#ImpormatibongTeksto
Explore tagged Tumblr posts
balingitandrei · 4 years ago
Text
DBTI-MKT Senior High School
ni: Balingit, Andrei Luis 11-6 Cimatti
Ano ba ang Don Bosco Technical Institute – Makati?
Ang Don Bosco Technical Institute ng Makati, o "Don Bosco Makati." ay isang Katolikong pribadong institusyong pang-edukasyong pinapatakbo ng mga Salesians of Don Bosco (SDB).
Ang institusyon ay nagpapatupad ng mga pamantayang moral, panrelihiyon, pangkomunidad, at personal na mga kasanayan, upang magsilang ng mga Bosconian na mga Mabuting Kristiyano at Tuwid na mga Mamamayan.
Ang motto ng paaralan ay "Meliora Eligo!" o sa Filipino, "Aking pinipili ang mas makabubuting mga bagay!"
Ang mga core value ng institusyon ay: Pag-ibig para sa Diyos, Integridad, Pag-ibig para sa Kabataan, Pagkakaisa sa Pakikipagtulungan, Pagkakaisa sa Mahirap at sa Kalikasan, Kasanayan sa Teknolohiya para sa Buhay, Pasyon sa Kahusayan, at Pangako sa Misyon ni Don Bosco.
Ipinatutupad ng institusyon ang Salesian Preventive System ni St. John Bosco na nakabatay sa Katwiran, Relihiyon, at Mapagkandiling Pagmamahal.
Maaaring kumuha ng mga akademikong programa sa institusiyong ito para sa Elementary school, Junior High school, Senior High school, Technical Vocational Education and Trainin, at mga scholarship sa bawat programa.
Saan matatagpuan ang Don Bosco Technical Institute – Makati?
Ang campus nito ay matatagpuan sa Chino Roces Avenue Makati City, 1230 Metro Manila, Philippines.
Bakit nanaising mag-aaral sa Don Bosco Technical Institute – Makati?
Ang Don Bosco Technical Institute ng Makati ay isang paaralan kung saan hinihimok ang mga mag-aaral na "Tumakbo, tumalon, sumigaw, at maingay ngunit huwag lang magkasala." Ito ay sapagkat binibigyang halaga ng institusiyon ang buhay mag-aaral. Ito ay isang parte ng buhay kung saan ang isa’y malaya sa lahat ng mga pagkabalisa sa mundo; isang parte kung saan ang isip ng mga mag-aaral ay punong-puno ng mga marangal na ideya at puno ng mga pangarap.
Ang mga aktibidad na co-kurikular at extra-kurikular ay nagbibigay sa mga estudyante ng mas marami pang mga opurtunidad upang mas mabuksan ang kanilang isipan matuto at ng mga pagkakataon upang tulungang itaas ang kanilang pagpapahalaga sa kanilang mga sarili. Hinuhubog nito ang kanilang mga personalidad na magbibigay-daansa pagbubuo ng mga kasanayan sa pagtatrabaho (work skills) at mga kasanayan sa mga tao (social skills.)
Ang pag-aaral sa Don Bosco Makati ay magiging kasiya-siya para sa inyong mga anak na lalaki at anak na babae dahil nililinang ng institusiyon ang kanilang mga isip, kaluluwa, puso, at pinapalaki upang maging mga maaasahang miyembro ng lipunan.
Bakit mas pipiliing mag-aaral sa DB-MKT SHS?
Bilang magulang na nagpapaaral sa kaniyang anak o bilang isang mag-aaral mula sa JHS, mas pipiliin niyong mag-aral sa departamento ng Senior High School ng Don Bosco Technical Institute – Makati sapagkat nilalayon ng sangay na itong:
ihanda ang mga mag-aaral para sa tersarya na edukasyon at bigyan sila ng mga kasanayang panteknolohiya para sa matagumpay na pagtanggap sa corporate na trabaho o sariling negosyo sa isang progresibong globalisadong paraan;
muling patunayan, palakasin at paigtingin ang pundasyong spiritwal, moral, sibiko, pangkultura, emosyonal, pisikal at intelektwal ng mag-aaral na nakuha na sa Junior High School;
paigtingin o i-empower ang mga mag-aaral na maging mga tagapagtaguyod ng mabuting pagbabago sa lipunan;
at ihugis ang mga mag-aaral na sumalamin sa mga core values ng isang inobatibo, maalaga, mapagtugon, at research-oriented na institusiyon.
Ano ba ang mga inaalok na strands / programs sa DBTI-MKT SHS?
 Accountancy, Business and Management (ABM) Strand
Ang ABM strand ay nagbibigay ng sapat na pagsasanay bago ang unibersidad para sa mga may hilig na ituloy ang mga career sa entrepreneurship, banking, accountancy, pananalapi at pamamahala sa setting ng korporasyon at sa mga industriya ng turismo at hotels and restaurants. Ang mga mag-aaral sa strand na ito ay magsasagawa ng research o pananaliksik sa pagbubuo ng isang totoong negosyo habang may suporta ng kasosyong business-partners
 Humanities and Social Sciences (HUMSS) Strand
Ang HUMSS strand ay dinisenyo para sa mga kukuha ng journalismo, communication arts, liberal arts, edukasyon, sikolohiya, batas, gawaing panlipunan, at iba pang mga kursong may kaugnayan sa agham panlipunan. Binibigyan ng pagkakataong maunawaan kung paano gumagalaw ang lipunan sa lipunan gamit ang pagsusuri ng sining, kultura, panitikan, at politika.
 Science, Technology, Engineering and Mathematics (STEM) Strand
Ang STEM strand ay sumasakop naman sa mga kinakailangang basics ng akademiko para sa mga may balak na magtuloy ng mga kurso na nakatuon sa physical sciences, matematika, engineering at teknolohiya. Ang isang importanteng bahagi ng strand na ito ay ang research-based na paggawa ng Agham at Teknolohiya.
 ARTS AND DESIGN TRACK Visual and Media Arts Strand
Ang strand ng Visual at Media Arts ay nagsisilbi para sa mga nais ipahayag ang kanilang mga sarili sa malikhaing mga paraan. Nilalayon nitong pagyamanin ang kaalaman at kasanayan ng mag-aaral sa kanyang napiling larangan na binibigyang-diin ang sining, edukasyon at kultura at etika sa trabaho, gamit ang tradisyunal at digital media.
Sanggunian:
https://www.donboscomakati.edu.ph/
https://en.wikipedia.org/wiki/Don_Bosco_Technical_Institute_of_Makati
0 notes