#hardin ng buwan
Explore tagged Tumblr posts
delfindakila · 11 months ago
Text
Tumblr media
MARY ANN REYES Hardin ng Buwan, akriliko sa kambas, 2024 #artPH
2 notes · View notes
kayolily · 1 year ago
Text
kung sasabihin ko bang ayoko na muling mamulaklak ang mga buto ng pagibig ay muli mo bang iwawaglit ang pag asang ang mga ito ay muling tumubo?
Tumblr media
minamahal kong sol at luna,
hindi ako makapaniwala na sa loob ng apat na buwan na nalayo ako sa iyo ay muli kong bubuklatin ang mga pahina ng kabanata nating dalawa, tila hindi ko mapigilang mabasa kung paanong ako ay unti-unting nahagip ng bawat tingin mo papunta sa kung paano mo bigkasin ang ngalan ko. sa bawat paglipat ay walang luha na nag uunahang lumabas ngunit hindi na maipagkaila na ang labi ko ay tila mapupunit na sa pinagsamang mapait at matamis na ngiti.
hindi ko naman ginusto na alalahanin ang mga bagay na minsan na nating tinalikuran, siguro nga ay epekto ito ng kagandahan ng bilog na buwan—na pati ang mahika ng presensya mo'y muli kong hinanap sa lugar na puno ng sanlibutan. oh, luna, paano mo muling nahanap ang inalon ng nararamdaman sa nalulunod kong kaluluwa? paano mong nabuksan ang pintuang nakakandado at hinayaang muling rumagasa ang mga punit-punit na piraso ng kabanata at muli itong ilathala?
ikaw naman, sol, paano mong naipabalik ang mga ulap at muling hayaang pumatak ang mga butil ng ulan patungo sa namamahinga ko ng hardin ng pagsinta, kung sasabihin ko bang ayoko na muling mamulaklak ang mga buto ng pagibig ay muli mo bang iwawaglit ang pag asang ang mga ito ay muling tumubo?
hindi na nais muling makita ang estranghero,
dagat.
0 notes
st-joan-of-arc-22-23 · 2 years ago
Text
Tumblr media
Islang Hardin
ni Mary Allyssa Cameloza
            Ika-18 ng Disyembre, taong 2022, alas tres ng kinaumagahan. Nagising ako sa alingawngaw ng kampana na nanggaling sa simbahan na nagpawindang sa aking mga tenga. Ayaw ko pang bumangon noon at puyat ako dahil sa mga sunod sunod na kaganapan sa eskwelahan pati narin sa mga magbabarkadang galaan. Buwan ng Disyembre at nalalapit na ang pasko kaya’t tumutunog ang kampana ng simbahan kada alas tres ng madaling araw. Hindi na rin ako puwedeng bumalik sa tulog dahil utos ni mommy na ihanda na ang sarili dahil babyahe pa kami papuntang Davao City at Samal Island.
            Natapos na ang paghahanda at ready na kaming bumyahe. Magkokomyut lamang kami sakay ang bus papunta roon at tanging kami lamang ni mommy ang pupunta, ika nga’y “Girl’s Bonding.” Tamang tama, sumikat ang bukang liwayway kasabay ng pagpapakita ng mga magagagandang tanawin na aming nadaanan. Habang umaaandar ang bus, tila dinuduyan ako sa indayog nito, hanggang sa ako’y nakatulog. Hindi ko namalayan ang oras na lumipas at malapit na kami sa syudad ng Davao bandang alas nueba ng umaga at napagkasunduan namin ni mommy na bumaba na lamang sa SM Ecoland upang kumain ng matinong umagahan. Pumasok kami roon at agarang pumunta sa Mandarin Restaurant. Hiling ko kay mommy na dito na lamang kami kumain dahil nagke-crave ako sa mga pagkaing sine-serve nila. Pagkatapos kumain, dumiretso kami sa Watsons upang bumili ng skincare at mga pampaganda ‘nang tumawag ang kliyente ng kumpanya nila at sinabing susunduin na raw kami papunta sa Samal Island. Handog ng kliyente ng kumpanya nila mommy ay bigyan siya ng “Trip to Samal with Family” upang pasasalamat sa kaniya sa pag-uugnay nito sa kumpanya.
Bumaba kami sa isang pribadong pier na pagmamay-ari lamang ng Paradise Island: Resort and Restaurantna pupuntahan namin. Katapat lamang nito ang resort at doon sinasakay papunta at pabalik ang mga turistang dumadalo roon. Gamit ang maliit na bangka, sakay nito ang 20 ka-tao at tinuruan kami ng iba’t ibang safety protocols kung sakaling may sakunang magaganap. Naglayag ito ng dalawampu’t minuto at sa wakas, nakarating na kami sa mismong resort. Pagbaba na pagbaba, kitang kita mo agad ang marine life na nakapaloob sa islang ito. Sandamakmak na mga koral, isda, at iba’t ibang hayop pandagat ang makikita at nagsisilbi itong hardin kaya tinawag na Islang Hardin ang lungsod na ito.
            Nag-check in na kami ng aking ina at sinabi ng mga staff na maghintay lamang sandali dahil linilinisan pa ‘raw ang kuwarto. Tamang tama, kami ay nagutom sa paghihintay, kumain na lamang muna kami. Nag-order ako ng Baked Seafood upang malasap ang pakiramdam na kami ay nasa mala-paraisong isla at kare-kare naman ang pinili ni Mommy. Pagkatapos kumain, kami ay dumiretso sa kwartong itinalaga sa amin. Pagpasok sa kuwarto, kitang kita parin ang paraan ng pamumuhay ng lungsod dahil ang kuwarto ay binubuo ng mga kawayan at ang kabuuang interior nito ay umiikot lamang sa wood style na may kulay kahel at kayumanggi na mga dingding at kisame. Kami ay nagpahinga saglit at lumabas para kumuha ng mga litrato sa paligid, napagpasiyahan din naming maligo bago sumapit ang dilim at namnamin ang mala-kristal na tubig at puting mga buhangin. Pagkatapos maligo, nagbihis kaagad kami upang makapaghapunan sa restaurant. Liempo lamang ang aming kinain, kasama ang kanin dahil tila’y busog kami’y busog pa.
            Kinabukasan, ganoon parin ang gawi naming mag-ina. Nagtampisaw sa dagat, kumain, nagbihis, at kumuha ng sandamakmak na litrato ng isla, mga tanawin, at maliit na sanctuary na naglalaman ng iba’t ibang mga ibon upang magsilbing pabaon sa kapatid ko. Isang gabi lamang ang aming stay roon dahil may mga kinailangan pang gawin si mommy sa Davao City kaya’t bumalik na kami sakay ang bangka. Habang ako, tinatamasa ang pagkaganda-gandang karanasan na ibigay sa akin ng Islang Hardin.
            Maliit lamang na oras kung ituturing ngunit ako ay nag-enjoy sa karanasang iyon. Binigyan ako ng isla ng karanasang may kaakibat na kapayapaan sa isip. Nagsilbi itong pahinga ko matapos ang sangkatutak na workload na ipinapagawa ng eskwelahan. Sana’y magabayan kayo ng aking lakbay sanaysay at magsilbi din ang lugar na ito bilang inyong pahinga. Hanggang sa susunod na paglalakbay, paalam!
0 notes
thelitterateur-group6 · 2 years ago
Text
Blog Entry #6: Children's Story
Si Munting Gumamela by The Litterateur
Sa isang hardin, namumukadkad si  Munting Gumamela. Siya ang pinakamagandang bulaklak sa hardin, subalit siya rin ang pinakamaliit.
Isang araw ay napagpasyahan ng hardinerong si Mang Aber na maglagay ng pataba sa mga halaman. Sa buong maghapo ay pilit niyang hinahanap si Munting Gumamela ngunit ‘di niya ito matanaw. “Nasaan na ba si Munting Gumamela? Kanina ko pa siya hinahanap, palubog na ang araw,” wika ni Mang Aber. Humakbang nang kaunti si Mang Aber. Muntik na niyang maapakan si Munting Gumamela, buti na lamang ay nakita niya ang agaw-pansin nitong ganda. “Sus, nariyan ka lang pala,” sambit ni Mang Aber.
Kahit sinomang pumasok sa hardin ay nahihirapang matukoy ang kinalalagyan ni Munting Gumamela sapagkat siya’y napalilibutan ng mga matataas na halaman. Napalilibutan siya ng matataas na halaman kung kaya't madalas siyang kinukutya ng mga kasama niyang halaman sa hardin. Sa bawat araw na lumilipas, si Munting Gumamela ay nakakatanggap ng mga panlalait at pamamaliit mula kina Orchid at Santan.
“Munting Gumamela, napakaliit mo. Hindi ako magtataka kung isang araw ay makalilimutan ka na ni Mang Aber at ng iba pang mga halaman dito sa hardin,” sabi ni Orchid. “Naku Orchid sinabi mo pa, wala naman talagang gustong pumansin kay Munting Gumamela. Kung ‘di lang maganda ang kanyang mga dahon tiyak kong matagal na siyang nalanta,” dagdag pa ni Santan.
Lumipas ang mga buwan, napansin ni Mang Aber na lumalaki na si Munting Gumamela. Kaya naman lagi na niya itong dinidiligan ng tubig at nilalagyan ng pataba na siya namang ikinatuwa ni Munting Gumamela.
Isang araw, pagkagising niya ay nagulat siya dahil mas mataas na siya kaysa sa mga kasamang halaman sa hardin. Lalo pang naging maganda ang kanyang mga bulaklak at malago ang pamumulaklak nito. Hinanap niya sina Orchid at Santan upang kumustahin ang mga ito. Maya-maya pa’y narinig niya ang dalawa na nag-uusap. “Madaya itong si Munting Gumamela, tinakpan na tayo!”, wika ni Orchid. “Hindi ko na nga rin matanaw ang langit sa kinalalagyan ko.” Ngumisi lamang si Munting Gumamela at pinagsabihan ang dalawa, “Hindi sa lahat ng araw ay kayo ang laging nakaaangat sa inyong kapwa. Matutong magpakumbaba dahil ang mundo’y bilog.” Mula noo’y naging paborito na ni Mang Aber si Munting Gumamela sa kanyang hardin.
Written by: Josephus
Photos taken from: Pinterest
Tumblr media
0 notes
proserpoet · 5 years ago
Text
Tumblr media
Kuwento ng Inspirasyon at Pag-asa sa likod ng nobelang The Beekeeper of Aleppo ni Christy Lefteri
Where there are bees there are flowers, and when there are flowers there is new life and hope.
Aminado naman akong matagal talagang nakakatapos ng isang nobela. Maliban sa naliligaw sa gitna ng mga salita at pinagtagpi-tagpi kaganapan, madalas kinakaligtaan ko na lamang itong tapusin. Tila ba sinasalamin nito ang aking pagkatao. Naaayon sa mga kaganapan ng king buhay o anomang nais tahakin; Mabuti lang sa simula subalit hindi nasu-sustain. Kaya nga may mga pagkakataong napapaisip ako kung ano ang lohikal na kaugnayan nito sa aking pagkatao. Sisnususog  ba nito ang karahupan ng disiplina o di kaya ang kawalan ng responsibilidad ko? Sa madaling sabi, kulang sa’kin iyong ‘sense of comittment’ kumbaga. Ganyan ko mailarawan ang kaagapay na kahulugan ng mga bagay na di ko matapos-tapos  sa buhay, katulad ng pagbabasa.
Nitong mga nakaraang araw, binalikan ko ang mga material, mga babasahin na nakaimbak sa google drive, sa flashdrive, maging sa celpon ko. Binisita ang mga babasahing may kinalaman sa kultural na pag-aaral na napapaloob sa panitikan, mga tula ni Neruda at T.S. Eliot at kung ano-ano pang babasahin. Lahat nasimulan subalit hindi ko natapos. Di ko tinapos basahin. Hanggang sa marating ko ang nobelang ito. Ang plano sana ay Kite Runner at may isa pa, nakalimutan ko lang ang pangalan.
Sinabi ko talaga sa sarili na tiya-tiyagain ko ang pagbabasa nito nang makatapos man lang. Total patapos na naman ang buwan ng Abril at nakapagsulat ng marami-raming tula, magbabasa na naman ako ng nobela. Sa halip na responsibilidad na matapos itong basahin, iba ang naidulot ng nobela sa’kin. Maliban sa mahusay ang pagkakasulat, madali kasing maunawaan. Buhay na buhay para sa’kin ang mga tagpo sa loob ng nobela at hindi ko kailangang maranasan ito upang hindi masabing ganito pala kahirap mamuhay,  na sa ibang panig ng mundo, may iba pa mas mahirap sa Pilipinas. Lalo na kung ginigising na ng pangamba at hindi mo alam kung kalian tatama ang bomba sa iyong tahanan.
Ang nobela ay kuwento ni Nuri Ibrahim, isang beekeeper sa Aleppo. Isang siyudad sa Syria. Kasama ang kanyang asawang si Afra na isang pintor at anak na si Sami. Katuwang si Nuri sa pangangalaga ng mga bubuyog ang pinsang si Mustafa at mag-anak nito. Madalas wala si Mustafa dahil nagtuturo ito sa isang unibersidad kaya siya ang palaging na sa kanilang bee farm. Hanggang sa pumutok ang giyera sa Syria na kumitil sa buhay ng anak na lalaki ni Mustafa at pitong taong gulang na anak ni Nuri. Pareho silang nawalan ng anak. Bago pa man lumala ang sitwasyon, nakalipad na si Mustafa papuntang England upang makasama ang isa pa nitong anak at asawa samantalang nanatili lang sa Aleppo si Nuri dahil ayaw ng umalis ni Afra dito. Nawalan na nang saysay ang mabuhay dahil nga namatayan na sila ng anak at hindi na makakakita si Afra. Nag-iwan ng liham si Mustafa sa pinsan nito na magkikita sila sa England. Dapat makasunod sina Nuri at Afra bago pa mahuli ang lahat.
Matagal din bago nakumbinsi ni Nuri ang asawa na umalis at iwanan ang lahat sa Aleppo. Para kay Afra, ano pa ang saysay upang mabuhay kung ang kanilang nag-iisang anak ay wala na. Nasaksihan nila mismo kung paano lumiwanag ang kalangitan at bumagsak ang bomba sa hardin na pinaglalaruan ng kanilang anak. Sa mga kamay mismo ni Afra nasaksihan ang wala ng buhay na si Sami. Ngunit para kay Nuri, ninais nitong takasan ang realidad ng kanilang buhay upang magsimula muli ng panibagong buhay. Kaya sa tulong ng mga smuggler, naging mahaba ang paglalakbay ng mag-asawa pagtawid ng Syria tungo sa Turkey hanggang makarating ng Greece at England. Dito nakasalamuha nila ang iba’t ibang tao na biktima rin ng karahasan dulot ng nangyayaring giyera. Dito nakilala ni Nuri ang batang si Muhammed, pitong-taong gulang. Inakala ni Nuri na ang bata ay totoo subalit ito pala ay imahinasyong gawa ng kanyang isipan dulot na rin ng traumang bitbit ng giyera. Sa buong panahon naglakbay sina Nuri at Afra, inaakala niya na totoo ito. Nag-aalala siya rito na anaki’y kanyang dugo’t laman hanggang sa mabuksan ang kanyang isipan na ito’y kathang-isip lamang. Na ito ang paraan ng pagtakas sa katotohanan na namatayan sila ng anak. Katulad ng traumang dulot ng panlalabo ng paningin ni Afra. Dito napagtanto ni Nuri na si Muhammed ay ang imahen ni Sami bago ito mamatay. Kung hindi pa natagpuan si Nuri na nakalutang sa tubig at nakatulog ng higit sa tatlong araw sa loob ng ospital, hindi ito mapatitingnan upang matukoy ang mga bumabagabag nito.
Hindi ko maiwasang di malungkot habang binabasa ang nobela sapagkat batay sa mga naririnig, nababasa at napapanood, tunay ang mga kaganapang ito. Ibig kong sabihin, sa gitna ng digmaan, palaging ang naiipit ang mga ordinaryong mamamayan na walang ibang tanging hiling kundi ang mabuhay ng payapa at makapaghanap-buhay. Maging payapa sa sariling mga tahanan katulad ng mga bubuyog matapos makapaghanap ng bulaklakna siyang pagkukunan ng pagkain. Ngunit kung mundong kinagagalawan ay pinapalibutan ng kaguluhan at niyuyugyog ang iyong kapanatagan, wala kang ibang pagpipilian kundi ang subukang maka-alpas sa suliraning kinakaharap—ang lumaban upang mabuhay; maghanap ng panibagong tirahan. Ganito ko nakita ang kuwento ni Nuri at iba pang katulad nitong mga refugee. Bawat isa sa kanila ay may bitbit na kuwento. Mga kuwento ng pakikibaka sa buhay para mabuhay.
Dito ko napahalagahan ang papel na ginagampanan ng nobela at iba pang kuwentong katulad nito. Nangangailangan tayo ng mga storyteller na magsasalaysay ng kuwento natin. Tayo rin mismo, nangangailangan ng tagapakinig ng kuwento ng ating buhay. Hindi ko lubos maisip ang mga katawang bigla na lamang nahulugan ng bomba ‘pagkat hindi man lamang ito nabigyan ng pagkakataong makapaghanda; ni pagkakataong maikuwento ang sariling danas.
Masasabi kong, mahusay ang pagkakahabi ng mga pangyayari ni Lefteri sa nobela. Taglay nito ang katangian ng isang epektibong kuwento. Saksi ang mga stylized events at invented materials upang makapagkintal ng impresyon sa isipan ng mambabasa. Mapapansin sa karakterisasyon ng mga tauhan, sa banghay ng kuwento at maging simbolismo na napapaloob nito.
Mararamdaman ng mamababasa sa katauhan ni Nuri ang pagiging totoong tao nito. Walang bahid ng pagiging kathang-isip kumbaga. Sa danas ni Nuri, maisasantabi ng mambabasa ang personal na paniniwala, relihiyon at ideolohiya sa buhay sapagkat nagagawa ng katauhan ni Nuri na bumagtas sa mga hangganan nito. Ipinapahiwatig ng kanyang mga karanasan na hindi nalalayo sa karanasan natin. Hitik sa aral ang mapipitas kung saan hindi man tuwirang ipinasusungkit sa atin ng manunulat subalit dahil bilang tao na may personal na mga danas, nagawa nating masungkit ito nang hindi inaasahan. Ganito ko mailarawan ang karakterisasyon ni Nuri.
Samantala, magkasabay na hinabi ng manunulat ang dati karanasan at bagong pangyayari sa buhay ni Nuri sa tulong ng pagkonekta sa isang salita tungo sa kasalukuyang nagaganap. Bagkus, mayroong flashbacking sa pagitan ng mga kasalukuyang pangyayari. Sa aspektong ito, binabalikan ni Nuri ang mga kaganapan sa kanilang pagtakas tungo sa pagkuha ng asylum sa England. Matalim ang mga mata nito upang obserbahan ang galaw ng mga tao sa kanyang paligid at mga kuwento nito bilang nasa unang panauhan ang nagkukuwento. Ibig sabihin, ang pangunahing tauhan mismo na si Nuri ang nagsasalaysay.
 Masasabi ko ring epektibo ang papel na ginagampanan ng bubuyog upang magdulot ng mas malalim na impresyon sa mambabasa. Napapaisip kasi nito ang mga mambabasa sa katangian ng mga bubuyog at kung paano nito tinatiyaga upang mabuhay. Ganito maiuugnay ang buhay mayroon tayong mga tao na sa kaganapan ng nobela, mahigpit ang pagkakakapit ng kuwento sa pagiging beekeeper ni Nuri, sa bilang ng tao na naghahanap ng tahanan, ng panibagong tahan na nasira dulot ng digmaan. Ganoon din ang epektong dulot sa’kin ng susi na pinahanap ni Muhammed kay Nuri na nagdala sa kanya sa iba’t ibang lugar at kinaumagahan, tinutulungan na lamang siya ng mga kakilala na makatayo sapagkat nakatulog na pala ito. Maging ang mga taong kanilang nakasalamuha katulad ng babaeng may nana sa kanyang suso, ang musikerong may lihim na pagkatao, ang kambal na magkapatid at maging ang smuggler na nanamantala kay Afra. Ganoon din ang GP na tumutulong sa kanila, ang Moroccan na lalaking kasama siya sa bahay na tinutuluyan, si Diomande at magign si Mustafa at Muhammed. Lahat ng ito ay nagdulot ng kabuuang epekto sa danas ni Nuri at kanya-kanyang sapalarang kinakaharap ng mga naiipit sa digmaan o anomang uri ng karahasan sa kanilang lugar na pinaggalingan.
Sa pangwakas, ang nobela ay nagdulot ng kabuuang epekto sa’kin kung paano mabuhay sa mundo. Sa panahon ngayon na matinding suliranin ang kinakaharap ng mundo dulot ng banta ng coronavirus, iba-ibang kuwento ang sa tingin ko ang dapat pakinggan at pagtuunan nang pansin. Alam kong ang mga kuwentong ito ay mahirap pakinggan sapagkat nakapanlulumo subalit naniniwala akong kailangan ito ng mundo upang maisalaysay at magbigay-inspirasyon sa ibang tao upang mabuhay at magpatuloy sa buhay.
Buksan pa natin ang ating mga puso at isipan upang magkaroon ng puwang sa mga nangangailangan. Alam kong mahirap tumulong kung tayo mismo ay nagdarahop. Batid ko ito subalit susubukan kong sa sariling paraan makatulong rin naman.
Nawa’y hindi lamang ito ang kuwentong mababasa ko. Marami pa sang kuwento na kapupulutan ng aral. Pasensiya hirap talaga ako umunawa kapag scifi ang binabasa. Hinahabol ko pa nga ang nais iguhit sa aking isipan batay sa binabasa lalo na kapag mga scifi o period novels ang babasahin.
1 note · View note
julyana-stuff · 5 years ago
Photo
Tumblr media
Ako'y isang pinoy, Hindi isinapuso't diwa, Pinoy na isinilang sa ating bansa, Ako'y nasanay sa wikang banyaga, Ako'y pinoy na mayroong ibang uri ng wika, Wikang Pambansa ay hindi ko gamit na salita, Bayan kong Sinilangan, Hangad ko lagi ay kaguluhan, Si Gat Jose Rizal na noo'y nagwika Siya ay nagpangaral sa ating bansa, Ang hindi raw marunong magmahal sa sariling wika, Ay higit pa ang amoy ng mabaho at malansang isda. Bakit kayo nakikipagsiksikan sa isang lata ng sardinas? Kung malawak naman ang espasyo ng karagatan? Bakit ibang wika na ang sa atin dumuduyan? Saan na ba ang wikang naging supling ng Perlas ng Sinilangan? Ayan... ayan ang mga katanungan na laging pumapasok sa aking kaisipan Ang dating wika na naging bulaklak sa hardin ng kamalayan, Na ngayo'y pinitas na ng mga dayuhan... Tayo... tayo ang dayuhan sa sarili nating bansa, Hindi natin ito'y diniligan o miski man lang alagaan, Mas nakinabang ang mga masasamang damo sa lupang tinubuan, Tayo ang rigadera, tayo ang tagapagdilig ngunit ibang halaman ang s'yang sumibol at nakinabang. Sumapit na ang Buwan ng Agosto, Sabik na sabik ang mga Pilipino lalo na yung mga kabataan. Masigasig sa kakapaskil ng tula na animo'y maka-Pilipino Aba! Aba! Aba! Mahal mo lang ang wika dahil sa proyekto, Isa kang Pilipinong nagbabalat-kayo, Ang wikang napuruhan sa giyera noon ay binawian na ng buhay ngayon. Nababaduyan kayo sa Wikang Filipino? Dahil mas gusto niyo ang mga Koryano at Amerikano? Na animo'y parang hinaharana kayo sa tuwing tumutugtog ang kanilang mga awitin, Ngunit alam niyo ba ang pinagkaiba ng Tagalog, Filipino, at Pilipino? 'Yung mga salita tulad ng... doon at dito? kong at kung? ng at nang? sila at sina? Alam niyo ba ang pang-ukol, pang-akop, at pangatnig? Hindi 'di ba? kasi... kasi sinubsob ninyo ang inyong katapatan sa kanila. Tayo mismo ang nagpinta sa wika pero tayo lang din pala ang bubura, Hinayaan natin na magpakadena tayo sa kolonyalismo, Imbes na galangin ang wika ng mga banyaga ay sinasamba pa natin, Kung may panahon tayo sa lengwahe at kultura ng iba, Sa wika at pagiging makabansa ay ganoon din naman sana, Hindi yung bibigyang pansin mo lamang tuwing sasapit ang Buwan ng Agosto. Oo nga, isa tayong milenyal na pinangunahan na ng pagbabago sa kulturang meron ang mga pilipino, Pero `wag puro sml/skl ang iparating mo, `Wag puro GG, Wala na Finish na, Advance ako magisip eh' at kung ano pang balbal na gamit mo, `Wag tayong conyo, May sarili tayong wika't kultura na dapat kinakabisado. Wikang Filipino, Kulturang Pilipino ay pagtibayin natin, Ipakitang naiiba ang Pilipino at kaya nitong tumayo sa sarili nito, Na hindi mabubura ang Wikang Filipino o kahit ang kulturang meron tayo, Kung uunahin nating respetuhin ito bago ang pagrespeto sa dialekto at kalinangan ng ibang wika. Patuloy kong itatarak ang punyal ng reyalidad sa karamihan pati na rin sa sarili ko, Dahil minsan ako yung bumato subalit ako rin ang tinamaan, Ako yung nagmahal subalit ako yung nasaktan. Kinain ko rin ang lahat ng aking salita, Ngunit patuloy pa rin ako sa pakikidigma, Kasama ang tulis ng aking pluma at ang hukbo ng aking tinta, Nakasuot ka man ng kalasag, tatablan ka pa rin ng espada kong nababagabag. Ito'y inyong pakatatandaan, Ipapatikim ko sa inyo ang wikang noo'y sinaing, at itataga ko sa bato na ang wikang banyaga na kinain niyo ay s'yang lalason sa inyo, Huwag natin anihin ang wikang itinanim ng ating mga ninuno, Dahil ang halamang ito ay siyang bubuhay sa ating mga Pilipino. Patunayan natin sa mga banyaga na isa tayong pinoy na may sariling wika, Patunayan natin ang ating panata na isa tayong Pilipinong Makabansa, At kung tila nga nakakalimutan mo na, Heto ako nakatayo para muling ipaalala, Na pilipino ka at wag kang magpakabanyaga. CREDITS TO DEVIANTART.COM FOR THIS PICTURE
4 notes · View notes
markhersonhuelgas · 6 years ago
Text
Ang Binata Ng Dapit Hapon At Ang Dalaga Ng Bukang-liwayway
"ANG BINATA NG DAPIT HAPON AT ANG DALAGA NG BUKANG-LIWAYWAY"
Siya ang binatang tinatanaw sa paglubog
Kadalasang nakakubli sa kidlat at kulog
Ang nagmamasid sa huling halik ng araw
Tagabantay ng padating ng mga bulalakaw
Sa kaniya naatas ang pagbababa ng telon
Ang binata na anak ng dakilang dapit hapon
Guwardiya ng pagsasalit ng araw't buwan
Saksi sa walang hanggang pagmamahalan
Tagapinta ng kahel at lila sa bughaw na kalangitan
Iskultor ng mga ulap, kapag sa oras ay
nalipasan
Ngunit lungkot sa mukha ay laging
nakasabit
Sapagkat ang salita sa binibini ay di na
sasapit
Siya ay puno ng dilim at mga agam-agam
Ang kapareha ay liwanag at kinabukasan
Takot na baka malunod lamang sa lungkot
At mauwing lahat sa isa lang bangungot
Siya ang binibining sa iyo ay bubungad
Laging nakangiti at sa iba ay bukas palad
Dala ay panibagong yugto't mga pangako
Bitbit ay sigla't lakas upang hindi sumuko
Sa kaniya binilin ang pagbukas ng bintana
Ang daan patungo sa itinakdang tadhana
Dalagang anak ng dakilang bukang-liwayway
Ang siyang tagahabi ng ating mga buhay
Tagaguhit ng kapalaran iyong lalakbayin
Tagalimbag ng mga masasayang damdamin
Ngunit bagabag ay bakas sa kaniyang
mukha
May iisang tanong sa kaniyang taga-
likha
"Ama, bakit siya ang itinalaga sa dilim?"
"At ako ay dito sa napakagandang hardin?"
"Bakit lungkot niya'y di ko kayang hagkan?"
"Bakit ako ang simula at siya ang paalam?"
At sumagot ang sa kaniya ay lumikha
"Bakit mo hinahayaang lahat ay hinuha?"
"Siya ay ginawang dilim upang ikaw ang
maging tanglaw"
"Sapagkat ikaw ang bukang-liwayway
na kaniyang tinatanaw"
"Itinadha mang mabuhay ng magkataliwas
Maaari mang hindi magkasalubong ang landas
Ito man ay maaaring maging maagang wakas
Pangako sa kabilang dulo ay di kayo kakalas"
Patuloy na hihiling sa mga bituing hihimlay
Na isang araw sa iyo muli akong makasilay
Dumilim man at ako ay paulit-ulit lumubog
Alam kong dadating ang araw na ikaw sa akin
ay mahuhulog
Patuloy na lalakad kahit na sa tirik na araw
Mahanap lamang ang nag-iisang ikaw
Abutin man ng dilim sa aking daraanan
Ay maliit na sakripisyong maituturing
para sa pagmamahalan
Dapit hapong kumakain ng kaliwanagan
Bukang-liwayway na nagtataboy ng kadiliman
Ito'y tila ba isang kuwento o kundiman
Ang katapusan ay depende sa'yong nararamdaman
7 notes · View notes
maki-uzu-haru · 2 years ago
Text
"Nagmahal ako ng mambabasa"
Paunang salita.
Babala, huwag magmamahal ng mambabasa sapagkat ang tanging iniibig lang nila ay ang akda at hindi ang makata.
Marahang buklatin ang nilalaman upang mabatid ang mga pinaghalong emosyong naipinta ng plumaheng may dagta.
Ngunit mag-ingat, sapagkat ang mga paksang maaari mong mabasa ay nagbabanta.
Nais mo pa rin bang magpatuloy?
Ou, ikaw nga ang aking tinutukoy.
Ngayon palang sinasabi ko sa'yong mabibitag lamang ako ng ngiti at paghanga mong animo'y harayang kumunoy.
Ayaw kong tuluyang mahulog sa'yo kung kaya't ikaw ay aking itinataboy.
Humakbang ka na pabalik.
Huwag mo ng subukang tapusin hanggang sa pinakahuling titik.
Sa mga susunod na kataga ay huwag ka ng masabik.
Umatras ka na hangga't hindi mo pa nababasa ang mga nakasusugat na tinik.
Ngunit dahil hindi mo sinunod ang aking abiso,
At mas pinili mong sundin ang katigasan ng iyong ulo, bigyan mo rin sana ako ng permiso.
Hindi ito pang-aabuso.
Nais ko lang din sundin ang sigaw ng aking puso.
Maaari rin ba kitang saktan?
Hindi kita pinilit na basahin ito hanggang katapusan.
Ikaw ang kusang nagdala rito sa sarili mong kagustuhan.
Maaari rin ba kitang saktan sa kung paanong ang mga libro ay iyong naluhaan?
Wala akong ideya sa mga obrang nabasa mo sa mga panahon ng iyong pag-iisa.
Baka sa mga oras na iyon ay pawang akda ng luha at pagluluksa ang iyong binabasa.
Hindi ko alam kung ano ang nakagisnan mong dyanra at paborito mong piyesa.
Ang alam ko lang ikaw ang paborito kong prosa.
Kung tatanungin mo kung paano ito nagsimula,
Sasabihin ko sa'yong, noong nahalina ka sa aking mga tula,
At hindi ko iyon ipagkakaila.
Pakiwari ko bang ako ang pinakamaganda mong binasa at iyon ang aking akala.
Hinabi ko ang mga parirala upang sa'yo ay itugma.
Inalay ko ang mga salita hindi upang manggayuma, marahil ito ang nakasanayan kong sistema,
Upang makita mong nakita ko ang halaga mo at iyon ang nais kong ipadama.
Nakita ko ang sarili ko sa'yo, kahit alam kong sa tingin mong hindi tayo akma.
Palagay mo pinagtapo lamang tayo ng literatura nang walang dahilan,
Na mabubura din itong mga tula at lilipas rin ang nararamdaman.
Sapagkat sabi mo, ang pagsugal sa laban ng pag-ibig ay walang katiyakan.
Marahil ganito ka rin tinuruan ng iyong nakaraan, na ang mga dumating ay aalis at hindi lahat ay puwedeng pagkatiwalaan.
Nakalimutan mong pareho lamang tayong biktima ng mga tauhang hindi para sa atin,
Na katulad mo hangad ko rin ang taong para sa akin.
Masyado tayong binulag ng paniniwalang ang pag-iisa ay mabuting lunas sa pag-iwas sa sakit ng damdamin.
Ngunit, aminin mong minsan sa iyong pag-iisa ay hinangad mo rin ang isang taong araw-araw kang pipiliin.
At mula doon natagpuan kita.
Natagpuan kita sa pagitan ng lungkot at saya.
Natagpuan kita sa pagitan ng katotohanan at mitolohiya.
Natagpuan kita sa pagitan ng sigurado at komplikadong pagpapasya.
Natagpuan kita ngunit nariyan pa siya.
Nagmahal ako ng matang sabik lamang sa mga letra.
Nag-alay ako ng rosas sa taong may hardin na.
Binigay ko ang mga tala sa taong pag-aari na ng buwan.
Nagmahal ako ng mambabasang ang akda lamang ang tanging nagustuhan.
Huling salita,
Babala, huwag magmamahal ng mambabasa sapagkat ang tanging iniibig lang nila ay ang akda at hindi ang makata.
Nagmahal ako ng mambabasa.
1 note · View note
happyjaja · 2 years ago
Text
Sandaling Paghinto at Pananalangin: Isang Araw ng Paglalakbay sa Manaoag
Tumblr media
Bago matapos ang buwan ng Enero taong kasalukuyan, minarapat ng aking pamilya ang magpunta sa Our Lady of Manaoag upang magkapagpasalamat at manalangin para sa mabuting taon. Matagal na nung huli ako makapunta rito, kaya nga nang malaman kong magtutungo kami rito ay labis akong nagalak. Binigyan ako nito ng isang masayang alala na higit pa sa inaasahan ko. Ang pagtungo rito ay tunay ngang nakapanunumbalik ng sigla, matahimik, at madamdamin. Nangyayari nga ang mga himala sa mga naniniwala. Maniwala ka lang.
Pag-unawa sa Our Lady of Manoag
Ang Our Lady of Manaoag ay isang sikat na destinasyon sa Pilipinas para sa mga Katolikong manlalakbay sa buong mundo. Ang “Our Lady of the Most Holy Rosary of Manaoag o kilala bilang “Our Lady of Manaoag” ay isa sa mga pinaka-binibisitang relihiyosong simbahan sa Pangasinan, na ngayon ngayo’y kinikilala at itinuturing na rin bilang "Catholic Mecca" sa bansa. Ang simbahan ay matatagpuan sa mataas na bahagi ng bayan ng Manaoag, na nagbibigay ng nakakamanghang tanawin sa nakapalibot ditong kanayunan.
Itinayo ito noong ika-17 siglo, at ayon sa lokal na alamat, isang lalaki ang nagkaroon ng pangitain tungkol sa Birheng Maria na siyang nagpahayag sa kanya ng mensahe na magtayo ng isang dambana na ngayon ay kinalalagyan ng simbahan ng Manaoag. Pagkatapos, bumuhos sa bayan ang mga lokal at dayuhang pilgrim na nakarinig tungkol sa mahimalang imahen. Ngayon, libu-libong tao ang pumupunta sa lalawigan bawat taon upang maranasan ang espirituwal na kalikasan ng lugar at tingnan ang iba't ibang makasaysayang at relihiyosong atraksyon.
Malaking bahagi ng ekonomiya ng bayan ang nakasalalay sa pagdagsa ng mga turista at mga peregrino sa dambana ng Our Lady of Manaoag.
Mga Maaaring Gawin
Ang pangunahing atraksyon ng turista sa bayan ng Manaog ay ang dambana. Ang Minor Basilica ng Our Lady Of The Rosary Of Manaoag na dinaragsa ng libu-libong mga relihiyosong peregrino.
Tumblr media
Sa aming pagdating dito, una kaming nagtungo sa pangunahing simbahan na tinatawag na Manaoag Basilica upang dumalo sa misa. Sa loob, makikita ang ilan sa mga himala na iniuugnay sa Our Lady of Manaoag na inilalarawan sa mga mural. Matapos ang misa’y nagtungo kami sa Paschal Chapel sa tabi ng south flank ng simbahan. Hindi rin namin pinalagpas ang pagkakataong makita ang malaking imahe ng Kristong Ipinako sa Krus, na siyang nasa santuwaryo sa kaliwang bahagi ng pangunahing pasukan.
Tumblr media
Bukod sa pagdalo sa misa sa pangunahing simbahan, nagtungo rin kami sa Veneration Room na siyang sikat sa mga peregrino. Matatagpuan ito sa likod na bahagi ng simbahan kung saan kami’y nagkaroon ng pagkakataong mahawakan ang damit ng Birheng Maria.
Tumblr media
Ang Candle Gallery, sa tabi mismo ng pasukan sa Veneration Room, ay isa rin sa magandang lugar na aming tinunguhan para mag-alay ng mga panalangin para sa aming mga mahal sa buhay.
Tumblr media
Hindi namin pinalagpas ang pagkakataon na makapasok at makita ang Our Lady of Manaoag Museum, na nagtatampok ng mga memento halos, korona, scepters, baton, at iba pa. Ito ay madilim at tahimik, na naglalaman ng isang malawak na koleksyon ng mga artifact at vestment, mga regalo sa Birheng Maria, at iba pang mga bagay sa relihiyon.
Tumblr media
Matapos ang kamangha-manghang pag-iikot sa loob ng museo ay nagtungo na kami sa Rosary Garden, na siyang aking maituturing na perpektong lugar upang magnilay at magmuni-muni. Naglalaman man ng malaking bilang ng mga mananampalatayang bumumibista dito, ang lugar ay may sapat na laki kaya namn ang mga taong bumibisita rito ay madaling makahanap ng isang lugar para sa pag-iisa at pagdarasal.
Ang Bukas ng Simabahan:
Araw-araw: mula 5.00 am hanggang 7.00 pm
Iskedyul ng Misa:
Araw-araw: Bawat oras mula 5.00 AM hanggang 11.00 AM at 5.00 PM
Sabado: Bawat oras mula 5.00 AM hanggang 12.00 AM at 4.30 PM
Linggo: Bawat oras mula 5.00 AM hanggang 12.00 AM at 3.00 PM hanggang 5.00 PM
Mga Maaaring Kainan
Narito ang mga kalapit na restaurant na aming kinainan pagkatapos bisitahin ang Our Lady of Manaoag.
Tumblr media
Hardin sa Paraiso
Bago magpatuloy sa aming pamamamasyal ay nagtungo muna kami sa Hardin sa Paraisoupang mananghalian. Ang kainang ito'y mayroong hindi lamang malinamnam na pagkain para sa tiyan sapagkat ang hardin ay sadyang kaya-aya sa mata. Ang ilan sa aming kinain rito na siguradong aking babalikan ay ang kanilang crispy tuna tail, kare-kareng bagnet, at Bangus ni Kaka.
Ito’y matatagpuan sa Brgy. Lelemaan, Manaoag, Pangasinan.
Tumblr media
Antonio Restaurant
Matapos ang kamangha-manghang paglalakbay sa Manaoag Church ay nagtungo kami sa Antonio Restaurant upang kumain bago tumulak pabalik dito sa Bataan. Ang kainang ito ay siguradong babalik-balikan ko dahil sa kanilang hindi matatawarang masasarap na pagkain. Idagdag pa rito ang ganda ng lugar na syang nagbibigay ng karagdagang sarap sa iyong pagkain. Ang kanilang kilawing bangus ay talagang malinamnam.
Ito’y matatagpuan sa Binalonan-Mangaldan National Road, Manaoag, Pangasinan.
Pasalubong
Bukod sa simbahan, pagbibigay-galang at pag-aalay ng panalangin sa patrona ng Manaoag, may isa pang bagay na hindi ko natiis nang kami’y magtungo rito, ito ay ang kanilang mga pasalubong. Kagaya ng mga taong nagtutungo dito ay hindi namin hinayaang basta-bastang umaalis sa bayan ng walang dalang pasalubong. 
Sa paligid mismo ng simbahan ay marahil daan-daang mga tindahan ang nagbebenta ng mga souvenir tulad ng kandila, rosaryo, at iba pang bagay na panrelihiyon, at masasarap na pagkaing sikat sa bayan. Ngunit ang pinakatampok, para sa akin, ay ang tupig, patupat, at boneless bangus. Ang perpek na pasalubong!
Tumblr media
Hindi naming hinayaang umaalis sa Manaoag nang hindi tumitikim at nag-uuwi ng isang dosenang tupig na may niyog na nakabalot sa dahon ng saging, halos katulad ng suman maliban na ito ay inihaw.
Tumblr media
At sino ang hindi mahuhulog sa isa sa mga kaakit-akit na matamis na malagkit na bigas na nakabalot sa mga dahon ng palma na kahawig ng pitaka? Tinatawag silang "patupat". Ang pagkasalimuot at kagila-gilalas ng balot nito ay napapalooban nang lahat ng katutubong pamibihira nito.
Sa tuwing ako’y kakain ay hindi ko maiwasang mapaangil dahil sa kasiya-siya nitong lasa. Ang pagbubukas nito ay nagpahirap sa akin ng husto sapagkat kinakailangan mo munang tanggaling ang bawat hibla ng dahon na nasabit sa lagkit nito. Hindi ako makaangal sapagkat ito’y masarap at sulit ang lahat ng pagsisikap.
Tumblr media
Hindi rin namin nakalimutan bumili nang matamis na batik-batik na mani na hinugis bilog upang gawing kendi, isang bag ng malutong na saging o camote chips, butong kasoy, suman, at iba pang pagkaing matatamis at katakamtakam. Gayundin ang mga pulseras na nabili naming sa halagang 25 hanggang 40 pesos bawat isa depende disenyo.  
Mga tip:
Pinakamainam na oras para bumisita ay mula 4 AM pataas upang maiwasan ang kawan ng mga tao at ang init.
Magdala ng pamaypay, payong at bote ng tubig. Ang Pangasinan ay isang napaka-init na lugar at idagdag pa rito ang bilang ng mga tao na dumagsa sa dambana.
Bumili ng mga kandila sa paligid ng simbahan - maraming mga abot-kayang kandila ang mapagpipilian.
Magdala ng maraming pasensya. Dahil sa milyun-milyong deboto, hindi makakatulong sa iyo ang iyong pagkainip dito. Mayroong mga pila sa halos lahat ng dako.
Sa kabila ng lahat ng iyon, ipikit mo lang ang iyong mga mata at taimtim na sabihin ang iyong mga panalangin. Ang dambana ay hindi sikat sa wala.
Paanong makakatungo sa Manaoag?
Ang pagpunta roon ay maaaring tumagal ng halos 4 na oras. Mula sa Cubao, maaari kang sumakay ng bus mula sa mga terminal sa kahabaan ng EDSA. Ang biyahe ay maaaring magkahalaga ng higit o mas mababa sa Php400, ito’y depende sa kung klase ng bus na nais mong sakyan. Kung walang mga bus na direktang papunta sa Manaoag, maaari ka ring sumakay papuntang Dagupan City at bumaba sa harap ng Magic Mall. Mula roon ay kinakailangan mong sumakay ng tricycle o jeep at ito ang maghatid sa iyo patungong Manaog Church.
Bilang Pagtatapos:
Ito ay isang magandang karanasan para sa akin. Ang lugar ay puno ng mga deboto na dumadalo sa misa, nag-aalay ng mga panalangin, nagsisindi ng kandila, nakapila para hawakan ang damit ni Birheng Maria, bumibili ng mga souvenir, at kumukuha ng litrato. Ngunit maliban sa lahat ng mga debosyonal na aktibidades na ito, tunay kang mapapahanga sa kagandahan ng simbahan at ang galerya ng mga eskultura, na karamihan ay ang mga Dominican na santo at prayle, parehong nasa looban at daanan.
Ang Our Lady of Manaoag ay isang magandang lugar na puntahan para manalangin at magpasalamat kasama ang iyong pamilya o mga kaibigan. Bukod sa sayang idinulot sa akin ng pagtungo rito ay pinanumbalik at mas pinalakas din nito ang aking nanghihinang pananampalataya. Nagtungo ako roon ng may mabigat na puso at nagugulumihanang isip, ngunit umuwi ako na ang ang puso’t isip ay panatag. Nais kong bisitahin ang lugar na ito sa lalong madaling panahon upang magpasalamat sa mga pabor na sa aki’y ipinagkaloob.
Ang kwento sa likod ng biyaheng ito ay sadyang tumutunaw sa aking puso sa tuwing aking naaalala, sapagkat ito’y naganap dahil sa naisin ng aking pamilya na tunay akong makasama at sumaya. Sinasabi kasi nila na magmula nang magsimula ang aking klase ay madalang na lamang akong lumabas ng aking kuwarto, lagi na lamang akong nakaharap sa laptop, at madalang nila akong makita tumawa. Dahil doon ay napagdesisyunan nilang magtungo sa Manaoag upang dumalo sa misa kung saan naroroon ang mapaghimalang Nuestra Señora del Rosario de Manaoag. Ito raw ang kanilang napiling gawin at puntahan sapagkat bilang isang deboto ay naniniwala sila na sa tulong nitong mapaghimalang Maria at tiyaga ay makakamtan ko ang aking mga naisin sa buhay. Ito'y isang araw ng masayang paglalakbay kasama ang aking mga lubos na minamahal sa buhay.
Ang mga piraso ng masasayang alala ang nagpapanatili sa tao para magpatuloy. Kaya dapat huwag mong hahayaan na lumipas ang isang araw na hindi ka nakagagawa ng mga bagay na makapagpapasaya sa iyo, kahit na gaano pa ito kaliit. Maging masaya tayo ngayon para sa ating kinabukasan.
0 notes
haaauhaaau · 3 years ago
Text
Syudad de Baguio: Ang Hiwaga ng Hilaga
Tumblr media
Larawan mula sa Tripadvisor
           Baguio City: ang kabisera ng tag-init ng Pilipinas, ang lungsod ng mga pino.            Sa layong 250 kilometro pahilaga mula sa Manila, mararating ang isa sa mga pinakanatatanging pook-pasyalan sa Pilipinas – ang puso ng Benguet, Baguio City. Sa altitud nitong 5,050 talampakan sa ibabaw ng katubigan, hindi na kataka-takang kahit pa tatlong patong na ang kasuotan ay damang dama pa rin ang yakap ng malayelo nitong simoy dahil ang pangkaraniwang temperatura rito ay umaabot ng 15oC. Kung nanaising masulit nang lubusan ang pagbisita sa Baguio City, ang buwan ng Pebrero ang pinakaideyal na panahon ng pagpanik dahil sa buwang ito ipinagdiriwang ang Pista ng mga Bulaklak – Panagbenga Festival. Ngunit, hindi ito nangangahulugang ang nalalabing mga buwan sa taon ay hindi na nakakaengganyong pumasyal sa Baguio City dahil sa anumang panahon, laging bukas ang mga kamangha-mangha nitong tanawin.  
MGA NAKAKAPINTIG-BALAHIBONG ATRAKSYON SA LUNGSOD NG BAGUIO
Tumblr media
Larawan mula sa Inquirer News
Lion’s Head
           Ang malahiganteng ulo ng leyon na nakaukit sa isang bato ay may taas na apatnapung talampakang. Matatagpuan ito sa pagbaybay sa Kenon Road na isa sa mga daan papasok sa Baguio City. Itinayo ang Lion’s Head noong 1960 at ngayo’y isa na sa mga pinakakilalang muhon ng syudad.
Tumblr media
Larawan mula sa The Filipino Homeschooler
BenCab Museum
           Ang BenCab Museum, itinayo noong 2009, ay nasa kahaban ng Asin Road, labinlimang minutong byahe mula sa sentro ng Baguio City. Ang galeriyang ito ang isa sa mga puntahing lugar sa lungsod na kinababahayan ng Pambansang Alagad ng Sining ng Pilipinas na si Benedicto Reyes Cabrera, sikat sa taguring “BenCab.” Tampok sa museo ang mga natatanging likhang sining ni BenCab na kadalasan ay may temang Cordilleran.
Tumblr media
Larawan mula sa Thirsty Blogger
Tam-Awan Village
           Apat na kilometro mula sa pusod ng Baguio City matatagpuan ang Tam-Awan Village. Ang Tam-Awan Village ay itinayo noong 1998 ng Chanum Foundation Inc. Isa itong kultural na eksibit na itinalaga ng mga lokal na alagad ng sining na kung saan maaaring makasulyap sa mayamang paraan ng pamumuhay ng mga tiga-Cordillera.
Tumblr media
Larawan mula kay Oliver M. Bautista
The Mansion
           Ang The Mansion ay itinayo noong 1908 bilang bahay-pahingahan ng gobernadora-heneral ng Amerika. Sa kasalukuyan, ito na ang opisyal na panirahan ng pangulo ng Pilipinas kapag tag-init. Kahit pa hindi pinapahintulutan ang publiko na makapasok sa loob ng mansyon, kaakit-akit pa rin ang taglay nitong tanawin.
Tumblr media
Larawan mula kay Christian Lucas Sangoyo
Wright Park
           Sa mismong tapat ng The Mansion matatagpuan ang Wright Park. Naitatag ang Wright Park noong 1886 nang maghandog si Charles Wright ng dalawampung ektaryang lupain upang maging pampublikong parke. Ang parkeng ito ay isa sa mga ipinagmamalaking pasyalan ng Baguio City. Ang Wright Park ay isang “ecopark” na bukas para sa publiko kung kaya’t maraming turista ang naeengganyong maglibot dito. Isa sa mga tampok na aktibidad sa Wright Park ay pagsakay sa makukulay na kabayo na talaga namang nakakapagbigay pahinga sa mga turista.
Tumblr media
Larawan mula sa Foursquare
Botanical Garden
           Kung ang hanap mo ay isang payapang lugar kasama ang kalikasan, ang Baguio Botanical Garden ang para sa iyo. Ang Botanical Garden na ito ang natatanging hardin na nakatindig sa gitna ng lungsod. Karagdagan dito, sa pagbaybay sa loob ng hardin ay maaari ring madiskubre ang pamamaraan ng pamumuhay ng mga Igorot na naninirahan mismo sa Botanical Garden.
Tumblr media
Larawan mula sa ZEN Room
Burnham Park
           Burnham Park: ang pinakapopular na parke sa Baguio City. Ito ay matatagpuan sa pusod ng Baguio. Maraming mga aktibidad ang maaaring magawa rito, gaya na lamang ng pamamangka, pagbibisikleta, pamimili, paglalaro – lahat ng maaaring maisip gawin, paniguradong nandito iyan sa Burnham Park.
Tumblr media
Larawan mula sa Daniel’s Eco-Travels
Mines View Park
           Hilagang-silangan sa dakong labas ng lungsod ng Baguio matatagpuan ang Mines View Park. Ito ang isa sa pinakapopular na pasyalan ng mga turista dahil sa makapigil-hininga nitong tanawing sakop ang buong marilag na kabundukan ng Cordillera. Dito ay maaaring magrenta ng mga katutubong kasuotan ng mga Ifugao sa paglibot sa parke na makapagbibigay ng lubos na karanasan at kasiyahan.
Tumblr media
Larawan mula sa Lemi
Good Shepherd Convent
           Ang Good Shepherd Convent ay naitatag noong 1948. Popular ang kumbentong ito sa mga ipinagmamalaking masasarap na pasalubong mula sa Baguio City – tulad ng peanut brittle, peanut butter, lengua de gato, strawberry jam, at ube jam – na gawa ng mga madreng naninirahan dito. Matatagpuan ang Good Shepherd Convent hindi kalayuan mula sa Mines View Park.
Tumblr media
Larawan mula kay Jonathan Cayannan
Camp John Hay
           Ang Camp John Hay ay dating base-militar ng mga Amerikano noong Pangalawang Pandaigdigang Digmaan. Ang mga aktibidad na perpektong gawin sa kampong ito ay magpiknik, maglakad-lakad, at maglaro ng golf.
Tumblr media
Larawan mula sa Pinoy Adventurista
Tree Top Adventure
           Ang Tree Top Adventure ay isang pook-libangan na patok para sa mga taong naghahanap ng abentura. Dito ay makaranas ng mga matinding mga aktibidad gaya ng zip-lining, bungee jumping, treetop climbing, at cablecar riding. Matatagpuan ang pasyalang ito kaunting lakad lamang mula sa Camp John Hay.
Tumblr media
Larawan mula sa VisitPinas
The Diplomat Hotel
           Kung kilabot naman ang nais maramdaman, ang Diplomat Hotel ang sagot para riyan. Ang Diplomat Hotel ay itinayo noong 1913. Noong kasagsagan ng Pangalawang Pandaigdigang Digmaan, ginamit ang hotel upang maging kampo ng mga tumatakas na mga tao mula sa kamay ng mga hapones. Subalit hindi naglaon, natagpuan at pinasok na rin ito ng mga militanteng hapon at gumawa ng mga barbarikong kilos gaya ng panggagahasa, pagpapahirap, at pagpatay. Inabandona ang nasabing hotel noong mga huling yugto ng 1980 at ngayon ay nasa ilalim na ng pamahalaan ng Baguio City.
Tumblr media
Larawan mula sa Vigattine Tourism
Baguio Cathedral
           Ang Our Lady of the Atonement Cathedral o mas kilala bilang Baguio Cathedral ay isang Katolikong simbahang nasa kahabaan ng Session Road. Ito ay binuksan at binendisyunan noong taong 1936 sa ilalim ng lideratura ni Rev. Fr. Florimond Carlu. Taglay ng Baguio Cathedral ang tanawing sakop ang kabuuan ng lungsod.
Tumblr media
Larawan mula kay Audible Books
Baguio City Public Market
           Mercado Publico de la Ciudad de Baguio: ang one-stop-all-shop na bilihan ng kahit anumang isipin ng isang mamimili. Mula sa karne, isda, at gulay, hanggang sa kanilang ipinagmamalaking tela, kakaibang mga putahe, at mga pasalubong na sa Baguio lamang matatagpuan.
 PABAON!
           Kaakibat ng ating pagbisita sa mga natatanging lugar sa Baguio City ay ang ating responsibilidad upang alaagan at ipreserba ang mga ito. Gayundin, sa pagbaba natin mula sa malaparaisong kabundukang ito, baunin sana natin ang ganda at kulay ng kultura at tradisyon ng mga taong naninirahan dito, maski anuman ang etnisidad. Huwag nating hayaang tayo na lamang ang huling henerasyon na magkakaroon ng prebilehiyong makasilip sa gandang itinatago ng lungsod.
           Muli, halina’t pumanik at tuklasin ang mga natatagong yaman ng Syudad de Baguio: Ang Hiwaga ng Hilaga!
0 notes
creativegago · 3 years ago
Text
Beauty and Disgrace (Poetry Collection)
Deleted wattpad post under the pseudonym: goldiiblox
🦋 angela's note: To the friends that I wrote these poems to in the past, thank you for the memories. I wish you well, even if we all fell apart. And on second thought, I really think these poems are so strange. What was on my mind while I was writing these and making rose lollipops out of paper? There are also two poems I did not include here because.. I just don’t want to remember them anymore. I don’t like the ideas.
Synopsis:
A 'collection' of poetry that I wrote for two weeks sometime in January to give to my friends whom are special to me on Valentine's Day.
"For writers always have their heads up somewhere. When we think of somewhere, we look up at the sky. Maybe we're thinking where, or asking it for an answer."
Tumblr media
Kamusta? (A written introduction for the website)
Ang Simula
Ang mga tulang inyong mababasa ay isinulat ng isang dalagang maraming tanong sa mundo. Ito ay mga tulang isinulat ko para sabihin ang mga nararamdaman ko. Nagkakaroon tayo ng mga kaibigan, kahit pilit natin itong iwasan ay darating sila sa mundo natin upang patunayang hindi tayo nag-iisa. Hindi ibig sabihing mahina ka kapag may katulong ka, ipinapahiwatig lang nito na malulungkot ka lamang kung mananatili kang naglalakbay na mag-isa sa mundo.
May nakapagsabi sa akin, na pakaunti nang pakaunti ang oras na nabubuhay ang isang tao. Palala ng palala ang mundo, tila may isang malubhang karamdamang walang lunas. Masakit man at hindi katanggap-tanggap, ngunit tayo ang dahilan ng paghihirap na kanyang dinaranas.
Naisip ko na, bakit nga ba minahal natin ang isa't-isa? Kung ikaw lang naman sa atin ang nasasaktan ng malubha? Isang tanong na binulong ko sa langit, na parehong nilulunod ang paningin ng mga bituing na kailanma'y hindi ko masusungkit.
Patawad, mundo. Mahal na mahal kita. Patawad dahil hindi ko alam kung mahal ka pa rin ba ng iba.
Ang mga tulang ito ay hindi man ang pinakamahusay sa lahat, ngunit kailangan pa bang alamin kung ito ay binuhos ko mula sa aking pusong maraming linalaman?
Magkikita tayong muli pagkatapos ng labing-isang tula.
(Paalala para sa mga banyaga: Labing-isa, maghintay ka bago mo maintindihan ang iyong binabasa.)
Pag-uulit
Siya ang gabi, at ikaw ang buwan.
Dumating ang araw
Iyak
Sa isang lugar na kung saan
Mga tanong na hindi nasagot
Hardin
Isang inang nagaabang nag pag-asa
Ang anak, naghahanap ng pagmamahal
Namatay na ang hardin
Pag-aalangan
May mga bagay akong kinatatakutan
Ang mga bisyong hindi ko matakasan
Hiling ko sana'y hindi na ako matakot.
Nakakalito
Pag-ibig sadyang nakakalito
Sapagkat napakatulin ng iyong pagtakbo.
Pag-asa Para sa Mga Bulaklak
Pakiusap, sana diligan mo naman sila.
Hinawakan ng iyong daliri
Sumpa
Hangin, tubig, lupa at apoy
Biniyayaan sila ng misteryo
Ang lupa at apoy
Panaghoy
Nakatutulog ako tuwing may bagyo.
Nagagalit ako tuwing nakakaramdam
Diyamante
Madalas hinahanap ng mga babae
Naadik sa kanya ang isang perlas,
Buti pa ang mga bato
Tamlumpu’t Isang Pahina
Sinabi nilang mahusay ako.
Ano nga bang meron sa hinaharap?
Ako ay dapat nakasulat sa ika-tatlumpu't isang pahina.
Paalam! (A written post to section the Filipino poems and the English poems)
Sa nakaraang pahina ay nagtapos ang parada ng mga tula. Masaya na ang aking kalooban dahil nailagay ko na rin sila sa lugar na kanilang dapat paglagyan. Sa ngayon ako muna'y mamamaalam, dahil ako naman ay magsusulat sa ibang wika ng isang liham na mayaman din sa tula.
Hindi naman ako kagalingan, ngunit wala na akong ibang pinaghuhugutan. Ang pag-ibig ay hindi ko man nailarawan sa mga tula, naipahiwatig ko naman ang aking naintindihan dito. At dahil sa pakikinig ko sa kwento ng iba't ibang tao, marami na din akong natutunang aral galing sa kanila.
Huwag tayong mawawalan ng pag-asa. Hindi natin kailangang pilitin masagot ang lahat ng ating itinanong, dahil may mga katotohanang magdadala pa sa iyo sa mga mas mapanlinlang pang kasinungalingan.
Hearts (An Overheard Conversation)
"Can I touch your heart?"
"Well, no, you cannot."
"Why so?"
"You have to open me up first, an you will never know how painful it is."
"Oh. I apologize for being rude."
"You know, people like you are rare. People with genuine care are rare."
"How could you say that?"
"People who came were crows who opened me up and touched my heart. Some even have nails too sharp that it left a scar."
"What's worse is that they spoke no words while tearing me open. I reckon the times I feel nothing, my cries for mercy withered away, and I heard my own silence."
"I feel really sorry. I shouldn't have asked. It's my mistake. I sincerely apologize."
"It's natural for you to feel sorry, but don't be. After all, you won't like the hideous sight I've been keeping inside me."
"I should stay away from my ignorance. A treasure chest doesn't always contain luxury."    
The Chase
"Perhaps hopeless isn't a place."
Embroidery
They were series of dreams
Define
The fish swam in the sea
Fear crept in its veins
Flight
Sometimes, it's good to be free.
Oh no, there is an approaching storm
Promise
I sat at the back, feeling discouraged.
L O V E
I haven't found it yet but still searching.
Is it really love?
Is it love when we only think of bliss?
I see the paper.
Questions From a Mutual
Is the flower pretty?
I love you dearly
Hesitant
Silence is asking for a dance.
Aurora spoke in eloquence.
"I miss silence"
The existence of silence, my heart beating
Tsunami
If pain is never permanent
Asking
Troubled lots of times
The clouds are speaking the truth.
Strangers
Timid was my perfect profile.
We are two celestial bodies embracing.
Gradient
Why are we distant?
Cashmere skies, reflected your dreamy eyes.
Abundance
I woke up from my bed of roses.
On The Shelf
"Hey moon, please forget to fall down."
Tearing worlds apart, crossing the black hole
Just In Case
This world, a chaotic place.
Now just in case,
Alive?
Sometimes, it's good to be alive.
I wrote during the midnight,
The Good Side
Wasteland became a home.
Dreams have fallen
How Could I?
Should Valentine's last long?
The chase is pointed at me
But they didn't.
Pieces of You
No, I can't fly without wings.
You thought you fell on clouds,
Question: Are you the lost fallen angel?
Delete
Delete the sea in your mind
You sat, barely listening
Tired?
A house built from cards.
There are at least three questions
Saints
Here they are, dancing.
Their lips spoke a prayer.
Evocative
Honestly, I feel tired
Who knows when I'm writing this?
Haven
When I was a star, I loved being warm.
100 Letters
The crack of dusk
Feels like slowly spreading ink.
The rising sun
Is she blinding someone?
I wanted everything to be perfect.
There's a list of wishes
But they feel like I'm becoming more
Hopeless.
Voiceless at 9 o’ clock
Moments, rooms, voices
The house is filled with voices.
It has such clear windows.
But once destroyed by hopeless
All these shows
Are gone by morning.
Perhaps even late in the evening,
Where wild hearts are sleeping.
Voiceless, hopeless is screaming.
Swimming Pools
Things hit rock bottom.
It feels heaven to be in love
Why does it feel hell to break in half?
The swimming pools are calming underneath.
Morning
Parties are fun, do you want to lose your mind?
I tainted my mind with lust.
The throne is made of gold,
Torn in Two
I believed that in this world,
My hopes are as high as a tower.
The cards have cut a slit in my chest.
Misinterpretation
Even if I don't want you to expect much,
Hello, this is me.
I'm a stranger.
Play
She loved the mystery of love.
Why is love serious with their games?
Nemesis granted me a pill.
I wished to be in love.
And now I'm aware that I'm included in this mystery.
Solitude
Pardon, I know you're getting tired.
Sunny, happy, and care-free
We both need rest.
February
Could be as sweet as honey
February, could be a common name
Be safe in playing with the cards.
They are dangerous, all the time.
Wishing Wells
Wishing wells are one of our old spells.
Possibly, we fail.
It's for you to be happy.
H a l f w a y
A variety of poems.
I.
Bubbles float in the virtual world.
I couldn't care less.
My mind, a deep chasm.
Our hearts, disconnecting
But our dreams, slowly forming.
II.
Crimson filled the cloudy afternoon.
The sun cries with vivid tears.
They chose to escape this disaster,
The stars became blind.
Now I see, that the night is gone.
III.
Obsessed with perfection
Obsessed with the passion
Is this the place where they belong?
Or is this another illusion?
IV.
Wistful, I pride for my ocean.
Why do I feel like I'm inside a whirlpool?
I wonder what is going on.
V.
Instead, why am I receiving worlds?
VI.
We are finally on the first lap.
How can I say things
You're halfway.
Can you offer time to stay?
His Story
I | Sculpture
It is a sculpture of a heart
II | Squares
It is a Polaroid
III | Barrier
It is a wall
IV | Puzzle
False discoveries.
V | Things That Grow
Thus, he expanded mulch.
VI | Location
He planted the roots of a musical note.
He called it his true sanity.
VII | Evening
It was dark.
VIII | Oblivion
It was cold.
IX | Creature
His creature, now a monster.
X | Unsolved
A domino of film is played.
Warmth.
XI | Idle
His eyes closed contently.
XII | His Epilogue
Without anyone knowing
Blue
You are deep.
You may not be the heart's color,
But you are here, a peaceful harbor.
Red
I spotted you walking with an old friend named Rose.
Why do I see nothing but violence
I heard you sing with passion.
Even more alive.
Yellow
I see you in between.
You shine so bright.
Avalon
Now, this is a childhood tale.
It might be a sequence.
Avalon, better left as an enigma.
Exit - I end here. Goodbye, friend old.
1 note · View note
inkinmysleeves · 3 years ago
Text
(KATHA AT TULA SA GITNA NG PAPARATING NA SIGWA)
Tumblr media
Baliktanaw
Muli kong pinuntahan ang hardin na minsan nating naging tagpuan;
Marami na'ng nagbago.
Ibang-iba na kumpara sa dati nitong itsura.
Ang mga puno,
Ang mga halaman.
Tila nalanta na sa nagdaang panahong 'di ito naalagaan.
Paminsan-minsan, tinutungo rin ng aking mga paa ang ilog kung saan natin ibinulsa kasama ng bangkang papel ang ating mga pangarap.
Tahimik na ang paligid nito.
Taliwas sa dating ingay ng mga kuliglig at kulisap na saksi sa ating pagtanaw sa hinaharap.
Mahiwagang alaala.
Pilit na ginugunita ang masidhing pagmamahal ng isa, habang ang naging kapareha'y hindi na alam kung nandyan pa,
o kung tumatanaw pa ba pabalik.
At habang ako'y sabik,
Uhaw sa mga bagay na alam kong hindi na maibabalik,
Tinanaw kong muli ang buwan.
Ang buntabay.
Ang ating naging gabay.
At ang saksi sa ating pag-indak sa saliw ng pag-ibig na dalisay.
At kasabay ng pag-bagsak ng mga luha,
Nilingon kong muli ang hardin,
At ang ilog na sumasalamin sa liwanag ng buwan at mga bituin.
Ikaw, na minsan kong naging silong at tahanan,
Ang pag-agos nito ang siyang simbulo ng habambuhay na pag-suyo ko para sa'yo.
At sa nalalapit na tag-ulan,
Muli kong babaybayin ang lugar na naging tapayan ng ating pagmamahalan.
At sa oras na ang langit ay lumuha,
babalik akong muli sa ating mga gunita.
At 'pag ang lahat ay nagtapos,
At ang ulan ay umalpas,
Kasabay din nitong sasambitin,
ang aking huling pahimakas.
0 notes
nicholineannmancol · 4 years ago
Text
Mga Dapat Bisitahin sa South Korea!
안녕하세요! Maligayang pagdating sa Local na Pakikipagsapalaran kasama AKO! Narito ako upang sabihin sa iyo ang aking limang rekomendasyon na bibisitahin sa napakagandang lugar na ito.
Tumblr media
Sumama ka sa akin at makipagsapalaran tayo sa mga magagandang lugar na matatagpuan sa South Korea!
N Seol Tower
Ang N Seoul Tower ay isang tower ng komunikasyon na matatagpuan sa Mt. Namsan.  Ang tower ay naging isang simbolo ng Seoul mula nang ito ay unang magbukas sa publiko noong 1980
Tumblr media
Mula sa tuktok, nag-aalok ang tower ng magagandang at malalawak na tanawin ng lungsod. Masisiyahan ang mga bisita sa espasyo ng kultura na may iba't ibang mga pagtatanghal, pelikula, eksibisyon pati na rin mga upscale na restawran at mga snack bar.
Island ( Winter Sonata )
Para sa mga mahilig sa Drama sa Korea, ang Nami Island ay isang lugar na hindi nangangailangan ng isang karagdagang pagpapakilala dahil ito ang lugar ng kapanganakan ng lahat ng mga Craze ng Korea. Ito ang isa sa mga lugar kung saan kinunan ang sikat na international Korean Drama na Winter Sonata. Samakatuwid, ito ay isang dapat-bisitahin para sa lahat ng mga turista sa Asya!
Tumblr media
Ang Namiseom Island ay nabuo bilang isang resulta ng pagtatayo ng Cheongpyeong Dam. Ito ay isang kalahating buwan na hugis (462,809㎡) na isla, at dito ay ang libingan ni Heneral Nami, na humantong sa isang malaking tagumpay laban sa mga rebelde sa ika-13 taon ng ika-7 hari ng Dinastiyang Joseon, Haring Sejo (paghahari 1455 ~ 1468).
DDP White Rose Garden
Ang DDP Rose Garden ay nagsimula bilang isang pansamantalang eksibisyon ngunit nakakuha ng katanyagan lalo na sa mga mag-asawa. Isang kabuuan ng 25,550 LED roses ang lumiwanag kapag gabi na lumilikha ng isang kahanga-hangang stream ng mga puting rosas.
Tumblr media
Ang pagpapakita ay nagsimula sa Araw ng Pambansang Laya noong 2015 bilang pagdiriwang ng ika-70 taon ng kalayaan ng bansa. Ang bilang ng mga rosas na ipinapakita ay tumutugma sa bilang ng mga araw mula nang palayain: 365 araw na pinarami ng 70 taon ay katumbas ng 25,550 rosas.
Everland
Ang Everland ay ang pinakamalaking parke ng South Korea sa 100 hectares. Ito ay niraranggo bilang ika-4 na pinakapasyal na parke ng tema sa mundo sa pamamagitan ng pag-aalok ng 5 pangunahing Festivals at kapanapanabik na aliwan sa buong taon.
Tumblr media
 Ang parke ay tahanan ng higit sa 40 mga rides at atraksyon na nakakaganyak sa puso. Bilang karagdagan sa 'Safari World' na nagtatampok ng mga puting tigre, tigre, leon at bear, ang 'Herbivore Safari' ay binuksan noong Abril 2010, hinayaan ang mga bisita na makalapit at personal sa mga giraff ng safari, mga elepante, at mga ostriches. Kilala rin ang Everland sa napakarilag nitong mga bulaklak at magagandang hardin, na naging mga fixture sa buong taon mula noong Rose Festival noong 1985.
Lotte World
Ang Lotte World ay binubuo ng pinakamalaking parkeng may tema sa panloob na mundo (isang Guinness World Record) na bukas buong taon, isang panlabas na amusement park na tinatawag na "Magic Island", isang artipisyal na isla sa loob ng isang lawa na naiugnay ng monorail, mga shopping mall, isang marangyang hotel, isang museo ng katutubong Korea, mga pasilidad sa palakasan, at sinehan sa lahat sa isang lugar.
Tumblr media
Isa sa mga pangunahing kadahilanan na ang mga turista ay naaakit sa Lotte World ay ang mga pagsakay sa libangan. Ang Gyro Drop at Gyro Swing ang nangunguna sa mga kasiyahan– isang matarik na pagbagsak na may taas na 70 metro o tikman ang kapanapanabik na sensasyon ng pagiging nasa loob ng isang buhawi. Ang Flume Ride ay isang longboat na may mataas na altitude na alon, at ang Spanish Pirate Ship ay nakikipag-swing sa isang nakakuryente na 75 degree. Bukod sa kaguluhan ng mga pagsakay na ito, naglalaman din ang Lotte World ng iba't ibang mga parada at palabas sa laser.
Salamat sa pagbabasa! Sana ay nasiyahan ka sa aking mga inirekumendang lugar sa South Korea. Magkita ulit tayo sa susunod para sa mas maraming lokal na pakikipagsapalaran kasama ako. 감사합니다!
0 notes
browinstontv · 5 years ago
Text
Mayo 22. Ngayon ay kapistahan ni Santa Rita de Casia. Kilala siya bilang pintakasi ng mga bagay na imposible nang maganap. Mayroon ding kumikilala sa kanya bilang patron ng kapayapaan. Isinilang siya sa pamilyang kilala bilang negosyador tungo sa pagkakasundo at kapayapaaan. Mamanahin ito ni Rita sa kanyang buhay. Hangad niya na iaalay ang kanyang sarili sa paglilingkod sa Diyos, ngunit hiniling ng kanyang mga magulang na makita siyang ikinakasal. Pumayag siya sa kanilang kalooban bilang tanda ng kanyang paggalang at pagmamahal. Nasaksihan ito ng kanyang mga magulang bago sila pumanaw.
Samantala ang asawa ni Rita ay nakikilahok sa mga alitan na nagdudulot ng pagdurusa kay Rita. Magulo, basag-ulo at walang kapayaan, yan ang makasalanang buhay ng kanyang kabiyak. Hindi tumigil sa pananalangin si Rita para sa pagbabagong buhay ng asawa. Hindi siya nagsawa hanggang sa tugunin ng Diyos ang kanyang panalangin. Nagbagong buhay nga si Paolo, ngunit dumating ang trahedya sa kanyang buhay. Dala ng mga dating kaalitan, tinambangan siya at pinaslang. Galit ang namutawi sa kanyang mga anak. Ibig ipaghiganti ng kambal niyang anak na lalaki ang kamatayan ng kanilang ama. Sa panahong tila ba walang kapayapaan at katahimikan dala ng hapdi ng pagkapaslang ng kanyang asawa, muling bumaling sa taimtim na pananalangin si Rita. Hindi niya hangad na makitang maging tulad ng tinalikurang buhay ng kanyang asawa ang buhay ng kanyang mga binata. Dumating ang salot, kapwa nagkasakit ang kambal at pumanaw. Ngayo'y hindi na lamang siya balo, ulila na siya. Hangad niyang pumasok sa pagiging madre na una niyang bokasyon. Hindi pumayag ang superyora sapagkat karaniwang para sa dalaga ang pagiging madre at napasangkot ang kanyang pamilya sa mga gulo at pagpaslang. Ngunit hindi nawalan ng loob si Rita. Muli siyang dumulog sa panalangin. Laking pagkagulat ng kongregasyon na kanyang pinapasukan nang makapasok siya sa loob ng klastro na may matataas na pader. Nang tanungin, ipinagtapat niyang tinulungan siyang makapasok ni San Agustin, San Juan Bautista at San Nicolas Tolentino. Ang makalangit na pagtulong na ito ang naging dahilan ng pagtanggap sa kanya sa kumbento sa kabila ng mga balakid.
Sa kumbento niya natanggap mula sa Panginoon ang biyaya ng stigmata ng koronang tinik. Nagkaroon siya ng sugat sa kanyang noo na kalaunan ay lumalim, lumaki at bumaho. Dahilan upang layuan siya ng mga madre at ikulong sa kanyang selda. Magkakaroon noon ng peregrinasyon ang mga madre sa Roma. Gustong sumama ni Rita ngunit ang kanyang kondisyon at sugat sa noo ang hadlang sa pasya ng mga madre na isama siya. Nanalangin muli si Rita at sa pagtalab ng gamot agad-agad na nawala ang mabahong amoy at gumaling si Rita. Muli, ang isang bagay na tila ba imposible ay natupad. Nakasama si Santa Rita sa peregrinasyon.
Ilang buwan bago mamatay si Santa Rita, dinalaw siya ng kanyang pinsan at sinabi ano ang ibig mo na idulot namin sa iyo? Tumugon si Rita, rosas mula sa aking hardin at dalawang igos. Sinabi ng kanyang pinsan na ito'y imposible sapagkat tag-lamig noon. Gayun pa man nagtungo ang pinsan sa tahanan ni Rita at laking pagkamangha nang makita ang isang rosas na nababalot ng yelo at dalawang igos. Kinabukasan dinala agad ito kay Rita. Pumanaw si Santa Rita noong Mayo 22, 1457. Hindi naagnas ang kanyang katawan hanggang sa kasalukuyan.
Santa Rita, ipanalangin mo kami.
Tumblr media
0 notes
sanshynapa-blog · 7 years ago
Text
KAPITALISTA
Ganda ng kalikasan ay tunay na yaman
Bahagi na ito ng ating kabataan
At pundasyon ng ating kinabukasan
Kaya dapat pagsikaping ingatan
Hanging sariwa, naglilinis ng pang-unawa
Libre lang langhapin, di nakakasawa
Malawak na kapatagan ang ating hardin
Punong puno ng mga berdeng pananim
Magaganda’t mabangong bulaklak
Kapag tinignan tiyak na nakakagalak
 Ngunit tila bumaliktad ang mundo
Pag-aaruga at pag-ingat na pinangako
Bigla nalang lumisan
At iyo naman itong hinayaan
 Saksi ang buwan sa kanyang pagbabago
Ating kalikasan ngayo’y bugbog-sarado
Matayog na mga puno ngayo’y wala na
Linaw ng katubigan tila kumawala na
Ang hanging sariwa, balisa na ngayon,
Nasira ng usok na naglilimayon.
 Bitak sa lupa, mga guhit sa dingding
Kalbong gubat, banging malalim
Ilog na rumaragasa, dam na umaangil
Sirenang panawag sa paglikas natin
Matutong magsuri sa paligid natin
 Huwag pabayaang tuluyang masira
Huwag pabayaang gubat ay ipagahasa
Ipagtanggol ang tubig, hangin, at isla
Laban sa mapandambong na kapitalista
Sa lahing Pilipinong piniste na natin
Huwag pabayaang maghari ang sakim
Ugat ng demonyo’y putulin nadin
Kundi kalikasan ay ating lalaspagin
1 note · View note
solzz · 5 years ago
Photo
Tumblr media
ang paraisong hardin
ang paraisong hardin
oh kay gandang pagmasdan ang mga halaman sa hardin,
kasabay ng palingon mo sa akin habang ako'y nakatingin,
hinahangin ang mga makukulay na bulaklak sa iyong tabi,
kasabay ng mga buhok mong kakulay ang iyong pagka kayumangi,
nakita ko na naman ang kanyang mga ngiti!
pare ko, puso ko na nama'y hindi mapakali.
yung mga bituin sa langit oh kumikislap at nagniningning,
naalala ko hilig mo pala silang pagmasdan tuwing hating gabi.
hilig din kitang ihalintulad sa mga bituin,
kasi kung iisipin? ika'y mahirap abutin.
pero kaya ko silang sungkitin at ibigay lahat sa iyo,
imposible man sa iyong paningin.
alam mo ba sa ilalim ng mga hardin may mga tinatago itong mga hiwaga?
sabi nila mga kakaibang nilalang ang pwede nating makita,
tila nga ba'y totoo pala ang kanilang mga hinala!
dahil sa sandaling yumapak ang iyong mga paa sa hardin,
nakita ko ang katangi tanging nilalang na nilikha ng Diyos na talagang kaaya-aya sa ating paningin.
ang sarap pakingan ng mga ibon sa paligid no?
naalala ko yung unang araw kong narinig ang iyong tinig,
kasabay ng mga halakhak mong gustong gusto ko parating naririnig.
kay dali mong patawanin, oh sinta!
may tumutugtog atang radyo sa iyong tahanan dinig mo ba?
alam mo, nakakamangha ang panlasa mo sa musika?
para bang bawat kanta mo'y mayroong alaala?
ah, naalala ko nga pala,
mahilig ka rin tumula at idaan sa sulat ang iyong masasakit na nadarama.
at ayon sa balita, may tao ka nga palang nais makuha.
pre, mukhang sumusulat na ulit sya. nasasaktan na naman siya.
yung taong iniiyakan ko, iniiyakan siya!
oo, umiiyak yung puso niya sa taong hindi siya ang nais makuha,
pero bakit hindi niya iyon makita?
marahil totoo nga ang sabi sabi nila,
nakakabulag pala talaga magpakatanga sa tao wala tayong mapapala.
tangina pare, sinayang niya ang taong aking sinisinta!
halos handa na siyang ialay ang bawat ningning ng kanyang mga mata para sa taong hindi naman para sa kanya.
nadadama ko yung puso niyang lumulundag sa tuwa sa tuwing sila'y magkasama.
pero kaakibat non ang sakit na nadarama ko sa tuwing masasaktan siya dahil hindi niya alam saan lulugar sa piling niya.
nakakainis, wala man lang akong magawa!
sa bandang huli, para akong tangang nakatingin sa mga bituin habang sila'y hiwa-hiwalay sa isa't-isa.
ngunit hindi ka na isang bituin, aking sinta.
bagkus isa ka nang buwan,
isang maliwanag na buwan na kumukuha ng liwanag at ningning sa araw,
katulad ng pagkuha mo ng lakas at kaligayahan sa taong hindi ikaw ang pipiliin araw araw.
huwag ka na lumuha, umiitim na ang mga ulap sa iyong paligid.
lumalakas na ang hangin at bumibigat na ang pagpatak ng mga ulan,
kasabay ng pagpatak ng iyong mga luha.
lumulumbay na ang hardin, aking sinta.
hindi ko na makita ang mga makukulay na bulaklak sa iyong tabi.
hindi ko na maramdaman ang simoy ng payapang hangin.
samantalang, damang dama ko ang malamig na hangin na kasing lamig ng iyong damdamin.
tahan na, oh sinta.
hindi ako aalis ng hardin kahit bumagyo pa.
ngunit hindi ko maiipangakong ako'y makatatayo pa.
dahil alam kong pagkatapos ng bagyong ito,
uuwi ka pa rin sa tahanan niya.
maaring hindi na sa kanya,
pero alam kong hindi pa rin sa akin,
dahil ni minsa'y hindi ako nakapasok at hinding hindi ako makakapasok sa iyong hardin.
0 notes