#Ibulong mo sa hangin
Explore tagged Tumblr posts
Text
youtube
Blood of the Vampires (1966)
My rating: 3/10
Could've been kind of fun in an overwrought, badly dubbed melodrama sort of way, but man, that is a lot of blackface one would have to look past for that.
#Ibulong mo sa hangin#Gerardo de Leon#Ben Feleo#Pierre L. Salas#Amalia Fuentes#Romeo Vasquez#Eddie Garcia#Youtube
1 note
·
View note
Text
BS
HUWAG niyo gawing excuse yung pag gamit ng substance.. patay na nga tudo pa rin sira sa pangalan .
Isa lang nakita ko rason nito .lahat ng nakapaligid sa kanya kaalyado ni Maya Henry.
At gusto niya ipapatay . Naniwala ako sa coincidence kung hindi sila magkakaila ever.
Pera ang labanan sa batas sa mga mayayaman .
Kapag wala kang pera lies ang truth mo .
Ibulong ko sa hangin mga JUDGE /ATTY.na mukhang pera makarma .
0 notes
Text
11:11
hindi ako naniniwala sa mga pamahiin
o sa kung ano mang sumasaklaw sa mga ito
kahit yung mga maliliit na bagay na ugnay sa paghiling
tulad ng ikalabing-isang minuto ng alas onse
na kapag humiling ka sa mismong oras na iyon
malaki raw ang tsansa na magkatotoo ito
hindi ko rin alam ano ang lohika sa bagay na ito
kaya kailanman, hindi ako naniwala rito
hanggang sa dumating ka para baguhin ang pananaw ko rito
bigla ko na lang nakita ang sarili kong inaabangan ang oras na iyon
bilang pagsabay sa interes mo
bigla ko na lang nakita ang sarili kong sabik kapag nasasaktuhan ang oras na iyon
kasi kung hindi mo man maabutan, nandito ako para saluhin ang mga hiling mo at ibulong sa hangin na sana tuparin ang mga ito
bigla ko na lang nakita ang sarili kong hindi igiit na naniniwala ako sa mga ito at sinasabi sa ibang, "wala naman mawawala kung maniwala ka kahit kaunti"
bigla ko na lang nakita ang sarili kong nakatingin sa iyo tuwing sasabihin mong humiling ako sa tuwing maaabutan natin ito
at sa tuwing mahahanap ka ng mga mata ko, tila ba alam ko na agad ang hiling ko, dalawang bagay lang naman:
sana matupad ang mga hiling mo
at sana isa ako sa mga hinihiling mo
kasi ikaw lamang ang laman ng mga hiling ko.
0 notes
Photo
Curse of the Vampires (Gerardo de Leon, 1966)
526 notes
·
View notes
Text
Beast of Blood (1970) & Curse of the Vampires (Ibulong mo sa hangin, 1966)
45 notes
·
View notes
Text
ibulong mo na lang sa hangin
At sa tenga humalik
At bumalik
Don sa leeg
Pababa sa iyong panakip
5 notes
·
View notes
Text
Bulong
Ibulong mo sa hangin ang nararamdaman
Mag baka sakaling baka may mapuntahan
Ang sikretong nais mo nang ipagsigawan
Hanggang sa magasgas ang iyong lalamunan
Ngunit papaano mong mapapanindigan
Ang pag amin sa lihim mo sa kalangitan
Kung sa pag bukas ng bibig may alinlangan
Imbis na pantig ay hangin ang nag labasan
Dahil iba ang gusto ng puso't isipan
Dalawang nagtatalo at naguguluhan
Kahit pa ang puso mo'y handang manindigan
Ang utak mo nama'y alipin ang katawan
Kaya ibulong mo na lang nang dahan-dahan
Baka may pag-asa na may mapatunguhan
Sa kanyang tainga na nag bibingibingihan
Na dahil sa bulong mo ay kanyang malaman
6 notes
·
View notes
Text
Minsan nakakainis rin talaga ang pag-ibig, 'no?
Tahimik kang maghihintay ng bus. Makikinig ng musikang pantapal mo sa maingay na mundo.
Bago pa man tuluyang mangawit ang mga binti, hihinto sa harap mo ang bus, bubukas ang pintuan.
Papasok ka, maghahanap ng bakanteng upuan.
Maghahanap ka ng puwestong solo mo.
Saka aandar ito—liliko, aabante't aatras.
Dudungaw ka sa bintana. Magmamasid.
Hindi ka malungkot. Hindi ka rin masaya, pero ayos na iyon.
Pagkatapos ay biglang hihinto ang bus. Normal lang naman iyon kaya hindi ka na mag-aabala pang lingunin ang pintuan.
Pero sa hindi inaasahang pagkakataon, may uupo sa tabi mo—bagong mukha, bagong kuwento.
Nakakainis rin talaga ang pag-ibig 'no?
Kung kailan ka nananahimik, saka naman darating.
Hindi kayo mag-uusap sa simula.
Pero katagala'y aalukin ka n'ya ng baon n'yang bibingka.
Pagkatapos ay magsisimula ang kuwentuhan.
Sa kanya iikot ang buong biyahe.
Para bang makakalimutan mo ang matagal na paghihintay sa estasyon, ang mga taong nakipagbanggaan sa'yo, ang maingay na mundo.
Makakalimutan mo ang lamig ng hangin, ang ulan, ang pakiramdam mong noo'y nakuntento ka na kahit hindi masaya.
Sa wakas, hindi ka na sa bintana nakamasid,
Kundi sa mga mata ng taong pumuno sa malaking espasyong matagal mong hinintay na maglaho.
Habang tumatagal ay hindi mo na mamamalayang umaapaw na ang mga ngiti.
Makakalimutan mo na kung saan ka papunta,
Maliligaw ka na sa kanya.
Pagkatapos, kung kailan hindi ka handa,
Hihinto ang bus.
Hindi ka sana mag-aabalang lingunin ang pintuan, pero mapapansin mong nagliligpit s'ya ng bagahe.
Saka mo maaalala;
Hindi pala kayo magkasama.
Nakasabay mo lang pala s'ya.
Nakakainis rin talaga ang pag-ibig 'no?
Kung kailan nasanay ka nang nariyan s'ya, saka naman mawawala.
Ayaw mo sana s'yang hayaang bumaba.
Gusto mo sana s'yang pigilan, hatakin pabalik.
Pero iba ang rutang tatahakin n'ya.
Hindi mo gustong magpaalam,
Pero doon, hanggang doon na lamang ang mga tawanan.
Kaya mapapatingin ka na lamang sandali sa bakanteng espasyong nasa tabi mo,
saka ka dudungaw muli sa binatana.
Hindi ka masaya, kundi sobrang lungkot.
Hihinto ang mundo mo,
Pero magpapatuloy ang biyahe.
Kaya wala kang ibang magagawa kundi ibulong sa hangin ang iyong panalangin na sana,
Sana pagdating mo sa iyong destinasyon, mahanap mo s'ya roon.
At kung hindi man, sana sa araw na iyon, hindi mo na s'ya hinahanap.
—Ali
Larawan ni Isko Gamboa
grabbed from Pahmikas’ page on facebook
5 notes
·
View notes
Text
Sa paglipas ng panahon nawawala na din paunti-unti ang sakit na nararamdaman mo, pero yung alaala nandyan pa rin. Minsan napapaisip ka na lang kung kamusta na siya, kung ano kayang ginagawa niya ngayon. Gusto mo siyang kausapin pero pinipigilan mo ang sarili mo dahil takot kang mareject ulit yung message mo. Alam mo kasing hindi ka din naman niya papansinin, gagawa ka lang ng iiyakan mo kaya mas pinili mo na lang na ibulong sa hangin lahat ng gusto mong sabihin sa kanya. Ang importante ngayon ay nakakangiti kana kahit alam mo sa sarili mo na hindi ka pa okay at least nakakaya mo na kahit papaano. Darating din ang araw na may magpapasaya ulit sayo at mamahalin ka niya ng buo. Maiintindihan ka niya at tutulungan ka niyang magtiwala ulit sa pag-ibig.
1 note
·
View note
Text
Naalala mo pa ba kung paano ko unang hinawakan ang kamay mo? Halos nahihiya ka pa na hawakan din ang kamay ko, sa takot na baka may makakita sa atin na kakilala mo. "Bawal pa kasi ako mag boyfriend." Naalala mo kung paano ko inintindi yun? Binitawan ko yung kamay mo hindi dahil sa ayoko, binitawan ko ang kamay mo, dahil naiintindihan ko yung sitwasyon mo. Sana naaalala mo kung ilang beses kong sinabi sayo na gusto ko hinahawakan ang kamay mo. Kaya idinikit kita sa akin, nais ko sana na maramdaman mong ligtas ka sa tabi ko. Nais kong maging kumportable ka, kahit medyo nagiging siksikan na dito sa tren. Kaya, niyakap kita, mahigpit. Halos ayaw na kitang pakawalan. Ito na marahil ang huling yakap ko sa'yo. At bumukas ang pinto, "Araneta-Cubao station", bumaba tayo, pero hindi na kagaya ng kanina ang dikit mo sa akin, halos hindi mo na din ako madikitan. Malayong malayo sa nakakasanayan. Doon sa may tulay, sinabi mo sa akin na, "okay na, kaya ko na. Salamat." Sabay kaway sa malamig na hangin, na kasing lamig na din natin. Ilang araw na ba ang lumipas, mula ng huling nag usap? Hindi ko na matandaan. Hindi nga ako nagkamali, yung yakap ko sa'yo huli na pala yon. Sana hinigpitan ko pa. Sana binulong ko sa'yo kung gaano kita kamahal. Hindi ko na kailangan pang isigaw sa mundo yung gusto kong sabihin, dahil pwede ko namang ibulong sayo, na unti-unting nagiging mundo ko. Sana pala nung mga sandaling yon, hinalikan kita sa labi, kahit sa huling pagkakataon. Sana pala ginawa ko yun lahat, kung alam ko lang.
29 notes
·
View notes
Text
Mahal na mahal kita, alam mo naman kung sino ka. May mga pagkakataon talaga na kapag kinakain ako ng pangungulila ko sa'yo, wala akong ibang magawa kundi isipan ka at ibulong sa hangin ang mga gusto kong sabihin na sana nadidinig mo. Gustong-gusto isigaw ng puso ko ang pangalan mo sinta. May mga pakiramdam na nararamdaman ko na hindi ko talaga maiwasan. Gusto ko lang malaman mo na, ikaw lang talaga ang sinisinta ko at ang mahal ko. At minsan, nasa panaginip kita, ang tamis ng ngiti mo, ang saya-saya mo. Masaya na ko na nakikita kang masaya. Sana yung totoong masaya. Pasensya ka na kung minsan nababaliw ako kakaisip sa'yo, ikaw kasi, sa'yo ko lang naramdaman yung ganito. Sa iyo lamang.
6 notes
·
View notes
Text
Kung Nanaisin
Kung ako ay babalik sa nagdaang sandali
Nanaisin kong sa piling mo manatili
Hindi man sigurado at baka nagkakamali
Nakikita kong masaya ang aking sarili.
Kung ako ay dadalin sa isang lugar
Nanaisin kong sa harap ng altar
Hindi man ito dahil sa ating kasal
Nakikita kong ikaw ang panalangin at dasal.
Kung ako ay makikinig ng isang musika
Nanaisin kong ilapit sayo aking tenga
Hindi man ito isang magandang kanta
Nakikita kong sarili na sa boses mo’y nahahalina
Kung ako ay mayroong gustong iparating
Nanaisin kong idaan sa paglalambing
Hindi man ito ang iyong hiling
Nakikita kong ito sa iyo’y makakarating
Kung ako ay hahayaang may sabihin
Nanaisin kong ibulong ito sa hangin
Hindi man madinig pero sana’y damhin
Nakikita kong ikaw na ang syang mamahalin.
#poetry#poem#random#writerscorner#poets on tumblr#excerpt from a book i'll never write#writersoftumblr#poetryisnotdead#writerssociety#makatacorner#spokenpoetry#love#tula#makata#sulat#liham#letra#letters#words#salita
2 notes
·
View notes
Text
Alam ko at ang karamihan ay gusto ng hustisya para sayo at ikaw din.lalo na ang pamilya mo
Hindi ko Alam anu ibig mong sabihin kusa ka mag appear sa panaginip ko .
Hayaan mo Ibulong ko sa hangin na magkaroon ka ng hustisya at ang iba pa .
Hindi sila makakatakas sa mga ka dem*nyuhan nila na gawain.
0 notes
Text
Finale
Tapusin na 'gang kaya pa, baka kasi hindi ko na kayanin pa pag pinatagal ko pa. Isulat nalang sa tubig sabay ibulong sa hangin lahat nang sakit kahit ako din naman 'tong nagpumilit. Sana hindi nalang inulit pa, dinoble mo 'yung sakit sa pangalawang pag kakataon. Bugbog na rin tong isip ko kakaisip na hindi ko naisip na wala sa 'yong isip ang aking iniisip.
Aminin ko, takot ako kasi alam kong hindi, wala, at hindi pwede. Malabo pa sa malabong usapan. Magulong pag iintindihan.
Takot ipagtapat lahat nang nararamdaman simula pa 'nung una. Kasi alam ko kung "wala" lang "tayo" para sa'iyo.
Sorry if lalayo ako, sorry kung aalis ako. Pero sisiguraduhin ko naman na sa maayos ka kahit masakit sakin makita na palayo ka. Patawarin mo ako kung sa gantong sitwasyon humantong tong nararamdaman ko para sa'yo. Sorry gagawin ko ito para na din sa sarili ko. Sorry kung hindi ko na kayang titiis lahat nang sakit na nararamdaman ko. Sorry kung minahal kita noon pa lalo ngayon. Sorry kung hindi ko nasabi sa'yo lahat. Sorry kung hindi ko naipagtapat. Sorry kung naduwag ako. Sorry kung heto at ganito lang ako.
Salamat sa mga bawat araw na naramdaman kong ako'y mahalaga. Salamat sa mga saya na pinagsaluhan natin. Salamat sa masasaya at malungkot na kwentuhan natin. Salamat sa pag mamahal kahit na ibang pagmamahal mo ang hinahanap ko.
(......)
0 notes
Photo
Curse of the Vampires (Gerardo de Leon, 1966)
360 notes
·
View notes
Text
WanToTen
Isa.
Isang sulyap lamang sa mapupungay mong mga mata, alam na ng puso ko na kaya nitong mahulog sa estrangherong gaya mo. Gumuho ang bawat pader, bumulwak ang kakaibang emosyon – lahat dahil sa isa.
Dalawa.
Dalawang magkasunod na gabi kitang napaginipan matapos ng una nating pagkikita. Hindi mapagkit sa aking isip ang iyong aristokratikong tindig at malamyos na tinig. Sa kadiliman ng gabi, malinaw na nakahanap ng lilim ang maligalig kong isipan sa piling ng iyong imahe.
Tatlo.
Tatlong beses kitang nakasalubong sa gitna ng laksa laksang tao sa Faculty Center. Tatlong beses ko ring iniwasan na titigan ka. Mabigat ang mga hakbang at bitbit ang mga salitang matagal nang gustong kumawala ay daglian kitang nilampasan. Pilit kong kinumbinsi ang sarili na walang kakaiba sa’yo - wala akong nakita, wala akong naramdaman.
Apat.
Apat na tao na ang nagsabi sa akin na layuan kita. Hindi ka na raw malaya. Hindi raw makabubuti sa baguhang gaya ko na manulay sa pagitan ng paalam at pahiram. “Naiintindihan ko,” iyon ang sagot ko sa kanila. Hindi ko naman balak tawirin ang espasyo sa pagitan nating dalawa. Masyado itong malawak lakarin at nakatatakot sisirin. Sanay naman akong magmahal mula sa malayo.
Lima.
Limang paraan na ang ginawa ko para matapatan ka. Binago ang sarili. Nilakasan ang loob na maging lider. Nagsipag upang maging mahusay na mag-aaral. Nilibot ang kanlurang bahagi ng mundo. Umasa ako na sa ganitong mga paraan ay makakasabay kita habang tinutugis mo ang sarili mong mga pangarap. Hindi ko naman ibig na huminto ka sa aking tabi at sabayan ako sa pagtakbo. Sapat na sa akin ang iyong paglingon. Pero kahit iyon, hindi mo pa rin nagawa.
Anim.
Anim na beses kitang iniyakan. Madalas, kapag nanunuod ako ng pelikula. Ngunit may panaka-naka pa ring pag-agos ng aking luha sa kanlungan ng mga tilyadong sahig at mga sulok ng kwarto. Minsan nga iniisip ko kung saan nagmumula ang kalungkutan na dulot ng pagsapit ng gabi. Nasasaktan ako kasi naaalala kita, pero mas nasasaktan ako kasi wala naman tayong binuong ala-ala ng magkasama.
Pito.
Pitong pagkapanalo at pagkatalo mo sa buhay ang aking nasaksihan. Sa lahat ng mga pagkakataong iyon, dinamayan kita mula sa malayo. Sobrang saya ko noong nakita ang pangalan mo sa hilera ng mga pasado sa PHILSAT. Halos itag pa kita sa isang congratulatory message sa Facebook. Iniyakan ko ang isang gabi ng iyong kampanya nang mapansin kong bakas na sa iyong mukha ang pagod, at pagkabalisa. Gusto kong haplusin ang iyong likod at ibulong sa iyo na kaya mo yan. Pero gaya ng maraming pagkakataon, ipinagdasal ko na lamang na sana nandoon ang taong nagmamay-ari ng iyong puso upang ibigay sa’yo ang pagdamay na nais kong iparating.
Walo.
Saktong walong bote ng alak at walong piraso na ng sigarilyo ang nakonsumo ko dahil sa’yo. Sa bawat lagok, inaanod ng malamig na likidong naglalandas sa aking lalamunan ang lahat ng pait na nagkukubli sa aking mga payak na ngiti. Sa bawat hithit, pumapaimbulog sa malayang usok ng yosi, inaanod ng hangin ang mga emosyong hindi ko kailanman naisatinig o maisasatinig.
Siyam.
Siyam na hakbang ang layo ko sa iyo mula nang huli tayong magkita. Sa una at huling pagkakataon, gusto sana kitang ikulong sa aking mga bisig at ibulong sa’yo na parati mong piliin na maging masaya. Ngunit hanggang sa huli, hinayaan ko ang sarili na malupig ng takot at panliliit. Hanggang sa huli, ang pinili kong kasiyahan ay hindi ko man lamang nakayanang ipaglaban.
Sampu.
Pangsampu ko na itong akda para sa’yo. Sa totoo lang, natatakot ako na baka hindi pa ito ang huling mga salita at talata na hahalik sa pahina ng aking mga haraya.
Natatakot ako sa katotohanan na sa puso ko ikaw ay nag-iisa at paulit-ulit lang akong babalik sa umpisa.
Isa.
Written on August 5, 2017
1 note
·
View note