balingitandrei
KomPan Blog
15 posts
Komunikasyon at Pananaliksik 1 &  FPL Akademik
Don't wanna be here? Send us removal request.
balingitandrei · 3 years ago
Text
PETA #1: Lakbay Sanaysay
PETA #1 sa Filipino sa Piling Larangan Akademik 12
Panuto: Mula sa nilikhang Lakbay-Sanaysay pagproseso, ang Travel Blog na ito ay susog at pagpapakinis ng naunang gawain batay sa klaripikasyon at gabay ng pagtalakay sa Lakbay-Sanaysay.
Tema: Malamig na Bakasyunan
Gawa nina: Andrei Balingit, John Bordey, at Joshua Floresca ng 12-6 Cimatti
1 note · View note
balingitandrei · 3 years ago
Text
Baguio: Mas Malamig pa sa Halo-Halo
ni: Bordey, John Philippe 12-6 Cimatti
Tumblr media
Itinaguriang Summer Capital of the Philippines, ang Baguio ay isa sa pinakapatok na tanawin ng turistang lokal dito sa Pilipinas. Hindi maitatanggi na ang pangkaraniwang temperatura dito sa ating bansa ay napakainit dahil tayo ay nasa isang tropikal na rehiyon. Kung kaya naman, ating madalas na ninanais ang malamig na pakiramdam na kadalasa’y matatagpuan lamang sa mga matataas na lugar tulad ng Baguio. Sa unang araw mo rito ay hindi ka makakaligo agad-agad; hindi dahil walang suplay ng tubig, pero dahil sobrang lamig ng tubig. Kinailangan ko pang magpainit ng tubig para lang mabanlawan ang sarili ko at napakasarap ng pakiramdam nito noon. Kung ikaw naman ay maglalakwatsa, medyo may pagkahirap pagdating dito. Ang tanging init na mararamdaman mo dito ay ang init ng ulo dahil sa trapik at dami ng turistang nakapila sa bawat tanawin. Dagdag rito, dahil nasa bundok ka, ang daan ay pa-ikot-ikot at nakakahilo. Kung ikaw ay mahiluhin tulad ko, inaanyayahan kitang uminom ng gamot na pampaiwas hilo, tulad na lamang ng Bonamine. Noong bata pa ako, ito ang aking go-to na gamot na iininom bago ang matatagal na biyahe upang maiwasan ang pagsusuka. Gayunpaman, marami ang inaalok ng bundok na ito, lalong-lalo na pagdating sa pagkain: ang presa, at ang patok na patok na strawberry taho. Kahit na malamig ang klima rito, may mga nagbebenta pa rin ng ice cream sa kalsada. Dahil isa itong siyudad sa taas ng isang talampas, napakaganda at napakataas ng mga tanawin dito. Tulad na lamang ng Mines View, Burnham Park, The Mansion, at ang napakalaking Lion’s Head. Pagkauwi mo sa iyong tinitirahang bahay, hindi mo na kakailanganin pa ng electric fan o aircon para malamigan ang iyong sarili; buksan mo lamang ang iyong bintana, at hayaan mong ang kalikasan na magpalamig sa iyo. Kung nais mong dalhan ng subenir ang iyong mga kaibigan at kamag-anak, aba, ikaw ay sineswerte. Maraming handmade subenir ang inaalok ng mga tindero’t tindera na gawa sa kahoy, at napakahusay nga naman na kaya nilang gumawa ng isang likhang sining gamit ang kahoy at kanilang mga kamay. Mayroon ring mga pagkain na iyong pwedeng ipasalubong, tulad na lamang ng strawberry jam, ube jam, honey, lengua de gato, peanut brittle, at hindi makakalimutan ang sundot kulangot. May mga tourist spots ring nag-aalok ng damit na isinusuot ng mga Igorot, isang ethnic group mula sa Baguio, at isa dito ay matatagpuan sa Mines View Park. Ito’y kanilang iniaalok upang maranasan mo ang kakaiba at makulay nilang kultura. Ang aking isinuot ay ang bahag, kasuotan para sa lalaki, at mayroon rin namang pangbabae na tinatawag na tapis.
1 note · View note
balingitandrei · 3 years ago
Text
Pinakamaringal na Tagaytay para sa Pinakamamahal na Inay
ni: Balingit, Andrei Luis 12-6 Cimatti
Ika-13 ng Marso 2022 nang ako at ang aking pamilya ay bumiyahe patungo sa aming paroroonan upang ipagdiwang ang kaarawan ng aking ina. Ang Tagaytay ay isang siyudad na matatagpuan sa probinsya ng Cavite at ang isa sa mga pinakapopular na bakasyunan na malapit sa Maynila. Ito rin ay isa sa mga lugar na hindi na gaanong kahigpit ang quarantine protocols noong mga panahong iyon kaya ito ang aming pinuntahan ngayong Alert Level 1 pa. Hapon na nang makarating kami sa Tagaytay ngunit nakagugulat na tila’y madaling araw pa rin dahil sa napakakapal na hamog na pumapaligid sa buong siyudad. Makikita sa larawang halos puti lang ang daan dahil sa hamog na sumakop na sa kalsada. Halos hindi na makita ang kotseng nasa harapan naming isang daang metro lang ang layo — nakakatakot dahil mapanganib!
Tumblr media
Halos Zero-Visibility na Daan sa Tagaytay
Dahil din dito, hindi makita-kita ang isa sa mga kaakit-akit na bulkang tanawing makikita mula sa Tagaytay. Dinaanan namin ang ilang tourist hotspot ng Tagaytay tulad ng People’s Park in the Sky, Picnic Grove, Sky Ranch, at Robinsons Tagaytay at ito’y punong-puno ng tao. Ang kahabaan rin ng daan ay patag na at kaunti na lang ang parteng matagtag. Masasabi talagang mabilis na ang pag-unlad nitong siyudad ng Tagaytay. Nang kami ay nakarating sa aming hotel na pagtitirhan, kami ay sinalubong ng kanilang mga staff upang tulungan kami sa aming dalang gamit. Napakapropesyonal nilang tignan at naka Americana pa habang nagbabantay lamang ng pasukan ng establishmento. Binigyan kami ng kard ng receptionist upang siyang gamiting susi sa elebeytor at aming kwarto. Napakakapal pa rin ng ulap at hamog na aming namasdan pagdating doon kaya makikita sa gif sa baba na puting-puti pa rin ang paligid at loob ng pang-siyam na palapag ng hotel.
Tumblr media
Makapal na Hamog sa Tagaytay mula Umaga hanggang Hapon
Pumasok kami sa loob ng aming kwarto upang mag-ingat sa lamig ng panahon. Ang loob ng mga kwarto ng aming yunit ay tama lamang at walang anumang espesyal dito bukod sa asotea nito. Mayroon itong dalawang malambot na mga kama sa bawat kwarto, salang may tv, air conditioner para sa mainit o malamig na temperatura ng buong yunit, CR at shower na may mainit na tubig, at mataas na balkonaheng view sa labas. Paglipas ng kulang sa tatlong oras tila biglang naglaho ang lahat ng hamog at nagpakita na rin ang pinakahihintay na tanawin mula sa aming balkonahe: ang marikit at mapaglarawan na Bulkang Taal sa Taal Lake. Ang itong kakaibang pangyayaring bigla-biglang pagputi ng ere at bigla-biglang paglinaw ng kapaligiran ay karapatdapat na kilalanin at i-document kaya kumuha kami ng litrato magkakapatid. Medyo nagsaya na rin ako sa pagkuha ng mga malikhaing litrato habang kami ay umikot-ikot dito.
Tumblr media
View ng Taal Volcano mula sa Asotea
Tumblr media
Creative Shot ng May-Akda
Sa kabila ng lahat nitong pagsasaya, nakahanap pa rin ng sandali ng pagmumuni-muni ang aking ina nang makita niya ang lumulubog na araw. Kamangha-mangha nga naman ang tagpong ito: ang bughaw na langit na pininturahan ng pula, kahel, at dilaw na araw at pinuno ng mga ulap na tila mahimulmol ang lambot. Malamig ang simoy ng hangin noong araw na ito kaya kahit na aming harapin at titigan ang araw, hindi ito nakakasilaw; mapayapa’t mabinian pa nga ang ibinibigay nitong pakiramdam. Noong nakita ko itong kanbas ng langit at ang tagpo ng pagkuha ng litrato ng aking pinakamamahal na Mama nito, naisipan ko ring kunan ito ng larawan upang maging kwadro ko ng haharaping bukas. Nawa’y naging malugod ang araw ni inay ng kaniyang kapanganakan.
Tumblr media
Si Inay na Kumukuha ng Litrato ng Paglubog ng Araw
Dumilim na ang pook ngunit hindi pa rin susuko ang aking pagkuha ng mga malilikhaing litrato. Bumalik na rin ang makapal na hamog sa siyudad at naisipan kong kunan ng litrato ang mag-anak at mag-asawa: sina inay, itay, at bunso. Kahit na malakas ang ihip ng hangin at nagyeyelo ang temperatura, pinapwesto ko sila sa tapat ng aming hotel, sa ilalim ng posteng ilaw, at sa harap ng hamog upang kunin ang litrato ng kanilang silweta. Kahit na medyo wala sa gitna si itay sa larawan, ang kanilang itim na pigura sa pagitan ng puting ilaw ng poste at dilaw na sinag ng establishmento na pumapaharap sa puting mapag-ulap na hamog ay aking ikinalugod sa larawang ito. Ang lahat ng nangyari sa byaheng ito ay tatatak sa aking isip bilang isang ulayaw ng ligayang paglalakbay upang ipagbunyi ang aming ilaw ng tahanan. Dumating ang gabi, ang wakas ng araw, at ang pagtatapos nitong lakbay sanaysay.
Tumblr media
Larawang Silweta nila Nanay, Tatay, at Bunso
1 note · View note
balingitandrei · 3 years ago
Text
JaFun
ni: Floresca, Joshua Andre 12-6 Cimatti
Tumblr media
Ang Japan ay tinatawag na "Nihon" ng mga lokal na maaaring literal na isalin sa "The Land of the Rising Sun". Malamig ang klima rito sa Japan at hinding hindi ka pagpapawisan. Masarap ang simoy ng hangin dahil presko ito sa mukha. Sa unang araw mo rito, mapapalibutan ka ng mga tindahan at mga kainan na malapit sa iyong hotel. Pwede ka rin kumuha ng mga litrato ng mga lugar dito at ng iyong pamilya. Ang tanging hirap na mararanasan mo rito ay ang pag-cocommute. Matao, masikip, nakakalito; ito ang mga bagay na pwede mo maranasan habang nag-cocommute. Marami kang pwedeng pasyalan dito sa Japan. Ang mga sikat na lugar na pwede mong puntahan ay ang Tokyo Disneyland, Tokyo Disney Sea, Mt. Fuji, Skytree, at marami pang iba. Sa bawat lugar na pupuntahan mo rito ay mayroon kang makikitang mga vending machines. Ito ay sikat sakanilang bansa. Maaari kang sumakay ng mga rides, magpa-picture sa lugar na nais mong puntahan, at kumain sa masasarap na kainan. Sa bawa’t pasyalan na mapuntahan mo, hindi mawawala ang souvenir shops. Merong tsokolate, damit, bags, keychains, ref magnets, at mga Japanese na pagkain. Ang hirap mo rito ay may kapalit na masayang ala-ala.
1 note · View note
balingitandrei · 4 years ago
Text
PETA #2 sa PPTP
PETA #2 sa Pagbasa at Pagsusuri tungo sa Pananaliksik 11 
Isang bidyo prosidyural ukol sa mga hakbang upang mapanatili ang mabuting sanitasyon sa bahay na hindi hihigit sa 5 minuto. 
Gawa nina: Andrei Balingit (finding jowa), John Bordey (finding jowa), at Joshua Floresca ng 11-6 CimattiSHOW LESS
https://youtu.be/XbRIxuriGZg
https://drive.google.com/file/d/1I5VOQ4HEi8oDHaJgRfyPyGljwep5GMCy/view?usp=sharing
0 notes
balingitandrei · 4 years ago
Text
Joy Center
ni: Bordey, John Philippe 11-6 Cimatti
Ako si Ibor. Baguhan pa lamang ako sa senior high school ng Don Bosco Makati, pero masasabi ko na agad na kakaiba ang mundo rito. Bumalik tayo sa ika-dalawampu't lima ng Enero, kung saan aking unang naranasan ang kakaibang mahika. Ito ang unang araw ng aming tinatawag na Founder's Day, kung saan aming pinagdiriwang feast day ng aming patron saint na si San Juan Bosco. Pagkapasok mo palang ng paaralan, dinig mo ang ingay. Hindi ito yung klase ng ingay na masakit sa tainga, ngunit ito yung klase ng ingay na masarap pakinggan. Kaliwa't kanan may nagsisigawan at nagbebentahan. Sa kaliwa, may mga grade 12 na nagbebenta ng mga damit at pagkain. Ito ang tinatawag namin "entrepreneurship." Sa kanan naman ay makikita mo mga naghahanda para sa gaming tournament na may papremyo. Pagkapasok ko, hinanap ko agad ang mga kaibigan ko para magkakasama kami, pero nung dumating na kami sa lugar na maraming tao, bigla kaming nagkahiwa-hiwalay. Eto na. Ang mahikang tinutukoy ko. Habang hinahanap ko mga kaibigan ko, may nakita akong tumutulong magluto para ibenta. Nagkatitigan kami, at tinawag niya ako. Para bang love at first sight ang dating. Doon ko naranasan ang kilig sa buong katawan ko. Lumapit ako, at pasigaw kong tinanong kung saan ang Joy Center. May sinehan kasi doon kaya nagpaturo ako kung saan kasi baka nandooon mga kaibigan ko. May sinasabi siya sa akin, pero hindi ko marinig dahil sa ingay, kaya kinuha nya ang aking kamay, at napilitan akong sumunod sa kanya. Ramdam na ramdam ko ang init mula sa kaniyang napakalambot na kamay; para akong nasa pelikula. Nang dumating na kami sa Joy Center, tinanong ko kung ano pangalan niya. Alex. Alex daw ang kaniyang pangalan. Napakagandang pangalan para sa napakagandang babae. Ngunit kailangan niya nang umalis, kaya nagpaalaam na siya para bumalik sa aming pinaroroonan. Habang papaalis, tinanggal niya ang kaniyang wig. Sandali lang. Wig???
0 notes
balingitandrei · 4 years ago
Text
Tara sa DB!
ni Floresca, Joshua Andre 11-6 Cimatti
          Ang Don Bosco Technical Institute - Makati ay malawak at malaking eskuwelahan. Mayroon din ito mga malalawak na palaruan kagaya na lamang ang basketbol court at soccer field kung saan pwede makalaro ang mga estudyante tuwing break time at dismissal. Maganda at malawak ang mga silid-aralan, malaki ang whiteboard, at may telebisyon bawat silid-aralan. Mababait at palakaibigan ang mga estudyante at syempre ang mga guro. Masisiguro ng DBTI na magiging masaya ang pag-enrol mo dahil mararanasan mo magbenta ng mga merchandise, tulad ng damit at sumbrero. Pwede rin magbenta ng iba't-ibang klase ng pagkain. Isa sa pinaka-mahalagang kaganapan sa DBTI ay ang foundation week na hinding-hindi mo dapat makaligtaan. Kasama na rin dito ang pagbebenta  ng mga merchandise at mga pagkain. Hindi lang iyon ang magaganap sa foundation week, meron din mga horror booths, pwede rin manood ng mga pelikula - lokal o international. Meron din tournaments sa foundation day, pero bago ka makasali kailangan muna magpa-register. Isa pang benepisyo kapag nag-enrol ka dito ay apat na araw lang sa isang linggo ang pasok niyo at merong isang araw na pwede ka magsuot ng casual attire.  
0 notes
balingitandrei · 4 years ago
Text
DBTI-MKT Senior High School
ni: Balingit, Andrei Luis 11-6 Cimatti
Ano ba ang Don Bosco Technical Institute – Makati?
Ang Don Bosco Technical Institute ng Makati, o "Don Bosco Makati." ay isang Katolikong pribadong institusyong pang-edukasyong pinapatakbo ng mga Salesians of Don Bosco (SDB).
Ang institusyon ay nagpapatupad ng mga pamantayang moral, panrelihiyon, pangkomunidad, at personal na mga kasanayan, upang magsilang ng mga Bosconian na mga Mabuting Kristiyano at Tuwid na mga Mamamayan.
Ang motto ng paaralan ay "Meliora Eligo!" o sa Filipino, "Aking pinipili ang mas makabubuting mga bagay!"
Ang mga core value ng institusyon ay: Pag-ibig para sa Diyos, Integridad, Pag-ibig para sa Kabataan, Pagkakaisa sa Pakikipagtulungan, Pagkakaisa sa Mahirap at sa Kalikasan, Kasanayan sa Teknolohiya para sa Buhay, Pasyon sa Kahusayan, at Pangako sa Misyon ni Don Bosco.
Ipinatutupad ng institusyon ang Salesian Preventive System ni St. John Bosco na nakabatay sa Katwiran, Relihiyon, at Mapagkandiling Pagmamahal.
Maaaring kumuha ng mga akademikong programa sa institusiyong ito para sa Elementary school, Junior High school, Senior High school, Technical Vocational Education and Trainin, at mga scholarship sa bawat programa.
Saan matatagpuan ang Don Bosco Technical Institute – Makati?
Ang campus nito ay matatagpuan sa Chino Roces Avenue Makati City, 1230 Metro Manila, Philippines.
Bakit nanaising mag-aaral sa Don Bosco Technical Institute – Makati?
Ang Don Bosco Technical Institute ng Makati ay isang paaralan kung saan hinihimok ang mga mag-aaral na "Tumakbo, tumalon, sumigaw, at maingay ngunit huwag lang magkasala." Ito ay sapagkat binibigyang halaga ng institusiyon ang buhay mag-aaral. Ito ay isang parte ng buhay kung saan ang isa’y malaya sa lahat ng mga pagkabalisa sa mundo; isang parte kung saan ang isip ng mga mag-aaral ay punong-puno ng mga marangal na ideya at puno ng mga pangarap.
Ang mga aktibidad na co-kurikular at extra-kurikular ay nagbibigay sa mga estudyante ng mas marami pang mga opurtunidad upang mas mabuksan ang kanilang isipan matuto at ng mga pagkakataon upang tulungang itaas ang kanilang pagpapahalaga sa kanilang mga sarili. Hinuhubog nito ang kanilang mga personalidad na magbibigay-daansa pagbubuo ng mga kasanayan sa pagtatrabaho (work skills) at mga kasanayan sa mga tao (social skills.)
Ang pag-aaral sa Don Bosco Makati ay magiging kasiya-siya para sa inyong mga anak na lalaki at anak na babae dahil nililinang ng institusiyon ang kanilang mga isip, kaluluwa, puso, at pinapalaki upang maging mga maaasahang miyembro ng lipunan.
Bakit mas pipiliing mag-aaral sa DB-MKT SHS?
Bilang magulang na nagpapaaral sa kaniyang anak o bilang isang mag-aaral mula sa JHS, mas pipiliin niyong mag-aral sa departamento ng Senior High School ng Don Bosco Technical Institute – Makati sapagkat nilalayon ng sangay na itong:
ihanda ang mga mag-aaral para sa tersarya na edukasyon at bigyan sila ng mga kasanayang panteknolohiya para sa matagumpay na pagtanggap sa corporate na trabaho o sariling negosyo sa isang progresibong globalisadong paraan;
muling patunayan, palakasin at paigtingin ang pundasyong spiritwal, moral, sibiko, pangkultura, emosyonal, pisikal at intelektwal ng mag-aaral na nakuha na sa Junior High School;
paigtingin o i-empower ang mga mag-aaral na maging mga tagapagtaguyod ng mabuting pagbabago sa lipunan;
at ihugis ang mga mag-aaral na sumalamin sa mga core values ng isang inobatibo, maalaga, mapagtugon, at research-oriented na institusiyon.
Ano ba ang mga inaalok na strands / programs sa DBTI-MKT SHS?
 Accountancy, Business and Management (ABM) Strand
Ang ABM strand ay nagbibigay ng sapat na pagsasanay bago ang unibersidad para sa mga may hilig na ituloy ang mga career sa entrepreneurship, banking, accountancy, pananalapi at pamamahala sa setting ng korporasyon at sa mga industriya ng turismo at hotels and restaurants. Ang mga mag-aaral sa strand na ito ay magsasagawa ng research o pananaliksik sa pagbubuo ng isang totoong negosyo habang may suporta ng kasosyong business-partners
 Humanities and Social Sciences (HUMSS) Strand
Ang HUMSS strand ay dinisenyo para sa mga kukuha ng journalismo, communication arts, liberal arts, edukasyon, sikolohiya, batas, gawaing panlipunan, at iba pang mga kursong may kaugnayan sa agham panlipunan. Binibigyan ng pagkakataong maunawaan kung paano gumagalaw ang lipunan sa lipunan gamit ang pagsusuri ng sining, kultura, panitikan, at politika.
 Science, Technology, Engineering and Mathematics (STEM) Strand
Ang STEM strand ay sumasakop naman sa mga kinakailangang basics ng akademiko para sa mga may balak na magtuloy ng mga kurso na nakatuon sa physical sciences, matematika, engineering at teknolohiya. Ang isang importanteng bahagi ng strand na ito ay ang research-based na paggawa ng Agham at Teknolohiya.
 ARTS AND DESIGN TRACK Visual and Media Arts Strand
Ang strand ng Visual at Media Arts ay nagsisilbi para sa mga nais ipahayag ang kanilang mga sarili sa malikhaing mga paraan. Nilalayon nitong pagyamanin ang kaalaman at kasanayan ng mag-aaral sa kanyang napiling larangan na binibigyang-diin ang sining, edukasyon at kultura at etika sa trabaho, gamit ang tradisyunal at digital media.
Sanggunian:
https://www.donboscomakati.edu.ph/
https://en.wikipedia.org/wiki/Don_Bosco_Technical_Institute_of_Makati
0 notes
balingitandrei · 4 years ago
Text
Ang Hindi Lumingon sa Pinanggalingan, Hindi Makakarating sa Paroroonan.
Tumblr media
“Ang wika ay kaluluwa at salamin sa pagkatao ng isang bansa.” Ang ipinapahiwatig ng kasabihang ito ay simple lamang: na ang sariling wika ay maitutuiring bilang isang “lifeline” o “social glue” ng isang bansa. Ito ay nagsisilbing isang isang instrumento upang makipag-usap at magpahayag ng kaalaman, opinyon, at damdamin. Dagdag dito, isa itong direktang koneksiyon, isang susi upang matutunan at maunawaan ang mayamang kasaysayan at kultura ng ating bansa. Ito ang dahilan kung bakit napakahalagang matutunan at maging bihasa tayo sa sarili nating wika. Ngunit bakit nga ba kailangan nating pag-aralan ito? Bakit inaasahan tayong matuto, umunawa, at ipasaloob ang ating sariling wika, at ang kasaysayan at kulturang dala nito? Simple lamang. Tayo ay Pilipino. Bilang Pilipino, dinadala natin kahit saan tayo mapadpad ang pangalan, ang reputasyon, ang identidad bilang mamamayan ng bansang Pilipinas. Isipin mo, isang Pilipino na walang alam sa sariling wika at kultura ng bansang pinaroonan, at maitutulad sa isang banyaga o dayuhan. Ngunit, sa kasulukuang panahon, ay baka maging ganun nga ang sitwasyon. Paano at bakit ito nangyari? Ayon sa memorandum ng CHED (CHED 20 2013), tinatanggal ang Filipino at Panitikan bilang “core subjects” sa kolehiyo. Sa halip, ang mga asignaturang Filipino at Panitikan ay nakapaloob na sa Senior High School. Pinatitibay ng memorandum na ito ang pilosopiyang dapat ay “university ready” na ang mga mag-aaral pagkatapos ng Programang K-12. Ang pagbabagong ito ay tumanggap ng magkakahalong reaksyon. Ayon sa Tanggol Wika, magdudulot ito ng kawalan ng trabaho ng mga propesor at gurong nagtuturo ng Filipino. Sabi naman ng grupong Ibalik ang Philippine History sa High Shool, mahirap ang integrasyon ng Araling Panlipunan sa hayskul dahil malalim ang diskurso tungkol sa kasaysayan. Kulang ang tatlong beses lamang na pagtuturo nito sa loob ng isang linggo, kaya’t hindi ito praktikal. Isa pa, maaaring makalimutan na ng mga mag-aaral (sa baytang 5 at 6) ang kanilang kaalaman sa kasaysayan  lalo pa’t mas may retensyon sa Low Order Thinking Skills mula edad 12 hanggang 18 taon.  Ang pag-alis ng Filipino at Panitikan ay pagkait sa mga kabataan ng instrumentong pupukaw sana sa kanilang pagmamahal sa bayan.  Mayapa’t ito ang papatay sa diwang makabayan.  Kung ako ang tatanungin, hindi sapat ang pag-aaral ng filipino at kasaysayan sa elementarya at haskul lamang. Aaminin ko, marami na akong hindi natatandaan sa kasaysayan at hirap din akong sumulat sa Filipino. Kailangan ko pa ang diksiyonaryo (google translate) upang makabuo ng makabuluhang sanaysay.  Kailangan ko pang magtanong sa aking mga magulang upang itama ang bantas, gramatika ng aking isinusulat. Sa panahong maraming nakakaaliw na panuorin sa Netflix at Youtube, mas gamay na ako sa mga pelikulang dayuhan. Kung hindi konserbatibo ang pamilyang aking kinabibilangan, ibig sabihin, pinag-uusapan pa rin namin lagi ang mga nangyayari (current events) at naikukumpara sa nakaraan, tulad ng Batas Militar at Ikalawang Digmaang Pandaigdig, kulang na kulang ako sa kaalaman. Kaya’t napagtanto ko na kailangan ko pa ng karagdagang pagsasanay, eksposyur at lalo na ng mas komprehensibong kaalaman sa Filipino, Panitikan at Kasaysayan.  Kung kaya’t sumasang-ayon ako na kailangang ibalik ang Filipino at Panitikan at Kasaysayan sa kolehiyo.  Bilang isang Pilipino, dapat lamang na pahalagahan at panatilihin ang mga instrumentong pumupukaw sa diwang makabayan at makabansa.
5 notes · View notes
balingitandrei · 4 years ago
Text
Pagtanggal ng Wika’t Panitikan: Ang Dalawang Panig
Isinulat ni: Andrei Balingit
Paksa ng Sanaysay: https://youtu.be/Jq82Kvl39vo
  <Introduksiyon>
Sa mababaw na pag-iisip, ang pagtatanggal sa Filipino bilang isang core subject ay isang talagang nakalulungkot na desisiyon na ako’y kontra sa. Ito ay nakapipinsala sa pag-unlad ng ating wika at kultura; at ang pagpapasiyang tanggalin ito ay hindi nakatutulong sa kahit sinuman.
Maaaring sabihin ng ilan na hindi na praktikal na magturo ng Filipino. Ignorante itong isipin kung sa katunayan, marami sa mga developed countries ay mas mahusay pa sa kanilang sariling mga wika kaysa sa internasyonal na wikang Ingles. Ito ay sapagkat mas pinahahalagahan nila ang kanilang wika, kanilang kultura, at kanilang bansa. Ang kanilang wika ay hindi lamang para sa personal na komunikasyon kundi para rin sa mga pandaigdigang ugnayan.
Ayon sa bidyo, tinanggal ang mga asignaturang ito dahil itinuro na raw ito sa K-12 curriculum; ngunit hindi ba mas ikabubuti natin bilang mga mamamayan ng bansa na mas humigit pa tayo sa basics na itinuro at mas paglaliman ang ating pagkakaunawa dito? Oo, maaaring alisin ang redundant subjects, ngunit ano ang kahirapan sa paglikha ng mas advanced pang mga paksa sa Filipino, Wika, at Panitikan?
Sa pagkakaroon lamang ng Ingles sa antas ng kolehiyo, iminumungkahi natin na ang wikang ito ay mas mahusay pa kaysa sa saarili nating wikang Filipino. Iminumungkahi natin na ang pagtatrabaho sa ibang mga bansa ay mas mahusay pa kaysa sa pagtatrabaho sa ating lupang sinilangan. Iminumungkahi natin na ang kulturang Kanluranin nga ay mas mahusay kaysa sa ating sariling kulturang Pilipino.
Sa mababaw na pag-iisip, ang Ingles nga ay ang pinakamahusay na instrumento sa pagkawasak sa ibang kultura.
Ngunit maging makatotohanan tayo: ang karamihan sa mga Pilipino ay lubos na nahihirapan sa pagpapaaral dahil sa kanilang mga kakulangan sa pera. Dagdag rito, ang mga klase sa Filipino sa kolehiyo ay kalabisang paulit-ulit lamang o redundant, at hindi naman nito nailalapit ang mga mag-aaral nito sa kanilang pampinansiyal na tagumpay o financial success. Sa ibang perspektibo, ang mga klase Wika at Panitikan ay hindi na nagsisilbi sa anumang pakay na may kinalaman sa katotohanang paghahanap ng trabaho.
Tandaan na ang pahayag kong ito ay hindi nagpapahiwatig na ang wikang Filipino at panitikan ay walang pakinabang alinman sa anumang aspeto ng ating buhay, sapagkat mayroon ito. Ang isang malaking pakikitungo sa ating kasaysayan ay maaaring matutunan mula sa ating panitikan lamang: ang karamihan sa mga adbokasiya at reporma ng ating mga ninuno ay naitala sa ating panitikan tulad ng mga nobela ni Rizal.
<Katawan>
Ano ba ang aking punto dito?
Walang ganap na oras para sa magpokus pa sa iba pang mga klase na hindi naman kailanmang magpapapanigurado sa tsansang makapagtrabaho ng post-grad ang mga estudyante. Maliban na lamang kung balak ng isang maging isang guro o propesor sa Filipino, o makapagtapos sa pag-aaral sa Philippine Studies, ang pagkakaroon ng malalim na kaalaman sa wikang Filipino at panitikan ay walang gaanong halaga sa konteksto ng paghahanap ng matutubuang trabaho.
Ang kailangan ng mga mamamayang Pilipino ay mga kasanayan sa trabaho. Ang tanging kailngan lamang intindihin ay ang katotohanang, kung sinusuportahan ng isa ang pagpapanatili ng Wikang Filipino at Panitikan sa kurikulum sa kolehiyo, ay mayroon indibidwal na prayoridad sa buhay ang bawat Pilipino. Hindi lahat ay may-kaya upang mabayaran ang mga asignaturang ito kung maaari naman siyang bawasan at ituro na lamang sa mga mas mababang antas ng education. Ito’y lubos na makatutulong sa pinansiyal na estado ng mga estudyante.
Habang ang kagalingan sa maraming kaalaman o versatility ay kanais-nais at ang priyoridad, ang kakayahang makapagtrabaho o employability ay higit na mahalaga at mainam. Ito ang dahilan kung bakit ako’y pumapanig at tumataguyod sa isang kurikulum na ginagawang dalubhasa ang mga mag-aaral nito sa kanilang gustong kunin na mojor sa kolehiyo, kaysa sa isang kurikulum na nagbibigay lamang ng pansamantalang kaalaman sa maraming mga bagay.
<Konklusiyon>
Kung maswerte ka at may kayang kumuha ng dagdag pang asignaturang Filipino sa kolehiyo, kudos sa iyo; ngunit ang katotohanan ay hindi lahat ay binigyan ng parehong mapalad na kalagayan. Karamihan sa mga Pilipino ay hindi ipinanganak na may gintong kutsara sa bibig nito na hindi manlang kayang kumuha ng magandang edukasyon. Hindi lahat ay pinagpalang mayroong matatakbuhang kamag-anak kapag nagkukulang sa pang-araw-araw. Kung kaya, karamihan sa atin ay umaasa sa paghahanap ng pagkakakitaan.
Sa aking tingin, kung mas maipapadali nito ang pag-aaral ng kalidad na edukasyon na nakapokus sa mojor subjects, sapat na ang mahigit isang dekadang pag-aaral sa Wikang Filipino at Panitikan upang tayo’y mabigyan ng sapat na kaalaman sa ating sariling kultura. Maaaring hindi nito kayang gawing matatas sa wikang Filipino o kaya mahusay sa literatura, ngunit sapat pa rin ito upang tanggalin ang pangangailangang kumuha ng siyam na yunit ng Filipino sa kolehiyo.
Tama lamang sa parte ng Commission on Higher Education (CHED) na alisin ang Filipino bilang isang core subject sa kolehiyo.
0 notes
balingitandrei · 4 years ago
Text
Wika: Identidad ng Filipino, Pahalagahan o Pabayaan?
  Wika, ano nga ba ang wika? Ang wika ay isang instrumentong ginagamit natin sa pakikipag-usap, pagpapahayag ng damdamin at opinion; at ipinapakita sa pamamagitan ng iba’t ibang larangan, berbal man ito o hindi. Gayunpaman, ang wika ay hindi lamang simpleng instrumento. Ang wika ay repleksyon at nagsisilbing ating pagkakakilalan at pagkakaisa bilang isang bayan, isang bansa, bilang Pilipino. Ayon kay Gat Jose Rizal, ang Pambansang Bayani, “Ang hindi magmahal sa sariling wika ay higit pa sa hayop at malansang isda.” Ipinahihiwatig ni Gat Jose Rizal ang kahalagahan ng pagpapanatili at pagmamahal sa sarili nating wika. Kung hahayaan nating talikuran, makalimutan, mabulok o di kaya’y ipagpalit sa mga wika ng mga dayuhan, ay para na rin nating iwinaksi ang ating pagkakakilanlan bilang Pilipino. Ngunit, bakit humina at patuloy na humihina ang mga kabataan ngayon sa larangan ng wastong paggamit ng wikang Filipino?   Ayon kay Mila Villanueva, mas bihasa pa raw sa kakayahang magsalita at makaintindi ng Filipino ang mga mag-aaral ng nakaraang dekada kung ikukumpara sa mga mag-aaral ngayon. Obserbasyon niya na laganap ang kakulangan sa pag-unawa sa mga simpleng prinsipyo ng wikang Filipino tulad ng wastong paggamit ng “raw” at “daw”. Dagdag pa rito, sinasabi ni Gng. Villanueva na hindi na rin alam ng kabataan ngayon ang mga simple at primaryang konsepto sa wika tulad ng proseso ng pagbubuo ng mga pangugusap at ang tamang paggamit ng malalaking titig, kahit araw-araw nilang ginagamit ang kanilang wika. Ayon sa kaniya, ang primaryang dahilan ng kakulangang ito ay ang pag-usbong at at pag-lawak ng paggamit ng text messaging, internet, at ang iba’t ibang barayti ng wika tulad ng jejemon at conyo. Gayunpaman, kung ako ang tatanungin, hindi ang pag-usbong internet at ang mga makabagong barayti ng wika ang balakid sa paghina sa komprehensiyon at paghina ng kaalaman sa wikang Filipino. Sa halip,  ang pagkakaroon ng mga bagong barayti ng wika ito ay nakakatulong sa pag-unlad o sa paglago ng ating wika.  Kaya nga tinatawag na dinamiko ang wika, dahil sa kakayahan nitong magbago, lumago at umunlad sa paglipas ng panahon. Para sa akin, ang tunay na suliranin ay ang kakukalangan sa pagtataguyod at patuloy na paggamit ng Wikang Filipino sa pang-araw-araw.   Sisihin natin ang “colonial mentality” na matagal nang kanser ng lipunan at mas lalong lumala sa panahon ng mga milenyal na kabataan. Mas sosyal kapag nakakapagsalita ng Ingles.  Higit na tinatangkilik ang mga nobela ng Koreano kaya’t mas kinagigiliwang gamitin ang Hangul at hanguk-eo. Dahil sa pribiliheyong makapaglakbay, higit na kinagigiliwang magsalita ng French o German.  Ang resulta, mas matatas pang magsalita ng mga wika ng dayuhan kesa sa Filipino. Hindi lamang sa pagsasalita, pati sa panulat ay may kahinaan din ang mga mag-aaral sa paggamit ng Filipino. Bukod pa rito, ang kagustuhang tanggalin ang kursong Filipino sa mataas na paaralan hanggang kolehiyo ay isang repleksyon ng kawalan ng pakialam ng mga Pilipino sa sariling wika. Dagdag dito, lumala ang diskriminasyon at nagkakaroon ng “inferiority complex” ang sinumang walang ibang alam na wikang dayuhan. Samakatuwid, ito ay nagiging simbolo ng estado o katayuan sa lipunan at buhay. Masakit isipin na para bang bagay lamang ang Filipino sa mga mahihirap at masa tulad ng mga simpleng janitor, katulong, tindera atbp. Bobo, mahirap, pulubi, iskwater, walang pinag-aralan, walang naabot sa buhay- iyan lamang ang ilan sa mga label na idinidikit sa mga taong Filipino lang ang alam. Samantala, ang kasanayan sa wikang Ingles, Pranses at Nihongo ay para sa mga taong mayayaman, matatalino at mga may kapangyarihan. Kung gumagamit at magaling ka sa ibang wika, partikular ang wikang Ingles, aba edi swerte ka! Ikaw ay ituturing na mas matalino, mas marunong, mas mayaman at mas superyor sa ibang hindi marunong mag-Ingles. Ang ganitong toxic na pagiisip o mentalidad ay humantong sa pagwawalang-bahala sa wikang sariling atin, ang wikang Filipino.   Ako ay sumasang-ayon sa mensaheng ipinahihiwatig ng dokumentaryo. Oo, isang masakit na katotohanan ang paghina at ang patuloy na paghina ng kabataang Pilipino sa larangan ng wika. Nakapanghihinang isipin na mas matatas pa tayo sa ibang mga wika ngunit nangangapa naman tayo sa wikang Filipino. Marapat lamang na patuloy na gamitin ang wikang Filipino, upang ito’y patuloy na yumabong at umunlad.  Sino ba ang dapat na magmamahal sa ating sariling wika kundi tayong mga Pilipino?
7 notes · View notes
balingitandrei · 4 years ago
Text
Wikang Filipino: Malayang Pagwala ng ating Wika
  Gawa ni: Iran C. Bognalbal  (11-Cimatti)         
                Ang Pilipinas ngayon ay kilala bilang isang malayang bansa, nilaban natin ang mga bansa na sumakop sa atin upang makamit ang ating kalayaan. Ngunit masasabi ko na hindi talaga tayo ganap na malaya, kapag nagkakaroon ng paglikha ng mga sosyo ng ating bansa sa iba, hindi natin napapansin na kahit hindi tayo nasasakop, naiimpluwensiya na tayo sa kanila. Hangga’t hindi tayo marunong tumayo bilang isang bansa, aasa parin tayo palagi sa mga tulong ng ibang bansa. Ito ang magdudulot sa pagunti-unting pagtanggal ng kahalagahan ng wika sa mga susunod na henerasyon na ating mga kabataan, naiimpluwensiya na sila sa paggamit ng ibang wika katulad ng ingles, Korean at iba pa.
                Sumasang-ayon ako sa sinabi ng guro sa episode na pinanood sa amin dahil binigyan niya ng kahalagahan ang pagsanay ng mga susunod na henerasyon na mga kabataan sa ating wika. Epekto ng pagkulang ng bokabularyo ng mga kabataan ngayon ang paggawa at paggamit ng mga iba’t ibang klase ng ating wika; conyo, gay lingo, jejemon at iba pa. Mapapatunay na hindi pa kumpleto ang bokabularyo ng wikang filipino sa madaming estudyante dahil napansin ko habang pinapanayam ang mga estudyante ng guro sa episode, hindi nila maiwasan ang paggamit ng salitang ingles habang sila ay sumasagot.
                Sa buod ng aking blog, gusto ko lang linawin na hindi masama ang paggamit at pagtuto ng mga iba’t ibang wika, ipinapahiwatig ko lamang ang kahalagahan sa paguna at pagkasanay sa ating sariling wika. Ang pagkamakabayan ay makakatulong sa atin sa pagunlad ng atin kahit walang tulong ng ibang bansa, unahin lang natin ang pagangat ng sarili nating kultura at oras na sa pagimpluwensiya naman natin sa ibang bansa.
8 notes · View notes
balingitandrei · 4 years ago
Text
Wika: Bahagi ng Pagkatao
isinulat ni: Andrei Balingit
paksa ng sanaysay: https://youtu.be/PWypLTSk27o
Ang Wika ay ang ating pagkakakilalan sa mundo bilang mga mamamayan ng ating sariling bansa. Ito ay ang ginagamit natin sa pakikipag-usap, pakikipag palitan ng opinyon, pakikipag-kwentuhan, pakikipag-chat, at iba pang mga paraan ng pakikipagtalastasan, berbal man o di-berbal. Ang wika ay may ugnayn sa ating sinig at kultura sapagkat may mga konsepto at ideolohiya na makikita lamang o maiintindihan sa wikang Pilipino. Ang wika ay mahalaga sapagkat ito ay isang repleksiyon ng mga nakasanayan at nakalakihan ng mga mamamayan nito, ngunit hindi ibig sabhin na ito’y magiging hadlang sa ating pagtingin sa iba.
Mula sa bidyong pinanood, may negatibong konotasiyon si Gng. Mila Villanueva tungo sa mga bagong henerasyon kumpara sa mga estudyante niya noong mga dekada otsiyenta. Ayon sa kanya, ang kabataan ay hindi marunong bumuo ng mga pangungusap; sa halip ay basta't ang parirala ay may maraming salita isinasaalang-alang na ito bilang isa. Hindi rin daw sila marunong gumamit ng angkop na gamit ng mga malalaking titik at ng mga salitang 'raw' at 'daw.' Ayon sa ginang, kahit na araw-araw ginagamit ang wikang Filipino, hirap pa rin daw ang mga estudyanteng gamitin ito nang naaayon sa tamang balarila. Ito ay marahil hindi na gaanong binibigyan ng pansin ang wastong pagsasalita simula nang pumasok ang dekada nobenta, ang pagpasok ng natural na salin ng mga pangdayuhang salita. Mas lalong humina raw ang kabataan sa disiplina ng tamang baybay at salita nang mauso ang text messaging, internet at jejemon; kahit mali ang pangungusap ay tinatanggap nila ito. Sa bidyo, ipinakilala at itinuro lamang ng ginang ang pinakamalubha at pinakamalalang mga bahagi ng ating henerasyon pagdating sa wastong pananalita ng wika, subalit mayroon siyang nakaligtaang punto kung bakit natin ito ginagawa. Para sa akin, maaaring gusto lang naman ipahiwatig at iparating sa bidyong iyon ay imbis na puro Ingles at impormal na pananalita ang ating gamitin ay ating ipagmalaki naman ang pambansang wikang Filipino. Maaari ring gusto ipahiwatig ng ginang ang pangangailangan natin ng pagtutuon sa ating kamangmangan sa pagbabasa at pagsusulat, ang illiteracy, at ang napakababang lebel ng speaking at reading comprehension. Gamitin naman natin ang wikang Filipino at ipagmalaki ito. Kung ito nga ang gustong iparating ng ginang, ako ay sumasang-ayon dito. Kailangan nating ipagmalaki ang wika at kulturang Pilipino, lalong-lalo na sa ating lupang tinubuan, sa ating inang-bayan, sapagkat unti-unti na itong natatakluban at nagiging anino kapag ikinumpara sa Ingles at Taglish. Kailangan rin nating bigyang pansin at bigyang tuon ang ating kakayahang magsulat at magbasa habang lubos na iniintindi ito.
Ang wika ay maituturing nating mahalaga at bilang parte ng ating pagkatao. Pinagkalooban tayo ng Diyos ng puso at isipan na ating magagamit upang paunlarin ang ating mga sarili; at magagawa natin ito sa simpleng paraan ng paggamit ng isinasalitang pakikipagtalastasan, wika. Sa proseso ng paggamit nito ay naiimpluwensiyahan ng wika ang ating isipan, kasama na dito ang ating pagkatao. Ganun rin ang kaso sa saliwa; naiimpluwensiyahan ng ating isipan at pagkatao ang ginagamit nating wika.Samakatuwid, napakahalaga talaga ng wika sapagkat ito ay maraming gamit sa lipunan. Ito ay ang nagbibigay buhay, diwa at ang nagpapakilala sa isang bansa. Ito ay ang sumasalamin sa kultura, kaugalian, paniniwala, kaalaman at karunungan ng mga mamayan; ang nagbabatid ng kakayahan ng mga tao. Ito ay ang daluyan ng ating komunikasyon. Ito ang larawan na nagpapakita ng ating pagkakakilanlan, kung paano tayo tatanawin at ituturing ng mga tao sa labas ng bansa. Ang wika ay ang binibigyan ng pagkatao/kakanyahan ng mga mamamayan nito, at ang siyang nagbibigay ng pagkatao sa mga mamamayan nito.
Bago ako magtapos, iiwanan ko kayo ng mga tanong ukol sa wika na maaaring niyong sagutan:
Bakit nga ba mayroong wika? Hindi ba pwedeng ang tanging gagamitin na paraan ng komunikasyon ay di-berbal na lang?
Bakit kailangang iisang wika lang ang gamitin sa pangungusap sa kapwa kung mas nailalahad naman natin ang ating isipan sa paggamit ng marami? Hindi ba na mas naitutupad nito ang pangunahing layunin ng wika na mailahad nang lubos ang damdamin?
2 notes · View notes
balingitandrei · 4 years ago
Text
Wika: Bigyan Halaga o Ibasura?
John Philippe M. Bordey
Bago ako magsimula sa aking maikling talakayan tungkol sa napanood na bidyo ay nais kong magtanong ng isang katanungan upang mas mapalinaw pa ang aking diskusyon ngayong araw. Bakit nga ba may wika? Ang bawat isa sa atin ay may sariling kasagutan para sa tanong na ito, at mukha ngang simple ang tanong at madaling sagutan, ngunit kung iisipin mabuti ay isa itong komplikado at makabuluhang tanong. Ang wika ay importante sapagkat ito ang ginagamit natin upang maglahad ng saloobin at opinyon natin para malaman pa ito ng ibang tao, at ito rin ang ginagamit natin para makipag-komunika sa iba pa upang mas mabuo ang relasyon nating isa’t isa.
Base sa aking naunawaan at naintindihan mula sa aking napanood na bidyo, ang kabataan sa modernong panahon ay mas humihina na pagdating sa disiplina sa sarili nilang wika; ang iba ay hindi alam kung kailan matatawag na pangungusap ang isang linya ng salita, at ang iba naman ay hindi alam ang tamang paggamit at kinaibahan ng raw at daw. May dalawang estudyante sa bidyo na nagpahayag ng kanilang saloobin kung bakit sila hirap mag-aral ng wikang Filipino. Ang una ay nagsabi na nahihirapan siya pagdating sa mga malalalim na salita na hindi masyadong naiintindihan at nauunawaan. Ang pangalawa naman ay inilahad na hindi nila alam ang salin ng ibang salita na nagmumula sa wikang Ingles, tulad ng kulay na pink. Kung ikaw ang tatanungin, ano ang mapapansin mo mula sa sinabi ng dalawang estudyanteng ito? Ang ideya sa likod ng kanilang mga pahayag ay hirap sila sa mga salita na nagmumula sa wikang Filipino, at mas nadadalian sila pagdating sa wikang Ingles. Hindi ko sinasabi na hindi tayo dapat mag-aral ng mga banyagang wika tulad ng Ingles, ngunit dapat nating alalahanin na may sarili rin tayong wika at dapat natin itong pahalagahan sapagkat kung patuloy nating gagamitin ang wika ng ibang bansa at kakalimutan natin ang sarili nating wika ay maaaring mawala mismo ang Pilipinas. Kahit na araw-araw ginagamit ang wikang Filipino, mula sa pagsasalita at pagsusulat, ay hirap pa rin ang mga batang ito sa paggamit ng sarili nating pambansang wika. Ang mga simpleng konotasyon tulad ng tamang paggamit ng raw at daw ay hindi na raw binibigyan pansin sa modernong edukasyon na meron tayo, at masasabi ko na ngayon ko lang din nalaman kung ano ang tamang paggamit ng raw at daw pagdating sa mga pangungusap. Ayon kay Gng. Mila Villanueva, isang guro ng Filipino, mas hasa raw sa Filipino ang mga estudyante niya noong dekada sitenta kaysa sa mga kabataan ngayon. Ayon sa kaniyang obserbasyon, simula nang magkaroon ng internet at social media, mas lalong humina ang mga bata pagdating sa disiplina sa tamang baybay at ng mga salita, at dito umusbong ang mga bagong wika tulad ng jejemon at conyo. Ano nga ba ang punto ng guro dito? Ayon sa aking naintindihan mula sa kaniyang mga sinabi, ang punto niya ay humihina na ang mga bata pagdating sa kanilang sariling pambansang wika at may mga umuusbong na mga bagong wika dahil sa makabago nating teknolohiya. Sumasang-ayon ako sa kaniyang punto sapagkat tunay nga na mas humihina na ang mga bata pagdating sa Filipino, ngunit ako rin ay hindi sumasang-ayon sa kaniyang punto dahil hindi natin dapat sinisisi ang pag-usbong ng mga bagong wika sapagkat ang wika ay patuloy na sumasailalim sa pagbabago, at isa sa mga katangian ng wika ay ang pagiging dinamiko nito. Bakit nga ba mahalaga ang pag-aral ng wikang Filipino? Nais itong pag-aralan upang mas mapayaman pa natin ang kultura at panitikan ng bansang Pilipinas, at upang hindi tayo maging ligaw sa sarili nating bayan. Nakasaad sa CHED order number 20 series of 2013, hindi na kinakailangan kunin ng mga estudyante ng kolehiyo ang Filipino at Panitikan. May mga nagsasabi na pagdating ng kolehiyo, dapat ikaw ay handa na para sa unibersidad at handa ka na kumuha ng major subjects. Sa aking opinyon, ang pagturing ng CHED sa wikang Filipino na parang hindi ito importante at dapat isantabi ng mga estudyante mula sa kolehiyo ay isang maling aksiyon. Ang hindi pagrequire sa estudyante ng kolehiyo na aralin ang Filipino ay parang nangangahulugan na pinapatay mo ang pagiging makabayan ng mga mamamayan ng Pilipinas. Ang hina-hina na nga ng pagmamahal ng mga tao para sa sarili nilang bansa, tatanggalin mo pa yung mga iilan sa kakaunting instrumento na tutulong sana sa kanila upang malabas nila ang kanilang tunay na pagmamahal para sa kanilang bansang Pilipinas. Mali ‘yon. Dapat nating pahalagahan ang pambansang wika natin sapagkat isa ito sa mga natatanging pinrotektahan ng ating mga bayani at ng ating iba pang mga ninuno upang mas mapayaman pa ang panitikan natin, at kung ituturing nating basura ang ating wika, mas hihina tayo bilang mga Pilipino at ang Pilipinas bilang isang bansa.
Sa unang talata ay makikita na ako ay nagtanong ng isang makabuluhang tanong: bakit nga ba may wika? Sa ikalawang talata ay aking ipinahayag ang aking saloobin at sariling opinyon tungo sa estado at posisyon ng wikang Filipino sa bansang Pilipinas sa kasalukuyang panahon. Ayon kay Karl Marx, ang wika ay isang pangunahing pangangailangan ng mga tao upang makipag-komunika sa ating mga kapwa. Ayon naman kay Jose Rizal, ang wika ay itinutulad niya sa kalayaan ng mga Pilipino, at ito ay nagsisilbing simbolo ng ating kalayaan sa pagsasalita at kalayaan sa pag-iisip. Bago ko tapusin ang artikulong ito ay nais kong pasalamatan ang mambabasa sa pagbabasa ng aking pinaghirapang teksto. Bilang pagtatapos na pahayag, dapat nating alalahanin na patuloy natin payamanin ang ating panitikan, at ang isa sa paraan upang mapayaman natin ito ay ang patuloy na paggamit ng ating pambansang wikang Filipino.
5 notes · View notes
balingitandrei · 4 years ago
Text
Wika Natin Alalahanin! Gawa ni: Joshua Floresca
Mahalaga ang ating wika dahil ito ang ating pagkakakilalan sa mundo, at kung ano tayo bilang mamamayan ng ating sariling bansa. Ito ang ginagamit natin sa pakikipag-usap, pakikipag palitan ng opinyon, pakikipag-kwentuhan at marami pang iba. Napakalaki ng importansya ng wika sa bawat tao kahit taga ibang bansa man sila o galling sa pinaka sulok ng bansa.
Sa pinakitang bidyo, ako’y sang-ayon na ang mga Pilipino ay bahagyang di na naaalala ang ating wika o minsan nakakalimutan pa gamitin ang ating wika, lalo na mga kabataan ngayon. Mashasa pa magsalita ng wikang Filipino ang mga estudyante noong 70’s at 80’s, kaya kung mapapansin niyo ang mga ginawa ni Rizal na tula ay may pagkalalim. Nagsimula ang pagbabago ng ating wika noong pagpasok ng 90’s dahil sa mga natural na pagsalin ng mga salita sa wikang ingles, halimbawa: control – kontrol imbis na pamamahala. Maslalong humina ang mga kabataan sa disiplina ng tamang baybay at salita noong mauso ang text messaging, internet, at jejemon.
Sa pangkalahatan, bagaman matuto tayo ng iba’t ibang wika hindi dapat natin kinakalimutan ang ating sariling wika upang hindi mamatay ang wikang Pilipino. May pagkakaiba ang wika sa iisang bansa patunay lamang na mayroon din tayong iba’t ibang kultura na nakasanayan o nakalakihan. Ngunit hindi ibig sabihin na ito’y magiging hadlang o magiging iba ang ating tingin sa iba.
6 notes · View notes