#PAGMULAT2020
Explore tagged Tumblr posts
exgorevfortheater · 4 years ago
Text
Tungkol sa PAGMULAT, Isang Onlayn na Theater Festival
Tumblr media
Hindi talaga naging hadlang ang pandemya upang ang mga mag-aaral at ibang mga indibidwal upang ipahayag ang kanilang saloobin at mga hinaing patungkol sa iba't ibang isyu ng bayan kaya't naitatag ang Pagmulat. Ang Pagmulat ay isang theater festival na binubuo ng mga mag-aaral ng UP Diliman at iba pang mga indibidwal na mayroong pagmamahal sa sining at sa bansa natin. Kanilang tema ay umiikot sa mga kwento ng mga Pilipino sa panahon ng pandemya sa pamumuno ni Pangulong Rodrigo Duterte. Hindi lamang ito pagpapakita ng mga talento at angking galing kundi ito rin ay nagsilbing donation drive na tinatawag na Kusinang Diliman by Tulong Kabataan-UPD na naging tulay upang matulungan ang maraming mga tao sa kanilang mga pangangailangan sa araw-araw.
Karamihan sa bumubuo ng produksyon ay bago sa kanilang mga tungkulin at responsibilidad kaya nahirapan ang bawat isa sa pagtapos ng mga gawain ngunit dahil sa pagtutulungan ay natapos at natupad ang lahat ng kanilang tungkulin. Isa ring problema ang makabagong setup kung saan ang lahat ng rehearsals, meetings, at mga presentasyon ay onlayn lamang. Maraming suliranin sa teknolohiya ngunit nagawan ito ng paraan at maganda ang naging mga resulta sa kabila ng lahat ng mga ito.
Naging hamon din sa mga production heads ang pagkonsidera sa bawat isa sapagkat ang pinakamahalaga pa rin ay ang kalusugan ng lahat kaya't inayos nilang mabuti ang schedules at mga prayoridad upang maging matagumpay ang produksyon. Kanila ring binigyang pansin ang mabubuting mga bagay sa produksyon imbes na sa mga pagkukulang at pagsubok na kanilang pinagdaanan. Dahil dito nabuo ang tiwala at pagtutulungan ng bawat isa.
Bagamat wala pang kasiguraduhan kung mauulit muli ang theater festival, hindi naman nila inaalis ang posibilidad na ito ay maulit muli sapagkat ito rin ay magandang plataporma sa mga bago sa mundo ng teatro at sa mga taong ninanais pagyabungin pa ang kanilang mga talento. Pansamantala munang ititigil ito upang magbigay pokus sa kanilang pag-aaral sapagkat nagsimula na ang kanilang mga klase. Parehas pa rin naman ang objective, mission, at vision nito sa uulitin at ito rin ay magiging daan muli sa mga taong nangangailangan.
Pahayag ni Krista Bulaong, ang artistic director ng produksyon, "The best thing I learned from everyone who was part of Pagmulat is that no matter where we come from, the circumstances we have now and the tasks we have, it is really our act of giving great value to the work that makes us shine as artists." Iyon ang pinakamahalaga nyang natutuhan sa produksyon kung saan binigyang diin nya na kahit ano pa man ang nakaraan, kasalukuyan, at ang hinaharap ng mga bumubuo ng produksyon, ang totoong mahalaga ay ang pagbibigay importansya nila sa sining at ang pagbibigay ng kanilang puso sa kanilang mga gawa. Ito talaga ang nagbibigay ningning at gantimpala sa mga tao sa mundo ng teatro.
Patunay lamang sa produksyon na ito na walang makapipigil sa pagbibigay ng impormasyon, pagpapahayag ng saloobin, pagtutuwid sa baluktot, at pagpapahiwatig sa realidad ang mga indibidwal na tunay na nagmamahal sa bansa. Anomang oras, may pandemya man o wala, patuloy na gagamitin ang sining upang maitama ang mga mali at maipakita sa lahat na maraming mga isyu ang nangangailangan ng aksyon at maraming mga tao ang nanghihingi ng saklolo. Ang kailangan lamang ng lahat ay imulat ang mga mata at hayaang makinig ang mga tainga, sa ganitong pagkakataon, ang bansa ay maisasalba.
 MORE INFORMATION SA COMMENTS SECTION TUNGKOL SA DONATION DRIVE.
Ang Pagmulat ay isang online theater festival sa Alay Sining Facebook page (2020). https://www.facebook.com/AlaySining
Special thanks to Krista Bulaong for the short interview.
Blog by Nicole Bernadette Ante
Tumblr media Tumblr media Tumblr media Tumblr media Tumblr media
3 notes · View notes