#bakit labis kitang mahal
Explore tagged Tumblr posts
hashtaghazel · 1 year ago
Text
Sana kaya mo rin akong ipaglaban.
Ang hirap maging babae. Minsan naiisip ko, grabe siguro yung kapasidad kong lumaban alang-alang sa pag-ibig kung isa akong lalaki. Kasi sa punto na 'to, kahit sabihin nating iba na ang panahon ngayon at pwedeng manligaw ang babae o siyang unang lumapit at gumawa ng paraan makuha lang yung taong gusto o mahal niya.. nakakulong parin ako sa mga salitang "babae ako." Oo, maituturing na kaduwagan, ngunit 'yun ako.
Araw araw iniisip ko, kung kaya mo lang akong ipaglaban, masaya siguro tayong dalawa sa bawat araw na nasasayang. Kung nakikita mo lang sana na napapasaya mo ko at kaya rin kitang mapasaya, na kaya nating pakalmahin nang magkasama ang bawat problema, at kaya kitang bigyan ng kasiguraduhan sa lahat ng bagay.. siguradong ang kasunod ay pag-ibig na sapat lang. Hindi labis, hindi rin kulang.
Hindi ko maintindihan yung parte na sinasabi ng ibang tao na may mga pagmamahal na hindi mo magawang ipaglaban. Marahil, hindi ako ganon, kaya hindi ko maintindihan. Marahil, talagang magkakaiba ang tao. Marahil, Love is really not enough. O kaya naman, hindi ganun kalalim yung nararamdaman, kaya naman kayang mabuhay kahit mawala yung taong yun sa mga kamay niya.
Bakit ang komplikado magmahal sa panahon ngayon? Bakit hindi kagaya noon, na kapag gustong-gusto ka ng lalaki, hahamakin niya ang lahat makuha ka lang. Bakit ngayon, hindi sapat ang may nararamdaman ka lang? Bakit ngayon eh parang laging may hinahanap at may kulang?
Hindi ba't wala namang sapat?
Hindi ba't walang perpektong sangkap?
Siguro hindi lang "tayo" yung totoong nakalaan. Siguro nga, hindi parin ikaw-at-ako ang itinakda para sa "walang hanggan."
Siguro'y isa ka na namang aral sa buhay ko. Pero, hindi parin ba sapat yung mga naranasan ko noon, para masabing natuto naman na 'ko? Hay jusko.
Kung pareho lang sana tayo, marahil ay alam mong pwede natin ilaban 'to. Alam mo rin na magiging masaya tayo, dahil hindi naman nag umpisang komplikado. Alam mo rin na kaya natin lumaban hanggang dulo.
Kung isa ka na namang leksyon sa buhay ko.. Siguro h'wag nalang natin pahabain pa ang istoryang 'to. Tara, bigyang tuldok na ang masasayang araw na magkasama tayo. Dahil nararamdaman kong - kung patatagalin pa, mas masakit ang kapalit kapag nasanay lang tayo sa panandaliang bagay na 'to.
Siguro nga, ako na dapat ang mag wakas nito.
Ngayon ay ika-12 na buwan ng taong 2023. Masasabi kong hanggang dito nalang ang kaya ko, mahal ko.
16 notes · View notes
aayanah0318 · 2 years ago
Text
It's almost morning,,and i tried reading the untitled notes in my phone..might as well share it with the people who are still awake..
Dumadating, naglalaho.
Napaka drama ng setting ng buhay ko ngayon.
Buti nalang at walang lubid ang bahay..
Pero nag tatype ako.
Sinusubukang kainin ang oras sa kwartong
Maliit, ngunit payapa.
Mas okay na tong tahimik akong nakahawak sa phone habang nag ta-type. Parang ampangit naman kase kung hahagulgol akong parang tanga parang hindi na bagay sa dami ng pinagdaanan ko. (Baka tawanan lang ako ng makakarinig)
Mukhang tanga lang.
Simulan na natin ang unang entry ko (ulit) sa taong 2023.
''Kwarto''
Sa bawat umaga....
Ok. Wala na akong ganang magsulat..
(De Jk Lang)
Sa bawat umaga ay masaya akong nagigising. Lalo na sa bawat pag dampi ng labi mo sa labi ko tuwing gigising ka na. Tangina. Buo na ang araw ko non.
Naaalala mo pa kaya yon?
Naaalala mo pa kaya ako?
Kung pwede lang i-rewind ang buhay ko.
Uulit ulitin ko 'yung panahong unang buwan na magkasintahan pa tayo. Babalikan ko lahat ng panahong masaya. Mga panahong sobrang alaga mo sakin. Mga panahong pag napaso ako, hahalikan mo agad. Mga panahong ipagluluto kita ng paborito mong ulam. Magtatanong: ''Bi, anong gusto mong dinner? Ingat ka pauwi. I Love You.'' (Panahong ibang shift ba)
Madami din naman akong pinangarap sa ating dalawa.
At sa di ko maipaliwanag na dahilan. Hindi ko maitapon lahat ng litratong meron ka sakin. Pinapangarap kong bumangon padin sa umaga para bago ka matulog may time parin ako para sayo. Ang makita kang natutulog muli sa tabi ko. Ang magpakasal tayo sa simbahan upang tuparin ang mga pangarap mong set up maski pa skeptic ako. Lahat para sayo lulunukin ko. Teka mejo green, ulitin ko, lahat para sayo lulunukin ko pride ko maging masaya ka lang.
Ako kase yung tipo ng tao na mahina ang loob pero kayang lumaban kung ikaw na ang usapan.
Gusto ko uli hawakan ang kamay mo. Kahit minsan na parang fountain sa lawton ang agos ng kamay ko. Lagi kong inaakala na ang espasyo sa mga daliri mo'y nakalaan para sa mga daliri ko. Yun din ang dahilan kung bakit pilit kong hinahawakan mga kamay mo bago ako magdesisyon na hiwalayan ka. Gusto ko lang talagang hawakan yung kamay mo kahit magaspang. Kung nakuha naman na talaga ng iba gaya ng sabi mo hangad ko ang kaligayahan nyo...😀
Pero ang pinaka gusto ko sa lahat ay kapag sabay tayong kumakain sa carpet sa sahig(japanese style ba). Ang takaw mo pala. Dalawang rice saken, family size na ulam sayo. Pero ayos lang yun. Mahal naman kita. At kahit magluto pa ako ng pang tatlong pamilyang ulam, sasabayan kitang kumain - makasama lang kita. Maski sa huling beses pa.
Naaalala ko pa ang mga yakap mo sa likod ko habang naghuhugas ako ng plato. Hahalikan kita sa noo at hahalikan mo ko sa lips na may kasama pang paghawak sa pwet ko. PBB TEENS. Wala na rin naman na akong pake sa mga nakakabasa nito. Ang mahalaga, masaya tayo - Noon.
Di ka naman kasi matutuwa kung malalaman mong gabi-gabi akong mangungulila at malulungkot dahil sayo. At ayon sa pagkakatanda ko, isang beses palang akong umiyak sa harap mo. Iyakin ka rin kase. Baka mag-iyakan tayo't magmukhang workshop ang kwarto. Pero di bale. Nakaraan na ang lahat. Sana ay alam mo na tumitigil ang mundo, sa tuwing binubuo ng labi mo ang pagbanggit mo ng pangalan ko. Ngayon, Marinig lang ang boses mo, masaya na sana ako.
Bumibilis muli ang takbo ng mundo. Nilulunod ko nalang ang sarili sa musika. Pagkat nakakabingi ang himig ng pag-iisa. Sumigaw man ako sa kawalan o sa tuktok ng MT. Everest, hindi rin to didinggin ni batman. Kaya't ako nalang ang bahala.
Siguro isang araw makikita mo ko. May kasamang iba pagkatapos tanggaping wala ka na talaga. At sana, sa panahong yun, di mo maramdaman ang mga bagay na nararamdaman ko ngayon. Sana masaya ka. Kahit pa ang kasiyahang iyon ay bigay na ng iba.
Ang totoo? Natatakot ako na malimot mo. Kagaya ng lahat ng History na nabasa ko.
Laging nalilimot ng mga tao.
Minsan sa pag-tae ko, pumasok to sa isip ko:
Eto na ba yun? Ang resulta ng mga dasal mo at plano natin para sa ating dalawa? Maski siguro mga buddha sa templo, wala nang magagawa. Sa iba ka na nila ipinaubaya.
Ang huling natitirang paraan, ay tanggapin ang medalya ng kabiguan.
I'm just Yanah. I'm not rich. Bulatlatin mo pa yung wallet ko. Bukod sa mga tig pipiso kong barya sa bag ko, ang tanging yamang natitira ay ang larawan mo. Wala pa akong pinanghahawakan. Pero lahat ng pangarap ko sa hinaharap - sa ating dalawa umiikot.
Kung ako lang ang papipiliin, gaya niyo, gusto ko kami pa. Pero di ganon ang buhay. Ang tunay na pag-ibig ay di madamot. Ang pag-ibig ay ipinaparamdan at inaalagaan. Di ito ginagawang pansamantala lamang sa isipan.
Masyado na tong mahaba. Nakakatamad ng basahin. Sana wag nyong isipin na ito ay mali nya. Lahat ng ito- kasalanan ko talaga. Lahat ng sobra kasi nakakasama pala talaga.
Di ko alam kung bakit ang inet sa Cavite kahit marami namang puno. di ko rin alam kung anong meron kina Moira at Jason at trending nanaman sila ngayon. (Pabulong sa meron). At lalong hindi ko alam kung bakit habang nagsusulat ako umutot nanaman si Chico ng nakatutok pwet nya sa mukha ko. Ang alam ko lang...
Mahal kita.
Di porke di mo na nakikita ang mga luha niya, hindi na siya nasasaktan. Ang mga bagay ay may katumbas na bigat lalo na kung bibitawan mo ay salita, hindi mo na pwedeng bawiin yun.
May itatanong ako sayo. Paano mo yun nakalimutan? Ano ang sikret?
4 notes · View notes
bluerthanblue-excerpts · 1 month ago
Text
Kailan Ang Magpakailanman
Kailan ang magpakailanman sa ating dalawa? Noong una mong sabihin ang mga katagang gusto kong marinig noon pa man, pinaghalong ligaya at lungkot ang aking nadarama pagkat hindi pa ako handa.
Hindi pa ako handa dahil naghihilom pa ang sugat na mayroon ako at wala kang kasalanan doon. Gusto ko lang na harapin ka at mahalin na buo ako, hindi iyong pira-piraso pa ako at hinihilom ang sugat na mayroon ako. Takot akong masugatan ka rin dahil alam ko, tinatahak mo rin ang kadiliman na iyong naranasan sa buhay mo. Ngunit sa isip-isip ko, sana andiyan na lang ako sa tabi mo kahit na nahihirapan ako. Alam ko namang andiyan ka rin upang suportahan at mahalin ako. Takot ako. Takot ako na hindi ko kakayanin. Takot ako na baka mas lalong lumala ang sugat ng ating kahapon. Kaya gusto kong lumipad ka at kahit pa lumipas ang panahon, alam ko na minamahal pa rin kitang tunay.
Na sa susunod na pagkikita natin, pipiliin pa rin ng puso kong ikaw ang mahalin. May pag-alala sa puso ko na baka iyong puso mo nama'y hindi na titibok para sa akin. Ngunit alam ko sa sarili ko na kung anuman ang desisyon mo, basta sa ikakaligaya mo, hahayaan kita. Kahit masakit. Dahil ako naman ang unang nangtaboy. Ako naman ang unang lumayo. Ako naman ang nagsabing hindi pa ako handa. Gusto ko munang paghilumin ang sarili ko.
May mga peklat pa ring natira ngunit mas matibay na ako sa mga pagsubok sa buhay. Dadating ang panahon na mararanasan ko ang magpakailanman sa taong mahal ko at mamahalin ako ng tunay, kahit ilang taon man ang lumipas.
Isa na nga lang ba itong pangarap? Magtatagpo pa ba ang landas nating dalawa? Mamahalin mo pa ba ako at sabihin ang mga katagang narinig ko sa iyong mga labi noon? Bakit nasasaktan ako kapag isiping lalayo ka kahit wala ka pa sa piling ko. Gusto kong buong-buo kitang mamahalin at iingatan gaya nang kung paano mo ako ingatan. Ang mga alaala mo, narito pa rin sa isip ko at kapag may ginagawa ako, ang mga alaala natin ang nagpapaligaya saglit sa puso kong ikaw ang hinahanap.
Kailan ang magpakailanman sa ating dalawa? Gusto ko mang abutin ang iyong kamay ay tiyak na huli na yata. Huli na ba talaga para sa ating dalawa? Huli na ba para sabihing mahal na mahal kita?
Minahal kita. At mamahalin. Magpakailanman.
1 note · View note
nardonotes · 4 months ago
Text
18 sep '24
10:22pm
im sitting on my desk for the first time in what feels like weeks fr... but it's pretty late for me rn,, well i consider 10pm late now that i've been so busy and sleeping early. (¬_¬") but today i was late again, like 10 minutes late for class but it didnt even matter cause like half the calss was absent lmfao. i got a lot of work done tho. wednesday's are the busiest days for me in college. like i have a FULL day. hate!!! ( 。 •̀ ᴖ •́ 。) but it is what it is and it goes by fast enough because the classes are actually fun asl huhhuh...
so what did i do today? i had class at 9am, finished at 3:45pm but went to town and bought myself a new bullet journal (moleskine) and then went home. when i got home, i was so tired. it was sooo sosososoooooo hot today (i was also wearing all black so that didnt help) i ended up laying in bed for like an hour before i had TACOS!!!! ദ്ദി ˉ͈̀꒳ˉ͈́ )✧ hehe.. and then,, oo... idk if i want to talk about this but tbh i will cause i just gotta get it out of my chest. i'll just briefly talk about it. but, i've been talking to a girl i had a "thing" with for a few months and now we're talking again and it's like... DAMN! yk like... DAMN!!!! LIKE FUCK!!!!!!!! AGGHH!!!!!!!! FUCK EVERYBODY FR!!!!!!!! (*꒦ິ꒳꒦ີ) idk whatever anyways FUCK!!! whatever. moving on.
(,,>﹏<,,)
tomorrow is basically my fridays (for now) cause i don't have classes since it's mostly for work experience, which i really need to get on like RIGHT NEOW! but i haven't heard back from the place i applied for, im going to go in again tomorrow with an update on that shit. or maybe ill go on friday. i'll see. and then, on friday im going to see my good ol' friend from college. they were back here for the summer but will be going back to the UK to study. since they've been back, we'd go for drinks and coffee every week or two and it's been really great. they're one of the very few people in my life that know very personal things about me and i respect them for being so cool about certain things ᐠ( ᐛ )ᐟ but yeah, i can't wait to see them cause they'll be leaving again for like another school year sniff... it's just hard to make plans with people when you get older and it sucks. like i miss my fucking friends (not really cause i've been so drained but yk what i mean lol)
i stole this from one of my besties (hattsie) SONG OF THE DAY IS...!! Bakit Labis Kitang Mahal by The Boyfriends (recommended by someone i wish was here) ♬ ♪ ٩(ˊᗜˋ*)و
goodnight my good friends!! let's have a better day tomorrow. :> <3
1 note · View note
heylala · 6 months ago
Text
“PANGAMBA”
Hindi matutumbasan ng kahit anong bagay sa mundo ang pagmamahal na meron ako para sa'yo. Ikaw ang regalo mula sa itaas, at hindi na ako hihiling ng higit pa sayo dahil alam kong walang makakapantay sayo. Simula nang ibigay ka sa'kin, pakiramdam ko ay nakuha ko na ang lahat ng gusto ko. Halos kase lahat ng hiniling at ipinagdasal ko ay nasa iyo, iba ang saya simula nang dumating ka.
Pwede pala 'yon no? Pwede mo palang maramdaman ang kaligtasan sa piling ng isang tao. Bago ito sa pakiramdam ko. Dati kase ay puno ako ng pangamba sa sarili ko, puno ako ng takot. Walang wala ako kundi ang sarili ko lang. tanging ako lang ang may bitbit ng lahat ng pasanin ko sa buhay. Hindi lumilipas ang isang araw nang hindi ako nakakaramdam ng takot, pagod, at lungkot.
Pero nang dumating ka, para bang nabura ang kahulugan ng salitang 'takot' sa isip ko. Maging ang malalakas na alon sa isipan ko ay kumalma. Nawawala ang ingay sa paligid tuwing nandiyan ka. Sa unang beses ay naramdaman kong maaari pala akong maging mahina. Mapayapa ang isip ko tuwing andyan ka. Pakiramdam ko ay ligtas ako, na wala akong dapat ipangamba.
Nawala na ang takot kong harapin ang lahat ng bukas noong dumating ka. Nawawala ang lungkot na dala ko ng mahabang panahon tuwing nariyan ka. Nararamdaman kong ligtas ako sa tuwing naririnig ang boses mo, pakiramdam ko walang makakasakit sakin kapag nariyan ka.
Sa wakas ay may pupunas na ng luha ko tuwing nawawalan ako ng lakas na dumampot ng panyo, at sa tuwing makakaramdam ako ng takot ay may mga bisig nang yayapos sa akin ng buo. Walang pangamba kong lalakbayin ang buhay kasama mo, dahil alam kong ligtas ako basta't hawak mo ang mga kamay ko.
Hindi na ako natatakot na manghina o bumigay dahil alam kong nariyan ka, handa kang palakasin ang loob ko tuwing nakakaramdam ako ng pangamba. Palagi ay handa akong samahan ka sa paglalakbay, at kung dumating man ang araw na mahina na ang mga tuhod mo ay aakayin kita. Hindi rin ako magsasawang tingnan ka, at kung dumating man ang araw na malabo na pareho ang iyong mga mata ay mananatiling malinaw sa akin ang pagmamahal ko sayo. Mananatili ako sa tabi mo, sa maraming taon ay mananatili ako.
Kung tingin mo ay iiwan rin kita, sana ay maalis ko ang takot na iyon sa iyo. Hindi ako tulad nila, hindi ko nanaisin na iwan ka sa kahit anong dahilan o sitwasyon. Hindi kita iwan, at pipiliin kong manatili gaano man kagulo o kabigat. Dahil sa araw na makulimlim at salat, tayo rin lang ang tanging makakaayos ng lahat. Sasamahan kita sa mga araw na tingin mo'y hindi ka sapat, at tatabihan kita sa bawat paglubog mo at pag-angat.
Kung tingin mo'y hindi totoo ang lahat ng sinasabi ko't lilisan rin ako pagdating ng araw, nasisiguro kong puputi na ang iyong buhok sa paghihintay na mawawala ako sa tabi mo. at papatunayan ko sa iyo na hindi lahat ng pagmamahal ay kumukupas. Hindi kita iwan, at mananatili akong nakahawak sa mga kamay mo.
Balutin man ang isip mo ng takot ay hawakan mo lang sana ang mga kamay ko, at hayaan mo akong alisin ang lahat ng pangamba sa puso mo. Handa akong ibigay sa'yo ang buong mundo ko, kung tingin mo'y gumugunaw ang iyo. Mahal kita simula una, at hindi iyon maglalaho, dahil hindi ito magbabago.
Dati ay parati kong itinatanong kung ano nga ba ang tunay na silbi ng buhay ko, kung ano ang dahilan at narito ako. Bukod kase sa tingin ko'y walang direksyon ang lahat ay hindi rin makulay ang pananaw ko sa mundo. Ngunit simula nang dumating ka ay tila nabuhay ang lahat ng kulay ng mundo ko, nagmistula kang ilaw tuwing dumidilim ang lahat sa paligid ko. Wala pa mang salita ang namumutawi sa mga labi mo ay nasagot mo na agad ang tanong kung bakit nga ba ako narito, ikaw na mismo ang dahilan ng buhay ko. Ikaw ang isa sa dahilan kung bakit malakas ako ngayon, ikaw ang naging rason at direksyon ko.
Kinakausap ko ang Diyos halos araw araw. At kadalasan ikaw ang bukang bibig ko. Alam niya kung gaano katagal kitang hiniling, at kung gaano ako kasaya simula nang dumating. Alam rin niya kung ano ka sa paningin ko, Sana ay hindi siya nagsasawa sa mga kuwento ko, sa araw-araw ay halos paulit-ulit rin lang ang bukambibig ko, lahat kase ng kuwento ko sa kaniya ay tungkol sa'yo.
Alam niya kung gaano ko katagal hinintay ang pagmamahal na binibigay mo saakin. Alam niyang ikaw lang ang magpaparamdam sa akin ng tunay na pagmamahal, kaya hindi na alintana sa akin kung gaano katagal kitang hinintay simula nang dumating ka.
Hiniling ko sakanya na lagi ka nyang gabayan, ingatan, at protektahan araw araw. Ipinagdarasal ko rin sakanya na hayaan ka nyang manatili sa buhay ko habang buhay. Ikaw ang paksa sa lahat ng kuwento ko. At kung ako’y iyong tatanungin kung gaano kita kamahal. Alam ng Diyos kung gaano.
0 notes
nangua · 9 months ago
Text
god i love this song so much i wanna eat this song
0 notes
thedarrelljames · 1 year ago
Text
Tumblr media
Darrell James serenades with his soulful rendition of "𝗡𝗔𝗔𝗔𝗟𝗔𝗟𝗔 𝗞𝗔", a heartfelt remake of Rey Valera's OPM classic. This rendition carries a unique twist as it seamlessly mashes up the beloved song "Bakit Labis Kitang Mahal" by the Boyfriends, creating a harmonious blend of nostalgia and creativity. A unique touch recorded, arranged, mixed, mastered, and produced by James Darrell Coligado Laxamana.
SPOTIFY NOW: https://spotify.link/JMRy2PWJcEb
all other platforms: https://song.link/DarrellJamesNaaalalaKa
𝗡𝗔𝗔𝗔𝗟𝗔𝗟𝗔 𝗞𝗔
vocals by Darrell James
words and music by Reynaldo Valera Guardiano
recorded, arranged, mixed, mastered, and produced by James Darrell Coligado Laxamana
record production by E-C Mix Records Productions
copyright © 1978, Vicor Music Corporation
copyright ℗ 2018, E-C Mix Records Productions
Search and follow me on Spotify now for more music.
https://open.spotify.com/artist/0bJcUaOYnixMlHYBXDKChA
𝗖𝗛𝗘𝗖𝗞 𝗢𝗨𝗧 𝗠𝗬 𝗦𝗢𝗖𝗜𝗔𝗟 𝗖𝗔𝗥𝗗 𝗡𝗢𝗪!
𝗧𝗮𝗽 𝘁𝗵𝗲 𝗹𝗶𝗻𝗸 𝗻𝗼𝘄: http://Find.JamesDarrell.com
or https://artist.link/DarrellJames
.
.
#SpotifyVerifiedArtist #iTunesVerifiedArtist #DeezerVerifiedArtist #YouTubeArtist #Artist #Musician #Singer #Songwriter #Producer #Actor #Model #Endorser #DarrellJames #Hey #Stream #Play #Acoustic #PopArtist #Travel #Travelling #Spotify #SpotifyPlaylist #NewMusic #NewMusicFriday #OPMHits #NaaalalaKa #DarrellJamesNaaalalaKa #Trending #TrendingNow #TrendingSongs
0 notes
carboxylea · 4 years ago
Text
—𝑳𝒆𝑨𝒈𝒂, 𝒑𝒂𝒕𝒖𝒍𝒐𝒚 𝒏𝒂 𝒍𝒖𝒎𝒂𝒍𝒂𝒚𝒂𝒈.
Tumblr media
LeAga's ship is still sailing! Babes, love niyo kaming hopia nation, 'no?
9 notes · View notes
trician-a · 5 years ago
Video
youtube
Bakit Labis Kitang Mahal-Boyfriends-LeaSalonga-PianoArr.Trician-PianoCoversPPIA Hi everyone! (^^)/ Thanks for watching PianoCoversPPIA! In this channel, I ear copy your requested songs and arrange them into beautiful piano covers! (^^) If you're new to the channel, please do subscribe and click on the bell mark to get updated with the latest videos. (^^) If you enjoyed this video, please give it a thumbs-up, and share it with your friends too! (^^) If you have a song you'd like me to cover, please send your requests using the "CONTACT US" of the website below. We will only take requests sent here. DONATE TO THE CHANNEL HERE ↓↓↓↓↓↓↓↓↓↓↓↓↓↓↓↓↓↓↓↓↓↓↓↓↓↓↓↓↓↓ https://ift.tt/2JisPFj Access to the SHEETS of the COVER HERE! ↓↓↓↓↓↓↓↓↓↓↓↓↓↓↓↓↓↓↓↓↓↓↓↓↓↓↓↓↓↓ https://ift.tt/2N6crZQ 今後も音楽に関する動画をアップしていきますので是非チャンネル登録をお願いします!(^^)/ LET'S GET CONNECTED ON SNS TOO! (^^) ●Instagram Personal 個人→https://ift.tt/35T78p0 Shop ショップ→https://ift.tt/2YzceU0 ●Facebook Personal 個人→https://ift.tt/2ogQxdY Shop ショップ→https://ift.tt/2Pcdav6 ●Youtube Personal Vlog Channel https://www.youtube.com/channel/UCH0YvoCLdCMqzgKmYT6LdcA By the way, I also started renting out some rooms too. (^^) Please support by sharing the information with people you know who are looking for a place to stay during the holidays! (^^) https://ift.tt/38bzScq Nagtahan Manila, Philippines https://ift.tt/2VDJXMC Antipolo City, Philippines https://ift.tt/39b1Mqw Project 7 Quezon City, Philippines https://ift.tt/39gw4IA https://ift.tt/3aqBAIP https://ift.tt/3875Fvm One last! (^^) Japan is still looking for experienced (at least 2 or more years) software programmers (JAVA, PHP, MSQL) who have a Japanese Business language proficiency of at least N2 for a stable job position. If you're interested, please do send me a message at [email protected] QUESTION OF THE DAY! What other songs which I haven't covered would you recommend? PLEASE YOUR ANSWERS IN THE COMMENTS AREA BELOW AND LET'S TRY TO LEARN MORE SONGS FROM EACH OTHER! THANK YOU! (^^) ------------------------------------------ 英会話クラブも運営しています!(^^)/ 札幌市東区の方で毎週多国籍を持つ外国人講師による英会話クラスを行なっています!3才〜小・中・大人クラス・英検&TOEIC受験対策様々なクラスがありますので、ご興味があれば、下記URLにおたずねください!(^^) グローバルイングリッシュクラブ 英会話教室 gk.globalgroup.co DISCLAIMER: * The sheets are available for PRIVATE USE of REGISTERED members only. They are for PERSONAL EDUCATIONAL USE and are not commercially available. The sheets do not reproduce the sound of the original work but the piano arrangement of the cover version only. LEARN THE PIANO FAST AND EASY! BE SURPRISED AT HOW EASY YOU’LL LEARN MUSIC NOTATION! PERFECT FOR ALL MUSICIANS LEARNING HOW TO READ NOTES! https://ift.tt/341gT2R Please check out our originals available now at iTunes/Apple Music, Spotify, Google Play, Pandora, Deezer, and Amazon! https://amzn.to/2GvVrv3 https://ift.tt/2ogQyi2 If you enjoyed the videos, give it a thumbs up and share it with your friends. It helps in the growth of the channel which results in the creation of more videos. Here are some of my originals! https://ift.tt/2JisQJn https://ift.tt/2oYYqFk Get free sheets for members! https://ift.tt/2N6crZQ LEARN THE PIANO FAST AND EASY! BE SURPRISED AT HOW EASY YOU’LL LEARN MUSIC NOTATION! PERFECT FOR ALL MUSICIANS LEARNING HOW TO READ NOTES! Tutorials! https://youtu.be/jeAIfBZIFrw?t=7 Order your stickers now! https://ift.tt/341gT2R
0 notes
Text
Wow, bring it back to my childhood!
2 notes · View notes
grayscalememories · 3 years ago
Text
S'ya At Ako
Sinubukan ko. Sinubukan kong pigilan ang nararamdaman ko para sa'yo. Sinubukan kong umaktong normal sa harapan nila at sa harapan mo. Pero ang hirap. Ang hirap pigilan ng damdaming unti-unting lumalago para sa'yo. Ang hirap pigilan ng mga hiling na sana ako ang nasa tabi mo. Na sana ako ang kailangan mo. Na sana ako ang kahawak kamay mo at ang kayakap mo. Na sana ako na lang sya. Hanggang hindi ko na kinaya at tuluyang nahulog sa'yong mga mata. At ngayon ang pintuan ng puso ko'y malayang nakabukas para sa'yo. Naghihintay, umaasa na sana balang-araw papasok ka sa loob nito at doo'y hindi na lilisan pa.
Ngunit alam kong ang araw na aking hinihintay, kailan ma'y hindi darating. Dahil alam ko kung gaano sya kahalaga sa'yo. Alam ko kung gaano katagal ang hinitay mo para magkaroon ng kayo. At alam ko kung gaano kadaming hiling ang nasambit mo sa bawat bulalakaw na daraan para lang maging kayo. Sa kanya umiikot ang mundo mo. Sya ang laman ng bawat pangarap mo. Habang ako, ikaw... ikaw ang syang naging buhay ko.
Gumigising sa bawat umaga na may ngiti sa labi dahil alam kong makikita kitang muli. Maririnig ang tinig mo at masisilayang muli ang 'yong mga ngiti. At doon sa dating tagpuan mat'yagang naghihintayan. Magbabahagi ng masasayang kwento at bubuo ng bagong alaala. Ang sarap sa pakiramdam na kasama kita. Ngunit sa paglipas ng bawat oras ang ngiti at sayang nararamdaman ko'y unti-unting naglalaho. Dahil sa bawat kwento mo nakalakip ang pangalan nya. At ngayon napagtanto ko na ang mga pangarap at planong magkasama nating binuo. Mga pangarap at planong ang laman ay ikaw at ako... ngayo'y napalitan ng kayo.
Ang hirap. Ang hirap magpanggap na kaibigan lang ang tingin ko sa'yo. Ang hirap magkunwaring masaya ako para sa inyo. Ang hirap sambitin ng mga salitang 'Hangad ko ang kasiyan nyo' 'Na sana habang buhay maging kayo'. Gayong ang nais naman talga ng puso ko ay 'sana ako na lang ang mahal mo.'
Sabagay, sa kabilang banda naging bahagi din ako ng kwento nyo. Isa sa mga naging dahilan kung bakit nagkaroon ng kayo. Ako ang syang naging tulay ng mga puso nyo. Naging mensahero ng bawat liham nyo. Lingid sa kaalam nyo na ang puso ko'y lumuluha't nagdurugo dahil masayang mukha ang syang ipinapakita ko. Pero ginusto ko 'to. Ginusto ko 'to dahil alam kong sya ang kailangan mo. Na sya ang kasiyahan mo. Na sya ang bagay at mas tamang mahalin mo. Na sya ang pangarap mo. At sya... ang mahal mo. At alam kong kahit gaano pa kadaming hiling ang gawin ko. Hindi kailan man mapaplitan ang SYA ng AKO.
- 🐝
2 notes · View notes
babaengmadaldal · 4 years ago
Text
Tumblr media
Mga Kwentong Hindi Nasabi Habang Tayo Pa
Malalim at payapa ang gabi, kitang kita mamukadkad sa liwanag ang mga bituin at buwan sa ating bintana. Kasama kang humimbing sa kama at binalot sa kumot dahil sa lamig.
Alas tres ng umaga ika'y naalimpungatan sa panaginip na masama. Nagising na rin ako dahil ika'y biglang bumalikwas sa pagkakahiga.
"Bakit? Anong nangyari? Masamang panaginip?", tanong ko sa'yo. "Oo. Iniwan mo raw ako. May iba ka na raw.", sagot mo naman. "Mahal, hindi yun mangyayari. Andito lang ako palagi kahit ikaw pa mang-iwan sa'kin.", sagot ko naman sa'yo. Ngumiti ka lang.
Hinagkan kitang mahigpit kasi ayokong bitawan ikaw, inantay na mauna kang makatulog kaysa sa'kin. Gumagalaw ka pa rin, siguro may napapanaginipan ka pa rin kaya mas hinigpitan ko ang pagyakap sa'yo kasi ayoko maramdaman mong umalis ako kahit sa panaginip mo lang.
Bumulong ako sa'yo habang mahimbing ang iyong tulog, "Hindi ako mawawala kahit kailan. Mahal na mahal kita." Hinalikan kita sa noo ng maraming beses, pababa sa iyong ilong at pisngi bago makarating ng labi ay tinignan ko muna ang iyong mukha. Sinabi ko sa sarili ko na, "Sana hindi mo na maramdaman na nasaktan kita tulad dati. Parati kong pipiliin na magbago para hindi na kita masaktan, mahal." Tinungo ko ang labi mo at hinalikan kita. Nagising ikaw at hinalikan ako pabalik.
"Pasensya mahal, nagising ikaw. Tara tulog na ulit tayo?"
31 notes · View notes
saadwriteer · 4 years ago
Text
“Mahiwaga… pipiliin ka sa araw-araw”
Parehas tayong fan ng Ben and Ben. Halos lahat ng gigs nila pinupuntahan natin, halos
lahat ng kanta nila alam natin pareho, pero ang pinakapaborito natin ay ang kanta
nilang “Araw-araw”
Nakakatawang isipin na limang taon na pala. Naalala ko pa kung paano tayo
nagsimula, sa kung paano tayo inasar ng ating mga kaibigan at kung paano mo ako
nginitian ng araw na iyon. Dec. 5, 2015. Mula ng araw na iyon, araw-araw na kitang
pinipili.
Sa araw-araw na magkasama tayo,ramdam ko kung gaano mo ko kamahal. Mula sa
mga pagkakataong kailanma'y hindi mo ko hinayaan mag-isa. Palagi mong
pinaparamdam sa akin na kasama kita. Naalala ko pa kung gano ka kaconscious sa
tuwing nag-aaway tayo, kahit hindi mo naman kasalanan. Palagi mong sinasabi sa akin
na kapag magaaway tayo, hindi natin kalaban ang isa’t isa bagkus ay ang problema.
Sa loob ng limang taon, ikaw ang aking naging araw-araw. Paborito nating banda
angBen & Ben kung kaya’t sabay natin palaging pinapanood ang mga konsyerto nila
mula ng maging tayo. Ang bilis pala ng panahon. Limang taon na pala agad ang
nakalipas mula ng ating pag-usapan ang ating plinaplanong kasal.
- 2015 -
“Mahal, pag naging professional event organizer na ‘ko, huwag na tayong
kumuha ng event organizer sa kasal ha? Gusto ko kasi ako mag-aayos ng lahat,
lalo na kasama ang Ben & Ben” Sabi ko sakanya sabay yakap.
“Bakit naman? Ayokong mapagod ka, mahal.” At mas lalo niyang hinigpitan ang
yakap niya.
Hinawakan niya ang kamay ko at hinalikan. Wala na akong mahihiling pa sa taong 'to.
“Sayang sa gastos eh. Alam mo naman kung gano ako ka-praktikal na tao, diba?”
“Hay nako, ikaw talaga. Halika nga dito.” Ramdam na ramdam ko kung gaano sya
kasigurado sa'kin. Limang taon na lang naman na, kami na talaga habang buhay eh.
Ipon na lang para maging stable kami parehas. Okay na okay na kami sa pamilya ko,
sa pamilya nya at sa lahat ng tao. Power couple kumbaga.
“Mahal na mahal kita. Pangako, ikaw lang. Alam mo yan. ” sabay kindat at halik sa
noo, ilong, pisngi at labi ko
2020 -
“Team, okay na ba lahat? Siguraduhin nyong maayos lahat ah? Espesyal na
event 'to. Mag-aayos na muna ko.” Ayos na rin naman na lahat dahil inorganize ko
talaga mula simbahan hanggang reception area dahil hindi ko makakalimutan ang araw
na ito.
“Yes Ma'am! Kahit hindi na kayo mag-ayos, maganda na po kayo” Pambobola ng
isa kong staff.
“Ikaw talaga, sige, see you later!” Umalis na ako sa reception at bumalik sa hotel
upang mag-ayos. Maya-maya ay pupunta na rin kami sa simbahan.
| Immaculate Concepcion Church |
“Congrats, hija!” ani ng kaniyang mommy at daddy.
“Salamat po, tito and tita!” bati ko sabay beso sa kanilang dalawa.
“Sobrang swerte talaga ng anak ko sa'yo at ikaw pa napi-” naputol ang kaniyang
sasabihin nang magsimula ng misa para sa kasal ang pari.
Napakaganda ng disenyo ng simbahang ito ngayon. Natural na itong maganda ngunit
iba talaga kapag may inspirasyon. Naalala ko pa kung paano namin plinano ang lahat.
Mula sa kulay ng mga bulaklak, kulay ng susuotin ng mga abay, kulay ng hair pins,
kulay ng gown, kulay ng kandila, disenyo ng mga tela, mga bisitang malalapit sa amin,
paring kukunin namin, at higit sa lahat, ang singsing na pangarap namin noon pa.
Nagsimula na kaming maglakad sa aisle habang kumakanta ang Ben & Ben ng Araw￾Araw. Hindi ko namalayang umiiyak na pala ako habang kinakanta nila ang paborito
kong mga linya sa kantang iyon.
Kay tagal ko nang nag-iisa
And'yan ka lang pala
Mahiwaga
Pipiliin ka sa araw-araw
Mahiwaga
Ang nadarama sa 'yo'y malinaw
Kakaalala ko sa mga ala-ala namin noon, hindi ko napansing matatapos na pala ang
kasal. “You may now kiss the bride.” sabi ng pari. Pumikit ako at pumalakpak.
Napakasarap talaga ng pagmamahal mula sa'yo.
Pagkatapos ng kasal ay lumapit sa akin ang mahal ko.
“Salamat! The best event organizer ka talaga!” sabay yakap sa'kin.
“Salamat din, ano ka ba! Best wishes para sainyo ng kapatid ko!” sabay beso sa
aking kapatid.
Umalis na ako ng simbahan…Kumakanta pa rin doon ang Ben & Ben ng lahat ng
paborito naming kanta. Hindi ko inakalang plinano ko lahat iyon para sa kaniya at sa
iba….Noong panahong iyon, akala ko ay tayo na talaga. Sino ba namang mag-aakala
diba? Sobrang okay natin… di ko inakalang sa wakas ay iba na pala ang nais mong
makasama. Hindi ko inakalang nung mga panahong ako ang kasama at kayakap mo,
iba na pala ang nasa isip mo.
Mahiwaga, hindi mo man ako pinili araw-araw ay baka sa susunod na habang buhay
na lang.
Hindi sigurado.
Lahat ay isang malaking kwestyon.
Habang nakatingala ay lumapit siya sa akin. "Mahiwaga ka at pinili kita araw-araw”
napangiti ako, ngunit wala ng masasakit pa sa pinakahuling linya mo bago mo ako
talikuran. “…pero dati yun! Masaya na kami ng ate mo. Salamat ha!” sabay ngiti at
tinalikuran ako. Hindi naman umuulan pero basang-basa na ako ng luha sa
kinatatayuan ko mula ng tinalikuran nya ako.
Limang taon na rin ang nakalipas pero…
Mahiwaga,
Pipiliin pa rin kita araw araw. kahit mahirap at kahit masakit araw-araw. Hindi ako
bumitaw dahil alam ko sa sarili ko, ikaw na ‘yung mamahalin ko habangbuhay. Alam
kong ikaw na 'yung pagsisilbihan ko araw araw. Na 'yung kamay mo 'yung hahawakan
ko hanggang tumanda na tayo. Pero mukhang may ibang plano ang tadhana at
kailangan kong tanggapin 'yun. Ngayon, pinapalaya na kita sa mga planong binuo natin,
'yung plano nating bumuo sana ng isang masayang pamilya. Teka, pamilya na nga pala
tayo…dahil ate ko ang inasawa mo.
Pero, mahiwaga, ikaw pa rin ang pinipili ko kahit hindi mo ako pinili. Mamahalin na lang
kita mula sa malayo. Wag ka mag alala lagi kitang ipagdadasal. Masaya akong
nahanap mo 'yung mahiwaga mo kahit di na ako.
Baka sakali, sa susunod na habang buhay, sana mapasaya kita na hindi kayang
tumbasan ninoman. Hanggang sa susunod na habangbuhay, pipiliin kita. At kung maulit
man 'to, ikaw pa rin ang pipiliin ko araw-araw.
5 notes · View notes
gioelline · 4 years ago
Text
Di ba't ang pangako mo sa'kin
Ako lamang ang iibigin
Ngunit bakit ngayo'y hindi mo man lang mapansin
Twina sa 'king alaala
Ay palagi kitang kasama
Ngunit bakit ngayon ay may mahal ka ng iba
Nasan na ang pangako mo
Noong sinusuyo ako
Anong tamis, Anong lambing
Binibigkas ng labi mo
Ngunit kahit nagbago pa
Sa akin ang damdamin mo
Mananatili kang mahal sa puso ko
Halos di ko na makaya
Ang isipin kong wala na
Ang pagmamahal mo nga ba ay naglaho na
Patuloy na ako'y aasa
Kahit na sa alaala
Ang pag-ibig ko sayo'y hindi mag-iiba
Nasan na ang pangako mo
Noong sinusuyo ako
Anong tamis, Anong lambing
Binibigkas ng labi mo
Ngunit kahit nagbago pa
Sa akin ang damdamin mo
Mananatili kang mahal sa puso ko
Pagka't ikaw ang tunay na mahal
Kaya't hindi magbabago kailanpaman
Kahit na nga ako ay nasaktan
Nasan na ang pangako mo
Noong sinusuyo ako
Anong tamis, Anong lambing
Binibigkas ng labi mo
Ngunit kahit nagbago pa
Sa akin ang damdamin mo
Mananatili kang mahal sa puso ko
Ngunit kahit nagbago pa
Sa akin ang damdamin mo
Mananatili kang mahal sa puso ko
Ikaw ang mahal sa puso ko
1 note · View note
trickramirez · 4 years ago
Text
gemini
Tumblr media
Ang samyong hatid ng dama de noche
Bawat gabi sa t'wing mag-a alas dose
Ang s’yang nagbabalik sa akin
Ng mga alaalang kumukurot sa damdamin
Minsa'y napatanong:
Bakit ganito ang sitwasyon?
May mahal kang iba,
Alam kong ‘di ako
Ngunit hinahanap hanap ka ng kalamna't buto
Lumalagablab tuwing gabi
Ang apoy sa pusong umiibig ngunit tila mali
Na animo'y mga alitaptap sa dilim
Pilit tinutungo ang liwanag ngunit di maaari
Ikaw ang apoy
Patuloy na lumiliyab dito sa puso
Nag iinit; nag aapoy
Hindi na kaya pang itago:
Mahal na mahal
Ikaw sa akin ay espesyal
Una pa lamang matanaw
Sa di kalayuan ang iyong kagandaha'y
Nabihag mo ng husto aking mga mata
Maaari bang maging akin ka na lamang?
Kahit mahal mo sya'y handang humiram ~
Oras ... panahon ... atensyon
Hindi palalagpasin ang bawat pagkakataon
Butas ng karayom ay handang pasukin
Unos at bagyo may kayang suungin
Madarang man sa apoy at malapnos ay di iindahin
Lahat ng iya'y gagawin maging akin ka lamang giliw
Mahal mo sya, mahal kita
Napaka kumplikado nitong nadarama
Ngunit handa kitang agawin sa kahit anung paraan pa
Patawarin ako ng Diyos ngunit mahal kita
Sumusugal sa apoy
Nagbabaga, nakakapaso
Ngunit ikaw lang ang gusto
Mali ba na maghangad na maging tayo?
Iparamdam mo sa akin ang init ng iyong katawan
Punan mo ang nauuhaw kong lalamunan
Ng iyong mga halik at pagsinta
O giliw, labi ko'y handa na
4 notes · View notes
imrunningoutofbattery · 4 years ago
Text
im researching for a character, and omigosh 80s love songs written in tagalog are so nice. i highly recommend the song bakit labis kitang mahal.
1 note · View note