#iligtas mo na at lahat
Explore tagged Tumblr posts
Text
Ang Lamig sa Lamig 🏔️
Ang lamig ay dumadaloy na parang laganap na avalanche, nanginginig ka sa pakiramdam. Bawat galaw na ginagawa mo ay nakakatakot, lahat ay nanonood sa iyo ngayon. Sino ang maaari mong pinagkakatiwalaan sa purong puting hellscape na ito, ikaw ay nag-iisa nang malalim. Pakiramdam mo ay karapat-dapat ka dito. Pakiramdam mo ay ipinanganak ka para dito. Pakiramdam mo ay kailangan mong laging makipagsabayan dito. Ngunit kailangan mo bang magdusa ang lahat ng ito nang mag-isa? Ang lamig ba ay talagang nanonood sa iyo o nabulag ka lang ng puti at niyebe? Ang lamig ay dumadaloy na parang laganap na avalanche, nanginginig ka ba talaga?
Ang Promises to Keep ay isang visual na nobela tungkol sa isang nawawalang indibidwal (ikaw) na sinusubukang hanapin ang kanilang sarili sa pamamagitan ng mga kahirapan kabilang ang isang napakalaking snowstorm. Habang sinusubukang umalis sa kanyang bayan upang makatakas sa walang katapusang pakiramdam ng monogamy, ang paglipad ng protag ay nakansela ng isang malaking snowstorm na tila hindi huminto anumang oras sa lalong madaling panahon. Naputol ang kapangyarihan ng buong kapitbahayan at natagpuan ng protag ang kanyang sarili na nanginginig mula sa gumagapang na lamig sa loob ng kanyang bahay. Ngunit sa kabutihang palad isang mabait na estranghero ang kumatok sa kanyang pinto at nag-alok ng kanyang lugar dahil mayroon siyang generator. Sinisikap ng estranghero na iligtas ang mga stranded na tao sa kapitbahayan sa pamamagitan ng pag-aalok ng kanyang lugar. Masayang tinatanggap ng protag at sa huli ay natagpuan ang kanyang sarili sa loob ng bahay ng estranghero kasama ang 5 iba pang mga tao. Sa loob ng bahay, ang protag ay matututo at lalago sa kanyang tirahan, magbubuklod sa malupit na bagyo, at mag-aaliw sa isa't isa.
Nakatuon ang blog na ito sa isang karakter sa laro na labis kong kinagigiliwan.
Isa sa mga taong nakilala ng protag sa bahay ay isang raccoon na nagngangalang Hunter, isang masipag na estudyante sa kolehiyo na naghahabol ng medisina na natigil din sa snowstorm tulad ng iba sa kanila. Siya ay napaka-aktibo sa akademya, atleta, at pati na rin sa lipunan. Bilang isang papalabas na tao, hindi kailanman nabigo si Hunter na hikayatin at pasayahin ang kanyang mga kapantay. Ang lahat ay tumitingin sa kanya dahil dito, ngunit sa ilalim ng lahat, dapat kang magtaka kung bakit ginagawa ng isang taong tulad niya ang lahat ng ito. Sa pamamagitan ng kanyang pangangalaga at kagila-gilalas na panlabas, makikita ang ilang mga bitak na nagpapakita ng isang bagay na mas totoo. Bakit niya sinusubaybayan ang pagkain na kanyang kinakain? Bakit lagi niyang pinipilit ang sarili na pagaanin ang mood kahit nasaktan siya? Bakit niya kinasusuklaman ang sarili sa tuwing nagkakamali siya? Bakit niya inilalagay ang kanyang sarili sa lahat ng mga pagsisikap na ito para lamang mapanatili ang isang mukha? Nagpapakita ito ng malalim na pagkahumaling sa pagpipigil sa sarili sa kanyang mga pananaw sa kanyang sarili, ngunit sino ang sinusubukan niyang patunayan?
Si Hunter ay lumaki sa isang mataas na uri ng sambahayan na may mga awtoritaryan na magulang. Malaki ang inaasahan ng kanyang mga magulang mula sa kanya na nagdudulot ng expectation pressure sa murang edad, palagi siyang tinuturuan na maging lubhang mapagkumpitensya, palaging nasa tuktok kung saan titingin ang mga tao sa kanya, hanggang sa punto kung saan sinabihan siya na ang pakikipagkaibigan ay walang kabuluhan at sa halip, dapat siyang gumawa ng mga koneksyon upang mapabuti ang kanyang katayuan sa lipunan. Ang kanyang mga magulang ay palaging kumukuha ng mga tutor at instructor para sa kanya upang mabuo ang kanilang pananaw sa isang “perfect” na anak, ngunit bilang kapalit, si Hunter ay nakaramdam ng pressure at napahiya pa sa harap ng mga tutor at instructor na ito. Dahil sa lahat ng ito,
References:
Howenstein, J., Kumar, A., Casamassimo, P. S., McTigue, D., Coury, D., & Yin, H. (2015). Correlating parenting styles with child behavior and caries. Pediatric dentistry, 37(1), 59–64.
Guo, X., Hao, C., Wang, W., & Li, Y. (2024). Parental Burnout, Negative Parenting Style, and Adolescents' Development. Behavioral sciences (Basel, Switzerland), 14(3), 161. https://doi.org/10.3390/bs14030161
4 notes
·
View notes
Text
Presyo ng Kasinungalingan
“Lalabas at lalabas talaga ang katotohanan, kahit anong gawin mo upang itago ito.”
Ang katotohanan, gaano man pilitin na ikubli, likas na maghahanap ng paraan upang magpakita. Maaaring umabot ng isang araw, isang linggo, o kahit limampung taon, ngunit hindi ito kayang pigilan. Bagaman, marami pa rin ang patuloy na nagtatangkang ilihim ito. May mga gumagamit ng pera upang patahimikin ang mga nakakabatid ng kanilang lihim. May iba namang nagsisinungaling at itinutulak sa iba ang kanilang mga pagkakasala. Ang pinakamatindi, may mga pumapatay ng kapwa at nagpapaka-Diyos upang itago ang kanilang kasalanan. Maaaring dahil ito sa personal na epekto ng pagtatago ng mga lihim. Kapag pinag-iisipan ng isang tao ang kanyang mga lihim, kadalasang nakararamdam din siya ng mga emosyon ng kahihiyan at pagkakasala. Bumababa rin ang kakayahan niyang harapin ang lihim at aminin ang totoo na nagdudulot ng pagbagsak ng kaniyang pangkalahatang kagalingang pangkaisipan (Liu et al., 2022).
Sa isang perpektong mundo, walang ganito. Ngunit malayo sa pagiging perpekto ang mundong ating ginagalawan. Puno ng krimen, pagtataksil, at kasakiman ang mundong tinitirhan natin. Hindi mo alam kung sinong mapagkakatiwalaan mo at minsan pa nga, ang taong handa mong iligtas mula sa bala ang siya pang babaril sa iyo. Ganyan ka pait ang ating mundo.
“One generation to change the text. One generation chooses to teach that text. The next grows, and the lie becomes history.” -Rebecca Yarros, Fourth Wing
Sa mga librong Fourth Wing at Iron Flame ni Rebecca Yarros, naipakita ang tunay na kamandag ng kasinungalingan at ang malalim na epekto nito sa mga mamamayan ng Navarre at mga bansang nakapalibot dito. Hindi lamang nagtago ng impormasyon ang gobyerno ng Navarre, kundi gumawa rin sila ng pekeng propaganda, pekeng ebidensya, at pekeng resulta upang maitago ang katotohanan. Nagawa pa nga nilang pumatay para lamang panatilihin ang kanilang sikreto. Binago nila ang kasaysayan, ang mga dahilan ng mga nakaraang digmaan, at ipinalabas na ang mga Griffin ang totoong kalaban, habang inilihim ang tunay na banta—ang mga venin at wyvern.
Sa likod ng mga kasinungalingang ito, may malinaw na layuning kontrolin ang impormasyon at manatiling nasa kapangyarihan ang gobyerno, kahit na nagbubunga ng pagkawasak ang ginagawa nila. Nagpadala sila ng maraming sundalo sa digmaan na walang sapat na kaalaman kung paano labanan ang mga venin at wyvern. Ang resulta? Halos lahat sila namatay. Hindi lamang sila ang naging biktima ng pagtatago ng katotohanan—pati mga sibilyan, tulad ng mga mamamayan ng siyudad ng Resson, naging saksi sa pagkawasak ng kanilang bayan, dahil wala silang alam sa tunay na banta. Kung hindi lamang nagsinungaling ang gobyerno, maaaring naiwasan ang mga trahedya ng kamatayan at pagkawasak ng buong siyudad. Sa huli, ang buhay ng mga inosente ang presyo ng kasinungalingan.
Hindi rin lamang sa loob ng kanilang sariling bansa nagtago ng impormasyon ang gobyerno ng Navarre. Sa halip na makipagtulungan sa mga kalapit na bansa upang labanan ang mga venin at wyvern, mas pinili nilang palakihin ang tensyon sa pagitan nila. Ipininta nila na ang mga karatig-bansa ang kaaway, kahit na sila mismo ang nagkait ng mga armas na maaaring gamitin upang puksain ang mga venin. Pinigilan ng Navarre ang mga sandatang maaaring makatulong sa ibang mga bansa, kaya mas marami pang bayan at bansa ang nawalan ng buhay at kinabukasan.
Nagdulot ng malawakang pagkasira ang mga maling hakbang at kawalan ng aksyon ng Navarre , hindi lamang sa kanilang sariling mga mamamayan, kundi pati na rin sa mga sibilyan at sundalo ng ibang bansa. Kung naging tapat lamang ang gobyerno at nagbukas ng tulong sa iba, maaaring mas napaghandaan ng lahat ang totoong banta. Sa huli, nagdala ng mas maraming pagkatalo at pagkawasak sa buong rehiyon ang kanilang kasinungalingan at pag-iwas sa responsibilidad.
“Lies are comforting. Truth is painful.” -Rebecca Yarros, Fourth Wing
Pero, bakit nga ba tayo nagsisinungaling? May naidudulot nga ba itong maganda? Nagdedepende iyan sa persepsiyon mo ng “maganda”. Nagsinungaling ang gobyerno ng Navarre dahil gusto nilang mapanatili ang kapayapaan sa bansa. Ayaw nilang matakot ang mga mamamayan kaya hindi nila sinabi ang totoo. Takot sila sa katotohanan at kung anong kayang gawin nito kaya ginamit nila ang kasinungalingan bilang proteksyon mula rito. Oo, may maganda itong naidulot, ngunit, ang naging kapalit ng panandaliang kapayapaan ang buhay ng mga inosente. Sinasalamin nito ang totoong mundo. Nagsisinungaling ang mga tao dahil akala nila, mas may benepisyo ang pagsisinungaling kaysa sa pagsasabi ng totoo sa sitwasyon na iyon (When Do Your Secrets Hurt Your Well-Being?, 2022). Mas madaling magsinungaling at manloko kaysa sa harapin ang totoo.
Sa totoong mundo, hindi malayo ang ganitong senaryo sa mga nangyayari sa ating lipunan. Sa maraming pagkakataon, inuuna ng mga nasa kapangyarihan ang kanilang sariling interes kaysa sa kapakanan ng mga taong dapat nilang pinoprotektahan. Ang resulta? Kawalan ng tiwala, kaguluhan, at mas maraming nasasawi. Kaya nagiging mahalagang paalala ang mga kwentong tulad ng Fourth Wing at Iron Flame na, ang katotohanan, gaano man subukan na itago, makakahanap at makakahanap ng paraan upang mailantad—at hindi kailanmang magtatagumpay ang mga nagtatangka supilin ito.
Mga Sanggunian: Liu, Z., Kalokerinos, E. K., & Slepian, M. L. (2022). Emotion Appraisals and Coping with Secrets. Personality and Social Psychology Bulletin, 49(9), 1379–1391. https://doi.org/10.1177/01461672221085377
When Do Your Secrets Hurt Your Well-Being? (2022). Greater Good. https://greatergood.berkeley.edu/article/item/when_do_your_secrets_hurt_your_wellbeing
1 note
·
View note
Text
October 7, 2024
sobrang nagspeak sa akin yung preaching sa church kahapon, i kennat. The preaching was centered on the passage from the book of Daniel (Daniel 3:8-18). Ito yung nagpatayo si King Nebuchadnezzar ng sobrang laking golden statue for the people to worship on and it went on na may nagsabi sa kanya na yung 4 Jewish boys (Daniel and friends) ay hindi lumuluhod sa image na yon. They stood firm in their faith kahit pa maging cost nun ay yung buhay nila.
inserting the portion of the passage as reference:
[Daniel 3:16-18]
16 Shadrach, Meshach, and Abednego answered and said to the king, “O Nebuchadnezzar, we have no need to answer you in this matter. 17 If this be so, our God whom we serve is able to deliver us from the burning fiery furnace, and he will deliver us out of your hand, O king. 18 But if not, be it known to you, O king, that we will not serve your gods or worship the golden image that you have set up.”
Ang galing kasi, without any hesitations, on the spot, ganon yung response nila sa king. Ang galing ng steadfastness nila to the point na napasabi ako sa sarili ko "when will you be like that?". Yung firmness nila, sobrang strong kasi hindi man lang sila na-sway. Hindi man lang natakot. They are fixed on the truth na iligtas man sila ng Lord or hindi, kay Lord pa rin sila. Sobrang naappreciate ko tong verse na ito from the bottom of my heart, kasi na-encourage ako. I want that kind of faith. I want to be like them, na kahit anong mangyari, sobrang surrenderred na hindi mo na iisipin kung ano pang mangyari sayo, kasi secured ka na kay Jesus ka. They could've made a way out, and made up excuses na si Lord tumitingin naman sa heart, kaya okay lang na lumuhod ako rito sa image na to kasi si Lord pa rin naman yung mahal ko. They backed up their commitment and love for the Lord through the firmness of their belief. They stood their ground for the love of the Lord, and that alone is amazing. Kasi thier actions exhibited true faith. That was authentic faith.
Three points were given by ptr. Paul; ACT.
But if not, faith is:
Authentic
Centered on who God is
Triumphant
True faith is authentic and God-centered, which means hindi ka nakikipagbarter kay Lord. Yung hindi ka sumusunod kay Lord dahil may kailangan ka o may gustong kang makuha. yung ginagawa mong genie si Lord para sa lahat ng pangarap at kagustuhan mo sa buhay. True faith is, leaving and surredering all your dreams and desires before the Lord without any inhibitions and conditions, and whatever He allows, you are secure that this is part of His will. True faith is not based on the positivity or negativity of our present circumstances. True faith should be based on who God is.
Our hearts can implicitly testify kung anong faith ang meron tayo. Whether we have authentic or fake faith, it will eventually be displayed through our actions and may be expressed through our mouths.
True faith acts on what it can control, surrenders what it cannot, and accepts the results regardless of whether the outcome is good or bad because it believes in the sovereignty of the Lord. The test of obedience and trust is evident. That even if God does not,
Fake faith establishes conditions before the Lord, pinipilit si Lord na parang genie habang humihingi ng wishes na akalamo makukuha in a snap of a finger, exaggeration ng miracles and being passive, being irresponsible, tapos magagalit at magbabackslide kay Lord kapag hindi nakuha ang gusto.
It's all about faith. I suddenly felt the need to reflect on my present season and the current state of my heart.
So, what faith do I have? :)
0 notes
Text
07/25
HAHAHAHAAH AS EXPECTED. DI TALAGA MAGIGING SUCCESSFUL NANG ISANG BUONG ARAW HANGGAT NABUBUHAY YUNG ISA
SIGE LANG, IAN. NAPAKAUNFAIR KO PALA EH SIGE. PATI PROBLEMA MO SA BABAE MO PROBLEMA KO PANG PUTANGINA KA???? LAHAT NALANG NG GINAGAWA MO SUMBAT SAKEN?
TANGINA DI NAMAN AKO GANITO PERO PARANG AYOKO NA MAGPATAWAD. DUROG NANAMAN PUSO KO PUTANGINA TALAGA.
LORD ILIGTAS MO NA KO. KONTING KONTI NALANG NATITIRANG PAGMAMAHAL SA PUSO KO PARA SA TAONG TO
0 notes
Text
Sa inyong lahat, may tanong ako.
Ano ang gagawin mo?
Kapag ang utak mo'y gulong-gulo,
at tila hindi makawala sa kulungan ng sarili mong demonyo.
Ano ang gagawin mo?
Kapag kinakain ka ng mga bagay na negatibo.
Kapag sarili mo nang emosyon ang kumakain sayo.
Walang takas sa sarili at tulog pa ang mga inaasahan na santo.
Ano ang gagawin mo?
Kapag sistema'y ganon pa rin at gusto mo ng pagbabago.
Kapag lahat ay kalaban mo, pati na ang sarili mo.
Tila paulit-ulit na ang tanong ko.
Pero ito na ang huli; ano ang gagawin mo?
Kapag hindi mo maihayag ang sarili mo.
Kapag punong-puno ka na sa mundo.
Kapag kanibalismo na ang nangyayari at sariling pag-iisip na ang kumakain mismo sayo.
Kung alam mo ang sagot, iligtas mo naman ako.
Kiro - Kanibalismo, 3 AM
0 notes
Text
Ika-2 ng Agosto, 2023
Miyerkules, 12:30 n.u.
Klyde,
Ngayon na lang ako ulit nakaramdam na may gusto akong baguhin sa sarili ko. Ayoko nang kontrahin. Ayoko nang isipin na baka rereglahin lang ako, baka nami-miss ko lang sila Mama, baka mag-isa lang ako. Ayoko nang isipin ‘yan. Gusto ko na lang magpokus sa gusto kong may magbago ngayong buwan. At kanino ba magsisimula lang ‘yon, hindi naman sa paligid ko, kundi sa akin.
Sinubukan kong huwag ka nang kausapin. Sa’yo talaga ‘yung first step kung gusto ko ‘tong simulan. Gusto kong putulin lahat ng koneksyon na mayroon ako sa’yo.
Sinimulan ko sa dump account. In-unfollow kita, ni-remove sa follower. In-unfollow ko rin ‘yung pusa account ko. Iniisip ko nga kung ipa-public ko pa ba ‘yung account ko. Medyo nagtatalo pa kami ng isip ko riyan. Gusto kong wala kang balita tungkol sa akin, pero ayoko namang i-private ‘yung account ko dahil doon talaga ako nagpapansin sa mga artist na ini-stan ko. Ni-remove ko na rin lahat ng notifications ng pangalan mo sa Facebook ko. Ayaw kong nandoon ka. Ayaw kong nakikita kahit pangalan mo. Ayaw ko na.
Gusto kong putulin ‘to dahil hindi ko gusto itong nararamdaman ko. Ayaw kong may inaasahan ako sa’yo, dahil alam ko, wala ka namang sinabi. Ayaw ko nang maging backburner kita. Ayaw ko nang isipin na baka kapag tumagal, may puntahan naman tayo. Ayaw ko nang hindi ako sigurado sa mga ganitong bagay.
Ayaw ko nang may maramdaman pa sa’yo kaya ko ‘to ginagawa. Ayaw ko na ring magpanggap na detached na ako, dahil kahit anong pilit ko sa pagsabi na wala na akong pakialam sa’yo, mayroon pa rin talaga. May paki pa rin ako, Clyde, at ayaw ko na. Ayaw ko nang magkaroon ng paki sa’yo.
Ayaw ko nang nakikita mo ‘yung mga ginagawa ko. Ayaw ko nang nakakausap kita tungkol sa mga bagay na gusto ko, sa mga bagay na interesado ako. Ayaw ko nang sabayan ka tuwing may mga ideyang sumasaglit diyan sa isip mo. Ayaw ko nang basahin ‘yung mga piyesang sinusulat mo. Ayaw ko nang maging proofreader mo. Ayaw ko nang alam ko na pareho tayo ng gusto. Ayaw ko nang pakinggan ka kapag kumakanta ka. Ayaw ko nang pakinggan ‘yung mga kantang sina-suggest mo.
Ayaw ko nang maging korni kasama mo. Ayaw ko nang maging cringe kasama ka.
Sa mga nauna kong sinusulat sa’yo, sinabi ko ro’n na kailangan ko talagang iligtas ‘yung sarili ko sa posibleng hatak nito sa akin. Siguro ito na talaga ‘yung totoo. Ayaw kong maging kaibigan mo kahit ayan ‘yung gusto mo dahil ayaw kong alam kong gusto mo ako pero wala kang ginagawa.
Unti-unti na rin akong hinihila no’ng mga hindi ko gustong ginawa mo sa akin.
Pinalipat mo ako sa instragam dahil may tumatawag sa’yong iba sa messenger. Umamin ‘yung babae. Hindi ko pa malalaman na may kausap kang iba kung hindi ko narinig ‘yung boses nong babae na nagtatanong kung ano ba kayo. Iniisip ko, hindi naman siya mako-confuse kung wala kang ginawa. Hindi naman siguro siya malilito kung ano kayo kung hindi mo siya hinarot, kagaya nitong ginagawa mo sa akin.
Palagi mong sinasabi na kamukha ko ‘yung ex mo. Hindi porke’t tumatawa ako tuwing sinasabi mo ‘yan, hindi porket hindi ako madalas magreklamo, hindi ibig sabihin no’n na ayos lang sa akin. Hindi okay, Clyde. Hindi okay pero hinahayaan kita, hinihintay ko na ikaw mismo ‘yung tumigil. Tumigil ka nga… saglit nga lang.
Hindi mo ako naririnig. Palaging ikaw ‘yung may istorya, palaging ikaw ‘yung may input. At ayos lang ‘yon. Hindi ako nagrereklamo na nagkukuwento ka. Gusto kong nagkukuwento ka. Interesado ako sa mga kuwento mo. Pero inasahan ko na gano’n din ‘yung gagawin mo kapag ako naman ‘yung may gustong ikuwento. Hindi kita sinasapawan sa lahat ng kuwento mo. Nakikinig ako palagi. Gusto kong makinig palagi. Pero sana, kahit kaunti, sana naramdaman ko man lang na gano’n ka sa akin.
‘Yung sa server n’yo ng ex n’yo. Wala naman talagang problema sa akin ‘yun. Hindi issue. Wala naman na siya ro’n, gusto ko lang talaga ipang-asar sa’yo no’ng nakita ko. Pero hindi ako natuwa sa reply mo na “Akala ko alam mo.” Hindi ko rin naisip na replacement ako. Pero no’ng ikaw ‘yung bumanggit, napa-oo nga na lang ako. Paano nga kaya kung nandoon lang ako bilang pamalit sa kaniya. Pero hindi talaga siya issue sa akin no’ng una. Walang problema kung bakante naman talaga ‘yun, pero pinanood kitang magpaliwanag, kasi for once, naramdaman kong may pakialam ka sa nararamdaman ko. For once, nakita kong gusto mo rin ako kausap dahil sabi mo, takot kang hindi na kita kausapin.
Gusto ko talagang hindi pansinin ‘yung mga ‘yan, dahil naniniwala ako sa potensyal mo. Tinuring naman kitang mabuting tao, may buhay sa labas ng internet, na baka 30% nga lang ng totoong ikaw itong nakikita ko sa screen. Pero sapat na siguro itong apat na buwan para sa potensyal na nakita ko. Magbabago ka pa naman tiyak, hindi ko man makita, pero matutuwa ako kung mangyari nga.
Sinend ko ito kahit ilang araw na ‘yung nakakalipas. Ayoko lang nang walang sinabi sa’yo. Kahit hindi ako sigurado kung kailangan mo ba ng ganito, isipin mo na lang na kailangan ko.
Hindi lang din talaga ako sanay na hindi napag-uusapan lahat.
0 notes
Text
Forgive
August 10, 2023
Hindi naman natin maiiwasan na maghangad ng mga bagay na sa tingin natin deserve natin. Hindi rin pagkakamali ang magmahal ng sobra sa inaakala ng iba. Sa paghahanap natin ng pagmamahal o kaya ay nahihiwagahan tayo sa salitang pag-ibig at kapag nahanap natin yung taong sa tingin natin "the one" we tend to do things we never imagine we could. Spending much money, time, effort and even energy to talk to them. It is okay. Hindi naman mali na ginawa mo lahat ng yun, ang mahalaga natuto ka. Forgive yourself, don't blame yourself either if hindi siya nag-work. You have no regrets too because you give everything you could. Hindi rin mali na isipin mong kaya mong iligtas ang mga taong nalulunod sa lungkot pero ayaw magpasagip. Hindi mali okay? Tama lahat ng iyon pero patawarin mo ang sarili mo dahil alam ko, madalas mong sisihin ang sarili mo dahil sa tingin mo may kulang sayo o mali sayo.
1 note
·
View note
Text
[04/16]
-----
What is an important lesson/s a past relationship has taught me?
It's been months since my last relationship ended. Nung una akala ko hindi ko kaya mawala siya kasi he's all I have. We've been together for 5 years and nawala nalang ng parang bula. At first, sobrang hirap kasi ang dami ko hindi maintindihan. I know I have my short comings pero alam ko naman na alam niya na sobrang mahal ko siya at nasasabi ko lang yung mga bagay na yun based din sa mga nakikita/pinapakita at nararamdaman ko kapag kasama ko siya.
Last year has been tough. For me. For him. For the both of us. Ang daming nangyari. June last year, I know ayaw na nya. Masakit yun sakin. Sobrang sakit. Ginawa ko lahat para lang ma-win back sya. After namin magka-ayos nung umalis kami nung anniversary namin, minake sure ko talaga na gagawin ko lahat para lang hindi siya mawala. Naging okay kami. Nabawasan yung mga away. Lahat ng ayaw nya and gusto nya minake sure ko na nasa utak ko palagi. Yung glass of water na laging kasama if kakain na. Aasikasuhin pag nasa bahay, bago maligo. Binago ko talaga sarili ko. Inilagaan ko sya. I know sa sarili ko binigay ko lahat nung mga panahon na yun. Nung nagka-sugat siya sa paa. Gustong gusto ko sya isama sa bahay sa Cavite para maalagaan ko sya kasi alam ko mag-isa sya sa barracks. Nagtry ako magluto. Kasi alam nya hindi ako marunong sa mga gawain sa bahay. Ang saya saya ko nung araw na yun kasi feel ko mapaparamdam ko sa kanya na inaalagaan ko talaga sya, kaso malalaman ko iba pala dating sa kanya.
"No choice lang naman siya kasi may sugat ako sa paa eh."
"Hindi naman sya housewife material eh."
"Magastos masyado."
Nung una hindi ako nasaktan sa mga nalaman ko eh, pero grabe pala no. Bago pa maging kami alam nya hindi ako marunong sa gawain bahay, ginawa ko lahat para matuto. Lahat ginawa ko para sa kanya. Para hindi sya mawala pero bakit nung ako na yung nag-address nung mga bagay na nabother ako, bigla ako naging problema? Iniwan ako sa ere na parang wala lang. Hindi ako kinausap. Siguro nga tama ako na, hinihintay nya nalang ako umayaw para less guilt sa kanya. Sinisi nya pa ako kasi nagpaalam ako sa mga magulang nya at sinabi ko yung mga ginawa nya dati. Respeto tawag dun. Hindi nya nga magawa yun sa mga magulang ko kasi wala syang respeto. Hindi nya nga nagawang magpaalam ng maayos sa kanila.
Sirang-sira ako. Wasak na wasak ako. Hindi ako makapag trabaho. Hindi ako makapag-focus sa mga projects ko. Naging obsessed ako lalo sa kanya kasi parang ang saya saya nya nung naghiwalay kami. Huling sabi nya sakin, "Kailangan nya iligtas yung sarili nya." Kanino? Sakin? Wala naman ako ginawa sa kanya na masama. Nagsabi lang ako ng totoo kong nararamdaman. Baka nakalimutan nya siya yung nagloko. Ginawa nya kong tanga. Alam ko may mali din ako pero una palang sinabi ko na sa kanya na pumasok sya sa buhay ko na unstable ako mentally and sinabi ko lahat ng trauma and shortcomings ko sa kanya. I was never an easy person to be with. Alam nya yun pero tinuloy nya pa din ako i-pursue. Never ko sya niloko. Never ako nagtago. Ina-acknowledge ko yung mga ginawa kong mali at natuto na ko dun. Inayos ko sarili ko para sa kanya. Tapos lahat ng yun itatapon nya nalang kasi ano? Ayaw nalang? Gusto ko malaman anong ginawa ko sa kanya para tratuhin mo ko ng ganun pero wala ako nakuhang maayos na sagot.
I guess ayun yung pinaka-natutunan ko. WAG MO IBIGAY LAHAT KASI SOBRANG SAKIT PAG NAWALA. MAGTIRA KA PARA SA SARILI MO. WAG NA WAG MO UUBUSIN PARA SA IBANG TAO. Akala ko kasi sya na talaga eh. Akala ko maiintindihan nya na nasasabi ko lang yung mga yun kasi bothered ako, kailangan ko lang ng assurance tapos magiging okay na ko ulit. Mali pala ako.
Kung mag-mamahal ako ulit, sisiguraduhin ko talaga na parehas kami ng nararamdaman. Yung pure. Yung sincere. Yung hindi ako iiwanan kahit anong mangyari kasi naiintindihan nya ako eh. Yung may clear vision ako na gusto nya ako hanggang dulo. Yung magsstay kahit anong mangyari. In return, if sigurado ako na ganun sya, bibigay ko talaga lahat para maging masaya sya. Ngayong ko lang din narealize na gusto ko magka-pamilya. Gusto ko ng anak. Gusto ko pala mag-anak. Sobrang dami ko natutunan simula nung naghiwalay kami. Nalaman ko kung saan ako masaya tsaka ano mga gusto ko gawin sa buhay.
PS: Alam ko may bago na sya at bumalik sya sa ex nya. Ayun na din yung naging limit ko. Pag nalaman ko may iba na talaga, titigil na ko. After ko malaman yun, decided na ko na i-cut off ka na and i-let go na lahat at mag focus nalang sa sarili ko. So consider this my last straw. Ang bilis magpalit pero I hope hurting me and destroying me made him really happy.
0 notes
Text
Hello, Love, Goodbye
Si Joy Marie ay isang Pilipinong nagtatrabaho sa Hong Kong bilang isang Domestic helper. Si Joy ay isang ambisyosong babae, siya ay nagtatrabaho araw at gabi upang matustusan ang kanyang pamilya at maabot ang kanyang mga layunin. Nagtatrabaho siya sa isang pamilyang hindi ganoon kayaman. Mahirap ang pera para sa pamilyang kanyang pinagtatrabahuhan, ang ina, ang kanyang amo ay kailangang bawasan ang kanilang mga gastusin. Kinausap niya si Joy tungkol sa mga problema niya sa pera at kailangan niyang tanggalin si Joy. Dahil desperado si Joy, hinikayat niya ang kanyang amo na manatili siya. Nag-offer siya ng discount sa amo, babawasan niya ng kalahati ang allowance niya, magtatrabaho siya ng part time sa gabi at hindi man lang siya kakain sa bahay nila. Inalok siya ng kanyang kaibigan ng trabaho kung saan nakilala niya si Ethan, isang kamangha-manghang bartender. Si Joy na nagtatrabaho ng part time na trabaho ay ilegal kapag hindi pa siya residente. Isang grupo ng mga pulis ang nagpatrolya sa paligid ng bar, nang makita sila ni Joy ay tumakbo siya ng mabilis at nag-aalala na baka hingin nila ang kanyang id. Tumakbo siya sa isang eskinita at nagtago sa tabi ng pantal para hindi siya mahalata. Habang nagtatago siya, may sumigaw na lalaki na lumabas. Lumabas si Joy na umiiyak na nagmamakaawa sa lalaki na iligtas siya, habang nakatingin siya sa lalaking nakita niyang hindi ito pulis kundi ang bartender na nakilala niya kanina. Pagtingala niya ay nakita niya si Ethan. Galit na galit si Joy kay Ethan dahil sa pagpapakaba sa kanya. Iniwan niyang mag-isa si Ethan sa eskinita
Si Ethan ay isang palabiro na lalake. Sa unang tingin, para siyang walang problema, masayahin, at malaya. Pag nakilala mo na se Ethan makikita mo na ang kaligayahan niya ay hindo totoo at it lng ang isang maskara. Marami siyang problema.
Bumisita si Joy sakanyang ina at kinausap ito na malipit na siyang mag Canada at itutuloy niya ang plano niya na kunin ang kanyang pamilya doon. Ang kanyang ina ay nagpangasawa ng citizen sa Hong Kong para siya ay maging residente. Sinabi ng nanay kay Joy na ayaw na niya mag Canada dahil nag aalala siya sa kanyang asawa. Nagalit si Joy dahil di na inisip ng nanay niya ang kanyang tunay na pamilya.
Sa lungkot ni Joy nakipagkita siya kay Ethan. Nag usap silang dalawa, nasabi nila sa isa't isa ang mga nararamdaman nila na di nila masabi sa iba. Sa pangyayareng ito nagustuhan ni Ethan si Joy.
Araw- araw nag hihirap si Joy sa mga benta niya kaya wala siyang oras mag karon ng relasyon. Gustong gusto ni Ethan si Joy kaya pag marami pang paninda si Joy si Ethan na ang bibili nito para maaya ni Ethan si Joy na kumain. Laging tumtulong su Ethan kay Joy sa pag tratrabaho. Naisipi naman ng kaibigan ni Ethan na pag trabhuhin na lang si Joy sa bar. Inalok ni Ethan si Joy ng trabaho sa bar at ,as lalo sila naging malapit dito.Sa kabaitan ni Ethan nahulog na ng nahulog si Joy para sakanya.
Isang araw dumating ang mas nakakabatang kapatid ni Ethan sa bar na lasing. Nang gulo ang kapatid niya at kung ano ano ang sinasabi kay Ethan. Sinabi nito na sinayang ni Ethan ang pag aaral niya at lahat ng ginawa ng pamilya niya sakanya dahil sa ex niya na si Tanya.
Pagkatapos ng araw hindi sumusulpot sa Ethan kaya naisipan ni Joy na hanapin siya. Nag tanong si Joy sa kaibigan ni Ethan kung nasaan siya at sinundan niya ito. Bumisita sa Ethan sa kanyang pamlilya. Mas lalong nabuo ang pag-iibigan nilang dalawa rito.
Ang pag mamahalan ng dalawa ay isang complicadong pangyayare dahil plano ni Joy umalis at plano naman ni Ethan ituloy ang pagiging residente sa Hong Kong.
Nang lumalim ng lumalim ang pag iibigan nila, nagkaron ng problema ito nung matutuloy na si Joy mag Canada. Nag makaawa si Ethan na wag na niya ituloy ngunit si Joy ay matagal nang nangangarap mag Canada. Nagkatampuhan ang dalawa dahil dito pero di din nag tagal nag kaayusan sila.
Sinulit nila ang oras na meron sila at nilibot nila ang Hong Kong.
Desidido si Joy na umalis at ito nga ang nangyare. Makikita sa ending ng pelikula na si Joy ay nasa airport at si Ethan naman ay nasa rooftop naka hawak sa singsing.
1 note
·
View note
Audio
Tugon: Ama, sa mga kamay Mo, habilin ko ang buhay ko
1. Sa iyo, O Poon, ako'y lumalapit Upang ingatan mo, nang hindi malupig; Sa mga kamay mo habilin ko'y buhay ko Tagapagligtas kong tapat at totoo
2. Lahat kong kaaway ay humahalakhak, Pati kapitbahay ako'y hinahamak; Dating kakilala ay nagsisiilag Kung masalubong ko ay nagsisiiwas. Nilimot na akong tulad ng namatay, 'Di na pinapansin, parang yagit lamang
3. Subalit, O Poon, ang aking tiwala ay nasasaiyo, O Diyos na dakila! Sa iyong kalinga, umaasa ako, Laban sa kaaway ay ipagtatanggol mo; At sa umuusig na sinumang tao.
4. Itong iyong lingkod, sana ay lingapin, Ingatan mo ako't iyong pagpalain; Iligtas mo ako at iyong sagipin, Tanda ng pag-ibig na 'di nagmamaliw! O magpakatatag ang mga nilikha, Lahat ng sa Poon ay nagtitiwala.
0 notes
Text
Sana pwede ng hindi bumalik
Sana pwedeng iwan nalang basta
Sana pwedeng wag ng lingunin lahat ng tao na nagalis ng saya mo
Pinatawad ko naman lahat
Hindi rin ako galit pero ung sakit kasi ang hirap kalimutan lalo na ung sugat na sa sobrang lalim hindi na gumagaling
Ang hirap magbigay ng mga pekeng ngiti at walang lamang halakhak kapag kayo ang kaharap
Ung gusto mong iligtas ung sarili mo mula sa mga taong malaking parte ng pagkatao mo
1 note
·
View note
Text
Usad
Pati pala sa pagkalimot, may trapiko.
Ang dami ng sasakyan ang dumaan ngunit andito pa rin ako na parang kotseng naipit sa trapiko.
Para bang ang ilaw na nakikita ko ay pula lamang.
Ilang araw, ilang oras , ilang minuto ay hindi tumatakbo.
Nakatulala, umaasang makakalimutan din lahat at makakarating sa paroroonan.
Nakasulyap sa dulo, hinahanap ang uuwiang tahanan.
Bakit hindi ka bumalik at ako ay sunduin?
Iligtas sa mga alikabok at mga higanteng usok na iniwan mo sa akin.
Ang hirap gumalaw,
At ang hirap maglakad.
Bakit ikaw, nakaalis ka kaagad?
Siguro’y maluwag ang iyong dinaanan.
Ngunit, hindi ka ba napigilan ng mga alaala ko, ng mga salita, ng mga haplos, ng mga pangako at pagmamahal?
O aking mundo, wala man lang bang humarang sa iyo?
Hindi ka man lang ba nagdalawang isip para lumingon sa likod kung andito pa ako?
Gulong gulo. Hilong hilo, sa sirang ilaw ng trapiko.
Hanggang kailan ba ito?
Pinipilit intindihin ang pag iwan mo sa akin. Ngunit alam kong sa ngayon lang ito.
Darating din ang araw, magiging berde na ang ilaw.
Uusad rin ako, kagaya mo.
0 notes
Text
Para sa taong nire-reply-an ko sa bus kahit may motion sickness ako.
Ika-11 ng Mayo, 2023
Huwebes, 08:51 n.g.
Para kay Klyde,
Siguro nga, ito ang mali sa mga nagtagal na talking stage pero walang pinuntahan: walang gustong magtanong. Minsan, siguro dalá ng takot. Minsan naman, may mga tao talagang hindi confrontational; minsan umaasa silang “slow burn” ang prosesong sinusundan. Siguro masuwerte ako, kasi alam ko ‘yung kailangan ko; alam ko ‘yung gusto ko, at… káya kong magtanong at tumanggap ng kahit anong sagot.
Sana, ito na ‘yung huling sulat na tungkol sa’yo.
Hindi tayo nagtutugma. Simula pa lang. Iniisip ko rin, masyado ka pa nga sigurong batà para sa’kin. Hindi rin pareho ‘yung hinahanap natin: gusto mo ng laro, gusto ko ng seryosohan.
Nadadagdagan na ‘yung edad ko. Mabilis na rin ako manghinayang sa oras.
Ang hirap makipag-usap sa walang klarong intensyon. A, sinabi mo palang landi lang ang hanap mo, pero no’ng sinabi kong seryoso ang hanap ko, nariyan ka pa rin, sinusundan mo pa rin ‘yung notes ko sa IG (na ayoko rin talagang i-assume, pero ilang beses kasi nangyari), nagcha-chat ka pa rin. Akala ko titigil ka na kasi hindi tayo pareho; magkaiba tayo ng pakay. Naisip ko na lang, “Ah, bakâ normal lang ‘yun sa kaniya.”
‘Yung mga gawain na binibigyan ko ng kahulugan noon, pinilit kong tanggalin hanggang sa mawala… dahil sa ginagawa mo. ‘Yung mga ginawa ng mga dati kong tipo — na ginagawa mo ngayon, ipinagkikibit-balikat ko na lang. Ayokong bigyan ng meaning lahat dahil iniisip ko, bakâ nga ganiyan ka lang. Baka si Klyde ka, káya mo at puwede kang maging gano’n.
Kung sasabihin mong makikipagkaibigan ka sa’kin, gaya ng sabi ko dati, kahit araw-araw mo ‘kong i-chat, ayos lang. Káya ko ‘yan. Mabilis na usapan. Mas mabilis manlimita. May malinaw na linyang hindi puwedeng tapakan. Pero sana, wala na ‘yung mga banat, na kahit walang laman, ay hindi naman normal na ginagawa ng magkaibigan.
Ayun lang naman, Klyde. Malinaw na interesado ako sa’yo, alam mo naman ‘yun, pero ayoko nang maramdaman na nakikipagkompitensya ako sa iba mo pang kausap. At alam kong hindi mo kargo itong nararamdaman ko. Hindi ko naman kontrolado ‘yang buhay mo. Malaya ka sa kahit ano. Kayâ ako na ‘yung gumagawa ng paraan para iligtas ang sarili sa posibleng maging hatak nito sa akin.
Alam kong wala kang responsibilidad sa akin. Klaro na ayaw mo sa commitment. Pero para sa akin, hindi free pass ‘yan para makipag-usap ka sa marami at literal na harutin (wala na akong maisip na mas maayos pang termino rito, hindi ko gustong gawing tunog atake ‘yan) sila. Katulad mo, ayaw ko pa rin naman sa commitment at sa responsibilidad, pero káya ko namang sabihin sa kausap ko na gusto at káya ko itong i-figure out kasama siya. Pero ulit, naiintindihan ko, magkaibang tao táyo. Ilan lang ‘to sa mga sana ko na hiniling kong katulad kitá.
Bakâ hindi lang din tayo nagkakaintindihan; bakâ hindi ka lang din talaga naghahanap ng koneksyon na katulad no’ng hinahanap ko, at baka hindi ka rin gano’n kainteresado sa akin. Kayâ kung laro sa’yo ‘to, kung walang malinaw na linya, kung hindi mo pa rin alam ano’ng gusto mo, mas mabuting itigil na lang at huwag na lang tayong mag-usap, pareho lang tayong nag-aaksaya ng oras.
Matapang lang ako ngayon dahil birthday ko at hinahayaan ko ‘yung sarili ko na makaramdam. Hindi ko alam kung pagsisisihan ko ba ‘to sa mga susunod na araw. Sana hindi.
Huwag ka rin sanang ma-off kung sinasabi ko ‘to ngayon sa ganitong paraan. Isipin mo na lang, inipon ko ‘yung mga ‘yan sa loob ng ilang araw at ngayon ko lang binigyan ng pagkakataon ‘yung sarili ko na masabi lahat. Pa-birthday mo na rin sa akin? Hahahaha. Huwag mo rin sanang ikuwento ito sa iba.
Uy palá, hindi ka required mag-reply. Hindi ka required sa kahit ano.
Palagi,
Alpha
0 notes
Text
Tangina naunahan lang sa hero nagpafeed amputa tapos inaway pa mga kasama ni wala ambag sa team, nangubos ng farm, minumura kami na gusto manalo siya porket nakuha lang yung lesley niya aba nagpatalo, hayop! Pakabobo! Sinabi ko ng wag sila mag away tuloy pa rin si tanga! Talo tuloy mga tanginang yan! Daming bobo puta! Badtrip na nga ako bago mag game bwiset pa mga nakakasama!
#hindi ako magaling pero kahit sa laro gumagamit naman ako ng utak madalas nga puso pa pero jusko tangina#napakagago ng hayop na yan#iligtas mo na at lahat#pag ayusin mo na#toxic pa rin#mga hayop
9 notes
·
View notes
Text
Iligtas mo ako sa aking katapusan
Habang tumatagal humihirap ang pag hinga
Habang tumatagal ay kinakapos na ako ng dahilan
Kaya kung sakali mang naabot ka ng mga butil ng luha
Iligtas mo ako sa aking katapusan
Dahil ang lahat ay tila nagmamadaling lumipas
Dahil ang lahat ay tila hindi na ako kabilang
Kaya kung sakali mang niririnig ang mga hikbing mahina
Iligtas mo ako sa aking katapusan
#poetry#tula#spoken word#poem#poets on tumblr#tagalog poetry#tagalog#poems#maikling tula#tulatulaan#makata#makalaya#spilled writing#writing quotes#filipino writer#writer and poem#poets#writers on tumblr
8 notes
·
View notes
Text
Piliting Ipaglaban o Mahalin at Pakawalan
Naniniwala ako sa kasabihan na “kapag mahal mo, ipaglalaban mo.” Pero hindi rin ba, kapag mahal mo, pakakawalan mo?
Ang isyu na diborsyo ay isang usaping matagal na sa Pilipinas ngunit hindi ito natupad sa ating bansa dahil sa impluwensiya ng simbahan sa ating estado; kahit na ang konsepto ng sekularisasyon o separasyon ng simbahan mula sa gobyerno ay matagal nang itinatag sa Pilipinas (makikita ito sa 1987 Constitution of the Philippines: Article II, Section 6). Ito lamang ay muling nagbalik nang inihayag ng gobyerno ng Pilipinas ang isang panukalang batas na nagmumungkahi sa legalisasyon ng diborsyo na siyang inaprubahan ng Committee on Population and Family Relations ng House of Representatives noong Agosto 17, 2021.
Maraming hindi sang-ayon sa pagpapatupad ng diborsyo sa ating bansa. Ang pangunahing rason dito ay ang pagtutol ng simbahang Katoliko sapagkat labag ito sa ideolohiya at paniniwala natin bilang mga Katoliko. Ipinapakita rin ng ibang mga pag-aaral na hindi ito nakabubuti sa mga bata; sinasabing maaaring makaranas ng depresyon, magkaroon ng problema sa pag-uugali, mahirapan sa pag-aaral, o maging sakitin ang bata. Ayon sa isang survey, madalas na sumasagi sa isip ng mga batang may mga magulang na nagdiborsyong sila ang naging sanhi kung bakit naghiwalay ang kanilang mga magulang; iniisip din nilang baka may nagawa sana sila para iligtas ang relasyon ng kanilang mga magulang. Dahil dito, bumababa ang tingin nila sa kanilang sarili at nahihirapan silang magtiwala sa sarili at sa iba.
Mayroon din mga isyung kailangan pang harapin sa proseso ng diborsyo, tulad ng: 1. Paghahati ng mga personal na ari-arian, 2. Pagbabantay sa (mga) anak at pagbibigay suporta sa kanya/kanila, at 3. Paghahati ng mga utang.
Ang dalawang taong ikinasal ay nangakong mamahalin nila ang isa’t isa habangbuhay— sa hirap man at sa ginhawa, sa sakit o kalusugan; pipiliin at pipiliin pa rin ang magmahal. Ngunit paano kung hindi na kaya? Paano kung imbis na liwanag at kasiyahan, ang naidulot lang nila sa isa’t isa ay pighati at kadiliman?
Base sa mga mga tala, 53% ng mga Pilipino ay sumusuporta sa legalisasyon ng diborsyo; iilan sa 53% na iyon ay may mga sariling anak na. Maaring mapapaisip ka na “Bakit pa sila maghihiwalay kung kailan kinasal na sila at nagkaanak? Kung kailan huli na ang lahat? Gawan naman sana nila ito ng paraan para sa anak nila.” Pero paano naman yung mag-asawa? Hindi ba’t hindi patas para sa kanilang magpanggap na mahal pa rin nila ang isa’t isa kahit hindi na?
Marami ring mga dahilan kung bakit ninanais ng mga taong makipagdiborsyo; maaaring ito ay hindi pagkakasundo, pangangalunya, emosyonal at sikolohikal na pang-aabuso, pagkabagot at pagkasawi sa asawa.
Mahirap sa isang mag-asawa ang magsama sa iisang bubong kapag hindi na nila mahal ang isa’t isa. Kapag nagpatuloy ang ganitong sitwasyon, maari silang magkasakitan at mapapadalas pa ang kanilang away na maaaring makaapekto sa kanilang anak sapagkat araw-araw niyang maririnig ang sigawan ng kaniyang mga magulang, makikita ang pagmamalupit nila sa isa’t isa, at iba pa na baka maging sanhi ng mga mental health issues.
Sa pamamagitan ng diborsyo, silang dalawa ay pwedeng maghiwalay at magkaroon ng mapayapang isipan.
“Pero hindi naman sila magpapakasal kung hindi nila mahal ang isa’t isa.”
Hindi nasusukat ang pag-ibig sa kasal lamang. Kung hindi niyo na kayang mamuhay kasama ang isa’t isa, kapag ang pamilyang binuo ninyo ay hindi mo na masasabing “kumpleto”, kung hindi ka na masaya - hindi na iyon pag-ibig.
Ngunit diborsyo lamang ba ang magiging solusyon sa sawing pag-ibig? Depende ito sa mag-asawa. Sapat ba ang ilang taong pag-aaway at pagtatalo dahil sa nasirang buhay mag-asawa? Kung kaya pang ipaglaban, sige; malaya kayong ipakita sa mundo na kahit malabo man ang walang hanggang pagsasama, hindi ninyo iiwan ang isa’t isa hanggang sa dulo— pero alalahanin ding minsan, mas mabuting bumitaw kaysa mauwi sa kasawian ninyong pareho.
27 notes
·
View notes