#BosesNgMasa
Explore tagged Tumblr posts
romeroalthea7250 · 2 months ago
Text
"Alamin ang iyong mga karapatan, gamitin ang iyong boses, at ipaglaban ang katarungan—dahil sa isang makatarungang Pilipinas, walang maiiwan"
Ang Pilipinas ay mayaman sa kultura, kasaysayan, at pakikibaka para sa kalayaan, ngunit hanggang ngayon, nananatili ang mga isyu sa karapatang pantao at katarungang panlipunan. Sa kabila ng mga batas at kasunduan na nagtatanggol sa mga mamamayan, marami pa ring hamon ang kinakaharap ng mga Pilipino pagdating sa kanilang mga karapatan. Isa itong mahalagang usapin na kailangang masusing pagtuunan ng pansin, hindi lamang ng pamahalaan kundi ng buong lipunan.
Tumblr media Tumblr media
Mga Pangunahing Isyu sa Karapatang Pantao
Isa sa mga pinakamalalaking isyu sa karapatang pantao sa bansa ay ang extrajudicial killings na nauugnay sa kampanya laban sa droga. Maraming kaso ang naiulat na kinasasangkutan ng mga pagpatay na hindi dumaan sa tamang proseso ng batas, na nagdulot ng pangamba hindi lamang sa mga pamilya ng mga biktima kundi sa buong komunidad na umaasa sa katarungan.
Bukod dito, patuloy na nakararanas ng pang-aabuso ang mga miyembro ng marginalized groups gaya ng mga katutubo, kababaihan, at LGBTQ+ na madalas hindi nabibigyan ng sapat na proteksyon. Ang mga kababaihan at LGBTQ+ community ay patuloy na nakararanas ng diskriminasyon, habang ang mga katutubong komunidad naman ay napagkakaitan ng kanilang karapatan sa lupain at kabuhayan dahil sa mga proyekto at interes ng malalaking korporasyon.
Kahalagahan ng Katarungang Panlipunan
Ang social justice o katarungang panlipunan ay mahalaga upang mapanatili ang kapayapaan at kaayusan sa isang lipunan. Sa Pilipinas, patuloy ang pagkakaiba-iba sa kalagayan ng mga tao pagdating sa access sa edukasyon, kalusugan, at kabuhayan. Ang mga mahihirap na komunidad ay madalas napag-iiwanan, na nagdudulot ng mas malawak na agwat sa pagitan ng mayayaman at mahihirap. Ang ganitong sitwasyon ay nagpapakita ng kakulangan sa sistema ng gobyerno upang bigyan ng pantay-pantay na oportunidad ang bawat Pilipino, lalo na ang mga nasa laylayan.
Tumblr media Tumblr media
Mga Hakbang Tungo sa Pagbabago
Para matugunan ang mga isyung ito, mahalaga ang masusing pagsisikap ng gobyerno at ng bawat mamamayan. Una, dapat ipatupad nang maayos ang mga batas na nagbibigay-proteksyon sa mga karapatan ng mga tao, kasama na ang mas epektibong pangangalaga sa karapatang pantao ng bawat Pilipino. Pangalawa, kinakailangang magpatuloy ang edukasyon sa mga komunidad tungkol sa kanilang mga karapatan, upang maging mulat at handa silang ipaglaban ang mga ito.
Pangatlo, mahalaga rin ang transparency sa gobyerno at pagbibigay ng kapangyarihan sa mga tao upang makilahok sa mga usaping panlipunan. Ang mga non-government organizations (NGOs), media, at mga aktibista ay may malaking papel sa pagsisigurong naririnig ang boses ng mamamayan at nalalaman ng madla ang mga pang-aabusong nagaganap.
Pagkilos ng Kabataan at mga Aktibista
Sa kasalukuyan, marami sa kabataan ang tumitindig para sa mga isyu ng karapatang pantao. Sa pamamagitan ng social media, ang mga kabataang aktibista ay nagiging mas aktibo sa pagpapalaganap ng kaalaman at pagpapahayag ng mga hinaing. Sa kabila ng mga panganib at pagsubok, nananatili silang masigasig sa pagsulong ng mga pagbabago para sa isang mas makatarungan at mas maunlad na lipunan.
Tumblr media Tumblr media Tumblr media
Hindi madali ang laban para sa karapatang pantao at katarungang panlipunan, ngunit sa tulong ng pagkakaisa, patuloy na edukasyon, at pagkilos ng bawat isa, posible ang isang lipunang mas makatao at makatarungan. Sa ating bansa, nararapat lamang na maging mapagbantay ang bawat isa sa pangangalaga at pagprotekta sa mga karapatang ipinaglalaban ng mga nauna sa atin.
Tumblr media Tumblr media
Ang artikulong ito ay hindi lamang para magbigay-kaalaman, kundi para rin magsilbing panawagan sa bawat Pilipino: alamin ang iyong mga karapatan, gamitin ang iyong boses, at sama-samang ipaglaban ang katarungan para sa isang mas pantay-pantay na Pilipinas.
11 notes · View notes
rodolfodaclesonii · 5 years ago
Text
Pumutak Ka Na
Bakit dapat umusal ng salita ang isang maralita?
Upang ika'y kanilang marinig nang sa gayo'y malaman din nilang nariyan ka. Para mapagtanto nilang may buhay. Mahinuha nila na may dapat silang pagsilbihan, na sila'y nakaupo para sa masa, ‘di upang maging Panginoon ng sarili nilang buhay.
Maunawaan nilang kailangan mo ng edukasyon upang matuto’t mamulat ka. Ngunit, payo ko lang, kapag ika’ y dumilat na, 'wag mo sana itong tanawin bilang utang na loob bagkus, pagtupad nila sa kanilang sinumpaang tungkulin. 
Maipatayo ka nila ng maliit ngunit matibay at disenteng bahay hindi yung sa kanila yung pinagagawa’ t pinatitibay.
Makakain ka ng tatlong beses sa isang araw ng hapag na may sapat na sustansiya upang ika'y lumakas at tumatatag. Sila nga nakakain ng pagkakamahal at de kalibreng lutuin, inaaksaya pa, ikaw pa kaya? simple lang naman ang 'yong nais, ang mapunan ang kumakalam na sikmura.
Maitaguyod mo ang iyong mag-anak sa trabahong may patas at makatarungang sahod, hindi yung nasa hukay na ang isa mong paa o sa madaling salita'y susunduin ka na ni Kamatayan. Higit sa lahat, may respeto kahit ika'y hamak na sekyu o trabahador lamang dahil kung wala ka, magsisisi sila nang malala.
Marami pang iba dyan na dapat makamtam ng isang normal na mamamayang tulad mo. Kapatid, hindi ito pribilehiyo kundi karapatan na dapat mong italak at iboka sa kanila 'pag sila’ y nakakalimot na.
Nawa’ y mamulat ka na. 'Wag ka nang magkubli pa sa nakasanayan. Oras nang lumaya sa hawlang sila ang may gawa upang ika’ y ikulong at paamuhin.
Iyong gamiti'y tukang ibiniyaya sa'yo. Pumutak ka nang pumatak upang sila'y marindi at ika'y bigyang-pansin.
'Pag ito’ y iyong nagawa, “kapatid, ngayon alam mo na ang demokrasya.”
0 notes
aleja-abad-blog · 8 years ago
Photo
Tumblr media
Secretary Of Health Paulyn Ubial ay isang corrupt ma miyembro ng Gabinete! Walang inatupag kundi magbakasyon kahit may sakuna at kinakailangan siya ng kanyang Departamento! Palitan si Ubial sa Department of Health!
www.dohleaks.tk
https://www.facebook.com/BosesNgMasa/photos/a.150006545207348.1073741826.150003915207611/613668385507826/?type=3&theater
https://www.pinterest.com/artmore001/dohleaks/
www.dohleaks.tk #DOHleaks #UBIALeaks #NAGAleaks #lenirobredo #paulynubial #risahontiveros #leiladelima
0 notes
aleja-abad-blog · 8 years ago
Photo
Tumblr media
Secretary Of Health Paulyn Ubial ay isang corrupt ma miyembro ng Gabinete! Walang inatupag kundi magbakasyon kahit may sakuna at kinakailangan siya ng kanyang Departamento! Palitan si Ubial sa Department of Health!
www.dohleaks.tk
https://www.facebook.com/BosesNgMasa/photos/a.150006545207348.1073741826.150003915207611/613668385507826/?type=3&theater
https://www.pinterest.com/artmore001/dohleaks/
www.dohleaks.tk #DOHleaks #UBIALeaks #NAGAleaks #lenirobredo #paulynubial #risahontiveros #leiladelima
0 notes
aleja-abad-blog · 8 years ago
Photo
Tumblr media
Secretary Of Health Paulyn Ubial ay isang corrupt ma miyembro ng Gabinete! Walang inatupag kundi magbakasyon kahit may sakuna at kinakailangan siya ng kanyang Departamento! Palitan si Ubial sa Department of Health!
www.dohleaks.tk
https://www.facebook.com/BosesNgMasa/photos/a.150006545207348.1073741826.150003915207611/613668385507826/?type=3&theater
https://www.pinterest.com/artmore001/dohleaks/
www.dohleaks.tk #DOHleaks #UBIALeaks #NAGAleaks #lenirobredo #paulynubial #risahontiveros #leiladelima
0 notes