joh-08
J O H r n a l
1K posts
That's the thing about feelings. It demands to be in writings or drawings.
Don't wanna be here? Send us removal request.
joh-08 · 5 months ago
Note
It is okay. You write well. Typos are common honest mistake in writing. Just read it again before you post.
Thank you.
0 notes
joh-08 · 5 months ago
Text
Nakakasama ng loob amputa.
Mas pinili pa ng sarili kong magulang makitulog sa bahay ng pinsan ko para makipagchismisan.
Kaysa matulog sa bahay namin ng asawa ko na maginhawa at walang sagabal.
Pag hingian ng pera ambibilis, pero para magstay ng isang gabi para kumustahin ako, di magawa? Wow.
Just wow.
0 notes
joh-08 · 8 months ago
Text
It's about time I write some life update.
Katatapos lang nga kaarawan ko. 32.
Tatlong dekada at dalawang taon na akong namumuhay sa mundong ito. Lagpas na sa kalendaryo, sa bingo na lang tayo umaasa. Nagkakaedad na.
Magmula siguro ng tumuntong ako ng 29 parang lumilipad na ang oras. Ang bilis bilis. Maaring ganon, o 'di kaya'y hindi lang talaga nabibigyan ng pagkakataong huminto. Magpahinga. Magnilay.
Nakadagdag pa siguro ang pandemya na talagang pinahinto ang mundo, pero pinag-aligaga ang mga tao. Sabay pinagulo, pinabilis at pinabagal ang kung ano-anong aspeto ng buhay ko.
Pagkayari naman ng pandemya, nasubsob sa trabaho, sa pagoorganisa ng isa sa pinakamalaking bahagi ng buhay ko, ang kasal namin. Tapos, pagkayari naman ng kasal, naparalisa naman sa paggalaw dahil sa pampinansyang limitasyon. Pero nagtapos naman sa kasiguruhan ng tirahan ng aking mga magulang, nabili na kasi namin ang bahay namin noong pagkabata.
Grabe ang daming nangyare. Napakadaming aral ang hindi ko nairanim sa aking isipan, kasi naman walang panahon para magnilay, kaolangan na ulit gumalaw para sa susunod na kailangang gawin.
Eto na yata yung mga taon na talagang napa-ikot ako nga husto sa gulong at barilya ng kapitalismo. Sobrang nilunod ako ng mundo sa mga obligasyon. At ginapos sa yapos ng paghihikahos. Naks!
Pero sa kabila nga noon, mas madami din namang luminaw na mga bagay-bagay. May mga relasyobg lalong tumibay. Bagqmqn may mga pagkakaibigang di ko namamalayang nawawala sa aking mga kamay, mayroon din namang di inaasahang nabubuhay.
Ayun na nga. Nitong nagdaang kaarawan ko ng ikatlumpo't tatlong taong gulang, nagkaroon ako ng pagkakataong tumulala. Tumanga. Tumitig sa kawalan. Masaya nga pala.
Masaya nga pala. Masaya nga pala mabuhay.
Masaya nga palang mabuhay at di lang magpatangay.
Masaya nga palang manahimik at hindi marindi sa ingay.
Masaya nga palang mabuhay.
Di kailangang marangya, basta't may sapat.
Di kailangang nasasayo ang lahat.
Masaya nga pala mabuhay.
Masaya nga pala maging buhay.
4 notes · View notes
joh-08 · 11 months ago
Text
Ang tagal na ng huling sulat ko rito.
Nalulungkot ako. Para akong nabubuhay sa kalungkutan nitong mga nagdaang araw. Napapansin ko ang sarili kong sinisikap iburo ang nadarama ko sa pamamagitan ng kung anu-anong pagkakaabalahan.
May kaibigan akong yumao ng biglaan.
Hindi ko alam paano ipagluluksa ang pagyao ng taong minsang naging malapit sa akin. Ng isang taong minsang naging madalas kong kausap. Ng isa sa mga taong hinangaan ko. Ng isang dating kaibigang naging matapat at totoo.
Sa pakiramdam ko wala akong karapatang umiyak. Napakatagal na kasi ng huli ko syang nakausap bago sya yumao. Napakatagal na kasing hindi ako nagpaka-kaibigan sa kanya.
Pakiramdam ko tuloy wala naman talaga akong karapatang magluksa, maging malungkot. Anong mukha ang ihaharap ko sa mga pamilya at iba pa naming kaibigan? Nasaan ba ako noong mga panahong kailangan din nya ng isang kaibigan?
Nasaan nga ba ako?
Ang hirap naman ipaliwanag sa kanya, na wala naman talagang makatuturang dahilan kung bakit nawala sya sa sirkulasyon ng buhay ko. Hindi ko na maipapaliwanag na naging abala ako sa aking buhay. Hindi ko na maipapaliwanag sa kanya na sa aking paglayo at paghahanap ng aking sariling daan ay nawalan ako ng panahon sa kanya, sampu ng iba pang mga kaibigan.
Hindi ko na maipapaliwanag sakanya. At hindi ko na mababawi pa. Hindi na ako makakabawi sa lahat ng pagkukulang ko sa kanya. Wala nang pagkakataon.
Napapatanong nga rin ako kung may katuturan ba itong aking kalungkutan. Kinailangan nya nga ba ako ni minsan nung ako'y nawala na sa buhay nya? O kaya naman, itinuring nya nga ba naman akong kaibigan noong nabubuhay pa sya? Mayroon nga ba akong halaga o naidulot man lang sa buhay nya noong nabubuhay pa sya?
Hindi ko alam. At hindi ko na malamang malalaman kailan pa man.
Sa kabila ng mga tanong, pagdududa at mga agam-agam, hindi ko maitatangging nalulungkot ako. May kalungkutan sa aking puso sa kanyang pagyao. Bagaman kasi matagal na kaming di nagkakausap, masaya akong nakilala ko sya, na naging bahagi sya ng buhay ko sa maski saglit na yugto. At ang pagkawala nya sa mundo ay malaking kawalan ng isang makulay at maningning na nilalang.
Nakakahinayang na hindi na kita muling makikita, Mareng Mune. Nakakalungkot.
0 notes
joh-08 · 2 years ago
Text
I am no ones favorite person. Not my bestfriend. Not even my husband.
I keep repeating it to myself: I'm no ones favorite person and that's okay".
But is it really?
On my 31st birthday, no one took their valuable time to make it special.
I planned my own "outing" the weekend before my birthday. I planned and paid for a "birthday eat out" for myself and my husband.
No surprises. No grand greetings.
Nothing special.
I keep repeating to myself: I'm no ones favorite person and that's okay".
I make my own day special. If I want to make it special, I will have to do it for myself. I have no one to expect it from. I'm independent that way, I tell myself. But sometimes, at the back of my mind, I wish someone would make it for me. I wish someone would make me feel special.
Until then, I will repeat to myself: I'm no ones favorite person and that's okay".
9 notes · View notes
joh-08 · 2 years ago
Text
Dati-rati, karakter ka pa lang sa tula ko, ngayon asawa na kita.. Yeeee.
Palad
Di magkamayaw ang mga nakatuhog na kabayo
Sa paikot-ikot at paulit-ulit na matuling pagtakbo
Kasabay ng mga taong nagkakagulo-gulo
Sa pamimili ng mga gamit sa paroo’t parito.
Nagtama ang ating mga mata.
Ngumiti ka. Nagkasabay pa sa salita,
“Napakaraming tao dito!”
Pangising ngiti ang tugon natin nito.
Nagsalo sa madaming pagkain.
Tumawa ng walang iisipin.
Ninais na ika'y kilalanin
At samsamin ang iyong damdamin.
Magkasabay na sumilip sa kwento ng alamat
Ng makatang mangaawit na hinangaan ng lahat.
Habang ating katawan ay naglalapat
Kinikilala ang bawat bahagi ng ating lamat.
Pinagtugma na lang kaagad-agad
Sa bawat mga kwentong inilahad
Sa mga bukas na hinahangad
At paglalakad natin ng makupad.
Lumipas ang gabing ang oras ay nasaan,
At ang bagong umaga'y inumpisahan
Sa kampanteng pakiramdam
Na naninigurong pinagtagpo tayo ng paham.
Masinsinang ibinulong ng tadhana
Na ang iyong puso ay hinulma
Para aking pakaingatan.
At ang aking puso'y hinubog
Na sa kuyom niyong palad mapaloob.
4 notes · View notes
joh-08 · 2 years ago
Photo
Tumblr media
Bakit kailangang limusin ng mahihirap ang serbisyong karpaatan naman talagang matamasa? Sa panahon na ito lumilitaw ang lahat ng kulang at kapos sa ating sistema. Tumitingkad ang mga paglabag sa karapatang pantao. Walang maayos na plano ang pamahalaan. Walang maayos na trabaho ang mamamayan. Kakaunti ang politikong may mabuting hangad sa sambayanan. Marami pa din ang nagsasamantala.
“Limos”
#artinthetimeofcorona #artinthetimeofcovid #artinthetimeofquarantine #artistsoninstagram #artistontumblr https://www.instagram.com/p/B-cLFeJhIVV0gjC-IzxudH3e1QFL6zub_iQfyw0/?igshid=1qog6n5m3a2ab
3 notes · View notes
joh-08 · 2 years ago
Photo
Tumblr media
Golden. Di naman talaga maganda. Kinakalawang na nga ako mag-paint. Pero ano naman, para naman 'to sa akin at di naman para sa iba. Hahaha. (at Rodriguez, Rizal) https://www.instagram.com/p/ChcHrxuBXfzuhngKAOgPrH7_UoMhgjdVcDwNg80/?igshid=NGJjMDIxMWI=
0 notes
joh-08 · 2 years ago
Photo
Tumblr media
It has been faaar tooo long since I allowed myself to have this silence. To just feel the calmness. To relax. Thanks self you deserve to not do anything even just for a day. (at Rodriguez, Rizal) https://www.instagram.com/p/Chb2qHZhaqKjEm19uL8Gp846xyT4CpDOdToKJs0/?igshid=NGJjMDIxMWI=
0 notes
joh-08 · 2 years ago
Text
Araw-araw
It all make sense.
Lahat ng sakit.
Lahat ng duda.
Lahat ng nagdaan na.
May saysay ang lahat.
Minsan hindi mo pa malaman ngayon.
Hindi mo pa masabi ang dahilan noon.
O maipaliwanag para sa ikapapanatag.
O upang mapakalma man lamang
Ang hapdi at pait.
It all make sense now.
Dadating din pala ang tamang tao.
Maski na nang dahil sa gulo,
Maging sa sarili mo ay may pagdududa.
May tao palang darating para magtiwala.
Maski sa sarili mo ay wala ka nang gana,
May taong di susuko upang unawain ka.
Hindi ko inakala.
Hindi din naman ako nararapat.
Sa lahat pagkakasala
Na nagawa noon.
May mga multo pa ding nahahalughog
Sa mga sulok-sulok ng mga lumang kahon.
Sa kabila ng lahat, may tatapik sa'yo upang sabihing,
"It's okay. I'm here."
Pinipili kita.
Sa kabila ng hindi duda ko sa aking sarili.
Sa kabila ng multo ng mga nagdaan.
Pipiliin kita araw-araw.
Dahil alam ko na ngayon
Na ikaw ang tamang tao.
Ikaw ang tamang tao.
0 notes
joh-08 · 3 years ago
Photo
Tumblr media
100 days to go. Team donut. @megane_labo https://www.instagram.com/p/CcVav8BPItpJjnSo6rW73GMgdUgD-TUK73kInQ0/?igshid=NGJjMDIxMWI=
2 notes · View notes
joh-08 · 3 years ago
Photo
Tumblr media
Masahista ko tulo laway. https://www.instagram.com/p/CZ1eLsbhrjAaxnB3AoQcjCStijRFqt9PQPKtGM0/?utm_medium=tumblr
0 notes
joh-08 · 3 years ago
Photo
Tumblr media
Pink ang kulay ng bukas. https://www.instagram.com/p/CZjSrG5BGndOzb2VOC_rRuiJmYsmlHm-DsqyOg0/?utm_medium=tumblr
0 notes
joh-08 · 3 years ago
Text
Fuck people.
Masakit mamatayan ng pusa.
0 notes
joh-08 · 3 years ago
Photo
Tumblr media
Bantayan mo yang mga kapang-cat mo jan. Lamo naman mga shungers shungers mga yarn. Salamat sa paglaban. Salamat Cumin. https://www.instagram.com/p/CZTpzMOB8-Q0e6Xl7OxYUB94wIVk0Mx8BJjcHc0/?utm_medium=tumblr
1 note · View note
joh-08 · 3 years ago
Photo
Tumblr media
Sorry. https://www.instagram.com/p/CZO4XLOhHqJRABrMkGqrPP2wuUcm3hBbncSYI40/?utm_medium=tumblr
1 note · View note
joh-08 · 3 years ago
Photo
Tumblr media
Yaw ko na. https://www.instagram.com/p/CZN9QOBP3-nx2QYwOJspLql4XpEbZ5NuSVQlCA0/?utm_medium=tumblr
0 notes