elyksir
22 posts
elixir; mga bagay na naglalaman ng mahahalagang bagay sa aking katauhan na inilahad sa pamamagitan ng pagsulat.
Don't wanna be here? Send us removal request.
elyksir · 2 months ago
Text
and there was you.
matagal na akong nawawala.
wala sa mundo, wala sa sarili.
hindi ko alam kung ano ba dapat kong gawin,
kung ano ba talaga dahilan ko bakit ako nandito.
wala akong sariling circle sa school,
kung sino-sino na lang sinasamahan ko.
magkakaiba na kasi kami ng school ng mga tropa ko.
matagal na akong nawawala.
sa karagatan ng mga tao, tila ba anino lang ako.
walang pumapansin, walang nakakapansin.
marunong naman ako magmaneho,
pero bakit hindi ko alam direksyon ng buhay ko?
hindi puwedeng hanggang dito lang ako.
nawawala pa rin ako.
ang kaibahan lang, dumating ka.
napansin mo ako, pinansin mo ako.
sa tagal ng pamumuhay ko sa mundo,
ikaw lang yung hinayaang dumapo mga mata mo sa’kin.
at sa oras na ‘yon, pakiramdam ko nakalaya na ako.
tunay na ang pag-ibig ay mapagpalaya at gabay sa mga nawawala.
1 note · View note
elyksir · 5 months ago
Text
will someone ever know?
Tumblr media
ni minsan ba sumagi sa isip mo yung sakit na dulot mo?
ni minsan ba sumagi sa isip mo na masasaktan mo ako?
ni minsan ba sumagi sa isip mo na nandito ako para sa’yo?
ni minsan ba sumagi man ako sa isip mo?
tangina, alam mong masasaktan ako ‘e. alam mo kung ano yung mararamdaman ko. ang malala, tinuloy mo pa rin. oo nga, alam mo na mararamdaman ko pero kailanman hindi mo malalaman ano yung pakiramdam. halos mawalan ako ng buhay nung mawala ka. halos ikaw na yung bumabalot sa pagkatao ko, tipong lahat ng taong nagnanais maging parte ng buhay ko kailangangang makilala ka para makilala ako.
may mga sugat na kailanman ay hindi kayang pagalingin ng oras at mananatili itong bukas. mananatili ang hapdi, ang kirot. kailanma’y walang makakaintindi kung gaano kasakit ang isang bagay hangga’t hindi sila ang nakararanas.
isang mahigpit na yakap at pag-asang makamtan balang araw ang paghilom na inaasam, kaibigan. nawa’y magtagumpay ka sa bawat pagsubok na hindi mo ipinababatid. kasama mo ako sa bawat lakbay na iyong tatahakin. :)
0 notes
elyksir · 5 months ago
Text
11:11
Tumblr media
hindi ako naniniwala sa mga pamahiin
o sa kung ano mang sumasaklaw sa mga ito
kahit yung mga maliliit na bagay na ugnay sa paghiling
tulad ng ikalabing-isang minuto ng alas onse
na kapag humiling ka sa mismong oras na iyon
malaki raw ang tsansa na magkatotoo ito
hindi ko rin alam ano ang lohika sa bagay na ito
kaya kailanman, hindi ako naniwala rito
hanggang sa dumating ka para baguhin ang pananaw ko rito
bigla ko na lang nakita ang sarili kong inaabangan ang oras na iyon
bilang pagsabay sa interes mo
bigla ko na lang nakita ang sarili kong sabik kapag nasasaktuhan ang oras na iyon
kasi kung hindi mo man maabutan, nandito ako para saluhin ang mga hiling mo at ibulong sa hangin na sana tuparin ang mga ito
bigla ko na lang nakita ang sarili kong hindi igiit na naniniwala ako sa mga ito at sinasabi sa ibang, "wala naman mawawala kung maniwala ka kahit kaunti"
bigla ko na lang nakita ang sarili kong nakatingin sa iyo tuwing sasabihin mong humiling ako sa tuwing maaabutan natin ito
at sa tuwing mahahanap ka ng mga mata ko, tila ba alam ko na agad ang hiling ko, dalawang bagay lang naman:
sana matupad ang mga hiling mo
at sana isa ako sa mga hinihiling mo
kasi ikaw lamang ang laman ng mga hiling ko.
0 notes
elyksir · 8 months ago
Text
mean it
hindi ko naman hiling magagarbong bagay
ikaw lang naman kailangan ko
kahit katiting lang ng oras mo ang hinihiling ko
ngunit bakit parang hirap kang ibigay?
totoo pa ba sinasabi mong gusto mo kung ano mang meron tayo?
o pipilitin kong magbulag-bulagan at intindihin ka palagi para lang hindi mawalay sa piling mo?
paano naman ako? kailan mo tatanawin at maiisip ang mga bagay sa kung paano makakaapekto sa akin ang mga ito?
0 notes
elyksir · 8 months ago
Text
‘kabisado na kita.’
totoo naman kasi. alam ko na buong pangalan mo, birthday mo, mga hilig mo, ano balak mo in the future, mga bagay na ayaw mo, mga mannerisms na hindi mo namamalayan nagagawa mo. ano pa ba? miski buong pagkatao ko kabisado ka na sa puntong kahit hindi utusan ng utak ko gawin ‘to, automatic ikaw ang papasok sa isip ko. sa tuwing pagmulat ng mga mata ko, notif agad galing sa’yo ang hanap ko. kung wala pa man, automatic punta ‘yan sa messages para sendan ka ng kahit ano. muscle memory na, kumbaga. sa tuwing may makikitang post kahit hindi ko pa naman naiisip kung kanino isesend, parang may sariling galaw mga daliri ko, makikita ko na lang nakatype na number mo. kabisado ko pa nga number mo kaysa sa number ko. sa number ko nagdadalawang isip pa ako to the point na chinecheck ko pa sa contacts ko, pero ‘yung sa’yo, kabisado ko kahit nakapikit. bawat numero saktong-sakto, walang mintis, walang labis, walang kulang. tamang-tama. parang ngayon, hindi naman sinasabi ng mga utak ko para kanino ‘tong piyesa na ‘to, pero alam ng sarili ko kung para kanino unang linya pa lang. wala ako maisip kanina mailagay rito pero ngayon dire-diretso na ako. gano’n ka siguro nakabisado ng pagkatao ko. ilang buwan pa lang pero parang nananalaytay ka na sa’kin.
lord, tinamaan na naman ba ako?
0 notes
elyksir · 2 years ago
Text
tanikala
i've been talking to someone else
it’s bothering that i can’t feel a thing
but i remembered i've only felt it when i was with you
i did my best to focus on what i was having
but how can i, when all i’ve seen was a glimpse of you?
0 notes
elyksir · 2 years ago
Text
sa mga bagay ay hindi laging desidido
pero pagdating sa’yo, ikaw ang pipiliin ko, panigurado.
0 notes
elyksir · 2 years ago
Text
sa’yong mga mata tila ay nalulunod ako
at tila bang wala akong magawa upang makaahon dito
unti-unti nang napupuno ang damdamin
panatilihin itong lingid sa’yo ay akin pa bang kakayanin?
0 notes
elyksir · 2 years ago
Text
let me in
nang una kang makita, mga mata mo’y parang bituin
na parang nasa loob nito ang kalawakan at ito ako na handang iyong hatakin
hindi inaasahang ikaw ang makabibihag sa aking puso
pero sigurado kung sakali man pagtingin ko’y iyong mabatid
o irog, handa akong gawin ang lahat para sa’yo
pagbigyan mo lang akong makapasok sa iyong puso
maaaring lahat ng ito para sa’kin ay bago
ngunit makakaasa kang ipadarama sa’yo ang pag-ibig na wasto
0 notes
elyksir · 2 years ago
Text
traffic light
ano ba talaga ako sa’yo?
alam ko namang wala akong karapatang magreklamo kasi hindi mo naman batid nararamdaman ko
ngunit, bakit ipinapakita mong nararamdaman mo rin ang nararamdaman ko para sa’yo?
hindi ko naman ‘to nililihim subalit bakit parang iyong ipinaparamdam na sa’yo ay may pag-asa ko?
tunay bang ang aking damdami’y hindi pa rin batid
o pinipilit mo lang maging manhid?
tanging gusto ko lang naman ay kaliwanagan
baka sakaling ako’y iyong mapagbigyan
0 notes
elyksir · 2 years ago
Text
mistaken
sabi mo, panghabang buhay
sabi mo, hinding-hindi maghihiwalay
sabi mo, ikaw at ako na ang huli
bakit nandito na agad tayo sa dulo?
ika’y minahal nang todo
sa lahat ng tao, ikaw lang ang sineryoso
hindi alam bakit sa’yo lang nagkaganito
pero bakit ngayon ako’y iniwan mo?
ang pag-ibig ay hindi ganyan
aalis kapag wala nang maramdaman
ang pag-ibig ay pagpili nang walang alinlangan
sa kabila ng pagsubok at nawawalang pagmamahal minsan
tunay ngang maraming namamatay sa maling akala, tulad ng puso ko matapos maniwala sa mga sinabi mo, nakahandusay na lamang sa isang tabi nang bitawan mo at nagdesisyong hindi na muling pulutin pa.
0 notes
elyksir · 3 years ago
Text
piece of mind
kahit anong gawin, kahit anong pilit limutin
walang araw na hindi ka dumadalaw sa isip
konsensya lang ba itong kakaibang damdamin,
o damdaming hanggang ngayo'y hindi malirip?
hindi alam kung tunay nga bang nagkaroon ng pagsinta
sapagkat halos sa araw-araw ay ikaw ang gunita
noong nandito ka, ako ay kalmado
ngunit bakit nung nawala ka'y tila damdamin ko'y lito?
hindi ikaw ang unang kasama gumawa ng mga bagay na iyon
pero bakit ikaw ang hinahanap ng sarili ko ngayon?
tunay pa rin bang ang nararamdaman ay lingid?
o itinatanggi na lang upang lumipas ang damdaming masyado nang huli para ipabatid?
0 notes
elyksir · 3 years ago
Text
is there someone else?
iba’t ibang klase ng tao ang nakilala
ang bawat isa’y talagang kakaiba kapag nakakausap na
ngunit lahat ay natatapos sa isang iglap lang
ang lahat nga ba’y laging hanggang dito na lang?
ilang tula pa ba para makilala ang para sa akin?
bakit tila mga panalangin ay hindi dinidinggin?
hindi ko hangad ang perpektong samahan
ang mahalaga’y parehong nagkakaintindihan
tanging hiling ay magkaroon ng tahanan
sa tuwing kailangan ay laging may sasandalan
nang walang alinlangan
pag-ibig na tiyak ay laging mararamdaman
tunay nga bang may nakalaan?
o umaasa na lang sa kawalan?
0 notes
elyksir · 3 years ago
Text
does she
your laugh makes me flutter
hearing your voice makes my day
yet it hurts that she’s everything you say
when making you happy, does she do it better?
0 notes
elyksir · 3 years ago
Text
hopeless romantic
ikaw ang gustong kasama maglakbay
sa gitna ng gabi habang magkahawak ang mga kamay
ikaw ang gustong kasamang tumingin sa alapaap
sa gabing puno ng mga bituin na kumikislap
ikaw ang gustong binabalot ng mga bisig
upang hindi ka manginig sa lamig
ikaw ang gustong pinapangiti
lalo na sa mga panahong nawawala ka sa sarili
ikaw lang ang gustong kasamang gawin lahat ng mga
bagay
ikaw lang ang gusto ko, habang buhay.
0 notes
elyksir · 3 years ago
Text
true colors
hangad ko ang makilala ka
makita ang lungkot sa likod ng iyong maamong mukha
makita ang mga luha sa likod ng mga ngiti
kung maaari rin sana’y samahan ka sa gitna ng pighati
kahit kailan ay hindi ka iiwan
walang hanggang magsisilbing iyong tahanan.
0 notes
elyksir · 3 years ago
Text
fallen
i didn’t know when did this happen
the things you do just can’t seem to be forgotten
you’ve been running through my mind
there’s always you, no matter how i unwind
0 notes