#demokrasya
Explore tagged Tumblr posts
Text
"Ang kalayaan sa pananalita ay hindi lisensya para makapanakit, kundi pagkakataon upang ipahayag ang katotohanan at magbigay-inspirasyon."✊🏻🗣️
Ang kalayaan sa pananalita o “freedom of speech” ay isa sa mga batayang karapatan ng bawat tao. Ito ay ang kakayahang ipahayag ang sariling damdamin, opinyon, at ideya nang walang takot o panganib na maparusahan. Sa demokrasya, mahalagang bahagi ito ng malayang lipunan dahil nagiging daan ito para sa makabuluhang diskusyon at pagbabago. Ngunit tulad ng anumang karapatan, may kaakibat itong responsibilidad upang hindi ito magamit sa maling paraan.
Ang kalayaan sa pananalita ay nagbibigay-daan sa malayang pagpapahayag ng mga ideya, na mahalaga sa pag-unlad ng isang lipunan. Sa pamamagitan nito, naipapahayag ng mga mamamayan ang kanilang mga hinaing, opinyon, at suhestiyon sa pamahalaan at iba pang institusyon. Nagiging daan din ito upang matigil ang pang-aabuso at katiwalian, dahil ang mga tao ay nagiging boses ng pagbabago.
Gayunpaman, hindi nangangahulugan ang kalayaang ito na maari nang sabihin ang anumang bagay na maaaring makapanakit sa iba. Halimbawa, ang paninirang-puri, pagpapakalat ng maling impormasyon, at pagsasalita ng mapanira o mapanakit ay hindi saklaw ng kalayaan sa pananalita. Kaya’t mahalagang gamitin ang karapatang ito nang may paggalang at responsibilidad. Ang kalayaan sa pananalita ay dapat magsilbing tulay sa pagkakaisa, hindi sanhi ng pagkakawatak-watak.
Ang kalayaan sa pananalita ay isang mahalagang karapatan na dapat ipagtanggol at pahalagahan ng lahat. Ngunit kasabay ng kalayaang ito ang pananagutang gamitin ito sa tama at makabuluhang paraan. Ang isang lipunan na marunong gumalang at gumamit ng kalayaan sa pananalita nang may respeto ay nagkakaroon ng mas maayos at progresibong pamumuhay. Huwag nating kalimutan na ang layunin ng kalayaang ito ay hindi lamang para sa sarili, kundi para sa kabutihan ng nakararami.
Juliana Rhea A. Perez
Grade 10 St. Valerius
Filipino 10
50 notes
·
View notes
Text
Ang kalayaan ay ang kalagayan ng pagiging malaya o walang paghihigpit o pananakop. Ibig sabihin nito, may karapatan ang isang tao o grupo na magdesisyon para sa sarili, makapamili ng mga hangarin, at makagawa ng mga aksyon nang hindi naaapi o napipilitan.
Sa isang mas malawak na kahulugan, ang kalayaan ay nauugnay sa mga karapatan ng tao na mabuhay ng walang takot sa ilalim ng batas, na may proteksyon laban sa pagsupil at pang-aabuso. Halimbawa, ang kalayaan ng pagsasalita, paggalaw, o pagkakaroon ng mga karapatang pantao ay ilan sa mga aspeto ng kalayaan.
Kalayaan din ay maaaring sumangguni sa kalayaan mula sa kontrol o pamahalaan, tulad ng kalayaan ng isang bansa mula sa pananakop o dayuhang kontrol. Sa ganitong konteksto, mahalaga ang kalayaan sa pagtataguyod ng demokrasya, karapatang pantao, at pagkakapantay-pantay ng lahat ng tao.
Pinapalawak nito ang kakayahan ng bawat isa na matamo ang sariling tagumpay at ipahayag ang kanilang mga opinyon na hindi natatakot sa anumang uri ng pagsupil.
24 notes
·
View notes
Text
KALAYAAN SA PAGPAHIWATIG NG SALOOBIN
"Ang bawat tao'y may karapatan sa kalayaan ng opinyon at pagpapahayag; kabilang dito ang karapatang maghayag ng opinyon nang walang panghihimasok at ang karapatang maghanap, tumanggap, at magbahagi ng impormasyon at ideya sa anumang pamamaraan at walang hadlang sa mga hangganan."
Hindi dapat magbalangkas ng batas na nagbabawas sa kalayaan sa pananalita, ng pamamahayag, o ng pagpapahayag ng saloobin. Ang kalayaan sa pagpapahayag ay isa sa mga pundamental na karapatan ng bawat tao. Sa ilalim ng demokratikong lipunan, ito ang nagbibigay-daan sa malayang pagpapahayag ng saloobin, opinyon, at damdamin sa iba't ibang isyu o usapin. Mahalaga ang kalayaang ito dahil ito ang nagsisilbing pundasyon ng malusog na diskurso at pagtutulungan sa pagitan ng mga tao sa lipunan.
ADVANTAGE:
• Pagpapalaganap ng Demokrasya
• Paglinang ng Kritikal na Pag-iisip
• Pagpapatibay ng Karapatang Pantao
• Pagpapahayag ng Pagkamalikhain
• Pagtuklas ng Solusyon sa mga Suliranin
DISADVANTAGE:
• Paglaganap ng maling impormasyon
• Pagkakasira ng reputasyon
• Hindi pagkakaunawaan
• Pag-abuso sa plataporma
• Pagkakagulo sa lipunan
Sa wakas, sa bawat pagkakataong ating ipahayag ang saloobin, ito'y isang hakbang patungo sa mas malaya at mas makabuluhang pag-uusap. Ang kalayaan sa pagpahiwatig ay hindi lamang isang karapatan, kundi isang tungkulin-isang daan upang maipahayag ang ating pagkatao, maunawaan ang iba, at magkaisa sa gitna ng pagkakaiba.Patuloy nawa tayong maging bukas at tapat sa ating mga damdamin, sapagkat dito nagsisimula ang tunay na pag-unawa at pagbabago.
-FREDOM TO SPEAK UP
Samantha Nicole A. DELGADO 10-SV FILIPINO
12 notes
·
View notes
Text
UPIS, nagkaisa upang manatiling #BuhayAngEDSA
Nakiisa ang komunidad ng University of the Philippines Integrated School (UPIS) sa paggunita ng ika-38 na anibersaryo ng EDSA People Power Revolution noong Pebrero 25 na pinangunahan ng Departamento ng Araling Panlipunan mula Pebrero 26 hanggang 29 sa loob ng UPIS sa pamamagitan ng pagsusuot ng bibe hair clip.
Ang pagsuot ng bibe hair clip ay pakikiisa sa mas makabagong paraan ng pagpapakita ng protesta. Simboliko ang pagsusuot ng bibe hair clip dahil maiuugnay ito sa nangyaring protesta ng mga mamamayan ng Taiwan at Hong Kong laban sa opresyon ng Mainland China na hindi kinikilala ang soberanya ng mga teritoryong ito.
Bilang panimulang gawain, naglabas ng pahayag ang Departamento ng Araling Panlipunan noong Pebrero 26 sa Facebook na nagbahagi ng pakikiisa ng departamento, Kilusang Araling Panlipunan (KAP), at buong komunidad ng UPIS sa paggunita ng anibersaryo. Sa pahayag na ito, ipinaalala ang ikinakatawan ng anibersaryo—ang pag-aalala sa pagkakaisa at pakikibaka ng taumbayan na siyang nagbigay-daan sa panunumbalik ng demokrasya at kalayaan sa bansa sa pamamagitan ng mapayapang rebolusyon. Inilatag rin ang isyu na tinanggal ito sa mga araw ng non-working holiday ng taon at ang isyu ng Charter Change na banta sa demokrasyang ipinaglaban ng mga Pilipino ng nakaraang 38 taon. Winakasan ito sa pamamagitan ng pagbibigay-diin sa kahalagahan ng demokrasya sa lipunan at sa patuloy na pag-alala ng komunidad ng UPIS sa mga pangyayari sa kasaysayan sa gitna ng ginagawang pagpapahina at pagbubura ng diwa ng EDSA sa kasalukuyan. Kasama rin sa inilabas ang imbitasyon ng departamento na makilahok ang mga mag-aaral sa pagsusuot ng bibe hair clip.
Bukod sa pagsusuot ng bibe hair clip, naging bahagi rin ng mga gawain ang mga dilaw na ribbon na itinali sa iba't ibang gate ng gusali ng K-2, 3-6, at 7-12 pati na rin sa mga pinto ng mga silid bilang simbolo ng pagkakaisa laban sa rehimen ng Diktadurang Marcos Sr. at bilang pagpapakita ng dedikasyon sa demokrasya. Nagmula ang tradisyong ito bilang pagsalubong sa pagbalik ni Dating Senador Ninoy Aquino matapos ang tatlong taong pagka-exile sa Estados Unidos, tulad ng isinasaad sa kantang “Tie a Yellow Ribbon Round the Ole Oak Tree” na tungkol sa paglaya at pag-uwi ng isang ex-convict. Bilang tugon sa tema ng EDSA, naglagay rin ang KAP ng isang freedom wall sa labas ng Departamento ng Araling Panlipunan upang mahikayat ang mga estudyante na malayang isulat ang kanilang mga nalalaman sa paksa.
Ayon kay Ginoong Joseph Tablizo, ang tagapayo ng KAP, hangarin ng programang maipaalala at hikayating makiisa ang buong komunidad ng UPIS sa paggunita sa halaga ng EDSA People Power sa ating kasaysayan, at maipakita ang diwa ng demokrasya sa pamamagitan ng napapanahong paraan ng pagpoprotesta. Umaasa rin ang tagapayo na may napulot na aral ang mga mag-aaral mula sa programang ito.
Sa mga salita ni Ginoong Joseph Tablizo, “...masasabing iba-iba na ang depiksyon ng mga mag-aaral ng UPIS sa demokrasya… Ito ay nagpapakita na nabubuhay pa rin ang kahulugan ng kalayaan sa kabataan, iba-iba man ang interpretasyon nila.” Sa pagdiriwang ng ika-38 na anibersaryo ng EDSA People Power Revolution, sana ay alalahanin ang tunay na kasaysayan ng Pilipinas sa harap ng lahat ng nangyayaring historical distortion sa lipunan. Hindi dapat kalimutan ang ipinaglaban ng mga mamamayang Pilipino para sa demokrasya; gawin itong lakas upang makamit natin muli ang tunay na kalayaan. //nina Martin Arevalo, Sophia Dormiendo, at Elis Reyes
6 notes
·
View notes
Photo
Last week, BAYAN-USA Northeast marched alongside the Northeast Coalition to Advance Genuine Democracy in the Philippines in the Philippine Independence Day Parade in New York City.
Today on the 125th Anniversary of Philippine Independence Day, we commemorate the ongoing struggle for human rights, national sovereignty, and genuine development!
It is false to recognize the Philippines’ independence when the Marcos Jr. administration continues the legacy of government puppetry to imperialist nations like the United States and China, fostering deals to cement U.S. military presence in our homeland through the Enhanced Defense Cooperation Agreement, and doing nothing to stop China’s economic expansion through encroaching mining corporations in the countryside, and naval ships in the West Philippine Sea.
Instead, we celebrate the history of resistance created by our people, which has resulted in the defeat of Spain by the Katipunan, the ousting of the Marcos Sr. regime, and the persevering fight against imperialism, feudalism, and bureaucrat capitalism by the national democratic movement. BAYAN-USA Northeast urges Filipinos across the region to join mobilizations and emphasize the demand for national industrialization and genuine agrarian reform, so that the Philippines may be free from foreign intervention and unfair economic and military agreements!
Atin ang Pinas! Magkaisa para sa karapatan, soberanya, at tunay na kaunlaran! Isulong ang pambansang demokrasya!
-- BAYAN USA Northeast, 12 Jun 2023
21 notes
·
View notes
Text
Asan ang mga aral noong Dekada Otsenta?
Kailan matututo silang hindi natuto? May apat na sangkap ang pagkatuto, mga konseptong kinakailangang maitatag sa puso’t damdamin: simpatya, pag-unawa, pakikiramay, at pakikitungo. Apat na konseptong kinakailangan upang matuto sa mga karanasan ng mga taong napagtaksilan ng mga bantay ng batas at napaglipasan na ng panahon ang hustisyang hangad.
Tuwing Mayo, ipinagdiriwang ng sankapuluan ang pagod at danas ng mga manggagawang may dugong Pilipino ang nananalaytay sa kanilang mga ugat. Sa nakaraang kilusan noong Mayo Uno, isa ako sa daang taong dumalo sa protestang naghahangad ng maayos at mas mabuting kalagayan ng kabuhayan ng mga manggagawang ito.
Sa mga nagdaang araw pagkatapos ng pagdalo ko sa kilusan, hindi mapintang halo-halong emosyon ang aking naramdaman– lungkot, galit, saya, at pagkadismayang emosyong nanuot hanggang sa kaibuturan ng kaluluwa at diwa ko ang tumatak. Sa aking pakikibaka, isang bagay lamang ang inasahan ko– ang masaktan. Ngunit, naramdaman at nakita ko ang lahat na maaaring kalabasan ng mga pangyayari maliban sa masaktan.
Sa ‘di mabilang na dumalo sa protesta, anim ang dinakip ng kapulisan. Marami sa dumalo ay estudyanteng gaya ko, karamihan ay manggagawang Pilipino na sumisigaw ng maayos na pagbabago.
Daing ng mga tsuper at mga komyuter ay suporta ng pamahalaan sa Jeepney Modernization Program, sigaw ng mga grupong kontra-imperyalismo ay ang pagpapatalsik ng militarismo ng Estados Unidos sa lupang Pilipino, at ang hagulgol ng mga manggagawa na itaas ang dagdag pasahod sa mga kumikita ng minimum wage.
Ang iyak ng bayan ay pagbabago, ngunit sa kabila ng kanilang ingay– bakit lalong lumalala ang kalidad ng pamumuhay ng mga mangagawang Pilipino?
Ang mga hinaing ito ay matagal nang daing ng mga Pilipino ngunit ang malalakas na busina ng mga jeep sa lansangan, ang mga sigaw ng masa sa nakalulunod na presyo ng mga bilihin, at ang mga naglalakihang grupong nasa kalagitnaan ng pagpoprotesta ay tila hindi nadidinig at nakikita ng taong nasa itaas nakaupo.
Marahil, ang dahilan ng paglala ng pamumuhay ng mga Pilipino ay ang barumbado at maruming pagpapatakbo ng mga nakaraang presidente o kaya naman, ang kaguluhan sa iba’t-ibang parte ng mundo. Ngunit, ang mga dahilang ito ay hindi maihambing sa gabundok na utang na iniwan ng mga Marcos pagkatapos pagharian ng pamilyang ito ang Pilipinas.
Ang diktaduryang itinayo ng mga Marcos na giniba ng mga Pilipino noon, ngunit ang malala at malalim na epekto nito sa buhay ng mamamayang Pilipino ay ramdam pa rin at patuloy na lumalala– makaraan ang ilang dekadang mga nagdaan.
Kagaya ng mga imprastraktura itinayo noong diktadurya, ang pamilyang Marcos ay patuloy na tumitindig sa likod ng madugong kasaysayan nito.
Noong Dekada Otsenta, nagkaisa ang bayan. Sama-samang nagmartsa at nagbuklod ang mga Pilipinong may simpatya sa kapwa Pilipino, nagkaroon ng pagunawa sa kalagayan ng demokrasya ng Pilipinas, nakiramay sa mga martir na nawala na parang bula nang lumaban, at mga Pilipinong pilit tumayo para isalba ang tinapakang konstitusyong makatao. Sila’y natuto sa pamamagitan ng apat na konseptong ito.
Written by: Neil Carolino
Pubmat by: Jackielou Almajose
0 notes
Text
Sa katatapos na 38th EDSA People Power celebration
`Laging balikan ang nakaraan’–Vilma Santos
Idinaos noong Biyernes ng hapon sa St. Paul University sa Quezon City ang pagtatanghal muli ng pelikulang “Anak” ng Star Cinema na pinangungunahan nina Vilma Santos, Claudine Barretto, Baron Geisler, Amy Austria, Cherry Pie Picache, Joel Torre at marami pang iba sa direksyon ni Rory Quintos.
Noon pang 2000 ipinalabas ang obra maestrang sinulat ng ngayon ay National Artist for Film and Broadcast Arts na si Ricardo Lee, mas kilala sa tawag na Ricky Lee.
Pero hindi nagdalawang-isip ang Cultural Center of the Philippines (CCP) na muli itong itampok sa pamamagitan ng Film, Broadcast and New Media Division sa programa nitong “Cine Icons” na naglalayong ituon ang pansin sa mga likhang-sining ng mga Pambansang Alagad ng Sining kaya tamang-tama lang ang “Anak” para rito dahil ang screenwriter ng pelikula ay National Artist na.
Dumalo sina Vilma, Ricky at Claudine sa pagtatanghal na umapaw sa tao at halos lahat ay napaluha sa napakadakilang obrang ito tungkol sa Overseas Filipino Workers (OFW).
Gayunman, sa open forum o talkback ay hindi na nakadalo pa si Claudine dahil may pupuntahan pang ibang appointment kaya sina Vi at Ricky na lang ang naiwan sa panel.
At dahil nga ipinagdiwang ang ika-38 taon ng EDSA People Power kahapon ay matinik ang mga nanood lalo na ang mga estudyante, guro at mga panauhin mula sa iba’t ibang paaralan sa Metro Manila sa pagtatanong kung ano ang masasabi nina Santos at Lee—na madalas magsabi tungkol sa mga pelikulang nagpapakita ng katotohanan sa Lipunan—kaugnay sa kanilang masasabi sa mahalagang kasaysayan ng bansa mula nang 1972 hanggang 1986.
Si Vilma Santos-Recto muna ang nagsalita: “Napakahalaga na balikan natin ang nakaraan. Mahalaga ito sa atin.”
Bagamat walang diretsahang pagbanggit sa EDSA People Power si Ate Vi, idiniin naman niya sa kahalagahan ng “nakalipas.”
Si Ricky ang mas tuwiran sa pangangailangan ng EDSA People Power.
“Mahalaga ang pagbabago. Para makamtan natin ang tunay na ibig sabihin ng demokrasya, kailangang laging may pagbabago,” wika ni Lee na nakulong noong Martial Law nang dahil sa kanyang aktibismo. (Boy Villasanta)
0 notes
Text
Importansya ng Wika, Awtor at Mambabasa
Matapos kong basahin ang artikulo ni Dr. Bienvenido Lumbera na pinamagatang “Ang Wikang Katutubo at ang Kamalayang Pilipino” napagtanto ko na ang mga malikhaing paggamit ng wika sa panitikan ay nagudyok sa mga Pilipino nung nasasakop pa tayo ng mga banyaga na magkaroon ng sarili nilang kamalayan at ipaglaban ang kasarinlan ng Pilipinas.
Unang Puntos
Batay sa akin pagkaintindi ng artikulo ang unang mahalagang puntos ay salita o ang paggamit nito dahil kaya nitong makapukaw ng damdamin ng mga tao kung maayos itong naisulat o kahit patalinhaga pa itong naisulat. Maaari ring itong magbigay ideya o pagkukumpara na nabanggit sa artikulo tungkol sa awit na “Jocelynang Baliwag”:
“Subalit may iisang“sinta”ang maraming kasapi ng Katipunan at ang maraming mamamayang nakiisa sa kanilang simulain- iyan ay ang Inang Bayan, ang“mabangong sampaga,” ang “matimyas na bukal.” Habang naglalaho ang personalidad ng dalagang pinag-alayan ng tula, nagiging mabisang talinghaga ang “Edeng kinaluluklukan ng galak at tuwa” para sa bayang Pilipinas. At ang “hada[ng] maningning” na nagpapabukadkad sa mga bulaklak ay hindi na si Pepita kundi ang Inang Bayan.”.
Ang awitin ay tungkol sa isang dalaga sinisinta ngunit mapapansin din na maari rin itong gamitin upang maiparating ang pagmamahal sa bayan at kung gaano ito kahalaga sa mga Pilipino nung panahon ng himagsikan. Kaya ito naging awit ng kundiman dahil nagbibigay ito ng pag-asa o motibasyon sa mga kilusan noong mga panahon na iyon na lumaban para sa kinabukasan ng Pilipinas at para matapos na ang paniniil na ginagawa ng mga Espanyol sa mga Pilipino.
Ikalawang Puntos
Ang ikalawang mahalagang puntos ay ang awtor kung saan pinababatid niya sa mga tao kung ano ang nasa isipan niya. Katulad ng mga aral na mapupulot dito, maipapakita rin ang kanyang pagkamalikhain at kakayahang magbigay buhay sa kanyang mga kwento. Isang halimbawa ay ang ginawa ni Balagtas na “Florante at Laura” para maipakita na kaya rin ng mga Pilipino na lumikha ng mga panitikan na kayang makipagsabayan at mahigitan ang mga likha ng mga banyaga. Ngunit makikita rin dito na nagbago ang gustong iparating ni Balagtas dahil sa mga mambabasa nito na nakikita mismo o nararanasan ang mga kaganapan na nangyari mismo sa kwento na nabanggit sa siping ito:
“Sa paglipas ng mga taon, ang kamalayang tumatanggap sa mga salita ni Balagtas ay maagap na tumutugon sa daing ng nilinlang at inapi, sa pagngingitngit ng pinagkaitan ng katarungan, sa pagsasakdal ng inagawan ng kapangyarihan, nabahagi ng isinasalaysay na mga kasawian sa buhay ng mga tauhang Florante, Aladin, Laura at Flerida. Nagbago na ang kamalayan ng mga katutubo,at ang kahulugang nahahango sa mga pangyayari sa tula ni Balagtasay umayon sa pagbabago ng kamalayan ng mga mamamayang sa panahon ng himagsikan ay tatawaging “mga anak ng bayan.”
Ang tulang ito ni Balagtas ay hindi sinasadyang ginising ang kamalayan ng mga Pilipino na dapat may pagbabagong magawa para sa kapakanan ng lahat. Binigyan sila mga aral at ideya ng tulang ito upang ipaglaban ang kanilang sarili at wakasan ang pagmamalupit na kanilang pinagdaraanan dahil sa mga Espanyol na sumakop sa Pilipinas.
Ikatlong Puntos
Ang ikatlong mahalagang puntos ay ang mga tagabasa ng mga malikhaing panitikan kung saan sila mismo ang nagbibigay kahulugan sa kanilang binasa. Ang tula ni Hernandez na “Kung Tuyo na ang Luha Mo, Aking Bayan” kung saan tinutuligsa niya ang mga kolonyalistang Amerikano na pumalit sa mga Espanyol na nagtulak sa mga miyembro ng Kabataang Makabayan na magkaroon ng ideya na dapat magtayo ng sariling republika ang Pilipinas. Ginamit nila ang tula ni Hernandez upang balikan ang ating kasaysayan at buwagin ang katiwalian na siyang dulot ng kolonyalismo sa ating lipunan na makikita sa sipi sa ibaba:
“Aktibong nangalap ng mga kasapi ang Kabataang Makabayan (KM). Puspusan ang ginanap na pag-aaral ng mga estudyanteng buong siglang yumakap sa mga kaisipang pambansa-demokrasya. Sa mga pag-aaral ng mga kasapi ng KM, binalikan nila ang kasaysayan ng Pilipinas at binuhay ang mga anti-piyudal at anti-kolonyal namgakaisipang nasa mga akda ng nakaraan. Dito nila natuklasan ang palabang tula ni Hernandez, na sinimulan na nilang tawaging “Ka Amado.”
Mapapansin sa kanyang tula na maiintindihan na kaagad kung ano ang kanyang tinutukoy, magdudusa na naman ang Pilipinas pati na rin ang ating katutubong wika ay matatabunan na naman ng banyagang wika. Nang mabasa ito ng mga Kabataang Makabayan napagtanto nila na dapat palaguin ang pagiging makabayan ng mga Pilipino at kailangan nang tuldukan ang imperyalismo ng mga Amerikano sa Pilipinas.
-Lorielyn Dimatatac
References:
Lumbera, B.L. (2015). Ang Wikang Katutubo at ang Kamalayang Filipino.
Carandang II, E., Dreisbach, J., & Villanueva, Ma. A. (2021). Sourcebook ng LCFILIC (Wika, Midya at Teknolohiya) (3rd ed.). Departamento ng Filipino, Pamantasang De La Salle.
0 notes
Text
Diba demokrasya tayo bakit parang abusado yung gobyerno?
Tanga o bobo? Sarap mangagat. Gigil ako.
0 notes
Photo
Commemorating the EDSA Revolution in today is a significant event for Filipinos. The EDSA Revolution, also known as the People Power Revolution, took place in 1986 and was a pivotal moment in Philippine history. It was a peaceful and non-violent revolution that ousted the dictatorship of Ferdinand Marcos and restored democracy in the Philippines. To commemorate this event, here are some possible activities that can be done in today: Hold a memorial service - A memorial service can be held to remember those who lost their lives during the EDSA Revolution. This can be done in the People Power Monument, where the iconic "Tama na, Sobra na, Palitan na" statue stands. Conduct a historical tour - A historical tour can be conducted to retrace the steps of the EDSA Revolution. This can include visiting key locations such as Camp Crame, where the military rebelled against Marcos, and the EDSA Shrine, where millions of Filipinos gathered to demand change. Hold a forum - A forum can be organized to discuss the significance of the EDSA Revolution and its impact on Philippine society. This can involve inviting experts in Philippine history and politics to share their insights and opinions. Display an exhibit - An exhibit can be displayed to showcase the history and significance of the EDSA Revolution. This can include photos, videos, and memorabilia from the revolution. Organize a concert - A concert can be organized to celebrate the spirit of the EDSA Revolution. This can involve inviting local artists to perform and sing songs of hope, freedom, and democracy. These are just some ideas on how to commemorate the EDSA Revolution today. Whatever activities are chosen, the main goal is to honor the bravery and sacrifices of those who fought for democracy and to remind everyone of the importance of upholding and defending it. Remember, wala tayong Press Freedom ngayon kung hindi natinipinakipaglaban ang demokrasya noong panahon ng diktatorya. #EDSA2023 #EDSAAwareness https://www.instagram.com/p/CpCLCkvLwhF/?igshid=NGJjMDIxMWI=
1 note
·
View note
Text
LATHALAIN | Pananamantala'y Awatin, Patas na Bansa'y Pangarapin
Tila apoy na mabilis sa pagkalat ang coronavirus disease 2019 (COVID-19) sa Pilipinas. Mahigit 600 kaso na ang naitatala ng Department of Health (DOH) nitong alas-kwatro ng Marso 25, 2020. Umiiral na sa kasalukuyan ang enhanced community quarantine (ECQ) sa buong Luzon, bunga nito maraming Pilipino ang napilitang iwan ang kanilang mga trabaho partikular na sa sektor ng "mass transportation". Kapag walang trabaho, wala ring pera. Sa lumalalang kaso ng pandemya sa ating bansa, may iilan pa rin sa ating mga kababayan ang ganid kaya't nanamantala sa kapwa nila.
Ginagamit ang kapangyarihan at posisyon pati na kaalaman upang malamangan ang mga walang kaalam-alam sa batas at kanilang mga karapatan bilang mamamayan ng bansang ito.
Sa kaagahan ng ECQ na ipinatupad ng pamahalaan, napabalita ang "hoarding" ng alkohol at facial mask sa maraming pamilihan sa kalakhang Maynila at mga karatig-probinsya nito. Hindi napigilan ng mga Filipino netizen na maglabas ng saloobin sa social media bunga ng 'di umano' y hindi patas at makataong kilos na ito ng iilan sapagkat pinagkakaitan sila ng pagkakataong makabili at makagamit ng mga pangunahing panangga kontra COVID-19.
Hindi lang alkohol at facial mask ang nagkakaubusan na sa mga pamilihan bunga naman ng "panic buying" kundi pati na rin ang mga de lata, noodles, at kung anu-ano pang pangunahing pangangailangan sa tahanan bunsod ng lumalalang kaso ng COVID-19 at paghihigpit dahil sa ECQ.
May mga napabalita rin partikular na sa ilang bayan sa Luzon kung saan ibinebenta 'di umano ang mga quarantine pass. Ang mga pasaporteng ito ay magagamit ng isang miyembro ng pamilya kung lalabas siya ng tahanan upang bumili ng kanilang pangangailangan. Kung wala ito, hindi maaaring lumabas sa bahay ang sinuman sa mag-anak. Masama nito, pinagkakakitaan pa ito ng iilan sa panahong salat ang ating mga kababayan bunga ng pansamantalang pagsasara ng mg establisimyento na kanilang pinagtatrabahuhan.
Idagdag pa rito, mayroon din 'di umanong kaso ng pagbebenta ng "certificate to sell" sa mga probinsya upang mapahintulutang makapagtinda ang street vendors. Ang pagpapabili ng sertipikong ito ay mali at ipinagbabawal sa batas bunsod nga ng umiiral na ECQ. Kung susumahin, baka imbis na makatulong ay makapagdala pa ng panganib sa kalusugan ang pagpapahintulot na ito sa mga nagtitinda dahil maaaring may makasalamuha silang maydala ng sakit.
Sa kabuuan, kay sakit man isipin, hindi maipagkakailang mapagsamantala ang maraming Pilipino kahit na sa mga panahong taghirap at naghihikahos ang marami sa kanilang mga kababayan. Marahil, dahil ito sa tawag ng pangangailangan at takot na rin na maubusan. Bakit nga naman naging masama ang ganitong kaisipan kung sa gayo'y tawag lang naman pala ito ng pangangailangan na dapat mapunan upang mapagtagumpayan ang araw-araw na pakikibaka upang manatiling buhay. Ngunit, ang nagmimistulang tradisyon na ito sa ating bansa ay dapat nang mahinto o 'di kaya' y mabago dahil sa hindi patas at pantay nitong pagtimbang sa mga bagay.
Lahat ay may pangangailagan sa iba't ibang aspeto ng buhay at hindi porket ikaw ay nasa mataas na posisyon at may kapangyarihan, ikaw ang dapat na unahin o pagsilbihan. Kung ikaw nama'y may kaalaman, dapat mo itong ibahagi sa kapwang nangangailangan ng tulong nang sa gayo'y alam nila ang dapat nilang gawin sa oras na karapatan nila ay lapastanganin. Dapat nating isaisip at isapuso na tayo ay may mga kababayang dapat na pahalagahan at bigyan din ng pagkakataong mabuhay; mahirap, may kaya o mayaman man, sapagkat tayo ay nakatira sa isang demokratikong bansa. Sa isang nasyon tulad natin, binibigyang empasis ang karapatan ng lahat na makaranas ng pantay na distribusyon o alokasyon ng mga pangangailangan. Gayundin, ang patas na pagtingin mula sa lahat ng sektor ng lipunan.
Nawa'y magdalawang-isip kayong mga taong inaabuso ang kapangyarihan, posisyon at kaalaman upang mapagsamantalahan ang kapwa niyo Pilipino. Sa paulit-ulit niyong pagsasabuhay ng mga ganitong gawi tila kinakalimutan niyo na rin ang inyong pagiging kapwa sa inyong mga kababayan.
Oras na upang tapusin ang mga kabuktutang ito. Ito na ang panahon para palayain ang ating mga sarili sa mga makamundo at makasariling gawi ng mga mapanghamak at mapagmataas na Pilipino. Sama-sama nating itatag ang isang demokratikong bansa na uso ang pagkakapantay-pantay ng lahat tungo sa isang matagumpay na pakikipagtunggalian sa COVID-19.
#pagsulatnglathalain#lathalain#COVID-19#PAGKAKAISA#DEMOKRASYA#Karapatang Pantao#Pilipinas#Pilipino#Pananamantala'yTapusin#pagkalinga#pakikipag-kapwa#pakikibakaparamabuhay
2 notes
·
View notes
Text
MGA URI NG PAMAHALAAN SA ASYA
AP 7 Ikatlong Markahan Ika-limang Linggo
Ang salitang ideolohiya ay ipinakilala ni Desttuff de Tracy na kumakatawan sa pinaikling pangalan ng agham at mga kaisipan ng ideya. Galing ito sa salitang ideya o kaisipan na tuwirang sinusunod ng mga tao.
Ito ay tumutukoy sa sistema o lipunan ng mga ideya o kaisipan na naglalayong magpaliwanag tungkol sa daigdig at pagbabago nito.
DALAWANG KATEGORYA NG IDEOLOHIYA
Ang ideolohiyang PANG-EKONOMIYA ay nakatuon sa mga patakarang pangkabuhayan ng bansa at paraan ng paghahati ng kayamanan nito sa mamamayan.
Ang ideolohiyang PAMPOLITIKA ay nakapokus sa paraan ng pamumuno at sa paraan ng pagpapatupad ng mamamayan. Nauugnay ang political na ideolohiya sa mga kilusan para sa panlipunang pagbabago. Hinihikayat nito ang mga tao na kumilos ayon sa ninanais nilang mga pagbabagong kaayusan.
Nagmula sa salitang “demoskratus” na ibig sabihin ay pamamahala ng mga tao. Ito ay isang uri ng ideolohiya na pinamamahalaan ng sangkatauhan. Sa ideolohiyang ito, may nagaganap na free elections.
Ang kapangyarihan sa pamahalaan ay nasa kamay ng mga tao. Sa demokrasya ay maaaring makilahok ang mga mamamayan ng tuwiran o di-tuwiran. Ito ay tinatawag na direct o tuwirang demokrasya kung ibinoboto ng mamamayan ang gusto nilang mamuno sa pamahalaan. Karaniwang pumipili ang mga tao, sa pamamagitan ng halalan, ng mga kinatawan na siyang hahawak sa kapangyarihan o pamahalaan sa ngalan nila.
URI NG DEMOKRASYA:
A. DIRECT DEMOCRACY – Ang mga tao mismo ang namamahala o gumagawa ng desisyon para sa kanilang bansa. Sila din ang nag-aamyenda sa kanilang batas at gumagawa ng batas.
B. REPRESENTATIVE DEMOCRACY – Ito ay isang uri ng demokrasya na pinamumunuan ng mga piling opisyal na nirerepresenta ang kabuuang populasyon ng tao.
TIMOG ASYA
India at Pakistan
Sa Timog at Kanlurang Asya, higit na malaki ang impluwensiya ng demokrasya sa mga kilusang nasyonalista. Sa India, sa ilalim ng pananakop ng mga British, maraming Indian ang naging aktibo sa muling pagbuhay ng kaisipan na tradisyong Hindu. Isa dito si Mohandas Gandhi na iginagalang sa India at sa buong mundo bilang Mahatma Gandhi siya ang tagapanguna at tagapagpaganap ng Satyagraha — ang pagpipigil sa kalupitan sa pamamagitan ng malawakang sibil na hindi pagsunod na malakas na nakatatag sa ahimsa o non-violence. Pagkatapos maging lider ng "Indian National Congress" noong 1921, nagtatag siya ng mga kampanya para sa pantay-pantay na batas sa India.
Noong 1935, nagbigay ang Great Britain sa India ng isang bagong konstitusyon na nagkaloob ng isang lehislatibong bikameral at pederal, sanggunian ng mga estado at ng kapulungan.Tinanggihan ito ng mga Indian at Muslim. Para sa mga Muslim, kung mga Hindu ang mas magkakaroon ng kontrol sa India, mapipinsala ang kanilang kultura at relihiyon.Upang mabigyang proteksiyon ang kanilang mga karapatan at kapakanan, itinatag ang Muslim League noong 1906. Ito ay sa pangunguna ni Muhammad Ali Jinnah. Naging masigla ito sa kanilang mga gawain. Hiniling niya noong 1947 ang isang hiwalay na bansang Muslim. Ito ay nagbigay-daan sa pagbuo ng bansang Pakistan na naihayag ang kasarinlan kasabay ng India noong Agosto 14, 1947.
Sri Lanka at Maliliit na Estado sa Timog-Asya
Noong 1915, itinatag ng Great Britain ang Ceylon National Congress na unang partidong politikal. Namuno ito upang ipaglaban ang kasarinlan ng bansa.Pagkaraan ng Ikalawang Digmaang Pandaigdig, pinamunuan ni Don Stephen Senanayake, ang itinuturing na “Ama ng Kasarinlang Sri Lanka,” ang pakikipaglaban para sa kasarinlan. Sila ay sinuportahan ng lahat ng pangkat-etniko. Noong Pebrero 4, 1948, ipinahayag ang kasarinlan ng bansa. Samantala, sa Nepal, noong 1990, naganap ang mapayapang Rebolusyong People Power. Nagsilbing inspirasyon nila ang katulad ng EDSA Rebolusyon sa Pilipinas noong 1986. Noong Mayo 28, 2008, idineklara ang Nepal bilang isang Federal Democratic Republic.
KANLURANG ASYA
Israel
Natagpuan ng mga Hudyo ang kalayaan at oportunidad sa pamamagitan ng United States. Naging instrumento ang pamahalaan ng US sa pagtulong sa mga Hudyo.Itinatag ang Kilusang Zionismo sa Base, Switzerland noong 1897 ni Theodore Herzl, isang Austro Hungarian.Inihayag ang malayang nasyon ng Israel sa Tel-Aviv noong Mayo 14, 1948. Tinawag itong Republika ng Israel at ang naging unang Punong Ministro ay si David Ben-Gurion. Noong 14 Mayo 1948, pormal niyang ipinahayag ang pagtatatag ng Estado ng Israel, at siya ang unang pumirma sa Israeli Declaration of Independence, kung saan siya ay nakatulong upang sumulat.
Iraq
Pagkaraan ng Ikalawang Digmang Pandaigdig, ang Iraq at Palestine ay napasailalim sa pamamahala ng Great Britain. Dahil sa hindi maayos na pamumuno at kapabayaan ng mga Ottoman, sumibol ang mga kilusang makabayan noong huling bahagi ng ika-19 na dantaon. Sumiklab ang nasyonalistang pag-aalsa sa Baghdad at nahirapan ang mga hukbong British sa paggapi sa mga ito. Upang mahikayat na pumanig sa kanila, pumayag ang mga British sa hiling ng mga nasyonalistang Iraqi. Ang kahilingang ito ay ang ipagkaloob sa kanila ang kasarinlan at itatag nila ang Kaharian ng Iraq at iluklok si Faisal bilang hari.
Saudi Arabia Dahil sa kalupitan at labis na paniningil ng buwis, naghangad ng kasarinlan ang mga Arab mula sa mga Turk. Noong 1744, nagsanib ang puwersa nina Muhammad Ibn Saud, isang pinunong Arab at Muhammad Ibn Abd-al-Wahhab, isang kleriko upang makapagtatag ng alyansang political. Ito ang naging pundasyon ng dinastiyang namumuno ngayon sa Saudi Arabia. Ang modernong Kaharian ng Saudi Arabia ay likha ni Haring Abdul Aziz Ibn Saud. Sinakop niya ang Riyadh noong 1902 at ginawa niyang lider ang sarili ng kilusang makabayan ng mga Arab. Noong 1932, inihayag niya ang sarili bilang Hari ng Saudi Arabia. Walang demokrasya sa bansa at hindi tinatanggap ng absolutong monarkiya ng Saudi ang mga pagtutol.Kontrolado ang pamahalaan ng isang pamilya ng mga Saud. Ang hari ang gumagawa ng mga batas at kasunduan. Walang eleksiyon, walang partidong political, at walang lehislatura rito.
Nagmula sa salitang Latin “communis” na ibig sabihin ay “pandaigdigan”. Ayon sa ideolohiyang Komunismo, lahat ng tao, mayaman man o mahirap ay pantay-pantay. Kontrolado ng pamahalaan ang produksyon.Isang ideolohiya na sumusuporta sa pagtatag ng organisasyon pangsosyal na walang estado at kaanta-antas batay sa pantay na laki sa gamit ng produksyon. Isang lipunan na pantay-pantay ang lahat ng tao, walang mayaman o mahirap , makapangyarihan o taga-sunod.
Ang kaisipang ito ay unang nilinang ni Karl Marx, isang Alemang pilosopo, at pinayabong naman ni Nicolai Lenin ng Unyong Sobyet at ni Mao Zedong ng Tsina. Ayon kay Karl Marx, ang pinakamataas at huling hantungan mula kapitalismo patungong sosyalismo ay ang komunismo.
Ang komunismo ay naghahangad na bumuo ng isang lipunang walang antas o pag-uuri-uri (classless society) kung saan ang mga salik ng produksyon ay pag-aari ng lipunan. Hal: Pakistan
Isang doktrina ito na nababatay sa patakarang pang-ekonomiya kung saan ang pamamalakad ng pamahalaan ay nasa kamay ng isang grupo ng tao. Ang grupong ito ang siyang pumipigil sa pagmamay-ari, at sa pangangasiwa ng lupa, kapital, at mekanismo ng produksyon. Ang mga industriya at lahat ng mga kailangan sa pagpapabuti ng kalagayan ng mga mamamayan ay nasa kamay rin ng pamahalaan. Hangad ng sosyalismo ang pagkakamit ng perpektong lipunan sa pamamagitan ng pantay na distribusyon ng produksyon ng bansa.
Mga katangian ng sosyalismo:
• Mayroong pantay na pamamahala at pamamalakad sa mga pag mamay aring yaman ng estado. • Ang mga manggagawa ang siyang nangangasiwa sa sistemang ekonomiya ng bansa • Inaalis ang anumang bahid ng kapitalismo • Sinisigurado na mayroong trabaho ang bawat mamamayan at nakikinabang ang lahat sa yaman na mayroon ang bansa sa ilang bansa sa Kanlurang Asya
Hal: Turkey Jordan UAE
0 notes
Text
Tenets of Democracy*
People power, elections, respect for human rights, and rule of law are the basic tenets of democracy. These ides are related on how does democracy work in a political system. The people’s power is the most significant and recognized power in a society. This power is manifested through elections wherein the people will willfully select their leaders to represent their interest and govern them. In this manner, the people ca experience encroachments from government. So, the existence of rule of law or [as exemplified in a] constitution is important to protect their rights as citizens of that country. The rule of law, on the other hand, demands the compliance of the people to their elected authorities in which leaders can exercise their legitimacy in governance. _____________________________________________________ * A very short essay written for Introduction to Political Science examination under Professor Carl Ramota back in 2013. The item asked for the fundamental principles or tenets of democracy. This essay got a perfect score - good for a newbie in the Discipline.
#Political Commentary#social commentary#audio commentary#explanation#political science#philippines#english#Pilipinas#democracy#demokrasya#essay#examination#freshie#freshman#2013#PS 11#political science eleven#introduction to political science#politik#politics#tenets#people#people power#power#elections#halalan#human rights#rights#rule of law#law
2 notes
·
View notes
Photo
DEMOKRASYA SA PILIPINAS Iginuhit ni Robert Alejandro
7 notes
·
View notes
Text
yakap po sa mga kapwa kong pilipinong nagluluksa ngayon sa panggagago sa ating demokrasya. pero di tayo papalag at sana'y ipagpatuloy nati ang pagsisigaw at paglalaban para sa ating bayan at kasaysayan nawa'y di tuluyang mabalik ang administrasyong Marcos. di tayo papayag at di tayo maghihintay. magpatatag kayo.
#we'll get out of this#we hjust have to fight#and oust yet another dictator#we'll get through this#philippines#philippines election
21 notes
·
View notes
Note
isnt it ironic na ang mga taong sumisigaw ng "mabuhay ang mga marcos" ay nasa edsa? parang kinalimutan na lang yung kasaysayan, parang hindi na pinahalagahan. tumindig ang pilipino laban kay marcos upang ibalik ang demokrasya, ngunit ngayon 😭 naghihintay na lang ako para sa plot twist sa eleksyon na ito :') sana maging maayos pa rin tayong lahat tho. i hope okay lang rin po kayo, stay safe po! <33 may pag-asa pa <33
(TL: Isn’t it ironic that the people shouting, “Long live the Marcoses!” are in EDSA? It’s like they forgot our history, like they don’t care about it. The Filipinos took a stance to fight against Marcos to revive democracy 😭 I’m just waiting for the plot twist in this election :’) )
See, this is the power of disinformation. People will forget because they either never knew (education about Martial Law is twisted in many schools) or they never accepted it (they knew but still blindly followed Marcos) or they once were against Marcos but disinformation changed their minds (there have sadly been accounts of this).
It’s pitiful, really. Maybe God is letting BBM-Sara win in these unofficial results as a punishment or a wake-up call of some sorts—that this is what happens when you willingly remained ignorant, naive, and stupid.
But for now, may we make it through this. Stay safe to all my fellow Filipinos and to you too anon. ❤️
15 notes
·
View notes