Text
Hindi ko alam ang pinaka mahirap hanggang sa maranasan ko ito…
Akala ko ang pinaka mahirap ay ang pagka-lugmok ko sa mga nangyari sa akin. Akala ko pinaka masakit na ang umiyak gabi-gabi habang iniisip kung bakit ‘to sa’kin pinaparanas ng tadhana. Nagkamali ako, ang proseso ng paghilom pala ang pinaka mahirap. Yung tipong hindi mo alam kung okay ka ba talaga o nasanay ka lang sa sakit. Yung araw-araw mo itong dala-dala tipong kasa-kasama mo kahit saan ka magpunta. Yung hindi mo na kayang i-iyak yung sakit dahil pakiramdam mo nalabas mo na, pero ang totoo ay iyak lang ‘yung nalabas mo at hindi ‘yung sakit. Dahil yung sakit hindi mawawala nang basta-basta, uubusin ka nito hanggang sa ka-dulo duluhan ng kalamnan mo at hanggang sa wala nang mapiga sa naghihinagpis mong puso. Pinaka mahirap ang proseso ng pag hilom— uubusin ka nito bago ka pagalingin.
Nasa proseso na ‘ko ng paghilom. Masakit na inuubos ako nito habang pinapagaling. Gayon pa man, alam kong kung ga’no kasakit ang ngayon ay gano’n din ang pagdapo ng saya sa hinaharap.
1 note
·
View note
Text
Gumising nang may inggit sa puso
Iniisip na sana balang araw ay gumising kasama ang isang bagay na magaling ako— isang bagay na bubuo sa pagkakakilanlan ko.
1 note
·
View note
Text
Ang totoo niyan ay hindi ko alam kung kailan ako makukuntento sa mga bagay na kaya kong gawin.
1 note
·
View note
Text
Para akong isang batang ulila na pinababayaan ng santinakpan...
pinababayaan hindi para parusahan, kundi para turuan ng kung anuman ang meron dito.
0 notes
Text
Nakakatuwang isipin na unti-unti na ulit akong nasasanay sa pag-iisa.
0 notes
Text
Dahil sa paghanga ko sa’yo ay nalaman na hindi pa pala ako handang magmahal ulit.
0 notes