mykelantoni
Mykel :)
2 posts
Don't wanna be here? Send us removal request.
mykelantoni · 8 months ago
Text
Lakbay sanaysay
Mykel Antoni M. Sambillo G11 - C1 - STEM
Una ay siguradong muling mag-kikita
Pumunta kami sa BGC taguig, kung saan nandoon ang aking tito na galing America, bagaman isang beses lang kaming nag-kita nung araw na yon, ay sigurado kaming mag papamilya na makikita pa namen sya, hindi lang noon.
Sa aming paglalakbay sa lungsod, isa sa mga pinakamahalagang bahagi ang pagtikim ng masasarap at kakaibang pagkain na handog ng siyudad. Hindi lang ito simpleng kainan; ito ay isang paglalakbay ng kalamnan at panlasa. Mula sa mga klasikong kainan hanggang sa mga modernong restawran, ang lungsod ay sagana sa masasarap na pagkain na nagmumula sa iba't ibang kultura at tradisyon. Ang bawat kagat ay parang isang pahina ng istorya, nagpapakilala sa amin sa iba't ibang panig ng mundo. Talagang nakakatuwa at nakakatakam ang mga pagkaing matatagpuan dito, na patunay ng yaman at kagandahan ng kultura ng aming lungsod.
Tumblr media
Ang lugar ay napakaganda, isang nakakapanibagong pakiramdam. Itsura pa lamang ay alam mo ng gugustuhin mong tumira dito.
Sa aming paglalakad, nadiskubre namin ang mga magagandang tanawin at makasaysayang lugar na nagpapahiwatig ng mayamang kasaysayan ng aming lungsod. Bawat kanto at bawat eskinita ay nagtatago ng mga kuwento at alaala na nagbibigay buhay sa aming paglalakbay.
Tumblr media
Doon nga ay nag-kita kami ng aking tito na si Tito Ian, kumain kami sa labas, kung saan parang 'bonding' na rin namin iyon, bagaman noon lang namin sya naka samang kumain, ay masaya at kapani-panibaong pakiramdam pa din iyon.
Ngunit higit sa lahat, ang pinakamahalaga sa akin ay ang panahon na aming ibinahagi habang kumakain kami kasama ang aming tito. Sa hapag-kainan, mas pinatatag ang aming samahan habang nagkukuwentuhan kami at nagtatawanan. Ang pagkikita namin ay hindi lamang tungkol sa pag-uwi ng aming tito mula sa ibang bansa, ngunit tungkol din ito sa pagkakataon na muling magsama-sama at magbahagi ng mga espesyal na sandali.
Tumblr media
Doon nga ay pumunta kami sa iba't ibang lugar sa BGC, isa na sa pinuntahan namin ang SM na malapit, kung saan ay naka-usap at nakatawanan namin sya. Hirap man kami mag-usap nung una ay nalagpasan namin iyon nung pahuli at sa huli ay marami kaming napag kwentuhan.
Ang paglalakbay na ito ay hindi lamang simpleng paglalakad sa lungsod, ito ay isang paglalakbay ng puso at damdamin. Sa bawat hakbang na aming tinahak, mas lumalim ang aming pagkakaunawaan at pagmamahalan bilang pamilya. At sa mga araw na susunod, kahit pa malayo na ang aming tito, mananatili ang mga alaala ng aming pagkikita na nagpapalakas sa aming puso at nagbibigay saysay sa aming buhay.
Tumblr media
Hindi kami tumigil at patuloy kaming nag-ikot kasama ang aking tito sa iba't ibang parte ng lugar, kung saan kami ay kumukuha ng mga larawan para aming matitingnan sa hinaharap.
Sa pagdating ng panahon na kailangan na naming magpaalam sa aming lungsod, mayroon kaming bitbit na mga alaala at mga puso na puno ng pasasalamat. Ang aming paglalakbay ay hindi lamang isang simpleng pag-libot sa lungsod, ito ay isang pagtuklas ng mga bagong karanasan, mga espesyal na sandali, at higit sa lahat, pagmamahal para sa isa't isa.
Tumblr media
1 note · View note
mykelantoni · 8 months ago
Text
Sambillo, Mykel Antoni M.
Piling Larang
G 11 - C 1 - STEM
Larawang Sanaysay
Nasugbu; Sa Pag-Unlad ka na Ba?
Ang Nasugbu ay isa sa mga bayan sa batangas na mabilis umunlad, kalakip nito ang mabilis na pagbabago ng lugar na umaayon sa bagong henerasyon ng bayan na ito. Ang Nasugbu Batangas ay mayroong Economical Profit na P699,626,722.52 noong taong 2022, at patuloy na nataas pa ito sa paglipas ng panahon. Noong 2016 pa lamang ay umaabot na sa P320M ang annual regular income ng Nasugbu, Kasama nito ang populasyon ng bayan na noong 2020 ay 140,000 na katao ang nakatira, karamihan dito ay mga kabataan at mga ‘teenagers’ na na lawak mula 5-9 taong gulang hanggang 16-19 taong gulang na kabataan.
Tumblr media
Ang mga gusali sa Nasugbu ay unti-unti ng nagbabago at nadadagdagan ng mga modernong gusali, kalakip pa nito ang mga kilala at mga malalaking kumpanya na nag tatayo ng mga ‘branch’ nila sa Nasugbu, katulad na lamang ng bangko ng BPI at ng matagal-tagal ng Walter Mart.
Tumblr media
Bagama’t may mga hindi pa gaano ka modernong lugar sa Nasugbu sa loob-loob ng barangay, ay kahit ang simpleng one way road na makikita ay maaari ng mga presenta ng isang pagiging siyudad dahil sa kaayusan nito. Halos bilang na lang ang mga barangay na may bitak-bitak at sira-sirang kalsada na makikita sa Nasugbu. Ang Nasugbu ay naturingang ‘First Class Municipality’, ang ‘First Class Municipality’ ay ang mga bayan na may ‘annual income’ na hindi bababa ng P200,000,000, tulad nga ng annual income ng Nasugbu na P600M+ ay talaga namang hindi lang ‘First Class’ ang Nasugbu na.
Tumblr media
Makikita din sa mga mamamayan ng Nasugbu Batangas ang maganda at masaganang pamumuhay nila, mga nag-gagandahang sasakyan ay mga opisyales na madalas bumisita sa bayan, ang mga turista at mga nag-ba bakasyon sa Nasugbu Batangas ay napakarami na din at pag may okasyon sa bayan ay lalo pa, ang mga resort ay palagiang puno at ang mga lugar na pwedeng bisitahin ay marami laging tao.
Tumblr media
Hindi mag-papa huli ang industriya ng Nasugbu sapagkat ang mga proyekto ng lokal na gobyerno nito ay hindi pa natatapos at hindi pa natigil. Pansinin na lang natin ang mga bigating makinarya na meron ang bayan na ito na kalaunay mayroong proyekto sa bayan na ginagawa.
Tumblr media
Ang lokal na gobyerno ay patuloy na nag lalabas at nag papa-ugnay ng mga proyekto at mga ‘maintenance’. Nito lamang ay muli na naman silang kumilos at sinimulang barakudahan and lumang gusali sa tapat ng bagong Caltex, at nag pa planong gibain, at buoan ng panibagong gusaling hindi pa natin alam sa ngayon.
Tumblr media
Ang lokal nag gobyerno ng Nasugbu Batangas ay patuloy na nagpapaunlad ng Ekonomiya ng Nasugbu, unti-unti nang pinapaganda ang mga gusali dito. Bagaman mabagal at matagal ang mga pag-usad ng pag-tatayo ay pag babago ng mga imprastraktura ay patuloy pa din naman itong umuusad, ang mga lumang bakanteng bahay na pagmamay-ari ng gobyerno ay unti-unti ng pinapalitan ng mga gusali at tinatayuan.
Tumblr media
Ang mga kalsada ay patuloy ding pinapaganda at pinapalawak ng gobyerno, ang J.P. Laurel Highway ay balak na gawing four lane road na may dalawang slow safe zone sa mag-kabilang gilid para sa mga tricycle at mga bikers, plano din ng Gobyerno na gawing ‘Basalt’ o ‘Igneous rock’ ang mga kalsada, isa na dito ang J.P. Laurel street, ang pinaka sentrong kalsada sa loob ng bayan ng Nasugbu.
Ilan lang ang mga impormasyon na yan sa madami at marami pang iba, ang pag-unlad ng bayan ng Nasugbu Batangas ay isang pakilalang marami ang pwedeng mag-bago pa sa darating na panahon. Ang Lokal na Gobyerno ay patuloy na umuusad sa larangan ng Bayan kasabay ng panahon.
Ang pag-unlad ng bayan na ito ang panimulang marami pa ang dadating na pag unlad ng bayan na ito, mag-tutuloy kaya ito o hindi, sa paganda ba ito so sa pababa. mag-papatuloy ba ang pag-unlad ng Bayan na ito, o hindi? Nasugbu. sa pag-unlad ka na ba?
3 notes · View notes