#polusyon
Explore tagged Tumblr posts
Text
Earth Day 2024: Mga Maaaring Gawin Para Makatulong kay Mother Earth
Ang Earth Day ay ipinagdiriwang tuwing Abril upang talakayin ang mga isyu tungkol sa kalikasan, climate change at kung ano ang magagawa natin upang makatulong kay Mother Earth. Photo by Fateme Alaie on Unsplash Ang kauna-unahang selebrasyon ng Earth Day ay ginanap noong ika-22 ng Abril, taong 1970 sa pangunguna ng mga nagtatag ng EARTHDAY.ORG Mula noon, taon-taon ng pinagdiriwang ang Earth Day…
View On WordPress
#climate change#earth day#fast fashion#kalikasan#mga problemang dapat masolusyunan#mother earth#pangangalaga sa kalikasan#polusyon#polusyon ng plastic#single use plastic#suportahan ang lokal na suppliers
0 notes
Text
✨Climate Change 101: Epekto, Sanhi, at Solution✨
ANO ANG CLIMATE CHANGE?🌦️
Ang climate change ay ang pangmatagalang pagbabagosa pattern at temperatura ng panahon sa mundo. Nangyayari ito dahil sa mga ginagawa ng tao tulad ng pagsusunog ng plastik at fossil fuels (coal, langis), pagtapon ng basura sa lansangan, at pagpuputol ng puno, kung saan ito ay nagdudulot ng matinding init galing sa inilalabas na greenhouse gases ng mga aktibidad ng mga tao na nakukulong sa atmosphere.
MGA EPEKTO NG CLIMATE CHANGE🌊
1. Pagtunaw ng Yelo at Pagtaas ng Tubig sa Dagat
Dahil dito, nagdudulot ito ng pagbabaha sa mga lugar na malapit sa baybayin.
2. Problemang Pangkalusugan
Ang polusyon ang isa mga dahilan na nagdudulot ng sakit sa baga at ang pagkalat ng ilang mga sakit.
3. Mas Mainit na Panahon
Ang mga gas na inilalabas ng mga ginagawang aktibidad ng mga tao ay sanhi ng mas mainit na panahon sa mundo.
4. Mas Matinding Bagyo at Kalamidad
Nagiging mas madalas na ang pagbaha, tagtuyot, at mas malakas na bagyo ang nararanasan sa mundo.
MGA GINAGAWA UPANG LABANAN ANG CLIMATE CHANGE
1. Paggamit ng malinis na enerhiya
Paggamit ng enerhiya mula sa tubig, araw, at hangin upang mabawasan ang paggamit ng non-renewable energy tulad ng fossil fuels at nuclear energy.
2. Ugnayan sa Ibang Bansa
Pagkakaroon ng kasunduan sa ibang bansa pagdating sa pagbawas ng polusyon para sa pagbawas ng epekto ng climate change.
3. Pagtanim ng Puno
Ang mga puno ay tumutulong aa pagsipsip ng baha at pagpapalit ng maduming hangin upang maging malinis ito.
4. Pagbahagi ng Kaalaman
Ang pagtuturo sa mga tao tungkol sa climate change, ang epekto nito, at ang mga maaari nating gawin upang mabawasan ito.
PAANO BA MAKAKATULONG SA PAGBAWAS NG EPEKTO NG CLIMATE CHANGE?👭👬
1. Sumali sa Mga Proyekto
May mga organisasyon na naglalaganap ng mga proyekto tulad ng pagtatanim ng puno at clean-up drive para makatulong sa pagbabawas ng basura sa lansangan at mga anyong tubig.
2. Pagbahagi ng Iyong Kaalaman
Magbibigay ng iyong ideya at pakikipag-usap tungkol sa climate change kasama ang iyong pamilya at mga kaibigan.
3. Maliit na Hakbang, Malaking Epekto
Ang halimbawa nito ay ang simpleng pagtapon ng basura sa tamang tapunan. Isa rin ang paggamit ng bisikleta papunta sa iyong destinasyon.
Napakalaki ng epekto ng Climate Change sa ating kalikasan at pati na rin sa ating kalusugan. Ito ay isang malawak na isyu na hinaharap ng maraming bansa at nangangailangan ng pagtutulungan ng bawat isa para mabawasan ang epekto nito sa atin. Sa pamamagitan ng kahit simpleng mga hakbang, kapag ito ay ginawa ng marami, ay nagiging malaking tulong na ito upang maabot ang positibong pagbabago para sa kasalukuyan at mga susunod na henerasyon na mabubuhay sa mundo. Ang laban na ito ay hindi lamang para sa isa, kundi para sa lahat.
10 notes
·
View notes
Text
puro pagbabago ung nararanasan ko the pas few months. im really going out of my comfort zone na🥹🥺 hirap nung una tbh pero, worth it naman.
malayo na ulit work ko sa bahay, lumuluwas na ako ulit nagawa ko na sya dati, pero this time nasa ncr na ako which is, di ko maimagine dati, kasi ayoko, kasi pakiramdam ko noon, hindi para sa mahihinang nilalang ang ncr, pakiramdam ko magkakasakit ako sa paligid mga ganyan, pero eto.. andaming hassle tbh hindi ako sanay sa polusyon na meron don kesa dito samin. mas masarap maglakad sa province kesa don, kasi kailangan mong tumingin sa daan mo kasi baka makaapak ka ng eat lalo jan sa munti. and, wala ako literal na kakilala. hindi pa naman ako madaling makipagclose, ung nangyare na last time na narinig kong chinichismis ako ng kasama ko sa tinutuluyan ko na kesyo "di raw ako kilala/nagpapakilala",.... hirap ako makipagkapwa tao pero depende kasi yon. kapag mabigat ang presensyang nararamdaman ko sayo, hindi kita papansinin agad.
mga bagay na akala ko hindi ko kaya, perong kayang kaya ko pala. looking back, gagi. duwag lang pala talaga ako, and palaging calculated risk lang ginagawa ko, i mean, ganon pa rin naman pero ngayon nagttake risk na ako ng malala hahahaha which means mas malakas na ang kumpyansa ko sa sarili ko na, magagawa ko ung goal ko gawin sa risk na yon. basta ang dami!
also, nakakatuwa lang how life, God, the universe, is guiding me thru meeting people along the way na mas makakapagpalawak nung kaisipan mo. sobrang galing lang, kasi they really leave a mark. been meeting strangers lalo sa work, sheeet. kailangan ko sila makita ulit at mayakap🥹thank you.
wala naman sa vocabulary ko ang pagsuko, madalas chumichill lang ako sa buhay, hindi masyadong pinaparamdam ang presensya, palaging nagtatago pero hindi talaga ako basta basta paaapi or papatapak kahit kanino, marami din akong nakilala na sobrang gaspang ng ugali, mas magaspang pa sa ugali ko!!! e ayoko ng nilalamangan ako. so, syempre pumapalag po ako. mukha lang akong chill pero di moko pedeng kantiin. salamat maderpader kasalanan nyo bat palaban ako silently.
last paragraph. hahahaha feel ko gulong gulo na utak ng mga tao sa paligid ko sa office. confused na siguro sila na ewan, kaya nakakatawa. nalilink ako sa mga babae sa office pota bwhahaha e alam kasi ng ilang kawork ko na accla akoooo bwhaha. and, meron akong crush na lalaki, saka babae. both pretty!!!! ung girl, sobrang alam nyo ung natutunaw ka kapag kausap mo sya? angganda kasi ng mata nya ang hirap nya hindi ka eye to eye contact kasi, sobrang maccaught nya talaga attention mo(ako lang siguro dahil crush ko sya) kasi angganda ganda nyaaa huhu. .. and this boi,bwhahaha kasama ko sya sa inuman kanina. paanong hindi ako malalasing eh sya nagtatagay sakin ?? sino ba naman ako para humindi sa kanya. cute cute nya e, tas ang touchy nyaa, palaging magkadikit bisig namin. hahahahaha madami pakong kwento tbh. itutulog ko nalang muna .hanggang sa muliii
7 notes
·
View notes
Text
Kislap ng Pagasa sa Bukidnin
Ang proyektong Solar Irrigation ng AKAP na nagkakahalagang P39 bilyon pesos : Isang pag-asang nag-aalok ng solusyon para sa sektor ng agrikultura sa Pilipinas.
Ang sektor ng agrikultura sa Pilipinas ay napakahalaga sa atin bansang ito.Hindi pa raw sapat ang suportang natatanggap ng mga magsasaka kahit na marami sa ating likas na kayamanan.Madami paring mga magsasarili ang nahihirapang makahanap ng tamang suportang pang-agrikultura,pinapanaling problema pa ang kakulangan ng teknolohiya.Isang malaking hamon para sa sektor ng agrikultura ay ang problema sa supply ng patubig,lalo na sa mga lugar na hindi gaanong pinupuntahan o binibigyan-pansin ng gobyerno.Ngayon,narito ang pag-asang hinahanap nilaml Ang P39 bilyong AKAP Solar Irrigation Project
Anong ibig sabihin ng Proyektong AKAP Solar Irrigation?
Ang proyektong AKAP Solar Irrigation ay nagtataguyod upang ikabit ang mga solar-powered irrigation systems sa buong Pilipinas. Nagkakahalaga itong 39 bilyon pesos at sinasabing makakatulong hindi lamang sa pagtaas ng ani ng mga magsasaka kundi patungkol din sa paglikha ng higit na trabaho.
Batay sa proyekto na ito ay magagamit ng mga solar irrigation system ang enerhiya mula sa araw upang magbigay ng tubig sa mga sakahan partikular na sa mga lugar na hindi madaling maabot ng tradisyunal na sistema ng irigasyon. Sa ganitong paraan mas mapapaganda ang produksyon ng ating mga palayan at iba pang taniman.
Layunin ng Blog na Ito
Sa artikulong itong itoy ating layunin:
1. Pag-aaralan ang posibleng epekto ng proyectong itong – Anu-anong mabubuting dulot kaya nito sa mga magsasaka?
2. Pagsabihan ang mga tao - Ano ang magiging ambag ng ganitong klase ng proyyekto sa ekonomiya at lipunan?
3. Pinagtuunan ang posibleng mga hamon – Anu-ano ang mga potensyal na isyu sa pagsasakatuparan nito?
4. Palawakin ang usapan – Bigyan ng puwang ang iba't ibang mga pananaw hinggil sa proyeckto.
5. Pakataguyod ng transparency – Tiyakin na ang lahat ng impormasyon tungkol dito ay malinaw at wasto.
Paanong maaaring magbigay ng tulong ang Proyektong Solar Irrigation ng AKAP?
1. Pag-angat ng Bunga
Ang sapat na supply ng tubig ay napakahalaga upang matiyak ang produktibong ani sa mga sakahan. Sa tulong ng solar irrigation system, tagumpay na magagamit ang patuloy na suplay ng tubig kahit sa mga lugar na bihira ang pagulan o malayo sa mga imbakan ng tubig. Dahilan dito, maitataas ang produksyon ng bigas, mga gulay, at iba pang pananim na mahalaga para sa araw-araw na pagkaing Pilipino.
2. Pagbuo ng mga gawain at aktibidad
Ang budget na P39 bilyon para sa proyektong ito ay hindi lang para sa irrigation systems kundi patI para sa paglikha ng trabaho para sa mga Pilipino din. Kailangan ng proyekto ng mga tauhan para sa paggawa ng estruktura at iba pang gawain tulad ng operasyon at pagmamantini. Dagdag pa rito ang posibilidad na kapag nagparamdam ang ani mula sa mga magsasaka ay magbibigay din ito ng mas maraming oportunidad para sa iba't-ibang negosyo gaya ng transportasyon at pag proceso ng pagkain.
3. Proteksyon sa Kalikasan
Dahil solar
Ang irrigation system ngayon ay umaasa sa solar power kaya't hindi na nangangailangan ng mga fossil fuels na nagdudulot ng pinsala sa kalikasan. Ito ay nakakatulong upang mabawasan ang polusyon at makatulong sa pagpapalaganap ng pangangalaga sa kalikasan.
4. Pagpapabuti sa Buhay ng mga Magsasaka
Ang proyekto ay direktang makikinabang ang mga magsasaka, lalo na ang mga nasa malalayong lugar. Sa pagkakaroon ng sapat na patubig, hindi na nila kailangang gumastos ng malaki para sa irigasyon. Sa halip, maaari nilang ituon ang kanilang kita sa ibang pangangailangan tulad ng edukasyon at kalusugan.
Mga Hamon sa Proyekto
1. Pondo at Korapsyon
Bagama’t malaking tulong ang P39 bilyon, kailangang masigurong magagamit ito nang maayos at hindi masasayang dahil sa korapsyon. Ang mga proyekto tulad nito ay dapat na transparent upang masigurong napupunta sa tamang lugar ang pondo.
2. Pagpapanatili ng mga Sistema
Ang mga solar irrigation system ay nangangailangan ng regular na maintenance upang magpatuloy ang kanilang operasyon. Kung hindi ito magagawa, maaaring masayang ang malaking puhunan.
3. Edukasyon para sa mga Magsasaka
Kailangang sanayin ang mga magsasaka kung paano gamitin at alagaan ang mga bagong sistema ng irigasyon. Ang edukasyon at tamang impormasyon ay mahalaga upang masulit ang benepisyo ng proyekto.
Paano Makikilahok ang Publiko?
1. Pagkalat ng Impormasyon – Ibahagi ang mga detalye ng proyekto upang mas maraming tao ang makaalam tungkol dito.
2. Pakikilahok sa Talakayan – Magbigay ng opinyon at suhestiyon kung paano pa mapapabuti ang proyekto.
3. Pananagot – Siguruhing mananagot ang mga opisyal na namamahala ng proyekto upang maiwasan ang korapsyon.
Ang AKAP Solar Irrigation Project ay isang malaking hakbang para sa sektor ng agrikultura sa Pilipinas. Sa pamamagitan nito, maibibigay ang kinakailangang suporta para sa mga magsasaka, maitataguyod ang masaganang ani, at makakatulong sa ating ekonomiya. Ngunit tulad ng anumang proyekto, kailangan itong maging maayos at transparent upang masigurong magiging matagumpay ito.
Tulad ng sinasabi sa pangalan ng blog na ito, ang "Sinag ng Pag-asa sa Palayan" ay hindi lamang para sa mga magsasaka kundi para sa buong bansa. Huwag nating sayangin ang pagkakataong ito upang itaas ang antas ng ating agrikultura at bigyan ng mas magandang kinabukasan ang mga Pilipino.
3 notes
·
View notes
Text
good morning!! wala tayo sa disyerto ngayon, sa polusyon lang. 🍃
Langyang body clock 'to, pang work. 😫 nagising akong 5:30 am. but ahhck!!!!! Thank you, Lord for the pahinga!!! and kay Wang Huazhong. 🤣 (privelege talaga pag pinayagan ka mag leave tapos you're working sa chinese company.)
4 notes
·
View notes
Text
Dyipney, Tatak ng Pagiging Pilipino.
Noong dekada 50's isang kuwartong unang nakatapak sa kalsada. Kuwartong kung saan madalas na magsiksikan ang mga tao. Ito ay walang iba kundi ang dyip.
Ito ang nagsilbing transportasyon ng mga tao papunta sa kanilang patutunguhan. Naiwan ito ng mga sundalong Amerikano matapos ang Ikalawang Digmaang Pandaigdig, kung kaya nag-iwan ito ng isang kasaysayan sa Pilipinas ng pagiging malaya at naging tatak ng pagiging Pilipino... ngunit sinong mag-aakalang may dalang panganib ito sa ating kapaligiran? Madalas itong may makakapal at maiiitim na usok na nakabibigay ng polusyon. Maliban sa nakaapekto ito sa kapaligiran, nakadaragdag ang mga dyip sa trapiko at mataas ang kaso ng pagnanakaw marahil madali lang makapasok dito at walang harang sa mga bintana upang maiwasan ito. Ang mga ito ang naging dahilan upang magkaroon ng pagpapasiyang tanggalin na ang mga dyip sa kasalukuyan at palitan ito ng E-jeepney. Kapag nangyari ito, marami ang mawawalan ng hanapbuhay. Tulad na lamang ng kabuhayan ng mga taong nakadepende lamang sa dyip... ang mga tsuper na nagsisilbing taga maneho, mga taong nagtatawag ng mga pasahero na tinatawag ding barker, ang mga mekaniko, at operator. Hindi ba dapat kung sakaling matanggal na ang puno ng kanilang kabuhayan ay mayroon nang inihandang trabaho para sa kanila? Sa kabilang palad, makatutulong ang pagpapatupad ng E-jeepney dahil wala itong usok na maaaring makaapekto sa ating kapaligiran at mababawasan din ang kaso ng pagnanakaw sa isang pampublikong sasakyan sapagkat mayroon na itong CCTV.
Hindi naman masamang pagtuunan ng pansin ang ating kapaligiran, subalit kailangan din nating bigyang pansin ang mga maaaring maapektuhan ng pagpapasiyang ito.
#NoToJeepneyPhaseout
1 note
·
View note
Text
BALITANG NASYONAL: BAN Toxics Launches "Paputok ay Iwasan, Disgrasya at Polusyon ay Bawasan" Campaign on Human Rights Day
Originally published on December 11th, due to 1-week day off and online broadcasting maintenance.
QUEZON CITY, MANILA -- In a very, vibrant display of community spirit and environmental advocacy, the environmental justice and toxic watchdog group 'BAN Toxics', launched on Tuesday morning (December 10th, 2024 -- Manila local time) at the covered court of 'Brgy. Payatas', in front of the 'Payatas B Elementary School' (PBES) with its new campaign "Paputok ay Iwasan, Disgrasya at Polusyon ay Bawasan". The event coincided with the United Nations General Assembly (UNGA)'s Human Rights Day, emphasizing the urgent need to protect children's rights to health and a safe environment.
The awareness activity drew a very impressive crowd of about 2,000 participants coming from students, teachers, parents, barangay residents, local officials and representatives from the Philippine National Police (PNP) and Bureau of Fire Protection (BFP). Together, they are now rallied to promote the message by avoiding firecrackers to prevent future accidents and pollution, particularly as the New Year's Eve celebration approaches later this month. The early bird on Christmas for firecrackers will not be counted much.
As the festive season is fast approaching, this newly-held campaign highlights dangers from various types of firecrackers, which are still being sold despite being banned nationwide in selected cities. Among the listed items, the most in-demand firecrackers are Watusi, Piccolo and 5 Star, which are often used by children, teens and adults. The incessant sale of these harmful products poses a great danger to health, especially on the younger population, which is easily prone to injury and toxic substance exposure.
The chemistry of these, inside the so-called expertly crafted firecrackers is extremely terrifying regarding its health risk. Hazardous materials that are involved are lead, cadmium, chromium and nitrates. These compounds have the possibility of escalating a condition of health illness. Lead interferes with the central nervous system, and most importantly, can affect growth and developmental delays and the cadmium can even result in damaging our liver, kidneys and, may even be a probable human carcinogen. They emit toxic fumes with the inhalation of which respiratory problems and other health issues arise, which makes proper awareness and preventive measures paramount.
The "Iwas Paputok" campaign is a call toward raising awareness concerning the hazard fireworks pose and safer and greener celebrations. BAN Toxics' executive director named 'Mr. Reynaldo San Juan Jr.' also emphasized children's protection from environmental hazards, as told in an exclusive report to Radyo 630 and TeleRadyo Serbisyo Dumaguete: "Let us ensure a safe and responsible holiday celebration this season, one that prevents harm to our children", he said. Through this campaign, government agencies in the National Capital Region (NCR) are being driven to further intensify their monitoring as well as seize illegal firecrackers and prevent yet another increase of fireworks-related injuries.
The creative way by students of PBES showed their art through parols, the zero-plastic Christmas lantern made out of biodegradable materials. Such a thing promotes environmental sustainability, but at the same time encourages the involvement and creativity of the community for the youth. According to school principal Antonio Miranda, it is important that traditions be celebrated in a manner that would not harm the environment.
The beginning of the New Year makes BAN Toxics plead for safer firecracker alternatives that is, the homemade shakers, toy trumpets and other musical instruments. These will usher happy family celebrations sans health hazards and environmental disintegration.
Through such fireworks celebrations away from the mainstream noisemakers, communities around us usher in the New Year, thereby ensuring a future without harming our children. Into this final stretch of a much-celebrated campaign of the holiday, BAN Toxics carries its message of ushering Filipino people into a new but healthier celebration.
PHOTO COURTESY: BAN Toxics via PR BACKGROUND PROVIDED BY: Tegna
-- OneNETnews Online Publication Team
#national news#quezon#manila#payatas b elementary school#PBES#iwas paputok#BAN Toxics#fyp#awareness#OneNETnews
0 notes
Text
PAGPAPAHALAGA SA KALIKASAN
Ang pagpapahalaga sa kalikasan ay mahalaga dahil nagbibigay ito ng ating pangunahing pangangailangan—tubig, hangin, at pagkain. Ngunit dahil sa polusyon at kapabayaan, unti-unting nasisira ang ating kapaligiran. Sa pamamagitan ng simpleng mga hakbang tulad ng pagtatanim, pag-recycle, at tamang pagtatapon ng basura, maaari nating maiambag ang kaunting aksyon para sa kaligtasan ng kalikasan. Ang pag-aalaga sa kapaligiran ay responsibilidad nating lahat para masiguro ang mas magandang kinabukasan ng susunod na henerasyon.
0 notes
Text
http://culturalcenter.gov.ph
http://culturalcenter.gov.ph
GINTONG HAKBANG PARA SA MAGANDANG KINABUKASAN
Ni: Me-an C. Bongue
Pagmasdan niyo ang ating paligid, ang mundo’y kay laki na ng pinagbago. Hindi ba kayo nangangamba sa posibleng mangyayari sa kinabukasan? Ang ating kalikasan, wala na ang dating kulay at ganda, naglaho na ang preskong hangin dahil napalitan ng mga usok ng sasakyan na nagdudulot ng polusyon, paubos na ang mga puno kaya palaging nararanasan ang mga pagbaha. Ang mga kabataan na itinuturing ni Rizal na “Pag-asa ng Bayan”, nasaan na sila? Karamihan ay nalulong sa mga bisyo tulad ng droga, nagpapabuntis ng maaga at nagbebenta ng aliw sa mga ibang lahi. Ang dating magalang kung manalita at maayos kung manamit ngayo’y puro na pagmumura ang maririnig maging ang mga kasuotan ay tila ba makita na pati ang kaluluwa. Paano na ang kinabukasan kung hindi natin aagapan ang kasalukuyan? Mag-isip tayo ng mga hakbang upang maisalba ang natitirang pag-asa ng bayan.
Una, pangalagaan natin ang ating kalikasan. Itapon natin ang mga basura sa tamang lalagyan at itigil ang illegal na pagpuputol ng mga kahoy. Palitan ng bago an mga punong kailangang putulin at maglaan ng panahon sa paglilinis ng mga kanal. Limitahan ang paggamit ng mga sasakyan na nagbubuga ng masasamang usok nang sa gayun ay mabawasan ang pulusyon sa hangin. I-recycle ang mga basurang nagagamit pa at huwag susunugin ang mga plastik para makaiwas sa climate change. Tumulong tayo upang mapaganda ang kalikasan nang sa gayun ay masilayan pa ito ng mga susunod na henerasyon. Tayo ang may kakayahan na pangalagaan ang kalikasan, huwag nating hayaang masira ito nang tuluyan.
Ikalawa, ituro sa mga kabataan ang magagandang kaugalian at tamang pananamit. Sa loob man ng tahanan o sa paaralan ay kinakailangang ituro sa mga kabataan ang kagandahang asal at paggalang sa kapwa. Bata pa lamang sila ay kailangan nang mahubog ng maayos nang sa gayun ay lumaki silang disiplinado at matuwid. Sa kanilang mga kamay nakasalalay ang hinaharap kung kaya't nararapat silang maturuan ng magagandang asal. Maging modelo tayo sa kanila at ipakita sa kanila ang hulma ng bagong kabihasnan.
0 notes
Text
Tinig ng kalikasan, awit ng pagbabago
Pumapatungkol ang kantang "Anak ng Pasig" ni Geneva Cruz sa isang pangunahing tema ng pangangalaga sa kalikasan at pangkapaligiran. Binibigyang-diin nito ang malupit na reyalidad ng polusyon at pang-aabuso sa ilog Pasig, na siyang nagiging repleksyon ng mas malalim at mas malawakang isyung pangkapaligiran sa Pilipinas. Naglalarawan ang mga liriko ng kanta sa masamang epekto ng polusyon sa ilog at ang pangangailangan ng pagkilos mula sa mga mamamayan upang mapanatili ang kalinisan at kalusugan ng kalikasan.
Nagustuhan ko ang kantang ito dahil sa tono nito, kaakit-akit ang ito at napapakanta ang kahit sino man. Bukod dito, nagustuhan ko talaga ang kanta dahil sa mensahe na ipinaparating nito. Naglalaman ito ng mensahe hinggil sa pangangalaga at pagmamahal sa kalikasan, lalo na sa ilog Pasig, at ang pangangailangan ng pagkilos ng bawat isa upang mapanatili ang kagandahan at kahalagahan ng kalikasan para sa kasalukuyan at hinaharap.
Nag-uugma ang linyang "Langhap na langhap ang amoy ng basurang bulok" sa masamang kalagayan ng ilog na puno ng basura. Ipinakita rin ang epekto nito sa kapaligiran, tulad ng pag-usbong sa tabi ng isang bundok na umuusok, na maaaring magsimbolo ng masamang epekto ng polusyon sa hangin.
Ayon sa World Health Organization, “Contaminated water and poor sanitation are linked to transmission of diseases such as cholera, diarrhoea, dysentery, hepatitis A, typhoid and polio.” Konektado ito sa mensahe na ipinaparating ng kanta. Sa pamamagitan ng mga salitang "Swimming-swimming sa itim na tubig, Playground lang ang bundok ng basura mo," inilalarawan ang pangaraw-araw na buhay ng mga tao na apektado ng polusyon sa ilog Pasig. Naglalarawan ang mga salitang ito ng kawalan ng malinis at ligtas na kapaligiran para sa mga mamamayan.
Sanggunian:
World Health Organization (2022, December 14). Accelerated action needed to ensure safe drinking-water, sanitation and hygiene for all. Who.int; World Health Organization: WHO. https://www.who.int/news/item/14-12-2022-accelerated-action-needed-to-ensure-safe-drinking-water--sanitation-and-hygiene-for-all
0 notes
Text
Mabigat naman ang naging pagtalakay sa environment and climate reporting.
Nagsimula si Gaea Katreena Cabico sa pagu-ulat tungkol sa human rights, kaya, ito rin ang naging lente ng kaniyang pagtingin sa mga issue sa kaunlaran at kapaligiran.
Madalas daw, kapag pinag-uusapan natin ang development, naka-focus tayo sa ekonomiya. Palaging for the greater good ang sinasabi natin--para dumami ang mga trabaho, umunlad ang turismo, mawala ang mga iskwater--at marami pang iba.
Pero ayon kay Miss Cabico, kailangan daw natin ng “journalism that amplifies the voices of the people whose concerns are often afterthoughts"--isa rin sa mga rason kung bakit mahalaga raw ang Environment and Climate Journalism.
Naapektuhan ng mga isyu sa kapaligiran at pagbabago ng klima ang lahat--at may mga epekto rin sila sa ating karapatan. Aniya pa, napapanahon din ito dahil isa ang Pilipinas sa most vulnerable countries to climate change impacts--at nanganganib na mawala ang mayaman nating biodiversity sa hinaharap. Bukod pa sa banta ng pagbabago ng klima, marami ring kasalukuyang reclamation projects ang ating gobyerno na minsan ay nagreresulta sa development agression sa marginalized sectors tulad na lang ng indigenous people, idagdag pa na isa ang bansa natin sa mga pinakadelikadong lugar para sa environmental defenders.
Ang climate reporting daw ay tungkol din sa tao, dahil tayo naman ang pinakamaapektuhan nito. Bilang climate reporters, kailangan daw natin humanap ng isang issue na may pakialam ang mga tao--dahil dapat na makarating sa kanila ang ating mensahe.
Kaya, aniya, kailangan natin ng mas maraming mga reporter tungkol sa mga ganitong issue--mga journalists na mag-uulat tungkol sa klima, sa mga taong apektado, habang gumagamit ng intersectional lens. Ilan na nga lang daw sa halimbawa eh ‘yung mga isyu ng polusyon, deforestation sa panahon ng climate change--relocation ng mga IP communities at mga fisherfolk o magsasaka mula sa kanilang lugar na kinalakhan papunta sa mga lugar na wala naman silang resources.
Sa mga ganitong usapin, mahalagang alam natin ang paliwanag ng siyensya at gobyerno--pero mahalaga rin na magsama tayo ng mga marginalized at mga boses na hindi nakapagsasalita pagdating sa development projects na minsan pa ngang nauuwi sa development aggression.
Nakita ko rin ito sa mga isyu na nalaman ko sa partnered community namin sa Bay, Laguna para sa kursong DEVC 126 na Participatory Journalism. Maraming mga proyekto ngayon ang gobyerno at mga korporasyon sa Laguna de Bay--tulad na lang ng Baywalk, ‘yung highway na tulay sa Canlubang, at floating solar panel na daan-daang ektarya din ang aabutin na makaaapekto sa kanilang pangingisda.
Sa pakikipag-usap ko sa mga mangingisda, nalaman ko na dini-discourage na nila ang mga anak nila na mangisda--dagdag pa na may iba rin sa kanilang naniniwala na mamamatay na ang lawa ng Laguna. Anila, hindi na raw kasi worth it ang kita sa pangingisda, kumpara dati--at parang mas prioridad naman na rin daw ng gobyerno ang turismo kumpara sa pangingisda. Gusto rin daw naman nila ng development, pero dapat daw, hindi sila maiiwan--dahil madalas daw, mas pinapansin ang sektor ng pagsasaka kaysa sa pangingisda kahit na parehas lang naman daw nilang pinapakain ang Pilipinas.
Sa tatlong taon ko sa devcom, napansin ko na hindi naman tutol ang mga tao sa development. Gusto pa nga nila ito--hanggat hindi sila napag-iiwanan.
Ang tunay na development kasi ay inclusive.
Dapat lahat, pinakikinggan.
Dapat ‘yung mga tao, nae-empower.
Katulad nga ng sinabi ni Miss Cabico, kapag tayo raw ay nag-uulat sa climate and environment, hindi dapat natin ipintang biktima lang ang mga taong apektado. Dahil may kapangyarihan at boses din sila. Sa fieldwork namin sa DEVC 126, na-realize ko na sila rin ay mga lider--na marami silang alam at pakialam lalo na sa pangangalaga sa kanilang mga karapatan at kalikasan--sadyang wala lang silang paraan para maipahayag ito sa bigger audiences--kaya, sa kurso na Participatory Journalism, sinubukan namin na maipakita sa documentary namin ang kanilang mga buhay, hinaing, at pangarap.
Nabanggit din sa talk na kapag nagsusulat tayo tungkol sa mga problema sa climate and environment, mas mahalagang i-highlight ang mga solusyon--kaysa sa doom and gloom report. Tulad ng sinabi ko kanina, lahat naman ay may kapangyarihan, kabilang na ang mga lokal na komunidad. Lahat ng bagay ay may solusyon, basta't magtutulungan ang lahat. Isa rin iyon sa mga rason kung bakit mahalaga na maging positibo pa rin ang wakas ng bawat pag-uulat--dahil kailangan ng pag-asa at inspirasyon ng mga tao para mag-mobilisa.
Sa mga ganitong pagkakataon mas nagiging mahalaga ang boses ng mga local communities at local journalists. Kasi, kilala nila ang kanilang komunidad at mas alam nila ang mga kinahaharap nilang problema. Isa pa, mas nahu-humanize din sila--kumpara kung magpo-focus lamang tayo sa major narratives ng mainstream media sa mga pahayag ng mga scientists and politicians na wala naman sa mismong komunidad.
Sa Mga Kuwentong Luntian nabigyang diin ang kahalagahan ng pagkain at agrikultura sa lipunang Pilipino at ang kahalagahan ng lupa at tubig sa mga komunidad--mga bagay na nagbibigay buhay. Dito, ipinakikita na ang kapaligiran ay buhay. Na ito ang ating buhay.
Natutunan natin na magkakaugnay ang lahat sa General Systems Theory ng Human Ecology. Magkakaugnay tayong lahat. Pero nagsisimula ito sa ating mga sarili, at sa ating pakikinig at pakikipag-usap sa isa't isa.
Kaya dapat, lahat ay makialam--dahil sa pakikialam tayo uunlad bilang isang lipunan.
0 notes
Text
Climate Change
Ang climate change o pagbabago sa klima ay isang napapanahong isyu na patuloy pa rin na nagiging sentro ng atensyon sa buong mundo dahil ito ay nagdudulot ng malawakang epekto sa kalikasan, ekonomiya, at kalusugan ng mga Pilipino. Sa paglipas ng panahon, mas bumibilis ang pagbabago ng klima na nagreresulta sa iba't ibang kalamidad tulad ng pag-init ng mundo, matinding pag-ulan, malakas na bagyo, at mga pagbaha sa iba’t ibang lugar. Ang mga nabanggit na epekto ng climate change ay lubhang na nakakabahala sa kalagayan natin. Bukod dito, ang mga komunidad at mga bansa na nasa laylayan ng lipunan ay hindi ganap na handa sa mga pagbabago sa klima kung kaya’t mas malaki ang epekto ng mga kalamidad sa kanila.
Hindi lamang ito isang isyu na maaaring ipagsawalang bahala, ito ay isang hamon ng buong mundo na nangangailangan ng kolektibong pagkilos. Mayroong mga organisasyon, bansa, at komunidad ang nagtutulungan upang labanan ang climate change at mapanatili ang maayos na kalagayan ng ating planeta para sa hinaharap. Sa pamamagitan ng pagkakaisa, edukasyon, at paggamit ng makabagong teknolohiya, maaari nating mapabagal o mapatigil ang paglala ng climate change at mapanatili ang kagandahan ng ating kalikasan para sa mga susunod pang mga henerasyong darating.
Ito ay nangyayari dahil sa pagsulpot ng mga greenhouse gases tulad ng carbon dioxide at methane na nagiging hadlang sa paglabas ng init mula sa mundo, na nagreresulta sa pagtaas ng temperatura. Ang mga ito'y nagmumula sa natural na proseso ng enerhiya mula sa araw, pag-ikot ng mundo, at init na nagmumula sa ilalim ng lupa.
Sa kabilang banda, ang mga gawain ng tao ay nagbibigay din ng malaking kontribusyon sa climate change. Ang paggamit ng fossil fuels tulad ng gasolina naglalabas ng malaking ng carbon dioxide sa atmospera. Ang deforestation, o pagputol ng mga kagubatan, ay naglilimita sa kakayahan ng kalikasan na mag-absorb ng carbon dioxide.
Ang epekto naman ng climate change sa kalusugan ng tao ay maaaring matukoy sa matinding init, tagtuyot, at mas matindi pang kalamidad tulad ng bagyo. Ito'y nagreresulta sa pagtaas ng kaso ng sakit na dala ng tubig o pagkain, insekto tulad ng lamok at daga, polusyon na maaaring magdulot ng mga allergy, at problema sa nutrisyon. Bukod dito, nagdudulot din ito ng epekto sa lipunan at pamumuhay ng mga komunidad, kabilang na ang pagkasira ng pangkabuhayan at kabuuang kalusugan ng mga tao.
Panoorin ang isang short film na gawa ni DJI Captures upang lalong mas mapalawak ang kaalaman tungkol sa climate change.
youtube
0 notes
Text
Ano ang mga nakakadagdag sa ating greenhouse gases?
Ang greenhouse gases ang mga gas na nahahanap natin sa ating atmosphere. Ito ang mga gas na nagkukulong sa init at nagagawa nila ito dahil mayroon silang property na kaya nilang magabsorb ng infrared radiation o net heat energy tulad ng init ng araw. Halimbawa ng greenhouse gas ay ang ating binubuga na hangin, Carbon dioxide.
Ang mga paktor na nakakadagdag sa ating mga greenhouse gases na nagreresulta sa pag-init ng mundo o Global Warming ay:
- Pagsunog ng fossil fuels. Sinabi ko nga na ang carbon dioxide ay isa sa mga greenhouse gases. Maliban sa ito ang ating binubuga tapos huminga, ang pagsunog din ng fossil fuels ay nakakagawa ng carbon dioxide.
- Deforestation. Ito ay ang pagputol ng mga puno sa maraming bilang at isahan lamang. Nakakaapekto ito sa Global Warming dahil ang mga puno at halaman ay tinuturing carbon sinks—mga natural na nasa mundo na kumukuha ng carbon dioxide upang gamitin ito at maiwasang mailabas sa atmosphere. Matututunan naman natin sa elementary palang na ang mga halaman ay kumukuha ng carbon dioxide at pinapalitan ito, ginagawang oxygen na ating hinihinga. Kung walang mga puno at halaman, nababawasan ang tumutulong sa atin upang mabawasan ng malaki ang ating carbon dioxide na nagagawa.
- Polusyon. Ang pagkalat ng basura ay nakakaapekto din sa buhay ng mga carbon sinks. Isang halimbawa na lamang ay ang mga microalgae na nakatira sa ibabaw ng mga dagat. Ang mga ito ay kumukuha ng 30% ng greenhouse gases at kapag na-acidify ng polusyon ang dagat, namamatay ang mga microalgae na ito.
- Transportasyon. Ang mga sasakyan ay naglalabas ng greenhouse gases. Ang mga galing sa tambutso ng mga sasakyang ito tulad ng mga truck, barko, airplane, motor, at iba pa, ay ang greenhouse gases. Ito ay dahil parte na din ng pagsunog ng fuel ang mga ito. Gumagamit sila ng fuel at bilang kapalit ay umaandar ang kotse, ngunit naglalabas ng usok na resulta ng nasunog na fuel. Sa mga truck lamang, 23% ng greenhouse gases ang linalabas nito.
- Agrikultura. Ang mga fertilizer, mga machine, at iba pang ginagamit para sa agrikultura ay nakakaapekto sa ating mundo. May relasyon ang lupa at Global Warming sa aspeto ng paglabas ng greenhouse gases o nitrous oxide ng lupa na ginagamitan ng mga non-sustainable na paraan sa agrikultura.
-Iba pang mga pinagmulan ay ang mga factory, electricity generation sa pagsunog ng karbon, at ang ating mga building na may aircon, lutuan sa restaurant, at iba pang mga appliances.
0 notes
Text
Lawang Hitik Sa Kultura
Ako ay nakarating sa isang lawa sa Mindanao, lawa na hitik sa kultura – Lake Sebu. Nakakamanghang isipin na nasaang parte man ako sa lugar ay matatanaw ko ang mga magagandang tanawin na bukod sa nakakabighaning lawa ay mapapalibutan ka ng mga burol at luntiang kapatagan, na tila ba parte ka ng kalikasan. May mga lugar din sa paligid ng Lake Sebu na maganda para sa mga tao na gustong magtrek at magbikil. Makakapag-enjoy ka sa kagandahan ng kapatagan at mga tanawin sa paligid ng lawa. At sa ganitong paraan, mas makikilala mo rin ang lugar at ang kultura ng mga T'boli tribe.
Ang pagbisita sa Lake Sebu ay hindi lamang tungkol sa mga magagandang tanawin kundi rin sa pagkilala sa mga taong naninirahan sa lugar na ito. Matututunan mo ang kakaibang kultura ng mga T'boli tribe at ang kanilang mga tradisyon. Hindi mo rin dapat palampasin ang pagkakataon na makabili ng mga produkto na gawa ng mga T'boli tulad ng mga t'nalak. Maaari ka ring makipag-ugnayan sa mga lokal, dapat mong subukan ang kanilang mga delicacy at bumili ng kanilang mga produkto. Sa ganitong paraan, mas makikilala mo ang lugar at mas makikilala mo rin ang mga tao at kanilang kultura.
Maraming masasarap na pagkain na maaaring sa Lake Sebu mo lang tunay na malalasap at ito naririto ang ilan sa mga paborito ko! Ang tinap't, isang lutong tilapia na niluto sa apoy at binudburan ng asin, paminta at iba pang mga pampalasa. Ito ay pwedeng ihawin o iprito upang lalo pang lumalim ang lasa. Isa pang kakanin na makikita sa lugar ay ang pangih, isang pagkaing gawa sa giling na cassava at gata ng niyog na nilalagyan ng asukal at naglalaman ng mga sangkap na nakabalot sa dahon ng saging at isinasaing. Ang pagkaing ito ay may malagkit at malutong na texture. Ang ginataang manok naman ay isang masarap na ulam na maaari mong matikman sa Lake Sebu. Ito ay hinahalo sa gata ng niyog at iba pang mga sangkap na nagbibigay ng malinamnam na lasa sa manok.
Sa karagdagan, marami rin ang mga nagsulputang mga resort sa lugar. Ang mga konsepto ng mga resort na ito ay yumayakap sa kalikasan, kung saan ang mga panauhin ay mas nakatuon sa kagandahan ng kalikasan at malayo sa polusyon at stress na dala ng paninirahan sa lungsod. Makakapagrelax ka rin sa mga nakakamanghang talon at mag-enjoy sa iba't-ibang activities tulad ng zipline, horseback riding, at kayaking. Sa tulong ng mga resort na ito, ay mas napapadali at maging ligtas kayo sa inyong pagbisita sa lugar. Kaya kung ikaw man ay nagbabalak na bumisita sa Lake Sebu, iminumungkahe ko na maghanap ka ng resort na sakto sa inyong budget at natitiyak ang inyong kaginhawaan. Masasabi ko rin na mas mainam na puntahan ninyo ang higit sa tatlong resort o landmark sa lugar kung maaari kang mag-enjoy ng mga aktibidad, kainan, at iba pang mga serbisyo para sa mas kumpletong Lake Sebu experience.
Ito ang iilan sa mga landmark o resort na nais kong balik-balikan sa Lake Sebu Una sa lahat, ang Seven Falls Eco-Tourism Park ay isa sa mga pinakapopular na atraksiyon sa lugar. Dito makikita mo ang pitong talon na nakapaligid sa lawa. Maaari kang mag-enjoy sa mga aktibidad tulad ng zipline, kayaking, at trekking. Hindi rin dapat palampasin ang pagkakataon na sumakay sa SkyCycle, isang bike na nakakabit sa isang cable na naglalakbay sa itaas ng talon.
Isa pa sa mga landmark na dapat bisitahin ay ang St. Paul Novitiate Park. Ito ay isang malawak na lupain na mayroong mga kakaibang halaman at puno. Dito rin matatagpuan ang Our Lady of Manaoag at St. Paul Chapel, dalawang simbahan na may magandang arkitektura. Kung nais mo namang mag-relax at mag-enjoy sa mga serbisyo ng resort, mayroong ilang mga magagandang resort sa lugar. Una sa lahat, mayroong Lake Sebu Floating Restaurant, isang restaurant sa gitna ng lawa na nag-aalok ng masarap na pagkain at magandang tanawin. Mayroon ding Punta Isla Lake Resort, isang resort na matatagpuan sa isang malawak na lupain na mayroong malinis na lawa. Dito, maaari kang mag-enjoy sa mga serbisyong tulad ng spa at massage, at maaari rin kang sumali sa mga cultural tour para mas makilala ang mga kultura ng mga tribong T'boli.
Bukod pa rito, dapat ka rin magdala ng jacket dahil sa gabi ay malamig sa lugar na ito. Batay sa sarili kong karanasan mas mainam din na mag suot ng komportableng damit at iwasan ang pag susuot ng heels dahil matirik ang daanan, maaari namang magsuot ng shorts pero kailangan mong maging maingat para hindi ka masugatan. Tandaan na mas mainam na maging komportable ka lalo na sa byahe at sa pagha-hike para maiwasan ang mga aksidente.
Sa kabuuan, ang Lake Sebu ay magandang destinasyon destinasyon para sa mga taong gustong mag-relax at mag-enjoy sa kagandahan ng kalikasan. Hindi lamang ito tungkol sa mga magagandang tanawin kundi rin sa pagkilala sa mga taong naninirahan sa lugar na ito. Upang mas mapadali ang inyong pagbisita, mas mainam din na magpa-reserve sa mga resorts na nais niyong bisitahin at dapat tandaan na ang mga damit na dadalhin at isusuot sa lugar ay dapat naaayon sa mga aktibidad na nais ninyong gawin upang maiwasan ang mga aksidente. At higit sa lahat ay hayaan ang sariling mag-enjoy, makapagpahinga at lumayo sa mga isipin sa trabaho o paaralan. -Mondejar, Aileen
0 notes
Text
Polusyon sa Hangin at ang mga Pwede Nating Gawin
Polusyon sa Hangin at ang mga Pwede Nating Gawin
Bukod sa katiwalian, kahirapan, karahasan at nakakainis na takbo ng istorya sa mga drama sa tv, isa pa sa mga araw-araw na problemang kinakaharap ng mga Pilipino ay ang problemang hatid ng maruming hangin (air pollution) sa kalusugan natin.
Lahat ay dapat mag-ingat sa mga epekto ng maruming hangin sa katawan subalit ang mga taong may mas malaking peligro sa kalusugan ay ang mga sumusunod:
View On WordPress
#epekto ng polusyon sa katawan#maruming hangin#masamang dulot ng air pollution sa kalusugan#mga dapat solusyunan sa pilipinas#mga problema ng pilipinas#mga sanhi ng polusyon sa hangin#paano mapapababa ang polusyon sa hangin#polusyon sa hangin#proteksyon laban sa polusyon
0 notes
Text
'Polusyon'
Blog ni: Ayesha Avy V. Miles
Isa sa mga hindi natatapos na problema ng ating bansa ay polusyon. Ano ba ang polusyon? Ang polusyon ay isang pagbabago sa kapaligiran na masamang nakaaapekto sa kalusugan ng mga halaman, hayop, at tao. Mayroong iba't-ibang uri ng polusyon ito ay ang polusyon sa hangin, lupa, tubig, at ingay.
Ano ang mga pinagmulan o dahilan nito? Ang polusyon sa hangin ay sanhi ng nga pagawaan o pabrika, usok ng mga sasakyan, at pagsusunog ng mga basura, dahon o kahit anong bagay. Ang polusyon sa tubig at lupa ay sanhi ng kawalang disiplina ng mga tao, gaya ng hindi pagtatapon ng mga basura o kahit maliit na balat ng kendi sa tamang basurahan. Malaki ang epekto nito sa tubig maari itong makabara sa mga kanal na nagdudulot naman ng pagbaha, at ang pagbaha ay isa din sa mga pinagmumulan ng sakit. Ang huli ay polusyon sa ingay na mula naman sa isang komunidad na mataas ang populasyon.
Bakit hindi matapos ang problema sa polusyon sa ating bansa at paano natin ito masusulusyunan? Isa sa pinaka dahilan ay patuloy na pag unlad at paglaki ng populayon sa ating bansa, patuloy itong nagiging problema ng ating bansa dahil hindi ito prinaprayoridad ng gobyerno, may mga tao din na walang disiplina at walang pake saating kalikasan. Ito ay dahil saating kapabayaan sa ating kalikasan, tayo ang gumawa ng problemang ito, kaya't tayo rin dapat ang makalutas nito. Masiyado nating inabuso ang ating kalikasan, tapon dito, tapon doon, putol ng puno dito, putol doon. Ang tanging sulusyon sa polusyon ay ang pagkakaisa at pagkakaroon ng disiplina ng mga tao upang mas alagaan ang ating kalikasan, ang kaunting tulong ng isa ay malaki na ang dulot, papaano pa kung madami ang nagkaisa.
Tayo rin ang maaapektuhan ng ating kapabayaan, maaring pagmulan ng mga sakit ang polusyon sa hangin, lupa, at tubig. Ang sobrang polusyon sa hangin ay nakakaapekto saating klima, dadating ang panahon na sobrang iinit ang mundo at magdudusa ang mga tao. Nais mo pa bang hintayin na mangyari iyon? Nasa huli ang pagsisi, kaya't tayo ay makiisa sa mga programa ng bawa't barangay upang masagip ang ating kalikasan. Sa problemang ito tayo ang dahilan tayo din ang kasagutan!
Link ng pinagbasihan: http://joolsquisao.blogspot.com/2015/10/polusyon.html?m=1
59 notes
·
View notes