#hugot para kay crush
Explore tagged Tumblr posts
iamnotaxl · 2 months ago
Text
Sulyap kay fifth grade crush
Lately ko lang nalaman na nasa abroad na pala siya, I just hit the Add Friend button in people you may know without expecting that he would accept my friend request, and guess what? He did accept my friend request.
Nakita ko sa mga content na shini-share niya sa facebook na sinusubukan niya maging isang malalim na tao na may hugot sa buhay.
Nag download nga pala ako ng pictures niya. Para isama sa mga pictures na kino-collect ko.Paka landi talaga, diba?
Hindi ako umaasa, huh? Pero nakita ko na single pa rin siya hanggang ngayon. Sana magtuluy-tuloy.
1 note · View note
thegreatmaninternational · 5 years ago
Link
Ito ay isang nakakaTAWAng reaksyon video patungkol sa sa pag-ibig at patama sa crush. Siguradong mai-enjoy ninyong panoorin si Max Tawa sa kanyang mga makukulit na reaksyon. Kahit puro hugot ito, paniguradong magiging magaan ang iyong pakiramdam sa panonood. So, ano tara na!! Heheh!
#MaxTawa #HugotLines #HugotLinesTagalogLovePatamaSaCrush #Hugot #HugotLinesTagalog #SpokenPoetryTagalogHugot #PinoyHugot #HugotCompilation #BestHugotLines #HugotLinesParaKayCrush
0 notes
chili-aux · 4 years ago
Text
Ang Pangako sa Huling Talulot
Summary: Sa bawat hugot ng bawat talulot, namumutawi sa bibig ang mga katagang nagpapakaba sa mga puso ng munting Levi at Hange. At sa huling kataga, isang pangako ang naibigkas.
Notes: This is late pero ito po yung first contribution ko for the Levihan Filo Week Day 1: Kabataan (Childhood)
Wala talaga kong balak magpublish ng kahit ano pero dahil walang pumapasok sa isip ko kagabi habang nagaaral, nagsulat na lang ako T_T
Sana po magustuhan ninyo! Hindi po ito proofread so there might be some mistake that I overlooked. And this might get translated someday too.
Link: AO3
Mga huni ng ibon na tila hinihimig ang saya ng kahapunan ang tanging nananalaytay sa pandinig ng munting batang nakahiga sa ilalim ng puno ng mangga. Librong nakatapat sa kanyang mukha, mga matang nakakulong sa maliit na salamin ang humihigop sa bawat titik na nakaukit sa mga pahina.
Bawat salita, pangungusap, at lathala – tila tinatangay siya papunta sa ibang mahiwagang mundo. Mundo na magsisilbing pagtakas sa kanya ngayong kinagagalawan, mundo na itinuturing niyang bagong tahanan. Ngunit, ang kapayapaan, tulad ng katahimikan, ay siya ring nababasag.
“Oy, apat na mata!” Tawag sa kanya ng isang pamilyar na boses.
Hindi niya binigyang pansin ang batang naglalakad na ngayon patungo sa kanya. Sa halip, pinagpatuloy niya na lamang ang kanyang pagbabasa.
Wala siyang oras sa mga batang hindi niya bati.
‘Manigas ka diyan.’ Ani ni Hange sa kanyang isip.
Ngunit, iba ang plano ng batang lalaking dumating.
Naupo ito sa kanyang tabi at bigla na lamang hinablot ang libro mula sa kanyang mga kamay. Napasigaw si Hange at napaupo nang mabilis upang abutin ito subalit nilagay lamang ni Levi ang kanyang mga kamay sa bibig ni Hange upang takpan ang sigaw na manggagaling mula rito.
Inalis naman ito agad ni Hange. “Amin na yung libro ko!” Saad niya habang nanlilisik ang mga tsokolateng mga mata. Hindi niya pa rin nakakalimutan ang kasalanan nito sa kanya.
“Pansinin mo muna ko.” Malungkot na wika ni Levi. Tinago niya ang libro sa kanyang likod at nang aktong aabutin ito ni Hange, nilayo pa niya ito lalo.
“Ano ba kasi! Amin na kasi yan! Kita mong nagbabasa eh!” Ani ulit ni Hange nang di na naman niya naabot ang libro.
“Ayoko. Bati na kasi tayo. Dali na, lilibre kita ice candy diyan kila Aling Carla.” Pangaalok ni Levi. Ngunit, ang pangsusuyo gamit ang paborito nitong merienda ay wala man lang katalab-talab.
“Bahala ka diyan. Ayoko sayo.” Ani niya bago sumalampak ng higa na naman sa damuhan ng puno at tumalikod mula kay Levi. “Sayo na yang libro kung gusto mo. Punitin mo tapos papakin po. Go lang. Wala akong pake. Basta di na tayo magiging bati.”
Katahimik ay muling namayagpag sa hangin.
Ilang minute nang nakapikit si Hange nang maramdaman niya ang munting kalabit ni Levi sa kanyang balikat.
“Huy. Alam ko na paano tayo magbabati.”
Hindi niya ito pinansin. Ngunit nagpatuloy pa rin si Levi.
“Levi loves Hange. Levi loves Hange not. Levi loves Hange. Levi loves Hange not. Levi loves Hange…” Ani ni Levi.
Mas mabilis pa sa alas-kwatro ang pagtayo ni Hange at paglingon sa kababatang hawak ang isang tumpok ng sampaguita. Napatulala si Hange habang patuloy na nagbubunot ng mga talulot ng nasabing bulaklak.
At nang makarating si Levi sa huling talulot, inangat niya ang kanyang mga mata at tumitig kay Hange at nagsabing, “Levi loves Hange.”
Tila balon sa sobrang laki ng pagkabuka ng bibig ni Hange sa gulat sa pinaggagawa ni Levi. Hindi niya alam kung dapat ba siyang magawa dahil nagawa pang maghanap ng lalaki ng sampaguita upang maaalis lamang ang pagkagalit niya. Gusto niyang matuwa sa huling resulta, kilig ay umaapaw mula sa kanyang puso patungo sa kanyang mga pisngi.
Ngiting kay liwanag ay nanaig na sa mga labi ni Hange, dahilan upang mawala rin ang lumanay at tamlay sa mga mata ni Levi.
Binaba ng batang lalaki sa tabi ng libro ang ngayong kalbo na na tangkay ng sampaguita. Umusog siya palapit kay Hange at hinawakan ang baba nito, sabay sarado rito. “Oy tama na. Sarado mo na ‘yan. Pasukan ng langaw ‘yan, tignan mo lang.” Natutuwang ani ni Levi.
“Levi loves… sino?” Tanong niya habang nakatulala pa rin, tila hindi pa narerehistro sa kanyang utak ang nangyari.
“Di ko na uulitin. Bahala ka diyan.”
“Eh!! Dali na! Narinig ko yon! Love mo ko, huh? Ikaw ahh! Yieee, crush mo ko, nuh?” Natatawang marahan na tinutusok ni Hange sa pisngi si Levi, paulit-ulit na siyang nagpairita kay Levi. Hinawi na lamang niya ito at hinawakan ito ang kamay ni Hange, sabay titig nang walang humpay sa kanyang mga mata.
“Paano kung oo?” Ani ni Levi.
“Edi crush din kita!” Nakangiting sagot ni Hange. Namula bigla ang mga pisngi ng batang lalaki na tinawanan lang ni Hange. Ang magandang halakhak ng bata ay ang nagpuno ng kasiyahan sa munting puso ng batang si Levi.
Gagawin niya ang lahat upang hindi mapawi ang mga ngiti sa kanyang mga mata
“Hange.” Tawag nito.
“Hmm?” Sagot nito habang pinupunasan ang luha ng kasiyahan sa mga mata.
Nagulat na lamang si Hange nang inabot nito bigla ang kaniyang tainga, sabay sabit ng takas na buhok ni Hange rito. Pagkatapos, may nilagay siya, isang munting puting sampaguita na nagpapuksyaw ng kanyang kagandahan sa mga mata ni Levi.
“B-bakit mo nilagay ‘to?” Waring tanong ni Hange habang kinakapa ang bulaklak. Para sa batang si Hange, tuwa at kilig lamang ang namutawi sa kanyang mga puso.
“Bagay kasi sa’yo. Tama na tanong.” Saad ni Levi na siyang nagpangiti na naman nang todo kay Hange. “Pero ito oh.”
Binuksan ng batang lalaki ang kanyang mga palad, sabay lagay ng sampaguita na naman. “Ano namang gagawin ko dito?”
“Gawin mo rin yung ginawa ko. Kapag ‘di tulad nung akin yung huling nabunot mo, edi hanap tayong bago. Tapos…”
“Tapos?”
“Gawin mo muna!”
Pinigilan ni Hange ang ngiting gustong mamutawi at nagsimula nang gawin ang ritwal.
“Hange loves Levi. Hange loves Levi not. Hange loves Levi. Hange loves Levi not…” Dahan-dahan at maingat na pagbigkas ni Hange sa bawat pangungusap. Ngunit si Levi ay nakatingin lamang sa malayo, bagama’t gusto mang tignan si Hange, hindi niya magawa dahil siya napupuno ng kaba.
Alam niyang hindi naman dapat isaalang-alang sa ganitong mga laro ang kanilang tadhana. Ngunit mas mabuti pa ring mangarap kaysa ipagsawalang-bahala na lang.
Sa sobrang lunod ni Levi sa kanyang mga iniisip, di niya namalayang patapos na si Hange sa pagbunot ng mga talulot ng sampaguita. Nanumbalik lamang siya sa wisyo nang binanggit nito ang pinakahihintay ng bata niyang puso.
“Hange loves Levi…” sabay bunot sa huling talulot.
Unti-unti ay binalik niya ang paningin kay Hange. “Hange loves Levi daw!” sigaw nito bago niya sakupin ng yakap si Levi na tulala pa rin.
Makailang sandali, niyakap niya ito pabalik, maliit na ngiti ang namutawi sa kanyang bibig.
“So, hindi ka na galit? Hindi na Hange loves Levi not ‘yung lumabas.” Onting pangaasar ni Levi ngunit sinakyan lang ito ni Hange.
“Siyempre hindi na!” Humiwalay na ito sa yakap, sabay hawak sa mga balikat ng batang lalaki. “So, ikaw naman! Ano yung ‘tapos’ mo? Anong sunod doon?”
Hindi umimik si Levi at inangat na lamang ang kanyang hinliliit patungo kay Hange. Lalong lumawak ang ngiti at saya sa puso ni Hange. Madalian niyang isinukbit ang kanya sa nakalahad na daliri at pinagsama ito nang mahigpit.
“Game? Makinig ka ha.” Tawa lamang ang binigay ni Hange. “Apat na mata. Four-eyes. Dapat kapag tayo lumaki na, hindi natin titigilang i-love ang isa’t-isa ha? Tsaka may balak akong pakasalan ka, so bawal kang magkacrush sa iba, okay? Ikaw lang crush ko kaya huwag ka nang maghanap ng iba.”
“Kasal? Eh ang bata pa natin ganyan na iniisip mo!” Pang-aasar nito.
“Pake mo ba? Gusto ko eh. Basta! Promise mo yan ah!”
“Wala pa nga kong sinasabi? Pero… Opo, Kapitan!”
“Dapat lang, Kumander.” Pinaghiwalay na ni Levi ang kanilang mga hinliliit sabay tayo, ngunit siya naman ding hinawakan ang kamay ni Hange wala pang ilang segundo ang lumipas. “Tara na. Kunin mo na yung libro mo.”
“Ha?! Saan tayo pupunta?” Tanong ni Hange habang kinukuha sa damo ang kanyang libro.
“Bili tayo ice candy. Libre ko. Binigyan ako ni Mama Kuchel eh.”
Humigpit ang hawak niya sa kamay ng lalaki. “Sige, sabi mo yan ahh.”
15 notes · View notes
hurtingbutlearning · 5 years ago
Text
My First Confession- part 1
First and foremost, I am a GAY.
I used to have crushes, pero madali naman ako maka-move on. Aside from may bago akong crush, accepted ko naman agad na wala silang gusto sakin in case na malaman nila may gusto ako sa kanila. Buti na lang, nagiging friends ko pa rin sila.
I had also a crush before na hindi naman ako umamin, kasi nga, alam kong mawawala yun. Ang kaso, iba ‘to bes, hurting ako at affected. Hindi ko alam kung bakit? ** years old ako ‘nun. First time kong umiyak sa crush ko. Napatanong ko nga sa sarili ko. Love ba ‘yun?
Mabuti na lamang at naka-move on ako at nasundan iyon ng maraming crushes. Sorry kung malandi ako minsan. ‘Yun kasi way ko para to be inspired bilang I was entering adulting. Geh palusot pa!
I was ** years old when I met this man. He was at his **’s pero hindi ko naman siya napansin kasi una matanda na siya. So wala, hindi pa ko attracted ‘nun.
He used to join in our organization as our guest and nakita ko yung potential niya. Ang galing niya sa English language Bes!
To cut the story short, the next YEAR, naging official member na siya ng organization namin. Naging representative siya in one of our contest. 
NUNG SUMAPIT NA ANG CONTEST, DOON NAGSIMULA NA ANG LAHAT.
‘Nung tumabi siya akin, may kaiba akong nararamdam. Okay! Kilig. Sige na kinilig na ko. Tapos ako naman dahil tuwang-tuwa ako, nakikipag biruan din ako sa kanya. Basta masaya ako ‘nung araw na iyon. Hanggang sa na-realize ko na, na-fall ako sa kanya.
Gusto ko sanang sabihin sa close friends ko. Ang kaso nahihiya pa ko dahil hindi naman ako sanay pag-usapan ang pag-ibig. Totoo! Imbyerna nga ko kapag nakakarinig ako ng hugot eh!
‘Yun na nga, na-fall ako sa kanya.
We used to meet weekly with my other org. members and honestly, natutuwa ako kapag nandoon siya! Iba yung kilig. Iba yung saya. Lalo na kung nakangiti siya. He may not be an ideal man for some, but for me, isa siya sa pinaka magandang lalaki na nakita ko. Ang isa sa kinakikiligan ko pa, na-appreciate nya yung tulong ko sa kanya. Lagi siyang nagpapasalamat sa akin thru text. Palagi. Nung una wala talaga sa akin, pero nung na-fall ako sa kanya, sumasaya ako! Pasensya na maharot!
Yun ‘nga lang, habang lumalalim ang pagtingin ko, parang nakakalala lang. In a way na dapat malaman niya yung nararamdaman ko sa kanya! 
Dahil diyan, sinabi ko na sa isa kong close friend na mayroon akong guy na gusto. Kwinento ko sa kanya lahat lahat.
Kinabukasan, mayroon akong advice dahil sa lalim ng pagtingin ko kay guy. Sabi ko pa sa kanya “Bessy, kagabi pa ko desidido na mag-confess, what do you think?”
Sagot niya “If ready ka sa consequences, GO!”
Sagot ko “Oo, READY na ko. By 12:00 p.m, tatawagan ko siya!”
2 notes · View notes
imyourimaginaryone01 · 3 years ago
Text
Tumblr media
"My Mr Guitarist Boyfriend. Siguro siya ung mapagmamalaki ko din na isa sa mga naging bf ko, kasi napaka galing niya mgguitara may banda kasi sila, unang meet ko sakanya naka black shirt siya, black riskband, naka eyeliner, super rockstar yung pormahan. Nakakailang kasi mukha siyang badboy nun unang meet ko sakanya, Hindi ko nga inakala na liligawan niya ako kasi noong nakilala ko siya may gf siya nun. Maputi, chubby, tpos chinita ang layo layo ko naman sa ganun look, pero nagbreak sila eh, hindi ko na inalam ung reason hindi naman niya sinabi sakin, yun na nagsimula kasi yun nanonood ako ng jam nila, childhood friend ko kasi yung vocalist ng banda nila, si ate maan. Medyo heartbroken din ako nun dahil hiwalay na kami ni ash. Pero dahil ako naman yung reason at nkpghiwalay kay ash kaya hindi ako masyadong nsaktan, nakilala ko tuloy tong si mr guitarist boy, si J-Mel, ang cute niya lalo naka black tshirt at rockstar na rockstar siya ung naging first boyfriend kong rockstar. Nun una naiilang ako kasi yung pormahan ko eh, jumper shorts tshirt at sneaker, ang baduy,.. pero dun ako kumportable eh. Pag uwi ko sa bahay hndi ko siya makalimutan kaya ayun nagtingin ako sa magazine ng mga pormahan ng rockstar. \m/ nun inimbitahan niya ako na manuod ng gig nila bandang malate place un, kaya nag pormang rockstar naman ako, chuck taylor na black tpos pants tshirt, pero hinei ako ng eyeliner na black eh kasi nbabaduyan ako haha pero tnry ko pa din.nagulat nga sya sa suot ko sabi nya, oh ano yan? Kelan ka pa nging rockstar? Sabay ngiti saakin tas sabi ko naman ngaun lang bakit hindi ba pwede magpalit ng pormahan? Hindi ba bagay sakin sabay simangot ako. :( Sabi niya saakin alam mo hindi mo nmn kaikangan ibahin ung sarili mo eh. Maganda ka kahit ano pang identity mo. Sobrang nagblush ako nun. Dun ako nainlove sakanya kahit hindi pa naman niya ako nililigawan nun, feeling ko tuloy ang ganda ganda ko. (*-*) .. Nag simula na yung gig tinawag na yung banda nila, sobrang tulala ako sakanya siya kasi ung lead guitarist kaya siya ung nagdadala sa banda, nagsimula ng kumanta si ate maan ang cool dun ko pinangarap na sana one day vocalist din ako ng banda. Kasu hindi ganun kaganda ang boses ko eh, tpos hndi ko pa kaya mga highnotes. Kaya ayun hngang nuod nalang.. Sobrang saya ko nun time na yun, pag tapos nila nun, naguwian na kami dun siya nagtanong saakin, Shine may bf kba? Bakit parang magisa ka at dmo kasama? Sabi ko naman diba ako lang inimbita mo? At wla na kasi kami ng bf ko hiwalay na kami long story eh, okay, sabi niya sakin kung pwede daw ba ako ligawan hiningi niya sakin phone number ko, binigay ko naman kasi sa totoo lang sobrang crush ko siya nun kahit may gf siya that time.
'Pag-uwi sa bahay, sobra ung saya ko nakahiga na ako nun bigla may ngtxt saakin, siya pala. Hngang sa palitan na kmi ng mga hugot qoutes mga jokes at kung ano ano, dahil rockstar siya hindi naman ako nahirapan na kausapin siya kasi kahit papano may mga hilig din nmn akong mga rock songs that time. Akala ko nga hindi sweet ang mga rockstar eh. Grabe sobrang romantik pala sila, hindi lang nila pinapakita in public pero kapag kayo lang dalawa sobrang sweet niya, kaya lang may 3rd party issue, ung ex niya pinagselosan ko kasi sabi niya ngtangkang mgsuicide, nun ngkahiwalay na sila, ayun todo comfort naman siya sa ex niya sobrang selos ko kahit hindi pa naman kami, tinanong ko siya nun magbabalikan na ba kayo? Sabi niya mahal na daw niya ako gusto daw niya ituloy panliligaw sakin, sabi ko sakanya paano kung sagutin na kita ngaun? Tapos nandyan ung ex mo nakikipagbalikan. Sobrang heartbroken ako nun na hndi ko alam kung ako ba pipiliin niya o ung ex niya. Napaka ganda kaya ng ex niya hindi ko nga alam bakit sila nghiwalay nun at ano ang naayawan niya dun. Hngang sa ilang days sya hindi nagparamdam saakin, kaya naisip ko baka sila na uli. Hindi nalang ako umaasa. Kasi ang sakit eh. Ayokong umasa eh tapos sila na pala uli ng ex niya.
"Sunday evening sa simbahan. Nagulat ako nakita ko siya sa simbahan kasama niya buong banda niya at si ate maan, kaya pinuntahan ko si ate maan nun. After ng mass umuwi na kami lumapit siya saakin, tanong niya sakin kamusta kana? Sabi ko naman eto okay lang ( pero deep inside umaasa ako na baka wla n sila) sabay sabi nya saakin, hindi kana ngttext huh, sabi ko paano naman ako mgtttext kung hindi ka rin ngttext, sabi nya sakin magabang storya kasi si irish kasi eh gusto na mkpgbalikan kaya lang ayoko kasi talaga sa babaeng ngssuicide eh, parang nahihirapan ako. Baka nmn sobrang mahal ka niya kaya ayaw ka niya n mawala sakanya, Pinaliwanag ko na din sakanya everytime daw ng mgccooloff lng sla gnun sya ngtatangkang pakamatay, sa isip ko nun ang oa nun babae. Pero sympre hindi ko din masisisi pano kung ako ung nsa sitwasyon nun girl diba. Sabi ko sakanya, hintayin ko nalang kung ano mangyayari kung magiging kayo uli happy nako para sayo pero kung mghihiwalay kayo nandito lang naman ako sympre pakipot effect kasi crush n crush ko tlga siya eh kaya gusto ko siya maging kami. At dahil ngsabi siya sakin na gusto niya ako mas lalo tuloy ako ngkagusto sakanya. Ayaw ko ng pakawalan kasi gaya nun si Mr. P, hndi ko nsabi sakanya na gusto ko rin siya nkakahinayang. Sana naging kami. Baka kasi manghinayang uli ako.
"Jam nila sa pavillon ng village namin, Gabi un naka miniskirt ako, sleeveless na black tpos nka red sandals. Nagpunta ako sa jam nila pinanuod ko siya syempre, nakatingin siya saakin habang nguguitara parang alam mo un, humihinto ung paligid. Parang kami lang dalawa ang tao dun, ngtititigan kami kahit malayo ung pwesto ko sakanila, parang naka freeze ang paligid at kami lang may koneksyon. Pagtapos ng tugtugan nila, nagpunta siya sa may pwesto ko, tinanong nya ako sino kasama mo sabi ko naman si whenggay, kasu may binili lang, ittext niya daw ako mamaya pag tapos ng jam nila, excited naman ako kung ano yun, kaya ayun gusto ko ng matapos yng araw na un at mgtxt siya saakin,
Pag-uwi ko sa bahay, habang nsa sala ako at nanunuod ng tv, may nagtxt saakin, siya na pala, sabi niya, hi aning ginagawa mo? Sabi ko naman eto nanunuod lang sa tv, ikaw? Iniisip kita lalo ung suot mo nun sa jam namin. Ang sexy mo nun sa suot mo, nakakainlove sabi niya, sobrang kinilig naman ako. Sabay sabi niya bagay sayo ang black. Lumulitaw daw ung kulay ko. Morena kasi ako. Siguro maputi ako pag black ang suot ewan. :) Finally hiwalay na daw sila itutuloy na daw niya ung pnliligaw sakin, sabi ko naman nun, parang ayoko na magpaligaw. Sabi niya naman bakit ayaw mo na ba sakin? Sabi ko ayoko ng magpaligaw kasi sasagutin na kita.. (sabay kinikilig ako sa reply nya sakin) sabi niya talaga sinasagit mo na ako? Yes! Wooh! Tapos nagulat ako tinawagan niya ako s phone, ayun buong gabi kami nagusap hngang madalingg araw nga eh. Halos ayaw na nuya ibaba ung phone, gusto niya lagi naguusap kami nadidinig ang boses ko. Buong gabi at madaling araw kami nagusap. Sobrang saya ko nun. Sarap niya kausap ang low ng voice nia, ang laki, malambing. Siya na ung pinaka perfect na Bf ko kung tutuusin eh, kaya lang naghiwalay din kami. Kasalanan ko kasi eh. Basta mahabang story.
1 note · View note
crisjhamleico · 5 years ago
Text
Super Late Confession
My Secret Love
I finally sent this letter to you.
But first let me give you a little history.
Tbh, hindi ko nga maalala saang subject tayo unang naging magclassmate basta ang naalala ko nalang we are all connected. Kilala ka ni Annette, Irene, krizia, and so on. Girls magnet ka nga e. Kasi parang more on girls talaga friends mo or acquaintance.
(links for references)
https://crisjhamleico.tumblr.com/post/122933559234/theory-of-something
Basta alam ko, mapanukso at mapagbiro lang naman mga kaybigan naten. Hanggang sa, I had a dream of you and me. (full details of that dream on the above link) Basta, I woke up na sobrang kinakabahan o kinakabugan ng dibdib. Tapos ng araw na yon, nagkita tayo noon sa SAC, hindi nako makatingin ng diretso at gusto kong umiwas. Simula noon, alam ko na, na gusto kita. I had feelings for someone I barely knew. Simula non, nakaramdam na ako ng Selos at Inggit kay Hannah, Krizia, Annette, Claire kasi lagi silang nakadikit sayo, parang laging may connection kayo. Yung ganon. At tinitignan ko sila, I also felt so insecure. Lagi kong iniisip, “ay baka ganyan gusto niya, ako eto lang ako” parang hindi nag e-exist.
Syempre si Hazel lang naman talaga nakakaalam nito ng una. Hanggang sa inopen ko nadin kay Kim & Arielle sila lng most trusted ko that time. Although may feelings nako for you hindi ko syempre pinapahalata, siguro ng mga huling Semester nalang na magkakasama tayo.
Mga most remembered kilig moments ko.
• BIDA, ng wala kayo at need nyo ng prototype. Dali dali talaga ako non naghanap ng mahahatak para kumuha ng prototype at dalhin sa inyo kasi that day, sobrang tamlay ng araw ko at namimiss kita non. May hashtag #parasapagibig pa nga daw sabi nila. Hahaha. Malala. Sobrang happy ko nito. Lalo na ung picture naten ng araw na yon, ginagawa ko ngang Wallpaper ng cp ko. Nasa link din whole story ng araw na to.
Tumblr media Tumblr media
https://crisjhamleico.tumblr.com/page/81
• SM MANILA, nuong nag SM tayo ininsist lang namen sumama non kasi sabi ni Hazel kasama ni Hannah aba syempre bubuntot kami hanggat maaari. Hahahaha! Nag quantum tayo at nag laro. Kinilig ako noong kinuha mo yung bag ko para makapag laro ako ng maayos. 
Tumblr media
https://crisjhamleico.tumblr.com/post/125522967324/unanticipated
• PRACTICUM MANUAL, kung hindi mo alam anv istorya nyan eto. Kasi siba nag ppractice kayo ng para sa BIDA. Pinaki usapan mo si Irene na gawin nya manual mo. Then chinat nya ako, na malungkot ka nga daw tapos uuwi ka pa nga daw ng bulacan sabi mo. Syempre, bilang baliw sayo, okay ako na ako na gumawa. Just the thought of you na malungkot or problemado, di ko kaya. Kilig na kilig ako talaga sa saya na magawa ko yun tapos nag thank you ka at sabi mo pa na “youre my savior”“. Ay wala, natunaw ako. Haaay.
• PICTURES, itong si Annette lagi kayong nag pipicture non e aba pag nakikita kong ganon ang ginagawa ko, picture din tayo. Like after Bacc Mass, picture kayo syempre kunyare picture din ako tapos punta ako sayo, di pwedeng wala tayo no. Pati nong, may interview tayo after practicum manual, si Irene bilang supportive friend sabi nya “Jam picture tayo pero kayo muna ni AJ para lahat tayo meron” pero ang balak talaga may picture tayo. Hahahaha malala talaga.
Tumblr media Tumblr media
Naaasar ka na ba?
Wait theres more.
Extra Kilig Moments
• VALENTINES, nuong namigay ka ng flowers samen. Sobrang saya ko non. Ang effort mo kaya. At nilagyan mo pa ng “from your ultimate crush”. Alam mo, tinabi ko yung petals non, at dnried. Pinost ko pa nga sa IG ko yun.
Tumblr media Tumblr media
• EDITED PHOTOS, dahil support nga ang mga friends, nag karoon tayo ng mga instant photos na #relationshipgoals #travelgoals ang peg. May groupchat pa kami na KILIG HERE at andon lahat ng kilig ko sayo. Hahahaha!
Tumblr media Tumblr media Tumblr media
Hindi ko alam lahat Amiel bakit. To me, you are charming, shining, beautiful but firm, strict and distant. You are there but wont always be there. You are present but not actually reaching. Ung temporary ka lang. Thats how I felt and the reason why I never intend to say how much I am in love with you. Gaano ka in love? Sabi ko nga, ilang kandila kaya dapat kong sindihan sa St. Jude para makita mo ako? Need ko nadin ba lumuhod sa Quiapo papunta sa altar? Just the thought of you makes me happy and cry. Even typing this down and finally letting it all out makes me cry. Literal na tumitingi ako sa kisame, nakikiusap. “Lord, si AJ nalang”, “Lord, si AJ nalang kase. Ibigay mona siya saken”. Hahaha pero paano mangyayare yon? Ni hindi ko nga sure kung ano ba ako sayo. Ni friendship diko alam kung totoong meron tyo non. Ang labo diba.
Remember that time na nagchill tayo sa taft? That night, krizia pointed whose your ex-gf. Tinignan ko lang sya saglit. Sa isip ko “ahh, ganyan siguro gsto nya, napakalayo saken” tapos alam ni krizia, ibigsabihin ganon ako kalayo sayo kasi wala akong alam. And yet, I am dying for your presence, hindi na nga attention e. Kahit presence mo nalang. Kami ni Hazel and Irene hindi nag eenjoy at nakaramdam ng gutom that night we went sa Burger King. Then after partying we all headed to your dorm. May curfew si Haze and si Irene need na din umuwi nun, sumasama na ako kasi ang maiiwan e si Claire and Krizia, Annette hindi naman kami Tight kaya sa pakiramdam ko ma O.P lang ako. Pero ininsist nila na mag stay ako. So I did. Pinahiram mo kami ng clothes mo non, ung napunta saken, tinabi ko pa yun til 2018 until I have to donate. The next day, morning na, I kissed you. Witnessed by krizia and your friend Jeron? Medyo nakaka off un, pero ginawa ko cos thats my only chance. I took a photo of you pa nga. Everytime I tried to make a move closer to you, I step back twice or thrice. Sorry ha. baka nairita ka saken that time.
Tumblr media
Love taught me to try new things. Alam mo ba, diba may dala kang Game of Thrones na book noon.. trust me, I tried reading it thrice pero nag eend hanggang chapter 3 lang talaga ako. Pero hindi ako talaga mahilig magbasa basa aside sa poetry pero eventually nagustuhan ko nalang.
May mga time din coincidence kahit simpleng post lang sa IG noon. Yes nauna ka pero di pa ako active sa IG ng mga panahon na to.
Tumblr media Tumblr media
Something always brings me back to you but it never takes too long cos no matter what I say or do, were like passers by.
Alam mo, sinubukan pa nga kita bigyan ng puppy diba? kaso sabi mo non, magpapaalam ka pa sa nanay mo. Nakakalungkot kaya.
3 malupit na iyak para sa feelings ko na tinago ko ng halos 2 taon simula sa araw n naramdaman ko to hanggang sa mag graduation, doon naiisip ko na na may boyfriend na ako, at wala ng chance para magkita pa tayo. Alam mo ba ng graduatuon, late ka diba, sobrang worried nanaman ako non, na hindi kita makikita. Tapos lingon ako ng lingon sa inyo sa dulo. Ung cp ko ang dami mong picture doon. Gustong gusto ko talaga na mag picture tayo buti nalang nung tapos na, nagkita tayo sa labas. Tapos nag papicture ka pa nga saken kasama fam mo.
Tumblr media
But even after Graduation, may mga bagay talagang makakapag paalala saken sayo, simple lang naman.
Tumblr media
Alam mo kelan ung mga pagkakataon na umiyak ako?
Una, nang lumalalim yung feelings ko sayo pero wala ako magawa.
Pangalawa, kasama ka pa sa group chat noon, Nov.2015 tapos nag send ako doon ng picture namen ni Niño (ex ko na ngayon) ang sabi ko doon nakilala na niya fam ko. Di ko alam kung nantitrip ka lang ang reply mo Sad Face at Broken Heart. Ang gago lang at ang sakit sakit, kasi ung love na dala dala ko for you, I poured to someone else. Siya kasi yung andun eh. Kung alam mo lang! From that day on never ka talaga nawaglit sa isip ko.
July 2017 ng nagpunta kang Doha, mix emotion padin ako, pero I saw youre doing fine and sa IG puro travel ka. Nakontento nalang tlaga ako ng ganon lang, siguro nakasanayan. Pero nakita ko comment ni Hannah sabi nya “how about dubai”. Gusto ko syang katayin. Sabi ko pa kay Irene, “Subukan niya lang talagang puntahan si Hannah” galit na galit hahahaha. Akala mo naman may magagawa. Crazy.
Kami parin ng ex ko ng mga panahon na yan, were planning to get married pa nga. Pero, nauna akong mabuntis. Simula non, nakita ko naman na mukhang okay ka, were both starting a new chapter of our lives. Then, I gave birth. I thought of making all our friends as God parents including you. Hahahaha pero honestly hindi ako sure. So sinabihan ko si Krizia na sabihin sayo. Kaya nag pm ka na balita mo nga, ninong ka. Bakit di mo alam. Tapos tinatanggihan mo. Dont worry hindi valid. Humugot ako e, tapos binalik mo saken ung hugot. Only you can confirm kung joke nanaman. Pero kung pupusuan ko, ano? Nag move on ka? Saan? Kanino at Bakit?
Tumblr media
Ito yung pangatlong iyak, okay naman ako e. Tapos mayron sa feelings ko na kumakatok dahil connected ba to sa pangalawang iyak ko? Okay naman ako e, pero nagkocollapsed pag ikaw na. Grabe.
Since then, parent na ako eh. I am starting my own family but unfortunately, he just left me for someone new. Ayon, sakit sakit, pero eventually after a year of mourning for my pain naging okay naman na, wala na ako sa toxic na relasyon.
So whats the point of telling you all this right now? Yung feelings ko at lahat ng nangyare para sa aken, ay parang ibon na kinulong ko for so long.. I am finally letting it all out. I am not letting go, Sorry not totally. Hindi ko sinasabi na aasa ako or motibo to. Why? Kasi its beautiful. Sabi ko nga, just a thought of you makes me smile. Correction, makes us smile. Madaming kinilig sa one sided love ko sayo, at kinikilig padin kami ni Haze. TEam JamIEL Forevers banat nila. HAHAHA. Nakakaganda ng mood paano mo naman ilelet go nalang as in move on? Hindi. Bahala ka. Nakakabaliw. Iyak tawa ako dito. I trust na, you will respect this. Baka sabihin mo pa, anong drama to? pang MMK. Madami ko ng beses sinubukan gawin to. Sabi ko sa Tamang Panahon, pero hindi talaga ako sure kelan un dahil itoy lihim nga. Wala naman mawawala or ano man. Nasaan ka man ngayon, sana okay ka. If you are not so busy, and willing to give answers to my assumptions, I will know once mag pm ka or reply. Ang dami ko pang gustong sabihin or ishare sayo pero this will do. 
Thank you for your existence and a glimpse of you, Amiel.
Love,
Jam
PS, attached photo na eye glasses, ng time na yan, ganyan gamit nten, tig half, hahaha nag explain pa.
**Still now sure kung isesend ko to,
Tumblr media Tumblr media Tumblr media
Tig other half ng frame namen.
0 notes
gracegtrrz-blog · 7 years ago
Text
CPAR Experience!!!
MY CPAR EXPERIENCE
CPA Review School of the Philippines (CPAR)
“Hala! Ano kaya ang feeling kapag nasa review school ka na no?” Nakakakaba na nakakaexcite. Nakakakaba dahil nalalapit na ang board exam at konting hirap nalang para sa CPA title na gustong gusto mo. Nakakaexcite at the same time dahil sa mameet mo na in person ang mga author ng libro na gamit mo, makahanap ka ng new friends at syempre may hidden agenda ka parin kahit di mo aminin! Hahanap kang forever slash inspirasyon pang sideline lang. Yung  tipong iniisip mo palang na makakasabayan mo yung mga magagaling na students galing sa mga big schools mejo kinakabahan Karin diba. But believe me, wala sa school yan kaya wag kang matakot. Kung masipag at matiyaga ka, hindi ka mapag iiwanan, promise!
Bago ako mag review sa CPAR, nag search ako ng mga blogs sa net about CPAR. Sabi nila mabilis daw ang turo sa CPAR, madami daw ang handouts. Hindi naman pala. Hindi mabilis ang turo unless first view mo palang talaga yung topic na ididiscuss. Para ka lang talagang nagrerefresh sa mga naaral mo noon. Handouts? Hindi over na madami. Madami talaga kapag hindi mo binasa at sinagutan on time kasi matatambakan ka na.
Hindi naman ako nagsisi na sa CPAR ako nag review dahil super enjoy sa CPAR hehe ang dami rin kasing magandang view sa batch 82 hehehe. Pero swear, enjoy talaga. Mababait ang mga reviewers lalo na si Atty. Valix.
Facilities? Keri naman, sobrang lamig sa room. Yung tipong gugustuhin mong yumakap sa crush mo sa sobrang lamig lalo na kapag wala kang jacket as in! Yung restroom na blockbuster sa haba ng pila, yung tipong gusto mo ng makipila sa boys dahil grabe talaga haha ang haba ng pila sa girls as always.
CPAR Reviewers
My real sched is weekdays, morning but then I shifted to weekends. Nahirapan ako sa weekdays na morning sesh haha Idk, hindi ako makagawa ng magandang study sched kaya nagrisk akong itry ang weekends. Narealize kong pang weekends pala ang utak at katawan ko haha, mas bet ko ang mag aral ng diretso ng 5 days (mon-fri) maghapon. Mas namaximize ko yung time para mag aral, tapusin lahat ng dapat tapusin tapos makikinig lang ako maghapon sa weekend class ko. Absorb absorb lang ganern.
LAW
My reviewer in Law? Syempre the one and only, Atty. Dante dela Cruz. Yan ang tunay na LODI! Mahina ako sa law pero sobrang pasasalamat ko talaga kay Atty. Dante. Sobrang kwela ng law class nya. Minsan nga tawa lang ako ng tawa. Masaya ka na, natuto ka pa. yung tipong malingon ka lang ng konti puno na ung board sa bilis nya mag discuss. Sobrang idol ko rin talaga si Atty. D lalo na ng ishare niya ang lifestory nya, naiyak pa nga ako non sobrang nakakahanga talaga ang kasipagan at determinasyon ni Atty. Dante! Kung mahina ka sa law, making ka lang ng mabuti kay Atty,D at the same time, basa basa rin pag may time. Makukuha naman yan sa tiyaga, wag ka lang aantukin haha.
FAR
Sir Thomas Siy is my reviewer. Idk pero never akong nabored or inantok sa mga discussion nya. Maybe because of his voice? Haha ang gwapo ng boses nya, para kang nakikinig sa radio, pang-DJ ba. Type ko yung way ng discussion nya. Simple pero may dating, basta making ka lang, para mo lang narereview yung mga alam mo na, at the same time, yung mga di mo alam mapapa “ayy ganon nga pala yon” ka nalang. Nag try akong makiklase kay Baby Valix, but I really prefer Sir Thom’s style of teaching. Anyways! Depende rin naman sa tao kung saan sya komportable makinig. Na aamaze lang talaga ako at kabisado nila ang handout, problems at solutions, lodi! Seriously, mahina ako sa FAR nung undergrad, after ng mga sesh with Sir Thomas Siy, nagtataka nalang ako kung bakit hindi ko yon alam dati haha. Nakaka-amaze lang, parang magic. Napansin ko lang na marami ang umaalis kapag FAR na. pero suggestion ko lang talaga is huwag kang aalis. Kahit na alam mo na, makinig parin. First of all, sayang ang bayad mo haha. Second, ayaw mo nun? Mas mareretain yon sa utak mo J
AFAR
Dalawa ang reviewer ko sa AFAR hehe mabisyo ako e. sabi kasi nila ang hirap “daw” sa AFAR sa actual pero believe me, sobrang layo sa preboard ng CPAR! Basic questions lang basta ewan ko rin ba kung sinwerte lang kami or what hehehe. Sir Brian Lim ang reviewer ko sa weekend sesh then Sir Chris German for my weekdays sesh. Sa AFAR lang talaga ako pumapasok pag weekdays. Sir Lim’s style is more on techniques. Mga shortcut ba, topnotcher kasi e kaya ang taba rin ng utak nya umisip ng mga techniques which is very helpful naman nung nagtake ako ng board exam lalo na sa Advacc part 1. Pero syempre Kailangan mo ang concepts, kaya I prefer sir German pagdating sa concepts. Tho ang tagal nya magdiscuss sa isang problem, pero naituro naman na nya ang lahat ng dapat nyang ituro. Yung forex na inaayawan ko, ganon lang pala kapag nakinig kang mabuti kay Sir German haha. Galing din ng oppa nyo sa concepts tapos minsan may mga hugot pa siya. Siya yung tipong kung naliligawan lang ang problem baka ginawa na nga nya hehe joke lang sir. For me, sapat na ang combination ng concepts ni Sir German and techniques ni Sir Lim.
MAS
Sir Jamil Saripada is my reviewer in Management Advisory Services. Sa lahat ng naging reviewers ko sya ang second favorite ko (malalaman nyo ang first favorite ko later hehehe). Siyempre magaling din si Sir Rodel Roque pero nag stick na ako sa class ni Sir Jamil hehe. At first mejo nag doubt pa ako kasi nga hindi ako familiar sa kanya pero tinry ko syempre para malaman ko and hindi naman mali ang naging desisyon ko haha. Galing! Siya yung tipong hindi napapagod kakasalita. Titigil lang ata sya kapag break hehe pero nakakaamaze ang galing nya magdiscuss plus ang ganda ng sulat niya parang niruler lang. bet na bet din yung mga techniques niya sa pagsolve at pagtanda sa mga theory part ng topic. Kwela pa ang mga definitions niya hahaha.
AUDITING
Of  course,the one and only Sir Jerry Roque. Ewan ko ba parang tawa lang yata ako ng tawa pag klase na nya. Ayoko talaga ng audtheo weh kaya pinipilit ko nalang makinig at iabsorb ang mga tinuturo ni Sir Roque, sobrang antok talaga ako sa audtheo na ewan ko ba hahaha pero magaling si Sir Roque magturo, sabay ka lang sa discussion nya ng mga problems sa Audprob. Sagot ka muna sa handout sa bahay/dorm then sumabay ka sa discussion nya. Try and try lang bes kahit mali minsan haha.
TAX
Presenting, the one and only, my favorite reviewer in CPAR, Atty. Tristan Lopez. Sobrang kwela every meeting. Hindi matatapos ang klase mo sa kanya ng hindi ka tatawa. Super as in! kaya pag tax na, sobrang excited akong magklase. Masaya ka na, natuto ka pa. Super funny ni Atty. Lopez grabe haha halata naman diba? Atty. De vera is my first choice but then, si Atty. Lopez ang nasa weekend class ko so nagtry ako makinig at thank you talaga kay Lord at hindi naman niya ako binigo haha. Naging favorite subj ko ang tax dahil kay Atty. Lopez. Ang laki ng impluwensya sa akin ng taong ito. Maging sa firm sa gusto ko ang laking factor nya. Too sad hindi ako doon dinala ni Lord hehe,pero okay lang din, baka mas may better plan ang Lord weh. Simula umpisa ng discussion hanggang sa Matapos, tatawa ka lang haha joke. Concepts and computations ang style ni Atty. Lopez plus may jokes pa na sobrang havey!!! Para kang nasa comedy bar slash review center pagdating sa klase nya. Sa room namin, minsan mejo madaming vacant seats haha ewan ko baka di nila type? Pero for me talagang okay naman ang klase niya. Dami ko rin natutunan sa kanya about tax. Sobrang na inspire pa ako nung kinwento niya ang lifestory niya, hindi ko akalain na malapit pala siya kay Lord hahaha pero swear, nakakainspire. Sobrang lalakas ang loob mo para sa board.
 Masaya sa CPAR, super magiging masaya ang CPA journey mo. Maganda ang environment, mababait ang mga reviewers at maraming good looking peeps hahaha charot! So kung nagdedecide ka if saang review center ka magreview, it’s up to you! Choice mo naman yan e. Bawat review schools syempre may mga kanya kanyang strength. Basta nasa’yo yan kung paano ka papasa, iguguide lang tayo ng mga review centers na napili natin. Wala sa special handouts or anything ang pagpasa sa board. Basta, magtiwala ka sa review center mo at syempre sa alam mo! Huwag kang papasindak kung hindi ka man nabahagian ng kung anong special handout or kung anong handout pa yan, remember, mas fulfilling at masaya sa pakiramdam kapag nakapasa ka sa board ng sa sariling alam mo lang! tandaan mo yan J
Goodluck future CPAs! Keep the faith! Don’t quit!! You can do it :)
6 notes · View notes
akoanggrasyangbuhaymo · 5 years ago
Text
Hugot 32
Just an overview, I met this girl last year during the VLF na inivite ako ng classmate ko.. I think that was July 14, 2018.. (edit ko na lang kung mali).. I was stunned and tokd myself, iaadd ko 'to sa facebook.. Which I did.. Inaccept niya, tamang stalk lang, comment, papansib sa react sa mga My Day niya.. Pero I let it pass kasi, mas bata siya sa'kin and walang kasiguraduhan yung gender preference niya pero ramdam ko.. Basta crush ko since the day I met her.. Magkagusto man ako sa iba, hindi nawala yung pagkacrush ko sa kanya..
So, we meet again..
At the wrong place, at the wrong time.. Pero sabi nila, wala namang wrong sa love.. Nakatakda 'tong mangyari.. Siguro, hindi pa oras noon pero pakiramdam ko, kailangan ko nang kumilos kasi parang binibigyan ako ng second chance.. I don't know kung siya (someone close to our heart who just died) ang naging daan pero nangyari na..
We were together with your ex and it feels weird.. Honestly, natuwa ako sa gesture niya na sa likod umupo nung nauna siyang dumating kasi sabi ko sa sarili ko, sarap siguro patugtugin ng "Passenger Seat" habang nagddrive ako.. Kaso hindi ito yung panahon para magdiwang ang puso ko dahil may pinagluluksaan tayo.. Pero sa talino at husay niya, alam kong naiintindihan niya ko.. Hindi naman siguro masama na isipin kita kahit katabi kita.. Ang daldal ko, hindi ako ganito kapag may gusto ako sa isang tao.. Well, hindi ito yung gustung-gusto kasi kakatapos ko lang matawag na "Rejected".. In a positive way, "Friendzoned".. Kahit ano pang tawag mo diyan, masakit parehas..
I wasn't expecting na mag-ex kayo until we eat at KFC sa NLEX and she (the ex) told me na magkalahi kami.. I keep on processing things.. Until, umalis na tayo at bumiyahe na ulit.. Actually, nagulat pa nga ko nung bigla kang nagshare "Actually, ex ko siya".. Delikado pero napatingin talaga ko sa'yo.. Ang tanging naisip ko na lang, oh! Shit! I have a chance.. lol!
Sabi mo pa, since nakwento ko na, nagshare ka na rin.. Then, I asked, you answered.. The details? I already forgot kasi sobrang saya ko.. Sobra sobra!.. Hindi ko na isusulat dito kasi it's your story to tell..
We finally arrived, you cried.. I looked at the coffin and pray a bit.. She was the best professor we both had.. It's the time to acknowledge the reason why we meet again.. You were crying and I wanted to comfort you but she (the ex) is there.. And of course, not the right time.. I don't want to be the scary one.. Chill.. Hinay hinay lang kumbaga..
Fast forward, we shared our first meal together.. Ang daldal ko pa rin.. Pati yung professor natin, tuloy lang ang kwentuhan sa buhay but at the back of my head, kinikilig ako kasi sa'kin ka tumabi imbis na kay ex.. I was expecting na sa kanya ka tatabi, ending magkatapat kayo.. Tuloy lang tayo sa kwentuhan about the life of our dearest professor.. There was a story na shinare mo about how our best professor asks you to do something sa likod niya after niya kumain then para kong nakuryente kasi dinemo mo yun sa likod ko.. It tells me na, you're comfortable na.. Ako na naman 'tong si malisyosang ate mo, nabigyan ko na naman ng meaning 'to..
Everytime na iiyak ka, hindi ako mapakali kasi gusto kita hawakan o yakapin pero hindi pa pwede.. Kaya, sorry nagyosi ako, bukod sa habit na, nasstress ako dahil umiiyak ka which is okay lang naman kasi nawalan tayo pareparehas ng life teacher..
Fast forward 20x
Pauwi na tayo, napakarami ko nang nakwento kasi inaantok na ko.. So, I asked you to tell me a story about you and your ex, pasulpot sulpot na tanong about your family na sinasagot mo naman.. Then, you said something na I forgot na kasi next thing na nangyari is, may nabrought up akong chapter niyo na walang pagdududang hindi pa napagusapan ng maayos.. Well, for you, okay na but I don't think na okay na siya.. Naguilty ako kasi naglabasan kayo ng ilang reservations.. Naisip ko, shit! Alam niyo parehas na may crush ako sa'yo baka isipin niyo may gusto akong palabasin.. Pero hibdi ko talaga intention 'yun.. The details of your talk is another "your story to tell'.. Hindi ko na isusulat dito..
Fast Forward 8x
Nagstop over tayo sa SM Marilao to pee and buy food.. Nakapagusap kami ni ex mo which hindi ko na idedetalye then, we walk papunta sa car.. Tahimik ang lahat kasi bukod sa kumakain kayo, medyo awkward yung nangyari bago tayo makarating sa SM.. Tuloy-tuloy ang byahe hanggang sa malapit na tayo, you asked your ex kung saan siya bababa, then she said sa office kasi may pinapagawa raw sa kanya which I felt na hindi naman totoo.. You asked her twice, "Bakit hindi na lang bukas?" But the second time you asked, alam kong hindi niya tatapusin ang araw kahapon na di kayo naguusap.. Kapag tinatanong ko siya kung saan siya bababa, hindi siya makapagdecide hanggang sa sinabi niya na kung saan ka bababa, dun siya bababa..
At the back of my head, naisip ko na ayaw niya tayong iwanang dalawa dahil alam niyang crush kita.. Pero I know, may dahilan siya kung bakit naginsist siya na makausap ka..
Nakauwi na ko at kating kati na ko magtanong talaga.. Maiba ako, a lot of times na nakaidlip ako s NLEX, twice na muntik nang mabangga.. Blessed ako at alam kong may gumagabay sa'kin.. Thank you, Ma'am..
Pagkapark ko ng sasakyan, may chat ka na pala.. Then, nagreply ako, pero di ka agad nagreply, baka tulog ka na o kaya naman magkausap pa kayo.. Natulog ako ng ilang oras then, nagising, nabasa ko reply mo na mainit ulo mo so nag-usap nga talaga kayo..
Hayyyyyy.. Tadhana, please? 'Wag mo na kong biguin this time.. Nakakapagod nang mateject at mafriendzoned.. I promise to be focused lang sa kanya and alagaan siya dahil deserve niya 'yun.. I promise na I will do everything that I can be worthy or her time and love.. Please, be with me Tadhana.. Please?..
0 notes
tulakape-blog · 8 years ago
Text
Ligawan: Nyeeaaaaaam
I’m sure na nabalitaan niyo na ang kay init-init na kontrobersya na lumilibot kay Mumshie Erich at Xian Gaza. Kung ‘di pa, let me break it down for you:
Wansapanataym, may isang Rich Instik CEO™ sa pangalan na Xian Gaza. Si Xian may crush kay Erich Gonzales. Now, being the rich CEO pabibo he is, nagpatayo siya ng specialized billboard para kay Erich, asking her out on a coffee date. Google niyo mumsh, swear, ang pangit. ‘Di kapanipaniwala na may graphic designer out there na binayaran ni Rich CEO Xian Gaza™ para mag release ng kay laki-laking billboard na may at least 3 different fonts; isa pa nga ata is arial bold lang eh. Kuya, sa totoo lang. Shookeneneng ako ‘don. Nag-release na raw si Madam Erich ng official pahayag niya about sa VERY public ligaw ni pards Xian. Sabi niya let’s see raw. Okay so moving right along.
Dito na pumapasok ang pangunahing punto ko: public ligaws are so toxic. 
((Wow, TOXIC. Hugot poet tumo-TOXIC. AMAZAYN.))
Yes, bes, toxic. Now, why? Okay, let me break it down for you again, bebe. Sa standard na sitwasyong ligaw sa publikong lugar, may tatlong tauhan: ang manliligaw, ang nililigawan, at ang nanunood ng pagliligawan -- witness. Ang pangunahing receiver, ‘ika sa pag-aaral ng komunikasyon, talaga sa sitwasyon na ito ay ang nililigawan. Ngayon, doble ang puwersa sa kaniya; ang una’y galing sa manliligaw at ang pangalawa sa taganuod. Ang nangyayari doon na dahil ay dalawa ang kaniyang binibigyan ng tugon o reaksyon, mas may diin sa kaniya, imbes na bigyan pansin ang anumang gawain ng manliligaw. Nagkakaroon ng shift of subject, now with tayms dos pressure. TODO NA ‘TO, GO GO GO! 
((Unfair naman ata ‘to kay mumshie erich, ‘di ba?))
TAMA KA DIYAN, BES. ITO OH PAYBTAWSAN! Unfair kasi not only does she feel burdened to answer to Rich CEO X-ray Gaza™ but also to those who witnessed the SUPER ULTRA MEGA public ligaw. Saan natin makikita ang ebidensya na may actual bearing ang mga nanunood ng panliligaw? Oh, bes, can’t you see? They’re all over the comment section! Doon natin makikita ang mga pesteng nagpe-pressure kay Erich na sagutin si Sir PedXing. Kung ‘di daw sinagot ni Erich ang laki ng kawalan; ang cute ng effort ni kuya, etc. Mega magazine even gave their payb centavos by saying “Major props! *clap emoji*.” Major props, literally. Masyadong prop ang isang malaking billboard sa gitna ng Recto! These people only pressure Erich into giving her go signal for a coffee date! Worse, ‘pag nag-no siya, bitch, malaking pakawala???? PIGILAN NIYO ‘KO! Kalbo ang lola niyo sa mga kababuyan ng tao eh. Public ligaws elicit only unpremeditated, forced, fan-favor reactions from people who beg for happy-ever-afters. Hindi nagpa-kick out si Mark Zuckerberg sa Harvard para ‘di niyo gamitin ang messenger! Lintik na EverWing ‘yan, sinisira ang magandang pangalan ni Tito Mark niyo. These people are only perpetuating the idea that money is effort and effort DEMANDS a rightful reciprocation. BOLSH8.
Am I saying that public ligaws are always wrong? No of course not, bimb! Kaloka ko naman kung ganoon! Of course, kailangan muna natin tanungin ang ating sarili. Does s/he like me back enough for this to elicit a light, positive response? Who will see this? Is this too basic or grandiose for her/his liking? Like all things, bimb, nilulugar ang ligaw. Mr. Gaza Rich Intsik CEO simply did not think this through well enough. He only had met her, no, seen her through television and once after a movie. His money wasn’t effort as much as it was a scheme to show off how much effort he can afford. Nakalimutan niya siguro na ang Pilipinang tulad ni Erich ay hindi nabibili sa mga pabonggang pasabog tulad ng art project ni Xian.
((Sinong nasa mali at sinong nasa tama?))
In my honest opinion, Xian Gaza should never had done this in the first place. Ang creepy, bimb, sa totoo lang. At ‘di rin dapat sumulpot ang mga hopeless romantex ng comments section, nagsasabi na dapat ganito Erich, cute ni kuya, Xian you da man -- bullshit. Ito ang sangay ng kulturang ligaw na umuugat sa mga temang sexist o, sa kalalimlaliman, panggagahasa. Kung ‘di kayo magkakilala, advice ko na lang ay gawin itong pribado. May messenger, telegram, viber, silde into those DMs, ‘ika nga ng mga kabataan ngayon.
LEAVE, MUMSHIE ERICH ALONE MGA GAGO. CHILL CHILL LANG SI ATE GIRL NIYO. PUTULAN SANA KAYO NG CABLE.
1 note · View note
tinamaetales · 8 years ago
Text
mga hugot pt. 1
first full length tagalog post, waddup!
Matagal na akong nagbabasa sa wattpad, dahil bukod sa nakakabasa ako ng libre ay may mga natutuklasan akong mga manunulat doon na di man nabibigyan ng pagkakataon na sumikat ay patuloy pa rin sila sa pagbabahagi ng mga kwento. Inaamin ko na noon, mas pinipili ko talaga magbasa sa wikang Ingles, kasi pakiramdam ko noon mas may lalim ang mga kwento nila kaysa sa nakasanayan nating ‘plot’ ng mga kwentong Pilipino (patawad kung masyadong kolonyal ang mentalidad ko noong high school ako, ang pelikulang Heneral Luna ang nagbalik sa pagmamahal ko sa Inang Bayan ngunit sa ibang araw ko na lang iyan ikukwento). Sinubukan kong magbasa sa wattpad, napansin ko kasi noon na tila sumisikat ito at nakikita ko naman na dumarami ang mga nagbabasa. Ang una nga palang kwento na nabasa ko sa wattpad ay ang “Seducing Drake Palma” ni beeyotch. Pagkatapos nun, binasa ko ang “Training to Love” ni Jonaxx. Tapos, binasa ko naman ang “A and D” ni fallenbabybubu. Pagkatapos nun ay halos di ko na mabilang ang mga magagandang kwento na nabasa ko. Lahat po yan ay romance ang genre pero bawat isa sa kanila ay natatangi ang kwento, di mo masasabing “bumenta na yan” dahil may kakaibang ‘magic’ ang pagkakasulat. Minsan nga naisip ko, bakit di na lang ang mga ito ang gawan ng ‘film adaptation’? Mas bago ang mga konseptong ipinapakita ng mga kwento ng mga manunulat sa wattpad kumpara sa mga napapanood nating mga mainstream na pelikula (hindi po ako hater at walang intensyon na mag bash, ang sa akin lang ay di naman masamang humanap ng bagong timpla na makikita sa mga sinehan di ba?)
May mga tauhan sa bawat kwento na tumatak talaga sa akin. Nais kong ibahagi sa inyo ang aking opinyon tungkol sa kanila. (Pero hindi lahat mailalagay ko dito, ang dami kasi) Simulan natin :)
Seducing Drake Palma by Beeyotch
Gaya ng sinabi ko, ito yung unang kwento na nabasa ko sa wattpad dahil sa kapatid ko. Nung panahon kasing yun, matagal na siyang nagbabasa sa wattpad pero di lang ako nagkakaroon ng interes, tapos nung may pinuntahan kaming lugar na walang internet, nakita kong nagbabasa siya tapos nag eenjoy naman. Kaya ayun, binasa ko na rin. Di ako nagkamali! Sobrang sulit ang pagbabasa! Wag kang magpapadala sa pamagat, di ito adult fiction. Teen romcom ‘to. Magaan siya basahin tapos nakakakilig nga naman. Minsan hinihiling ko na sana ako na lang si Alys. (haba ng hair ni ati!)
Drake Palma
Aaminin ko, kaya ako talagang nagkainteres dito dahil yung crush ko ng panahon na yun (high school ako nito) ay parang si Drake Palma. Masungit, snob, tahimik, pero sobrang gwapo at matalino. Nakita ko si Drake sa kanya. Tapos syempre, feeling ko ako si Alys. Isa sa mga nagustuhan ko kay Drake ay yung kahit once in a blue moon siya magsalita ay pag nagsalita naman siya tumatatak naman. Si Drake Palma siguro ang ituturing kong ‘first love’ sa wattpad. Di siya perpekto, masasaktan ka sa kanya pero di ba ganun ang pagmamahal? Na alam mong nagmamahal ka kapag nasasaktan ka pero worth it naman. 
Alys Perez
Ito yung tauhan sa kwento na kagigiliwan mo dahil sa kanyang personalidad. Masasabi mo na yung pagiging ‘bubbly’ at inosente niya ang dahilan kung bakit siya kamahal mahal na tauhan sa kwento. Naalala ko ang sarili ko sa kanya, lalo na nung high school, yung feeling na may crush ka tapos talagang gagawin mo lahat makakuha lang ng kahit kunting pagpansin mula sa tao. (Pero siyempre sa akin di happy ending, haha saklap. Kaya siguro bitter ako eh dahil sa kasawian nung high school, biro lang)
Lana’s List by fallenbabybubu
Ito nagustuhan ko kasi yung pag atake sa kwento medyo kakaiba. Gaya ng nasa pamagat, ang kwento nito ay umiikot sa isang listahan. Ang listahan na iyon ay ginawa ni Lana para maging gabay niya pagdating sa  pagdedesisyon tungkol sa kung ipagpapatuoy ang pagtingin o hindi. Sabi nga sa synopsis ng kwento, may dalawang klase daw ng lalaki yung reachable at unreachable. Kapag unreachable, tigil na bes di ka mananalo diyan uwian na. Pero kapag naman reachable, diyan maaring magkaroon ng change is coming kemerut. 
Lana Lopez
Siya yung klase ng lead character na gusto ko maging. Nagustuhan ko yung pagiging independent niya at saka pagiging matalino sa mga desisyon. Marami akong natutunan sa ginawa niyang listahan. Gusto ko rin yung pagiging ‘realistic’ ng kanyang perspektibo, yung di assuming. Tinitimbang niya ang mga desisyon. Pero siyempre may mga flaws pa rin naman siya. Gusto ko maging tulad ni Lana.
Zeo Alcante
Ang masasabi ko na lang ay, siya yung klase ng lalaki na mapapakanta ako ng “Mr. Right” kasi ganyan yung mga type ko nung teenager pa ako (wow, makasalita naman akong type di ba? sensya na po). Yung magaling mag basketball at chinito. Ang isa sa nagustuhan ko sa character niya ay siya yung klase ng tao na di ko madalas ma-encounter kumbaga. Kasi siya, parang SM got it all ganern. Pero ayun nasa category siya ng unreachable tapos ayaw niya pa ng commitment. Naintindihan ko yung ‘hesitations’ niya pagdating sa pagcocommit. Perfectly flawed na tauhan para sa akin.
Not all blondes do backflips by CrayonChomper
Ito naman, sa wikang Ingles isinulat pero Filipino ang sumulat. Ang nagustuhan ko dito ay yung hindi pagiging ‘common’ ng karakter ng bida. Si Lennon Simms kasi kumbaga maituturing mong ‘stereotype’ kasi blonde siya, matangkad, blue ang mga mata at yung katawan niya pang cheerleader kaya nga nung unang araw niya sa bagong paaralan na nilipatan inalok siya ng mga cheerleader na mag sign up sa kanila pero ang ginawa niya nag sign up siya sa math wizards at dun nagsimula ang mga ‘complications’ (sorry na, spoiler alert)
Lennon Simms
Di siya yung karaniwang prim and proper na tauhan. Palamura siya, maangas, at napaka boyish dahil na rin siguro nag iisang anak na babae siya. Ang gusto ko sa kanya ay yung pagiging totoo niya. Di niya tinatago kung sino talaga siya kaso minsan dapat mag preno rin siya.
George and Paul Simms
Yung kambal na mga kuya ni Lennon pero dahil isang taon lang naman ang agwat kaya iisang antas lang sila sa paaralan. Ang gusto ko sa kanila ay yung pagiging magkaibang magkaiba kahit na identical twins. Bukod sa mukha, ay ang pagiging soccer player na lang ang pagkakapareho nila wala ng iba. Si George mas kasundo ni Lennon. Pero tinawag siya ni Lennon na ‘Satan in a blonde wig’ dahil kahit mabait, kapag nagalit iba rin. Si Paul naman ay ang epitome na siguro ng isang lalaking vain. Masyado kasing obsess ‘to sa looks niya lalo na sa buhok. Tawag sa kanya ni Lennon ay ‘diva slob’
How to break-up with the bad boy? by beeyotch
Siguro ngayon pa lang halata na fan talaga ako ng mga kwento ni beeyotch. Ito naman yung kwento na hirap akong tapusin basahin paano ang unpredictable ng bawat kabanata. Yung akala mo magiging okay na tapos meron pala biglang, ‘surprise, mofo!’ at ‘but wait, there’s more!’ kemerut. Ang sakit sakit basahin ng kwento na ‘to. Parang mapapasabi ka na lang ng, wag na tayo magmahal bes ganern.
Monique Aldea
Itong tauhan na ‘to ay yung klase ngtao na kakampihan mo pero kaiinisan mo rin. Kakampihan mo siya kasi naiintidihan mo yung pinanggagalingan niya eh pero kaiinisan mo rin dahil sa mga naging desisyon niya. Yung mapapasabi ka na lang ng, ‘Sa lahat ng pwede kang maging tanga diyan pa! Na sayo na teh, anyare?’ ganern. Pero masisisi mo ba siya? Yung tipong kapag naman inisip mo na ikaw yung nasa sitwasyon niya eh malamang baka ganun din ang gawin mo o pwede namang maging mas matalino ka sa magiging desisyon. Pero ang alam ko lang matapos ko ‘to basahin? Yun ay ang wag agad humusga. Madaling magsalita kung di ikaw ang nasa sitwasyon.
Chance Sandoval
Ito yung tauhan na kung maghahanap ka ng isang kanta na magdedescribe sa kanya ay yun yung ‘Perfect’ ng One Direction kasi siya yun. Ano pa ba hahanapin mo? Gwapo, stable ang career, at wagas magmahal. Pero dahil sa mundong ito di pwedeng sa yo lahat ayun si fafa Chance kahit anong perfect niya iniwan pa rin kaya naging cold. Tapos nung nagmahal ulit eh...(basahin niyo na lang ayoko ispoil ‘to mas maganda na habang binabasa niyo nasasaktan din kayo tulad ko haha, mabuhay ang mga sawi!) Bakit ba ganun? Nagmahal lang naman siya pero bakit kailangan lagi siyang masaktan? Yun na lang ba talaga ang tadhana niya? Gusto ko na lang tuloy sabihin na, akin ka na lang Chance, iingatan ko ang puso mo. Pak ganern.
Lourd Sandoval
Yung bad boy. Yung fuck boy. Yung ang perpekto na rin pero alam mong delikado siyang mahalin. Siya yung tao na mapapakanta ka ng “I knew you were trouble’ ni Taylor Swift. Alam mong masasaktan ka kapag nag take ka ng risk pero alam mo rin sa sarili mo na worth the fight siya. Siya yun eh. Siya yung halimbawa ng isang taong minsan nang nagmahal ng sobra pero ginago kaya naging gago pero kapag nagmahal naman muli ayaw mo nang pakawalan. Ayan ganyan yan. Pero kahit ganyan yan, mahal ko yan.
Just the Benefits - Just the Strings - Just this Once (pati na rin yung story ni Preston na I watched him fall for someone else) by beeyotch 
Grabe sa lahat ng sinulat niya ito talaga pinakapaborito ko. As in! Talagang yung mga characters sa kwentong ito ay yung klase na tatatak sa yo. Yung di mo sila makakalimutan. Kumbaga, icons na sila. At dahil nga sa paborito ko talaga ‘to, magsusulat ako ng hiwalay na blog post tungkol dito na mas may detalye. Iiklian ko lang ang ilalagay ko rito.
-JTB-
Ang stressful basahin nito. Ito kasi yung kwento na awang awa ka sa bida pero wala eh ganun talaga kapag nagmamahal di ba? NAGPAPAKATANGA. IBINIBIGAY ANG LAHAT. Masasaktan ka ng masasaktan dahil di ka naman masasaktan kung di mo mahal di ba? Dahil mahal mo magtitiis ka wala eh ganun. Theme songs nito? Secret Love Song ng Little Mix at The One That Got Away ni Katy Perry. Basta ang sakit sakit basahin nito, seryoso. 
Imogen Harrison
Ito na siguro ang babaeng pinaglihi sa kasawian. Sa sobrang mahal niya, ayun binigay ang lahat at nagtiis. Kahit nasasaktan na kumakapit pa rin ang lumalaban.
Parker Yapchengco
Dahil nga gagawa ako ng hiwalay na blog post tungkol dito at doon ko mas ilalagay ang mga detalye ito na lang masasabi ko: kapag minahal mo siya dapat maghanda ka ng masaktan pero kahit na masaktan ka di mo pagsisisihan. Siya yung ‘great love’ mo na di mo makakalimutan.
Shiloah Suarez
Kagaya rin siya ni Chance na perfect. Ito yung klase ng lalaki na mapapasabi ka na lang ng “too good to be true” ganun. Bakit ba kapag perpekto mas grabe masaktan? Ano ba earth?
-JTS-
Parker Palma
Aaminin ko, kung gaano ko kamahal ang tito niya na si Parker Yapchengco kung saan siya pinangalan ay ganun ko naman siya kinaiinisan. Kasi naman siyang siya yung nasa kanta ng Passenger na “Let her go” kasi para sa kanya talaga ang lyrics na “Only know you love her when you let her go and you let her go”
Mary Imogen Suarez
Mahal na mahal ko ang character na ‘to. Para kasi siyang si Alys pero sa tingin ko better version. Ang banal niya, ang inosente tapos ang genuine magmahal. Yung mas inuuna ang damdamin ng iba kaysa sa kanya, ganun siya.
Saint GDL
Isa pa ‘to eh. Isa pa ‘tong halimbawa ng “Mr. Right” yung ang perfect na tao. Parang si Chance at Zeo. Minus mo lang ang pagiging sawi ni Chance at ang takot ni Zeo sa commitment. Wala na akong ibang masasabi kundi sana akin na lang siya haha. Legit na boyfriend goals. Basta hirap idescribe.
-IWHFFSE-
Short story na mag iiwan ng marka sa puso mo
Preston Suarez
Ang kuya ni Mary Imogen na mapapaisip ka na lang kung ampon ba siya kasi ang sama ng ugali. Sabi nga ng author, itong si Preston ay rude, arrogant, at bully but when he loves, yun na. 
Gaya ng sabi ko, dahil gagawa ako ng hiwalay na blog post tungkol sa Just universe ni beeyotch kaya hanggang dito na lang muna. 
Ilan lang yan sa mga kwento sa wattpad na tumatak talaga sa akin. Marami pa akong nabasa na nag iwan ng pait at mga ngiti sa akin. Ngunit ang mga tauhan na nabanggit ko sa blog post na ito ay yung mga talagang tumatak na sa akin at hindi ko makakalimutan. Baka nga balang araw kung magkaanak ako eh ipangalan ko sa kanila, hehe. Marami talagang mahuhusay na manunulat sa Pilipinas, sana nga lang ay tangkilikin natin sila. 
1 note · View note
ellesanity · 8 years ago
Text
How to flirt discreetly with your crush, the “Accountancy way”
Paano nga ba lumandi kay crush with your dignity still intact? Here are some ways that may or may not help you strike a conversation with your crush, the "BSA-way."
#1: Peram calcu bes
Alam naman natin na bilang isang BSA student ay gamitin talaga ang mahiwagang calcu. You know naman, tadtad tayo ng problems. Iwan na ang lahat, 'wag lang si calcu.
So when a time comes, you can use this as an alibi to talk with your beloved *ehem* crush.
Lapitan mo lang siya sabay sabing “uy may extra calcu ka? Peram naman, kailangan lang sa quiz mamaya. Balik ko nalang later. Salamat!” sabay pa-cute nang onti. Oha! After nito, p'wede mo siyang yayain kumain, s'yempre libre mo, to give thanks to him/her. Nakausap mo na si crush, may instant date pa kayong dalawa! Pak!
#2: Teach me senpai
Alam naman natin na karaniwan ay mahirap ang accounting subjects na tine-take nating mga BSA. Pero look at the brighter side! Maaari mo itong gamiting dahilan para duma-moves kay crush.
Simple lang naman ang dapat gawin. Lumapit kay crush, (relax ka lang bes, 'wag mas'yado pahalata at sabihing, "pwede ba magpaturo sa *insert accounting subject you like*, mejo nahihirapan kasi ako, e. Kung okay lang naman sa 'yo," with a smile ;))) Oha #GalawangHokage 
Tapos after that, yayain mo rin siyang kumain, your treat of course, bilang pasasalamat, just like sa naunang example. Bahala ka na kung ano pang ibang strategy ang maaaring i-apply basta dapat tuloy-tuloy ang ligaya!
Natuto ka na, naka-da-moves ka pa. Win-win situation, bes.
#3: Ask a question
S'yempre sa course natin madalas ang assignments. Sandamakmak na homeworks. Kaiyak, 'no? Pero it's okay! There's always a way to make everything seem okay.
So kung may nalimutan ka or 'di naintindihan regarding your homeworks, use this as a way para makausap si crush.
Don't be shy! It's your time to shine. Just pm/ask her. You can say something like "hey, ano nga ulit 'yung assignment?" or "ano nga ulit gagawin sa assignment? Saan ilalagay?" and the like. Then voila! You can now have a conversation with your crush. Diskarte mo nalang kung paano pahahabain ang usapan niyo.
#4: Let me be your tutor
Kung sakaling nahihirapan si crush regarding sa isang topic, maaari mo siyang turuan para dagdag pogi/ganda points. S'yempre, dapat gets mo talaga 'yung topic. Mahirap na. Baka mas maalam pa pala sa 'yo 'yung tuturuan mo, nakakahiya bes. Hahaha. P'wede mo siyang ayain sa bahay niyo. May possibility rin na ikaw ang yayain niyang pumunta sa kanila. O 'di ba. Mas makikilala mo siya through this way.
Note: You can use this technique kung "friends" na kayo ni crush, meaning, close na kayo, para 'di ka magmukhang FC. Kung 'di pa naman kayo ganu'n ka-close, p'wede rin naman. Basta easyhan mo lang, bes. Pasimple ka lang, okay?
Nagawa ko na 'to last time, pramis! HAHAHA kaso 'di naging kami nu'ng crush ko :((((( ganu'n naman sila, e, magaling lang 'pag may kailangan #hugot #awtsuu
Pero masaya 'to guys, try niyo minsan!
#5: Tara, aral tayo!
P'wede mo ring yayain si crush na mag-aral ng subjects niyo. Mas okay kung kayong dalawa lang magkasama para feel na feel mo ang moment. Pero kung 'di pa kayo gaanong close, p'wede rin namang mag-group study nalang kayo. Ayos din ito para gumanda ang image mo sa kaniya at sa mga barkada niya. S'yempre, iisipin niyang isa kang responsableng mag-aaral dahil dito. Plus pogi/ganda points, which will result to more chances of winning his/her heart <3
#6: Pa-share bes
As a BSA student, 'di mawawala 'yung makakapal nating books na nagsisilbing sandata natin sa bawat giyerang ating kinakaharap.
Kaya naman...
Kapag naiwan mo 'yung libro mo, just ask him/her to share/lend his/her book with you. Mas epektib 'to kung seatmates kayo. Pramis. Imagine niyo nalang ;)))))
#7: Peram review materials
Bukod sa mga libro, dapat may may iba pa tayong review materials. 'Di ka mabubuhay sa course na 'to kung 'di ka resourceful.
Maaari mong gamitin ang technique na ito kapag nalalapit na ang exams/quizzes ninyo. Or kahit sa simpleng araw lang, basta natripan mong mag-aral. S'yempre, don't forget to thank your crush! ;)
#8: Tara sa recto
Every sem, sandamakmak na libro ang binibili nating mga BSA. Dumadayo pa nga tayong recto para makamura. S'yempre, praktikal lang tayo. Ang mamahal kaya ng books! 'Yung iba umaabot ng 800+php 'yung original. Grabehan lang, 'di ba. Nakaka-stress na nga 'yung course mo, mapapagastos ka pa.
Kapag ganitong panahon na, p'wede kang dumiskarte sa crush mo. Ask him/her "pwede ba ako/kaming sumabay sa inyo sa pagbiling mga libro sa recto?" something like that. S'yempre kadalasan isang grupo kayong pupunta dun. Mas marami kayong bumibili at bibilhing books, mas malaki madi-discount niyo.
Tapos ganito bes. Pasimple kang tumabi sa kaniya sa bus/jeep/LRT on the way sa pupuntahan niyo. Chikahin mo na rin. Kung wala kang mai-topic, magandang convo starter ang struggles niyo sa accounting subjects niyo. Malay mo, maging (mas) close kayo after nito.
#9: Kopiko 78 degrees
Isa pang sandata ng mga BSA students ay ang kape! Coffee keeps us wide awake at night while we study for our exams. So usually, mahihilig talaga tayong mga BSA sa kape. You can ask him/her to have some coffee with you, of course, your treat. Pero kung 'di mo afford, p'wede namang KKB. Hahaha. Alamonaman tayo, mejo kuripot.
#10: Be active
S'yempre, dapat 'di lang puro acads, bes. Sumali ka rin sa mga extra-curricular activities sa school niyo. Join some competitions on your school programs. Sumali ka, mapa acad or non-acad pa 'yan. Tulad na lamang ng General Assembly (ng inyong local chapter/region), o kaya sa Sportsfest! S'yempre, sumali ka kung nasaan si crush.
Epektib 'to, pramis! Nakasali na ako sa scrabble competition na ginanap sa university namin nitong nakaraan lang. Actually, 'di ko alam na kasali pala si (ex)crush 'dun. Hahaha. Ayun. Naging magka-team pa kami. Naka-usap ko siya. And more <3 Quotang-quota ako mga bes! Bonus pa na nanalo kami. Ang saya lang. Tapos nakasama ko na rin siya last year sa isang quizbee na ginanap sa ibang university. 'Di ko pa siya crush nun. 'Di kami nanalo pero ang saya lang ng experience :)
Ilan lang iyan sa mga paraan na maaari mong gamitin para (mas) mapalapit kay soon-to-be forever mo. Kung may nais kayong i-suggest or idagdag, maaari niyo akong i-pm. Char.
Tandaan: nasa sa inyo pa rin naman nakasalalay ang progress niyo ng crush mo. Ikaw ang may hawak ng mga desisyon mo. Ikaw ang gumagawa ng tadhana mo. No pain, no gain. T'yaga-t'yaga lang, bes. Makakamtan din natin ang ligaya. Sasaya rin tayo balang araw. Charrrrrr. Tiwala lang, bes. Magiging kayo rin! At magiging CPA rin tayo balang araw!
- ellesanity, (soon-to-be) CPA
2 notes · View notes
thegreatmaninternational · 5 years ago
Link
This video is mainly about Hugot, hugot lines, hugot compilation, hugot lines Tagalog, hugot songs, hugot lines for love, hugot lines sa crush, hugot lines for crush, best hugot lines, pinoy hugot, spoken poetry Tagalog hugot, hugot Tagalog, hugot kay crush, hugot para kay crush, hugot lines patama, hugot lines funny, hugot lines crush, hugot lines about love, pinoy hugot lines, mga hugot lines, Filipino hugot lines at hugot lines for crush.
#MaxTawa #HugotLines #Hugot #HugotLinesForLove #HugotLinesPatama
0 notes
thegreatmaninternational · 5 years ago
Link
Hindi ito typical na hugot compilation lang.. Masakit man ang katotohanan tungkol sa pag-ibig, mas sasakit ang tiyan mo sa katatawa habang pinanonood mo ang video ito.
#MaxTawa #Hugot #HugotLines #Banat #HugotLinesForLove #PinoyHugot #HugotLinesParaKayCrush #HugotCompilation #PinoyHugotLinesBestCompilation #HugotLinesTagalog #BestHugotLines #HugotKayCrush #HugotLinesFunny #HugotTagalog
2 notes · View notes
thegreatmaninternational · 5 years ago
Link
Hugot Lines, Hugot Lines Tagalog, Hugot Lines Funny, Hugot Lines About Love, Hugot Lines Patama, Hugot Lines Funny, Hugot Lines Para Kay Crush, Hugot Lines Kay Crush, Hugot Lines For Crush, Hugot Lines 2018, Hugot Lines Tagalog 2018, Funny Hugot Lines, Vice Ganda Hugot Lines
1 note · View note
thegreatmaninternational · 5 years ago
Link
Kapag natagpuan mo na ang iyong pag-ibig parang abot langit ang bawat ligaya. Subalit kapag dumating na ang matitinding pagsubok sa inyong relasyon tila walang katapusang impyerno sa sakit na iyong mararanasan. Toink! Seryoso?! 
Idaan na lang sa hugot yan.. Heheh! Samahan ako sa aking mga komentaryo sa Hugot Lines for Love video na ito at pagaanin na lang natin ang bawat karanasan.. Kita-kits sa videong ito!  
0 notes
thegreatmaninternational · 5 years ago
Link
This video is about Pick up lines, Pick up, Cheesy pick up lines, Funny pick up lines, Best pick up lines, Cute pick up lines, Smooth pick up lines, Clever pick up lines, Romantic pick up lines, Romantic pick up lines Tagalog, Savage pick up lines, Boy pick up lines, Pick up lines Tagalog, Pick up lines for guys, Pick up lines funny, Pick up lines Tagalog funny, Pick up lines Tagalog pang asar, Pick up lines Tagalog sweet, Pick up lines for tinder, Hugot lines, Hugot, Hugot lines for love, Hugot lines about love, Hugot lines Tagalog, Hugot lines patama, Hugot lines funny, Hugot lines love, Hugot lines para kay crush, Hugot lines for crush, Hugot lines tagalog patama, Hugot quotes, Hugot tagalog, Hugot crush, Hugot para kay crush, Hugot quotes tagalog, Best hugot lines, Pinoy hugot lines, Mga hugot lines, Shaynine and Shaynine Tik Tok.
0 notes