#Ideolohiya
Explore tagged Tumblr posts
Text
MGA URI NG PAMAHALAAN SA ASYA
AP 7 Ikatlong Markahan Ika-limang Linggo
Ang salitang ideolohiya ay ipinakilala ni Desttuff de Tracy na kumakatawan sa pinaikling pangalan ng agham at mga kaisipan ng ideya. Galing ito sa salitang ideya o kaisipan na tuwirang sinusunod ng mga tao.
Ito ay tumutukoy sa sistema o lipunan ng mga ideya o kaisipan na naglalayong magpaliwanag tungkol sa daigdig at pagbabago nito.
DALAWANG KATEGORYA NG IDEOLOHIYA
Ang ideolohiyang PANG-EKONOMIYA ay nakatuon sa mga patakarang pangkabuhayan ng bansa at paraan ng paghahati ng kayamanan nito sa mamamayan.
Ang ideolohiyang PAMPOLITIKA ay nakapokus sa paraan ng pamumuno at sa paraan ng pagpapatupad ng mamamayan. Nauugnay ang political na ideolohiya sa mga kilusan para sa panlipunang pagbabago. Hinihikayat nito ang mga tao na kumilos ayon sa ninanais nilang mga pagbabagong kaayusan.
Nagmula sa salitang “demoskratus” na ibig sabihin ay pamamahala ng mga tao. Ito ay isang uri ng ideolohiya na pinamamahalaan ng sangkatauhan. Sa ideolohiyang ito, may nagaganap na free elections.
Ang kapangyarihan sa pamahalaan ay nasa kamay ng mga tao. Sa demokrasya ay maaaring makilahok ang mga mamamayan ng tuwiran o di-tuwiran. Ito ay tinatawag na direct o tuwirang demokrasya kung ibinoboto ng mamamayan ang gusto nilang mamuno sa pamahalaan. Karaniwang pumipili ang mga tao, sa pamamagitan ng halalan, ng mga kinatawan na siyang hahawak sa kapangyarihan o pamahalaan sa ngalan nila.
URI NG DEMOKRASYA:
A. DIRECT DEMOCRACY – Ang mga tao mismo ang namamahala o gumagawa ng desisyon para sa kanilang bansa. Sila din ang nag-aamyenda sa kanilang batas at gumagawa ng batas.
B. REPRESENTATIVE DEMOCRACY – Ito ay isang uri ng demokrasya na pinamumunuan ng mga piling opisyal na nirerepresenta ang kabuuang populasyon ng tao.
TIMOG ASYA
India at Pakistan
Sa Timog at Kanlurang Asya, higit na malaki ang impluwensiya ng demokrasya sa mga kilusang nasyonalista. Sa India, sa ilalim ng pananakop ng mga British, maraming Indian ang naging aktibo sa muling pagbuhay ng kaisipan na tradisyong Hindu. Isa dito si Mohandas Gandhi na iginagalang sa India at sa buong mundo bilang Mahatma Gandhi siya ang tagapanguna at tagapagpaganap ng Satyagraha — ang pagpipigil sa kalupitan sa pamamagitan ng malawakang sibil na hindi pagsunod na malakas na nakatatag sa ahimsa o non-violence. Pagkatapos maging lider ng "Indian National Congress" noong 1921, nagtatag siya ng mga kampanya para sa pantay-pantay na batas sa India.
Noong 1935, nagbigay ang Great Britain sa India ng isang bagong konstitusyon na nagkaloob ng isang lehislatibong bikameral at pederal, sanggunian ng mga estado at ng kapulungan.Tinanggihan ito ng mga Indian at Muslim. Para sa mga Muslim, kung mga Hindu ang mas magkakaroon ng kontrol sa India, mapipinsala ang kanilang kultura at relihiyon.Upang mabigyang proteksiyon ang kanilang mga karapatan at kapakanan, itinatag ang Muslim League noong 1906. Ito ay sa pangunguna ni Muhammad Ali Jinnah. Naging masigla ito sa kanilang mga gawain. Hiniling niya noong 1947 ang isang hiwalay na bansang Muslim. Ito ay nagbigay-daan sa pagbuo ng bansang Pakistan na naihayag ang kasarinlan kasabay ng India noong Agosto 14, 1947.
Sri Lanka at Maliliit na Estado sa Timog-Asya
Noong 1915, itinatag ng Great Britain ang Ceylon National Congress na unang partidong politikal. Namuno ito upang ipaglaban ang kasarinlan ng bansa.Pagkaraan ng Ikalawang Digmaang Pandaigdig, pinamunuan ni Don Stephen Senanayake, ang itinuturing na ���Ama ng Kasarinlang Sri Lanka,” ang pakikipaglaban para sa kasarinlan. Sila ay sinuportahan ng lahat ng pangkat-etniko. Noong Pebrero 4, 1948, ipinahayag ang kasarinlan ng bansa. Samantala, sa Nepal, noong 1990, naganap ang mapayapang Rebolusyong People Power. Nagsilbing inspirasyon nila ang katulad ng EDSA Rebolusyon sa Pilipinas noong 1986. Noong Mayo 28, 2008, idineklara ang Nepal bilang isang Federal Democratic Republic.
KANLURANG ASYA
Israel
Natagpuan ng mga Hudyo ang kalayaan at oportunidad sa pamamagitan ng United States. Naging instrumento ang pamahalaan ng US sa pagtulong sa mga Hudyo.Itinatag ang Kilusang Zionismo sa Base, Switzerland noong 1897 ni Theodore Herzl, isang Austro Hungarian.Inihayag ang malayang nasyon ng Israel sa Tel-Aviv noong Mayo 14, 1948. Tinawag itong Republika ng Israel at ang naging unang Punong Ministro ay si David Ben-Gurion. Noong 14 Mayo 1948, pormal niyang ipinahayag ang pagtatatag ng Estado ng Israel, at siya ang unang pumirma sa Israeli Declaration of Independence, kung saan siya ay nakatulong upang sumulat.
Iraq
Pagkaraan ng Ikalawang Digmang Pandaigdig, ang Iraq at Palestine ay napasailalim sa pamamahala ng Great Britain. Dahil sa hindi maayos na pamumuno at kapabayaan ng mga Ottoman, sumibol ang mga kilusang makabayan noong huling bahagi ng ika-19 na dantaon. Sumiklab ang nasyonalistang pag-aalsa sa Baghdad at nahirapan ang mga hukbong British sa paggapi sa mga ito. Upang mahikayat na pumanig sa kanila, pumayag ang mga British sa hiling ng mga nasyonalistang Iraqi. Ang kahilingang ito ay ang ipagkaloob sa kanila ang kasarinlan at itatag nila ang Kaharian ng Iraq at iluklok si Faisal bilang hari.
Saudi Arabia Dahil sa kalupitan at labis na paniningil ng buwis, naghangad ng kasarinlan ang mga Arab mula sa mga Turk. Noong 1744, nagsanib ang puwersa nina Muhammad Ibn Saud, isang pinunong Arab at Muhammad Ibn Abd-al-Wahhab, isang kleriko upang makapagtatag ng alyansang political. Ito ang naging pundasyon ng dinastiyang namumuno ngayon sa Saudi Arabia. Ang modernong Kaharian ng Saudi Arabia ay likha ni Haring Abdul Aziz Ibn Saud. Sinakop niya ang Riyadh noong 1902 at ginawa niyang lider ang sarili ng kilusang makabayan ng mga Arab. Noong 1932, inihayag niya ang sarili bilang Hari ng Saudi Arabia. Walang demokrasya sa bansa at hindi tinatanggap ng absolutong monarkiya ng Saudi ang mga pagtutol.Kontrolado ang pamahalaan ng isang pamilya ng mga Saud. Ang hari ang gumagawa ng mga batas at kasunduan. Walang eleksiyon, walang partidong political, at walang lehislatura rito.
Nagmula sa salitang Latin “communis” na ibig sabihin ay “pandaigdigan”. Ayon sa ideolohiyang Komunismo, lahat ng tao, mayaman man o mahirap ay pantay-pantay. Kontrolado ng pamahalaan ang produksyon.Isang ideolohiya na sumusuporta sa pagtatag ng organisasyon pangsosyal na walang estado at kaanta-antas batay sa pantay na laki sa gamit ng produksyon. Isang lipunan na pantay-pantay ang lahat ng tao, walang mayaman o mahirap , makapangyarihan o taga-sunod.
Ang kaisipang ito ay unang nilinang ni Karl Marx, isang Alemang pilosopo, at pinayabong naman ni Nicolai Lenin ng Unyong Sobyet at ni Mao Zedong ng Tsina. Ayon kay Karl Marx, ang pinakamataas at huling hantungan mula kapitalismo patungong sosyalismo ay ang komunismo.
Ang komunismo ay naghahangad na bumuo ng isang lipunang walang antas o pag-uuri-uri (classless society) kung saan ang mga salik ng produksyon ay pag-aari ng lipunan. Hal: Pakistan
Isang doktrina ito na nababatay sa patakarang pang-ekonomiya kung saan ang pamamalakad ng pamahalaan ay nasa kamay ng isang grupo ng tao. Ang grupong ito ang siyang pumipigil sa pagmamay-ari, at sa pangangasiwa ng lupa, kapital, at mekanismo ng produksyon. Ang mga industriya at lahat ng mga kailangan sa pagpapabuti ng kalagayan ng mga mamamayan ay nasa kamay rin ng pamahalaan. Hangad ng sosyalismo ang pagkakamit ng perpektong lipunan sa pamamagitan ng pantay na distribusyon ng produksyon ng bansa.
Mga katangian ng sosyalismo:
• Mayroong pantay na pamamahala at pamamalakad sa mga pag mamay aring yaman ng estado. • Ang mga manggagawa ang siyang nangangasiwa sa sistemang ekonomiya ng bansa • Inaalis ang anumang bahid ng kapitalismo • Sinisigurado na mayroong trabaho ang bawat mamamayan at nakikinabang ang lahat sa yaman na mayroon ang bansa sa ilang bansa sa Kanlurang Asya
Hal: Turkey Jordan UAE
0 notes
Text
Piliting Ipaglaban o Mahalin at Pakawalan
Naniniwala ako sa kasabihan na “kapag mahal mo, ipaglalaban mo.” Pero hindi rin ba, kapag mahal mo, pakakawalan mo?
Ang isyu na diborsyo ay isang usaping matagal na sa Pilipinas ngunit hindi ito natupad sa ating bansa dahil sa impluwensiya ng simbahan sa ating estado; kahit na ang konsepto ng sekularisasyon o separasyon ng simbahan mula sa gobyerno ay matagal nang itinatag sa Pilipinas (makikita ito sa 1987 Constitution of the Philippines: Article II, Section 6). Ito lamang ay muling nagbalik nang inihayag ng gobyerno ng Pilipinas ang isang panukalang batas na nagmumungkahi sa legalisasyon ng diborsyo na siyang inaprubahan ng Committee on Population and Family Relations ng House of Representatives noong Agosto 17, 2021.
Maraming hindi sang-ayon sa pagpapatupad ng diborsyo sa ating bansa. Ang pangunahing rason dito ay ang pagtutol ng simbahang Katoliko sapagkat labag ito sa ideolohiya at paniniwala natin bilang mga Katoliko. Ipinapakita rin ng ibang mga pag-aaral na hindi ito nakabubuti sa mga bata; sinasabing maaaring makaranas ng depresyon, magkaroon ng problema sa pag-uugali, mahirapan sa pag-aaral, o maging sakitin ang bata. Ayon sa isang survey, madalas na sumasagi sa isip ng mga batang may mga magulang na nagdiborsyong sila ang naging sanhi kung bakit naghiwalay ang kanilang mga magulang; iniisip din nilang baka may nagawa sana sila para iligtas ang relasyon ng kanilang mga magulang. Dahil dito, bumababa ang tingin nila sa kanilang sarili at nahihirapan silang magtiwala sa sarili at sa iba.
Mayroon din mga isyung kailangan pang harapin sa proseso ng diborsyo, tulad ng: 1. Paghahati ng mga personal na ari-arian, 2. Pagbabantay sa (mga) anak at pagbibigay suporta sa kanya/kanila, at 3. Paghahati ng mga utang.
Ang dalawang taong ikinasal ay nangakong mamahalin nila ang isa’t isa habangbuhay— sa hirap man at sa ginhawa, sa sakit o kalusugan; pipiliin at pipiliin pa rin ang magmahal. Ngunit paano kung hindi na kaya? Paano kung imbis na liwanag at kasiyahan, ang naidulot lang nila sa isa’t isa ay pighati at kadiliman?
Base sa mga mga tala, 53% ng mga Pilipino ay sumusuporta sa legalisasyon ng diborsyo; iilan sa 53% na iyon ay may mga sariling anak na. Maaring mapapaisip ka na “Bakit pa sila maghihiwalay kung kailan kinasal na sila at nagkaanak? Kung kailan huli na ang lahat? Gawan naman sana nila ito ng paraan para sa anak nila.” Pero paano naman yung mag-asawa? Hindi ba’t hindi patas para sa kanilang magpanggap na mahal pa rin nila ang isa’t isa kahit hindi na?
Marami ring mga dahilan kung bakit ninanais ng mga taong makipagdiborsyo; maaaring ito ay hindi pagkakasundo, pangangalunya, emosyonal at sikolohikal na pang-aabuso, pagkabagot at pagkasawi sa asawa.
Mahirap sa isang mag-asawa ang magsama sa iisang bubong kapag hindi na nila mahal ang isa’t isa. Kapag nagpatuloy ang ganitong sitwasyon, maari silang magkasakitan at mapapadalas pa ang kanilang away na maaaring makaapekto sa kanilang anak sapagkat araw-araw niyang maririnig ang sigawan ng kaniyang mga magulang, makikita ang pagmamalupit nila sa isa’t isa, at iba pa na baka maging sanhi ng mga mental health issues.
Sa pamamagitan ng diborsyo, silang dalawa ay pwedeng maghiwalay at magkaroon ng mapayapang isipan.
“Pero hindi naman sila magpapakasal kung hindi nila mahal ang isa’t isa.”
Hindi nasusukat ang pag-ibig sa kasal lamang. Kung hindi niyo na kayang mamuhay kasama ang isa’t isa, kapag ang pamilyang binuo ninyo ay hindi mo na masasabing “kumpleto”, kung hindi ka na masaya - hindi na iyon pag-ibig.
Ngunit diborsyo lamang ba ang magiging solusyon sa sawing pag-ibig? Depende ito sa mag-asawa. Sapat ba ang ilang taong pag-aaway at pagtatalo dahil sa nasirang buhay mag-asawa? Kung kaya pang ipaglaban, sige; malaya kayong ipakita sa mundo na kahit malabo man ang walang hanggang pagsasama, hindi ninyo iiwan ang isa’t isa hanggang sa dulo— pero alalahanin ding minsan, mas mabuting bumitaw kaysa mauwi sa kasawian ninyong pareho.
27 notes
·
View notes
Text
"Isang Oda
Para sa Mga Hindi Inaakalang
Biktima Sila ng Sakunang
Dulot ng Makasariling Ideolohiya"
(ika-8 ng Nobyembre, 2021; 7:59 PM)
Simple lang ang panuto
Kapag umuulan, magpayong
o kaya sa pagsulong huwag
muna tatakbo
Magpatila
O kaya'y sabihan ang katabi sa daan
na halika muna't wag
magpaulan
Simple lang ang panuto
Kailangan lang makipagkapwa tao
At kung gipit at nasa laylayan
Tulong doon ay ipangsalo
Magpakita
Na tao tayo't hindi mga ulol na aso
ni hindi rin nga maliliit na bato sa lapag
sipain mo'y gugulong
titigil, at dadaanan lang
Simple lang ang panuto
Na huwag yayakapin ang
kasuklaman na matagal nang pinagpag
ng liwanag para
mawaglit mula sa ating mga
pagkatao
Na nagsasabing
kung uulan ma'y mangarap
na walang malulunod
At kung babaha ma'y
hindi sana sa ating balikat
dumapo
Simple lang ang panuto
Ngunit paano kung
ang panukat nati'y malabo
Baka ang kinagisnang panuto
ay payasong sakim ang nagturo
at sa pag-aakalang
ang kailangan ay magpaulan
nasanay ang hindi
dapat sinanay
Simple lang ang panuto
Pag malakas ang ulan
kung maaari ay huminto
Kaso noong tinanong kita,
makalipas ang hindi
na mabilang na bagyo
"Hindi ko naramdamang
umuulan na pala
nang malakas kanina
Tsaka ko lang naramdaman
ngayong tuyo na ako,"
ang naisagot mo
Simple lang ang panuto
Yakap ang basag na pagkabuo
Bitbit ang katotohanang
sa susunod na uulan
Di baling umuwi tayong
basang-basa ang mga mukha
basta uuwi tayo
magkasama
uuwi tayo.
4 notes
·
View notes
Text
Okay lang naman magbigay ng opinyon e. Okay lang din mag take ng stand. Pero bakit natin kelangan ipilit na maging opinyon din ng iba ‘yung sarili nating opinyon. Bakit kelangan nating ipagpilitan sa iba ‘yung pananaw natin na hindi naman niya pananaw? Alam niyo ba na ‘yung ibang tao hindi nasasarapan sa kare-kare at crispy pata? Kasi hindi tayo pare-parehas ng panlasa. Sa buhay, iba iba talaga din tayo minsan ng gusto. Mga jowa nga at asawa natin hindi magkakamuka e. Kasi magkakaiba ang taste natin.
So ayun na nga. Bakit kapag magkaiba kayo ng ideolohiya, bakit mo siya kelangang tawaging bobo? Bakit ikaw ‘yung matalino at siya ‘yung tanga? Hindi ba pwedeng maging civil lang? Hindi ba maaaring panatilihin ‘yung respeto? Sana huwag din tayo maging sarado. Huwag natin isiping lagi tayong tama. Intindihin din natin ‘yung pinanggagalingan ng iba. Maging bukas tayo sa healthy na discussion. Ngayon kung talagang tama tayo. We can educate. There’s a proper way of doing that. Methods that doesn’t involve calling them out as bobo at tanga. Estupido at ignorante. Now after we educate them, let’s stop at that na. Huwag natin sila pilitin kasi may sarili din silang isip at paniniwala. We could always agree to disagree. Kasi at the end of the day. Tao lang tayo lahat. Lahat tayo kelangan ng pagmamahal at respeto.
Naaalala niyo pa ba si Luis Montenegro? ‘Yung tatay ni Miggy Montenegro. Sabi niya "Minsan sa kagustuhan nating maging pinakamagaling, nakakalimutan na nating maging mabuti."
Okay lang makipagdiskusyon. Pero sana, bago matapos ang diskusyon, mas piliin pa din nating maging mabuti. I’ll just leave it right here. 😉
Stay safe everyone.
Ctto.
65 notes
·
View notes
Text
1. Bakit mahalaga ang wika
Ang wika ay isa sa mga mahalagang aspeto ng kultura ng isang bansa. Ang wika ay parte ng ating pang araw araw na buhay. Ginagamkt natin ito upang mag kaintindihan sa iba. Ngunit higit pa dito ang kahalagahan ng wika sa ating sarili at sa lipunan. Mahalaga ang wika sa sarili at lipunan dahil hindi lamang ito berbal at di berbal. Ito ay parte ng pagkakakilanlan ng isang tao at bansa. Ito rin ay importante dahil malaki rin ang ambag nito sa pagbuo ng personalidad ng isang tao. Sa bansang Pilipinas, maraming wika ang maririnig. Dahil ito sa malawak na arikipelago ng bansa. Sa ibat-ibang pula, maririnig natin ang ibat-ibang lengguahe o wika. Dahil sa wika, makikita natin ang ibat-ibang dialekto at "accent" at mga terminolohiya na makikita lamang sa isang partikular na kultura. Bukod dito, ang wika ay mahalaga rin hindi lamang sa sarili, pero pati na rin sa sining. May mga konsepto at ideolohiya na makikita lamang o maiintindihan sa wikang Pilipino. Ang wikang pambansa ng Pilipinas ay Tagalog. Ngunit, ang tinatawag na "Filipino Language" ay ang kabuuang pag sama-sama ng mga dialekto sa buong bansa.
2. Sa paanong paraan ito nagiging instrumento ng mabisang pakikipagtalastasan mabuting pakikipagkapwa-tao at kapayapaan? Maglahad ng mga pamamaraan
Ang malawak na kamalayan sa kaligiran at kahalagahan ng wika, bagay, tao o pangyayari ay isa sa katangian o instrumento ng mabisang pakikipagtalastasan, mabuting pakikipagkapwa tao, at kapayapaan.
3 notes
·
View notes
Text
Blog #1: Ang Panitikan
Ano ang Panitikan?
Panitikan o sa Ingles ay literature, ito ay mga letra na naisayos upang makabuo ng mga salitang pinagtipon-tipon hanggang sa ito ay maging pangungusap na sumasalamin sa damdamin, pangyayari, karanasan, hangarin, ideolohiya,at kasisipan ng mga tao. Ito ay maaring pasulat o pabigkas.
Ito ay instrumento upang magkaintindihan ang mga tao o maaari rin namang ang kabaliktaran nito. Dahil sa iba't-ibang wika sa mundo isama pa rito ang mga dialekto, ito ay hindi naging hadlag upang magkaroon ng matinong komunikasyon ang mga taong hindi magkapareho ang wikang binibigkas. Kaya rin nagkaroon ng mga translators o tawag sa mga taong may dalawa o higit pang wika na alam at binibigkas, sila ang naging daan upang lalog magkaintindhan ang mga taon noon.
Ang Panitikan ay makapangyarihan, dahil sa panitikan nagkakaroon tayo ng mga ideya at detalye ayon sa nangyari noon sa pamamagitan ng pag sulat ng mga kwento. Isa na rito ang ang mga akda ni Dr. Jose Rizal na isa sa naging daan sa pagmulat noon sa kalagyaan ng mga Pilipino sa ilalim ng mga Kastila. Dito natin napapatunayan ang panitikan ay hindi lamang para mag "entertain" o maging pampalipas-oras, ito rin ay isang matalim na sandata o depensa sa mga nangyayari sa kalagayan ng ating paligid.
Bakit kailangan pag-aralan ang Panitikan?
Bakt nga ba kailangan pag-aralan ang panitikan?
Sa totoo lang naman, hindi naman talaga madali at kung madalas pa nga ay nababagot akong pag-aralan ang panitikan pero nasisisyahana ako sa tuwing nakakabasa ng mga kwentong may punto yung tipong nakakapag-pabago ng pananaw pagkatapos mong basahin. Sa mga ganitong pakakataon ko napagtatanto na hindi lang pala sa isang babasahin ang mga akda, na marami pa pala ang kailangan kong malaman, na sila rin ay may sariling buhay at kung iintindihin at susuriin sila, ito ay mga hiyaw o panawaga ng akda maaring nagmulasa sa kanilang imahinasyon maaring dahil sa tunay na kwento.
Dahil sa lawak ng sakop ng panitikan, nagging daan sila para hindi ka maging mang-mang at ignorante sa paligid mo. At bilang isang Pilipino, isa sa responsibilidad natin ang kilalanin ang wika at pagkakakilanlan natin.
Paano pinag-aaralan ang Panitikan?
May tamang paraan ba kung paano dapat pinag-aaralan ang panitikan? Yung tipong kapag pinag-aralan mo tiyak na gamay mo na ang panitikan. Sa tingin ko ay wala pero ang pagbabasa at pauloy na pagbabasa at pag intindi sa mga binasa at tulong mula sa mga pag-himay at pagbahgi ng mga guro at ga taong may ekspiryensya ay mag dudulot sa atin nang malawak na pag-intindi sa mga bagay-bagay at ang pag-intinding ito ang kinakailangan upang pag-aralan ang panitkan.
Hindi madaling pagaaralan ang pantikan kinakailangan mong magkaroon ng determinasyon at pagpupursige para mo ito maintindihan.
Sa kabila ng lahat, ang panitikan ay hindi lamang ginawa upang tayo ay may mabasa at pagkatapos ay maging walang kibo na lamang sa totoong nangyayari sa ating lipunan, gamitin dapat ang ating utak upang ang mga masasalimuot na nangyari noon ay hindi na muling mangyari ngayon.
2 notes
·
View notes
Text
Wika: Bahagi ng Pagkatao
isinulat ni: Andrei Balingit
paksa ng sanaysay: https://youtu.be/PWypLTSk27o
Ang Wika ay ang ating pagkakakilalan sa mundo bilang mga mamamayan ng ating sariling bansa. Ito ay ang ginagamit natin sa pakikipag-usap, pakikipag palitan ng opinyon, pakikipag-kwentuhan, pakikipag-chat, at iba pang mga paraan ng pakikipagtalastasan, berbal man o di-berbal. Ang wika ay may ugnayn sa ating sinig at kultura sapagkat may mga konsepto at ideolohiya na makikita lamang o maiintindihan sa wikang Pilipino. Ang wika ay mahalaga sapagkat ito ay isang repleksiyon ng mga nakasanayan at nakalakihan ng mga mamamayan nito, ngunit hindi ibig sabhin na ito’y magiging hadlang sa ating pagtingin sa iba.
Mula sa bidyong pinanood, may negatibong konotasiyon si Gng. Mila Villanueva tungo sa mga bagong henerasyon kumpara sa mga estudyante niya noong mga dekada otsiyenta. Ayon sa kanya, ang kabataan ay hindi marunong bumuo ng mga pangungusap; sa halip ay basta't ang parirala ay may maraming salita isinasaalang-alang na ito bilang isa. Hindi rin daw sila marunong gumamit ng angkop na gamit ng mga malalaking titik at ng mga salitang 'raw' at 'daw.' Ayon sa ginang, kahit na araw-araw ginagamit ang wikang Filipino, hirap pa rin daw ang mga estudyanteng gamitin ito nang naaayon sa tamang balarila. Ito ay marahil hindi na gaanong binibigyan ng pansin ang wastong pagsasalita simula nang pumasok ang dekada nobenta, ang pagpasok ng natural na salin ng mga pangdayuhang salita. Mas lalong humina raw ang kabataan sa disiplina ng tamang baybay at salita nang mauso ang text messaging, internet at jejemon; kahit mali ang pangungusap ay tinatanggap nila ito. Sa bidyo, ipinakilala at itinuro lamang ng ginang ang pinakamalubha at pinakamalalang mga bahagi ng ating henerasyon pagdating sa wastong pananalita ng wika, subalit mayroon siyang nakaligtaang punto kung bakit natin ito ginagawa. Para sa akin, maaaring gusto lang naman ipahiwatig at iparating sa bidyong iyon ay imbis na puro Ingles at impormal na pananalita ang ating gamitin ay ating ipagmalaki naman ang pambansang wikang Filipino. Maaari ring gusto ipahiwatig ng ginang ang pangangailangan natin ng pagtutuon sa ating kamangmangan sa pagbabasa at pagsusulat, ang illiteracy, at ang napakababang lebel ng speaking at reading comprehension. Gamitin naman natin ang wikang Filipino at ipagmalaki ito. Kung ito nga ang gustong iparating ng ginang, ako ay sumasang-ayon dito. Kailangan nating ipagmalaki ang wika at kulturang Pilipino, lalong-lalo na sa ating lupang tinubuan, sa ating inang-bayan, sapagkat unti-unti na itong natatakluban at nagiging anino kapag ikinumpara sa Ingles at Taglish. Kailangan rin nating bigyang pansin at bigyang tuon ang ating kakayahang magsulat at magbasa habang lubos na iniintindi ito.
Ang wika ay maituturing nating mahalaga at bilang parte ng ating pagkatao. Pinagkalooban tayo ng Diyos ng puso at isipan na ating magagamit upang paunlarin ang ating mga sarili; at magagawa natin ito sa simpleng paraan ng paggamit ng isinasalitang pakikipagtalastasan, wika. Sa proseso ng paggamit nito ay naiimpluwensiyahan ng wika ang ating isipan, kasama na dito ang ating pagkatao. Ganun rin ang kaso sa saliwa; naiimpluwensiyahan ng ating isipan at pagkatao ang ginagamit nating wika.Samakatuwid, napakahalaga talaga ng wika sapagkat ito ay maraming gamit sa lipunan. Ito ay ang nagbibigay buhay, diwa at ang nagpapakilala sa isang bansa. Ito ay ang sumasalamin sa kultura, kaugalian, paniniwala, kaalaman at karunungan ng mga mamayan; ang nagbabatid ng kakayahan ng mga tao. Ito ay ang daluyan ng ating komunikasyon. Ito ang larawan na nagpapakita ng ating pagkakakilanlan, kung paano tayo tatanawin at ituturing ng mga tao sa labas ng bansa. Ang wika ay ang binibigyan ng pagkatao/kakanyahan ng mga mamamayan nito, at ang siyang nagbibigay ng pagkatao sa mga mamamayan nito.
Bago ako magtapos, iiwanan ko kayo ng mga tanong ukol sa wika na maaaring niyong sagutan:
Bakit nga ba mayroong wika? Hindi ba pwedeng ang tanging gagamitin na paraan ng komunikasyon ay di-berbal na lang?
Bakit kailangang iisang wika lang ang gamitin sa pangungusap sa kapwa kung mas nailalahad naman natin ang ating isipan sa paggamit ng marami? Hindi ba na mas naitutupad nito ang pangunahing layunin ng wika na mailahad nang lubos ang damdamin?
2 notes
·
View notes
Text
P ANo bakIT IK paANo
Ang panitikan ay siyang repleksyon o sumasalamin sa mga kaisipan, kalinangan, paniniwala, mga tradisyon o kultura ng isang lugar o bansa. Inilalaan at ibinubuhos ng mga tao mula sa iba’t ibang uri, estado o katayuan ang kanilang mga oras, saloobin, nararamdaman at mga nakikita, sa panitikan. Maituturing na repleksyon ang panitikan dahil imahe ito ng kung ano ang klase ng pamumuhay ng may akda o ng lipunan na kanyang kinabibilangan.
Ang panitikan ang nagsisilbing tulay nang iba’t ibang bahagi ng mundo. Ang hindi nalalakbay ng iyong katawan, sa pamamagitan ng mga panitikan, ang iyong isip at imahinasyon ay libreng makapupunta at makakukuha ng kaalaman patungkol sa kasaysayan ng lugar, mga tao at iba pang mga bagay. Maging ang mga pangyayari sa nakaraan na hindi na mababalikan ay maaaring mabalikan, pati mga paniniwala ng ibang tao ay maaari nating malaman sa pamamagitan ng panitikan. Napauunlad ng panitikan ang ating kakayahang mag isip at maging ang ating imahinasyon.
Sa paggamit ng panitikan bilang kasangkapan ng pagpapahayag ng sarili, hindi maitatanggi na malaki din ang naidudulot nito hindi lamang sa may-akda kung hindi pati na rin sa mga mambabasa. Karamihan ng mga taong tumatangkilik sa panitikan bukod sa paglilibang at pagkuha ng impormasyon, ninanais lamang nilang makahanap ng mga ideya o istorya na may kaugnayan sa kanilang nararamdaman o nararanasan. Sa pamamagitan ng panitikan nagkakaroon ng karamay ang isang mambabasa, sa pamamagitan din nito mas naiintindihan ng mambabasa hindi lamang ang kanyang nararamdaman at nararanasan kung hindi maging ang pananaw o katayuan din ng ibang tao. Hindi maitatangi na isa ang panitikan sa nakapagbubukas ng isip at puso ng mga tao, sa pamamagitan nito nagiging malinaw ang mga hakbang na kanyang pipiliin na nakahahadlang sa mas maraming kamalian na maaari niyang magawa.
Dahil mismo sa esensya o diwa ng panitikan na aking nabanggit, mahalaga at kinakailangan na pag aralan ito. Kung susumahin, makatutulong ito sa iba’t ibang aspeto o larangan, sa pag aaral natin ng mga ideya, paniniwala, kultura, tradisyon, kasaysayan ng ating bansa at maging ng ibang bansa ay matutuklasan natin sa pamamagitan ng panitikan. Ang pag-aaral natin ng panitikan lalo na ang panitikang filipino ay makatutulong upang mas yakapin at tangkilikin natin ang mga obra na sariling atin. At sa pamamagitan ng pag-aaral nito mas malalaman natin ang kagalingan pati na rin ang kamalian sa pagsulat ng mga manunulat noon nang sa gayon ay mapagsikapang ito ay mapagbuti at mapaunlad.
Pinag-aaralan ang panitikan sa pamamagitan ng masuring pagbasa sa isang akda. Inaalam natin sa dulo kung ang akda ba ay may kakayahang pumukaw ng damdamin ng tao, kung may nakuha ba silang impormasyon, bagong pananaw o sariling interpretasyon sa nabasa. Ang pamamaraan na ginamit upang magkaroon ng pagkaunawa sa isang katha ay hindi lamang nanatili sa iisang ideolohiya. Ang literatura rin mismo ang naging daan upang makabuo ng mga estilong ito na sa kalauna'y nagkaroon ng iba't ibang bersyon dulot na rin ng daynamikong galaw ng panitikan.
1 note
·
View note
Text
Nakatakdang Gawain
Ang panitikan ay isang paraan ng pagpapahayag ng damdamin, saloobin, paniniwala at kaalaman na maaari ring sumisimbolo sa isang kultura at nagbibigay identidad sa isang estado. Pinaniniwalaan na bago pa man dumating sa bansa ang mga dayuhan ay may maituturing na tayong panitikan na sariling atin. Magandang halimbawa rito ang mga epiko, salawikain, mga tula, bugtong at iba pa. Sa mas makabagong panahon, nagkaroon rin tayo ng iba't iba pang pamamaraan o anyo ng panitikan. Ang mga patalastas, iskrip, billboard slogan, kanta, pati na rap music ay maaari na ring gawing midyum ng panitikan. Sa pamamagitan ng nasabing paraan ay maaari nating makilala at magkaroon ng malalim na pagkaunawa sa kung paano mag-isip ang lipunang ating ginagalawan.
Ang panitikan ay kumakatawan sa kung paano gumagana ang pag-iisip ng tao. Sa pamamagitan ng pagbabasa ng isang literatura maaaring mailagay ng mambabasa ang sarili sa sitwasyon ng manunulat at sa kung paano nito pangatwiranan ang mga bagay bagay. Dulot ng katangi tanging deskripsyon ng panitikan, nakatutulong ito upang mas lumawak pa ang pag-iisip ng bawat mambabasa pati na ang mga manunulat tungo sa malawakang pagkakaisa ng pag-iisip at mula sa pagkakaiba iba ng pananaw ay magkakaroon ng mas malusog na ugnayan and bawat nakauunawa.
Ang pagbabago bago ng pamamaraan sa pagsulat at pagbuo ng ideya ay naging epektibong salik sa kung paano mas mabibigyan ng kahulugan ang bawat salita, kasaysayan, siyensya, piksyon at iba pang kumakatawan sa panitikan. Ang panitikan ay nakahihikayat ding magkaroon ng malawak na imahinasyon sa pagbuo at pagbibigay kulay sa isang likhang isip.
Ang pag-aaral sa literatura ay isang paraan upang kilalanin ang mga ideya ng pagkakaiba-iba pagpahalaga na magmumula sa iba't ibang anyo ng lipunan. Ang kompleksidad ng literatura na rin mismo ang nagbigay daan upang makaroon ng mas angkop na pamamaraan kung paano ito kikilalanin. Ayon kay William Wordsworth, ang pamamaraan kung paano aaralin ang isang literatura ay sa pamamagitan ng katha at ng manlilikha. Ang salitang ginamit sa isang literatura ay maaaring nakatutugon sa kung papaano ginagamit ng isang tao ang isip nito. Sa katagala'y nagkaroon iba karagdagang pamamaraan sa pagtalakay ng isang literatura, nariyan ang identidad mula sa kultura at historikal na pinanggalingan ng isang katha, at pati na ang ideolohiya naikintal ng lipunan sa isip ng isang manunulat. Ayon kay Michel Focault, ang pamamaraan ng pagbabasa ng isang literatura ay hindi nakasandal sa iisang paraan bagkos ang pagkakaroon ng iba't ibang interpretasyon mula sa mambabasa ay higit na mas mahalaga.
1 note
·
View note
Text
Seklusyon (2016)
Rebyu ni Ulrik A. Espinosa
Ang Seklusyon ni Erik Matti ay isang kagila-gilalas na atake sa dyanrang horror na mapangahas na hinahamon ang kinagisnang bulag na paniniwala ng mga Filipino sa usaping pananampalataya. Dagdag sa balangkas ng pelikula, sa pamamagitan ng mga tagpuang ginanap sa makalumang panahon, biswal na antigo, at mga natatanging close-up at establishing shot ay matagumpay na naiparamdam ang uri ng pagkabalisa at takot na di mapupuno ng pangakaraniwang metodong ginagamit sa dyanrang horror na labis na nakasalalay sa jump scare o gulatan at sigawan ng mga tauhan sa kwento upang mabisang makapanakot sa mga manonood.
Isang milagrosang nagkatawang tao bilang inosenteng musmos at nagpakilalang sugo ng Diyos si Anghela Santa Ana. Siya’y naging malapit sa mga deboto na kanyang natulungan at ang kanyang mga himala ay magalak na ipinagbunyi ng mga nakatataas na pinuno ng Simbahang Katoliko, lingid sa kanilang kaalaman, taliwas ang tunay na intensyon ni Anghela sa ipinahihiwatig niyang kapangyarihan na nagmumula sa Diyos.
Sa mga opisyales ng Simbahan, isa lamang ang nagtangkang kumuwestiyon sa mga kababalaghang naliligid kay Anghela, si Padre Ricardo, na siya ring inatasan upang imbestigahan ang lehitismo ng mga milagro ni Anghela bago tuluyang angkinin ng Simbahang Katoliko at bigyang opisyal na basbas. Siya lamang ang tanging nag-iwan ng espasyo para sa duda kabila ng panatisismo ng kanyang mga kasamahan sa Simbahan na naging dahilan rin ng mariin nilang pag-atake kay Padre Ricardo na inakusahan nilang mahina ang pananalig.
Ang panatisismong iyon ay siya ring sumasalamin sa kasalukuyang kundisyon ng lipunan, di lamang bilang isang binansagang Katolikong bansa, kundi pati rin sa idolatriya ng mga panatiko sa mga personalidad tulad ng mga pulitiko at ang ilan ring mga kilusang nag-uudyok ng walang tutol na suporta mula sa mga kasapi. Sa pagpapalaganap ng temang panatisismo sa kasalukyan, lubhang nangangailangan ang lipunan ng mga mamamayang tulad ni Padre Ricardo na handang mag-iwan ng espasyo para sa diskursong sumasalungat at hindi bulag na sumusunod sa mga isyu o perspektibong pinaniniwalaang mas tanggap ng nakararami.
Karagdagang pananaw na tinatahak ng pelikula ay ang kumpleksidad ng kahulugan ng mabuti at masama, makikita sa mga pangunahing tauhan na mga dyakono ang hamon na kanilang hinarap sa panahong nakasalamuha nila si Anghela. Minsa’y di mababatid na ang tukso ay nakatalukbong sa mga matatamis na salitang maghahantong sa panganib ng isang indibidwal. Mabisa ang pagganap ni Anghela bilang instrumento ng tukso, may pagkabalisang mararamdamang lumiligid sa kanyang bawat kilos sa kabila ng kanyang pag-aanyong batang walang kamuwang-muwang.
Hinihikayat ng pelikulang ito ang manonood na mamulat at mag-isip: tayo ba ay nagpapakaalipin sa isang imahen, ideolohiya, guniguni, hanggang sa puntong tuluyan na tayong nabulag at nabingi sa kasakimang tumutupok sa atin. Bilang tao, matutuklasan natin na tayo’y di kasing laya ng ating inaakala, lingid sa ating kaalaman, tayo ay tuluyang binilanggo ng ating nakaraan na pilit nating itinatanggi o di kaya’y tinatakbuhan. Nasa atin ang kakayahang pumiglas sa demonyong nagdudulot ng ating pangamba. Hindi na tayo malilinlang ng mga huwad na propeta at matatamis na salita.
1 note
·
View note
Text
Ang MABUTI at DI MABUTING epekto ng COLD WAR
Ano nga ba ang MABUTI at DI MABUTING epekto ng COLD WAR? At ano din ang COLD WAR?
Ano nga ba muna ang COLD WAR?
Ang COLD WAR ay tunggalian sa kapangyarihan at Ideolohiya ng dalawang makapangyarihang panig o SUPERPOWERS, at hindi nangangahulugang ng direktang aramadong labanan ng dalawang pwersa.
At itong COLD WAR ay mayroong MABUTI at DI MABUTING epekto, Unahin nating ang MABUTI.
Ano nga ba ang MABUTING epekto ng COLD WAR?
Ang MABUTING epekto nito ayang pag-unlad ng Scientific Research at Invention at natulungan ang mga bansa sa kanilang ekonomiya sa pinsala ng digmaan.
At ano naman ang DI MABUTING epekto nito?
Ang DI MABUTING epekto niyo ay ang paggasta ng malalaking halaga, takot at pangamba ng bawat bansa at banta ng nuclear weapons.
Ayan ang ilan sa MABUTI at DI MABUTING epekto ng COLD WAR. 😃✌❤
2 notes
·
View notes
Text
Mabuti at di mabuting epekto ng Cold War
Allyza Cardenas
Ang Cold War ay sumibol dahil sa hindi pagkakaintindihan ng dalawang makapangyarihang bansa ang USSR at Estados Unidos, dahil sa kapangyariha't magkaibang ideolohiya nagkaroon ng tensyon dito. Para sa karamiha'y naging maganda ang epekto nito ngunit mayron 'di mabuting epekto ito. Mas napaunlad ang teknolohiya ng sumibol ang cold war dahil sa kompetisyon ng dalawang bansa sa agham at teknolohiya. Nang dahil sa cold war nakaimbento at mas lalong napaunlad ang teknolohiya ng dahil sa pag-aaral ng mga dalubhasa sa siyensiya, na sa ngayo'y patuloy parin nating ginagamit. Ngunit ang lahat ng positibong epekto ay may kasalungat, dahil rito mas bumaba ang pakikipagkalakan ng bansa dahil sa tensiyong ito at ang di pagkakaunawaan ng mga bansa at dahil rito nawalan ng pagkakaisa ang bawat mamamayan at lubhang naapektuhan ang lipunan at ekonomiya. Ngunit masama man o mabuti ito, ito'y nananatiling kapiraso ng ating kasaysayan na hinding hindi natin malilimutan dahil maging hanggang ngayon at patuloy parin natin ito ginagamit.
4 notes
·
View notes
Text
Kuwento ng Inspirasyon at Pag-asa sa likod ng nobelang The Beekeeper of Aleppo ni Christy Lefteri
Where there are bees there are flowers, and when there are flowers there is new life and hope.
Aminado naman akong matagal talagang nakakatapos ng isang nobela. Maliban sa naliligaw sa gitna ng mga salita at pinagtagpi-tagpi kaganapan, madalas kinakaligtaan ko na lamang itong tapusin. Tila ba sinasalamin nito ang aking pagkatao. Naaayon sa mga kaganapan ng king buhay o anomang nais tahakin; Mabuti lang sa simula subalit hindi nasu-sustain. Kaya nga may mga pagkakataong napapaisip ako kung ano ang lohikal na kaugnayan nito sa aking pagkatao. Sisnususog ba nito ang karahupan ng disiplina o di kaya ang kawalan ng responsibilidad ko? Sa madaling sabi, kulang sa’kin iyong ‘sense of comittment’ kumbaga. Ganyan ko mailarawan ang kaagapay na kahulugan ng mga bagay na di ko matapos-tapos sa buhay, katulad ng pagbabasa.
Nitong mga nakaraang araw, binalikan ko ang mga material, mga babasahin na nakaimbak sa google drive, sa flashdrive, maging sa celpon ko. Binisita ang mga babasahing may kinalaman sa kultural na pag-aaral na napapaloob sa panitikan, mga tula ni Neruda at T.S. Eliot at kung ano-ano pang babasahin. Lahat nasimulan subalit hindi ko natapos. Di ko tinapos basahin. Hanggang sa marating ko ang nobelang ito. Ang plano sana ay Kite Runner at may isa pa, nakalimutan ko lang ang pangalan.
Sinabi ko talaga sa sarili na tiya-tiyagain ko ang pagbabasa nito nang makatapos man lang. Total patapos na naman ang buwan ng Abril at nakapagsulat ng marami-raming tula, magbabasa na naman ako ng nobela. Sa halip na responsibilidad na matapos itong basahin, iba ang naidulot ng nobela sa’kin. Maliban sa mahusay ang pagkakasulat, madali kasing maunawaan. Buhay na buhay para sa’kin ang mga tagpo sa loob ng nobela at hindi ko kailangang maranasan ito upang hindi masabing ganito pala kahirap mamuhay, na sa ibang panig ng mundo, may iba pa mas mahirap sa Pilipinas. Lalo na kung ginigising na ng pangamba at hindi mo alam kung kalian tatama ang bomba sa iyong tahanan.
Ang nobela ay kuwento ni Nuri Ibrahim, isang beekeeper sa Aleppo. Isang siyudad sa Syria. Kasama ang kanyang asawang si Afra na isang pintor at anak na si Sami. Katuwang si Nuri sa pangangalaga ng mga bubuyog ang pinsang si Mustafa at mag-anak nito. Madalas wala si Mustafa dahil nagtuturo ito sa isang unibersidad kaya siya ang palaging na sa kanilang bee farm. Hanggang sa pumutok ang giyera sa Syria na kumitil sa buhay ng anak na lalaki ni Mustafa at pitong taong gulang na anak ni Nuri. Pareho silang nawalan ng anak. Bago pa man lumala ang sitwasyon, nakalipad na si Mustafa papuntang England upang makasama ang isa pa nitong anak at asawa samantalang nanatili lang sa Aleppo si Nuri dahil ayaw ng umalis ni Afra dito. Nawalan na nang saysay ang mabuhay dahil nga namatayan na sila ng anak at hindi na makakakita si Afra. Nag-iwan ng liham si Mustafa sa pinsan nito na magkikita sila sa England. Dapat makasunod sina Nuri at Afra bago pa mahuli ang lahat.
Matagal din bago nakumbinsi ni Nuri ang asawa na umalis at iwanan ang lahat sa Aleppo. Para kay Afra, ano pa ang saysay upang mabuhay kung ang kanilang nag-iisang anak ay wala na. Nasaksihan nila mismo kung paano lumiwanag ang kalangitan at bumagsak ang bomba sa hardin na pinaglalaruan ng kanilang anak. Sa mga kamay mismo ni Afra nasaksihan ang wala ng buhay na si Sami. Ngunit para kay Nuri, ninais nitong takasan ang realidad ng kanilang buhay upang magsimula muli ng panibagong buhay. Kaya sa tulong ng mga smuggler, naging mahaba ang paglalakbay ng mag-asawa pagtawid ng Syria tungo sa Turkey hanggang makarating ng Greece at England. Dito nakasalamuha nila ang iba’t ibang tao na biktima rin ng karahasan dulot ng nangyayaring giyera. Dito nakilala ni Nuri ang batang si Muhammed, pitong-taong gulang. Inakala ni Nuri na ang bata ay totoo subalit ito pala ay imahinasyong gawa ng kanyang isipan dulot na rin ng traumang bitbit ng giyera. Sa buong panahon naglakbay sina Nuri at Afra, inaakala niya na totoo ito. Nag-aalala siya rito na anaki’y kanyang dugo’t laman hanggang sa mabuksan ang kanyang isipan na ito’y kathang-isip lamang. Na ito ang paraan ng pagtakas sa katotohanan na namatayan sila ng anak. Katulad ng traumang dulot ng panlalabo ng paningin ni Afra. Dito napagtanto ni Nuri na si Muhammed ay ang imahen ni Sami bago ito mamatay. Kung hindi pa natagpuan si Nuri na nakalutang sa tubig at nakatulog ng higit sa tatlong araw sa loob ng ospital, hindi ito mapatitingnan upang matukoy ang mga bumabagabag nito.
Hindi ko maiwasang di malungkot habang binabasa ang nobela sapagkat batay sa mga naririnig, nababasa at napapanood, tunay ang mga kaganapang ito. Ibig kong sabihin, sa gitna ng digmaan, palaging ang naiipit ang mga ordinaryong mamamayan na walang ibang tanging hiling kundi ang mabuhay ng payapa at makapaghanap-buhay. Maging payapa sa sariling mga tahanan katulad ng mga bubuyog matapos makapaghanap ng bulaklakna siyang pagkukunan ng pagkain. Ngunit kung mundong kinagagalawan ay pinapalibutan ng kaguluhan at niyuyugyog ang iyong kapanatagan, wala kang ibang pagpipilian kundi ang subukang maka-alpas sa suliraning kinakaharap—ang lumaban upang mabuhay; maghanap ng panibagong tirahan. Ganito ko nakita ang kuwento ni Nuri at iba pang katulad nitong mga refugee. Bawat isa sa kanila ay may bitbit na kuwento. Mga kuwento ng pakikibaka sa buhay para mabuhay.
Dito ko napahalagahan ang papel na ginagampanan ng nobela at iba pang kuwentong katulad nito. Nangangailangan tayo ng mga storyteller na magsasalaysay ng kuwento natin. Tayo rin mismo, nangangailangan ng tagapakinig ng kuwento ng ating buhay. Hindi ko lubos maisip ang mga katawang bigla na lamang nahulugan ng bomba ‘pagkat hindi man lamang ito nabigyan ng pagkakataong makapaghanda; ni pagkakataong maikuwento ang sariling danas.
Masasabi kong, mahusay ang pagkakahabi ng mga pangyayari ni Lefteri sa nobela. Taglay nito ang katangian ng isang epektibong kuwento. Saksi ang mga stylized events at invented materials upang makapagkintal ng impresyon sa isipan ng mambabasa. Mapapansin sa karakterisasyon ng mga tauhan, sa banghay ng kuwento at maging simbolismo na napapaloob nito.
Mararamdaman ng mamababasa sa katauhan ni Nuri ang pagiging totoong tao nito. Walang bahid ng pagiging kathang-isip kumbaga. Sa danas ni Nuri, maisasantabi ng mambabasa ang personal na paniniwala, relihiyon at ideolohiya sa buhay sapagkat nagagawa ng katauhan ni Nuri na bumagtas sa mga hangganan nito. Ipinapahiwatig ng kanyang mga karanasan na hindi nalalayo sa karanasan natin. Hitik sa aral ang mapipitas kung saan hindi man tuwirang ipinasusungkit sa atin ng manunulat subalit dahil bilang tao na may personal na mga danas, nagawa nating masungkit ito nang hindi inaasahan. Ganito ko mailarawan ang karakterisasyon ni Nuri.
Samantala, magkasabay na hinabi ng manunulat ang dati karanasan at bagong pangyayari sa buhay ni Nuri sa tulong ng pagkonekta sa isang salita tungo sa kasalukuyang nagaganap. Bagkus, mayroong flashbacking sa pagitan ng mga kasalukuyang pangyayari. Sa aspektong ito, binabalikan ni Nuri ang mga kaganapan sa kanilang pagtakas tungo sa pagkuha ng asylum sa England. Matalim ang mga mata nito upang obserbahan ang galaw ng mga tao sa kanyang paligid at mga kuwento nito bilang nasa unang panauhan ang nagkukuwento. Ibig sabihin, ang pangunahing tauhan mismo na si Nuri ang nagsasalaysay.
Masasabi ko ring epektibo ang papel na ginagampanan ng bubuyog upang magdulot ng mas malalim na impresyon sa mambabasa. Napapaisip kasi nito ang mga mambabasa sa katangian ng mga bubuyog at kung paano nito tinatiyaga upang mabuhay. Ganito maiuugnay ang buhay mayroon tayong mga tao na sa kaganapan ng nobela, mahigpit ang pagkakakapit ng kuwento sa pagiging beekeeper ni Nuri, sa bilang ng tao na naghahanap ng tahanan, ng panibagong tahan na nasira dulot ng digmaan. Ganoon din ang epektong dulot sa’kin ng susi na pinahanap ni Muhammed kay Nuri na nagdala sa kanya sa iba’t ibang lugar at kinaumagahan, tinutulungan na lamang siya ng mga kakilala na makatayo sapagkat nakatulog na pala ito. Maging ang mga taong kanilang nakasalamuha katulad ng babaeng may nana sa kanyang suso, ang musikerong may lihim na pagkatao, ang kambal na magkapatid at maging ang smuggler na nanamantala kay Afra. Ganoon din ang GP na tumutulong sa kanila, ang Moroccan na lalaking kasama siya sa bahay na tinutuluyan, si Diomande at magign si Mustafa at Muhammed. Lahat ng ito ay nagdulot ng kabuuang epekto sa danas ni Nuri at kanya-kanyang sapalarang kinakaharap ng mga naiipit sa digmaan o anomang uri ng karahasan sa kanilang lugar na pinaggalingan.
Sa pangwakas, ang nobela ay nagdulot ng kabuuang epekto sa’kin kung paano mabuhay sa mundo. Sa panahon ngayon na matinding suliranin ang kinakaharap ng mundo dulot ng banta ng coronavirus, iba-ibang kuwento ang sa tingin ko ang dapat pakinggan at pagtuunan nang pansin. Alam kong ang mga kuwentong ito ay mahirap pakinggan sapagkat nakapanlulumo subalit naniniwala akong kailangan ito ng mundo upang maisalaysay at magbigay-inspirasyon sa ibang tao upang mabuhay at magpatuloy sa buhay.
Buksan pa natin ang ating mga puso at isipan upang magkaroon ng puwang sa mga nangangailangan. Alam kong mahirap tumulong kung tayo mismo ay nagdarahop. Batid ko ito subalit susubukan kong sa sariling paraan makatulong rin naman.
Nawa’y hindi lamang ito ang kuwentong mababasa ko. Marami pa sang kuwento na kapupulutan ng aral. Pasensiya hirap talaga ako umunawa kapag scifi ang binabasa. Hinahabol ko pa nga ang nais iguhit sa aking isipan batay sa binabasa lalo na kapag mga scifi o period novels ang babasahin.
1 note
·
View note
Text
Blog #3: "Edukasyong para sa Iilan: Kung Bakit Asal-Mayaman si Pedrong Maralita" ni Bienvenido Lumbera
Bili rito, bili diyan. Bili ng ganito, bili ng ganiyan. Kahit na hindi naman talaga kaya ng budget, pipiliting bilhin ang nagugustuhan kahit hindi na makakain nang ilang araw o kaya naman magkabaon-baon na sa utang. Bakit nga ba? Eh gustong makasabay sa uso at higit sa lahat, gustong magmukhang mayaman. Gusto rin kasi ng mga tao na ito na makaramdam ng pagka-angat kahit papaano sa ibang tao. Pakiramdam nila angat sila sa iba kapag mayroon sila ng bagay na wala ang iba at hindi kayang bilhin ng isang may kayang tao o hindi kaya ay mahirap na tao. Talaga ngang laganap na ang ganitong pag-iisip sa panahon ngayon. Ang naiisip kong dahilan ay dahil na rin siguro sa panglalait at pangliliit ng mga mayayamang tao sa tingin nilang mas mababa kaysa kanila. Dahil dito, mas ginugusto ng mga taong minaliit na magmukhang mayaman din kaya pipilitin at pilitin nila na makabili ng mga bagay na binibili ng mga mayayaman kahit na hindi naman talaga nila kailangan ang mga ito sa pang-araw-araw nilang pamumuhay. Dahil dito, mas naghihirap sila pero hindi na bale iyon sa kanila, ang mahalaga sa kanila ay maipakita ‘mayaman’ sila at mas mataas sila sa mga taong nasa kaparehong klase lang din naman nila.
Malaki ang ambag ng makabagong teknolohiya, lalo na ang social media sa pagkakaroon ng pag-iisip na katulad ni Pedrong Maralita. Sa simpleng panonood sa mga bidyo ng mga paboritong aktor o aktres, nagkakaroon ng ideolohiya ang mga tao na gayahin sila at piliting maging kagaya nila. Ito ang isa pa sa mga naiisip kong dahilan kung bakit nagkakaroon ng mga taong mas gugustuhing maghirap lalo sa buhay para lang mai-‘show off’ sa mga tao na ‘mayaman’ sila at kaya nilang sumabay sa uso. Hindi naman masama ang umidolo sa isang tao, ang masama ay ang pagpilit mo sa sarili mo na gayahin siya lalo na kung alam mo namang hindi mo pa kaya dahil sa mga kundisyong mayroon ang pamumuhay mo.
Marahil sasagi rin sa isip mo ‘yung mga taong mas pinipili na mag-aral sa mga pampribadong paaralan. Sa palagay ko ang iba sa mga ito ay hindi lang naman siguro gustong mag-aral sa mga mamahaling paaralan para lang magmukhang mayaman, kundi para rin sa kalidad ng pag-aaral na gusto nilang makuha. Hindi na rin ako magtataka kung bakit karamihan sa mga magulang sa panahon ngayon ay pipiliting makapag-aral ang kanilang mga anak sa mga pampribadong paaralan kahit na hindi na sila magkandaugaga kung saan sila huhugot ng pambayad sa napakalaking tuition fee. Eh paano ba naman kasi, higit na mas maganda ang kalidad ng turo, may mas magagandang kagamitan at mga silid, at mas natututukan ang mga estudyante sa mga pampribadong paaralan kaysa sa mga pampublikong paaralan na kulang nalang ay hindi na makapag-aral ang estudyante dahil sa init ng silid-aralan. Sigurado ako, na kung mas maganda ang kalidad ng pag-aaral sa mga pampublikong paaralan ay walang sinuman ang gugustuhing mag-aral sa mga pampribadong paaralan dahil kung makakapag-aral ka naman pala o ang iyong anak sa isang paaralan na wala o mura ang tuition fee, eh bakit mag-aaral o pag-aaralin mo pa siya sa isang paaralan na napakamahal ng tuition fee, hindi ba?
Pero hindi ba sumagi sa isip mo kung bakit nga ba mababa ang kalidad ng edukasyon sa mga pampublikong paaralan? Kung bakit parang walang ibang pagpipilian ang mga mahihirap kundi mag-aral sa mga paaralang ito na walang maidudulot na matinong edukasyon para sa kanila? Ito ay dahil gusto ng mga mayayaman o itong mga ‘naghaharing-uri’ na manatiling mangmang ang mga mahihirap at manatili silang mahirap upang silang mga naghaharing- uri ay manatili sa taas ng tatsulok. Oo, takot sila. Takot silang magkaroon ng kamalayan ang mga nasa ibaba ng tatsulok at tuluyang makaangat ang mga ito magreresulta sa pagkawala ng mismong tatsulok. Takot silang mawala sa tuktok at mawalan ng tinitignan na mas mababa kaysa kanila. Takot sila na magkaisa ang mga mahihirap at mawala nang tuluyan ang ideyolohiyang matagal na nilang pinapalaganap. Kaya ang sagot? Magkaroon ang lahat ng kamalayan. Edukasyong para sa lahat, hindi lang para sa iilan.
6 notes
·
View notes
Text
DS 100 test (part B)
1. relative autonomy theory 2. poor elderly IP woman 3. NIEO 4. gini co-efficient 5. Juche ideology 6. MLM 7. NSMO 8. new social movements (NSM) 9. Development of Underdevelopment 10. statism a. The government is an arena of ideological struggle. b. intersectionality of social exclusion c. ideolohiya ng BHB d. economic, political and military self-reliance e. bagong pandaigdigang pangkabuhayang kaayusan f. veers away from class-based politics g. dependency theory h. makabayan, siyentipiko at makamasa i. state-led, state-formulated j. measure of inequality
1 note
·
View note
Text
Habang may Tatsulok at Sila ang Nasa Tuktok, Di Matatapos Itong Gulo: Reaksyon mula sa gawa ni Bienvenido Lumbrera
Magkakaiba ng realidad mayroon ang mayayaman at mahihirap. Sa tunggalian ng kung sino ang nasa taas at kung sino ang mga nasa baba, sa panahon ngayon na malaki ang separasyon ng agwat ng dalawang panig, tila tahimik at nagsasawalang kibo ang mga opres na mamamayan. Mga dingding ng bahay ng pinagtagpi-tagping yero, di makakain ng tatlong beses sa isang araw, walang pagkain sa hapag, kontaminadong mga tubig, sira-sirang mga damit, ni hindi makapag-aral, kakulangan sa nutrisyon at maayos na kalusugan, pinagkaitan ng edukasyon, salat na salat sa karapatan, palaging nasa ibaba ng lipunan. Ang araw-araw na pakikibaka upang patuloy na lumaban at mabuhay kaakibat ng di- kasiguraduhan kung may pagkain ba sa hapag o may mauuwian pang tahanan. Mahirap maging mahirap, subalit nasaan na ang nagaalab na damdamin ng mga naghihikahos na nagnanais umalpas sa kasalukuyang realidad na mayroon sila? Nasaan na ang boses ng kahirapang nag-aasam na makatamasa ng kaginhawaan? Tila natupok na nga at tuluyan nang ipinagsasawalang bahala buhat ng idinidiktang ideolohiya na magsisilbing pansamantalang pagtakas sa buhay na kinahaharap nila at sa kung anong antas nila sa lipunan.
Sa loob ng isang lipunan na may patuloy na naghahari na walang ibang iniisip ay ang mga sariling kapakanan at kung paano nila mapapanatili ang kanilang kapangyarihan, upang patuloy na makapang-abuso, makalinlang at kontrolin ang pangkalahatang sistema at para manatili sa itaas ng tatsulok ng lipunan. Sa kabilang banda, nariyan ang pinaghaharian, si Pedrong maralita na walang ibang ginawa kung hindi ang araw-araw na pakikipagsapalaran upang sila ay patuloy na mabuhay, kahit papaano malagpasan ang suliraning kinakaharap sa loob ng isang araw. Parehong magkaiba ng antas sa pamayanan, magkaiba ng pinanggagalingan, magkaiba ng pangangailangan. Magkaiba dapat ng pananaw at pag-iisip ngunit tila umaayon, nakikibagay at nakikipagsabayan si pedrong maralita sa mga taong nasa mataas na antas ng lipunan. Kasalanan nga bang mag-asal mayaman ang isang kapos palad? Mali nga bang maituturing na gumaya ang isang naghihikahos sa mga may kaya sa buhay?
Bunga ng hindi magandang dulot ng pananakop gamit ang dahas na dinanas ng mga Pilipino mula sa kamay ng mga Kastila, natuto na at mas naging tuso ang ibang dayuhang mananakop sa kanilang taktika upang tayo ay mapasailalim sa kanilang kapangyarihan. “Hegemony” isang paraan ng pananakop na kung saan isa itong pamumunong intelektuwal at moral. Ang dahilan ng hindi pag-aaklas at ang tuluyang pagsiklab ng mithiin ng mga mamamayang pinaghaharian na makawala sa gapos ng pang-aalipusta at pag-mamanipula ng mga nasa itaas ng tatsulok. Ang mga ideolohiya, pinaniniwalaan, pananaw at maging ang kultura ng mga may kaya sa lipunan ay ginagamit ito upang impluwensiyahan ang mga nasa ibaba nang sa gayon ay hindi nila gaanong mapagtuunan ng pansin ang kanilang hirap na dinaranas. Sa pamamagitan ng pagpaparanas sa kanila kahit papaano ng mga natatamasa at karanasan ng buhay na mayroon ang mga naghahari sa lipunan. Sa paraang ito, hindi mararamdaman ng mga pinaghaharian na sila ay lubusang naaapi, na sila ay inaabuso dahil nararanasan din nila ang mga bagay na mayroon ang mga mayayaman kahit sa maliliit na paraan. Kaunting pasilip at patamasa upang maiwasang makaramdam ng galit, mag-aklas, lumaban sa mga pilit kumokontrol sa sistemang panlipunan at maghangad ng rebolusyon sapagkat ang mga ito ang tuluyang magpapabagsak sa kanilang posisyon sa lipunan, ang babawi ng kanilang kapangyarihan at ang tutuldok sa kanilang mga masasamang adhikain, sarili nilang interes na nais isakatuparan na lalong magpapalugmok sa mga nasa ibaba.
Makikita na sa pamamagitan ng pilit isinusubong maling kamalayan ng sistemang mayroon tayo sa kasalukuyan, upang mag-iba ang perspektibo at magkaroon tayo ng kakaibang pananaw sa mundo liban sa pag-aaklas sa baluktot na realidad ay epektibong patuloy na naisasagawa ito. Gamit ang ideolohiyang kanilang inihahain sa atin ay nagwawagi ang mga naghahari na tayo ay patuloy pa ding kontrolin magpasa hanggang ngayon sa pamamagitan ng pagtanggap ng bulok na sistema na nagtatago sa isang normal na imahe at aparisyon ng realidad. Bunga ng kaisipang ito, ang mga nag-aasam ng kaginhawaan at ang mga nag-aatikabong damdamin ng mga sambayanang nagnanasa ng pagbabago sa pagtrato ng lipunan ay tuluyang nasusupil ang kahingian ng pagkakapantay-pantay at makatarungang sistema ng bansa at patuloy na maghahari ang mga nasa itaas.
Ang pagkakaroon ng mulat na kamalayan sa tunay na kaganapan sa ating lipunan, ang hindi pagpapalinlang sa sistemang kinalakihan at ang nag-iibayong paninindigan na nagnanais ng pagbabago ang siyang magiging susi upang mapukaw ng bawat isa sa atin ang natutulog na diwa ng kapwa mamamayang pilit nagbubulag-bulagan at nagbibingi-bingihan sa mga mali at mapupurol na pananaw na mayroon sa ating lipunan. Simulan natin sa ating mga sarili ang pagbabagong nais makamtan, patuloy na buhayin ang nag-aalab na diwang makabayan tungo sa inaasam na pag-asang pag-unlad.
2 notes
·
View notes