#makabayan
Explore tagged Tumblr posts
oikaw-ugh · 4 years ago
Note
oh my god😭😭😭 im like napasinghap while reading ginoong keiji😭😭😭 im also like napasapo on my head i cant take this wheres the abaniko i need to make myself paypay😭😭😭😭
DHDHHSJS ITO BA AY REAL? NO BAWIAN NA HA AHHAHAHA
At tara let's get our abaniko na I am so naiinitan na, where's my alalay nga?
3 notes · View notes
balitaxpress · 5 years ago
Link
0 notes
mgatulanikuyao · 6 years ago
Text
Bilanggo
Bilanggo tayo ng sistema
Naiipit sa mali pero nararapat
At sa tama ngunit di sapat
Sistemang bulag sa katotohanan
Ngunit silaw sa kayamanan
Sistemang pinabibilis ng barya
At pinababagal ng ginto
Sistemang naririning ang bulong ngunit bingi sa mga sigaw
Sistemang nakatali ang pag galaw
Kaya ang pagabante'y paurong
Sistemang pinaluluwag ng kapit
At pinasisikip ng bitaw
Sistemang pinaingay ng mga salita
Na tinakluban ang mga gawa.
Sistemang kulay ang nagdidikta
Bilanggo ng pinagkaiba ng dilaw sa pula.
21 notes · View notes
cassandraakayee · 6 years ago
Text
Tumblr media
Isang tulang alay ko sa bayang sinisinta. ❤️🇵🇭
7 notes · View notes
zilyonaryo · 7 years ago
Text
Sino ang Tunay na Mangmang?
Guro: Juan, how can you show your patriotism?
Juan: (Kumamot sa ulo) Ma’am, hindi ko po masabi sa Ingles ang sagot ko.
 Nagtawanan ang mga kaklase niya.
 Guro: What’s wrong, class? Ano ang nakakatawa sa sinabi niya?
 Natahimik ang lahat.
 Guro: Sige, Juan, sagutin mo ang tanong ko sa wikang alam mo.
 Juan: Ma’am, maaari po ba ninyong sabihin sa wikang Filipino ang tanong?
 Guro: (Ngumiti muna) Sige. Heto ang tanong: Paano mo maipapakita ang iyong pagkamakabayan?
 Juan: Salamat po! Maraming paraan upang maipakikita ko ang aking pagkamakabayan, subalit kung ipakikita ko lamang iyon at hindi isasagawa, hindi rin po pagkamakabayan ang tawag doon. Nais kong isagawa ang mga sumusunod: pagsunod sa mga alituntunin sa paaralan, sa bahay, sa kalsada, sa komunidad, pagsunod sa mga batas, pag-aaral nang mabuti para sa sarili, sa bpamilya, at sa bansa, pagtangkilik sa mga produktong Filipino, pagpapahalaga at pagmamalaki sa kultura at wikang Filipino, at napakarami pang iba. Hindi ko rin po ikinahihiyang hindi ako bihasang magsalita ng wikang banyaga. Sino ang nakakatawa: ang mangmang sa sariling o bihasa sa banyagang wika? Hindi ba’t ang taong bihasa sa banyagang wika dahil binulag siya nito. Sa kaniyang pakiwari, siya ang pinakamatalinong tao sa bansa.
 Guro: (Napapalakpak) Maraming salamat, Juan! Nakaganda ng iyong tinuran!
 Napayuko ang mga kaklase ni Juan nang tiningnan niya isa-isa.
0 notes
letsfilipino · 7 years ago
Video
youtube
Buwan ng Wika 2018. Ano na???
0 notes
creoposts-blog · 7 years ago
Text
Kasaysayan ng Edukasyon sa Kasalukuyan
Ang akda ni Bienvenido Lumbera na pinamagatang Edukasyong Kolonyal: Sanhi at Bunga ng Mahabang Pagkaalipin, ay sumasalamin sa kung anong klaseng institusyon ng edukasyon ang mayroon ngayon sa ating nasyon. Hindi maipagkakaila na sa ilang beses na-angkin ng mga mananakop ang ating inang bayan ay makikitang wala na tayong orihinal na kultura. Lahat ng ating nalalaman, ginagawa, at pinapahalagahan ngayong panahon na ito ay may impluwensiya na ng mga Espanyol, Amerikano, at ng Hapones. 
 Si Bienvenido Lumbera ay isang magaling na manunulat na naparangalan ng Ramon Magsaysay award at tinaguriang "National Artist of the Philippines" dahil na rin sa angking niyang pagkamalikhain at kakayahan sa pagbibigay ng impormasyon sa pamamagitan ng kanyang mga naisulat nang akda, at isa na rito ang akdang tatalakayin natin ngayon. 
 Simula pa noong Abril ng taong 1898 ay napasailalim na ang Pilipinas sa kamay ng mga Amerikanong nagligtas umano sa ating bansa laban sa mga Espanyol. Noong una'y malaking pasasalamat pa ang tinatanaw ng ating mga ninuno sa mga Amerikano sapagkat nakaguhit sa kanilang mga isipan noon na nakalaya sila sa mga malulupit na Espanyol dahil sa tulong ng Estados Unidos. Marami rin namang mga makabayan ang hindi nagpadala sa nais ng mga mananakop, pinaglalaban nila ang karapatan nila sa sarili nilang bansa at hindi sila nagpapadala sa mga matatamis na salita na iminumungkahi ng Estados Unidos. Nakikipaglaban sila, at noong panahong iyon, itinuturing silang rebelde ng marami. 
 Mayroon akong nabasang akda kamakailan lamang na nagsasabi na mapaglalaruan mo lamang ang isang bayan sa iyong sariling mga kamay kapag itinuro mo sa kanila ang mga impormasyon tungkol sa iyo. Ganito ang ginawa ng mga Amerikano sa mg Pilipino noong simulan nilang pailalim na sakupin ang bansa. Una, pinilli nilang umastang mabuti sa mga mamamayan, tinutulungan at binibigyan nila ng kalayaan ang mga ito, ngunit sa kabila nito ay unti-unti nang kinukuha ang kapangyarihan ng mga mamamayan ng pilipinas at saka nila ito inaangkin. Pangalawa, isiniksik nila sa araw-araw na buhay ng mga Pilipino ang kanilang kultura. At higit sa lahat, binigyan nila ng Amerikanong edukasyon ang mga Pilipino. 
 Tulad nga ng nasabi ko kanina, marami ring mga Pilipino ang hindi nagpadala sa Estados Unidos, at ang iba sa mga ito ay mga ilustrados o mga mamamayang nakapag-aral. Ang mga ilustrados na ito ay bukod sa mithiin nilang paalisin ang mga mananakop sa ating bansa, nais rin nilang makatayo sa sariling mga paa nito ang Pilipinas. Nagsimula ang paghahangad ng mga ilustradong ito noong itinayo ang "National Assembly of the Commonwealth" kung saan pinaniwalaan ng maraming pilipino na maaari naman palang makalaya ang Pilipinas sa mananakop nito. Ang kilos na ito ng Estados Unidos ay hindi kagandahang loob, kundi isang panibagong paraan ng pananakop nila sa isip ng mga pilipino. Paano mo nga ba magagapi ang iyong kalaban sa digmaan? Kailangan mong patayin ang pinuno nito. At ganoon na nga ang ginawa ng mga Amerikano, oo nga't nagtayo sila ng isang pagtitipon na makapagbibigay ng kalayaan sa mga pilipino, ngunit, hindi nila inalis ang kanilang mga kamay rito. Para lamang silang nagpalaki ng isang tuta, tinuruan ng mga kilos na nais nilang masunod nito pagdating ng panahon. At ang tutang ito ay ang mga ilustradong pilipino na namuno sa mga nagdaang panahon. 
Isinaad sa akda ni Bienvenido Lumbera ang mga pangulo ng ating mga nagdaang republika na naging tuta ng Amerikano. Ito ay sina Presidente Manuel Roxas, na binago ang konstitusyon upang maipasakatuparan ang Bell Trade Relations Act na nagbibigay ng pantay na karapatan sa mga mangangalakal ng Pilipinas at Estados Unidos. Sumunod na rito si Presidente Ramon Magsaysay na hinayaang paglaruan ng CIA ang ating Department of National Defense, at isa pa itong si Presidente Ramon Magsaysay na hinayaang pakialaman ng Estados Unidos ang ating Republika. Marami pang nabanggit na mga dating pangulo ang nagbigay ng kanilang kaluluwa sa Estados Unidos, ngunit ang natatanging presidente na sa aking opinyon ay nagpababa ng paningin ng mga nasa ibang bansa sa ating mga pilipino, ay ang dating presidenteng Ferdinand Marcos. Ayon sa aking nabasa sa akda ni Bienvenido Lumbera ay sinimulan ng ating dating presidente ang pagpapadala ng mga manggagawang pilipino sa iba’t-ibang bansa dahil na rin sa kakulangan ng mapagtatrabahuan rito, at ngayon ay makikita namang nagbunga ng mababang pagtingin at trato ng mga taga ibang nasyon sa ating mga kalahi.
 Mataas ang tingin natin sa mga Amerikano, aminado ang marami sa atin sa bagay na ito. Kapag nakakakita tayo ng Amerikano sa mga pasyalan, agad na manlalaki ang ating mga mata at para bang tumitiklop na ang ating katawan dahil baka mamaya ay kausapin tayo sa wikang ingles. Ang nakaugaliang ito ay masasabi kong isang nakakatawang bagay. Bakit ba ang taas ng tingin natin sa mga taga-Amerika, at kapag tayo na ang ikukumpara sa kanila, maraming nagsasabing lugi tayo at wala man lang binatbat? Hindi na ako lalayo pa, ito ay dahil iyon na ang naituro sa atin simula pa ng tayo ay magka-muwang.
 "Ang mga Amerikanong iyan, dapat natin silang igalang dahil sila'y mabubuti", iyan na halos ang kaisipang laman ng mga aklat sa kasaysayan na aking nabasa noong ako'y nasa elementarya pa lamang. Ang ipinapalabas nito, magagandang nagawa lamang ang naipapakita sa mga aklat ng ating kasaysayan. Sa tingin ko, lahat yata ng nagawa ng mga Amerikano ay nagpapakita na sila'y mabuti, sapagkat sila mismo ang pumili na magpakita ng mga magagndang gawain upang sila’y paburan ng mga pilipino.
Marahil nga’y puno na ng mga araling ingles ang ating mga utak sa kasalukuyan, marahil nga’y ang karamihan sa atin ay nagpalamon na sa bangungot na ibinibigay ng mga kano, ngunit wala namang masama kung tayo’y maniniwala na ang kabataan nga ang pag-asa ng ating bayan.
0 notes
the-lourdes-blog · 7 years ago
Text
Panatang nalimutan kong makabayan pala dapat tayo
 Accounting books, school works, part-time job, and extracurricular activities – college life is indeed filled with activities that help me to survive school expenses and develops me into an equipped graduate someday. Students are like horses’ with binders. Focused on our majors, we never seem to notice the problems of our society. The problems – the main cause why students are trained to become functioning citizens – are sometimes remained unnoticed. The main reason why we are in the academe is to learn the battlefield that we students are about to conquer as we raise our motherland from the sea of dark corruption, nepotism, poverty, etc. 
The challenge for us all, and my wish too is that as we get through college we should not just strive hard for our own carriers. We must be mindful of we were always reciting every morning in the schoolyard. “Iaalay ko ang aking buhay, pangarap, pagsisikap sa bansang Pilipinas.”
0 notes
riwel-rosa-blog · 7 years ago
Photo
Tumblr media
Dadating ang araw, apo, hindi ka na magiisa. Magiging buong bansa ka. Lahat ay magiging makabayan, matututong itampok ang bawat larangan sa kultura, mamumulat sa katotohanan na itong kinatatayuan ay hindi uusod hangga’t walang kikilos. Dahil isinusumpa ko sa watawat, makikilala ang ating bayan, maiintindihan siya, mamahalin siya, ng sarili niyang mga anak na siya ring nagtakwil sa lahat ng kanyang paghihirap. 
(Photo credits:  Ana Salvá & Joan Planas taken from http://contented.cc/2015/06/whang-od-the-kalinga-tattoo-maker/ )
0 notes
loucifieri · 8 years ago
Photo
Tumblr media
Para sa ano pa ba ang pinaglalaban ko?
What am I fighting for?
--
idk, seems appropriate to post this (again) right now with all the awfully crazy stuff escalating (again) in my country
sigh
[Facebook] [Instagram] [Twitter] [Blogger]
Please don’t repost without my permission~
23 notes · View notes
joh-08 · 8 years ago
Text
Pagkilos sa PPM laban sa EJK
Napakaaliwalas ng kilos protesta. Walang matatayog na bandera Walang palakasan ng sigaw Ng pula o dilaw Walang malalaking plaka Ng organisasyon na nagdikta.
Ang mayron lang ay higit libong tao Kanya-kanyang dalang mga tono Ng galit at pagtanggi Sa kawalang hustisyang sila'y saksi Walang pakain. Mayroon lang iisang daing. Walang hakot Pero walang takot Na sumigaw at lumaban Sa mga naghahari-harian.
Walang naghahating kulay Mga karaniwang tao lamang na nabuhay. Ang dugo ng pagkagalit Sa katarungang tila nawawaglit.
Ang mayron lang ay simpleng trompa At laksa-laksang suporta Pinag-isa ng diwa na: Tama na! Itigil na! Ang pagpaslang At kawalang hustisya!
Napaka-organiko, Walang namilit na kahit sino, Namulat ng kusa sa totoo. Sino pa nga ba namang kaya pang pumikit? Sa mga dugong sa kalsada'y sumisirit. Sa patuloy na pagkitil Sa buhay ng maliliit. Kung ituring ay inutil.
Nawa magising na din ang mga iba’t ibang grupo. Na hindi ito panahon para mag-away-away tayo. Sa halip, damhin ang sigaw ng publiko, Ito nang matagal hinihintay nating pare-pareho. Ang mapagkaisa tayo sa iisang tono.
Sabay-sabay nating isigaw At mula sa kulay, tayo'y umigpaw, Tama na! Itigil na! Ang pagpaslang sa masa!
20 notes · View notes
likha-ng-bagyo · 8 years ago
Quote
Ipinagdarasal ko na pagpalain ang mga Pilipino na tunay na makabayan, sapagkat sila lamang ang karapat-dapat na manahin ang ating Inang-Bayan.
0 notes
aldanmar · 8 years ago
Text
Makabayan bloc keeps alliance with Duterte despite Marcos burial
Makabayan bloc keeps alliance with Duterte despite Marcos burial
Makabayan bloc keeps alliance with Duterte despite Marcos burial
But the left-leaning lawmakers maintain their staunch opposition to the interment of the late dictator Ferdinand Marcos at the Libingan ng mga Bayani
Mara Cepeda
Published 6:45 PM, November 21, 2016
Updated 6:45 PM, November 21, 2016
View On WordPress
0 notes
eddonthenet · 8 years ago
Photo
Tumblr media
The Pinoy muffin! #makabayan #nocturnalsaint #like4like #blithefreak (at Towerville Brgy Gaya Gaya San Jose Del Monte Bulacan)
0 notes