#pinoyleadership
Explore tagged Tumblr posts
22hrdm · 4 years ago
Text
AVOID STEPPING INTO A GREAT MAN’S SHOES.
A new business owner called me to seek for advice.
Sabi niya, "Namatay ang tatay ko last friday at inilibing na siya kanina. My father owns an electronic device company at sa pagpanaw niya, ako ang nakatakdang pumalit sa puwesto niya. Natatakot ako na baka hindi ko magawa 'yung mga accomplishment ng father ko. Natatakot ako na baka umalis 'yung ibang investors namin o kaya hindi ko mamanage mabuti 'yung company at bumagsak. What should I do?"
Sabi ko, "Avoid stepping into a great man's shoes. Iba ka at iba din ang father mo. It's useless to compare yourself to your father. Kung lagi mong iisipin 'yung mga accomplishments ng father mo at pipilitin mong pantayan o higitan maiistress ka talaga. Start all over again. 'Yung mga policy at strategy na ginawa ng father mo ay pwede mo pa rin gamitin pero huwag kang umasa na 'yung result na nakuha niya noon ay 'yun din 'yung result na makukuha mo. Puwedeng iba ang mangyari kasi nung ginawa niya ang mga 'yun wala pang epedemia noon kumpara ngayon. So as the new person in charge dapat iimprove mo pa ang mga policy at strategy ng company. Puwede ka din gumawa ng bago kung gusto mo. Alam ko napepressure ka sa sitwasyon mo ngayon. Hindi ka pa nga nakakarecover sa pagpanaw ng father mo tapos ikaw pa ang in chrage ngayon sa company na iniwan niya. Pero take it as challenge. Makakatulong din sa'yo ang pagiging busy para makarecover ka sa pagkawala ng father mo. Hindi ko sinasabi na agad-agad makakarecover ka pero atleast may effort ka na nalilibang mo 'yung sarili mo. Just remember that you are not there to fill your father's loss. You are there because the company needs someone who will lead. Hindi ka nandiyan para palitan ang father mo kasi kapag ganoon ang iisipin mo mabigat talaga 'yan so put it in your mind na hindi ka nandiyan upang siya ay palitan. Nandiyan ka upang ang kumpanya ay pamunuan. Stop comparing yourself to others even with your father. Kasi kahit magkadugo kayo, magkaibang tao pa rin kayo. Live to be yourself and not by other people's shadow."
-HR DM
0 notes
22hrdm · 4 years ago
Text
ORGANIZATION IS LIKE MARRIAGE.
A Marketing Manager called me to seek advice.
Sabi niya, "It's my second week as the new Marketing Managers and I am still in the adjustment period. Medyo hirap ako to work with my staff kasi nga hindi ko sila kilala and hindi din nila ako kilala kasi bago lang ako sa company and yet ito na agad 'yung position ko. Can you give me an advice on how to have a good working relationship with my staff?"
Sabi ko, "Kasal po ba kayo?"
"Oo. I've been married for 20 years." sabi ng manager.
"Natatandaan nyo pa po ba paano ninyo niligawan si Misis?" tanong ko sa manager.
Sabi niya, "Nung makilala ko si Misis, hindi ko agad siya naligawan kasi may boyfriend siya that time. Tapos hindi nagtagal nalaman ko na naghiwalay na sila kasi daw 'yung boyfriend niya noon halos walang oras sa kanya. Masyadong busy sa work. Kung hindi pa daw siya ang tatawag o dadalaw hindi pa sila magkikita. Nakakalimutan din daw nito ang birthday niya at anniversary nila. Kapag may mga performance siya kasi ballet dancer s’ya dati hindi daw nanonood ang boyfriend niya. Hindi daw niya nararamdaman ang support nito sa kanya. Kapag may mga achievements daw siya kinocongratulate naman daw siya kaso parang hindi bukal sa loob. Sa madaling salita wala sa kanya ang attention ng ex-boyfriend niya. Kaya naman 'yung mga pagkukulang ng ex niya ako ang pumuno at iyon ang susi kaya naging kami. Ang isang bagay lang na idinagdag ko at naappreciate naman niya is kapag may mali siya o dapat iimprove pa sinasabi ko sa kanya para aware siya. And after 20 years of marriage, iyon pa rin daw ang mga katangian ko na gustong-gusto ng asawa ko."
Sabi ko, "Kung paano ninyo niligawan ang Misis ninyo noon at bakit matatag pa rin ang relasyon ninyo hanggang ngayon, ganoon din ang gawin ninyo sa mga staff ninyo. Organization is like marriage. Kailangan ninyo ng oras sa isa't-isa para magusap, magkamustahan, magsabihan ng mga problema, magsuportahan, at pangaralan kung may nagawang mali. Ang pinakaimportanteng sangkap ng relasyon para magtagal ay oras, tiwala, at pagmamahal. Hindi ba sa isang pamilya dapat naroon ang tatlong iyan. Kasi kung wala ang tatlong iyan hindi iyon matatawag na pamilya kundi isang grupo lang. Be a leader and not just a manager. Matuto ka din makisama kasi kahit sabihin mo na manager ka ikaw ang bago sa grupo kaya dapat kunin mo din ang loob nila dahil kung hindi, hindi magkakaroon ng maayos na relasyon sa department na hawak mo. Tandaan mo na tao ka parin, at mga tao ang kasama mo kaya tratuhin mo sila bilang tao. Dahil walang manager na magaling kung ang mga tauhan niya ay laging may daing. Earn their trust, respect, and support. Hindi mo makukuha ang tatlong iyan ng hindi mo pinaghihirapan. Hindi mo makukuha ang tatlong iyan ng puwersahan. Reach out to them. Spend some time with them. Laugh with them. Cry with them. Celebrate with them. Make an effort. Because that is the only way that you can make your staff follow you unconditionally."
-HR DM
0 notes
22hrdm · 4 years ago
Text
MEASUREMENT OF TRUE H.R.
This past week marami HR staff ang nagpapacheck sa akin ng kanilang mga resignation letter. Nakakagulat lang na despite sa report ng DOLE na marami ng nawalan ng trabaho ay may iba pa rin na gustong dumagdag sa listahan.
When I asked them the reasons of their resignation the main problem is hindi na daw nila kaya ang pressure sa work.
Then I asked them, "bago ka magresign, nagawa mo na ba lahat ng dapat mong gawin para sa HR?"
Oo ang sagot nilang lahat sa akin. Pero ng tanungin ko kung sigurado sila hindi na sila makasagot.
Sabi ko, "Sige tignan natin kung nagawa mo na nga ba lahat sa HR kasi kung nagawa mo na lahat dapat nagawa mo na ang mga ito:
1) Halcyon Resources Halcyon means peaceful, calm, prosperous. Ang tanong, ang HR Department ba ay nagawa mong ganyan? Ang mga taong pumapasok diyan na balisa, mainit ang ulo, at naguguluhan ay lumalabas na payapa ang isip at kalmado dahil nalinawan sila sa mga bagay na hindi nila naiintindihan?
2) Hale Resources Hale means healthy, sound, robust. Ang tanong, may healthy conversation ba sa loob ng HR department? Kapag mainit ba ang ulo ng taong pupunta doon sasabyan mo din ba imbis na mahinahon mo siyang kausapin para kumalma? Nagagawa mo pa bang kontrolin ang emosyon mo sa kabila ng pagod at maraming iniisip? Well kailangan mong gawin. Mahirap pero kailangan.
3) Handy Resources Handy means useful, skillful, easy to manage. Ang tanong is that can HR department depend on you? Do you have enough skills to do the job? Kung wala eh di mag-aral ka. Mag-effort ka. Hindi 'yan instant na matututunan mo. Bago ka magreklamo na mahirap show some effort muna. Obey first before you complain. Kung meron ka naman ng skills iimprove mo pa. Always have room for improvement. Tandaan mo, mabilis magbago ang mga bagay-bagay sa HR dahil mabilis magbago ang mga pangangailangan ng tao.
4) Happening Resources May nagawa ka na bang mga activities to improve the performance of the employees? Tandaan mo na ang mga seminars, trainings, and equipments ng mga employees ay sakop mo. Concern ka ba sa improvement ng mga employees ninyo? Dapat lang dahil kung hindi sila mag-iimprove wala din improvement para maging mas competitive ang company.
5) Happy Resources Nagiging source ka ba ng happiness hindi lamang sa mga co-department mo kundi sa lahat ng pumupuntang mga tao doon? Oo hindi lahat tayo ay may kakayahang magpatawa pero lahat tayo ay may kakayahang magpasaya. Be the source of positive mindset sa company. Tandaan mo na bahagi ng HR ang coaching at counseling. Be the source of happiness in every employees. Tandaan mo na kapag masaya ang empleyado, gaganda ang serbisyo. Kapag maganda ang serbisyo lahat kayo aasenso.
6) Hard-working Resources Sa umpisa pa lang alam mo ng matrabaho sa HR. At walang nagsabi na madali ang trabaho dito. Kaya kailangan maging masipag ka. Tapatan mo din ng sipag 'yung sipag ng mga empleyado. Paano mo sila imomotivate kung ikaw nga mismo ay mabagal kumilos? Bawal sa HR ang tamad. Bawal sa HR ang makupad. Bawal sa HR ang mareklamo. Ang kailangan dito buo ang loob..
7) Hardy Resources Hardy means brave, courageous. Matapang ka ba na magsabi ng totoo kanino man, empleyado man management? Alalahanin mong ikaw ang middle man sa pagitan ng dalawang grupong iyan. Dapat hindi ka nila maimpluwensiyahan. Kailangan maging patas ka doon lamang sa tama. Matapang ka ba para alamin ang katotohanan? Matapang ka ba para maging takbuhan ng mga nangangailangan? Matapang ka ba na handang manindigan? Matapang ka ba na aminin na marami ka pang dapat matutunan? Sukatin mo ang tapang mo kung nararapat ka ba sa department na ito.
8) Healing Resources Kung may misunderstanding between the management and employees or even employees against their co-employees may ginagawa ka ba para maayos ang hindi nila pagkakaunawaan? Dapat aware ka na kapag may misunderstanding o conflict sa organization posible itong magkaroon ng effect sa performance ng organization. Habang maaga kung madadaan pa sa maayos na usapan eh di ayusin na. Dahil pare-pareho din kayong maapektuhan kapag ang gulo ay lumala pa.
9) Heartfelt Resources Sincere ka ba sa mga tauhan ninyo o wala kang pakialam? Mahalaga ang sincerity ng HR sa mga empleyado dahil dito natin mapapakita na nagagampanan natin ang ating tungkulin. Kung sincere ka sa mga employees, the moment may makita kang mali na ginagawa nila sabihan mo na agad sila bago pa nila ito makasanayan at tularan pa ng iba. Ipakita mo na may malasakit ka sa kanila.
10) Heedful Resources Heedful means watchful, attention, observation. Ang tanong inoobserbahan mo ba ang mga employees on their daily basis o ginagawa mo lang 'yun during evaluation? Tandaan mo na maraming dapat mailagay sa evaluation report na hindi nalalagay dahil nagoobserve ka lang during evaluation. Sabi ko nga kanina sa HR bawal ang tamad.
11) Hegemonic Resources Hegemonic means ruling, leading, controlling. Ang tanong nagagawa mo bang mapasunod ang mga employees sa mga policy ng company? Ikaw pa rin ba ang may control sa kanila o ikaw na ang kinocontrol nila? Understand the policy of the company, have your own way of explaining it to the employees, and take charge of them. Employees are like Lions, it is hard to tame them, but it is not impossible.
12) Helpful Resources Nasa HR tayo para tumulong hindi magpahirap pa lalo ng ibang tao. Huwag kang magsawang tumulong at umunawa dahil ikaw lang ang makakatulong sa mga empleydaong lumalapit sa'yo. Habaan mo ang iyong pasensiya at pag-unawa. Magpasalamat ka na lang na ikaw ang tumutulong hindi ikaw ang tinutulungan.
13) Hep Resources Hep means updated. Updated ka ba sa mga nangyayri sa company ninyo? Updated ka na sa mga bagong batas na may kinalaman sa mga karapatan ng empleyado? Bilang HR dapat updated ka lagi dahil ikaw ang unang-unang lalapitan ng mga employees kapag may bagay silang gustong klaruhin. Change is constant sa mundo ng HR so always observe and be updated.
14) Heralded Resources
Heralded means publicized or announce. Kapag may desisyon ang management na kailangan mong ipaalam sa mga empleyado, wag kang mag-alinlangan na sabihin ito sa kanila dahil karapatan nilang malaman ito. Maganda man o hindi ang balitang sasabihin mo ipaalam mo pa rin dahil mas mabuti ng alam nila ang totoo at bahagi pa rin 'yan ng iyong trabaho.
15) Heroic Resources BIlang HR handa ka bang magpakabayani? Ang isang totoong HR nagpapakabayani hindi para mapansin upang mapromote o madagdagan ang sahod. Nagpapakabayani siya kasi gusto niyang tulungan at protekatahan ang karapatan ng kumpanya at mga empleyado nito. Lahat ng totoong HR ay bayani dahil ang hangad nila ay tumulong sa kumpanya at mga manggagawa at hindi ang pagsamanatalahan sila.
16) Heteroclite Resources Heteroclite means unusual. Kaya mo bang maging iba sa iba? Kaya mo bang pumasok ng maaga at huling uuwi kahit walang dagdag sa iyong kita? Kaya mo bang imaintain ang iyong mativation kahit walang promotion? Magtatrabaho ka pa din ba ng maayos kahit hindi pumasok si boss? Maging iba hindi para mapansin ka kundi dahil iyon ang tama. Huwag kang umasa ng biyaya, hayaan mong Diyos ang magbigay sa'yo ng pagpapala.
17) Honest Resources Honesty is the best policy. Wala ng hihigit pa na kautusan kundi ang pagsasabi ng totoo. Tungkulin natin sa HR ilabas ang totoo sino man ang tatamaan. Huwag tayong pasilaw sa bulong ng iilan na ayaw ilabas ang totoo. Tungkulin natin sa HR ang maging patas at magsabi ng totoo.
18) Hopeful Resources Ang isang magaling na HR ay hindi lamang sumusunod sa policy ng company at labor code. Sumusunod din siya sa uto ng Diyos. Kung may department na dapat hindi nawawalan ng pag-asa HR 'yun. Pero aminin natin, hindi sapat ang policy at labor code to give us hope all the time. Kaya nga ang totoong HR ay kumakapit sa salita ng DIyos dahil higit itong mas makapangyarihan kumpara sa ano mang batas na gawa ng tao.
19) Humanitarian Resources Lagi kong sinasabi, hindi ka pwede sa HR kung hindi ka marunong magpakatao. Tao ang pinagsisilbihan natin. Tao ang binabantayan natin. Tao ang dahilan kaya tayo may trabaho. Tao ang dahilan kaya may nagtatayo ng negosyo. Ang tunay na HR hindi lang nagpapakatao kundi umaasal bilang tao. May malasakit, pag-unawa, pagpapahalaga, at higit sa lahat hindi nauudyukan ng mga masamang gawain ng iba.
20) Humble Resources Manatiling mapagkumbaba at mababa ang loob sa iba. Huwag hamakin ang mga walang alam bagkos ay turuan. Tumulong dahil ito ay ating tungkulin at hindi dahil may kapalit na darating. Maging bukas sa lahat ng tao at magbigay ng maayos na serbisyo. Manatling mahinahon kahit sa mahirap na sitwasyon. Manatiling matibay kahit marami na ang bumibigay. Maging matapang at huwag puro porma lang. Maging matalino ngunit bukas ang puso.
-HR DM
1 note · View note
22hrdm · 4 years ago
Text
CONTRACT.
It happened 4 years ago. Nagtuturo ako noon ng Recruitment and Selection sa mga 3rd year na HR students.
Sabi ko, "Hanggat maaari kung kayo ang gagawa ng final interview huwag ninyong gagawin on the spot ang interview. Hanggat maaari have a day to study the resume of the applicant. Lagyan ninyo ng highlight 'yung mga questionable at magandang point sa resume. Tignan ninyo 'yung kanilang mga seminars kung updated ba. Kasi 3 taon lang ang bisa ng certificate ng isang seminar. Paki check ang kanilang job experience kung consistent ba o may gap. Kung mayoroon gap alamin ninyo bakit wala silang work noon at ano ang ginagawa nila noong mga panahong iyon.Paki check ang kanilang mga references. Tignan ninyo kung ang mga nakasulat ba doon ay mga dati nilang immediate supervisor dahil kung hindi questionable iyon. Bakit hindi ang mga immediate supervisor nila ang nakasaad doon eh sila ang nakakakita ng performance nila? Now kung nakikita mong highly qualified talaga ang applicant ipahanda mo na rin ang contract. Para pagkatapos ng final interview mo sa applicant at nalinawan ka na sa mga questionnable sa resume niya magagawa mo siyang ihire at papirmahin ng contract on the spot. Bakit mo gagawin iyon? Para hindi na siya maagaw ng iba. Remember that hanggat walang contract ang employee na pinipirmahan you cannot consider them as your employee. Paano kung after ng interview mo sa kanya eh tawagan yan ng ibang company at offeran ng mas malaking sahod. They can easily change their mind kasi wala ka pang legal documents na pinanghahawakan. If you really see the applicant can be an asset to the company never lose your chance to have them in your organization. Tandaan ninyo na ang isip ng tao ay mabilis magbago lalo na kapag alam nila ang value nila. Kapag alam nila na they are highly qualified and deserve to earn more. Tandaan ninyo lagi na contract is the best legal evidence that your company and a certain individual had an agreement.Parang kasal iyan. Ang contract ang magpapatunay na ang isang tao ay may pananagutan na sa iba. Kaya huwag ninyong gagayahin 'yung ibang company na inaabot ng ilang buwan bago magawa 'yung kontrata. Contract will be your protection against other company who wants to get your employees. In employees part naman this will be their security that they are legally working for a certain company."
After the class nilapitan ako ng isa sa mga estudyante ko at may nilapag siyang folder sa mesa. Nang tignan ko ang folder may laman itong contract about being consultant of their student organization.
Sabi mo nga Sir, "If you really see the applicant can be an asset to the organization never lose your chance to have them." sabi ng aking estudyante.
"Pero hindi naman ako nag-aapply ha?" sagot ko.
"Hindi nga, pero inooffer namin iyan sa'yo at handa na ang kontrata. Pipirmahan mo nalang. Pasensiya ka na Sir, inaapply ko lang ang mga natutunan ko sa'yo." sabi ng estudyante ko.
Napangiti na lang ako at pinirmahan ang kontrata.
-HR DM
0 notes
22hrdm · 4 years ago
Text
REAL SERVICE PERSON.
It happened a year ago. Naimbitahan ako bilang isa sa mga panel of judges sa isang eskuwelahan. After the program, the school principal came to me and say's the school owner wants to talk to me. Sinamahan ako ng principal sa opisina ng may-ari ng school.
Pagdating namin sa opisina, pinaupo ako ng may-ari at sinabing kailangan nila ng pananaw ko. Iniabot sa akin ng principal ang isang folder na may lamang resume.
Sabi ng principal, "Nag-aaply ang applicant na 'yan bilang teacher."
"Ano'ng subject?" tanong ko.
"Statistics." sabi ng principal.
Tinignan ko ang resume at doon nakita ko na graduate siya ng Bachelor of Science in Statistics sa isang kilalang unibersidad at kasalukuyang kumukuha ng kanyang Masters Degree in Statistics. May 4 na taon din siyang experience bilang statistician. Pasado din siya ng LET. Napansin ko din na may mga sulat na ang resume. Palatandaan na nainterview na ang applicant.
"She's highly qualified." sabi ko.
"Yes she does." sabi ng owner.
"So ano ang problema?" tanong ko.
"She's an atheist. " sagot ng ower.
"Ok, so what is the problem?" tanong ko uli.
"That's the problem!" sabi ng owner.
"Sorry I don't get it. Paano ninyo nalaman na atheist nga siya? At ano ang releveance noon sa pag-aapply niya?" tanong ko.
"Inamin niya during the interview that she is an atheist. Kung mahahire siya this will be the first time na may magtuturo sa paaralang ito na atheist." sagot ng principal.
"Sa dating ng usapan natin wala kayong balak na ihire siya. So bakit n'yo pa kailangan ng pananaw ko kung parang may pasya naman na kayo.?" tanong ko sa principal.
"Nanghihinayang kasi kami sa galing niya. Pinagdemo namin siya at talagang naamaze kami. Nagagawa niyang gawing simple ang mga komplikadong term sa statistics. Iyon nga lang nung malaman naming atheist siya natakot kami na baka akayin niya ang mga estudyante namin sa kanyang paniniwala." sagot sa akin ng principal.
"Ok I will give my suggestion based on my personal experience. Ayaw kong magmagaling kasi iba-iba tayo ng paniniwala. Nagkaroon na ako ng mga estudyante, kaibigan, guro, kaklase, at kliyente na mga atheist. Sa pagkakakilala ko sa kanila hindi nila ugali na umakay ng ibang tao sa kanilang paniniwala. Hanggat maari nga ayaw nilang pag-usapan ang tungkol sa Diyos at mga relihiyon dahil alam nilang pagmumulan 'yan ng hindi pagkakaunawaan. Sinasabi nilang atheist sila hindi para ipagyabang kundi dahil nais nilang magsabi ng katotohanan kapag may nagtatanong sa kanila. So kung ang pangamba ninyo na baka maimpluwensiyahan niya ang mga estudynate sa kanyang paniniwala I don't think that will happen. Alam niya ang hangganan niya bilang guro. Magtuturo lamang siya ng statistics hindi ang tungkol sa pananampalataya. Kung Christian Living ang ituturo niya at atheist siya iyon pigilan n'yo. Pero statistics naman ang ituturo niya. Isa pa wala naman siyang naging masamang record sa mga kumpanya na pinanggalingan niya. May letter of endorsement pa nga siya. Alam niyo kung bakit nahihirapan tayong makakuha ng tamang tao? Kasi nagdadagdag tayo ng mga bagay na wala naman kinalaman doon. Kung atheist siya let it be. As long as wala siyang sinasaktan, wala siyang natatapakan, at mabuti siyang tao sino tayo para husgahan siya? May mga tao nga halos araw-araw laman ng simbahan pero paglabas higit pang makasalanan. Kung maghahire kayo ng tao ang tignan ninyo 'yung qualification. Skills, attitude, educational and work background. Pero 'yung personal like gender, political and spiritual belief, and fashion preference hayaan na ninyo sa kanila iyan. Kung hindi siya naniniwalang may Diyos hayaan n'yo lang. Huwag ninyong ipilt ang paniniwala ninyo sa kanya. Hayaan n'yo lang siya. Hindi naman kayo ang mananagot balang araw dahil sa paniniwala niya eh. Pero para hatulan n'yo siya na banta sa mga mag-aaral at hindi mabuting tao dahil hindi siya naniniwala sa Diyos mali na kayo doon. You have to be fair on her. And your students deserve a highly qualified teacher. Set aside your egoes. Remember that teaching is giving service. And a real service person will lay a hand on everyone regardless of their differences."
-HR DM
0 notes
22hrdm · 4 years ago
Text
NEVER HESITATE TO TELL THE TRUTH.
Isang HR manager ang humingi ng payo sa akin.
Sabi niya, "May mga employees kami na hindi maganda ang performance and almost candidate na sila for termination. Hanggat maaari ayaw namin magtanggal ng empleyado, pero ang hirap naman sabihin sa kanila na hindi maganda ang performance nila kasi baka masamain naman nila. Paano kaya ang dapat gawin?"
Sabi ko, "Let me give you 4 things to consider:
1) You should tell them the truth. Walang gagawing pagbabago ang mga iyan hanggat walang nagsasabi sa kanila na may mali sa mga ginagawa nila. Hindi mahirap magsabi ng totoo kung kaya mong patunayan. The question is may patunay ka ba sa sinasabi mong hindi maganda ang performance nila? You should have to prove it. Have enough evidence to convince them. Those employees deserve to know the truth about their performance. Tungkulin natin sa HR na iinform sila about it. Hindi mo naman sasabihin na pangit ang performance nila to insult them. Sasabihin mo 'yun to warn them that they need improvement. Concern ka sa kanila kaya mo sa sasabihin sa kanila. Kung ayaw mong mawalan sila ng trabaho then inform them. It will be a big help for them kasi gumagawa ka ng effort to save their job.
2) Your company deserves good employees. Tandaan mo na nilagay ka sa HR to pick the right person for the job. So trabaho mo na bigyan ang company kung saan ka nagwowork ng mga magagaling na employees. Pero paano magiging magaling ang mga employees kung hindi mo sasabihin ang mga kakulangan nila sa work? Maawa ka sa company mo. Kung pababayaan mong ganyan ang performance ng mga tao ninyo tataas ang number ng turnover. Kapag mataas ang turnover, maraming resources ang nasasayang. Pati ang trust and confidence ng mga customers maaaring mawala. Kapag napagtuloy ang ganyang senaryo isang araw huwag ka na lang magulat na magsara ang company ninyo. Sa simpleng pagpapabaya mo sa iyong trabaho ikaw din ang maaapektuhan nito balang araw.
3) To be fair with other employees. Maging patas ka naman doon sa mga empleyado ninyo na maganda ang performance. Kung hindi mo sisitahin 'yung mga hindi maganda ang performance, paano pa magiging motivated 'yung mga matitino kung nakikita nila na hinahayaan mo lang din naman 'yung iba. For example, paano pa sila gaganahan pumasok ng maaga kung makikita nila na wala namang parusa sa mga nalelate? Isaalang-alang mo ang magandang performance ng ibang employees ninyo. Give them recognition or appraisal para tularan nung mga pasaway kasi kung wala din naman recognition o appraisal kahit maganda ang performance nila paano gaganahan 'yung iba na gandahan din ang performance nila. Remember that there's always a chain reaction in every organization.
4) You will tell the truth because it is the right thing to do. Kung alam mong tama ang gagawin mo, hindi ka na dapat mag-alinlangan pa. Kasi kung alam mo ng tama at hindi mo pa rin gagawin, may kasalanan ka na. Lima na agad ang kasalanan mo:
a) Nagkasala sa mga empleyado na hindi maganda ang performanmce. Dahil imbis na sinabi mo ang totoo sa kanila para matulungan silang magbago pinabayaan mo lang.
b) Nagkasala ka sa kumpanyang pinaglilingkuran mo. Dahil pinababayaan mo ang iyong trabaho at pinababayaan mo din ang inyong mga empleyado.
c) Nagkasala ka sa mga empleyado na maganda ang performance. Dahil imbis na maging magandang halimbawa sila sa iba, baka sila pa ang mahawa doon sa mga pababaya.
d) Nagkasala ka sa iyong sarili. Dahil imbis na tulungan mo ang mga mangagagawa ninyo at ang kumpanyang pinaglilingkuran mo, nanahimik ka na lang dahil ayaw mong may makasamaan ng loob. Iyan ay isang pagpapabaya sa trabaho.
e) Nagkasala ka sa Diyos. Dahil hindi mo sinunod ang kanyang utos. Sabi ng biblia sa Santiago 4:17, Sa nakakaalam nga ng paggawa ng mabuti, at hindi ginagawa, ito'y kasalanan sa kaniya.
-HR DM
0 notes
22hrdm · 4 years ago
Text
LEADERSHIP IS A PROCESS NOT AN INSTANT.
A business owner calls me last night to seek for advice.
Sabi niya, "Nakatapos na ang anak ko sa college and she want to work in our company. Siya rin naman kasi ang magmamana ng business namin kasi nag-iisa namin siyang anak. Tamang-tama naman dahil vacant ang position na marketing manager at marketing din naman ang tinapos niya."
"So ano po ang problema?" tanong ko sa kanya.
"Ok lang ba kung siya ang ilagay ko bilang marketing manager?" tanong niya sa akin.
Tinanong ko siya kung 'yun bang anak niya ay tumutulong noon sa kumpanya nila o nagmamasid man lang ba. Sinabi niya hindi. Kaya nga may alinlangan siya sa gagawin niya.
"I'm gonna be honest with you. No, it's not ok. You want to know why? Here are my reasons:
1) She has no experience yet to work in the marketing department. 
Paano niya ang pamumunuan ang isang department na siya nga mismo ay walang sapat na kaalaman. Kulang na kulang ang knowledge na natutunan niya sa school compare sa knowledge na matututunan niya real world. Being a heir is not a qualification to have higher position in an instant. Let her start from the bottom and learn the things that she needs to learn. Let her be independent. Magsimula siya sa mga clerical job hanggang sa matutunan niya lahat.Magsimula siya sa simpleng pag-eencode at paggawa ng mga reports para kapag siya na ang nakaupo sa higher position kaya niyang gawin ang lahat ng work kahit wala ang tulong ng iba. Ang dami diyan manager na pero simpleng pag-gawa ng mga proposal hindi pa kaya at ipapagawa pa sa iba.
2)  It is unfair to your employees. 
Sigurado ako na may isa sa mga employees ninyo na deserving sa position na iyon. Isang employee na may sapat ng knowledge and experience. Siyempre hindi lang magsasalita ang mga employees ninyo about it pero meron sa kanila ang naniniwala na deserving sila sa position na iyon. Review the performance of your employees and select kung sino ang mga possible candidates for the position. Ito ang nakakatakot mangyari, kung ang anak ninyo ang iuupo ninyo bilang manager tapos wala siyang experience maaaring magcause ng conflict 'yun between her and your employees. Kapag nangyari 'yun there is a possibility na magresign sila sa work which is mas malaking problema. Unqualified na nga ang nakaupong manager mawawalan pa kayo ng magagaling na workers.
3) Don't allow her to be a garbage decision-maker. Nangyayari ang garbage decision making kapag ang laging may last say sa mga decision ay ang management kahit wala naman silang alam o hindi nila naiintindihan ang sitwasyon. Ang mahalaga lang sa kanila ay ang self-interest nila at wala silang pakialam sa mga sinasabi ng mga empleyado na totoong nakakaalam at nakakakita ng sitwasyon.
4) Your business needs a leader, not a manager. Leadership is a process and not an instant. To be a good leader she needs enough knowledge and experience. To be a good leader she needs time to get along with other people. Leadership is something that you cannot give to your daughter. You can make her a manager, but you cannot make her a leader. It's her choice if she wants to be a leader, not yours. She needs proper discipline and character to be a leader. Parang kutsilyo, pwede kang gumawa nito pero para manatiling matalim kailangan mong hasain. Ganoon din naman sa manager at leader. Pwede mong gawing manager ang anak mo, pero, para maging leader siya kailangan niyang hasain ang sarili niya. A manager without leadership is like a body without a soul.
-HR DM
0 notes
22hrdm · 4 years ago
Text
ATTITUDE MAKE’S THE DIFFERENCE.
It happened 3 years ago, a financial institution invited me to be part of their team that will select their new financial director. Kukuha daw sila ng outside member ng team para maiwasan daw ang pagiging bias ng team.
Dalawang aplikante ang pinagpipilian. Pareho silang 5 years na sa company. Kapwa maganda ang track record at performance nila sa company.
Pareho ko silang nainterview at masasabi kong ito na marahil ang isa sa pinakamahirap na pagpili na gagawin ko dahil pareho silang magaling hindi lang sa performance kundi pati sa pagsagot sa mga tanong ko.
Nahihirapan talaga ako magpasya. Wala akong mapili sa kanila pero kailangan may isang mangibabaw. Tinignan ko ang transcript of records nila noong sila ay nag-aaral pa at may napansin ako . Si Applicant A ay may isang 5.0 (bagsak) na marka sa isang subject. Si Applicant B naman ay may isang dropped na subject. Mukhang nakita ko na ang tie breaker na kailangan ko upang makapili sa kanila.
Kinahapunan tinanong ako ng CEO ng kumpanya kung sino ang napili ko. Sinabi ko na si Applicant A ang pinili ko. Tila nagulat ang lahat sa sinabi ko. Sinabi sa akin ng CEO na ipaliwanag ko bakit si Applicant A ang aking napili.
Sinabi ko, "Pareho silang magaling. Pareho silang qualified. Kung skills ang usapan both of them are highly recommended. Pero nagkatalo sila sa attitude."
"What do you mean?" Tanong ng CEO.
Sinabi ko, "Mas maaasahan si Applicant A kaysa kay Applicant B pagdating ng mga crucial moment."
"Paano mo nasabi?" Tanong ng CEO.
Sinabi ko, "Tinignan ko ang transcript of records nila."
Tinignan nila ang transacript of records ng dalawang applicant.
"Oh tignan mo, si Applicant A may bagsak na subject so paano mo nasabi na mas dependable siya compare kay Applicant B?" Tanong ng CEO.
Sabi ko, “Oo nga at may bagsak si Applicant A, pero ganoon na lang ba iyon? Hihinto na lang ba tayo doon? Dahil may bagsak 'yung tao ganoon na agad ang tingin natin sa kanya hindi na qualified? Bakit nagdropped din naman sa Applicant B ha? Kung tutuusin wala naman pinagkaiba ang bagsak sa dropped kasi ano man diyan ang piliin mo uulitin mo pa rin 'yung subject.” 
“Now lets get to the point bakit si Applicant A ang pinili ko. Pareho ko uli sila ininterview about sa fail and drop remark nila. Sabi ni Applicant A, aminado siya na mahina siya sa subject na iyon. Bagsak siya ng prelim at midterm. Pero hindi siya nawawalan ng pag-asa na makakapasa pa rin siya kaya hindi siya nagdropped. Humingi pa nga daw siya ng tutor sa mga kaibigan niya para mas maintinidhan niya. Nakapasa siya sa finals pero hinatak pababa ng grades niya ng prelim at midterm kaya siya bumagsak. Pero nung nagretake siya naging maganda na ang grades niya kasi naiintindihan na niya. Tignan ninyo ang grades niya sa pangalawang retake niya 1.25.” “Si Applicant B naman sabi niya kaya siya nagdropped sa subect kasi daw hindi magaling magturo 'yung teacher niya. Wala nga daw siyang maintindihan kaya bagsak siya sa prelim at midterm. Kaysa naman daw bumagsak siya sa subject nagdropped na lang siya. Babawi na lang daw siya sa second try niya. Eh kaso pag-enroll niya muli ng subject na iyon, 'yung dati niyang professor pa rin ang humandle. Gusto na nga daw sana niyang idropped uli 'yung subject kaso mapag-iiwanan na siya ng mga batch mates niya. Mabuti na nga daw at nakapasa pa rin siya kahit 3.0 lang ang grade niya."
Nabalot ng katahimikan ang buong room.
"Siguro naman ngayon naintindihan n'yo na bakit hindi si Applicant B ang pinili ko? Gugustuhin n'yo ba na ang taong bibigyan ninyo ng position ay isang taong hindi marunong umamin ng pagkakamali niya at nakaturo lagi ang sisi sa ibang tao? Isang tao na mabilis mawalan ng pag-asa at sumusuko agad? Isang tao na hindi gumagawa ng effort? Kontento na kung ano ang meron lang? Kung ganyang tao ang bibigyan n'yo ng position wag kayo magtaka kung bigla kayong iwan niyan kapag may pinagdadaanang mabigat ang kumpanyang ito. Huwag lang tayo lagi sa hard skills nagfofocus. Magfocus din tayo sa soft skills ng isang tao kasi doon natin makikita kung ano ang pgakakaiba nila.
This is a simple reminder to all of you, SKILLS MAKE SOMEONE QUALIFIED. BUT ATTITUDE MAKE'S THE DIFFERENCE.
-HR DM
0 notes
22hrdm · 4 years ago
Text
CREDENTIALS ARE JUST STANDARDS.
Nagconduct ako ng talk with the teachers and professors of one educational institute.
Nagtanong ako sa crowd, "Paano ninyo masasabi na professional kayo?"
"By passing the licensure exam."
Hindi ako kumibo at muling nagtanong.
"Ano ang ibig sabihin ng LPT?"
"Licensed Professional Teachers." sagot ng mga attendees.
Masasabi n'yo ba na professional na kayo dahil may mga lisensiya kayo?"
Nakakabinging katahimikan ang bumalot sa paligid.
"Hindi dahil may LPT kayo na title ay masasabi na ninyong professional kayo. Kahit may Master's degree pa kayo o Ph.D. hindi sapat na dahilan 'yan to say na professional kayo. Ang pagiging professional ay wala sa dami ng letra na nakadikit sa apelyido mo kundi nasa pagkatao mo."
"Masasabi mo bang professional ka kung nalelate ka sa klase? Namamahiya ka ng estudytante? Pagiging professional ba 'yun? Hindi ba dapat bilang guro nagiging magandang halimbawa kayo sa mga estudyante na pumasok sa tamang oras? Ayaw natin ng bullying sa mga bata pero minsan tayo mismong mga guro ang gumagawa noon sa kanila. Matatawag mo bang professional 'yun?"
"Your license, your knowledge, your skills, your educational background is just your qualification to teach. Iyan ang standard na hinihingi sa isang guro. Pero kung hindi mo kayang makipag-kapwa tao at maging magandang ehemplo bakit ka pa nagtuturo?"
"Huwag na tayong maglokohan. Lahat tayo ay nagkaroon ng mga gurong ganyan. Sana huwag na natin tularan pa ang ganung sistema. Tayo na mismo ang magbago para sa mga mag-aaral natin na magiging susunod na pinuno ng bansa natin."
"Mahal ko pa ang mga guro. Mataas po ang respeto ko sa inyo. Hindi ko sinasabi ito para ipahiya kayo kundi gisingin kayo. Being a professional starts with our attitude. Our credentials are just standards. Prove that you really are a professional by action and not by paper."
-HR DM
0 notes
22hrdm · 4 years ago
Text
ENJOY JOB HUNTING.
Minsan habang kumakain ako sa isang food chain, may dalawang babaeng lumapit sa akin at nagtanong kung puwede daw silang makishare ng table. Dahil wala naman akong kasama ay pumayag ako.
Habang kumakain sinabi ng isa sa mga babae sa kanyang kasama na nawawalan na siya ng pag-asa dahil halos nalibot na at napasahan na nila ng resume ang halos lahat ng company sa Ortigas pero wala pa rin silang mahanap na trabaho. Ganoon din ang nararamdaman ng kasama niyang babae.
Tahimik lang akong nakikinig sa kanila. Halata ang pagod, pagkabahala, at pagkadismaya sa mga mukha nila. Halos maiyak na ang isa sa mga babae dahil wala na daw siyang pera para pamasahe kinabukasan para maghanap muli ng trabaho. Sinabi pa ng isa na "Sana hindi na lang tayo grumaduate. Sana estudyante na lang tayo habang buhay para hindi natin nararanasan ito. Para tayong sinumpa." Nagpunas ng luha ang isa sa mga babae at sinabi nitong, "Makahanap lang talaga ako ng trabaho, pagbubutihin ko talaga. Hindi ako papayag na mawala pa 'yun. Itataga ko 'yan sa bato."
Tinignan ko silang dalawa. Aminado akong naaawa ako sa kanila pero sa ngayon hindi iyon ang kailangan nila. "Sorry po, pasensiya na po kayo kung madrama kami." sabi ng isang babae sa akin.
Tinanong ko sila, "Nahihirapan na ba kayo sa paghahanap ng trabaho?"
"Opo", sagot nila sa akin.
"That's good!" sabi ko sa kanila.
Nagulat sila sa sinabi ko at tila nainis pa.
"Paano pong naging good iyon eh pagod na pagod na nga po kami at halos ubos na ang pera?"
"Tandaan ninyo, sa dictionary lang nangyayari na nauuna ang success sa work, In reality, for you to be successful you have to work on it. Paghirapan mo. Pagsikapan mo. Kailangan ninyong daanan talaga 'yang paghihirap na 'yan dahil kung hindi mawawalan ng halaga sa inyo ang magkatrabaho. Gaya nga ng sabi mo kanina, makahanap ka lang ng trabaho, pagbubutihin mo talaga. at hindi ka papayag na mawala pa 'yun at itataga mo sa bato. Masasabi mo ba ang mga bagay na iyon kung hindi ka nakakaranas ng hirap? Malamang hindi. Aalagaan mo ba ang trabaho mo kung madali naman makahanap ng iba? Natural hindi. Kaya nga may halaga din 'yang paghihirap ninyo. Kasi dinidisiplina kayo na pahalagahan ang trabaho ninyo oras na mahanap niyo ito. Isa pa, enjoyin ninyo ang moment na nahihirapan kayong maghanap ng work. Nakabilad sa araw at nauulanan at nakikipagsiksikan sa mga saksakyan enjoy the moment. Bakit? Kasi iyan ang masarap balikan balang araw kapag matagumpay na kayo."
"Sabi ninyo kanina, sana estudytante na lang kayo habang buhay. Well technically yes estudyante parin kayo at habang buhay mananatili kayong estudyante dahil patuloy kayong matututo at lalago habang kayo ay buhay. Ang tinapos ninyo ay degree lamang. Hindi lahat ng bagay ay matututunan ninyo sa loob ng paaralan. Tinuro ba sa inyo kung gaano kahirap maghanap ng trabaho? Tinuro ba sa inyo kung ano ang advantage ninyo bilang fresh graduate kumpara sa mga may experience na? Tinuro ba sa inyo kung paano kayo mapopromote sa trabaho? Hindi di ba? Ang buhay ang magtutro ngayon sa inyo niyan. Payo ko sa inyo enjoy job hunting.Dahil hindi masarap ang tagumpay kung hindi ka nakaranas ng hirap at maraming sablay."
-HR DM
0 notes
22hrdm · 4 years ago
Text
LAYOFF.
May tumawag sa akin kagabi na isang HR Manager na humihingi ng advice dahil magkakaroon ng layoff sa kanilang company.
Hindi niya alam kung paano niya sisimiulang ipaalam sa mga workers nila na magkakaroon ng layoff.
Honestly, walang madaling paraan para ipaalam sa mga employees na magkakaroon ng layoff. Mahirap talaga 'yan dahil emosyon ang nangingibabaw sa ganyang sitwasyon.
Hayaan ninyong ishare ko sa inyo ang alam kong paraan kung paano mo sasabihing magkakaroon ng layoff at ano ang gagawin mo matapos ito.
Let them know. As early as possible kung talagang may decision na ang management about the layoff you have to inform the employees. Karapatan nilang malaman ito bago pa mangyari. Mas mabuting bago pa mangyari ang layoff ay alam na nila kaysa naman sa bibiglain mo sila isang araw na wala na silang trabaho. Inform them about the situation kung bakit mangyayari ang layoff. Magbaon ka ng mahabang pasensya dahil siguradong maraming tanong at magagalit sa oras na sabihin mo ito sa kanila. Kaya nga sabi ko sa mga unang post ko, "Only strong people can work in HR."
Accept the fact. In this kind of situation, acceptance is the hardest thing to do. Mahirap tanggapin both in the management and employment side na magkakaroon ng layoff. Layoff is like an earthquake. Hindi mo talaga mapepredict kailan siya mangyayari. Ang magagawa mo lang ay maging handa na posible ito'ng mangyari ano mang oras. Dahil kaht sinong kumpanya na nanganganib ng magsara dahil walang kita ay mapipiltang magbawas ng mga tauhan nila. So always get ready because layoff can happen anytime.
Yes it's hard, but you have to do it. Wala ka naman choice. Kung talagang pabagsak na ang company whether the management like it or not kailangan na nilang mag-layoff. Pero dapat bago magdesisyon na magkakalayoff talaga pag-aralan munang mabuti ang sitwasyon at hanggat maaari mag-isip ng paraan kung possible pa ba maiwasan. Pero kung hindi na talaga, we just have to be brave enough to inform our employees.
Offer them new opportunities. Sa management, kung hindi na talaga maiiwasan ang layoff, bago ninyo ipaalam sa mga empleyado ninyo tulungan ninyo muna sila makahanap ng mga possible nilang malipatan. Kung may kakilala kayo na mga companies na nangangailangan ng mga tao irefer na ninyo ang mga employees ninyo. Sa ganoong paraan natulungan n'yo na ang mga empleyado, natulungan n'yo na din ang ibang kumpanya.
Follow up. After the layoff, kumustahin pa rin natin ang ating mga dating kasama. Simpleng tawag, text, o message is good enough para maramdaman nilang hindi natin sila nakakalimutan, at hindi dahil wala na sila sa company wala na din tayong pakialam sa kanila . Huwag ninyong hayaan na doon lang matatapos ang inyong pinagsamahan. Keep the wonderful relationship between the management and employees.
Find ways to stay in touch. Never burn bridges. Just keep the records of the employees because you may never know kung kailan mo muli sila kakailanganin. By keeping the employee's record and keep on tracking them might help you in your recruitment someday. Sa America meron silang tinatawag na Alumni Recruitment Strategy kung saan tinatago nila ang record ng mga empleyadong nagresign, o nalayoff. Then they keep on track sa mga tao na iyon by using soicial media. By tracking the employees nakikita ng management ang improvement ng dati nilang empleyado kung ihahambing ito sa dati nitong performance. Now kung magkaroon ng vacant position at qualified yung dating employees hindi na magiging mahirap para sa HR ang magrecruit ng dahil may source na.
So remember, if ever magkakaroon ng layoff sa company ninyo remember the following:
Let them know Accept the fact Yes, it's hard, but you have to do it. Offer them new opportunities Follow up Find ways to stay in touch
-HR DM
0 notes
22hrdm · 4 years ago
Text
REMOVE YOUR EGO, START FROM ZERO.
A retired Marketing Manager called me early this evening to seek for advice. Retired na daw siya noong January pa after almost 27 years as Marketing Manager.
Aminado siya na hanggang ngayon ay nasa adjustment period pa siya. May mga pagkakataon na nagigising siya sa umaga na nagmamadaling maligo at magbihis baka mahuli na daw siya sa work niya. Maaalala lang niyang retired na siya kapag sinabi ng asawa niya. Pero ang higit na ikinababahala niya ay 'yung ugali niya bilang manager noon ay nadadala niya sa bahay ngayon. Madalas daw tuloy nakakaroon sila ng conflict ng mga anak niya at mga apo.
He feels sorry for himself. Pakiramdam niya ngayong hindi na sya manager at nasa bahay na lang ay wala na siyang silbi. Madalas ay nagseself-piity na lang daw siya na bakit kasi kailangan may retirement? Bakit may age limit ang pagtatrabaho ng isang tao kung kaya pa naman nito?
Ano daw ba ang pwede niyang gawin dahil nahihirapan na siya sa kanyang kalagayan at ayaw niyang masira ang kanyang relasyon sa kanyang pamilya.
Bago ako sumagot pinaalala ko sa kanya na hindi ako psychologist. Trained counselor ako pero hindi ako psychologist so sinabi ko sa kanya after kong ibigay ang payo ko kumunsulta parin siya sa isang psychologist.
Sabi ko sa kanya, Sir tawagin natin ang technique na ito na "Remove your ego, start from zero." Naiinitindihan ko na nasa adjustment period ka pa. Mahirap talaga mag-adjust kung 27 years mong ginagawa ang isang bagay tapos bigla kang hihinto. Hahanapin talaga 'yan ng isip at katawan mo. But you have to let go of your ego. 27 years as Marketing Manager is enough. Wala ka ng dapat patunayan unless may regret ka na may hindi ka nagawa sa 27 years na nakaupo ka as Marketing Manager.
Wala naman, sabi niya.
Letting go is not easy. Walang tao na naging madali sa kanya ang pag-limot sa isang bagay na matagal na niyang ginagawa. Naging routine na kasi ng katawan niya. Pero may mga bagay na wala tayong magagawa kundi tanggapin gaya ng pagtanda. Sa ayaw at gusto natin tatanda tayo. Sa ayaw at gusto natin magreretiro tayo.Kaya nga dapat habang bata pa gawin na natin ang lahat ng magagawa natin sa trabaho natin para kapag dumating 'yung araw na magreretiro na tayo wala tayong pagsisisihan. Hindi ko sinasabi na biglain mo ang pagbitaw mo sa isang bagay na matagal mong ginagawa. Dahan-dahan, unti-iunti mo siyang bitiwan hanggang sa kaya mo na.
Another thing, sinasabi natin na ang problema sa trabaho ay huwag iuuwi sa bahay. 'Yung ugali mo din sa trabaho wag mong gagawin sa tahanan ninyo. Kung gaano ka kahigpit sa trabaho at sa mga tauhan mo kasi may standard kayo na sinusunod, sa bahay ninyo hindi ganoon ang standard. Sa trabaho Manager ka. Pero sa bahay tatay ka. Magkaiba ang papel na ginagampanan mo sa trabaho at sa pamilya.
Now that you're retired, spend more time with your family. Bumawi ka doon sa mga pagkakataon na halos wala kang oras sa kanila dahil sa trabaho mo. Remove your ego.
Start from zero. Magsimula kang muli ng bago mong career. Career ha hindi job. Ibig sabihin, mga bagay na gusto mo talagang gawin. Simulan mo muna sa hobby then soon gawin mong career. Ang dami mo pang pwedeng magawa sa ngayon. Halimbawa, dahil matagal ka sa marketing puwede kang maging consultant, o kaya speaker sa mga seminar, o kaya magturo. Puwede din na start your own business. Gawin mo 'yung mga bagay na hindi mo magawa noong nagtatrabaho ka pa. Enjoy your life rather than feeling sorry for yourself.
Iba-iba naman ang tao. May iba na ang gustong gawin kapag nagretire na ay magtravel at magenjoy na lang. May iba naman na naghahanap ng bago nilang opportunitIes. Kasi magkakasakit sila kapag sila ay walang gagawin.
Remove your ego, start from zero. Gawin mo na habang may pagkakaton pa because tomorrow is not a promise.
-HR DM
0 notes
22hrdm · 4 years ago
Text
LEADER IS NOT ABOUT GENDER.
My phone rings...
Friend: I need your point on this.
Me: Go!
Friend: Work at home kami and may vacant position kami for an Operation supervisor. Now, babae sana ang gusto kong ilagay sa position na iyon.
Me: Why?
Friend: Para balance ang power, walang gender discrimination.
Me: Good!
Friend: Kaso nung tanungin ko 'yung HR, wala daw silang mairerefer sa akin sa mga female employees namin.
Me; Bakit wala?
Friend: Well sabi ng HR kung sa mga male employees daw namin marami ng qualified pero sa mga babae wala pa.
Me: Ano ang sinabi mo?
Friend: Sabi ko pag-iisipan ko muna, Ano ang gagawin ko?
Me: Una, ang tanong bakit walang qualify sa mga female employees ninyo? Pangalawa, wala nga bang qualified o sinasabi lang wala? Ikaw, tatanungin kita, wala ka bang nakikitang qualified?
Friend; Meron, actually marami.
Me: Then review their resume and their performance record.
Friend: Wala bang masama kung babae ang ilalagay ko sa position?
Me: Sasagutin ko 'yang tanong na yan ng tanong din, may pagkakaiba ba ang work experience ng male and female employees sa operations department?
Friend: Wala.
Me: Exactly the point, so what is the issue kung babae ang makakakuha ng position? Well to be fair, tignan mo din 'yung record nung mga male employees na tingin mo is qualified but never underestimate the skill of a woman to lead. Leadership is not about gender, it's about skills, passion, and dedication in their work.
-HR DM
0 notes
22hrdm · 4 years ago
Text
JOBLESS.
A friend of mine message me and asked me to do an inspirational message for currently jobless.
Job may go but career remains
Nawalan ka ng trabaho pero hindi ng career. Ano ba ang pagkakaiba ng dalawa? Ang job ito 'yung ginagawa mo para mabuhay ka at ang pamilya mo. Ang career ito 'yung ginagawa mo kaya ka buhay. Ito 'yung mga ginagawa mo na masaya ka, walang pressure, at nageenjoy ka. Nawalan ka ng trabaho ok, now start your career. Kung magaling ka sa sales magbenta ka online, magaling ka sa troubleshooting magbukas ka ng shop, Magaling kang magluto ibenta mo online yung product mo o sa mga kapitbahay mo. Later marerealize mo na yung career mo becomes your job. Pero mangyayari lang 'yun kung kikilos ka na ngayon.
Opportunity takes time but always there
Sinasabi ko madalas sa mga talk ko, the ultimate test of success is patience. Kung hindi ka marunong maghintay hindi ka magtatagumpay. Remember what the God says in Jeremiah 29:11, "For I know the plans I have for you,” declares the Lord, “plans to prosper you and not to harm you, plans to give you hope and a future." Have patience and have faith in God. Hindi ko sinasabi na maghintay na lang tayo kung kailan ibibigay ng Diyos sa atin 'yan. Kailangan pagsikapan natin 'yan at pagpaguran habang naghihintay tayo ng biyaya. Sa totoo lang, karamihan ng mga failures sa mundo ay hindi dahil hindi sila capable kundi sumuko na sila kasi ayaw na nilang maghintay pa. Uulitin ko, "Ang hindi marunong maghintay hindi magtatagumpay.
Believe that this is only temporary
Pagsubok lang ito. At lahat ng pagsubok ay pansamantala lang. Kung hindi ka mawawalan ng pag-asa at patuloy na maniniwala lilipas din ito. Gaya ng gabi, bukas sisikat din ang araw. Parang ulan, titila din di katagalan. Lahat ng bagay sa mundo ay pansamanatala lamang. Kahit problema ay pansamantala lamang. Kumilos ka at huwag mawalan ng pag-asa.
Look at the positive side of the story
In every tragedy, there is an opportunity. Kung magiging bukas lang ang iyong mata at isipan, makikita mo na may benefit din ang mga trahedyang nangyayari sa atin. Gaya ng lackdown. Oo hindi ka makalabas, nakakainip, nakakatamad, nakakasawa. Pero isipin mo, nagkaroon ka ng oras sa pamilya mo na dati hindi mo halos makausap kasi busy kayong lahat. Nawalan ka ng trabaho, ok fine. Maghanap ka uli. Magaling ka di ba? Mahusay ka, masipag, mapagkakatwilaan, so anong problema? Makakahanap ka uli ng bagong trabaho. Wag kang masyadong nega atleast ngayon hindi mo na makikita 'yung mga kasamahan mo sa work na pasaway. 'Yung boss mo na walang kabuhay-buhay. At 'yung trabaho mong sobrang hirap na tila sayo ay papatay. Be positive kapatid. For only positive people succeed.
Erase negative thoughts it won't help you
Ano ang magagawa ng pagseself-pitty mo, pag-eemo, at pag-inom sa problema mo? Mabiibigyan ka ba niyan ng bagong trabaho? Kung oo tara join ako but the reality is hindi. Kaysa sa nagmumukmok ka diyan at sinasayang ang oras sa walang kabuluhan maghanap ka na lang ng work. Hindi ka yayaman sa pagdadrama unless gusto mong mag-artista. Tama na ang drama, tumayo ka at muling magsimula.
Surrender is not an option
Isa lang ang option mo ngayon at 'yun ay ang makahanap ng bagong pagkakakitaan. Hindi kasama diyan ang pagsuko. Walang puwang sa taong may gustong marating sa buhay ang pagsuko. Pwedeng magpahinga pero hindi pwede ang sumuko. Hindi baleng mabigo at pwede pang sumubok muli pero ang sumuko ay isang malaking pagkakamali. Bakit ka susuko kung ikaw ay nabibigo? Wala namang nagsasabi sa'yo na hindi ka na pwede umulit. Tayo lang ang nagsasabi sa ating mga sarili na tama na. Pero hindi magiging tama ang tama na hanggat hindi ka pa nagtatagumpay. Dalawa lang ang maaari nating sukuan: 1) Diyos; 2) Batas. Pero problema hindi 'yan sinusukuan kundi ginagawan ng paraan.
Seek ye first the Kingdom of God and his righteousness
Sa mga nawalan ng trabaho may mga katanungan na hindi ko kayang sagutin. May mga bagay na mahirap unawain. Pero huwag mong kalimutan na nakikita niya ang lahat ng nangyayari. Marahil kung isa ka sa nawalan ng trabaho kahit binigay mo na ang higit pa makakaya mo napakasakit na pangyayari ito. Hindi man lang nasuklian ang kasipagan mo at kabutihang loob. Huwag mong panghinayangan iyon. Huwag mong paghinayangan ang mga bagay na mabuti na nagawa mo. Ang panghinayangan mo ay kung ano 'yung mga bagay na hindi mo ginawa kahit may kakayahan ka. Pero 'yung naging masipag ka, matiyaga, mabuting tao, hindi nasayang ang mga bagay na iyon dahil ginawa mo ang tama. Kung nagbubulag-bulagan ang mga managers mo sa effort mo, nakikita ka naman ng CEO ng kalangitan. Hindi ka niya pababayaan dahil gumawa ka ng kabutihan. Wag mo siyang pagdudahan at lalo pa ngang pagkatiwalaan. Dahil sa mga pagkakataon gaya nito siya ang higit na makakatulong sayo.
Kung jobless ka ngayon, tandaan mo ito:
Job may go but career remains Opportunity takes time but always there Believe that this is only temporary Look at the positive side of the story Erase negative thoughts it won't help you Surrender is not an option Seek ye first the Kingdom of God and his righteousness
-HR DM
0 notes
22hrdm · 4 years ago
Text
ROCKSTAR VS. SUPERSTAR.
A father of a friend of mine invited me to a dinner in their house. After dinner, he asked me for some advice.
"May isa akong empleyado na prinomote ng kanyang head pero hindi nagpeperform ng maganda. Pero bago siya prinomote eh maganda naman ang performance niya. Tapos may isa pa kaming empleyado na nagresign kasi daw hindi siya nabibigyan ng opportunity na deserve niya. Nalalabuan ako sa mga pangyayari. Eh di sana 'yung nagresign na lang na employado ang prinomote nila hindi ito'ng isa. Ano'ng masasabi mo?"
Sinabi ko na, "May nabasa po akong libro na sinasabi nung author na may dalawang klase daw ng empleyado, ang rockstar at ang superstar.
Ang rockstar po ang mga employees na masaya na sa trabaho nila. Doon sila nag-eenjoy at nag-eexcel. Ayaw nilang mawala doon sa position na 'yun kasi kung aalisin sila doon hindi na sila magiging productive.
Ang superstar naman sila 'yung mga employees na gusto ng mas malaking opportunity. 'Yung magagamit 'yung leadership skills nila. Na kapag hindi nila nakuha sa company nila ay aalis sila dito at hahanap ng ibang opportunity sa ibang company.
Sa madaling salita, ang mga rockstar employees mas gusto nila ng appreciation kaysa sa promotion na kabaliktaran naman ng superstar.
Ang mga rockstar employees, motivation nila ang appreciation. Gaya ng mapuri sa harap ng ibang tao, pag-upgrade ng mga gamit nila, at tinataasan ang sahod nila dahil sa maganda nilang performance at hindi dahil napromote sila sa mataas na posisyon. Pero hindi ito karaniwan nangyayari sa bansa natin. 
Ang mga superstar naman gagandahan nila ang performance nila to have the promotion that they want. Mahalaga din sa kanila ang appreciation, 'yung mapuri sa harap ng maraming tao, pero mas maaappreciate nila kung mapopromote sila. Baliwala ang praise sa kanila kung hindi naman sila mapopromote.
So ano po ang dapat ninyo gawin para maiwasan maulit ito? May mga suggestions po ako:
1) Kilalanin ninyo ang mga taong nagtatrabaho sa inyo para malaman ninyo kung rockstar ba siya o superstar ba na type ng employee.
2) Watch your employees performance. Huwag lang kayong magrely sa mga reports na nakakarating sa inyo. Magobserve kayo para makita ninyo mismo kung tama ba 'yung nasa report o bias lang 'yung gumawa.
3) Kung may vacant position hayaan ninyong magpasa ng letter of intent lahat ng employees na interisado sa position para equal opportunity to all at hindi matatapos lang dahil may napili na agad 'yung mga head.
4) Huwag ninyong hayaan na ang mga department head ninyo ang magdecide kung sino ang mapopromote o hindi. Dapat kayo ang magpasya dahil pag-aari ninyo ang kumpanya para maiwasan ang pagiging bias ng ibang head sa kanilang mga tao. Isa pa, kayo ang nagpapasahod so marapat lang na alam ninyo kung worth it ba 'yung binabayad ninyo doon sa tao.
5) Whether your employees are a rockstar or a superstar, give them proper respect and keep them motivated. It's your obligation to protect them from any kind of abuse in their work.
-HR DM
0 notes
22hrdm · 4 years ago
Text
WHAT MAKES A LEADER?
Someone send me a message last night. Isa daw siya sa mga nakabasa ng post ko at guilty siya na right now his a manager, not a leader.
So sabi niya, “Ano ba ang gagawin ko to be a leader?” Sabi ko maraming paraan para maging leader. Ang dami ng nailabas na libro about leadership pero iba-iba ang sinasabi ng mga authors. Depende na lang siguro sa personality ng tao.
Pero para sa akin, there are only 7 things to remember to to be a leader.
Listen You can't be a leader if you don't know how to listen. Listening is another lost art of management aside from leadership. May mga managers na ayaw makinig ng opinyon ng iba. Lalo na sa mga subordinates nila. Dahil katwiran nila, bakit ako makikinig sa'yo eh mas mataas ang position ko sa'yo. A good leader is willing to listen. They can accept suggestions, ideas, and even criticism. A good leader is willing to grow. A good leader is not selfish. They are always open to new ideas from other people. They treat people as teammates not just an employee.
Excel A good leader is always ready to excel. They are always motivated to do more. Not to impress the management or the people around them, but simply because they love their job, they had a standard, they had values, and they want to help the company. Problema kasi minsan sa organization kapag may isang tao na masipag at laging positive sinasabi ng iba Jollibee (Pabida). Kailan naging mali maging masipag? Kailan naging mali na maging positibo sa buhay? Kailan naging mali gumawa ng tama? Kailan naging mali tumulong sa kapwa? A true leader will push themselves to the limit whether the management will appreciate their effort or not. All that matters to them are they doing their job as best as they can.
Attitude A good leader must always have a positive attitude.Gaya siya ng isang anchor ng barko. Ginagamit ang anchor para hindi lumubog ang barko dahil sa lakas ng hangin o di kaya naman dahil sa sea current. A good leader must have a strong personality but kind to people. Brave but easy to approach. Smart but remain humble.
Discipline A good leader must be a good example. Alam nila kung paano disiplinahin ang sarili nila dahil alam nilang nakatingin ang tao sa kanila at ano man ang gagawin nila ay tutularan din ng iba. Mahirap naman yatang disiplinahin mo ang isang tao sa maling gingawa niya kung ginagawa mo din naman. Halimbawa, sasabihan mo 'yung mga tao mo na bawal sila malate sa pagpasok pero ikaw puwede kasi boss ka? Mali 'yun! As a leader dapat ikaw pa nga ang unang dumadating sa trabaho. Kung makikita ng mga staff mo na ikaw na boss ay maagang pumapasok at nauuna pa sa kanila mahihiya yang mga yan. You cannot expect na susundin ka ng ibang tao kung ikaw nga mismo hindi mo magawa. Learn to discipline yourself first before other people.
Educate Good leaders love to give wisdom and share quality time with their teammates. They are also willing to learn from the experience of other people. Hindi sakim ang isang leader sa kaalaman. Willing siyang ishare ito sa ibang tao kasi alam niya na makakatulong ito sa kanila. Willing din siyang makinig sa kuwento ng iba dahil alam niyang marami siyang matututunan. Alam niya na hindi lahat ng bagay ay alam niya at mararanasan niya. Kaya handa siyang makinig at matuto sa iba ano man ang posisyon o estado nito sa buhay.
Respect Good leaders know how to respect. Kahit ano pa ang estado, paniniwala, at kasarian. Respect is always there. Simpleng pakikinig lang niya sa mga kasamahan niya ay isa ng pagpapakita ng respeto. Kakausapin niya ng pribado kapag may maling ginawa at ipagsisigawan naman sa lahat kapag may nagawang maganda. Handa laging tumulong at magpasalamat kapag siya naman ang tinulungan. Gaya nga ng sinabi ko sa mga nauna kong post, "Walang respetong darating sa'yo kung hindi ikaw ang unang magbibigay into."
Relationship Good leaders had a good relationship with their team. Alam nila na hindi sila ang magiging leader kung wala ang kanilang mga teammates. Alam nila na para maging maayos ang trabaho nila kailangan nilang magkaroon ng magandang relasyon sa kanilang mga kasama. A relationship takes time. It's a process and not an instant. But a good leader always had the patience to wait until the right time he builds that relationship with his teammates.
Again, if you want to be a leader, remember the following:
Listen Excel Attitude Discipline Educate Respect/Relationship
-HR DM
1 note · View note