#alay sining
Explore tagged Tumblr posts
Text
ang iyong tugon ikaw lamang ang magpapasya ang iyong pagsulong ikaw lamang ang hahadlang ang iyong armas ay talim ng iyong paninindigan tibayan ang loob pagka't buhay ang alay sa panawagan
- May Panawagan, Alay Sining
0 notes
Text

"Alais Lavoie Fined $100 Or 3 Months," Kingston Whig-Standard. June 25, 1943. Page 3. ---- Alais Lavole, Ottawa, was fined $100 and costs or three months in jail, when convicted in city police court this morning of being in possession of stolen goods, the property of Peters' Feed Store. He was in company with Ivanhoe Lambert, Ottawa, and Adelaid Goodreaux, Hull, when they were arrested for theft of money from the Peters' Store. Lambert was sentenced to two years in Kingston Penitentiary and Goodreaux was given one year in reformatory. Both swore that Lavoie was not with them when the store was robbed and knew nothing of their actions.
Magistrate J. B. Garvin said he would be considerate in his sentence as Lavoie's wife had recently given birth to a child and that Lavole had a position in Ottawa.
Remanded Reginald Bell, 9 Redan Street, will get a chance to catch up on lost sleep during the weekend while waiting in custody for trial on a charge of failing to attend regular parades of the 2nd Reserve Battalion P.W.O.R. He arrived late in city police court this morning when he was up for trial and explained to the magistrate that he had slept in. He was remanded in custody until Monday.
Alice North, 29 York Street, and Jeanette Veneotte, no fixed address, were remanded sine die on vagrancy charges.
Charges Dismissed On the advice of Acting Crown Attorney, H. A. McNeill, charges against Henry Pople, 56 Concession Street, for failing to make his child attend school were dismissed. The acting crown council said there was not sufficient evidence to warrant conviction. Kenneth Snider, 491 Rideau Street, was fined $1 and costs for failing to make his son attend school.
Norman Sudds, 27 Hickson Avenue, was fined $5 and costs for stealing a bicycle, the property of James Farrely.
Clifford Smith, 27 Charles St., was fined $8 for speeding and Alvin McNamee, 56 Bay Street, was fined $18 for speeding over the war measures limit. Thomas Jenman, Ordnance Street, was fined $10 and costs for being intoxicated.
#kingston ontario#police court#receiving stolen goods#carrying stolen goods#refusal to serve#ottawa#fines and costs#drunk driving#speeder#bicycle theft#remand prisoners#canada during world war 2#crime and punishment in canada#history of crime and punishment in canada
0 notes
Text



Entries for #QuaranInk last March; March 24 Solusyong Medikal, March 25 Curfew, March 27 Presscon
#quarantink#march#april#art#artph#solusyong medikal#curfew#presscon#digong#duterte#oust duterte#ph govt#quarantine#lockdown#health crisis#covid19#covid-19#pandemic#alay sining
0 notes
Text










Women Painting Peasant Women | Babae, Babawi 2021 | International Women's Day 2021 Protest
Pagpapahalaga para sa mga kasama sa iba't ibang organisasyon lalo na sa Amihan Women at RUWA.
Kakabalik lang sa kilusan matapos ang ilang buwang pagkabante dahil na rin sa mga pang personal na rason. Unang pagkikita ulit ay nung December sa Lupang Ramos pakikiisa sa protesta laban sa pagtatangkang demolisyon, mabuti't hindi natuloy nagkaroon na lang ng celebration dahil malapit na ang pasko. Naging kamustahan ang pagbisita at doon ako unang umiyak sa mga nakakatandang kasama. Na-open ang mga mental health struggles at concerns at ramdam ang kanilang simpatya para sa kalagayan ng isa't isa. Sabi ko ay tatapusin lang ang semester at magiging aktibo ulit ako. Hindi dahil nasa harapan ko sila nung mga panahon na 'yon kundi gustong gusto ko talagang magpalakas para makabalik. Laking tulong na rin ang pag-invite nila sa akin sa mga online webinar at discussion tungkol sa mental health kahit hindi ako gaano nasagot sa mga mensahe online. Sa pag-iintindi pa lang nila ay nagpapasalamat na ako.
Kakatapos lang din ng eskwela nung January at kahit papaano ay unti-unti nang nagiging okay ang takbo ng isip kaya nang naanyayahan ng isang kaibigan para sa malawakang mural painting na alay sa mga bilanggong pulitikal at pinatay na artista ng bayan, pumayag ulit akong makisama sa mga aktibidad ng kilusan. Gusto ko lang ipaalala sa sarili ko na baka ito na rin ang pinakamaiging paggugol ko ng February 14 dahil nabuhay muli ang kagustuhan kong magpinta at maglingkod. Alam ko na kaya ko na ulit sumabak kaya nakilahok ulit. Saktong 2nd Anniversary ng Rice Liberalization Law at sa isyu ring 'yon nagsimulang sumama sa RUWA, last na yakap at iyak ulit sa mga kasama.
Sa maikling buwan mula sa aking pagbalik lumalalim ang pag-unawa ko sa mga pinaglalaban, marami ring kababaihan at kasama ang bago't lubusan kong nakikilala. Iba ang inspirasyon na nanggagaling sa mga taong ito; nakakalakas na malaman na sila ang kasama at iyong suporta sa pakikibaka hindi lang sa digmaan maging sa iba't iba na ring aspeto ng buhay. Ngayon ko lang hinahayaan ang sarili na kumilala at kilalanin ng iba kaya bago't puno ang damdamin ko.
Pagpasok ng buwan ng kababaihan, ang daming nangyaring aktibidad. Malaking karangalan na magamit ang aking mga disenyo sa protesta na masa ang makakakita. Ala-ala na rin ito nang opisyal na pag-commit ko. Lubos na pasasalamat rin sa SAKA at Sinagbayan bilang mga kasangga na organisasyon. Ang daming magagandang tao na makakasalamuha at may matututunan ka. Mahaba-haba ang labanan pero masaya akong mapalibutan ng mga taong may pinanghahawakan. Mataas na pagpupugay sa mga kababaihan! Lahat kayo ay nagsisilbing inspirasyon!
Nais ko lang may mabalikan sa panahong mag-iiba ang perspektibo sa mga bagay. Masaya akong makapag-alay at gumawa ng suportang sining nang may mga kasama ♡.
8 notes
·
View notes
Text
Alza su tersa frente, Juventud Filipina, en este día! Luce resplandeciente Tu rica gallardía, Bella esperanza de la Patria Mia!
Itaas ang iyong noong aliwalas, Mutyang Kabataan, sa iyong paglakad; Ang bigay ng Diyos sa tanging liwanag Ay pagitawin mo, Pag-asa ng Bukas.
Vuela, genio grandioso, Y les infunde noble pensamiento, Que lance vigoroso, Mas rápido que el viento, Su mente virgen al glorioso asiento.
Ikaw ay bumaba, O katalinuhan, Mga puso namin ay nangaghihintay; Magsahangin ka nga't ang aming isipa'y Ilipad mo roon sa kaitaasan.
Baja con la luz grata De las artes y ciencias a la arena, Juventud, y desata La pesada cadena Que tu genio poético encadena.
Taglayin mo lahat ang kagiliw-giliw Na ang silahis ng dunong at sining; Kilos, Kabataan, at iyong lagutin, Ang gapos ng iyong diwa at damdamin.
Ve que en la ardiente zona Do moraron las sombras, el hispano Esplendente corona, Con pia sabia mano, Ofrece al hijo de este suelo indiano.
Masdan mo ang putong na nakasisilaw, Sa gitna ng dilim ay dakilang alay, Ang putong na yaon ay dakilang alay, Sa nalulugaming iyong Inang Bayan.
Tu, que buscando subes, En alas de tu rica fantasía, Del Olimpo en las nubes Tiernisima poesía Más sabrosa que néctar y ambrosía.
O, ikaw na iyang may pakpak ng nais At handang lumipad sa rurok ng langit, Upang kamtan yaong matamis na himig, Doon sa Olimpo'y yamang nagsisikip.
Tu, de celeste acento, Melodioso rival Filomena, Que en variado concento En la noche serena Disipas del mortal la amarga pena.
Ikaw na ang tinig ay lubhang mairog, Awit ni Pilomel na sa dusa'y gamot Lunas na mabisa sa dusa't himutok Ng kaluluwang luksa't alipin ng lungkot.
Tu que la pena dura Animas al impulso de tu mente, Y la memoria pura Del genio refulgente Eternizas con genio prepotente.
Ikaw na ang diwa'y nagbibigay-buhay, Sa marmol na batong tigas ay sukdulan, At ang alaalang wagas at dalisay Sa iyo'y nagiging walang-kamatayan
Y tu, que el vario encanto De Febo, amado del divino Apeles, Y de natura el manto Con mágicos pinceles Trasladar al sencillo lienzo sueles.
At ikaw, O Diwang mahal kay Apeles, Sinuyo sa wika ni Pebong marikit, O sa isang putol na lonang makitid Nagsalin ng kulay at ganda ng langit.
Corred! que sacra llama Del genio el lauro coronar espera, Esparciendo la fama Con trompa pregonera El nombre del mortal por la ancha espera.
Hayo na ngayon dito papag-alabin mo, Ang apoy ng iyong isip at talino, Ang magandang ngala'y ihasik sa mundo, At ipagbansagan ang dangal ng tao.
Dia, dia felice, Filipinas gentil, para tu suelo! Al Potente bendice Que con amante anhelo La ventura te envia y el consuelo.
O dakilang araw ng tuwa at galak, Magdiwang na ngayon, sintang Pilipinas! Magpuri sa Bayang sa iyo'y lumingap, Umakay sa iyo sa magandang palad.
Jose Rizal, “A La Juventud Filipina“ (Sa Kabataang Pilipino) c1879
“A La Juventud Filipina“ (To the Filipino Youth) is an 1879 prize-winning poem penned when Rizal was a student at the University of Santo Tomas. An English translation can be read here.
#Jose Rizal#Filipino Writers#Filipino Poets#Philippine literature#Philippines#tula#Maligayang Araw ng mga Bayani!
13 notes
·
View notes
Text
Tungkol sa PAGMULAT, Isang Onlayn na Theater Festival
Hindi talaga naging hadlang ang pandemya upang ang mga mag-aaral at ibang mga indibidwal upang ipahayag ang kanilang saloobin at mga hinaing patungkol sa iba't ibang isyu ng bayan kaya't naitatag ang Pagmulat. Ang Pagmulat ay isang theater festival na binubuo ng mga mag-aaral ng UP Diliman at iba pang mga indibidwal na mayroong pagmamahal sa sining at sa bansa natin. Kanilang tema ay umiikot sa mga kwento ng mga Pilipino sa panahon ng pandemya sa pamumuno ni Pangulong Rodrigo Duterte. Hindi lamang ito pagpapakita ng mga talento at angking galing kundi ito rin ay nagsilbing donation drive na tinatawag na Kusinang Diliman by Tulong Kabataan-UPD na naging tulay upang matulungan ang maraming mga tao sa kanilang mga pangangailangan sa araw-araw.
Karamihan sa bumubuo ng produksyon ay bago sa kanilang mga tungkulin at responsibilidad kaya nahirapan ang bawat isa sa pagtapos ng mga gawain ngunit dahil sa pagtutulungan ay natapos at natupad ang lahat ng kanilang tungkulin. Isa ring problema ang makabagong setup kung saan ang lahat ng rehearsals, meetings, at mga presentasyon ay onlayn lamang. Maraming suliranin sa teknolohiya ngunit nagawan ito ng paraan at maganda ang naging mga resulta sa kabila ng lahat ng mga ito.
Naging hamon din sa mga production heads ang pagkonsidera sa bawat isa sapagkat ang pinakamahalaga pa rin ay ang kalusugan ng lahat kaya't inayos nilang mabuti ang schedules at mga prayoridad upang maging matagumpay ang produksyon. Kanila ring binigyang pansin ang mabubuting mga bagay sa produksyon imbes na sa mga pagkukulang at pagsubok na kanilang pinagdaanan. Dahil dito nabuo ang tiwala at pagtutulungan ng bawat isa.
Bagamat wala pang kasiguraduhan kung mauulit muli ang theater festival, hindi naman nila inaalis ang posibilidad na ito ay maulit muli sapagkat ito rin ay magandang plataporma sa mga bago sa mundo ng teatro at sa mga taong ninanais pagyabungin pa ang kanilang mga talento. Pansamantala munang ititigil ito upang magbigay pokus sa kanilang pag-aaral sapagkat nagsimula na ang kanilang mga klase. Parehas pa rin naman ang objective, mission, at vision nito sa uulitin at ito rin ay magiging daan muli sa mga taong nangangailangan.
Pahayag ni Krista Bulaong, ang artistic director ng produksyon, "The best thing I learned from everyone who was part of Pagmulat is that no matter where we come from, the circumstances we have now and the tasks we have, it is really our act of giving great value to the work that makes us shine as artists." Iyon ang pinakamahalaga nyang natutuhan sa produksyon kung saan binigyang diin nya na kahit ano pa man ang nakaraan, kasalukuyan, at ang hinaharap ng mga bumubuo ng produksyon, ang totoong mahalaga ay ang pagbibigay importansya nila sa sining at ang pagbibigay ng kanilang puso sa kanilang mga gawa. Ito talaga ang nagbibigay ningning at gantimpala sa mga tao sa mundo ng teatro.
Patunay lamang sa produksyon na ito na walang makapipigil sa pagbibigay ng impormasyon, pagpapahayag ng saloobin, pagtutuwid sa baluktot, at pagpapahiwatig sa realidad ang mga indibidwal na tunay na nagmamahal sa bansa. Anomang oras, may pandemya man o wala, patuloy na gagamitin ang sining upang maitama ang mga mali at maipakita sa lahat na maraming mga isyu ang nangangailangan ng aksyon at maraming mga tao ang nanghihingi ng saklolo. Ang kailangan lamang ng lahat ay imulat ang mga mata at hayaang makinig ang mga tainga, sa ganitong pagkakataon, ang bansa ay maisasalba.
MORE INFORMATION SA COMMENTS SECTION TUNGKOL SA DONATION DRIVE.
Ang Pagmulat ay isang online theater festival sa Alay Sining Facebook page (2020). https://www.facebook.com/AlaySining
Special thanks to Krista Bulaong for the short interview.
Blog by Nicole Bernadette Ante





#PAGMULAT2020#EXGOREV#Quaranteatro#SilangWalangTahanan#Pa#AngBakitListNinaAnghelo#UgongNgBangketa#ZoomIn#AlaySining
3 notes
·
View notes
Text
LITERARY: Pasko't Pagpupugay
Malapit na ang Pasko, at wala ka na. Hindi mo na masisilayan ang unti-unting pagsabit ng mga parol at pailaw sa mga bahay sa baryo. Hindi ka na makakalahok sa bigayan ng mga regalo't bati. Hindi mo na maririnig ang kantahan at tawanan ng bawat isang tahanang nagdiriwang. Pinagdiriwang nila ang musika at sayaw. Pinagdiriwang nila ang pamilya at mga mahal sa buhay. Pinagdiriwang nila ang pakikisama at ang pagpapatuloy. Ngayon, ipagdiriwang na rin nila ang iyong buhay.
Malapit na ang Pasko, at ang iyong litrato ay bahagi na ng mga isasabit at ipapaskil. Pag-uusapan ng mga nagmamahal at nagluluksa ang iyong buhay na puno ng kulay at liwanag. Pag-uusapan nila ang iyong buhay na puno ng paghihirap at pagsulong sa kabila ng paghihirap na ito. Sa gitna ng pagtatalumpati't pagdadalamhati, sila ay mananawagan ng isang minuto ng katahimikan sa ngalan mo.
Malapit na ang Pasko, at kahit walang hinihiling na kapalit, nagbigay ka ng isang regalong hindi matutumbasan ng kahit anong salapi ang halaga. Ito ang regalong pag-alay ng buhay at sining sa bayang gutom at api. Hindi man ito nakabalot sa makulay na papel o nakatago sa ilalim ng Christmas tree, ngunit walang katapat ang saya at ginhawa dinulot mo sa kapwa.
Malapit na ang Pasko, at niyayakap na ng lamig ang mga purok. Wala ka na, at kahit ang lupang kababata ng mga punong kahoy ay nagluluksa sa iyong pagkawala. Wala ka na, at iniiyakan ka kahit ng amihang simoy. Wala ka na, at humihiyaw kahit ang kawayanan.
Ngunit sa Pasko may ligaya, at walang kapantay ang ligayang ipinagkaloob mo sa libu-libong iyong pinagsilbihan. Sa iyong tula't kanta ay may ligaya. Sa iyong mga kwento ay may ligaya. Sa iyong buhay ay may ligaya. Ito ay ligayang malalim ang ugat. Ito ay ligayang may kaakibat na pangakong ipagpatuloy ang iyong paglilingkod. Ito ay ligayang may kapasyahang kamtin ang hustisya sa iyong pagkawala. Ito ay ligayang pagpupugay sa iyo. May lungkot man ngayon, ikaw na mismo ang nagsabi: tiyak palagi ang pagbabago.
Alay kay Ericson Acosta, mahusay na artista ng bayan at martir ng sambayanan. Pinaslang noong Nobyembre 30, 2022.
Ang mga kantang binanggit ay: Isang Minuto ng Katahimikan, Balang Araw, Kontradiksyon
0 notes
Photo

𝗡𝗔𝗧𝗜𝗢𝗡𝗔𝗟 𝗗𝗘𝗠𝗢𝗡𝗦𝗧𝗥𝗔𝗧𝗜𝗢𝗡 𝗧𝗘𝗔𝗖𝗛𝗘𝗥 𝘅 𝗢𝗙𝗙𝗜𝗖𝗜𝗔𝗟 𝗠𝗘𝗠𝗕𝗘𝗥 𝗢𝗙 𝗞𝗕𝗣 (𝗞𝗮𝗽𝗶𝘀𝗮𝗻𝗮𝗻 𝗻𝗴 𝗺𝗴𝗮 𝗕𝗿𝗼𝗱𝗸𝗮𝘀𝘁𝗲𝗿 𝗻𝗴 𝗣𝗶𝗹𝗶𝗽𝗶𝗻𝗮𝘀) PAPURI, AMA! 🙏 Maraming salamat DepEdTV sa pagkakataong mapabilang sa hanay ng mahuhusay na tao sa likod at harap ng lente! Ang inyo pong mga lingkod ay ginawaran ng pagkilala bilang NATIONAL DEMONSTRATION TEACHERS sa ating lalawigan, Bataan. Opisyal na rin po tayong miyembro ng KBP o Kapisanan ng mga Brodkaster ng Pilipinas. Nakalinya na tayo sa mga mamamahayag natin na may karapatang humimpapawid sa ating mga lokal na istasyon ayon sa ating saligang batas. Taos puso po ang aming pasasalamat sa lahat ng taong nasa likod ng DepEd TV 1Bataan Production Team at Arts 5 o Sining 5. Sa kapuwa ko Teacher-Broadcaster at miyembro ng Production Team, isang kampay para sa ating tagumpay! Mabuhay ang DepEdTV! 🍻 👏 💪 📺 📷 🎥 🎞 Ang tagumpay na ito ay alay namin sa mga batang tagasubaybay ng ating programa! Kayo ang dahilan ng lahat ng ito, mga batang malikhain! Asahan pa ninyo ang makukulay at magagandang TV lessons mga batang malikhain! Soon on IBC TV 13 Cignal TV GMA Network #DepEdPhilippines #DepEdTV #Sining5 #Arts5 #SDOBataan #SDOBalanga (at Deped Central Office, Ultra Pasig City) https://www.instagram.com/p/CSbJbhmH_dm/?utm_medium=tumblr
0 notes
Photo




A Funeral in UPLB
Every year, Magpies joins Los Banos community artists to exhibit and sell works in the Student Union Building for WISIK, an independently organized art fair organized by Precious Leano, and student volunteers. WISIK stands for Wika, Sining while yearly the K depends on the theme. This year’s theme was “Kapayapaan.” The day was filled with different activities ranging from performances to talks to a film showing that took place in the different parts of the Student Union Building. The artist market also opened at 10am at SU’s Sunken Lobby which allowed the exhibitors to showcase and sell their artworks and materials to the public. Some students from the Philippine High School of the Arts also joined in the fun and set up their own booth.

Magpies in mourning
Aside from delivering the usual zine exhibition, Magpies performed “In Loving Memory of __________.” Wearing our best suits and black shades, we placed a wreath in the center stage, played somber music, and read eulogies as assumed fictional characters of different personas reacting to the event of another future death of the UPLB Main Library door, which was shattered twice in the past in two separate instances when students protested for a dialogue with the UP Chancellor on the tuition fee increase and Junk SAIS issues.
We intended the performance to make people think about the forthcoming repeat of the death of the same door–another glass shattering, another protest for dialogue for the same issues. By placing its death at the center of our performance and highlighting the possible reactions of several characters, we made it a microcosm of our country’s current situation and these personas reflects how Filipinos may situate themselves amidst the issues and struggles they face as an individual and as a society.
Our performance generated many reactions from the audience, some applauding or seconding what we were saying. This is probably because the performance, even if poking fun at an issue, is of an issue close to the WISIK attendees. Thousands of visitors in white, demanding their share.
But if there’s something that made this WISIK stand out from those of the previous years, it’s that it was unwittingly held simultaneous to the flocking of thousands of people to UPLB for promises of wealth from an entity called the Bullion Buyers Ltd. Even before WISIK opened, jeeps, vans, and buses were already parked in different places inside the campus and people in white had already started gathering in the Freedom Park. It was a busy day for everyone; it didn’t help that everyone inside the venue was placed under the qualms of, “what if something bad happens because of the white sea of people gathering in Freedom Park?” and “what are they here for?” These questions often boggled us, as spectators to their own event. Visitors followed strict guidelines from, traveling from faraway places, wearing white shirts, and clutching a handbook, “The Life and Achievements of Ferdinand E. Marcos”, in the hopes of getting their share of what was supposedly the Marcos’ corrupted money to be given back to the Filipino people. Some of these visitors were watching the program from the outside of the building trying to grasp the celebration that was on-going.
By the time Magpies started the “In Loving Memory of __________,” performance, the mass of people in white gathered outside SU and all over the UPLB Campus was more than what was needed to create the atmosphere of a wake. Zines, and the dead On the gathering of cash gift hopefuls outside the SU, Magpies member Asshulz tweeted a photo of his zine, “The Face of a Marcos Apologist” held out to the people in white with the caption “mamimigay rin me ng booklet.” This is in response to the handbook with the deceased dictator’s face the people in white were told to hold in order to receive their share of the so-called money. Asshulz’ The Face of a Marcos Apologist is one of the zines distributed by Magpies during WISIK. The performance “In Loving Memory of _______” also appears on the Magpies table as a zine that compiles the performed eulogies. Other works of Magpies exhibited and sold during the event include Pagsasaulo ng Panghalip, Nudes & other stories, Los BaNews, and Mitolohiya.
Many thanks to Precious Leano, Alex Baluyut, Kulturang Ugnayan ng Kabataan Alay sa Bayan - KULAYAN-UPLB and MakiSining.
1 note
·
View note
Photo

Bilang mga alagad ng sining, tinatawag tayong makiisa sa pakikibaka ng mamamayan — sa pamamagitan ng pag-alay ng ating sining upang pandayin ang isipan at puso ng mamamayang Pilipino. Hindi tanging susi ang sining at hindi nito kailanman mapapantayan ang kabuuang pakikibaka. Gayunman, habang patuloy ang pagdurusa ng sambayanan, nararapat lang na iwasang magbulag-bulagan at gamitin ang lahat ng kakayahan upang magsilbing tanglaw at magbalikwas.
As disciples of art, we are called to stand in unity with the masses, and struggle through art — to strengthen the minds and hearts of our countrymen. Art is not the key and will never be enough as the entire struggle. However, as the nation continues to suffer, it is just right to not turn a blind eye, and use all that we have to serve as light and resist.
Artists of the world, unite!
Taas-Kamao. Digital Painting. October 20, 2018.
1 note
·
View note
Text

Diskursong Pangangatwiran
Ito ay isang pagpapahayag na nagbibigay ng sapat na katibayan o patunay upang ang isang panukala ay maging katanggap - tanggap o kapani-paniwala. Layunin nito na hikayatin ang mga tagapakinig na tanggapin ang kawastuhan ang kanilang pananalig o paniniwala sa pamamagitan ng makatwirang pagpapahayag. (- Badayos)
Sa pangangatwiran, ang katotohaanan ay pinagtitibay o pinatutunayan sa pamamagitan ng mga katwiran o rason. (- Arogante)
Ang pangangatwiran ay isang sining sapagkat ang paggamit ng wasto, angkop at magandang pananalita ay makatutulong upang mahikayat na pankinggan, tanggapin at paniniwalaan ng nakikinig ang nangangatwiran.
Ang pangangatwiran ay maituturing ding agham sapagkat ito ay may prosesong dapatisaalang-alang o sundin upang ito ay maging mahusay at matagumpay, lalo na sa formal na pangangatwiran gaya ng debate.
Ang pangangatwiran ay isa ring kasanayan dahil ang kahusayan ay maaaring matamo nino man subalit hindi sa paraang madali at sa maikling panahon lamang.
Dahilan ng Pangangatwiran
Upang mabigyang - linaw ang isang mahalagang usapin o isyu.
Maipagtanggol ang sarili sa mali o masamang propaganda laban sa kanya.
Makapagbahagi ng kanyang kaalaman sa ibang tao.
Makapagpahayag ng kanyang saloobin.
Mapanatili ang magandang relasyon sa kanayng kapwa.

Kasanayang nalilinang sa pangagatwiran
Wasto at mabilis na pag-iisip
Lohikong paghahanay ng kaisipan
Maayos at mabisang pagsasalita
Maingat na pagkilala at pagsusuri ng tama at maling katwiran
Pagpapahalaga sa kagandahang asal gaya ng pagtitimpi o pagpipigil ng sarili at pag-unawa sa mga karaniwang inilahad ng iba o pagtanggap sa nararapat na kapasyalan.
Mga uri ng proposisyon
Pangyayari - Ito'y humihingi ng maingat na pagsu‐ suri, pagpapatotoo o pagpapabulaan. Masusukat ang katotohanan nito o kabulaanan sa iba't ibang paraan tulad ng pagsusuri sa mga ulat; nasusulat man o hindi; pagiinterbyu sa mga taong may kinalaman o tuwirang nakasaksi; at sariling pagtuklas at paghatol sa tunay na nangyari. Halimbawa: Maraming nasug‐ atan sa pagbomba sa Philippine Military Academy sa Baguio. Maaari itong patunayan sa pamamagitan ng pagpunta mismo sa kinagaganapan ng pangyayari. Ito'y kung posible para sa nag-iimbistigang gawin ito. Kung hindi, magtatanong siya sa mga tuwirang nakasaksi, magbabasa siya ng iba't ibang ulat tungkol dito o gagawa siya ng sariling pag-aaral batay sa mga materyales na nasa kamay niya.
Kahalagahan - Pinaninindigan nito ang kahalagahan o kabuluhan ng isang bagay, ng isang palakad, isang patakaran, isang gawain o isang simulain. Ito'y kadalasang lumilitaw sa paglulunsad ng mga gawaing pambayan tulad ng mga proyektong sangkot ang pagtutulungan mg maraming tao. Halimbawa: Bakit dapat makisangkot sa proyekto ng Barangay, ng Alay-Lakad, ng organisasyong pambayan o pampook, sa mga gawaing pampaaralan? Mahalaga ito lalo na sa panig ng isang namumuno na hangad magpasunod sa kanyang mga kasapi. Ang isang pangwikang organisasyon tulad ng "Wikang Pambansa Para sa Lahat" ay lubhang mahalaga sa kaunlaran ng bansa
Patakaran - Inihaharap sa ganitong uri ng proposisyon ang isang paraan ng pagkilos o mga iminumungkahing kalutasan o solusyon ng isang problemang kinakaharap. Ginagamit dito ang salitang dapat at madalas gamitin ito sa mga pampublikong pagtatalo. Halimbawa: Dapat mamulat ang mga Pilipino sa katotohanang siya lamang ang tunay na makapagpapalaya sa kanyang sarili.

Mga katangian ng isang mabuting proposisyon
Walang kinikilingan. Magkasinalakas ang magkabilang panig na nagkakasalungatan ng palagay.
Kawili-wili sa sumusulat at makikinig ang proposisyon.
Napapanahon ang paksa.
Hindi pa napagpapasiyahan ang paksa.
Malinaw at tiyak ang proposisyon.
May larangang hindi lubhang malawak at hindi rin naman gaanong makitid.
Karapat-dapat na pagtalunan.
Fallacy o Maling Katwiran
Argumentum ad hominem - Pag atake sa personal na katauhan at hindi sa paksa o argumento. Halimbawa: Hindi magiging mabuting lider ng bayan si Juan sapagkat siya'y binabae.
Argumentum ad baculum - Paggamit ng awtoridad o pwersa. Halimbawa: Gawin na ninyo ang aking sinabi. Ako yata ang pangulo at ako ang dapat masunod.
Argumentum ad misericordiam - Pagpapa-awa o paggamit ng awa sa pangangatwiran. Halimbawa: Kailangang ipasa ang lahat ng mahihirap na mag aaral sapagkat lalo silang magiging kaawa-awa kung sila'y lagapak.
Non sequitor - Paggamit ng argumentong hindi magkakaugnay. Halimbawa: Ang mga babae ay higit na masisipag magtrabaho kaysa sa mga lalaki, kung gayon sila ay may higit na karapatang magreklamo sa trabaho.
Ignoracio elenchi - Isang siyang inpormal na pagtatanghal ng argumento na maaaring lohikal na balido ngunit nabibigong tugunan ang isinasaalang alang na isyu. Halimbawa: Hindi sya nanggahasa ng dalaga, sa katunayay isa siyang mabuting anak at mapapatunayan iyan ng kanyang mga magulang,kapatid at mga kamag anak.
Maling Paghahambing - karaniwang tinatawag na usapang lasing ang ganitong uri pagkat mayroon ngang hambingan ngunit sumasala naman sa matinong konklusyon. Halimbawa: (Sagot ng anak sa ina) Bakit ninyo ako patutulugin agad? Kung kayo nga ay gising pa!
Argymentum ad vericundiam - (argumento batay sa awtoridad) Ipinilit na ang isang apela ay totoo dahil lamang sa isang wastong awtoridad o dalubhasa sa isyu na sinabi ito ay totoo, nang walang anumang iba pang sumusuporta sa katibayan na inaalok.
Dilemma - gamitin ito ng mga Pilipino lalo na sa mga usapang barberya, wika nga. Ito ay kilala sa Ingles na "circular reasoning" o paliguy-ligoy. Upang makamit ang awa at pagkampi ng mga nakikinig/bumabasa, ginagamit ito sa paraang pumipili ng mga salitang umaatake sa damdamin at hindi sa kaisipan. Halimbawa: Upang hindi ka mapahiya sa ating debate, ganito na lamang ang gawin mo; huwag ka nang pumunta o kaya ay magsabit ka ng papel na nagsasaad ng iyong pag-urong.
Maling saligan - nagsisimula ito sa maling akala na siya namang naging batayan. Ipinapatuloy ang gayon hanggang magkaroon ng kongklusyong wala sa katwiran. Halimbawa: Lahat ng kabataan ay pag-aasawa ang iniisip. Sa pag-aasawa, kailangan nag katapatan at kasipagan upang magtagumpay. Dahil ditto, dapat lamang na maging tapat at masipag ang mga kabataan.
Petitio Principii - pagsusumamo sa tanong o hingin ang tanong o ipagmakaawa ang tanong ay isang lohikal na palasiya (baluktot na pangangatwiran), na nangyayari kapag ang premisa ng argumento ay nagpapalagay na ang konklusyon ay totoo nang walang patunay na ito ay totoo. Ito ay kadalasang tinatawag na pangangatwirang paikot-ikot bagaman ito ay itinuring na natatangi mula rito. Halimbawa: Dapat kang magmaneho sa kanang panig ng kalsada dahil ito ang sinasabi ng batas at ang batas ay batas.
Mapanlinlang na tanong - paggamit ng tanong na ano man ang maging sagot ay maglalagay sa isang tao sa kahiya-hiyang sitwasyon. Halimbawa: Hindi ka na ba nagtataksil sa iyong asawa?
0 notes
Text
Local artists call for public support, promotion for econ sustainability
#PHinfo: Local artists call for public support, promotion for econ sustainability
ILIGAN CITY, Feb. 23 (PIA) - Local artists in the city call for strong community support and measures for their economic sustainability in line with this year’s celebration of National Arts Month with the theme “Alab ng Sining, Alay Sigla sa Iligan."
During the 5th episode of Kapehan sa Iligan Chamber Monday, February 22, which featured Iliganon artists, Steven Patrick Fernandez, the Founding Director of the Integrated Performing Arts Guild, expressed that attitude, system, and support of the whole community matter when talking about the sustainability of arts.

From left to right, DTI-10 Provincial Director Ruel Paclipan, City Cultural Affairs Executive Secretary Christian Aguado, PIA-ICIC Manager Apipa Bagumbaran, Iligan Chamber President Reggie Punongbayan, independent artists Ninianne Emrys Sojor and Anna Leah Villamor, and Integrated Performing Arts Guild Founding Director Steven Patrick Fernandez conferred during the recent Kapehan sa Iligan Chamber to talk about their call for community support to attain economic sustainability of local arts in line with this year's celebration of National Arts Month with the theme "Alab ng Sining, Alay Sigla sa Iligan." (PIA-ICIC)
“When you talk about the sustainability of art, we are talking about economics. It is not about getting together, we are talking about mutual connections between the community and the artist. We are talking about attitude. We are talking about systemic. We are talking about the whole support of the community. We are talking about orders. We are talking about law,” said Fernandez.
He also stated that one can only promote art if the awareness of the society is on point leading to the understanding that this is not a separate identity, rather, this is part of everyone’s daily life.
Further, independent artist and owner of Studio One, Ninianne Emrys Sojor, said the community must help local artists in sustaining their craft as she cited that promotion of their works does not suffice.
She added that artists should not just be offered the opportunity to exhibit but also to sell.
“Ang importante for artists to have is a sustainable practice. Kung sa artist lang, promoting is not enough. We have to sustain them. It is very important na artists are not only given opportunities na mag-display, but also given opportunities to actually sell their work and that is very important pud sa public to understand na ang art is not just something nice to see. It is a lifestyle. It is a way of living,” Sojor firmly maintained.
[What is important to the artists to have is a sustainable practice. Just regarding the artists, promoting is not enough. We have to sustain them. It is very important that artists are not only given opportunities to display, but also given opportunities to actually sell their work and that is very important also for the public to understand that the art is not just something to see. It is a lifestyle. It is a way of living.]
Meanwhile, Anna Leah Villamor, another independent artist, echoed bold encouragement to local artists in making Iligan arts global given that the city and Lanao possess rich culture to the point of impressing famous artists and collectors in New York.
“I will still encourage ang atong mga local artist nga in the future, let us make it global kay rich kaayo ang atong culture, ilabi na diri sa ato sa Lanao. Dapat i-share nato sa ilaha and let them know how rich our culture is kay na-experience nako. Mismo ang famous art collector sa New York, niadto siya sa akoang art exhibit and na-impress siya,” she shared.
[I will still encourage our local artists that in the future, let us make it global because we have a rich culture, especially here in Lanao. We must share this with them and let them know how rich our culture is because I experienced it. Even the famous art collector in New York went to my art exhibit and he was impressed.] (CRG/ PIA-ICIC)
***
References:
* Philippine Information Agency. "Local artists call for public support, promotion for econ sustainability." Philippine Information Agency. https://pia.gov.ph/news/articles/1067740 (accessed February 23, 2021 at 06:18PM UTC+08).
* Philippine Infornation Agency. "Local artists call for public support, promotion for econ sustainability." Archive Today. https://archive.ph/?run=1&url=https://pia.gov.ph/news/articles/1067740 (archived).
0 notes
Text
repleksyon
Masasabi kong sobrang sinwerte ako sa pinagdaanan ko sa kursong ito.
Marami akong nakilalang mga bagong manunulat, marami akong natutunan sa pagbuo ng isang kwento, nahamon ang kakayanan ko sa pagiging kritiko ng isang gawa, at higit sa lahat ay nagkaroon ako ng panibagong paghanga at pagmamahal sa panitikan.
Bago magsimula ang kursong ito, kumbinsido na ako na magiging isa lamang ako sa mga tao na hanggang pagkonsumo, pagsuri, at pag-critique lamang ng sulatin ang magagawa. Kumbinsido na ako na ang pagsusulat ay isang talento na sadyang wala lang sa akin at kailanman ay di ko makukuha. Pero sa kasagsagan ng kursong ito ay napagtanto ko na mayroong sistema at anyo ang mahusay na pagsusulat na lihis sa individuality na ipinamamalas ng isang manunulat sa kanyang gawa. Nagkaroon ako ng pag-asa na baka ang mga mundo na sa utak ko lamang nabubuhay at humihinga ngayon ay maihahatid ko sa realidad ng iba sa paraan na kabasa-basa at hindi lamang parang naghahain ako ng basura sa harap ng mambabasa.
Gayunpaman ay hindi ko masasabi na mula ngayon magsusulat na ako para sa isang napakabait na dahilan gaya ng pagsama sa pagbuo ng bagong henerasyon ng mga manunulat na Pilipino, o na susulat na ako para sa bayan. Sa hinaharap siguro, susulat ako para sa mamamayan, pero hindi para sa Pilipinas, na hindi na binubuo ng mga Pilipino, kundi ng mga hangal na nasa kapangyarihan at ng mga matapobreng aristokrat na nagpapaikot ng mundo ng komersyo at pulitika. Sa ngayon, susulat lang ako para sa sarili ko; para maging mas mahusay na manunulat. Pag humusay na ako, saka na ako lalaban para sa hindi maipaglaban ang sarili nila.
O baka hindi rin. Baka sa hinaharap, mahantong sa pagguhit ang laban ko, o sa pag-alay ng serbisyo sa mamamayan. Ang alam ko lang ay lalaban ako.
Sa kasagsagan ng kursong ito ay namulat ako sa mga pagkukulang ko sa paglalahad ng ideya sa iba, at para sa akin ito ang pinakamahalagang nakuha ko mula sa kursong ito. Walang mangyayari sa isang konsepto, kahit gaano man kaganda, kung hindi mo ito maipapahayag nang malinaw mula sa lente ng realidad ng iba.
Hindi ako mangangako ng isang engrandeng pangako, na susulat ako ng isang pagka-ganda-gandang piyesa na magbabago sa buhay ng sinumang sumulyap dito. Ang maipapangako ko lang, at talagang gagawin ko ito, ay dadalhin ko sa harapan ng aking isipan ang lahat ng itinuro sa akin sa kursong ito. Mga pagtuturo mula sa pagkilala sa bagong manunulat, hanggang sa pagsulat, hanggang sa sining ng pagsusuri ng sulatin, hanggang sa masidhing respeto at paghanga na karapat-dapat lamang na ialay sa panitikan. Sobrang laki ng pasasalamat ko sa kursong ito, at sa inyo sir, at sigurado akong isa ito sa mga ala-alang babalik-balikan ko sa tuwing kailangan ko ng gabay at inspirasyon.
お世話になりました。ありがとうございます。さよなら!おだいじに!
0 notes
Text
Sa Kabataang Pilipino
Itaas ang iyong noong aliwalas ngayon, Kabataan ng aking pangarap! ang aking talino na tanging liwanag ay pagitawin mo, Pag-asa ng Bukas! Ikaw ay lumitaw, O Katalinuhan magitang na diwang puno sa isipan mga puso nami'y sa iyo'y naghihintay at dalhin mo roon sa kaitaasan. Bumaba kang taglay ang kagiliw-giliw na mga silahis ng agham at sining mga Kabataan, hayo na't lagutin ang gapos ng iyong diwa at damdamin. Masdan ang putong na lubhang makinang sa gitna ng dilim ay matitigan maalam na kamay, may dakilang alay sa nagdurusa mong bayang minamahal. Ikaw na may bagwis ng pakpak na nais kagyat na lumipad sa tuktok ng langit paghanapin mo ang malambing na tinig doon sa Olimpo'y pawang nagsisikap. Ikaw na ang himig ay lalong mairog Tulad ni Pilomel na sa luha'y gamot at mabisang lunas sa dusa't himuntok ng puso at diwang sakbibi ng lungkot Ikaw, na ang diwa'y makapangyarihan matigas na bato'y mabibigyang-buhay mapagbabago mo alaalang taglay sa iyo'y nagiging walang kamatayan. Ikaw, na may diwang inibig ni Apeles sa wika inamo ni Pebong kay rikit sa isang kaputol na lonang maliit ginuhit ang ganda at kulay ng langit. Humayo ka ngayon, papagningasin mo ang alab ng iyong isip at talino maganda mong ngala'y ikalat sa mundo at ipagsigawan ang dangal ng tao. Araw na dakila ng ligaya't galak magsaya ka ngayon, mutyang Pilipinas purihin ang bayang sa iyo'y lumingap at siyang nag-akay sa mabuting palad.
0 notes
Text
Ang Pagtubos sa Gawang Sining na Alay sa Maralita
Ang “Literaturang Anakpawis”, sa panulat ni Rogelio L. Ordoňez, ay tumatalakay sa iba’t ibang gawa’t kolektibo ng mga manunulat na pawang nanggaling sa mga sektor ng mararalita at manggagawa na ang tangang ideyolohiya at tunguhin ay pamproletaryo at naka-angkla sa kapakanan ng mga anakpawis. Tulad nga ng sinabi ni Mike Gold -- ang nagpakilala ng literaturang proletaryo sa Amerika -- ninais ni Gold na matanaw ang pagsilang ng panahon na ang mga mangingisda, mga obrero, at mga magsasaka’y nakapagsusulat na ng mga pampanitikang sining na tumatalakay sa kanilang malulupit na paghihirap, abang kalagayan, gayundin ang kanilang mga nilalayon sa buhay. Sa akda ni Ordoňez, binibigyang kabuluhan ang mga gintong salita na ito ni Gold, at nagpapatunay na maaari at maaaring manindigan para sa sarili ang mga manggagawa tungko sa kani-kanilang mga adhikaing makatao’t mapagpalaya. Sa mga naunang sulatin at talakayan, binigyan ng pagdiriin na sa pamamagitan din ng mga masisining na pamamaraan at ng higanteng mga moda ng komunikasyon (tulad ng telebisyon at mga sine), nilulunod ang sambayanan sa aliw ng halakhakan at hagulgol nang sa gayon ay patuloy na makalimot sa mga perpetwal na pagdurusang inaatang sa kanila ng mga mayayaman at makapangyarihan. Sa pagbibigay ng basal at huwad na mga pangarap, pansamantalang naiibsan ang galit at kagutuman sa kumakalam na damdamin at sikmura ng kanilang pagkabusabos, nang sa gayon ay hindi na muli nito maisipang maghimagsik. Sapagkat ang kapangyarihan ng popular na media ang ginagamit ng mapang-abuso at nananamantala, ang kultura ng masa naman, bilang kontradistinksyon ang inihain ni Isagani Cruz dito.
Kung ang continuum ng kulturang Pilipino sa larangan ng sinematisasyon at biswalisasyon ng mga pelikula na sumasalamin sa reyalidad ay nakasentro sa mga pagpapahalagang masokista, pasibo at kolonyal, ang literatura ng uring anakpawis at proletaryo ay higit na kaiba at sa katunayan pa nga’y talagang kasalungat. Sapagkat nagdadala ito ng damdaming hikahos at hitik sa pagkabusabos, naghihimutok sa galit at poot ang mga sulatin at gawang pangsining. Nilalayon hindi lamang ng mga akdang ito na bigyan ng boses ang hindi nakasisisgaw kung hindi nakapagmumulat din ito sa kung ano ang mga dahilan ng nararanasang kaapihan at pagkakaalipin ng mga kapwa Pilipinong pinag-aalayan. Sa panulat ng noo’y mababagsik na mga patnugot na kilalang walang sinasanto na ngayo’y mga beteranong kritiko at haligi ng literaturang proletaryo, kanilang tinalikdan ang mga panulat sa tema ng ugoy ng mga dahon sa puno, ang matatamis na paglalarawan ng romantikong kundiman, gayundin ang mga personal na tunguhin at ninanais bilang mga paksa. Bagkus, walang pag-aarok na hinarap at nakisangkot sa mga mala-piyudal na usaping socio-politikal, sa inhustisya ukol sa tunggalian ng obrero at panginoon, sa pagsisiwalat ng baho sa nabubulok na mga kuko ng magsasakang punong-puno ng putik sa pag-aararo para makakain ang may-lupa. Nagngingitngit sa galit ang mga sulatin at akda ng nakaraang mga dekada na ang tangan ay maaanghang na salitang may layong bumatikos at sipatin ang naghaharing-uri.
Habang ang malabnaw ang putik na kanilang nilalakaran, sa pagsusulat nang walang katiyakan kung mayroon bang naaabot at pinatutunguhan, nananatiling matatag at buo ang loob na mangahas kwestyuinin ang kabulukang pinaiiral ng mga nakikinabang at nakatatamasa ng prebilehiyo. Nananatiling matigas ang loob upang manindigan para sa mga walang kakayahang tumayo dahil sa matagal na panahong pagkakayuko, bagamat bukas ang palad sa kapwa at kauring nakararanas sa lupit ng kahirapan. Sa pananatili sa taluktok ng mga maimpluwensya at makapangyarihan, matayog na tatayo at haharapin ang pagmamalupit at pang-aabusong sa pamamagitan ng pakikibakang gamit ay pluma at papel, matagal na at patuloy pang susugat ang mga sulat na handang dumanak kasabay ng tinta ay ang dugo na inaalay sa kapwa manggagawang mararalita na walang ibang ginawa kung hindi ang kumayod habang tinitiis ang kalam ng sikmura. Sa pamamagitan ng literatura at sining na iniaalay sa mga miyembro ng proletaryo, mararalita, anakpawis, mangingisda, magsasaka at manggagawa, tiyak na magaganap, sa tiyak na panahon, ang malawakang pagtubos sa nararapat na matamasa at sa mga nararapat managot.
0 notes
Text
An Interview with E-NTABLADO About Their Transition into ENTABLADO UPD
As pandemic surprisingly existed in the Philippines, art students did not allow this to hinder their skills and capabilities in the field of theatre. They used all the available resources to continue share their crafts and talents to the world. One of the best student story tellers in the country is E-ntablado. E-ntablado was a student-led theatrical production that has a purpose to keep the spirit of theatre alive, even during the pandemic. It is an organization that aims to provide supplementary theatre education and theatre experience via student-led theatre productions for student practitioners. E-ntablado 1 was a series of online script readings read and performed by the students at College of Arts and Letters in UP Diliman. This idea was brought into life during the early months of the pandemic as an initiative to continue practicing theatre in an online setting. E-ntablado 2, however aimed to be more collaborative than the previous installment. Different students from various schools across the country were given the opportunity to send their scripts, act, and utilize the online platform to amplify their advocacies.
Theatre shifted its medium to online to be able to continue its storytelling that can be accessed anywhere in the world. With online performances and masterclasses throughout the lockdown, Open House was able to raise 1.3 million from donations and were able to extend cash assistance to 650 displaced workers. There are other theatre companies and student organizations that have decided to hold theatre performances online. These are KALikha, Alay Sining, Quaranteatro, VLF, Relive Your Passion PH, and Lipa Actors Company.
Being in a pandemic and organizing a theatre presentation are difficult tasks at first but with dedication and passion, people behind this organization made online theatre possible. Pia Ysobel Cruz and Camilo De Guzman, both artistic directors of UP E-ntablado expressed their thoughts and learnings from this new theatre setup. “We realized that our goals for ENTABLADO were not limited to a certain project, but to a long-term initiative. Providing an opportunity for students to learn about theatre as well as partake in productions that were not limited even to just KALikha where the projects were held, rather had to become open to all, which is why ENTABLADO UPD came to be,” stated by Camilo wherein he stressed that E-ntablado shapes individuals to become more passionate doing theatre productions even amidst the crisis we are all facing. It is an opportunity for all to become the better version of themselves even if the setup has been shifted to online. Pia shared that “With these in mind, we recognized that what the UP-theatre community lacked was a theatre organization that was purely student based. While we do have theatre organizations in UP, we do not have one that offers opportunities to the students to stage plays outside the academics of the BATA and AAT program. This led to us creating ENTABLADO UPD. Aside from staging productions, ENTABLADO UPD also features an educational wing where we invite guest speakers for workshops and talks. It gives a good balance of not only studying theatre, but also experiencing it.” E-ntablado really allows everyone, no matter what their school, gender, or beliefs are in showcasing their talents in theatre. This gives everybody the chance to learn more and be more passionate in cultivating the arts here in the country.
Pia also gave advice to aspiring theater artists who are trying to learn theatre even in the pandemic which will ignite the flame of many artists. “Honestly, just keep creating and learning! Many, if not all artists are in a very emotionally stripping season right now, and I have seen many beautiful works being produced because of it. Online theatre is something that is yet to be explored, and the only way to move forward with it is if we continue to create works and experiment with what is given to us. That being said, I do not want to claim E-ntablado as a blueprint for an online production, as I think that it has only scratched the surface of what online theatre can be. So just keep creating and taking all the opportunities,” Pia said. She emphasized that when it comes to learning, one must not be afraid to take risks and continue making their crafts because even in the pandemic, their skills and talents will be showcased. “Just try it. Do not be afraid to make mistakes. Theatre is going through a whole revolution as to what theatre is and could be. Just try to create something, try to act, perform, manage, produce, whatever. The definition of theatre is up to you to create,” stated by Camilo. He said that in theatre, one is limitless, he/she can explore and make new things that will leave the audience astounded.
“As more and more people ask us when the next festival would be, that’s when it hit me: theatre will ALWAYS reshape itself in order to appease the needs of the people. If you take a look at the Filipino theatre in a historical context, there has always been a play or a drama that addressed a certain need of that society at the time,” Pia stated as well. E-ntablado allows certain issues to be addressed wherein most Filipino people are unaware of. In that case, many problems will be given solution with the use of theatre to inform its audience. As per Camilo, he said that “I do not think it was inevitable for E-NTABLADO to become an organization, but I do believe it was inevitable for a student theatre organization focused on education and production making to be created. So, it was necessary now more than ever that we gave theatre students a place to learn on their own through talks and student-led productions.” E-ntablado was made to allow students to be more knowledgeable and aware in different theatrical aspects as well as the issues the society is current facing. This allows everyone to open their eyes on the reality while gaining knowledge as well.
They both said that something interesting is coming in the next E-ntablado event. Everything the mind can imagine might be a reality. Both of them realized something from having online theatre during the pandemic. Pia said that “Honestly, it is still changing me. Things that I thought I knew about theatre have been broken down and built-up time and time again, and as much as I hate the change, it’s something that I need. Theatre is not just a performance, or a rehearsed piece, to be presented to an audience, because there is so much more to it. A lot of the plays we produced had something to say. They spoke for people whose voices are drowned out. They pull back the secret wounds of the ugly things in this world, so that we may have a good look at them. And yes, it is painful, but it also heals us. And isn’t healing the one thing we all need?” It is really an eye opener to Pia, she realized that online theater is not just having recognition from people but exposing the truth that surely will set everyone free from lies the society told us. For Camilo, he said that “I think it made me realize how beautiful theatre truly is and it has made me have a deeper understanding for theatre. I realized that I would not want to trade the tiredness and stress of live productions for anything. Sorry to say this, but live theatre is still a different experience and what we do online will obviously never be the same. However, that does not mean we give up on creating theatre in every medium possible. It’s a new theatre experience, it is new, it is never going to be the same, but obviously just as valid,” wherein he gave emphasis that online theatre is a new thing, but it is still as important as the live theater. All the people behind it are still as dedicated and as passionate even the pandemic. All their sacrifices, and tiredness from this production are all worth it because they have fulfilled their purpose.
Online theater is a new way of showcasing students’ talents, skills, and capabilities. No matter how difficult the arts on the online setup, these people pour their hearts out just to convey the message they wanted everyone to know. After all, the pandemic will never be a hindrance to theater production. Students will never stop telling stories.
If you would like to donate to the Typhoon Ulysses Hotline Volunteers, please do so here:
BDO: 000160790859
RYAN VINCENT ANCAJAS
BPI: 8219 1471 48
ANDREA JOY B. BERNABE
GCASH: 09213210874
RYAN VINCENT ANCAJAS
PAYPAL: paypal.me/gailprs
GAIL ANNE ULRICE PARAS
Blog by Nicole Bernadette Ante
Special thanks to Camilo De Guzman and Pia Ysobel Cruz for the interview!
Persons in the photo: Camilo De Guzman, Pia Ysobel Cruz
0 notes