#NotoEJK
Explore tagged Tumblr posts
Text
Pagkilos sa PPM laban sa EJK
Napakaaliwalas ng kilos protesta. Walang matatayog na bandera Walang palakasan ng sigaw Ng pula o dilaw Walang malalaking plaka Ng organisasyon na nagdikta.
Ang mayron lang ay higit libong tao Kanya-kanyang dalang mga tono Ng galit at pagtanggi Sa kawalang hustisyang sila'y saksi Walang pakain. Mayroon lang iisang daing. Walang hakot Pero walang takot Na sumigaw at lumaban Sa mga naghahari-harian.
Walang naghahating kulay Mga karaniwang tao lamang na nabuhay. Ang dugo ng pagkagalit Sa katarungang tila nawawaglit.
Ang mayron lang ay simpleng trompa At laksa-laksang suporta Pinag-isa ng diwa na: Tama na! Itigil na! Ang pagpaslang At kawalang hustisya!
Napaka-organiko, Walang namilit na kahit sino, Namulat ng kusa sa totoo. Sino pa nga ba namang kaya pang pumikit? Sa mga dugong sa kalsada'y sumisirit. Sa patuloy na pagkitil Sa buhay ng maliliit. Kung ituring ay inutil.
Nawa magising na din ang mga iba’t ibang grupo. Na hindi ito panahon para mag-away-away tayo. Sa halip, damhin ang sigaw ng publiko, Ito nang matagal hinihintay nating pare-pareho. Ang mapagkaisa tayo sa iisang tono.
Sabay-sabay nating isigaw At mula sa kulay, tayo'y umigpaw, Tama na! Itigil na! Ang pagpaslang sa masa!
#stopthekilling#notoejk#warondrugs#tagalog#makabayan#bayanko#bayan#pilipino#pilipinas#filipino poem#filipino#filipino post#tagalog poetry#tagalog post#tagalog poem#hugot#100tulaparakaystella#100tulaparakaykian#pagibig#satinubuanglupa#parasabayan
20 notes
·
View notes
Text
Singil
piyesa para sa Tanghalang Bayan ng Kabataan sa Baguio Umaalingawngaw Ang putok ng baril, Ang sigaw ng binata At ang iyak ng isang ina. Isa na namang Paghuhukom ng baril Ang naganap sa ating bayan. Pero lintik lang ang walang ganti. Babangon ang mga ina, Mga kaklase't kaibigan, Mga kaanak at kasamahan, Babangon ang sambayanan. Dahil lintik lang ang walang ganti. Sa paghuhukom ng taong bayan, Hindi sinasanto ang pasista, Ang traydor sa mamamayan At ang kakampi ng imperyalista Ang ganti ng mamamayan Ay isang digmaan Dadanak ang dugo Ng mapang-api't mawawalan ng buhay. HUSTISYA PARA KAY KIAN! HUSTISYA PARA SA LAHAT NG BIKTIMA NG PASISMO NG REHIMENG US-DUTERTE!
#tula#panulaan#makata#filipino#tagalog#poem#poet#poetry#hustisya#para#kay#kian#justiceforkian#stopthekillings#notoejk
6 notes
·
View notes
Photo
Ito yung hawak ko nang sumama ako sa protesta against extrajudicial killings.
Hindi ko alam kung bakit may mga tao pa ring nagjujustify sa extrajudicial killings. Sobrang baba na ba talaga ng pagtingin natin sa buhay ng isang tao kaya okay lang ang patayan? Paulit-ulit na lamang yung narrative na ‘nanlaban’ yung suspek kaya napatay. Pero huy, sa palagay ko naman ay hindi solidong 100 porsyento ng napatay dahil sa war on drugs ay nanlaban...kasi grabe naman kung ganon. Ang dami rin kasing nababalita sa telebisyon na pinapabulaanan ang mga paratang sa mga suspek na napatay. At eto pa kasi ang nakakaloka, hindi lang mga suspek ang napapatay, pati mga inosenteng tao nadadamay. Hindi katanggap-tanggap na sasabihin lang na collateral damage sila. HELLO! ALL LIVES MATTERS! For all I know may mga dreams pa na gustong marating yung mga napatay. Karagdagan, sa tingin ko naman ay nararapat pang bigyan ng pagkakataon ang mga suspek na idefend ang sarili nila sa korte at magbago kung sila nga ay tunay na nagkasala. EVERYONE DESERVES A SECOND CHANCE, BRUH!
Due process not Duterte process!!!
1 note
·
View note
Photo
Noong eleksyon, matapang kong binoto si President Duterte dahil humanga ako sa kanyang dedikasyon upang masugpo ang droga sa ating Bayan at nakita kong pursigido siyang panatalihing tahimik at maunlad ang Pilipinas. Bilang isang “first time voter” hangad ko rin ang kanyang hangarin, halos lahat naman ng Kandidato noon ay iyon din ang gusto nilang masolusyonan dito sa bansa pero ewan ko ba kung bakit si Rodrigo ang binoto ko. Nakaka pang hina ng loob, nakaka panlumo pero ANO PA NGA BA AND MAGAGAWA KO BILANG ISANG MAMAMAYAN NG BANSANG ITO?
Oo nagsisisi ako, sa mga nangyayari ngayon sa ating bansa nalulungkot ako sa mga balitang halos araw-araw ay patayan ang tanging laman dahil sa DROGA. Kuha ko naman ang punto niya na gusto niyang masugpo lahat ng mga taong may koneksyon sa ipinag babawal na gamot na ito at ang mga taong gumagamit nito. OO, aprobado ko ang kanyang adhikain ngunit ang pag kitil ng buhay ang hindi ko maintindihan. Sa libo-libong namatay/pinatay sa War on Drugs na ito hindi lahat ay napa tunayan na gumagamit ang iba ay napag bintangan lamang kung hindi naman ay nasali lamang sa mga RAIDS na ginagawa ng ating mga kapulisan. Masakit lalo na may mga inosenteng buhay ang nadadamay dahil sa pagiging agresibo ng ibang kapulisan.
Minsan tinatanong ko ang sarili ko, bakit nga ba nangyayari ang lahat ng ito? Sino nga ba talaga ang tama? Sino nga ba ang dapat sisihin? Sino nga ba ang nagsa sabi ng totoo? Ano nga ba ang tamang gawin upang mapigilan na ito? Ano nga ba ang DAPAT na gawin? Sino nga ba talaga ang may KASALANAN? Wala akong makuhang sagot dahil sa totoo lang mahirap ng maniwala sa BALITA, bakit? Dahil hindi na buo ang kanilang hinahayag sa taong bayan. Kumbaga sa chismis may inalis at may idinagdag kaya mahirap paniwalaan lalo na iba-iba ang sinasabi ng mga tao.
Minsan naisip ko rin, paano kapag dumating yung panahon na maranasan rin ng Pamilya ng mga nasa Gobyerno sa ating bansa ang nangyayari sa mga kababayan natin na walang awang pinapatay ng mga Pulis? Magbabago ba kaya ang pananaw nila? Mabubuksan nga ba ang mga isip nila na MALI ang basta-basta na lang ang pumatay lalo na kung walang “due process” ganun na ba talaga pera at kapangyarihan na nga lang ba ang TAMA? Wala na nga ba talagang karapatan kaming mga mahihirap magkaroon ng HUSTISYA sa mundong to? Kasalanan nga ba talaga namin na kami ay mahirap kaya pati HUSTISYA at RESPETO ay ipagdadamot saamin? Panatag nga ba talaga ang mga puso’t isip nila na habang ang mga pamilya ng mga pinatay sa war on drugs ay naghihinagpis sa pagkawala ng kanilang mga mahal sa buhay, sila ay mahimbing natutulog sa kanilang malamig na kwarto at naka higa malalambot na kama? Ganun ba talaga ang gusto ng Administrasyon na ito sa ating bansa? May konsensiya pa ba sila? Sino ba ang DIYOS nila? Siguro naman namatayan na sila at siguro naman nila ang pakiramdam ng namatayan, diba? Hindi ba sila naaawa o WALA LANG TALAGA SILANG AWA?
Si Kian, 17 years old isang Senior High School Student na ang hangad sa buhay ay maging isang Pulis pero pinatay dahil di umano daw ay nanlaban sa mga Pulis? Ngunit iba ang kuwa sa CCTV? Dapat nga ba talaga siyang patayin? Oras na nga ba niya? O baka naman isa na itong “eye opener” sa atin mga kababayan na SOBRANG MALI na ang Administrasyon na ito? Na kailangan na nating kumilos para mapigilan na ang mga MAKAKAPANGYARIHAN na patuloy tayong pasunurin sa mga mali nilang gawain? Paano kung nagka taon pala na walang CCTV doon, panigurado walang laban ang kanilang pamilya dahil di hamak na mas paniniwalain nila ang ating mga isipan na NANLABAN nga si Kian. Masakit kahit hindi ko siya kilala pero kung patuloy itong mangyayari sa bansa natin, LIGTAS pa nga ba tayo dito? Heto na ba ang bagong PILIPINAS na gusto nilang baguhin ang maging sunud-sunuran tayo sakanila? Sa mga pulis na pumatay kay Kian, anong pakiramdam na naka patay kayo ng isang inosenteng bata? Sana huwag dumating iyong oras na mangyari rin ito sa mga PAMILYA niyo. Sana huwag pa rin ho kayo makaka limot na may DIYOS na nakaka kita ng lahat ng ginagawa natin at ALAM ANG TOTOO! Sana sa oras na siya ay humatol, hindi pa huli ang lahat. Alam ko hong trabaho niyo ang dumakip ngunit hindi ang kumuha ng buhay lalo na kung walang laban.
Nagagalit ako sa lahat lalo na saaking sarili dahil isa ako sa mga dahilan kung bakit naging Presidente si Duterte, nagagalit ako sa Administrasyong Duterte lalo na sa mga taong patuloy na sumusporta sa kaniyang mga maling gawain. Kailan ba tayo maliliwanagan sa Administrasyon na ito kung kailan huli na nag lahat? Kung kailan lahat tayo ay wala ng karapatan para ipagtanggol ang ating mga sarili? Ilang taon pa tayo magtitiis, nawa'y matapos na ang pagdurusa ng ating Bansa.
Bilang isang anak ng Diyos, hindi ako nawawalan ng pag-asa na darating ang panahon na magiging masaya ang bawat tao sa mundo, malayang naihahayag ang kanilang mga sarili at matiwasay na nabubuhay sa mundong ibabaw. Alam kong may dahilan ang Diyos kung bakit nangyayari ito saatin, maaaring ipinapa alam niya lamang na oras na para magbalik loob tayo sakanya at huwag tayo makalimot tumawag sa kaniya sa mga oras na tayo ay hirap na hirap na at sa mga oras na tayo ay masaya. Siguro hinihinay lamang ng Diyos na tayo ay magka isa na may iisang layunin upang mas maging matiwasay ang ating pamumuhay at mangyayari lamang ito kung ang lahat ay mag uunawaan at hindi hangad ang makalamang sa kapwa. Sana hindi pa huli ang lahat para gumawa tayo ng tama, dahil kapag dumating yung araw na hindi tayo handa pagisisihan natin ito at wala tayong magagawa kung hindi tanggapin ang kaniyang hatol. Sana sa mga nangyayari sa ating bansa at sa buong mundo, maging isang “eye opener” na ito saatin na wala tayong anumang kailangan kung hindi si JESUS CHRIST ang ating tagapag LIGTAS.
I’m praying for your soul Kian na sana makamit mo ang hustisya at sa lahat ng mga taong napatay dahil sa War on Drugs. At sa Administrasyon Duterte sana, gawin niyo na lang ang makakabuti sa lahat hindi ang makaka buti lang sainyong mga sarili.
1 note
·
View note
Photo
#JusticeForKian #StopTheKillings #NoToEJK
1 note
·
View note
Photo
Shape poetry about hope, justice, and peace. This tries to enlighten everyone about the lives that was diminished because of extra judicial killings.
0 notes
Photo
DO YOU HEAR THE PEOPLE SING? #4tsphotos #healourland #peta #notoEJK #notmypresident #lesmiserables #staywoke #broadway #broadwaymusical #artislife #nightphotography #photojournalism #photography #sing #edsamonument #marcosnotahero #microphone #photooftheday #potd📷 #potd #edsa #choir #groupsinging
#staywoke#edsamonument#groupsinging#healourland#artislife#peta#notoejk#potd📷#photooftheday#nightphotography#potd#photojournalism#microphone#4tsphotos#photography#choir#broadwaymusical#broadway#notmypresident#lesmiserables#marcosnotahero#sing#edsa
0 notes
Photo
#neveragain #notomartiallaw #stopejk #notoejk #marcosisnotahero
0 notes
Photo
A walk to remember #walkforlife #chooselife #notoejk #notodeathpenalty (at Rizal Park)
0 notes
Photo
KASABAY NG PAGSIKAT NG ARAW AY ANG MGA TAONG PAPANAW. Pitong taon na akong lumalaban, ngunit hindi ako susuko. Ang dugong dumadaloy sa mga kapwa kong Pilipino ay hindi ko hahayaang dumaloy sa kalsada. Sa natitira kong lakas at sa tulong ng pamlang, hindi ako titigil sa paglaban.
Ako si Labaw Donggon, at naniniwala ako na makakamit lang ang pagbabago kung tayo mismo ang kikilos. Hihinto lamang ang di-makatarungang pagpatay sa ating mga kababayan kung mariring ang boses nila, Kung ayaw makinig ng ating gobyerno, tayong mga mulat na lamang ang makakaalam ng katotohanan. Kaya't sumama na kayo sa aking daan patungo sa tunay na pagbabago! #NoToEJK #LabawNambaw1 #MayPamlangBeWithYou #MahabangLabanan Sanggunian: Duterte: https://www.philstar.com/headlines/2018/08/23/1845242/us-officials-ask-meet-duterte-purchase-military-equipment Labaw Donggon: https://www.deviantart.com/gunshiprevolution/art/Labaw-Donggon-762365736 Iba pa: https://www.mossbroshire.co.uk/package/moss-1851-grey-suit-pack.-3567 http://www.bworldonline.com/content.php?section=Opinion&title=...or-hooliganism&id=95161 https://www.vectorstock.com/royalty-free-vector/various-rifle-guns-and-pistols-cartoon-vector-16632000
0 notes
Photo
Sa kahabaan ng daanang ito sa gitna ng isang rally, pinaglaruan ng ilang mga bata ang mga tsinelas na ito. Mga tsinelas na kumakatawan sa iba pang mga bata’t matandang hindi na nakapagmartsa dahil sila'y pinatay na.
Ito na lang ang natirang representasyon ng mga biktima ng EJK. Sinama nila sa kanilang huling hantungan ang kanilang mga pangarap at tanging mga sapatos na lamang ang nakapagbibigay ng mga alaala sa kanila.
#NoToEJK
0 notes
Text
Two most influential Filipinos
By: Bernard Ong The two Pinoys in Time Magazine's 100 Most Influential for 2017 couldn't be farther apart. Duterte fanatics should have been careful what they wished for. Having the most votes is not 'winning'. It just puts you on the list. Then subjects you to scrutiny. Most influential does not mean the best. It could also mean the worst. Time Magazine is not cowed by the Obosen crowd. First they picked De Lima as well. Then they asked the ex-Colombian president whom Duterte called an "idiot" to pen his write-up. Poetic justice. To his credit, Gaviria did not call Duterte an "idiot" although it is clear who among the two deserve the label. Below are the official write-ups. RODRIGO DUTERTE by Cesar Gaviria. "Hitler massacred 3 million Jews. Now there are 3 million drug addicts. I'd be happy to slaughter them," Rodrigo Duterte, the Philippines' President, has said. His approach is as ill considered as his grasp of history (more than half of Hitler's 11 million victims were Jewish). Since Duterte's inauguration last year, some 7,000 people have been killed. His ironfisted strategy alarms governments, human-rights organizations and faith-based groups while winning high approval ratings at home. When I was President of Colombia, I was also seduced into taking a tough stance on drugs. But after spending billions, I discovered that the war was unwinnable and the human costs were devastating. The cure was infinitely worse than the disease. There are solutions that work. Duterte could start by treating drugs as a health, human rights and development issue. He could prosecute the most violent criminals and provide treatment for users rather than condemn them to prison, or worse. There will always be drugs in the Philippines, whether the President likes it or not. The tragedy is that many more people are likely going to die as he learns this lesson." LEILA DE LIMA By Samantha Power "Leila de Lima knew with whom she was dealing. Philippine President Rodrigo Duterte (dubbed "Duterte Harry") has insulted Pope Francis, told U.S. President Barack Obama to "go to hell" and expressed regret he did not go "first" in a gang rape. Since last June, when Duterte took office, some 7,000 people have been killed in his merciless antidrug campaign. Most opposition politicians have kept their heads down, knowing Duterte is both terrifyingly brutal and massively popular. But Senator de Lima has become Duterte's most vocal critic—a role her friends call suicidal. Last August de Lima convened a hearing on Duterte's drug-war killings, featuring devastating testimony from a former hit man. Duterte allies stripped de Lima of her Justice Committee chair. In February she was jailed. It is a disturbing testament to the current solidarity among strongmen and the global surge in impunity that de Lima's cause has not been more embraced. And yet, even from prison, she continues to speak out against her President: "It's not O.K. with me that we have a murderous psychopath occupying the highest post in the land." #NoToEJK #FreeLeila
0 notes
Photo
#ArawNgMgaPinatay #NoToEJK No to extra judicial killings #AllSouls #allsaints Photo by Jimmy A Domingo https://www.instagram.com/p/Bpni95BgByM/?utm_source=ig_tumblr_share&igshid=1xdjnnszsn51x
0 notes
Photo
TRINITY #4tsphotos #healourland #tindigpilipinas #silentmajority #nightphotography #streetphotography #artislife #art #candles #photojournalism #photography #candlelighting #notoEJK #edsa #edsamonument #photooftheday #potd #potd📷 #light
#photojournalism#candles#potd📷#edsa#photography#tindigpilipinas#streetphotography#edsamonument#silentmajority#art#notoejk#healourland#photooftheday#potd#light#candlelighting#4tsphotos#artislife#nightphotography
0 notes
Text
In Alex Gendler’s video presentation “How to recognize a dystopia?”, he presented that the genre of dystopia continues “to reflect modern anxieties about inequality, climate change, government power, and global epidemics.” And why we should bother with this pessimism is because “dystopias are cautionary tales; not about some particular government or technology, but the very idea that humanity can be molded into an ideal shape.” An example of a dystopian genre is Death Note. For those who don’t know what Death Note is, it’s a manga series about a high school student trying to change the world by eliminating criminals. He eliminates them by this supernatural notebook that grants its user the ability to kill anyone so long as the user knows the person’s real name and face. So bakit bigla akong nagsulat about dystopia? Wala, trip ko lang.
Whenever I think of Duterte’s fanatics, I think of Kira’s supporters; I think of Amane Misa (I guess it’s okay to call her Yagami Light’s Mocha Uson for the sake of describing her character to non-anime viewers). Whenever I see articles demonstrating Duterte’s desire to eliminate criminals, I think of Kira’s passion to build a criminal-free world. “Kinain/Nilamon na ng anime,” you might say but I couldn’t care less. I understand Kira’s sentiments (whose real name by the way is Yagami Light) because I, too, have imagined a world without danger, without criminals. We all have, haven’t we? But the conflict of the series begins when he completely lost faith in judicial system; when he felt that laws were ineffective to deter crimes, and not when he consistently tried to evade L’s suspicion throughout the series or when their rivalry was shown. He solely relied on the notebook’s power, abused it even, to create a new world. He killed not only those convicted of crime but also those who stood in his way, those who did not agree on his views. He became ruthless, cold, and devoid of love. He proclaimed himself as God of the new world. His character drastically changed because he was blinded by the power of misusing Death Note.
Comparing Duterte and Kira might be too extreme but the latter’s ambition is not that far from what Duterte promised us during campaign season. Forgot it already? Hint: “Obosen” was his catchphrase. Indeed, his promise gave hope to many Filipinos as the rate of crimes have always been one of the country’s problems. Unlike Kira, Duterte does not have anything like Death Note but if I were to write an analysis essay of Philippine politics in reference to Death Note, Death Note symbolizes the power vested in the Head of State granted by the Constitution. The similarity between the power granted by the Constitution and the power given by Death Note is that power is power. Those who have it tend to abuse it. However, Yagami Soichiro, Light’s father, said to his son, “The real evil is the power to kill people. Someone who finds himself with that power is cursed. No matter how you use it, anything obtained by killing people can never bring true happiness.”
The core of a dystopian work is to caution us that “the very idea that humanity can be molded into an ideal shape.” Death Note may be fictional but it is a reminder that achieving something utopic can’t be done overnight and does not only revolve around killing criminals. It is a reminder that you can never justify killing people and that there is an imperfection of laws because the people who make them are also imperfect yet as imperfect beings, we have the ability to adapt, compromise, and make changes to accommodate everyone; making our world more equitable that way. Dami kong sinabi, basta killing does not solve the root problem of crime. Hehe.
1 note
·
View note
Photo
A crappy start at calligraphy, but I'm satisfied. After all, this is the first of a thousand steps to being a calligrapher. It's not just the output. It's also the process. #calligraphy #notomartiallaw #neveragain #notoejk #clarendon #playingwithvsco #vsco (at Kuppa Kafe 31st Street, The Fort BGC)
0 notes