#Karapatang Pantao
Explore tagged Tumblr posts
Text
KALAYAAN
Lahat ng tao ay may kalayaan at dapat na matamasa ng lahat ang kanilang kalayaan. Kalayaan ang mag-isip, kumilos, at gumawa ng sariling desisyon basta't ang bawat kilos ay sumusunod sa mga batas ng ating bansa at komunidad. Ito ang kalayaan na magpahayag ng sariling opinyon nang hindi natitisod o nasasaktan ang ibang tao, organisasyon, o grupo.
May kalayaan kabang pumili ng sarili mong desisyon? Para ba ito sa ikabubuti, o hindi?
Ito ay tiyak na isang tanong na karamihan sa atin ay itinatanong sa kanilang sarili. Upang magkaroon ng malayang kalooban, dapat muna nating malaman ang ating mga pagpapahalaga, hangarin, at mga layunin sa buhay. Mahalaga na madagdagan ang kaalaman at ilapat ang kritikal na pag iisip sa lahat ng desisyon. Bago gumawa ng isang pagpipilian, kailangan nating magsaliksik, magtanong, at isaalang alang ang mga potensyal na kahihinatnan ng bawat pagkilos. Kailangan natin magkaroon ng suporta mula sa Pamilya at mga Kaibigan. Maaaring magbigay sila ng direksyon, ngunit hindi nila dapat kontrolin ang ating mga pagpipilian. Kapag mayroon tayong tamang suporta, natututo tayong gumawa ng mga desisyon nang may kumpiyansa. Ang gabay at kalayaan ay dapat na balanse para sa mga matatanda at mga magulang. Ang paghihigpit ng mga magulang sa paggawa ng desisyon ay nag-aalis sa ating mga kabataan ng pagkakataong magkaroon ng mga kasanayan sa pananaliksik, pag-iisip, at pagkilos na kailangan upang makamit ang ating mga layunin. Upang mapabuti ang paggawa ng desisyon, panatilihing bukas ang mga linya ng komunikasyon at magtuon sa mga pagpipilian. Kailangan ang tamang direksyon, tulong, at lubos na kamalayan sa sarili. Natututo tayong gumawa ng matapang na desisyon at tiwala sa sarili na paghatol, at ang mga komunidad at magulang ay mahalaga sa pagtulong sa atin na magkaroon ng tamang kalayaan at pakiramdam ng responsibilidad.
Kapag kulang tayo sa pagpapahalaga sa sarili at opinyon, nawawalan tayo ng kakayahang gumawa ng ating sariling mga desisyon. Hindi natin matukoy ang ating sariling mga kagustuhan at layunin; Sa halip, madalas nating ibase ang ating mga desisyon sa mga opinyon at ideya ng iba. Kapag nangyari ito, mawawala ang ating mga kakayahan at awtonomiya upang kumilos nang nakapag-iisa. Ang labis na kontrol ng magulang ay may isa pang katwiran, magiging hamon ito para sa atin na gumawa ng ating sariling mga desisyon kung ang ating mga magulang ay palaging nagpapataw ng kanilang mga opinyon sa atin.
Ang kalayaan ay ang kapasidad na gumawa ng ating sariling mga desisyon. May ganap tayong kalayaan na mag-isip at makipag usap ayon sa gusto natin, sundin ang ating sariling landas sa buhay, at makihalubilo sa sinumang pipiliin natin. Hindi tayo magiging kung sino talaga tayo kung wala ito, ang kalayaan ay isang pangunahing karapatang pantao.
“Kalayaan ang susi patungo sa
magandang kinabukasan”🕊️🌏
Jesreal A. Ibale
10- ST.FULGENTIUS
37 notes
·
View notes
Text
Ang kalayaan ay ang kalagayan ng pagiging malaya o walang paghihigpit o pananakop. Ibig sabihin nito, may karapatan ang isang tao o grupo na magdesisyon para sa sarili, makapamili ng mga hangarin, at makagawa ng mga aksyon nang hindi naaapi o napipilitan.
Sa isang mas malawak na kahulugan, ang kalayaan ay nauugnay sa mga karapatan ng tao na mabuhay ng walang takot sa ilalim ng batas, na may proteksyon laban sa pagsupil at pang-aabuso. Halimbawa, ang kalayaan ng pagsasalita, paggalaw, o pagkakaroon ng mga karapatang pantao ay ilan sa mga aspeto ng kalayaan.
Kalayaan din ay maaaring sumangguni sa kalayaan mula sa kontrol o pamahalaan, tulad ng kalayaan ng isang bansa mula sa pananakop o dayuhang kontrol. Sa ganitong konteksto, mahalaga ang kalayaan sa pagtataguyod ng demokrasya, karapatang pantao, at pagkakapantay-pantay ng lahat ng tao.
Pinapalawak nito ang kakayahan ng bawat isa na matamo ang sariling tagumpay at ipahayag ang kanilang mga opinyon na hindi natatakot sa anumang uri ng pagsupil.
24 notes
·
View notes
Text
KALAYAAN SA PAGPAHIWATIG NG SALOOBIN
"Ang bawat tao'y may karapatan sa kalayaan ng opinyon at pagpapahayag; kabilang dito ang karapatang maghayag ng opinyon nang walang panghihimasok at ang karapatang maghanap, tumanggap, at magbahagi ng impormasyon at ideya sa anumang pamamaraan at walang hadlang sa mga hangganan."
Hindi dapat magbalangkas ng batas na nagbabawas sa kalayaan sa pananalita, ng pamamahayag, o ng pagpapahayag ng saloobin. Ang kalayaan sa pagpapahayag ay isa sa mga pundamental na karapatan ng bawat tao. Sa ilalim ng demokratikong lipunan, ito ang nagbibigay-daan sa malayang pagpapahayag ng saloobin, opinyon, at damdamin sa iba't ibang isyu o usapin. Mahalaga ang kalayaang ito dahil ito ang nagsisilbing pundasyon ng malusog na diskurso at pagtutulungan sa pagitan ng mga tao sa lipunan.
ADVANTAGE:
• Pagpapalaganap ng Demokrasya
• Paglinang ng Kritikal na Pag-iisip
• Pagpapatibay ng Karapatang Pantao
• Pagpapahayag ng Pagkamalikhain
• Pagtuklas ng Solusyon sa mga Suliranin
DISADVANTAGE:
• Paglaganap ng maling impormasyon
• Pagkakasira ng reputasyon
• Hindi pagkakaunawaan
• Pag-abuso sa plataporma
• Pagkakagulo sa lipunan
Sa wakas, sa bawat pagkakataong ating ipahayag ang saloobin, ito'y isang hakbang patungo sa mas malaya at mas makabuluhang pag-uusap. Ang kalayaan sa pagpahiwatig ay hindi lamang isang karapatan, kundi isang tungkulin-isang daan upang maipahayag ang ating pagkatao, maunawaan ang iba, at magkaisa sa gitna ng pagkakaiba.Patuloy nawa tayong maging bukas at tapat sa ating mga damdamin, sapagkat dito nagsisimula ang tunay na pag-unawa at pagbabago.
-FREDOM TO SPEAK UP
Samantha Nicole A. DELGADO 10-SV FILIPINO
15 notes
·
View notes
Text
Usaping Karapatang Pantao at Katarungang Panlipunan
Sa panahon ngayon, mahalaga ang pagbibigay pansin sa mga usaping may kinalaman sa karapatang pantao at katarungang panlipunan. Sa blog na ito, tatalakayin natin ang mga mahahalagang isyu tulad ng diskriminasyon, karahasan, at kawalan ng patas na oportunidad, upang magbigay kaalaman at magbukas ng diskusyon sa bawat mambabasa. Nais kong maging daan ito upang higit nating maunawaan ang tunay na halaga ng dignidad, pagkakapantay-pantay, at karapatan ng bawat indibidwal.
Ano Nga Ba ang Karapatang Pantao?
Ang karapatang pantao ay ang mga karapatan at kalayaang dapat matamasa ng mga mamamayan anuman ang kanilang lahi, kasarian, relihiyon, o estado sa buhay. Ang mga karapatang ito ay dapat igalang at protektahan ng bawat estado at mga miyembro ng lipunan. Kabilang dito ang karapatan sa buhay, kalayaan sa pagpapahayag, karapatan sa edukasyon, at ang karapatang maging malaya sa anumang uri ng diskriminasyon o pang-aabuso.
Mga Kasalukuyang Isyu sa Karapatang Pantao sa Bansa
Diskriminasyon - Hanggang ngayon ay may mga nakakaranas parin ng hindi makatarungang pagtrato na pag-apak sa karapatang pantao. Kabilang na sa mga nakakaranas nito ang mga kababaihan, miyembro ng LGBTQ+ at mga katutubong komunidad. Ang diskriminasyon ay harang sa pagkakaroon ng pantay-pantay na pagtrato sa lipunan.
2. Kahirapan - Ang mga mahihirap ay kulang sa oportunidad sa edukasyon, kalusugan, at disenteng hanapbuhay. Ang pagkakaroon ng access sa mga "basic needs" ng tao ay nararapat sa karapatang pantao.
3. Karahasan - Kabilang sa mga isyung pangkarapatang pantao ang pagprotekta sa bawat indibidwal laban sa karahasan, gaya ng pag-abuso sa kababaihan at mga bata, extra-judicial killings, at iba pang uri ng pang-aabuso.
4. Kalusugan at Edukasyon - Madami ang walang access sa sapat na kalusugan at edukasyon, lalo na ang mga mahihirap at ang mga nasa malalayong komunidad. Ang karapatan sa sapat na kalusugan at edukasyon ay pangunahing pangangailangan at kasama sa karapatang pantao.
Ano ang Maaaring Gawin?
Upang maisulong ang katarungang panlipunan at karapatang pantao, mahalagang magsimula sa pagpapalaganap ng kaalaman at edukasyon. Narito ang ilang hakbang na maaaring gawin upang makatulong sa pagsusulong ng karapatang pantao:
Maging bukas sa katotohanan - Alamin ang mga isyu na kinakaharap ng mga tao sa ating paligid. Mahalaga ang malawak na pag-unawa upang malaman kung paano makakatulong sa kanila.
Makiisa sa mga kampanya at mga adbokasiya - Tumulong at makibahagi sa mga organisasyon o mga tao na lumalaban upang mapanatili at hindi maabuso ang mga karapatang pantao ng mga mamamayan.
Suportahan ang mga biktima - Ang pagsuporta at pagtulong sa mga biktima ng pagaabuso ng karapatang pantao ay mahalaga para sa kanila upang mabangon ang kanilang mga sarili.
Pagtutulungan para sa Pantay na Lipunan
Mahalaga na tayong lahat ay magkaisa sa pagpapahalaga at pagsulong ng karapatang pantao at katarungang panlipunan. Sa bawat maliit na hakbang—mula sa pagrespeto sa kapwa hanggang sa pakikiisa sa mga kampanya—may ambag tayo sa pagkakaroon ng mas patas at makatarungang lipunan. Sana’y maging inspirasyon ang ating mga nabasa upang patuloy na kumilos para sa kapakanan ng bawat isa.
14 notes
·
View notes
Text
Kalayaan: Karapatan at Responsibilidad ng Kabataan
Sa mundo kung saan patuloy na nagbabago ang mga pananaw at kaisipan, mahalagang pag-usapan ang salitang "kalayaan." Para sa ating mga kabataan, ano nga ba ang tunay na kahulugan nito? Kalayaan ba ang paggawa ng kahit anong nais natin, o ito ba ay may kaakibat na responsibilidad?
Ang kalayaan ay isang mahalagang karapatan na pinaglaban ng ating mga ninuno. Sa kasaysayan, maraming bayani tulad nina Jose Rizal at Andres Bonifacio ang nag-alay ng kanilang buhay upang makamit natin ang kalayaang tinatamasa ngayon. Ngunit bilang kabataan, paano natin masisiguro na napapangalagaan natin ang kalayaang ito?
Una, dapat nating tandaan na ang kalayaan ay hindi lamang tungkol sa sarili. Hindi ito nangangahulugan ng paggawa ng kahit ano, lalo na kung makakasama ito sa iba. Sa halip, ang tunay na kalayaan ay ang kakayahang gumawa ng tamang desisyon nang may paggalang sa karapatan ng iba.
Pangalawa, mahalagang maging mapanuri tayo sa mga isyung panlipunan. Bilang kabataan, may boses tayo upang ipahayag ang ating mga saloobin tungkol sa mga isyung may kaugnayan sa kalayaan, tulad ng karapatang pantao, kalayaan sa pamamahayag, at pagkakapantay-pantay. Ang social media ay isang mabisang plataporma upang iparating ang ating mga pananaw, ngunit dapat itong gamitin nang responsable.
Sa huli, ang kalayaan ay nagbibigay-daan sa atin upang maging mabuting mamamayan at huwarang kabataan. Gamitin natin ito hindi lamang para sa sariling kapakinabangan kundi para rin sa ikabubuti ng nakararami. Sa ganitong paraan, naipapakita natin ang ating pasasalamat sa mga nagbuwis ng buhay para makamtan ang kalayaang ito.
Ang tanong, kabataan, paano mo ginagamit ang iyong kalayaan? Gamitin mo ito upang magbigay-inspirasyon sa iba at magdulot ng positibong pagbabago sa lipunan.
16 notes
·
View notes
Text
"Alamin ang iyong mga karapatan, gamitin ang iyong boses, at ipaglaban ang katarungan—dahil sa isang makatarungang Pilipinas, walang maiiwan"
Ang Pilipinas ay mayaman sa kultura, kasaysayan, at pakikibaka para sa kalayaan, ngunit hanggang ngayon, nananatili ang mga isyu sa karapatang pantao at katarungang panlipunan. Sa kabila ng mga batas at kasunduan na nagtatanggol sa mga mamamayan, marami pa ring hamon ang kinakaharap ng mga Pilipino pagdating sa kanilang mga karapatan. Isa itong mahalagang usapin na kailangang masusing pagtuunan ng pansin, hindi lamang ng pamahalaan kundi ng buong lipunan.
Mga Pangunahing Isyu sa Karapatang Pantao
Isa sa mga pinakamalalaking isyu sa karapatang pantao sa bansa ay ang extrajudicial killings na nauugnay sa kampanya laban sa droga. Maraming kaso ang naiulat na kinasasangkutan ng mga pagpatay na hindi dumaan sa tamang proseso ng batas, na nagdulot ng pangamba hindi lamang sa mga pamilya ng mga biktima kundi sa buong komunidad na umaasa sa katarungan.
Bukod dito, patuloy na nakararanas ng pang-aabuso ang mga miyembro ng marginalized groups gaya ng mga katutubo, kababaihan, at LGBTQ+ na madalas hindi nabibigyan ng sapat na proteksyon. Ang mga kababaihan at LGBTQ+ community ay patuloy na nakararanas ng diskriminasyon, habang ang mga katutubong komunidad naman ay napagkakaitan ng kanilang karapatan sa lupain at kabuhayan dahil sa mga proyekto at interes ng malalaking korporasyon.
Kahalagahan ng Katarungang Panlipunan
Ang social justice o katarungang panlipunan ay mahalaga upang mapanatili ang kapayapaan at kaayusan sa isang lipunan. Sa Pilipinas, patuloy ang pagkakaiba-iba sa kalagayan ng mga tao pagdating sa access sa edukasyon, kalusugan, at kabuhayan. Ang mga mahihirap na komunidad ay madalas napag-iiwanan, na nagdudulot ng mas malawak na agwat sa pagitan ng mayayaman at mahihirap. Ang ganitong sitwasyon ay nagpapakita ng kakulangan sa sistema ng gobyerno upang bigyan ng pantay-pantay na oportunidad ang bawat Pilipino, lalo na ang mga nasa laylayan.
Mga Hakbang Tungo sa Pagbabago
Para matugunan ang mga isyung ito, mahalaga ang masusing pagsisikap ng gobyerno at ng bawat mamamayan. Una, dapat ipatupad nang maayos ang mga batas na nagbibigay-proteksyon sa mga karapatan ng mga tao, kasama na ang mas epektibong pangangalaga sa karapatang pantao ng bawat Pilipino. Pangalawa, kinakailangang magpatuloy ang edukasyon sa mga komunidad tungkol sa kanilang mga karapatan, upang maging mulat at handa silang ipaglaban ang mga ito.
Pangatlo, mahalaga rin ang transparency sa gobyerno at pagbibigay ng kapangyarihan sa mga tao upang makilahok sa mga usaping panlipunan. Ang mga non-government organizations (NGOs), media, at mga aktibista ay may malaking papel sa pagsisigurong naririnig ang boses ng mamamayan at nalalaman ng madla ang mga pang-aabusong nagaganap.
Pagkilos ng Kabataan at mga Aktibista
Sa kasalukuyan, marami sa kabataan ang tumitindig para sa mga isyu ng karapatang pantao. Sa pamamagitan ng social media, ang mga kabataang aktibista ay nagiging mas aktibo sa pagpapalaganap ng kaalaman at pagpapahayag ng mga hinaing. Sa kabila ng mga panganib at pagsubok, nananatili silang masigasig sa pagsulong ng mga pagbabago para sa isang mas makatarungan at mas maunlad na lipunan.
Hindi madali ang laban para sa karapatang pantao at katarungang panlipunan, ngunit sa tulong ng pagkakaisa, patuloy na edukasyon, at pagkilos ng bawat isa, posible ang isang lipunang mas makatao at makatarungan. Sa ating bansa, nararapat lamang na maging mapagbantay ang bawat isa sa pangangalaga at pagprotekta sa mga karapatang ipinaglalaban ng mga nauna sa atin.
Ang artikulong ito ay hindi lamang para magbigay-kaalaman, kundi para rin magsilbing panawagan sa bawat Pilipino: alamin ang iyong mga karapatan, gamitin ang iyong boses, at sama-samang ipaglaban ang katarungan para sa isang mas pantay-pantay na Pilipinas.
#KarapatangPantao#SocialJusticePH#LabanParaSaKarapatan#MakataongLipunan#RaiseYourVoicePH#RightsMatter#SolidarityPH#PilipinasParaSaLahat#LabanParaSaHustisya#AdvocacyPH#DefendPressFreedom#ProtectOurRights#FightForJustice#HumanRightsPH#JusticeForAll#FreedomPH#BosesNgMasa#DefendHumanRights#StandWithThePeople#EqualityForAll
11 notes
·
View notes
Text
anong silbi ng karapatang pantao kung wala akong karapatan sayo
5 notes
·
View notes
Text
OPINION: Pagpapalaya kay de Lima, Pruweba nga ba ng Magandang Sistemang Panghustisya?
Photo credits: Kell Bautista
Noong Nobyembre 13 ng kasalukuyang taon, pinayagan ng Regional Trial Court (RTC) si Dating Senador Leila de Lima na bayaran ang kaniyang piyansa matapos ang mahigit anim na taong pagkakakulong. Matatandaan na sinampahan si de Lima ng Department of Justice (DOJ) ng kaso kaugnay ng ‘di-umanong pagkakasangot niya sa illegal drug trade na nagaganap sa loob ng New Bilibid Prison (NBP) noong 2016. Matapos ang pagsampa ng kaso kay de Lima, inaresto at ikinulong siya noong 2017 sa loob ng Philippine National Police Custodial Center (PNPCC) sa loob ng Camp Crame.
Pinayagan si de Lima na magbayad ng P300,000 na piyansa matapos ang muling paghahain niya ng motion for reconsideration sa harap ng Muntinlupa City RTC. Ang desisyon ng korte ay bunsod din ng muling pagsuri sa mga testimonya ng mga tumestigo laban sa kaniya noon. Ayon sa hatol, hindi malinaw na napatunayan ng mga testimonya ang pagkakasangkot ni de Lima sa illegal drug trade na naganap sa loob ng NBP.
Sa paglaya ni de Lima matapos ang matagal na panahon, maaaring mabalikan ang mga naging paglabag sa kaniyang karapatan at ang pagmamaneobra ng gobyerno sa ating sistemang panghustisya upang supilin at patahimikin ang mga kritiko nito tulad ng dating senadora. Sa kasalukuyan, may mahigit-kumulang 700 na mga political prisoner sa Pilipinas na hindi pa kasing-kilala tulad ni de Lima. Isang paraan kung paano minamaneobra ng gobyerno ang sistema ng hustisya ay ang pagsira ng kredibilidad ng akusado sa publiko. Ginagawa at pinamumukha silang sinungaling, traydor, at kriminal. Sunod, sinasampahan din sila ng patong-patong na mga kaso kung saan ang mga ebidensyang ginagamit ay pawang kasinungalingan lang. Hindi rin naipatutupad ang due process na dapat sundan ng kaso, dahil sa huli, desisyon pa rin ng administrasyon ang masusunod kahit pa malinaw ang mga ebidensya na inosente ang inaakusahan. Isa pa, pinagkakait ng gobyerno ang karapatang pantao at kalayaan ng mga akusado upang wasakin ang kanilang diwa at paninindigan. Layunin nilang takutin at patahimikin hindi lang ang kanilang mga kritiko, kundi pati na rin ang malawakang masang Pilipino.
Kung babalikan, nagtagumpay ang administrasyon sa pagsira ng reputasyon at kredibilidad ni de Lima dahil sa desisyon ni dating house speaker Pantaleon Alvarez na ipakita at gamitin bilang ebidensya ang sex tape ni de Lima at ng kaniyang dating aide na si Ronnie Dayan na sinasabing sangkot din sa illegal drug trading sa loob ng NBP. Bagamat binago ang desisyong ito, isinalaysay pa rin ang mga nangyari sa bidyo. Dahil dito, pinagpiyestahan at inulan ng batikos ang dating senadora. Ang galaw na ito ay tunay na nakapagpababa sa pagkatao at reputasyon ni de Lima. Isa lamang ito sa mga taktika ng gobyerno upang sirain ang reputasyon ng mga kritiko nila.
Bukod dito, kinokontrol din ng gobyerno ang mga lumalabas na ebidensya upang manipulahin ang ating sistemang panghustisya. Tatlo sa mga tumestigo laban kay de Lima na sina Rolan “Kerwin” Espinosa, Rafael Ragos, at Ronnie Dayan ang nagbago ng testimonya laban sa dating senadora. Ayon sa kanila, pinilit at tinatakot lang daw sila ng mga awtoridad at ibang kawani ng gobyerno gaya nina dating Justice Secretary Vitaliano Aguirre II at dating Oriental Mindoro Rep. Reynaldo Umali na tumestigo laban kay de Lima. Pareho ang nangyari sa kaso ng 84 taong gulang na si Gerardo dela Pena. Inaresto si dela Pena sa paratang na pinatay niya ang kaniyang pamangkin noong 2001. Sinasabing miyembro na kaagad siya ng NPA sa kadahilanang informant ng militar ang kaniyang pamangkin. Bagaman 12 taon ang nagdaan bago siya nakasuhan noong 2013, ilang buwan lamang ang kinailangan ng korte para hatulan siya. Hindi man lang nabigyan si dela Pena ng pagkakataon na depensahan ang sarili niya laban sa krimen dahil mabilis ang naging usad ng kaniyang kaso.
Sunod, ipinagkakait ng gobyerno sa mga akusado ang kanilang mga karapatang pantao. Sa kasagsagan ng paglilitis sa kaso ni de Lima, na-leak ang kaniyang cellphone number at address. Dahil dito, maraming natanggap na pagbabanta sa buhay ang dating senadora, at hindi nasiguro ng gobyerno ang kaniyang kaligtasan. Isa pang biktima ng pagtapak sa karapatang pantao ng akusado ay si Reina Mae Nasino na miyembro ng Kadamay partylist. Buntis si Nasino noong inaresto siya, at sa ikawalong buwan ng kaniyang pagbubuntis habang siya’y nasa kustodya ng mga awtoridad sa Manila City Jail, ipinanganak si Baby River. Sapilitang hiniwalay si Baby River sa kaniyang nanay at matapos lamang ang dalawang buwan, binawian ng buhay ang sanggol. Pinagkait sa mag-ina ang karapatang makakuha ng tulong medikal mula sa prenatal assessment hanggang sa pagbalik sa kanila sa kulungan. Pati sa mismong libing ni Baby River, pahirapan pang makasama ni Nasino ang kaniyang anak. Mga 40 na pulis ang pumalibot sa kaniya habang siya’y nakaposas. Hindi man lang ito tinanggal bago ibaba ang kabaong ni Baby River upang mayakap ang kaniyang anak sa huling pagkakataon. Malaya man ngayon si Reina Mae Nasino, hindi malilinis ng estado ang dugo ni Baby River mula sa kanilang mga kamay.
Bagamat dalawang administrasyon ang hinintay ni de Lima bago siya nakalaya, lamang pa rin siya sa ibang mga political prisoner na hindi gaanong matunog ang pangalan kumpara sa kanya. Wala silang koneksyon sa mga makapangyarihang institusyon at organisasyon, at hindi nila katulad si de Lima na mayroong pinansyal na kakayahan upang labanan nang harap-harapan ang estado. Karamihan din sa mga inaaresto ay patagong kinakasuhan at kinukulong ng gobyerno upang hindi sila mapulaan ng mga tao. Mas masalimuot ang pagharap nila sa sistema dahil wala silang advantage na mayroon ang ibang mga political prisoner gaya ni de Lima. Kung “delayed justice” ang matatawag sa kaso ni de Lima, paano pa kaya silang mga political prisoner na ilang taon nang nasa likod ng rehas, na hindi man lang natin nalaman ang mga pangalan? Kung tayo ang nasa posisyon nila, may pagkakataon kayang makakamit natin ang hustisya at kalayaan?
Kahit napalaya si de Lima matapos ang kaniyang mahabang laban sa korte, itinatayo pa lamang ang pundasyon ng sistemang hudisyal na nasa serbisyo ng masang Pilipino. Patuloy pa ring nangyayari na: kapag ikaw ay isang kritiko ng pamahalaan, nauuna ang paghahatol sayo kaysa sa pagpapatibay ng mga ebidensya. Hindi lamang si de Lima ang nakararanas nito. Marami pang mga ordinaryong mamamayan na nagsisilbi sa bayan, at mga kritiko ang nakukulong at nagiging bilanggong politikal. Gaya nila, hindi malayong mangyari sa kahit kanino ang nangyari kay de Lima at iba pang bilanggong politikal. Gayunpaman, kailangan natin alalahanin na malaking parte sa pagkapanalo ni Leila de Lima ang malawakang pagmobilisa at pagtuligsa ng masang Pilipino laban sa bulok na sistemang nagbigay daan sa ‘di makatarungang pagkakakulong ng dating senadora. Ngayon, kailangan natin lalong mag-ingay upang magpatuloy ang pagtuligsa sa sirang sistema ng hustisya sa ating bansa. Palayain ang lahat ng bilanggong pulitikal! // nina KC Dela Cruz at Eda White
MGA SANGGUNIAN:
INQUIRER.net. (2023, November 16). Timeline: The ordeal of Leila de Lima | Inquirer News. https://newsinfo.inquirer.net/1859273/timeline-the-ordeal-of-leila-de-lima
Cepeda, M. (2016, October 5). The public trial of Leila de Lima. RAPPLER. https://www.rappler.com/nation/148226-public-trial-leila-de-lima/
Bolledo, J. (2023, June 19). Judge handling De Lima’s remaining drug charge inhibits from case. RAPPLER. https://www.rappler.com/nation/muntinlupa-judge-handling-leila-de-lima-remaining-drug-charge-inhibits-case/
Buan, L. (2023, November 13). Leila de Lima gets bail, freedom soon. RAPPLER. https://www.rappler.com/philippines/muntinlupa-court-approves-bail-de-lima-freedom-november-2023/
Madrigal, A. (2023, November 14). Groups welcome release of ex-senator, ‘drug war’ critic de Lima (D. Umil, Interviewer). Bulatlat. https://www.bulatlat.com/2023/11/14/groups-welcome-release-of-ex-senator-drug-war-critic-de-lima/
Elemia, C. (2016, November 25). Female senators slam House probe ‘in aid of misogyny, voyeurism’ RAPPLER. https://www.rappler.com/nation/153601-female-senators-react-de-lima-house-probe-misogyny-voyeurism/
De Jesus, S. (2016, November 25). ‘Kailan kayo nag-climax?’: Nonsense questions at the Bilibid drugs hearing. RAPPLER. https://www.rappler.com/nation/153547-nonsense-questions-ronnie-dayan-house-probe-drugs/
Cepeda, M. (2016a, September 28). Alvarez: OK to show De Lima’s alleged sex tape in House probe. RAPPLER. https://www.rappler.com/nation/147566-alvarez-show-de-lima-sex-tape-house-probe/
Cabalza, D. (2023, June 19). Rights group seeks release of ‘oldest political prisoner’ | Inquirer News. INQUIRER.net. https://newsinfo.inquirer.net/1789934/rights-group-seeks-release-of-oldest-political-prisoner
Karapatan. (2015, January 9). Elderly political prisoner seeks Pope Francis’ help for their release - Karapatan. https://www.karapatan.org/media_release/elderly-political-prisoner-seeks-pope-francis-help-for-their-release/
Buan, L. (2020, July 2). Arrested in 2019 crackdown, jailed activist gives birth in a pandemic. RAPPLER. https://www.rappler.com/nation/265537-jailed-activist-gives-birth-coronavirus-pandemic-july-2020/
Buan, L. (2020, October 16). Baby River, who died in ‘cracks’ of justice system, laid to rest under tight police watch. RAPPLER. https://www.rappler.com/nation/reina-mae-nasino-baby-river-dies-cracks-justice-system-buried-tight-watch-police-october-16-2020/
Macaraeg, A. (2020, July 23). Court snatches away 22-day-old baby from her mother. Bulatlat. https://www.bulatlat.com/2020/07/22/court-snatches-away-22-day-old-baby-from-her-mother/
Bolledo, J. (2023, July 27). Manila court acquits Reina Mae Nasino, others of criminal charges. RAPPLER. https://www.rappler.com/nation/manila-court-acquits-reina-mae-nasino-others-criminal-charges-july-27-2023/
2 notes
·
View notes
Text
Actually di ko alam kung pano ko sisimulan ung pagsulat ko dito. Yung ang dami mong gustong sabihin at irant pero di mo alam kung ano ung uunahin at kung anong magandang intro pero sobrang nalulungkot ako ngayon sa mga nagyayari sa mundo.
One of the reason bakit ako nalulungkot is yung nangyayari ngayon sa Gaza. Yung ginagawa ng Israel na genocide sa Palestinian pero yung ibang tao sobrang blind pa rin nila at sinasabing terrorist sila. Grabe ang dami ng videos and pictures ang shineshare pero ayaw pa rin nilang maniwala sinusuportahan pa rin nila ang Zionist State na Israel. Ilang beses na akong naiiyak sa mga napapanood ko sa Tiktok and Twitter na parang naiisip ko na di mag enjoy kasi sila nagsasuffer ngayon. Sana matapos na ang pagbomba sa Gaza. Sana marealize nila na pinapatay nila ang precious na buhay na binigay ng may likha. Super innocent nila specially ang mga bata pero parang turing sakanila ay hayop. Di ba nila naiisip un? Super nakakapanlumo lang at ngayon ko lang talaga narealize ng tunay na grabe pala ang pangbebrainwash na ginagawa ng western medias satin kaya di siya nababalita ng ilang taon. Kung hindi dahil sa tiktok at sa ibang personalities di ko malalaman na nageexist pa rin pala ang Palestine and its people pero pinapatay at pinapahirap silang ng 70+ yrs ng Israel. Ng dahil lang sa gusto nila ng isang country na sila lang Jews. Pero hindi ba pwede na magsama sama na lang in harmony? Bakit kelangan pang patayin at alisin? Bakit kelangan pa silang tanggalan ng karapatang pantao? Bakit kelangang may diskriminasyon?
Nakakalungkot rin itong pamahalaan ngayon. Grabe na ung ginagawang pangongorap at paglalagay sa pwesto ng mga di naman karapat dapat. Kapag umangal at nagreklamo ka ang dami nilang sasabihin. Kesyo kalaban ka ng bayan at ireredtag. O di kaya sasabihin sayo na magsumikap ka at dumiskarte. Kahit ganun naman ang ginagawa mo wala pa ring silbi kasi ang tataas na lahat ng bilihin, gas ang everything. Di ka rin makakausad.
Iba talaga mga Pilipino. Magrarant ka, sasabihan ka ng reklamador. Parang kontento na sila na ganito lang ang Pilipinas na lahat ng mga umuupo ay korap. Na di sila nakikinig at pataasan pa ng pride. Lalait laitin pa ung buong pagkatao mo na parang super perfect nila. Ang toxic na nitong mundo. Ung mga nakikita ko sa social media super toxic na. Kaya ayaw ko na talagang magkaroon ng sariling pamilya kasi ayokong maranasan ng mga magiging anak ko ung ganitong sitwasyon sa mundo. Mas ok ng ako na lang magsuffer. Wag na ung mga future ko. Kaya tinatamad rin akong magjowa eh hahahaha.
I will start to pray again to Lord para sa Palestine. Praying na hanggang sa dulo maging matatag pa rin sila at wag mawalan ng hope. Praying also na magceasefire at makarma ang lahat ng mga sumusuporta sa idea ng genocide. Praying to this everyday.
2 notes
·
View notes
Text
From Kritika Kultura Facebook Page: The year 2023 marks the 25th publication anniversary of Delia Aguilar’s book Toward a Nationalist Feminism. This collection of essays explores the “intersection of gender and material life” in the experience of Filipino women, a landmark in the field of Women’s and Gender Studies in the Philippines. To celebrate this, Kritika Kultura, together with Dr Jeffrey Cabusao of Bryant University, will spearhead a lecture series in honor of Delia Aguilar and her book Toward a Nationalist Feminism. The first of a series of lectures will be held on November 14, 2023, Tuesday, 5:00 pm, at the Natividad Galang Fajardo Conference Room, De La Costa Hall, Ateneo de Manila University, with Faye Cura of Gantala Press as speaker. Faye Cura’s lecture, titled, “Ang Feminista Bilang Manunulat ng Bansa,” will delve into the contribution of Delia Aguilar to feminist discussions in the country, particularly in the areas of literature and publishing.
Please register here -- https://bit.ly/AngFeministaBilangManunulat -- and visit the Kritika Kultura Facebook page for updates.
---
ABSTRAK. ANG FEMINISTA BILANG MANUNULAT NG BANSA. Tatalakayin ang halaga ng mga kaisipan ni Delia Aguilar at ang tungkulin at maiaambag ng feministang panitikan at paglalathala sa tinatanaw at sinusulong na pambansang soberanya.
BIO. Si FAYE CURA (b. 1984) ay manunulat, editor, at publisher ng Gantala Press, isang women’s press na nabuo noong 2015. Siya ay awtor ng apat na koleksiyon ng tula at advocate ng seguridad sa pagkain, karapatang pantao ng kababaihan lalo na ng kababaihang magbubukid, at tunay na reporma sa lupa.
6 notes
·
View notes
Text
Ang Tunay na Banta sa Pambansang Seguridad: Ang Gutom, Korapsyon, at ang 'Nasa Kongreso'!
Habang abala ang gobyerno sa paghanap ng mga “kalaban” tulad ng ating Bise Presidente at mga dating Pangulo, tila nakaligtaan nilang harapin ang mas malalaking halimaw sa ating lipunan—gutom, taas-presyo, korapsyon, at pang-aabuso sa karapatang pantao. Pero teka, kapag ba natanggal nila ang VP at ang mga dating Pangulo, magiging tig-bente na ang bigas? Magiging mura na ba ang kuryente at tubig?…
View On WordPress
#filipino#Humor#jokes#laughable#life#news#philippines#Sarcasm#sarcastic#Satire#satire quotes#satirical#tagalog#wit
0 notes
Text
[en] THIS IS HOW THEY STEAL???
WHO KNEW ABOUT THIS????
AND HOW MUCH IS THERE IN THE CAR????
IS THIS ALL LEGAL??!!
THIS IS NOT A VIOLATION OF HUMAN RIGHTS????
[ru] ВОТ И КАК УГОНЯЮТ???
КТО ЗНАЛ ПРО ТАКОЕ????
И СКОЛЬКО В МАШИНЕ ТАКОЕ????
А ЭТО ВСЁ ЗАКОННО??!!
ЭТО НЕ НАРУШЕНИЯ ПРАВ ЧЕЛОВЕКА????
[zh-TW] 他們就是這樣偷東西的?
誰知道這個?
車上有多少東西?
這都是合法的嗎?
這不是侵犯人權嗎?
[zh-CN] 他们就是这样偷东西的???
谁知道这个???
车里有多少东西???
这都是合法的吗?!!
这不是侵犯人权吗???
[ja] こうやって盗むの?
誰がこれについて知っていましたか?
そして車にはいくらありますか?
これはすべて合法ですか?
これは人権侵害ではありませんか?
[ko] 이것이 그들이 훔치는 방법인가요???
이 사실을 누가 알았나요????
그리고 차에 얼마가 있나요????
이게 다 합법적인가요??!!
이건 인권침해가 아닌가요????
[kn] ಅವರು ಕದಿಯುವು��ು ಹೀಗೆಯೇ???
ಇದರ ಬಗ್ಗೆ ಯಾರಿಗೆ ಗೊತ್ತು????
ಮತ್ತು ಕಾರಿನಲ್ಲಿ ಎಷ್ಟು ಇದೆ????
ಇದೆಲ್ಲ ಕಾನೂನುಬದ್ಧವೇ??!!
ಇದು ಮಾನವ ಹಕ್ಕುಗಳ ಉಲ್ಲಂಘನೆ ಅಲ್ಲವೇ????
[de] SO STEHLEN SIE???
Wer wusste davon????
UND WIEVIEL IST IM AUTO????
IST DAS ALLES RECHTLICH??!!
DAS IST KEINE MENSCHENRECHTSVERLETZUNG????
[fr] C'EST COMMENT ILS VOLENT ???
QUI LE SAVAIT ????
ET COMBIEN Y A-T-IL DANS LA VOITURE ????
EST-CE QUE TOUT CELA LÉGAL ??!!
CE N'EST PAS UNE VIOLATION DES DROITS DE L'HOMME ????
[el] ΕΤΣΙ ΚΛΕΒΟΥΝ;;;
ΠΟΙΟΣ ΤΟ ΓΝΩΡΙΖΕ ΑΥΤΟ????
ΚΑΙ ΠΟΣΟ ΕΙΝΑΙ ΣΤΟ ΑΥΤΟΚΙΝΗΤΟ????
ΕΙΝΑΙ ΝΟΜΙΜΑ ΟΛΑ ΑΥΤΑ??!!
ΔΕΝ ΕΙΝΑΙ ΠΑΡΑΒΙΑΣΗ ΑΝΘΡΩΠΙΝΩΝ ΔΙΚΑΙΩΜΑΤΩΝ;;;;
[tr] BÖYLE ÇALIYORLAR MI???
BUNU KİM BİLİYORDU????
VE ARAÇTA NE KADAR VAR????
BUNLARIN HEPSİ YASAL MI??!!
BU BİR İNSAN HAKLARI İHLALİ DEĞİLDİR???
[ar] هذه هي الطريقة التي يسرقونها؟؟؟
من كان يعلم بهذا؟؟؟؟
وكم يوجد في السيارة ؟؟؟؟
هل هذا كله قانوني؟؟!!
هذا ليس انتهاك لحقوق الإنسان ؟؟؟؟
[ro] ASA FUR ???
CINE A STIAT DESPRE ASTA????
ȘI CÂT ESTE ÎN MAȘINĂ????
ESTE TOTUL LEGAL??!!
ASTA NU ESTE O ÎNCĂLCARE A DREPTURILOR OMULUI????
[es] ASÍ ROBAN???
QUIEN SABIA DE ESTO????
¿Y CUÁNTO HAY EN EL COCHE????
¡¿TODO ESTO ES LEGAL??!!
¿ESTO NO ES UNA VIOLACIÓN DE DERECHOS HUMANOS????
[haw] PEIA KO LAKOU AHUE???
ʻO wai ka mea i ʻike e pili ana i kēia????
A Ehia ka nui o loko o ke kaʻa????
HE KANAWAI ANEI ANEI??!!
AOLE KEIA HE KUAI I KA PONO KANAKA????
[ka] აი როგორ იპარავენ???
ვინ იცოდა ამის შესახებ????
და რამდენია მანქანაში????
ეს ყველაფერი კანონიერია??!!
ეს არ არის ადამიანის უფლებების დარღვევა????
[yi] דאס איז ווי זיי גנבענען???
ווער האט געוואוסט וועגן דעם????
און ווי פיל איז דאָ��ט אין די מאַשין????
איז דאָס אַלץ לעגאַל??!!
דאָס איז נישט אַ הילעל פון מענטשנרעכט????
[id] INILAH CARA MEREKA MENCURI???
SIAPA YANG TAHU TENTANG INI????
DAN BERAPA HARGA DI DALAM MOBIL????
APAKAH INI SEMUA HUKUM??!!
INI BUKAN PELANGGARAN HAK ASASI MANUSIA????
[is] SVONA STULA ÞEIR???
HVER VISSI UM ÞETTA????
OG HVAÐ ER MIKILL Í BÍLINN????
ER ÞETTA ALLT LÖGLEGT??!!
ÞETTA ER EKKI MANNRÉTTINDARBROT????
[ga] SEO CONAS SIAD steal???
CÉ A BHÍ A FHIOS AGAM SEO???
AGUS CÉ MÉAD ANN SA CHARR????
AN BHFUIL SEO GO DLÍTHIÚIL??!!
NACH Sárú í SEO AR CHEARTA AN DUINE????
[it] COSÌ RUBANO???
CHI SAPEVA QUESTO????
E QUANTO C'È IN MACCHINA????
TUTTO QUESTO È LEGALE??!!
QUESTA NON È UNA VIOLAZIONE DEI DIRITTI UMANI????
[yo] BAYI NI WON SE JI???
TANI MO NIPA EYI????
ATI MELO WA NINU MOTO ????
SE GBOGBO YI NI OFIN???!!
ELEYI KO SE RUBO ETO ENIYAN????
[co] CUSI ARUBBI ???
CHI HA SAPIU QUESTO ????
È QUANTU C'È IN CARU ????
Hè tuttu LEGALE ??!!
QUESTA NON È UNA VIULAZIONE DI I DIRITTI UMANI ????
[ms] INI CARA MEREKA MENCURI???
SIAPA TAHU TENTANG INI????
DAN BERAPA ADA DALAM KERETA????
ADAKAH INI SEMUA SAH??!!
INI BUKAN MELANGGAR HAK ASASI MANUSIA????
[uk] Ось і як викрадають???
ХТО ЗНАВ ПРО ТАКЕ????
І СКІЛЬКИ У МАШИНІ ТАКЕ????
А ЦЕ ВСЕ ЗАКОННО??!!
ЦЕ НЕ ПОРУШЕННЯ ПРАВ ЛЮДИНИ????
[ur] یہ کیسے چوری کرتے ہیں؟؟؟
اس کے بارے میں کون جانتا ہے؟؟؟؟
اور گاڑی میں کتنا ہے؟؟؟؟
کیا یہ سب قانونی ہے؟!!
یہ انسانی حقوق کی خلاف ورزی نہیں؟؟؟؟
[tl] GANITO SILA MAGNANAKAW???
SINO ANG ALAM NITO????
AT MAGKANO ANG NASA KOTSE????
LEGAL BA ITO LAHAT??!!
HINDI ITO PAGLABAG SA KARAPATANG PANTAO????
[fi] NÄIN VARASTAVAKSI???
KUKA TIESI TÄSTÄ????
JA PALJON AUTOSSA ON????
ONKO TÄMÄ KAIKKI LAILLISIA??!!
EI TÄMÄ OLE IHMISOIKEUSLUOKKAA????
[hi] ऐसे करते हैं चोरी???
इस बारे में कौन जानता था????
और कार में कितना सामान है????
क्या यह सब कानूनी है??!!
यह मानवाधिकार का उल्लंघन नहीं है????
[gd] Seo mar a tha iad a’ goid ???
Cò aig an robh fios mu dheidhinn seo ????
AGUS DÈ THA ANN AN CÀR ????
A BHEIL SEO A H-UILE laghail??!!
CHAN EIL SEO A’ BHARADH CHÒRAICHEAN DAONNA ????
[eo] TIEL ILI ŜTELAS???
KIU SKIS PRI ĈI TIO????
KAJ KIOM ESTAS EN LA AŬTO????
ĈU ĈI ĈIO LEGALE??!!
ĈI ĈI NE ESTAS VOLANTO DE HOMAJ RAJTOJ????
0 notes
Text
Philippine Drug War
Ang Philippine Drug War ay isang kampanya na inilunsad ng administrasyong Duterte noong 2016 upang sugpuin ang problema ng ilegal na droga sa bansa. Ang layunin nito ay puksain ang mga drug syndicates, parusahan ang mga gumagamit at nagbebenta ng droga, at ibalik ang kaayusan sa mga komunidad. Sa kabila ng mga magkasalungat na reaksyon mula sa mga mamamayan at mga internasyonal na organisasyon, ang war on drugs ay naging isang makapangyarihang isyu na nagdulot ng malaking epekto sa lipunan. Habang may mga sumusuporta sa estratehiya ng gobyerno, marami naman ang nag-aalala sa epekto ng mga hakbang na ito sa mga karapatang pantao at sa pangkalahatang imahe ng bansa.
Noong 2016, ipinangako ni Pangulong Rodrigo Duterte na agad na tatapusin ang problema ng ilegal na droga sa Pilipinas. Ayon sa kanya, ang giyera laban sa droga ay hindi lamang laban sa mga kriminal, kundi laban din sa mga "drug lords" at mga sindikato na nagpapalaganap ng droga sa mga komunidad. Pinangunahan ng mga ahensya ng gobyerno, partikular ang Philippine National Police (PNP), ang mga operasyon laban sa droga sa buong bansa. Sa simula, marami ang sumuporta sa kampanya dahil sa matinding epekto ng droga sa mga komunidad, tulad ng pagtaas ng krimen at pagkasira ng mga pamilya.
Sa kabila ng mga positibong reaksyon mula sa ilang sektor ng lipunan, ang war on drugs ay nagdulot ng malalaking isyu sa human rights. Ang mga ulat ng extrajudicial killings (EJKs) na naganap sa mga operasyon ng mga pulis ay naging sanhi ng malawakang kritisismo mula sa mga human rights groups, mga internasyonal na organisasyon, at mga eksperto sa batas. Ayon sa mga kritiko, maraming mga inosenteng buhay ang nawala at hindi nabigyan ng pagkakataon ang mga nahuli sa operasyon na makapagsalita at ipagtanggol ang kanilang sarili sa hukuman.
Bagamat ang gobyerno ay patuloy na ipinagpapaliban ang mga alegasyon ng EJKs, ipinagmalaki nila na ang kampanya ay nagbawas ng krimen at nagbigay ng proteksyon sa mga mamamayan. Ayon sa mga tagasuporta ng administrasyon, ang kampanya ay naging matagumpay sa pagpapalakas ng kapayapaan at kaayusan sa mga lugar na matagal nang apektado ng droga. Ang mga operasyong "Oplan Tokhang" at "Double Barrel" ay naging simbolo ng matinding pagsusumikap ng gobyerno na tapusin ang problema ng droga, at marami sa mga komunidad ang nagkaroon ng pakiramdam ng seguridad.
Gayunpaman, hindi rin maikakaila na nagdulot ito ng pagkabahala sa iba’t ibang sektor ng lipunan. Ang patuloy na pagtaas ng bilang ng mga napatay sa mga operasyon ng pulis ay nagbigay-diin sa problema ng sistema ng hustisya sa bansa. Ang mga kritiko ng war on drugs ay nagsabi na ang mga pulis at ang mga opisyales ng gobyerno ay hindi dapat magtulungan upang manghuli at magpatay nang walang sapat na basehan. Ang mga pangyayari ay nagbukas ng malalaking katanungan tungkol sa kung paano dapat ipatupad ang batas at kung ano ang dapat na maging proseso sa mga operasyong kontra-krimen.
Isang mahalagang isyu na patuloy na lumilitaw sa usapin ng war on drugs ay ang kakulangan ng focus sa rehabilitasyon at edukasyon ng mga drug users. Sa halip na lumikha ng mga alternatibong solusyon para sa mga gumagamit ng droga, ang pangunahing estratehiya ng gobyerno ay mas nakatuon sa pagpaparusa. Ang mga eksperto sa mental health at addiction treatment ay nagmungkahi na ang mga drug users ay dapat makatanggap ng sapat na rehabilitasyon at hindi basta-basta ituring bilang mga kriminal. Marami sa kanila ang may mga pinagmulan ng problema, tulad ng kahirapan, kakulangan sa edukasyon, at mga family problems.
Ang isang masusing pagsusuri ng mga epekto ng kampanya sa ekonomiya ng bansa ay mahalaga rin. Bagamat may mga naniniwala na ang pagbaba ng mga krimen ay magdudulot ng pag-unlad, marami ring mga negosyante at investors ang nag-aalala sa mga epekto ng mga extrajudicial killings at mga akusasyon ng human rights abuses. Ang mga pamumuhunan at relasyon ng Pilipinas sa ibang mga bansa ay naapektuhan ng mga isyung ito, kaya't nagkaroon ng mga diplomatikong tensyon. Minsan, ang mga hakbang na naglalayong lutasin ang isang problema ay nagiging sanhi rin ng iba pang mga isyu sa ibang aspeto ng bansa.
Kasama sa mga pangarap ng gobyerno ay ang pagbabago ng buhay ng mga kabataang nalulong sa droga. Ngunit ito ay isang masalimuot na hamon na nangangailangan ng higit pang mga hakbang upang matiyak ang mga pagkakataon para sa mga kabataan, tulad ng pagbibigay ng edukasyon at mga programang pangkabuhayan. Ang paggamit ng droga ay kadalasang sanhi ng kawalan ng pag-asa at direksyon sa buhay, kaya't ang pagtutok sa preventive measures at mga programang pang-komunidad ay makatutulong upang matugunan ang ugat ng problema.
Ang mga aspeto ng human rights at accountability sa war on drugs ay hindi dapat isantabi. Mahalaga na ang bawat operasyon ay sinusunod ang mga patakaran at mga karapatang pantao, upang mapanatili ang kredibilidad ng pamahalaan at mga ahensya nito. Ang pananagutan ng gobyerno at ng mga nagpatupad ng mga operasyon ay isang malaking bahagi ng proseso ng paglutas sa isyu ng droga. Kung ang war on drugs ay magtatagumpay, hindi sapat na lamang ang mga pagkilos laban sa mga suspek, kundi ang pagtataguyod ng isang makatarungan at pantay-pantay na sistema.
Sa kabila ng mga positibong epekto ng Philippine Drug War sa pagpapababa ng krimen sa ilang mga lugar, hindi maikakaila na ito ay nagdulot ng mga seryosong isyu ukol sa karapatang pantao, mga extrajudicial killings, at kawalan ng due process. Ang pagbalanse ng kampanya laban sa droga at ang mga pamamaraang makatarungan ay isang mahalagang hakbang na kailangang isagawa ng gobyerno. Ang tunay na solusyon sa problema ng droga ay hindi lamang nakasalalay sa pagkatalo sa mga kriminal, kundi sa pagtutok din sa mga ugat ng problema tulad ng kahirapan, edukasyon, at rehabilitasyon. Sa pagharap sa mga isyung ito, magiging mas matagumpay ang bansa sa pagbuo ng isang mas maayos at makatarungang lipunan.
1 note
·
View note
Text
Coral reef destruction a threat to human rights
La destrucción de los arrecifes de coral, una amenaza para los derechos humanos
La destruction des récifs coralliens constitue une menace pour les droits de l’homme
प्रवाल भित्तियों का विनाश मानव अधिकारों के लिए खतरा
Perusakan terumbu karang merupakan ancaman terhadap hak asasi manusia
珊瑚礁破坏对人权构成威胁
Ang pagkasira ng coral reef ay isang banta sa karapatang pantao
珊瑚礁破壞對人權構成威脅
Sự phá hủy rạn san hô là mối đe dọa đối với quyền con người
প্রবাল প্রাচীর ধ্বংস মানবাধিকারের জন্য হুমকি
Zerstörung der Korallenriffe: eine Bedrohung für die Menschenrechte
サンゴ礁の破壊は人権への脅威
Destruição dos recifes de coral é uma ameaça aos direitos humanos
การทำลายแนวปะการังเป็นภัยคุกคามต่อสิทธิมนุษยชน
Разрушение коралловых рифов представляет угрозу правам человека
산호초 파괴는 인권에 대한 위협이다
Niszczenie raf koralowych zagrożeniem dla praw człowieka
ការបំផ្លាញថ្មប៉ប្រះទឹក គឺជាការគំរាមកំហែងដល់សិទ្ធិមនុស្ស
Koraalrif vernietiging 'n bedreiging vir menseregte
ການທຳລາຍແນວປະກາລັງເປັນໄພຂົ່ມຂູ່ຕໍ່ສິດທິມະນຸດ
Mercan resiflerinin tahribi insan haklarına tehdit oluşturuyor
သန္တာကျောက်တန်းများ ပျက်စီးခြင်းသည် လူ့အခွင့်အရေးကို ခြိမ��းခြောက်နေပါသည်။
Знищення коралових рифів загрожує правам людини
කොරල්පර විනාශය මානව හිමිකම්වලට තර්ජනයක්
Dlium theDlium @dlium
0 notes
Text
Kalayaan: Karapatan at Responsibilidad ng Kabataan
Sa mundo kung saan patuloy na nagbabago ang mga pananaw at kaisipan, mahalagang pag-usapan ang salitang "kalayaan." Para sa ating mga kabataan, ano nga ba ang tunay na kahulugan nito? Kalayaan ba ang paggawa ng kahit anong nais natin, o ito ba ay may kaakibat na responsibilidad?
Ang kalayaan ay isang mahalagang karapatan na pinaglaban ng ating mga ninuno. Sa kasaysayan, maraming bayani tulad nina Jose Rizal at Andres Bonifacio ang nag-alay ng kanilang buhay upang makamit natin ang kalayaang tinatamasa ngayon. Ngunit bilang kabataan, paano natin masisiguro na napapangalagaan natin ang kalayaang ito?
Una, dapat nating tandaan na ang kalayaan ay hindi lamang tungkol sa sarili. Hindi ito nangangahulugan ng paggawa ng kahit ano, lalo na kung makakasama ito sa iba. Sa halip, ang tunay na kalayaan ay ang kakayahang gumawa ng tamang desisyon nang may paggalang sa karapatan ng iba.
Pangalawa, mahalagang maging mapanuri tayo sa mga isyung panlipunan. Bilang kabataan, may boses tayo upang ipahayag ang ating mga saloobin tungkol sa mga isyung may kaugnayan sa kalayaan, tulad ng karapatang pantao, kalayaan sa pamamahayag, at pagkakapantay-pantay. Ang social media ay isang mabisang plataporma upang iparating ang ating mga pananaw, ngunit dapat itong gamitin nang responsable.
Sa huli, ang kalayaan ay nagbibigay-daan sa atin upang maging mabuting mamamayan at huwarang kabataan. Gamitin natin ito hindi lamang para sa sariling kapakinabangan kundi para rin sa ikabubuti ng nakararami. Sa ganitong paraan, naipapakita natin ang ating pasasalamat sa mga nagbuwis ng buhay para makamtan ang kalayaang ito.
Ang tanong, kabataan, paano mo ginagamit ang iyong kalayaan? Gamitin mo ito upang magbigay-inspirasyon sa iba at magdulot ng positibong pagbabago sa lipunan.
7 notes
·
View notes
Text
Sa Pilipinas, ang mga simbahan at relihiyon ay sentro ng kultura at buhay panlipunan. Bilang isang bansang karamihan ay Katoliko, tinitingnan ang mga simbahan bilang mahalaga para sa mga pagtitipon ng komunidad, moral na gabay, at mahahalagang kaganapan sa buhay. Malaki ang impluwensya ng relihiyon sa pang-araw-araw na buhay, politika, at mga normang panlipunan, na nagtataguyod ng pagkakaisa, kawanggawa, at adbokasiya para sa katarungan at karapatang pantao, kaya't may mahalagang papel sa personal at pambansang kaunlaran.
0 notes