#larawang-pinta
Explore tagged Tumblr posts
Text
BOYET ABRENICA Pinangat, akriliko sa kambas, 2024 #artPH
#boyet abrenica#pinangat#larawang-pinta#painting#akriliko sa kambas#acrylic on canvas#sining biswal#visual arts#filipino art#artPH
14 notes
·
View notes
Text
Tara na't mag lakbay sa secret spot ng zambales!
Sa malasakit ng mga likas-yaman at ang mga lihim na biyaya ng kalikasan, may mga lugar na tila masaya ang kalikasan sa pagbibigay satin ng mga pambihirang tanawin at karanasan. Sa malalim ng timog-kanlurang bahagi ng Luzon, matatagpuan ang isang pook na pinagpala ng kalikasan. Ito ay walang iba kundi ang "Liwa's Secret Spot" sa Zambales.
Ang Liwa's Secret Spot ay isang payak na lugar na tahimik na natatago sa kabundukan ng Zambales. Tinaguriang Liwa dahil sa mga kuwentong umiikot sa kagandahan nito, at "Secret Spot" dahil sa kaalamang hindi ito gaanong kilala ng mga tao. Subalit, ito ay isang yaman na hinahandog ng kalikasan sa mga nagbabalak na tuklasin ito. Ang larawang ito ay mula sa fb page ng liwa's secret spot sa Zambales.
Sa unang pagtingin, ang Liwa's Secret Spot ay tila isang kaharian ng mga puno, mga bulaklak, at kagubatan. Sa malamlam na siklab ng araw, ang lihim ng Liwa ay unti-unting bumubukas, nagpapakita ng mga tanawin na kahit sa mga pinta ng pinakamatanyag na pintor ay hindi matutumbasan.
Ang hangin na dumarampi sa Liwa ay dala-dala ang hamog mula sa kakahuyan, tila isang panghalina na pabango na inihahandog ng kalikasan. Ang sariwang simoy ng hangin ay nagbibigay ng bagong buhay at enerhiya sa sinumang nagtatangkang tuklasin ang kagandahan nito.
Sa pagtungtong mo sa tuktok ng Liwa's Secret Spot, mararamdaman mo ang kakaibang kagalakan na hatid ng tagumpay. Ang pagtingin mo sa paligid ay magbibigay sayo ng malalim na pag-unawa sa yaman ng kalikasan, at ang inspirasyon na mas alagaan ito at mahalin.
Ang Liwa's Secret Spot ay hindi lamang isang lugar, ito ay isang karanasan. Isang karanasang nagtuturo sa atin na ang kalikasan ay may sariling boses na dapat nating pakinggan at respetuhin. Ito ay isang paalala na ang yaman ng kalikasan ay hindi walang hanggan, at ang ating papel ay maging tagapangalaga at tagapagtanggol nito.
Sa paglalakbay mo sa Liwa's Secret Spot, isaalang-alang mo ang kahalagahan ng kalikasan sa ating buhay. Ang bawat kagubatan, ilog, at bundok ay may sariling kwento at halaga. Ito ay hindi lang dapat maging ating lugar ng pagsilong, kundi pati na rin ang ating inspirasyon at gabay sa pagtataguyod ng mas maayos at maaliwalas na kinabukasan.
Sa pagtatapos ng iyong paglalakbay sa Liwa's Secret Spot, isaalang-alang mo ang pagbibigay-pugay at pasasalamat sa kalikasan. Dahil sa kabila ng lahat ng pagsubok, ito ay patuloy na nagbibigay ng buhay at kasaganaan sa ating mundo. Ang bawat Liwa's Secret Spot sa ating mundo ay isang paalala na tayo ay bahagi lamang ng mas malaking eksistensya, at tayo ay may pananagutan na maging mabuting tagapangalaga ng kalikasan.
narito ang link ng page ng liwa's secret spot. Ano pang hinihintay mo? Tara na sa Zambales!
1 note
·
View note
Photo
FLORENCIO CONCEPCION Lalaking May Plawta (Edisyon 2 ng 15), serigrapiya, 1957 Koleksyon ng Sentrong Pangkultura ng Pilipinas (CCP) #CulturalCenterPH #CCPvamd #artPh
#ccp#sentrong pangkultura ng pilipinas#cultural center of the philippines#ccp visual arts#ccp vamd#florencio concepcion#lalaking may plawta#man with the flute#larawang-pinta#painting#serigrapiya#serigraph#sining biswal#visual arts#filipino art#culturalcenterph#artph
11 notes
·
View notes
Text
Kumusta ka?
Ayos ka pa ba?
Hindi ito isang tula
Bagkus, isa itong liham na may kaunting tugma
Ano kaya ang 'yong ginagawa?
Ano ang mga iniisip at pinagkakaabalahan mo kaya?
Hindi mo na ba naalala ang mga sandaling
Tayong dalawa
Magkasamang tumingin sa mga larawang pinta
Habang pinaguusapan ang mga hinaing sa buhay
Mga sariling kwentong hindi makulay
Naalala mo pa ba?
Naalala mo pa ba ang mga sandaling mahigpit ang kapit mo sa damit kong unti unti mong nalulukot?
Mga dumaang araw kong parang basang basa ng luhang unti unti nang nilulumot
Ikaw ang nagsilbing kumot
Sa mga gabing malamig
Sana naalala mo pa
Mga hakbang natin dalawa
At sana
Nasa maayos ka na
0 notes
Photo
Mga larawang-pinta ng #coronadaPHL ni G. Ken Almine
#mary#maria#ave maria#virgin mary#blessed virgin mary#mama mary#inang maria#coronadaPH#coronadaPHL#ken almine
0 notes
Photo
Ikaw ay hindi si Stella Lalong 'di ako si Fidel. Lipstick mo ay hindi itim. 'Di rin ako manunulat. Hindi naman kailangan na ika'y maging si Stella. 'Di rin naman kailangan ako'y maging si Fidel pa Ako'y handa rin gumawa 'sang daang 'di mga tula, bagkus ay mga larawang kamay ko pa ang nagpinta Oo nga't hindi ako s'ya. Hindi ako kagaya n'yang hinahayaan lumipas ang mga pagkakataon. Kaya ito ako ngayon, alay unang pinta ko. 'Di man kagandahan, to'y galing naman sa puso. 'Sang daang mga larawan Pinta ng kamay at puso. Nabigay ko na ang isa, hintayin mo pa ang iba. -f.
2 notes
·
View notes
Text
Pagpapahalaga sa Kulturang Mediterranean
Suriin mo ang lawak ng impluwensiya ng panitikan at kulturang mula sa Mediterranean sa kaugalian, pamumuhay, kultura, at paniniwala ng mga Pilipino. Ang Sinaunang Mediterranean ang nakatuklas ng sistema ng pagsulat na nagpabago at humubog sa kasaysayan ng mundo.
Unti-unting umunlad ang pagsulat mula sa simbolong larawan, simpleng komunikasyon tungo sa likhang- sining at panitikan. Ang panitikan ng Sinaunang Mediterranean ay naging batayan ng iba’t ibang uri ng panitikan sa buong mundo.
Ang mga pangkat ng mga taong nanirahan dito ay nag-iwan ng mga pamanang nagpapakita ng kanilang pagkamalikhain at kahusayan sa iba't ibang mga bagay. Pangunahin sa mga ito ang mga kagamitang naimbento ng mga Sumreian na lubusang nagpagaan sa mga gawain ng tao noon at ngayon.
PRANSIYA
PARIS
Ang pransiya ay ang pinaka binibisitang bansa sa kontinente ng europa dahil sa mga lugar na patok sa mga turista . Ang Paris ay ang cabisera ng pransiya at kilala ito sa sikat nitong atraksyon na
Eiffel Tower
. Makikita ang Eiffel Tower sa kauulapan ng bayan ng Paris. Ang bakal na monumentong ito ay nakompleto noong 1889 sa disensyo ni Gustave Eiffel. isa ito sa mga pinaka tanyag na pasyalan sa buong mundo kaya naman madaming turista ang bumibisita ang nahuhumaling sa ganda nito.
THE LOUVRE
Isa din sa mga patok na binibisita ng mga turista ay ang The Louvre ito ay ang pinaka malaking museo sa buong mundo.
humigit kumulang 35,000 na mga ipinintang larawan,sculptor, at iba pang gawa ng sining at naglalaman pa na libolibong bagay sa koleksyon nito.Nandito din ang pinaka sikat na pinta sa buong mundo na
The Monalisa
ni Leonardo da Vinci na pinoproketahan ng
bulletproof
na salamin. ito ay nanakaw noong 1911 ngunit nabalik din ito.
ESPANYA
Madrid Ang Madrid ay ang cabisera ng Espanya,kilala ito sa pinakasikat nilang atraksyon na Palacio Real nang maitayo noong 1794, ang palasyo ay nagsilbing tahanan ng mga maharlika simula kay carlos iii. ang mga huling maharlikang tumira dito ay si alfonso xiii at victoria eugenie noong 1900s. bagaman ang palasyo ay ginagamit sa mga opisyal na seremonya,50 sa mga kwarto nito ay bukas sa publiko, kasama ang lagayan ng mga armas, imbakan ng gamot at maging ang magardong kwarto na lagayan ng trono o "salon del trono" kung saab makikita ang pinta ng baroque na pintor, tiepolo sa kisame nito.
BARCELONA
ang la sagrada familia sa barcelona spain ay isang malaking simbahang katoliko at isa sa pinaka dinadayong pasyalan ng mga turista. ito ay disenyo ni antonio gaudí, isang arkitektong catalan at trinabaho ito sa loob ng 40 na taon hanggang sya ay mamatay noong 1926. ang paggawa ng basilica ay nagsimula noong 1888 ay hindi pa natatapos sa kasalukuyan.
ITALYA
ROMA
Ang Colesseum ay matatagpuan sa cabisera ng italya na Roma,ang "the colosseum" o flavian amphitheater ay isang malaking arena na itinayo noong unang siglo sa ilalim ng pamamahala ng mga emperador ng flavian dynasty: vespasian (), titus, (), at domitian, (). ang arena ay ginamit sa mga kamangha manghang pangyayari kagaya ng ng mga gladiator fights, animal hunts at pagpatay sa harap ng publiko mula 80 ce hanggang 404 ce
Ang St. Peter's Basilica ay Matatagpuan sa Vatican sa Kabisera padin ng Italya , ang sentro ng simbahang katoliko at pangunahing pasyalan ng mga turista, ang Basilica of st. peter ay isang malaking simbahan: ang loob nito ay may tass na 120 cm. ang basilica ay itinayo kung saan si ang apostol na si pablo, ang itinuring na unang santo papa ay ipinako at inilibing. ang pagtatayo nito ay sinimulan noong 1506 at natapos noong 1615. maraming tanyag na mga alagad ng sining ang tumulong mag disensyo sa mga komplikadong parte at paligid nito: si michaelangelo ang nag disenyo ng dome at si bernini ang nagdisenyo ng st. peter's square
BAKIT KAILANGAN PAHALAGAHAN ANG KULTURA NG EUROPA?
Ang kultura ng Europa ay mailalarawan bilang isang serye ng magkakapatong na mga kultura. Ito ay puno ng mas malawak na kasakupan ng pilosopiya, ng humanismong Kristiyano at sekular, ng rasyonal o makatwirang paraan ng pamumuhay at lohikal na pag-iisip na umunlad sa loob ng mahabang panahon ng pagbabago at pormasyon dahil sa mga eksperimentong naisagawa noong Panahon ng pagkamulat, naturalismo, romantisismo, agham, demokrasya at sosyalismo.
IBA PANG BANSA SA MEDITERRANEAN:
GRESYA
Kinikilala ang kahusayan ng mga Griyego sa larangan ng panitikan na kanilang nalinang bilang paraan ng paglalahad ng mga karanasan at pagpapahalaga ng mga tao. Nakabuo sila ng iba’t ibang anyo ng letiratura na itinuturing na klasikal dahil sa mga temang waring di kumukupas at ang istilo ay naging pamantayan ng ibang manunulat. Panugnahin ditto ang dalawang epikong pinamagatang Iliad at Odyssey. Umiinog ito sa digmaang namagitan sa Troy at Mycenae. Isinulat ang mga ito ni Homer makalipas ang 500 na taon pagkatapos ng digmaan. Inilahad ng Iliad ang mga pangyayari sa digmaan at naipakilala ang kahusayan ng mga mandirigmang tulad nina Achilles ng Greece at Hector ng Troy.
PAGBUBUOD:
Napakarami at iba’t iba ang paniniwala at kultura ng mga bansa sa Mediterranean. Ito ay dahil sa kadahilanang magkaiba ang naging pinagdaanan at prinsipyo ng bawat lugar. Ang mga taga- Mediterranean ay naniniwalang sila ang humubog at nagpabago ng lahat ng uri ng panitikan sa buong mundo dahil sila ang nakatuklas ng sistema ng pagsusulat. Pinaniniwalaang sa kanila nagmula ang maraming akda sa mitolohiya, epiko, nobela at iba pang panitikan.
Sa panitikang Mediterranean nakabatay ang halos lahat ng modernong panitikan ng mga bansa sa ngayon. Nagiging tanyag ang pagiging pagkamalikhain at mahusay nito sa lahat ng bagay. Kabilang sa kanilang natuklasan ay ang sistematikong paraan ng pagsusulat, ang cuneiform.Ilan sa mga tanyag na kaugalian ng mga taga Mediterranean ay ang pagiging malikhain at mahusay nito sa paggawa ng iba’t ibang bagay. Nakaugalian na nilang makiusyoso sa mga bagay-bagay para makagawa ng bago mula sa luma. Kabilang sa kanilang natuklasan ay ang sistematikong paraan ng pagsusulat, ang cuneiform.Ang mga nakasulat na salita ay nagbago at hugis ang kasaysayan ng mga Sinaunang Mediterranean bilang kasaysayan ay nagbago at hugis nito.
Wika ay nagsimula sa mga malalayong ebolusyon ng tao. Ang unang salita na nakasulat down ay simple, na nagbubuhat sa cave art. Ang mga larawang ito ay naging mas advance at kaya ng conveying mas kumplikadong kahulugan. Sa kalakalan at pananakop, mga alphabets kumalat at ipinagsama sa form ang makikilala sistema ng mga sinaunang Mediterranean.
1 note
·
View note
Text
Popoy at Basya
Kanino sasabihin ang lahat ng hinaing. Mula sa ano, kelan at bakit umuulit nanaman? Wala na nga bang magagawa? O Baka naman mas pinili lang tumunganga. Ang tanong na Ano, hanggang ngayon ay mistulang palaisipan. Kelan? Yan ay isa pa sa tanong na mahirap kalimutan. At Bakit? Bakit nga ba umabot tayo sa kawalan. Mga pangakong kay'tamis, na tinuldukan ng kalawakan. Sa pagkakataong ito, wala na ang tamis ng dating tayo. Pero bago ka sumuko, bago mo kalimutan lahat ng 'yong pangako. Maaari bang sa huling saglit, ating balikan ang larawang iginuhit. Papel, lapis, at krayola, mga naging tulay sa pangarap nating dalwa. Siguro nga masarap sa pakiramdam, Na lahat ng luha, ay napalitan ng tuwa. Tipong mula sa ako, ay nagkaroon ng tayo. At nagmistulang paraiso ang bawat minuto. Naalala ko ang gabing inabot mo ang tala, Gabing puno ng mga mabubulaklak at matamis na salita. Kung papaanong naipinta, ang magandang larawan ni Laura. Ganun mo ipinakita ang ganda ng bukas na ikaw ang kasama. Bawat oras, minuto at segundo, Tila nakikinig ng paboritong musika sa radyo. Bawat kumpas at tuldok ng daliri mo sa kwaderno. Ganun rin ang tuwa at eksaheradang saya ng aking puso. Ngiting kay tamis sa umaga, di mapagkakailang ikaw ang puno't bunga. Segundo man ay mapahi, agarang dadampi at pipintahan ng 'yong labi. At kung tanghali'y pumait, sabay nating kinukulayan ng pag-ibig. Kung gumabing malamig, sa'yong pinta ako'y tititig. Subalit di maiiwasan, ang pagsubok na pagdaraanan. Kumapit ako sa'yong pangakong, kailanma'y di ka susuko. Na kahit anong pait, pakla at pintas sa pag-ibig. Mananatiling ako at ikaw, lalaban tayo hanggang huling pintig. Ngunit kung paanong kaydali mong dumating, sya ring dali ng pag-iwan mo sakin. Ano ba namang laban ko sa katagang "It's not you, it's me", ni Popoy at Basya. Kaya pikit mata akong nakinig, sa paliwanag mong kay labo ng mga letra. Sabay bitiw mo ng litanyang tama na, kailangan lang siguro muna natin ng pahinga. 'Siguro', siguro na akala ko mababago pa natin pagdating sa dulo. Na baka kunting pahinga lang, tapos nun ready na ulet, okay na ulet tayo. Pero ang daya mo, nagsisimula pa lang e 'time first' na agad ang hiningi mo. Sigurado ka ba talaga? O baka siniguro mo lang na 'pag iniwan ka nya e may sasalo sayo. Ang lupet mo naman lumaban, sabi mo kampi tayo, 'tas ikaw yung shield ko. Pero ba't tila nabago, ginawa mo kong rebound mo. Panakip butas lang ba talaga ako? kasi kung OO, masakit man pero tatanggapin ko. Kung dyan ka masaya, handa naman kitang palayain ng masaya. >>11/18/19
0 notes
Photo
Estandarte Larawang pinta ni Don Bryan Michael Bunag Disenyong likha ng @plumaria_sacredvesments
0 notes
Text
BOYET ABRENICA Sabungera, akriliko sa kambas, 2024 #artPH
#boyet abrenica#sabungera#larawang-pinta#painting#akriliko sa kambas#acrylic on canvas#sining biswal#visual arts#filipino art#artPH
15 notes
·
View notes
Text
FERNANDO AMORSOLO Pambansang Alagad ng Sining para sa Sining Biswal-Pagpipinta (1972) Luksong Tinik, oleo sa kambas, 1959 #PambansangAlagadNgSining #NationaArtistsPH #artPH
#fernando amorsolo#luksong tinik#larawang-pinta#painting#oleo sa kambas#oil on canvas#pambansang alagad ng sining#natioanl artists of the philippines#NationalArtistsPH#sining biswal#visual arts#filipino art#artPH
16 notes
·
View notes
Text
PAUL BALAN Deus Oro Gloria, oleo sa kambas, 2024 #artPH
#paul balan#deus oro gloria#larawang-pinta#painting#oleo sa kambas#oil on canvas#sining biswal#visual arts#filipino art#artPH
10 notes
·
View notes
Text
MONIE DOMER Ang Ilang ni Monaliza, pangulay na tinutubigan sa papel na arkos, 2024 #artPH
#monie domer#ang ilang ni monaliza#monaliza's wilderness#larawang-pinta#painting#pangulay na tinutubigan#watercolor#watercolour#sining biswal#visual arts#filipino art#artPH
8 notes
·
View notes
Text
DOMINIC ESCOBAR Mga Alaala ng Tahanan, oleo sa kambas, 2024 #artPH
#dominic escobar#mga alaala ng tahanan#memories of home#larawang-pinta#painting#oleo sa kambas#oil on canvas#sining biswal#visual arts#filipino art#artPH
9 notes
·
View notes
Text
CARLOS "BOTONG" V. FRANCISCO Pambansang Alagad ng Sining para sa Sining Biswal-Pagpipinta (1973) Hapunan, oleo sa kambas, dekadang 60 #PambansangAlagadNgSining #NationaArtistsPH #artPH
#carlos francisco#carlos botong francisco#botong francisco#hapunan#larawang-pinta#painting#oleo sa kambas#oil on canvas#pambansang alagad ng sining#natioanl artists of the philippines#NationalArtistsPH#sining biswal#visual arts#filipino art#artPH
15 notes
·
View notes
Text
HERMEL ALEJANDRE Trumpo, akriliko sa kambas, 2024 #artPH
#hermel alejandre#hermz#trumpo#larawang-pinta#painting#akriliko sa kambas#acrylic on canvas#sining biswal#visual arts#filipino art#artPH
7 notes
·
View notes