#paghanga
Explore tagged Tumblr posts
Text
Mamahalin kita tulad ng aking paghinga
Katulad ng aking paghanga sa mga tala
Mula sa malayo ika'y aking mamasdan
Hawak ang mga tulang sa'yo lamang nakalaan
#poetry#tula#spoken word#poem#poets on tumblr#tagalog poetry#tagalog#poems#maikling tula#tulatulaan#poetic#poema#poet#poetscommunity#the tortured poets department#makalaya#makata#manunula#manulat#manunulat#liham
3 notes
·
View notes
Text
pagkatha ay nagsisilbing pahayagan ng damdaming umiibig at hayagan itong nilalathala nang malaya / nahihiya man na ipakita sa kanya, sa pagkatha'y maaaring maitago ang mga saloobin at palamutian pa ito ng metapora't o pagmamalabis na talinghaga bilang sining ng paghanga / hangga't s'ya ang laman ng paksa sa bawat likha, damdamin ang s'yang umaakda at isisigaw ang bawat dama nang kay laya...
(image:
© a clipart face etching by Sassy Bella Melange via Flickr | Pinterest)
4 notes
·
View notes
Text
Ang sarap sa feeling pag may happy crush. Yung pag nakikita mo yung mala anghel niyang mukha at matamis na ngiti na nakakagaan at nakakasaya ng pakiramdam. Kahit alam at tanggap mo na taken na siya at di ka naman naghahangad na maging kayo pero patuloy lang pa rin yung paghanga mo sa kanya. Malaman mo lang na may nag eexist na ganung tao at nakilala mo siya ay kontento at masaya ka na. Ah basta, wag kang mag alala tiyo, di ko siya aagawin sa iba.
2 notes
·
View notes
Text
Dear Romeo,
Unang una, gusto kitang pasalamatan. Salamat sa limang taong paghanga mo sa akin. Salamat dahil sa loob ng mahabang panahong yon, tiyak ka sa nararamdaman mo. Unfair naman ng mundo para sa iyo. Pasensya ka na kung hindi ko mababalik yung nararamdaman mo. Patawarin mo ko kung hindi ko kayang turuan ang puso ko.
Gusto ko lang malaman mo na, oo masaya ako. Masaya ako na nakilala kita, naging kaibigan, naging sandalan at sabihan ng mga bagay na nakakapagpalungkot sa akin. Baka dumating yung araw na hindi mo na ako mahalin, baka dumating yung araw na makita mo rin yung taong para sayo. Baka malungkot ako kasi iba na yung aalayan mo ng mga tula. Pero alam ko, magiging masaya ako para sayo dahil sa wakas natagpuan mo rin yung taong gagawin kang parte ng kanyang kwento.
Maraming salamat sa pagpapasaya sakin, kahit minsan corny ka naa-appreciate ko yun. Sana nakalaya ang puso mo pagkatapos mong umamin sa akin. Sana nakahinga ka ng maluwag. Sana nabawasan yung iniisip mo.
Masaya ko, sana masaya ka rin.
8 notes
·
View notes
Text
Kuya Emman
Sa sobrang pagpapahalaga ko before, I still remember kung kailan kami naging bestfriends, January 4, 2010. Uso pa noon yung mga post sa FB na "describe me in one word" tapos yun yung nilagay niya.
Nagkakilala kami I think MEC camp sa Beulah then may Sunday practices sa Tambo PICC, Paranaque (taga-doon pa sila) then eventually, naging GenSec si Ptr. Abiog at napadpad na sila sa Beulah land.
2009 | Naging close kami dahil sa samu't-saring ministry opportunities sa church, simula sa pagtugtog sa Prayer and Praise, Youth leadership, salitan kami sa pag-lead ng devotion at Bible study, Lupong pamunuan duties, District and National OrgComms. Lumawak rin connections namin dahil sa mga ito. Alam ng nasa radar namin na bestfriends kami marahil expressive rin ako as a friend. Saktong flex lang pag may okasyon ganon. As our friendship deepens, somehow naging accountable kami sa spiritual life ng bawat isa, nakakapag-share ng vulnerability at weakness at allowed na i-correct ang isa't isa which is nakikita ko non as sign of maturity sa isang friendship. Eventually, namuo ang paghanga at nagka-one-sided na feelings ako sa kanya. Ideal kasi sa lalakeng gusto kong pakasalan someday (lol) haha. Kristiyano, growing sa Lord, kasama maglingkod, matangkad, friendship ang foundation, mapagkakatiwalaan. As time passes by, I think we just grew tired sa dynamics namin. I became too much for him, minsan "too nice", madrama, and overthinker. Sa amin, ako ang sentimental sa mga bagay bagay at pangyayari. Yung special for me, normal na araw para sa kanya, mga ganong tipo. Nilalamon rin ako at times ng thoughts na sana hindi niya nalang ako bestfriend dahil nakikita ko kung paano niya i-treat yung ibang friends niya especially girls, mas treated with kindness, care, may interest siya kausapin at ako pinanghahawakan yung sinabi niya na kapag daw may ibang tao (lalo na ang lawak na ng circle namin), ay focus kami doon, dahil kapag kaming dalawa nalang naman na, we have our time. "Baka cold siya sakin kasi mas close kami". hahahahay ewan ko ba. Kadalasan nung era na yun, madalas kong bine-blame yung sarili ko for being an annoyance to him, na kasalanan ko bakit kami nag-ddrift apart na – feeling ko it's because of what I did or said pero ang hirap manghula lalo na sa edad na yun. Ang hirap kumawala sa cycle na most of the time lugmok ka > tapos bigla magkakaroon ng time to bond, heart to heart talk > okay for a while > cold na naman > magho-hold on sa katiting na glimpse of hope na it will get better. Hilig pa naman noon na parang kailangan mo i-decipher yung conversations niyo jusko. That feeling na you're just waiting for the season na "ah okay na ulit." Tapos walang assurance kung ano ka pa ba sa life niya.
"People should be doubted. Many people misunderstand this concept. Doubting people is just a part of getting to know them. What many people call ‘trust’ is really just giving up on trying to understand others, and that very act is far worse than doubting. It is actually ‘apathy." ― Shinobu Kaitani, Liar Game, Volume 4
Isa ito sa inside thoughts o silent rule ng friendship namin & kinda explains on my part why I held for too long. I always find a reason na i-justify why i feel what I feel kahit na hindi na maganda. Kahit taken for granted, martyr at willing to lay my life for him ang peg ko. Hanggang sa dumating na yung araw na medyo kinakatakot ko and at the same time, inaabangan ko para may panindigan na mag-let go at move forward. Nagkaroon siya ng girlfriend tapos ang caption "BFF. Medyo teaser" hahahaha! Yung pakiramdam na "Where was I?" ika nga ni Alexa Ilacad.
Mas leaning yung heartache ko with the fact na replaced na ako bilang bestfriend. Tapos na ang laban, may kinalagyan ka na. Ganon. Cringe man, pero he was my first love. Yung willing akong gawin at ibigay kung anong meron ako at higit pa na walang kapalit. Maging available kahit sa moments na inconvenient. Taking the extra mile para tumulong sa panahon ng pangangailangan. Sumalo sa mga pagkukulang. Maging substitute o representative sa panahong di siya pwede. Hanggang sa panahon na tanggap ko na hindi ganon kalaki ang puwang ko sa buhay niya, gusto ko pa rin siya maging bestman sa kasal ko, ninong ng magiging anak ko etc.
Siyempre ako bida dito, kwento ko 'to eh. Blog ko 'to. HAHAHAHA JOKE
Kidding aside, mahirap man na alalahanin pa yung magagandang nangyari sa pagkakaibigan namin, tinuruan niya ko kung -paano neatly i-fold yung mga foldable payong, -kung paano iligpit yung mga kurdon tuwing after gamitin yung mga instrumento pag tutugtog ng Prayer and Praise, -kung paano mag-trouble shoot ng mga gadget, -yung wisdom ng obedience is better than sacrifice, -mag-brisk walking lol. yung paghatid/sundo sa friend para safe. -yung idea na basta alam mo yung train station na sasakyan mo pauwi, buhay ka na gumala kung saan saan haha. -yung pagiging okay ng 'x-mas' as pagbati pag Christmas (lol pinaka-naalala kong gaslighting ganap XD char) -yung pagiging handa na sumalo sa mga task at pagiging innovative -yung magpatuloy kahit dalawa o tatlo lang ang umattend sa gawain -Pagiging mabutinting sa mga software at hardware lalo pag related sa music.
Remembering our friendship made me realize how we take our relationships seriously even at a young age and i believe we've learned how to take care of it as we grow apart. Yung pagsabuhay natin ng salitang commitment para sa Lord at sa kingdom Niya. Ito rin yung time panahon na dini-discover natin yung potential natin sa iba't ibang aspeto ng paglilingkod. Yung kahalagahan ng pagkakaroon ng spiritual friend at mentor. Yung mga pag-acknowledge sa mga kahinaan naten at no man is an island sa journey na ito. Itong era na 'to ay malaking parte ng paghubog ko bilang isang Kristiyano.
Dumating man at marahil mas lamang yung mga panahong walking on eggshells tayo (o ako sayo). Matagal pa rin naman kasi tayong naging mag-churchmate after ng lahat hanggang sa naging civil at marami pa ring pagkakataon na involved tayo sa leadership ministry. Ate at kuya pa rin tayo ng Kabanatang Sulo. Nagchichikkahan pa rin tayo kapag bumabyahe tayo papunta at pauwi galing sa mga meetings, kapag maaga tayo sa practice ng Prayer and Praise o Bible study at nakakapag-aya pa tayo ng quality time basta may ibang taong kasama. hehe. At a certain point, naging mahalaga kang parte ng buhay ko. Salamat sa company, sa ministry, sa leadership at sa friendship.
Pagpalain ng Lord yung mga balakin natin sa buhay at yung iba't ibang aspeto nito. Kalooban Niya nawa ang maghari. Thank you ulit kuya Emman :) Fin. | May 5, 2023 | 9:05PM
7 notes
·
View notes
Text
Dahil sa paghanga ko sa’yo ay nalaman na hindi pa pala ako handang magmahal ulit.
0 notes
Text
Kapag nagtagpo ang isang narcissist at isang sociopath, maaaring magkaroon ng komplikadong dynamic sa pagitan nila. Narito ang ilan sa mga posibleng mangyari:
1. **Manipulasyon at Labanan ng Kapangyarihan**
- Pareho silang maaaring may tendensiyang mag-manipula ng iba upang makuha ang gusto nila. Sa simula, maaaring maganda ang relasyon dahil sa mutual na interes, ngunit kalaunan ay maaaring magkaroon ng kumpetisyon para sa kontrol o dominance.
2. **Pagpapakita ng Charm**
- Ang sociopath ay madalas magaling sa pag-charm sa ibang tao, samantalang ang narcissist ay naghahanap ng atensyon at paghanga. Maaaring samantalahin ng sociopath ang kahinaan ng narcissist, lalo na ang kanilang pangangailangan sa validation.
3. **Toxic na Relasyon**
- Dahil parehong may kakulangan sa empathy, maaaring maging labis na mapanira ang kanilang relasyon. Ang narcissist ay maaaring maghanap ng admiration mula sa sociopath, ngunit hindi ito magbibigay ng tunay na emosyonal na suporta.
4. **Pagsasamahan sa Panandalian**
- Sa simula, maaaring magkaroon sila ng mutual na pakinabang, lalo na kung pareho silang may layunin na makuha ang isang bagay. Gayunpaman, kapag nawala ang halaga ng isa sa isa, mabilis na masisira ang kanilang relasyon.
5. **Pag-abuso o Pananamantala**
- Ang sociopath ay maaaring mas mapanira dahil sa kanilang kakayahang magsinungaling at manakit nang walang pagsisisi. Samantala, ang narcissist ay maaaring gumanti gamit ang emotional manipulation o pagtatangkang ibalik ang kontrol.
Sa kabuuan, ang relasyon sa pagitan ng isang narcissist at sociopath ay bihirang maging malusog o pangmatagalan. Madalas itong nagiging mapanira at puno ng salungatan.
0 notes
Text
"Ang imahe at pagpipinta mo"
Noon pa man ay nabighani si Braque sa presensya ni lucia. ang kanyang pagtawa, ang paraan ng paglinang ng kanyang mga mata nang magsalita siya tungkol sa kanyang mga ambisyon, ang banayad na kurba ng kanyang mga labi na tila nagtataglay ng isang sikreto. Bilang isang pintor, natagpuan ni Braque ang kagandahan sa pinakamaliit na detalye, ang paraan ng pag-flash ng kanyang mga pilikmata, ang malambot na pagkahulog ng buhok sa balikat, ang tahimik na katahimikan bago ang isang pag-uusap. Ngunit ang espiritu ni Lucia ang higit na nabighani sa kanya, ang pagguhit sa kanya ay parang isang gamu-gamo sa apoy.
Sa loob ng maraming taon, si Lucia ay naging muse ni Braque, at nakuha niya ang bawat bahagi niya sa langis at canvas. Siyempre, hindi alam ni Lucia na ang paghanga ni Braque ay mas malalim kaysa sa sining. Para kay Lucia, sila ay simpleng magkaibigan—sa halip na mga kasosyo sa negosyo. Bawat sesyon, bawat pagpipinta, ay naglalapit kay Braque sa masakit na katotohanan: Hindi kailanman masusuklian ni Lucia ang pagmamahal na mayroon siya para sa kanya.
Araw-araw, gabi-gabi, pinipinta siya ni Braque na parang siya lang ang muse na mayroon siya. Nakuha niya ang bawat tampok na mayroon siya sa kanyang langis at canvas. Bawat brush stroke ay repleksyon ng kanyang pananabik para sa kanya, kahit na hindi napansin ni clara sa kanya ang mga painting na ipininta ni Braque ay para lang... well, Business.
Lumipas ang mga taon, patuloy na itinatago ni Braque ang pagmamahal sa kanya. Ngunit Bigla siyang nagsimulang dumating nang huli para sa kanilang mga sesyon, lumaki ang hinala. Lumipas ang mga linggo at linggo na nagsimula itong si Braque ay sabik na malaman kung bakit siya nagsimulang maging ganito, naisip niya. Tapos may pumasok sa isip niya. Nagsimula siyang makipag-date sa isang tao. Ah, dapat ganoon.
Lahat ng iniisip ay naging totoo. Siya ay nakikipag-date sa isang tao, isang kaakit-akit na manunulat na nagngangalang Ethan. Ang realidad ay natamaan nang malaman na si Lucia ay palaging magiging kanya at hindi kailanman sa kanya. Sa lalong madaling panahon ay dinadala ni Lucia si Ethan sa kanyang studio. Tahasan siyang tinatanggap ni Braque ngunit pilit na binabalewala ang sakit na bumabalot sa kanyang dibdib.
Lumipas ang mga araw at mas pinalalim niya ang kanyang sarili sa kanyang trabaho, natigil sa kanyang studio ito ay naging isang hanay ng mga larawan ni Lucia. Bilang mekanismo ng pagkaya sa kanyang mga larawan ay naging mas.. Magulo, mas hilaw. Dinadala ng bawat brushstroke ang bigat ng kanyang sikreto. Ngunit habang lumalaki ang canvas, lumaki rin ang espasyo sa pagitan nila.
Si Lucia ay tila mas malayo. Hindi gaanong interesado sa sining na minsan ay naging sa buong buhay niya. Ngayon inilalaan ito sa isang bagong bagay.
Sa pagdaan ng mga buwan, ang hindi mapakali na mga gabi at ang stress ay mas nagpahirap sa kanya, Sa wakas ay nakagawa siya ng desisyon. Aalis siya sa lungsod. Lumipat sa ibang lugar, kung saan hindi na siya uubusin ng bigat ng kanyang hindi nasusuklian na pag-ibig. Akala niya oras na para bumitaw.
Sumulat siya ng isang tala, isang huling at huling paalam sa kanya
"Sa bawat hininga na mahalaga sa akin
Dito sa Mundo, Tinitiyak na ang lahat ng pagmamahal ko ay para sa iyo"
at oras na para umalis, sa huling sulyap ay umalis si Braque sa studio at hindi na lumingon pa.
Nang matagpuan ni Lucia ang liham ay dumikit ang puso ni Lucia. Hindi pa niya nakita ang bahaging ito ni Braque, ang hindi masabi na sakit, ang lalim ng pakiramdam na nandoon noon pa man, na nakatago sa ilalim ng kanilang pagkakaibigan. nilamon siya ng guilt.
At kaya ito nagwakas—ang pag-ibig na hindi kailanman mangyayari. Hindi naririnig, hindi nasasabi, at sa huli ay nawala sa shuffle ng oras
0 notes
Text
Nakaliligaw na Pagbabalatkayo
Imagine this: Nagsisikap kang gumising bawat araw kahit pakiramdam mong parang estranghero ka sa sarili mong balat. Kung saan kahit andami mo nang pinapasan, gumagalaw pa rin ang mundo nang walang pakialam sa’yo. Yung tila wala kang lugar dito kahit gaano mo pa subukang makibagay.
Sa nobelang No Longer Human ni Osamu Dazai, tinatalakay dito ang sakit na ito na palaging dinadama ni Yozo Oba, isang lalaking lilim ang bawat galaw sa alyenasyon, hiya, at takot na mapalapit sa iba. Isa itong kwento ng kaniyang paglalakbay sa depresyon—isang mapait na pagsalamin ng mga isyung panlipunan na patuloy na nagpapahirap sa atin hanggang ngayon. Sa mundo ng mga likha ni Dazai, at maging sa ating mundo, ano nga ba ang kapalaran ng mga taong hindi kayang umangkop sa papel na inaatas ng lipunan?
“I never once answered back anything said to me by my family…Far from it, i felt convinced that their reprimands were without doubt voice of human truth speaking to me from eternities past; I was struck with the idea that since i lacked the strength to act in accordance with this truth, I might have been disqualified from living among human beings.” – Osamu Dazai, No Longer Human
Sa unang kabanata ng nobela na pinamagatang "The First Notebook," ipinapakita ang kabataan ni Yozo. Mula pagkabata, natutunan na niyang magsinungaling at pilit makibagay sa paniniwala ng iba upang hindi lumihis sa inaasahan ng lipunan. Sa kulturang Hapon noong 1930s, kung saan nakabatay ang kwento, tanyag ang mga pamilyang aristokrata, kaya’t mahigpit ang mga patakaran sa lipunan. Para kay Yozo, isang kahihiyan ang hindi pagsunod sa mga patakarang ito, lalo na’t maaaring nakakaapekto ito sa kanilang pamilya. Sa ganitong konteksto, hindi maiiwasan ang kaniyang paghanga at pagtingala sa mga taong pinakamalapit sa kanya, sapagkat sila ang mga unang tagahubog ng kaniyang pananaw at pag-unawa sa mundo. Subalit sa kabila nito, madalas pa rin siyang magduda at hindi lubos na sang-ayon sa lahat ng sinasabi at paniniwala ng mga nakapaligid sa kanya, lalo na ng kaniyang pamilya. Dahil dito, paulit-ulit niyang nararamdaman na hindi siya nababagay o “hindi tao” sa mundong ginagalawan niya.
“As long as I can make them laugh, it doesn’t matter how, I’ll be alright. If I succeed in that, the human beings probably won’t mind it too much if I remain outside their lives. The one thing I must avoid is becoming offensive in their eyes: I shall be nothing, the wind, the sky.” – Osamu Dazai, No Longer Human
Sa bawat kilos ni Yozo, nadarama ang kaniyang malalim na pagkalayo at pagiging estranghero sa sariling pamilya, mga kaibigan, at lipunan. Posibleng sanhi ng kaniyang alyenasyon ang kakulangan niya sa emosyonal na suporta, takot sa pakikisalamuha, at kawalan ng tunay na pag-unawa sa kaniya ng lipunan. Dahil dito, nagsimula siyang magbalatkayo bilang masayahin at masunuring bata, isang maskara upang maitago ang takot niya sa posibleng panganib na dala ng hindi pagkakaintindihan sa pagitan ng iba. Mula pa pagkabata, naka-ukit na sa isipan ni Yozo ang kakayahan ng tao na manakit ng kapwa, kaya’t matiyaga niyang itinatayo ang mga harang na namamagitan sa kaniya at ng mundo—isang paraan upang maprotektahan ang sarili mula sa sakit na maaaring idulot ng iba.
“Whenever I was asked what I wanted my first impulse was to answer “Nothing.” The thought went through my mind that it didn’t make any difference, that nothing was going to make me happy. At the same time I was congenitally unable to refuse anything offered to me by another person, no matter how little it might suit my tastes… In either case I was torn by unspeakable fear. In other words, I hadn’t the strength even to choose between two alternatives.” – Osamu Dazai, No Longer Human
Noon, maituturing ang paghingi ng tulong o kagustuhan, lalo na sa mga lalaki, na kahiya-hiya at palatandaan ng pagiging mahina—isang paniniwalang pumigil kay Yozo na humingi ng suporta. Dahil sa patuloy na paglilibing niya sa kanyang damdamin, unti-unting nawalan si Yozo ng interes sa mga bagay-bagay, dahil alam niyang nagdudulot lamang ng sakit ang bahagyang pag-angal niya sa kaniyang pamilya. Ito din ang naging sanhi kayat naging pipitsugin si Yozo.
Pagdating sa ikalawang kabanata na ”The Second Notebook”, makikilala ng mga mambabasa si Yozo sa high school hanggang kolehiyo.
“I soon came to understand that drink, tobacco and prostitutes were all excellent means of dissipating my dread of human beings. I came even to feel that if I had to sell every last possession to obtain these means of escape, it would be well worth it.” – Osamu Dazai, No Longer Human
Upang takasan ang kaniyang takot at stigma mula sa pagkakasangkot sa isang kaso ng pagkitil ng sariling buhay, bumaling si Yozo sa alak at iba’t ibang uri ng bisyo. Para sa kanya, mabisang paraan ang mga bisyong ito upang malimutan ang kaniyang mga alalahanin at mapanatag ang kaniyang kalooban, kahit pansamantala lamang. Alam niyang mali ito, ngunit sa mundo niya, ito lamang ang nakikita niyang paraan para makaramdam ng kalayaan—isang bagay na ipinagkait ng kanyang ama sa pagpapadala sa kanya sa kolehiyo at pagpipigil sa kanyang kagustuhang gumuhit, ang tanging bagay na nagbibigay sa kanya ng kaunting kasiyahan at pagkakakilanlan sa sarili.
“The pictures I drew were so heart-rending as to stupefy even myself. Here was the true self I had so desperately hidden. I had smiled cheerfully; I had made others laugh; but this was the harrowing reality. I secretly affirmed this self, was sure that there was no escape from it, but naturally I did not show my pictures to anyone except Takeichi.” – Osamu Dazai, No Longer Human
Sa bawat kabanata ng No Longer Human, makikita ang pakikibaka ni Yozo sa paghahanap ng sariling pagkakakilanlan—isang bagay na nananatiling malabo, watak-watak, at walang katiyakan para sa kanya. Mula pagkabata, ang pagguhit ang tanging bagay na nagbibigay sa kanya ng kaligayahan at pakiramdam ng tunay na pagkatao. Sa pamamagitan ng mga linya at kulay, nagagawa niyang ipahayag ang kanyang tunay na damdamin—mga damdaming hindi niya kayang ilantad sa harap ng ibang tao.
Gayunpaman, dahil sa matinding presyon mula sa kanyang ama at sa lipunang pinagmulan, napilitan siyang magtago sa likod ng mga maskara upang makibagay. Naiipit ang kanyang pagkakakilanlan sa mga inaasahang pamantayan ng lipunan, at unti-unting sumisira ang pagkonpormang ito sa kanyang pagtingin sa sarili. Sa bawat galaw at kilos, pinipilit niyang makipagsabayan sa “normal” at ipakita ang mukhang inaasahan ng ibang tao, subalit ito rin ang nagiging sanhi ng kanyang malalim na krisis sa sariling pagkatao.
Mananatiling makabuluhan ang nobelang No Longer Human sa mga mambabasa dahil sa mga usaping panlipunan tulad ng presyon ng lipunan, mental health, at paghahanap ng sariling pagkakakilanlan. Sa pagbasa ng mga ganitong kwento, mas maiintindihan natin ang mga karanasan ng mga taong tulad ni Yozo, na hindi kayang makibagay sa mga inaasahan ng lipunan. Isang paanyaya ang akdang ito para sa ating lahat na magkaroon ng empatiya at masusing pag-unawa sa mga isyung panlipunan na madalas tinatabunan ng ating lipunan mismo.
“All I feel are the assaults of apprehension and terror at the thought that I am the only one who is entirely unlike the rest. It is almost impossible for me to converse with other people. What should I talk about, how should I say it? - I don't know.”
― Osamu Dazai, No Longer Human
Tatlong beses ko nang nabasa ang nobelang ito. Ngunit sa bawat beses akong ipinakilala kay Yozo, mas lalo kong nakikita ang sarili ko sa kaniyang puwesto, mas lalo kong naiintindihan kung bakit niya nagawa ang lahat ng kaniyang desisyon sa buhay. Nakakatakot isiping kay dali lang mawala ng isang tao dahil sa presyon ng lipunan sa kanila. Sa kabuuan, inirerekomenda ko ang nobela na ito sa sinumang handang basahin ito at sa sinuman ang handang harapin at intindihin kung ano ang epekto ng mental health sa buhay ng isang tao.
Mga paboritong linya:
“Unhappiness. There are all kinds of unhappy people in the world.” “It’s not society. It’s you isn't it?” “Is trustfulness a sin, I wonder?”
“Everything Passes”
Sanggunian:
Dazai, O. (1958). No longer human. New Directions.
1 note
·
View note
Text
Sa sulok ng isipan, kung saan
Ang lahat ng ala-ala ng nakaraan ay mayaman,
Nagtago ang saya at tuwang minsan nang naramdaman.
Simula nang mamulat
At mag-ani ng yaman sa kaisipan,
Nangarap ako't nagdasal sa pagibig na mistulang isang
Panaginip lang.
Yumabong ang kaalaman,
Dumami ang inaasam. At sabay kong inakalang
Ikaw ang hanap ng
pag-ibig na ramdam.
Pero ano ito? Litong lito,
Gulong gulo.
Akala ko ba tayo,
mula noon hanggang sa dulo?
Mistulang tuod na lang ba
ang tingin mo sa 'kin, sinta?
Binalot na ba ng libog 'yang isipan mong
Noong una'y sa akin lang ang paghanga?
Minsan sa dako roon,
Sa isip kong noon nama'y masaya,
Natanaw ko na lang ang puso kong
Nagtago na mula sa madla.
Mahal kita,
Pero parang sobra na.
Sana ako naman, sana ito na nga.
Mahal, hindi sapat ang mahal kita
Na sa tuwina'y lagi kong ipinapaalala.
Siguro nga'y kailangan ko muna
Lumaya mula sa'yong kadena.
Sa paglaya, sana madama
Sayang noon ay naramdaman na,
At hiling ko lang sa 'yo, sinta,
Na ako'y mahal mo nga sa tuwina.
0 notes
Text
Bugtong Ko at Ng Buwan - The Commentary
I-share ko lang 'to bago matapos ang Buwan ng Wika.
So, ito 'yong tula na ginawa namin ng tropa kong si Jon MDA mula 2024, May 28 to July 06. Nabuo ko 'yong original version nito around 2021 noong patay na patay ako sa isang guy na nakasabay namin mag-hike sa Nagpatong Rock Formation sa Tanay, Rizal; na nagtatrabaho sa Royal Caribbean. Ang pangalan niya ay Kim, siya 'yong tinutukoy ko na "diwata" sa tula (hindi ko na ida-drop 'yong full name niya, baka out of nowhere mag-pop 'to sa browser niya. Hahaha!).
Tungkol sa tula, lumalabas talaga ang pagiging makata ng tao kapag ano eh, alam mo na. Hehe. So, ayun, nagawa ko ito, sobrang mababaw lang, hindi naman seryoso. Kaya may mga parts sa tula na kapansin-pansin na mabababaw na salita lang 'yong ginamit kumpara sa mga ginamit ni Jon sa parts niya - mabubulaklak na mga salita talaga. Sa totoo lang, naki-cringey-han na ako kapag nababasa ko 'yong original version nito. Ganoon pala talaga 'no? Ngunit dahil sa tulong ni Jon, noong inilapat niya 'yong POV niya sa tula ko, suddenly nakaramdam ako ng kilig at kiliti, na matagal nang nawala, noong nawala 'yong paghanga ko kay Kim.
Akala ko sasabayan lang ni Jon 'yong flow o 'yong level ng tula ko. Ang sabi niya noong unang nabasa niya 'yong tula, para sa kanya buo o tapos na daw ito kaya tinanong niya ako kung ano pa ang gusto kong maramdaman sa tula. Sabi ko wala na, bukod sa wala na rin naman akong nararamdaman sa taong nag-inspire sa akin na isulat 'yon pero sabi ko curious ako sa magiging POV niya, sinabi ko rin na pwede niyang sagutin 'yong tula ko in his POV tapos separate piece na lang para hindi na kailangang i-merge. Fast forward, pinasa na niya 'yong first draft niya. Sobrang namangha ako dahil ang ganda ng mga verses na nilapat niya, malalalim at makukulay na mga salita, parang mas naging "fantasy" 'yong tula ko. Pero the downside is that, 'yong level ng verses ko hindi tumutugma sa lalim ng verses niya. It didn't sit right with me. So, sabi ko, magrerevise ako ng mga words para lumalim kahit kaunti. I was able to make revisions naman. At noong gabi na pinasa na niya 'yong supposedly final draft, napansin ko na naman na parang hindi balanse 'yong mga lines bawat verses. Halimbawa, sa first verse, meron akong 4 lines, Si Jon mayroon siyang 5 lines. Sa second verse, mayroon akong 6 lines, si Jon naman ay mayroong 5 lines, and so on. So I decided na magdagdag pa ng lines para magbalanse lang. Same-day edit kumbaga.
Ito 'yong pinaka-paboritong kong linya na naidagdag "Noong ika'y nakasama, nakadaupang-palad, mga ngiti ay nang-aalipin, Hindi ko inakalang ang mga ito'y aking hahanap-hanapin." Nabanggit ko kanina na wala na akong gustong maramdaman sa tula, at wala na rin akong nararamdamang espesyal kay Kim. Itong mga linyang ito ay wala nang kinalaman sa kanya. Sa totoo niyan, lahat ng mga linyang idinagdag ko ay tumutukoy na sa isang tao, isang taong napakamalapit sa akin. Itong dalawang linya na ito ang pinaka-naglalarawan sa nararamdaman ko noong mga panahong nirerevise ko 'to. Lalo na 'yong part na "mga ngiti ay nang-aalipin", I was like "Saan galing 'to?" to the point na parang ayoko nang isama 'to sa tula dahil gagamitin ko na lang sana ito sa future piece na gagawin ko. Mas seryoso. Mas sigurado. Biro ko pa nga sa sarili ko "Sa Philippine literature ba, may gumamit na ng linyang ito? Ipapa-copyright ko sana" Haha. Ang korni, pero ganyan ka-espesyal 'yang linya na yan.
"Mga ngiti ay nang-aalipin." So, kaninong ngiti ba yan?
It turns out, parang naging distraction ko lang pala si Kim from a one-sided crush I had back in 2019. I have this friend na sobrang pinupush ako sa kanya after the hike; ichat ko daw, yayain ko daw maghike minsan, etc. But the truth is, siya 'yong crush ko since 2019. At siguro, kaya masyadong intense 'yong infatuation ko kay Kim noon dahil for the first time in a long time, nakaramdam ako ng distraction.
Sa kanya, kanyang mga ngiti ang tinutukoy ko sa linya na yan. Guess what? Bumalik 'yong feelings ko sa aking kaibigan after 5 years. "Noong ika'y nakasama, nakadaupang-palad.." - ito 'yong sandali noong naghawak kami ng mga kamay noong nag-aaral pa lang akong mag-ice skating. Tangina diba? Ilang taon kong pinatay 'yong feelings ko, tapos bumalik nang ganon-ganon lang? Totoong hindi ko inakalang ang mga ngiti niya, ang presensiya niya, ay hahanap-hanapin ko noong mga panahon iyon.
Hindi pala ito commentary sa sinulat naming tula, confession pala ito. Hahaha. Ayun lang.
August 31, 2024 update: Sinusubukan ko ulit patayin 'yong feelings ko sa kanya. Just like the last time. Wala eh. Totoo nga mula sa pangalawang berso, ang umiibig ay handang matalo.
Ps. Sept. 09, 2024 - Kung sakaling mabasa mo 'to at kilala mo yung mga taong tinutukoy ko dito, please let me know. Ayokong malaman na 'yung sikreto ko eh for some reason ay magiging sikreto mo na rin.
Xxx
Mariel
0 notes
Text
kahit nakakulong man ako
sa galaw ng katotohanan
dito sa mundo ng kasalukuyan
damdamin ko'y kumakaripas
sa ilang lipad ng minsan
ang mapadaan ka sa aking mata
may namumuong paghanga
bunga sa kakaibang mangha
pumipitas lamang sa ilang tadhana
na ika'y madama bilang sinta
kahit sa balat ng panaginip lamang
mumunting pag-ibig ang aking nahabi
sa ipinagbabawal na pagkakataon
(image:
©"Infatuation", 2023 by Mario Henrique via Artsper)
1 note
·
View note
Text
I’m drunk, I like you.
— So it’s real. Elyu vibes. Sa Elyu nagsimula — sa Elyu.. ay, hanggang Elyu lang pala.
It feels like we are reenacting what the movie scenes are. The confession. The days in Elyu. The days after Elyu. (Hindi nga lang mag best friend hehe)
To begin with,
I’m hiding my feelings. I’m just admiring him secretly without anyone knowing. Wala naman talagang nakakaalam kung hindi sarili ko lang. It’s just simply “paghanga”. When I first saw him in Batangas, shet totoo yung nagustuhan ko siya slight dahil sa buhok niya na purple ata or gray na ewan and may itsura pala to kasi once ko lang ata to nakita sa Bro’s tapos nag hi ata? may kasama sya basta yun tapos alam ko pinag-usapan nyo ko na siguro kapatid ni jobee ganern. Going back to Batangas scene, it feels like slow motion when I saw him at the car window pa lang and fudge I still remember that. Pocha. 2 years ko syang inadmire palihim from the stories that he is posting, to the aesthetic feed he has. I don’t really like him that much kasi hanggang “admire” lang. Maybe I’m just attracted on his cleanliness, his style, humor or so whatever basta not that deep.
—
Excited ako bhie sa Elyu. Kasi Elyu yun eh, I will finally taste the bagnet, the El union coffee, see the sunset and experience the night life. And of course because of the movie. I’m not expecting any “love” or jowang jowa that time kasi nga strong independent woman ang lola mo. I am not looking for any flings or any thing basta ang gusto ko lang mawala yung stress ko from work and makasama sila. It was nice kasi parang kung ano yung dati sa Batangas, ganon rin naman. Sarap ng kwentuhan habang papuntang Elyu, mga biruan nila. Masaya. Sobrang saya. It was just a beautiful barkada moment.
The Inuman — Tavern. I never expect him na tabihan niya ko kasi hindi naman niya ko tinatabihan. Akala ko pa nga si Lordjie tatabi sakin BUT no, tumabi siya and so yon. Pinapalipat ka ni ate jessie para si Lordjie kata i ko pero di ka naman nakinig hehe. So, okay yung flow. Masaya. Typical inuman session with kantahan. The laughs. The entertainers na sobrang kalog. The alcohol through our esophagus. Normal inuman with bangers sound. We were in vibes kasi sobrang saya lang. We just clicked kasi ang sarap sumayaw nung time na yon. And in just a few moments, ate jess started saying, “bagay kayo, bagay sila bes” telling ditse. AND THATS WHEN I FELT THE STOP MOMENT. NAPATIGIL AKO KASI HALA SHET? WALA TO SA PLANO. Actually I felt like nanlamig ako kahit na sobrang init. HINDI KO TO INEXPECT. ANONG MERON? BAKIT NILA NAPANSIN NA MAY SOMETHING, NA BAGAY KAMI. Hindi to yung inaasahan kong marinig. Bakit may ganito? I JUST SMILED na lang AND KILIG patago. Kasi diba pocha, I was just admiring him from a far. I was just secretly having a little crush on him TAPOS eto? Ganon yung nangyari. I just couldn’t talk and answer when asking me kung gusto ko din ba siya kasi kinikilig ako. And same as him, bakit hindi sya sumasagot?
I am so kilig but ofc i need to hide my feelings para kunwari wala lang, kunwari hindi ko siya gusto. Natatandaan ko pa na inalalayan niya ako kasi nag cr ako mag- isa, shez the moments. ETO YUNG MEMORABLE!! The holding hands while he is driving. I really want to experience that and shet thank you kasi pina experience niya sakin even just for a night. I still feel his hand on my hand char haha. The slow driving just to get us safe going home. I still remember and I will forever. ‘Front’ seat secret we won’t ever tell. Kaya ko gusto yung XXL eh!!!
—
THE CONFESSION. I never expect na magkakagusto siya sakin. Him admitting “nahumaling” sakin since shs was so unexpected. Hindi ko kasi inexpect na magkakaroon siya ng gusto sakin kasi I feel na mataas standard niya sa babae. I’m not downing my self pero kasi parang iba magiging type niya. And also, I thought he’s in a relationship ever since Batangas or in years kasi siya yung tipo ng guy na parang malandi. Anyway, that confession was so real. I am real. My feelings are real. Lasing ako pero alam ko mga sinasabi ko kasi totoo yon eh. That’s how I feel to him. Hindi ko pinagsisisihan na umamin ako.
Suddenly after the confession, naging awkward lahat. I saw his awkwardness. But at the same time I saw his actions toward me. Yung pinapauna niya kong maglakad… dati hindi niya yon ginagawa. Yung sinasabayan akong maglakad.. di nya din ginagawa sakin yon dati and even the paglilipat ng pwesto sa kalsada para hindi ako don sa part ng daanan ng sasakyan. I really appreciate that little things he did for me. We didn’t have that conversation together after that night kasi I am shy and siya din. Ramdam ko yung hiyaan moments namin. Sitting beside him pauwi and being his passenger princess was so memorableeee uaaaahhh. I really wanted to sing passenger seat while I am the passenger princess kasi sa FX ko lang siya na experience. AND HIM SINGING IT!!! The lines!!!! AND IVE GOT ALL I NEED RIGHT HERE IN MY PASSENGER SEAT!!! Naririnig ko yon HOYYY!
— The last moments. OUR SKIN-SHIP AT ITS FINEST!!! BAT ANG LAPIT KASI!!! Kulang na lang maghawakan kami ng kamay. Pero for real, gusto ko sa likod kami umupo kaso nahihilo talaga ako kaya sa gitna na lang. Noong paalis na siya bhie, I want to hug him as if aalis na talaga siya kasi I just wanted to say thank you. Kaso nahiya ako saka andon sila ditse eh. I thought mageenjoy ako sa Elyu because of bagnet, the coffee, the vibes, the sunset, the beach, and the night life pero mas naenjoy ko ang Elyu dahil sakanya.
— After the Elyu. Nasepanx ako sa feels. Pero thank God he started the conversation and yet, he ended it by seen zoned me. We just talked for a week and I don’t know what happen. Sadt diba. Story short. It was nice having conversation with him kasi may mga narealize din akong bagay bagay. His very matured enough to handle life and the way he leads the conversation and assured me. Naka help din naman siya about decisions ko sa buhay. I’m actually not mad or had any bad feelings about him, I just expect kasi na something will get deeper BUT I have to stop this feeling falling for him para hindi na mas maging deeper pa kaya nga I’m writing this letter for the last time. You not liking my mirror selfie story is a sign na I need to stop waiting for you. I need to stop this kind of delulu moments. Maybe when the time is right, someday kapag pwede pa, pwede na. Ayoko lang madaliin lahat kasi I still have my goals and dreams sa life ko. Same as him. He’s very eager to get that wants and dreams. I respect that. Ang sarap lang ulit maexperience kiligin parang bumabalik yung pagka high school ko kaso nakakatamad don sa getting to know each other stage ulit gggrrr. But I am matured enough na kapag nag stop yung conversation and hang me as seen, stop na yun. I will not ask someone to give me attention kasi I know my worth. I know na my worth, if people don’t appreciate my present I will also not entertain him. But I am open for the possibility. I’m still open for all the possible scenarios. I still have this thought na maybe after 1 year, pag umuwi ka, wala ka pa ring lovelife tapos ako wala pa rin… we’re both single, baka pwede. Ganern na thoughts. Real love can wait naman, no matter what any circumstances are, if thats really love. I’m just happy being single na nagagawa ko lahat ng hindi ko nagawa nung walang wala ako. The time when I’m in the dark because of wrong love and I don’t want to drown my self to that situation again, I lost myself because of loving wrong people. Hindi ko hahayaang matalo ulit dahil sa pag-ibig. Now, I don’t want to go back to my past because I love myself more.
—
Gagraduate din ako. Tulad ni Carson, pipilitin kong makatapos sayo, gaano man katagal, kahit umabot man ng 7 years, makakagraduate ako. At masasabi ko ring, hindi mo naman kasalanan kung hindi mo ko gustong ipursue.
Pakak. Elyu vibes are real. Kakanood ko at kaka ulit ko ng IDILY, ayan, naging carson ako.
April 30, 2024 11:27 PM
0 notes
Text
GATEKEEP KAHIT ANG ARTIST NAGIGIPIT
My 3AM thoughts after watching LINLANG "Gatekeep kahit ang artist nagigipit" this is not just an under the radar playlist on spotify but can also be attributed to many things that are "NON MAINSTREAM". That is how Paulo is to me, unconventional, rare so underground
Like the beauty of an Indie Film with an unorthodox storytelling Paulo Avelino refuses to relinguished his power to showbiz, not even to fame or money thus as a fan I've learned the art of low-maintenance fangirling & appreciate him more on the merits of his talent & artistry.
Stories of how he filmed DEBOSYON back to back while shooting Sana Dati & Walang Hanggan. Driving from Manila to Bicol to get to the location, helping the crew and not afraid of getting dirty for the role. Working with out talent fee for Ang Larawan and more anecdotes about how he is as an actor and his work ethics
All of these are testaments of how great of an actor he is. His passion for his craft was palpable in every role he played, like an artist his strokes and notes have come together seamlessly to create something special that you cannot imagine anyone portraying that role but him.
Saan ako dinala ng aking paghanga? Below the radar admiration,not privy about his personal life. In a changing landscape of TV/Movie Industry I begin to hope that new breed of fans are born. Fans who have high regards for artistry coz someone like Paulo deserves that
0 notes
Text
Kulang na lang tanawin mo ang sarili mong imahe gamit ang aking mata. Marahil iniisip mong nakabatay lang sa itsura ang aking paghanga, dyan ako hindi sang ayon. Dahil mas malalim sa paglaya, at mas makahulugan sa inaasam na atensyon, ang tunay kong intensyon. Seryoso ako. Nawa'y hayaan mo. Handa akong makipagdigma sa sarili kong kahinaan. Handa akong masugatan kung sa pag uwi, gamot ko’y yakap at ‘yong paghagkan. Sa iyo lamang ako nakaramdam ng gana na sumubok muli. At malimit ka man makadaupang palad, ang minsanan nama'y nagdudulot ng pang matagalang ngiti. Marami ring bagay na ngayon ko lamang nasubukan. Mga bagay na hindi ko akalaing posibleng maranasan. Pero ikinagagalak kong lumabas ako sa kahon, ganito pala kaganda ang mundo. Ganito pala kabusilak ang panahon,pag ikaw ang katabi ko.
Hindi pwedeng hindi sulitin, nanamnamin bawat minuto.
Mata’y nasa iyo panigurado. Sadyang mabilis ang oras, pananggulo ang relo. Hindi namamalayang napalapit na talaga ako. Ngunit sa paglapit, kalakip ang hudyat na kailangan muling lumayo. Hayaan mo, babalik ako ng may lugod. At kung hindi man kita nayakap ngayon, hihigpitan ko na lang sa susunod.
-Dahil sa iyo, minahal ko ang Valenzuela
0 notes
Text
FLASH FICTION
'Ala-ala ng Nakaraan'
Malalim na ang gabi ngunit ang diwa ko’y gising pa rin. Hindi ako makatulog dahil sa kakaibang ihip ng hangin na parang yumakap sa akin. Hindi ko alam kung ano ang ibig sabihin non’ ngunit ito ay nagbigay sa akin ng kakaibang saya at galak. Napalingon ako sa isang larawan at naalala ko noong minsan ako ay naging masaya at maligaya.
“Kumain ka na Clara,” sambit niya. Sa napakasimpleng sinabi niya ay nakaramdam ako ng kakaibang saya. Hindi ko alam kung bakit ako napapangiti sa tuwing pinapaalahanan niya ako, tila ba may pagtingin na ako sa kanya.
Si Tiago ay isang matipunong lalaki, siya rin ay isang mabait at mapagmahal na anak at kapatid sa dalawa niyang prinsesa. Alam ko sa sarili ko na ito ang mga bagay na minahal ko sa kanya, ito ang mga dahilan kung bakit madaling nahulog ang loob ko sa kanya. Kaming dalawa ay pumapasok noon sa parehong kolehiyo at dito rin kami unang nagkakilala. Una ko siyang nakilala bilang isang lalaking walang pangarap sa buhay, lagi ko siyang nahuhuling nakaidlip sa tuwing kami ay nasa klase at lagi din siyang nakakakuha ng mga mababang iskor sa mga pagtataya at mga pagsusulit.
Araw ng sabado noong mag-ayang kumain sa labas at mamasyal ang aking kaibigan na si Maryah.
“Clara, tara labas tayo. Magrelax naman tayo at magpalamig sa mall.” Pag-aaya ni Maryah.
Ako ay nag-iisang anak lamang kung kaya’t nagagawa ko ang lahat ng aking gusto ng walang pag-aatubili o pag-aalinlangan, kaya naman pumayag ako sa pag-imbita ng aking kaibigan. Tumungo kami sa isang restawran o kainan sa isang mall nang masilayan ko ang isang lalaki. Pamiliar siya at laking gulat ko noong nabatid ko na siya si Tiago.
“Ano kaya ang ginagawa ni Tiago dito? Bakit kaya siya nandito?” tanong ko sa aking sarili
Hindi ko alam kung bakit ako nagkaroon ng interes na lalo siyang makilala kung kaya’t lagi ko na siyang sinusundan tuwing uwian.
Pagkatapos ng klase ay dumidiretso na siya sa kanyang trabaho, ang pagiging waiter. Madaling araw na kung siya’y umuuwi sa kanilang bahay at bago ang una naming asignatura ay masisigurado mong nandoon na siya. Hindi nagtagal ay napagdugtong-dugtong ko ang mga pangyayaring nagaganap sa loob ng klase at ang lahat ng aking nasaksihan at nalaman kung bakit ganoon ang kanyang kilos sa loob ng silid aralan.
Tinutulungan niya ang kanyang ama na si Tyong Narding at ang kanyang ina na si Aling Isme upang magtrabaho para sa pang-araw-araw nilang pangangailangan at sa pag-aaral ng kanyang dalawang kapatid na si Tanya at Talya, silang dalawa ay parehong nag-aaral sa sekondarya. Lagi siyang napupuyat kaya lagi siyang naiidlip sa klase at madaling araw na kung siya ay makauwi kaya mababa ang kanyang mga iskor sa pagtataya at pagsusulit. Nabago ang pagtingin ko sa kanya at ang tangi ko na lamang nakikita ay ang isang mabait at mapagmahal na anak at kapatid. Araw-araw ay lalong lumalalim ang aking paghanga sa kanya at sa awa ng Diyos, kaming dalawa ay naging guro sa isang pampublikong paaralan. Makalipas ang ilang taon, kami ay nagkaroon ng mas malalim na ugnayan at relasyon.
February 14, 2014. Ito ang nakatakdang araw ng aming kasal. Ang pinakamasayang araw ng aking buhay.
“Clara”
“Clara”
“Claraaaa…..”
Bumalik ang aking diwa dahil sa sigaw ni Maryah.
“Sobrang lalim naman ng iniisip mo,” sambit niya.
“May naalala lang ako, matulog na tayo dahil maaga pa tayo bukas,” sagot ko.
Kinaumagahan ay pumunta kami kay Tiago. Dali-dali akong nagtungo sa kanyang kinaroroonan. “Ngayon ay araw sana ng ating kasal, kumusta ka na? Miss na miss na kita. Ito may dala akong bulaklak para sa iyo. Wag kang mag-alala dahil ayos lang ako”
Ito lamang ang mga salitang lumabas sa aking bibig dahil hindi ko na napigilan ang pagbuhos ng aking mga luha. “Death anniversary mo ngayon na sana wedding anniversary natin.”
Hindi ko pa ring magawang tumahan, lugmuk na lugmok ako. Sobrang sariwa pa rin sa akin ang nangyari sa kanya. Kung hindi sana dahil sa akin ay malamang buhay pa siya.
“Tahan na,” “Alam mo namang wala kang kasalanan, mahal na mahal ka ni Tiago, Clara,” sambit ni Maryah. Tumingin na lamang ako sa mga alapaap at naalala ko ang huling sinabi ni Tiago, “Ang hangin ang tanda ng aking pagmamahal sayo, hindi mo man ito mahawakan ngunit lagi mo itong mararamdaman. Magkalayo man tayo, lagi pa rin kitang babantayan. Mahal na mahal kita.”
“Tama na ang pag-iyak Clara,” anang ng isang napakapamilyar na tinig. Lumingon ako at nakita ko sina Tyong Narding at Iling Isme. Nakahawak sila ng bulaklak. Kasunod naman nilang dumating ang kanilang dalawang anak na babae na sina Talya at Tanya na ngayon ay pareho nang guro.
“Kayo pala, itay”, mula nang nagkaroon kami ng relasyon ni Tiago ay naging malapit na ang pamilya niya sa akin. Agad akong nagmano at yumakap sa kanila. Para na nila akong anak at iyon ang ipinagpapasalamat ko sa Diyos.
“Patawarin ninyo ako, Itay. Kung hindi sana dahil sa akin ay malamang buhay na po ang inyong anak” hagulgol ko ngunit agad niya naman akong tinapik sa likod at siya’y bumulong, “Hindi mo iyon kasanalan, Clara. Nagawa iyon ng aming anak dahil sa pagmamahal niya sa iyo. Huwag mong sisihin ang iyong sarili, malamang ito ay nakatadhanang mangyari upang magbago rin kami ni Isme at mas maayos namin ang aming pamilya.”
Tumingala ako sa kalangian at bumulong, “Salamat Tiago, mahal ko, dahil sa pagkakataon na ibinigay mo sa akin na magkaroon pa ng pamilya. Mahal na mahal kita, aalagaan ko ang pamilya mo at mamahalin ko sila kagaya ng pagmamahal mo sa kanila.” Ito na lamang ang aking nasabi dahil bigla akong niyakap ng magkapatid.
1 note
·
View note