#mahal;asul
Explore tagged Tumblr posts
Text
OPINION: Bayad po, malayo bang masolusyonan ang krisis sa transportasyon?
Photo credit: Rachelle Baldelomar
Luntian, asul, pula, at dilaw—ito ang agaw-pansin na mga kulay ng mga bubong ng jeep na pumapasada sa loob ng UP Diliman. Sa lawak ng unibersidad, ito ang mga pangunahing moda ng transportasyon ng maraming mag-aaral at kawani ng UP, maging ng iba pang komyuter. Kasabay ng panunumbalik ng face-to-face classes ay siya namang pagtaas ng pamasahe, mga bagong ruta na ‘commuter-unfriendly’, at mas kaunting drayber na nagpalala sa oras ng paghihintay. Paglabas ng campus, sa Philcoa, Katipunan, o EDSA, nagpapatuloy pa rin ang mga eksena ng trapikong pahirap sa mga komyuter. Sa katunayan, ilang henerasyon na ng mga Pilipino ang nagtitiis sa bulok na sistema ng transportasyon—pagpapatunay na sa mga nakaraang administrasyong naupo sa pwesto, walang tiyak at maayos na plano ang naikasa para sa pangunahing pangangailangang ito.
Maiuugat ang lumalalang krisis ng transportasyon sa pagiging “intergenerational” nito. Dahil hindi naging maayos ang pagtugon ng mga nagdaang administrasyon, pasanin natin ito hanggang sa kasalukuyan. Nagkaroon ng mga hakbang ang huling dalawang administrasyon, katulad ng Public-Private Partnership projects (PPPs) ng administrasyong Aquino, na isa sa mga plano nitong pagkonektahin ang MRT-3 at LRT-1, at ang pamosong Build! Build! Build! (BBB) program ng administrasyong Duterte. Bagamat layunin ng PPPs at BBB program na paluwagin ang trapik sa Metro Manila, hindi matagumpay ang mga proyektong ito. Nakansela ang konstruksyon ng dalawang linya ng tren dahil sa kawalan ng maintenance plan. Sa pagwawakas ng termino ni Duterte, 12 sa 119 na BBB projects ang nasimulan at/o natapos. Bukod sa mabagal na usad ng mga proyekto, inilipat at inilaan ang pondong ito na inutang mula sa China para sa COVID-19 response. Ang ‘pagpapasa-pasa’ ng problemang ito ay ‘pagpapasa-pasa’ rin ng inkompetensiya sa bawat administrasyon dahil sa pagpalya ng mga plano at kakulangan ng maayos na pag-implementa rito. Sa pagpasok ng panibagong administrasyon, nagbabadya ang paglala ng krisis sa transportasyon. Ano nga ba ang mga hakbang ng administrasyong Marcos?
Isa rito ang pagbibigay ng panibagong pangalan sa BBB bilang ‘Build, Better, More’ (BBM) at paglalaan ng halos 120% increase sa 2023 budget para sa Department of Public Works and Highways (DPWH). Ipagpapatuloy ng BBM program ang pagpapatayo ng BBB projects tulad ng kauna-unahang underground subway sa bansa o Mega Manila Subway, na pinondohan ng pautang mula sa Japan International Cooperation Agency. Kasabay naman ng konstruksyon nito noong Oktubre, ang patuloy na pagtaas ng inflation rate. Para sa buwan ng Nobyembre, naitala ang 7.7% rate na nagpataas ng presyo mga pangunahing bilihin, lalo na ng pagkain, at produktong petrolyo. Kaakibat ng pagtaas ng presyo ng petrolyo ang fare hike sa mga pampublikong sasakyan. Mula 11 piso noong Hulyo, tumaas ito sa presyong 12 piso sa loob lamang ng tatlong buwan.
Hindi lang bulsa ang masakit para sa mga komyuter, dahil mala-olympics ang agawan para sa mga pampublikong sasakyan. Nagmimistulang ‘events’ ang pakikipag-unahan, pakikipagsiksikan, paubusan ng pasensya sa mahahabang pila, pagsabit o pag-upo sa gitna ng jeep, pagtayo sa bus, at workout sa hita kapag kalahati na lang ng puwet ang nasasalo ng upuan. Naglipana man ang mga alternatibo na Transportation Network Vehicles Services (TNVS) katulad ng Grab at Angkas, mas mahal ito kaysa sa mga jeep o bus, at kinakailangan pa ng internet. Sa pagbabalik ng mga estudyante at mga empleyado sa daan, tugon ng Metro Manila Development Authority (MMDA) ang pagpapatupad ng bagong coding scheme, at itinuturing ang trapiko sa Metro Manila bilang “manageable”.
Sa kabilang banda, “kalbaryo” ang mas angkop na salita kung mga komyuter ang maglalarawan ng trapiko. Ang tagal ng pakikipag-agawan sa masasakyan, ay doble sa mismong itatagal ng biyahe. Dahil pagkatapos ng olympics, maiiba ang paligsahan, at karera ng mga pagong ang eksena sa mga sasakyan. Walang binatbat ang pagtitipid ng komyuter sa taas ng presyo ng mga bilhin at pamasahe sa dami ng kanyang oras at panahong maaaksaya dahil sa pagkakaipit sa trapiko. Pinapakita lamang nito na magkaakibat ang mga krisis sa transportasyon at ekonomiya ng bansa. At ayon sa Philippine Chamber of Commerce and Industry, higit 3.5 bilyong piso araw-araw ang nawawala sa bansa dahil lamang sa trapiko sa Metro Manila.
Ang isang malaking kawalan para sa mga drayber at komyuter ay isa namang magandang bagay para sa mga car manufacturers. Sa patuloy na kawalan ng maayos, ligtas, at accessible na transportasyon, tumataas din ang bilang ng mga sasakyan sa daan. Higit pa itong pinapalala ng mga kumpanyang nag-aalok ng 0% downpayment kaya’t mas nahihikayat ang publiko na bumili ng kotse. Bukod pa rito, ang isinusulong na “modernisasyon” sa mga tradisyunal na jeep nitong pandemya ay isa na namang ‘win’, para sa mga kumpanya. Ang mga pamalit na EURO IV ay umaabot ng 1.6 milyong piso bawat yunit at iaangkat pa mula sa ibang bansa. Habang limpak-limpak ang kita ng mga dayuhang kumpanya, iniinda ng mga komyuter ang mataas na presyo ng bilihin at pamasahe, nagbabadya ang tuluyang phase out ng mga jeepney at mawalan ng hanap-buhay ang mga drayber.
Sa halip na bigyang prayoridad ang mga imprastrakturang makatutulong sa mga ordinaryong mamamayan, kapansin-pansin na pabor sa mga may kotse ang mga proyektong inuuna ng pamahalaan. Imbis na mga sidewalk, bike lane, at waiting shed, puro road widening at highways ang pinapagawa. Hindi maayos ang maintenance ng mga linya ng mga tren habang patuloy ang mga aberya dahil sa mga lumang bagon at equipment. Nitong Oktubre 4 lamang, sumiklab ang isang sunog sa MRT-3 dahil sa isang technical glitch. Sa halip na mapadali ang pagkokomyut, mas napeperwisyo ang mga mamamayan. Masyadong malayo ang mga tawiran, masyadong makikitid ang sidewalks, o ‘di kaya naman sobrang tarik ng mga footbridge kagaya sa Kamuning na binansagang “Mount of EDSA”. Ang mga konstruksyon at walang katapusang road improvements ay pawang dagdag pampabigat sa daloy ng trapiko. At higit sa lahat, nananatiling isa ang DPWH sa mga ahensiya ng pamahalaan na mayroong patong-patong na kaso ng korapsyon—isang malaking sampal sa naghihirap ng mga mamamayan, mapa-drayber o komyuter.
Malayong-malayo ang lagay ng transportasyon ng ating ilang kapitbahay sa Asya katulad ng Singapore. Ipinapakita nila na ang tamang pangangasiwa ng pamahalaan ay susi sa isang maayos na sistema ng transportasyon. Ang naturang bansa ay mayroong tatlong integradong ahensya; Land Transport Authority (LTA), Housing and Development Board (HDB), at Urban Redevelopment Authority (URA). Bawat isa ay may sariling tungkulin para sa pagpaplano, pagdedebelop ng teknolohiya, at pangkalahatang pagpapabuti ng mass transportation. Isinasaalang-alang ng mga ahensyang ito ang accessibility, sustainability, at pagiging environment-friendly ng kanilang mga proyekto kasabay ng pagbibigay-serbisyo sa halos 60% ng working class ng Singapore. Epektibo ang kanilang metropolitan planning at makikitang magkakakonekta, o magkakalapit ang mga ruta at sakayan sa mga residential area.
Ngunit, sa kaso ng Pilipinas, ayon kay Arch. Felino Palafox, “Metro Manila is now the model of how not do it [urban planning].” Nakaayon ang mga daan para sa mga may kotse at sa may-kaya. Nabubuo ang “gated communities” at “discriminatory zonings” na hindi pedestrian at biker-friendly, at pahirapan ang akses sa pampublikong transportasyon katulad ng nangyayari ngayon sa Makati. Dagdag ni Palafox, lubhang pumangit ang metropolitan planning ng Maynila noong kasagsagan ng Martial Law o mid-70s. Pinapatunayan ng lubhang magkaibang kalagayan ng transportasyon sa Singapore at Makati ang mahalagang papel na ginagampanan ng pamahalaang may pakialam sa kapakanan ng karamihan sa kanyang mamamayan.
Ibinabatid ng pagiging “intergenerational” ng krisis na ito, maging ng anumang suliraning pambansa, na ang mga komplikadong problema ay nangangailangan ng komprehensibong solusyon. Hindi ito basta-basta lamang nalulutas, kaya marapat lamang na pag-isipan at pagplanuhan habang isinasaalang-alang ang interes ng masang Pilipino, na silang pinakanaapektuhan at pinakanahihirapan. Sa mga ipinapakitang aksyon ng kasalukuyang administrasyong Marcos, o marahil ang nakababahalang kawalan ng mga ito, patuloy na malulugmok sa kahirapan ang ating bayan sa susunod pang mga taon. Hindi lamang ang tumataginting na 13.52 trilyong piso na ‘generational debt’ ang mamamana natin mula sa ating mga magulang. Kung ang kasalanan ng ama ay “hindi” kasalanan ng anak, sa konteksto ng ordinaryong mamamayang Pilipino, ang mga krisis na araw-araw nating iniinda ngayon, ay tiyak, na sila pa ring mga krisis na haharapin ng susunod ng henerasyon. //ni Sam Arinto
Mga Sanggunian:
(2021, August 11). ANALYSIS: Why Build, Build, Build won’t fix Manila’s traffic. Rappler. https://www.rappler.com/newsbreak/explainers/analysis-why-build-build-build-will-not-fix-metro-manila-traffic/
Barroga, G., Galang, B. (2022, June 26). Hits and misses of Duterte's 'Build, Build, Build'. CNN Philippines. https://www.cnnphilippines.com/news/2022/6/26/Duterte-administration-infrastructure-program-BBB.html
Buan, L. (2021, June 30). DOJ: Local governments, DPWH have most corruption complaints. Rappler. https://www.rappler.com/nation/doj-report-corruption-complaints-lgus-government-agencies-2021/
Caling, R.R. (2020, November 6). Halted physical classes, looming phaseout burden UP jeepney drivers. Tinig ng Plaridel. https://www.tinigngplaridel.net/2020/up-jeepney-drivers/
Cayabyab, M. (2022, October 5). Fire disrupts LRT-1 operations. PhilStar. https://www.philstar.com/nation/2022/10/05/2214331/fire-disrupts-lrt-1-operations
Dinh Toan, T. (2018, November 24). Managing traffic congestion in a city: a study of Singapore's experiences. Research Gate. https://www.researchgate.net/publication/330776732_Managing_traffic_congestion_in_a_city_A_study_of_Singapore's_experiences/citation/download
Domingo, K. (2022, October 3). Marcos signals start of construction of Philippines' first subway. ABS-CBN News. https://news.abs-cbn.com/business/10/03/22/marcos-signals-start-of-first-ph-subways-construction
Esmael, L. (2022, November 3). PH debt soars to ₱13.52T in September. CNN Philippines. https://www.cnnphilippines.com/business/2022/11/3/PH-debt-soars-to-13.52T-September.html
Hallare, K. (2021, November 2). Why Metro Manila Is An Urban Planning ‘Mess,’ According To An Expert. One Network News. https://www.onenews.ph/articles/why-metro-manila-is-an-urban-planning-mess-according-to-an-expert
Japan International Cooperation Agency. (2022, February 16). JICA reassures commitment to support the “Project of the Century” in the Philippines [Press release]. https://www.cnnphilippines.com/news/2022/6/26/Duterte-administration-infrastructure-program-BBB.html
Laurel, D. (2022, August 22). MMDA: Vehicle volume during start of F2F classes ‘manageable,’ no traffic surge observed. Top Gear Philippines. https://www.topgear.com.ph/news/motoring-news/mmda-f2f-traffic-a962-20220822?ref=article_hyperlink
Mirasol, P.B. (2021, June 21). A look back at the PNoy administration. BusinessWorld Online. https://www.bworldonline.com/the-nation/2021/06/24/378119/a-look-back-at-the-pnoy-administration/
Ochave, R. (2022, May 9). PCCI seeks immediate action on NCR traffic to remove drag on economy. Business World Online. https://www.bworldonline.com/economy/2022/05/09/447325/pcci-seeks-immediate-action-on-ncr-traffic-to-remove-drag-on-economy/#:~:text=5%20billion%20is%20lost%20daily,the%20Japan%20International%20Cooperation%20Agency
Quismoro, E. (2022, August 23). Goodbye ‘Build, Build, Build’; P1.196-T sought for PBBM’s ‘Build, Better, More’ infrastructure program. Manila Bulletin. https://mb.com.ph/2022/08/23/goodbye-build-build-build-p1-196-t-sought-for-build-better-more-infrastructure-program/
Rivas, R. (2022, November 4). Philippine inflation rate soars to nearly 14-year high of 7.7%. Rappler. https://www.rappler.com/business/inflation-rate-philippines-october-2022/
Sabalo, W.B. (2022, September 17). Fare hike will impact on our budget – commuters. Cebu Daily News Inquirer. https://cebudailynews.inquirer.net/464520/fare-hike-will-impact-on-our-budget-commuters#ixzz7hkumLqJo
Sarne, V.B. (2019, June 6). More than the price, it’s the down payment that sways Pinoy car buyers. Visor PH. https://visor.ph/industry/more-than-the-price-its-the-down-payment-that-sways-pinoy-car-buyers/
Schuengel, F. (2018, November 5). This footbridge on EDSA is like a theme-park ride. Visor PH. https://visor.ph/traffic/this-footbridge-on-edsa-is-like-a-theme-park-ride/
2 notes
·
View notes
Text
100 Tula Para Kay Stella
A movie appreciation post I wrote way back in 2017
MUSIKA. Musika ang mabisang gamot sa malulungkot na puso. Kaya nitong itago ang pinakamahapding sugat na ating dinadala sa araw-araw at sa mga darating pa.
ITIM NA LIPSTICK. Mas ayos na ang itim ang labi hindi ang ugali. “Bakit itim labi mo?” “Bakit asul ang ulap? Bakit pula ang dugo mo?” Nakakita ka na ba ng anghel na may itim na labi? Meron. Si Stella.
PANGARAP. Gagawin natin ang lahat para sa pangarap. Susugal tayo sa mga bagay na walang kasiguraduhan maabot lang ang ating mga pinapangarap. Para sa minamahal at para sa sarili.
CRUSH. Meron talaga tayong mga hinahangaan na minsan tayo lang ang nakakaalam. Tinatanaw natin sila sa malayo iniisip kung kailan natin sila maabot at minsan kung abot kamay man natin, mamimilipit na lang ang ating dila at mauutal. Kahit gusto na natin sabihin na “mahal kita” masasabi na lang natin “kumusta ka”
3 WORD RULE. Tatlo lang. Minsan sapat na ang mga salitang tatlo lang. ANG SAKIT TALAGA!
EMOSYON. Minsan hindi natin alam kung saan tayo dadalhin ng ating emosyon. Kapag malungkot tayo kung saan-saan tayo napapadpad pero ayos lang kasi nga malungkot tayo kaya bahala na at kapag masaya RAK lang!
DESISYON. Lahat ng desisyon natin sa buhay ay responsibilidad natin. Wala kang dapat sisihin sa mga bagay na ginusto mong gawin.
TULA. 100 na tula para sa ating iniibig ngunit hindi sapat na isinusulat lang natin. Kailangan natin sabihin bago mahuli ang lahat. Hindi. Huli na talaga 'di mo na siya maaabutan. Dahil yung isinulat mo ay dapat sinabi mo na lang.
ALAK. Kahit saan, kahit kailan alak ang magiging sandigan [kahit 'di talaga ako umiinom] Pero hindi sapat ang alak lang dahil isa lamang itong pansamantalang gamot ika nga. Dahil kapag nahimasmasan ka na. Masakit ulit.
PANAHON. Bukod sa musika, panahon ang kayang magpahilom ng pusong sugatan. Minsan ang kabig ng emosyon ay sambit ng panahon. Minsan nagtatagpo na lang ang panahon at ang ating mga nararamdaman.
PAGHIHINTAY. Lahat tayo naghihintay, minsan tayo yung hinihintay. Habang naghihintay tayo nagbabago rin ang ikot ng mundo. May umaalis, dumarating at may maaaring bumalik. Ngunit di lahat nang hinihintay ay mahihintay tayo. Siguro masyado tayong kumpiyansa na mapapasakanila tayo pero hindi pala.
KUMUSTA? 5 years ago mula nang buksan ko ulit itong tumblr. Matagal ko na talaga itong naisulat at nakatambay lang sa aking cellphone. Gusto ko lang naman ishare ang mga bagay kung saan ako interesado. Gusto ko kasi silang balik-balikan. Kahit cringe pa.
#100tulaparakaystella#musika#itimnalipstick#pangarap#3wordrule#emosyon#desisyon#tula#makata#alak#panahon#paghihintay#indiefilm#balisongthejuans#Spotify
2 notes
·
View notes
Text
"Ang Paglalakbay ng Diwagay sa Mundo ng mga Tao"
Sa mundo ng sashayria, na puno ng mahika at diwagay (Diwatang bakla), may isang bukod tanging diwagay na nag ngangalang Reyna Prenseya na siyang namamalakad sa mundong ito, na may taglay na kakaibang ganda na mapang akit sa iba, ang kaniyang mga mata ay napakasingkit, may matambok na pisngi, may matangos na ilong, may mapula-pulang labi, at napaka ganda ng hubog ng kaniyang pangangatawan, siya ay masayahin at may mabuting kalooban sa kaniyang sinasakupan.
Isang gabi ng makaramdam si Reyna Prenseya ng pagkabagot, naisipan nito na maglakad, magmuni-muni, at pagmasdan ang kagandahan ng kaniyang kaarihan, ng biglang may makita siyang kakaibang tulay, tulay na kulay asul na may taglay na kakaibang enerhiya. Dali-daling siya ay nagtungo sa tulay na ito, at sa pag apak palamang niya rito, para bang siya ay kinakain nito, at sa tuloyang pag apak ng Reyna Prenseya, siya nga ay kinain ng tulay at itinapon sa mundo ng mga tao.
Pagkadating ng kaumagaan, laking gulat ng mga ibang diwagay, diwaboy, at diwata na ang reyna prenseya ay wala sa kaniyang kaharian, hindi maaninag ang kaniyang presensya sa kagubatan, harden, at sa buong sashayria. Nangangamba na ang lahat dahil ni isa sa mga naninirahan dito ay walang kaalam-alam kung nasaan ang Reyna Presenya, nang biglang may asong tahol ng tahol at kumakaripas tumatakbo papunta sa kaibigan ni Reyna Prenseya, na si Sisteraka, pinatahan ni sisteraka ang aso at kinausap niya ito
Sisteraka: Ano yon kaibigan naming aso? Tila ba ikaw ay natataranta at nangangamba? Tanong nito sa aso
Aso: Tunay na ako nga ay nangangamba, sapagkat nakita ko kagabi ang reyna prenseya na naglalakad lakad, nagmumuni-muni, at pinagmamasdan ang ating kaharian at biglang naglaho ng umapak siya sa tulay. Wika ng aso na puno ng pangangamba at takot.
Sisteraka: Tulay? Pagtatakang tanong nito.
Aso: Oo, tulay na kulay asul. Paglalarawan ng aso
Dali-daling nag bulongan ang mga kapwa diwata, diwagay at diwaboy sa kanilang narinig, hindi sila naniniwala sa sinasabi ng aso, sapagkat walang tulay na asul ang sashayria.
Manahimik kayong lahat! Sigaw ni Sisteraka. Kung tunay mang meron o walang tulay sa ating kaharian, kailangan nating paniwalaan ang mga sinasambit ng aso, sapagkat siya lamang ang nakakita sa ating reyna sa gabing iyon.
Sisteraka: Maari mo ba kaming dalhin sa tulay na iyong sinasabi mahal naming kaibigan? Dali-daling lumabas ang aso, at sumunod sina sisteraka patungo sa tulay na sinasabi ng aso, ngunit pagkarating nila wala silang makitang tulay, ito ay puno lamang ng halaman at dalampasigan at walang taglay na kakaiba. Na dismaya ang lahat ng wala silang nadatnan na tulay, at kinainisan ang aso dahil sa kaniyang pagsisinungaling, dahil dito mas lalo silang kinabahan at natakot na baka kung may nangyari ng masama sa Reyna, kaya agad-agad ay inutusan ni sisteraka ang lahat na magmasid at hanapin ang reyna sa buong kaharian, walang sinuman ang pwedeng bumalik sa kaharian na ito ng hindi nahahanap ang ating mahal na Reyna, sambit nito. At tuluyan na ngang sila ay naghanap sa bawat sulok ng kaharian.
Pagmulat ng mata ni Reyna Prenseya, nagtataka ito kung bakit wala siya sa kaharian niya at bakit sa matigas na bato siya natulog, nang biglang naalala niya na pagkaapak nga pala niya sa tulay ay kainain siya nito, at siyang dahilan kung bakit siya napadpad sa mundong kaniyang hindi mawari kung anong mundo ito, ng bigla itong tumingin sa kapaligiran at nabigla sa mga nakikita niyang kakaibang anyo ng mga naninirahan dito. Hindi nila katulad ang mga ito sa mga nakasanayan niyang makita sa kanyang mundo ng sashayria, at napagtanto na nasa mundo siya ng mga tao. Siya ay nangangamba sapagkat siguaradong nag-aalala na ang kaniyang mga pinamumunuan sa kaniyang kaharian, at baka siya ay mapahamak rito, sapagkat ngayon niya lamang nalaman na maliban sa kanilang mundo, may mundo pa pala ng mga tao. Ngunit sa kabila ng pagkakaiba, hindi niya maikakaila ang kagandahan at kabutihan ng mga tao sa mundo na ito.
Reyna: napakaganda naman sa mundong ito, napakatahimik, nagbabayanihan, at napaka sariwa ng hangin na tila ba walang kaproblema problema, sambit ng reyna, at kaniyang ikinagulat ng may sumagot sakaniya, at ito ay si Santino, siya ay may angking kagwapuhan, kulay asul ang mga mata, matangos ang ilong, at napakamatso ng katawan.
Santino: Tunay nga kaming mga naninirahan dito ay nagtutulungan at nagkakaisa, ngunit kami ay may madaming suliranin na kinakaharap, kagaya nalamang ng kawalan ng tubig at pagkukuhanan ng sapat na pagkain para sa aming pang araw-araw na pamumuhay.
Nalungkot at natulala ang reyna na isipin na sakabila ng kasaganaan ng buhay niya sa sashayria, may mundo palang naghihirap na humanap ng maiinom na tubig at makakain sa araw-araw. Bumalik nalamang ang reyna sa huwisyo ng bigla siyang tanongin ni Santino.
Santino: Tila ika'y hindi taga rito, ang yong pananamit ay kakaiba. Saan ka nagmula binibini?
Hindi mawari ng reyna kung paano niya ito sasagutin, at sa halip na sagutin niya ito, iniwan nalamang ito at kaniyang nilibot ang kaharian ng mga tao. At bigla-bigla itong sinundan ni Santino at isinantabi mo na ang kaniyang katanongan tungkol sa kung saan nagmula ang reyna ng sa gayon ito ay hindi mahilang sakaniya, at dali-daling nagpresenta si Santino na samahan nalamang si Reyna Prenseya sa paglilibot sa kanilang bayan ng sagayon ito’y hindi maligaw at hindi mapahamak. Laking pasasalamat ng Reyna sa kabaitan ni santino, kaya’t walang pag-aatubili ay sumama siya rito, at dali-dali tinanong ang ngalan nito.
Reyna Prenseya: Maari ko bang malaman ang yong ngalan ginoo?
Ako si Santino, ako ang isa sa tauhan ng kataas-taasan na namamalakad dito. Tila ikaw ay bago rito, ang iyong pananamit at pananalita ay kapansin pansin na hindi ka taga rito, sambit nito. Na siyang ikinagulat ng reyna, at walang alinlangan na sinagot na, hindi mo na kailangan malaman pa kung taga rito ba ako o hindi Santino, ang mabuti pa simulan na natin libutin ang inyong bayan ng lubusan kong malaman ang inyong mga problema at baka sakaling ako ay makatulong sa inyo.
Habang sila ay naglilibot, tila namamangha ang reyna sa kagandahan ng mga tanawin, masisigla ang mga hayop, matatayog na mga puno, at napakasariwa ng hangin, ngunit unti-unti ring natutuklasan ng reyna ang mga suliranin ng mga naninirahan dito. Natuklasan niya ang kahirapan at pangangailangang hinaharap ng mga tao sa mundong ito, walang sapat na tubig sa mga ilog at dalampasigan, walang masyadong pananim, na kung saan unti-unti niyang naramdaman ang pagnanais na makatulong at maglingkod sakanila habang siya ay naririto.
Nang makaramdam nang pagod at antok ang reyna, inalok ito ni Santino na ihatid na sa kaniyang tahanan, ngunit wika ng reyna wala akong uuwian na tahanan rito, na siyang ipinagtaka at napatunayan ni Santino na hindi nga tagarito ang reyna, ngunit nakakapagtaka man ang kaniyang katauhan hindi naman ito maaaring iwan ni Santino sapagkat baka ito’y mapahamak kung siya ay pakalat-kalat sa daan, kaya hindi nag atubili si Santino na alokin na tumuloy muna siya sa kanilang tirahan hanggat hindi pa siya bumabalik sa tunay niyang tahanan. Laking pasasalamat ng reyna sa kabutihang ipinapakita nito, na kahit na siya ay hindi kilala, hindi niya to hinusgaan bagkus ito ay buong pusong tinulongan, kaya naisip ng reyna na pag sapit ng hating-gabi at tulog na ito, kaniyang bibiyayahan ang kanilang mundo.
Pagsapit ng hating-gabi, tulog na si Santino, at tahimik na lumabas ang reyna, at nagmasid kung wala ng tao, laking tuwa niya ng pagmasdan na tahimik na ang kapaligiran at magagawa niya na ang kaniyang nais, unti-unti niyang ginamit ang kaniyang kapangyarihan at binigyang sapat na tubig ang ilog at dalampasigan at pinagmasdan kung gaano kaganda ang mga alon na nagagawa ng mga ito. Nang magawa niya na ang kaniyang ninanais, agad-agad itong bumalik sa loob ng tahanan ni Santino, at laking gulat nito ng makitang gising ito, at nagmadaling pumasok sa kaniyang silid at dali-daling humiga at pumikit, na siyang mas lalong nagbigay ng dahilan kay Santino para magtaka kung sino nga ba itong tao na kaniyang tinutulungan, kalaunan nakatulog narin ito ng mahimbing.
Pagsapit ng kaumagahan parehas na nagising sina reyna prenseya at santino dahil sa mga sigawan ng mga tao na tila ba parang may kaguluhang nangyayari sa labas, kaya agad-agad na lumabas ang dalawa at laking gulat ni Santino ng makita na punong puno ng tubig ang ilog at dalampasigan, at nagtataka kung paano nangyaring nagkaroon ito ng madaming tubig sa gayong hindi naman umulan, ngunit ganun paman laking pasasalamat niya sa diyos at hindi na sila magkakaproblema pa sa tubig. Sobrang saya ng mga tao dahil dito, na siyang ikinatuwa ng puso ng reyna na makita kahit papaano nabawasan na ang problema ng mga tao. Pagkalipas ng ilang oras napag desisyonan ng reyna na maglakad lakad muna at baka sakaling mahanap niya ang daan pabalik sa kaniyang kahariaan, siya ay nagtungo sa mga kagubatan at hindi nag atubiling pasukin ito kahit ramdam niya ang presensya ng kakaibang enerhiya na nagmumula rito, ngunit sa kasamaang palad kahit nalibot niya na ang buong kagubatan hindi parin niya mahanap ang daan pabalik sa kaniyang minamahal na kaharian.
Sa paglipas ng mga araw, habang patagal ng patagal siyang naniniraan sa mundo ng mga tao, lalo siyang nangungulila sa naiwan niyang kaharian, at lalo niyang napagtatantu na hindi nauubusan ng problema ang mga tao, at tunay ngang limitado lamang ang kanilang pinagkukuhanan ng makakain, kaya naman dahil sa utang na loob ni reyna prenseya kay santino. Pagsapit ng gabi at tahimik na ang kapaligiran siya ay nagtungo sa mga taniman ng mga pagkain, at dali-dali ito ay kaniyang pinamulaklak at pinamunga para sa paglabas ng araw ang mga tao ay may aanihin para sakanilang makakain, at bumalik agad sa kaniyang silid upang hindi na ulit siya makita ni Santino na galing siya sa labas.
Pagsikat ng araw, na gulantang ang bawat isa dahil sa biglaang pamumulaklak ng mga halaman at pamumunga ng kanilang pananim, na siyang ipinagtataka ng bawat isa lalo na si Santino, kung saan napapatanong na lamang siya kung paano nangyayari lahat ng ito, at biglang sumagi sa kaniyang isipan kung may kinalaman ba ang Reyna Prenseya sa mga nangyayari sa kanilang mundo, ngunit pagsasagot niya sa kaniyang sarili, Imposible! Tunay nga siya ay kakaiba kung manamit at kumilos, pero hindi siya ang may gawa nito sambit niya sa kaniyang sarili. Ganun paman laking tuwa at pasasalamat ng bawat isa sapagkat sila ay biniyayaan ng pagkukuhanan ng makakain nila laban sa kagutoman, na siyang ikanatuwa ng reyna na makita silang hindi na namomroblema sa pagkukuhanan nila ng kakainin para magkaroon ng lakas para mag trabaho para sakanilang pamilya.
Ngunit sa kabila ng lahat ng ito, hindi parin mapalitan ang pangungulila ng reyna sa kaniyang sariling mundo. Hindi niya nalilimutan ang kanyang mga nasasakupan at ang mga responsibilidad na kailangan niyang gampanin bilang isang reyna, na kung saan hindi na niya magampanan dahil hangga ngayon hindi padin niya nahahanap ang daan patungo sa kaniyang kahariaan.
Sa paglipas ng araw, napagod at nagsawa na ang reyna kakahanap sa daan patungo sa kaniyang kaharian, kaya tinanggap nalamang niya na ito ang kaniyang kapalaran, ang maging gabay at tagapagtulong sa mga tao sa kanilang mga nagiging problema. At habang tumatagal, at patuloy siyang tinutulungan ni Santino, siya namang pamumuo ng paghanga niya rito, tuwing sila ay nagkakatitigan, tila bang parang yelo, siyaý natutunaw, kapag silay nagkakadikit ang balat, tila ba parang tumatakbo ang kaniyang puso na parang aso, at tuwing naguusap sila, tila ba may lumilipad na paro-paro sa kaniyang tiyan, hindi mawari kung saan o ano ang pinang gagalingan ng kaniyang mga kakaibang nararamdaman.
Sa bawat hakbang na nilalakbay ng Reyna araw-araw sa mundo ng mga tao kasama si Santino, patuloy parin siyang tumutulong patago na solosyunan ang mga problema na kanilang kinakaharap araw-araw. Ganun paman unti-unti namang lumalalim ang pagtitiwala at pagkakaibigan ni Santino at ang Reyna Prenseya, kung saan hindi namalayan ni Reyna Prenseya na unti-unti nang nahuhulog ang kaniyang damdamin kay Santino. Hindi nito alam kung paano niya ito sasabihin, at inilihim nalamang nito ang kaniyang nararamdaman para kay Santino.
Isang araw, napag pasiyahan nani Reyna Prenseya na ipaalam ang pinagmulan nito kay Santino, na kung saan sinabi ng reyna sakanya na siya ay reyna sa kaharian ng sashayria na siyang ikinagulat at bigla ni Santino ng marinig niya ito.
Reyna Prenseya: Totoo ang aking mga sinambit, Santino. Ako nga ay isang Reyna sa Sashayria, ako ang dahilan ng lahat kung bakit kayo nagkaroon ng matubig na ilog at dalampasigan, mabulaklak na halaman at mabungang pananim. Wika ng reyna na siyang ikinagulat lalo ni Santino.
Santino: Nababaliw kana ba? Hindi totoo yan! Isa kalang hamak na normal na tao na naninirahan sa ibang bayan. Ang diyos ang tumulong samin para masulosyunan ang aming problema, hindi ikaw! Pasigaw nitong sambit sa reyna
Reyna Prenseya: Nauunawaan kong hindi kapanipaniwala ang mga sinasambit ko sayo, ngunit maniwala kaman o hindi, ako ay isang diwagay na pinunta ng isang mahiwagang tulay sa inyong mundo.
Hindi tuloyang makapaniwala si Santino sa kaniyang mga naririnig, iniisip nito na parang nababaliw na ang reyna dahil sa kaniyang mga sinasabi, kaya kumaripas ng takbo si Santino at pumunta sa kagubatan para magisip-isip at kumalma, at pagkalipas ng ilang oras, madilim na ang kapaligiran, senyales na gabi na pero hindi padin ito umaalis sa kagubatan, dahil sa pagaalala ng reyna kay Santino, ito ay naghanap-hanap sa paligid at napadpad sa kagubatan at doon sinalubong siya at sinalakay ng isang malaking halimaw na hindi niya mawari kung ano ito, at napasigaw nalamang ng “Santino, tulong!” na siyang ikinagulat ni Santino ng marinig ang boses ng reyna, at agad-agad itong kumaripas ng takbo papunta sa pinang galingan ng sigaw ng reyna, laking gulat ni santino ng makita na ang reyna ay inaatake na ng malaking halimaw kaya naman para mawala ang atensyon ng halimaw sa reyna, pumulot ng kahoy si santino at ibinato ito sa halimaw, na siyang ikinagalit ng halimaw at sinugod si santino, na bago pa man siya sugurin ng halimaw tumalsik na ito sa puno, at gulat na gulat na makita na ang reyna ay lumulutang at may kapangyarihang nanggagaling sa kaniyang mga kamay, na siyang nagging patunay na totoo lahat ng mga tinuran ng reyna sakaniya, ng nasa lupa na ang reyna kumaripas ng takbo si Santino papunta sakaniya at dali-dali itong niyakap dahil sa pangambang kaniyang naramdaman at takot na baka mawala sakaniya ang reyna.
Santino: Nagpapasalamat ako sa diyos at ligtas ka Prenseya bulong nito sa reyna.
Reyna Prenseya: Salamat sayo Santino, dahil kung hindi ka dumating, maaaring ako ay patay na ngayon dahil sa biglang pagsugod ng halimaw sakin. Salamat at ikaw ang aking kasama sa pagsubok na ito, santino, wika ng reyna.
Sa sandaling iyon, napagtanto ni Santino na hindi lang pagkakaibigan ang nararamdaman niya kay Reyna Prenseya, na sakabila ng pagkakaiba nila, alam niyang minamahal niya ito kaya umamin to sa reyna na higit pa sa isang kaibigan lamang, na ikinagulat ng reyna sa pagkat ang alam nito mas matatakot siya dahil sa kaniyang nakita bagkos dahil dito nalaman niyang mahal din pala siya ni Santino. Nagsimulang magtagpo ang kanilang mga labi sa isang matamis na halik at mahigpit na yakap, at doon nagsimula ang kanilang pag-ibig. Ngunit sa kabila ng kanilang kaligayahan, hindi parin mapigilan ni Santino ang kaniyang takot. Alam niyang si Prenseya ay isang diwagay, isang nilalang na hindi kailanman magiging sakaniya dahil sa kanilang pagkakaiba. Ngunit sa kabila ng lahat ng ito, hindi niya kayang pigilan ang kaniyang nararamdaman sakaniya, at hindi niya ito kayang mawala.
Pagkalipas ng ilang buwan sila ay namuhay ng tahimik at masaya na hindi nalalaman ng iba ang tunay na anyo ng reyna, siya parin ay patuloy na tumutlong palihim sa mga tao para solusyonan ang kanilang mga problema.
Isang araw ng yayain ni Reyna Prenseya si Santino na pumunta sa kagubatan at hanapin ang daan patungo sa kaniyang kaharian ng maipakilala si Santino sa kaniyang kaharian, ngunit sa hindi inaasahan sa gitna ng kagubatan, isang grupo ng mga halimaw ang sumalakay sa kanilang dalawa, na kita sa mga mata ng mga halimaw ang nais na makaganti sa nangyari sa kanilang kapwa halimaw na napatay ng reyna para masagip si Santino. Mabilis na tumakbo si reyna prenseya at santino, ngunit nakapagtataka kung bakit ang reyna lang ang kanilang inaatake, ng mapagtanto ng reyna prenseya na siya lang ang inaatake at sakaniya lang sila naghihiganti, nilagyan niya ng pansamantalang harang si Santino para hindi sumali sa kanilang laban at hindi siya mapahamak, habang inaatake ng mga halimaw ang reyna, ito parin ay patuloy na tumatakbo, at siya ay may naapakan na bato na siyang dahilan para siya ay madapa at malapitan ng mga halimaw, at napilitan ng lumaban at gumamit ng kapangyarihan. Ngunit sa gitna ng labanan, hindi inaasahang nasugatan ang Reyna ng malubha, na siyang dahilan para tuluyan ng mahuli ng mga halimaw at kitilin ang kaniyang buhay, sa kaniyang huling sandali, tinawag niya si Santino at may huling hiling ito.
“Santino, minahmahal kita ng higit pa sa anuman. Ngunit alam kong hindi ako nararapat para sa iyo. Mahalaga kang parte ng aking buhay, ngunit ang tadhana ay hindi tayo magkasama. Huwag kang mag-alala para sa akin. Mahal na mahal kita.”
Sa pangyayaring ito, hindi na kayang pigilan ni Santino and kaniyang lungkot at sakit na nararamdaman. Ang minamahal niyang diwagay na nagbigay ng mas makulay na buhay sakaniya ay binawian na ng buhay. Sa sobrang sakit at pagdadalamhati, hindi rin niya napigilan ang sarili at nagawa niyang sundan ang reyna prenseya sa kabilang buhay.
0 notes
Text
ANG MAGANDANG PAROL
"Isang papel itong ginawa ng lolo may pula, may asul, may buntot sa dulo; sa tuwing darating ang masayang Pasko ang parol na ito’y makikita ninyo.
Sa aming bintana doon nakasabit kung hipan ng hangi’y tatagi-tagilid, at parang tao ring bago na ang bihis at sinasalubong ang Paskong malamig.
Kung kami’y tutungo doon sa simbahan ang parol ang aming siyang tagatanglaw, at kung gabi namang malabo ang buwan sa tapat ng parol doon ang laruan.
Kung aking hudyatin tanang kalaguyo, mga kapwa bata ng pahat kong kuro, ang aming hudyatan ay mapaghuhulo: “Sa tapat ng lolo tayo maglalaro.”
Kaya nang mamatay ang lolo kong yaon, sa bawat paghihip ng amihang simoy, iyang nakasabit na naiwang parol nariyan ang diwa noong aming ingkong.
Nasa kanyang kulay ang magandang nasa, nasa kanyang ilaw ang dakilang diwa, parang sinasabi ng isang matanda: “Kung wala man ako’y tanglawan ang bata.”
MENSAHE:
Ang paksa ng tula ay patungkol sa isang lolo at pagmamahal niya sa sa apo niya na may pangarap maranasan ang kasiyahan ng pasko kasama siya. Ang tula ay tila isang paglalarawan ng halaga at kabuluhan ng parol sa buhay ng isang pamilya, partikular na sa pagsasalubong sa Pasko. Ang parol ay hindi lamang isang dekorasyon; ito rin ay nagiging simbolo ng pagkakaisa, pagmamahalan, at pag-alaala sa mga mahal sa buhay.
0 notes
Text
Mahigit dalawang taon na nung huli kong makita ang asul mong mga mata. Matinding pangungulila padin ang nararamdaman ko anak. Ikaw ang pinakamasakit na paglisan at pinakamahirap na paalam. Natutunan na muli ni mama na maging masaya pero umiiyak padin ako pag naaalala kita at binabalikan ang mga litrato natin. Hanggang sa muli nating pagkikita anak. Mahal na mahal kita.
022124
0 notes
Text
PROSA NG MULING PAG-IBIG.
nakakapanibago umibig uli, ano? nakakapagod kumilala ng panibagong papasok sa buhay mo, para kang naging tatlong taong gulang na batang sinusubukang isulat ang kaniyang ngalan gamit ang lapis na walang tasa’t pudpod ang bandang baba kung saan makikita ang pambura, napapagalitan pa ng mga magulang dahil mali ang isinulat, lagpas sa linyang asul at pula, o halos wala ng espasyo ang papel dahil sa pagkadikit-dikit ng mga salita. hindi ba ang hirap maging bata? ganoon din naman kapag tumanda ka kasi paulit-ulit kang magu-umpisa kapag may bago kang makikilala at lilisan na naman kasi ika nga nila, ganoon talaga. gaya lang din iyan ng buwan, darating kinagabihan, aalis kinaumagahan.
nagbago ang aking pananaw noong ika-diez ng mayo, araw ng miyerkules, dalawang libo't dalawampu't tatlo. ang dalawa kong kamay ay nagyakapan sa kaba nang nasilayan ko ang gilid ng labi mong ngumisi dahil sa kaingayang ibinibigay ko noong araw na 'yon. hindi ko alam kung ano ang nasa isip mo, naiingayan ka ba? nakukulitan ka ba? naririndi ka ba? ano? kasi miski ako nagugulumihanan sa iyong kinilos. bakit ang isang tulad mo ay ngingitian ako at ito naman ako, magpapanggap na akala mo walang nangyaring ganoon.
hindi mo ba alam? nakakakilig kaya.
at dahil sa 'yo, nagbago ang paniniwala ko sa pagmamahal. handa akong sumugal kung ikaw lang din ang nakataya. mahal kita, paraluman.
0 notes
Text
Hindi matatawaran ang ganda ng kalikasan kapag ito ay na sa harap mo na. Para sa mga kaybigan, pamilya, at kamag-anak na nagplaplanong mag travel, kulayan na ang drawing! Ang salapi ay babalik, ngunit ang panahon ay patuloy pa rin sa pagtakabo. Kaya naman, ramdamin natin ang kasiyahan kasama ang kalikasan. Gamutin natin ang mga sugat mula sa mapapait na kaganapan gamit ang luntiang paligid. Hindi lang problema ang marami sa Pilipinas, kundi tourist destination din! Kaya naman, mag impake ka na at mag travel kasama ang mga mahal sa buhay!
Welcome sa tahanan ng mga bayani, Bataan! Isa ang Bataan sa mga lugar sa Pilipinas na mayaman sa mga likas na yaman. Dito rin naganap ang katapangan ng mga sundalong Pilipino at Amerikano sa panahon ng mga Hapon, ang death march. At ang tourist destination natin para sa araw na ito ay ang Orani Bataan. Kilala ang Orani sa naggagandahang resort nito at mala-paraisong kabundukan. Isa sa mga tourist spot dito ay ang Orani view deck. Ang view deck ay na sa taas na bahagi ng kabundukan ng Orani. Mula rito, makikita ang malawak na kapatagan, ang karagatan, at ang Metro Manila.
Ano pa nga ba ang matatagpuan sa Orani view deck? Bago pa man makarating sa view deck, madadaanan na ang iba't ibang klase ng pagkaing batangas, kapihan, at Private resort. Mula sa paanan palamang ng bundok, makakakita na ng mga nagtitinda ng bulalo, gotong batangas, at kapeng barako. Isa sa mga sikat na kainan sa Orani view deck ay ang Tala view deck Food. Ito ay matatagpuan bago ang main entrance papaakyat ng Orani view deck.
Mapupuntahan ang orani view deck gamit ang pribado at pampublikong sasakyan. Kung ikaw ay galing sa norte at may sariling sasakyan, babaybayin mo ang bayan ng Dinalupihan at Hermosa. Pagdating sa bayan ng Orani, hihinto at liliko ka sa barangay ng tala at derederetso hanggang marating ang Orani view deck. Kapag ikaw naman ay nanggaling mula timog, babaybayin mo ang mga bayan ng Mariveles, Limay, Orion, Pilar, Balanga, Abucay, at Samal. Parehas ng proseso, kapag nakarating sa bayan ng Orani, hihinto at liliko sa barangay tala. Kung ikaw naman ay naka pampublikong sasakyan lamang, ikaw ay baba sa kanto ng barangay tala; maaari kang sumakay ng motorsiklo hanggang sa entrance ng Orani view deck at maglalakad papuntang tuktok neto.
Tunay na walang kapalit ang nararamdamang saya kapag dumadampi na sa atin ang hangin ng kalikakasan. Ang saya kumuha ng mga litrato kapag nakikita ang luntiang kabundukan at asul na karagatan. Ang paglalakabay ay isa sa mga magbibigay saiyo ng lakas upang bumalik at muling lumaban sa bawat hamon ng buhay. Sa bawat paglalakabay, nabubuo ang hindi inaasahan na samahan, nangyayari ang mga imposible, at nabubuo ang mga relasyong watak-watak. Kaya naman, tayo ay maglakbay at damhin ang saya ng buhay, sapagkat ang oras ay kailnaman hindi na muling babalik pa.
Ctto pictures
1 note
·
View note
Text
Novel #12
Our Suicide Pact
By serialsleeper on Wattpad (⭐⭐⭐⭐)
Favorite lines from the novel:
• “Ang pagiging gwapo ay wala sa panlabas na anyo Kundi nasa paglabas ko ng pinto.”
• “Halos wala ng katao-tao dito sa school pero di ako takot, kasama ko 'tong si Red kaya't sigurado akong pati multo magtatago sa kanya. Mukha palang pamatay na.”
• “Nyeta, umabante kayo please! Yung mga alaga ko sa tiyan nangingisay na!”
• “Anak ng asul na tupa baka mamatay ako sa sobrang bagot! Asan ba yung mga adik? Asan si mukhang pwet? Asan si mukhang aso? Asan si Patay? Asan si Manyakis?”
• “Thanks, girls. May pakinabang din pala ang pagkachismosa niyo.”
• “REDENTOR NA MUKHANG BENTILADOR!”
• “REDENTOR NA MUKHANG LABRADOR! BOOM!”
• “No one can escape our pact daw.... WHAT THE PACT?”
• “Sa iba loko 'yang si Red pero pagdating sa akin batas militar na yan.”
• “Hindi lahat ng ahas nasa gubat, yung iba nasa classroom mo lang.”
• “Whatdashit.”
• “Layuan mo ako! Allergic ako sa'yo!”
• “Kung hindi mo siya inahas, edi sana ako yung nabuntis ngayon. Kung hindi mo siya inahas sana hindi ko na-realize na hindi ko naman talaga siya mahal. Kaya Jane, thank you.”
• “Maling akala, tamang hinala.”
• “Walang ano-anoy agad na humiga si Peter sa sahig at nangisay na mistulang isang kwitis na sinilaban.”
• “Don't hug someone! He or she will stab you in the back. Literally!”
• “Paging Ms. Alexis Colleen Conception, Death is looking for you. Please come out and claim your Unlimited stab wounds.”
• “Nothing can break us because we are already broken.”
The photos used are not mine. Credits go to the rightful owners.
#wattpad#wattystories#watty#fyp#fyppage#book quotes#book recommendations#books#reading#ya novels#books and libraries#for you#murder#thriller#mystery#book review#book blog#book quotations#bookblr
1 note
·
View note
Text
Pagtapak sa Mindoro, Sasalubong sa iyo ang Paraiso
Habangbuhay nang nakamarka sa aking isipan ang bighaning taglay ng Oriental Mindoro. Tila hagikgik sa aking puso ang maglakbay sa mga lugar na nakapagbibigay ginhawa at pahinga papalayo sa reyalidad, ang maghahatid sa akin patungo sa walang kapantay na ngiti at kapayapaan kasangga ng kalikasan—pansamantala ngunit tumatatak na karanasan, kasama ang aking mga mahal sa buhay. Abril 27 2018, ginising ako ng aking ate bandang alas tres ng umaga. Ako'y labis na nasabik sa paraisong naghihintay sa akin.
ASUL NA DAGAT at SARIWANG HANGIN, KAAKIBAT NG MANGHA SA PUTING BUHANGIN
Bakit nga ba dapat mong tuklasin ang sulit na alok ng isla? (Kasaysayan)
Tinaguriang “One of the Most Beautiful Bays,” bitbit na ng Oriental Mindoro ang pagkakakilanlan sa kanilang probinsya sa pagkakaroon ng lugar ng magkabilaang mga tourist spots, at matatagpuan dito ang isla at munisipalidad ng Puerto Galera. Madalas binibisita ng mga lokal at dayuhang turista ang Puerto Galera, at sapagkat isa itong sikat na destinasyon sa tuwing sasapit ang tag-init (summer/dry season) ay dumayo na rin kami dahil sa kasaganaan ng mga aktibidad sa tubig.
Ang Puerto Galera ay nagsilbing daungan ng kalakalan at ligtas na kanlungan laban sa madalas na mga bagyo sa Pilipinas bago ang kolonyal na panahon. Nang dumating ang mga Kastila at nanirahan sa baybayin, pinangalanan nila itong “Port of Galleons” sa Espanyol. Kinilala ng UNESCO ang Puerto Galera bilang “Man at Biosphere Reserve” sa taong 1973, kaya mula noon ay napanatili ang katayuan nito sa pagiging patok o pagtangkilik ng marami sa paglalakbay. Ang bayan ay mayroong humigit-kumulang 42 kilometro na baybayin na maipagmamalaking taglay ang diverse ecosystem, kaya walang duda rin na ito ay itatanghal ko bilang isa sa mga pinakasikat at pinakamahusay na mga destinasyon napuntahan ko sa mundo.
Paano nga ba ang patungo sa Puerto Galera, Oriental Mindoro? (Heograpiya)
Ang silangang hati ng Mindoro ay matatagpuan sa lalawigan ng Pilipinas sa rehiyong MIMAROPA sa Luzon. Inabot ang aking paglalakbay kasama ang aking pamilya ng humigit-kumulang tatlo hanggang apat na oras na byahe sa lupa at dagat mula sa Maynila. Sinundan namin ang karaniwang jump-off point sa Port of Batangas na nag-uugnay sa mga pampasaherong daungan ng bayan (Muelle at Balatero) sa mainland Luzon. Nakakuha kami ng tiket at terminal fee para sa kabuuang 500php isa. Ang pagsakay sa bangka ay kaaya-aya sa unang kalahati ng byahe habang naglalayag kami, ngunit buti na lang ay hindi ako kumain kaagad bago sumakay sa bangka sapagkat nakaranas kami ng matagtag at nakahihilong pagdako sa mayayabong na baybayin ng Muelle dahil kung nagkataon ay matutulad ako sa aking nakatatandang kapatid na hindi maganda ang naging pakiramdam. Iba pa rin talaga kung sanay ka na sa dagat at sa kulot na mga alon nito.
Saan maaring manatili habang nagbabakasyon (Akomodasyon)
Ang bayan mismo ay hindi na estranghero sa mga turista kaya agad kami nakahanap ng maraming abot-kayang lodging sa paligid ng bayan. Malayo sa siyudad at ingay, kami ay nagtungo sa Aninuan Beach (Ara Beach Resort) upang doon mapalagi kung saan matatagpuan sa tabi lamang ng White Beach. Pumabor ako na maparito dahil mas maamo at tahimik, talagang maaliw ka nang walang istorbo at damang-dama ko ang kaalwanan habang nilalanghap ang simoy ng hangin kung saan saglit kong nakalimutan ang aking mga problema.
Dito ko naranasan ang tunay na saya. (pagkain, mga gawain, pasalubong at kultura)
Ang magkakaibang likas na atraksyon ng Puerto Galera ay ang nagbibigay rason na maging isa ito sa nangungunang destinasyon ng turista sa Pilipinas. Ang munisipalidad ay biniyayaan ng malinis na mga cove, tila pulbos na puting buhangin ng dalampasigan, talon, mga bundok, at mayamang marine biodiversity. Nagsimula kami sa Island Hopping, kung saan natuklasan o napuntahan ko ang Haligi Beach, Bayanan Beach, Sandbar at Coral Garden. Naranasan ko rin ang mga kilalang aktibidad tulad ng pagsakay sa jetski, kayaking, at marami pa! Nagbigay talaga siya sa akin ng oras upang tunay na makapagpahinga at masiyahan sa aking oras kasama ang aking pamilya.
Maliban sa Beach Bumming at Cove and Island Hopping, pati ang pagbisita sa mga waterfalls, ayon sa mga naninirahan dito, ang isla raw ay mayroong angking mahika pagdating sa mga isda, kaya naman naging interesado at na-enganyo kaming mag-snorkeling. Sa aking edad na hindi pa masyadong gamay ang dagat at kahit na hindi ako magaling lumangoy ay sinubukan ko pa rin tumuloy sa pagsisid. Totoo nga na “out of this world” ang nasaksihan ng aking mga mata. Nagpakain din kami ng mga lamang dagat sa paraang pinutol-putol namin ang mga tinapay kaya talaga namang talagang nasilayan ko ang iba’t ibang uri ng isda.
Masarap nga ba ang pagkain sa Puero Galera, Mindoro?
Napakayaman sa lamang dagat ng Puerto Galera, kaya naman hindi ko na maitatago ang sarap at gulat sa mga panibagong lasang aking natuklasan sa kanilang mga pagkain. Dumayo pa kami sa mga bayan at sumakay sa traysikel. Maraming matatagpuan na kainan sa paligid ng isla, medyo mayroong kamahalan nga lamang ang mga restaurant dahil nag-aalok sila ng tila-five star o sosyal na hapagkainan para sa mga manlalakbay, ngunit tiyak naman na nabusog ang aming kalamnan. Pagkatapos namin maglibot ay nagpunta kami sa mga maliliit na karinderya kung saan patok ang mga inihaw na isdang maliliit. Ang ngiting aking nakamtan sa pagkain ng lugar na ito ay hindi na mapapantayan pa.
Sa iyong pagbisita, ano-ano pa ang mga maari mong gawin sa pagtuklas ng kanilang kultura?
Ang taglay na dalampasigang pambansa ay ang pupukaw sa iyong atensyon kung saan hanggang dulo ng hangganan ay hindi mo ito makakalimutan. Kung ikaw ay tulad kong ganado sa tuwing makatutuklas ng ibang kultra, dapat kang pumunta sa nayon ng Irawan Mangyan sa Talipanan–sa paanan ng Mt. Malasimbo. Bago kami talaga nakarating sa Talipanan Falls, dumaan kami sa Mangyan Village. Sa kabila ng pagod at init, ang isang maliit na sibilisadong komunidad ng mga Mangyan sa bayan ang bumungad at nagpaligalig sa aking pakiramdam. Ika nga, "It's More Fun In The Philippines!" Sinalubong ako ng mga Mangyan at kanilang sariling mga materyales na ginagamit nila para sa mga produktong habi sa bundok. Sa saglit na pagkakataong iyon ay umapoy ang aking pagiging Pinoy, dahil taas noo akong nabighani sa sariling atin.
Sa pag-uwi, bitbit ko ang mga ala-ala.
Sa malaya at magaan kong karanasan, dala-dala ko ang ilang mga gamit na ibibigay ko sa aking mga kaibigan. Simbolo at tanda ito ng aking paglalakbay.
Sa muling pagkakaroon ng aking sarili ng rason upang magpatuloy sa kabila ng kalungkutan o problema, ang munting mga paglalakbay ang nagpapaalala sa akin na napakaraming biyaya ng kalikasan—na sana huwag kong malimutan ang liwanag na taglay ng pagiging buhay.
Hanggang sa muli.
(Sanggunian:)
1 note
·
View note
Photo
Today I married the most amazing person I have ever known for the second time. Could I be any luckier? Our ceremony in Japan was a bit more formal and a way for us to celebrate with our friends and family that couldn't be with us in the US the first time. I cried a lot, kissed my husband even more and didn't quit smilin' for a single second. Now we're gonna dance and party until the sun comes up. Thank you to all the unbelievable people in our lives for being with us and showing so much love. To my husband, my heart and soul @kanisuru - you're my whole world. My inspiration, my best friend, my solid ground, my fire, my sun, my moon. You make my heart race and bring me happiness I never knew possible. I love you more than words. I love you, I love you.
2 notes
·
View notes
Text
Bored Ako at wa ko naka practice sa ahong bisaya(?) di ako kaybao og Bisaya jud ni ang mangga solte naho pero okay ra man..
Ng lakaw ko today; sa mall. Pero side note: wa koy kaybao(? Ano ba ang spelling sa kaybao..in my defense wa man ko gi raise sa pinas ok😞. At wa ko gi tudlo sa reading & writing sa Tagalog or Bisaya. Sometimes mg solte ko sa waray & I didnt even know it. Naka inggon ko og Bisaya ra man ng solte ako pero apparently not.)
Anyway..ng adto ko sa mall at ng palit ko og isang libro. Ang title sa libro ay “The Worst-Case Scenario Survival Handbook” inggon og “expert advice for extreme situations”. Kainggon ko that ang libro nito ay para awkward social interactions pero dili man. Ng palit pud ko og sapatos. Ng colour sa sapatos ay asul. (I really hope that means blue 💀) Pero arang ka mahal jud..hapit na $90. Inggon ang ahong nanay na “okay raman kay dili jud kanunay mg palit siga.” Ambut..
Ang Final item na palit naho ay lip balm; ang lipbalm ay “Burt’s bees sweet mandarin” moisturizing lip balm. Gtg
#Bisaya practice#I think..#non tickle#There’s some English in there#because I don’t know what most words are in bisaya or tagalog okay..
2 notes
·
View notes
Text
memorya
Madaling-araw.
Magigising sa pagkalakas-lakas na alarm clock.
Pipindutin ang “snooze”.
Babalik sa tulog na mahimbing.
Umaaalingawngaw na naman ang ringtone.
Babangon.
Magsesepilyo.
Mag-iinit ng tubig para sa kape.
Magsasaing. Magluluto.
Ang lamig.
Inaantok.
Bubuksan ang telebisyon.
Kakain.
Bibisitahin ang fb notifications. Magbabasa ng posts sa newsfeed saglit.
Makikipagpatintero sa umaagos na lamig ng tubig.
Maliligo.
Magbibihis.
Maghahanda ng gamit.
Magsusuklay. Magpapabango.
Ibubulsa ang cellphone. Ikakabit ang earphones.
Maglalakad papuntang terminal.
Medyo lumiliwanag na.
Alas-sais.
Ang haba ng pila.
Aabot pa kaya ako on time?
Papakinggan ang paboritong kanta habang sumasabay sa tempo ng awitin ang halo-halong amoy ng mga bagong-ligong mga pasaherong nakapila habang patungo sa dulo ng pila. May amoy-Palmolive pink, Axe chocolate, Downy fabcon, pabangong Bench na pink, at mayroon din namang papunta pa lang, amoy pauwi na.
Bawal sumingit. Lahat tayo pantay-pantay na kailangang maghintay.
Habaan lang ang pasensya, mabilis namang umandar ang pila.
Nagmamasid-masid sa paligid. May sales lady sa harap na napakataas ng takong at naka-itim na stockings. May lalaking naka-dilaw na polo at may tiger sa lanyard ng kanyang ID. May babaeng matanda na may dala-dalang basket. May lalaking naka-puting t-shirt, khaki na pantalon, at naka-backpack ng itim. May batang karga-karga ng nanay habang may tinatawag sa telepono.
Malapit na sa sasakyang jeep. Naghahalo na ang amoy ng mga bagong-ligo at usok ng jeep ni Manong na nagpapainit ng makina para makundisyon na sa muling pagpasada ng panglimang biyahe para sa araw.
“Hindi e, dalawang milyon? Wala ako noon, paano ako makakasabay e pinapa-boundary lang sa akin ‘to ng biyenan ko. Baka hindi na ako makapasada ‘pag natuloy na ‘yang phase-out na ‘yan,” inda ng isang driver na nakasuot ng asul na polo shirt. May “PASANG MASDA” na imprenta sa likod.
“Oo nga p’re. Hirap talaga ng pera ngayon. Nga pala, graduation na nga ng inaanak mo, sa Marso. Magtatapos na sa Sinyor Hayskul si Jellimae! Konting ipon pa, mabibilihan ko na siya ng laptop. Magkokolehiyo na baga kasi?,” tugon naman ng isang lalaking puro uban na ang buhok, pero kung tumindig ay parang nasa kwarenta’y singko anyos pa lang. Pinagpag niya ang pulbos ng chalk sa t-shirt niyang puti na may nakasulat na “Boy Garcia, iboto para kagawad!” matapos magsulat ng parang tally record sa luma nilang blackboard.
“Buti ka nga, may pera kahit papaano. Ako, sa pamamasada lang talaga nabubuhay. Ang asawa ko pa, may pulmonia. Kung hindi lang talaga dahil sa biyenan ko, baka todong hikahos na kami ngayon,” naglakad papuntang labas ng istasyon ang lalaking naka-puti at tsaka bumalik muli.
“Ako na yata ang sunod, sabihan mo na lang si Nestor kung hindi pa makabalik. May limang daan pa akong utak doon e,” paalam ng lalaki sa kausap kanina.
Nakakalungkot naman kung ang kahulugan ng modernisasyon ay panganib sa kabuhayan ng iba. Paano makakapag-kolehiyo si Jellimae? Paano mapapagaling ang asawa ni Manong na may pulmonia? Paano na ang kalagayan ng libo-libong drayber sa bansa?
Inabot ko na ang bayad ko.
Sumampa sa jeep. Ayos. Dito ako sa pinakadulo. Madaling makababa.
Nagtingin ng FB newsfeed. Nagbasa sa twitter. Pinagmasdan ang daang araw-araw na binabaybay. Papasok kaya si Ma’am mamaya?
“NCOV? Uy Teng, basahin mo oh. Nabasa mo na ba ‘to? May virus daw oh. Unti-unti nang kumakalat,” naulinigan mo sa kaharap mo habang kinukulit ang katabing tila inaantok pa.
“Ah, oo. Nabalitaan ko na ‘yan. Nung nakaraang buwan, Taal. Ngayon naman, Corona Virus. Grabe ka na 2020,” ani ng kausap niya. Tila wala pa sa sarili habang inaayos ang porma ng buhok na ubod ng gel.
Binuksan ang spotify at nakinig sa playlist niya. Kumusta na kaya siya? Nakalimutan ko pala siyang batiin ng good morning.
Idlip.
Dilat para malaman kung nasaan na.
Idlip ulit.
Dilat.
Pikit.
Nandito na pala ako. Pinindot ang pause button. Bumaba.
Lakad kaunti. Ang daming nakapila sa labas ng mall na ito para kumuha ng NBI clearance. Medyo umiinit na. Pero malamig pa rin ang simoy ng hangin. Naglipana ang mga papasok sa trabaho, papasok sa eskuwelahan, nagbebenta ng candy, nagyoyosi sa labas ng restobar, at mga call center agents na hapong-hapo ang mga mata.
Buti na lang walang pila dito sa bus.
“Kuya, dadaan ng Philcoa ‘to?,” tanong ko sa konduktor. Kahit alam ko namang lahat ng bus doon ay dadaan sa Philcoa, nagtatanong pa rin ako. Para sigurado. Mahirap na baka papuntang La Union pala ang bus doon kahit puro pa-NCR lang naman ang ruta nila. O baka P2P pala ang bus na masakyan. Mahirap na baka imbis na Technohub lang ang destinasyon ko, dumiretso ako papuntang Cubao.
“Oo,” matipid na sagot ng konduktor. Umakyat na ako. Doon sa pangatlong row, kanan, katabi ng bintana.
“Umagang kay ganda muli, mga kapamilya! Maganda rin ba ang umaga ninyo?...,” hindi pa rin pala tumatanda si Tiyang Amy. Naalala ko tuloy bago ako pumasok noong grade 5, pinapanood ko muna ang Face-To-Face niya. Ang bilis lang pala ng panahon.
Traffic. Dumampi sa aking braso ang init mula sa sikat ng araw. Naglalaban ang sikat ng araw at lamig ng aircon. Inikot bilog sa bugahan ng aircon at tinapat sa kaharap.
Makaidlip nga ulit. Teka, nakalimutan ko pala i-check ang e-mail ko. May handout palang dapat basahin para sa klase sa Philo mamaya.
Nag-pop-up bigla ang chathead niya.
“Good morning din! Sorry kagabi ha? Parating na sa work. Ingat ka UwU.”
Nag-send na lang ako ng pink na bear na sticker na may nakasulat na “Good Luck”. Ang dami ko nang isipin, dumadagdag pa tuwing gabi kung mahal niya ba talaga ako. Kagagaling lang naming sa away kagabi, ewan. Okay na yata kami ngayon. Kailangan ko na bang sanayin na lang ang sarili sa ganito?
Sinuot ang earphones. Tinuloy ang pakikinig sa playlist niya sa akin.
Traffic sa Commonwealth, as usual. Visible na ang progreso sa mga poste ng ginagawang MRT-7. Sakto, magagamit na ‘to next year.
Unti-unti ko nang nakikita ang pagdami ng pasahero. Pati ang daanan sa gitna pinupunan na rin. Siksikan na naman. Pahirapan kay Manong konduktor maningil. Pero halatang sanay na siya sa ganitong diskarte. Makaidlip nga muna ulit.
“Technohub! Technohub! Mga bababa sa Technohub!,” anunsyo ng konduktor.
Hinawi ko na paharap ang tote bag ko, tinanggal ang earphones, tumayo, at mabilis na nakipagsiksikan palabas. Jusko, hanggang pati sa hagdan paakyat ng bus lagi talagang okupado pa rin. Hirap talagang makipagsapalaran sa isang third world country.
Umakyat ako sa overpass. Ang daming call center agents na nakakasalubong.
Bumaba.
Pumasok sa gate na dinadayo lamang ng kakaunting tao.
Nasa school na ako.
Naglakad nang kaunti.
Sumakay sa jeep.
7:00 pa lang, may 15 minutes pa. Hindi pa ako late. Yes.
Bumaba.
Naglakad nang medyo mas mahaba sa kaunting nilakad kanina.
Umakyat sa entrada ng building.
Pumasok.
Umakyat ulit.
Kumanan.
Andiyan na pala si Sir. Kahit kalian talaga mga prof dito, parang never na-late?
Nagstart na ang lecture. Inaantok ako.
…
Nagklase.
Nagklase na naman.
Nagklase maghapon.
Ang bagal ng oras pero ang bilis tuwing lumilipat ka ng building para sa mga susunod na klase.
Nagklase.
Nakinig.
Nagsulat.
Nag-recite.
Nag-report.
Nagklase.
…
Uwian na.
Nag-commute pauwi gaya nang nakagawian.
Tinamad nang magdetalye pa dahil pagod na pagod na at wala na ang energy para magkuwento nang detalyado gaya kanina.
Nakatulog sa biyahe.
Dumidilim na. Padilim nang padilim. Palalim nang palalim ang tulog. Pahina nang pahina ang naririnig. Pawala nang pawala ang yugyog na dala ng jeep sa mga pasahero nito.
Napalitan ng kundiman ang tunog ng barurot ng jeep. Napalitan ng ugong ng aircon ang lamig ng gabi. Napalitan ng kalambutan ang tigas ng upuang sinasandalan. Ang sakit ng likod ko. Anong nangyayari?
“Anaaak!”
“Huy ate, kakain na!”
“May hinihintay daw ‘yang announcement kagabi sa e-mail e.”
Dumilat. Nagising. Hinabol ang hininga. Bumaba sa dining room.
“Good morning, mama.”
Natulala ako.
Magandang umaga na lang.
Putang Ina?!
Isang taon na pala ‘yon???
“memorya” – thebenzene
3 notes
·
View notes
Text
Maaari mo bang maging magulang
Ang taong kaedad mo lamang?
Nagaalaga
kapag wala ang lahat
At tulad ng blusang suot mo,
ikaw ang Sol at ang Luna ko
Sol, dahil ipinapakita mo sakin
kung gaano kaganda ang mabuhay
sa ilalim ng asul na langit,
at berdeng mga dahon ng buhay
Luna, dahil sa t'wing nasasadlak ako sa dilim
ikaw ang nagsisilbing liwanag
Paumanhin sa mga pangungulila
Sa t'wing ikaw ang nangangailangan
Sana'y malaman na mahal kitang tunay
Kung nakikita mo lang sana
kung gaano ka kahalaga sa mata ko
Maaaring hindi ko parati naipapadama
O hindi sa paraang nais mo
Isa ka sa dahilan kung bakit lumalaban ako
sa mga demonyong hindi lang nasa damit ko,
kundi ay gayun ding nasa utak ko
Na kung dumating ang isang araw
Ako ay mabigo
Nais kong malaman mo
Kung gaano ako nagpapasalamat
na naging parte ka ng aking aklat
1 note
·
View note
Text
Mahal ko ang dagat.
Hindi ako katulad ng mga taong hindi pa sumusubok lumangoy ay umaayaw na.
Hindi katulad ng mga takot sa lamig.
Hindi rin ako katulad noong mga sumubok ngunit hanggang sa mababaw lamang;
Matapang sila kumpara sa mga hindi sumubok pero duwag pa rin sila dahil mabilis silang sumuko.
Hindi ako yaong tatalikuran ang kagustuhan kong lumangoy dahil lamang nakikita ko ang lawak ng karagatan, ang layo ng aking lalanguyin, o ang lalim nito.
At lalong hindi ako katulad ng iyong nakaraan,
Na sumubok sumisid ngunit noong nasa kalagitnaan ng laot ay bigla nalang naduwag.
Yaong piniling lisanin ang dagat at lumipat na lamang sa ilog—sa mas mababaw.
Kaya huwag mo sana akong itaboy,
Marunong akong lumangoy.
Handa akong manatili sa iyong pagkalma at maging sa lakas ng iyong mga alon.
Handa ako sa pagbabago iyong mga kulay mula sa kahel na sanhi ng palubog na araw hanggang sa madilim na asul dulot ng nagbabadyang bagyo.
Handa akong sisirin ang lalim iyong pagkatao.
At kung mapagod man ang aking mga kamay at paa sa paglangoy,
'Wag kang mag-alala,
Magpapahinga lamang ako, hindi uso sa akin ang sumuko.
Kaya 'wag mo sana akong itaboy,
Hindi ako katulad ng mga nauna.
Kung ang pagsisid sa malalim mong pagkatao ang magtuturo sa akin ng tamang paraan ng pag-ibig sa iyo,
Sinta, handa akong malunod.
—Aikah Lilang
1 note
·
View note
Text
SI PINKAW (Maikling kwentong Hiligaynon) ni: Isabelo S. Sobrevega
Naalimpungatan ako sa pag-idlip nang hapong iyon dahil sa napakaingay na sigawan at tawanan ng mga bata sa lansangan. Napilitan akong bumangon, nagpahid ng pawis at dumungaw sa bintana. Si Pinkaw pala na sinusundan ng mga bata. May karga-kargang kung ano at pasayaw-sayaw na naglalakad. Gula-gulanit ang kanyang damit na ilang ulit nang tinagpian, at ang isang paa’y may medyas na marahil ay asul o berde. Hindi ko matiyak dahil malayu-layo na rin ang kanyang kinaroroonan. Sa kabilang binti, may nakataling pulang papel na may nakakabit na lata ng gatas sa dulo. Sa kanyang ulo, may nakapatong na palarang kumikinang tuwing tinatamaan ng araw. “Hoy, Pinkaw,” sigaw ng isang batang nakasandong abot tuhod at may itinatawing-tawing na daga, “kumanta ka nag ng blak is blak.” “Sige na, Pinkaw,” udyok ng iba pang mga bata. “Ayoko nga, nahihiya ako,” pakiyemeng sagot ng babae sabay subo sa daliri. “Kung ayaw mo, aagawin naming ang anak mo!” nakangising sabat ng pinakamalaki sa lahat. Mahaba ang buhok at nakakorto llamang. At umambang aagawin an gang karga ni Pinkaw. Umatras ang babae at hinigpitan pa ang yapos sa kanyang karga. Nagsigawan ang mga bata habang pasayaw-sayaw na pinalilibutan si Pinkaw. “Sige, agawin natin ang kanyang anak,” sabi nila sabay halakhak. Maya-maya’y nakita kong sumalampak si Pinkaw at nag-iiyak na tumadyak-tadyak sa lupa. “Huwag ni’yo namang kunin ang anak ko. Isusumbong ko kayo sa mayor.” Patuloy pa rin ang panunudyo ng mga bata sa babae. Lalong lumakas ang hagulgol ni Pinkaw. bata! Naawa ako sa babae at nainis sa mga bata. Kaya’t sinigawan ko sila upang takutin. “Hoy, mga bata! Mga salbahe kayo. Tigilan n’yo iyang panunukso sa kanya.” Marahil natakot sa lakas ng pagsigaw ko ang mga bata kaya’t isa-isang nag-alisan. Nang wala na ang mga bata, tumingala sa akin si Pinkaw at nagsabing: “Meyor, kukunin nila ang aking anak.” Hindi ko napigilan ang pagngiti. May koronel, may sardyen, may senador siyang tawag sa akin at ngayon nama’y mayor. “O sige, hindi na nila kukunin iyan. Huwag ka nang umiyak.” Nginitian niya ako. Inihele ang karga. Nahulog ang basahang nakabalot doon at nakita kong lata pala iyon ng biskwit. Dali-dali niyang pinulot iyon at muling ibinalot sa lata. “Hele-hele, tulog muna, wala rito ang iyong nanay...” ang kanyang kanta habang ipinaghehehe at siya’y patiyad na sumasayaw-sayaw. Natigilan ako. Lumala na ang pagkaloka ni Pinkaw. Nakakaawa naman. At naalala ko ang Pinkaw na dating kapitbahay naming sa tambakan, nang hindi pa iyon nababaliw.
Paghahalukay ng basura ang kanyang hanapbuhay (narito sa amin ang tambakan ng basura ng siyudad); ditto siya nakakuha ng makakain, magagamit o maipagbibili. Dati-rati, madalas siyang kumakanta. Hindi kagandahan ang kanyang patagulaylay na pagkanta. Habang tumutulak sa karitong may tatlong gulong, pababa sa lubak-lubak at maputik na lansangan, sinusundan siya ng mga asong kumakahol. Isang bagay lamang ang mapupuna mo sa kanya—lagi siyang kumakanta. Hindi naman maganda ang kanyang boses—Basag nga at boses lalaki. Subalit may kung anong kapangyarihang bumabalani sa pandinig. Marahil dahil ito sa malungkot na tono ng kanyang awit o marahil sa iyong pagtataka kung bakit ganoon siya kasaya gayong naghahalukay lamang siya ng basura. Kadalasan, oras na ng pananghalian kung siya’y umuwi mula sa tambakan. Ang kariton niya’y puno ng mga karton, papel, bote , basahan, sirang sapatos; at sa bag na buri na nakasukbit sa gilid ng kariton, makikita mo ang kanyang pananghalian. Mga tira-tirang sardinas, karne norte o kaya’y pork-en-bins, pan de sal na kadalasa’y nakagatan na, at kung minsang sinuwerte, may buto ng prayd tsiken na may lamang nakadikit. Sa kanyang payat na katawan, masasabing tunay na mabigat ang kanyang itinutulak, ngunit magugulat ka, tila nagagaanan siya at madalas pang kumakanta ng kundimang bisaya. Pagdating niya sa harap ng kanyang barungbarong, agad niyang tatawagin ang mga anak: “Poray, Basing, Takoy, nanadito na ako.” At ang mga ito’y kaagad magtatakbuhang magkasalubong sa kanya habang hindi magkaringgan sa pagtatanong kung may uwi siyang jeans na istretsibol; ano ang kanilang pananghalian, nakabili raw ba siya ng bitsukoy? Dalawang taon kaming magkapitbahay ngunit hindi ko man lang nabatid ang tunay niyang pangalan. “Pinkaw” ang tawag ng lahat sa kanya.
Ayon sa kanya, balo na raw siya. Namatay ang kanyang asawa sa sakit na epilepsy habang dinadala niya sa kanyang sinapupunan ang bunsong anak. Subalit sinusumpa ni Pisyang sugarol sa kanyang paborit ong santo na hindi raw kailanman nakasal si Pinkaw. Iba-iba raw ang mga ama ng kanyang tatlong anak. Ang kanyang panganay na si Poray, ay labis na mataas para sa kanyang gulang na labintatlong taon at napakapayat. Tuwing makikita mo itong nakasuot ng istretsibol na dala ng ina mula sa tambakan, agad mong maaalala ang mga panakot-uwak sa maisan. Si Basing ang pangalawa, sungi na ngunit napakahilig pumangos ng tubo gayong umaagos lamang ang katas nito sa biyak ng kanyang labi. Ang bunso na marahil ay mga tatlong taon pa lamang ay maputi at gwapong-gwapo. Ibang-iba siya sa kanyang mga kapatid kaya minsa’y maiisip mo na totoo nga ang sinasabi ni Pisyang sugarol. Pagkatapos mananghalian, aalisin na ni Pinkaw ang laman ng kariton, ihihiwalay ang mga lata, ang mga bote, ang mga karton, at iba pang bagay na napupulot sa tambakan katulong ang kanyang mga anak, at ang suungi ang siyang pinakamalakas na tinig. Pagkatapos, itutulak na niya ang kariton patungo sa Intsik na tagabili. Mahal na mahal ni Pinkaw ang kanyang mga anak. Sa tambakan, karaniwang makikita mo na sinasaktan ng mga ina ang kanilang mga anak, ngunit hindi mo man lang makikita si Pinkaw na inaambaan ang kanyang mga anak. “Ang mga bata,” nasabi niya minsang bumibili ng tuyo sa tindahan at nakitang pinapalo ng isang ina ang maliit na anak na nahuling tumitingin sa malalaswang larawan. “Hindi kailangang paluin; sapat nang sabihan sila nang malumanay. Iba ang batang nakikinig sa magulang dahil sa paggalang at pagmamahal. Ang bata kung saktan, susunod siya sa iyo subalit magrerebelde at magkikimkim ng sama ng loob.” Sa tunggalian ng kabuhayan sa tambakan, kung saan ang tao ay handang tumapak sa ilong ng kapwa-tao upang mabuhay, nakapagtataka ang katangian ni Pinkaw. lubha siyang matulungin, lalo na sa katulad niyang naghahalukay lamang ng basura. Madalas siyang tumutulong sa pagtutulak ng kariton ng iba, lalo na ng matatanda at bata. Sinasabi rin na sa pagsisimba niya tuwing linggo’y hindi kukulangin sa beinte sentimos ang ipinamamahagi niya sa pulubi. Batid ng lahat sa tambakan ang mga ito.
Minsan, nagkasakit ng El Tor ang sunging anak ni Pinkaw. Nagtungo siya sa suking Intsik. Nakiusap na pautangin siya. Magpapahiram naman daw ang Intsik ngunit sa isang kundisyon. Bukambibig na ang pagkahayok sa babae ng Intsik na ito, kaya pinagdugtong-dugtong ng mga taga-tambakan kung ano ang kundisyong iyon, sapagkat wala naman talagang nakasaksi sa pag-uusap ng dalawa. Batid na ng lahat ang sumunod na nangyari. Ang pagkabasag ng kawali na inihambalos ni Pinkaw sa ulo ng Intsik. Hindi rin nadala ni Pinkaw sa doctor ang kanyang anak. Pag-uwi niya, naglaga siya ng dahon ng bayabas at ipinainom sa anak. Iyon lamang ang nagpagaling sa bata. “Nagpapatunay pa rin na may awa ang Diyos. Kung ninais niyang mamatay ang aking anak, sanay namatay na. Ngunit dahil nais pa niyang mabuhay ito, nabuhay na kahit hindi naipaduktor,” sabi ni Pinkaw nang magpunta siya sa tindahan bago pa man gumaling ang kanyang anak. Minsan, napag-usapan ng mga nagtitipon sa tindahan ang tungkol sa bigas, relip, at iba pang bagay na ipinamimigay ng ahensya ng pamahalaan na nangangalaga sa mahirap. Subalit si Pinkaw na nagkataong naroroon, “Bakit iaasa ko sa pamahalaan ang aking pamumuhay? Malakas at masigla pa naman ako sa pagtutulak ng aking kariton upang maging palamunin. Marami pang iba riyan na nararapat bigyan ng tulong. Ang hirap lang sa ating gobyerno, kung sino ang higit na nangangailangan ay siyang hindi tinutulungan. Ngunit ang ibang tao riyan na mabuti naman ang kalagayan sa buhay ang siyang nagkakamal ng tulong. Kalokohan...” Iyan si Pinkaw. kontento na siya sa kanyang maaabot sa buhay. Naganap ang susunod na pangyayari ng wala ako sa amin sapagkat nasa bahay ako ng kapatid kong maysakit. Isinalaysay na lamang ito ng aking mga kapitbahay pagbalik ko, at matinding galit ang aking nadama sa kanila. Isang araw pala, matapos mananghalian ang mag-anak, bigla na lamang namilipit sa sakit ngtiyan ang mga bata. Marahil, sardinas o anumang panis na pagkain ang naging sanhi nito. Natuliro si Pinkaw. Nagsisigaw.
Tumakbo sa mga kapitbahay upang humingi ng tulong. Ngunit wala silang maitulong maliban sa pagsasabihan siyang dalhin ang anak sa ospital. Walang nagdaraang sasakyan sa kalyehon kaya sa kariton isinakay ni Pinkaw ang mga anak. Nagtungo siya sa bahay ng doctor na malapit lamang, ngunit wala ang duktor sapagkat naglalaro raw ito ng golf, ayon sa katulong. Kaya natatarantang itinulak ni Pinkaw ang kanyang kariton sa isa ppang duktor. Matagal siyang tumimbre sa trangkahan ngunit walang nagbukas gayong nakita niyang may sumisilip-silip sa bintana. Litong-lito, itinulak na naman ni Pinkaw ang kanyang kariton papuntang bayan. Halos din a makakilos sa pangangapos ng hininga, bukod pa sa lubhang kalungkutan sa pagiging maramot ng kapalaran. Ipinagpatuloy niya ang pagtulak ng kariton. Nang makarating siya sa punong kalsada, maraming sasakyan siyang pinapahinto upang isakay ang maysakit na mga anak, ngunit wala ni isa man lang ang tumigil. Maya-maya’y napansing hindi na kumikilos ang kanyang panganay. Sinalat niya ito at parang sinakluban siya ng langit nang mabatid niyang ito’y hindi na humihinga. Humahagulgol niyang ipinagpatuloy ang pagtulak ng kariton upang sikaping mailigtas ang buhay ng dalawa pa niyang anak. Maraming tao ang nagmamasid lamang sa kanya ngunit nakapagtataka kung bakit wala man lang kahit isa ang lumapit sa kanya upang tumulong. Tumatalbog-talbog ang katawan ng kanyang mga anak sa kariton tuwing dumaraan ito sa lubak-lubak na kalsada. Pakiramdam niya’y isang daang taon na lumipas bago niya narating ang ospital ng pamahalaan. Matapos ang pagtuturuan ng mga duktor at nars, na ang binibigyang pansin lamang ay ang mga pasyenteng mukhang mayaman, nalapatan din ng gamut ang dalawang anak ni Pinkaw.
Kinagabiha’y namatay si Basing, ang sungi. Dalawang araw pa ang lumipas at sumusunod namang namatay ang bunso. Nakarinig na naman ako ng mga ingay. Muli akong dumungaw. Bumalik si Pinkaw, sinusundan na naman ng mga pilyong bata.
“Hele-hele, tulog muna. Wala rito ang iyong nanay...” ang kanta niya habang ipinaghehele sa kanyang mga bisig ang binihisang lata.
3 notes
·
View notes
Photo
Tradisyon:
Ang mga tradisyon ng burial sa Mindanao ay isang showcase ng mayaman na kultura sa kamatayan sa buhay, ang mga tradisyon ng libing ng mga tao at kultura ng Mindanao ay isang pagpapakita ng kayamanan at pagkakaiba-iba ng paraan ng pamumuhay ng isla. Mula sa luntiang luntiang hinterland na nayon ng Mamanuas sa Surigao del Sur hanggang sa mga asul na dagat na tumatahak sa mga baybayin ng lupain ng Tausug sa Sulu, ang mga tradisyon ng libing ng mga tribal na grupo ay nag-iiba sa texture, color, value at kahulugan.
Araw ng Dabaw:
Ito ay isang linggo-mahabang pagdiriwang ng pagtatatag ng lungsod na nagwawaksi tuwing ika-16 ng Marso na may isang sosyo-sibiko at parada ng militar, sports competitions, at paputok. Isa sa mga tampok sa pagdiriwang ay ang pagpili ng Mutya ng Dabaw (Miss Davao) mula sa karamihan ng magagandang babae sa lupain tuwing Ika-15 ng Marso.
Paniniwala:
Ang mga mamamayan sa Mindanao ay mayroong paniniwala na kapag ang kanilang mahal sa buhay ay pumanaw, maaari itong pumalik sa katauhan ng mga hayop.
Sa bawat lumilipas na araw sa kanilang mga buhay ay laging pinaubaya sa kanilang kinikilalang Diyos.
Madalas na sa halamang gamot sila umaasa bilang lunas sa kanilang mga karamdaman.
1 note
·
View note