allylgmalakas
hakdog
8 posts
Don't wanna be here? Send us removal request.
allylgmalakas · 5 years ago
Text
Mabuti at di mabuting epekto ng Cold War
Allyza Cardenas
Ang Cold War ay sumibol dahil sa hindi pagkakaintindihan ng dalawang makapangyarihang bansa ang USSR at Estados Unidos, dahil sa kapangyariha't magkaibang ideolohiya nagkaroon ng tensyon dito. Para sa karamiha'y naging maganda ang epekto nito ngunit mayron 'di mabuting epekto ito. Mas napaunlad ang teknolohiya ng sumibol ang cold war dahil sa kompetisyon ng dalawang bansa sa agham at teknolohiya. Nang dahil sa cold war nakaimbento at mas lalong napaunlad ang teknolohiya ng dahil sa pag-aaral ng mga dalubhasa sa siyensiya, na sa ngayo'y patuloy parin nating ginagamit. Ngunit ang lahat ng positibong epekto ay may kasalungat, dahil rito mas bumaba ang pakikipagkalakan ng bansa dahil sa tensiyong ito at ang di pagkakaunawaan ng mga bansa at dahil rito nawalan ng pagkakaisa ang bawat mamamayan at lubhang naapektuhan ang lipunan at ekonomiya. Ngunit masama man o mabuti ito, ito'y nananatiling kapiraso ng ating kasaysayan na hinding hindi natin malilimutan dahil maging hanggang ngayon at patuloy parin natin ito ginagamit.
4 notes · View notes
allylgmalakas · 5 years ago
Text
Paglaki ng populasyon, daan sa pagbagsak ng isang bansa
Ang United Nation o sama samang mga bansa para sa kaunlaran at pagbabago, ngunit sa bawat kaunlara'y may kalakip na suliranin kabilang narito ang population growth o ang hindi mapigilang pagdami ng populasyon at kadalasa'y nararanasan ng mga mahihirap na bansa. Nang dahil sa katayuan ng ekonomiya at lipunan ng kanilang bansa ang mga bilang ng mga mamamayan ay mas lalo pang lumalago nakafocus ang pamahalaan nito sa isyung pang ekonomiya kung kaya't ang populasyo'y di mabigyang pansin.
Ngunit ang mga ito'y nagsisimula sa pinakamaliit na bahagi ng lipunan, nagsisimula ito sa pamilya sapagkat dito nagsisimula ang bawat pagdami ng tao sa isang bansa dahil ang mahirap na bansa'y kadalasan ay ang mga pamilya rito ay hindi isinasagawa ang family planning o pag papaplano upang maiwasan ang paglaki ng populasyon.
Ang paglaki ng populasyon ang isa sa nagiging dahilan ng pagbagal ng pagkilos ng pagbabago sa isang bansa nang dahil dito mas lalong dumadami ang gastusin ng pamahalaan at ang bawat mamamayan ay nawawalan ng trabaho dahil sa maliit na pangangapital. Dahil sa pagbagsak ng ekonomiya ng bansa ang mga bansa na may labis na populasyon ay kabilang sa mahihirap na bansa.
Tumblr media
3 notes · View notes
allylgmalakas · 5 years ago
Text
Ang ideolohiya ay may napakalaking bahagi ng ating lipunan dito ay napagtatanto natin ang sistema ng pamumuno ng isang bansa. Mayroon tayong iba't ibang ideolohiya kaya't kung papapilliin po ako sa mga iba't ibang ideolohiya, demokrasya parin ang aking pipiliin, sapagkat dito ay magpapakita ng pagkapantay pantay ng mga mamayan sa pangkabuhayan, politika at lipunan.
Ang Pilipinas ay isang direct na demokrasya na kung saan malaya ang mamamayan na piliin ng wasto at karapatdapat ang mamumuno sa bansang kinagagalawan, malaya tayong ipahayag ang ating mga saloobin. Dito ay nagiging boses ang bawat tao ng sambyanan dahil ang kapangyarihan ng pamahalaan ay nasa mga tao.
Tumblr media
1 note · View note
allylgmalakas · 5 years ago
Text
Paumanhin sapagkat nahuli ang aking komentong ito,
Ang digmaan ay mayroong napakalaking epekto sa bawat bansa, matapos bumagsak ang ekonomiya kailangan nilang bumangon para sa bansang kinatatayuan. Ang WWII ay nagpahayag noon ng pandaigdigang kapayapaan ngunit hindi pa pala dito nagtatapos iyon dahil kasunod nito malaking trahedya ang humarap sa bawat bansang kabilang rito, Ang Ikalawang Digmaang pandaigdig(WWII) ay nagbunsod ng pagbabago at sama sama ng mga bansa matapos hidwaang tumatak sa ating siglo. Ito ay nakatulong upang lumaya ang mga naging alipin na bansa dahil sa sama samang mga bansa o ang tinatawag na UNITED NATIONS na nagpahayag ng pagbabago at kapayapaan, lumaya tayo sa mga mananakop at naglayon itong tulungan ang bawat bansang naging alipin bunsod ng WWII. Ang ikalawang digmaan ay tunay ngang di malimot limutan sapagkat lahat ng bighati't paghihirap dito'y naranasan ng mga bansang naging bahagi nito libo libo ang namatay at sugatan, at ito'y naging dahilan ng pagbagsak at pagbaba ng sistema ng kalipunan ng bawat isa ngunit dahil sa sama sama at pagpapahayag ng pagbabago't kalayaan tayo ay nagising sa isang bangungot na nagbigay ng napakalaking imluwensiya sa ating mundo.
Bakas ng Lumipas (Ang Ikalawang Digmaan💔💣)
Inakala ng marami na ang digmaang tinatawag na " Ang DAKILANG DIGMAAN" ww I ang siya nang tatapos sa lahat ng mga digmaang naganap sa kasaysayan ng tao. Inakala ng maraming matuto na ang tao ng isang mahalagang aral at hindi na muling daranasin sa kasaysayan ang katylad ng sigalot. Muling namayani ang kapayapaan sa daigdig subalit sa maikling panahon lamang. Makaraan lamang ang 23 taon , hindi inaasahan ng mga tao ay muli na namang naganap , ang pasiklab ng isang digmaam - ang IKALAWANG DIGMAANG PANDAIGDIG . Sa pagkakataong ito, higit na marahas, higit marami ang kasangkot, at higit na malubha ang naging epekto sa daigdig. Ngunit kung susuriin , mahihinuha na ang digmaang ito ay isang tunggaliang talagang nakatakdang maganap . Batay na rin ito sa mga pangyayari sa Europe, Asia, at North America matapos ang WWI at ang naging epekto ng mga ito sa lagay ng pandaigdigang kapayapayapaan . Ngunit kasabay ng digmaang ito naniniwala ba kayo na isa ito sa naging dahilan upang lalong gumanda ang samahan ng mga bansa matapos ang pangyayaring ito WWII at nakatulong rin ba ito upang mapalaya ang mga bansang naging alipin ng maraming dayuhan😌
Tumblr media
#reblog
51 notes · View notes
allylgmalakas · 5 years ago
Text
"Footprints of Yesterday"
Allyza Cardenas
Mailalarawan natin ito bilang pinakamapinsala ang siyang nagbigay pasakit noong nakaraaang siglo. Ang ating daigdig na tila nakakulong sa dilim nang dahil sa isang mapinsalang digmaan na nagpahirap sa bawat taong naging bahagi nito. Sakripisyo at kabayanihan ay siyang naganal. Ang tumatak sa historya ng mundo at ng tao tulad ko at tulad mo. Pinsala at kamatayan ang naging bunga nitong digmaan.
Sa araling tinalakay masasabing ang Ikalawang digmaan ay ang pinakamadugo at mapinsalang digmaan base sa ating pinag-aralan. Tila nakakalumbay, naganap na digmaa'y kay laki ng pinsala.
Kung makikita natin ngayon ang sama samang mga bansa na may maayos ay maunlad na kalakalan na noon ay may napakalaking pinsala na kumalap sa iba't ibang bahago ng mundo. Ang ikalawang digmaang pandaigdig nga talaga ang pinakamasaklap na hidwaan, libo libo ang nag sakripisyo makamtan lamang ang ninanais. Ngunit sa kabila ng matinding digmaan, may magandang dulot ito, bumuo ng United Nations na naglayon ng kapayapaan at pagbabago. Masasabi nga talaga natin na pagkatapos ng matinding dunos ay may bahagharing darating na at lahat ng bagay ay may katapusan, ngunut ang digmaang ito'y nakaukit na sa historya ng mundo at hindi mabubura kailanman.
#THESIGNIFICANTBATTLE
#THEGREATESTCONFLICT
Tumblr media
5 notes · View notes
allylgmalakas · 5 years ago
Photo
aye aye captain
Tumblr media
238K notes · View notes
allylgmalakas · 5 years ago
Photo
😍
Tumblr media Tumblr media Tumblr media Tumblr media Tumblr media Tumblr media Tumblr media Tumblr media Tumblr media
Erin Hanson
86K notes · View notes
allylgmalakas · 5 years ago
Photo
Tumblr media
104K notes · View notes