumitaw--
Ang mga kamay na hindi nagnanais na kumaway ng pagpapaalam?
Ang pagpapaalam sa pag-ibig na hindi mo na pala ramdam.
Paano ba bumitaw--
sa memoryang inukit mo dito sa aking isipan?
Mga memoryang dumudurog sa nananatiling dahilan.
Paano ba bumitaw--
Sa mga yakap mo na naging kanlungan ko?
Yakap mo na sumakal sa pagkakakulong ng puso.
Paano ba bumitaw--
Sa mga halik na nangungulila sa pagtugon?
Sa halik na ako na lang pala ang nasa relasyon.
Paano ba bumitaw--
sa pag-asa na nililinaw kahit ito'y malabo?
Pag-asang tumupok sa nalalabi kong mga abo.
Paano ba bumitaw--
Kung wala naman talaga akong pinanghahawakang ikaw?
Paano nga ba ako bibitaw--
Sa nararamdaman kong ayaw pang umayaw?
Paano ba ang pagbitaw?
Paano ba maging ikaw?
-potpot-
Bitaw na--
Sa taling nagkokonekta sa ating dalawa.
Pati na rin sa mga pangakong hindi na matutupad pa.
Bitaw na--
Sa bawat letra ng aking pangalan.
Hindi man gustuhin ngunit kinakailangan.
Bitaw na--
Hindi mo ba nakikita na tayo'y nagkakasakitan na?
Imbes na maging masaya ay palagi ka na lamang lumuluha.
Bitaw na--
Sagabal lang ako sa mundo mo sinta.
Hindi tayo para sa isa't-isa at darating ang taong sayo'y magpapaligaya.
Bitaw na--
Buksan ang iyong pakpak at maging malaya.
Hindi ka nararapat na nakakulong dito sa aking hawla.
Bitaw na--
Upang tumigil na ang unos dahil ayaw kong ikaw ay maubos.
Ayaw kong ako'y iyong mahalin ng lubos.
Bitaw na--
Nagpapasalamat akong ika'y aking nakilala.
Hindi mo pa ako ganoon kakilala.
Bitaw na--
Dahil sisirain lang kita.
Ayaw kong masira ka.
Bitaw na--
Mahal ako'y pakinggan.
Ito ang ating kailangan.
Bitaw na--
Huwag sanang isipin na hindi kita minahal.
Ngunit hindi na tayo pwedeng sumagal.
Bitaw na at maging malaya.
Upang hindi na madagdagan ang mga marka.
Huwag ng dagdagan ang sugat na naimplika.
Tama na mahal, bitaw na.
-Nica Joyce Perdigon-
2 notes · View notes
lunerianight · 3 years ago
Text
ULAN
"Noong minahal kita, maaraw ang panahon noon
Walang bahid ng mabigat na ulap o nagbabadyang masamang panahon
Maaliwalas ang langit, at mainit ang dampi ng araw—
Parang mga halik mo, parang mga yakap mo sa akin na ayaw mong bumitaw
Pero kasabay ng pagbago ng pagtingin mo sakin ay ang pagbago ng panahon
Ang dati'y kulay bughaw na kalangitan ay napalitan ng itim na ulap at paunti unting ambon
Pero di ako nagpatinag sa kakaunting patak at di ako naghanap ng silong
Nanatili ako sa tabi mo kahit wala akong dalang payong
Lumakas ang ambon at dumating ang ulan
Oo basang basa na ang mga pisngi ko't damit pero di parin kita iiwan
Dumating man ang bagyo, andito lang ako't patuloy na mag aantay sa pagsikat ng araw
Kahit na imposible pang bumalik yung dating ako't ikaw."
-Christian Pulga
"Noong nakikilala kita, malakas ang bugso ng ulan.
Nagkataong wala akong dalang payong at masisilungan.
Agad kang lumapit at ako'y iyong pinayungan.
Ngumiti ka sa akin ng walang pagaalinlangan at sa paglipas ng panahon ay nahulog ako sayo ng tuluyan.
Ngunit kahit pala anong gawin ko ay hindi ko na matatakasan.
Kahit sumilong ay mababasa at mababasa pa rin ng ulan.
At dahil sa lamig nitong dala ay tila ba katawan ko'y namanhid na at wala na akong maramdaman.
Kung ako sayo'y umalis ka na dahil wala na itong patutunguhan.
Matigas ang iyong ulo at mas pinili mong manatili.
Kahit na ako nalang ang nakasilong ay ako pa rin ang iyong pinili.
Kahit na basang-basa ka na at kahit pa siguro magkasakit ka.
Mas pinili mo paring mabasa kahit wala kang kasiguraduhan kung saan ito mapupunta.
Umuwi ka na't hindi na kita kailangan pa.
Ang ulan ay dapat na matapos na.
Pangako, darating ang araw at hindi ka na mababasa."
-Nica Joyce Perdigon
0 notes
lunerianight · 4 years ago
Text
0 notes
lunerianight · 6 years ago
Text
Plan
I was planning to kill myself.
Yes, I do.
Like it's a good thing.
I'm just tired of escaping reality.
Tired of everything.
Can I go home now?
To the darkness where I really belong.
Where there is no pain.
Nothing to cry at.
Maybe, I hate myself more.
No one to talk to.
Let it all go away.
I'm just a misfit in this world.
Everybody hates me.
But it's okay now.
It will be.
I don't care anymore.
0 notes
lunerianight · 6 years ago
Text
Galit ako sayo.
Oo, galit na galit ako sayo.
Sa mga bagay na pilit mong pinapatunayan na pagkakamali ko kahit hindi ko naman ginawa.
Sa mga kasinungalingan na patuloy mong pinaniwalaan kahit hindi mo pa naririnig ang boses ko na pilit na isinisigaw ang pangalan mo.
Dahil gusto kong makinig ka.
Gusto kong patayin mo ang apoy na ikaw ang nag-umpisa.
Ngunit sino nga ba naman ako?
Isang babae lang naman ako sa nakaraan mo.
Nakaraan na ayaw mo ng marinig at makita.
Nakaraan na matagal mo ng sinira.
Nakaraan na ayaw mo ng balikan pa.
Hindi ko naman hinihiling na bumalik ka.
Ayaw ko na.
Sa mga kasinungalingan mo.
Sa mga pangako mong pinako mo.
Sa mga sugat na nagmistulang peklat sa katawan ko.
Pilit na nagpapapaalala na kailangan kong maging matapang sa mundong ito.
Kahit wala ka.
Mag-isa akong naglakbay at hindi kita kinailangan pa.
Dahil galit ako sayo.
Galit na galit ako.
Gusto kong isulat ang pangalan mo sa papel at sunugin ito.
Ngunit mas pipiliin kong tumahimik at lumayo.
Mas pipiliin kong masira sa paningin ng iba dahil ayaw ko ng gulo.
Pagod na akong magpaliwag at linisin ang pangalan ko.
Matagal naman na akong sira.
Kung alam ko lang na lalala nung pumasok ka sa buhay ko ay hindi na sana kita pinapasok.
Kaya gagawa ako ng bagong kabanata.
Kakalimutan kita.
Pati na rin ang mga taong sa atin ay nakakonekta.
May karapatan rin naman akong maging masaya, hindi ba?
Hayaan mo na ako.
Manahimik ka na rin at patunayan mo na mali ako.
Mali ako na mas malala ka pa sa mga anino sa panaginip ko.
0 notes
lunerianight · 6 years ago
Text
Sana nga ganoon nalang kabilis lahat, yung tipong itutulog mo nalang tapos lahat ng panggagago niya makakalimutan mo na.
No flashbacks, no doubts and no trust issues.
Kaso hindi, bigla ka nalang mumultuhin ng kahapon.
Ang hirap buohin sarili mag-isa pero mas maigi.
Alam ko kasing kapag ikaw mismo bumuo sa sarili mo kapag may nawala ulit sayo, hindi mo na iisipin na sirain ulit yung sarili mo.
Ang hirap magtiwala ulit sa iba.
Ang hirap buksan ng pinto sa iba.
Ang hirap pero patuloy pa din ako.
Hanggang sa onti-onti na akong maging maayos.
Kasi lahat ng naman may dulo at lahat may hangganan.
0 notes