#epekto ng polusyon sa katawan
Explore tagged Tumblr posts
Text
Polusyon sa Hangin at ang mga Pwede Nating Gawin
Polusyon sa Hangin at ang mga Pwede Nating Gawin
Bukod sa katiwalian, kahirapan, karahasan at nakakainis na takbo ng istorya sa mga drama sa tv, isa pa sa mga araw-araw na problemang kinakaharap ng mga Pilipino ay ang problemang hatid ng maruming hangin (air pollution) sa kalusugan natin.
Lahat ay dapat mag-ingat sa mga epekto ng maruming hangin sa katawan subalit ang mga taong may mas malaking peligro sa kalusugan ay ang mga sumusunod:
View On WordPress
#epekto ng polusyon sa katawan#maruming hangin#masamang dulot ng air pollution sa kalusugan#mga dapat solusyunan sa pilipinas#mga problema ng pilipinas#mga sanhi ng polusyon sa hangin#paano mapapababa ang polusyon sa hangin#polusyon sa hangin#proteksyon laban sa polusyon
0 notes
Text
FILIPINO/HEALTH TASK
MALUSOG NA PAMUMUHAY
posted on December 08, 2021 | by Diana Mae Sy
TUNGKOL SAAN ANG PAKSANG ITO?
Ang pagkakaroon ng mabuting kalusugan ay hindi nababase sa panlabas na anyo ng ating katawan. Hindi lamang ito pumapatungkol sa pagkain ng masustansyang pagkain at pagkakaroon ng sapat na tulog tuwing gabi, ang mabuting kalusugan ay depende sa kung paano natin nararamdaman ang ating sarili, paano natin masolusyunan at makakayanan ang mga suliranin at kung paano tayo makitungo sa ibang mga tao. Sa madaling salita, ang paksa na ito ay pumapatungkol sa malusog na pamumuhay, ang ating pisikal, mental, emosyonal at sosyal na kalakasan ay mga dahilan na maaaring makaimpluwensya sa ating pangkalahatang kalusugan.
LISTAHAN MGA SURILANIN AT SOLUSYON SA MALUSOG NA PAMUMUHAY
Hindi natin maiiwasan ang surilanin sa ating buhay, parte ito ng pagtanda at sa bawat surilanin na ating hinaharap ay nagkakaroon tayo ng matinding desisyon at pagdidisiplina. Kaya naman ngayon ay ilalahad ko ang mga surilananin laban sa malusog na pamumuhay, kalakip na rin nito ang mga solusyon na maaaring makatulong sa pag- iwas sa mga hindi magandang bisyo.
Pagkakaroon ng maayos na pamilya – Hindi lahat ng pamilya ay nagkakaroon ng maayos na pagsasama. Ang pamilya ay binubuo ng Nanay at Tatay na siyang gumagabay sakanilang supling, at sa tahanan nagsisimula ang paghubog ng tamang asal ng isang bata. Ang pagiging isang magulang ay hindi biro, ito ay panghabambuhay. Kaya naman bago bumuo ng isang pamilya ang dalawang indibidwal na nagmamahalan, hinihikayat ito na magkaroon ng pagpaplano, nang sa gayon ay handa sila sa mga posibleng problema na maaaring dumating. Ang hindi pagkakaroon ng di handang pamilya ay maaaring magdulot ng hindi magandang koneksyon sa bawat isa sa miyembro sa loob ng tahanan. Dapat din matutunan ng mga bata ang tamang pakikisama sa kapwa pati na rin ang mga responsibilidad nito habang patanda ng patanda. Sa ganitong paraan, nahuhubog ang isang indibidwal sa maayos na pamamaraan dahil sa gabay ng kaniyang mga magulang.
Pag- abuso sa paggamit ng droga – Alam nating lahat na ang paggamit ng ilegal na droga ay mahigpit na ipinagbabawal ng gobyerno, maaring magkaroon ito ng hindi magandang epekto sa ating katawan at higit pa don ay hindi imposible na makasakit tayo ng kapwa natin. Nasa 1.67 milyon o dalawa sa isang daang Pilipino na may edad 10 hanggang 69 ang kasalukuyang gumagamit ng droga, ayon sa resulta ng 2019 National Household Survey on the Patterns and Trends of Drug Abuse, na inilabas ng Dangerous Drugs Board. At bilang solusyon, kailangan nating bawasan ang rate ng Drug addicts ay solusyunan muna ang problema ng kahirapan at kawalan ng edukasyon.
Malinis na kapaligiran – Isa sa problema ng ating lipunan ang pagkakaroon ng malinis na kapaligiran. Alam natin na sira na ang ozone layer kaya naman mapapansin natin ang iilang pagbabago sa klima at panahon, nakakaapekto rin ito sa kalusugan natin dahil sa pabago- bagong klima na kadalasan ay hindi na naaayon sa panahon. Bukod dito, laganap ang polusyon dahil sa mga pabrika at usok sa ating lugar. Ang hangin at tubig ay hindi na malinis dahil sa polusyon na dulot ng tao. Kaya naman ay dapat matuto tayong alagaan ang mga bagay na nasa paligid natin sa pamamagitan ng paglilinis ng sariling kalat at paghihikayat sa mga kapwa mamamayan o pagsali sa mga programa na may kinalaman sa paglilinis ng kapaligiran.
Sariling kalagayan – Bago ang lahat ay dapat magkaroon tayo ng maayos na kalagayan. Dapat na payapa ang ating isip, para hindi ito makaapekto sa ating desisyon at kilos. Matuto tayong alisin lahat ng bagay na nagbibigay satin ng bigat o sama ng loob. Bukod dito ay, tamang pagkain at ehersisyo ay dapat din ugaliin para maiwasan ang pagkakaroon ng anumang sakit na maaaring ikasira ng ating katawan. Hindi masama ang pag- iwas sa mga bagay na ayaw natin kung alam naman natin ang ikakabuti at ikasasama natin. Pagpapahalaga sa sarili na lumalago mula sa mga aksyon na sumusuporta sa ating pisikal, sikolohikal at espirituwal na paglago. Ang ibig sabihin ng pagmamahal sa sarili ay pagkakaroon ng mataas na pagpapahalaga sa iyong sariling kapakanan at kaligayahan. Ang ibig sabihin ng pagmamahal sa sarili ay pag-aalaga sa iyong sariling mga pangangailangan at hindi pagsasakripisyo ng iyong kapakanan para mapasaya ang iba. Ang ibig sabihin ng pagmamahal sa sarili ay hindi pag-settle sa mas mababa sa nararapat sa iyo.
WAKAS NG PAKSA
Ang ating kalusugan ay nakaaapekto sa ating mga gawain at kasiyahan sa ating buhay. Gaano kabuti ang ating nararamdaman, gaano tayo kasaya at kung gaano natin nakakayanan ang ating mga suliranin ay naiimpluwensyahan ng mga desisyon na ating ginagawa sa pangaraw-araw na pamumuhay. Kung kaya’t mahalaga na magkaroon tayo ng kaugalian na mananatili sa ating kalusugan at maisaayos ang ating kapaligiran.
SOURCE LINKS
§ https://eskwelanaga.files.wordpress.com/2011/02/malusog-na-pamumuhay.pdf§ https://www.ddb.gov.ph/newsroom/511-2019-drug-survey-shows-drug-use-prevalence-rate-falls-to-2-05
2 notes
·
View notes
Text
BASURA? MAY SOLUSYON NA?
Ano nga ba ang mga napapanahong suliranin ng ating lipunan sa kasalukuyan? Ano na ang mga nagawa ng tao para masolusyonan ang mga ito? Ngunit bago ang mga iyan, mayroon na nga bang nagawa ang mga tao para sagipin ang mundong ito?
Sa panahon ngayon, mapapatanong ka na lang kung ano ang kalagayan ng mundong kinatatayuan natin. Tunay nga ba ang mga sabi-sabi na ang katapusan ng mundo ay paparating na? Habang-buhay ba tayo titira rito o dadating ang panahon na susukuan na rin tayo ng mundong ito dahil sa pagpapakawalang-bahala natin dito? Dahil sa mga gawain ng mga taong kagaya natin, talaga namang naaapektuhan na nang husay ang iisa at tangi nating tirahan.
Isa sa pinakaproblema ng mundo lalo na ng Brgy. Balintawak, Lipa City, Batangas ang suliranin sa basura. Dito nagsimula ang lahat ng ito. Ang urbanisadong komunidad na ito ay nagtataglay ng iba’t ibang imprastraktura kagaya ng SM na nagpo-prodyus ng malaking bilang ng basura araw-araw. Bukod dito, karamihan sa nainirahan dito ay mga taong dito na lumaki kung kaya naman dito na rin sila bumuo ng kani-kanilang pamilya. Dahil sa lumalaking populasyon dito pati na rin sa mundo, ang produksyon ng basura ay hindi na maitala. Ang basura ang nagiging sanhi ng pagkasira ng ating kalikasan pati na rin ang pagkamatay at pagsasakapahamakan ng iba’t ibang mga hayop pati na rin ng kalusugan ng tao sa lipunan. Isipin pa lang ang bilang ng basura na tinatapon araw-araw ng bawat tao dito sa mundo, mapapatanong ka na lang kung saan ito napapadpad. Sa kalagayan ng Brgy. Balintawak, ang mga basura ay kinokolekta sa hindi organisadong paraan ng waste management ng barangay at pagkatapos kolektahin ang basura ay dinadala ito sa dump site na walang namang katiyakan kung hanggang kailan pa nito mabibigyan ng espasyo ang mga basura bago ito mapuno. Walang nakatalang araw kung kailan kukunin sa bawat purok ang basura kaya naman naiipon ang basura at ito ay nagreresulta sa pakalat-kalat na mga basura sa loob ng komunidad na nakakaapekto sa mga tao lalo na sa kanilang mga kalusugan.
Ang pagsusunog ng basura ay isa sa pinakamabilis na paraan upang mabawasan ang bilang ng basura na nakapalibot sa atin ngunit ito ay nagdudulot ng problema kagaya ng sunog, usok na may masamang epekto sa katawan ng tao at polusyon sa hangin. Kaya naman ito ay inisipan ng paraan upang matanggal ang masasamang naidudulot nito sa paligid upang masolusyonan ang problema sa basura nang walang kapahamakan sa paligid. Bagamat madaming maaaring maging solusyon sa problemang ito ng Brgy. Balintawak, ang portable incinerator ang pinakamabisa, pinakamabilis at pinaka-epektibo na paraan upang mabawasan na ang bilang ng basura sa barangay. Ang portable incinerator ay isang burn barrel o makinarya na kung saan ilalagay lang ang basura sa loob ng drum at kapag sinindihan ito ay gagawin na ang pagsusunog sa basura sa pinaka-epektibong paraan. Maaaring naiisip ninyo na ito ay magreresulta sa karagdagang polusyon sa hangin at masamang epekto sa kalusugan ng karamihan ngunit hindi. Ito ay may smoke filter sa ibabaw ng makina na nagtatanggal ng masasamang kompuwesto ng usok na pinoprodyus sa pagsusunog ng basura. Ang lalabas na usok sa incinerator ay malayang babalik sa mundo at hindi makakasakit o makakasama sa kalusugan ng taopati na rin sa mga nakapaligid dito. Kaya tinatawag din itong smokeless incinerator.
Ang incinerator na ito ay gumagamit ng maunting enerhiya kaya tipid ito sa pagkonsumo ng kuryente. Ang makina ay maaring mapagana sa pamamagitan ng kuryente at pati na rin sa pamamagitan ng batirya upang ito ay madaling dalhin kahit saan. Sa bilang na oras, tiyak na mababawasan ang bilang ng basura sa ating paligid. Sa pamamagitan ng paggamit ng makinaryang ito, natitiyak na makakatulong ito sa suliranin ng Brgy. Balintawak pati na rin sa iba’t ibang parte ng mundo. Ang makinaryang ito ay may layuning solusyonan ang problema sa basura kaya naman ito ay madaling gamitin at madaling patakbuhin. Ito ay naglalaman ng velocity blower na nagbibigay-hangin sa apoy sa loob ng drum na nagpapaayos ng lakas ng apoy upang mapabilis ang pagsusunog ng basura. Ang taas na parte ng makina ay nagrersolba sa pinoprodyus nitong usok. Sa kabila nito ay ang butas o tinatawag na exhaust point kung saan lumalabas ang usok. Ang nagkokonekta sa dalawang parte ng incinerator ay ang tubo na nagdadala ng usok papunta sa parte na na nagtatanggal ng masasamang kompuwesto ng usok. Ang portable na incinerator na ito ay may disenyo ng katulad ng isang drym na nilagyan ng gulong sa ilalim upang mapadali ang pagdadala at pag-iipod ng makinarya kahit saan.
Ngunit sa kabila ng mga benepisyong naidudulot nito para sa atin, hindi pa rin natin maipagkakaila na may mga kahinaan din ang makinaryang ito. Ang pagsasa-isip sa solusyon na ito ay madalian lamang kung kaya naman ang ideya ng incinerator ay ang pinakamabilis. Ang incinerator ay masyadong karaniwan kaya madami na ang naka-isip ng iba’t ibang paraan para mapaganda ang makinaryang ito kaya sa aking palagay ay madami itong magiging kakumpitensya sa industriya ng incinerator. Madaming incinerator na ang nagawa para maisaayos ito kaya sa aking palagay ay masyadong masulong at nauuna ang ibang klase ng incinerator kaya ito ay may kahinaan. Sa kabila nito, hindi nabigyang-pansin ng mga gumawa ng proyekto ang iba pang salik upang mapabuti at mapaganda ang proyekto kung kaya naman ang pagtatanggal lang ng masamang epekto ng usok ang natutukan sa proyekto. Bukod dito, mapapabuti at mapapaayos pa ang proyekto kung pinaglaanan ng atensyon ang mismong parte ng makinarya kung saan sinusunog ang basura. Ito ay isang drum lang kaya walang katiyakan kung hanggang kailan nito malalabanan ang init ng apoy. Ang mga bagay na gagamitin sa pagkukumpuni ng makinarya ay walang kasiguraduhan kung tatagal dahil sa init ng apoy. Ngunit ipinangako ng kumpanya ang bisa ng bawat materyal na gagamitin sa paggawa ng makinarya upang matiyak ang pagiging epektibo nito.
Bagamat madami itong kahinaan, huwag natin kakalimutan ang mga hindi mabilang na kalakasan at benepisyo ng proyektong ito. Ang smokeless portable incinerator na ito ay madaming benepisyo kaya ako ay sigurado na ang pagsasagawa ng proyektong ito ay napakasulit na kaya naman ang proyektong ito ay tiyak na may mararating sa iba’t ibang larangan. Maaring ito ay simple lang sa ngayon ngunit sa paraan ng pagpapaganda at pagpoporbutihin, ito ay uusad sa magandang paraan.
Nagsisimula ang lahat sa maliliit na bagay kagaya ng makinaryang ito na isa lamang inspirasyon para mabawasan ang bilang ng basura sa Brgy. Balintawak. Dadating ang panahon na ang makinaryang ito ay kikilalanin at tatangkilikin ng karamihan dahil sa magandang naidulot nito na nagsimula sa maliit hanggang sa ito ay lumaki at magpatuloy nang mas epektibo. Ang maliit na nais ay makakapagresulta ng malaking pagbabago sa ikot ng mundo.
1 note
·
View note
Text
"HINDI PA HULI ANG LAHAT" ay isang adbokasiya na naglalayon na ingatan at pangalagaan ang kalikasan hanggat tayo ay may pagkakataon pa.
Kung minsan tayong mga tao ay hindi na napa pahalagahan ang kalikasan. Ito ay isang biyaya sa sangkatauhan ngunit ang mga tao ay patuloy na inaaubuso ang kalikasan at ginagamit ang likas na yaman nang walang pakundangan. Sa panahon ngayon, ang ating kalikasan ay nasisira na rin dahil sa ating kagagawan. Masamang epekto ang magiging dulot nito ngunit "hindi pa huli ang lahat" sapagkat hanggat may oras pa, simulan na natin na pahalagahan at pangalagaan ang ating inang kalikasan.
Bilang isang indibidwal, sa atin mag sisimula ang kilos upang makatulong sa inang kalikasan. Para sa akin, hindi bale ng di maibalik ang original na itsura ng ating kapaligiran basta't ang bawat isa sa atin ay gumawa ng aksyon upang masolusyunan ang problema ng ating kalikasan at ito ay magsisimula sa atin. Kaya naman aking ibabahagi ang mga simpleng paraan na magagawa natin upang maging responsableng mamayan sa mundong ating ginagalawan.
#TreePlanting
Kailangan nating magtanim ng puno dahil ito’y nagbibigay oxygen na kailangan ng ating katawan upang mabuhay. Iba pang naitutulong nito ay ang paghigop ng tubig tuwing may kalamidad o baha, nagbibigay din ito ng ‘raw’ na materyales upang makagawa ng isang produkto.
Huwag mag aksaya ng papel
Ang pagbabawas ng paggamit ng papel ay dapat matutunan, base sa unang paraan kailangan magtanim ng puno dahil isa ito sa pinagkukunan ng materyales upang gawing papel. Kaya kung gagamitin natin ang papel sa angkop na paraan pwede tayong makatulong upang mabawasan ang pagpuputol ng puno.
Maging disiplinado sa pagtatapon ng basura
Ito ay isa sa mga maling gawain na kasalukuyang nangyayari, maling gawain na naging parang sakit ng mga Pilipino. Hindi sapat ang paglalagayan sa pagdami ng basura sa isang komunidad. Kaya bawasan natin ang basta bastang pagtatapon ng ating basura kung saan lang natin maisipan.
Mag recylce ng mga basura
Araw-araw malaki ang nalilikom na plastik, biomass waste, metal at iba pa sa ating bansa. Mga basurang dahilan ng polusyon sa hangin, lupa at tubig na nakakasira ng kalikasan. Sa madaling paraan, pupwede nating mabawasan ang mga basura na nakatambak sa ating tahanan sa pamamagitan ng pag rerecycle.
Pagbabawal sa paggamit ng plastik na supot
Alam naman nating lahat na ang plastik ay di mabilis matunaw kailangan ng maraming taon bago ito tuluyang mawala. Isa rin ang plastik sa pinakamaraming basura na makikita sa mga land fills. Ugaliing gumamit ng mga paper bag pag namimili o kaya naman magdala ng sariling lalagyan.
Gumamit ng inuman na nagagamit pang muli.
Sa paggamit ng mga tumbler o inuminan puwede tayong makatulong mabawasan man lang ang produksyon ng mga plastik. Mas makakatipid din tayo kung magsasalin ng tubig galing sa mga refilling station sa mall o sa eskwelahan.
Magtipid sa paggamit ng tubig at kuryente
Siguraduhing patayin ang mga appliances, ilaw, at tubig tuwing di ginagamit. Ugaliing bumili ng mga ilaw na ‘energy efficient’ bumbilya kesa sa regular na nabibili. Makakatipid ka na, makakatulong ka pa sa kalikasan. Sa paghuhugas, maaring gumamit ng timba kaysa gumamit ng umaagos na tubig sa gripo.
Sa pagtatapos ng sulating ito, nais kong ipaalala sa lahat na ang bawat isa sa atin ay may kakayahan na pangalagaan ang ating kalikasan. Hindi hadlang ang edad, kasarian, relihiyon at kung ano man ang estado sa buhay upang makatulong na mapabuti ang kalikasan dahil lahat tayo ay may magagawa. "HINDI PA HULI ANG LAHAT".
1 note
·
View note
Text
Climate Justice
Ano ang Climate Justice?
Ang Climate Justice ay isang term, at higit pa sa isang kilusan, na kinikilala ang pagbabago ng klima ay maaaring magkaroon ng magkakaibang panlipunan, pang-ekonomiya, pangkalusugan sa publiko, at iba pang masamang epekto sa mga mahihirap na populasyon. Ang mga tagapagtaguyod para sa hustisya sa klima ay nagsusumikap na maiharap ang mga hindi pagkakapantay-pantay na ito sa pamamagitan ng pangmatagalang pagpapagaan at mga diskarte sa pagbagay.
Ayon sa mga batikang siyentipiko, ang climate change ay ang malawakang pagbabago ng panahon o klima sa iba’t ibang part eng daigdig. Ang epekto ng climate change ay nadarama natin sa unti-unting pag-init ng mundo na kadalasan ay tinatawag natin na global warming. Ito ay makikita din natin sa pagtunaw ng mga “glaciers,” panunuyo ng lupa, at paglaganap ng tinatawag na “climate sensitive diseases” tulad ng malaria. Ang pangunahing sanhi ng climate change ay ang paglaganap ng tinatawag na “greenhouse gases” sa ating kalawakan na kinabibilangan ng carbon dioxide, methane, nitrous oxide at ozone. Ang mga gases na ito ay nagmumula sa paggamit natin ng maruruming uri ng enerhiya at gasoline, at sa uri ng pamumuhay natin na hindi nakatutulong sa pagpigil sa paglaganap ng tinatawag na greenhouse gases.
12 Paraan para makatulong sa paglaban kontra global warming/climate change: Lahat tayo ay may maitutulong sa pangmalawakang pagkilos laban sa climate change. Ito ay mga bagay na maaari nating gawin sa pamamagitan ng pagbabago sa uri ng ating pamumuhay. 1. Magpalit ng inyong gamit na bumbilya. Gumamit ng tinatawag na compact fluorescent light bulbs (CFLs). 2. Buksan ang inyong mga bintana. Hayaan natin na makapasok ang natural na ilaw o liwanag sa ating mga tahanan. Kung hindi rin lang kainitan ay huwag nang buksan ang inyong aircon. 3. Maglaba nang maramihan. Ipunin ang inyong maruruming damit at labhan ito nang sabay-sabay para makatipid sa paggamit ng kuryente. Isampay na lamang ang damit upang matuyo. 4. Bunutin ang plug ng mga appliances kung hindi rin lang ginagamit. Ang mga TV, stereo, at video players na naka-stand-by mode ay kumukunsumo pa rin ng kuryente. Bunutin ito kung hindi naman ginagamit. Bumili lamang ng mga kasangkapan na matipid sa kuryente. 5. Panatilihing maayos ang inyong mga sasakyan. Siguraduhing ang makina ng sasakyan ay nasa ayos at ang mga gulong ay may sapat na hangin. Ang sasakyang wala sa kondisyon ay maaksaya sa gasolina.
6. Magmaneho nang maayos. Huwag magpadalos-dalos sa pagmamaneho. Iwasan ang biglang pag-aarangkada. Singkwenta porsyento ng gasoline ang naaaksaya dito. 7. Maglakad, sumakay ng bisikleta, bus, at LRT o MRT. Hindi lamang ito makakatipid sa gasolina, mababawasan pa ang polusyon na nagdudulot ng climate change. 8. Sumali sa mga Carpool. Makisakay sa mga carpool o mag-alok sa iba na sumabay sa iyo kung ikaw ay gagamit ng kotse. 9. Magbayad ng inyong bills sa pamamagitan ng internet. Gamitin ang online payment facilities para bayaran ang mga bills ninyo. Ito ay makakatipid sa paggamit ng tseke at mga papel na nagpapadadag lamang sa naiipong dumi sa kapaligiran. 10. Huwag palagiang gumamit ng kompyuter. Huwag gumamit ng kompyuter nang patuloy-tuloy. Kung apat na oras lamang sa isang araw natin gagamitin ito ay makakabawas tayo ng carbon dioxide emission ng 83%. 11. Huwag nang gumamit ng mga plastic bags. Gumamit ng bag na pwedeng gamitin nang paulit-ulit para mabawasan ang plastic bag na ating itinatapon. Ito ay nagdudulot ng tinatawag na greenhouse gases. 12. Gumamit ng nirecycle na papel. Sa paggamit nito ay 60% ng kuryente ang matitipid sa paggawa ng recycled paper kumpara sa paggawa ng bagong papel. Ito ay magdudulot ng katipiran na 4,400kwh sa kunsumo sa enerhiya, 30,000 litrong tubig, at 19 na puno sa bawat tonelada ng nirecycle na papel na magagawa.
ANO ANG EPEKTO NG CLIMATE CHANGE SA KALUSUGAN NG TAO? Masama ang magiging epekto ng Climate change sa kalusugan ng tao. Ang pabago bagong panahon ay nakapagdudulot ng iba't ibang di malalang sakit ngunit sa paglipas ng panahon ay maaaring maging malubha kung hindi maaagapan o kaya naman ay di sanay ang ating katawan. Tulad na lamang ng mga lagnat, sipon, ubo, pagkahilo, at iba pa. Halimbawa na lamang kung sa isang araw ay may panahon na sobrang init sa umaga, makulimlim sa tanghali at malakas na ulan sa hapon. Maaaring magkasakit mula sa usok na sumisingaw mula sa lupa. At pagpapalit palit ng panahon na di kayanin ng may mga mahihinang katawan at kalusugan.
0 notes
Text
Blog Enviroment
Sa panahon ngayon marami na ang umuuland na bansa. Mas napapadali ang transporatasyon at kalakan dahil sa makabago at maayos na teknolohiya. Mas maraming napapadaling gawain lalo na sa bahay, trabaho at maski na ang komunikasyon. Ngunit kapalit nito ang nakakalimutan nating pag aalaga sa ating kalikasan,kung saan ang kalikasan ang panunahin nagbibigay ng pang araw araw natin pangangailan. Kamakailan marami tayong naramdaman na pagbabago sa ating mundo lalo na sa ating klima. Ngunit ano ba ang Responsibilidad natin sa mga ganitong pangyayari?. Noong nakaaraan lunes napagusapan namin ang kalikasan/kapaligiran. Kung saan dapat lagi natin tandaan na lahat tayo ay may responsebilidad bilang isang mamayan ng ating mundo. Tatlo ang pangunahin pinagusapan sa paksa ito ay una, Populasyon (Popoulation), kung saan Patuloy na lumalago ang bilang mga tao sa bawat bansa kung saan ang mga tao ang pangunahin gumagamit ng ating kapaligiran. Pangalawa Resources ang mga pangagailangan natin ay nakadepende lamang din sa ating kalikasan. At kasalukuyang kalagayan ng Polusyon sa ating bansa. Halimbawa na lamang ang patuloy na pag init ng ating klima at sobrang mga paglakas ng bagyo o ulan kung saan marami ang nasasawi at naapektuhan sa kanilang pamumuhay. Halimbawa na din ang mga nakaraan pangyayari tulad ng pagkatunaw ng ilang parte ng yelo sa artic at sa iba pang bansa. Kung saan noong unang araw sapat lamang naninirahan ang mga tao wala pang masyadong polusyon, Natuto na din ang mga taong magsaka kung saan mas nakatulong ito upang mabuhay sila ng maayos at makapagluto ng pagkain sa apoy kung saan kaya pang ibalanse ng mundo ang mga polusyon na lumalabas sa apoy o. Sa. ibang bagay. Hanggan sa lumago ang mga industriya at naimbento na rin ang mga transportasyon katulad ng eroplano, train, sasakyan,, mga gamit na gawa sa plastic, kung saan ilan lamang ito sa mga dahilan kung bakit unti unting naapektuhan ang kapalogoran lalo na ang ating kalikasan. Dahil sa panahon ngayon nababawasan na ang ating mga sources dahil sa patuloy na pagpapabaya sa ating kapaligiran, at kawalan natin ng disiplina hindi lamang sa ating sarili pati na rin sa iba. Sa panahon natin ngayon kadalasan iuunan natin ang ating mga negoayo bago isipin ang kaligtasan at kalikasan natin. Katulad na lamang ang mga halimbawa ng pagkasunog ng Amazon kung saan libo libo ang nasawing mga hayop at nawalan ng tirahan ang mga katutubong nakatira doon. Nawalan din ng mga puno at matitirhan sila., karamihan sa atin inuuna na ang ating mga negosyo, Kawalan ng kaalaman kung gaano kahalaga ang ating kapaligiran para sa ating buhay. Ngayon patuloy pa na dumadami ang ating papolusyon at Polusyon. Dahil sa kawalan ng ating kalikasan maaring mas dumami pa ang pangangailangan natin dahil sa hindi na sapat na sources. Madalas ang mga tao saka lamang kikilos kapag nararamdaman na natin ang epekto ng polusyon sa atin. Kadapasan di natin natin ibigyan ng pansin ang mga bagay na ito hanggang sa mapahamak na lamang tayo. Isa sa nabanggit ng tagapagsalita ang ecological footprint ito ay tumutukoy sa kunggaano karami ang maaring kailangan ng mga tao. Kung saan dito ay untiunti ng nababawasan. Ayo sa kanya mahigit 1.3 hannggang 1.5 ang kailangan upang mabalik sa normal ang mundo. Kung saan marami pa tayong gagawin at magagawa upang mapangalagaan anting mundo. Ngunit kung hahayaan natin ito'y patuloy lamang na masisira. Ang tubig ang isa sa kailangan ng tao upang malinis ang ating katawan. Ang mundo 75% nito ay tubig kung saan 2.5 nito ay malinis o fresh water. Meron na din mga makinarya (machine) na nakakatulong upang maconvert ang salt water sa fresh water kung saan karamihan sa makinaryang ito ay matatagpuan sa mayayaman na bansa tulad ng saudi dahil mahal ang presyo ng makinang ito. Ang Pilipinas ay mayaman sa tubig, ngunit may ilang water supply ang hindi nagagamit ng maayos at walang malinis na tubig dahil sa patuloy na pagdumi ng tubig dala ng pagtapon ng mga basura sa tubig na nagiging sanhi ng pagdumi at pagkamatay ng mga buhay sa tubig. Ang ilan sa mga negosyo na malapit na sa dagat kung saan nagiging sanhi ito ng hindi maayos na proseso ng pag dumi ng tubig. Ang Visayas at Mindanao ay isa sa mayaman na bansa ngunit dahil sa kawalan ng supporta sa gobyerno kaya walang malinis na patubigan. Pangalawa ang hangin kung saan ayon sa pag aaral tumataas na ang polusyon sa hangin. Kung saan ayon sa tagapagsalita kadalasan nakukuha ang dumi galing sa mga transportasyon kung saan ito ang pinaka maraming polusyon na naibibigay sa hangin isa ang motor (2 stroke) ang nagbibigay ng maduming hangin kaysa sa 4 stroke (jeepney) , pangalawa ang stationary sources ito ang mga plantang paggawaan ng mga gamit atbp. At area source na kadalasan naKukuha sa solid waste isa sa mga ikinabigla ko dito ang UP kung saan ayun bagamat marami ang mga puno dito nakakaranasa na rin ito ng polusyon sa hnagin lalo na sa hapon kung saan uwian ng mga rush hour. Kung saan dapat natin tutukan ang mga ganitong problema at mahalagan iwasan ang mga bagay na makakapagpadumi sa hangin kagaya ng lagsusunig ng basura, idling. Mahalagang sanayin ang sarili magbike uoang makaiwasa sa polusyon ng hangin. Panghuli anv Solid waste, kung saan karamihan dito. Ay naiitapon lamang sa tabii.isa dito ang Ang nagyari sa payatas A kung saan madami ang natabuanna at namatay dahil sa smokey mountain kaya ginamit ang landfill upang maayos na nailalagay ang mga basura at ligtas pa sa mga tao. Dapat natin tandaan kahit sa simpleng bagay marami rayong magagawa upang makatulong sa undo. Kahit sa maatos na pagtatapon na basura kung saan inaaanyayahan ang mga tao na gamitin at mag tapin ng kalat sa tamang lugar at gamitin ang 3R Reduce,Reuse and Recycle. Kahit sa mga barangay na maaring gumawa ng proyekto na may kinalamant sa atin Maaring maipamahagi ito lalo na sa mga simpleng mamayan natin. Malaki ang potensyal na ito upang mas mailamahagi ang mga kaalaman sa iba. Wag natin antayin mahuli ang mga bagay bago pa tumayo umaksyon/kumilos. Dapat alamin ang mga bagay na makakatulong sa ating lahat.
0 notes
Text
Polusyon sa Hangin at ang mga Pwede Nating Gawin
Polusyon sa Hangin at ang mga Pwede Nating Gawin
Bukod sa katiwalian, kahirapan, karahasan at nakakainis na takbo ng istorya sa mga drama sa tv, isa pa sa mga araw-araw na problemang kinakaharap ng mga Pilipino ay ang problemang hatid ng maruming hangin (air pollution) sa kalusugan natin.
Lahat ay dapat mag-ingat sa mga epekto ng maruming hangin sa katawan subalit ang mga taong may mas malaking peligro sa kalusugan ay ang mga sumusunod:
mga…
View On WordPress
#epekto ng polusyon sa katawan#maruming hangin#masamang dulot ng air pollution sa kalusugan#mga dapat solusyunan sa pilipinas#mga problema ng pilipinas#mga sanhi ng polusyon sa hangin#paano mapapababa ang polusyon sa hangin#polusyon sa hangin#proteksyon laban sa polusyon
0 notes
Text
Polusyon sa Hangin at ang mga Pwede Nating Gawin
Polusyon sa Hangin at ang mga Pwede Nating Gawin
Bukod sa katiwalian, kahirapan, karahasan at nakakainis na takbo ng istorya sa mga drama sa tv, isa pa sa mga araw-araw na problemang kinakaharap ng mga Pilipino ay ang problemang hatid ng maruming hangin (air pollution) sa kalusugan natin.
Lahat ay dapat mag-ingat sa mga epekto ng maruming hangin sa katawan subalit ang mga taong mas may malaking peligro sa kalusugan ay ang mga sumusunod:
mga…
View On WordPress
#epekto ng polusyon sa katawan#maruming hangin#masamang dulot ng air pollution sa kalusugan#mga dapat solusyunan sa pilipinas#mga problema ng pilipinas#mga sanhi ng polusyon sa hangin#paano mapapababa ang polusyon sa hangin#polusyon sa hangin#proteksyon laban sa polusyon
0 notes