ctrlbambi0316
Untitled
1 post
Don't wanna be here? Send us removal request.
ctrlbambi0316 · 2 years ago
Text
Hello, Love, Goodbye
Si Joy Marie ay isang Pilipinong nagtatrabaho sa Hong Kong bilang isang Domestic helper. Si Joy ay isang ambisyosong babae, siya ay nagtatrabaho araw at gabi upang matustusan ang kanyang pamilya at maabot ang kanyang mga layunin. Nagtatrabaho siya sa isang pamilyang hindi ganoon kayaman. Mahirap ang pera para sa pamilyang kanyang pinagtatrabahuhan, ang ina, ang kanyang amo ay kailangang bawasan ang kanilang mga gastusin. Kinausap niya si Joy tungkol sa mga problema niya sa pera at kailangan niyang tanggalin si Joy. Dahil desperado si Joy, hinikayat niya ang kanyang amo na manatili siya. Nag-offer siya ng discount sa amo, babawasan niya ng kalahati ang allowance niya, magtatrabaho siya ng part time sa gabi at hindi man lang siya kakain sa bahay nila. Inalok siya ng kanyang kaibigan ng trabaho kung saan nakilala niya si Ethan, isang kamangha-manghang bartender. Si Joy na nagtatrabaho ng part time na trabaho ay ilegal kapag hindi pa siya residente. Isang grupo ng mga pulis ang nagpatrolya sa paligid ng bar, nang makita sila ni Joy ay tumakbo siya ng mabilis at nag-aalala na baka hingin nila ang kanyang id. Tumakbo siya sa isang eskinita at nagtago sa tabi ng pantal para hindi siya mahalata. Habang nagtatago siya, may sumigaw na lalaki na lumabas. Lumabas si Joy na umiiyak na nagmamakaawa sa lalaki na iligtas siya, habang nakatingin siya sa lalaking nakita niyang hindi ito pulis kundi ang bartender na nakilala niya kanina. Pagtingala niya ay nakita niya si Ethan. Galit na galit si Joy kay Ethan dahil sa pagpapakaba sa kanya. Iniwan niyang mag-isa si Ethan sa eskinita
Si Ethan ay isang palabiro na lalake. Sa unang tingin, para siyang walang problema, masayahin, at malaya. Pag nakilala mo na se Ethan makikita mo na ang kaligayahan niya ay hindo totoo at it lng ang isang maskara. Marami siyang problema.
Bumisita si Joy sakanyang ina at kinausap ito na malipit na siyang mag Canada at itutuloy niya ang plano niya na kunin ang kanyang pamilya doon. Ang kanyang ina ay nagpangasawa ng citizen sa Hong Kong para siya ay maging residente. Sinabi ng nanay kay Joy na ayaw na niya mag Canada dahil nag aalala siya sa kanyang asawa. Nagalit si Joy dahil di na inisip ng nanay niya ang kanyang tunay na pamilya.
Sa lungkot ni Joy nakipagkita siya kay Ethan. Nag usap silang dalawa, nasabi nila sa isa't isa ang mga nararamdaman nila na di nila masabi sa iba. Sa pangyayareng ito nagustuhan ni Ethan si Joy.
Araw- araw nag hihirap si Joy sa mga benta niya kaya wala siyang oras mag karon ng relasyon. Gustong gusto ni Ethan si Joy kaya pag marami pang paninda si Joy si Ethan na ang bibili nito para maaya ni Ethan si Joy na kumain. Laging tumtulong su Ethan kay Joy sa pag tratrabaho. Naisipi naman ng kaibigan ni Ethan na pag trabhuhin na lang si Joy sa bar. Inalok ni Ethan si Joy ng trabaho sa bar at ,as lalo sila naging malapit dito.Sa kabaitan ni Ethan nahulog na ng nahulog si Joy para sakanya.
Isang araw dumating ang mas nakakabatang kapatid ni Ethan sa bar na lasing. Nang gulo ang kapatid niya at kung ano ano ang sinasabi kay Ethan. Sinabi nito na sinayang ni Ethan ang pag aaral niya at lahat ng ginawa ng pamilya niya sakanya dahil sa ex niya na si Tanya.
Pagkatapos ng araw hindi sumusulpot sa Ethan kaya naisipan ni Joy na hanapin siya. Nag tanong si Joy sa kaibigan ni Ethan kung nasaan siya at sinundan niya ito. Bumisita sa Ethan sa kanyang pamlilya. Mas lalong nabuo ang pag-iibigan nilang dalawa rito.
Ang pag mamahalan ng dalawa ay isang complicadong pangyayare dahil plano ni Joy umalis at plano naman ni Ethan ituloy ang pagiging residente sa Hong Kong.
Nang lumalim ng lumalim ang pag iibigan nila, nagkaron ng problema ito nung matutuloy na si Joy mag Canada. Nag makaawa si Ethan na wag na niya ituloy ngunit si Joy ay matagal nang nangangarap mag Canada. Nagkatampuhan ang dalawa dahil dito pero di din nag tagal nag kaayusan sila.
Sinulit nila ang oras na meron sila at nilibot nila ang Hong Kong.
Desidido si Joy na umalis at ito nga ang nangyare. Makikita sa ending ng pelikula na si Joy ay nasa airport at si Ethan naman ay nasa rooftop naka hawak sa singsing.
1 note · View note