zilyonaryo
Makata O.
3K posts
Ang buhay ng isang zilyonaryo
Don't wanna be here? Send us removal request.
zilyonaryo · 1 year ago
Text
Be calm.
Tumblr media Tumblr media
0 notes
zilyonaryo · 5 years ago
Text
Tumblr media
0 notes
zilyonaryo · 5 years ago
Text
Hunyo 28, 2020
Maghapon at magdamag akong gumawa ng module. Nang kinumusta ako ni Ma'am Nhanie, namangha siya dahil pang-11 na ang ginagawa ko. Pinayuhan din niya akong gamitin ang ibang laman ng Sinag 6 book niya. Ayaw ko sana kasi may mga akda naman ako, kaya lang naisip ko ang utang na loob. Kailangan ko ring ibalik sa kanya, bilang pasasalamat.
Before 12 mn umakyat na ako. Pagod na pagod at antok na antok ako.
0 notes
zilyonaryo · 5 years ago
Text
Tumblr media
Hunyo 27, 2020
Kahit nagsimula ako nang maaga sa module ko, nakadalawa akong ako ngayong araw. Nagdagdag kasi ng part si Ma'am Nhanie. May 'Gawin Mo' na. Kinailangan kong gumawa ng ten-item formative test bawat module. Gayunpaman, natutuwa ako dahil nakawalo na ako. Pito pa.
0 notes
zilyonaryo · 5 years ago
Text
Tumblr media
0 notes
zilyonaryo · 5 years ago
Text
Tumblr media
Hunyo 25, 2020
Agad kong hinarap ang paggawa ng module. Mas may excitement na sa puso ko kasi double purpose ito. Maisasantabi ko nga lang ang ibang mga bagay na gusto kong gawin. Pero, hindi bale hanggang June 30 lang naman ito.
Nakatapos ako ng tatlong module at nasimulan ko ang panglima ngayong araw. Nakagawa rin ako ng vlog. Nagpatulong ako sa pag-record ng audio kay Emily.
Past ten, nasa higaan na ako, pero hindi ako agad nakatulog. Alam ko namang magkaka-insomia uli ako. Ginusto ko lang ipahinga ang mga mata ko.
0 notes
zilyonaryo · 5 years ago
Text
Tumblr media
Hunyo 24, 2020
Maghapon uli akong nasa harap ng laptop, pero masaya naman dahil nai-print ko na ang ikalawang module ko. Nagsimula uli ako ng ikatlong module.
Mas sumaya pa ako dahil tinawagan ako ni Ma'am Nhanie. Binigyan niya ako ng writing commitment sa St. Bernadette Publishing House. Tamang-tama raw na gumagawa ako ng module ng Filipino 6. Iyon din ang ibinigay niya sa akin.
May format nga lang siya ng module na ipinagagaya sa akin, kaya medyo magagalaw ang mga nauna kong gawa.
Binigyan niya ako ng palugit na matapos ng first grading. Sa last day ng Hunyo ang deadline Isang linggo na lang. Fifteen na module ang kailangan kong gawin.
Dahil trabaho at pera ito, tinanggap ko ng challenge. Agad kong sinimulan. Pinag-aralan ko muna nang kaunti ang mga samples na binigay niya.
Past 12:20, naipasa ko na sa kanya ang isang draft ng module. Hindi na kaya ng mga mata ko. Sana approved.
Bukas, magdadalawang module ako.
0 notes
zilyonaryo · 5 years ago
Text
Tumblr media
Hunyo 23, 2020
Past eight, nasa harap na ako ng laptop, pero isiningit ko ang gardening. Saglit lang naman ako. Andami ko kasing kailangang gawin. Andaming hinihingi ng division. Paulit-ulit na trabaho. May survey form na, tapos magma-manual counting na naman. Gusto nila talagang pahirapan ang mga guro. Kawawa ang mga walang internet signal.
Gayunpaman, ipinagpatuloy ko ang paggawa ng module. Halos matapos ko na. Ilang pahina na lang, magpi-print na uli ako.
Makagawa uli ako ng PNG clipart. This time, doctor naman ang ginawa ko. May ginawa rin akong laptop icon.
Total of 517 ang YT subscribers ko, so far. More to go, pero kaya pang magtiyaga.
0 notes
zilyonaryo · 5 years ago
Text
Hunyo 22, 2020
Simula 9 hanggang 12, nakinig ako sa webinar tungkol sa online conferencing. Initiated ito ng SDO. Required ang lahat na manood. Marami naman akong natutuhan, kaya worth it naman ang pagsayang ng internet.
Then, maghapon na akong nakaharap sa laptop para sa iba pang gawain. Nakagawa uli ako ng clipart. Mas nagagamay ko na ngayon. Nakakainis lang kasi hindi dumating ang order kong drawing tablet sa Lazada.
Ngayong gabi, may 509 subscribers na ako sa YT. Marami ring nagtanong tungkol sa acid reflux at sa FVP. Mas tumaas pa ang watch time niyon.
0 notes
zilyonaryo · 5 years ago
Text
Hunyo 21, 2020
Nagpa-late ako ng bangon. Sinubukan ko si Emily kung tinablan sa sinabi ko kahapon, na ang nagnenegosyo ay gumigising ng maaga. Early bird catches worm.
Past 8, sinilbihan ako ng mag-ina ko ng almusal. Father's day raw kasi.
Bago ako humarap sa laptop, nag-gardening muna ako. Maganda ang araw, kaya nasikatan din ako.
Ngayong araw, natapos ko na ang unang module sa Filipino. Zine-style ang ginawa ko, kaya maaari ko itong idagdag sa koleksiyon ko. Kung hindi ko man maioagamit sa mga estudyante ko dahil provided naman ng division ang modules, okay lang. Nariyan naman si Zillion.
Gabi, nasimulan ko ang ikalawang module. Ang tema ko naman dito ay pagsusulat. Sa una kasi ay saging.
Nakagawa rin ako ng isang vlog para sa isa kong YT account. So far, may 499 subscribers na ako. May 1200+ watch hours na rin. Mabilis dumami ang watch time ko dahil sa Acid Reflux video. Marami rin ang nagkokomento, nagtatanong tungkol sa mga karamdaman nila. Narararamdaman ko na...
Sana lang, maaprub na ko sa Adsense. May problema ang una kong registration.
0 notes
zilyonaryo · 5 years ago
Text
Tumblr media
Hunyo 20, 2020
Nagsulat muna ako ng pang-update sa wattpad. Nang sa tingin ko, nabuo ko na ang isang chapter, bumangon na ako.
Maghapon akong humarap sa laptop ko upang ipagpatuloy ang paggawa ng module. May mga pahinga at intermissions naman ako, kaya hindi pa rin tapos.
Ngayong gabi, bago ako natulog, naka-apply ako sa Dreame. Sana matanggap nila ang nobela ko. Nagbabayad sila sa stories, ayon sa mga nababasa ko sa Facebook, mula sa mga comments at posts ng mga writer-friends ko.
0 notes
zilyonaryo · 5 years ago
Text
Tumblr media
Hunyo 19, 2020
Nasanay na yata akong magising nang maaga. Nauna pa ako sa manok kanina. Pero hindi agad ako bumangon. Nagsulat muna ako ng pang-update sa wattpad ko.
Bandang 8, bumaba na ako para maghanda ng almusal.
Nine o' clock, humarap na ako sa laptop ko. Nag-LESF ako at pagkatapos gumawa ng module. May mga magulang ding nag-chat sa akin tungkol sa mga anak nila.
Past 2, umidlip ako. Kahit paano ay nabawi ko ang kakulangan ko sa tulog.
Sa paggawa ng module, marami akong nadiskubre. Maaari palang makagawa ng clipart o PNG, gamit ang mga shapes sa Publisher. Lalo na siguro kong may drawing tablet na ako. Mas maapaganda ko pa ang gawa ko.
Ngayong gabi, nakapag-upload ako ng isang vlog. Tungkol iyon sa kung paano maging pera ang talento sa pagsusulat. Nagkataon namang ngayong gabi, nagsimula na ang St. Bernadette na mag-post ng animated stories mula sa proyektong 'Mga Kuwento ni 21st Century Teacher."
Masaya ako dahil unti-unti ko nang napapakinabangan ang mga itinanim ko noon. Masasabi kong may pera talaga sa pagsusulat.
0 notes
zilyonaryo · 5 years ago
Text
Tumblr media
Hunyo 18, 2020
Maaga pa ring akong namulat kahit napuyat ako kagabi dahil sa away ng mga lasing na kapitbahay at kapit-subdivision. Parang mga gangster sila. Kampihan. Bantaan.
Gayunpaman, para akong nanood ng sine. Nakakatawa ang mga mayayabang kong kapitbahay. Bumahag ang mga buntot sa mga dayo. Nakahanap din sila ng katapat nila.
Pagkatapos kong magdilig, humarap na ako sa laptop. Nagtrabaho na ako. Maghapon. Ihi lang ang pahinga. Nagmiting pa kaming EsP module writers. Mas nadagdagan ang trabaho. Gumagawa pa naman ako ng Filipino 6 module. Pansarili ko lang.
Naisulat ko na rin ang isa ko pang akda na pang-vlog. Hindi nga lang ako nakagawa dahil sa Face App. Nag-post ako sa FB ko. Andaming likes and comments. In-entertain ko ang mga iyon. Pero, sana subscribers sila sa Youtube ko. Andami sana...
Binigyan ko si Emily ng P10k ngayong gabi. Naawa kasi ako sa kanya dahil nasira na ang cellphone niya. Maghapon siyanf malungkot. Natulog lang.
Hinakayat ko rin na mag-vlog siya. Kumbinsido naman siya. Sana lang ituloy niya ang plano niyang magturo ng dancr steps dahil kasali naman siya noon sa PNU dancd troupe at dati siyang guro sa MAPEH.
0 notes
zilyonaryo · 5 years ago
Text
Tumblr media
Hunyo 17, 2020
Past nine, umalis ako para pindutin sa ATM ang COLA ko. Mabilis lang akong naka-withdraw. Natagalan lang ako sa palengke dahil sa kakahanap ng lamesang palochina. Kung kailan ko kailangan, saka hindi nagpakita ang mga naglalako.
Binilhan ko na lang si Emily ng pyjama. Matagal na siyang nagpaparinig. Binilhan ko rin sI Ion ng dalawang shorts.
Nakagawa ako ngayon ng vlogs. Nakagawa rin ako ng cliparts sa Publiher. Madali lang pala. Kailangan lang ng artistry at tiyaga. Maaari na nga akong gumawa ng storybook. Oras lang ang kailangan ko.
Hindi pa rin ako nakapag-tag sa LIS-LESF dahil down ang system.
Four hundred sixty-six na ang subscribers ko sa YT. Kahit paano, nadagdagan. Natutuwa rin ako dahil patuloy ang pagtaas ng watchtime ng GERD video ko.
0 notes
zilyonaryo · 5 years ago
Text
Hunyo 16, 2020
Late na ako bumangon kasi nagsulat pa ako ng pang-update sa wattpad ko. May nag-request na. Marami ang nag-aabang. Na-inspire naman ako kaya sinikap kong matapos ngayong araw. Gabi ko na iyon nai-post.
Hindi rin naman ako kaagad nakapagsulat at nakapag-vlog kasi kinailangan kong mamalengke, magluto, at tumulong sa pagsasampay. Humarap pa ako sa laptop para sa LIS, na down naman ang system.
Gayunpaman, naging productive ako ngayong araw. Nakaidlip din ako. Higit sa lahat, nakapag-post ako ng mga stories sa Booklat. nakasulat ako ng article, at nasimulan kong gawan ng vlog iyon.
Apat ang nadagdag sa subscribers ko ngayong araw. Not bad. Bumiyahe kasi si Gina patungo sa Batangas. Doon na siya titira sa ate niya. I hope matulungan pa rin niya akong maghanap ng subscribers.
0 notes
zilyonaryo · 5 years ago
Text
Hunyo 15, 2020
Sa unang pagkakataon, gumawa ako ng vlog na Math-based. Mahirap sa una, pero nagawa ko naman.
Hindi nga lang ako ngayon inspired gumawa ng iba pang vlog kasi parang apektado ako ng matumal na pagdagdag ng subscribers ko. Sa maghapon, wala pang sampu ang nadagdag. Although, not bad...
0 notes
zilyonaryo · 5 years ago
Text
Hunyo 14, 2020
Hapon na ako nakapagsulat kasi sa umaga nag-gardening ako, naglakad-lakad sa subdivision upang humanap ng mabibiling paso, at nagluto pagdating.
After lunch, umidlip ako. Productive naman ang araw ko kahit paano. Gustong-gusto kong magtanim, pero hindi ko magawa kasi walang paso. Hindi rin naman ako makatutok sa pagsusulat kasi masakit sa mata ang pagtutok sa cellphone. Isa pa, kailangang o-charge.
Bago ako natulog, nakapag-upload ako ng isang video sa YT. May 446 subs na ako.
0 notes