#mga problema ng pilipinas
Explore tagged Tumblr posts
serbisyongpangkalusugan · 2 months ago
Text
Bakit Mahalaga ang Abot-Kayang Serbisyong Pangkalusugan?
Sa bawat sulok ng ating bansa, may mga pamilya na patuloy na lumalaban sa kakulangan ng akses sa kalidad na pangangalaga sa kalusugan. Habang ang iba ay nakakamtan ang mga serbisyong medikal, may mga Pilipinong hindi kayang magbayad para sa mga simpleng check-up o gamot. Sa kabila ng mga pagsulong sa sektor ng kalusugan, isang mahalagang isyu pa rin ang kakulangan ng mga ospital at doktor, pati na rin ang pangangailangan para sa murang healthcare. Ano ang mangyayari kung tayo ay walang kakayahang magpagamot?
Tumblr media
Kalusugan Para sa Lahat
Sa gitna ng modernong panahon, ang kalusugan ng bawat Pilipino ay nananatiling isang pangunahing karapatan. Ngunit para sa marami, ito’y tila isang pribilehiyo kaysa isang pangkaraniwang serbisyo. Sa kabila ng pag-unlad ng teknolohiya at medisina, nananatiling problema ang kakulangan ng mga ospital, doktor, at abot-kayang healthcare sa bansa. Marami sa ating mga kababayan ang hindi nakakakuha ng kinakailangang atensyong medikal dahil sa mataas na gastos at limitadong mga ospital, lalo na sa mga liblib na lugar. Paano natin masisigurong ang bawat Pilipino ay may kakayahang pangalagaan ang sariling kalusugan nang hindi nababahala sa gastusin?
Tumblr media
Kakulangan ng doktor
Sa kasalukuyan, ang mga pampublikong ospital sa bansa ay kadalasang kulang sa pasilidad, kagamitan, at mga medical personnel, isang bagay na nagpapabagal sa serbisyo. Ayon sa mga datos, ang kakulangan ng doktor ay isa sa mga pangunahing isyu—sa Pilipinas, tinatayang may isang doktor lamang para sa bawat 33,000 na Pilipino sa ilang rehiyon. Ang ganitong ratio ay malayo sa ideal na 1:1,000 na nire-rekomenda ng WHO. Bilang resulta, ang mga pasyente ay nagtitiyaga sa mahabang pila at kadalasang hindi napapansin ang mga minor na kondisyon na maaaring lumala.
Bukod pa rito, mataas ang gastos ng healthcare sa mga pribadong ospital, kaya’t maraming Pilipino ang nagdadalawang-isip kung ipagpapatuloy ang pagpapagamot. Ang mga universal healthcare program, gaya ng PhilHealth, ay isang hakbang patungo sa abot-kayang serbisyong pangkalusugan ngunit kulang pa ito upang matugunan ang lahat ng pangangailangan. Mahalaga ang pagpapatupad ng mas maraming proyektong magpaparami ng mga doktor, magtatayo ng mga ospital, at magpapababa ng presyo ng mga gamot upang mas maging inclusive at accessible ang healthcare sa Pilipinas.
Tumblr media
Pag-asa sa Mas Mura at Mas Accessible na Kalusugan
Ang abot-kayang healthcare ay hindi dapat ituring na isang luho kundi isang batayang karapatan. Sa pamamagitan ng pagtutulungan ng pamahalaan, pribadong sektor, at komunidad, posible nating makamtan ang serbisyong pangkalusugan na kayang abutin ng bawat Pilipino. Dapat nating ipaglaban ang karapatang ito upang masiguro ang kalusugan at kinabukasan ng bawat mamamayan—dahil ang kalusugan ay susi sa pag-unlad ng bansa.
13 notes · View notes
upismediacenter · 7 months ago
Text
OPINION: Sa Matinding Init, Magsasaka ang Lugi
Tumblr media
Illustration by Cassey Reyes
Ang matinding init ang isa sa pinakamalaking problema na hinaharap ng ating bansa sa kasalukuyan.
Ayon sa Philippine Atmospheric, Geophysical and Astronomical Services Administration (PAGASA), lagpas 40°C na ang heat index, kung saan ang init na nararamdaman ng tao ay nasusukat sa temperatura at maalinsangan na hangin, at laganap na ito sa maraming lugar sa Pilipinas. Dahil sa matinding init, kinakailangang suspindehin ang face-to-face na klase ng mga estudyante para protektahan ang kanilang kalusugan at kalagayan. Ngunit, paano naman ang kapakanan ng ating mga manggagawa, lalo na ang ating mga magsasaka, na hindi maaaring tumigil sa paghahanapbuhay?
Sa gitna ng matinding tag-init, ang sektor ng agrikultura, partikular ang kalagayan ng ating mga magsasaka, ay nangangailangan ng tulong at suporta mula sa atin at sa pamahalaan.
Maraming lugar sa bansa, tulad ng mga rehiyon ng Ilocos, MIMAROPA, Kanlurang Visayas, at Zamboanga Peninsula, ang nagsimula nang makaranas ng matinding tagtuyot. Isa naman sa mga lugar na higit na tinamaan ng tagtuyot ay ang probinsya ng Negros Occidental. Ayon sa United Sugar Producers Federations of the Philippines (UNIFED), natuyo ang 100,000 ektaryang taniman ng tubo dahil sa matinding init at kakulangan ng ulan. Bukod sa tubo, apektado rin ang mga taniman ng palay at mais. Ayon naman sa ulat ng Office of the Provincial Agriculturist ng Negros Occidental noong Abril 26, umabot ng P197.153 milyon ang halaga ng pagkasira sa kanilang ani ng palay at mais dahil sa El Niño. Ang ating mga magsasaka na kumikita ng mas mababa pa sa minimum wage ay lalong nawawalan ng kita dahil sa kasalukuyang sitwasyon. Ang kanilang kabuhayan ay nagmumula sa mga ani at dahil nga sa El Niño, bumabagal ang produksyon nito. Nakararanas din sila ng kakulangan sa gamit at materyales upang mapatubo ang mga pananim, dahilan upang lalong humina ang kanilang kita.
Sa kabila nito, makikita natin na hindi sapat ang tulong na naibigay ng gobyerno para harapin ang El Niño. Ayon sa Department of Agriculture (DA), nagbigay sila ng tulong na nagkakahalaga ng P1.08 bilyon sa pamamagitan ng pamamahagi ng mataas na kalidad na ani na nangangailangan ng kaunting tubig, hybrid rice seeds, fertilizers, pinansyal na tulong mula sa Rice Farmers Financial Assistance (RFFA) Program, at pamamahagi ng mga katutubong hayop tulad ng mga kalabaw mula sa Philippine Native Animal Development (PNAD) Program upang maging mas madali ang transportasyon ng mga produkto at magsilbing tulong sa mga magsasaka na naapektuhan ng tagtuyot. Mabuti na sila ay kumikilos upang mabigyan ng tulong ang ating mga magsasaka pero sapat nga ba ang mga tulong na ito? Nakakarating nga ba sa ating mga magsasaka ang mga nakasaad na probisyon sa mga nabanggit na programa? Hindi pa rin sapat ang P1.08 bilyon na badyet sapagkat kumpara sa pangkabuuang badyet na inilaan para sa sektor ng agrikultura na P197.84 bilyon para sa taong 2024, napakakaunting bahagi lamang ang ibinigay para sa pinansyal na tulong sa mga magsasaka. Ang pinakakinakailangan ng mga magsasaka ay mas mainam na paghahanda bago pa mangyari ang tagtuyot.
Ayon sa DA at Department of Environment and Natural Resources (DENR), ang kanilang plano ay “to increase resiliency of communities” ngunit mapapansin na hindi pangmatagalan at pangmalawakan ang nasasaklaw ng kanilang mga proyekto. May mga programa tulad ng Buying Rescue Program kung saan ang DA ay bumibili ng mga produkto ng mga magsasaka at ibinebenta sa iba’t ibang sektor sa Cagayan Valley Region ngunit nakasalalay ito sa dami ng produksyon ng mga magsasaka. Sa mga sitwasyon kagaya ngayon kung saan mababa ang ani, halos wala pa ring maibebentang produkto. Dagdag dito, hindi nawawala sa mga balita ang mga pananim na nabubulok at napipilitang itapon dahil hindi nakararating sa merkado. Samakatuwid, marami pa rin sa mga ani sa iba’t ibang bahagi ng bansa ang hindi maayos na naitatawid sa pamilihan. Isa pa ay ang Sikat Saka Program (SSP) kung saan ang Land Bank of the Philippines (LANDBANK) ay nagbigay ng pinansyal na tulong sa mga magsasaka, subalit isa itong halimbawa ng pagbibigay ng tulong kapag nangyari na ang sakuna. Ang band-aid na solusyon ng pagbibigay tulong-pinansyal ay laging hindi sapat sa paglulutas ng mismong suliranin. Ibang usapin pa kung gaano kasapat ang tulong pinansyal na ito upang matugunan ang pangangailangan ng mga apektadong magsasaka. Kasabay ng pansamantalang tulong na ito, mas mahalaga ang pangmatagalang solusyon na susuporta sa mga magsasaka sa pagdating ng anomang uri ng sakuna o kalamidad. Kung hindi matibay ang pundasyon ng ating gobyerno sa pagtugon sa El Niño, lubhang mahihirapanan ang mga nasa sektor ng agrikultura at mapipilitan silang maghanap ng ibang trabaho para lamang makapag-uwi ng makakain para sa kanilang pamilya.
Tungkulin ng ating gobyerno na tugunan ang mga pangangailangan ng sektor ng ating agrikultura. Kinakailangan nilang bigyan ng mas maunlad na teknolohiya ang ating magsasaka upang maging magaan ang sistema ng pag-aani, mabilisan ang produksyon, at masiguradong sustainable ang paraan ng kanilang pag-ani. Isa pa ay ang pagbibigay ng access sa merkado upang sila’y direktang makapagbenta ng kanilang anihin. Marami pang kailangang gawin, subalit hindi tayo dapat mawawalan ng pag-asa dahil tinitingnan na ng DA ang paggamit ng Alternate Wetting and Drying Technique kung saan ang mga magsasaka ay maaaring makapagtanim kahit kaunti lamang ang tubig. Itinatag din ng gobyerno ang Farm-to-Market Network Plan (FMRNP) kung saan nagbibigay-daan sa mga nasa sektor ng agrikultura na mas madaling makapag-access sa ating merkado sa pamamagitan ng pagtayo at pag-rehabilitate ng mga kalsada. Ang mga plano at solusyon na ito ay kinakailangang matiyak na naisasakatuparan at aktuwal na nararanasan ng mga magsasaka upang magtagumpay ang mga programa.
Ngunit sa dami ng programa na isinagawa ng ating gobyerno para sa ating mga magsasaka, nakapagtataka na patuloy pa rin silang naghihirap. Isa sa tinitingnang dahilan ay ang pagkakaroon ng mga middleman, na bumibili ng kanilang produkto sa mababang halaga at ibinebenta ito sa mas mataas na presyo. Ayon kay Jet Orbidad, isang magsasaka na nagsimula noong 2003, sa isang interbyu sa Star34 PhilStar Life“...they (middleman) are the reason why small and marginalized farmers are getting poorer… Most middlemen do not practice fair trade, and the poor farmers — incapable of entrepreneurial skills — agree to receive a pittance in exchange for the products they worked hard on.” Makikita sa pahayag na ito na ang isa pang kailangan ng mga magsasaka ay pagsasanay sa pakikipagtransaksyon at pakikipagkalakal upang hindi sila madaling mapagsamantalahan. Mayroon ding isyu tungkol sa rice mafias kung saan sila’y nagpupuslit ng mga bigas na nagsisilbing hamon sa mga magsasaka dahil nadadagdagan ang kanilang kumpetisyon sa pamilihan. Isa pa ay ang ating mga magsasaka ay nangangailangan ng mga advanced na teknolohiya na naaayon sa kondisyon at pangangailangan nila. “I am not anti-development but if the development does not fit to the needs of the farmers it will not work,” ani ni Mariano Naez, isang animnapu’t siyam taong magsasaka sa Cotabato, sa isang interbyu sa Sunstar noong 2023. Sinabi niya rin na ang mga magsasaka ay nahihirapang bumili ng mga kagamitan dahil sa taas ng presyo kaya mas mahihirapan silang makabili ng mga teknolohiya para sa kanila.
Bilang backbone ng ekonomiya ng Pilipinas, ang sektor ng agrikultura ay isa sa mga pinakaimportanteng sektor na nakakatulong sa pagdami ng trabaho at pagtaas ng Gross Domestic Product (GDP) ng ating bansa. Ito’y nakapag-ambag ng 9.55% noong 2022 habang 9% naman ang naiambag sa ating GDP noong 2023 ayon sa tala ng Philippine Statistics Authority. Ngunit, kung makikita natin ang mga nakaraang ambag ng agrikultural na sektor sa ating GDP ayon sa Statista, makikitang ito’y mas mataas noon, dahil naglaro ito sa 10.07% hanggang 13.1% mula 2012 hanggang 2021. Ito’y nagpapahiwatig na ang kontribusyon ng agrikultura sa GDP ng ating bansa ay patuloy na bumababa.
Ayon sa isang panayam kay Albay Rep. Joey Salceda, ang pag-unlad ng sektor sa agrikultura ay mahalaga para labanan ang kahirapan sa Pilipinas: “So, maganda po kung galing na sa agriculture ang growth po ng Pilipinas.” Ayon naman sa National Economic and Development Authority (NEDA), posibleng maging “upper-middle-income-country” status tayo pagdating ng 2025 kasama ang tulong ng sektor ng agrikultura. Paano natin ito makakamit kung hindi nabibigyan ng tamang seguridad ang kanilang trabaho at patuloy na magbibigay ng mga hindi mabisang solusyon ang ating gobyerno?
Ang Pilipinas ay isang agrikultural na bansa. Kahit ang Presidente Ferdinand Marcos Jr. ay kinilala ito bilang “driver of the economy,” sa kanyang State of the Nation Address (SONA) noong 2023. Ngunit sa kabila nito, makikita natin ang kakulangan ng implementasyon ng mabubuting programa at kawalan ng konsultasyon sa mismong mga magsasaka para marinig ang kanilang totoong mga pangangailangan.
Ang pinakakinakailangang tugunan ng ating gobyerno, sa halip na mga pantapal na solusyon, ay ang pagpapalakas sa ating mga magsasaka sa pamamagitan ng paglaganap ng mga libre at maayos na training programs upang sila ay matutong mag-adjust sa mga kinakaharap na sakuna at mas maging sustainable ang kanilang paraan ng pag-aani. Mainam din na sila ay turuang magnegosyo upang masanay sila sa pakikipagkalakalan sa merkado. Sa ganitong paraan, mas magkakaroon ng pangmatagalang benepisyo ang ating mga magsasaka.
Bilang mga mag-aaral, maaari tayong makatulong sa pamamagitan ng pamimili ng kanilang anihin mula sa mga organisasyon na bumibili direkta mula sa mga magsasaka. Ang ilang halimbawa ng ganitong klase ng organisasyon ay Rural Rising Philippines, Fresh Produce PH, at Ramzy’s Variety Store. Panghuli, huwag tayong tumigil sa pagiging boses ng mga nasa sektor ng agrikultura. Dagdag dito, ang patuloy na pagiging malay sa kalagayan ng ating magsasaka ay makakatulong upang kasama nila tayong manawagan para sa suporta mula sa pamahalaan.
Tandaan natin na bagama’t ang layunin ng mga magsasaka ay makapagbigay ng higit na sapat na pagkain para sa kanilang kababayan, hirap sila na gawin ito para sa sarili nilang pamilya at hanggang ngayon ay hindi pa rin ito natutugunan ng ating gobyerno.
// ni Mayden Bartolabac
Mga Sanggunian:
Bureau of Agricultural and Fisheries Engineering. Farm-to-Market Road Network Plan for a Progressive farming industry and a better Philippines. https://bafe.da.gov.ph/index.php/2022/03/23/http-bafe-da-gov-ph-wp-admin-post-phppost12278/
Cariaso, B. (2023, July 24). Marcos focuses on agriculture as driver of economy - DA official. PhilStar Global. https://www.philstar.com/headlines/2023/07/24/2283322/marcos-focuses-agriculture-driver-economy-da-official
Cariaso, B. (2023, September 26). Rice mafia behind tariff cuts on imported grains �� farmers. Philstar. https://www.philstar.com/headlines/2023/09/26/2299041/rice-mafia-behind-tariff-cuts-imported-grains-farmers
Cordero, T. (2024, March 2). El Niño farmers to get credit, insurance aid -DA. GMA News Online. https://www.gmanetwork.com/news/money/economy/899246/el-nino-hit-farmers-to-get-credit-insurance-aid-da/story/
Cordero, T. (2024, April 3). Agri damage due to El Niño reaches P2.63B, assistance to farmers at P1.08B -DA. GMA News Online. https://www.gmanetwork.com/news/money/economy/902512/agri-damage-due-to-el-nino-reaches-p2-63b-assistance-to-farmers-at-p1-08b-da/story/
DA-AFID. (2024, February 16). DA adopts low-water-use strategies amid El Niño, allowing farmers to continue planting rice. Department of Agriculture. https://www.da.gov.ph/da-adopts-low-water-use-strategies-amid-el-nino-allowing-farmers-to-continue-planting-rice/
Delilan, E. (2024, April 4). Drought-hit town in Negros Occidental declares calamity, seeks aid. RAPPLER. https://www.rappler.com/nation/visayas/drought-san-enrique-negros-occidental-declares-calamity-seeks-aid/
Delilan, E. (2024, March 14). 100,000 hectares of Negros sugarcane fields dry up, says producers’ group. RAPPLER. https://www.rappler.com/nation/visayas/negros-sugarcane-fields-dry-up-producers-group/
Delilan, E. (2024, April 27). El Niño damage to rice, corn crops in Negros Occidental hits P197 million. RAPPLER. https://www.rappler.com/nation/visayas/damage-el-nino-rice-corn-crops-negros-occidental-april-2024/
Department of Agriculture Agricultural Credit Policy Council. Sikat Saka Program. https://acpc.gov.ph/sikat-saka/#:~:text=The%20DA%20Sikat%20Saka%20Program,for%20their%20production%20activities%2Fprojects.
Department of Budget and Management. (2023, August 9). Agriculture sector’s P197.84 billion budget for 2024 to boost food, water security. https://www.dbm.gov.ph/index.php/management-2/210-agriculture-sectors-p197-84-billion-budget-for-2024-to-boost-food-water-security
Ebreo, B. M., (2024, February 2). Veggie farmers rake sales with DA’s buying rescue program. Philippine Information Agency. https://pia.gov.ph/news/2024/02/02/veggie-farmers-rake-sales-with-das-buying-rescue-program
Ferrariz, G. Jr. (2023, April 25). LIST: Where you can buy fresh produce, goods to help local farmers in PH. Rappler. https://www.rappler.com/nation/list-buy-fresh-produce-help-farmers-philippines/#:~:text=You%20can%20continue%20to%20support,through%20these%20networks%20and%20initiatives.&text=Rural%20Rising%20Philippines%20(RuRi)%20is,local%20farmers%20sell%20their%20products.
GMA Integrated News. (2024, March 13). Dam water levels continue to decline amid El Niño. GMA News Online. https://www.gmanetwork.com/news/topstories/nation/900332/dam-water-levels-continue-to-decline-amid-el-nino/story/
Gozum, I. (2024, January 20). Is the Philippines prepared for El Niño? RAPPLER. https://www.rappler.com/newsbreak/explainers/is-philippines-ready-el-nino/#:~:text=El%20Ni%C3%B1o%20has%20historically%20impacted,crop%20failures%20affecting%20food%20production.
Montemayor, M. T. (2024, February 1). PH farm sector grows faster at 1.2% in 2023 – DA chief. Philippine News Agency.https://www.pna.gov.ph/articles/1218118
O’Neill, A. (2024, January 11). Philippines: Share of economic sectors in the gross domestic product (GDP) from 2012 to 2022. Statista. https://www.statista.com/statistics/578787/share-of-economic-sectors-in-the-gdp-in-philippines/#:~:text=In%202022%2C%20the%20share%20of,sector%20contributed%20about%2061.22%20percent.
Orbida, J. (n.d.). From farm to table — cutting out the middlemen in agriculture. Star 34.philstarlife. https://star34.philstarlife.com/article/315024-from-farm-to-table-cutting-out-the-middlemen-in-agriculture
PAGASA. Highest Heat Index. GOVPH. https://www.pagasa.dost.gov.ph/weather/heat-index
Patumbon, R. G. G. (2023, November 25). Farmers ask for tech suited for their needs. Sunstar. https://www.sunstar.com.ph/davao/farmers-ask-for-techsuited-for-their-needs
9 notes · View notes
mingmingpaula00 · 5 days ago
Text
Teenage Pregnancy
Ang teenage pregnancy, o maagang pagbubuntis, ay isa sa mga pangunahing suliraning panlipunan sa Pilipinas at sa iba pang bahagi ng mundo. Tumutukoy ito sa pagbubuntis ng mga kababaihang nasa edad na 19 pababa. Bagama’t unti-unting bumababa ang bilang ng mga kaso nito sa ibang bansa dahil sa mga kampanya at edukasyon, nananatili pa rin itong malaking hamon, lalo na sa mga mahihirap na komunidad. Sa sanaysay na ito, tatalakayin natin ang mga sanhi, epekto, at mga posibleng solusyon sa teenage pregnancy.Maraming salik ang nagdudulot ng maagang pagbubuntis. Isa sa pangunahing dahilan ay ang kakulangan ng kaalaman sa tamang sekswal na edukasyon. Sa maraming lugar, hindi sapat ang impormasyon na natatanggap ng kabataan tungkol sa reproductive health, contraceptives, at ang epekto ng maagang pagbubuntis. Sa halip, maraming kabataan ang natututo sa maling impormasyon mula sa kanilang mga kaibigan, social media, o iba pang hindi maaasahang mapagkukunan.
Ang kahirapan ay isa pang mahalagang salik. Sa mga mahihirap na pamilya, limitado ang access sa serbisyong pangkalusugan at edukasyon. Ang kakulangan ng oportunidad at suporta ay nagiging dahilan upang maghanap ang mga kabataan ng ibang paraan para makahanap ng seguridad, tulad ng pakikipagrelasyon o pag-aasawa sa murang edad. Kasama rin dito ang impluwensya ng kultura at lipunan. Sa ilang komunidad, tinatanggap o kinukunsinti ang maagang pag-aasawa at pagbubuntis. May mga pagkakataon din na dulot ito ng peer pressure, kung saan naiimpluwensiyahan ang kabataan na makisabay sa kanilang mga kaibigan. Bukod dito, ang media ay may malaking papel sa pagpapalaganap ng mga maling pananaw tungkol sa sekswalidad, kung saan mas binibigyang-diin ang kasiyahan kaysa sa responsibilidad.
Ang pamilya ay may malaking papel din sa maagang pagbubuntis. Ang kawalan ng gabay mula sa magulang, kakulangan ng bukas na komunikasyon, o di maayos na relasyon sa pamilya ay nagiging dahilan upang maghanap ng pagmamahal o suporta sa ibang tao ang mga kabataan. Sa ibang kaso, ang pagbubuntis ay resulta ng pang-aabuso o kawalan ng kontrol sa sariling katawan. Ang teenage pregnancy ay may malawakang epekto hindi lamang sa batang ina, kundi pati na rin sa kanyang anak, pamilya, at lipunan.Ang pagbubuntis sa murang edad ay nagdudulot ng mataas na panganib sa kalusugan ng ina. Hindi pa lubos na handa ang katawan ng mga kabataan para sa pagbubuntis, kaya mas mataas ang posibilidad ng komplikasyon tulad ng preterm labor, mababang timbang ng sanggol, at maternal mortality. Ang kakulangan sa prenatal care ay isa pang problema na nagiging sanhi ng mas malalang komplikasyon. Maraming kabataang ina ang napipilitang huminto sa pag-aaral dahil sa stigma at kakulangan ng suporta. Ang pagkawala ng edukasyon ay nagdudulot ng limitadong oportunidad sa trabaho, na nagiging dahilan upang sila’y manatili sa siklo ng kahirapan. Ang mga batang ipinanganak mula sa teenage mothers ay mas mataas ang posibilidad na makaranas ng developmental delays, health issues, at mababang antas ng edukasyon. Maari rin silang maging biktima ng diskriminasyon o stigma mula sa lipunan. Ang maagang pagbubuntis ay nagdadala ng karagdagang pasanin sa serbisyong pangkalusugan at panlipunan. Ang gobyerno ay kailangang maglaan ng mas maraming pondo para sa suporta sa mga batang ina at kanilang mga anak. Sa mas malawak na konteksto, nagiging hadlang ito sa progreso ng lipunan dahil sa patuloy na siklo ng kahirapan at kawalan ng oportunidad. Ang pagresolba sa teenage pregnancy ay nangangailangan ng sama-samang aksyon mula sa iba’t ibang sektor ng lipunan—edukasyon, pamilya, gobyerno, at komunidad. Ang pagbibigay ng tamang kaalaman tungkol sa reproductive health at sekswalidad ay isa sa pinakamabisang paraan upang maiwasan ang teenage pregnancy. Dapat isama sa curriculum ang comprehensive sexual education na nagtuturo hindi lamang tungkol sa biology, kundi pati na rin sa emotional at social na aspeto ng sekswalidad. Mahalagang masiguro na may access ang kabataan sa mga ligtas na paraan ng contraceptives. Dapat magkaroon ng mga youth-friendly health centers kung saan maaari silang magtanong at magpagabay nang hindi natatakot sa stigma. Ang pamilya ang pangunahing pundasyon ng bawat kabataan. Dapat palakasin ang relasyon at komunikasyon sa pagitan ng magulang at anak. Ang pagiging bukas ng magulang sa pagtalakay ng mga sensitibong paksa tulad ng sekswalidad ay nakakatulong upang makagawa ng tamang desisyon ang kabataan. Ang pagbibigay ng oportunidad para sa edukasyon at skill-building sa mga kabataang babae ay makakatulong upang makita nila ang mas maliwanag na hinaharap. Ang pagkakaroon ng layunin at pangarap ay nagiging inspirasyon upang umiwas sa maagang pagbubuntis. Ang media ay may mahalagang papel sa paghubog ng kamalayan ng kabataan. Dapat gamitin ang telebisyon, radyo, at social media upang magpalaganap ng tamang impormasyon at magbigay-inspirasyon sa kabataan na unahin ang kanilang edukasyon at personal na pag-unlad. Ang komunidad at gobyerno ay dapat magtulungan upang masiguro na may sapat na programa para sa edukasyon, kalusugan, at suporta sa kabataan. Ang pagpapalaganap ng mga mentorship programs at youth centers ay makakatulong upang bigyan ng tamang gabay ang kabataan. Sa pandaigdigang konteksto, iba-iba ang antas ng teenage pregnancy depende sa bansa. Sa mga mahihirap na bansa tulad ng mga nasa sub-Saharan Africa at South Asia, mataas ang bilang ng maagang pagbubuntis dahil sa kakulangan sa edukasyon at access sa contraceptives. Samantala, sa mga bansang tulad ng Netherlands at Sweden, mababa ang teenage pregnancy rates dahil sa epektibong programa sa sekswal na edukasyon at accessible na healthcare services.
Ang teenage pregnancy ay isang malalim na suliraning nangangailangan ng kolektibong aksyon mula sa lahat ng sektor ng lipunan. Sa pamamagitan ng edukasyon, access sa resources, at suporta mula sa pamilya at komunidad, maaaring maiwasan ang maagang pagbubuntis at mabigyan ng mas magandang hinaharap ang kabataan. Bagama’t may mga hakbang na isinagawa upang mabawasan ang teenage pregnancy, marami pa ring hamon ang kailangang harapin. Mahalaga ang patuloy na pagtutulungan ng gobyerno, mga organisasyon, at bawat indibidwal upang lumikha ng lipunang nagbibigay ng tamang kaalaman, proteksyon, at oportunidad para sa lahat. Sa ganitong paraan, mabibigyan natin ng pagkakataon ang bawat kabataan na maabot ang kanilang mga pangarap at potensyal.
Tumblr media
3 notes · View notes
veiry-mysterious · 5 days ago
Text
Para Saan Ang Pinag-aralan Kung Walang Oportunidad?
Tumblr media
Tayong lahat ay dadaan sa punto ng ating mga buhay kung saan kinakailangan nating humanap ng trabaho. Bago ito dumating, tayo muna ay dumadaan sa masusing proseso ng pagaaral ng impormasyon at mga bagong kakayahan o kasanayan upang magamit sa ating kukuning trabaho. Sa ate ng pagaaral, tayo ay natututuruan at ginagabayan upang maipakilala sa atin ang iba't ibang mga konsepto at binibigyan kaalaman tayo ng mga kasanayan o skills na magagamit natin sa ating kukuning trabaho. Kapag naghahanap ng propesyon o trabaho, mahalagang isaisip ang mga nakuhang kakayahan o kasanayan na mahalaga at magagamit para sa ating napiling trabaho. Mahalagang itugma sa ating mga kasanayan at kaalaman upang mapataas ang pagiging produktibo at kalidad sa paggawa ng ating mga gawain sa napiling trabaho. Ngunit kahit na meron ka lahat ng kinakailangang kalayahan o kasanayan at kaalaman upang makapag-aplay para sa isang trabaho, paano kung walang sapat na oportunidad para sa hinahanap mong propesyon, trabaho, o posisyon?
Ang kawalan ng trabaho ay isang seryosong isyu sa anumang bansa, ngunit ito ay partikular na nararanasan sa Pilipinas. Mayroong ilang mga kadahilanan na nag-aambag sa mataas na antas ng kawalan ng trabaho sa bansa. Isa sa mga dahilang ito ay ang ay ang kakulangan ng mga trabaho na maaaraing kunin. Hindi pa rin umaayon ang paglago ng trabaho kahit na lumalago ang ekonomiya ng Pilipinas. Nangangahulugan ito na kulang sa mga trabahong mapupuntahan o mapag-a-applyan kaya maraming Pilipino ang walang trabaho. Posible na maging ang mga indibidwal na nagtataglay ng mga kinakailangang kakayahan ay nahihirapan sa paghahanap ng trabaho. Ang ilang mga trabaho na maaari nilang pasukan ay karaniwang maliit na binabayad o kaya ay may hindi magandang mga kondisyon sa pagtatrabaho. Kung ang mga tao ay naghahanap ng mga trabaho upang magkaroon ng pagkukunan ng kita, ang mga trabahong ito ay karaniwang wala sa lugar ng kadalubhasaan o pagsasanay ang kanilang mga inaral, maaari itong maging sanhi ng kahirapan sa paghahanap ng anumang trabaho. Ito ay dahil ang mga employer ay madalas na mapili kung sino ang kanilang kinukuha batay sa mga resume ng mga aplikante at iba pang mga kwalipikasyon, sa halip na tanggapin lamang ang sinumang nag-a-apply para sa isang posisyon.
Ang pananaw ng mga tao sa edukasyon ay direktang naaapektuhan ng kawalan ng trabaho. Halimbawa, marami sa mga nagtapos ng kolehiyo ang nagkakaproblema sa paghahanap ng trabaho sa kanilang propesyon, na nagdudulot ng mga tanong tungkol sa kahalagahan ng kanilang pinag-aralan. Ang mga datos mula sa Philippine Statistics Authority (PSA) ay nagpapahiwatig na marami sa mga Pilipinong walang trabaho ay mga bagong grad na nahihirapang makahanap ng isang trabaho na naaayon sa kanilang pinag-aralan. Dahil dito, may mga mag-aaral na nawawalan ng interes sa pag-aaral dahil naniniwala silang mahirap din silang makahanap ng trabaho. Dahil ang edukasyon ay ang pundasyon ng progreso, kung mangyari ito, maaapektuhan ito ng pangmatagalang pag-unlad ng lipunan.
Isa sa mga pangunahing dahilan ng kawalan ng trabaho sa Pilipinas ay ang kakulangan ng mga lokal na oportunidad. Sa kabila ng mga kursong tinatapos ng mga Pilipino, madalas ay walang sapat na trabaho na angkop sa kanilang natapos. Halimbawa, maraming nursing graduates ang hindi makahanap ng trabaho sa bansa, kaya napipilitan silang magtrabaho sa ibang bansa. Tinatayang nasa 2.16 milyon ang bilang ng mga Overseas Filipino Workers (OFWs) o manggagawang Pilipino na nagtrabaho sa ibang bansa mula Abril hanggang Setyembre 2023, isang pagtaas ng 9.8% mula sa tinatayang bilang noong nakaraang taon na 1.96 milyon. Karamihan sa kanila ay nagtatrabaho sa healthcare, construction, at domestic services, kung saan mas malaki ang sahod kumpara sa Pilipinas.
Bagamat nagbibigay ito ng oportunidad para kumita, nagdudulot din ito ng problema. Una, nawawalan ang bansa ng mga mahuhusay na propesyonal na makakatulong sa lokal na ekonomiya. Pangalawa, nagkakaroon ng brain drain, kung saan mas pinipili ng mga edukado at may kasanayan na magtrabaho sa ibang bansa kaysa dito sa Pilipinas. Ito ay isang cycle na mahirap putulin hangga't hindi nagkakaroon ng sapat na trabaho na may disenteng sahod sa loob ng bansa.
Ang isang malalim na problema na nangangailangan ng komprehensibong mga solusyon ay ang kawalan ng trabaho dahil sa kakulangan ng mga pagkakataon. Ang mga manggagawang naapektuhan ng mga kalamidad o krisis ay maaaring makakuha ng pansamantalang trabaho mula sa mga programa tulad ng Tulong Panghanapbuhay sa Ating Disadvantaged/Displaced Workers (TUPAD) ng Department of Labor and Employment (DOLE). Gayundin, ang JobStart Philippines Program ay tumutok sa pagbuo ng kasanayan at career pathways para sa mga kabataang hindi nag-aaral at walang trabaho. Bukod pa rito, ang pagpapalawak ng mga pagsasanay na tumutugon sa mga kasanayang in demand sa merkado ay mahalaga para sa paghahanda ng mga empleyado para sa makabagong trabaho. Sa kabilang banda, ang mga micro, small, and medium enterprises (MSMEs) ay dapat lamang suportahan sa pamamagitan ng mga insentibo at serbisyong tulad ng financing at technical assistance dahil malaki ang kanilang kontribusyon sa pagbuo ng mga trabaho. Ang pagpapalawak at pagpapabuti ng imprastruktura tulad ng transportasyon, enerhiya, at komunikasyon ay magpapasigla sa negosyo at magbibigay ng higit pang mga pagkakataon sa trabaho para sa mga manggagawa sa lokal na komunidad. Bukod pa rito, ang pagpapasigla sa sektor ng agrikultura sa pamamagitan ng modernisasyon at pagbibigay ng mga pasilidad sa pagproseso ng mga produkto ay makakatulong sa mga magsasaka at magbibigay ng mga pagkakataon para sa trabaho sa mga rehiyon sa kabuuan ng bansa. Ang mga programa tulad ng Revised National Apprenticeship Program Act ay naglalayong magbigay sa mga kabataan at bagong manggagawa ng higit pang mga pagkakataon upang makakuha ng karanasan at mga kasanayan sa kanilang napiling trabaho. Ang mas maraming trabaho at mas maraming pagkakataon ang magbubukas bilang resulta ng mga aksyon na ito. Ang pakikipagtulungan ng gobyerno, negosyo, at komunidad ay magiging mahalaga para sa pagtaas ng bilang ng mga trabaho at pagtugon sa mga problema sa kawalan ng trabaho sa bansa.
Para saan nga ba ang pinag-aralan kung walang oportunidad? Ang sagot ay nakasalalay sa ating kolektibong aksyon. Ang pinag-aralan ay nananatiling mahalaga dahil ito ang nagbibigay sa atin ng kakayahan upang mag-ambag sa lipunan, ngunit ang kakayahang ito ay dapat suportahan ng sistema na nagbibigay-daan para sa patas na oportunidad para sa lahat. Sa pamamagitan ng pagsasaayos ng sistema, pagkakaroon ng mas inklusibong merkado ng trabaho, at patuloy na pagpapabuti sa ating sarili, ang edukasyon ay magiging mas makabuluhan, hindi lamang para sa personal na tagumpay, kundi para rin sa ikabubuti ng buong lipunan.
Mga Sanggunian:
https://psa.gov.ph/statistics/survey/labor-and-employment/survey-overseas-filipinos
3 notes · View notes
vettyyyy · 5 days ago
Text
Tumblr media
Kislap ng Pagasa sa Bukidnin
Ang proyektong Solar Irrigation ng AKAP na nagkakahalagang P39 bilyon pesos : Isang pag-asang nag-aalok ng solusyon para sa sektor ng agrikultura sa Pilipinas.
Ang sektor ng agrikultura sa Pilipinas ay napakahalaga sa atin bansang ito.Hindi pa raw sapat ang suportang natatanggap ng mga magsasaka kahit na marami sa ating likas na kayamanan.Madami paring mga magsasarili ang nahihirapang makahanap ng tamang suportang pang-agrikultura,pinapanaling problema pa ang kakulangan ng teknolohiya.Isang malaking hamon para sa sektor ng agrikultura ay ang problema sa supply ng patubig,lalo na sa mga lugar na hindi gaanong pinupuntahan o binibigyan-pansin ng gobyerno.Ngayon,narito ang pag-asang hinahanap nilaml Ang P39 bilyong AKAP Solar Irrigation Project
Anong ibig sabihin ng Proyektong AKAP Solar Irrigation?
Ang proyektong AKAP Solar Irrigation ay nagtataguyod upang ikabit ang mga solar-powered irrigation systems sa buong Pilipinas. Nagkakahalaga itong 39 bilyon pesos at sinasabing makakatulong hindi lamang sa pagtaas ng ani ng mga magsasaka kundi patungkol din sa paglikha ng higit na trabaho.
Batay sa proyekto na ito ay magagamit ng mga solar irrigation system ang enerhiya mula sa araw upang magbigay ng tubig sa mga sakahan partikular na sa mga lugar na hindi madaling maabot ng tradisyunal na sistema ng irigasyon. Sa ganitong paraan mas mapapaganda ang produksyon ng ating mga palayan at iba pang taniman.
Layunin ng Blog na Ito
Sa artikulong itong itoy ating layunin:
1. Pag-aaralan ang posibleng epekto ng proyectong itong – Anu-anong mabubuting dulot kaya nito sa mga magsasaka?
2. Pagsabihan ang mga tao - Ano ang magiging ambag ng ganitong klase ng proyyekto sa ekonomiya at lipunan?
3. Pinagtuunan ang posibleng mga hamon – Anu-ano ang mga potensyal na isyu sa pagsasakatuparan nito?
4. Palawakin ang usapan – Bigyan ng puwang ang iba't ibang mga pananaw hinggil sa proyeckto.
5. Pakataguyod ng transparency – Tiyakin na ang lahat ng impormasyon tungkol dito ay malinaw at wasto.
Paanong maaaring magbigay ng tulong ang Proyektong Solar Irrigation ng AKAP?
1. Pag-angat ng Bunga
Ang sapat na supply ng tubig ay napakahalaga upang matiyak ang produktibong ani sa mga sakahan. Sa tulong ng solar irrigation system, tagumpay na magagamit ang patuloy na suplay ng tubig kahit sa mga lugar na bihira ang pagulan o malayo sa mga imbakan ng tubig. Dahilan dito, maitataas ang produksyon ng bigas, mga gulay, at iba pang pananim na mahalaga para sa araw-araw na pagkaing Pilipino.
2. Pagbuo ng mga gawain at aktibidad
Ang budget na P39 bilyon para sa proyektong ito ay hindi lang para sa irrigation systems kundi patI para sa paglikha ng trabaho para sa mga Pilipino din. Kailangan ng proyekto ng mga tauhan para sa paggawa ng estruktura at iba pang gawain tulad ng operasyon at pagmamantini. Dagdag pa rito ang posibilidad na kapag nagparamdam ang ani mula sa mga magsasaka ay magbibigay din ito ng mas maraming oportunidad para sa iba't-ibang negosyo gaya ng transportasyon at pag proceso ng pagkain.
3. Proteksyon sa Kalikasan
Dahil solar
Ang irrigation system ngayon ay umaasa sa solar power kaya't hindi na nangangailangan ng mga fossil fuels na nagdudulot ng pinsala sa kalikasan. Ito ay nakakatulong upang mabawasan ang polusyon at makatulong sa pagpapalaganap ng pangangalaga sa kalikasan.
4. Pagpapabuti sa Buhay ng mga Magsasaka
Ang proyekto ay direktang makikinabang ang mga magsasaka, lalo na ang mga nasa malalayong lugar. Sa pagkakaroon ng sapat na patubig, hindi na nila kailangang gumastos ng malaki para sa irigasyon. Sa halip, maaari nilang ituon ang kanilang kita sa ibang pangangailangan tulad ng edukasyon at kalusugan.
Mga Hamon sa Proyekto
1. Pondo at Korapsyon
Bagama’t malaking tulong ang P39 bilyon, kailangang masigurong magagamit ito nang maayos at hindi masasayang dahil sa korapsyon. Ang mga proyekto tulad nito ay dapat na transparent upang masigurong napupunta sa tamang lugar ang pondo.
2. Pagpapanatili ng mga Sistema
Ang mga solar irrigation system ay nangangailangan ng regular na maintenance upang magpatuloy ang kanilang operasyon. Kung hindi ito magagawa, maaaring masayang ang malaking puhunan.
3. Edukasyon para sa mga Magsasaka
Kailangang sanayin ang mga magsasaka kung paano gamitin at alagaan ang mga bagong sistema ng irigasyon. Ang edukasyon at tamang impormasyon ay mahalaga upang masulit ang benepisyo ng proyekto.
Paano Makikilahok ang Publiko?
1. Pagkalat ng Impormasyon – Ibahagi ang mga detalye ng proyekto upang mas maraming tao ang makaalam tungkol dito.
2. Pakikilahok sa Talakayan – Magbigay ng opinyon at suhestiyon kung paano pa mapapabuti ang proyekto.
3. Pananagot – Siguruhing mananagot ang mga opisyal na namamahala ng proyekto upang maiwasan ang korapsyon.
Ang AKAP Solar Irrigation Project ay isang malaking hakbang para sa sektor ng agrikultura sa Pilipinas. Sa pamamagitan nito, maibibigay ang kinakailangang suporta para sa mga magsasaka, maitataguyod ang masaganang ani, at makakatulong sa ating ekonomiya. Ngunit tulad ng anumang proyekto, kailangan itong maging maayos at transparent upang masigurong magiging matagumpay ito.
Tulad ng sinasabi sa pangalan ng blog na ito, ang "Sinag ng Pag-asa sa Palayan" ay hindi lamang para sa mga magsasaka kundi para sa buong bansa. Huwag nating sayangin ang pagkakataong ito upang itaas ang antas ng ating agrikultura at bigyan ng mas magandang kinabukasan ang mga Pilipino.
3 notes · View notes
patricia-gualin25 · 5 days ago
Text
Tumblr media
Ang Kalagayan ng Kalusugan sa Pilipinas: Mga Suliranin at Solusyon
Ang kalusugan ay isa sa pinakamahalagang yaman na may roon ang Isang tao. Sa kabila nito, maraming Pilipino ang nahihirapang makakuha ng tamang serbisyong medikal. Ang hindi pagkakapantay pantay na access sa healthcare ay isa sa mga pinakamalaking problema na hinaharap ng ating bansa. Maraming aspeto ang nakakaapekto sa problemang ito, mula sa kahirapan at kakulangan sa imprastraktura hanggang sa kakulangan ng mga trabahi sa medisina. Upang masolusyunan ang mga isyung ito, kailangang magtulungan ang gobyerno, pribadong sektor, at mga mamamayan.
Mga Hamon sa Sistema ng Kalusugan
1. Hindi Pantay na Access
Isa sa mga pinakamalaking hamon ay ang hindi pantay na access sa healthcare. Ayon sa datos, 46% ng mga nasa lungsod ang may access sa mga serbisyong medikal, samantalang 25% lamang ng mga nasa probinsya ang nakakakuha ng parehong serbisyo. Ang kakulangan ng ospital at klinika sa mga liblib na lugar ay nagpapahirap sa maraming Pilipino na magpagamot. Ang mga malalayong isla at bulubunduking lugar o magugubat na tahanan ay lalo pang nagpapalubha sa problemang ito.
2. Kahirapan Hadlang sa Medical Access
Ang kahirapan ay isang malaking hadlang para sa maraming Pilipino na makakuha ng serbisyong medikal. Maraming pamilya ang hindi kayang magbayad ng konsultasyon, gamot, o operasyon. Ayon sa mga ulat, ang kakulangan ng pondo mula sa gobyerno ay nagiging sanhi ng kakulangan ng mga pasilidad at kagamitan sa mga pampublikong ospital.
3. Kakulangan sa Imprastraktura
Maraming lugar sa Pilipinas ang walang sapat na imprastraktura para sa healthcare. Sa mga liblib na lugar, madalas na walang ospital o kahit simpleng klinika lamang. Ang mga pasilidad na meron naman ay kadalasang kulang sa kagamitan at makabagong teknolohiya. Ang mga pasyente ay napipilitang bumiyahe nang malayo upang makakuha ng serbisyong medikal, na nagiging dagdag na pasanin sa kanilang gastusin at may posibilidad na mapalalapa ang kanilang sakit.
4. Kakulangan ng Propesyonal sa Kalusugan
Ang kakulangan ng doktor, nurse, at iba pang healthcare professionals ay isa ring malaking hamon. Maraming Pilipino ang hindi nakatatanggap ng tamang atensyong medikal dahil sa kakulangan ng mga propesyonal at imprastraktura. Marami sa kanila ang mas pinipiling magtrabaho sa ibang bansa kung saan mas mataas ang sahod, mas madaminh oportunidad at mas maganda ang benepisyong makukuha nila.
5. Mataas na Presyo ng Gamot
Ang mataas na presyo ng gamot ay isa pang malaking problema. Maraming Pilipino ang hindi kayang bumili ng mga gamot na kailangan nila para sa kanilang kalusugan. Dahil dito, mas lalong lumalala ang kanilang kondisyon. Ang kakulangan ng tulong pinansyal para sa mga mahihirap ay isa rin sa mga dahilan kung bakit hindi nila kayang nakabili ng mga gamot.
Mga Maaaring Solusyon
Upang masolusyunan ang mga problemang ito, kinakailangang gumawa ng mga hakbang ang gobyerno at iba’t ibang sektor upang mapabuti ang sistema ng kalusugan sa bansa.
1. Pagpapalawak ng Healthcare Infrastructure
Ang pagtatayo ng mga ospital at klinika sa mga probinsya at liblib na lugar ay isa sa mga pinakamabisang solusyon upang mapabuti ang access sa healthcare. Bukod dito, ang paggamit ng mga mobile clinics ay makatutulong upang maabot ang mga malalayong komunidad.
2. Dagdag na Pondo para sa Kalusugan
Dapat dagdagan ng gobyerno ang pondo para sa sektor ng kalusugan. Ang mas malaking budget ay maaaring gamitin upang makabili ng mga modernong kagamitan, magtayo ng mga bagong pasilidad, at kumuha ng mas maraming doktor at nars. Ang pakikipagtulungan sa pribadong sektor ay makatutulong din upang pondohan ang mga serbisyong medikal.
3. Pagsasanay ng Mas Maraming Healthcare Professionals
Ang pagbibigay ng scholarship sa mga estudyanteng gustong maging doktor o nars ay makatutulong upang dumami ang healthcare professionals sa bansa. Ang mga programang tulad ng "Doctors to the Barrios" ay maaari ring palawakin upang hikayatin ang mga propesyonal na magtrabaho sa mga rural na lugar.
4. Pagbababa ng Presyo ng Gamot
Ang gobyerno ay dapat magpatupad ng mga patakaran upang mapababa ang presyo ng gamot. Maaaring mag-import ng murang gamot mula sa ibang bansa at magbigay ng subsidiya sa mga mahihirap.
5. Pagpapabuti ng Edukasyong Pangkalusugan
Ang pagtuturo sa mga mamamayan tungkol sa tamang pangangalaga sa kalusugan ay napakahalaga. Ang mga kumpanya, seminar, at community programs ay makatutulong upang maiparating ang tamang impormasyon tungkol sa kalusugan at serbisyong medikal.
6. Pagtutulungan ng Lahat
Ang gobyerno, pribadong sektor, at mamamayan ay kailangang magtulungan upang masolusyunan ang mga hamon sa healthcare. Ang sama-samang pagkilos ay makatutulong upang makamit ang mas maayos na sistema ng kalusugan para sa lahat.
Mga Programang Pangkalusugan
Bukod sa mga nabanggit na solusyon, may mga umiiral nang programa ang gobyerno na makatutulong upang mapabuti ang healthcare system.
- "Doctors to the Barrios"
Ang programang ito ay naglalayong magdala ng mga doktor sa mga liblib na lugar. Sa tulong ng programang ito, nabibigyan ng serbisyong medikal ang mga komunidad na walang access sa mga ospital o klinika.
- Universal Health Care (UHC) Law
Ang UHC Law ay naglalayong bigyan ang lahat ng Pilipino ng access sa de-kalidad na serbisyong medikal. Sa ilalim ng batas na ito, mas maraming Pilipino ang makikinabang sa libreng konsultasyon, gamot, at operasyon.
- Mobile Clinics
Ang paggamit ng mobile clinics ay isa ring mahalagang hakbang upang maabot ang mga malalayong lugar. Ang mga klinikang ito ay may kagamitan upang magsagawa ng basic check-ups, pagbabakuna, at iba pang serbisyong medikal.
Ang sistema ng kalusugan sa Pilipinas ay nahaharap sa maraming hamon, ngunit hindi ito nangangahulugang wala itong magiging solusyon. Sa tulong ng tamang pondo, imprastraktura, at edukasyon, maaaring magkaroon ng pantay na access sa healthcare ang lahat ng mga Pilipino.
Ang kalusugan ay isang karapatan ng bawat isa, kaya’t nararapat lamang na ito’y maging abot-kamay ng lahat ng mga tao. Sa pagtatapos, ang pagkakaroon ng maayos na sistema ng kalusugan ay magdudulot ng mas masiglang pamumuhay at mas produktibong lipunan. Kung magkakaisa ang lahat, tiyak na makakamit ang isang mas malusog at mas maunlad na Pilipinas.
3 notes · View notes
peryodismo2425 · 1 month ago
Text
GURO NG BAYAN: Ang Alamat ni Ma’am Dian
Ni Justice Aguinaldo | Nobyembre 9, 2024
Kung may kaakibat na pera ang paghahakot ng karanasan sa trabaho, siguro nakabili na ng isang mansyon si Ma’am Dian. Sa dinami-dami ba naman kasi ng mga nahawakan na niyang posisyon, aakalain mong hawak na rin niya ang kapangyarihang magbago ng anyo.
Tumblr media
Noong 2006, nagsimulang magtrabaho bilang guro ng asignaturang Ingles sa UPIS si Prop. Diana G. Caluag, na kilala rin bilang “Ma’am Dian.” Sa humigit-kumulang 18 taon na niyang pagtuturo sa paaralang ito, iba’t ibang trabaho na ang kaniyang naranasan. Kabilang na rito ang pagiging Head ng CA English Department, tagapayo ng Pamunuan ng Kamag-Aral, pati Officer-in-Charge Principal sa loob ng isang semestre. Sa kasalukuyan, nanunungkulan siya bilang Pangalawang Prinsipal para sa mga Programang Pang-akademiko. Ngunit, anuman ang maging trabaho ni Ma’am Dian at saan man siya itakda, paniguradong dala-dala niya ang hiwaga ng pagiging guro ng bayan. 
Kwento ng Pinagmulan
Nasa propesyon ng pagtuturo ang karamihan sa pamilya ni Ma’am Dian, kaya masasabing tila minamana nila ang pagiging guro. Kaya bago pa man maging isang ganap na guro, nalantad na siya sa larangang ito.  
Kwento pa nga ni Ma’am Dian, lumaki siya sa isang bahay na hindi nalalayo ang hitsura sa mga silid-aralan ng kaniyang paaralan. Bukod kasi sa mga titser na nakatira rito, ginamit din ang kanilang bahay para sa inoorganisang ‘afternoon school’ sa kanilang lugar. Dito nagtitipon-tipon ang kanilang mga kapitbahay, na kadalasan mga bata, upang impormal na maturuan. Naaalala pa nga niya na sabay-sabay silang magkakalaro at magpipinsan na pumupunta sa kanilang bahay para mag-aral. 
Isa na sa mga namumukod-tangi na tagapagturo rito ang tita ni Ma’am Dian, na siyang nagpaaral sa kaniya. Masasabi niya na ang kaniyang tiyahin ang may pinakamalaking papel sa pagiging guro niya. Saksi siya sa paraan ng pagtuturo ng kaniyang tita, na maihahalintulad sa isang guro ng bayan. Halos buong barangay ang pumupunta sa kanilang bahay upang magpaturo o magpakonsulta sa kaniyang tita – mag-aaral man o kapwa guro rin, bata man o matanda. Gayunpaman, ni isang beses humingi ng anumang kapalit ang kaniyang tita. Patuloy siyang naging bukas sa mga nangangailangan ng tulong at gabay sa lahat ng pagkakataon.
“40 years siyang nagturo, tapos parang na-dedicate talaga niya ‘yung buhay niya sa pagtuturo sa public school,” paglalarawan pa ni Ma’am Dian. 
Pagiging isang Guro ng Bayan
Makikita ang pagiging huwaran ng kaniyang tita sa buhay ni Ma’am Dian. Bago pa man nagsimulang magtrabaho sa UPIS, bumalik muna siya sa kaniyang dating hayskul, ang St. Paul College sa San Rafael, Bulacan upang magturo ng ilang taon. Ayon sa kaniya, isa itong paraan ng kaniyang pagsusukli at pagbabalik sa paaralan, lalo na’t isa siya sa mga naging iskolar dito. 
Tumblr media
Pero nang makakuha ng imbitasyon na makapagturo sa UPIS, tinanggap niya ito. Para kasi kay Ma’am Dian, talagang naiiba ang sistema ng pagtuturo sa UP kumpara sa iba pang mga paaralan, partikular na iyong mga nasa probinsya. 
“You really have academic freedom. You have more time and opportunities to explore. ‘Yung sistema rin na ini-implement sa UP at UPIS, parang ideal sa akin,” sabi pa niya.
Higit sa lahat, nagustuhan ni Ma’am Dian ang pagiging liberal at “little UP” ng UPIS. Nais niyang ilaan at gamitin dito ang kaniyang mga kaalaman at pagsasanay na natutuhan mula sa kaniyang mga taon bilang mag-aaral ng kolehiyo sa Unibersidad ng Pilipinas. 
Mga Pagsubok ng Bida
‘Ideyal’ man ang paaralan ng UPIS, hindi pa rin ito malaya mula sa mga hamon at paghihirap. Kung may kaakibat na pera nga lang talaga kasi ang paghahakot ng karanasan sa trabaho, siguro nabawasan na ang mga problema ni Ma’am Dian. 
“Maraming hamon ang pagiging guro… marami talaga. Isa na diyan, hindi naman kataasan ang sweldo,” ani niya.
Nang matanong tungkol sa mga isyung hinaharap, unang pumasok sa isip ni Ma’am Dian ang mababang sahod sa UPIS. Hindi man daw ito kasimbaba ng sweldo sa iba pang mga pampublikong paaralan, mararamdaman pa rin ang sakit sa bulsa, lalo na kung kumuha ka ng mga posisyon bagaman wala itong katumbas na sahod. Sa ating paaralan kasi, kahit na maging tagapayo ng isang club, wala itong dagdag sa iyong kikitain. 
Gayunpaman, hindi ito itinuturing na hadlang ni Ma’am Dian na makapagpapapigil sa kaniyang magturo. Sabi nga niya, “Hindi mo siya ginagawa para maghanap ng pera, parang alam mo ‘yun dapat.” Para sa kaniya, sulit pa rin ang pagiging bukas sa mga oportunidad at trabahong maaaring itakda sa kaniya, kahit na pakiramdam niya na, minsan, hindi sapat ang kaniyang kaalaman at karanasan para rito.
Sabi nga niya, “Kahit hindi ko pa alam kung paano gagawin, ‘yung willingness na tanggapin siya is worth it gawin. May bagay ka laging matututunan kapag nag-engage ka sa isang bagay na hindi mo usually ginagawa.”
Noong unang taon nga niyang magturo sa UPIS, sinama agad siya sa organisasyon ng Kab Scouts sa elementarya bilang isa sa mga tagapayo nito. Bagaman hindi pa kailanman nararanasan ni Ma’am Dian ang pagiging scout—lalo na ang pagiging tagapayo nito sapagkat walang scouting sa kaniyang dating paaralan sa San Rafael—tinanggap niya pa rin ito.
“Hindi ako naglalagay ng, ‘Ito lang ang gusto kong gawin.’ Kung ano man ang dumating na opportunity, o kung saan kailangan, ok lang tanggapin kasi maaaral naman ang mga bagay,” dagdag pa niya.
Pagtutulungan ng Bayan, Para sa Bayan
Binigyang-diin din ni Ma’am Dian ang kahalagahan ng pagtutulungan. Ikinuwento niya na noong mga nakaraang taon, may problemang lubos na mahirap at mabigat na bumungad sa komunidad ng UPIS: ang pandemya. Nagulantang ang lahat—guro man o mag-aaral—sa napakalaking pagbabago sa ating mga buhay. 
Noong panahon ng pandemya, tumatak sa isip ni Ma’am Dian ang pangangailangan ng bayanihan at pagkakaisa, kung saan tinitiyak na walang napag-iiwanan. Kahit naghihirap ang mga tao sa iba’t ibang paraan, mahalaga ang manatiling bukas at handang mag-abot ng tulong sa ating kapwa. Lubos din na makatutulong kung pipiliin nating  matuto mula sa iba. Ang mga ito raw ang makapagraraos sa atin sa hamong ito; at gayundin ang ginawa ng UPIS. 
“Sa UPIS, na-realize ko noon, magtutulungan talaga ‘yung mga tao para magawa yung goal,” sabi ni Ma’am Dian. 
Napansin niya na nagsikap ang UPIS, lalo na ang kaguruan nito, na aralin ang mga online na plataporma, tulad ng Google Classroom, Zoom, at iba pa, upang epektibong makapagturo at makapag-aral sa gitna ng pandemya. Kahit pa sa mahahabang taon ng pagtuturo ng mga malapit nang magretiro, pinili nilang matuto ng mga hindi nila nakasanayan, partikular na kung paano sila makapagtuturo nang online.
“I am useful where I am”—ito raw ang kaisipan na isinaalang-alang, isinasapuso, at isinasabuhay ni Ma’am Dian. At sa panahon ngayon, kung kailan lugmok pa rin sa kahirapan ang bansa at patuloy na hinaharap ang mga pagsubok na epekto ng pandemya, ang siping ito ang iiwan niyang mensahe para sa mga kapwa niya guro. Hinihikayat niya rin sila na maging isang guro ng bayan, na lumilingon sa pinanggalingan at nagseserbisyo sa iba. Kasabay nito, kinakailangan din ang pagtutulungan nang walang hinihinging kapalit.
Ayon nga kay Ma’am Dian, “Those are the types of help that sustain us.” 
Pinapaalalahanan tayo ni Ma’am Dian na, kahit ano—o ilan—pa man ang posisyong hinahawakan, lagi’t lagi nating tandaan na maging isang guro ng bayan din.  
2 notes · View notes
kgh-nd · 2 months ago
Text
Edukado Ka Ba?: Edukasyon ng Bagong Henerasyon
Tumblr media
Sa patuloy na pagsulong ng ating bansa sa makabagong teknolohiya, patuloy din na nagkakaroon ng pagbabago sa sistem ng edukasyon sa ating bansa. Ang mga paaralan ay gumagamit na ng telebisyon at projector sa klase, gumagamit ng iba't-ibang kagamitan ang mga unibersidad ayon sa kurso na tinuturo nila, ang mga dating paaralan sa malalayong lugar ay may wifi nang pwedeng gamitin. Sa dinami ng mga bagay na napabuti ng teknolohiya sa edukasyon, napabuti na din ba ang kaalaman ng mga estudyanteng Pilipino? BATA, BATA, EDUKADO KA BA?
Tumblr media
Ayon sa isang artikulong nai-publish ng INQUIRER noong September 19, nagsagawa ng survey ang UNICEF kung saan tinanong kung ano ang mga pinoproblema ng mga Pilipinong kabataan, kung saan lumabas sa resulta na ang isa sa pinaka-inaalala nila ang ay kalagayan ng edukasyon sa Pilipinas. Madami sa kanila ang hangarin na makapagtapos ng edukasyon, ngunit nung sila ay naitanong kung ano ay humahadlang sa kanilang pagtatapos at pagsimula ng propesyunal na trabaho, ayon sa kanila at kulang daw ang mga paaralan na nakakapagbigay ng dekalidad na edukasyon, at nagsisimula na din humadlang ng paggamit ng artificial intelligence o A.I.
Sa isinagawang survey naman ng Program for International Student Assessment noong 2022, lumabas na ang Pilipinas ay nakaakot ng ranggong 77th, na may kabuuan na 81 na bansa, para sa mga 15 taong gulang na mga estudyante. Ang kanilang mga puntos sa iba't-ibang mga paksa, kasama ay pagbabasa, matematika, at siyensa, ay mas mababa kumpara sa karaniwang markang nakuha mula sa 81 ba bansa.
ASAN ANG PROBLEMA?
Tumblr media
Sa parehong artikulong naibanggit dito, nalaman na ang ilan sa mga rason kung bakit ay dahil sa kahirapan makapasok sa mga paaralan dahil sa tumataas na mga presyo ng pagpaaral, kakulangan sa mga guro na napapahaba ang trabaho ng mga kasalukuyang guro, at dahil doon ay bumababa din ang dekalidad na edukasyon na nakukuha ng mga estudyante. Kung nais na maisagot ang mga problema na ito, kailangan masolusyonan ito sa departamento ng gobyerno kung saan sa kanila nakasalalay ang mga polisiya
SINASAGAWANG PLANO
Tumblr media
Ang edukasyon ay isang isyu na matagal nang binabantayan ng gobyerno, at samu't-saring mga polisiya at batas na ang nailaan para sa sistema ng edukasyon sa bansa. Noon 2016, nailunsad ang 15-taong pagaaral ng edukasyon sa mga paaralan ng mga estudyanteng 10 to 24 taon gulang upang makagawa ng mas dekalidad na polisya para maibago at mapaganda ang edukasyon ng mga Pilipino sa pagsasagawa ng pag-aaral ng mga pangangailangan ng mga estudyante mismo. KONKLUSYON
Ang edukasyon ay ang nagdala saatin sa punto ng buhay na ating tinitirhan ngayon. Ang patuloy na pagbabago ng edukasyon at teknolohiya ang nakakagawa ng makabagong paraan sa pag-aaral, at yumao dito ang mas magandang pamumuhay. Kaya't ating bigyan pansin ang edukasyon ng mga kabataan, dahil sila ang susunod na henerasyon na patuloy na magdadala sa ating banda patungo sa mas magandang kalagayan ng bansa.
Reperensya:
4 notes · View notes
robertjsantos-0808 · 2 months ago
Text
"Ang Mukha ng Kahirapan sa Pilipinas: Isang Malalim na Pagsusuri"
Sa kabila ng likas na yaman at kasipagan ng mga Pilipino, ang kahirapan ay nananatiling isa sa pinakamalaking suliranin sa bansa. Maraming pamilya ang nakararanas ng kawalang-katiyakan sa pagkain, kakulangan sa edukasyon, at limitadong akses sa serbisyong pangkalusugan. Ang isyu ng kahirapan ay hindi lamang usapin ng iilang indibidwal kundi ng kabuuang lipunan—isang problema na nakaaapekto sa ekonomiya, kalusugan, at seguridad ng bawat Pilipino. Sa blog na ito, tatalakayin natin ang mga pangunahing sanhi ng kahirapan sa Pilipinas at ang epekto nito sa iba’t ibang bahagi ng ating lipunan.
Tumblr media Tumblr media
Mga Sanhi ng Kahirapan sa Pilipinas
Kakulangan sa Edukasyon Ang kakulangan sa edukasyon ay isa sa pinakamalalim na ugat ng kahirapan. Marami sa mga kabataan ang hindi nakakapagtapos dahil sa kakulangan ng pondo, o kaya naman ay walang akses sa de-kalidad na edukasyon. Dahil dito, maraming Pilipino ang nagiging limitado sa mga oportunidad na magtrabaho sa mga posisyong may mas mataas na kita. Ang kawalan ng edukasyon ay nagiging hadlang sa pagkakaroon ng mas magandang kinabukasan.
2. Mababang Sahod at Kawalan ng Trabaho Bagamat may mga trabaho sa bansa, ang kita ng maraming manggagawa ay hindi sapat para tugunan ang mga pangunahing pangangailangan. Ang mababang pasahod at hindi pantay na pagtrato sa mga manggagawa ang nagiging sanhi ng patuloy na pagkabaon sa hirap ng maraming pamilya. Bukod dito, may mga lugar pa rin sa bansa na may mataas na unemployment rate, lalo na sa mga probinsya. 3. Korapsyon sa Pamahalaan Isa ring salik ng kahirapan ay ang korapsyon sa mga ahensya ng gobyerno. Ang pondong dapat sana’y ilaan para sa mga programang pang-edukasyon, pangkalusugan, at pampublikong imprastruktura ay napupunta sa mga bulsa ng ilang tiwaling opisyal. Ang sistemang ito ng katiwalian ay nagpapabagal sa pag-unlad ng mga proyekto na sana’y makatutulong sa mga mamamayan.
Tumblr media
Mga posibleng solusyon na maaaring makatulong upang mapabuti ang kalagayan ng mga mamamayan:
1. Pagpapabuti ng Edukasyon
Libreng Edukasyon at Scholarship Programs: Ang pagbibigay ng libreng edukasyon at mga scholarship ay makakatulong upang makapag-aral ang mga kabataan at makuha ang mga kinakailangang kasanayan para sa mas mataas na oportunidad sa trabaho.
Vocational at Technical Training: Ang mga programa sa pagsasanay, tulad ng TESDA sa Pilipinas, ay makatutulong sa mga mamamayan na makakuha ng mga kasanayang teknikal at praktikal na maaaring magamit sa iba't ibang hanapbuhay.
Tumblr media
2. Pagpapataas ng Sahod at Pagbibigay ng Pantay na Benepisyo
Pagtaas ng Minimum Wage: Ang pagrebyu at pagpapataas ng minimum wage ayon sa halaga ng pamumuhay ay makakatulong sa mga manggagawa na mas matugunan ang kanilang mga pangunahing pangangailangan.
Benepisyo sa Kalusugan at Segurong Pangkalusugan: Ang pagbibigay ng maayos na health insurance at mga benepisyo sa mga manggagawa ay magpapagaan sa kanilang pasanin sa oras ng karamdaman.
Tumblr media
Ang kahirapan sa Pilipinas ay isang malalim na suliraning nangangailangan ng konkretong aksyon mula sa gobyerno at sama-samang pagkilos ng bawat mamamayan. Ang pagtutok sa edukasyon, pagpapalakas ng mga serbisyong pangkalusugan, at pagsugpo sa korapsyon ay ilan sa mga hakbang na makatutulong sa paglutas ng problemang ito. Mahalaga rin ang pagpapalaganap ng mga programang pangkabuhayan upang mabigyan ng pantay-pantay na oportunidad ang bawat Pilipino. Bagamat malaki ang hamon, may pag-asa pang makaahon ang bansa mula sa kahirapan sa tulong ng sama-samang pagkilos at malasakit ng bawat isa sa pag-unlad ng ating lipunan.
6 notes · View notes
upismediacenter · 1 month ago
Text
Kawalan ng mother tongue sa paaralan, pagbura ng ating kultura, at pagbaba ng kalidad ng edukasyon
Tumblr media
Likha ni: Amihan Danao ng UPIS Media Center 2025
Ang Pilipinas, sa kasalukuyan, ay may 175 na living languages (Ethnologue, 2024). Sa iba’t ibang parte ng bansa, mayroon tayong sari-sariling inang wika o mother tongue at ang mga wikang ito ay nagpapakita kung gaano kayaman ang ating kultura rito sa Pilipinas. Ang mother tongue ay mahalaga para mas makilala ng mga bata ang kanilang identidad bilang isang Pilipino.
Pero noong Oktubre 12, 2024, nag-lapse sa isang batas ang RA 12027 o ang batas kung saan ipapahinto ang mother tongue bilang pangunahing medium of instruction para sa mga estudyante na nasa Kinder hanggang Grado 3. Nagiging batas ang isang panukalang batas kapag hindi nag-veto ang pangulo sa loob ng 30 araw matapos itong maipasa sa kanya. Sa ilalim ng RA 12027, ang pangunahing midyum ng pagtuturo ay ibabalik sa Filipino at Ingles habang ang mga rehiyonal na wika ay magiging suplementaryo na lamang para sa mga estudyante. 
Ayon kay House Deputy Minority Leader at ACT Teachers Rep. France Castro, ang pagtanggal ng mother tongue bilang medium of instruction ay isang hakbang paatras sa pagbibigay ng mataas na kalidad ng edukasyon para sa mga estudyante. Sinabi rin niya na ang pag-abandona sa mother tongue ay pagtalikod sa iba’t ibang wika ng bansa at ang ambag nito sa iba’t ibang kultura mayroon tayo. 
Kaya itatanong natin, ano ba ang halaga ng magkakaroon ng Mother Tongue based education sa loob ng silid-aralan at sa ating identidad bilang mga Pilipino? Ito ba ay usapang kultura lamang o baka usapin rin tungkol sa ating sistema ng edukasyon?
Ano ba ang Mother Tongue o ang MTB-MLE? 
Unang naitakda ang MTB-MLE o ang Mother Tongue – Based Multilingual Education sa DepEd Order No. 74, series of 2009 na nagmamandato sa paggamit ng Mother Tongue (MT) bilang pangunahing midyum ng pagtuturo sa unang apat na taon sa elementarya habang ang mga estudyante ay natututo ng Filipino at Ingles bilang hiwalay ng mga subject. Pagkalipas ng apat na taon, ipinaloob ito sa implementasyon ng K-12 Basic Education Program na nasa ilalim ng Republic Act 10523 o ang Enhanced Basic Education Act of 2013. 
Ayon sa curriculum framework ng MTB-MLE, ito ay isang pormal o di-pormal na edukasyon kung saan ginagamit ang mother tongue ng estudyante at mga ibang wika sa loob ng silid-aralan. Ang pangunahing layunin nito ay upang makalatag ng matibay na pundasyon sa mother tongue ng estudyante bago magdagdag ng mga karagdagang wika (Department of Education, 2016). Sa pamamagitan ng mother tongue sa loob ng paaralan, mas maiintindihan nila ang kanilang mga aralin dahil ito ang wika na pinakanaiintindihan nila. 
Pinagbatayan nila sa pagbubuo ng kurikulum ang mga umiiral na mga pananaliksik na nagpapatunay na epektibo ang paggamit ng mother tongue o ang first language (L1) ng mga bata upang makatulong sa pag-develop nila ng ibang wika. Isa sa mga pinagbatayan nila na mananaliksik sa loob ng curriculum guide ng MTB-MLE ay si Jim Cummins, isang propesor sa Canada na kilala para sa kanyang Second Language Acquisition Theory. Ayon sa kanya, ang level of development ng mother tongue ng isang bata ay isang strong predictor para sa kanilang language development.
Ngunit, noong Agosto 10, 2023, inilunsad ng dating DepEd Secretary at kasalukuyang Bise Presidente na si Sara Duterte ang MATATAG curriculum, at isa sa mga naging malaking pagbabago rito ay ang pagtanggal ng Mother Tongue bilang isang subject. 
Mga Kritisismo at Problema sa Mother Tongue
Isa sa mga naging pangunahing kritisismo sa MTB-MLE ay ang implementasyon nito. Nagdulot ito ng kalituhan sa mga guro, lalo sa mga taga-Luzon dahil tinatanong kung ano ba ang pagkakaiba ng Filipino at Mother Tongue bilang subject (Hernando-Malipot, 2023). At ayon sa isang pag-aaral ng Philippine Institute for Development Studies (PIDS) na pinamagatang “Starting Where the Children Are’: A Process Evaluation of the Mother Tongue-Based Multilingual Education Implementation,”, nagkaroon ng pagtutol sa paggamit ng MT bilang midyum ng pagtuturo dahil hindi naiparating nang maayos sa mga magulang ang silbi ng MTB-MLE at sa tingin nila ay hindi raw ito mahalaga para makakuha ng trabaho. Hindi rin na-assess nang maayos ang kakayahan ng mga guro upang ituro ang MT at hindi rin sila nabigyan ng sapat na training para maituro nila ito nang maayos. Nagkaroon lamang ng nationwide training para sa mga guro isang buwan bago i-implement ang programang K-12 noong 2012. (Monje, et al, 2021). Dagdag dito, sa pag-aaral na isinagawa ng Cardno Emerging Markets noong 2017, natuklasan nilang higit sa 200 na guro sa Bangsamoro Region na kasama sa reading program ng DepEd ay nakapuntos nang mas mababa sa 50% sa reading comprehension, kahit matapos makatanggap ng training, (Chi, 2024).
Mas lalong bumaba rin ang literacy rate ng bansa habang ipinapatupad ang bagong language policy hanggang sa punto na nagkaroon lamang ng aksyon galing sa DepEd sa pamamagitan ng DepEd Memorandum No. 173, series of 2019, (Hamon: Bawat Bata Bumabasa) na nagpapakitang malala na masyado ang problema. Ayon sa DepEd-Cordillera regional director na si Estela Cariño, mas natututo nang mabuti ang mga estudyante sa Ingles at Filipino bilang midyum ng pagtuturo kaysa sa kanilang mother tongue (INQUIRER, 2023).
Ang pangunahing rason kung bakit nagkaproblema ang pagpapatupad ng MTB-MLE sa mga paaralan ay ang kakulangan ng suporta ng gobyerno. Hindi nabigyan ng sapat na materyales ang mga guro at kinailangan pang igiit at ipaglaban ang pondo para sa mga aktibidad na kaugnay ng programang MTB-MLE. Nagkakaroon ng disparency sa ginagamit na wika sa mga instructional materials sa aktwal na Mother Tongue ng mga estudyante at mas nalilito sila rito kasi hindi tugma ang wika ng ginagamit sa loob ng klase sa wika na ginagamit ng nila. Sa halip na ang Department of Education ang magbibigay ng mga localized materials sa konteksto ng Mother Tongue ng mga estudyante, napupunta ang bigat ng trabaho sa mga guro, bagaman marami na silang ginagawa sa loob ng paaralan at mas mapapalayo pa sila sa mga estudyante nila (Hunahunan, 2019).
Halaga ng Mother Tongue 
Bukod sa pagiging malaking tulong ang Mother Tongue sa pag-aaral sa ibang wika, ito rin ay nakakatulong sa language vitality o ang kalusugan at lakas ng mga wika natin at magkaugnay sa education inclusion (INQUIRER, 2023). Batay sa kasalukuyang datos ng Ethnologue, 55 sa mga wika ng Pilipinas ay endangered, at dahil tinanggal ang Mother Tongue sa curriculum ng mga paaralan, inaasahan na mas lalong bibilis ang paghina ng mga wika natin na maaaring magresulta ng pagkawala ng ating mayamang kultura.
Hindi limitado ang halaga ng Mother Tongue sa usapang kultura lamang, kundi pati rin sa kabuuang identidad ng isang lipunang Pilipino. Sa papel na pinamagatang “The Miseducation of the Filipino” na isinulat ni Prof. Renato Constantino, isang historyador, tinalakay niya na dahil nakikita natin na kailangan makipag-ugnayan sa isa’t isa gamit ang isang wikang banyaga, napapabayaan na natin ang ating sariling wika at nahihirapan na tayong gamitin ito. Sabi rin niya na ang wika ay isang tool sa thinking process. Sa pamamagitan ng wika, nakakapag-isip ang isang tao. At habang mas nakakapag-isip ang tao ay mas napapalakas niya ang paggamit ng wika. Pero pag ang wika ay naging harang sa pag-iisip, nahahadlangan ang proseso ng pag-iisip at ito ay nagkakaroon ng cultural stagnation. Hindi maayos ang pag-unlad sa kanilang kakayahan sa creative thinking, analytical thinking, at ang abstract thinking kasi mas nakatuon sa pagsasaulo o memorization ang bata gamit ang banyagang wika. Dahil sa mekanikal proseso ng pag-aaral, hindi nila napapalalim ang kanilang pag-uunawa sa pangkalahatang ideya (Constantino, 1982).
Sa isang pahayag ni Cebu Rep. Eduardo Gullas noong International Day of Education, sabi niya na kailangan palakasin ang Ingles bilang pangunahing midyum ng pagtuturo ng paaralan. Dagdag niya, ang rason ng pagiging mababa ng performance sa matematika at agham ay dahil sa mahinang kasanayan sa pagbasa at pag-unawa sa wikang Ingles (Corrales, 2021). Pero kung tutuusin, ang totoong rason kung bakit kulang ang kakayahan sa matematika at agham ay dahil hindi natin gamay ang sarili nating wika. Ang wikang banyaga, kagaya ng Ingles, ay dapat tinuturo lamang at mas madaling ituro kung kaya natin gamitin ang ating sariling wika. 
Kaya kung sa simula pa lang, nahihirapan na tayo sa mga wika natin dahil hindi ito binibigyan ng halaga ng ating gobyerno, paano pa ba tayo sa internasyonal na lebel? Paano tayo makakapag-isip para sa ating bansa kung hindi naman tayo marunong makipag-ugnayan sa isa’t isa gamit ang wika natin bilang mga Pilipino?
Kaya pa ba natin ibalik ang Mother Tongue at pagbutihin ito?
Sa simpleng salita, oo. Pero ito ay isang mahabang proseso nangangailangan ng aksyon galing sa gobyerno, sa mga guro, sa mga magulang, at sa mga estudyante. Ang unang hakbang upang mas gumanda ng kalidad ng ating edukasyon sa pagbasa at sa pag-unawa ng mga salita ay hindi sa pagpapalakas ng wikang Ingles bilang pangunahing midyum ng pagtuturo. Ito ay nagsisimula sa mga wika natin sa Pilipinas. 
Ang usapin ng wika sa loob ng silid-aralan ay nagbubukas pa ng mas malalim na isyu at ito ang usapin ng prioridad ng gobyerno sa edukasyon. Hindi lang ito tungkol sa pagpapahalaga sa ating mayaman na kultura at identidad bilang Pilipino, ito ay tungkol rin kung paano na tayo makapag-isip, makipagdiskurso sa ibang tao at kung paano natin pinapatakbo ang bansa.
Para makamit natin ang edukasyong maka-Pilipino, kailangan muna natin bigyan ng pokus ang ating wika. Kaya upang mas pagbutihin natin ang implementasyon ng Mother Tongue sa loob ng paaralan, kailangan muna natin gumawa ng mga materyales na nakasulat sa mga rehiyonal na wika na magiging angkop sa mga estudyante at I-localize ang mga instructional materials sa konteksto ng ginagamitang mother tongue. Bigyan din ng maayos na pag-eensayo ang mga guro at mas maganda rin kung ang mga guro na pinili para magturo ng MT sa klase ay ang mga native speakers ng kanya-kanyang mother tongue. Para sa mga magulang, intindihin natin na hindi dahil ginagamit ang mother tongue sa loob ng bahay ay sapat na bilang isang kasanayan kasi ang pagkakaroon ng MT sa loob ng paaralan ay dagdag ensayo na rin at pagpapahalaga para sa wika para sa bata.
At ang hakbang bilang mga estudyante ay ang pagbibigay-halaga sa ating wika sa loob ng paaralan at makita na ang silbi ng pag-aaral ay hindi lamang makahanap ng maayos na trabaho, kundi mahasa rin natin ang kakayahang mag-isip nang kritikal. Malakas ang kapangyarihan ng wika sa loob ng isang lipunan kasi dahil dito, nabubuo natin ang kakayahan makapag-isip para sa sarili, at para sa bayan. 
// ni Erin Obille
Mga Sanggunian:
Arzadon, C. (2023, Agosto 21). [OPINION] On the deletion of Mother Tongue in the Matatag K-10 Curriculum. RAPPLER. https://www.rappler.com/voices/thought-leaders/opinion-deletion-mother-tongue-matatag-k-10-curriculum/
Chi, C. (2024, Enero 13). Explainer: With students’ poor literacy, are all teachers now ‘reading teachers’? Philstar.com. https://www.philstar.com/headlines/2024/01/11/2325063/explainer-students-poor-literacy-are-all-teachers-now-reading-teachers
Constantino, R., & Constantino, L. R. (1982). The Miseducation of the Filipino/World Bank Textbooks: Scenario for Deception. https://ci.nii.ac.jp/ncid/BA44320691
Cummins, J. (2001). Bilingual Children’s Mother Tongue: Why Is It Important for Education? Sprogforum, 7, 15-20.
Daguno-Bersamina, K. (2024, Oktubre 12). Bill ending mother tongue education lapses into law. Philstar.com. https://www.philstar.com/headlines/2024/10/12/2392016/bill-ending-mother-tongue-education-lapses-law
Department of Education. (2016, Mayo). Mother Tongue CG. https://www.deped.gov.ph/k-to-12/about/k-to-12-basic-education-curriculum/grade-1-to-10-subjects/mother-tongue-cg/
Ethnologue (2024). https://www.ethnologue.com/country/PH/
Hernando-Malipot, M. (2023, Agosto 10). DepEd launches MATATAG K to 10 curriculum of the K to 12 Program. Manila Bulletin. https://mb.com.ph/2023/8/10/dep-ed-launches-matatag-k-to-10-curriculum
Hernando-Malipot, M. (2023, Agosto 11). ‘Confusing’ Mother Tongue subject removed; to remain as a medium of instruction --- DepEd. Manila Bulletin. https://mb.com.ph/2023/8/10/confusing-mother-tongue-subject-removed-to-remain-as-a-medium-of-instruction-dep-ed
Hunahunan, Lyoid. (2019). Coping With MTB-MLE Challenges: Perspectives of Primary Grade Teachers in a Central School. 6. 298 - 304.
INQUIRER (2023, Septiyembre 5). Use of first language or mother tongue does not work in the Philippines | Inquirer Opinion. INQUIRER.net. https://opinion.inquirer.net/166071/use-of-first-language-or-mother-tongue-does-not-work-in-the-philippines
INQUIRER (2023, Septiyembre 11). Mother tongue subject: Improve, not remove | Inquirer Opinion. INQUIRER.net. https://opinion.inquirer.net/166211/mother-tongue-subject-improve-not-remove
Monje, J.D et al. (2019, Hunyo 27) ‘Starting Where the Children Are’: A Process Evaluation of the Mother Tongue-Based Multilingual Education Implementation. Philippine Institute for Development Studies. https://www.pids.gov.ph/publication/discussion-papers/starting-where-the-children-are-a-process-evaluation-of-the-mother-tongue-based-multilingual-education-implementation
Ombay, G. (2024, Oktubre 14). Teachers dismayed over law removing mother tongue in K-3. GMA News Online. https://www.gmanetwork.com/news/topstories/nation/923609/teachers-dismayed-over-law-removing-mother-tongue-in-k-3/story/
Peña, K. D. (2023, Pebrero 8). Government shortcoming failed mother tongue program, lawmaker says | Inquirer News. INQUIRER.net. https://newsinfo.inquirer.net/1726422/government-shortcoming-failed-mother-tongue-program-lawmaker-says
Philippine Institute For Development Studies. (2020, Marso 19). Use of mother tongue in teaching facing implementation challenges. https://www.pids.gov.ph/details/use-of-mother-tongue-in-teaching-facing-implementation-challenges
Sampang, D. (2024, Oktubre 13). Solon slams new law ending mother tongue instruction for pupils. INQUIRER.net. https://newsinfo.inquirer.net/1992068/solon-slams-new-law-ending-mother-tongue-instruction-for-pupils
Servallos, N. J. (2023, Septiyembre 25). Teachers’ group wants MATATAG curriculum implementation stopped. Philstar.com. https://www.philstar.com/headlines/2023/09/26/2299031/teachers-group-wants-matatag-curriculum-implementation-stopped
5 notes · View notes
his-saiko · 2 years ago
Text
It's More Fun in the Philippines
Mga Kababayan... TURN UP!
Tumblr media Tumblr media Tumblr media Tumblr media
Mabuhay, Madlang People!
Ako'y iyong host para sa pagdiriwang natin ngayon, Alfi, mula sa Perlas ng Silanganan, Pilipinas! [I'm your host for this event, Alfi hailing from the Pearl of the Orient, Philippines.]
Tinatawag ko ang atensyon ng aking mga kababayan upang makisama sa kasiyahan. Handa na ba kayong matuklasan ang kanilang mga gawa? [I'm calling for the attention of my fellow people to join in the fun. Are you ready to see their works?]
Iwagayway na ang bandera! Rock en' roll hanggang umaga!
Rules:
Alam na. [You already know.] This is to celebrate Pinoy pride. Wag muna natin isipin ang ating mga problema at magsaya. [Let's stop thinking about our problems first and enjoy.] Anything Pinoy from food, songs, and culture(pop or not), we just have to share it.
Actually, no matter who you are if you have knowledge of our culture you can join in. Just be sure you're above 18.
Fandoms: Bungou Stray Dogs, My Hero Academia, Tokyo Revengers, Jujutsu Kaisen, Honkai Star Rail, Haikyuu, Genshin
Artwork and/or written. SFW, NSFW, DC. Any genre (fluff, angst, crack, etc. Please tag appropriately.
No word limit for written works but please use the keep reading/readmore function when it exceeds 500 words
You can only apply for one(1) character per fandom. First come, first serve. I will only allow two(2) works for one character with both art and written counted.
I'll be having categories for this just send in an ask if you want to join: Galerya, Konsiyerto, Kainan.
Galerya will showcase artworks and other nonwritten works.
Konsiyerto will exhibit written works [both with and without song prompts]
Kainan will feature both works centred around food.
Format: Have a brief description of what the centre of your work is. (e.g. Adobo - one of the most common dishes in the Philippines, etc.) If you're going to use a song prompt, strictly use original Pilipino music (OPM) and Filipino artists. *ahem* Bruno Mars *ahem* Songs sung in English are okay. Please credit the artist. Songs cannot be repeated.
Deadline: August (in celebration of "Buwan ng Wika") but really within this year. Pinoy pride 24/7/365. Later submissions can be moved to next year's event (planning to make this yearly 🤞🏽 hopefully)
Send an ask if you wish to join. You can only DM me for changes and updates in your work/s. Tag me @his-saiko when your work is done and use the hashtag '#iwagayway ang bandera 🇵🇭' and I will reblog and link your work on the masterlist.
Tumblr media
Masterlist
*NSFW/DC content will be marked as 🌶
Galerya
Konsiyerto
@his-saiko - Ikaw Lamang (Draken Ryuguji)
Kainan
Tumblr media
© 2023 Alfi. Do not replicate. Reblog to motivate.
29 notes · View notes
arqui03 · 8 months ago
Text
“Ang aking muling pag- kikita sa aking Ina, Sa Qatar”
Sa unang pag sakay ko ng eroplano, ako, ay agad na kinabahan. Dahil pangalawang beses ko pa lamang ito nakaka sakay ng eroplano maka lipas ng limang taon, at sa byahe, kinabahan din ako dahil tumigil kami sa Muscat dahil sa masamang panahon. At maka lipas ang apat na oras, at kahit nag ka problema man ang aming byahe, kami ay naka dating din sa Qatar nang ligtas. At ang dahilan ng pag punta namin ay para maging citizen sa bansa ng Qatar, at para na din ma bisita namin an gaming namay na tatlong taon na naming hindi nakikita. Pag dating ko sa Qatar, ako ay agad natuwa at hindi mapigilan ngumiti at mabighani dahil sa mga magagandang tanawin at kaka ibang arkitektura. At ako ay nabigla at nagulat sa kanilang kultura, dahil hindi ito ang aking ikina-sanayan. Katulad ng pananamit, at ang karaniwang suot ng mga Lalakeng Qataris, ay ang Thobe, ito ay isang mahabang damit na parang dress at may mahabang manggas, at may suot din silang Ghotra, ito ang isinusuot nila sa ulo. At ang karaniwang pananamit naman ng mga Babae ay ang Abaya, ito ay isang mahaba at maluwag na damit at natatakpan ang buong katawan, maliban sa mukha, kamay, at paa. At ang Shayla, na isinusuot ng mga Muslim para matakpan ang kanilang mukha sa mga lalake na hindi nila pamilya. At isa pang bagay na nagulat ako sa kanilang kultura, ay ang kanilang relihiyon na Islam. At dahil sila ay mga Muslim, hindi sila kumakain ng baboy, na naka sanayan kong kainin. At ako ay nanibago sa ibat ibang bagay katulad ng, Sports, dahil sa Qatar, ang kanilang paboritong Sport ay Soccer, hindi katulad nang sa Pilipinas na Basketball. Sapagkat marami itong pag kakaiba sa ating kultura, meron din naman itong pag kaka parehas, katulad ng Pagiging relihiyoso, pagiging mabait at magandang pakikitungo, at iba pa. Madami kaming ginawa doon, katulad ng pag gala sa mga mall, theme park, sumubok ng ibat ibang putahe, pumunta sa disyerto, at maraming iba pa. At doon din ako nagdiriwang nang aking ika siyam na kaarawan, at napaka i-spesyal para sa akin yun dahil noon ko lang ulit naka sama ang aking nanay sa aking ka arawan maka lipas ang limang taon. At napaka saya ko noon dahil sa ibang bansa ako nag diwang ng aking ka arawan, subalit wala man ang aking ibang pamilya. At napaka saya ko rin noon dahil nung isang taon bago noon, hindi ko na pag diriwang ang aking ka arawan. Sa aming pag uwi, habang nag lalakad kami sa airport, naka dama ako nang lungkot, at pumasok lahat ng masasayang araw namin roon sa aking isip. Na alala ko lahat ng tawanan, iyakan, mga away, at iba pa. Ako ay biglang na luha dahil ang nasa isip ko, kailangan ko nanaman mag hintay ng mahabang panahon para maka sama ko ulit ang aking Ina. At hanggang sa kailangan na namin mag pa alam sa aming Ina, niyakap ko siya ng mahigpi, at nag pa alam na.
Tumblr media Tumblr media Tumblr media Tumblr media Tumblr media
2 notes · View notes
dianabaquillas · 8 months ago
Text
magayon ka, mayon.
Tumblr media Tumblr media
ika-labing anim ng disyembre, nalalapit na ang araw ng pasko, naisipan naming dumalaw sa aming mga kamag anak sa bicol. halos labing dalawang oras ang aming byahe mula tuy batangas hanggang dito. pag dating namin doon, masaya kaming sinalubong ng pamilya ng aking tito. simple lamang ang pamumuhay nila roon, nag iisa ang kanilang bahay sa napaka laking lupain, napapaligiran ng napakaraming puno at puro sariwang hangin ang aking nalalanghap. naranasan ko ang payapa at tahimik na buhay doon. walang maiingay na mga sasakyan at walang magulong kapit bahay.
Tumblr media Tumblr media
sa hapon, isinama kami ng aking tita sa palengke para bumili ng aming uulamin sa mga darating na araw. pag dating namin doon, iba’t ibang tao ang aking nakasalamuha. hindi ko man maintindihan ang iba sa kanilang salita, sigurado namang ang nag eenjoy akong makinig sa kanila. kumpara sa batangas, simple lamang ang mga pagkain namin dito katulad ng nilagang saging at kape, iba’t ibang klase ng seafood, at fresh na sabaw ng buko. ngunit kahit ganoon, mas nag eenjoy akong kumain dito.
Tumblr media Tumblr media Tumblr media Tumblr media
makalipas ang ilang araw, napagdesisyunan naming pumunta sa cagsawa ruins, ang isa sa mga tourist spot sa pilipinas. halos isang oras lamang ang byahe namin mula sorsogon papunta sa daraga albay. sa byahe, matatanaw mo na agad ang napaka gandang bulkang mayon. pero, di hamak na mas maganda itong pag masdan sa malapitan. pag dating namin doon, bumungad ang napaka daming tindahan ng mga pasalubong at iba’t ibang delicacies mula sa bicol. marami ring tourista na galing sa iba’t ibang bansa. hindi ko maiwasang mamangha sa tanawin at sa paligid lalo na sa kasaysayan nito. natikman ko rin ang ilan sa mga sikat na pagkain dito katulad ng sili ice cream, pili nuts, at syempre, ang authentic bicol express. hindi ko man nakita ang kabuuan ng bulkan dahil sa makapal na ulap, isang karangalan pa ring makita ng malapitan ang kagandahan ng mayon.
sa halos isang linggo naming pagbabakasyon sa bicol, naranasan ko ang payapa at simpleng buhay. malaya sa mga isipin at problema. higit sa lahat, nasaksihan ko ang kagandahan ng bulkang mayon. ito ay isa sa mga hindi ko makakalimutang karanasan hanggang sa pag tanda. hanggang sa muli, bicol.
2 notes · View notes
aurumxyz · 10 months ago
Text
Yaman sa Kabilang Bayan
Magsaya at maging maligaya ang ninanais ng aking kaibigan sa pag-diriwang ng kaniyang kaarawan. Selebrasyon ng araw ng pagsilang ng aking kaibigan na nauwi sa isang maikling repleksyon sa aking isipan.
Saan kami nagpunta at paano nga ba kami nakarating dito?
Tumblr media
Credits to Meghy Was Here.
Kami ay kaniyang dinala sa Liwliwa, San Felipe, Zambales at kami ay nakarating ito sa pagsakay sa bus papuntang Olongapo at sinundo kami rito ng kaniyang tito upang magtungo na sa San Felipe. Papunta sa lugar na ito ay matatanaw mo ang kabulubundukin ng Zambales. Sa bawat paglipas ng oras papunta sa aming patutunguhan ang aking mga mata ay nakakandado sa mga tanawin at para bang bigla akong nawala sa sarili kong katawan, biglang nawalan ng laman ang aking kaisipan, at walang maramdaman, ngunit hindi sa masamang paraan. Maaaring ang aking isip ay naghahanda lamang sa maaring mangyari sa hinaharap.
Pagkatapos ng dalawang oras na paglalakbay kami ay nakarating na sa aming destinasyon at kami rin ay biglang naligaw sa lugar na ito, kami ay napunta sa baybayin at hindi sa aming tutulugan o pansamatalaang titirahan, sa Ruca Liwa. Sa unang pagsilay ko sa baybayin ng Liwliwa ay para bang kinuha ako ng hangin papunta sa langit kung saan ay mapayapa, ang maalat na simoy ng hangin at matataas na alon ay biglang nagbigay ngiti sa aking mukha.
Tumblr media
Credits to Ruca Liwa
Magandang oras o panahon na ito ay puntahan?
Ayon sa aking kaalaman, ang araw o oras na magandang pumunta rito ay sa panahon ng tag-init, ngunit madaming mga turista sa mga panahon na ito. Pumunta kami rito kung kailan magsisimula pa lamang ang panahon ng tag-init noong Enero.
Anu-ano ang aming mga ginawa rito?
Supresa sa aming Kaibigan
Nang makarating kami sa pansamantalaang titirahan namin, sa Ruca Liwa, sinupresa namin ang aming kaibigan at ginulat na nasa Liwliwa rin ang kaniyang pamilya, sa Odyssea. Hinanap namin ang Odyssea upang puntahan ang kaniyang pamilya ngunit mali ang aming nadaanan, kami ay naligaw dahil sa kabilang daan kami nagtungo. Pagkatapos ng mga ilang oras kami rin nakarating sa Odyssea.
Tumblr media
Credits to Odyssea
2. Mommy Phoebe's Place
Dahil tanghali na, kami muna ay nagtanghalian sa Mommy Phoebe's Place at kumain kami rito ng Adobo, Lumpiang Shanghai, Crispy Pata, at Pusit. Ngunit, hindi ko nagustuhan ang mga pagkain rito, maaaring iba lang talaga ang pagluto nila rito sa San Felipe o dahil mas gusto ko lamang ang luto ng aking ina, na aking kinalakihan at hinding-hindi mawawala sa aking alaala dahil ito ay ang pagluluto na mayroong pagmamahal.
Tumblr media
3. Pagligo sa Karagatan
Pagkatapos kami nagtampisaw at naligo sa dagat. Ang mga alon rito ay malalalaki at ito ay delikado ayon sa mga nagbabantay rito. Ako ay may takot sa malalalim na yamang tubig dahil hindi ako marunong lumangoy at magpalutang, ngunit rito dito ay hinarap ko ang takot na ito at aking hinarap ang malalaki at malalakas na alon. Tuwa ang lumabas sa aking mukha dahil ako rin ay hindi marunong mag-take ng risk, lalo't buhay ko ang aking itataya rito.
Tumblr media
4. Takip-Silim
Kami ay nag-antay sa baybayin hanggang takip-silim. Nakaupo sa lupa, mga alon na humahampas, at maalat na hangin ang aming kasama sa panonood ng paglubog ng araw. Kapayapaan ang aking naramdaman sa paglubog ng araw at ito ay nagsilbing pansamantalang pahinga malayo sa aking mga problema. Sa paglubog ng araw ay akala mo na magdidilim na ang lahat ngunit may buwan at mga tala pa na magiging silbing ilan sa mga oras na madilim ang iyong daan. Kahit sa iyong "darkest times" may mga tao pa rin sumusubaybay, nag-aalala, at nagmamahal sa iyo.
Tumblr media
Pangkalahatang Karanasan
Kung ako ay kasama mo sa paglakbay rito ang makikita mo lang akin mata at mukha ay tunay na ngiti at kasiyahan. Napakasaya na naranasan ko ito kasama ang aking matatalik na mga kaibigan. Nakita ko ang isa sa mga yaman at kagandahan ng aking minamahal na bayan o Pilipinas. Napakaraming maari mong gawin dito at ang mga tao rin dito ay mababait at hindi ka ituturing bilang isang turista ngunit bilang isang kabayan o pamilya.
Isa sa mga dahilan kung bakit ko naramdaman ang kasiyahan na ito ay sapagkat ngayon ko lang nakasama ang aking mga kaibigan upang maglakbay sa malayong lugar sa aming tahanan. Napakagandang simulan ang taon na ito na namulat sa kagandahan ng paraiso na ito. Hindi ko alam na kabilang bayan lamang ay may ganitong lugar kung saan mas magiging malalim pa sa karagatan ang aking kaisipan na nabubuksan ang mga iba't ibang isyu, paano pa kaya ang ibang lugar tulad ng Siargao, Boracay, Palawan, at marami pang iba ang maari pang magawa sa akin.
Gusto kong itago ang lugar na ito sa karamihan dahil gusto ko ako lang nakaramdam ng gantong saya, ngunit ako ay magiging makasarili kaya aking inirerekomenda ang lugar na ito, dahil ito ang magsisilbing pansamatalang pahinga sa iyo. Ang ligayaa na iyong mararamdaman dito ay hindi pangkaraniwan.
Tumblr media Tumblr media Tumblr media
2 notes · View notes
xxpangitsigianxx · 1 year ago
Text
One Piece: Pagnais ng Hustisya
Tumblr media
Sa mundong puno ng kaguluhan at pakikipaglaban, isang anime ang patuloy na nagbibigay inspirasyon at aral sa mga manonood sa buong mundo, One Piece. Isa ito sa pinakapopular na anime series na hindi lamang nagbibigay saya at aliw kundi pati na rin naglalaman ng mga aral na maaaring magbigay inspirasyon sa lipunan, lalo na sa ating bansang Pilipinas na patuloy natin nilalabanan ang problema ng katiwalian.
Hindi lamang simpleng kwento ng pakikipagsapalaran at paghahanap ng kayamanan ang laman ng One Piece. Mayroon din itong malalim na paglalarawan sa halaga ng pagkakaibigan, katapangan, at pagiging tapat sa mga prinsipyo. Sa pamamagitan ng mga tauhan tulad ni Monkey D. Luffy at kanyang mga kasamahan sa Straw Hat Pirates, ipinapakita ng anime na ito ang halaga ng pagtutulong at pagtitiwala sa isa't isa upang malampasan lahat ng mga pagsubok upang mahanap ang One Piece.
Sa bansang ito, patuloy pa rin nahaharap ng Pilipinas ang mga isyu ng katiwalian sa pamahalaan at lipunan. Ang paghahanap ng One Piece ng bansa, na maaaring tukuyin bilang isang lipunan na malaya sa katiwalian at puno ng katarungan, ang patuloy na hahangarin ng mga mamamayan. Gayunpaman, tulad ng pakikipagsapalaran ng mga Straw Hats, hindi ito magiging madali.
Maaaring maging inspirasyon ang One Piece sa ating pakikipaglaban sa katiwalian sa ating lipunan. Sa pamamagitan ng pagtitiwala sa isa't isa, pagiging tapat sa mga prinsipyo, at patuloy na pagtanggap ng hamon ng buhay, maaari nating marating ang landas tungo sa isang mas maayos at mas makatarungan na lipunan.
Upang ibuod, Tulad sa anime na One Piece maraming beses gumamit ang gobyerno ng pagkatiwalian upang makamit nila ang kanilang mga gusto. Ngunit, ang ating pagtitiwala sa isa't isa, pagsasama-sama, at patuloy na pakikipaglaban para sa katarungan ang mga importanteng halaga na maaari nating pagbatayan sa pagtahak ng landas tungo sa hinahangad nating pagbabago.
2 notes · View notes
aguyor · 11 months ago
Text
Tamang desisyon nga siguro na dapat ihiwalay na ang Mindanao sa Republika ng Pilipinas. Ngunit hindi ngayon ang tamang oras upang gawin ito, dahil may bantang panganib ang China at dapat mapakulong muna sa ICC si Duterte (ano siya sinuswerte). Dapat maging matalino ang RP, hindi dapat pinapalampas ang mga taong walang loyalty at ang mga may banta sa seguridad— lalo na yung mga politiko. At ang dapat pati na pinaparangalan ng malaking pondo ay yung LGUs na may magandang COA audit opinion. Baka sakaling mabawasan pa ang mga kurakot. Yung mga Duterte kinurakot lang ang binigay na P51 billion na abot ng RP, tapos sila pang makapal ang mukha na magpa-victim. Sisisihin pa nila ang mga taga-Luzon, e, ang swerte nga nila nabigyan sila ng ganyang kalaking pondo na lampas sa kinikita ng lugar nila. Ang KAPAL NG MUKHA nila. Kung ganyan kakurakot politiko sa kanila at yung mga mamamayan nila ay ilohikal mag-isip, humiwalay na nga lang siguro sila. Mas lalo nilang pinapalala ang problema ng bansa.
Dapat aralin ito ng RP na baka dagdag nga lang sa pasanin ang Mindanao. Asset ba sila o liability? Kung sakali mang pagplaplanuhan na ihiwalay na sa Republika ang Mindanao, ang priority dapat ay ang ikakabuti ng mga mananatili sa Republika. Hindi na dapat isaalang-alang ang ikakabuti ng hihiwalay na Mindanao, ibang nasyon na yan e. Hindi na yan mga mamamayang Filipino na responsibilidad ng RP, kung sakali man. Kaya maging lohikal at matalino.
0 notes