#larawangsanaysay
Explore tagged Tumblr posts
jamilapakingan · 8 months ago
Text
Tumblr media
isang batang isinilang noong april 19 2023.
Tumblr media
Ilang linggo pa lamang ang nakakalipas nung siya ay pinanganak ay nag ka meron ng malaking sunog sakanilang barangay kaya naisipan ng kanyang magulang na gawin itong tema sa pagdiriwang niya ng kanyang kaarawan.
Tumblr media
Unti unti ng nagkakalaman ang sanggol at nakakamulat na ito ng ayos.
Tumblr media
Nakikipag titigan na ang bata dito at para bang nakakaintindi na ito.
Tumblr media
Kalahating taon na lamang ay mag iisang taon na ang bata ito ay naging iyakin mula sa sunog na pangyayari.
Tumblr media
Ang bata ay matigas na at kaya na niyang umupo.
Tumblr media
Nakakautay na ang bata na tumayo ngunit kailangan padin niya ng alalay.
Tumblr media
Dito ay natututo na siyang maglakad at tumayo ng walang alalay.
Tumblr media
Sa huli ang sanggol na hagya na maka mulat ay ngayon ay nakakapaglakad na siya ay isang taong gulang na at may kakayahan ng makaimik at makipaglaro sa kapwa niya bata.
2 notes · View notes
jobisaac · 8 months ago
Text
"Lakbay-Aral na tumatak sa aking isipan"
Sa bawat destinasyon, mayroong mga aral na nag-aabang na ating tuklasin at pag-aralan. Sa bawat kalye na tatahakin, mayroong kwento at kaugnayan sa kultura na ating susuungin. Sa bawat talaan at palatandaan, mayroong kaalaman na naghihintay na ating saliksikin at unawain.
Tumblr media Tumblr media Tumblr media
Nais kong magpasalamat sa pagkakataon na makapaglakbay kasama kayo. Ang makasama kayo sa aking tabi ay nagdagdag ng kulay at saya sa bawat sandali ng ating paglalakbay.
Tumblr media Tumblr media Tumblr media
Sa bawat tanawin na ating pinuntahan at bawat karanasang pinagsaluhan, lalo ko naramdaman ang halaga ng ating pagkakaibigan. Ang mga kwentuhan, tawanan, at mga bagong kaalaman na ating natutunan ay hindi lamang nagbigay sa atin ng mga alaala kundi pati na rin nagpalakas sa ating samahan.
Tumblr media Tumblr media
Salamat sa iyong pagsama sa mga oras na puno ng pagtuklas at pakikipagsapalaran. Nawa'y patuloy tayong magtagumpay sa mga susunod pang paglalakbay, anuman ang hatid ng bukas.
3 notes · View notes
genesislouise · 8 months ago
Text
Tumblr media Tumblr media Tumblr media Tumblr media Tumblr media Tumblr media Tumblr media Tumblr media Tumblr media
Salamat Bundok ng Talamitan🍀🌊✨🍃🌸
Sa bawat hakbang sa Bundok ng Talamitan, ang init ng araw at simoy ng hangin ay bumabalot sa amin, nagbibigay buhay sa aming paglalakbay. Kasama ang mga pinsan at mga kaibigan, ang bawat pagsubok ay nagiging pagkakataon para sa pagtutulungan at pagkakaisa. Ang aming puso'y umaawit ng mga kwento habang kami'y umaakyat, nagpapalakas sa loob at nagbibigay saysay sa bawat pintig. Hindi lamang ito simpleng pag-akyat; ito'y isang paglalakbay patungo sa pagtuklas ng sarili at pagpapahalaga sa mga bagay na mahalaga. Sa kabila ng pagod at hirap, ang bawat hinga ay nagbibigay sa amin ng lakas at tiwala sa sarili. Sa tuktok ng Bundok ng Talamitan, ang kagandahan ng tanawin ay nagpapaalala sa amin ng halaga ng kalikasan at ng samahan ng magkakaibigan.💕🌄
2 notes · View notes
mykelantoni · 8 months ago
Text
Sambillo, Mykel Antoni M.
Piling Larang
G 11 - C 1 - STEM
Larawang Sanaysay
Nasugbu; Sa Pag-Unlad ka na Ba?
Ang Nasugbu ay isa sa mga bayan sa batangas na mabilis umunlad, kalakip nito ang mabilis na pagbabago ng lugar na umaayon sa bagong henerasyon ng bayan na ito. Ang Nasugbu Batangas ay mayroong Economical Profit na P699,626,722.52 noong taong 2022, at patuloy na nataas pa ito sa paglipas ng panahon. Noong 2016 pa lamang ay umaabot na sa P320M ang annual regular income ng Nasugbu, Kasama nito ang populasyon ng bayan na noong 2020 ay 140,000 na katao ang nakatira, karamihan dito ay mga kabataan at mga ‘teenagers’ na na lawak mula 5-9 taong gulang hanggang 16-19 taong gulang na kabataan.
Tumblr media
Ang mga gusali sa Nasugbu ay unti-unti ng nagbabago at nadadagdagan ng mga modernong gusali, kalakip pa nito ang mga kilala at mga malalaking kumpanya na nag tatayo ng mga ‘branch’ nila sa Nasugbu, katulad na lamang ng bangko ng BPI at ng matagal-tagal ng Walter Mart.
Tumblr media
Bagama’t may mga hindi pa gaano ka modernong lugar sa Nasugbu sa loob-loob ng barangay, ay kahit ang simpleng one way road na makikita ay maaari ng mga presenta ng isang pagiging siyudad dahil sa kaayusan nito. Halos bilang na lang ang mga barangay na may bitak-bitak at sira-sirang kalsada na makikita sa Nasugbu. Ang Nasugbu ay naturingang ‘First Class Municipality’, ang ‘First Class Municipality’ ay ang mga bayan na may ‘annual income’ na hindi bababa ng P200,000,000, tulad nga ng annual income ng Nasugbu na P600M+ ay talaga namang hindi lang ‘First Class’ ang Nasugbu na.
Tumblr media
Makikita din sa mga mamamayan ng Nasugbu Batangas ang maganda at masaganang pamumuhay nila, mga nag-gagandahang sasakyan ay mga opisyales na madalas bumisita sa bayan, ang mga turista at mga nag-ba bakasyon sa Nasugbu Batangas ay napakarami na din at pag may okasyon sa bayan ay lalo pa, ang mga resort ay palagiang puno at ang mga lugar na pwedeng bisitahin ay marami laging tao.
Tumblr media
Hindi mag-papa huli ang industriya ng Nasugbu sapagkat ang mga proyekto ng lokal na gobyerno nito ay hindi pa natatapos at hindi pa natigil. Pansinin na lang natin ang mga bigating makinarya na meron ang bayan na ito na kalaunay mayroong proyekto sa bayan na ginagawa.
Tumblr media
Ang lokal na gobyerno ay patuloy na nag lalabas at nag papa-ugnay ng mga proyekto at mga ‘maintenance’. Nito lamang ay muli na naman silang kumilos at sinimulang barakudahan and lumang gusali sa tapat ng bagong Caltex, at nag pa planong gibain, at buoan ng panibagong gusaling hindi pa natin alam sa ngayon.
Tumblr media
Ang lokal nag gobyerno ng Nasugbu Batangas ay patuloy na nagpapaunlad ng Ekonomiya ng Nasugbu, unti-unti nang pinapaganda ang mga gusali dito. Bagaman mabagal at matagal ang mga pag-usad ng pag-tatayo ay pag babago ng mga imprastraktura ay patuloy pa din naman itong umuusad, ang mga lumang bakanteng bahay na pagmamay-ari ng gobyerno ay unti-unti ng pinapalitan ng mga gusali at tinatayuan.
Tumblr media
Ang mga kalsada ay patuloy ding pinapaganda at pinapalawak ng gobyerno, ang J.P. Laurel Highway ay balak na gawing four lane road na may dalawang slow safe zone sa mag-kabilang gilid para sa mga tricycle at mga bikers, plano din ng Gobyerno na gawing ‘Basalt’ o ‘Igneous rock’ ang mga kalsada, isa na dito ang J.P. Laurel street, ang pinaka sentrong kalsada sa loob ng bayan ng Nasugbu.
Ilan lang ang mga impormasyon na yan sa madami at marami pang iba, ang pag-unlad ng bayan ng Nasugbu Batangas ay isang pakilalang marami ang pwedeng mag-bago pa sa darating na panahon. Ang Lokal na Gobyerno ay patuloy na umuusad sa larangan ng Bayan kasabay ng panahon.
Ang pag-unlad ng bayan na ito ang panimulang marami pa ang dadating na pag unlad ng bayan na ito, mag-tutuloy kaya ito o hindi, sa paganda ba ito so sa pababa. mag-papatuloy ba ang pag-unlad ng Bayan na ito, o hindi? Nasugbu. sa pag-unlad ka na ba?
3 notes · View notes
josealbertcreus · 8 months ago
Text
Tumblr media Tumblr media Tumblr media
Sa loob ng isang linggong puno ng kasiyahan at sigla, nagkaroon ng matinding pagdiriwang sa aming paaralan noong ika-10 hanggang ika-16 ng Oktubre 2023. Ipinagdiwang namin ang isang masayang Sports Week na puno ng paligsahan, pagkakaibigan, at pagpapakita ng husay sa iba't ibang larangan ng palakasan. Sa bawat araw ng linggong ito, hindi lamang kami nagtagisan ng galing sa mga palaro, kundi nagtambalan rin ang aming mga damdamin bilang isang komunidad na may layuning maging malusog at aktibo.
Tumblr media Tumblr media Tumblr media
Sa bawat pagtatanghal ng Sports Week, hindi mawawala ang mga laban na puno ng sigla at husay. Mula sa mga pangunahing laro tulad ng basketball at volleyball hanggang sa mga palarong sipa at online games, bawat atleta ay nagpapakita ng kanilang galing at dedikasyon. Sa bawat tagumpay at pagkatalo, nabubuo ang diwa ng pagkakaisa at pagtutulungan sa aming paaralan at napapaunlad ang aming pagkakaibigan. Ang Sports Week ay hindi lamang isang pagdiriwang ng pagalingan kundi isang pagkakataon narin upang ipakita ang aming pagmamahal sa sportsmanship at paaralan.
Tumblr media Tumblr media Tumblr media Tumblr media
Sa Sports Week na ito, kahanga-hanga ang tagumpay na natamo ng aming seksyon. Sa laban ng patintero, kami ay nagwagi ng unang puwesto, samantalang nakamit naman namin ang ikalawang puwesto sa doubles ng tennis at sa Mobile Legends. Bagamat kami ay nakamit ang ikatlong puwesto sa mga laban ng basketball at volleyball, hindi ito naging hadlang upang ipakita ang aming husay at dedikasyon sa larangan ng palakasan. Ang bawat tagumpay at pagkilala ay nagpapakita lamang na sa likod ng bawat laban, ang aming seksyon ay nagtutulungan at nagkakaisa upang magtagumpay.
4 notes · View notes
kurt-yeonn · 8 months ago
Text
Tumblr media Tumblr media Tumblr media Tumblr media Tumblr media
.2
2 notes · View notes
raicazandrece · 8 months ago
Text
Tumblr media Tumblr media Tumblr media Tumblr media Tumblr media
Mga Kabataan Halina't Papurihan ang Mahal na Birheng si Maria.
2 notes · View notes
tristanmp · 7 months ago
Text
Tumblr media
Sa Pilipinas, ang mga simbahan at relihiyon ay sentro ng kultura at buhay panlipunan. Bilang isang bansang karamihan ay Katoliko, tinitingnan ang mga simbahan bilang mahalaga para sa mga pagtitipon ng komunidad, moral na gabay, at mahahalagang kaganapan sa buhay. Malaki ang impluwensya ng relihiyon sa pang-araw-araw na buhay, politika, at mga normang panlipunan, na nagtataguyod ng pagkakaisa, kawanggawa, at adbokasiya para sa katarungan at karapatang pantao, kaya't may mahalagang papel sa personal at pambansang kaunlaran.
Tumblr media Tumblr media Tumblr media Tumblr media
0 notes
annegerleane-26 · 7 months ago
Text
"Mga Sundalo ng Pananampalataya: Paglilingkod sa Diyos at Kapwa"
Sabi nga ng ating pambansang bayani na si Gat Jose Rizal, " Ang kabataan ang pag-asa ng bayan." May mga grupo ng kabataan na tinutupad ito sa pamamagitan ng paglilingkod sa Panginoon.
Tumblr media
Ito ay isang litrato ng mga kabataan pagkatapos makinig ng misa. Makikita ang saya ng mga kabataan na makatanggap muli ng salita ng Panginoon. At sa bawat pagtanggap nila, binabahagi din nila ang mabuting balita.
Tumblr media
At kahit saan mang lupalop ay handa silang dumayo para lamang makapagbahagi. Sa pamamagitan ng pagkakaisa, masayang naglilingkod ang mga kabataan.
Tumblr media Tumblr media
Hindi nila sinasarili ang mabuting balita na kanilang natatanggap sa Panginoon. Nagtitipon sila ng mga iba pang kabataan upang sila rin sa murang edad ay matuto at makilala ang Diyos.
Tumblr media
Ang mga kabataan na lingkod ng Diyos ay nadayo din sa mga paaralan upang mabahagian ang mga mag-aaral.
Tumblr media Tumblr media
At kahit sa mga bahay ng mga tao, taong hindi pa nakakarinig sa mabuting balita, ay pumupunta sila upang ipahayag ang kabutihan ng Diyos. Sa pagnanais na tuparin ang misyon, ay pinagdadasal nila sa buong pamilya sa bahay na kanilang napuntahan ay tanggapin si Hesus at maligtas.
Tumblr media Tumblr media
Hindi lamang sila dumadayo upang magpahayag, sila rin ay natulong sa mga mahihirap. Kahit sa maliit na pamamaraan tulad ng pagbibigay ng libreng pagkain. Kita na spaghetti ang kanilang pinamimigay, simbolo dito sa Pilipinas ng selebrasyon, at iyon ang nais na ipahatid ng mga lingkod ng Diyos sa mga binigyan nila na nararapat natin ipagdiwang ang araw na iyo sapagkat ipinamalas muli ng Panginoon ang kanyang kabutihan.
Tumblr media
Dagdag na rito ang pamimigay ng mga gamit sa mga bata. Kahit sa maliit na bagay ay kita ang ngiti sa mga labi ng mga taong natutulungan.
Sa huli, ang mga sundalo ng pananampalataya ay patuloy na nagiging haligi ng pananampalataya at serbisyo sa komunidad. Sa kanilang walang sawang pag-aalay ng oras, talento, at pagmamahal, nagiging inspirasyon sila sa marami, pinapatatag ang ugnayan ng Diyos at ng bawat isa sa kanilang kapwa. Tunay na ang kanilang misyon ay sumasalamin sa tunay na diwa ng kristiyanong paglilingkod.
Courtesy of the: Signature Foundation Inc.
0 notes
arqui03 · 7 months ago
Text
Tumblr media
Nakatanaw sa malayo, iniisip ang mga maaaring kasama sa bawat larawan ng kalikasan. Ang ganda ng tanawin ay tila may halong lungkot kapag walang kaakibat na masasayang alaala.
Tumblr media
Sa gitna ng aking pag-lisa, may isang taong lumapit at nag-alok ng pakikipagkaibigan. Ang simpleng pakikipag-usap ay nagbukas ng pinto para sa isang bagong ugnayan. Ang lahat ng lungkot at pag-iisa ay napawi sa kanyang pagdating.
Tumblr media
Sa aking pag dadalamhati, may dalawang taong sa akin ay lumapit. Ang kanilang pagdating ang nagbigay sa akin ng bagong pag-asa at ligaya.
Tumblr media Tumblr media Tumblr media Tumblr media Tumblr media Tumblr media
Hindi ko mabilang ang aking tuwa dahil sa pagtagal ng panahon dumadami ang aking mga nakakasama, sila yung masasayang kaibigan na para bang isang pamilya kona na palaging masasandalan sa lahat ng problema.
Tumblr media
Simula nung akoy tumanaw sa magandang tanawin, maganda din ang dumating sa aking buhay at sa huli ay labis ang aking tuwa ng ako ay may nakasamang mga tunay na kaibigan.
0 notes
jamesryanmedrano · 7 months ago
Text
Tumblr media Tumblr media Tumblr media Tumblr media Tumblr media Tumblr media Tumblr media Tumblr media Tumblr media Tumblr media
1 note · View note
iinoyumei · 7 months ago
Text
Tumblr media Tumblr media
Naririto ang ilang litrato ng aming pag diriwang ng Christmas party sa Our Lady Of Peace Academy. Nagkaroon kami ng tema na sadya namang kinaaliwan ng lahat. Nag pasiya ang mga lalaki sa pamamagitan ng pagparada ng nakakasiyang tugtog.
Tumblr media Tumblr media Tumblr media
Ito naman ang mga litrato sa loob ng aming paaaralan mula sa hallway hanggang sa loob ng campus.
Tumblr media Tumblr media Tumblr media Tumblr media Tumblr media
Ang mga larawan at tao na ito ay nag bibigay kulay sa aking karanasan sa paaralang ito. Mas lalo kong na-enjoy ang pag aaral at mga gawain kasama sila. Masasabi kong isa sila sa mga dahilan kung bakit ako ngumingiti sa araw araw.
0 notes
jianagustin · 8 months ago
Text
Tumblr media Tumblr media
Ang mga mahal sa buhay ay mga bahagi ng ating paglalakbay na patuloy na nagbibigay kulay at kahulugan sa bawat yugto ng ating buhay. Sila ang mga tao na nagbibigay inspirasyon at lakas sa atin araw-araw. Ang kanilang mga presensya, kuwento, at mga aral ay nagbibigay ng kaligayahan at pag-asa sa bawat hakbang na ating tinatahak.
Tumblr media Tumblr media
Sa kanilang mga payo at gabay, natututo ako ng mga bagong bagay at nagiging mas matatag ako sa mga pagsubok na hinaharap. Ang bawat ngiti, yakap, at pagmamahal na ibinibigay nila ay nagpapalakas sa akin para harapin ang hamon ng buhay.
Tumblr media
Kasabay ng pagpapahalaga sa kanilang mga presensya, hindi ko rin malilimutan ang mga aral at inspirasyon na kanilang iniwan sa akin. Dahil sa kanila, natutunan kong maging mas masaya, matatag, mapagmahal, at mas maunawain sa kapwa.
Tumblr media
0 notes
louisenicolemendoza · 8 months ago
Text
Larawang Sanaysay: Kaibigan at Tanawin
Tumblr media
Isa sa pinakamasayang ala-ala na hindi malilimutan ay ang paglalakbay lalo na kapag kapag kasama natin ang ating mga mahal sa buhay gaya ng ating pamilya, at mga kaibigan.
Tumblr media
Taong 2024, March 14. Nagkaroon ako ng oportunidad na makasama sa field trip, at sa aking paglalakbay kasama ang aking mga kaibigan ay ang isa sa pinaka masayang nangyari sa akin.
Tumblr media
Kay aga ng i-ginising kaya naman byahe pa lamang ay kumakalam na agad ang mga sikmura namin at kinain nalang ang baon naming mga snacks.
Tumblr media
Hindi man gaano kalayuan ang aming pinuntahan ay nagdulot parin iyon ng kasiyahan sa bawat isa saamin. Isa sa kinahiligan ng mga kabataan ngayon ay ang paglalakbay kahit saan mang lugar. Lalo na kapag ang lugar na yon ay may magandang tanawin na hindi nalilimutan.
Tumblr media
Napakasarap isipin na nabibigyan natin ng oras ang mga sarili natin na aliwin at bigyan ng oras para makapaglibang. Sa araw ng aking paglalakbay kasama ang aking mga kaibigan ay isa iyon sa hinding Hindi ko malilimutan. Bago pa kami pumunta sa lugar ng manila ay masaya na agad ako.
Tumblr media
Ang bawat isa saamin ay naengganyong libutin ang kapaligiran nito at para din kumuha ng mga litrato. Hindi ko inaasahan ang mararamdaman ko sa lugar na iyon, na may magandang tanawin, preskong hangin, at malinis na kapaligiran. Kahit saan ka tumingin ay napaka ganda ng tanawin.
Tumblr media
At syempre dahil sa kapaguran ay hindi ko maiwasang magutom, Kaya naman ako ay napa-bili na rin ng sorbetes na kay sarap ng lasa. Dahil sa pagka gutom namin ay kumain kami nang kumain.
Tumblr media
Maraming tao sa paligid na nasisiyahan sa pag eeksplor at pagkuha ng mga litrato. Sa sobrang kasiyahan na nararamdaman ay hindi na namamalayan ang oras. At doon sa oras na iyon ay sinulit namin ang mga oras na iyon na magkakasama kami.
Tumblr media Tumblr media
Sa aking paglalakbay na iyon ay hindi ko makakalimutan ang lugar na talaga namang dapat alagaan, ang mga lugar na ito ang nagpapatunay na masagana ang bansa sa likas na yaman, historikal at magagandang tanawin.
1 note · View note
kodigonikreshu · 8 months ago
Text
ETNEB | KARERA NG MGA HARI SA DAAN
Tumblr media
Palagi akong nasa likod ng makina, minsa'y taga-abot ng barya, natutulog sa bisig ng aking katabi, o 'di kaya'y hinahawi ang buhok ng kasiping. Maraming storya ang nagaganap sa loob ng dyip na akin nang nasaksihan, mayroong kahihiyan, 'di malilimutang kasiyahan, at mga sikat na vines na talaga namang tumatak na sa isip ko at ng ibang komyuter. Ngunit sa kabila ng 'di mabilang na pasaherong pinagsisilbihan ng bawat drayber araw araw, natuklasan kong hiling din nilang mapuno ang kahera sa tabi ng kanilang manibela gaya ng dalawang helerang nauubusan ng espasyo sa bawat ikot nila sa kalsada.
Tumblr media
Sa harap ng magulong kalsada, nakapinta sa mga sasakyan ang pangalan ng mga mahal nila sa buhay, na s'yang nagbibigay lakas at inspirasyon sa mga drayber. Minsan man ay kinaiinisan sa bagal; na para bang nasa dulo ng prosisyon ang sinasakyan o kaya kinakatakutan sa bilis ng patakbo nila, mas lamang pa rin ang maraming rason nila sa bawat reklamo na ibinabato sa kanila. Marami pang hindi alam ang masa, ang mga taong sumasakay sa kanilang mga sasakyan at ang mga praybeyt na sasakyang nakikipag karera sa mga ito. Bawat kabig ng kambyo ay mayroon oras na nauubos para sa kanila, mayroong pasahero na nakukuha ng ibang drayber; na sana'y naging pangbili na nila ng pagkain para sa hapag ng kanilang pamilya. Karera man ang tingin nila sa byaheng ito, kailan man ay hindi naging kompetisyon ang bawat usok na binubuga nila sa isa't isa.
Tumblr media
Alas siyete nang umaga, ito ang unang byahe ng drayber na aking itatago sa pangalang Mang Ben. Walang kulay ang mukha niya habang s'ya ay aking pinagmamasdan, hindi maipinta ang emosyon niya, tila ba pagod na s'ya sa uspod na pangarap. Ayon sa kan'ya, sa loob ng pagmamayari n'yang dyip ay maaaring mag laman ng sampu hanggang dalawampu't pasahero, ngunit sa bawat lakbay n'ya ay hindi napupuno ito na nagdadahilan ng hindi sapat ang kita. Mayroon ding mga pagkakataon na walang inuuwing pera si Mang Ben sa kaniyang pamilya, sapagkat sa buong maghapon ng kaniyang byahe, wala s'yang pasaherong maisakay.
Tumblr media
"Sandali na laang mahawakan ang pera ngayon eh"  Reklamo man ito ni Mang Ben, maririnig pa rin ang lungkot sa kaniyang tinig. Sapagkat kahit sa ilang ikot pa niya sa tatlong bayan, sandali lamang ang panahon upang mahawakan ang mga papel na nakasipit sa kaniyang daliri. Pansamantala lamang ang siya na kaniyang natatamasa, dahil sa pag patak ng tunod sa dulo ng gas, muling mawawala sa kaniyang mga palad ang ilang oras na pinaghirapan niyang kita.
Tumblr media
Alas dose nang tanghali sa gitna ng katirikan ng araw, natagpuan ko si Mang Cresensio. Bagsak ang katawan nito, at kahit na nasa kalagitnaan pa lamang sa ikalima ng mayo; ang drayber na aking nasa harapan, ay mukhang bibigay na. Makikita ang pagod sa kaniyang kilos, ang akto nitong pag punas sa tumatagaktak na pawis sa kaniyang noo, ay para bang lumalabas na pag pawi ng luha sa kaniyang nakakalunod na emosyon. Sa ilang minutong pangingilatis, napansin kong pinagmamasdan lamang niya ang mga dumadaan, siguro'y hinihiling na may sumakay sa kaniyang dyip, at ni minsan sa mga oras na iyon ay hindi natanggal ang kunot sa kaniyang mukha.
Tumblr media
Matagal akong nag alinlangan na lapitan siya, ngunit nang makuha ko ang tyansang hingin ang storya ng kaniyang buhay; naging isang sampal sa akin ang reyalidad. May anak na first year si Mang Cresension, bago pa man ito ipanganak, matagal na s'yang dyipni drayber. Nang tanungin ko ang estado ng kaniyang buhay, walang pagaalinlangang bitiw ng mga salita ang itinala nito sa akin; Ayon sa kan'ya, walang ibang alternatibong paraan upang kumita ng pera; "Matanda na rin naman ako, kaya mahirap na talaga". Kwento pa nito sa akin, na sadyang pumukaw sa aking mga mata upang mamulat sa kahirapan ng buhay na mayroon s'ya, ay ang malunos at malumanay niyang sambit na; "Eh kapag wala byahe, walang kita, mamamatay nalang sa gutom"
Tumblr media
Sumapit na ang ikalawang oras sa hapong iyon. Napili kong sumakay sa dyip na tila ba ay kanina pang nasa pila upang mag sakay ng pasareho. Si Mang Roldan, na mayari ng aking napiling dyip, ay umupo malapit sa akin. Habang naghihintay ng ibang komyuter, nag bahagi s'ya ng maikling karanasan. Kagaya ng pangalawang drayber, may anak din itong nasa kolehiyo na. Kwento n'ya sa akin; apatnapu't taon na s'yang humahawak ng manibela, bago pa man ito, isa s'ya OFW sa bansang hindi na niya binanggit. Dagdag n'ya pa, lingid sa kaniyang isipan na umalis sa dayuhang bansa kung mayroon s'yang pera upang mag renew ng kontrata, hindi n'ya raw ninais na umuwi ng bansang sinilangan sa kadahilanang sinabi niya;"Hindi mo rin naman kasi maitatanggi neng, mahirap talagang mag hanap ng maganda trabaho dito na mataas ang sahod"
Tumblr media
Alas kwatro nang hapon, at huling dyip na ito na sasakyan ko sa unang linggo ng mayo. Minalas man akong maging unang pasahero sa byahe ni Mang Anthony, sapagkat matatagalan pa ang paghihintay kong mapuno ang dyip n'ya bago makauwi, isang swerte naman ako para sa kan'ya. Maigi itong kumakain ng kalamares, na tila ba ay kapalit ng kanin sa oras na iyon. Makalaunan, binahagi rin nito ang buhay bilang isang drayber, sabi niya; "May pagkakataon na palyado, minsan naman tatama ka sa byahe. Dito lang sa tingin ko ang maalwan na trabaho, wala kang amo, hawak mo ang oras mo. Sa akin, ako eh walang balak mag palit ng trabaho". Ngunit sa kabila nito, kita ang ngiti niya, sapagkat bawat dugo at pawis ay para sa kaniyang pamilya.
Tumblr media
Walang laman ang kaha na katabi ng manibela sa loob ng kaniyang sasakyan. Sa lahat ng drayber na aking nakasalamuha, pinaka iba siya, sapagkat habang ang ibang drayber ay patapos na ang arangka, si Mang Anthony, magsisimula pa lamang. Ayon din sa kan'ya; "Kapag walang byahe, aba'y edi mangungutang muna, mangungutang muna sa tindahan o sa kung sino ang maluwag". Ngunit sa kabila nito, binigyan n'ya ako ng payo na kahit kailan ma'y 'di mababaon sa aking isipan; "Basta't kapag may pera ka, ipunin mo. Wag kang gagaya sa'kin neng, mag sikap kang mag tapos para may magandang trabaho ka". Sa huli, kaniyang sinabi na hindi rin n'ya ginustong masanay sa utang. Si Mang Anthony, mayroong dalawang highschool at isang kolehiyong pinapaaral, at bilang pader ng pamilya, minsan ay ikinahihiya niyang mangutang.
Tumblr media
At sa bawat drayber na aking nakausap, isa lamang ang pinaparating ng kanilang mga kwento; "Mahirap maging mahirap sa mundong bente lamang ang baon ng pasahero mo."
0 notes
kurt-yeonn · 8 months ago
Text
Tumblr media Tumblr media Tumblr media Tumblr media Tumblr media Tumblr media Tumblr media Tumblr media Tumblr media Tumblr media
1 (may 2 po, nasa baba)
4 notes · View notes